Followers

Showing posts with label Paraisong Parisukat. Show all posts
Showing posts with label Paraisong Parisukat. Show all posts

Thursday, August 26, 2010

Paraisong Parisukat Chapter II (part2)

huhuhuhuhu wala na kami salamat sa lahat ng nagpapalakas ng loob ko d2 sa bol chat (dj,sir,kua chris and many more cencia n hindi ko mabti ung iba ayw pkilala huhuhuhu salamat sa lahat ng nag cocoment hindi kona kayo maiisa isa salamat tlga
i love u so much but it hurts =(

------------------------------------------
Hindi kumibo si Steve sa halip ay niyakap niya si mike. Natulala lang si mike sa inasal ni steve kayat nag paraya nalang ito sa kung ano man ang dinadamdam nito. Hanggang sa kumalas ito
“sorry mike sorry talaga”
“wala yon steve may problema ba?”
“wala naman mike may naalala lang ako” sabay tayo nito at punta sa gilid ng lawa tinignan ang repleksyon ng sarili
“marami na palang nagbago handa na kaya uli ako” ang bulong sa sarili ni steve
at umihip ang isang malamig na hangin.
-o-

Tuesday, August 24, 2010

Paraisong Parisukat Chapter II (part1)

BY: Michael santos (MS)

Author's Note:

Ayon ohh hahahahaha bitin na bitin ba sorry po kung super tagal ng update medyo nag kakaroon lang ng prob hehehe salamat sa lahat ng nag cocoment at mag cocoment sana patuloy nating suportahan ang mga manunulat sa site na 2 i love u all
Kuya mike salamat po hehehehe inspiration k tlga hahahaha
Luvz q jepot i love u so much thnks 4 everything

-----------------------------------------


Kasabay ng pagtangis ng mga damdamin nila ang pagbagsak ng ulan. Mula sa puntod ni mike ay hindi nya inalintana ang lamig ng ulang bumabalot sa kanyang katawan. Sa mga sandaling iyon ay gusto nyang kahit saglit ay maramdaman ng kaibigan niya na kahit paano ay nagkaroon ng puwang ang pagmamahal niya rito. Si steve nalang ang tanging taong naiwan sa puntod. Napagdesisyunang mapag isa at makapag isip isip sa mga damdaming nabuksan at nabigyang linaw. Labis ang pag sisisi ng kaibigan dahil hindi nya nagawang suklian ang pag ibig na ibinigay ni mike sa kanya dahil huli na ng malaman nya na ganoon napala kalalim ang pagmamahal ni mike sa kanya.

“marahil mike masaya kana ngayon dyan dahil kahit papaano wala ka ng problemang iisipin. Mike gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kalungkot. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng kagaya mo dahil nag iisa ka lang ditto sa puso ko. Huli man ay sasabihin ko parin……mahal kita higit pa sa akala kong kaibigan kung maibabalik ko lang sana ang kahapon ay ginawa kona pero hindi na pwede napaka imposible. Alam ko magkikita pa tayo at sisiguraduhin ko na sa pagkikitang iyon ay magkakasama na tayo pangako ko yan sayo. Mike alam ko mahihirapan akong dugtungan ang storya mo dahil wala na ang bestfriend ko, masakit pero kakayanin ko tulad ng ginawa mo……maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo, tiyaga at pagmamahal, mahal na mahal kita kung alam mo lang” ang lumuluhang wika ni steve kasabay ng pag agos ng ulan sa kanyang katawan.

Dahil sa lamig na bumalot sa kanyang katawan ay nagdesisyon na siyang umuwi at ipagpabukas nalang uli ang pagpunta roon. Agad siyang nagpunta sa kanilang sangktwuaryo kung saan tila nakikiramay ang paligid. Sobrang lamig, sobrang tahimik. Muling bumalik balik sa ala ala ni steve ang mga pagkakataong tila walang patid ang kasayahan nilang dalawa. Sa pagbalik niya sa nakaraan ay tanging mga luha nalang ang naging karamay niya, luha ng panghihinayang at kalungkutan. Mula sa pagkakaupo sa damo ay tumingala ito at saka ipinikit ang mga mata malayang pinadaloy ang mga luha. Ilang oras din ang ipinalagi niya roon hanggang sa magtakip silim.

Dumaretso siya sa bahay nila mike para kahit papaano ay makapag paalam sa ina nito. Pagkarating nya sa bahay ay agad siyang sinalubong ng nanay ni mike

“nak sabi ko sayo sumabay kana samin ehh tignan mo basang basa ka….magpalit ka muna ng damit ihihiram nalang kita sa pinsan ni mike ok…intayin mo nalang ako sa kwarto huh?”

“sige po tita” ang maikling tugon ko kay tita

sa pagpasok ko sa kwarto ng bestfriend ko ay tila isang repleksyon ng nakaraan ang muling umantig sa damdamin ko, yung mga panahon na tila ang saya saya naming dalawa na halos ayoko ng matapos pa, mga harutan namin……..yung mga kalokohan namin hanggang sa hindi ko napansin ang muling pagdaloy ng aking mga luha buhat sa aking mata papunta sa mga pisngi.

-o-

Mula sa pagkawala ng isang kaibigan at minamahal ay nabuksan ang isang pintuang ni sa hinagap ni steve ay hindi nya alam na kanya rin palang papasukin. Isang mundo kung saan hindi ordinaryo ang nakagisnang pag ibig, isang mundong puno ng saya at kalungkutan, isang mundong minsan nilang pinagsaluhan.

Malayang nagtatampisaw si mike at steve na tila walang hangganan ang kasiyahang nadarama mula sa munti nilang paraiso. Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ang dalawa sa lilim ng puno kung saan tila may nakaukit na lungkot dito na hindi maipaliwanag. Umupo ang dalawa at sumandal si mike kay steve

“kapag namatay kaya tayo saan tayo mapupunta? may ganitong lugar din kaya doon? May umaga at gabi rin kaya? May pagod at pagluha rin kaya doon” naramdaman nalang ni steve ang pagpatak ng malalamig na luha ni mike sa balikat nya kaya saglit nyang pinunas ito at saka tumingin sa bughaw na ulap

“ewan ko mike siguro meron……sabi nila may paraiso daw sa dulo ng bawat paglalakbay………bakit ba ganyan ang mga tanong mo?”

“natatakot kasi ako”

“saan ka natatakot?” ang tanong ni steve habang pinaglalaruan ang damo na nasa harapan

“sa atin……sa akin………sa sayo……….natatakot akong mawala ka………” napatingin lang si steve kay mike at nagtama ang kanilang mga mata saka muling inintay ang mga sasabihin ng kaibigan

“steve mahal kita at masaya ako na dumating ka sa buhay ko pero kala ko makakasama pa kita ng pangmatagalan pero nagkamali ako…….wag kang mag alala masaya na ako ngaun kasi nasabi ko na sayo ang tunay kong nararamdaman, ngaun makakatulog na ako ng mahimbing……mahal kita steve mahal na mahal”

napapikit nalang si steve at inintay ang mga susunod na mangyayari. Isang malamig na hangin ang yumakap kay steve at sa muli niyang pagdilat ay tanging larawan nalamang ni mike ang nakita sa kanyang harapan. Isang larawan na batik ng emosyon. Nilingon niya ang paligid at nakita si mike na naglalakad palayo

“miiiiiiiike!!!!!!” ang sigaw ni steve kay mike pero lumingon lang ito at kumaway na tila kay saya saya. Pinilit nyang habulin si mike pero sa pagtakbo niya ay bigla siyang natisod at pagbangon niya ay wala na si mike. Pumatak ang luha ni steve sa di malamang dahilan. Humaplos sa buong katawan niya ang lamig ng hangin hanggang sa gisingin siya ng kanyang mga luha mula sa isang mahabang panaginip.

-o-

Mabilis na lumakad ang taon kasabay ng paghilom ng mga sugat na iniwan ng nakaraan. Batid na ng bawat nangulila kay mike na may hangganan ang lahat ng bagay sa mundo maging kay steve. Pangalawang taon na niya sa kolehiyo sa kursong dapat ay kukuhain ni mike. Ipinagpatuloy niya ito base sa naipangako sa matalik na kaibigan. Ilang kaarawan narin ni mike ang pinagsaluhan ng mga luha ni steve. Sa munting paraiso nalang nila ito ginugunita.

Tila pipihit ng direksyon ang tadhana ni steve sa isang pangyayaring tila susubok sa katatagan ni steve. Isang maulan na gabi iyon habang nagmamaneho ng kotse ng hindi niya mapansin ang isang lalaking patawid. Isang malakas na pagbangga sa isang katawang mortal ang nasaksihan niya. Dagli siyang bumaba na halos mawala sa sarili ng makitang nababalot ng dugo ang buong katauhan ng stranghero. Dali dali niya itong kinarga sa takot na may makakita pa sa kaniya sa ganoong kundisyon. Habang nasa gitna ng panghihina, takot at kaba ay dinala niya ang straghero sa malapit na ospital. Hinanapan niya ng pagkakakilanlan ang stranhero ngunit wala ciang nakita. Kaya ng tanungin siya kung ka ano ano niya ang binata ay sinabi nalang niyang kapatid ito.

“Mike Victores po doc” ang tensyonadong wika ni steve. Dahil sa kaba ay isinunod nalang niya ang pangalan ng binata sa kaibigan.

“Kamusta na po kapatid ko doc?” ang nasabi nalang ni steve sa doctor habang kinuha ang mga impormasyon nito

“Medyo malakas ang pagkakabangga sa kapatid mo, nagkaroon siya ng kaunting damage sa bandang ulo kaya kailangang maoperahan ito para mahinto ang pagdurugo sa loob nito kung hindi agad maooperahan yon ay maaring maka apekto ito sa pag iisip niya”

lubos na pinanghinaan si steve sa narinig. Awang awa sa nasabing stranghero hindi malaman ni steve ang gagawin kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina sa telepono

“Mah…..punta ka dito sa Hospital dali hindi ko na alam gagawin ko”

“huh anong nangyari sayo steve” ang tensyonadong wika ng ina ni steve

“mah hindi ako, basta sasabihin ko nalang dito sayo basta bilisan mo dala ka narin ng pera kailangan sa operation mah pls dalian mo”

puno ng pangamba ang dalawa hanggang sa makarating nga ang ina ni steve n puno ng takot sa kung anong sinapit ng kanyang ina. Hanggang sa makita niya si steve na tila hinanghinang nakaupo sa labas ng operating room. Dagli niyang nilapitan ito at niyakap saka isinalaysay ni steve sa ina ang buong pangyayari. Walang nagawa sila kundi akuin ang responsibilidad sa stranghero. Ilang oras ng operasyon ang lumipas at matagumpay naman itong naisagawa hanggang sa mailabas ang stranghero sa silid at inilipat sa isang private room.

“ohh pano to steve nasan ang mga kamag anakan nito?” ang alalang wika ng ina ni steve

“iyon nga po ang hindi ko alam kung paano hahanapin, wala siyang ID manlang sa pitaka ohh kahit anong makapagtuturo sa mga kamag anak niya…..mah kapag nagka recover na siya pansamantala muna sa atin siya huh….natatakot akong makulong mah”

“hindi mangyayari iun anak wag kang mag alala gagawin natin lahat….teka may nakaka alam na ba nito?”

“wala pa po mah”

“mabuti iyon antayin nalang natin siyang magising at saka nalang natin tanungin……mag relax ka muna Nak dyan ok bibili lang ako ng makakain mo at saka damit puro kana dugo”

Ilang araw na obserbasyon ang ginawa sa estranghero para malaman ang naging resulta hanggang sa magmulat na ito ng kanyang mata

“Mah gising na siya!!!!!!!” ang masayang wika ni steve sa kanyang ina habang kausap ang kapatid nito.

“Kamusta pakiramdam mo?”

“teka nasan ako? Sino kayo? Ano ginagawa ko dito?” ang inusenteng wika ng binata

“wala kang naaalala?” ang kabadong wika ni steve

“wala, sino ba kayo at anong ginagawa ko dito?”

“ako si steve at ito ang mama ko teka anong pangalan mo?”

“ako?........” at pilit nag isip ang stranghero pero parang may problema pa sila

“wala akong maalala!!!!!!” ang kunsimidong wika ng stranghero na nagbigay ng lubos na pangamba sa mag ina

“isipin mong maigi!!!! Wala kabang natatandaang pangyayari?” ang kabadong wika ni steve pero wala siyang nakuhang sagot.

“tang ina wala akong maalala kahit isa” ang bulyaw ng binata sabay hawak sa ulo na tila kay sakit sakit. Dali daling tinawag nila ang doctor at doon ay ipinaliwanag sa kanila ang naging sanhi ng malakas na pagkakadisgrasya dito. Temporary Amnesia ang naging resulta. Lumakad ang araw sa pamilya at tila nakampante na ang bawat isa sa pag galing ng kundisyon ni “Mike”. Ilang linggo makalipas ay tuluyan na silang nag discharge sa naturang ospital. Kinupkop ng mag anak ang stranghero dahil narin sa masamang kundisyon nito. Mula ng araw na iyon ay naging bahagi na ng pamilya ni steve si “Mike”. Palihim na hinanap ni steve ang mga kamag anak ni mike ngunit bigo siya. Ang araw ay naging linggo hanggang sa maging buwan. Mabilis ang lakad ng panahon ni steve kasabay naman nun ang unti unting pag gaan ng loob ng isat isa sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sa paglipas ng panahon ay hindi na naging iba sa kanila si mike ngunit hindi parin nila maialis ang pangamba sa muling pagbalik ng mga alaala nito ngayon pat malapit na malapit na si steve kay mike. Muling binalikan ni steve ang munti nilang paraiso nila ni mike kasama ang bagong mike ng buhay niya. Lingid parin kay mike ang nakaraan ni steve kaya wala siyang ka ideideya sa personal na nararamdaman nito. Napansin nalang ni mike ang unti unting pag guhit ng mga luha sa pisngi ni steve sa muling pag tungtong niya roon. Marami nang nagbago sa munti nilang paraiso ngunit nandon parin ang mga ala ala ng saya at lungkot na kanilang pinagsaluhan ng dati niyang matalik na kaibigan. Umupo sila sa lilim ng puno at saka ninamnam ang payapang paligid

“ang ganda dito steve” ang papuring wika ni mike

“bukod sa maganda ang katangian nitong paraisong ito mas malalim”

tila napaisip naman si mike sa seryosong wika ni steve

“ano hindi kita maintindihan drama mo ahh hahahaha” ang tukso ni mike kay steve hanggang sa mapansin ni mike ang mga luha ni steve

“hala sorry may nasabi ba akong masama?”

“wala mike wala”

nabalot ng ilang minutong katahimikan ang paligid hanggang sa basagin ni mike ang katahimikan

“pwede bang maligo diyan?” ang nakangiting wika ni mike na nag pabalik sa ulirat nito…

itutuloy……

Wednesday, July 21, 2010

Paraisong Parisukat [chapter 1: Part 2]

By: Michael Santos

Note from MSOB:

Ang kuwento pong ito ay ibinahagi lamang sa MSOB ni Michael Santos (MS).

------------------------------------

“mike ok ka lang ba talaga?........bkit parang umiiyak ka?”

“huh ako……” sabay punas ko ng luha at ngumiti

“overjoy siguro to……kasi magiging tatay na bestfriend ko” sabay bitiw ng isang malaking ngiti para maikubli ang sakit na aking nararamdaman

“oo nga ehhh parang ang bilis ng panahon mike……..maraming maraming salamat sayo mike hindi ko na alam kung paano pa magpapasalamat sa inyong pamilya kasi ang dami nyo ng tulong sakin.”

“wala yon steve diba magkaibigan naman tayo para saan pa ba yon diba”

“oo nga ehhh pero sympre malaki parin ang pasasalamat ko sa inyo……hayaan nyo balang araw makakaganti rin ako sa inyo mike” sabay niyakap nya ako ng isang mahigpit at napaka init na yakap.

Doon nasaksihan ni jen ang kakaibang pagtangis ng aking luha. Pagluha dahil sa pagmamahal sa isang kaibigan na walang lakas para ipagtapat. Marahil ay nagtaka man si jen sa akin ay hindi na nya ako nagawang usisain pa bagkos ay nagpasalamat nalang ito sa akin. Pagkatapos ng tagpo naming iyon ay tila kumapit sa katawang lupa ko ang amoy at tindig ng katawan ni steve. Alam kong naramdaman ni steve ang pagkabog ng aking dibdib pero marahil hindi na lang nya ito pinansin.

“ang daya mo mike dapat ako ang umiiyak tapos ikaw ang umiyak……..kaw talaga” ang biro sakin ni steve

“wala to overjoy lang ako ngaun……..sa wakas magiging ninong narin ako” sabay tawa.

Natapos magpasalamat kay nanay ay umakyat na kami sa bakentang kwarto naming katabi ng kwarto ko. Ginawa ko nalang imbakan ng gamit ang kwartong iyon kaya medyo nahirapan silang mag ayos pero hinayaan nalang naming sila sa pag aayos. Pagkatapos na pagkatapos nun ay sabay sabay kaming nagsikain ng hapunan. Ang dating bahay naming na puno ng katahimikan ay nagkaroon ng kaunting laman. Pero kahit anong daldalan nila ni nanay ay hindi ko man lang nagawang makisali ohhh makipaghuntahan. Basta tahimik lang akong kumakain minsan binabato ng tingin si steve. Minsan si jen pero itinigil ko rin kasi alam kong nahuhuli ako ni jen na panay ang tingin kay steve mahirap na.

Sa puntong iyon tila ang bigat bigat ng aking damdamin lalu na ngaun na ang mahal ko at mahal nya ay sa iisang bubong magsasama. Maraming katanungan ang naglaro sa isip ko ng mga panahong iyon. Ganun pala ang feeling kapag mahal mo ang isang tao kahit gaano pa kasakit sa iyo ay gagawin at gagawin mo para sa ikaliligaya ng mahal mo.

Ng gabing iyon naging palaisipan para sakin ang mga nangyayari sa kanila. Minsan gusto ko silang silipin. Minsan gusto kong sunugin ang kwarto. Minsan gusto ko naring mamatay dahil sa tindi ng sakit. Gabi gabi kong naging tandayan sa pagtulog ang mga luha ko. Sa araw araw na pagsasama namin sa iisang bubong tila sibat na tinutulag nito ang aking puso sa bawat ngiti, lambingan at tawa na kanilang napapabatid sa isat isa. Inggit na inggit ako at iyon ang masakit.

Hanggang isang araw palihim akong tumikim ng alak. Kagagaling ko lang non sa birthday ng isang kaklase sa una hindi ko masikmura ang lasa dahil sa may kapaitan ito na hindi ko mawari pero ng kinalaunan ay tinanggap na ito ng sikmura ko hanggang sa hindi ko namalayan ang aking kalasingan. Gabi na ng ihatid ako nun sa bahay naming mabuti nalang at tulog na ang aking nanay sa pagsasaad sa akin ni steve ng pagbuksan nya ako ng pinto “ohhhh saan ka galing?.........uminom ka ba?” ang medyo pasungit nyang tanong dahil alam nyang hindi ako umiinom

“bakit pakelam mo ba?........ang intindihin mo yung asawa mo diba masaya ka na doon”

hindi ko alam kung paano ako humuhugot ng lakas para sabihin ang mga bagay na iyon hanggang sa hindi ko na alam ang aking mga sinasabi at naramdaman ko nalang ang malamig na likidong dumadaloy sa aking pisngi. Pinahid ko ito ng aking palad at tinignan.

“eto nakikita mo to…….dahil to sayo” sabay pakita ko ng palad ko na may bahid ng aking mga luha

“huh…..ano tara na nga lasing kana tumaas na tayo!!!” ang medyo takang sagot ni steve sabay akay sakin papasok pero pinigilan ko

“teka…..hindi pa ako lasing…….matino pa ako…….kaya lang nasasaktan ako alam mo ba yon…..huh…….sabagay hindi mo alam yon dahil hindi mo nararamdaman ang sakit na pinagdadaanan ko ngaun kasi manhid kayo diba!!!!” ang pautal utal kong wika kasabay ng aking mga luha

“lasing kana mike tara baka kung ano pa ang mangyari sayo hahatid na kita don”

“ahh hindi kaya kong mag isa…….”

Pero dahil halos wala na akong lakas ay napaakay narin ako kay steve pataas at hindi namalayang nakatulog. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Pagkagising ko ng kinaumagahan nagulat nalang ako dahil katabi ko sa kama si steve. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko basta ang alam ko may mga sinabi ako then blackout!!!!. Mukang naramdaman nyang gising na ako.

“bakit dito ka natulog? baka magalit asawa mo? Nagkaaway ba kayo?” ang sunod sunod kong tanog sa kanya

“ano ba hindi nohhh!!! at kung nagtatanong ka kung bakit ako ditto natulog kasi naman kagabi umuwi ka ng lasing na lasing tapos umiiyak pa at kung ano ano pa ang mga sinasabi kaya hindi na kita iniwanan dito baka kung ano pa maisipan mong gawin ehh mapahamak ka pa”

expect ko na un kaya yumuko nalang ako at nag pasalamat “salamat ha…..hindi mo na dapat ginawa yon”

“ano kaba mike ok lng yon………basta wag ng uulitin huh ako na ang magagalit sayo at kung uulitin naman kaunti lang huh ma papromise mo ba yun mike?”

“oo sige promise ko yun………..teka ano ba yung mga sinasabi ko kagabi?”

“uhmmmm wala naman masyado except dun sa nasasaktan ka” medyo biglang kinabahan ako sa binanggit nyang yon buti nalang at binawi nya

“pero wag mo ng intindihin yon alam ko dala lang ng kalasingan mo yon kasi naman iinum inom hindi naman pala kaya sa susunod na iinum mag aaya kasi…hehehhehe” ang birong wika ni steve ngumiti nalang ako

“sige na punta na ako sa kwarto namin relax ka muna dyan para hindi ka mahalata ni tita yari ka don pag nalaman nyang uminom ka….sige ka baka ikaw naman ang palayasin hehehhehe” sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sabay labas ng kwarto ko.

Sa pagkakataong iyon ay tila gumaang ang pakiramdam ko marahil dahil kahit kaunti ay nailabas ko ang saloobin ko kahit ang alam nya lang ay lasing ako nung mga panahong iyon. Naging parang normal nalang ang mga araw sa amin kahit may sakit sa akin ay tiniis at inilalabas ko nalang sa pag iyak dahil alam ko mawawala rin iyon at marahil ay mapapagod din ang mga tear glands ko sa halos gabi gabi kong pag gamit sa kanila.

Mag iisang buwan ng nakatira sa amin sila steve at pansin ko narin at mga pagbabago kay jen dahil sa kanyang pagbubuntis ang dating seksing katawan nito ay unti unti ng tumataba at makikita narin sa kanyang tiyan ang kanyang pagdadalang tao. Sa loob ng mga araw nayon naging masaya ang mahal ko sa piling ni jen pero matutuldukan ang lahat ng ito sa isang lihim na parating.

Isang katok ang saglit na umabala sa aming pagkain. Dahil ako ang malapit sa pinto ay ako na ang nagbukas
“sino po sila?” ang bungad ko sa isang binata na may katangkaran at maputi.

“dito ba tumutuloy si jen” ang tanong ng binata na narinig naman nila kaya saglit silang napatingin sa aming direksyon

“oo bakit? Sino ba sila?” ang muli kong tanong sa binata

“ako si Patrick boyfriend ni jen” tila isang bombang sumabog sa tenga ko ang narinig na nagdulot muli ng kalituhan

“huh boyfriend? Ni jen?” ang nasambit ko lang sa binata na puno ng pagtataka.

Makailang segundo ang lumipas lumapit mula sa kinaroroonan namin si jen at isang gulat na gulat na jen ang nakita ko sabay bumulong ito sa binata na tila puno ng pangamba at takot. “ano ang ginagawa mo dito diba tapos na tayo? Ano pa ang ginagawa mo ditto sige na umalis kana” ang pilit pinagtatabuyang wika ni jen sa pobreng binata pero parang walang narinig ang binata sa halip ay namangha sa imahe ni jen sa pagdadalang tao nito

“iyan na ba yung anak natin? Sabi nga pala ng mama ko pede ka na daw tumuloy sa amin wala na kasi ang ate ko” ang inusenteng wika ng binata na syang nagpawindang sa aming lahat kitang kita ko si steve sa pigil na galit na kanyang tinitimpi habang nakalingon sa direksyon ni jen maya maya pa ay hindi na rin nakayanan pa ni steve at halos lumusot ang paa sa sahig dahil sa bigat na agad namang inaksyunan ni jen pahabol

“teka steve magpapaliwanag ako……steve!!!!!!!” ang sigaw ni jen habang halos ipagbalibagan ni steve ang pinto ng aking kwarto.

Kitang kita ng binata ang lahat at maliwanag na sa kanya kung ano man ang nangyayari. Walang pasabing umalis ang lalaki na tila nasaktan din sa nasaksihang kataksilan ni jen sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga tagpong iyon. Pinigilan ko ang aking sarili na wag ng patulan si jen pero sinaktan nya ang mahal ko kaya kahit alam kong lalaki ako ay hinila ko ang braso nya at kinausap


“jen dito ka nga mag usap tayo……….totoo ba yung sinabi ng lalaking iyon na boyfriend mo sya at sya ang ama ng pinagbubuntis mo!!!!! Sumagot ka……….sumagot ka!!!!!!!!!” ang mataas at galit na galit kong wika kay jen pero hindi na sya makasagot dahil sa pag iyak. “hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo sa kaibigan ko huh!!!! Niloko mo lang sya pinaasa……..dahil manggagamit ka!!!!!”

“hindi ko sinasadya…….mahal ko talaga si steve”

“tang inang pagmamahal yan……iyan ba ang tinatawag mong pagmamahal…….jen huh!!!! Tang ina for all this time pala ginagamit mo lang kami para pagtaguan yang kalandiang ginawa mo tapos idadamay mo pa pamilya ko……….kung mahal mo siya sa una palang sinabi mo na sa kanya ang lahat lahat……..alam kong matatanggap ka nya kahit ano pa yon pero anong ginawa mo nagsinungaling ka…….para?”

“wala na kasi ako talagang maisip na matatakbuhan kaya si steve ang una kong naisip kaya nakipagbalikan ako sa kanya………nung una sabi ko gagamitin ko lang sya pero mamahalin ko rin pala siya uli…….kaya lang naunahan ako ng takot naduwag akong baka hindi nya ako matanggap”

tinamaan ako sa mga huling kataga nyang iyon, tila may kurot sa puso ko kaya medyo naintindihan ko sya dun pero iba ang sitwasyon naming dalawa. Nagpatuloy ang pag iyak ni jen

“kausapin mo kaibigan ko………hindi ako pwedeng magdesisyon sa mga bagay na ito” ang nakatalikod kong wika sa kanya.

at umakyat nga sya at nagtungo sa kwarto ko para doon kausapin ang aking kaibgan. Rinig na rinig ko ang galit at pagbulyaw ni steve kay jen

“tang ina mo jen minahal kita pero anong ginawa mo?” ang halos pautal utal na tinig ni steve habang umiiyak. Nanlambot naman ako sa mga nasasaksihan ko kay steve. Masyado akong apektado ng kanyang pag iyak. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero hindi ko magawa. Malalim at masakit.

“hindi ko kailangan ng paliwanag mo malinaw na sa akin ang lahat………pwede ka nang umalis at kung hindi ka aalis ako ang aalis ditto”

“pero steve” ang umiiyak na wika ni jen

“tapos na ang lahat para sa atin jen…………tapos na” sabay labas ng kwarto ni steve at dare daretsong labas ng pinto. Pinigilan ko man sya sa paglabas ay wala rin akong nagawa. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa buong bahay naming hanggang sa Makita ko na may bit bit si jen na malaking bag marahil ay aalis na sya. Kahit masama ang loob ko sa kanya ay tinulungan ko parin sya sa pagdadala ng mga bagahe dahil sa babae parin sya at may maselan ang kondisyon nya sa ngaun. Sa huling tagpo naming bago sya sumakay sa taxi ay niyakap nya ako at bumulong

“alam ko mahal mo ang mahal ko…….alagaan mo nalang siya haaaa salamat sa lahat paki sabi kay nanay maraming maraming salamat sa inyo……..at kay steve pakisabi nalang na maraming salamat wala akong magawa ngayon kundi ang humingi ng tawad alam ko nasaktan ko siya pero hindi ako nagsinungaling ng sabihin kong mahal ko siya” ang umiiyak na wika ni jen sa akin.

Napaluha narin ako sa tagpo namin at hindi ko na nagawa pang tumugon pa sa kanya. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nilikpit ang mga nakakalat na gamit hanggang sa makita ko picture namin ni steve na magkaakbay habang nilagyan nya ako ng sungay sa likod. Napangiti nalang ako habang lumuluha saka inilapat sa dibdib ang picture saka bumulong sa hangin

“mahal na mahal kita hindi ko alam kung paano sabhin pero alam ko mahal kita pero hindi pwede kasi hindi ang isang katulad ko ang mamahalin mo at tutupad sa mga pangarap mo” hanggang sa hindi na ako makapagsalita dahil sa kakahikbi at kakaiyak. Patuloy ang pagdaloy ng aking luha habang dinarama ang pagluluksa ng damdamin ng aking mahal. Hanggang sa dumating narin ang aking nanay na gulat na gulat sa akin

“ohhh anak anong nangyari dtto bakit ka umiiyak?” ang alalang tanong ng aking nanay sakin

“ahhhh wala po nay……kayo po muna bahala ditto hanapin ko lang si steve” sabay alis ko ng mabilis.

Hindi ko na inintay pa ang magiging sagot ni nanay dahil sa panahong iyon ay kailangan ako ng mahal ko. Nilibot ko ang subdivision namin nagbabaka sakali na makita sya. Pinagtanong tanong narin sa mga kaibigan naming kung nakita ba nila si steve pero wala ni isa sa kanila ang makapagturo dahil narin siguro sa sitwasyon at mga pangyayari ay huli na ng maisip ko ang sangtuaryo ko.

Dali dali akong pumunta doon at naroon nga sya. Bakas parin ang pag iyak at sama ng loob sa mga nangyari kagaya ko ninanamnam nya rin ang kapayapaan sa lugar na iyon naghahanap ng kapayapaan sa puso hanggang sa tabihan ko sya

“nakakabilib ang hiwaga ng pagmamahal nohh……….naipararamdam nito ang mga bagay na hindi maipaliwanag, mga saya na halos walang parisan, mga problemang halos ayaw matuldukan, mga luha sa maliliit na siwang ng ating puso dumaraan. Sabi ko non sa sarili kailan kaya ako magmamahal kailan ko kaya mahahanap ang para sa akin pero napagtanto ko na hindi naman pala dapat hinahanap ang pag ibig at saya, nandyan lang sila sa paligid naghihintay ng tamang tyempo at panahon. Siguro nga ang sarap umibig pero ang lahat ng ito ay may katumbas na sakripisyo kaya siguro medyo takot akong umibig pero ngayon parang unti unti ko ng naiintindihan na ang pagtanggap ay mas masarap kaysa sa pagpapanggap. Steve alam ko mahirap ang mga naging nangyari ngaun…..isigaw mo lang ng buong lakas……..iiyak mo ng walang humpay……..magalit ka hanggang sa gusto mo pero tandaan mo iibig at iibig ka parin at masasaktan. Dahil ang pagdaan sa mga ganyang pagsubok at mapagtagumapayan mo yan ang syang magpapatibay lalu sayong pagkatao at pagmamahal. Tignan mo bukas isang malakas at bagong steve ang makikita mo. Ganyan lang talaga kapag umiibig ang isang tao kailangan mong masaktan kasi kapag hindi mo naramdaman yan hindi ka marunong magmahal yan ang tandaan mo saka parte yan…….hindi sa lahat ng bagay ay puro saya kailangan maging balance ito para mas maging makulay pa ok……tahan na steve marami ka pang mamahalin na babaeng magpapasaya sayo yung totoong pagmamahal na walang hinihintay na pagkakamali at katotohanan…….tatagan mo lang loob mo steve alam ko kaya mo yan…….” Ang pag aalo ko sa kanya

“pero mike mahal ko talaga siya ehhh…..” ang lumuluhang wika ni steve sakin

“oo nga mahal mo nga siya naiintindihan ko yon pero kung lagi mong iisipin na mahal mo siya masasaktan at masasaktan ka lang……..tanggapin nalang natin na nagkamali siya at ginawa mo lang naman yung sa tingin mo ay tama…….kasi steve parang sugal lang yan kailangan kang mamuhunan siguro hindi mo pa ngaun makikita yung pinagpuhananan mo nyan pero darating at darating ang panahon na masasabi mo sa sarili mo na sya na nga!!! Ok wag mong madaliin ang mga bagay. Sadyang hindi lang talaga para sayo yung dumating……mag intay ka lang magbubunga rin yan ok……tama nayan ka lalaki mong tao umiiyak ka ng dahil lang sa ganyan ok tahan na”

medyo naramdaman kong kahit papaano ay gumaang na ang pakiramdam nya ngaun kaya medyo nakampante na ako

“salamat mike haaaa lagi kang nandyan……..hindi ko na tuloy alam kung papaano pa ako makakabawi sayo” ang lumuluhang wika ni steve sakin

“wag mong intindihin yon steve kaibigan kita at lagi akong nandito kahit ano pa man yan ok?………wag ng umiyak papanget tayo nyan……..tama na ang emote ok?” nasilayan ko ang isang ngiti sa kanyang mukha na nagdulot ng kaunting ka ginhawaan sa aking pakiramdam.

“kiss nalang kita para makabawi ako sayo…..hehehehe” ang biro ni steve sakin

“suntok gusto mo” sabay tawa ko hanggang sa makampante kaming dalawa at nakahanap ng kapayapaan sa isat isa.

Pinasandal ko nalang sya sa balikat ko at saka nagpatangay sa haplos ng mga hangin. Habang nasa gitna kami ng katahimikan ay hinawakan nya ang isa kong kamay, ramdam na ramdam ko ang init ng pagdaloy sa aking mga ugat mula sa kanyang mga kamay at ng tignan ko sya ay tila isang anghel na natutulog maya maya pa ay nasulyapan ko ang unti unting pagguhit ng mga luha sa kanyang pisngi na tila nagpapalambot sa puso ko. Napabulong nalang ako sa sarili ng oras na iyon “nakakatuwa naman maglaro ang tadhana sa atin…….hindi ko akalain na sayo pa ako mahuhulog…….” Ngumiti ako habang nararamdaman ko ang unti unting pagkahulog ng mga luha ko buhat sa aking mga mata “………ibang klase talaga ang pagmamahal pero siguro hanggang sa sarili ko nalang ang pagmamahal na ito……..natatakot ako sa bukas kung sakaling malaman mo ang totoong nararamdaman ko para sayo, natatakot akong mag isa at mawala ka kaya hanggang sa panaginip nalang siguro at pangarap ko maaring ipabatid sayo kung gaano kita kamahal”

nagpatuloy ang pagdaloy ng luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan na gumising kay steve. Salamat sa ulan na iyon dahil hindi nya nakita ang totoo kong damdamin. Napagpasyahan naming maligo sa ulan nagbabakasakali na tangayin nito ang lahat ng problema at pangamba sa sarili. Ibsan kahit saglit ang kanya kanyang damdamin. Kumawala sa realidad ng buhay.

Nagising ako na tila binigyan ng bagong buhay. Araw na ng pagbalik ni steve sa bahay nila. Masaya na malungkot ang tagpo sa amin. Si nanay na laging kausap nya. Ako naman na lagi nyang kalokohan at ka kwentuhan. Wala na kaming balita kay jen buhat ng syay umalis ipinagdadasal nalang namin na nasa magandang kalagayan sya.

Ilang buwan nalang at graduation na namin. Sabik ang lahat sa nalalapit na okasyon maliban sa akin. Lumuluha ang aking nanay sa binigay na resulta sa amin ng doctor maging ako ay naging emosyonal pero pinaglabanan ko ito. Ito na pala ang resulta ng madalas kong pagkahilo at pagkawalan ng malay pero huli na ang lahat. Giniit ko sa sarili na nais kong maging normal lang ang pang araw araw na buhay namin kasama ang mga kaibigan ko lalu na kay steve.

“ayos ka lang ba……parang lagi kang matamlay ahhhh…….sabi ni Roxanne nung nakaraan nawalan ka daw ng malay sa canteen?” ang alalang wika sakin ni steve

“huh ako ayos lang ako tignan mo nga ang lakas lakas ko…….naku wag mo ng isipin yun masyadong mainit lang sa canteen ng mga oras na yon siguro hindi ko nakayanan pero ok lng naman wala namang masamang nangyari ehhh”

“ok basta pag may problema ha nandito lang ako ok!!!!!” sabay akbay sakin ni steve papunta sa hallway.

Naging mabilis ang pagtakbo ng oras sa akin kung kayat hindi ko namalayan ang totoong sitwasyon ko. Pinilit kong maging matatag sa kabila ng iniindang sakit.

2 linggo bago ang graduation nasa haba ako ng pila para sa pagmamartsa ng biglang mag blackout ang aking paningin hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari ang alam ko lang nasa bahay na ako habang naroon din si steve hawak ang isa kong kamay

“ohhhh steve anong ginagwa mo dyan……….bakit tila ang lungkot lungkot mo?” bigla nalang umiyak sa harapan ko si steve

“bakit hindi mo sinabi sakin to…..kala ko ba magkaibigan tayo bakit ka naglihim sakin?”

“ang ano?” ang medyo kabado kong tanong

“na may sakit ka…….akala ko okey ka lang sabi mo kasi un pala hindi……....mike hindi ko kayang mawalan ng kaibigang katulad mo” pero pinutol ko ang pagsasalita nya

“ano ka ba hindi naman ako mamatay grabe ka naman wag ka ngang emotero dyan kalalake mong tao umiiyak ka……..kutos gusto mo” sabay ngiti ko sa kabila ng hindi maipaliwanag na takot

“ikaw talga puro ka biro…….syempre nag aalala lang ako para sayo” ang medyo nakangiti na nyang tugon sa akin

“basta salamat sa lahat ha!!!!! Sunduin mo ako bukas para sabay tayong magpraktis okey” hanggang sa mapansin nya ang maraming papel sa tagiliran ko

“ano yang mga papel sa gilid mo?” ang tanong sakin ni steve

“ahhh iyan……wala lang yan mga story kong hindi matapos tapos……wala lang kapag walang magawa iyan gumagawa ako ng mga story pero hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa ending ehhh kaya iyan tambak na sila..hehehhehe”

“bakit ano ba ang gusto mong ending masaya o malungkot?” tanong sakin ni steve

“uhmmmmm hindi ko alam ehhhh pagmasaya kasi parang pang fairytale………pag sad naman parang ang bigat bigat namn ewan ko magulo……..basta kung ano nalang ang pumasok sa isip ko bahala na”

“pwede bang pabasa?”

“ay hindi pwede saka na pag may ending na ito hehhehehe” at hindi na nangulit pa si steve

-o-

at mahaba haba pa ang napag usapan ng dalawang magkaibigan ng gabing iyon. Gaya ng napagkasunduan nila sinundo ni steve si mike sa bahay nila. Dumaan pa ang araw at tila may kung anong bumubulong sa puso ni steve na hindi nya mawarian. Damdaming umusbong sa di pangkaraniwang sitwasyon at mga pangyayari. Hindi man masabi ni steve kung ano yon ay masaya siya sa takbo ng pagkakaibigan nila ni mike. Hindi man binigyang pansin ni steve yon ay pinakaingatan nalang nya iyon.


Normal at naging maayos naman ang mga sumunod na araw maliban nung sumapit na ang araw ng kanilang graduation. Isang umaalingawngaw na ambulansya ang gumising sa mga kapitbahay ni mike ng umagang iyon Isang pangyayari na gumulat sa lahat ng mga tao roon. Tanging ang panaghoy nalang ng isang ina ang nasumpungan ng mga kamag anakan nila mike. Walang malinaw na detalye ang lahat ng bagay sa mga panahong iyon. Habang nasa kaabalahan ng pagbabasta si steve ay biglang umihip ang isang malamig na hangin at sinabayan ng paglakas ng tibok ng dibdib. Hindi man nya ginawaran ng pansin iyon ay medyo nagkaroon sya ng takot sa hindi nya malaman na dahilan. Ilang oras na ang lumipas at handa na ang lahat para sa gaganaping seremonya hanggang sa mag umpisa ito. Napuno ng pangamba si steve dahil sa mga oras na iyon ay wala pa si mike. Hanggang sa magumpisa ng mag martsa. Pilit nyang nililingon ang upuan ni mike pero bakante pa ito. Hanggang sa magumpisa na sa program proper.

Pagkatpos ng pambansang awit ay sinudan ito ng isang prayer. Nagulat ang lahat ng sandaling na antala ang programa para sa isang anunsyo. Umakyat ang nanay ni mike sa stage kahit si steve ay nagulat sa partisipasyon ng nanay ni mike na yon dahil sa pag aakalang may kung ano lang hanggang sa magumpisa ng dumaloy ang mga luha. Naguluhan man at nabalot ng pangamba si steve ay pilit nyang inintindi ang sasabihin ng nanay ni mike bilang isang kawani rin ng eskwelahan

“alam nyo po isa sa mga napakaimportanteng araw ito para sa bawat isa sa atin. Ngaun po bilang isang ina napaka hirap po ang magpalaki ng isang mabuting anak. Isang anak na naging kaagapay mo sa hirap at ginhawa. Kasama mo sa pag iyak at pag tawa. Kasama sa araw araw na pamumuhay pero parang mas mahirap yata na ang isang mabuting anak ay kunin lang ng hirap. Napaka hirap Makita ang isang anak na unti unting kinakain ng sakit at saya na nadarama nya. Pero kahit ganun pinilit nyang magpakasaya sa kbila ng kundisyon nya”

Napatigil ang ina ni mike sa pagsasalita dahil sa pag iyak at muli ay nagpatuloy “masaya ako sa bawat isa na narito dahil naging parte kayo ng lungkot at saya ng anak ko. Lalu na sa naging best friend ng anak ko nasi steve na lagging nandyan para gabayan ang anak ko……..pero ngaun mababago na ang nakasanayan natin. Na may gumigising sa akin……na may pinagtatawanan ako sa tuwing magkakamali ng Gawain. Na may kasama sa agahan tanghalian at hapunan……..mahirap pero kakayanin sabi nya nga sakin kung mawala man daw siya ayaw nya ng may iiyak dahil nawala siya, magsaya daw tayo dahil kahit papaano ay naipadama nya ang saya na maging parte ng buhay nya. Isang leksyon ang iniwan sakin ng aking anak bago sya mawala. Na kahit anong hirap ng sitwasyon ay kakayanin natin basta gustuhin natin. Na nasa atin parin ang desisyon kung ano ang gusto nating kahinatnan. Maraming salamat sa pagbigay sa akin ng oportunidad na ito maraming salamat……anak kung nasan ka man ngaun alam ko masaya ka at mahal na mahal ka namin” isang malungkot na mukha ang napinta sa bawat taong naroon.

Iniabot ng adviser ni mike ang certipiko nito kasama ang medalya sa pagkamit bilang 2nd honorable mention. Lubos man ang panghihiyang ng mga kaguruan at kamagaral ay tila sa luha nalang nila napabatid ang labis na kalungkutan. Ilang segundong katahimikan ang inilaan ng lahat para kay mike taimtim na nagdasal at nagpasalamat. Halo halong emosyon ang pumaibabaw sa puso ng bawat isa lalung lalo na kay steve. Mula sa pagkakaupo ni steve ay halos hindi sya makatayo sa sobrang panghihina pero pinilit nya para mapuntahan ang nanay ni mike at ng makita ay kapwa sugatan ang dalawa walang patid ang pagluha walang pagsidlan ang emosyong namamayani sa isang inang nangungulila at isang taong naging malaking parte ng buhay ng isang simpleng studyante.

Kapwa nagyakap ang dalawa, walang humpay na tumangis para sa isang minamahal at humanap ng lakas sa isat isa para matanggap ang lahat.

“nak wala na siya” ang halos hindi masabing salita ng nanay ni mike

“nay bakit hindi po sya nagsabi………….ang sakit sakit naman nay” ang lumuluhang wika ni steve

“ayaw ka na kasi nyang pag alalahanin pa kaya inilihim nalang nya………” at nagtuloy ang pag agos ng mga luha ng dalawa kasama narin ang ibang malapit na kaibigan at ka eskwela ni mike. Nasa gitna man ng pagkabigla at pagtanggap ang nanay ni mike ay naalala parin nito ang bilin nya kay steve

“nak may ipinabibigay pala si mike inihabilin nya sa akin tohhh simula nung gabing matulog ka sa amin” nanginginig si steve na tinanggap ang isang file case at ng tignan nya ito yung mga kwentong sinulat ni mike.

Mula sa tagpong iyon tila nawalan lalo ng lakas si steve hanggang sa lapitan sya ng magulang nya. Malungkot man ang tema nila ay pinilit nilang patatagin si steve dahil kahit papaano ay napamahal na sa kanila si mike na parang anak na rin ang turing. Hindi na nakadalo pa si steve sa selebrasyon na iyon. Nagtungo sya kala mike. Habang papalapit ng papalapit sa bahay nila mike ay tila pabigat ng pabigat ang kanyang paghakbang. Takot na masulyapan ang malamig na mahal. Natatakot na tanggapin ang realidad ng buhay. Sa puntong iyon inalalayan nalang siya ng mga kaibigan papasok sa bahay kung saan iniintay parin ang mga labi ni mike. Hindi na makapagsalita pa si steve sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Maka ilang minuto pa ay napuno na ang bahay ng pagdadalamhati. Hindi na malapitan ni steve ang kabaong ni mike ng maihatid ito sa bahay. Habang ang nanay naman ni mike ay walang tigil parin sa pagiyak hanggang sa mawalan ng malay.

Nagkagulo ng kaunti dahil sa pagkakatumba ng nanay ni mike pero nahimasmasan din. Maya maya pa ay naglakas loob na si steve na sulyapan ang labi ni mike. Mula roon ay tila isang pelikulang nagbalik lahat ng masasayang alaala nila mula ng silay magkakilala ang mga biruan nila, tawanan at higit sa lahat ang mga oras na tila pinagiisa sila ng kanilang mga damdamin. Habang nakaalalay sa likod ni steve ang mga kaibigan ay nagumpisa na itong humagulgol dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman

“napaka unfair mo talaga bestfriend ehhhh kala ko ba sabay tayong mag eenroll, sabay tayong kakain dun sa paborito mong gotohan pagkatapos ng graduation, kala ko ba maliligo tayo sa lawa sa birthday mo, kala ko ba hindi mo ako iiwan……diba sabi mo walang iwanan pero bakit ganito” at bumuhos na nga ang emosyon ni steve “iniwan mo ko……hindi ko na alam ang gagawin ko ngaung wala kana, wala ng magpapatahan sakin, wala ng mangungulit sakin, at wala na yong nagmahal sakin bakit ngaun pa na alam kong mahal na kita…….bakit ngayon pa mike…….ang sakit sakit mike……..hindi ko alam kung paano pa tatawa ngayong wala kana…….sorry kung hindi ko man lang naiparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at kung gaano kita kamahal” niyakap nalang ni steve ang ataol ni mike sa sobrang kalungkutang nadarama.

Pilit pinapakalma ng mga kaibigan pero sadyang napakalaking dagok ito sa buhay ni steve. Maya maya pa ay lumapit ang nanay ni mike at niyakap ang binata. Sadyang napaka laking kawalan ni mike sa mga taong nagmahal sa kanya. Pero wala silang magawa kundi ang magdasal at lumuha at ng mahismasan na ay saglit na nagtungo si steve sa kwarto ni mike.

Sa pagpasok nya roon ay bumagsak nanaman ang kanyang mga luha sa nasaksihan. Kita nya ang mga litrato nila mula ng silay nagkakilala. Hinaplos haplos ito at hinagkan ni steve. Sinariwa ang mga alaala ng munting kaibigan. Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa isang larawan. Larawan iyon ng kaarawan ni mike makikita ang masigla at masayahing mike na nakaambang hahalikan si steve. Ng mga panahon iyon ay tila biruan lang sa kanila iyon pero ng kuhain nya ang kwadro ng picture may nalaglag na kaprasong papel na agad naman nyang pinulot.

Sa pagbukas nya ng papel makikita ang mga bakas ng mumunting tubig na animoy luha na naging mantsa sa papel. “sa loob ng halos ilang taon naming pagkakaibigan hindi ko sukat akalain na ganun din kabilis mababago ang buhay ko. Noon ko lang naranasan ang maging masaya na tila walang kapares…..ang mabuhay ng tila walang pangamba sa darating na bukas…..ang maging kuntento sa lahat ng bagay na may roon ako. Si steve kaibigan ko siya ng halos ilang taon kasama sa lungkot at saya……kasama sa lahat ng kalokohan at katarantaduhan napaka swerte ko nga dahil natagpuan ko siya kaya nagpapasalamat ako kay lord dahil binigay nya sakin si steve ngunit hindi rin pala magtatagal. Dumating sa buhay namin si jen ex ni steve hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang naging reaksyon ko ng mkitang buntis ito……magkahalong inis, saya at lungkot. Inis dahil ang bilis ng pangyayari dahil hindi man lang ako nasabihan ng bestfriend ko. Saya dahil kahit papaano alam kong magiging masaya si best dun. Lungkot dahil alam ko doon na matatapos lang ng pangarap ko……pangarap na sana kahit saglit ay maipaalam ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya…..isang pangarap na binuo ko sa aking imahinasyon…….isang pangarap na masabi ko sa kanya kung gaano sya ka importante sa buhay ko……pangarap na masabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya higit pa sa inaakala kong pagmamahal bilang kaibigan ngunit hanggang pangarap lamang yata talaga ito……...tiniis ko ang lahat ng sakit para masabi ko sa sarili na kaya ko to pero bibigay din pala ako……mahirap pala talaga ang magmahal. Sa mga sandaling ito hindi ko alam kung may bukas pa akong sasapitin. Malabo ang mga bukas na para sa akin. Kaunti nalang ang natitira kaya kahit sana sa sandaling ito ay masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal…..steve alam kong marami kang pangarap na hindi ako pepwedeng makisali dahil alam kong iba ang gusto mo pero lakas loob kong sasabihin sayo na kahit masakit masaya akong naging malaking parte ka ng buhay ko…..nais ko dating mahalin mo pero ngayon napagtanto ko na mahal mo rin pala ako sa paraang alam mo at masayang masaya na ako dun kung sakali mang mawala ako mamaya, bukas, makalawa o sa susunod na mga araw gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita wala lang akong lakas ng loob para sabihin sayo ang mga bagay na ito…..pero sana kahit papaano ay naipadama ko sayo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko…….ngayon masaya na ako malapit ng matapos ang munting kabanata ng buhay ko na naging makulay ng dahil sayo……salamat sa lahat ng saya na pinagsaluhan natin, sa lungkot na pinagtulungan nating suyurin at sa mga alaalang naging kabahagi na ng aking buhay……kung sino man ang makabasa nito ngayon alam ko nasa mabuting sitwasyon na ako…..sa isang lugar na minsay pinangarap kong maging totoo…..sa lugar na minsay binuhay ko sa aking pagkatao…….ngayon alam ko na kung ano ang gusto kong maging tapos ng kwento mga ko….gusto ko happy ending kasi hindi naman nagtatapos ang mga happy ending ehhh nagsisimula lang ito sa bagong kabanata sa panibagong buhay bilang isang matatag na tao”

end of chapter I

-0-

Abangan ang susunod na kabanata kay steve kung paano siya babangon mula sa pagkawala ng isa nyang minamahal, kung paano nya dudugtungan ang mga naumpisahang kwento ni mike at kung ano ang gagampanang papel ng kapatid nya sa pagikot muli ng paraiso nilang parisukat.

Tuesday, July 20, 2010

Paraisong Parisukat [Chapter 1: Part 1]

By: Michael Santos

Notes from MSOB:

Ang kuwentong ito ay kusang ibinahagi ng isa sa mga followers ng MSOB na tawagin na lang natin sa pangalang Michael Santos (MS)

Habang ginagawa ko pa ang Part 27 ng AKKCNB, naisipan kong i-post muna ang akda ni "MS". Basahin po ninyo, makakarealate po ang marami sa atin. Kung ikaw ay isang taong "itinatago" ang sarili at ang tunay na naramdaman para sa isang kapwa, masasalamin mo ang sarili mo sa kuwentong ito.

Maraming salamat kay Michael Santos...

Comments and feedback sa gawa ni "MS" are appreciated. Sana i-encourage pa natin ang mga katulad ni "MS" na willing na magsulat at magbahagi ng kanyang talento upang lalo pa niyang mapa-improve ang sarili, at maengganyong magsulat.

Bati portion:

Binabati ko ang mga chatters for the last few days: agua, july, taga cebu, daucus, junius (sorry na bunso please...), aran, just, eric, gerald, whitepal, at sa ibang hindi ko nabanggit...

Binabati ko rin ang mga commenters sa lat three posts: whitepal, jockolong, unbreakablej, daucus, siopao, gillian, gboi, jess sanchez, just, mr. romantico, matt, lanzdiaz, junie, roy, and dreimie.

Binabati ko rin ang 178 ko nang mga followers. Yeheeyyy! :-)

-Mikejuha-

-------------------------------

Chapter 1: Part 1

Ang pag-ibig daw ay walang pinipiling lugar, edad, kasarian at pangyayari. Eh pano kung ang lahat ng ito ay kabaligtaran ng nangyari sayo. Nanaisin mo pa bang ipagpatuloy ang sugal o isasantabi nalang ang nararamdaman para sa ikabubuti at ikatatahimik ng kalooban ng bawat isa kahit alam mong nasasaktan kana? Ilan lang yan sa mga katanungang bumagabag sa isipan at kalooban ni mike sa halos 4 na taong pagkakaibigan nila ni steve alam nya noon pa na mahal na nya si steve higit pa sa pagkakaibigan ngunit lagi syang inuunahan ng hiya, kaba at takot na mawala ang ilang taon nilang pagkakaibigan. Alam nyang imposible ang kanyang pangarap pero hanggang pangarap nalang ba at tanging sa mga nobela nalang ba matatagpuan ni mike ang ganoong realidad?

-o-

ako si mike mag 19 na sa susunod na buwan. Noon palang ay namulat na ako sa kakaibang sitwasyon ng aking pagkatao. Nandyan ang ma attract ako sa kapwa ko kalarong lalaki, ang magkaroon ng mga crush at higit sa lahat ang magkaroon ng minamahal sa di normal na estado.

Si steve kaibigan ko simula ng highschool palabiro, masarap kasama, chickboy (alam ko pede sa chicks hindi lang ako sigurado sa boy hehehe) at medyo may pag ka emo pag nabibigo. Halos wala na kaming maitago sa bawat isa. Nagsasabihan ng mga problema lihim at kung ano ano pa maliban sa sekreto kong pinagkakatago. Mahilig kaming tumambay sa kanila manonood ng kung ano ano palabas, maglalaro ng baraha at kung ano ano pa. Kilala narin ako sa kanila at naging malapit narin ako sa kanila minsan kalaro ko yung isa nyang kapatid na si drew isang taon lang ang agwat nila pero mas matangkad si drew kesa kay steve kaya minsan napagkakamalang mas matanda si drew kesa kay steve. Palibhasa dalawang anak lang ay sunod sa luho ang dalawa na sya naming minsan ko ring kinaiinggitan pero ayos naman ang estado ng buhay naming sapat lang para sa aming tatlo. Kahit nag iisa akong anak ay hindi ako minulat ng mga magulang ko sa mga makikinang na bagay kaya lumaki ako sa simple at payak na pamumuhay.

Sa subdivision na aking tinitirhan ay may isang malaking puno na tapat ng isang lawa. Iyon na yata ang naging sangtuaryo ko sa mga panahong malungkot, nag iisa at gustong mapag isip. Napaka ganda ng paligid na napapalamutian ng mga luntiang dahon, napakasarap ng hangin at tanging lagaslas lang ng tubig ang iyong maririnig kasabay ng mga ibong malayang lumilipad sa malawak at bughaw na himpapawirin. Sa lagi kong pag upo doon sa punong iyon ay tila naging kadugtong na ng ugat ko ang bawat himay ng puno na nagsisilbing lilim ko. Ng maging kaibigan ko na si steve ay dinala ko sya roon at isang manghang ekspreyon lang ang napinta sa kanyang mukha

“ohhh steve nakita mo na diba sabi ko sayo maganda…….dito ako lagi tumatambay pag may problema o kaya may iniisip o gusto lang mag relax”

“oo nga ehhhh mike ang ganda dito nakakarelax ang ganda pagmasdan ng paligid”

“ano steve gusto mo ligo tayo?”

“huh…..ehh hindi kasi ako marunong lumangoy hehehehe” ang medyo nahihiyang wika ni steve sakin

“tange ang babaw lang nyan hindi nga aabot sa leeg mo yan ehhhh”

“ehhhh basta next time nalang mike ayokong maligo ngaun saka kaliligo ko lang”

“ahhh basta tara ligo na tayo” sabay ngisi ko ng pagkapilyo pilyo sabay higit sa kanya papunta sa lawa. Tawa ako ng tawa sa reaksyon nya ng mabasa na ang pantalon tila basang sisiw na hindi maintindihan ang mukha

“loko ka talaga mike binasa pati pantalon ko pano ako uuwi nyan”

“hahahahahaha basta samin ka nalang magpalit hahhahahaha” ang daredaretso kong tawa sa kaniya

“sige pagtawanan mo ko pag nahuli kita lulunurin talaga kita” sabay takbo papunta sakin dahil nasa tubig kami nahihirapan akong tumakbo kaya panay nalang ang saboy ko ng tubig sa mukha nya para mapigilan sya sa pagtakbo.

Wala kaming ginawa nun kundi magharutan at magtawanan iyon na yata ang isa sa mga masasayang araw sa aking buhay hanggang sa mapansin naming magtatakip silim na pala kaya minabuti na naming umahon dahil sa kaunti lang naman ang tao at ilang bloke lang ang layo ng bahay nmin doon ay agad kaming nakarating sa amin.

“ohhhh bkit basang basa kau mike sino sya at saan kayo galling?” ang sunod sunod na usisa ng nanay ko

“dyan lang nay sa may lawa…..sya nga pala nanay si steve kaibigan ko

“naku anak basaing basa ka pasensya kana sa anak ko naku kaw talaga mike……sige magbabasta lang ako ng hapunan anak ditto kana sa amin maghapunan ha tapos pahiramin mo nalang mike ng pantalon at t shirt mo dun bilisan nyo magbanlaw na kayo baka mapulmonya pa kayong dalawa……nak nandyan ung mga tuwalya haa” ang mahabang litanya ng nanay ko

“ok lng po…..sanay na ako sa kakulitan ng anak nyo po hehehhehe” ang wikang biro ni steve sa nanay ko

“ay naku steve tara na baka kung ano masabi mo dyan” sabay aya ko papunta ng kwarto ko.

Pagpasok at pagpasok namin sa kwarto ko ay hinubad ni steve agad ang kanyang tshirt at pantaloon “hooy anong gingwa mo dyan?” ang gulat kong tanong kay steve na nasa akmang huhubarin na ang pantaloon

“bakit maghuhubad gusto mo ba akong matuyuan?”

“hindi naman kaya lang ginawa ang banyo namin para doon gawin yan” ang sarkastiko kong sagot sa kanya

“ehhh magkakalat pa ako ng basa ehhh kaya dito ko nalang huhubarin parehas naman tayong lalaki ehhhh”

at wala akong naging tutol sa kanyang sinabi pero tila may kuryenteng dumaloy sa aking mga kaugatan ng magumpisa ng maghubad si steve. Hindi ko maipaliwanag pero ayokong mahalata nya na parang tensyonado ako sa pagkakataong iyon kaya pumasok nalang ako sa banyo at huminga ng malalim makalipas ang ilang minuto roon ay kumatok si steve “mike matagal ka pa ba dyan?”

“ahhh ehhh eto tapos na” laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sakin ang white bench brief nya na halos tumunaw sa akin dahil sa maala Adonis na pagkakalilok ng kanyang katawan na may butil butil pa ng tubig na nagpatingkad sa makinis nyang balat. Hindi ko alam kong ano ang naging reaksyon ng aking mukha ng mga panahong iyon dahil 1st time na nangyari sa akin iyon. Habang tensyonado akong napako sa kinatatayuan ko ay biglang nagbalik ang aking kaluluwa ng mag salita uli sya sa akin

“ano padadaanin mo ba ako o ditto narin ako magbibihis?”

“ahhh ehhh sorry sige na daan kana”

namutla ako sa sinabi nya hindi ko alam kung paano haharap sa kanya ng mga panahong iyon dahil baka nahalata nya ako. Habang nag hihintay sa kama ay patuloy ang pag kukuyakoy ko sa aking binti dahil sa nerbyos na nararamdaman. Maya maya pa ay lumabas na sya na agad ko naming sinigundahan para hindi mahalata

“steve tara na daw kakain na sunod ka nalang don haa”

“teka hindi mo ba ako iintayin….ang sama mo haaa hehhehehehe kasi naman nahihiya parin ako sa mama mo kaya intayin mo na ako”

kaya naman nag intay nalang ako at pagkatapos ay sabay kaming bumaba at kumain. Pagkatapos ng mahaba mahabang kwentuhan naming ay nagpaalam na si steve. Hinatid ko sya hanggang sa kanto at hinintay na mawala sa paningin ang sinasakyang jeep. Pagkauwi ko ay ibang ngiti ang bumihag sa aking mukha. Nung gabi ring yon ay hindi ako pinatulog ng paulit ulit na pagbalik ng mga eksena naming sa banyo hehehehe.

Nagpatuloy ang ganoong setup namin ni steve pag minsang wala syang kasama sa bahay kaming tatlo lang ng kanyang kapatid ang naroon at minsn ay nakikitulog roon at kung minsan namay sa bahay. Masaya pa ang mga lumipas na buwan sa aming dalawa hindi matutumbasan yon sa parte ko pero biglang darating sa eksena si jen EX girlfriend ni steve. Marami rami narin ang naikwento ni steve sakin tungkol kay jen doon ko napagtanto na talgang babae ang hanap nya at gustong makasma habang buhay ni steve. Kahit may sundot sa puso ko ay inilihim ko nalang iyon dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa ako sigurado sa aking nararamdaman para kay steve.

Pero lumipas ang ilang linggo at napabalitang nagkabalikan sila. Hindi ko binigyang pansin yon dahil wala namang nababanggit sakin si steve tungkol doon hanggang sa isang araw. Habang nag aantay ako sa labas ng gate kay steve ay biglang may nang gulat sa akin kaya napabalikwas ako medyo nainis ako dun dahil ayoko sa lahat ng ginugulat ako. “ano ba!!!!!” ang mataas kong tono ng Makita si steve na panay ang tawa

“ay high blood?” ang panuksong wika ni steve sakin

“bata pa ako para dyan……saan ka ng galing kanina pa kita iniintay ditto ehhh”

“sorry naman……..may sinundo lang kasi ako”

“at sino naman?”

“si jen………” sabay lapit ng isang babae na maganda sa aming dalawa sabay abot ng softdrinks kay steve

“ay mike si jen girlfriend ko……..jen si mike best friend ko yan!!!!” pagmamalaking wika ni steve kay jen

“hi mike ikaw pala ung lagging kinukwento sakin nito….nice meeting you”

naguluhan, natuliro at nasaktan ako sa di malamang dahilan ng mga sandaling iyon kaya hindi ko na nagawa pang tumugon. Tila may gustong sumabog sa loob ko na hindi ko alam. Iniabot ko lang ang aking kamay sabay bitiw ng isang mapilit na ngiti. Naglalaro parin sa isip ko kung bakit inilihim sakin ni steve yon hanggang sa muling nagsalita si steve

“mike may sasabihin ako sayo mamaya haa”

“ano yon ngaun na kasi uuwi narin ako may lakad kami ni nanay ngaun ehhh”

“huh kala ko naman sasabay ka sa amin?”

“ahhhh hindi na steve next time nlng buong linggo na nga tayong magkasama ehhh hindi kaba nagsasawa? Saka may pupuntahan kami ni nanay ngaun importante lang”

“ahhhh ganun ba sige bukas pwede ka ba kain lang tayo dun sa may bagong karinderya na bukas sabi nila masarap daw mga pagkain don ehhh”

“sige sige try ko bukas…….sige una na ako sa inyo….steve, jen ingat nalang kayo” hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot at agad akong tumalikod. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko bakit ako nag kakaganito diba dapat masaya ako dahil masaya ang best friend ko pero bakit ganito nasasaktan ako. Iyon ang mga tanong na bumagabag sa aking isipan hanggang sa makarating ako sa bahay

“ohhhh ang aga mo yata ngaun?” tila pang aasar na wika ni nanay sakin

“nay tulog muna ako…….medyo pagod ako sa eskwelahan”

“ehhh hindi kaba muna kakain?”

“nay mamaya nalang……….pag may naghanap sakin sabhin nyo nalang na umalis” sabay pasok ko sa kwarto at higa.

Habang nasa gitna ako ng pag iisip at pagkalito ay biglang sumiksik sa akin ang mga tagpo ng pagpapakilala sa akin ni steve kay jen hanggang sa di ko namalayan na gumuguhit na pala ang mga luha sa aking mga mata. “wala ito……wala ito ……..wala ito” ang pilit kong isiniksik sa utak ko ng mga oras na iyon pero kahit ilang salita ang bigkasin ko ay pilit ko paring nararamdaman ang isang ugat sa puso ko na tila may kirot at dinarama.

“mahal nga siguro kita pero imposible….napaka imposible at hindi maaaring mangyari” ang bulong ko sa sarili habang patuoy ang pag patak ng aking mga luha sa aking kobre kama.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang bilis ng panahon. Sa pagdaan ng mga kubling araw na tila kay saya saya ko ay nagtatago ang isang anino. Anino na tila habang buhay kong dadalin. Ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. Ganyan kabilis tumakbo ang oras sa aming tatlo.

Hanggang isang araw napilitan akong mag cutting class. Maghapon akong tumambay sa lilim ng aking sangtuaryo. Ninanamnam ang lamig ng paligid ang payapang tubig at ang hanging bumubulong sa aking isip. Isang mundo ang nabuo sa aking isipan ng mga panahong iyon. Isang mundong walang gabi o araw, isang mundong walang pagpatangis at isang mundong walang pagpapanggap. Napaka perpekto na ng nasa isipan kong iyon kasama ko sya nag sasaya, magkahawak ang kamay at malayang ginagawa ang nasa isipan ngunit ginising ako ng aking mga luha sa aking mumunting panaginip. “Heto nanaman ako sa realidad” ang bulong ko sa sarili. Wala akong gustong gawin noong oras na yon kundi padaluyin ang aking mga luha na nagtatangan ng isang damdaming hindi masabi at mabigkas.

“mahal na mahal kita pero masya ka na ehhh at alam kong hindi ako kasama sa mga pangarap mo……masya na ako sa ganito……….masyang lumuluha………masayang nagkukubli……..masayang minamahal ang sarili…….masya khit sa kakaunti pagmamahal ng isang kaibigan…………… pero mahal na siguro talga kita steve kung alam mo lang” at hindi ko napagilan ang paghagulgol sa hangin. Hanggang sa unti unti kong maramdamn ang isang taong papalapit sa akin.

“mike!!!!!! Sabi na nga ba ehhh nandito ka……..” ang nakangiti nyang bati sa akin kaya agad akong tumalikod at nagpunas ng mukha na halos malunod. Hanggang sa mapansin nya ang kakatpos ko lang na pag iyak

“mike bkit hindi ka pumasok kanina?.................umiiyak ka ba?..........mike may problema ba?” sunod sunod nyang tanong sakin

“huh!!! Ako umiiyak……..hindi nohhhh bkit ako iiyak” ang pilit kong kubli sa kanya

“hay naku mike ako pa paglilihiman mo……..tignan mo nga naka school uniform ka pa……..ano nga ang problema ?” ang malumanay na wika ni steve sabay tabi sa aking kinauupuan

“ahhh ehhh wala ito wag mo ng intindihin pa!!!!”

“ano nga mike sabhin mo na”

hindi ko na naitago pa ang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak. Sa nais na maikubli ang totoong nararamdaman ay nagsinungaling nalang ako sa kanya

“kasi steve na busted ako……..alam ko mahal ko na sya at matagal na”

“ohhh bakit ngaun mo lang sinabi na may nililigawan ka na pala……ikaw huh naglilihim ka na sakin”

“hindi naman sa ganun kaya lang ayokong Makita mong nagkakaganito tignan mo nakita mo na ang kahinaan ko!!!”

“sus mike kaibigan mo ako naiintindihan kita ganyan din ako nun kay jen hindi mo lang alam kung ilang gabi ko rin syang iniyakan natural lang yan kapag nagmamahal ka mike tandaan mo yan………”

“pero mahal na mahal ko siya ehh steve hindi ko kayang mawala siya sakin” ang patuloy kung pagtangis sa aking kaibigan

“oo nga mike pero sa lahat ng bagay may tamang oras at panahon ok!!! Tama na yan hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak ng dahil lang sa isang babae…..tama nayan ok marami pa dyang babae na makapagbibigay sayo ng pagmamahal antayin mo lang wag hanapin kusang darating yan”

“tama ka steve siguro nga hindi kami para sa isat isa” ang medyo humuhupang wika ko sa kanya

“teka sino ba yang tinutukoy mong babae kilala ko ba?”

“ahhh ehhhh……hindi matagal ko ng kakilala yon……hindi mo rin kilala”

“ahhhh sige basta next time haa wag sasarilihin ang problema okey nandito lang ako at your service hehehehhee” ang patawang biro sakin ni steve na nagpagaang ng aking loob.

Humupa na ang tension ng puso at isipan ko. Napanatag kahit saglit na oras na pag uusap naming. Hindi ko na nagawa pang buksan ang topic na iyon kay steve dahil ayoko ng sariwain pa.

“ano ligo tau?” ang aya ni steve sakin sabay hatak ng aking mga braso kaya hindi ko na nagawang papigil pa.

Basa ang polo at ponds ko pero ok lng. Napuno ang katahimikan ng lawa ng panandaliang saya at halakhakan. Kahit papaano ay naibsan din non ang bigat ng aking dinadala hanggang sa mapansin namin na magtatakip silim na saglit kaming umupo at nag pahinga sa ilalim ng puno, pinanood ang pag aagaw ng dilim at liwanag. Habang unti unting nababalot ng dilim ang paligid ay hindi ko namalayang nakakatulog napala sa balikat ko si steve marahil sa pagod ng ginawa naming harutan. Napaka among tignan ng mukha nya sa balikat ko tila isang anghel na hinehele sa ulap ng himbing. Hanggang sa hindi ko na malayan ang unti unti kong paghalik sa kanyang labi. Isang hiram na halik, isang nakaw na halik sa isang hiram na sandali. Matapos non ay bumalik ako sa pagtingin sa kalangitan humihiling na sana ay wag tapusin ang mga oras na yon. Unti unti nanamang gumuhit ang aking mga luha………luha ng saya at pagtanggap hanggang sa ilang minuto ay biglang napabalikwas si steve

“mike gabi na pala…….nakatulog pa yata ako…..” dahil sa tubig sa aming mga katawan ay hindi na nya napansin ang aking mga luha

“oo kanina pa tara na……gabi narin” ang aya ko sa kanya

pagpasok naming ng bahay ay gulat si nanay dahil para nanaman kaming dalawang basang sisiw

“haaayyy naku san nanaman kaung dalawa galling……..puro talga kayo pasaway mga bata nga naman ngaun ohhhhhh……” ang kunsimidong bungad samin ni nanay

“nay dyan lang naman kami naligo ehhhhh don’t worry nay ok lng kami…..sige na baka matuyuan pa kami ditto punta muna kami ng kwarto para mag palit”

“mabuti pa nga nak…….sige na kayo talaga!!!!”

umakyat kami ng sabay at pag pasok ay binilinan ko na sya agad “ohhh sige na ikaw na mauna gumamit ng banyo!!!”

at agad naman siyang pumasok roon at nag shower makalipas ang ilang minuto ay tumawag sya na kung pedeng makihiram ng tuwalya at short sympre sinamahan ko narin ng damit.

“ohhh señorito ito na po!!!!” sabay bukas nya ng pinto ng CR.

Pag abot ko ng tuwalya ay saglit akong natigilan dahil nahawakan nya ang kamay ko at nagtama ang aming mga paningin. Halos kainin ako ng mga sandaling iyon. Ilang Segundo ng katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa ako na ang bumawi sa pagkakapako ng aming mga tingin. Pagtalikod ko ay abot abot ang kaba ko ng mga sandaling iyon hindi lubos maisip kung ano nanaman ang maaaring isipin sa nangyari pero dinedma ko nalang kahit may kaunting kilig. Paglabas nya ay walang imik akong pumasok hanggang sa matapos.

Sumabay sya sa amin ng hapunan hanggang sa magpaalam sya sa amin para umuwi na. Hindi ko alam kung nabasa nya ba sa mga mata ko ang nais kong iparating sa kanya. Kinabukasan humarap ako sa klase na parang ordinaryong araw, isang ordinaryong estudyante. Pero kahit ganon ako katatag tignan ay walang kasing sakit ang aking nararamdaman sa araw araw na makikita kong tila panuksong nakahain sa akin sina jen at steve gayun pa man patuloy parin kami sa normal na buhay hindi ko nalang pinapahalata ang totoong saloobin ko. Pilit kong inalis sa puso ko ang pagmamahal ko para kay steve pero habang tumatagal ay mas lalo ko syang minamahal. Naging piping saksi ang mga puno, halaman at ang kapaligiran ng mumunti kong paraiso sa gitna ng lahat ng aking hinaing at nararamdaman. Inukit ko sa puno ang mga araw na tila nagpasya ang tadhana na sadyang ganyan ang aking buhay at kailangan kong masanay.

Lumipas ang buwan at may kakaiba nanaman akong napansin kay steve naging malimit na ang pagliban nya sa klase pero kahit anong usisa ko sa kanya ay tila ba may malaking problema na ayaw pasabugin.

Hanggang sa matuldukan lahat ng tanong kong iyon. Isang malamig at tila balisang umaga ang sumalubong sa akin. “nak……mike……..may kumakatok buksan mo may ginagawa lang ako dito” ang sigaw ni nanay para makatipid ng enerhiya sa katawan

“sige po nay….teka lang baba narin ako” at maya maya pa ay bumaba narin ako para pagbuksan ang isang malaking surpresa

“mike pasensya na haaa kung nakaistorbo kami” ang bungad ni steve na bakas sa mukha ang hapis at pagod

“ok lang bakit may problema ba?” ang usisa ko na medyo may pangamba dahil sa nakita ko si jen na nakakubli sa likod ni steve

“ahhh ehhh titigasan ko na ang mukha ko ngaun mike pasensya na” ang medyo nakayukong wika ni steve sakin

“huh ano hindi kita maintindihan?” ang medyo napaisip kong wika kay steve

“pumasok nga muna kayo…….” Hanggang sa nagulat ako ng makitang parang buntis si jen. Ayokong isipin yon pero parang totoo. Inisip ko nalang na nakalulon ng pakwan ang garutay na babae.

“nag agahan na ba kayo? Gusto nyo ba ng kape o anong maiinom?”

“ahhh hindi na ikaw naman ang sinadya naming ditto……”

“steve ano ba ang problema?” ang seryoso kong tanong

“kasi mike……..” humugot ng isang malalim na paghinga si steve

“kasi si jen nabuntis ko!!”

tila ako sinibat ng milyong palaso sa dibdib at tila nagsikip ito at hindi makahinga pero pinilit kong wag magpakita ng emosyon o ano pa man. Pilit kong pinakalma ang sarili at intindihin ang sitwasyon ng aking kaibigan.

“And?”

“alam ko kasi ikaw lang ang pedeng lapitan namin…….pinalayas kasi si jen sa kanila……hindi rin matanggap sa amin dahil nagalit sa akin si mama kaya wala kaming matakbuhan kundi kayo dahil alam ko ikaw lang ang pedeng makatulong sa amin” ang halos maiyak na salita ni steve sa akin.

Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili kung gusto ko bang magalit o maawa pero sa huli nanaig parin ang aming pagkakaibigan. “teka steve haaa…..medyo malaking usapin ito teka kakausapin ko muna ang nanay ko tapos kayo ang mag usap usap ok?” sabay alis ko sa kanilang dalawa.

Pumunta ako sa kusina para puntahan si nanay at kausapin tungkol doon at naging maayos naman at pumayag dahil tatlo lang naman kami sa bahay at ngaun wala pa si tatay dahil stay in sya sa kanyang trabaho dahil may kalayuan ito mula sa aming tirahan. Inihabilin ko nalang ang lahat kay nanay dahil hindi ko kaya ang sitwasyon ngaun kaya lihim akong umakyat sa kwarto at nag kulong doon lahat ng sakit sa dibdib ay lumabas. Halos wala akong lakas na para buhatin pa ang sarili pa punta ng kama. Sa likod ng pinto ako napaupo at nagsimulang itangis ang hapdi na dulot nitong puso ko. Natapos na lahat ng aking imahinasyon. Natapos na ang mga araw na sanay pangarap kong ibigin nya rin ako at natapos na ang lahat.

Ang sakit sakit walang kasing sakit ang harapang pagsaksak nila sakin. Maka ilang ulit ko pang sinubukang intindihin pero hindi na talaga kaya ng puso ko ang sakit na lumalatay dito. Walang kasing sakit. “lord ilang beses pa ba akong iiyak, ilang beses mo pa ba akong sasaktan, ilang beses mo pa ba akong pahihirapan. Kulang pa ba ang mga ito. Hindi ko napo kaya kailan ba ako matututong isuko ang damdamin kong ito……..hindi ko po gusto ito lord tao lang po akong nagmahal. Kulang pa ba ang mga ginagawa ko ang gusto ko lang naman ay kaunting saya iyon lang”

Nagpatuloy ang pagtangis ng aking mga luha kasabay ng pag agos nun ang paglaho ng pag asa na kahit saglit ay maipahiram sa akin ang isang ngiti ng pagmamahal. Tila nakikidalamhati rin ang panahon sa aking damdamin ng magsimula na itong magsungit. Nabalot ng lamig ang buong paligid ng aking kwarto dahil sa hangin at ulan na nanggagaling sa aking bintana. Mula sa pagkakaupo ay pilit kong ibinalik ang lakas at pakalmahin ang sarili.

Hanggang sa isang katok ang nagbalik sa akin sa realidad. “nak nandyan ka ba?”

“opo nay…….may ginagawa lang ako” habang pilit kong inayos ang sarili, naghilamos at nag ayos ng sarili

“gusto ka daw kausapin ni steve…….”

“sabihin nyo susunod nalang ako tatapusin ko lang ito”

“o sige bilisan mo nalang dyan ha!!!” at bumaba na ang nanay ko at ng matapos akong ayusin ang sarili ay lakas loob akong lumabas. Isang ngiti ang nais kong ipabatid sa kanilang dalawa na hindi ko naman magawa.

“ohhh ano sabi ni nanay?” pinilit kong magmukhang masaya sa harap nila. Ikinubli ang lahat ng takot at sakit sa malalaking ngiti. Ngunit kahit anong tago ko ay hindi ko napigilan tila nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga luha. Kusa na itong pumatak sa gitna ng aming pag uusap. Tila gulat at pilit nagtataka ang kanilang mga mata sa nasaksihan sakin

(Itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails