Followers

Thursday, August 1, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 2]







Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 2]



By: Crayon









****Renz****







11:42 pm,  Tuesday
April 13







Malapit na ako sa bar na nakatakda naming pagkitaan nila Gelo at Neil. Matagal-tagal na din mula nung makasama ko ang dalawang siraulo kong kaibigan. Medyo nawala kasi ako sa sirkulasyon ng barkada sa nakaraang dalawang taon. Mas pinili ko ang magfocus na muna sa bagong tayo kong business noon na maganda na ang kita sa ngayon.



Makalipas kasi ang isang taon mula ng itayo ko ang shop ko ay nagawa ko agad na mag-expand at magtayo ng isa pang branch sa may Greenfield sa Mandaluyong. Maganda kasi ang naging pagtanggap ng mga tao sa main branch namin sa Makati kaya makalipas lang ang isang taon ay nabawi ko na ang puhunan namin nila mama at napagkasunduan namin na magtayo pa ng isang branch.



Dahil nga sa dalawa na ang branch ng aming shop ay nalunod din ako sa trabaho kaya wala na halos akong time para gumimik. Hindi ko na nagagawang pumunta sa mga bar na tinutunguhan ko dati para maghanap ng ka-one night stand. Maging ang minsang session ng aming barkada ay madalang ko na lang mapuntahan. 



Sa kabila ng pagiging isolated ko ay masasabi kong naging maganda din naman ang kinalabasan ng mga ginawa ko. Kahit kasi papaano ay mas nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko. Malayo sa dating Renz na walang ginawa kundi ang magliwaliw. 



Ang pangalawa kong dahilan kung bakit mas pinili ko ang magpakalunod sa trabaho ay dahil sa nangako ako sa sarili ko na hihintayin ko si Kyle. Tiyak ko sa sarili ko na siya na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Pilit kong inayos ang dati kong magulong buhay dahil gusto kong maging karapat-dapat sa kanya.



Alam kong hindi maganda ang aming paghihiwalay, dalawang taon na ang nakalilipas pero umaasa ako na maaayos pa namin ang naging gusot sa aming dalawa. At handa akong gawin ang lahat mangyari lang iyon. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa naiisip. Dahil sa nakalipas na dalawang taon ay labis ang aking pagkamiss sa kanya. Siya lamang ang hinahanap ng aking puso. Kahit na may ilang tao ang nagpaparamdam sa akin ay wala akong pakialam sa kanila dahil si Kyle talaga ang gusto ko.



Wala din akong balita sa kung anong nangyari kay Kyle o kung anu ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Hindi ako sigurado kung magkikita pa kaming muli. Hindi rin naman ako gumagawa ng hakbang para hanapin siya dahil noong huli kaming mag-usap ay hiniling niya na lumayo muna sa akin. Ang tanging pinanghahawakan ko ay ang pangako niya na babalik siya. Kung hanggang kailan ko magagawang maghintay ay hindi ko alam. 



Siguro tama lang na sa pagkakataong ito ay ako naman ang magsakripisyo at maghintay para sa kanya. Hanggang kaya ko ay titiisin ko ang maghintay para sa taong mahal ko.



Dahil sa lalim ng aking mga iniisip ay hindi ko na namalayang lumagpas na ako sa bar na sinabi nila Gelo. Kinailangan ko pang mag-U turn para bumalik.



Matapos kong mai-park ang aking kotse ay dumiretso na ako sa loob ng bar. Madaming tao ang nandoon na medyo nakapagtataka dahil Martes ngayon at may pasok pa ang mga nag-oopisina bukas. Dahil sa ingay at dami ng tao ay pinili ko muna na lumabas ng bar. Sinubukan kong tawagan sila Gelo. Ilang ring lang ay sinagot naman agad ng loko ang aking tawag. Ayon dito ay nasa may vip area daw sila. Bumalik ako sa loob at tinungo ang kinalalagyan ng dalawa kong kaibigan.



"Ayun oh! Ang elusive bachelor ng barkada, Renz Angelo Razon!", malakas na sigaw ni Gelo habang papalapit ako sa kanila. Tatatlo lamang silang nandoon si Gelo, Neil at Mico lamang ang nag-iinuman.



"Tarantado, umiral na naman ang sakit mo.", pambabara ko kay Gelo. 



"Hahaha, ganun talaga. Oh tumagay ka na pre, ang tagal mo hindi nagpakita, lalasingin ka namin ngayon.", dagdag pa ni Gelo.



"Ok lang basta ikaw ang magbabayad ng bill natin.", sagot ko.



"Grabeng tyani naman oh, ang lakas ng kita ng shop mo. Nagkukuripot ka ng ganyan.", singit ni Mico.



Nagtawanan kaming apat sa narinig. Aaminin kong namiss ko ding kasama ang mga ito. May kadalasan din nila akong binibisita sa aking shop kapag wala silang ginagawa pero hindi na kami katulad nung dati na laging magkakaharap sa inuman. 



"Renz, may balita ka ba kay Kyle?", biglang tanong ni Gelo. Nagkatinginan naman sina Mico at Neil. Marahil ay iniisip nila na hindi ako komportable sa paksang binuksan ni Gelo. Agad naman akong sumagot para mawala na ang agam-agam nila.



"Wala eh. Wala naman siyang fb. Hindi ko alam yung number niya. Yung address niya sa Bulacan ayaw niyong ibigay sa akin. Paano ko magkakabalita sa kanya? Kaya ba may alam?", balik kong tanong sa kanila. 



Agad namang umiling sina Neil at Mico.



"Ikaw ba may alam?", tanong ni Neil kay Gelo. Nakita kong rumehistro ang isang malapad na ngiti sa mukha ni Gelo.



"Oo. Ayun siya oh!",nakangisi niyang sagot saka ngumuso sa direksyon ng entrance ng bar.














****Kyle****







12:02 am, Wednesday
April 14







Nang makarating kami sa Maynila ay pinili muna namin ni Lui na kumain ng dinner sa isang restaurant sa Timog. Medyo natagalan kami doon dahil sa kwentuhan namin habang kumakain. Hindi namin namalayan ang oras kay pasado alas dose na kami nakarating sa bar na pupuntahan namin.



Hindi ko na nakita ang pangalan ng bar dahil matapos mag-park ng saaakyan ay agad na kaming pumasok sa loob ng bar. 



Kahit na may pasok pa kinabukasan ay kapansin-pansin ang dami ng tao sa loob ng bar. Sinamahan naman kami ng isang waiter sa isang lamesa at kinuha ang aming order.



Nagsisimula pa lang ang kasiyahan sa dance floor. May ilan akong nakitang nakatingin sa aming direksyon pero hindi ko masyadong tinapunan ng pansin.



"Bawal makipag-flirt ha! Ako lang ang isasayaw mo.", hindi ko mapigilang matawa sa aking narinig mula kay Lui. Marahil napansin niya akong lumilinga-linga sa paligid.



"Bakit naman?", tanong ko.



"Basta magseselos ako. Sasapakin ko yung manglalandi sayo.", nakangisi niyang sagot.



"Siraulo.", iyon lang ang nasabi ko sa kanya. 



Nang dumating ang inorder naming alak ay agad akong lumagok sa aking baso. 



"Wow! Gusto maging wasted. Baka naman ma-rape mo ko mamaya.",komento ni Lui.



"Feelingero.", natatawa kong sabi. 



"Huy, magyoyosi ako ha.", paalam ko kay Lui. Medyo natigil na din kasi ako sa pagyoyosi mula ng maisipan namin na mag-gym ni Lui.



"Ayaw.", kunot noong sagot sa akin ni Lui.



"Sige na! Ngayon lang naman uli eh.", pangungulit ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaalam sa kanya pero nakasanayan ko na kasi mula noon na sa tuwing magyoyosi ako ay sasabihin ko sa kanya. Maganda din kasi yung may pumipigil sayo para mas lalo mong nakokontrol yung intake mo ng nikotina.



"Wag kang lalampas ng limang stick ha?"



"Yup! Promise.", pagkasabi noon ay lumabas ako saglit para bumili ng yosi. Nakisindi na din ako sa tindera ng yosi dahil wala naman akong dalang lighter.



Namiss ko din ang ganito, yosi, alak, at party. Napangiti ako sa aking naisip.









****Renz****








12:32 am, Wednesday
April 14






Dahil sa sinabi ni Gelo ay napalingon agad ako sa entrance ng bar. Pilit ko inaaninag ang mga taong papasok. Hindi ko naman makita ang pigura ni Kyle dahil sa dami ng tao at patay sindi na ilaw.



"Gago ka talaga Gelo, wala naman eh.", naiinis kong sabi sa aking kaibigan dahil umasa akong nandoon nga si Kyle.



"Oo nga wala naman.", pag-sangayon ni Neil.



"Shit! Is that him? The guy wearing long sleeves?", tanong ni Mico kay Gelo na gulat na gulat.



"Hahaha, buti pa tong si Mico malinaw ang mata.", sagot ni Gelo.



"He looks great! Hindi ako makapaniwalang iyan na si Kyle. Hindi na siya yung Kyle na mukhang totoy.", dagdag pa ni Mico na ikinainis ko na dahil hindi ko makita yung tinuturo nila.



"Nyeta! Nasan ba kasi ituro niyo nga! O kaya lapitan na natin.", aburido ko ng sabi.



"Alam mo bro, chill ka lang. Tandaan mo sinapak mo siya last time. Hindi ka nga sigurado kung gusto ka pa niya makita eh.", para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.



May punto si Gelo sa sinabi. Hindi nga naman ako siguradong gusto akong makita ni Kyle. Para naman akong pinanghinaan ng loob sa kanyang sinabi. Parang gusto ko na lang umuwi at wag na lang magpakita sa kanya.



"Pero wag kang mag-alala bro akong bahala sayo. Tagay na lang muna tayo.", sabi ni Gelo.



"Nasaan ba kasi si Kyle? Ituro niyo naman sa akin.", sa kabila ng aking alalahanin ay nais ko pa ding makita si Kyle.



"Wag na muna bro, darating tayo dyan. Chill ka lang uminom ka na lang muna.", wika ni Gelo.









****Kyle****






1:45 am, Wednesday
April 14





Masaya kaming umiinom ni Lui at umiindak sa malakas na tugtog sa loob ng bar. Kanina ay inaalala ni Lui na makikipag-flirt ako kung kani-kanino pero kabaligtaran ang nangyari. Ako ang naiwan sa table at si Lui ang walang tigil na nakikipagsayaw sa mga babae sa dance floor. Hindi ko na siya pinigilan dahil mukha namang nag-eenjoy siya sa mga nakakasayaw niya.



Tahimik akong umiinom sa aming table ng may lalaking biglang lumapit sa akin.



"Hey, mukhang nakalimutan ka na ng kasama mo ah.", bati ng lalaki. 



"Oo nga eh, hayaan mo na mukhang nag-eenjoy naman siya eh.", sagot ko sa estranghero. Gwapo kung tutuusin ang lalaki matangkad lang sa akin ng konti at maganda rin ang pangangatawan.



"Frank nga pala.", sabi muli ng lalaki sabay lahad ng kamay.



"Kyle.", sagot ko sabay abot ng kanyang kamay.



"Gusto mo dun ka muna sa table namin.", imbita sa akin ni Frank.



"Ah hindi ok lang ako dito, pero salamat na din.", sagot ko.



"Eh kung samahan na lang kita dito pwede ba?", halatang nagpapa-cute ang lalake. 



"Hindi pwede dahil kasama niya ako at ayaw namin ng istorbo.", nagulat kaming pareho ni Frank ng biglang may sumingit sa aming usapan.



"Kilala mo ba to?", nakakunot na noong tanong ni Frank.



"Oo, kilala niya ako. Ako kaya ang bestfriend niya.", nilingon naman ako ni Frank para siguruhing kilala ko yung biglang umepal sa pag-uusap namin.



"Ah, Frank pasensya ka na sa kaibigan ko. Malakas lang talaga ang toyo ng isang to. Salamat uli sa imbitasyon.", paumanhin ko kay Frank.



"Wala yon Kyle, nice meeting you. Sige.", paalam ni Frank sa akin na halata ang pagkainis dahil sa ginawang pagpapaalis sa kanya.



Nang makalayo na si Frank ay hinarap ko naman ang lalaking umepal bigla sa amin.



"Yes, Gelo. Anu naman yung eksenang yon?", pinipigil ko ang matawa sa ginawang pambabara ni Gelo kay Frank.



"Hahaha wala naman, nangtitrip lang.", nakangisi niyang sagot.



"Wala ka pa ring pinagbagong kutong lupa ka.", nakatawa kong pang-aasar sa kanya. Namiss ko din kasi siya kahit papaano at hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ngayon.



"Grabe ang tagal nating hindi nagkita, tapos iniligtas pa kita sa mukang surot na lumapit sayo tas lalaitin mo lang ako.", kunwaring nagtatampong sabi ni Gelo.



"Gelo, sa kapal ng mukha mo alam kong hindi ka tatablan sa mga sinabi ko.", nakangiti kong sagot.



"Hahahaha kaya gustong-gusto kita eh, you know me too well. Maiba ako, kamusta ka na?", kaswal niyang tanong.



"Eto wala naman masyadong pinagbago.", simple kong sagot.



"Wala daw pinagbago e pinagtitinginan ka nga ng mga tao dahil sa new look mo. Hot na hot kaya ang dating mo."



"Sira, akala mo lang yon. Sino kasama mo? Bakit parang mag-isa ka ata?"



"Hindi, kasama ko si Neil at si Mico. Tara dun ka muna sa table namin para makapagkwentuhan tayo.", imbita sa akin ni Gelo.



"Sige, tara. Namiss ko din kayo."










...to be contd...











1 comment:

  1. Ayus exciting ang tagpo ni2 wow ganda talaga.,

    Julmax

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails