Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 18: Tadhana
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Hindi
ko alam kung ano ang bigla kong naramdaman sa pagkakita ko kay Diane. Bumalik
sa isip ko ang nagawa ko sa kanya, pero dahil masaya at nakangiti silang
papalapit sa amin pinilit ko na lang ngumiti para maitago ang pagkabiglang
nararamdaman ko.
Isa pa hindi ko alam kung paano mag-aapproch sa kanya hindi pa
naman talaga kami ganoong magkakilala. Nang makalapit na sila sa amin agad
naman kaming nag-hi ni Paul kay Diane, nag-hello naman s'ya at ngumiti sa amin.
Pagkatapos pormal na ipinakilala kami ni Louie kay Diane. Nagpunta pa si Louie
sa gitna namin ni Paul at umakbay.
"Diane
ito si Paul"sabay tapik kay Paul na nasa kaliwa nya.
"heto namang
bagong gupit si Louie! Heheh.. Mga kaibigan ko." tinapik din ako ni Louie
sa kaliwa kong balikat. Pagkatapos nya kami ipakilala kay Diane bumalik sya sa
kaliwa ni Diane, hinawakan ang kamay nya at nagsalita.
"Paul, Ian ito
naman si Diane.. Girlfriend ko!" parang may sumabog na bomba sa dibdib ko
sa sinabi sa 'min ni Louie.
Kakaibang lungkot ang naramdaman ko na pilit kong
tinago dahil para sa kanila isang magandang balita ang sinabi ni Louie.
"Wow, congrats!" ang pagbati naman ni Paul sa dalawa at ngiting ngiti
pa.
Itinago ko na lang ang nararamdaman kong sakit sa pamamagitan ng pag-ngiti
at pagpapanggap na masaya ako sa narinig kong balita.
"natatandaan mo ba
sila Diane?" ang tanong ni Louie na ngiting ngiti pang nakatingin sa amin.
"naaalala syempre sila yung costomer sa resto tanda ko, Ian pala pangalan
mo."
"ahh.. Eh.. Pasensya ka na pala sa nangyari noon sa resto."
ang paghingi ko ng tawad kay Diane.
"ok lang, wag mo nang isipin matagal
na yon." ang buong gabi na dapat ay masaya ay parang gabi ng pagluluksa.
Habang lahat sila ay nagkakasayahan mga pilit na ngiti at tawa lang ang ginawa
ko ng gabing iyon. Masakit makitang si Louie at Diane ay sumasayaw sa gitna ng
hall sa tugtog na para sa mga nagmamahalan, parang dinudurog ang puso ko sa mga
nakikita ko.
Sa gitna ng kasiyahan nila at kuhanan ng litrato kasama ang mga
classmate,nagpaalam ako sa kanila na lalabas lang saglit para magpahangin.
Umo-o naman sila at tinuloy ang pagkuha ng mga litrato. Lumabas ako ng gym at
lumanghap ng sariwang hangin, nag-isip, gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas
ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko mag-isa na naman ako, walang kasama, walang
nakakaintindi sa akin at walang mapag-sabihan ng bigat ng damdamin. Papaano ko
pa ngayon sasabihin kay Louie na mahal ko sya? Hay..
Sa bigat ng dibdib ko ng
gabing 'yon lumakad ako papuntang kotse, gusto ko nang umuwi, matulog at
magpahinga para man lang mawala sa isip ko ang mga nangyayari. Hindi na ako
bumalik sa loob ng gym para magpaalam sa kanila, hindi naman nila ako papauwiin
at baka maramdaman pa nila ang bigla kong pagtamlay.
Habang nagd-drive ako
pauwi na mabigat ang loob sa mga nangyari, lalo pa akong nalungkot ng makita
ang plastic ng set ng damit na ipapasuot ko sana kay Louie. Lahat ng saya at
excitement na nararamdaman ko buong umaga ay napalitan ng lungkot at pagkabigo
ngayong gabi. Nang makauwi ako sa bahay, panik agad sa kwarto.
Hindi ko na
nagawang buksan ang ilaw ng kwarto at direcho na agad na humiga ng kama. Hindi
rin naman ako makatulog, at hindi pa man din matagal ang pagkakahiga ko ang
ringtone ng cp ko ang bumasag sa katahimikan ng buong kwarto. Kinuha ko ang
cellphone ko sa bulsa at nakitang si Paul tumatawag. Nagdadalawang isip man,
sinagot ko na rin ang tawag ni Paul.
"hello." pilit kong inalis sa
boses ko ang lungkot.
"oi Ian nasan ka ba?"
"Eto, sa bahay..
Umuwi na.."
"ha? Bakit ka umuwi? Di ka man lang nagpaalam?"
"napagod lang kasi ako, pasensya na."
"kanina lang excited ka pa
ngayon naman.." umisip na lang ako ng paraan kung paano tatapusin ang
pag-uusap namin ni Paul.
"Paul lowbat na cp ko, baka maputol.." at
binaba ko ang tawag sabay alis ng battery sa likod ng cellphone ko.
Isang
malalim na bugtong hininga na lang ang nagawa ko, pagkatapos ay dumapa at
pumikit. Pakiramdam ko, naluha na ang mata ko bago ako nakalma at nakatulog.
Kinabukasan, walang pasok kaya ok lang malate ako ng gising.
Siguro mga 10am na
ako nagising at nakapagpalit ng damit, pagkatapos bumaba ako para magbreakfast.
Gutom na gutom na ako kasi kahapon pa ako hindi kumakain. Pinaghanda ako ni
manang ng agahan at habang kumakain ako nakita ako ni Mama sa dinning table at
kinamusta ang night. Sabi ko ok lang, masaya.
Sabi ni Mama it doesn't sound
masaya sa pagkakasabi ko. Kukulitin pa nga n'ya siguro ako kung hindi lang
nagring ang doorbell at sabihin ni manang na dumating si Louie sa amin. Agad
naman akong iniwan ni Mama at pinuntahan si Louie. Akala ni Mama kumakain pa
ako, pero pagtalikod nya sya namang tayo ko at nilagay ang plate at baso sa
lababo sabay panik sa kwarto ko.
Pagpanik
ko sa kwarto humarap ako agad sa computer, inilagay ang headset sa tenga ko at
nagpatugtog ng malakas. Ilang minuto pa naramdaman kong bumukas ang pinto at
may pumasok sa kwarto, malakas ang pakiramdam kong si Louie yon pero di ko
pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ng PC game kunwari hindi ko
s'ya napansin.
Nagulat na lang ako ng tanggalin ni Louie ang headset sa tenga
ko at tiningnan nya ang monitor na halos magkadikit na ang pisngi namin galing
sa likod ko at sinabing "ayos yan ha! Ang galing mong maglaro."
"oh Louie ikaw pala." naman ang sinagot ko.
Pagkatapos tuloy pa rin
sa paglalaro. Tapos, umalis din si Louie sa likod ko. Malamang umupo sa kama.
"kamusta ka naman Ian, bakit umuwi ka agad kagabi hindi ka man lang
nagpaalam?"
"ako? Eto ok lang.. Sumakit ulo ko kagabi eh kaya umuwi
na ako." hindi pa rin sya nililingon.
"ahh ganon ba.. Eh kamusta
naman kayo ni Paul?"
"what do you mean? Ok naman kami ni Paul."
"sinabi na ba nya sayo?!"
"ang alin?!" hindi ko alam ha,
pero sa mga tanong ni Louie parang may alam sya sa nangyari sa amin ni Paul.
"sinabi na ba nya sa'yo na.... gusto ka nya?" natigilan na ako sa
paglalaro ng marinig ang sinabi ni Louie.
"pano mo nalaman?" ang
tanong ko sa kanya sabay lingon sa kinaroroonan ni Louie.
Nakaupo pala siya sa
side ng kama, slight na nakatalikod at hindi rin naman nakatingin sa akin.
"sinabi n'ya."
"sinabi ni Paul? Kelan?"
"umamin si
Paul sa akin nung gabing nakatulog ka nung birthday nya. Ako pa nga ang nagsabi
sa kanya na "maigsi lang ang buhay, hindi natin alam kung buhay pa tayo
bukas. Kung may pagkakataon pa bukas na gawin o sabihin ang mga gusto nating
gawin." tapos siguro sa kalasingan umamin sya sa akin na ikaw nga ang
mahal nya."
"tapos?" "
nasurpresa rin ako nung sinabi nya
'yon. Pero, sino ba ako para manghusga? Sa iyon ang nararamdaman nya, isa pa
hindi naman masamang magmahal."
"at dahil don nasapak ko sya.."
"oo alam ko, noong gabing sinuntok mo siya at tinatawagan mo ako magkausap
kami ni Paul. Sinabi nya sa akin ang nangyari, yon na rin ang dahilan ko kaya
di ko nasagot ang tawag mo." mas nauna pa pala nyang nalaman ang lahat
bago ko pa sabihin.
Hindi ko akalaing makakaya ni Paul ipagtapat kay Louie ang
nararamdaman nya para sa akin.
"eh bakit ka naman umalis ng hindi
nagpapaalam?"
"alam ko namang hindi ka papayag, saka eto na ako
ngayon, di ba? Kasama ko pa si Diane! Hindi ka ba masaya?"
"masaya..
Saka bakit-?" hindi ko na natapos ang tanong ko sa pagsingit ni Louie.
"bakit nga ba umuwi ka agad kagabi? Akala ko pa naman excited kayong
makita 'ko ulit.."
hindi na ako nakasagot, excited naman talaga ako nung
una, pero nang marinig ko na mag-bf na sila, syempre nalungkot ako.
"nga
pala, pinapatawag ka ni Tita, gusto raw nyang sabay nyong ibigay ang gift nyo
sa akin. Hehe.. May regalo ka pala sa akin, ako rin merong regalo sayo"
"yung
regalo ko next time ko na lang ibibigay, bumaba na lang tayo baka hinihintay na
tayo nila Mama." kaya bumaba kami ni Louie ng kwarto at dumirecho sa sala
kung saan nakaupo sila Mama at Papa. Pagkatapos kinausap nila Papa si Louie.
"Louie, wala ka dito nung pasko kaya ngayon na lang namin sasabihin sayo.
Tutal g-graduate na si Christian sa March or April at wala na kaming
pinag-aaral napagpasyahan namin na.. pag-aralin ka ng Kolehiyo.. Pati na rin
ang kapatid mo ay pag-aaralin rin namin."
"Talaga ho? Naku SALAMAT PO!"
hindi naman malaman ni Louie kung papaano siya magpapasalamat, masayang masaya
siya sa ipinangako sa kanya ni Papa na pag-aaralin sya.
"Ian narinig mo
yon? Pag-aaralin daw ako ng Papa mo! Hahah.. Salamat ho, lalo ko pa pong
pagbubutihan ang pagta-trabaho ko sa inyo. Pinapangako ko pong pagbubutihan ko
ang pag-aaral. Salamat ho Tito! Salamat rin po Tita! Heheh.."
Pagkatapos
non parang ang init kaya nagpatimpla ako ng juice at nagpagawa ng sandwich kay
manang at tinuloy nila ang pagk-kwentuhan. Sa amin na rin pinagdinner nila Papa
at Mama si Louie. Sa tingin ko sa dami nilang napagkwentohan at sa saya nila
masasabi kong anak na rin ang turing ng parents ko kay Louie.
Matapos naming
kumain nagpaalam na si Louie na uuwi, ihahatid ko sana s'ya pero wag na raw ang
sabi n'ya isa pa s'ya raw ang driver namin kakatwa naman raw na ipagdrive ko pa
sya. Nagtawanan na lang kami dahil totoo naman ang sinabi ni Louie, kahit
pabiro ang dating ng pagkakasabi nya. Kaya inihatid ko na lang si Louie sa
gate.
Hindi ko pa rin talaga alam kung kailan ang tamang pagkakataon para
sabihin kay Louie na mahal ko sya, ngayon pa na sila na ni Diane.
Naalala ko
tuloy ang sinabi nya sa akin kanina. "maigsi lang ang buhay, hindi natin
alam kung buhay pa tayo bukas. Kung may pagkakataon pa bukas na gawin o sabihin
ang mga gusto nating gawin." tama naman si Louie, kaya lang parang hindi
ko pa kaya.
At ng pagpanik ko sa kwarto naiwan ko pala yung PC na nakabukas,
lumitaw kasi ang screen saver ng PC. Mga litrato naming tatlo nila Louie at
Paul na isa isang nagf-flash sa screen, mga ala-ala ng masasayang bakasyon
namin. Ng galawin ko ang mouse para i-shut down, nakita ko yung game na
nilalaro ko at ang nakasulat.. Game Over "restart" or "return to
last save point".
Naisip kong tama si Louie, walang nakakaalam ng
kinabukasan at ang buhay ay hindi tulad ng laro sa PC na pwede mong ibalik sa
last save point o magrestart kung nagkamali o may pinagsisihan ka. Kaya kahit
na bumuhos na ang kanina pang nagbabadyang ulan buo na sa isip ko na sabihin
kay Louie ngayon ang nararamdaman ko.
Sa isip ko baka pagsubok lang sa akin ang
ulan, tinitingnan kung kakayanin kong ipaglaban ang pag-ibig ko kahit may mga
unos. Kaya tumakbo ako palabas, nagdarasal na aabutan pa si Louie. At kung
sakaling aabutan ko s'ya siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko na
mahal ko s'ya at kahit ano pa ang maging reaksyon nya tatanggapin ko na lang.
Pero napagod na ako sa kakatakbo, wala nang Louie sa daan.
Basang basa na ako
ng ulan at umupo sa side walk, yumuko. Siguro di talaga nakatadhanang malaman
pa ni Louie na mahal ko s'ya. Siguro kailangan ko nang sumuko at hayaan na lang
si Louie na maging masaya kay Diane, huwag na silang guluhin.
Anong
ginagawa mo dito? Bakit nakaupo ka dyan?" parang lumundag ang puso ko sa
narinig kong boses, at pagtingin ko nakatayo si Louie sa kanan ko, nakapayong.
Napangiti ako sa saya at bigla ko syang niyakap. Wala na akong pakialam kung
may daraang sasakyan at makita kami.
"hahah.. Louie!!"
"teka
nababasa ako. Hoy.. Bakit ka ba nangyayakap?"
"tama ka Louie, ang
hindi natin gagawin ngayon baka pagsisihan natin bukas! Kaya ok lang kahit
suntukin mo ako sa mukha, pero sasabihin ko pa rin. MAHAL KITA! Woohhh.."
Sa pagkakataong yon parang bumagal ang oras, hinihintay ko kung ano ang magiging
reaksyon ni Louie, kung magagalit s'ya.
At kakaibang saya ang naramdaman ko ng
bitawan nya ang payong at yumakap rin sa akin. Hindi ko na kailangang malaman
ang sagot nya, sa yakap pa lang nya sa akin alam ko nang mahal rin nya ako.
To Be Continued
noooooooo...paano na si diane? salawahan ka louie!!! :-(
ReplyDeletenoooooooo...paano na si diane? salawahan ka louie!!! :-(
ReplyDeleteBaka pinalabas lang ni louie na cla ni diane para magselos c ian.
ReplyDeleteRandzmesia
parang hindi yakap ng kapatid lang yan.. ehhe
ReplyDelete