Followers

Showing posts with label Me and My Rules. Show all posts
Showing posts with label Me and My Rules. Show all posts

Thursday, April 23, 2015

Me & My Rules -14




Athr'sNote-


Heto na ang update :)

By the way, salamat pala sa mga nagbasa sa 'short story' na ginawa ko. Salamat sa mga naka-appreciate.

Sa mga hindi pa nakapagbabasa, basahin niyo na! Haha, "Hero" yung title, check niyo sa blog guys baka magustuhan niyo :)

At balik na nga tayo dito sa story ni Chan. Hmm.. ang dami atang gustong pumatay sa akin dahil sa chapter 13? Arghhh!! Bakit ba ayaw niyo si Jaydon? Matangkad, slim-muscled-built, mabango, mabait, masarap pagmasdan yung mga ngiti niya, kaya bakit ayaw niyo siya? Arrrgghh!!

Osya, heto na ang chapter14, tignan natin kung anu-ano ang mga mangyayari.

At sa mga minamahal kong readers na nag-iwan ng reaksyon sa chapter13 :)
(-xian, -emo19, -junrey, -jcsy, -jharz, -44, -jonel, -shai, -yeahit'sJM, -vienne, -gilrex, -jess, -yuwon, -leandro, -dave, -marvs, -grieved) maraming salamat sa inyo, talagang hindi kayo nagsasawa na magbigay ng reaksyon. Salamat :)

Yung mga nagcomment sa 'shortstory na ginawa ko.. (alfred, 44, gilrex, jharz at sa mga anonymous.. Salamat!)


At eto na nga.. chapter14 updated..


Enjoy :)


-

--

Point Of View

 - C h a n -



 "Kobe?"

Pagngiti ko.

Agad ring nawala yung ngiti ko nang mapansin yung dating ng mukha niya.

 "Uy Kobe? A-anong nangyari sa'yo, may sakit kaba?"

Agad na pag-aalala ko nang makalapit ako sakanya at matignan ang noo't leeg niya.

 "Chan pwede? Dun ka muna sa labas? Wala ako sa mood."

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.

 "Kobe? N-napano ka?" pag-upo ko pa sa tabi niya.

Tinignan naman niya ako.

Ba't parang namumula siya? Napano siya?

 "Kobe anong nangyari sa.."

 "Diba sabi ko tumigil ka muna? Labas."

Katahimikan



Wala sa sarili nalang akong napatango saka dahan-dahang tumayo.

A-ang sakit. Alam niyo yun?



Hanggang sa....


 "Kobe.."

Ang wala sa sarili kong nasabi. Kasabay pa nun ay nakuha ko pang mapaupo mula sa pagkakahiga.

Nananaginip pala ako.

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.. at ang pakiramdam ko? Tila takot na takot.

Agad kong inilibot ang aking paningin.

Napakadilim..

Tanging ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag papaloob ng bahay.

Hanggang sa..

 "Kobe.." ang nasabi ko nang mapansin si Kobe sa may lapag, natutulog.

Agad lang akong bumaba mula sa sofa at mabilisan siyang nilapitan.

 "Kobe.."

Ang naiiyak na sabi ko matapos ko siyang yakapin.

 "Hmm.." rinig ko mula sakanya habang nakayakap lang ako.

Pinakahigpit-higpit ko yung yakap ko sakanya. Sobrang higpit.

 "Kobe.." umiiyak na sabi ko pa.

 "C-Chan? Umiiyak ka? Chan n-napano ka?.."

Paharap ang pagkakayakap ko sakanya.. mahigpit lang ang yakap ko sakanya. Basta ayaw ko siyang bitawan. Basta ang gusto ko ay maramdaman ko siya.

At sa naramdaman ko narin ang pagyakap niya sa akin.

 "Napano ka Chan?"

Paghaplos-haplos niya pa sa likod ko.


 "Kobe.." tanging nasasabi ko.

Ayaw ko. Ayaw ko na mag-away pa kami. Ayaw ko na malayo nanaman siya sa akin.

Napaiyak ako dahil sa sobrang pasasalamat.

Alam niyo yun?

Na ang sakit dahil nag-aaway nanaman kayo, na nakikita at nararamdaman mo na malalayo nanaman kayo sa isa't-isa tapos yung tipong magigising kana lang at masasabi mo na lang na 'panaginip lang pala.

Relief.

Hindi ko parin siya binibitawan. Yakap-yakap ko lang siya ng napakahigpit. Basta ayaw ko siyang bitawan, basta gusto ko na maramdaman ko siya.

 "Uy Chan naman? Ba't ka umiiyak?"

Mas lalo ko lang pinakahigpit-higpit yung yakap ko sakanya.

Kasi talagang natakot ako eh, na akala ko talaga babalik nanaman kami sa dati.

Salamat.. salamat dahil panaginip lang.



-----


Point Of View

 - J a y d o n -




 "Time check time check.."

Masaya at paulit ulit na sabi ko habang naglalakad papasok ng room.

Malapit ng mag ala-syete ng umaga eh, makikita ko na niyan si Chan.

Kagabi nagtext siya, babawi daw. Tapos yun nga, bonding daw kaming apat mamaya.

 "Ang tagal ng Seven o'clock noh?" nakangiting pagpansin ko sa mga babae sa likod ng inuupuan namin ni Chan.

 "Good mood?"
 "Sabagay, good mood naman lagi si Jaydon eh."

Tinanguan ko lang sila. Syempre, good mood :)

 "Ayan na si Christian.."

Sabi nila kaya naman agad akong napatingin sa may harap.

Nawala naman yung pagka excite na nararamdaman ko.

As usual, kasama niya yung tatlo na hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo sa akin. Lalo na yung tatlong J na talaga konti nalang talaga papatulan ko na.

Pasalamat sila lagi kong kasama si Chan kapag nangtitrip sila.

Pero etong si Dennis na pinakamalakas mang-inis, parang ang tamlay ngayon. Kung sabagay, mas maganda na para bawas bwisit narin.

 "Chan sa likod kana lang?"

Sabi nung Az.

Agad namang umiling si Chan.

 "Dito nga ako eh, osya dun na kayo.. padating na si mam niyan."

Kita ko na sumunod naman sila, nagngitian pa si Chan at Kobe na lihim kong ikinainis.

Pero hindi dapat masira mood ko. Makakasama ko naman si Chan mamaya.

 "Good morning." agad na sabi ko pagkaupo niya sa tabi ko.

 "Jaydon my nightmare." natatawang sabi niya.

 "Nightmare? Aray ah." pagtawa ko rin.

Ngumiti naman siya saka may inabot.

Pagkatingin ko, cheese nanaman na agad kong ikinangiti.

 "Salamat ah? Alam mo akong suyuin no? May kasalanan kapa." sabi ko nang abutin ko yung cheese.

 "San ba tayo mamaya? Mall? San ba? Para bawas kasalanan na." tanong niya.

Lalo akong napangiti.

May balak ako eh. May plano ako.

 "Basta Chan ako na ang bahala. Diba sabi mo babawi ka? Kaya ipaubaya mo nalang sa akin ito." ganadong sabi ko.

Hindi na ako makapaghintay.

.....


 "Magdadalawang oras na tayong nagbabyahe ah?"

Biglang sabi ni Chan.

Napangiti naman ako.

Wala siyang kamalay-malay na sa amin sa Cavite ang punta namin.

 "Chan tulog ka muna, malayo layo pa tayo." nakangiting sabi ko.

Kita ko na inilagay naman niya sa kanyang tainga yung headset ko at saka pumikit.

Agad ko lang kinuha yung phone ko.

Message: Ayos na po ang lahat sir Jaydon, excited na po kami makita yung pandak na sinasabi mo. Ingat po sa byahe.

Agad naman akong nakahinga ng maluwag matapos mabasa yung text mula sa bahay.

Napatingin naman ako sa katabi ko, kay Chan.

Napaka inosente talaga ng dating niya. Hindi ako nagkamali nung nagpapansin ako sakanya sa basketball court, unang araw na nakita ko siya.

Gusto ko bago ako umamin sakanya, gusto ko na makilala niya muna ako. Yung ako. Kung ano ako, at yung mga pinagdaanan ko.

....


 "Jap Clark, una na kayo.. gisingin ko lang to." sabi ko sa dalawa at bumaba na nga sila ng kotse.

Pagkababa nila, saglit ko na munang pinagmasdan si Chan.

Nakababa narin ako, si Chan kasi nasa gilid, kaya nasa may labas ako at malaya siyang napagmamasdan mula sa katamtaman na sinag mula sa kalangitan.

Bahagya akong napangiti, yung may pait. Kasi..

 "Chan alam mo, kapag siguro hindi mo tinanggap yung nararamdaman ko, mahihirapan ako." bulong ko.

Agad lang akong huminga ng malalim saka ito agarang binuga.

Think positive dapat.

 "Jaydon bilis.. para makakain na tayo, gutom na yan si Chan.."

Rinig kong sigaw ni Clark kaya naman agad ko nang ginising si Chan.

 "Chaaaaan..." pagbulong ko.

Nilaro-laro ko naman yung ilong niya na agad niyang ikinagising.

 "Oh Jaydon.." nasabi niya.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sakanya.

 "Nandito na tayo. Tara?" paglahad ko pa sa kamay ko.

 "Nakatulog pala ako? Gaganda kasi ng tugtog mo eh." ngiti niya, tumango lang ako.

Nakakatuwa yung mukha niya kapag bagong gising. Ang cute lang.

Pagkaabot niya sa kamay ko'y agad na siyang bumaba.

Kita ko na napatigil naman siya nang mapatingin sa may harap.

Nilibot niya pa yung tingin niya, at sa napatingin na nga siya sa akin.

 "Nasan tayo?" kunot niya habang nakangiti.

 "Chan, I would like you to see the real world of Jaydon Feliciano."

Simpleng sabi ko sabay lahad sa kamay ko tanda ng pakikipagkamay.

Kita ko na nagulat naman siya at dahan-dahang napatingin ulit sa harap, sa bahay namin.

 "Naninikal kamay ko." pabirong sabi ko.

 "S-sabi na eh, magaling ka mag-english tapos napakalinis mo.. sabi na eh." sabi niya na halatang tuwang-tuwa sa naisip. "Itsura mo palang Jaydon."

Agad naman niyang inabot yung kamay ko.

Nakakagaan ng loob dahil nakikita ko na tuwang-tuwa siya.

 "Sabi na eh, yung accent mo eh." pag iling iling pa niya nang magsimula na siyang maglakad.

Sumunod naman ako.

 "Kain muna tayo. Mamaya nayang mga kadaldaldalan mo." natatawang sabi ko at agad ko na siyang hinila.

Patakbo ko siyang hinila papasok ng bahay.

......


 "Nang oh yung mga alagad mo."
 "Oo nga nang, kanina pa nilulusaw si Chan sa mga tingin nila." si Jap at Clark.

Palihim nalang ako natatawa sa nangyayari.

Ang saya. Ang gaan ng atmospera sa hapag. Si Chan abala at tuwang-tuwa sa mga pagkain kaya naman malaya siyang napagmamasdan ng mga katulong naming babae, alagad ni nanang ko. Haha

 "Ang puti naman kasi niya sir Jap eh. Talo lang si sir Jaydon."
 "Maitim na nga si sir Jaydon eh."

Magsasalita pa sana si Jap nang biglang kaming napatingin kay Chan.

 "J-Jaydon tu-tubig.."

Nakuha ko pang matawa, nasamid siya. Haha

 "Yan kase. Kaen pa sige lang." pagtawa rin nila Clark.

Agad ko naman siyang inabutan ng tubig, nakangiti lang ako. Tuwang-tuwa talaga ako kay Chan.

 "Sir Jaydon alam niya?"

Agad namang nanlaki yung mata ko sa tanong ng isa naming katulong.

 "Ang alin po?"

Inosenteng tanong naman ni Chan.

 "W-wala Chan." agad namang sabat ni Jap.

Tumingin naman sa akin si Chan. May nagtatanong na tingin.

 "May alaga kasi kaming Alien dito Chan eh." pilit na ngiti ko.

Pahamak naman tong alagad ni nanang, haha

Kita ko na naguluhan naman lalo si Chan.

 "Pagpasensyahan mo na sila Chan. May mga topak sila." si nanang habang natatawa.

Ang sarap lang sa pakiramdam dahil alam kong pabor na pabor si nanang ko kay Chan para sa akin.

Sana lang, hindi masayang ang lahat.



-----


Point Of View

 - C h a n -




 "G-grabe talaga Jaydon.. ang gaganda."

Manghang-mangha kong sabi.

Ang ganda dito sa kwarto niya.

Ang daming laruan, na talagang ang sarap tignan.

May mga robots din, nandito si Bumblebee pero walang Optimus. Pero ang gaganda talaga.

May mga action figure din siya ng mga langgam, giant bee, penguin.. basta ang dami.

Sulit ang byahe mula manila hanggang dito sa Cavite. Haha

 "Collection eh." rinig kong sabi naman niya.

 "Ang galing. Kailan mo pa sila kinolekta?"

Tuwang-tuwa talaga ako sa mga nakikita ko.

Napalingon naman ako kay Jaydon nang hindi siya sumagot.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.

 "Hoy tinatanong kita. Kailan ka nagsimulang mangolekta?" ngiti ko rin.

 "Actually Chan kami ng kapatid ko nangolekta lahat niyan."

Mas lalo naman akong napangiti.

 "Kaya pala may mga ganito pa oh.." patukoy ko sa malilit na kotse pati na mga maliliit na cartoon character.

 "Asan siya? Gusto ko siyang makita." sabi ko habang abala sa pagtingin dun sa nangingibabaw na Bumblebee.

 "Chan, wala siya eh."

Muli akong napalingon kay Jaydon nang matunugan yung tono niya.

Ang hina bigla ng tono niya, yung parang bagsak bigla.

Napakunot naman ako kasi nakangiti parin siya.

 "Ano?" sabi ko nalang at nilapitan siya, nakaupo siya sa higaan niya at nakatingin na nakangiti lang siya sa akin.

 "Wala siya? Nasan ba?" tanong ko pa nang matabihan ko siya.

 "Wala na yung kapatid ko." simpleng sabi niya.

 "Anong wala? Gulo mo naman eh." agad na sabi ko.

 "Chan, wala na yung kapatid ko. Nasa taas na, sa langit."

Ewan pero nakuha kong mangilabot sa sinabi niya.

Patay na?

Pero ba't nakangiti parin siya?

 "Pasensya na sa itatanong ko pero, b-ba't nakangiti ka?" seryosong tanong ko.

Naguguluhan lang kasi ako.

Hindi ko naman masabi na nagbibiro siya kasi sa tono palang niya alam kong totoo na yung sinabi niya.

 "Sabi ko kasi sa kapatid ko hindi na ako iiyak eh." mahinang sabi niya, nakangiti parin siya.

Napatango nalang ako, kita ko yung konting pamumuo ng mga luha niya.

Tanging nagawa ko ay ang tumahimik, alam ko na sa kahit katahimikan lang ay makatutulong ako.

 "Pero Chan, a-alam mo.. gabi-gabi umiiyak ako, sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak.. sabi ko sa kapatid ko na aayusin ko ulit yung sarili ko. Pero ang hirap Chan eh, a-alam mo ba yung pakiramdam ng bago ka matulog hahanapin mo siya, yung kagising mo na hahanapin mo ulit siya.. Tapos yung pagkakain ka na makikita mo na wala siya.. tapos yung.."

Agad ko lang siyang niyakap.

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. Hindi ko kaya na nakikita ko siyang umiiyak, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Hindi ako makapagsalita.

Ngayon, mas lalo akong naliwanagan.

Si Kobe, naiintindihan ko na siya. Pag-alis niya, sama ng loob niya kay kuya Seven at pati na yung kinukwento nila Az at Dennis na pag-iyak ni Kobe paminsan-minsan.

Masakit nga. Mahirap.



--


Point Of View

 - K o b e -



 "Nasan ba si Chan?"
 "Oo nga, buti wala siya kasi nandito nanaman sila Joel eh."

Pagbulong nung dalawa nang masundan nila ako sa kwarto ko.

Nasa sala sila Joel, Jorren at Jason. Bonding as usual.

 "Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sakanila na may kasama ka dito?"
 "Oo nga, kinakahiya mo ba siya?"

Wala sa sarili naman akong napatigil dahil sa tanong ni Az at Dennis.

A-ayaw ko lang naman kasing may masabi sila Jason kay Chan eh.

 "Parang hindi niyo alam ugali ng tatlong yan." sabi ko nalang.

Bumalik narin kami sa sala at nakipagkwentuhan na sa tatlo.

Basketball, chicks, party, kaibigan.. iba iba topic namin.

Sa sabado, may party kaming pupuntahan. Special party, isa sa sikat sa school namin ang may birthday party.

Syempre varsity players ng school invited. Medyo sikat kasi yung magbe-birthday eh.

 "Alam niyo ba yung isang varsity player ng volleyball bakla pala.."

Agad na sabi ni Jorren kalapit namin sa pwesto sa sala.

 "Paano naman?" kunot ni Jason.

 "Seriously? Hindi niyo alam? What the.." si Jorren, trying hard sa english as expected.

 "Sino ba dun?" natanong ko nalang.

 "Yung spiker? Tae kalalaking tao may boyfriend pala." pag-iling iling pa ni Jason.

Saglit naman akong napatigil.

Paano kapag nalaman nilang mahal ko si Chan? na lalaki ang mahal ko? na kasama ko siya dito sa bahay?

Ganun nadin ba tingin nila sa akin? Lalayo ba sila sa akin?

A-ayoko. Ayaw ko!

Ayaw kong mawalan ng kaibigan. Sila kasama ko simula umuwi ako dito sa Manila., sa bahay.. sa labas.. sa school, sila kasama ko.

Ayaw ko silang mawala. Ayaw kong mawalan ng kaibigan.


------




Point Of View

 - C h a n -



 "Chan ano ba kasi yan?"

Paulit ulit na tanong nila Jap at Clark.

Si Jaydon nasa baba, tumutulong sa paggawa ng hapunan. Kami naman nandito sa kwarto ni Jaydon.

 "Sino ba kasi yang tinatawagan mo?"

Nang magtanong sila ulit ay agad ko na nga silang nilapitan.

 "Hayaan niyo na. Tara tulong tayo sa baba, kakain na niyan." sabi ko nalang pagkabulsa ko sa phone ko.

Bahala na nga si Kobe.

Sabi niya tawag daw ako kapag gabi, eh hindi naman sumasagot. Puro ring lang.

Nakakainis syempre, kanina pa ako tumatawag eh. Ni text o reply man lang niya wala.

Bahala siya. Nakakawalang gana.





Itutuloy

Thursday, April 9, 2015

Me & My Rules -13




Athr'sNote-

Eto, chapter 13.. pinaghandaan ko 'to :) Mahal na mahal na mahal ko 'tong chapter na ito :)

Maraming salamat sa mga naghihintay, lalo na sa mga nangungulit sa facebook :)

Yung isa dito na laging nangungulit.. dahil sakanya kaya napa-update ako bigla. Oh eto na, masaya na? Libre mo na ako niyan? :)
At sa isa naman na inlove na inlove kay Jaydon, gusto niyang makasingit sa story.. lalandiin lang naman daw niya si Jaydon. Haha

Sa mga minamahal kong mambabasa, nagkokomento at sa mga tahimik na nag-aabang diyan..
-
-xian, -alfredTO, -jess, -shai, -44, -ylden, -gilrex, -junrey, -marvs, -yeahit'sJM, -nagtatagongGeo, -dave, -jharz, -leandroR, -yuwon, -michito, -az,
-
Isa lang masasabi ko sa inyo guys, hindi niyo dapat palampasin ito :) basahin niyo ng maayos, ng walang mintis.. buong-buo :)



Sa mga gustong magtanong-tanong.. add niyo lang ako :) search niyo lang yung 'Edgard Laxcamana'.. :)



Enjoy..


--


Point Of View

 - C h a n -






 "Oyy.. dito kayo nagtatambay ah? Kamusta yung klase kanina?"

Agad na sabi ko pagkadating ko sa may court.

 "Chan, tagal mo naman. San kaba nanggaling?" si Jap.

 "Umalis kasi kami, kauuwi nga lang eh. Asan si Jaydon? Siya katext ko kanina ah?"

Agad naman silang tumuro sa may court, paglingon ko..ayun nagbabasketball.. May mga kalaro.

Napangiti naman ako nang saktong makashoot siya, namiss ko ata talaga 'tong posteng 'to. Babawi ako sakanya, napag-iiwanan ko na siya.. babawi talaga ako.

(Author: Good Chan, mahalin mo si Jaydon <3 )


 "Jaydon!!" sigaw ko.

Naglalaro siya ng walang damit. Lakas talaga makatrip. Papansin lang, kaya may mga nanunuod kahit laro-laro lang sila.

Napalingon naman siya sa gawi sa namin, at nang makita niya ako ay agad naman siyang tumakbo papalapit.

 "Chan? Tagal mo naman." ngiti niya, namiss ko talaga 'to.

 "Ang pawis mo oh.." pagpansin ko sa katawan niya. Agad ko namang hinagis sakanya yung makapal kong pamunas.

 "Sakto noh?" ngiti ko nang punasan na niya yung katawan niya.

 "Osya, aalis nako. Inutusan lang ako ng magaling kong kaibigan eh." paglingon ko pa sa dalawa.

Kita ko na agad namang nag-iba yung ekspresyon nila, lalo na si Jaydon.

Yung bang parang.. nadismaya na nalungkot bigla.

 "Jaydon naman eh, hindi nyan ako makakaalis." patukoy ko sa ekspresyon niya.

 "Pumunta kapa noh? Chan ah, bahala ka.. hindi na kita bibili ng fries." si Clark.

 "Babawi ako sa inyo, sige sige.. bukas uwian bonding tayong apat. Kaya Jaydon? Yung mukha mo." pabirong pagsampal ko pa sakanya.

 "Oo na, sige na alis kana." simangot naman niya.

 "Arte ah?" natatawang sabi ko. "Basta babawi ulit ako, byee na guys.." at nagmadali na nga akong umalis.


Kailangan ko na talagang umuwi. Naghihintay si Kobe, nako baka awayin ako nun.

Ayaw ko mang iwanan si Jaydon, pero kailangan ko talagang kagad na makauwi dahil naghihintay si Kobe.

Tumakas lang ako, ang alam niya sa kaharap na tindahan lang sa bahay niya ako bumili, pero tumakas talaga ako para makita sila Jaydon. Syempre, namiss ko siya eh :) tsaka naghihintay sila.

Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo nang maramdaman ko yung sunud-sunod na pagvibrate ng phone ko.

Tumatawag na ang manok!

.....


 "Ang tagal ah? Traffic ba sa labas?"

Bungad ni Kobe kapasok ko.

 "Sa totoo lang oo eh." pagsakay ko sa pilosopong tanong niya.

 "Chan, san ka galing?"

Seryosong tanong na niya. Dinaan ko nalang sa ngiti, kita ko naman na napaisip at kalaunan ay napailing nalang siya.

 "Pasalamat ka talaga Chan, osya kain nalang tayo. Tapos pahinga kana Chan ah? Kailangan mong matulog."

Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya.

 "Pati ikaw matutulog Kobe."

 "Chan kailangan kasi talaga naming ma..."

 "Bahala ka nga. Sige alis kana." inis ko.

 "Chan naman eh, praktis kasi namin yun. Next week na laban eh, laglagan na kasi yung laban namin."

 "Kaya nga alis kana, pumunta kana dun."

 "Oo na sige na, hindi na ako aalis, wala ng aalis. Magpapahinga sige."

Palihim naman akong natawa, napapaamo ko na ang manok! Haha


 "Pero tabi tayong matutulog ah?" ngiti niya bigla.

 "A-ayoko nga!" angal ko kagad.

Nako, kung alam niyo lang kung bakit. Sira ulo si Kobe eh!

 "Ang daming gustong magpayakap sa akin, ikaw palang ata ang maarte na ayaw magpayakap sa akin."

Sinimangutan ko naman siya.

 "Ikaw kayang yakapin ng sobrang higpit.. na ginawa kanang unan, na kulang nalang maging isa na yung katawan niyo sa sobrang higpit ng yakap." inis ko.

Kanina kasi bago kami nagbyahe pauwi dito sa Manila, natulog pa kami sa bahay eh.

Nako, pinakayakap-yakap niya ako.

 "Oh edi ako nalang yakapin mo. Edi walang problema." pagtaas-baba pa ng kilay niya.

 "Kobe magpraktis kana lang, katapos ng praktis sige.. dun kana lang magpahinga't matulog." pakikiusap ko kagad. Ayokong matulog na siya, change mind na ako!

 "Chan."

 "Kobe tumigil ka nga."

 "Chan isa.."

 "Kobe ang kulit mo!" naiinis na natatawa ko nang sabi.

 "Osige na nga, bahala ka. Sabi nila Az sa akin na may mga nakatambay daw sa court niyan for sure, kaya baka may magpayakap sa amin mula sa mga nanunuod.. edi okay lang. Mas masaya."

Napapikit nalang ako.

Ako pa iinggitin niya?

Tsk tsk, si Jaydon ang gusto kong kayakap!


T-teka.. hindi papala kami nagyayakap noh?

Ahhh!!! Alam ko na! Yun ang pambawi ko! Yakap :) nung hinatid niya kasi ako kagabi sa may kanto tinanong niya ako kung pwede daw payakap.

Sayang nga eh -.-

Sabi ko hindi pwede, pero gusto ko naman eh. Nahihiya lang ako, baka kala niya niyan tuloy iniitsapwera ko siya.

Tsk! Dapat talaga makabawi ako sakanya. Tama bukas!! Bukas babawi ako :)

 "Oy anong pangiti-ngiti mo dyan?"

Napa-"Hah?" nalang ako nang magsalita si Kobe. D-day dreaming? O.O

 "Wala, namiss ko lang yung mga kaibigan ko." nasabi ko.

 "Yung sila Jap at Clark? Or yung best friend mong mukhang paa?"

Agad naman akong napakunot sa sinabi niya.

 "Mukhang paa? Alam mo sa totoo lang, mas mukhang paa ka pa nga kay Jaydon eh. Saglit nga lang.. tetext ko lang siya, baka nagtatampo na yung 'Bestfriend' ko." pagbigay diin ko pa sa salitang 'bestfriend.

Kanina niya pa inuulit-ulit yung bestfriend na yun!

Simula kagising namin kanina hanggang biyahe pauwi!

Buti nalang hindi na ako pumayag na magpahatid pa sa driver namin, nakakahiya kay manong yung kaingayan ni Kobe. Katsismisan.

 "Jaydon.. pasensya na kung.."

Pagbasa ko pa sa tinetext ko.

Pasimple ko namang sinilip si Kobe, haha.. padabog na siyang kumakain xD

 "Nakakawalang gana." at kalaunan ay sabi niya.

Natawa naman ako at lalo siyang nainis.

 "Tara nga matulog na tayo." ngiti ko nalang, sira ulo talaga 'to.

Loko-loko talaga. Hindi ko alam kung ano yung pinapakita niyang ugali sa akin.

Selos-selosan? Nyahahah


-----



Point Of View

 - J a y d o n <3 -



Message: Jaydon, goodnight :) Pasensya na ah? Babawi talaga ako bukas, babawi talaga ako pramis :) matulog kana, pahinga ha? May klase pa, goodnight ulit :))

Kahit na nagtatampo ako kay Chan, konting ganito lang mula sakanya.. napapangiti na talaga ako.

Message: Good night din Chan :) Aasahan ko yung pagbawi mo! See you tomoro :)

Agad lang akong pumikit nang masend na yung text.

Si Chan talaga :)

......


 "Good day maam.."

Sabay-sabay na pagpapaalam namin kay Mam.

Tapos narin ang klase.

 "So san tayo Chan?"

Agad na sabi ko paglingon ko kay Chan.

 "Nakauwi naba sila Jap at Clark niyan? May klase sila diba?" tanong niya.

 "Kakatext lang, naghihintay na sila sa may harap. Hiniram niya ulit kotse nung amo ng tatay niya." ngiti ko.

 "Ang bait naman nung amo? Lagi nalang siyang nagpapahiram, hindi ba nasesermon tatay niya dahil sakanya?" kunot pa ni Chan.

Nako, ang hirap magsinungaling. Haha

Ayaw kasi namin na makilala dito sa Manila bilang mayaman eh, gusto namin simple lang.

 "Ahh basta.. tara na?" pagtayo ko na at pagkuha sa bag ko.

Baka mabuking pa kami kapag nagtanong-tanong pa siya.

Napangiti naman ako nang tumayo narin si Chan.

 "Jaydon saglit lang ah? Magpapaalam lang ako." sabi niya at agad na nga siyang naglakad.

Papunta siya sa pwesto nila Kobe.

Nakaka badtrip talaga 'tong Kobe na 'to. Bestfriend sila? Eh sa pangit ba naman ng ugali niya.. sila magbestfriend? Aysus.

Sabagay, kahit rin naman ako eh.. hindi rin maganda ugali ko. Sa mga pinsan ko at kay Chan lang ako mabait.

....


 "Ang swerte naman niya, nagpapaalam kapa sakanya." pabirong sabi ko nang naglalakad na kami ni Chan palabas ng school.

 "Kapag hindi kasi ako nagpaalam, lagot ako. Lam mo na.. bestfriend." ngiti niya.

At sa nakita ko nalang na pumunta siya sa may likuran ko saka ako tinulak.

 "Bawal magselos. Bilis na.."

Agad naman akong natawa sa sinabi niya.

Pero sa kaloob-looban ko.. napalunok ako. Tsk

 "Ba't naman ako magseselos?" tanong ko habang napapasabay ako sa tulak niya.

 "Syempre diba bestfriends din tayo sabi mo?"

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan nalang siyang tulak-tulakan ako.

Tsaka.. Hindi naman tayo mag-bestfriend Chan eh, couple tayo.. Couple :)


Nyahaha



-----


Point Of View

 - C h a n -



 "I-isa pa.."

Pareho naman kaming napailing ni Jaydon sa sinabi ni Clark.

Mga lasing na!

Alas-sais palang ng gabi, ayun.. lasing silang dalawa ni Jap. Ang hihina pala sa alak.

Eto namang si Jaydon, ayun.. tipsy. Medyo nakainom narin.

Ako nalang ang matino, hindi kasi ako uminom. Hindi ko naman hilig eh.

 "Guys, bili lang ako ng pagkain dun sa may ministop." paalam ko katayo ko.

 "G-gutom ka nanaman Chan?"

Agad na reaksyon ni Jap.

 "Sipain ko kayo eh, ginawa niyo akong taga-tagay tapos taga ayos pa ng mga pagkain niyo, ayan nagutom ako." pabirong sabi ko, tumawa naman sila.

Ginawa nila akong alalay! Pasalamat sila at mababait sila sa akin, hindi katulad sa ibang tao.. hayop ugali nila sa mga taong ayaw nila eh. Haha

 "Samahan na kita Chan, ang dilim na masyado sa labas oh.. parang uulan pa." pagtayo rin ni Jaydon.

Nakuha ko pa siyang mahawakan sa kanyang baywang at balikat.

 "Jaydon lasing kana ata eh." agad na sabi ko nang halos payakap ko na siyang sinalo.

 "'Di Chan, nahihilo lang ako." ngiti niya at paghawak sa magkabilang balikat ko.

Alam niyo yung pakiramdam na.. ang sarap sa pakiramdam kasi, yung bang isang matangkad na tao, tapos hinahangaan pa siya.. tapos lasing siya na mahihilo siya tapos sa'yo siya babagsak. Yung bang, maiisip mo na ang swerte no dahil malapit na malapit kayo sa isa't-isa.

(Author: Ako guys, 5'7.. pwede na yung height ko diba? Tapos lalasingin niyo ako tapos matutumba ako sa inyo.. tapos kayo na bahala nun. Gusto niyo? xD Mehehehehe) (Ang kapal ng author!)


 "Jaydon.. dyan kana lang. Nahihilo kana eh, sabi ko naman kasi hwag kanang uminom. Ang bata-bata naglalasing." mahinahon na sabi ko, para sumunod siya.

P-pero mukhang walang epekto eh. Umiling-iling kasi siya.

 "Kaya ko pa. Oh.. oh diba? Oh.." ngiti niya habang nag stretch stretch pa siya na ikinatawa ko naman, with action pa kasi, haha

Nakakatuwa. Nakangiti siya tapos dahil siguro sa kalasingan kaya ang pupungay ng mga mata niya.

Napapailing nalang akong naglakad, pastretch-stretch parin kasi siya eh.

Hanggang sa inakbayan niya ako.

 "Chan hindi mo ba naaalala yung pramis ko?"

Biglang tanong niya nang makalabas kami sa gate ng apartment na tinitirhan nila.

 "Ano yun? Pramis?" kunot ko.

 "Ehh.. diba sabi ko matulog ka sa hapon tapos tatangkad ka. Tignan mo kaya oh, walang improvements yung height mo." natatawang sabi niya na ikinasimangot ko naman.

 "Oh Chan, biro lang. tumangkad ka naman eh.. mga half an inch." at pagmuwestra pa niya sa dalawang daliri niya kung gaano yung tinaas ko.

Nakuha ko namang magulat nang biglang kumulog ng napakalakas, yung may kasamang kidlat. Yung bang may impact talaga.

 "Chan. Takot ka pala sa kulog at kidlat?"

Rinig kong agad na sabi naman ni Jaydon.

 "Hindi. Nagulat lang." nahihiyang sabi ko.

Hindi naman ako takot, nagulat lang talaga. Haha

Mukhang uulan talaga, madilim masyado.. malaki yung kaibahan ng nagdidilim dahil sa maggagabi na at nagdidilim dahil sa pag-ulan.

 "Osya saan na nga tayo kanina?" segway ko, haha

 "Yun nga, yung tungkol sa pramis ko. Half an inch, pero sabagay.. art of balance?" nagtatanong na tono niya, pero nakangisi.. halatang nang-iinsulto.

Ganito pala 'to kapag medyo lasing.. pinagtitripan niya ako. Pasalamat siya matangkad siya, haha

 "Eh ikaw ba? Naaalala mo yung pramis ko?"

Sabi ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

 "Pramis?" rinig kong tonong naguguluhan niya.

Kagabi kasi may tinext pa ako sakanya eh.

 "Lasing kana nga ata talaga. Tara na nga. Buti nalang hindi mo na naaalala."

At sa pumunta na nga ako sa likod niya saka siya tinulak.

Kailangang magmadali, mukhang malakas na pagbagsak ng ulan ang mangyayari.

Napasunod lang siya sa tulak ko.

Buti nalang at mala-subdivision talaga dito, hindi masyadong matao.. sa may bandang pa-court pa ang mga tao.

Dahil kung madaming tao, nakakahiya dahil parang bata lang kami ni Jaydon na nagtutulakan, haha

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang biglang pagtigil niya mula sa pagtulak ko sakanya.

 "C-Chan.. naaalala ko na." masayang sabi niya pagkaharap niya sa akin.

Parang nawala naman yung lasing niya.

 "Nako, kaya pala nanahimik ka.. yun lang pala iniisip mo." natatawang sabi ko.

Ewan pero bigla akong ninerbyos. Hindi kona pala dapat binanggit pa. Patay.

 "Yung dare?" excited na sabi pa niya na ikinapikit ko.

Hindi naman sa ayaw ko pero.. nakakanerbyos talaga. Ewan, basta.

Pero.. nung tinext ko naman kagabi yun, galing talaga sa akin. Para naman makabawi, haha

 "Oo yun nga." ngiti ko.

 "Pero diba sa cheeks nalang, kasi bawal sa lips?" tanong niya.

Tumango lang ako.

Nakuha ko ulit na magulat nang biglang kumulog nanaman ng napakalakas.

Napatingin pa ako sa may kalangitan katapos nun.

Ang dilim dilim, yung bang nakakatakot tignan pero sa pakiramdam mo.. wala, walang nakakatakot.

Weird, weird.

 "Chan pwede ngayon na?"

Rinig ko sabi ni Jaydon kaya naman napatingin ako sakanya.

 "H-hah? D-dito? Jaydon naman.." hindi makapaniwalang sabi ko.

Parang tanga si Jaydon, sabagay.. nakainom kasi eh.

 "Yan eh, babawi tapos wala naman. Tsaka wala namang tao dito eh oh.. sakto padilim pa. Pero sabagay, ayaw mo naman."

 "Ang drama naman, ang dami mo ring sinasabi.?" kunot ko.

 "Edi wag na, tara na nga." simangot niya at naglakad na nga siya.

L-lasing ba talaga 'to?

 "Sige na sige na.." napipilitang sabi ko.

Ayos naman sa akin eh, kaso naman kasi nasa daan kami.

Kita ko na agad naman siyang humarap sa akin, nakangiti pa.

 "Jaydon naman eh, lasing ka kasi eh.. para kang baliw." naiinis na natatawang sabi ko.

 "Hindi nga.. oh.. oh.."

Ngiti niya at pa-stretch stretch nanaman siya.

 "Osige na sige na, sa cheeks ah? Pipikit nako." nakangiting sabi ko na at pagpikit ko na nga.

Alam niyo yung pakiramdam na nakangiti ka habang nakapikit, napapangiti ka kasi ninenerbyos na nae-excite.. basta ang gulo ng nararamdaman ko ngayon.



Baliw naba ako? A-ano ba ako? B-ba't pabor ako sa ganito? M-mali ba ito? ako?

 "Oy ang tagal? Sisipain kita naninikal na mata ko." nasabi ko nalang nang maramdaman na parang walang nangyayari.

Nakapikit parin ako, basta heto na.. nandito na.

Muli, isang napakalakas na kulog nanaman ang namayani, nanatili lang akong nakapikit.

Katahimikan

Isang katahimikan ang namamayani sa pagitan namin ni Jaydon, nararamdaman ko na nakatingin lang siya sa akin.

Tanging mahihinang pagkulog ang naririnig ko, naging mahangin narin.


At sa naramdaman ko nalang na may dumampi na saktong-sakto sa labi ko na talaga namang ikinagulat ko.

Hanggang sa kasunod ng pagdampi ng labi niya sa labi ko ay siya namang naramdaman kong sunud-sunod na pagpatak.

Ulan.

Ewan pero nang maalala ko yung kwento nung dalawang langgam sa kalagitnaan ng ulan ay parang may nagtulak sa akin na gumanti sa ginawang paghalik sa akin ni.. Jaydon.

A-ano 'to? B-ba't ang sarap sa pakiramdam?

Anong nangyayari sa akin? 
Ano 'tong nararamdaman ko?
Ano 'tong ginagawa ko?

P-pero.. ba't parang gustong-gusto ko? Na kung saan ayaw ko nang matapos pa itong tagpong ito.



-----

Point Of View

 - J a y d o n -



Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong...

Mahal ko na ata si Chan?

B-bakit ganito? Alam kong walang pag-asa pero bakit iba yung nararamdaman ko mula sa mga halik niya?

Halos ilang minuto na kaming naghahalikan nang agad na akong kumawala at tumalikod mula sakanya.

Nanginginig ako, parang nakaramdam ako bigla ng takot.

Isabay pa yung unti-unting paglakas ng ulan na siya talagang nagpapanginig sa akin, pati na ang nangyayari.

At sa mabilisan ulit akong humarap sakanya.

 "Chan s-sorry.. sorry Chan. H-hindi ko sinasadya, nadala lang ako." mabilis na sabi ko.

Nakikiusap rin ako, agad ko ring hinawakan yung mga kamay niya.

 "Magkaibigan parin tayo diba? H-hindi ka naman galit sa akin diba? Pramis Chan hindi na mauulit, hindi narin kita kukulitin.." pakikiusap ko pa.

Dahil sa nakahawak ako sa kamay niya, alam kong ramdam niya yung panginginig ko.

At sa muli, isang napakalakas na kulog ang nangibabaw.

Kita ko na muli siyang nagulat at napatingin pa sa kalangitan.

 "Istorbo yung ulan noh?"

Bahagya akong naguluhan sa sinabi niya, tsaka.. ba't parang wala siyang reaksyon?

 "Chan?" bulong ko sapat na para marinig niya.

 "Jaydon, hwag kanang mag-alala ha? Pasalamat ka lasing ka.. tara na nga, naligo na tayo sa ulan oh.. uwi na tayo." nakangiting sabi niya at agad na nga siyang pumunta sa likod ko tsaka ako muling tinulak.. napasunod nalang ako.

Pauwi na ulit kami.

Ang gulo, naguguluhan ako kay Chan.

Ewan pero nawala yung takot na baka magalit at lumayo siya sa akin dahil sa ginawa ko.

At sa nakita ko nalang yung sarili ko na nakangiti.

Hanggang sa pwersahan ko siyang inakbayan at saka hinila pabalik.

 "Bibili kita ng pagkain, baka magwala ka kapag napatagal yang gutom mo." ngiti ko.

 "Basa kaya tayo.."

 "Hayaan mo.. basta Chan salamat.."



-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Oy bata!.... bakit hindi ka sumilong? Kanina kapa nakatayo dyan! Basang-basa kana oh.. baka magkasakit ka."

Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa may likuran. Kilala ko ang sumigaw, yung may-ari ng tindahan sa lipat daan.


Nakatanaw lang ako sa bahay.

Blangko

Akala ko katulad sa mga napapanuod ko sa TV ay mag-iiyak iyak ako, magmumukmok, maglalasing.. h-hindi pala.

Basta nakatingin lang ako sa bahay, habang bumabagsak ang napakalakas na ulan.

Hindi rin ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit.

Alam niyo yung pakiramdam na gusto mong umiyak, gusto mo na may sumalo ng sakit at inis na nararamdaman mo, na gusto mong makausap yung taong dahilan ng pinuproblema mo ngayon upang makahingi ng kasagutan para sa nararamdaman mo.

Pero wala. Plain.

Hindi ko alam kung bakit ganito na parang wala akong nararamdaman, pero sa kaloob-looban ko'y nasasaktan ako't gusto kong umiyak.

Napakatahimik kong pinakikinggan yung sunud-sunod na pagkulog mula sa kalangitan, kasabay ng napakalakas na buhos ng ulan at nakakatakot na hampas ng hangin.

Alam niyo ba yung pakiramdam na ang sakit sakit, na para bang napag-iwanan ka at sobrang na-agrabyado ka.. yung ganung pakiramdam.. Ang hirap.

Ang sakit.



-----


Point Of View

 - Third Person's -



 "A-apo.. diba kabasketball mo yung nakatira sa harap ng tindahan?"

Agad na pagpansin ng isang lola sakanyang apo.

 "Opo. Si Kobe po yun." simpleng sagot nito.

 "Kilala mo ba mga kasama niya? Yung laging umaawat sakanyang manigarilyo kapag nandito sila aa tindahan.."

Tumango lang ang bata sa tanong nito.

 "Itext mo nga apo, papuntahin mo sila. Nakakatakot yung ulan sa labas, ang dilim dilim pa.. kanina pa nakatayo yung kabasketball mo.. dali apo.."

Naguguluhan man ay agad nitong sinunod ang utos ng lola niya.


------



 "K-Kobe!!.."

Agad na sigaw ng dalawa kababa nila ng trike, si Az at Dennis.


 "Tol anong nangyari? Anong ginagawa mo?"

Ang agad na pag-aalala ni Az nang mapayungan niya ito.


 "Anong problema? Kobe?" tanong pa ni Dennis nang mahawak niya sa magkabilang balikat si Kobe.

Kahit umuulan, halatang-halata ang pamumula ni Kobe.

Unang tingin palang, alam na nila kapag may mali kay Kobe.

.....


 "May sakit?"

Mahinang pagtatanong ni Dennis nang makalabas si Az mula sa kwarto ni Kobe.

 "Hindi man, napano kaya siya? Nakatulog kagad oh, buti naayusan pa natin."

Pag-aalala ni Az habang pareho silang nakatingin kay Kobe na natutulog sa higaan nito.

 "Ba't kaya ayaw niyang pumasok ng bahay kanina?" naguguluhang tanong pa ng isa.

 "Ganito nalang, tawagin natin si Chan. Para may kasama tayong magbabantay sakanya. Wala naman siyang sakit pero ang bigat ng dating niya eh."

 "Diba may lakad yun?"

Saglit namang napaisip si Az..

 "Ay basta, kailangan siya ni Kobe. Kahit gaano pa kalakas yang ulan na yan, pauuwiin natin si Chan." determinadong sabi nito at saka na nga niya inilabas ang phone niya.



-----


Point Of View

 - C h a n -



 "Guys uwi na ako ah? Oras nadin."

Agad na paalam ko pagkalapit ko sa pwesto nila Jap.

 "Ang aga naman Chan? Dito ka muna, si Jaydon ba nasan?" agad na sagot ni Clark.

 "Naliligo pa eh, pakisabi nalang nauna na ako. Kailangan talaga eh.. p-pasensya na."

 "Chan naman, ang aga pa kaya. Mag-aalas otso palang oh."

 "Kailangan na talaga eh. Tsaka tumigil narin kayo sa kakainom, may klase pa bukas." pilit na ngiti ko.

Kita ko na nakukumbinsi na sila kaya naman agad ko nang kinuha yung bag ko.

 "Pakisabi kay Jaydon balik ko nalang bukas 'tong damit niya ah?" patukoy ko sa suot ko. "Salamat sa oras niyo, nakabawi na ako ah? Oras na kaya magpahinga na kayo." dagdag ko pa.

Kauwi kasi namin dito sa inuupahan nila ay sinabihan niya ako na maligo, dahil nga sa galing kami sa ulan.

Binilinan ko pa yung dalawa at agad na nga akong umuwi.

.....


 "Dyan dyan po.." agad na pagturo ko sa tricycle driver kung saan ako bababa.

Pagkabayad ko ay agad na akong tumakbo papasok ng gate.

Bahala na kung mabasa pa sa ulan.

Tumawag kasi sila Az kanina eh, nasa bahay daw sila at may problema daw.

 "Oh.." ang wala sa sarili kong nasabi nang maabutan ko sila sa sala na nakaupo.

Napalingon naman ako sa tinuro nila.

 "Napano?" pabulong na sabi ko na nang makita ko si Kobe na nasa may kwarto niya at kumakain.

Nagkibit balikat naman yung dalawa.

 "Kagigising lang niya." mahinang sabi pa ni Dennis pagkalapit ko sakanila.

 "Ano bang nangyari?" pagbulong ko rin.

Wala akong kaide-ideya eh. Tapos hindi ko pa maintindihan kung bakit napakatahimik ng bahay.

Eh maiingay 'tong mga 'to kapag magkakasama eh.

 "Ewan?" sabay na sabi pa ng dalawa.

Ay ang gulo.

Agad lang akong naglakad papunta sa kwarto ni Kobe.

 "Kobe?"

Pagngiti ko.

Agad ring nawala yung ngiti ko nang mapansin yung dating ng mukha niya.

 "Uy Kobe? A-anong nangyari sa'yo, may sakit kaba?"

Agad na pag-aalala ko nang makalapit ako sakanya at matignan ang noo't leeg niya.

 "Chan pwede? Dun ka muna sa labas? Wala ako sa mood."

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.

 "Kobe? N-napano ka?" pag-upo ko pa sa tabi niya.

Tinignan naman niya ako.

Ba't parang namumula siya? Napano siya?

 "Kobe anong nangyari sa.."

 "Diba sabi ko tumigil ka muna? Labas."

Katahimikan



Wala sa sarili nalang akong napatango saka dahan-dahang tumayo.

A-ang sakit. Alam niyo yun?

Yung bang hindi ko alam kung bakit ganyan siya bigla?

Agad lang akong tumalikod mula sakanya.

Pasimple ko namang pinunasan yung namumuong luha ko nang mapansing nakatingin sa akin yung dalawa, halatang nagulat rin sila.

Ang babaw talaga ng luha ko.

Napano naman kasi Kobe? Ba't pinapaiyak niya ako?




--

Special Point Of View
 - Prince Justin -


Nagustuhan niyo ba ang update?
At kung ano ang masasabi ng author niyo sa nangyari sa chapter 13 na ito?.. eto oh..




"Bleeeeeehhh :P"

ChanDon <3

Nyahahaha

Osya, abangan natin ang mga susunod pang mangyayari :)

Maraming Salamat mga littlePrinsipe :)


- papaPrince




Itutuloy

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails