Followers

Showing posts with label Tok-Hang. Show all posts
Showing posts with label Tok-Hang. Show all posts

Thursday, May 31, 2018

Tok-Hang 21 (B2)



By Michael Juha
getmybox@hotmail.com


Madilim, Mahalumighig, At Makipot Na Yungib

Tuwang tuwa ang mga estudyante. Nagbunyi sila sa tagumpay ng kanilang rally. Sa tantiya nila ay nasa mahigit limang libong estudyante ng unibersidad ang dumalo at aktibong sumuporta sa kanilang ipinaglaban. May mga magulang din silang nakitang nakisimpatiya. Hindi nila inaasahan ang ganoon kainit na pagsuporta ng mga estudyante. Sa buong kasaysayan ng unibersidad, noon lang nila nakita ang ganoong kapulidong pakikiisa ng mahigit sa kalahating populasyon ng eskuwelahan. At ang ikinatutuwa pa ng mga dumalo, naging concert ito at mistulang isang dance party pagsapit ng hapon.

Sa apartment ni John tumungo ang magbarkada pagkatapos ng rally. Inimbitahan din nila si Shane, ang bise presidente ng student council na siyang namuno. Nandoon din ang iba pang mga student leaders na todo ang pagsuporta. Sa pagtitipon nilang iyon ay itinuloy nila ang kanilang kasiyahan. Nag-inuman, nagkantahan, nagkuwentuhan sa kanilang sunod na mga plano. Alam nila kasi na sa ugali ng Dean, hindi ito basta-basta na lang tatanggap ng pagkatalo.

Ibinahagi ni Shane ang kanyang planong pagsampa ng kaso sa Dean. Hihikayatin din niya ang mga estudyanteng nabidyuhan at nakasave ang mga litrato sa desktop ng Dean. At si John ay magsasampa rin ng kasong pamba-blackmail ng Dean sa kanya at kay Timmy.

Sa pagtitipon nilang iyon sa apartment ni John ay ramdam pa rin nila ang euphoria sa hindi inaasahang tagumpay. Madaling araw na nang matapos ang kanilang kasiyahan. At halos lahat ay lasing nang umuwi.

“Tulog na tayo, Tok.” Ang sambit ni John nang nagsiuwian na ang kanilang mga bisita.

“Puwede. Pero i-explain mo muna nang maayos iyong video ninyo ng Dean. Dalawa iyon. Una ay iyong hinalikan ka niya. At pangalawa, iyong sa ibabaw ng kama, na nagsex kayo.” Ang sagot ni Timmy.

Kinabahan na naman si John. Hindi kasi niya alam kung paano ba talaga i-explain. “Ano ba ito? Pabalik-balik na lang!” ang sagot ni John na biglang nakamot ang ulong hindi naman makati. “Di ba nag-explain na ako sa iyo? At hindi pa ba sapat iyong presentation nina Jeff na magaling mag edit at mag-photoshop iyang Dean natin?” ang sagot niya.

“Oo. Pero iyong halikan ninyo… photoshop din iyon?”

“Di ba sa video ay naputol? Iyon iyong time na kumalas ako, Tok! Bigla na lang niya kasi akong hinalikan at kaya niya pinutol iyon ay dahil nagalit ako sa kanya. Maniwala ka!”

“Puwede…” ang sagot ni Timmy na tumango-tango. “Eh, iyong nasa kama? Iyong naghalikan at pagkatapos ay pumatong siya sa iyo, at itinaas-baba pa angkanyang ulo sa iyong pagkalalaki?”

“Nakita mo ba ang mukha ko?”

“Paano ko makikita, pumatong siya sa iyo eh.”

“Iyong video scandal natin sa CR na pinaikot niya. May mukha ba tayo? Wala, di ba? Parho lang iyon, Tok…”

“At bakit ka naman nagpunta sa bahay niya at hindi mo pa sinabi sa akin?”

“Tok… di ba ayokong mahinto ka sa pag-aaral dahil alam kong pangarap mo iyan at iyan din ang pangako mo sa iyong inay? Kaya ako na ang gumawa ng paraan. At kung bakit hindi ko sinabi sa iyo ay dahil ayaw kong mag-worry ka.”

Hindi na sumagot si Timmy. Bagamat nasiyahan siya sa paliwanag ni John, hindi niya maiwasan na magtanim pa rin ng pagdududa.

Kaya sa gabing iyon, kagaya ng tagumpay nina Shane sa kanilang rally laban sa Dean, nagtagumpay din si John na sisirin ang madilim, mahalumighig, at makipot na yungib kung saan ay naroon ang bantog na underground river ng Palawan… sa tumbong ni Timmy.

Kinabukasan ay mainit na pinag-uusapan sa campus ang rally ng mga estudyante na nahantong sa isang public party. Masaya ang mood nila, ramdam pa rin ang euphoria at pride ng mga dumalo sa kanilang pakikiisa sa isang dakilang layunin para mapatalsik ang tyrant at mapang-api na Dean. May umiikot ding bulong-bulongan na pinatawag na raw ng Presidente ng Unibersidad ang Dean.

Sa isang sulok ng student center, habang nag-uumpukan ang barkada nina Timmy at pinag-usapan pa rin ang kanilang ginawa, dumating si Shane. “May good news at bad news ako sa inyo, guys!” Ang sambit niya sa grupo.

“Ano iyon, Shane?” ang tanong ni Timmy.

“Galing ako sa office ng university president. He scolded me for initiating the rally nang walang pahintulot. Pero later, he went on to praise me and the students...” nahinto siya sabay tawa “…of course sa grpuo ninyo or your bravery in exposing the serious violations of the Dean that not even he thought the Dean could do.”

“Wow! Congrats sa atin!” ang sigaw ni Jeff.

“And the good newas...” ang dugtong ni Shane, “…napatalsik na ang Dean. Effective sa araw na ito!”

“Yesssssssss!!!” doon na sumigaw ang buong grupo. At si Joy ay talagang tumayo, sumayaw ng Gangnam, walang pakialam kahit maraming estudynteng nakatingin sa kanya. Si Aaron naman ay pinatugtog ang kanyang cp ang kantang gangnam.

Nagtawanan ang grupo.

“Ano ang bad news?” ang tanong ni Jeff.

“Magsampa rin ng kaso laban kina Jeff, Joy, at buong team na nagbukas sa kanyang computer, isama rind aw ako sa kaso at sa iba pang mga student leaders.”

Nahinto sa pagsasayaw si Joy. “Ano raw ang bad news?” ang tanong niya.

“Sasampahan ka raw ng kaso ng Dean dahil sa unauthorized na pagbukas mo sa kanyang computer?”

Tiningnan ni Joy si Aaron sabay sabing, “Music please at budots budots naman ang kanyang isinayaw.”

Tawanan uli ang grupo habang pinatugtog ni Aaron ang Budots na music mula sa kanyang cp, ang ibang estudynte naman ay aliw na aliw kay Joy na nang-engganyo pa sa ibang mga estudyante na sabayan siya sa pagsasayaw. At syempre, iyong ibang estudyante na mga baliw at naaliw kay Joy ay nakisayaw na rin.

“Ano ang plano ninyo ngayong magsasampa pala ng kaso ang Dean?” ang tanong ni Timmy.

“Wala. Mas madiin siya kapag itutuloy niya iyan dahil magsilabasan ang mga testigo at ang mga baho niya. At isa pa, may kaso din naman tayo sa kanya eh.”

“Sabagay. At sa Baguio rin daw, magsasampa ng kaso ang kinakapatid ni John na si Jeremy.”

“Siguradong hindi na makapagturo ang hayop na Dean na iyan.” Ang sagot ni Shane.

“Kumusta naman ang presidente ng student council, pare?” ang pagsingit ni Jeff.

“Nagkausap din kami… at ang sabi niya ay nagsubmit na siya ng resignation sa Dean ng Student Affairs,”

“That’s better. Feeling ko kasi, masyado siyang pormal na tao, out of touch sa reyalidad ng mga problemang kinakaharap ng mga estudyante. Palibhasa kasi, anak mayaman, at parang takot makisalamuha sa masang estudyante. Indecisive pa at walang sariling paninindigan.” Ang sambit ni Jeff.

“Sanay kasi siya na ang lahat ng bagay ay may gumagawa para sa kanya. Kaya pati desisyon niya para sa student council ay inaasa niya sa kanyang mommy.”

“Iyan ang napala niya. Dapat sana ang mommy na lang niya ang nagpresidente.

Tatango-tango naman ang ibang miyembro ng barkada.

“So congrats, pare… Ikaw na ang student council president.”

“Salamat. Pero hintayin na lang muna natin ang official announcement galing sa opisina ng Dean of student affairs.”

***

Isang gabi, ilang araw ang nakalipas pagkatapos ng rally, naghanda ng mga ebidensya para sa kaso na ipa-file nila sina Jeff at Joy sa apartment ni John. Kinalkal na nila ang files ng mga litrato na na-kopya ni Joy galing sa computer ng Dean. Inisa-isa nilang tiningnan at pinag-aralan ang mga litrato ng mga estudyante. May mga babaeng estudyanteng naroon, ngunit ang karamihan ay mga lalaki, at mga guwapong lalaki. Pati si Timmy ay naroon, naroon din sina Jeff, Aaron at Daniel. At ang mayroong pinakamaraming litrato ay si John. Kahit mga litrato niya noong bata pa siya ay naroon din.

“Talagang obsessed ang animal kay Hang!” ang sambit ni Joy. “Hindi na nahiya!”

“Selos ka lang Joy!” ang biro ni Aaron.

“Ba’t ako magseselos! Natikman ko na kaya silang dalawa ni Tok at Hang!” sabay din bawi, “Charing!”

Sa mga laman na files ng Dean ay may mga controversial na kuha rin, kagaya nang may lalaking nakahubad, kitang-kita ang ari, may naghahalikang lalaki at babae, may naghahalikan ding kapwa lalaki. At iyong nagtatalik na dalawang lalaki sa CR na ikinabit sa video nina Timmy at John at naging viral na scandal, naroon din. Nakilala na rin nila kung sino ang mga nasabing estudyante ngunit pinipixilized na lang ni Joy upang hindi mabunyag ang kanilang pagkakilanlan at hindi sila mapahiya.

Halos matapos na sila sa pag sort out sa litrato ng mga estudyante at pag-match sa kanilang mga pangalan nang biglang napako ang paninigin ni Joy sa isang litrato. Inusisa niya ito nang maigi at inilapit pa ang kanyang mukha upang maklaro niya ito.

Ngunit nang na-kumpirma niya sa kanyng mga mata kung sino ang nasa litrato, dali-dali rin niyang pinindot ang minimize na button upang itago ang nasabing litrato.

Ngunit nakita ni Timmy ang kanyang ginawa. “Ano iyon Joy?” ang tanong niya.

“Eh… w-walang kwentang litrato, Tok…” ang sagot lang ni Joy na hindi ipinahalatang nag-alala siya.

“Patingin nga!” ang paggiit ni Timmy habang inabot ang mouse ng computer.

“Huwag mo nang pag-aksayahan ng time iyon, wala iyon.” Ang sagot naman ni Joy na pilit inilayo ang mouse sa kamay ni Timmy.

Lalong nagtaka si Timmy sa inasta ni Joy. Tinitigan niya si Joy. “Gusto kong tingnan ang litratong iyon, Joy. Akin na ang mouse.” Ang giit ni Timmy na seryoso ang mukhang nakatingin kay Joy.

Wala nang nagawa si Joy kundi ibigay kay Timmy ang mouse. Nang lumantad ang litrato, hindi lubos maisalarawan ni Timmy ang tindi ng kanyang galit. Ang nasa larawan ay si John. Nakaupo siya sa isang silya, nakayuko habang ang kumuha ng larawan ay nakatayo na nakaharap sa kanya. At ang ikinagalit ni Timmy sa larawan na iyon ay ang postura ni John. Wala siyang saplot sa pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan, nakabukas ang zipper ng kanyang faded na maong na pantalon, bahagyang nakahawi ang kanyang puting brief at nakausli ang mahigit sa kalahati ng kahabaan ng kanyang pagkalalaki. At ang labis na ikinagalit niya sa litratong iyon… hinahawakan ng Dean ang ari niya habang nakaharap sa camera, nakangiti na parang nang-aasar, nang-iinggit at nag-V sign pa.

At hindi lang iyon ang litrato. May isa pang litrato kung saan ay ang mismong ari ni John ay isinubo ng Dean.

“Joy… paki-check nga kung photoshopped o edited ang litrato?”

Tinitigan ni Joy. Pagkatapos ay tinawag ang iba pang barkada. “Uy… tingnan niyo nga?” ang utos ni Joy.

Tiningnan ng barkada ang litrato. “O, sa tingin ninyo ay edited ba?”

Nagsitinginan ang barkada. Pagkatapos ay tiningnan nila si Joy. “Ikaw an gexpert d’yan eh!” ang sabay-sabay na sabi nila.

“Ano, Joy… authentic ba?”

Hindi makatingin-tingin si Joy kay Timmy. Nakasad-face na tumango.

Iyon lang. Hindi na nagsalita si Timmy na agad tumayo at tahimik na tumungo sa kanilang kuwarto ni John. Dahil panggabi ang pasok ni John, wala siya sa kuwarto.

Dali-daling nag-impake si Timmy. Inilagay niya ang mga mahahalagang gamit sa kanyang backpack. Habang nag-impake siya ay muling naglaro ang mga katanungan sa kanyang isip na pilit na sana niyang binura sa mga paliwanag ni John. Kung bakit pumupunta si John sa bahay ng Dean nang hindi man nagpapaalam sa kanya, kung bakit may mga pagkakataong medaling araw na siya kung umuuwi.

“Tol… sa bukid na ako matutulog.” Ang pagpapaalam ni Timmy kina Jeff, Joy at iba pang barkada na tumulong sa paghanda ng mga ebidensya. Bitbit na niya ang kanyang mga gamit na inimpake at handa na siyang umalis ng apartment.

“B-bakit? S-saan ka ba pupunta, Tok?” ang tanong ng barkada.

“Sa bukid.”

“Tok, huwag naman ganya, Tok. Huwag mo kaming iwanan dito, Tok…” ang pakiusap ni Jeff. Ginawa nila ang lahat upang pigilan si Timmy. Nagmakaawa pa si Joy na huwag magtanim ng galit si Timmy kay John at nagsorry pa siya dahil nakaramdam siya ng guilt dahil siya ang nakadiskubre sa litrato na iyon.

“Wala ka namang kasalanan, Joy. Mas maganda nga na lumabas ang lahat. Hindi ako galit sa inyo, wala akong sinisisi. This is between John and me at hindi kayo kasali. Kaya cool lang kayo.” Ang paliwanag ni Timmy.

“Kung ganoon, Tok…huwag ka nang umalis. Gabi na. Tutal ay wala naman si John eh.” Ang sambit naman ni Aaron.

“Ok lang, pare. Alam mo naman na matagal na ring hindi ako umuuwi sa bukid dahil nga hindi na kami nagkasabay ng schedule ni John, at panggabi na ang pasok niya. Pero ngayon… puwede na sigurong kahit ako na lang mag-isa sa bukid. Mas maganda para makapag-isip din ako ng maayos.” Ang sagot ni Timmy na binitiwan ang isang pilit na ngiti.

Dahil buo na ang isip niya, dali-dali siyang lumabas ng apartment. Hinabol pa siya ng Tito ni John upang ipapahatid sa paanan ng bundok ngunit tinanggihan ni Timmy ito. May dadaanan pa raw siya. Bago siya simakay ng tricycle, pinatay ni Timmy ang kanyang cell phone.

Pinahinto ang sinakyang tricycle sa karinderya kung saan ay una silang naging magkaibigan ni John. Iyon iyong araw kung saan ay binugbog ni John ang class president ng kabilang section nang siniraan niya ang inay ni Timmy. Galit na galit pa si Timmy noon kay John. Ngunit sa ginawa niyang pagtanggol kay Timmy, lumabot ang puso niya. Sa restaurant na iyon nangyari ang una nilang pagiging magkaibigan. Nag-inuman sila. Nalasing si Timmy at kinarga ni John pauwi sa bahay nila sa bukid. At ang sumunod na mga pangyayari ay bahagi na ng kasaysayan.

Umurder si Timmy ng tatlong beer at kanin. Habang umiinom siyang mag-isa, abala naman ang kanyang isip tungkol sa mga pinagdaanan nina John simula nang naging sila. Mayroong mga babaeng nagtangka kay John sa eskuwelahan, mayroon din sa Roxas City nang nag stop-over siya roon sa paghahanap sa kanyang inay, mayroon din siyang girlfriend sa Maynila... ngunit sa isang bakla na nasangkot sa kanya, iyo pa lang sa Dean ang nangyari. At ito ang pinakamatinding sakit na kanyang naramdaman.

Binitiwan ni Timmy ang isang malalim na buntong-hininga. Litong-lito pa ang kanyang isip at hindi alam ang kanyang gagawin.

Madilim ang daan na binaybay ni Tokhang, ang kanilang kabayo. Matagal-tagal na ring hindi naka-uwi si Timmy sa kanyang dampa sa bukid. Naalala pa niya ang huling tagpo nila ni John doon. Silang dalawa lang sa bukid noon dahil wala nang banta sa kanila noong Felix Alberto. Sa huling araw nila ay naligo sila sa ilog at doon kumain sa may pampang. Kinagabihan ay muli na naman silang bumalik sa pampang at doon nag-inuman. Tinamasa nila ang sariwang hangin at ninamnam ang tahimik na kapaligiran. Inangkin nila ang ganda ng kalikasan. Iyon ang huling gabi nila bago nila iniwan ang bukid upang doon pansamantalang manirahan sa apartment ni John.

“Ang sarap talaga dito sa lugar mo, Tok ano? Presko ang lahat, tahimik, napakaganda ng tanawin… Dito sa bukid ninyo, wala ka nang mahihiling pa. Hindi nga nagkamali ang inay mo sa pagbili ng lupang ito.” Ang naalala ni Timmy na sinabi John sa kanya sa huling araw nila sa bukid.

Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti. “Hinding-hindi ko ito ibebenta kahit ilang milyon pa ang i-offer na halaga sa akin. Ito lang ang natitirang alaala ko sa aking inay.” Ang sagot naman ni Timmy.

Kinabukasan noon ay bumaba na sila sa bukid upang doon na manatili sa apartment ni John habang tinatapos nila ang semester dahil magkaiba nga ang ibinigay sa kanila ng Dean na schedule ng klase.

Nahinto ang pagmumuni-muni ni Timmy nang nakarating na siya sa kanyang lugar. At laking gulat niya nang mapansin ang kaibahan ng lugar. Wala na ang kanyang dampa at sa halip ay isang semi-concrete na bahay ang kanyang nakita. May ilaw ang bagong bahay na iyon at nang tiningnan niya ang gilid ng bahay ay naroon ang generator na bigay ni John kay sa kanya nang namatay ang kanyang inay. Iyon ang ginamit na pampailaw ng bagong bahay.

Dali-daling tinumbok ni Timmy ang dating pinagtitirikan ng bahay niya. Maliban sa mga itinambak na gutay-gutay na kahoy, nipa na dating atip, wala na siyang iba pang palatandaan na doon nakatayo ang bahay niya. Pati ang kanyang mga pananim na gulay ay kung hindi man pinatag, pinagtatabas. Mabuti na lang at ang mga alagang manok at hayop niya ay naibenta niya bago sila umalis. Ang iba naman ay ipinamigay sa kapitbahay.

Sa galit ni Timmy ay agad niyang pinuntahan ang bahay. “Tao po! Tao poooo!!!” ang sigaw niya.

Isang lalaki ang lumabas. “Ano po ang kailangan nila?”

“Sino po ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na magtayo ng bahay dito sa lupa ko? At sino po ang sumira sa bahay namin?” ang sigaw ni Timmy.

“Huwag mo akong sigawan, Totoy! Itong lupa na ito ay matagal nang pagmamay-ari ni Mr. Felx Alberto. Siya ang amo ko at pinayagan niya ako at ang aking pamilya na manirahan dito upang bantayan na rin ang lugar. Magtatayo siya ng piggery rito. Ako ang mamamahala.” Ang sagot ng lalaking nakatira sa bahay na nasa mahigit 40 ang edad, sunog ang balat at halatang sanay sa mabibigat na trabaho.

“Ako po ang may-ari ng lupang ito at matagal na po naming pag-aari ito!” ang sagot ni Timmy.

“Puwes ilabas mo ang iyong katibayan. At huwag mo akong sisigaw-sigawan dahil malilintikan ka. Nandito ka sa aking teritoryo at baka sa ilog ka pupulutin kapag nagkataon!” ang galit na banta ng lalaki.

Hindi na nakipag-argumento ni Timmy. Alam niyang delikado ang buhay niya kapag pinatulan niya ang lalaki. Wala siyang kalaban-laban. Kaya bumalik na lang siya sa bahay ng mag-asawang Alicia at Nardo, tagapag-alaga kay Tokhang kapag wala sina Timmy at John sa bukid.

Nagulat ang mag-asawa nang muling bumalik si Timmy. Ikinuwento ni Timmy ang nangyari sa kanilang lupa sa bukid.

“Diyos ko! Ang bilis naman! May apat na buwan na bang nawala kayo?” ang tanong ni Aling Alicia kay Timmy.

“Mga ganyan na po.”

Napatingin sa isa’t-isa ang mag-asawa. “Marami nang nabiktima ang Felix Alberto na iyan. Isang bigtime negosyante kasi iyan at kapatid ng gobernador. Malakas din ang kuneksyon niyan sa mga pulitiko dito sa lalawigan natin.” Ang sabi naman ni Mang Nardo.

“Nakita niyo na ba siya?” ang tanong ni Timmy.

“Hindi pa. Kadalasan ay mga tauhan lang niya ang pinapupunta rito. Ang ginagawa niyan ay aangkinin ang mga lupa na sa bukid na walang nagbabantay. Tatakutin ang mag-ari at pagagawan ng kumpletong papeles ang lupa na aangkinin niya. At dahil mahihirap ang biktima, wala nang habol. Ngunit kapag maghahabol naman, pahihirapan niya. Kung may pera, ipatutubos niya. At milyones ang bayad sa pagpapatubos, depende sa laki. Paano matutubos iyan ng mahihirap? Saan sila kukuha ng milyones?”

Biglang natahimik si Timmy. Sa isip niya ang malaking tanong kung saan siya maghahanap ng pera na ganoon kalaki. At sa gayong sitwasyon pa na galit na galit siya kay John. Alam niyang hindi niya kayang basta-basta na lang ibigay ang lupa na iyon. Sobrang mahal niya iyon dahil iyon lang ang natitirang alaala niya sa kanyang namayapang inay. Kahit nga ang dampa nila ay hindi niya ipina-kunkreto dahil ayaw niyang masira ang iniwang alaala. Ngunit sinira rin ito ng tauhan ni Felix Alberto.

“Tao po! Tao po!” ang biglang narinig nila.

Nahinto sila sa kanilang pag-uusap at pinakinggang mabuti kung sa kanilang bahay nga ba ang nag “Tao po.”

Nabosesan ito ni Timmy. Kaya binulungan niya ang mag-asawa. “Mang Nardo, Aling Alicia... si John iyan. Kapag hinanap niya ako, huwag po ninyong sabihin na nandito ako.”

“Ano ang sasabihin ko?” ang tanong ni Aling Alicia.

“Basta po, hindi ninyo ako nakita. At kapag kukuhanin niya si Tokhang, ibigay niyo lang po.”

“Magandang gabi John. Ikaw pala iyan?” ang pagbati ni Aling Alicia nang binuksan niya ang pinto.

“Magandang gabi rin po, Aling Alicia!” ang sagot ni John.

“Kukunin mo ba si Tokhang?”

“Ah... H-hindi po ba umuwi si Timmy sa bahay niya sa bukid?” ang tanong ni John.

“H-hindi naman.”

“Ah... kaya po pala nandito pa rin si Tokhang.”

“Oo nga John. Hindi ka ba tutuloy sa bukid?”

“Ah... hindi na lang po. A-akala ko kasi, nandoon si Timmy. K-kung nandoon siya ay aakyat po ako.”

“Bakit? Hindi ba kayo magkasama?”

“Magkaiba po kasi ang klase namin, Aling Alicia. Sige po, aalis na lang po ako.”

“Nag-aaway ba kayo?” ang tanong ni Aling Alicia.

“M-may konting tampuhan lang po.”

Hindi na nagtanong pa si Aling Alicia. Umalis din kaagad si John.

Nang wala na si John ay hindi na umimik ang mag-asawa. Naramdaman nilang may tampuhan nga ang dalawa. At dahil gabi na, inanyayahan nilang doon na lang muna magpalipas ng gabi si Timmy sa bahay nila.

Sa gabing iyon ay mistulang sasabog ang utak ni Timmy sa dalawang malalaking dagok at problemang dumating sa buhay niya – sa kataksilang ginawa ni John at sa pagsira at pag-agaw ng isang Felix Alberto sa bahay at lupa niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Hanggang sa nabuo rin sa isip niya ang isang desisyon.

Kinabukasan ay maaga siyang umuwi sa apartment. Dumeretso siya sa kuwarto nila ni John. Nang nasa loob na siya, naroon si John na tulog pa ngunit bigla ring nagising nang naalimpungatang siya ang pumasok ng kuwarto.

“Saan ka nagpunta kagabi, Tok?” ang tanong n John.

“Wala ka na roon. At hindi ako nagpunta rito dahil sa iyo.” Ang sagot ni Timmy.

“Ano ba ang problema?” ang tanong ni John.

“Nagmaang-maangan ka pa. Iyan ang ayaw ko sa iyo eh. Alam mo ang problema tapos ako ang tatanungin mo? Ano ‘to? Gaguhan?”

“Puwede naman nating pag-usapan iyan, ‘di ba? Magpaliwanag ako sa iyo.”

“Huwag na. Pagod na ako sa mga paliwanag mo.”

“Inaamin ko naman, Tok. Mali ako sa hindi ko pagsabi sa iyo na pumunta ako sa bahay ng Dean. Pero alam mo naman na iyon ay para lang hindi tayo niya i-expel sa unibersidad eh, lalo na ikaw.”

“Sinabi ko nang ayaw ko nang makinig sa mga paliwanag mo eh!” ang bulyaw ni Timmy. “Nandito lang ako dahil gusto kong makipag-usap sa Tito mo. May sasabihin ako.”

“O-okay… okay” ang sagot ni John. “Ngayon na ba?”

“Ngayon na… bago ako pumasok ng eskuwelahan.”

Dali-daling bumalikwas si John at tinungo ang kuwato ng Tito niya. Kinatok ito at ipinarating ang sinabi ni Timmy. Dahil nakahanda na rin ang almusal, doon na nila dinala si Timmy sa hapag-kainan.

“A-ano iyong gusto mong sabihin, Timmy?” ang tanong ng Tito ni John.

“Gusto ko pong pirmahan ang inheritance base sa last will and testament ng daddy ni John…”

Mistulang may sumabog na malakas na bomba sa harap ni John. Nagkatinginan sila ng Tito niya. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng Tito ni John na nagmamahalan ang dalawa.

“Ah, eh… k-kung iyan ang desisyon mo, Timmy. Walang problema. Effective pa naman iyon, hanggang sa kung kailan mo gustong pirmahan. Ikaw lang ang hinihintay.” Ang sagot na lang ng Tito ni John.

“Tok… ba’t naman ang bilis yata? Hindi mo man lang ba ako kinunsulta bago ka magdesisyon?”

“Ikaw ba ay kinunsulta mo ako nang nagpupunta ka sa bahay at nakikipag-inuman sa Dean?” ang galit at mabilis na sagot ni Timmy.

“Di ba ipinaliwanag ko na sa iyo iyan, Tok?”

“Iyong bagong litrato ninyo ng Dean? Paano mo ipaliwanag iyon?”

“Mag-usap tayo mamaya pagdating mo galing eskuwelahan. Hihintayin kita rito.”

“Huwag na.” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Tito, sana ay mapirmahan ko na siya kahit mamayang pag-uwi ko galing sa eskuwelahan?”

“Okay, okay. Ihanda ko na, pati ang listahan ng mga kumpanyang mayroon kang shares…”

“Ang bilis naman, Tok! Bakit? Gusto mo talagang maging legal na magkapatid tayo?”

“Ayaw mo noon? Libre ka na sa kung ano man ang gagawin mo?” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Salamat Tito. Mauna na po  ako baka ma late ako sa klase.” Ang pagpapalam ni Timmy na hindi man lang tinapos ang kanyang pagkain.

“Sige, Timmy. Ingat ka.”

Tumayo rin si John at sinundan si Timmy sa kuwarto nila. Nang nasa loob na sila, nilock kaagad ni John ang kuwarto at nilapitan si Timmy na kasalukuyang naghubad ng damit upang tutungo sa shower. “Ano ba itong drama mo, Tok? Kung gusto mo ng pera, may pera ako!”

“Bakit ako manghingi ng pera sa iyo kung may pera naman ako?” ang sambit niya habang itinapis ang tuwalya sa kanyang baywang.

“Ginawa mo lang ba iyan nang dahil sa galit mo sa akin?”

“Mr. John Iglesias, lahat na lang ba ng bagay ay umiikot sa iyo? Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko! Kung ano ang probleman kinakaharap ko! Hindi mo alam! Wala kang alam! ”

“Puwes sabihin mo sa akin kung ano, Tok!”

“Pagkatapos ng ginawa mo? I don’t trust you! I don’t even know you now!” ang bulyaw niya habang tinumbok niya ang shower.

“You don’t know me? At pagkatapos ay pipirmahan mo ang inheritance ng aking ama?”

“Bakit hindi? Ibinigay niya ito nang kusa sa akin. Pangalawa, nalimutan mong muntik ko nang ikamatay sa matinding sakit ang panlilinlang niya? Ang pagtatrayador niya sa akin? This is his way of saying sorry to me. Tanggap ko na. Kaya ko pipirmahan ang inheritance niya dahil pinatawad ko na siya. Ano ang masama roon?”

Dali-daling pumasok si John sa shower kahit naka-damit at naka-shorts pa siya. Sa loob ng shower ay bigla niyang niyakap si Timmy. Nabasa ang damit ni John. Nagkataon namang puno pa ng sabon ang katawan ni Timmy pati na ang kanyang mga mata.

Inikot ni John ang valve upang maputol ang pagpatak ng tubig mula sa showr. “I love you, Tok. Ayokong maging legal na magkapatid tayo. Alam mo iyan!” sabay diin ng bibig niya sa mga labi ni Timmy.

“Tangina! Ang hapdi ng mata ko. Tubigggggggg!” ang sigaw ni Timmy habang nakipagsambuno siya kay John.

Ngunit mas malakas si John. Tinisod niya si Timmy dahilan upang mapahiga siya sa sahig ng banyo at hindi na niya maabot ang valve. Doon na siya pinadapa ni John atsaka dinaganan. At dahil nakahubad na si Timmy, dagdagan pa sa madulas na katawan nito dahil sa sabon, mabilis niyang maipasok ang kanyang pagkalalaki sa tumbong ni Timmy.

Mabilisan. Mahigit isang minuto lang at pumulandit na ang katas ni John sa kaloob-looban ng butas ni Timmy.

Wala nang nagawa si Timmy kundi ang pilit na tumayo pagkatapos ng ginawa ni John sa kanya. Hindi niya maipagkaila na bagamat may galit siya kay John, nag-init pa rin ang katawan niya sa ginawang iyon ni John sa kanya. Kitang-kita ito sa tirik na tirk niyang pagkalalaki na agad ding hinawakan ni John at isinubo iyon sa kanyang bibig.

Hinayan lang siya ni Timmy. Sa gitna ng kanyang galit ay nanaig ang init na naramdaman niya sa kanyang katawan. At kasabay sa pagbagsak ng tubig mula sa shower at pagkuskos niya sa kanyang buhok at mahapding mata, walang tigil naman ang paglabas-masok ang kanyang pagkalalaki sa loob ng bibig at lalamunan ni John.

Nang maramdaman niyang malapit na siya sa ruruk ng kaligayahan, sinunggaban niya ang buhok ni John kasabay sa malalalim na pag ulos niya sa bibig nito. Doon na rin niya naramdaman ang lalo pang pabilis nang pabilis na pagtaas-baba ng bibig ni John sa sa kanyang harapan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang pagpulandit ng kanyang katas. At kasabay sa paninigas at pag-unat ng kayang kalamnan ay binitiwan niya ang isang pigil na ungol. “Ahhhhh! Ahhhhhh!”

Nilunok ni John ang lahat ng tamod ni Timmy. Nang nahimasmasan, tumayo siya, niyakap at hinalikan si Timmy sa bibig.

Hindi sinuklian ni Timmy ang yakap at halik na iyon ni John. Nanatili siyang parang tuod na nakatayo roon habang yakap-yakap ni John.

“I love you, Tok… Hindi ako papayag na maghiwalay tayo.”

Iyon lang. Hindi sumagot si Timmy. Nakasimangot na tinapos niya ang kanyang pagligo. Nagbihis siya astsaka walang imik na lumabas ng kuwarto.

Sa eskuwelahan naman ay walang tigil sa kakukulit ang barkada sa pagtatanong kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni John. Tinanong din nila kung saan siya natulog dahil tumawag daw si John sa kanila at sinabing hindi niya nakita si Timmy sa gabing iyon.

Ngunit nanatiling tahimik si Timmy. Sinarili niya ang kanyang matinding suliranin.

Nang nakabalik na si Timmy sa apartment pagkatapos ng klase, agad na inihanda ng Tito ni John ang mga papeles ng inheritance upang pirmahan ni Timmy.

Saksi si John, ang kanyang Tito at isang abugado sa pagpirma ni Timmy sa inheritance. Nang napirmahan na ni Timmy ang unang pahina, agad na tumayo si John at galit na nagsisigaw. “Putangina! Putangina! PUTANGINAAAAAAA!!!” at narinig na lang nila ang malakas na kalampag ng pagsara ng pinto at kalabog na tila pinagsusuntok na aparador.

Hinayaan na lang nila si John. Nang ipinihit na ng abugado ang sunod na pahina, binasa ito sandali ni Timmy at minuwestrahan ang abugado na hanggang doon na lang.

Napangiti ang Tito ni John kay Timmy. Doon siya bumilib kay Timmy.

“I-set natin sa crporate na abugado ang pag-orient sa iyo sa iba pang mga dokumento na kailangan mong malaman kagaya ng certificates of shares of stocks, mga pangalan ng kumpanyang may shares ka, corporate bank accounts, at iba pang mga dokumento na kailangan mong pag-aralan. At ang corporate lawyer na rin ang bahalang magpakilala sa iyo sa mga namahala ng kumpanya at negosyong may shares ka.” Ang sabi ng Tito ni John.

“Okay po, Tito!”

Binitiwan ng Tito ni John ang isang ngiti sabay bigay ng thumbs up kay Timmy.

Napangiti na rin si Timmy at sinuklian ang thumbs up ng Tito ni John.

Nang nakatalikod na si Timmy, napailing ang Tito ni John habang pinagmasdan niya si Timmy. Napahanga. “Talagang matalino ang batang ito.”

(Itutuloy)

Monday, May 7, 2018

Tok-Hang 20 (B-2)


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com


Campus Hero

Bago ibinigay ni Timmy ang telepono na nagring na ang kabilang linya gawa ng pagpindot niya sa numero, pinindot rin niya ang speaker phone nito.

May pag-aalangan namang tinanggap ni John ang cp, halatang balisa siya. Tiningnan niya si Timmy.

“Hello! Ang sambit ng kabilang linya.

Wala nang nagawa pa si John. Binitiwan niya ang malalim na buntong hininga at sinagot ang nasa kabilang linya. “Yes, Sir Earl.” Ang sagot ni John.

“John, remove the pictures na nakapost sa fb group… And I want it now!” ang utos ng Dean kay john.

Napatingin si Timmy kay John.

“S-sir, that group is not mine and I am not even an Admin there. I can’t delete that post!” ang pangangatuwiran ni John.

“Well then ask him to make you an admin of that group then delete those photos! Do it now, or else alam mo na ang mangyayari, John. Takot kang ma kick-out Timmy from the university? I’ll do it. And I’ll make sure his life will become miserable! And yours too!” ang sambit ng Dean sabay putol sa linya.

Binitiwan ni John ang isang malalim na buntong-hininga at tiningnan si Timmy.

“I think may dapat kang i-explain sa akin, Hang.” Ang kalmanteng sambit ni Timmy bagamat sa kaloob-looban niya ay may namuong takot at galit sa narinig.

“A, eh… d-di ba kinausap ko sya na huwag tayong patalsikin sa school?”

“Okay… at bakit ganoon na lang siya kung makapag-utos sa iyo? At paano niya gagawing miserable ang buhay natin? May kakayahan ba siyang gawin niya iyan?”

“N-no! Of course not!”

“Iyong Dean… galing din pala sa Baguio, hindi mo siya kilala?” ang tanong ni Timmy.

Napatingin si John kay Timmy. Nag-aalangan kung sasabihin ang totoo o itanggi niyang kilala niya ang Dean. Muling binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Sa totoo lang, Tok… noong kabataan namin ni Jeremy, 14 yrs old lang kami, ang sabi ni Jeremy ay kilala na ako ng Dean natin. Nakalimutan ko na siya pala iyon. Ang sabi ni Jeremy, baliw na baliw nga raw ang Dean natin sa akin. Nang hindi ko siya pinansin noon, hayun, si Jeremy ang niligawan. Ngunit hindi rin siya sineryoso ni Jeremy dahil may ugali ang Dean. Iyon lang ang alam ko. Hindi ko siya pinatulan at hindi ko talaga alam na siya iyon. Iyan ang totoo.”

Hindi na nangulit pa si Timmy. Patuloy na lang nilang minomonitor ang mga kaganapan sa group at sa patuloy na pag-iinit ng discussions, lalo na sa pag upload ni Jeremy ng mga litrato nilang dalawa ng Dean.

Kung anu-anong mga suggestions ang naisipan ng mga estudyante. Mayroong nagsuggest na magkaroon ng program, may mga band members na nagvolunteer na mag-perform, may isang singer na finalist sa Tawang ng Tanghalan, may mga dancers, may “Idol” winner na nagvolunteer na magpreform, May nagvolunteer din na mag emcee. May mga artists na nagvolunteer na gagawa ng mga placards at magdecorate ng stage sa umaga… at may mga anak-mayaman na nagvolunteer na magdistribute ng snacks at drinks para sa mga estudyante na sasali. Kumbaga, tulong-tulong ang lahat. Tila simbilis ng isang kidlat lang ang kaganapang iyon na bumulaga sa lahat.

Mayroong namang gumawa ng survey kung sino ang sasali. At sa oras pa lang na iyon ay pumalo na sa halos isang libo ka estudyante ang nag sign up na sasali. At kasalukuyang counting pa sila. Marami pang nag sign up.

Maya-maya ay nagring uli ang cp ni John. Doon ay muling kinabahan si John. Doon siya nagsisi kung bakit hindi niya pinatay ang power nito.

Si Timmy ang kumuha sa cp ni John. Nang makita niya na iyon pa rin ang numero ng dean, ibinigay niya ito kay John.

Muling nag-alangang sagutin ni John ang tawag. At upang maibsan ang paghihinala ni Timmy, pinindot niya uli ang speaker nito. “Hello, Sir!” ang sambit sa kabilang linya.

“John I told you to delete the posts! Why didn’t you delete them?” ang bulyaw ng Dean.

“Sir… as I said, I’m not an Admin there.”

“Then why did you not ask that damn owner of that page to make you an Admin?”

“He is not my friend, Sir!” ang sagot din ni John na tumaas na ang boses.

“Ba’t hindi ka naghanap ng paraan, gago! Bobo ka ba? Gamitin mo si Timmy! After all, dahil ito sa kanya kung bakit itong mga estupidong estudyante ay nagrereklamo!”

Tiningnan ni John si Timmy. Nanatiling nakatitig lang si Timmy kay John. Ayaw niyang makisawsaw sa argumento nila ng Dean.

“I told Timmy already, Sir. Pero ayaw niya.”

“Puwes i-convince mo! Or else, baka magsisi ka. Baka layuan ka niya kung makita niya ang sex video natin. Gusto mong i-send ko sa kanya?”

Doon na binitiwan ni Timmy ang nangalaiting titig kay John.

“Sir, there is no sex video, okay? At walang sex na nangyari sa atin. ALAM MO IYAN!” ang bulyaw ni John na sinagot lang ng malakas na halakhak ng Dean.

“Are you sure, John??? Convince him to ask the vice president of the council to make you an Admin, then delete the pictures!”

Biglang hinablot ni Timmy ang cell phone ni John. “Sir, this is Timmy. You can send me the video, I’m excited to watch it. About your suggestion that I ask Shane, the council vice president to make John an Admin of the group, I’m sorry, Sir. I’m not part of their plan and I’m not even cooperating with them. I don’t think it’s proper for me to ask the council vice president when I don’t even care what they are doing. If you will just send me a copy of that video you said, it will be my pleasure.” Ang sagot ni Timmy sabay bitiw ng matulis na tingin kay John. At ibinigay pa niya ang kanyang messenger ID sa Dean.

“Aw… Hi there Timmy! Thank you for not supporting their rally. And how I wish you and John can organize another group too to defend me, or even just to make an announcement to discourage those stupid students from joining the rally. I already asked the security to refuse entrance to students wearing or carrying anything red. So they can’t get inside the campus. However, if you will organize a counter-rally, that will be a nice idea. We will allow you to get inside. I know you have friends and followers. I know it will be easy for you to bring the whole Business Admin students to your side. And by the way, if you help me, I’ll reinstate you to your post in the student council plus... I will increase your monthly stipend by a few thousands.”

Tiningnan ni Timmy si John na umiling-iling. “You know, Sir... John’s dad before he passed away, gave me a pending adoption paper waiting for my signature. Aside from that, there is another paper waiting for my signature, an inheritance worth 25% of the total wealth of the Iglesias family. You know what? I never signed both. And now you are giving me a few thousands of pesos monthly just to side with something that is against what I believe in? Thanks, Sir but no thanks. And if I have to make a stand, I’d go for those students who are there for me, those students who fight for the right of other oppressed students like me.”

Natahimik sandali ang Dean. Marahil ay hindi niya inaasahan ang sagot ni Timmy. “Then you will not have the video.” Ang sagot din niya.

“It’s fine, Sir. I think I can trust John more than anyone else, not even with someone who has that video.” Ang sambit ni Timmy.

“And by the way, may malaking nunal pala si John sa butt niya no? Ang sarap talagang lamutakin niya. Matambok pati butt niya.” Ang dugtong ng Dean na pang-inis kay Timmy. “I know you are lovers but you know, your lover is very generous!”

“Ay alam ko po iyan, Sir. And you know, mas mamasarap lamutakin ang nunal niya sa kanyang ari Sir! Paboritong nilalamutak iyon ng mga bakla. Nakita ninyo, Sir? Matambok din yung ari niya, Sir.” Ang sagot din ni Timmy.

Napangiwi na lang si John. Sa isip niya ay, “Palaban na si Tok!”

Natawa ang Dean. Ay nakita ko na rin iyon! At nalamutak pati! Di ba bilog iyon nunal niya na nasa katawan ng ari niya? Kasing laki ng butones? Ang sarap kagat-kagatin!” ang sagot din ng Dean.

“Ay Sir, baka ibang ari ng estudyante niyo po iyong nilamutak ninyo. Kasi wala palang nunal ang ari ni John Sir!”

Doon biglang natawa si John. Iyong pigil na tawa na biglang nasamid.

“Heto ngayon o, hinubad niya ang pantalon at boxers niya, at hinahawakan ko sya ngayon sa kamay ko para usisahin, wala talaga Sir! Opppss, sorry tumigas bigla ang titi niya Sir. Sayang wala ka rito. Anyway, kaya ko naman i-handle ito, as usual, kaya bye na muna Sir, ha? May gagawin lang kami.” Ang sambit ni Timmy sa sobrang inis niya, bagamat hindi naman naghubad talaga si John para ipakita sa kanya ang kaniyang ari. At lalo nang walang titi ni John na tumigas.

Padabog na ibinalik ni Timmy ang cp sa kamay ni John.

Nang nasa kamay na ni John ang cp, hindi na siya nag-bye. Kusa niyang pinutol ang linya ng telepono, at sabay din sa pagpatay niya sa power nito, “Tok, maniwala ka... walang nangyari sa amin ni Sir Earl.” Ang paliwanag din niya kay Timmy. Alam niyang galit si Timmy sa kanya.

Ngunit inirapan lang siya ni Timmy. “Lalabas din ang katotohanan. At kapag nalaman kong mayroon, umuwi ka na lang sa Maynila o sa Baguio. Ayaw ko nang makita pa iyang pagmumukha mo rito!” Ang pagbabanta ni Timmy.

“Tok naman… alam mo namang loyal ako sa iyo eh.”

“Iyan ang palaging sinasabi ng mga manloloko.”

Tinitigan ni John si Timmy. “Pahalik nga lang!” ang sambit ni John sabay hawak sa panga ni Timmy at tinangkang halikan at lambingin ang huli.

Ngunit itinulak siya ni Timmy. “Alis nga d’yan! Tangina nagkagulo ang mga estudyante tapos ang utak mo ay puro kalibugan!” ang bulyaw ni Timmy. “Nunal sa pigi pala ha! Paano niya nalaman iyan?”

“Nag CR ako nang hindi ko namalayan nasa likod ko pala siya at bigla niyang hinila pababa ang aking pantalon at brief.”

“Ganyan na kayo ka close? Hindi ka pumalag???”

“Ano bang gagawin ko, Tok! Hindi ko siya puwedeng galitin dahil baka ang status natin sa school ang pag-initan niya. Baka i-expel ka niya!”

Hindi na umimik si Timmy. Nagmamaktol ito.

Natahimik na rin si John. Hindi na kumibo at itinutok na lang niya ang kanyang atensyon sa palitan ng mga discussions at suggestions sa fb group ni Shane. At nang naalala niya ang sabi ng Dean, agad niyang pinadalhan ng PM si Shane.

“Pare… si John ito. Tumawag ang Dean sa akin at hinikayat kami ni Timmy na gumawa ng counter-rally at tutulungan niya ang grupo. Grabe talaga ang katarantaduhan niyang Dean natin! Pati si Timmy ay gustong suhulan, dagdagan daw ang monthly stipend! Nagdecline si Timmy. Ngunit ang sabi naman ng Dean, haharangan daw ng mga guwardiya sa gate ang mga estudyante na may suot o dala na anything pula kapag pumasok sa unibersidad. Alam niya ang takbo ng plano ninyo. So I suggest to make the group private at mag announce na lang sa post na kung sinong estudyante ang kakilala lang nila ang i-invite sa grupo. Also, para makapasok sa school ang grupo bukas, dapat sigurong ilagay na lang muna nila sa kanilang bag ang mga red na damit, or ang mga red na anything na dadalhin. Itago ang mga ito at doon na ipalabas kapag nasa loob na sila ng unibersidad sa mismong rally. Pati ang mga banners ay dapat nakatago. Lightning strike dapat ang gagawin.”

Sumagot agad ang vice president. “Thank you sa info, pare. I’ll make the group private now and pm all concerned coordinators about the Dean’s plan.” Ang sagot ni Shane. At may pahabol pa siya. “Pare, I’ll make you one of the Admins of the group.”

Tiningnan ni John si Timmy, nagtatanong ang kanyang mga mata kung papayag siya o hindi.

“Pumayag ka. Sagutin mo ng yes para madelete mo na ang litrato ng lover Dean mo at ni Jeremy.” Ang sarkastikong tugon ni Timmy.

Ngunit iba ang isinagot ni John. “No pare. Please don’t involve me. Timmy and I are the center of the issue, so in order that your rally cannot be dubbed an act of vengeance, it would be prudent to decline. Thanks for the offer, pare. I appreciate it.”

“Ah... You’re right pare. I can’t agree more.” Ang sagot ng vice president.

Feeling proud naman si John sa kanyang sagot sa offer ni Shane habang nakangiting tiningnan niya si Timmy. Ngunit inirapan lang siya ni Timmy.

Sinunod ni Shane ang advice ni John. Naging private ang grupo at pinadalhan niya ng mga pm ang kilala niyang members tungkol sa countermeasure nila upang makapasok pa rin sa unibersidad at hindi mahalata at maharang ng mga guwardiya.

Maya-maya ay may natanggap na message si Timmy mula sa kanyang messenger. Ang Dean. “I’ve posted the video in my profile, only you and me can view. Check the link. Dalian mo lang at in 15 minutes ay tatanggalin ko na ito.” Ang message ng Dean.

“Kaninong message iyan?” ang tanong ni John.

“Sa mahal mong Dean.” Ang sagot ni Timmy.

Binitiwan ni John ang isang hilaw ng ngiti. “Hmmmm! Nagselos talaga ang love ko!” ang sagot ni John sabay yakap kay timmy at kurot sa pisngi. Ang sarap talagang…” ang sambit ni John na hindi na itinuloy ang sasabihin.

“Sarap ano?” ang sagot ni Timmy na kumalas sa yakap ni John.

“Sarap yariin sa puwet.”

“Alis d’yan! paduguin ko iyang mukha mo eh. Doon ka kay Dean mo. Siya ang yariin mo sa puwet!”

Binuksan ni Timmy ang link na ibinigay ng Dean. At doon niya nakita ang video. Sinilip din ni John ito.

Sa video, ang unang eksena ay naroon ang Dean sa sala, katabi niya si John na nakaupo rin, naka side view at sa harap ni John any mga bote ng beer, ang iba ay halatang wala nang laman. Sa harap naman niya ay ang isang lalaki na tila kainuman nya. Ang Dean mismo ang nagvideo, iyong selfie-style video na may sinasabi pa siyang, “Heto ang mga bisita ko, si John, estudyante ko, ang guwapo niya… ayiiiii!” ang sambit ng Dean sabay akbay kay John at hinalikan ang pisngi. Lumingon sa video si John at ngumiti, kumaway at agad rin ibinalik ang tingin sa katabing may hitsura ring lalaki na hindi ipinakilala.

“Magpaliwanag ako…” ang sambit ni John.

“Shut up!!! 15 minutes lang ito!”

Nahinto si John. Habang patuloy naman sa panunuod sa video si Timmy.

“Ang sunod na eksena ay makikitang hinawakan ng Dean ang mukha ni John at nihalikan niya ito sa bibig. Saglit lang ang video na iyon, parang split second lang, halatang pinatay.

Matulis ang binitiwang tinngin ni Timmy kay John na yumuko at hindi makatingin kay Timmy. “I’ll explain pagkatapos mo riyan.” Ang sambit niya.

Nang muling tiningnan ni Timmy at John ang video, nakahiga na ang isang lalaki sa ibabaw ng kama. Nakatakip ang mukha niya ngunit hubo’t-hubad ang buong katawan. Maputi ang lalaking nakahiga, makinis ang balat, maganda ang porma ng katawan… katawan ni John talaga. At sa isip ni Timmy walang dudang si John talaga iyon na tinakpan lang ang mukha upang kung sakaling kumalat ang video ay hindi siya mahuli.

Ang sunod na eksena ay pinatungan na ng Dean ang hubad na lalaking nakahiga. Sa pagkakataong iyon ay naka brief na lang ang Dean. Ang sumunod na eksena ay halikan. Maya-maya ay ibinaba ng Dean ang kanyang ulo at pinaliguan ng halik ang katawan ng lalaki. Galing sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, hanggang iginapang pa niya ito pababa sa gitna ng hita ng lalaki. Nahinto ang ulo ng Dean doon. Nilaro-laro ng bibig ng Dean ang pagkalalaki ng nakahigang lalaki. Bagamat natakpan ito sa video at tanging likod ng ulo lang ng Dean ang nakita, kitang-kita ang pataas-baba ng ulo niya sa harapan ng lalaki.

Doon nagtapos ang video. Pinilit ni Timmy na i-download ito ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa natapos ang 15 minutos atsaka hindi na niya ma-access pa ang video, kagaya ng sinabi ng Dean na hanggang 15 minutes lang niya itong puwedeng mapanuod.

Nilingon ni Timmy si John. “So… klarong-klaro na ikaw iyon, John! Tangina! Niloko ninyo ako! Trinaydor mo ako?!!!” ang bulyaw ni Timmy.

“Tok… maniwala ka, hindi nga ako iyon!”

“Paano ako maniniwala? Naroon ka sa apartment niya! Ba’t ka naroon? Ba’t ka nakikipag-inuman sa kanya?! Kaya pala sa gabi ka niya ini-schedule sa klase upang ma-solo ka niya! At ikaw naman na tanga, pumatol!”

“Hindi ako pumatol sa kanya, Tok! Maniwala ka!”

“Ano iyong video? Ano iyong halikan at sex ninyo?!!!”

“Hindi ako iyon, Tok!”

“Nakita ko ang mukha mong hinalikan niya! Katawan mo iyong nakahiga sa kama! Nagtakip ka pa ng mukha upang kunyari ay hindi ka mahalata?! Putanginaaaaa!!! At iyong pagkakita niya sa nunal mo sa pigi, sa cr pala nila iyon ano! Sa cr nilaaaaa???!!!”

“Tok… okay nagkamali ako nang pumayag ako na sumama sa bahay niya. Pero ginawa ko iyon, Tok dahil ayaw kong mahinto tayo sa pag-aaral, lalo na ikaw. Ano bang puwede kong gawin? Nalilito ako sa time na iyon. Gusto kitang tulungan.”

“Tangina mo! Di ko matatanggap ang rason mo!” ang sagot lang ni Timmy na nagwalk out.

“Patawarin mo naman ako, Tok o…”

“Patawarin kita kung luluhod ka sa maraming tao at manghingi ng tawad!” ang bulyaw ni Timmy.

Gusto pa sanang mag-explain ni John ngunit umalis na si Timmy at pumunta sa kanilang kuwarto. Sinundan siya ni John. Ngunit nakalock na ang kuwarto at hindi siya pinapasok ni Timmy. Kaya wala nang nagawa si John kundi ang tumungo sa guest room at doon na natulog.

Dahil sa inis ni Timmy kay John, mas maaga siyang tumungo sa eskuwelahan. May galit pa kasi siya kay John. Ayaw niyang bulabugin siya sa kuwarto. Hindi rin niaya alam kung sasali si John sa rally.

Nang nasa gate na siya, napansin ni Timmy na imbes ang usual na guwardiya sa gate ay dalawa lang, sa araw na iyon ay anim silang guwardiya na nagbantay. At may mga dalang batuta at baril sila.

“Boss, ipinagbawal ang pagpasok sa campus sa araw na ito dahil Sabado at wala namang pasok.” Ang sambit ng guwardiya.

Nagulat si Timmy dahil hindi naman ganoon ang eskuwelahan kahit araw ng Sabado. Pinapayagan pa rin naman ang mga estudyante na magresearch, mag-meeting, magpractice. “Boss, may removal exam kasi kami ngayon kaya dapat akong pumasok. Babagsak ako sa subject ko na iyon kapag hindi ako nakakuha ng test.” ang pag-aalibi ni Timmy.

“Anong subject iyon?” ang tanong ng guard.

“Psychology.”

“Sinong professor mo?”

“Professor De Leon.”

“Hindi siya pumasok ah.”

“Maaga pa boss. Gusto ko lang magreview muna kaya maaga akong pumasok.” Ang pag-aalibi pa rin ni Timmy.

Tinitigan ng guwardiya si Timmay, halata sa kanyang mukha ang pag-aalangan kung papasukin o hindi si Timmy.

“May instruction kasi sa amin na walang papasuking estudyante sa campus sa araw na ito, boss.” Ang sagot ng guwardiya.

“Bakit naman, Boss? Paano ang test ko? Wala namang sinabi si Professor De Leon na hindi kami matutuloy.”

“Ilang estudyante ba kayo?”

“May sampu kami.” Ang pag-imbento pa rin ni Timmy ng kuwento.

Wala nang nagawa ang guwardiya kundi ilista ang pangalan ni Timmy sa logbook. Tiningnan ang loob ng kanyang bag at nang makitang wala naman siyang dalang mga pulang bagay, ang kulay ng rally, kaya pinapasok siya.

Nang nasa loob na siya ng campus ay tiniext niya si Jeff. Tinimbrehan niya na off-limit ang campus sa mga estudyante sa araw na iyon.

Agad ding ipinarating ni Jeff ang mensahe ni Timmy sa mga officials ng student council. Hindi na alam ni Timmy kung ano ang plano nila. Ang ginawa niya ay dumeretso siya sa library at doon ay nagbasa ng libro at newspaper.

Alas 8 ng umaga ay nakatanggap si Timmy ng tawag mula kay Jeff. “Tok... marami nang estudyante na narito sa may gate. Nasa parking area na lang kami mag-assemble, adjacent lang sa gate. Wala namang masyadong sasakyan. Hindi kami pinapapasok ng guwardiya. Pero according to Shane the parking area is a better venue. May sementong upuan kasi roon, papatungan na lang daw iyon ng lawanit para may platform kung saan magsasalita ang mga gustong magsalita, pati ang banda rin ay doon pupuwesto. May mga volunteers na bumili na ng lawanit at mabilis lang iyon. Ang fire wall naman sa gilid ng parking area ay siyang gagamitin para sa monitor ng overhead projector.” Ang sambit ni Jeff. “Kapag nagsimula na ay punta ka rito, Tok. Bigyan mo ako ng moral support.”

“Titingnan ko.” Ang sagot din ni Timmy. Nag-aalangan pa rin kasi siya kung sasali.

Alas 10 nga umaga nang muling tumawag si Jeff. “Tok, hali ka na! Nasaan ka na? Ang dami nang nagsasalita, lahat sinasabi ang mga karanasan nilang pang-iinsulto at pang-aapi sa tyrant na Dean! May nagbulgar na rin kung saan napunta ang tig pa-500 na contribution natin, sa kanyang sariling bank account at binibigay niya ito sa mga piling estudyante na inutusan niyang magmanman sa ibang estudyante na galit sa kanya at iparereport sa kanya ang mga pangalan. Iyong prince charming ng Business Management ng 3rd year? Nagsalita rin. Nakatanggap pala iyon ng suhol sa mula sa Dean pagakatapos niya itong matikman! Ginagamit niya ang pera sa kung anu-anong pinapagawa niya sa mga estudyante. At iyong bagong pa-uniporme pa niya para sa mga estudyante, at iyong requirement na bibili tayo ng bagong mga books, may nagbuking din na may comission din pala mapupunta sa kanya! Ang laki ng perang nakulembat niya, Tok. Grabe ka swapang. Kung may internet ka pala, maraming nag live.” Nahinto sandali si Jeff. “Tok... tinawag na ako na magsalita, kami nina Joy, Daniel, Tony, Aaron at Llod, mga Tok-Hang supporters. Nandito rin ang mga Tok-Hang girls, full support sila. Importanteng nandito ka, Tok! May Madiskubre ka na siguradong magugulat ka at ang lahat! Tungkol ito sa iyo, sa inyo ni John. Dali na, Tok! Tinatawag na ako!”

Iyon na ang huling sinabi ni Jeff. At dahil sa interesado si Timmy na malaman kung ano ang sinabing iyon ni Jeff, dali-daling niligpit ni Timmy ang kanyang mga gamit at ibinalik sa shelves ng library ang mga libro at pagkatapos ay nagtatakbong lumabas ng library.

Nasa taas na ng improvised stage si Jeff nang naabutan na siya ni Timmy sa parking area. Tapos na siyang magpakilala sa sarili kung sino siya at kung ano ang kanyang sasabihin. Sa gilid niya ay naroon nga sina Joy, Daniel, Tony, Aaron at Lloyd, sila ang pag-operate ng laptop para sa overhead projector. Nang tiningnan naman ni Timmy ang paligid, nakita niya ang daming mga estudyante na halos lahat ay nakapula at sa dami ay pati ang kalsada ay naharangan na ng mga estudyante. Ang iba ay may dala-dalang placard na kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa Dean. May placard ding ang nakasulat ay “SC President Resign!” “Wala kang Bayag, palitan na!”

“Kung natandaan po ninyo ang video na ito…” ang sambit ni Jeff na nasa stage habang ipinakita nina Daniel sa overhead projector ang kumakalat dati na video nina John at Timmy, “Ito ang sanhi ng lahat kung bakit tayo nandito. Kung sana ay may ginawang action ang Dean upang maliwanagan ang lahat ay hindi sana hahantong ang lahat sa ganito. At dahil wala man lang action ang aming Dean upang maibistigahan ang katotohanan kung ano ang toto at kung sina Timmy at John ba talaga ang gumawa ng kabulastugan na iyon or may iba pa, at sino ang kumuha ng video na iyon upang siya mismo ang makapag-explain, e di sana ay tapos na ang kaso. Ngunit tila tinakpan ito ng Dean. Kaya sorry na lang kung may madidiskubre kami na hindi maganda para sa ibang tao.” Ang sambit ni Jeff.

Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita si Jeff.

“Sa sinabi ko na, dahil sa hindi nga pag-aksyon ng aming butihing Dean ng Business Management at sa tila kakulangan ng interes niya na malaman ang maraming katanungan sa liko nd video na iyon, kaming mga kabigan nina John at Timmy, we decided to take matters into our own hands. So isang gabi, nagpuyat talaga kami, itong grupo na ito” ang pagturo niya kina Daniel, Aaron, Lloyd, Tony, at Joy, “...Nagpaiwan kami sa main Building ng Business Administration. Overnight! Habang ni-lock ng guwardiya ang building, naroon kami sa loob. Nagsimula kami sa anggulo kung saan sa tingin namin ay naka mount o nakatayo ang kumuha ng video. At doon namin nakita ito…” sabay turo niya sa monitor ng overhead projector kung saan ay ipinalabas ang isang maliit na tila ulo ng screw na nakadiit sa dingding at nakaharap sa may lababo ng CR kung saan nakunan sina John at Timmy. “Ito po ay maliit na vedeo camera.” Ang dugtong ni Jeff. “At kung titingnan ninyong maigi ang sementong dingding kung saan ito nakapuwesto,” itinuro niya uli ang monitor ng overhead projector kung saan ay ipinakita ang halos hindi mahahalata ng pintura na pumorma ng linya patungo sa kisame, “…Iyan po ay ang marka ng binutas na dingding upang ilagay ang wire sa loob. Tinapalan ng bagong semento at pininturahan ng kasing kulay pa rin ng dati upang hindi mahalata. Ngnit sa ilalim nito ay may wire, at ito ay patungo sa sa kisame ng CR.” Ngunit hindi kami huminto riyan. Hindi namin binaklas ang wire, hindi namin sinira ang porma nang inayos na dingding kung saan nakatago ang wire, bagkus ay tinakpan namin ito upang hindi kami makikita sa recording ng video at mahuli kami, kung naka-record nga ito. Inakyat at pinasok namin ang loob ng kisame.” Itinuro muli ni Jeff ang monitor ng na nagpakita sa apat na lalaki plus si Joy na tumuntong sa isang upuan na ipinatong naman sa isang mesa.” Isinama pala namin si Joy ang only flower namin sa mission na ito dahil siya ang nakaisip na maaaring may lihim na camera ang itong CR. At hindi nga siya nagkamali. At dahil magaling siya sa computer kung kaya ay isinama namin siya.” Ang dugtong ni Jeff. Sa monitor ay makikitang  nagtulungan silang anim, na makapasok sa butas ng kisame. Nang nakapasok na sila sa loob, nag-ilaw sila gamit ang flash light habang ang isa sa kanila ay patuloy lang sa pagbi-video. Doon na lumantad ang wire na nanggaling mula sa dingding ng CR. Sa pagpatuloy ng video, sinundan nila ang kahabaan ng wire. Ginapang nila ang kisame. Doon na sa paggapang nila umeksena si Joy. Ngsisigaw “OMG! OMG! Ano iyon???” nang may biglang nagtatakbuhang daga sa harap niya. Nakikitang nanginig si Joy. Siya pa naman ang naghawak ng video. “OMG! OMG!” ang patuloy pa niyang pagsisigaw, habang pinagtatawanan ng mga lalaking kasama. “Kargahin niyo na nga lang ako! Pleaseeee!” ang sigaw niya. “Paano ka namin kakargahin? Gumagapang tayo???” ang sagot naman ng mga lalaki. “Nang wala na talaga siyang magawa ay hinarap niya ang camera niya at nagsalita, habol-habol ang hininga at ang mukha ay tila sa isang multo dahil madilim na nga ang background, ang buhok niya ay magulo pa. “Tandaan ninyo Hang at Tok… kung di ko lang kayo love hinding-hindi ko itataya ang aking buhay dahil lang dito. Ang hirap eh. Ang dami talagang balakid sa pag-ibig!” At bumulong sa camera niya, inilapit ang mukha, “At hinding-hindi ko itataya ang aking pagkababae at pagka-birhen sa mga lalaking kasama ko na uhaw na uhaw sa sex! Sana hindi aandar ang kanilang pagka-manyak, OMG!!!” nagtawanan ang mga lalaki nang marinig ang ibinulong ni Joy. “Ano kamo? Virgin?” Ang tanong ni Aaron sabay sa paghila niya sa binti ni joy. At doon na naman nagsisigaw si Joy sa takot.

Tawanan ang mga estudyanteng naroon sa rally. Kahit kinabahan ang mga nanunuod sa monitor sa mala-mission impossible na abentura nakita nila, si Joy naman ang nagbigay ng katatawanan.

Iyon ang takbo ng kanilang ginagawa sa loob ng kisame. Nang nakita na nila ang dulo ng kable, huminto sila at inusisa kung saan ito lumusot. Paibaba, patungo sa dingding ng isang kuwarto.

Nagpatuloy si sa pagkuwento si Jeff “At ito ang nakakamangha… dahil ang kuwarto kung saan humantong ang dulo ng kable ng camera ay... kanino pa ba, kundi sa opisina ng ating butihing Dean ng Business Adminsitration.”

Muling itinuro ni Jeff ang monitor ng overhead projector kung saan ay makikita silang anim na nagtulungan sa pagbaba mula sa butas ng kisame patungo sa opisina ng Dean. Doon na naman nagsisigaw si Joy sa takot na baka malaglag at kumapit siya nang mahigpit kay Daniel na may pinakamalaking katawan sa lahat. “Akala ko ba ay takot kang ma-rape tapos kung makayakap ka ay tila ayaw mo na akong pakawalan at wala nang bukas. Ako ang nilapastangan mo rito eh.” ang biro ni Daniel. “Tsura mo!” ang sagot naman ni Joy. “Eh kung ire-rape kita, anong magagawa mo?” ang biro pa uli ni Daniel na sinagot naman ni Joy ng, “Subukan mo, nakahanda ako. Hinding-hindi kita uurungan!”

Tawanan ang mga nakapabuod.

Hanggang sa nakapasok silang anim sa kuwarto ng Dean. Nilitratuhan nila ang mismong mesa na may nakasulat pang Professor Earl Sto. Tomas, Dean of Business Management. Ipinakita rin ang kable mula sa kisame patungo sa isang router na humantong sa computer sa mismong mesa ng Dean.

“Honestly, sapat na sana na malaman namin ang sagot kung sino pala talaga ang nagrecord ng video. Ngunit hindi pa rin kami huminto. Minabuti naming buksan ang kanyang computer. Dahil sa galing ng ating computer hacker” turo niya kay Joy na naroon din sa stage, “...nabuksan din namin ang computer ng Dean at sa aming paghahanap ng files, heto ang aming mga nakita” Muling itinuro ni Jeff ang monitor ng overhead projector kung saan ay lumantad ang lahat ng mga patagong recordings ng mga estudyante na sinisave ng Dean sa hard disk ng computer niya. Doon din nila nalaman na pati pala ang CR ng mga babae ay may camera rin.

Nagbubulungan ang mga estudyante sa nalaman nila. Kitang-kita ang kanilang pagkadismaya.

“At ang pinaka-ugat sa lahat ay heto…” ang pagpapatuloy ni Jeff habang itinuro ang sumunod na clips ng video. Isang eksena kung saan ay sina Timmy at John ay naghaharutan, at may biruang halik. At ang isang hiwalay naman na clip kung saan ay labis na ikinamangha ng marami, dalawang estudyanteng lalaki na nagsi-sex sa loob ng CR sa mismo ring parte kung saan sila ni John at Timmy naghaharutan. Nagsimula ito sa pagpapalitan nila ng tingin sa may wash basin, hanggang sa dinikitan ng isang estudyante ang nakasabay niyang estudyante na hindi naman pumalag sa pagdikit ng nauna. Hanggang sa naghalikan sila, inilock ng isang lalaki ang CR at doon na sila naghubad at nangyari ang kanilang pagtatalik.

“Sorry, pixilized ang mga mukha ng dalawang lalaki dahil gusto naming protektahan ang kanilang identity.” Ang sambit ni Jeff. “Ngunit ang point dito ay… dinoktor ang video na kumalat upang magmukhang sina Timmy at John talaga ang nagtatalik na dalwang lalaking iyon. Hindi po. Magkaiba po ito. At bakit ginawa ito ng Dean? Dahil may personal na motibo siya. Motibo upang gawan ng kaso sina Timmy at John! Sinadya niyang ipagdugtong ang kuha niya kina Timmy at John na wala namang kalaswaang ginawa sa video ng dalawang estudyante na tunay na may ginawa, upang ipalabas na may matinding kasalanang nagawa sina Joh at Timmy. Napakasinungaling po ng ating mahal na Dean. Napakagaling po niyang mag-imbento ng kuwento, napakagling po niyang manloko ng tao. Nang dahil sa kanyang personal na motibo, nang dahil sa kanyang sobrang pagnanasa sa isang estudyante natin kung kaya niya ginawa ang lahat nang ito. At ano ang proof ko kung bakit ko nasabi na may matinding pagnanasa siya sa isang estudyante? Tingnan ninyo ang video.” Muling itinuro ni Jeff ang monitor kung saan ay lumantad sa computer ng Dean ang iba’t-ibang litrato ni John. At namangha ang lahat dahil pati ang litrato ni John sa pagkabata pa niya sa Baguio kung saan ay nasa 14 na taong gulang pa lang siya ay naroon din kasama sa mga pinakabago niyang litrato sa eskuwelahang iyon. “At heto ang pantapos kong proof ng matinding pagnanasa ng Dean kay Mr. John Iglesias,” sabay turo niya uli sa monitor kung saan ay nakasulat sa computer ng dean ang caption ng mga litrato, “John… pinahirapan mo ako noon. Ngunit hindi ako titigil hanggang maging akin ka! By hook or by crook!”

“Iyan lang po ang maibahagi namin. Maraming salamat po!” ang pagtapos ni John sa kanyang presentation.

Nakakabinging palakpakan ang maririnig mula sa mga estudyanteng naroon. Pagkatapos ng palakpakan ay marami naman ang nagsisigawan ng, “Dean Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign!”

Sa ginawa ni Jeff, Joy at grupo nila ay nagmistula silang bagong bayani ng campus. Marami rin ang humanga kay Joy na maliban sa pagka-kengkoy ay magaling sa computer na kung hindi dahil sa kanya ay hindi nila mabubuksan ang computer ng Dean at madiskubre ang mga nakastore na video at litrato.

Nang nakababa na si Jeff at grupo sa stage, tinumbok kaagad nila ang kinaroroonan ni Timmy. Niyakap ni Timmy si Jeff. “Salamat pare… sobrang naappreciate ko ang ginawa ninyo.” Ang sambit ni Timmy. Niyakap din ni Timmy si Joy. “Isa ka talagang tunay na kaibigan, Joy.”

“Maliit na bagay!” ang birong sagot ni Joy.

“Hindi naman nadungisan ni Daniel ang pagka-birhen mo?” ang biro rin ni Timmy.

“Hindi nga eh. Sayang… naghanda pa naman ako!” ang sagot na biro rin ni Joy.

“Hindi kami papayag pare na sisirain lang niya ang pagkatao mo. Kami ang kalaban niya. All for one, one for all tayo!” ang pagsingit ni Jeff.

“Grabe, parang gusto kong maiyak pare.”

“Painom lang naman ang katapat niyan, pare.” ang biro ni Jeff sabay tawa.

Nagtawanan na rin ang iba pang barkada na pinasalamatan din ni Timmy, lalo na ang mga lalaki.

“Oo ba! Kayo pa!” ang sagot naman ni Timmy.

“Nasaan pala si Hang?” ang tanong ni Joy. “Sayang hindi niya nakita ang kabayanihan ko!” ang biro niya.

“Oo nga! Ba’t wala siya? Hindi niya narinig ang lahat!”

“Hayaan niyo na. Panggabi siya eh.” Ang sagot ni Timmy. Gusto pa sana niyang ikuwento na masama ang loob niya kay John dahil sa ekesena nila sa Dean nang nakaraang gabi ngunit hindi na niya sinabi pa ito.

Habang nagsasalita pa si Shane at ibang estudyanteng may mga testimonials against sa Dean, may mga estudyante namang umiikot at namigay ng snaks at soft drinks. Ang saya lang ng mood ng rally na iyon. Parang may party lang sila. Nagtatawanan ang mga estudyante at may mga lumalapit pa talaga kay Timmy at kina Jeff, Joy at sa grupo at nakipag-kamay sa kanila. “Good job!” ang sambit nila kay Jeff at grupo habang kay Timmy naman, “I support you, Timmy!” ang pagbati ng mga estudyante nakikipagkamay kay Timmy.

Maya-maya ay nagulat naman ang mga barkada kay joy na nagtatalon. “Oh my god, Oh my God!!!” ang pagsisigaw ni Joy.

“Bakit???” ang tanong ng ibang babaeng barkada.

“Tingnan ninyo!!!”

Nang tiningnan nila kung sino ang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila, nakita nila ang dalawang lalaking matangkad at guwapo, may mga pulang arm band. Nilapitan nila si Jeff at kinamayan. “Astig ang ginawa ninyo, pare!” ang sambit ng isa. Ang isa naman ay kinamayan lang si Jeff at nginitian, kitang-kita ang braces sa kanyang mga ngipin. May hikaw siya na stainless, iyong parang singsing na malapad, may puting cap na binaligtad ang visor, ang kulay naman ng kanyang t-shirt ay light pink.  

“Salamat pare!” ang sagot naman ni Jeff.

Pagkatapos nilang lapitan si Jeff ay si Joy naman ang kanilang nilapitan at kinamayan. Sabi ng naunang nakipagkamay kay Joy, magpaturo ako sa iyo na mang-hack ha? May iha-hack akong computer” sabay turo sa kasama niya, “computer niya.” Ngumiti lang ang kasama niya sa sinabing iyon ng lalaki.

Sagot naman ni Joy na kinilig sa dalawa, “Puwede bang ang puso niyo na lang ang i-hack ko para naman makapasok ako?”

Sumagot naman ang unang lalaki, “Huwag na siya, Joy” turo niya sa kasama, “…may laman na ang puso niya. Iyong sa akin na lang, wala pa.” ang sagot niya. “At oo nga pala, joy, bukas ang kisame ng boarding house namin, baka gusto mong akyatin siya mamaya, doon tayo magtagpo sa loob.” Ang dugtong na biro ng lalaki.

Kitang-kita ang pamumula sa mukha ni Joy na hindi na makapagsalita. Tila himatayin sa lakas ng kalampag ng kanyang dibdib. Kahit ganoon ka-kumedyante si Joy, sa pagkakataong iyon ay natameme siya, nakatitig na lang sa dalawang lalaki na iyon na sa pagkakataong iyon ay lumapit na sa mga kasama ni Joy at nakipagkamay sa kanila.

Pagkatapos naman ay nilapitan nila si Timmy, Kinamayan din. “I’m with you, pare!” ang sambit niya. Pagkatapos ay kinamayan din ng kasama niya si Timmy. Nginitian.

Nang nakaalis na ang dalawa, hindi pa rin makapagsalita si Joy. Ganoon din ang mga kaibigan nilang babae. Nagkatinginan sila, pinipigil ang kilig at maya-maya lang ay biglang pinakawalan ang pangigigil at naghihiyawan. “OMG! OMG! Ang ku-kyut nilaaaa!!!”

“Di ba siya iyong bully sa 3rd year Business Administration na kung sinu-sino ang binubugbog?” ang tanong ni Emily.

“Siya nga iyon, si Jerome! OMG!!! Ang guwapo talaga niya! Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan!!!” ang sagot naman ni Fe.

“Jerome! Jerome! Bugbugin mo ako!!!” ang pigil na pagsisigaw ni Joy habang nagtatalon. “My Ghad! Puwede na akong mamatayyyyy!”

“Teka, di ba iyong kasama niya ay freshman din ng Business Administration? Sa department natin siya at parehong freshman! My God ngayon ko lang siya napansin! Ang guwapo-guwapo pala!!!” ang sambit naman ni Fe.

“Hindi natin kasi siya classmate sa maraming subjects. Nasa ibang section siya at hindi pala-kibo. Laging nasa library nagtatambay! July ang pangalan niya eh. Dean’s lister iyon. July… Villas! Siya nga!”

“Ah… kaya pala.” Ang sagot din ni Joy. “Pero ang cuttteeee! Lalo na kapag ngumiti at ang braces! OMGGGG!!!” at kalabit niya kay Timmy. “Tok barkadahin natin sila.“ ang sambit ni Joy.

“Nakakita ka lang ng guwapo, nalimutan mo na si Hang mo.”

“Hmp! May Tok na siya eh. It’s time naman na ako ang maghanap ng aking kaligayahan.”

“Huwag ka nang sumingit sa kanila, may sarili silang kuwento.” Ang sagot ni Timmy.

“Kuwento? As in story?”

“Oo… at hindi ka kasali sa kuwento nila. Kaya OP ka sa kanila.”

“Anong pamagat ng kuwento nila?”

“Magroommate daw iyan sila eh. So baka ang title ng story nila ay ‘Ang Roommate Kong Siga’”

“Malamang!” ang pagsingit din ni Jeff.

“Uhuhuhuhuhu! Saklap! Hindi ako kasali!”

Tawanan.

Natapos ang mga speeches sa entablado. Binigyan-daan ni Shane ang banda. Kantahan na ang sumunod. At kapag mabilis ang tempo ng kanta ay sasabayan ito ng pagsasayaw ng mga estudyante.

Nasa ganoon kasaya ang assembly na iyon nang biglang, nag-announce ang vocalist ng banda. “May we request Mr. Timmy Suarez to come up the stage?”

Nabigla si Timmy sa pagkarinig niya sa kanyang pangalan at napalingon sa kinaroroonan vocalist sa ibabaw ng stage. Naguluhan.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Karamihan kasi sa kanila ay naawa kay Timmy, at lalo na nang mapatunayang edited at fabricated lang ang video na ipinakalat tungkol sa kanila ni John.

Nang makita ni Timmy si Shane sa stage na kinawayan siya at pinapaakyat, wala nang nagawa si Timmy kundi ang umakyat.

Nang nasa itaas na siya ng stage ay binigyan siya ng upuan ni Shane. Nakaupo siyang nakaharap sa banda. “Bakit ako? Wala naman akong ginawa upang ma-bulgar ang mga ginawa ng Dean?” ang bulong ni Timmy kay Shane.


“Syempre, ipinaglaban ka namin. At kung hindi dahil sa pagka-martir mo ay hindi namin magawa ang lahat ng ito. Kaya karapat-dapat lang na bibigyna ka namin ng kaunting alay.” Ang sagot din ni Shane.

Tinugtog ng banda ang intro ng kanta. Nagsimulang umawit ang vocalist.

I swear by the moon and the stars in the sky
And I swear like the shadow that's by your side

I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my heart

Sa puntong iyon ay doon na siya nagulat nang biglang sumulpot mula sa likuran ng stage si John, hawak-hawak ang mikropono sa isang kamay at isang kumpol na mga pulang rosas naman sa kabilang kamay. Siya na ang nagpatuloy ng kanta. Nilapitan niya si Timmy at ibinigay ang bulaklak.

Naghiyawan ang mga tao. Sa porma niyang naka-ripped jeans na faded at puting long sleeves na pinaigsi, hinila patungo sa braso, napakaguwapo ni John sa kanyang porma. Hindi siya magaling kumanta ngunit sa effort niyang iyon ay halatang lumabot ang puso ni Timmy, pati na ang mga tao. Napatunayan naman kasi niya at naintindihan na hindi niya masisisi si John dahil ginawa lang niya ang sa tingin niya ay ikabubuti nilang dalawa.

Nang tinanggap ni Timmy ang mga bulaklak, doon pa lalong na naghiyawan ang mga tao. Hinawakan ni John ang amay ni Timmy at pinatayo siya. Tumayo naman si Timmy.


'Cause I'll stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart

And I swear by the moon and the stars in the sky
I'll be there
I swear like a shadow that's by your side
I'll be there

For better or worse, till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear

I'll give you every thing I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the walls

And when just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
'Cause as the time turns the page, my love won't age at all

Natapos ang kanta na lumuhod si John sa harap ni Timmy at nagsalita. “Tok… hindi ko malilimutan ang sinabi mo na mapapatawad mo lang ako kapag lumuhod ako sa harap mo at sa maraming tao. Sana ay mapatawad mo ako. Patawarin mo na ako Tok, please…?”

Nahiyang napangiti si Timmy. Kung dati ay ayaw niya na mag-display sila ng kanilang affection sa publiko, ngunit sa ginawa ng Dean ay mistulang na-challenge siya. Napaisip kung hanggang kailan nila kayang itago ang kanilang relasyon. Naalala rin niya ang matagal na gustong gawin ni John na mag-out na sila upang wala nang mangulit at magtangkang sumira sa relasyon nila. Kaya sa pagkakataong iyon ay handa na si Timmy na sumugal kung tatanggapin sila ng mga tao o hindi.

Hinawakan ni Timmy ang kamay ni John at pinatayo niya siya. Nang makatayo na si John ay niyakap siya ni Timmy at hinalikan ang pisngi nito. Niyakap rin siya ni John at hinalikan ang kanyang bibig, iyong mabilisan.

Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa paghihiyaw at pagsisigaw ng “Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang!”

(Itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails