More stories at Rants, Stories, etc.
Photo from Living a Limitless Life
Malakas ang
hampas ng hangin sa ating mga mukha habang tahimik tayong nakaupo sa labas ng
isang kapehan. Maalinsangan ang hatinggabi kahit na gulung-gulo na ang buhok
natin sa parang galit na ihip. Nakayuko ako. Pasimple akong tumingin sa’yo at
nakita kong nakatingin ka sa kawalan. Akma ka nang titingin sa akin nang muli
kong ibaling ang atensyon sa sahig.
“Ano na?”
“Anong ano
na?”
“Hindi mo pa
sinasagot ‘yung tanong ko.”
“Kailangan
ko ba talagang sagutin ‘yun?”
“Hindi ka ba
nahihirapan?”

