Followers

Showing posts with label Love At Its Best (Book 2). Show all posts
Showing posts with label Love At Its Best (Book 2). Show all posts

Thursday, November 4, 2010

Love at its Best (Book2 Part8)

Love at its Best (Book2 Part8) "A Stone Heart"
FINALE
by: Migs


Maraming Salamat sa mga sumuporta sa book 1 and 2, sa lahat ng nagcomment at sa lahat ng tumulong para mapaganda ang kwentong ito, Nais kong magpasalamat kay Kuya Zach at Kuya Mike pati narin kay Enso, na gumawa ng napakagandang Poster para dito sa book 2, na pinamagatan niyang "A Stone Heart". Malapit ko narin palang ilabas ang Book3, sana ay suportahan niyo ito katulad ng suportang ibinigay niyo sa book1 and book2.

nga pala sa lahat ng gustong magfollow may blogspot din ako, actually matagal na, kaso di ko pa siya naaayos haha. kayo ng bahalang magpasensya duon, pero kung may mga personal kayong katanungan, dun nyo na lang idaan. http://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com I swear, aayusin ko siya once nagkaroon ako ng time. Enjoy reading!

COMMENTS, SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE STILL WELCOME.


__________________________________________________________________________________
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kalapit na kusina, Naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor, pumunta muna ako saglit sa kalapit na banyo. “Oo nga pala, nangako ako ng isang masarap na almusal para kay Dad” sabi ko sa sarili ko, nagmadali akong naghilamos at nagsipilyo. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong nakaawang ang pinto ni Dad, sinilip ko ito, nagbabasa ng isang medical book at mukhang aliw na aliw, lumapit ako sa kaniya at binati ng goodmorning. Hinalikan ko ito sa noo at pinabayaan nang bumalik sa pagbabasa.


Naglakad ako palayo sa aking ama at pupunta sana sa kusina ng marinig ko si Jon at si kuya na nagtatalo sa pagluto ng pancakes at waffles. May mga bahid ng harina sa pisngi ang dalawa at ang kalat kalat na ng work table, may mga egg shells na nagkalat, nagkalat na rin ang mga bag ng harina at boxes ng mga ready mix. Napatitig ako kay Jon, habang binabasa ang instructions sa likod ng isang ready mix box. Naguguluhan parin ako sa aking nararamdaman, ginagawa ito lahat sakin ni Jon, inaayos niya ang gulo na naiwan ni Sam, he's been helping me with my personal issues, at higit sa lahat mahal niya ako at hindi siya nahihiyang iparamdam ito sakin.


“Alam mo anak, wag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa kaniya.” sabi ni Dad na hindi ko namalayan na asa likod ko rin at tinitignan din ang dalwang kulokoy sa pinaggagagawang kalokohan sa may kusina.


“Kahit ano pa man ang dahilan mo sa pagipit ng nararamdaman mo sa kaniya, hindi yun sapat na dahilan para i-deprive ang sarili mo sa pagmamahal na maaari mong matanggap. Everyone deserves to be happy.” mahabang sabi ng aking mahinang ama. Lumabas siya sa pinagtataguan namin.


“Matt, Matt, Matt. You are not born to stay at the kitchen for more than 5 minutes. Hayaan mo na samin ni Enso yan.” pagawat ni Dad kay kuya sa paghahalo ng ingredients. Napatingin ako kay Dad, alam kong nararamdaman niya ang pagaalinlangan ko, at alam niya ang maaring dahilan.


Naging masaya ang agahan na iyon, sa wakas after a long long time, our Dad actually became a Dad. Nagtimpla ng kape si kuya at Jon. Belgian waffle, pancakes and a coffee made my day.


“so Jon, seryoso ka ba dito sa anak ko.” nasamid naman ako bigla dun sa tanong ng tatay ko na yun, biglang bumalik ang pagiging strikto nito.


“opo Sir, though di pa ako sinasagot ng anak niyo.” sa pangalawang pagkakataon nasamid nanaman ako.


“well, you have my blessing, hijo. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang isang to.” sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko.


“Dad, I think I know kung bakit natatagalan tong si Enso na sagutin si Jon.” sabat ng kuya ko.


“shut up kuya.” singhal ko kay kuya. Pero si Jon na ang nagtuloy sa ikinatatakot kong sagot.


“he's still in love with Sam.” malungkot na sabi ni Jon.


“I wouldn't blame him...” sabay tingin sakin ni Dad. “Sam was his strength, nung mga panahong dina-down ko si Enso, it was Sam who's always by his side. So I wouldnt blame him for loving Sam, even after Sam died.” naluluhang sabi sakin ni Dad. Napayakap na lang ako sa aking Ama. At napaluha na din.


“So make sure that you are worth Enso's love.” pahabol na sabi ng aking ama kay Jon. At napansin ko si kuya na tumatango tango na lang.


“don't worry Mr. Santillan, I'm willing to show Enso here, how serious I am about my feelings for him.” at sa pangatlong pagkakataon nasamid nanaman ako, at sa pagkakataong ito kailangan na akong dagukan ni kuya para lang makahinga ng maayos.


Pagkatapos ng masayang almusal na iyon ay pinagpahinga na muna namin sa kanyang kwarto si Dad. Kinausap saglit ni Jon si Dad sa loob ng kwarto, parang nagpapaalam, lalapit sana ako ng bigla akong hatakin ni kuya sa isang tabi.


“Jon's a keeper, don't mess up this time.” seryosong bulong sakin ni kuya. Lalo tuloy akong napaisip sa sinabi niyang yon.


00000oooo00000


“San ba tayo pupunta Jon?” tanong ko sa kaniya habang mane-maneho niya ang kotse ni Kuya.


“basta.” matipid na sagot ni Jon. Nagulat ako nang tumigil kami sa tapat ng simbahan.


“dito ka na lang muna. Punta lang akong CR.” paalam sakin ni Jon.


“Iwan ba ako dito?” sigaw ko kay Jon, pero hindi ko na siya napigilan pa.

Mula sa sasakyan ay tinanaw ko ang simbahan, nakagayak ito, “meron sigurong ikakasal.” isip isip ko. dahil sa pagkainip ay lumabas narin ako sa sasakyan, naglakad konti at nilanghap ang sariwang hangin. Nakita ko sa karatula na malapit sa simbahan ang pangalan ng simbahan. “Our Lady of Lourdes Parish church.” di ko mawari pero kinabahan ako. At sa baba ng karatulang yun ang “donated by Mr. and Mrs Apacible.” lalo akong kinabahan at may kasama na ngayong pangingilabot.


“BAKS!” sigaw ng isang pamilyar na boses, na bumasag saking pagiisip.


“Cha?! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya at ng makalapit sakin si bruha at isang malutong na batok ang binigay ko sa kaniya.


“ARAY! Baks naman kagalang galang ako ngayon oh, can't you see?! I'm wearing a dress made by Gelai Agustin! Kaloka ka! Tas babatukan mo lang ako ng bongga!” sabi ng bruha. Napatingin ako sa kaniya at dun ko lang nakita na nakagown nga ang bruha.


“bakit ka nga andito?! At bakit mo ako iniwan sa terminal ng bus?!” sunod sunod na tanong ko sa kaniya.


“kasal ni kuya Ed. Ok na yun Baks para magkatuluyan na kayo ni Jon! Nasan nga pala si Jon?” sagot sakin ni Cha na ikinataka ko naman.


“si Ed? Ikakasal? Akala ko ba sila ni Migs?!” tanong ko ulit kay Cha.


“aba't naginarte pa pareho, ayun nauwi tuloy sa kasalan sila Lei at kuya. Pero alam ko si Migs ang mahal ni kuya at si Migs naman ay mahal na mahal si kuya Ed.” mahabang sagot ni Cha.


“ha?! E bakit di mo pinigilan?” tanong ko sa kaniya.


“tama ba ang narinig ko, hija?” tanong ng isang magandang babae sa likod ko.


“ah eh, Mama, this is Doc Enso, doc si Mama.” pagpapakilala ni Cha sakin at sa Mama niya na nauutal utal pa.


“I thought Migs is your boyfriend, hija?” tanong ulit ng Mama ni Cha.


“It was all for a show, Mama. Sorry kung nagsinungaling kami.” paghingi ng patawad ni Cha sa Mama niya.


“tama ba ang narinig ko? Si Migs ang mahal ng kuya mo?” tanong ulit ng Mama ni Cha.


“yes Mama.”


“then your kuya is making a big mistake. Asan siya?! Kakausapin ko. hindi pwedeng magpapakasal siya then magsisisi lang siya at the end. I text mo si Migs, tanong mo kung asan siya.” utos ng Mama ni Cha sa kaniya. Tumango lang si bruha.


Umalis sila ng sabay na animo'y wala ako sa tabi nila, “ay iwan ako bigla?” sabi ko sa sarili ko. naglakad lakad ulit ako, at napunta ako sa side chapel, nag antanda at naupo saglit sa mga mahahabang upuan na andun. Naririnig ko ang wedding bells at ang tugtog na hudyat na andyan na ang bride. “napigilan kaya nila Cha si Ed?” tanong ko sa sarili ko, pero hindi ko narin nagawa pang sagutin ang mga katanungan na iyon.


May napansin akong isang parihabang hugis sa pader ng simbahan, napapalibutan ito ng ilang magagandang bulaklak at ilang naka halerang kandila. Nilapitan ko ito. Naninikip ang aking dibdib, bawat apak papunta sa puntod na aking nakita ay pabigat ng pabigat, bawat tibok ng puso ko ay rinig na rinig at damang dama ng katawan ko, kasabay ng mga ito ang patulo ng mga luha ko.


“I Love You Lorenso Santillian.”


“uso pa ba ang harana...”


“hep hep hep! Mag ce-celebrate pa kaya tayo. Nanalo kami oh, saka ang galing galing ko kaya kanina sa laro.”


Tuloy tuloy lang ang mga alaala na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, hindi ako makapaniwala, ang katotohanang pilit iniluluwa ng isip ko simula nang maganap ang aksidente ay naririto ngayon sa harap ko, napaluhod ako, di alintana ang tigas ng sahig, di alintana ang dumi nito, wala paring tigil ang pagpatak ng mga luha ko, habang kinakapa ang pangalan na nakaukit sa lapida. “Simon Apacible.”


“kuya, please I need to get out of this hospital! I need to see Sam!” sigaw ko kay kuya nang maalimpungatan ako.


“Sam is dead, Enso.” sagot ni kuya na ikinatahimik ko.


“kailan ang li..libing?” nauutal kong tanong kay kuya.


“tomorrow.” pagkasabi niyang yun, animo'y hinigop ang lakas sa buong katawan ko, nanlumo sa katotohanang narinig, nanlumo sa ideyang hindi ko na makikita ang pinakamamahal ko. napahagulgol ako. Wala narin akong pagkakataong makadalo pa sa libing, bali ang aking kaliwang paa, at maga parin ang aking kaliwang mukha. Lalo akong nanlumo, maski sa huling pagkakataon di ko na siya makikita.


“Sam, With you is where I'd rather be. But we're stuck where we are and it's so hard, you're so far.”


Sa gitna ng aking pagiyak na realize ko na maaring ito na ang iniintay ng puso ko, ang pagtanggap ng utak ko sa katotohanang hindi ko na makikita pa at mahahawakan si Sam, na hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal niya, na isa na lamang siyang alaala. Sa puntong yon natanggap na ng sabay ng puso ko at ng aking utak ang realisasyon, na wala kay Sam ang aking kasiyahan, maari noon naging masaya ako sa kaniya, pero ngayon, kailangan ko na ngang tanggapin sa sarili ko na hanggang alaala na lang ang lahat, at kailangan ko ng bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging masaya sa iba. Binasag ng isang ingay ang pagmumunimuni kong yon, tumayo na ako at inayos ang sarili. Ngayon alam ko na ang gagawin ko. biglang may yumakap sakin galing sa likod, at alam ko na kung sino yon.


“I'm here, I'm alive, I still breathe, my blood is still circulating, my heart is still pumping, and I'm in love with you.” pinaharap ako ni Jon sa kaniya at kinuwa ang kanang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.


“nararamdaman mo ba yun?” tanong ni Jon sakin. Tumango lang ako bilang sagot.


“ikaw ang tinitibok niyan.” inilapat niya ang kamay niya sa dibdib ko.


“I can feel your heartbeat, I know that some part of your heart still beats for Sam and I can't do anything about it, it frustrates me, yes, but I'm willing to take chances, I'm willing to sacrifice and I'm willing to show you not just love but love at its best everyday, if that will make the rest of your heart mine.” mahabang pahayag ni Jon, natameme ako, tuloy parin ang pagtulo ng luha ko, this time not because of Sam this time, its because of Jon. Napatitig ako sa mukha ni Jon, pinahid ng kanyang isa pang kamay ang nadaloy na luha sa aking pisngi, inabot ang aking baba at inilapit ang aking mukha sa mukha niya. Naglapat ang aming mga labi. Alam kong si Jon na talaga, kahapon pa lang nung dinala niya ako kay Dad, at ngayon, tinulungan niya akong tanggapin ang katotohanan tungkol samin ni Sam, alam ko na na siya na nga ang iniintay ko. Siya ang aking lakas sa tuwing naduduwag ako, siya ang nagtuturo sakin kung pano mabuhay ulit, siya ang bagong buhay ko. lumaban na din ako sa halikan naming yun.


“Wow. That was weak.” mahinang sabi ni Jon pagkatapos namin maghalikan, na may halong pagkadismaya.


“what?!” singhal ko kay Jon sa sinabi niyang insulto. “I lack seven years of practice! Be considerate!” pagtatanggol ko sa sarili ko sa sinabi niyang insulto.


“then kiss me again, you can have me as a guinea pig to practice on.” mangitingiting sinabi ni Jon, naglapat ulit ang mga labi namin, this time ako ang nag initiate.


Biglang bumukas ang pinto sa may side chapel, iniluwa nito ang isang babaeng nakagown na puti, kasunod nito ang sabay sabay na pagbitaw ng pagkagulat ng mga tao sa loob ng simbahan at hindi nagtagal ay kasunod na nito ang groom.


“I can't do this Ed. Nararamdaman kong unti unti ka ng dumudulas sakin, ayokong pagsisihan mo itong gagawin natin sa huli.” pagkasabi nito ng bride ay nagsulputan naman ang ina ni Ed at ang parents ng bride.


“the wedding is off.” matapang na sabi ng babae, sa mga nakapalibot na tao sa kanila.


“Ivy...” mahinang tawag ni Ed sa bride.


“di na ikaw yung dating Ed, hindi na tayo yung dating tayo, marami nang nagbago. Di mo man sabihin, nararamdaman ko lahat ng iyon Ed.” lalong nagulat ang ama't ina ng taong tinatawag na Ivy, ang bride.


“thank you, Ivy.” mahinang sabi ni Ed.


“no problem, Ed.” at ngumiti ang bride.


“ganun lang yun?!” sigaw naman ng ama ng bride.


“Dad its ok, ayaw kong ipilit ang hindi talaga pwede.” mahinahong sabi ni Ivy, at nagwalk out ang pamilya ni Ivy, halatang mabigat ang loob sa kahihiyang naganap. Tinignan ni Ivy si Ed, nagtitigan sila.


“ingatan mo si Migs, wag mo siyang sasaktan.” sabi ni Ivy. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Ed.


“pano mo...?”


“hindi ako manhid, Ed” mangiti ngiting sabi ni Ivy, at tumalikod na ito.


Natahimik lahat di makapaniwala sa nangyari, dun ko lang napansin na nakatingin sakin si Cha, at ngiting ngiti ito, magkayakap pa kasi kami ni Jon, dun ko lang din naman napansin, at bigla akong bumitaw.


“may utang ka pa sakin ah.” bulong ni Jon sakin.


“Si Migs!” biglang sigaw ni Ed, at kala mo isa lamang ang iniisip nila at sabay sabay silang naglabas ng telepono at nagt-txt, si Cha ay tumawag na, pero walang sagot.


“malamang naka silent ang phone nun, di rin naman nag lalagay ng vibrating alert yun.” paliwanag ni Jon.


“Sige na kuya, hanapin mo na siya, kami na ang tatawag kay Migs, pag nakontak na namin siya saka ka namin itetext kung asan siya.” sabi ni Cha.


“wala akong dalang sasakyan.” sabi ni Ed. Napatahimik lahat.


“Ed,” tawag ni Jon, sabay hagis ng susi ng sasakyan ni kuya, na nasalo naman ni Ed.


“don't mess up this time.” pahabol na sabi ni Jon, sabay pakawala ng ngiti. Nagtaka si Ed, marahil iniisip kung bakit nandun si Jon.


“thanks, Jon. I owe you, big time!” sabi ni Ed at tumakbo na papuntang parking lot.


“yung kulay green na honda civic yan! FBS 120!” sigaw ko kay Ed.


“at talaga namang ibinigay mo pa kay Kuya ang ride mo, Papa Jon ha? Does this mean na ok ka na para kay Migs at kuya? Ready ka nang maging past ni Migs? At maging present naman ni Migs si kuya?” pangiinis ni Cha.


“Oo, naman andito na si Enso para maging present and future ko eh.” sabi ni kumag, at yumakap ulit ito sakin.


“ayieeee! Tseh! Kayo na ang masaya!” bitter na sabi ni Cha saming dalawa ni Jon. Napatawa naman kami ni Jon ng sabay.


“pano tayo uuwi niyan?” tanong ko kay Jon.


“bus.” sagot nito.


“pano yung kotse ni kuya?” tanong ko ulit.


“ako na ang bahala doon.” paniniguro niya sakin.


“teka text ko muna sila Dad, magpapaalam na muna ako na uuwi na tayo ng Manila.”


“nasabi ko na yun, bago tayo umalis, pumayag na sila na sakin ka na tumira.”


“aba at sigurado ka na talaga na tatanggapin ko ang panliligaw mo ah, pinaalam mo na agad ako kila Dad, pano pala kung hindi ako pumayag at si Sam parin ang pinili ko.” pasinhal kong tanong.


“imposible! Pipiliin mo ang patay laban sa akin na ubod ng gwapo.” pagbibiro nito.


“aba't tarantad...” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na ulit ako ni Jon.


“alam kong papayag ka na, ipinagpaalam na kita sa lahat. Kay Sam, sa kuya mo, sa dad mo at huli, nagpaalam na ako sayo. Naramdaman mo naman na ang tibok ng puso ko. alam mong ikaw lang ang tinitibok nito.” mahabang pagpapaliwanag sakin ni Jon nung naghiwalay ang mga labi namin. Wala na akong nagawa. Mahal ko na nga ang isang to. Nagpunta kaming MOA at tumambay sa may by the bay. Nagulat ako ng biglang kuwanin ni Jon ang telepono niya at may tinext tapos nagpaalam sakin na may kakausapin lang siya saglit.


Napatingin ako sa lumulubog na araw. Ngayon ko lang naappreciate ito, masyado akong nabulag ng mga masasamang kaganapan sa buhay ko sa loob ng pitong taon, na ang mga simpleng bagay na katulad nito ay hindi ko na magawang maappreciate. Madami ng nagbago, alam kong nasa puso ko parin si Sam, pero may puwang din ito para kay Jon. Alam kong hindi magagawang kalimutan ng puso ko si Sam, dahil ito ang nagturo sakin magmahal at si Jon naman ang nagturo sa aking mabuhay at magmahal ulit, kahit na puno ng pasakit ang ibato sakin ng buhay, alam ko andyan na si Jon na magtuturo sa akin para kayanin lahat ng iyon. Iginala ko ang mata ko, nakita ko si Jon na nakaupo sa bench at kausap si Migs. Lumapit ako.


“Jon?” tawag ko. lumingon si Migs, nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagsulpot, pero napaltan din yun ng ngiti.


“Migs! Fancy meeting you here.” bati ko sa kaniya. Di ko kailangan makipagplastikan, di ko pa man siya lubusang gusto, pero kung susumahin, kung hindi niya ako inaway noon sa ER, hindi kami magkakalapit ni Jon ng ganito at hindi ko mababago ang pagiging pusong bato ko.


“ano Enso, alis na tayo?” tanong sakin ni Jon. Nagpaalaam na kami kay Migs. Naglalakad na kami palayo ng maisipan kong alaskahin si kumag.


“ikaw ah, baka may feelings ka pa sa isang yun.” sabi ko sa kaniya, sumeryoso ang mukha nito, akala ko nagalit, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


“itong kamay na ito na ang gusto kong hawakan.” sagot ni kumag na ikinakilig ko naman.


“teka, pano kung biglang umalis si Migs, baka hindi sila magpang abot ni Ed. Sinabi mo bang hindi natuloy ang kasal?” tanong ko kay Jon.


“hindi ko sinabi, hayaan mong masurprise si kulokoy. Teka balik lang ako at para maipaalala na tignan niya ang telepono niya.” bumalik si Jon at kinausap ulit si Migs. Nakita kong nilabas ni Migs ang telepono niya, bumalik papunta sakin si Jon. Nakita kong naglakad palayo si Migs, animo'y pupunta na sa main mall nang biglang sumulpot si Ed na naka barong pa at slacks na itim. Sinigaw nito ang pangalan ni Migs. Inaya na akong umalis ni Jon.


“so pano, iuuwi na kita?” tanong sakin ni Jon, sabay ngiti ng nakakaloko ni kumag. Hindi na ako sumagot pa at hindi narin siya nakapagtanong pa dahil hinalikan ko siya sa labi, hinalikan na parang wala nang bukas.



-wakas-

Thursday, October 28, 2010

Love at its Best (Book2 Part7)

Love at its Best (Book2 Part7)
by: Migs


Nais ko ulit magpasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa LAIB.

Maraming salamat din kay kuya Mike, sa pagpayag niya na makapag post ako dito.

Mga co-autjors ko sa GBN, miss ko na kayo lahat. Lalo na si Dalisay. Mother, busy ka pa?

Sensya na kayo kung medyo natagalan ang pagpost ko, medyo tinamaan lang ng katamaran. :-) 
________________________________________________________________________________



Mahapdi na ang kamao ko. Sampu? Kinse? Trenta minutos na ba akong nagsususuntok sa punching bag na ito? Hindi ko alam, basta ang alam ko, may kailangan akong ilabas na sama ng loob. Sama ng loob kanino? Sa sarili ko, kay Jon at kay Sam. Sa aking sarili kasi, alam kong gusto ko si Jon, pero wala akong magawa tungkol dito, kay Sam, dahil bakit humantong sa ganito ang pagmamahal ko sa kaniya, at kay Jon, bakit kailanagn niya akong ilagay sa sitwasyon na ito. Sabay ng paghapdi ng aking kamao ang pag kirot ng kaliwang kamay ko at ang pagtulo ng mga luha ko.


“Enso?” tawag ni Jon sa likod ko. di ko siya pinansin, tuloy parin ako sa pagsuntok.


“Is this about Sam? Sam is no longer with us.” sabi ulit ni Jon, as if I needed reminding. Itinuloy ko lang ang pagsuntok ko.


Niyakap ako ni Jon para pigilan ako sa pagsuntok sa punching bag, pinapatahan niya rin ako. Kumawala ako sa kaniya at naglakad palayo. Nagulat siya sa ginawa kong yun.


“I know I can never replace Sam in your heart.” lumapit siya sakin at pinaharap ako sa kaniya.


“No one can replace Sam. You taught me how to live, yes, but it was Sam who taught me about love and how to love at its best. So yes, YOU can never replace Sam. NEVER!” singhal ko kay Jon sabay lakad palayo sa kaniya. Napayuko narin siya, marahil ay napuno na sa sinabi ko.



“Andito pa ako! Buhay na buhay at handa kang mahalin! Ako na lang ang mahalin mo. Bakit hindi mo tanggapin na wala na si Sam? Bakit hindi mo tanggapin na hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal na hinahanap mo galing sa kaniya?!” pahabol na sigaw ni Jon. Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo.



Ilang buwan din kaming nagiwasan ni Jon, pagmagkakasalubong sa loob ng ospital, laging may isang iiwas, wala ni isa samin ang may tapang na kumausap sa isa't isa. Isang beses habang nagrarounds, napansin kong parang may nakatingin sakin, napalingon ako at nakita ko si Jon na nakatingin sakin, nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya bigla siyang bumawi ng tingin. Gustong gusto ko na siyang kausapin nun, pero naduwag ako, alam kong marami akong nasabing hindi maganda sa kaniya. Di nakatakas sakin ang tingin na iyon ni Jon, malungkot ang tingin na yun.


“anong drama mo baks?! Bakit hindi ka na nakikipagusap kay Jon?!” takang tanong sakin ni Cha.


“gusto niya kasing maging kami, pero natatakot ako, hindi ako pumayag, ayokong makalimutan si Sam.” sagot ko kay Cha.


“Ano ka ba baks?! Di mo naman kakalimutan si Sam eh. Don't you think it's time for you to be happy naman? Don't you think its time for you to let Sam be a part of your past na?” panenernong sabi sakin ni Cha.



“hindi ko pwedeng i-isang tabi lang si Sam.” mahinahong sabi ko kay Cha.



“Sam is dead.” pagpapaintindi sakin ni Cha.



“I know.”



“Jon likes you.”



“I like him too.” sagot ko. At binatukan ako ni Cha ng ubod ng lakas.



“Ang arte mo talaga! Ganito lang yan eh. Natatakot ka lang kasi na mawala yung konting alaala ni Sam na pinanghahawakan mo kaya hindi ka makagawa ng mga bagong alaala kasama si John. Hindi yan dahil ayaw mong makalimutan si Sam, dahil hindi naman mangyayari yun eh, ang ikinatatakot mo ay ang mawala ang ilang alaala niyo ni Sam.” sabi ni Cha, natameme ako sa sinabi niyang yun. Napagisipsip ko na tama siya, yun nga marahil ang problema ko. di ko napansin na tinititigan pala ako ni Cha, habang nanguya ng chocolate covered wafer ng rebisco.


“bakit ganyan ka maka titig?” tanong ko sa kay bruha.


“wala naman. Tara punta tayong Tagaytay?” aya sakin ni Cha.


“ha?! Napaka impulsive mo talaga!” sagot ko sa kaniya.


“sige na trip lang.” pagpupumilit ni Cha.


“napapagod din ako Cha, uwi na ako mamya para magpahinga!” sagot ko sa kaniya.


“saglit lang naman tayo, sige na.” pagpupumilit ni Cha, wala na akong nagawa.


“bwisit ka! Wala ka rin palang dalang sasakyan, kung maka aya ka magroadtrip!” singhal ko kay Cha , habang nakaupo kami sa loob ng bus na nagiintay sa terminal na biyaheng Mendez.


“shhhh! Haha! Roadtrip nga baks eh!” sagot naman ni Cha.


“lakas trip!” sabi ko sabay irap.


“ay manong conductor!” sigaw ni Cha nang mapasilip sa may bintana.


“Cha, kunduktor, hindi conductor.” pananaway ko kay Cha.


“Inatyin niyo ako ah, nakakita kasi ako ng donut oh, wait lang bili lang ako saglit!” excited na sabi ni Cha sa konduktor.


“sure Miss Beautiful.” sagot nung konduktor sabay kindat.


“Cha, dun ka na lang bumili sa Tagaytay!” pagpigil ko sa kaniya.


“ano ba baks! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni bruha sakin, sabay lakad sa pasilyo ng bus at nakipaglandian pa sa manong kunduktor. Pinabayaan ko na lang ang bruha sa gusto niya, binuksan ko ang ipod ko at isinukbit ang earphones. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagulat, si Jon pala. Biglang umandar ang bus dahandahan palabas ng terminal at napatayo ako, tinanaw ko kung nakasay na pabalik si Cha, walang Cha na naglalakad sa pasilyo ng bus pabalik sa upuan niya. “Nalintikan na.” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko ang bruha na ngumunguya ng donut at nakangiting pangdemonya.


“umupo ka na, baka biglang magbreak yung bus.” mahinahong sabi ni Jon.


“plinano niyo ba to? Excuse me bababa ako.” sabi ko kay Jon. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.


“isipin mo na lang na asa anger management class ka pa ulit namin ni Cha.” mahinahong sabi ni Jon, napatingin ako sa mata niya. Nagmamakaawa ito. Umupo ako at pinabayaan na lang siya sa gusto niya.


“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Jon.

“wag kang magaalala, di PA kita rereypin.” ngumiti ito na pangdemonyo. Ibinalik ko na lang ang earphones sa tenga ko at sumandal, ipinikit ko na ang mga mata ko. Tutal mukhang di naman ako sasagutin ng maayos nitong kumag na to.



Naramdaman ko na lang na bigla akong nilamig. Pagdilat ko nakasandal na pala ako sa balikat ni mokong, “ambango niya” isip ko, tinignan ko siya, tulog din. Di muna ako umalis sa ganoong posisyon. Sa halip mas lalo ko pang idinikit ang ilong ko sa dibdib niya.


“di kaya maubos ang amoy ko niyan?” sabi ni mokong, napadaretso naman ako ng upo bigla. Nagtutulugtulugan lang pala si kumag. Napahiya tuloy ako.


“oh bakit mo inalis ang ulo mo? Sige sandal ka lang. Ok lang.” sabi ni Jon, hindi siya nagloloko, seryoso ang mukha niya.


“ah eh, wag na nkakahiya naman sayo.” nahihiya at giniginaw kong sabi. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa Aguinaldo hiway na kami. Iniabot sakin ni Jon ang isang jacket.


“thank you.” mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso parin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pilit pinasandal sa balikat niya. Umakbay naman siya sakin, namiss ko ang may yumayakap sakin ng ganon. Aayos sana ako ng upo, pero pinigil ako ni Jon. “dito ka lang.” mahinang sabi niya. Di na ako nakapalag. Di nagtagal nakatulog na ulit ako.


00000oooo00000

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
You'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever

You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz 'round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
you'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever


Nagising ako sa ingay na ginagawa na yun ni Sam, hindi man maganda ang boses ni kumag, gustong gusto niya paring ginagamit ito.


“Ingay mo naman!” saway ko sa kaniya.


“aba! Ikaw kasi, tinulugan mo ako! Kita mong limang oras na akong nagdadrive dito oh.” nakasibanghot na sagot sakin ni Sam, habang nagmamaneho pauwi ng Manila galing Baguio. Tinignan ko siya, halatang nainis ang kumag. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit sa kaniya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at dun pinagpatuloy ang pagtulog.


“Antukin!” mahinang sabi ni Sam. Napangiti naman ako.


00000oooo00000


Naramdaman kong may parang mga buhangin na bumabagsak sa mukha ko. Pagdilat ko andun si Jon na kumakain pala ng buko pie. Tumingin ito sakin at ngumiti.


“bababa na tayo mayamaya.” sabi nito. Umupo ako ng maayos at pinagpag ko naman ang mukha ko ng mga mumo mula sa kinakain niyang buko pie, sabay tingin kay Jon ng masama.


“ay sorry, gusto mo ba?” sabay pagpag niya sa mukha ko. Tinignan ko ang lalagyan ng buko pie na inaalok niya, nakita kong may isang slice na lang ng buko pie ang natira. Umiling ako.


“ok, sakin na to ah.” sabay kain ni Jon sa natirang slice, natawa naman ako, antakaw kasi ni mokong. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito ng matamis. At naalala ko ulit ang napanaginipan ko kanikanina lang. Nang matapos ang kinakain, tumayo na si mokong at inabot ang kamay ko.


“halika na, lapit na tayo dun, malapit na tayong bumaba.” at inalalayan niya akong tumayo.


Pagkababa namin ng bus, tumingin ulit siya sakin. Nakita kong may piraso pa ng buko pie sa labi niya, pinunasan ko ito, nagulat kami pareho sa ginawa ko, bumawi na lang ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa isang pamilyar na bahay sa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko. Bahay iyon ng mga lolo at lola ko. Imposibleng alam ni Jon ang lugar na ito, wala akong nabanggit sa kanila ni Cha tungkol dito. Pilit ko ring inaalala kung may nabanggit nga ba ako. Tumawid kami at nag doorbell sa may gate.


“anong gagawin natin dito Jon?” mahinang tanong ko sa kaniya.


“I've been in touch with your brother.” sagot ni Jon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, may isang linggo na ang nakakaraan ng tawagan ako ng tita ko, kapatid ni Daddy, meron daw sakit si Dad, at sana daw ay makadalaw ako dito. Tahimik lang ako, hindi ko magawang tumalikod. Nanginginig na ako. Di pa man ako nakakapasok sa bahay ay nanlalamig na agad ako, hinawakan ni Jon ang kamay ko, kinakabahan. Ganun parin kaya si Dad? Siya parin kaya ang tatay kong walang puso? Humigpit ang hawak ni Jon sa kamay ko. Sinalubong kami ni kuya.


“kanina ka pa iniintay ni Dad.” sabi ni kuya, sabay yakap sakin ng mahigpit, hindi siguro niya napansin ang paghawak ng kamay ni Jon sa kamay ko.



“ano bang balita?” tanong ko kay kuya.


“Its cancer, liver cancer stage 4.” sabi ni kuya na ikinagulat ko. sinamahan niya kami hanggang sa kwarto ni Dad, di ko naman maiwasang magtaka, kung galit ako kay Dad, mas lalo na si kuya, pero eto siya ngayon mas nauna pang magpatawad kay Dad kesa sakin. Habang papalapit ako ng papalapit kay Dad, nararamdaman kong nanginginig ako. At gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko.


“Dad.” tawag ko sa aking ama. Napaupo ito mula sa pagkakahiga, pansing pansin ang pagbaba ng timbang niya, pumuti ang buhok at nawala ang dating mapagmataas na tingin. Pumalit sa tingin nito ang maluhaluhang tingin at punong puno ng pagsisisi.


“Lorenso, anak.” mahina at garalgal na sabi ng aking ama. Lumapit ako, habang naglalakad palapit ay di mapigilan ng mga luha ko ang bumagsak. Nangangatog parin ako. Habang papalapit ay luilinaw na rin ang mukha ng Dad, sa mga pisngi ni Dad ay dumadaloy ang mga luha ng pagsisisi.


“Patawarin mo ako Anak, naging masama akong ama sa inyo ng kuya mo, naging masama akong asawa sa Mom ninyo.” umiiyak na sabi ng aking ama.


“shhh Dad, tama na. Hindi makakabuti sainyo ang ganyan. Mabuti pa magpahinga na muna kayo.” sagot ko sa aking ama. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.


“Nais ko lang naman mabigyan kayo ng magandang buhay, pero kasabay ng pagasenso natin ay ang pagiging bato ang puso ko at naging mapusok ang bawat pagtrato ko sainyo. Sana ay mapatawad niyo ako.” paghingi muli ng kapatawaran aming ama. Napalingon ako sa aking kuya, puno na rin ng luha ang pisngi nito.


“Dad, tama na. Kalimutan na natin lahat ng iyon. Ang pangit tignan eh, tatlo tayong nagbrubruskuhan dito, tas iyak tayo ng iyak.” pagbibiro ko, sabay sabay napatawa kaming tatlo.


“if only Mom is still here, panigurado ko matutuwa yon.” sabi ni kuya, habang binabalik ang nasirang composure. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Jon, nakangiti itong tumalikod at lumabas papuntang sala.


“I'm sure your mom would have been happy indeed.” paniniguro ni Dad. Napayakap ako sa aking ama. Mula sa yakap na iyon, alam ko, wala na ang pusong bato na namamayani dito dati.


“pagluluto kita bukas ng waffles and pancakes, Dad.” sabat ng kuya ko. Nagkatinginan kami ni Dad at palihim na ngumiti.


Lumabas ako ng kwarto ni Dad, huminga ng malalim at di ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Kasunod ko si Jon at si kuya, niyakap ako ni Jon. Napayakap narin ako sa kaniya. Nakita ko namang nakatingin samin si kuya.


“magkatabi ba kayong matutulog?” tanong ni kuya na ikinagulat ko naman.


“Opo”... “hindi ah!” sabay naming sabi ni Jon. Napangiti si kuya.


“I mean uuwi kami.” sagot ko kay kuya, at tinignan ng masama si Jon.


“dito na kayo matulog Enso, halatang pagod pa kayo. Saka sabi sakin nitong si Jon may pupuntahan pa daw kayo bukas.” at ngumiti ito.



“eh san mo patutulugin tong si Jon?” tanong ko kay kuya, kasi medyo may kaliitan din yung bahay.


“magtabi na kayo dun sa guest room. Ok lang na mabuntis ka Enso, may tarbaho nanaman kayo eh, kaya nyo nang sustentuhan ang bata pagnagkataon.” at humalakhak si kuya.


“tado!” sabi ko kay Kuya.


“and besides, Jon looks like the marrying type.” pahabol na pangaasar ni kuya.


“Tantanan! Pwede?!” sigaw kong balik kay kuya. Habang si Jon naman ay nangingiti lang sa gilid.


Habang nasa kwarto kami, wala kaming imikan ni Jon. Nanonood lang ako ng TV, habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Mayamaya nangulit nanaman ang mokong.


“palabiro pala kuya mo no?” tanong nito sakin.


“Oo, kumag yun eh.” sagot ko naman sa kaniya, habang nakatutok ang mata ko sa palabas na Rubi.


“at least siya boto sa akin.” mahinang sabi ni Jon. Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.


“tulog na tayo?” pagiiba ko sa usapan.


“ok sige.” sabi ni Jon, sabay patay ng ilaw.


“ayoko ng nakapatay ang ilaw.” sabi ko. at binuksan ulit ang ilaw sa tabi ng kama.


“eh di ako makakatulog pag nakabukas ang ilaw eh.” sagot ni kumag. At patay ulit ng ilaw.


“eh pano naman ako makakatulog kung papatayin mo yang ilaw?” tanong ko. biglang bumukas ang pinto, at bumulaga si kuya.


“para kayong magasawa!” sabi ni kuya, sabay halakhak at sara ng pinto.


“sige na iiwan na lang na bukas yang ilaw, pero yayakap ka sakin.” kundisyon ni Jon.


“Wag na! Sige patayin mo na lang.” sabi ko.


“ayun naman pala eh, susuko ka rin naman pala eh.” pangaasar ni Jon.



Di pa man nagtatagal ay narinig kong humilik si kumag, at hindi na talaga ako nakatulog.


Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails