Followers

Showing posts with label The Encounter with the Flirt. Show all posts
Showing posts with label The Encounter with the Flirt. Show all posts

Friday, March 11, 2011

The Encounter with The Flirt 6, 7 and 8

Geeky

Sorry guys for late posting... If meron mang nag-abang... ahihihi...

Follow my blog: Fall in love with Dalisay <<< CLICK po.

FB: angelpaulhilary28@yahoo.com

Chapter 6



PINAKAMAHIRAP harapin ang umagang iyon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanila ni Billy. Na-realize iyon ni Eiji nang magising siya kinabukasan. Napatingin siya bedside table at napagilalas siya ng makitang alas-otso pa lang ng umaga. Huling sulyap niya doon ay iyong bago siya makatulog ng mag-a-alas tres. Nasapo niya ang ulo. It was pounding like crazy and his whole body felt sore. Ganun pa man ay nanatili siyang nakadapa.

Grabe ang gana ni Billy kagabi. Parang hindi nito first-time. Sa unang beses na may nangyari sa kanila ay iginiya niya lang ito sa dapat na gawin. Wala rin siyang plano na magpa-bottom dito but the idea of giving Billy his first head, his first fuck not to mention his first kiss is quite novelty for him. Wala siyang pinagsisihan sa naganap. He was insatiable last night. Saglit lang itong nagpahinga at ng magkaroon ng pagkakataong magdikit ang kanilang mga katawan ulit ay umulit ito. Umulit ng umilit. Kaso nga lang, ngayong tapos na ang bugso ng kanilang damdamin ay medyo naiilang siyang di mawari.

What the hell are you thinking man? You don't give a damn whenever you had sex with someone before. Tili ng isang bahagi ng isip niya.

That was before. Pilit na pagrarason niya. Iba si Billy. Iba ito sa mga naka-sex niya. At hindi iyon sex para sa kanya. He was made love to. Wonderfully. By Billy.

Whoa! Don't get there man! You're being over-dramatic!

Well siguro nga. Nagiging ganoon lang siya siguro kasi first-time man ni Billy sa sex ay first-time din niyang maging guro sa sex. Iba ang feeling niya. Parang gusto niyang maulit lang ng maulit ang pagtuturuan nila.

Iyan ang napapala mo Eiji. Sukat ba namang sunggaban mo agad si Billy.

But he could not deny that along with those unwanted symptoms his feeling right now. The soreness and etc. He Was also gratified. Billy was an excellent lover. All those he made love to before failed in comparison.

Billy left no part of his body unexplored. Hindi naman siya nagpadaig dito dahil talagang in-explore din niya ang buong katawan nito. He was hard. Like that of a Demi-god. Fascinated na fascinated siya sa anatomy nito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang lalaking geeky na iyon ay may itinatagong biyaya ng langit. At siyempre pa, sino ba naman siya para tanggihan iyon. Billy's body was like a perfect example of God's creation.

But if Billy was so perfect, bakit problemado siya ngayon?

Kinapa niya ang parteng hinigaan nito. Wala na pala ito doon. Natatakot kasi siyang bumangon agad at baka kausapin siya ni Billy tungkol sa maaksiyong gabi nila, buti na lang at wala pala ito sa tabi niya. Nagpasya siyang bumangon na when realization struck him.

Napaungol siya. Paano nga ba niya haharapin si Billy nang umagang iyon? Kung pwede lang sanang umalis na lang itong bigla para hindi na sila magharap pa. Pero alam niyang imposible iyon. Nakatali si Billy sa isang proviso na kagagawan ng tiyuhin nito.

"Oh Franny! I could kill you!" sambit niya sa sobrang frustration.

Oo nga pala, patay na ito. Sumalangit nawa. Mabigat ang katawang nagtuloy siya sa banyo. Nasulyapan niya ang maayos na pagkakatupi ng damit niya at ni Billy. Napabungtong-hininga na naman siya. Kung pwede lang sanang maghapon siyang magkulong sa kwarto pagkalipat niya doon para lang ma-delay ang pagkikita nila ng lalaki pero alam niyang hindi niya mapipigil iyon. He might as well face him now.

What's the big deal man? It's just sex!


Mabilisan siyang nag-shower at nakaroba lang na lumabas ng kwarto nito para lumipat sa sariling silid. Nang makapag-palit ay bumaba siya para lang salubungin ng mabangong amoy ng isang putaheng iniluluto. Didiretso sana siya sa kusina ng makasalubong niya si Thomacito.

"Good Morning Sir Eiji. Mukhang maganda ang gising niyo ngayon?"

Hindi niya alam kung nahalata nito pero bahagyang nag-init ang punong-tainga niya sa tanong nito. Wala naman siguro itong alam sa nangyari? Pero sino bang hindi magtataka kung kapwa sila hindi kumain ng hapunan kagabi ni Billy dahil ang isa't-isa ang ginawa nilang pagkain.

Napalunok siya at bahagyang napangiwi bago sumagot. "O-oo nga. Medyo masaya ang g-gising ko."

Napangiti ito sa sagot niya. "Of course. Alam ko iyon Sir Eiji." sabi nito sabay pukol ng makahulugang ngiti at tingin sa kanya.

Nagmamadaling tinungo niya ang kusina. Bumungad sa kanya ang samyo ng ulam na iniluluto ng kung sino. Napapikit pa siya para lasapin iyon para lamang pangapusan halos ng hininga ng makitang si Billy ang nagluluto.

Kumabog ng husto ang dibdib niya. He was naked from waist up. Napabilis ang hakbang niya patungo sa kusina. Nakatalikod sa kanya si Billy, wearing only his boxers shorts.

"A-ano iyang ginagawa mo?" panggagambala niya rito.

Pumihit ito paharap sa kanya. Para siyang pinalaso sa puso ng makitang nakangiti ito. His handsome face is radiating. Ayaw niyang isipin na dahil sa nangyari sa kanila kagabi kaya parang nag-go glow ang mukha nito. Yabang mo 'tol!

"Magandang umaga." bati nito.

"Good Morning." ganting-bati niya. Saka niya lang napansin na ang suto nito ay isang pink na apron. Napapangiwing nagtanong siya rito.

"Kaninong apron iyan?"

"Ah ito ba? Sa chef. Hiniram ko lang." Billy said shrugging his shoulders. "Hindi ba bagay?" nahihiyang tanong nito.

"N-no!" nabibiglang sagot niya.

Totoo naman. Hindi nakabawas sa masculinity nito ang kulay pink na apron. In fact, he looked devastatingly sexy with his outfit. "Nagluto na ako. Nagugutom na kasi ako eh. I wanted to make it special kaya naman ako na mismo ang naghanda. Kain na tayo." yaya nito sa kanya.

Napatango lang siya sa kawalan ng masabi. Malisyoso kasi ang pumasok sa utak niya ng sabihin nitong nagugutom ito. Last night, he acted as though he was really starved. Kaso hindi siya gutom sa pagkain. Muntik na siyang mapangisi sa pilyong saloobin niya.

"Maupo ka muna. Malapit ng maluto itong fried chicken."

Sumunod siya sa sinabi ni Billy. Humila agad siya ng upuan at kaagad na naupo roon. Kailangan niya ng suporta dahil parang nawawalan siya ng balanse at bibigay anumang oras ang tuhod niya. Ganoon kalakas ang impact sa kanya ni Billy. The mere presence of him was turning his bones into jelly.

"Masarap ba iyan?" paguusisa niya. Pilit niyang ginagawang kaswal ang pakikipagusap dito kagaya ng ginagawa nito. How could he look so damn cool this morning?

"Of course. Parang ako lang." natatawang sambit nito.

Napalunok siyang bigla. Biglang natuyuan ng lalamunan sa narinig. Dyaskeng lalaking ito! Ang aga-aga pa ay nanunukso agad!

"May ready-to-made gravy diyan. Nakita ko kahapon." nagpapaka-kaswal pa rin niyang sabi.

"Nakita ko na. Pero gumawa na rin ako ng sawsawang kamatis at asin. Sariwa iyon kaya masarap." anito sabay kindat sa kanya. Napahugot siya ng hininga sa hantarang panunukso nito.

Napailing siya. Hindi pa niya nasusubukan ang sinasabi nito pero parang willing siyang subukan. Malala ka na nga Eiji. Since when did you start patronizing men? Tumayo na lang siya para itaboy ang nagsisimulang pagbi-build up ng komosyon sa sikmura niya. Parang may nag-iikutang paru-paro sa loob niyon.

Wala siyang pinaluguran sa mga nakarelasyon niya. Mapa-babae man o lalaki. Lahat ng iyon ay nagdadaan lang sa buhay niya. Masyado siyang strong-willed para lang paluguran ang kahit na sinong mapaugnay sa kanya.

Pero iba si Billy. Ramdam niyang kaya nitong paikutin siya sa mga palad nito. Hmm... Scary...

It was all new to him. And the feeling was overwhelming.

Lumapit siya sa cupboard. "Gusto mo ng kape Billy?"

"Okay lang ba na ipagtimpla mo ako?"

"Oo naman. Kape lang ito. Ikaw naman nagluluto ng breakfast natin."

"Sanay ako sa kusina. Ako ang nagluluto para sa sarili ko. Kahit isama mo pa ang lunch at dinner pwede kitang ipagluto araw-araw." nakakaengganyo ang ngiting sabi nito.

Bahagya naman siyang natilihan sa sinabi nito. Why was he talking about cooking for him everyday? May plano ba itong ipagluto siya habang naririto sila? Napabilis tuloy ang pagsalin niya ng mainit na tubig.

Gumiwang ang thermos at natapunan siya sa kamay na nakahawak sa mug. Mabilis na nakalapit sa kanya si Billy at hinipan ang kamay niya. "Anong nangyari?"

"Napaso ako. Shit!"

Muli nitong hinipan ang kamay niyang napaso. Ngunit imbes na maginhawaan ay parang mas napaso siya sa ginawa nito. "Okay na?" tanong nito.

"O-okay na." Hinila niya ang kamay mula dito. Bumalik siya sa pagtitimpla ng kape. Their intimacy was evoking so many intimate memories of last night. He could feel his manhood reacting to their intimacy.

"Dalhin mo na sa mesa iyan, 'Ji. Doon na natin inumin iyan."

"Okay."

Nauna na siyang nagtungo sa lamesa. nagmamadali ang kilos niya dahil ayaw niyang mahalata ni Billy na para siyang sinisilaban kapag kasama ito. Baka kasi bigla na naman niyang mahablot ito at kung saan na naman sila mauwi.

"Breakfast na tayo!"

Napapantastikuhan siya sa kasiglaan na meron ito ngayong umaga. Para siyang hari na pinagsilbihan nito. Nilagyan siya nito ng sinangag sa plato at ang napili nitong fried chicken ay iyong paborito niyang parte. Naiinis na pinagalitan niya ang sarili dahil sa maliit na bagay na iyon ay bigla na naman siyang kinilig.

Tinikman niya ang pritong manok at tama ito. Masarap nga. Only he'd prefer Billy more. "Ang sarap. Anong ipinangtimpla mo dito?"

"M-in-arinate ko iyan sa suka, bawang, asin at paminta. Okay ba?"

"The best." iyon lang ang masabi niya dahil parang energy bar ang kinakain niya at sunod-sunod ang naging pagsubo niya. napadighay siya ng malakas pagkatapos kumain na umani ng amused na tingin mula kay Billy. "Grabe. I'm so full! Tataba ako kung palaging ganito kasarap ang pagkain!" Masayang deklara niya.

"Okay lang na tumaba ang boyfr-- err girlfr-- err, ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" nahihiya pero nakangiting sambit nito.

Nanlalaki ang matang napatingin siya dito.

"What?"

"I said, ano ba ang tamang tawag sa'yo? Boyfriend ko o girlfriend?" nakangiwing sabi ni Billy.

"Whoa!" nanggigilalas na sambit niya. Napatayo siyang bigla.

"Why?" takang tanong nito.

"H-hold it right there Billy."

"Why? Ano bang pinagsasasabi mo?" nakakunot na ang noong sabi nito.

"Ikaw ang kung ano ang pinagsasasabi diyan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

Napabugha ito ng hangin. "I know what I'm saying Eiji."

"Yeah right." sarcastic niyang balik dito.

"Why are you acting like you don't care? May nangyari sa atin Eiji. Not just once, not twice..."

"Whoa! Hold it right there dude!" putol niya sa sinasabi nito. Napapalakas na kasi ang boses nito.

"Hold it right there Billy, at please, huwag kang magsalita ng ganyan. Nangingilo ako." Nahilot niya ang batok na biglang sumakit yata.

"Bakit?"

Napailing siya. Ano ba ito? "Hindi pa tayo magkakilalang lubusan Billy. How can you talk about us getting into a relationship?"

"Pero may nangyari nga sa atin..."

"I'm not denying it. Pero hindi rason iyon para magkaroon agad tayo ng relasyon." Susme, mukhang old-fashioned din pala ang nadale niyang papa.

"I don't get it. Di ba at ganun naman ang gusto ninyo?"

"Hindi lahat. Ibahin mo ako Billy. Besides, aminado man akong may atraksiyon ako para sa'yo but I don't think attraction should be binding. Hindi ako nakikipag-boyfriend for wrong reasons." Naloloka siya sa scenario. Hindi niya ma-imagine na ganoon ang magiging eksena nilang dalawa ngayon. Dinaig pa niya ang babae. Kung nagkataon pala ay inalok na siya ng kasal nito. Thank God!

"Hindi kita maintindihan." sabi nito.

"Basta huwag mo ng ipilit."

"Ganoon na lang iyon? Ganoon ba palagi iyon?"

"Diyos ko po Billy. Think of it as your hands-on training. Hindi ba at may isusulat kang article about sex? Kasama iyon sa proviso ng mamanahin mo kay Franny. Consider it as my help." naiirita niyang sabi.

Tahimik na lang nitong ipinagpatuloy ang pagkain. ganoon din siya. OBviously ay pareho silang tinabangan ng kumain. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Bahagya pa lang nitong nagagalaw ang pagkain ng tumayo ito. Akma nitong liligpitina ng pinakainan ng pigilan niya ito.

"Ako na ang bahalang magligpit dito Billy."

Tumango lang ito. His hadsome face devoid of any emotions. "Aakyat na ako."

"S-sige."

Tuluyan na itong lumabas ng kusina. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Parang biglang lumapit sa kanya ang mga pader at sinu-suffocate siya. Nakapagitan iyon sa kanila ni Billy. Napailing na lang siya.

This is all your fault Eiji.

Bumuntong-hininga siya. Hindi na niya makain ang fried chicken na isinusubo niya. Parang nawalan na iyon ng lasa. Iniligpit na lang niya ang kinakain. Hindi siya makapaniwalang iyon ang kapalit ng ilang oras na kaligayahan sa piling ni Billy ng nagdaang gabi.

He just wished the feeling wouldn't stay longer than he could handle.


Itutuloy....


CHAPTER 7

Tumatagiktik na ang pawis ni Eiji sa buong katawan pero parang wala pa siyang planong huminto sa ginagawa. Ilang beses na niyang na-perpekto ang mga pinagpapraktisan na bagong technique sa paglalaro ng acrobatic tennis subalit tila kulang pa iyon para sa kanya. Kung makakapag-reklamo lang ang raketa at ang mga tennis ball na hinahampas niya ay malamang na naireklamo na siya sa pinakamalapit na barangay.

"Damn!" usal niya sa pagitan ng paghahabol ng hininga.

Nahiga siya sa malambot na bermuda grass ng tennis court. Bahagya niyang ibinaba ang suot na visor para hindi masilaw sa sikat ng araw. Kung makikita lang siya ng derma niya ay malamang na paulanan siya ng mura nun. Para kasing gusto niyang magkasakit sa balat sa ginagawa.

Pero kailangan niyang maging busy. Hindi kasi niya maalis sa isip ang eksena sa kanila kanina ni Billy. Hindi na ito lumabas ng kwarto nito pagkatapos ng agahan nila. Wala tuloy siyang magawa kung hindi ang pilitin ang sariling mag-praktis. Tutal naman ay malapit na ang laban niya para prelims ng US Open. Ngunit tila tuksong kapag nagkakaroon ng pagkakataon para siya panandaliang mag-isip ay pilit na sumisingit ang imahe ni Billy sa isipan niya. Tulad ngayon.

Memories of last night easily flooded his system. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan at ang reaksiyon ng kanyang pagkalalaki. Napaungol siya sa realisasyon. Hinamig niya ang sarili at tumagilid. He wanted Billy! Nakakagulat man ang napakabilis na development na iyon sa pagitan nila pero iyon ang totoo. Pero bakit nga ba niya tinanggihan ang alok ni Billy sa kanya?

Alam mo ang sagot diyan, Eiji. Sabi ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

Naiiling na bumangon siya pero hindi tuluyang tumayo. Nanatili lang siya sa pagkaka-upo kahit pa tirik na tirik ang araw. Dedma sa banga ang drama niya. Mas gugustuhin pa yata niyang magka-cancer sa balat kaysa ang harapin ulit si Billy.

Nasa ganoon siyang pakikipag-diskusyon sa sarili ng makarinig siya ng mga yabag. Patamad niyang nilingon ang nagmamay-ari nuon para lamang panlakihan ng mata. His heart might have skipped a beat from seeing those mesmerizing eyes. Literal siyang napanganga sa kagwapuhan ng may-ari ng mga matang iyon.

Hindi! This can't be! Hiyaw niya sa isipan.

Unti-unti ang paglapit na ginawa ng taong umistorbo sa kamalayan niya. Tumingkayad ito paupo para magkarron ng lebel ang kanilang mga mukha. Naamoy niya ang mabangong samyo nito. Uy! Fresh!

"A-anong ginagawa mo dito?" he said stammering. Nais tuloy niyang batukan ang sarili. Lalaki lang iyan! Ano ba! Lalaki ka rin!

Weh di nga?

May inumang na bote ito sa kanya. Napatingin siya sa bote ng gatorade na nasa harap ng mukha niya. Nakakunot-noong tiningnan niya ito.

"Huwag mong sabihing pati ito ay tatanggihan mo? Nakakatampo ka na Eiji."

Para siyang pinitik sa tainga sa narinig. Ewan niya pero ramdam niyang nag-init ang kanyang punong-tainga hanggang mukha ng dahil sa kilig. Salamat sa haring araw at sa kanina pang pagpapawis at mukhang may dahilan siya para mamula ng wala sa oras.

"S-salamat." Nahihiya niyang sabi.

"You're welcome."

Napatitig siya sa mata nito. Para siyang hinihigop ng mga iyon. Nakakainis mang tanggapin pero mukhang ang lakas nga ng tama niya sa taong ito. Hindi niya alam kung aware ito sa nangyayari sa kanya ngayon pero ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso niya. Nag-aalala na nga siya at baka atakihin siya sa puso ng wala sa oras.

Tse! Wala kang sakit sa puso no?! Epal ng antagonist na parte ng kanyang isipan.

"Ah... Eiji."

Napakurap siya ng magsalita si Billy. Bakit parang musika sa pandinig niya ang pagbigkas nito ng pangalan niya? It sounded like, he was in love with him. Uh oh! You've said the "L" word Eiji. Patay tayo diyan! Napayuko siya sa naisip. Lord! Hamper ka! Hamper! Bakit kay Billy pa? He's so nice. Hindi bagay sa akin!

"About last night." Pagpapatuloy nito.

Napaangat siya ng mukha. "What about it?" Tumaas agad ang depensa niya para dito. Hindi kasi mamaring ulitin nito ang inaalok sa kanya at baka masuntok na niya ito ng matauhan.

"I want-"

"No."

"What?" Nalilitong tanong nito.

"I said no. Capital N-O. No!"

"No, what?"

"Yang sasabihin mo. Hindi ang sagot ko." Nagmamadali siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Bakit ano bang sasabihin ko?" Naiirita na nitong tugon.

"Alam ko na ang sasabihin mo. Kaya nga hindi na kita pinapatapos na magsalita. No Billy. Hindi sa tagalog."

"What? You're a mind reader now?"

"Hindi. Pero alam kong alam mo na alam ko ang gusto mong sabihin." Huh? Parang ang gulo?

"Talaga? O sige nga, anong sasabihin ko?"

Natigilan siya. Ano nga ba ang sasabihin nito? "E-eh, di ba yun yung..."

"I want a repeat." sansala nito sa paghahagilap niya ng isasagot.

"What?" Siya namana ng napatanga dito.

"Narinig mo ako. I want a repeat."

Juice ko! Ano bang pumasok na kalungkutan sa utak nitong taong ito?

"Y-you w-want a re...repeat?"

"Yes."

"But why?" Sa wakas, diretso niyang sabi.

"Because I want to."

"Yeah right. Ganoon lang yun. Natuto ka lang ng kabastusan, malakas na ang loob mong magyaya na para bang kendi lang ang hinihingi mo. How gregarious of you!" Maaskad niyang sabi.

"Ang dami mong snasabi Eiji. Do you want me or not?"

The question caught him off-guard. Sandali siyang napatitig dito. Subalit bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay nagmamadaling hinila siya nito palapit na kung hindi sa mabilis niyang reflex ay napasubsob na siyang tiyak dito.

"Maybe this can help you decide." anas ni Billy bago siya hinaklit sa batok para gawaran ng mariing halik. Parang deja vu ito ng kagabi. Iyon nga lang, siya ang nagpasimula. Siya ang guro. Ito ang estudyante. Pero ngayon, mukhang baligtad na ang pangyayari.

Mapangahas ang labi nitong pilit na sumisira sa kanyang katinuan. Ramdam niya ang kawalan ng experience ng dila nito pero mukhang mas lalong nagpaigting iyon sa kanyang damdamin. Mas nagpainit. Mas lalo siyang na-excite. Gumanti siya ng halik dito. Hindi alintana kung nasa gitna sila ng kung saan mang lupalop ng daigdig. Basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay silang dalawa lang. Ninanamnam ang tamis ng bawat isa.

Hindi alam ni Eiji kung ilang minuto ang itinagal--parang taon na nga yata--ng kanilang halikan ni Billy. Basta ang alam lang niya ay nasa alapaap ang pakiramdam niya. At ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang mukha. Kapwa sila humihingal pagkatapos ng maalab na eksenang iyon.

"Which room? Yours or mine?"

"Huh?" Disoriented na tanong niya.

"Okay. Sa kwarto ko na lang." Sabi nito saka mabilis siyang hinila patungo sana sa bahay kung hindi lang bumalik agad sa normal ang kanyang pag-iisip.

"Wait Billy. Stop!"

"Why?" Takang tanong nito.

"We need to talk."

"Can it wait?"

"No."

Napabugha ito ng hangin. Halatang frustrated. "Okay. Doon tayo sa bench." Sabi nito saka nagpatiuna pa patungo sa sinabi nitong lugar.

Nang pareho na silang nakaupo ay para naman silang timang na nag-aantayan sa kilos ng bawat isa. Siya, nag-iisip ng tamang salitang gagamitin. Ito, ewan niya. Panaka-nakang sumusulyap lang ito sa kanya. Seryoso ang hitsura. With matching knotted forehead pa. Sosyal!

"So?" Basag nito sa pananahimik nila.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bago nag-aalangang tumingin dito. "A-about last night."

"Linya ko iyan."

"Ha? Ay oo nga no? Sige, pahiram lang ha."

Tumango lang ito.

"You were great." Pagsisimula ulit niya.

"Thanks. But I can hear a "but"."

Napailing siya. Billy may be a virgin when it came to sex and relationship but he's not stupid. In fact, mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito na ang namagitan sa kanila ay normal lang. Nagkataon lang na siya ang nagbigay ng initiation dito but it was not enough for them to have a relationship.

"But, it's not right that we start something just because we had sex." There, nasabi na niya.

"I know. Nasabi mo na di ba?"

"So bakit ka nagyaya?"

"Because I want to. I want to do it again. With you. Masama ba iyon?"

Natameme siya. Bakit ba ang arte niya? Kung ang iba nga nagbabayad pa para lang magkaroon ng sex life tapos siya, heto at inihahain na isang makisig na lalaki ang sarili sa harapan niya eh tinatanggihan pa niya. Kabog! Ikaw na! Hirit ni Grazilda. Ang ipinangalan niya sa kontrabidang parte ng isip niya.

"Ah... What can I say?" Natuturete na niyang sabi. Pinangangapusan na siya ng hininga sa antisipasyon.

"Just say nothing."

"Okay. Just promise me one thing Billy."

Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.

"After this, wala ka ng babanggitin about us, being together. Okay?"

Mataman siyang tinitigan nito. Seryoso. Hanggang sa napaskil ang mapang-akit na ngiti nito. He thought he just died and was sent back to heaven ng dahil sa ngiti na iyon.

Anong drama yan? Nagiging poetic ka na tsong!

"Sure. Can we go now?" There it was again. His lopsided smile. Para itong lethal injection na itinurok sa kanya ng paulit-ulit.

Hindi niya alam kung paano silang nakarating sa bahay at sa kwarto nito ng hindi napapansin ang mga tao sa paligid. Namalayan na lang niyang isa-isa na nilang tinatanggal ang kasuotan nila. Mainit ang pagtatagpo ng kanilang balat. May pananabik. Sa parte niya, puno ng antisipasyon. Sa parte ni Billy, puno ng pagsasaliksik. Parang batang uhaw sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

Napabitiw siya dito ng maalalang pawisan pa siya.

"Bakit?" Tanong ni Billy.

"Magsa-shower lang ako." Aniya rito saka kinintalan ng halik sa labi bago tinungo ang banyo.

Nasa loob na siya at magsisimula pa lang na magbabad sa itinimpla niyang temperatura ng tubig sa shower ng pumasok si Billy in his naked glory. His member standing in full salute greeted him. Hindi niya maiwasang makaramdam ng mabilis na tensiyon sa pagitan ng kanyang hita.

Pinigilan niya ang sariling lapitan ito. Parang tukso naman ang mabagal na paglapit nito sa kanya. Nagbaling siya tingin sa ibang parte ng CR. Nagsimula na siyang magsabon sa sarili. Nagmukhang maliit ang banyo ng dahil sa pagsasama nilang iyon ni Billy sa loob. Pagbaling niya ulit ng tingin rito ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. Nagtatanong ang mga mata niya ng sa wakas ay makalapit ito. Hindi ito sumagot, sa halip, hinawakan siya nito sa baywang at saka siya hinapit palapit dito. He felt their members clashed. Lalong nag-init ang pakiramdam niya. Hinalikan siya nito sa labi, pagkatapos ay sinimulan na pagapangin ang kamay nito sa may sabon pang katawan niya. He left out a small cry of ecstasy.

Napasighap siya ng isandal siya nito sa tiled wall kung saan naabot niya ang bahagi ng shower. Eiji was thirlled with the position this time. Nararamdaman niyang ang pagkilos ni Billy ay nakabase sa instinct nitong magpaligaya ng partner.

Isinampa nito ang isang hita niya sa bathtub pagkatapos ay lumuhod ito--and sucked like a babe there.

"Oh my God!" Ang tanging nasambit niya sa napakabilis na pangyayari. Kung bakit ito ginagawa sa kanya ni Billy ay tanging ito lang ang nakaka-alam.

Napasabunot siya dito hanggang sa tuluyan ng humulagpos ang self-control niya. Hinila niya ito patayo saka itinulak sa dingding sa sinasandalan niya kanina at ginaya ang ginawa nito sa kanya.

Pagluhod niya rito, his manhood was already as stiff as a tank destroyer, ready for battle. Napabungisngis siya as he toyed with it, before he finally tasted the hard shaft with the tip of his tongue. Giving him another experience worth remembering. He teased with it a little. Played with it a little. Billy kept grunting and moaning. Hanggang sa hindi na yata ito makatiis, sinabunutan siya nito at iginiya nito sa bibig niya ang kahandaan.

"Mabibilaukan ako nito." Humahagikgik na sabi niya to which he replied a violent groan.

He took the tip of his maleness and suckled to it. Tila kinumbolsyon naman ang reaksiyon nito.

After a long while, mukhang ang self-control naman nito ang nagwala. Itinayo siya nito at isinandal paharap sa dingding. He took over of the situation. In one swift thrust, he was inside him. The next moment, Billy was thrusting in and out of his ass rather violently. Ngunit sa halip na masaktan ay tila lalo lamang siyang sinisilaban.

When they exploded together, hindi na nila napigilang isigaw ang pangalan ng isa't-isa.


Nakatitig lang siya sa mukha ni Eiji habang nakahiga sila sa kama. Napakabilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa. Parang kailan lang ay nag-iiringan pa sila. The next thing he knew, he was inside of him. Literally.

Nababagabag man kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya para kay Eiji ay wala siyang makapang pagsisisi sa kaloob-looban niya. Kahit pa ang pagtanggi nito sa alok niyang maging sila --na kahit siya ay hinahanapan pa niya ng kasagutan kung bakit niya naisipang ialok rito-- ay hindi niya ikinabahala. Secured siya sa pagkalalaki niya. Ito lang ang inaalala niya.

Secured nga ba?

Nakatingin lang din ito sa kanya. Pagkatapos ng eksena sa banyo ay sa kama naman sila nagpatuyo ng katawan. Bawat pagtatagpo ng katawan nila ay nagdudulot ng malaking apoy na tumutupok sa kanilang pareho.

Hinapit niya ang katawan nito palapit para ipadama ang hindi pa humuhupang emosyon sa pagitan ng mga hita niya. Natawa lang ito.

"Grabe ang energy mo Billy. Sumusuko ako."

"Ganoon talaga. Twenty-seven years ba anmang puro kamay lang ang kaulayaw ko eh."

Nakita niyang naligayahan ito sa sinabi niya. Naisip niyang tanungin ulit ito ng inalok niya kanina.

"Sigurado ka bang ayaw mong maging tayo?"

Nawala ang ngiti nito sa labi.

"Ayan ka na naman Billy eh." Natatarantang sabi ni Eiji.

"Ito naman naitanong ko lang. Wala naman akong planong ipilit pa."

"Good. Kasi, hindi porke may nangyari na sa atin eh ganoon na dapat ang kauwian natin. Susme, kung lahat ng lalaki ganyan ang pananaw eh di sana walang unwed mothers ngayon." Sabi nito saka pagak na tumawa.

"Why are you so against it?" Kunot-noong tanong niya.

"Against what?"

"The idea of us, being together. In a relationship."

Naramdaman niya ang pagbabalak nitong tumayo kaya dinaganan niya agad ito. Sumusukong nagpakawala ito ng hininga.

"I don't have anything against it Billy. That's the truth."

"But?" Pangungulit niya.

"You're too good to be true. Hindi ka bagay sa akin."

"And may I know why?"

"Basta." Pagtatapos nito sa usapan.

Tinitigan niya ito. Umiwas naman ito ng tingin.

"What if... maging tayo. Without commitments. No strings-attached. No responsibilities. Just for the heck of it." Pag-iiba niya ng estilo.

Napatingin ito sa kanya sa di makapaniwalang reaksiyon.

"Seryoso ka?"

"Did you hear me joking?"

"No. I-i mean... Why?"

"Kailangan ba ng rason sa lahat?"

"Well, I guess not."

"Kaya nga ganoon ang alok ko sa'yo. Ayoko naman na tawagin nating fuck-buddies ang isa't-isa. Ang sagwa eh. Kung tatanungin mo naman ako kung bakit ikaw, I don't know. I really don't know the answer. Hindi dahil sa ikaw ang naka-una sa akin. Hindi iyon. Maligaya lang kasi ako sa piling mo. Iyon lang ang alam ko."

Natigilan ito. Hindi makapaniwala sa naririnig sa kanya. Kaya naman ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita tutal naman ay naroon na sila.

"Ano? Payag ka ba?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Napakurap-kurap pa na parang wala siya sa ibabaw nito. "B-billy."

"Yes?"

"What are you feeling right now?"

Nagtataka man ay sumagot siya.

"Happy? Iyon lang naman ang nararamdaman ko eh. Simula pa kagabi kahit panira ka ng moment kaninang umaga."

Biglang naging seryoso ang mukha nito.

"Seryoso ka ba Billy sa alok mo?"

"Oo naman."

"Baka lang kasi sa bobrang saya mo na hindi ka na virgins a sex eh kaya ka nakakapagdesisyon ng kung anu-ano. Sometimes, people tend to say something they don't really mean just because they feel something on that particular moment."

"Huh?"

"I'll think about your offer Billy although pabor sa akin iyon. I like you so much... but with me, you can't find the proper relationship that you're looking for. Maaaring naaaliw ka lang sa kaalamang kaya mo ring magpaligaya ng ibang tao when it comes to sex. In the long run, maghahanap ka rin ng para sa'yo. Diversion lang ito Billy."

Napatahimik siya ng mga salitang iyon ni Eiji. Maaaring tama ito. Pero siya na ang bahala bukas. Ika nga, One step at a time.

"Sure ako Eiji. Kaya huwag ka ng maraming satsat pa. Ang daldal mo talaga." Aniya saka ito siniil ng halik. Gumanti naman to ng mas malalim.

"Okay." sagot nito kapagkuwan.

"Yosh! Now, let's enjoy each other while we can. Okay?"

"Sure." Eiji said then grinned mischievously.

"Let's enjoy this Billy until the day we have to say goodbye." Bulong nito sa kanya bago yumakap ng mahigpit.

"Shall we?"

Tila nag-isip pa siya kung tatanggapin o hindi ang alok nito. Kapagkuwan ay naramdaman niya ang halik nitO; gumanti siya ng mas mapusok. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang "pagkabuhay" nilang pareho.

Muling nabuhay ang apoy sa kanyang pagkatao na kay Eiji niya lang naramdamang nangningas ng ganoon katindi. Marahil, ito lang rin ang may kakayahan para apulahin ang apoy na iyon.


Itutuloy...


Chapter 8



Ang sarap pala talaga ng feeling kapag may nagaalaga sa'yo.

Iyan ang piping sigaw ni Eiji sa isip niya habang nagtatampisaw siya sa dalampasigan na sakop ng villa.

Tinanaw niya ang nag-iihaw na si Billy. Nakahubad-baro ito. Kahit anong pilit niya na pagsuotin ito ng trunks ay hindi ito pumayag. Nahihiya raw ito. Geez... sabagay, kahit siya ay may selfish na rason sa sarili na huwag sana itong pumayag na magsuot ng trunks kahit pa silang dalawa lang ang naroroon at naliligo.

He wanted Billy's nakedness all to himself. Bawal mag-share. Kahit sa tingin lang. Period!

Kinawayan siya nito ng makitang nakatingin siya. He felt a huge thug on his chest. Bakit sa simpleng kaway lang nito ay nagririgodon na ang puso niya. Hindi naman siya dating ganoon.

Admit it man. Nahuhulog ka na sa kanya. It's time to accept the fact that you are indeed falling for him. Fast.

Napa-iling na lang siya sa naisip at gumanti ng kaway kay Billy.

Lumapit siya dito.

"Hi there babe." nakangiting bati nito ng makalapit siya.

Babe? Napatirik siya ng mata ng bahagya.

"Hi yourself." sagot niya.

"Malapit na ito. Why don't you grab yourself some beer para match sa inihaw na liempo."

"Okay." Kibit-balikat niyang sagot.

Hangga't maaari ay ayaw niyang i-encourage si Billy na makasanayan ang pagiging sweet sa kanya. Nasasanay na ito sa pagtawag-tawag sa kanyang babe at pag-aalaga sa kanya.

Bakit nag-aalala kang mawala rin siya kagaya ng iba?

"Babe..." putol ni Billy sa daloy ng diwa niya.

He left out a sigh.

"Billy..."

"Yes?"

"Stop it. Please."

"Stop what?"

Bumaling siya rito. Nakita niyang nakakunot-noo ito.

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko."

"The babe thing." Billy quoted.

He nodded.

"What's wrong with that?"

"I thought I told you..."

"That we should enjoy enjoy this while we can?"

"Yes."

"That's just it Eiji. I'm enjoying it. SO there's no need to fret. Nag-e-enjoy ako sa set-up natin at kasama na doon ang pagtawag ko sa'yong babe."

Napipilan siya.

Ano pa nga ba ang posible niyang isagot doon?

"Well?" tanong nito.

"Fine. Just don't get used to it." sumusukong wika niya.

"I know. And besides, ako na ang mamomoroblema sa bagay na iyon." Nakangiti pang sabi ng hudyo.

"Alright. Kukuha lang ako ng beer."

"Idamay mo na ako."

"Okay."

****************************************************


Matuling lumipas ang mga araw at masaya naman silang dalawa ni Billy. In fact, sa sobrang saya niya ay hindi na niya namalayang siya na mismo ang gumagawa ng bagay na ito dapat ang gumagawa.

"Eiji?" tinig iyon ni Billy sa may pinto. Dali-dali niyang isinara ang laptop at binuksan ang pintuan.

"Hey!" aniya rito.

Napalitan ng pagkakakunot ng noo ang ekspresyon nito mula sa pagkakangiti pagkakita sa kanya.

"What's wrong?" Billy asked.

"N-nothing. Medyo nagmadali lang ako palabas." Alanganin niyang tugon.

"I thought you looked agitated. Anyway, kain tayo ng siomai."

"Umorder ka?"

"Nope. Gumawa ako." Nagmamalaking sabi pa nito.

"Really?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

"Yup. Wanna try it?"

"Try? Can't you see I'm drooling here?" biro niya.

"You're drooling over me?" ganting biro nito.

"Ang yabang ng mama. Marunong ng magyabang."

"Of course. Magaling ang teacher ko eh."

"Heh! Halika na at tikman na natin ang siomai na iyan."

"Hep!" Pinigilan siya nito ng akmang bababa na siya.

"What?" natatawang baling niya rito.

"I thought I heard you say "Halikan na."

"Baliw. Maglinis ka ng tainga mo."

"Hoy malinis yan ha." Billy pulled him back that he was slammed against his massive chest. For a geeky guy, he really was an execption. Sana lahat ng old-fashioned na katulad nito ay ganoon ka-macho. Wala sanang soltero ngayon.

"I-check mo pa." anas nito sa may punong-tainga niya.

Eiji's system instantly went in turmoil. Nakakawala ng common-sense ang pagkakalpit nilang iyon. Inangat niya ang paningin para makita ang mukha nito. Base kasi sa pagsasalita nito ay nakangiti ito. Na isa palang malaking pagkakamali.

His lips brushed Billy's mouth that instantly ignited the obvious tension between them. Nanatiling magkadikit lang ang kanilang labi. His loins ached from the torturous intimacy that they have. Wala na tuloy siyang paki-alam sa paligid niya and he was sure as hell Billy also didn't mind where the hell they might be.

His breathing became more uneven. He felt Billy's hand softly making its way to soft curls of his hair. Prente namang nakalapat ang kanyang palad sa matipunong dibdib nito. Giving him access to the unusual beating of his heart. Bakit ganoon? Katulad ng kay Billy, hindi rin normal ang tibok ng puso niya.

"Billy..." he whispered against his lips.

Nakakatuwang isipin na wala ni isa man sa kanila ang nag-aabalang tawirin ang gahibla lang na pagitan ng kanilang mga labi. Parang sapat na sa kanila ang ganoong eksena. Malapit lang sa isa't-isa. Taking time and pleasure to enjoy the warmth of each other.

"Eiji..." anas rin nito.

"Sir Billy, Sir Eiji." Tinig na nagpapitlag sa kanilang dalawa.

"Handa na po ang kumedor. Anumang oras ay maaari na ninyo itong gamitin." Tinig iyon ni Thomacito.

Nahihindik na umayos ng tayo si Eiji habang si Billy naan ay diretso lang ang tingin sa mayordomo habang may pinipigil na ngiti sa labi.

"Su-susunod na ka-kami sa ibaba Thomacito." tarantang sabi ni Eiji dito.

"Sige po." Malanding wika ng kapatas.

Billy burst in laughter pagkaalis na pagkaalis ni Thomacito.

Sure siya, namumula ang kanyang buong mukha dahil sa nasaksihan ng ibang tao ang intimate moments nilang dalawa ni Billy. Naiinis na kinutusan niya ito.

"Aray!" Natatawa pa ring sabi nito habang himas ang ulo.

"Nakuha mo pang tumawa?" iritable niyang tugon.

"Why? Eh, sa nakakatawa naman talaga." Billy said. Still laughing.

"Ewan. Kainin mo yung siomai mo mag-isa."

"Hey wait!" pigil nito sa braso niya ng akmang papasok na siya sa silid.

"Let go." galit-galitang sabi niya. Napahiya lang kasi siya kaya naman nagkakaganoon siya.

"Hmm? I can't do that Eiji."

"And why is that?"

"Dahil sasama ako sa loob kapag hindi ka bumaba. Hahayaan kong mag-isip si Thomacito ng mas marami pang bagay kapag nalaman niyang nagkulong tayo rito sa kwarto mo."

"That's a cheap blackmail Billy."

"And you're a hypocrite Eiji. Come on. Nakita tayo ni Thomacito, ano namang issue doon? Don't tell me na ngayon ka pa nahiya?"

"How dare you!" napapantastikuhan niyang sabi. Hindi niya naisip na magiging ganito ka-persistent si Billy.

"Halika na Eiji. Kung sakali mang manukso si Thomacito, ako na mismo ang boboldyak sa kanya." he said in a very assuring voice.

"Okay. Let go of my arm. Bababa na ako."

Napangisi ito.

"I won't. Ang sarap mo kayang hawakan."

Ano daw?

Napailing na lang siya at nagpatiuna ng lumabas. Hawak pa rin nito ang braso niya na para bang makakawala siya. Eh wala naman siyang ibang mapupuntahan. In fact, parang ayaw niya ngang makawala rito. Truth is, ayaw niya talaga. Hindi lang parang. Tama ito. Ipokrito nga siya.


***************************************************

Nakaset-up ang buong lamesa katulad sa isang magarang dinner. Natawa siyang bigla ng maalalang siomai nga lang pala ang kakainin nila.
"Ang garbo naman nito Billy."

"Anything for you Eiji."

Napailing na lang siya ulit pero deep inside ay pigil-pigil niya ang kilig.

Enjoy it while it lasts Eiji. Matatapos din iyan.

Sigaw ng bahagi ng isip niya.

Tama. It's just a phase. All of this.

Napabuntong-hininga siya at hindi iyon nakaligtas kay Billy.

"Ang lalim nun ah?"

Pili siyang ngumiti.

"Wala iyon."

"Okay."

Himala, hindi nangulit sa sagot niya.

"Siomai a la Billy." Mayabang na lahad nito ng buksan nito ang takip ng mga plato.

Nahawa siya ng bahagya sa enthusiasm na nakikita niya rito.

"Mukhang masaya ka ngayon Billy?" naisip niyang itanong.

"Siyempre. Dahil sa'yo."

Natigil sa ere ang akmang pagsubo niya ng siomai dahil sa sagot nito. Ibinaba niya ang tinidor.

"Billy..."

"I know, I know." Putol nito sa sasabihin niya.

"Napag-usapan na natin ito diba?" frustrated na sabi niya.

"Sabi ko nga. But I'm sorry, sinagot ko lang ang tanong mo. Ayoko lang magsinungaling sa sarii ko."

Tumaba ang puso niya sa sagot nito pero iglap lang iyon. Mabilis niyang pinairal ang kinasanayang depensa at unti-unting itinaas ang pader na lagi niyang pananggalang sa mga nagnanais ng mas malalim na relasyon sa kanya.

"Hear me first Eiji. Please."

Hinawakan nito ang kamay niya. Babawiin sana niya ng magsalita ulit ito. "Ten minutes lang."

Napilitan siyang mag-stay.

"Thanks. Eiji, I know na nag-usap na tayo na i-enjoy lang natin ito, but I can't. Sa araw-araw na magkasama tayo, hindi ko na naisip kung pareho tayong lalaki. O ikaw ang nakauna sa akin, o dahil ganito, dahil ganyan. Wala ng lahat iyon. Hindi ko na naiisip ang lahat ng iyon. Ang tanging mahalaga ay ikaw. Ako. Tayo. Hindi ko na pinagkaka-abalahang isipin ang iba. Kaya maniwala ka please, masaya ako ng dahil sa'yo. Masaya ako sa'yo. I'm sure we can work this out. Papatunayan ko sa'yo."

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Never in his entire life na nakarinig siya ng ganoong appreciation mula sa iba. Lagi na lang kasing may agenda ang mga tao sa pakikipaglapit sa kanya. Na kesyo masaya ang mga ito kasi sikat siya. At kapag kasama mo ang sikat, sikat ka na rin.

Some even dared to have a relationship with him. Kahit hindi totoong bisexual ang ilan sa mga lalaking iyon ay nagpanggap na bi, kasi nga, they want to make it in a very dirty business. The showbusiness. Pati mga babae ganoon. Kaya naman nadala na siya. Ilan kasi sa mga iyon ay natutunan niyang mahalin ng husto.

But with Billy. Ganoon din kaya? But he was promising him different. Maligaya rin siya dito. At iyon ang malaking katotohanan. In fact, he loved him. To eternity. Kaya naman ganoon na lang ang iwas niya.

"Eiji. Alam kong sasabihin mong nabubulagan lang ako. Na that I should try it first sa iba't-ibang partners bago ko sabihing tunay nga akong masaya sa'yo. Na sometimes, hindi talaga makalimutan kaagad ang initiation but God damn it Eiji, it's you I want at hindi sila."

"Kung sakali mang dumating ang araw na sinasabi mo. Iyong araw na ako na mismo ang kakalas sa'yo. Remind me of this day please? Remind me of how shamelessly begged for you to be mine. Tama ka. I'm asking you to be mine."

Nanlaki ang mga mata niya sa tuwirang pag-amin na iyon. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Gustong umasa ng puso niya. Gustong-guto. Pero itinatanggi ng isip niya ang lahat ng magagandang bagay na maari niyang isipin mula sa pagkakarining nang mga katagang iyon.

"Will you be mine Eiji?"

"K-kahit ganito ako?"

Finally. Lumabas ang boses niya. Teka, bakit parang ang pangit yata?

"Ganyan ka ng nakilala kita. Ano pa bang choice ko?" nagbibirong sabi nito.

"Ungas. Walang namimilit sa'yo." sagot niya sabay batok dito.

"Iyon na nga eh. All my life, akala ko, wala ng darting na taong makakapagpasaya sa akin ng ganito. Ikaw lang pala ang katapat ko. Akalain mo iyon."

"Oo nga eh. Never for one moment na sa isang geeky guy ak magkakagusto ng kagaya nito." Hinaplos niya ang mukha nito.

"I know I'm hard to resist Eiji." nakangising banat nito.

Inihilamos niya ang palad sa mukha nito.

"Yabang."

"So we're on?" Billy asked.

"Do I have a choice?"

"No."

His eyes rolled to the obvious answer. Susubo sana siya ng siomai ng may maalala siya.

"Hey! May naumpisahan ka na ba sa librong gagawin mo?"

Napatigil din ito sa pagsubo.

"Ahm..."

"I'll take that as a negative answer."

Napangisi ang ito.

"Kita mo ito. Ang tagal na natin na nandirito. Ilan beses na rin tayong..."

"Ano? Ilang beses na tayong nag-ano?" nanunuksong sambit nito ng ibitin niya ang sinasabi.

"Ah basta. Gawin mo na iyan."

"Eh, hindi ko nga alam kung paano gagawin. Wala rin akong maisip na format or plot kung paano ba sisimulang ang isang librong about sex." reklamo nito in between chewing.

Sumubo rin muna siya bago sumagot.

"Hay nako! Eh di gumawa ka na lang ng tips. Kunwari, twenty-seven bedroom tips from a former twenty-seven year old virgin."

Binato siya nito ng tissue.

Natatawang sinalo lang niya iyon.

"Salbahe ka. Did you have to rub it in? But hey! That's not bad. Thanks."

"You're welcome." Sumubo ulit siya ng isa pang siomai.

"Hmm... This tasted really good. Sigurado kang ikaw ang gumawa nito?"

"Oo naman. Sabi ko naman sa'yo. Okay lang ipagluto kita araw-araw."

Napatigil siya. May duda siyang may sasabihin na naman itong sorpresa.

Napa-aray siya ng may makagat siyang matigas na bagay sa loob ng panibagong siomai na isinubo.

"What the..."

It's a ring. Iyong matigas na bagay na nakagat niya ay isa palang singsing.

Kinuha iyon ni Billy at pinunasan bago mabilis na isinuot sa palasingsingan niya.

"What is the meaning of this Billy?" naguguluhan niyang tanong.

"There... Perfect fit!" pambabalewala nito sa sinabi niya.

"Billy!" he snapped at him. Hindi dahil sa galit kung hindi sa pagkalito at... pag-asam?

"What do you think? It's a ring." Seryosong sabi nito.

"And why are you giving me one?"

"Wala lang." He said non-chalantly, Nagpatuloy sa pagkain.

"Umayos ka ng sagot Billy! Susuntukin kita." aniyang napu-frustrate at... kinakabahan?

"Okay!" natatawang sabi nito.

"Nakuha mo pang tumawa." ingos niya.

"It's a promise ring."

"What?"

"Huwag kang OA Eiji."

"Bakit...?"

"It's a promise na ikaw lang at walang iba. Hindi ako titingin sa iba kahit gaano pa sila kagaganda o kase-sexy. Isa pa, wala akong alam na mas hihigit pa sa'yo kaya hindi na rin ako magta-try pa na mag-try ng iba. Fair enough? Honest enough?"

Naguluhan na naman siya. Okay na na sila ng dalawa ni Billy pero ang mangako pa ito ay baka hindi na niya kayanin. Ayaw na niyang masaktan pa ng grabe sa magiging paghihiwalay nila.

"I can't accept it."

"Wala kang choice Eiji. I am here to stay. Kahit pa anong pigil mo sa akin. Nandito lang ako. Kukulitin kita hanggang sa magsawa ka. Hayaan mo naman akong ipakita na sincere ako. Huwag mo akong pangunahan. Please?"

"But why me?"

"Dahil ikaw si Eiji."

Wala na siyang masabi. Napigil ang lahat ng sasabihin niya sa lalamunan ng halikan siya nito. Hindi niya napaghandaan ang mabilis na pagdukwang nito. Ninamnam na lang tuloy niya ang tamis ng halik nito. Lasang siomai.

"Don't promise that you'll stay Billy." aniya pagkatapos ng halik.

"And why is that?"

Huminga siya ng malalim.

"Handa na ako Billy. For the longest time, I protected myself from the likes of you. Ayoko ng mas malalim na relasyon. Ayoko na ng commitment. Magiging kumplikado lang ang lahat. Pero nag-iba ang lahat ng iyon ng dahil sa'yo. I'm ready to face the world now."

Ngumiti ito.

"That's good to hear Eiji."

"So are you in for a surprise?"

"So hindi lang ako ang may sorpresa para sa araw na ito?" ang tanong sa kanya ni Billy.

"Of course."

"I think I just need last two bedroom tips from the former twenty seven year old virgin to complete the twenty seven tips."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya.

"Whoa! You did that for me?"

"It's only fair since pinaligaya mo rin ako ng husto Billy."

"Wow. That's sweet."

"So what do you say? Gawin na natin ang last two tips?" Naka-arko ang kilay na sabi niya.

"Game!" and their lips locked.

Nabalewala na ang siomai at inakyat nanila ang kwarto niya. They made love again and again and again to exhaustion.

Nakuha ni Billy ang mana niya at napanalunan ni Eiji ang US Open. As a gift to each other, parehas pa sila ng naisip na regalo.

A marriage license with their names on it.




F - I - N



Dalisay

Wednesday, February 16, 2011

The Encounter with the Flirt 5

Geeky

Para kay Royvan at sa iba pang nagbasa...


Chapter 5

Na-shock siya! Hindi agad nakuhang kumilos ni Billy ng maramdaman ang mainit na labi ni Eiji sa kahandaan niya. He didn't expected it from him. Naliliyo siya sa sobrang sensasyon na nararamdaman niya ngayon. Napapa-igtad siya tuwing nararamdaman niya ang pagkilos ng ekspertong dila nito sa bahaging iyon.

"Yours is huge isn't it?"

"Huh?" nalilito at nanginginig na tanong niya. Tila may malaking bagay na pinilas mula sa kanya ng itinigil ni Eiji ang ginagawa. He felt empty even though he was still holding his sex.

"I said, you're huge." Eiji answered then teasingly jerked him. Napasinghap siyang bigla.

Nang maalala ang sinabi nito ay namula siya. Babawiin niya sana ang katawan mula sa pagkakahawak nito ng muli nitong sakupin ang kanyang pagkalalaki. Napahugot siya ng malalim na paghinga.

"W-what are you doing?" nanghihinang tanong niya ng unti-unti nitong ibaba ang pants niya hanggang sa hita.

"Doing what's right." mainit nito siyang tinitigan at siniil ng halik. Habang tumatagal ay nagiging mas maiinit ang kanilang pinagsasaluhang halik. Sumasabay din ang pagkahayok ng kamay nito na pumipisil at naglilimayon sa kanyang katawan habang ang isa ay hindi bumibitiw sa bahaging pinagpapala nito kanina pa.

Lalo siyang nahibang ng hubarin nito ang kanyang pang-itaas at dilaan ang paligid ng kanyang dibdib. Mariin ang pagtikim na ginawa nito na siyang nagpahiyaw sa kanya ng wala sa oras.

"Shh..." nanunuksong sabi nito.

"S-sorry..." humihingal na sabi niya.

Hindi pa siya nakakabawi sa mga ginagawa ni Eiji sa kanya ay bumaba ang mga labi nito sa bandang tiyan niya mula sa pananakop ng nipples niyang inosente sa kahit na anong bagay. Napa-ungol na naman siya. Hindi makapaniwalang inaalimpuyo siya ngayon ng kakaibang damdamin na banyaga sa kanya. Hindi niya alam kung tama o mali pero wala na siyang paki-alam doon. Whoever said that sex with the same gender is wrong, how come it feels so right? Iyon ang tanging rason na naguumukilkil sa kanyang isip sa ngayon.

Bumaba pa ng husto ang labi at dila na kumikiwal-kiwal sa kanyang pusod. Napapaigtad na lumayo siya ng bahagya mula rito. Natatawang hinapit ni Eiji ang baywang niya at umayos ito ng pagkakaluhod.

"E-eiji..."

"Hmmm.." he replied to him murmuring.

"Do-doon t-tayo sa k-kama..." nahihiya niyang tugon.

Isang matagumpay na ngiti at tingin ang iginawad nito sa kanya. Mabilis ang kilos na nadala siya nito doon at pinahiga. Mabilis rin nitong tinanggal ang lahat ng sagabal sa katawan niya. Nanginig siya sa pagnanasang nakikita sa mga mata nito. They were a shade darker. Para bang isa siyang napakagandang likha ng sining mula sa bintana ng pagkatao nito.

"You're gorgeous Billy." anas nito.

Pinanonood ni Billy paghuhubad nito ang suot na damit while slowly, he unbuckled his belt and unzipped his pants. His eyes were welcomed by the white linen that covered Eiji's erected manhood. His body is magnificent. Nangilabot siya ng maramdaman ang lalong pagtigas at pag-igting ng nararamdamang kahandaan sa pagkakita ng katawan nito.

Eiji touched him "there" again. Patiently stroking him. He licked the tip and he thought he almost died of pleasure. Tila siya kukumbolsiyunin. Ang inaakala niyang pagkamatay kanina ay tila naulit ng ilang libong beses ng magsimulang pagpalain ulit ni Eiji ang kanyang pagkalalaki. Nababaliw na siya sa sensasyon at duda niya kung kakayanin pa niya ang mga susunod na magaganap. Kung meron pang mas masarap sa ginagawa sa kanya ngayon ni Eiji ay tiyak na ikamamatay na niya.

"Eiji..."

"Hmmm..."

Napapaliyad siya mula sa pagkakahiga. Sinasalubong ang pagbaba at pagtaas ng ulo ni Eiji. Basang-basa pero mainit ang pakiramdam niya. Nakikiliti siya sa hangin na nagmumula sa paghinga nito na tumatama sa kanyang puson.

Napasabunot siya dito ng binilisan nito ang ginagawa at naglikot ng parang kiti-kiti. Napabalikwas pa siya ng malakas dahilan para madala niya ito at parehas silang bumagsak sa sahig. Napa-ilalim niya ito.

"Are you all right?" natatawang tanong pa nito. Hindi ininda ang pagkakahulog nila. Ngayon niya lang napansin na sa may bandang dulo sila nakapwesto kaya sila nalaglag.

Nahihiyang nagtungo siya ng ulo. "Sorry." sambit niya.

"Its okay Billy. Let me handle this. Okay?" sabi nitong nginitian siya.

Para siyang nabatubalani ng makitang ngumiti ito. hindi niya namalayang nahawakan na siya nito at muling iginigiya sa kama. Bago pa rumehistro muli sa kanya ang mga bagay-bagay ay inabot nitong muli ang labi niya at hinalikan iyon ng mariin.

He had the presence of mind to grab him from his shoulders to make sure they were in proper place--without breaking the kiss. Nang pumuwesto na ito sa ibabaw niya ay parang nilalagnat na talaga siya. Grabe na ang panginginig niya. Tinitigan siya nito at hinalik-halikan sa labi.

"Touch me Billy."

Hindi ito nagdalawang salita. Nanginginig na hinawakan niya ang mamasel na dibdib nito. Siksik ang katawan nito mula sa paglalaro ng tennis. As if, he was made by the Gods. If ever there was a male version of Venus de Milo, Eiji would have been that statue. Of course, minus the missing arms. It would be a shame to cut off his magnificent hands that as of the moment, is busy stroking him again.

Eiji groaned when he reached his crotch area. He was like steel. Like solid rock under the confinement of his briefs. Bigla itong tumayo at binalikan ang kanyang pagkalalaki. Mas marubdob. Mas Mainit ang ginagawa ni Eiji sa kanya ngayon. Nang tila kakapusin na siya ng hininga ay tumigil ito. Nagtatakang napatingin siya dito.

"W-why?"

"Billy, I want you to come inside me."

"W-what?"

"I want you inside me."

Natigilan siya sa sinabi nito. Kaya ba niya? In fairness, his was big. Ito na rin ang may sabi.

Napalunok siya. "K-kaya mo Eiji?"

"Yes." walang sabit na sabi nito.

"B-but how..."

"Let me handle it. Just take a deep breath."

And he did. Muling siyang pinaligay ng mga labi nito bago ito nagsalita. "I don't have any condoms here, and I don't want to use it either."

Nagtaka siya sa sinabi nito bagama't hindi makapagsalita dahil sa hawak-hawak pa rin nito ang kanya at nilalaro paitaas-baba.

"But don't worry, I am not a carrier of any disease."

Napatango na lang siya sa ginagawa nito at bahagyang nanlaki ang mata ng magtanggal ito ng huling saplot sa katawan. He was larger than life. And he was, swelling?

Eiji positioned himself on top of him.

"I won't be using any lotion so this will be a tough ride."

"Ahh... h-hindi ba m-marumi?"

Natawa ito. "I'm clean."

In one swift move, the tip of his manhood felt like breaking a barrier. He can feel pain but when he looked at Eiji's face, he was also hurting. But he's a tough cookie. Billy can hear his teeth gritting. Napapasinghap siya sa bawat pagpupumilit nito. Nararamdaman niya ang biglang pagsikip ng pagkalalaki niya. Parang hinihigop ng isang masikip na bagay. Napapakapit na siya sa bedsheet.

Unti-unti ay naibaon ni Eiji ang bahagi niya sa sarili nito. He relaxed himself. Ganoon din si Eiji. Huminga ito ng malalim at pumikit. May matagumpay na ngiti sa labi kahit tagaktak ang pawis sa mukha.

Ang init ng kaibuturan ni Eiji. Namamangha siya sa ginawa nito. Kung siya iyon, kahit hindi niya gagawin iyon ay nahihirapan na siyang isipin kung paano gagawin. Dahil busy sa iniisip ay hindi niya napansin ang pagindayog nito sa ibabaw niya.

"E-eiji..."

"Be still..."

"A-ang sarap..." di niya mapigilang i-usal.

Nangiti lang ito at nanatiling nakapikit.

Para namang may sariling isip ang mga kamay niya na inabot ang dibdib nito. Bahagya pa niyang iniangat ang sarili para damahin ang init nito habang umiindayog. Sinuklian lang ng ungol ni Eiji ang kanyang ginawa. Nilaro niya ang pinog balahibo sa dibdib nito paibaba. Napapantastikuhan na hinawakan niya ang kahabaan nito. Napakapit ito sa balikat niya.

Naliliyo man ay pinagpala rin ng mga kamay niya ang pagkalalaki nito. Hindi naman siguro patas na siya lang ang nakakaranas ng ganoong sensasyon. Kaya sa maliit na magagawa niya para dito ay nilaro niya ang kahandaan nito.

Bumilis ang indayog ni Eiji. Bumilis rin ang paghahabol niya ng hininga. Napayakap siya dito. Hindi na alam ang gagawin. Magkadikit na ang kanilang katawan. Pawis na pawis pero sige pa rin.

"Eiji..."

"Billy..."

"What now...?"

Eiji met his eyes without stopping his movements. Sinalubong niya iyon. Ginawaran siya nito ng marubdob na halik na agad din nitong pinutol.

"Inside." hingal na sabi nito.

"W-what?"

"I want you to come inside."

He nodded. Even though Eiji looked helpless on top of him, he was in control. And he was just a student waiting for his instructions. After moments of ecstatic movements. Exchange of sweat. Exchange of saliva. And of unfathomable feelings that eroded from him and Eiji's lovemaking, He combusted and reached his climax.

His very first. Courtesy of the great Eiji Perez. Nanglulupaypay na napahiga siya habang ito napasubsob sa ibabaw niya at nangisay. Parang hihiyaw itong hindi mawari na nag-angat ng mukha. Humihingal na inabot niya ang labi niya para sa isang mainit at maalab na halik. He needed to do that to stifle the kiss. Why? He would alert everyone up!

He got his second big-O when Eiji collapsed and exploded on top of him.

Itutuloy...

Tuesday, February 15, 2011

The Encounter with the Flirt 4

Geeky



Special thanks to...

Kopiko and Marlboro Lights,
Batman and Robin,
Sidney Sheldon and Sandra Brown,
Dinuguan and Puto,
Max and Marlboro Red,
Jacob Black and Harry Potter,
P-noy and Obama,
Zach and BOL,
Francine Prieto and Bobby Yan,
(I am not so worthy...)

Thanks!!!

CHAPTER 4


Naiinis na sinundan ni Billy si Eiji sa loob ng sikat na boutique na panglalaki. Nasa Robinson's sila sa San Nicolas. Good thing that meron ng ganoong mga establishments ngayon doon. Wala siyang magawa kahit pa hiyang-hiya siya dahil eto, isang geek, kasama ng isang celebrity. Akala tuloy ng ilang tao na nakakakilala dito ay may reality show itong ginagawa at siya ang kaawa-awang nilalang na kailangan nitong i-make over.

Sabi pa ng isang baklang idolo yata ito na nakasalubong nila, "Mr. Eiji, mukhang mahihirapan ka sa isang yan na i-make over. I think you need a miracle."

Sinagot lang nito ng ngiti ang baklang feeling-close at saka siya hinila sa isang store. Walang problema sa pagbili ng bagong damit. Pero he goes for comfort and not the style. Kesohodang outdated na yung moda kung masarap naman sa pakiramdam yung tela.

Simpleng shirt or jeans will do. O di kaya simpleng walking-shorts okay na sa kanya. Hindi naman niya minsan din kailangang pumorma kasi sa trabaho niya, puro libro ang kaharap niya. Minsan ang computer lang niya.

"What can I do for you Sir?" tanong ng saleslady na halatang nagpapa-cute dito.

"Ah, can you help him? He needs help. Badly." hindi nito itinago ang pangungutya.

"Nakakarami ka na Eiji." sabi niya ritong nanlilisik ang mata.

Tumawa lang ito pati ang saleslady na tumahimik ng tingnan niya din ng masama.

"Ahm, this way Sir. Please." kiming sabi nito.

Naiinis na sinundan niya ito. Marami itong pinasukat sa kanya na mga damit. Noong una, hesitant siyang lumabas ng dressing room kasi nasa labas si Eiji at talaga namang inaabangan ang bawat damit na isinusukat niya.

Nang lumabas siya ng naka-casual na puting polo ay natawa ito ng makitang naka-butones iyon hanggang sa leeg. Nanlolokong lumapit pa ito at nagmano. Kinutusan niya ito at tatawa-tawang kinalas ang butones niya hanggang sa bandang dibdib. Hindi siya agad nakakilos sa proximity nilang dalawa. Nagpa-flash sa isip niya yung mga napanood niyang eksena sa porno.

"Ayan." boses ni Eiji na pumutol sa biglaang paglalakbay ng isip niya.

Tumingin siya sa salamin at nakitang nakatingin din doon si Eiji. "Hindi ka ba nasasakal sa pagkakabutones mo kanina? Hindi masamang mag-eksperimento ka ng bago. It won't hurt you."

Napaangat lang ang kilay niya sa unsolicited advice na binigay nito.

"I think we have to do something with your hair." sabi nitong masama ang tingin sa dapang-dapa na buhok niya. Mahihiya si Alfalfa kapag nakita iyon dahil walang ibang buhok na nakatayo.

"Kailangan pa ba iyon?"

"Oo naman." sabi nito habang pumipila sila sa cashier.

Ilalabas na sana niya ang credit card niya ng ilabas nito mula sa bulsa ang AMEX nito. "Let me." sabi pa.

"But I can pay for it Eiji. Ito na." sabay labas niya ng sariling card.

"Okay. But I'll pay for our dinner. Ok?" tumango na lang siya para wala ng pagtatalo.

Sa loob-loob niya ay nagtataka siya. Bakit ganon umakto ito? Parang kakaiba. One minute nang-aasar, then ibang bahagi naman nito ang ipapakita sa susunod. Mahilig siyang magbasa, at ang mga senyales na iyon na nakikita niya, katulad ng balak nitong bayaran ang pinamili niya at ang dinner na sinasabi nito ay mga gesture ng isang lalaki na may gusto sa isang babae.

But he's a MAN for crying out loud! Hindi rin siya gay. Kung nako-confuse man siya sa nararamdaman niya pagdating sa pakikipaglapit ni Eiji ay dahil siguro na rin sa ito lang ang taong nagkaroon ng proximity sa kanya ng ganoon kalapit.

Nauunawaan niyang pwedeng mangyari iyon. Sa ibang bansa hindi ba ay uso ang ganoon? Ang malalapit na magkakaibigang lalaki ay halos mag-boyfriend na kung magturingan.

Nakapagbayad na siya ng magsalita ito. Mukhang ito man ay napunta sa malalim na pag-iisip. "So, saan tayo susunod?" basag nito sa katahimikan.

"Hindi ba at sa salon tayo?"

"Oo nga pala. Halika na."

Iyon lang at balik na naman sila sa nakabibinging katahimikan.


What was that just now? tanong ni Eiji sa sarili.

Naglalakad na sila ni Billy papuntang salon for his new hairstyle na pinagtatawanan niya kanina. Nawala ang concentration niya sa ginagawa ng lapitan niya ito upang ayusin ang polong isinukat. Just being near to him made his knees shake. Binubulabog ng natural na amoy nito ang senses niya. Animo siyang-siya ang kanyang sense of smell sa pagsinghot dito na kung hindi niya napigilan ay malamang na nahalata siya nito.

Hindi rin niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya na siya ang nag-alok na bayaran ang pinamili nito. Napailing siya. Ganun na ganun ang kanyang ginagawa kapag may gusto siyang tao. Mapababae man o lalaki. Gusto niyang i-provide ang mga ito ng luxury na kaya niyang ibigay.

At hindi maganda iyon! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

"Damn!" di niya mapigilang iusal.

"What is it Eiji?" nagtatakang tanong ni Billy.

"Nothing. May naalala lang akong nakakainis." paiwas niyang sagot.

"Okay. Ang weird mo."

Napatingin siya dito. "Bakit mo naman nasabi?"

"You're weird. Minsan ang kulit mo, then one minute you're serious. Magmumura ka ng walang dahilan tapos magtataka ka na sinasabihan kitang weird." iiling-iling pa nitong sabi.

Napamaang siya. Mukhang inaanalisa siya nito ng hindi niya alam. Naisip niyang tuksuhin ito.

"Ganun? So pinag-aaralan mo pala ako ng palihim ha. So, how do I rate?"

Namula ito. Mukhang natumbok niya ang loko.

"I am not analyzing you or something. Huwag mong bigyan ng kahulugan ang mga sinasabi ko." defensive na sagot nito.

"I'm not. Binase ko lang ang tanong ko sa sagot mo."

"Oh please. You really are a pain in the neck."

"Alam mo, lugi ako sayo. Ang dami mo ng taguri sa akin."

"Nasasaktan ka?"

"Hindi."

"Buti naman. Kasi from what I heard about you, hindi ka yung taong nagpapaapekto sa sinasabi ng iba."

"So you've been asking about me huh!"

"No, silly."

"But you're right. I don't give a damn sa sasabihin ng iba. Kasi they don't know me. At ang mga taong walang alam sa totoong pagkatao ko pero maraming opinyon tungkol sa akin ay hindi ko binibigyan ng pansin. I just treat them like dogs. They bark when they don't know the person."



Napatanga si Billy sa narinig na litanya ni Eiji. Mukhang sa labas ay isa itong happy-go-lucky at I'm-so-good-I-don't-give-a-damn-whatever-you-think-of-me kind of person pero ang totoo ay marami itong issues sa sarili.

He may be a publicized bisexual and a topnotch tennis player of this generation but to those who knows what he really is, he's just a boy. A young boy who needs acceptance. A boy who needed someone to take care of him.

Maybe he can be a friend to him. After all, malaki ang itinutulong nito sa kanya. Kung sakaling matapos ang misyon niya roon. Hindi pwedeng matapos sila sa simpleng "teacher-student" na set-up. Pwede niya rin itong maging kaibigan. Kung gusto nito.

"Ah... Eiji." sabi nang nasa tapat na sila ng salon.

"What?"

"Can I be your friend?"

"What?" kunot-noong tanong nito.

"I said, can we be friends?" nakangiting tanong niya.

Matapos ang tila pakikipagdiskusyon nito sa utak ay isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi nito. "Sure." anito kapagkuwan.

"Shake hands?" lahad niya ng kamay dito.

"Friends." maluwag ang ngiting sabi nito.


Pagkapasok nila ng salon ay lumabas muna ulit si Eiji kaya naman naging kumportable siya sa kamay ng hair stylist na humawak sa kanya.

Sinabi nitong isa-shampoo muna siya para mawala ang isang-tambak na gel na inilagay niya sa buhok. Nang maka-upo ulit ay nagsimula na itong tabasan ang buhok niya. Mabilis ang kilos nito pero hindi bara-bara. Tinanong din siya nito kung gusto niya ng kaunting highlights sa buhok para magkaroon iyon ng volume dahil medyo may kanipisan. Umoo na lang siya at ipinagkatiwala ang lahat dito.

Matapos ang ilang sandali ay tapos na siya. Hindi siya makapaniwala na bagay pala sa kanya ang style na ginawa ng stylist sa kanya. Hindi masasabing funky or trying hard magpabata but hindi rin naman makaluma. Tamang-tama lang.

Napansin niya sa repleksiyon niya sa salamin si Eiji na natulala yata sa nakikita sa kanya. Wala itong sinasabi pero kitang-kita niya ang hindi makapaniwalang reaksiyon nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang nakikita sa kanya.

"Looks like hindi bagay sa akin." tiningnan niya ang stylist.

"Paanong hindi bagay? Can't you see my dear? Binase ko ang ginawa ko sa buhok mo sa mismong features mo. Itinataya ko ang reputasyon ko, bagay sa'yo ang new look mo." mataray na sabi nito.

Napatahimik naman siya. Wala na siyang masabi. Ano bang alam niya kasi doon. Nagandahan naman siya sa resulta, iyon nga lang, gusto niya na marinig ang mismong sasabihin ni Eiji.

"Okay. Saan ako magbabayad?" walang-gana niyang tanong.

"Sa counter na lang dear." nakangiti nitong sabi.

"Eiji?" pukaw niya sa pagkaka-trance nito.

"Oh? Ikaw ba yan, Billy?"

"Yeah, the one and only." matabang niyang sabi.

"You look great!" tuwang-tuwang sabi ni Eiji.

"Hindi nga?" diskumpiyado niyang tugon.

"Oo naman."

"Eh bakit nakatulala ka lang kanina?"

"Ah iyon ba? Pasensiya na. I thought you're a demi-god who's about to take me."

"Exaggerated ka Eiji."

"Hindi ako ganun."

"Okay."

"You don't believe me do you?" tanong nito ng makapagbayad na siya.

"Does it matter?" hindi lumilingong sabi niya.

"Oo."

"And why is that?"

"Because I don't want you to think that I'm just joking a while ago."

"And why is that?" matabang pa rin niyang tugon.

"Because you really looked good, damn it!" sumisigaw na nitong sabi.

Napahinto siya. ganoon din ang lahat ng nasa paligid. May kumislap pang camera kaya natauhan siyang bigla.

"Don't make a scene. Halika na." sabay hila niya dito.


Wala silang imikan sa biyahe. Hanggang sa makarating sa bahay. Tuloy-tuloy siya sa kwarto at hindi niya namalayan na sinundan siya ni Eiji.

"Let's talk."

"What the..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil naitulak na siya nito papasok. Pabalibag nitong isinara ang pinto.

"What would it take for you to believe me that you look good?"

"Iyon pa rin ba ang issue mo hanggang ngayon Eiji?" naiinis na niyang tugon.

Lumapit ito sa kanya. Nagtagisan sila ng tingin. Mas mababa siya dito ng dalawang pulgada pero hindi siya nagpatalo. Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang mukha.

"Oh well, siguro dito maniniwala ka na."

Napadilat siya ng husto ng mariin nitong hawakan ang kanyang mukha at gawaran siya ng mariing halik. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa nito ngayon. Ang mapanakop na labi at dila nito ay tinutupok siya. Bigla niyang naalala ang mga napanood. Ganoon pala yun?! And it was his first kiss!

"Billy..." anas nito. "Iyan, iyan ang sagot ko. That means I'm attracted to you." humihingal pang sabi nito.

Nalilitong tiningnan niya ito. Umaapaw pa rin ang kakaibang emosyon sa mata nito. Maging siya, biglang naging eratiko ang pintig ng puso niya. Kinakabahan siyang di mawari.

"Kahit hindi ka pa nagpapamake-over, attracted na ako sa'yo."

Lumaki ang mata niya ng halikan siya nito ulit. Napa-pikit na lang siya. That was his second kiss in a row for this day. Nagbabaga ang halik ni Eiji. It was creating havoc to his system. Nabibingi siya sa tila mga warning bells na tumutunog sa kanyang tainga ng bonggang-bongga.

Lalong uminit ang pakiramdam niya ng bumaba ang labi nito sa kanyang dibdib. Despite of his shirt, naramdaman niya ang mismong apoy na tila tumutupok sa kanya ng buo.

Dumapo ang kamay nito sa kanyang crotch area na sa gulat niya ay hindi niya namalayang ang tigas-tigas na pala ng nasa loob.

"Billy..." anas ni Eiji na tila humihingi ng permiso.

Napalunok siya at saka naliliyong tumango sa sensasyon na dulot ng pagpisil-pisil nito sa pagkalalaki niya.

"Billy... if you don't want this you can tell me to stop."

Eiji is now slowly unbuckling his belt.

"If guys aren't your thing, you can just close your eyes."

Mapanghibo ang boses nito na kahit gustuhin niyang tumanggi ay parang wala siyang lakas.

He was now holding him. Feeling him. He was throbbing in his hand. Eiji fell on his knees. While he was looking at him with anticipation and awe.

"You're ready for me Billy."

Then his warm mouth enveloped his hard shaft.


Itutuloy...

Wednesday, February 9, 2011

The Encounter with the Flirt 3

Geeky


Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

CHAPTER 3

"Hindi ka na nakaimik diyan."

Ang tinig ni Eiji na bumasag sa kanyang saglit na pananahimik.

Ibinalik niya ang atensiyon sa hinihiwang patatas. Nalilito man kung bakit siya natataranta sa presensiya nito ay nanahimik na lang siya ng husto. Baka kasi ano pa ang masabi niya kaya di na lang siya iimik.

Patuloy siyang naghiwa kahit batid niyang ang mata ni Eiji ay nasa kanya. Nagmamasid ng matiim. Kahit naasiwa ay ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa. Nang masiguro niyang mainit na ang mantika sa kawali ay saka niya inihulog ang mga patatas.

Nang hindi na siya makatiis sa ginagawang pagmamasid sa kanya ni Eiji ay naiinis na binalingan niya ito.

"Please stop it?" he hissed.

"What?" said Eiji, looking clueless.

"You're staring."

Kumunot ang noo nito. "No I'm not."

"O sige, ako na."

Natawa ito. "Silly. I wasn't looking at you. I was thinking about you."

Muntik ng sumala ang kamay niya sa paghahalo ng paluto ng patatas sa kawali ng dahil sa narinig. He was thinking about him daw?

"Ahm... I don't..." sambit niyang di malaman kung itutuloy ang sasabihin.

"You don't what?" nagtatakang tanong ni Eiji sa kanya.

"I-i d-don't go for t-the same s-sex." uutal-utal niyang sabi.

Sukat humalakhak si Eiji pagkarinig ng sinabi niya. Talagang may kasama pang palakpak ang pagtawa nito ng malakas. Hindi itinago ang pagkaaliw sa sinabi niya na para bang iyon ay isang katawa-tawang bagay talaga. Napasimangot siya ng maisip na pinagtatawanan nito marahil ang hitsura niya.

"Anong nakakatawa?" asar niyang wika.

Sapo pa nito ang tiyan at eksaheradong kumapit pa sa lamesa na waring hinang-hina sa ginawang pagtawa habang umiiling pa. Lalo tuloy siyang naasar.

"Ano nga ang nakakatawa?" napipikon na talaga siya. Kapag di pa tumigil ito ay bubuhusan niya ito ng kumukulong mantika.

Pilit naman nitong kinalma ang sarili kahit pa ang pinipigil na tawa ay nakapagkit pa rin sa labi. Nag-isang linya rin ang mata nito tanda ng pinipigilan na emosyon. Umaalog-alog pa ang balikat na nagsalita ito.

"Wala! Hah! Wala! Walang nakakatawa!" exaggerated pa itong sumigaw-sigaw para kontrolin ang ginagawang pagtawa.

"Wala? Ano yun? Habit mo lang na tumawa ng tumawa kahit walang nakakatawa? Magpatingin ka na kaya?" naiiling na sabi niya. Inis na inis pa rin.

"Okay, nakakatawa yung sinabi mo kanina." pigil pa rin ang tawang sabi nito.

"Alin doon?" patay-malisya niyang sabi.

"You know what I mean. Teka lang, before you jump into conclusion na naman. I was thinking about you, yes, pero hindi sa paraang naiisip mo. For Pete's sake, please, paano mong naisip yun? I was thinking about you and the makeover na kasama sa proviso." anang natatawa-tawang si Eiji.

Nangalit ang bagang niya sa subtle na pangungutya nito sa kanya. Pero bago pa siya makapagsalita ay itinuro na nito ang kawali sa likod niya.

"Umuusok na. Mukhang tutong na yan." nakangising sabi pa ng kumag.

Dali-dali niyang pinatay ang stove at kinuha ang strainer para maahon ang french fries na ngayon ay medyo crunchy na. Nakangiwing mukha naman ni Eiji ang nakita niya pagkalagay niya ng pagkain sa iang bandehado.

Ayos! Nakaganti rin!

Tinaasan niya ito ng kilay ng magbaling ito ng tingin sa kanya. Biglang nagbawi ito ng expression. From power ngiwi to super smile naman ngayon. Ikinabigla lang niya ang parang biglang pagliwanang ng paligid dahil sa ngiti nito. Parang nagdiwang ang malungkot na ambiance ng lugar sa pagkakita ng malapad na ngiti ni Eiji. No wonder toothpaste companies are making a fortune from this guy's irresistible smile.

He shook his head. As if that way he can remove unwanted thoughts on his mind. Ano bang nangyayari sa kanya at lahat na lang ng tungkol sa taong ito ay napapansin niya? Nagulat pa siya ng makitang ngumunguya na ito.

"Hmm... sarap! Crunchy fries! First time!" Eiji said in between chewing.

"Masarap ka diyan." ingos niya kunwari.

"Oo nga."

Hindi na siya sumagot. Dumakot ulit ito ng mahiwagang fries. Siya naman ngayon ang napangiwi pagkarinig ng nagtutunugan pang patatas na kinakain nito.

"Bakit pinagtiyagaan mo pa ang mga iyan? You could've just ordered."

"Sayang eh." Eiji said nonchalantly.

"Weird."

"Touché." napapapikit pa ito habang ngumunguya. Wari bang sarap na sarap sa crunchy french fries.

Dahil curious ay dumampot sia ng isa at kumagat para lang ngumiwi sa lasa. Nagtaas-baba naman ang kilay ni Eiji ng makitang kumakain na rin siya ng pinagpala niyang luto.

"Sarap no?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Billy refused to answer. Hahaba lang kasi ang usapan kapag nagsalita pa siya. Sa halip, kinuha niya ang ketchup sa cupboard.

Hustong naglalagay siya ng ketchup sa platito ng sumawsaw agad doon ang nakalapit na palang si Eiji sa kanya sa ka tatawa-tawang umakbay sa kanya.

He stiffened. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya at naparalisa siyang bigla. Biglang umalinsangan ang pakiramdam niya.

"Hey!" untag sa kanya ni Eiji.

"Huh?!" gulantang na sagot niya rito.

"Uubusin mo ba iyang ketchup o ipanghihilamos mo?"

Napatingin siya sa platito ng umaagos na ketchup. Natatarantang kumuha siya ng kutsarita at ibinalik ang sobrang sawsawan.

"Huwag na. Hayaan mo na yan. Masisira lang yang nasa bote." pigil nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw ang may kasalanan nito eh. Kung bakit kasi..." maagap niyang putol sa sinasabi. Muntik na niyang ibuko ang sarili dito. Muntikan na niyang masabing iniisip niya ito at ginugulo naman nito ang isip niya.

"Bakit ako? Kasalanan ko bang iniisip mo ako? Siguro nadedevelop ka na sa akin no?" natatawang sambit nito.

Napamaang siya. What the...? Paano nito nalaman ang iniisip niya? Billy's mouth formed an "O", may gusto sana siyang sabihin pero pinili niyang tingnan na lamang ito ng matalim.

Tumigil naman ito sa pagtawa at sumubo ulit ng fries bagaman naroon pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito.

"Pakihugasan na lang ang mga ginamit natin." sabi niya saka lumabas ng kusina.

Hindi pa siya nakakalayo sa kusina ng magsalita ito. "We'll shop later. Please be ready at 3 o'clock!"

"Whatever!" sigaw niya sa hagdanan.



Eiji was more amused than irritated with Billy's actions. The man was trying his very best to annoy the hell out of him. Sa ibang pagkakataon hindi niya papayagan ang isang tao sa pang-iinis sa kanya. Lalong hindi niya hahayaan na minamaliit ang pagkatao niya. Sa isang banda, medyo nagmellow na ito sa ganoong gawi bagaman minsan ay may panaka-nakang misinterpretation ang pamangkin ni Franny sa mga kilos at sinasabi niya.

Katulad kanina. Kitang-kita niya kung paanong naasiwa at hindi mapakali ang lagay nito ng sabihin niyang iniisip niya ito. Hindi niya intensiyong sabihin iyon dito. Mali lang siya ng ginamit na salita. Gusto niya sanang sabihin ay iniisip niya kung ano kaya ang hitsura nito kapag nag-iba ito ng porma.

Naiiling na dinakot niya ang kanina pa pinagdidiskitahang crunchy patatas. Muli niyang naisip si Billy. The geeky guy was actually cute. Hindi lang mapansin kasi ang kapal ng suot na salamin at ang buhok, kung hindi brush-up, hati sa gitna na sobrang dapang-dapa. Pero ang damit nito ay hindi pang-geek. Mukha nga itong modelo magdala ng damit. Maayos at malinis.

Natutuwa pa rin siya kapag naaalala na virgin pa raw ito hanggang ngayon. Hindi siya naniniwala noong una pero kapag nakikita niya ang pamumula ng mukha nito sa mga topic at ginagawa niyang demostration ay parang gusto na lang niyang gumulong sa kakatawa.

Mukhang sa mahabang panahon ay tanging si Mariang Palad lamang ang kaulayaw nito, kung ginagawa man nito ang masturbation. Sa ginawang pagalala, napadako siya sa isang pagkakataon kung saan parang siya ang ginisa sa sariling mantika.

Paano ay sinubukan niyang i-demo dito ang mga kiliti ng isang lalaki. Bilang eksperto na rin sa larangang iyon, alam niya ang mga lugar sa katawan ng lalaki na kapag hinahaplos o nasasayaran ng hawak ay ikaliligaya talaga ng tunay.

Sa ginawa niya ay hindi niya napaghandaan ang napakagandang sorpresa ni Billy sa kanya. His pecs and abs are absolutely gorgeous. As if inviting him to touch them and devour the goodness of it. No excess fats. A geek indeed but a buff one. He knew that Billy's body is good but he didn't expected it to be "that" good.

Napalunok siya. Hindi niya naiwasang paginitan ng katawan. Isang matinding self-control ang kinailangan niya ng masilayan ang magandang torso nito. Natatandaan niyang mabilisan niyang tinapos ang session na iyon saka siya mabilis na nagtungo sa kwarto para mag-cold shower.

Ngayon, mukhang kailangan niya ulit. Naka-attention na naman kasi ang kanyang si junior sa loob ng board shorts niya. Buti at wala na si Billy kung hindi ay matataranta siya sa pag-iisip ng kung paano tatakpan "iyon".

Nang maubos ang kawawang french fries ay hinugasan niya ang mga ginamit at tinungo ang kwarto upang magpahinga sandali para sa lakad nila mamaya. Sisiguraduhin niyang mawawala ang kabaduyan sa katawan ng pobreng si Billy.

Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails