Followers

Showing posts with label Ang lalaki sa burol. Show all posts
Showing posts with label Ang lalaki sa burol. Show all posts

Saturday, June 1, 2013

Ang Lalaki Sa Burol [21: Last Part]


By: Mikejuha

Author’s Note:

Gusto kolamang pong ipost muli ang aming kailangang leading roles sa gagawin naming indie:

MSOB will produce a low-budget M2M “Indie Film” and we arelooking for lead actors (we will need two) who are willing to be a part of theteam.

We plan to have them screened by June, 2013. Maytalent fee po ang dalawang mapipiling talents na ito. But we want them to be100% committed sa project.

Heto po ang mga qualifications:

1) Age: 18 – 28 years old
2) Height: 5’8 and above
3) Body: Well-built, though not necessarily muscular
4) With strong appeal
5) Experience: Not necessary basta committed, may potential, and willing to learn and give his best
6) Willing to go as far as torrid M2M kissing (no frontal nudity)
7) Straight acting. Lalaking-lalaki sa kilos.
8) Available kahit for one week shooting sa probinsya.

Para po sa mga interesado, please send me your pic and bio-data by -

1) PM in my fb, "Michael Juha" or
2) Email me at getmybox@hotmail.com (lagyan ng title na "Volunteer" ang message kasi baka sa junk mapasok)

We need din po ng mga interesadong mag invest. Ang aking napagdisisyonan po ay gagawin na lang talaga itong full indi/digital movie. At ang usapan naming mga volunteers (at sponsors) ay kapag nagclick ang pelikula, we will share the profit based on our contribution.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

----------------------------------------

“Hah??? P-paanong nangyari???”  ang gulat na sagot ni James.

“M-may nasilip sila sa mga papeles ng tunay na tagapagmana ni Sophia.”

“S-sino???”

“I-ikaw kuya…”

“B-bakit ako?”

“Di ba nang ikinasal kami, nagkunyari akong ikaw. At pangalan mo ang nakalagay sa marriage certificate. Kaya ikaw ang legal na tagapagmana ng lahat na mga ari-arian ni Sophia.”

Mistulang natulala si James sa kanyang narinig.

“Ikaw ang mayaman kuya, hindi ako…”

Tinitigan ni James ang kambal. “Dala-dala mo ba ang mga papeles na nagpapatunay na ako nga ang tagapagmana?” ang tanong niya.

“Opo…” sagot ni John sabay bukas sa kanyang bag at noong nabuksan na, hinugot ang mga envelopes at inabot kay James.

Tinanggap naman ni James ang mga dokumento. “So… ano ngayon ang plano mo ngayon?”

“Wala… mag apply sa iyo ng trabaho.” Sabay bitiw ng hilaw na ngiti.

“O e di kung ganoon, patuloy ka lang sa pagtatrabaho mo sa restaurant. Bibigyan kita ng appointment letter.”

“Talaga kuya?” ang sambit ni John.

“Oo. At ikaw na rin ang prisidente at CEO ng kumpanya.”

Habang nag-uusap ang kambal, si Ricky naman ay panay ang biro sa akin. Kinilig ba sa kalagayan namin ni James na kahit papaano ay talagang pinanindigan ako ni James. Marami-rami rin kaming napag-usapan ni Ricky. Inapppoint kasi siya ni John na isa sa mga managers sa restaurant. At masayang-masaya na rin si Ricky sa kalagayan niya. Imagine, tumaas ang ranggo niya. “Pero mas maswerte ka pa rin igan. Kasi may mabait at guwapo ka ng jowa, magiging first lady ka pa ng MCJ restaurant!” sabay tawa.

“Woi… sobra ka naman. Walang interest si James d’yan! Ayaw nga niyang may responsibility pa siya sa mga bagay-bagay na pag-aari ni Sophia. Mas masaya siya sa pagiging security guard. Gusto niya ay ang simpleng buhay lamang sa bukid.”

“Oo nga. Sobrang bait talaga ng jowa mo. Sobrang mapagkumbaba. Pinagpala ka talaga igan!”

“Ikaw rin naman eh. Maswerte ka rin. Tingnan mo, manager ka na!”

Napangiti naman si Ricky. “Oo nga! Hindi ko akalalin. Marami na akong pandatung sa mga boys ngayon! Sila na ang maghahabol sa byuti ko!” sabay tawa. “Dahil ito sa iyo itong lahat, igan…” ang seryoso rin niyang dugtong.

“Dahil magaling ka at mabait na kaibigan!”

“Syempre naman! Ambait mo kaya…”

“Sige na nagbobolahan na tayo eh!” ang pag cut ko sa usapan.

“Tol… pupunta tayo sa bayan, magpagawa ako ng letter of appointment para sa kambal ko upang magiging legal ang lahat nang pagtatrabaho niya sa mga restaurant chains ko.” Ang sambit sa akin ni James na ngumiti at kinindatan pa ako. Parang nakakaloko ang ngiti at kindat niyang iyon. Hindi ko lang alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

Nagpunta kami sa bayan. At nang nakahanap kami ng isang notary public, pumasok kami. Si James lang ang pumasok, dala-dala ang mga dokumento. Ngunit maya-maya lang ay pinatawag na kaming lahat sa loob.

“Pirmahan ninyo ito, ito at ito as witnesses” ang sabi ng abugado sa amin ni Ricky. At baling kay John, “Ikaw ba si John?” ang tanong niya.

“Opo…”

“Dito ka naman dapat pumirma.”

Dali-dali kaming pumirma ni Ricky. At nang matapos na kaming pumirmang lahat, nagtanong si John. “D-di ba dapat appointment lang? Hindi naman kailangan ang mga witness at notary sa letter of appointment?”

“Hindi appointment ito, John. Ito ay certificate of transfer. Nagpapatunay ito na ikaw na ang may ari ng lahat ng mga properties na na-inherit ng iyong kambal.” Turo niya kay James.

Napatitig si John sa kuya niya. Iyong titig na nabigla at hindi makapaniwala.

“Ano???” ang tanogn ni James.

“Hindi mo naman kailangang gawin ito kuya eh…” sagot ni John.

“Hayaan mo na. Gusto kong ang lahat ng mga pangarap mo sa buahy ay makamit mo at matupad.”

At niyakap ni John ang kanyang kambal. Napaiyak siya. “Ngayon ko napatunayang napakabait mo talaga kuya…”

“O huwag nang magdrama. Ang sagwa! Kapag nakita ka ng itay na umiiyak sasambunutan ka noon kagaya ng ginawa niya sa akin.” sabay tawa.

Tawanan na rin kami. Pati ako ay na-antig din ang damdamin. Ni wala man lang pag-aalangan si James na ibigay ang ganoon kalaking kayamanan sa kanyang kapatid. Kung ibang tao pa iyon, siguradong hinid na niya pakawalan pa ito. Doon ko na rin napagtanto kung bakit ganoon ang ngiti at pagkindat ni James sa akin bago kami nagpunta ng baying. Iyon pala ang gagawin niya.

“P-paano na lang ikaw? Magsi-security guard ka na lang ba talaga habambuhay?” ang tanong ni John nang nasa loob na kami sa kotse ni John at hinatid na niya pauwi sa aking inuupahang kuwarto.

“Tol… hindi porket security guard lang ay trabaho ay hindi na siya maligaya. Hindi lahat ng kaligayahan sa buhay ay nakatali sa ganda ng trabaho, o sa dami ng pera. Minsan nga, ang pera o karangyaan pa ang nagiging dahilan upang mas lumaki pa ang problema ng tao. Tingan mo ang mga simpleng tao, masaya na sila sa mga simpleng bagay. Tingnan mo ang mga problema nila, simple lang din. Iyan ang gusto kong buhay. Gusto ko para sa amin ni Jassim. Sa burol… masaya na ako. Malamig ang simoy ng hangin, maraming kahoy, may maliit na ilog. Ito ang gusto kong balik-balikan, ang lugar na ito – kung saan kami nagsimula ni Jassim.”

“Sabagay… suwerte ka rin ay Jassim dahil mabait na matalino pa.”

“Mas maswerte ako kay James. Hindi na ako makakahanap pa ng taong kasing bait niya.” Ang pagsingit ko.

“Oo… mabait ang kuya. At pareho kayong mababait.”

“At bubuhayin ako niyan tol.” Sagot ni James.

Tawanan.

“Para na talaga kayong mag-asawa kuya.” ang biglang pagsingit ni John sa issue.

Napatingin sa akin si James. “Actually, mag-asawa naman kami eh. Wala pa lang kasal.” Sagot ni James sabay tawa.

“Oo nga pala no? wala palang same-sex na kasal sa Pinas.”

“Magkaroon din iyan…” ang pagsingit naman ni Ricky.

Bumalik sina John at Ricky sa siyudad na masayang-masaya. At ako, sobrang humanga sa ipinakitang kabaitan ni James. Parang hindi na siya nauubusan ng kabaitan. Parang wala siyang kapaguran sa pagbibigay para sa iba.

“Alam mo Yak… sobrang proud ako sa iyo. Grabeh. Ganyan ka ba talaga kabait?”

“Hindi, salbahe ako!” sagot niya sabay lock ng kanyang braso sa aking leeg at hinila ako patungo sa aking kama.”

“Arrgggg! Salbahe!”

“Salbahe pala. Sige i-rape na kita!”

At nagsambuno na lang kami. At nang mapagod, nakahiga kaming magkatabi sa kama, parehong nakatihaya, tawanan, habol-habol ang paghinga.

Tahimik.

“I love you…” bulong niya

“I love you too” bulong ko rin.

At iyon, nagyakapan kami, naglapat ang mga labi at natahimik ang buong kuwarto. Hanggang sa nabalot na ito ng aming mga ungol…

Lumipas muli ang isang linggo. Bumisita na naman sina John at Ricky. At dahil linggo iyon, araw ng bisita ni James sa akin, naroon din si James.

“Kuya… may magandang balita ako sa iyo.”

“Ano?”

“Nadalaw ko na ang mga magulang natin at ang saya-saya namin!”

“Talaga tol? Anong sabi nila tungkol sa plano mo?”

“Masaya sila kuya. Hindi nila akalain na nagbago na ako. At nagpasalamat din sila sa iyo kuya.”

“Para saan?”

“Sinabi ko kasi sa kanila na ikaw ang tunay na may-ari ng mga negosyo, at ibininigay mo sa akin ang lahat. Tuwang-tuwa sila sa iyo. Di ko tuloy maiwasan na magselos muli. Palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw.” Ang birogn sabi ni John.

“E kasalanan mo. Sinabi mo pa kasi!” ang biro ring sagot ni James.

Tawanan.

“Pero tingnan mo naman, nang dahil sa mga plano mo, maging maganda na ang kanilang buhay…” dugtong ni James.

“At may isang plano kaming nabuo kuya.”

“Ano?”

“Dadalhin ko sila sa Baguio upang i-tour. At doon tayo mag-bonding. Isama mo raw si Jassim.”

“Talaga? Good idea!”

“Kaya nga kuya, di ba? Sa buong buhay nila ay puro kahirapan na lang ang kanilang natatamasa. Habang buhay pa sila, malakas pa, gusto kong ipalasap sa kanila ang kahit papaano, ang buhay na kumportable, ang makarating sa ibang lugar, ang maging masaya.”

Mistulang may tumusok naman sa aking puso. Parang inggit ba. Naisip ko rin kasi ang aking mga magulang na sa tanang buhay ay puro mabibigat na trabaho na lang ang inaasikaso at ni hindi man lang naranasan ang magpunta sa ibang lugar upang magpahinga, mag-enjoy sa buhay, namnamin ang ganda ng pagkakataon na wala silang iniisip ng mga problema. Pero isiniksik ko na lang sa aking isip na isang araw ay matupad ko rin ang mga pangarap kong iyan para sa kanila.

“I love it! Kailan tol?” ang sagot ni James.

“Sa sunod na linggo kuya. Kaya maghanda ka na, kayo ni Jassim at pupunta tayo.”

“Ay ambilis naman. Wala pa akong karilyebo sa duty ko… Nasa bakasyon pa ang isa naming guwardya. Baka hindi ako papayagan.” Sambit ni James.

“A-ako rin, bago pa lang ako sa work ko. B-baka hindi rin ako papayagan.” Ang pagsingint ko.

“Ako ang bahala kuya at Jassim. Papayag ang mga amo ninyo kapag ako na ang kumausap sa kanila. Malakas yata ito!” ang biro ni John

“Weee? Di nga?” ang biro rin na sagot ni James.

“Manalig ka lang kuya. Manalig ka…” sagot uli ni John sabay tawa.

“Ok… pilitin kong magpaalam. Tignan natin…”

“Ngayong naniwala ka na, payag na iyon. Natupad na ang lahat.”

Tawanan.

Kinabukasan nga, nagpaalam agad ako sa aking amo kung puwede ba akong mag-absent nang 5 araw. Nagdalawang isip man, nilakasan ko na lang ang aking loob. Ang naririnig ko kasing experience sa mga dating baguhan ay mahigpit daw ang kumpanya namin sa mga absences, lalo na kapag bago. Ngunit dahil gusto ko talagang makasama si James, nagpaalam pa rin ako. At laking tuwa ko nang pinayagan ako ng aking amo! At parang masaya pa siya, ang laki kaya ng ngiti. Biniro tuloy ako ng mga kasamahan sa trabaho na ang lakas ko raw. “Siguro, jowa ka ng may-ari…” biro naman ng isa. Ang may-ari kasi ng koprahan ay isang biyuda.

Nang tinext ko si James, napag-alaman kong pinayagan din daw siya. Nagtaka nga rin daw si James kasi sobrang higpit daw ng kanyang supervisor pagdating sa mga leave, lalo na wala siyang reliever. Pero hindi na siya nagtanong pa. Ang mahalaga raw sa kanya ay pinayagan siya. Tuwang-tuwa kami. Para bang sindya ng pagkakataon na payagan kami.

At natuloy ang balak naming magpunta ng Baguio. Hindi kami nagsabay sa pagpunta. Nauna sina John at mga magulang ni James.

Nakarating naman kami sa Baguio. At sinalubong kami ni John at mga magulang ni James. Sobrang naappreciate ko talaga ang ganda ng lugar. Malamig ang simoy ng hangin, maganda ang kapaligiran. At ang aming hotel, five star.

“Bukas ay magsimba tayo sa pang-alas 9 na misa.” Ang sambit ni John.

Tila gusto kong matawa sa narinig. Kasi naman, ang dating barumabdong si John ay siya pa ang nagyaya sa amin na magsimba.

Ngunit doon na talaga ako natawa nang nagbiro na si James. “Magsimba tayo tol? Baka malusaw ka sa loob ng simbahan!”

“Kuya naman… dati, demonyo ako pero ngayon, anghel na ito ha?”

Tawanan.

At sa araw na iyon sobrang saya namin. Kung saan-saan kami namasyal at pagkatapos ay kumain sa isang sikat din na kainan sa lugar.

Mag-aalas otso na ng umaga nang gisingin kami ni John. “Kuya… gising na kayo at magbihis na upang magsimba!”

“Oo na! Gigising na kami. OA naman nito, an gaga-aga pa eh. Ang layo pa kaya ng alas 9.” Ang pagmamaktol ni James.

“Papasok ako kuya.”

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si John na nakapostura na, suot ang putting long sleeves at slacks at dala-dala naman niya ang dalawang pares na ternong tuxedo at itim na mga sapatos. “Good morning Jassim!” ang pagbati niya sa akin.

“Good morning John!”

Pinapasok ko na lang siya. Hindi na ako nagtanong kung para kanino ang mga dala niynag iyon. Inisip ko na lang na baka sa kanilang dalawa ni James iyon. Terno kasi, at kambal pa sila.

“Huwahhh! Kanino iyan?” ang tanong ni James.

“Para sa inyo ni Jassim!”

Napa “Huh!” naman ako. “Bakit kailangan pa namin iyan?”

“Sa hotel na ito, may promotion sila at pipili sa kanilang mga guests na gay couple upang bibigyan nila ng tinatawag nilang special couple award. At nang nakita kayo sa kanilang camera na nag-check in, nag-holding hands pa, kung kaya ay kayo ang napili. Advocate kasi sa LGBT awareness ang German na may-ari ng hotel kung kaya ay may ganitong promo sila sa lahat ng kanilang hotels worldwide.”

“G-ganoon ba? Pero bakit kailangang magbihis ng ganito?”

“Darating kasi ang German na may ari nitong hotel at may mga dignitaries pa na mag-aattend.”

“As in ngayon na talaga kami magbihis? Magsisimba pa tayo, di ba?”

“9:30 ang awarding. Wala nang time. Nakakahiya kung kayo na lang ang hihintayin. Kaya pagkagaling natin sa simbahan ay diretso na tayo sa function room.” Ang sabi ni John na siningitan pa ng tig-iisang puting rosas ang aming mga kanang bulsa sa dibdib.

So wala kaming nagawa kundi ang maligo nang mabilisan at agad isinuot ko ang para sa akin.

Nanibago ako sa aking postura. Ngunit nang tiningnan ko si James sa kanyang ayos, lalo akong nabighani sa kanyang porma. Napakaguwapo niya sa kanyang suot.

At nang nagharap na kami, hindi na rin niya napigilan ang sariling kargahin ako sa kanyang mga bisig at ipinaikot-ikot. Ang guwapo-guwapo ng manyak ng buhay kooooo!!!” halatang nanggigigil.

Tawa nang tawa lang si John. “Tara na late na tayo!” ang sambit niyang nagmamadaling tinumbok ang pintuan ng kuwarto namin.

Dali-dali kaming nagtatakbo palabas ng hotel. May service palang inarkila si John para sa amin. Isang mamahaling puting van. Sumakay kaming tatlo. Nauna na raw pala ang mga magulang ni James.

Dali-daling pinaandar ng driver ang van. Wala pang 15 minutos ay nakarating kami sa mismong simbahan, at ang oras sa aking relo ay 9:05 na.

Kaming dalawa ni James ang naunang bumaba ng van. Inaninag ko muna ang tanawin ng simbahan at ang paligid nito. Hindi siya kalakihan, ngunit maganda ang pagkagawa at ang architecture na makikita sa labas.

Nang nasa bungad na kami ng entrance, nasisilip ko ang maraming nagsigandahang bulaklak, mga ribbons at palamuti sa loob. May mga taong nakaupo na at sa harap ng altar ay naroon na ang pastor at handa nang magsimula sa kanyang misa.

Nang nagsimula na kaming maglakad sac enter-aisle papasok patungo sa loob, nagtinginan ang mga tao sa amin ni James. At laking gulat ko nang tumugtog naman ang himig ng tugtog na martsa.

Bigla akong napalingon sa aming likuran. Ngunit kaming dalawa lang ni James ang nasa gitna ng aisle na iyon habang tinitingnan ng mga tao sa loob. Nasa gilid na daanan pala dumaan si John.

Lilihis n asana kami ni James ng daan upang bigyang daan ang kung sino man ang ikakasal. Dahil sa martsa. Doon lang sumagi sa isip ko na may ikakasal pala siguro kung kaya maraming dekorasyon ang loob ng simbahan at doon pa kami dumaan sa dadaanan niya.

Ngunit minuwestrahan kami ni John na mag stay put at itinuro pa ang may kisame sa harap ng altar kung saan naman lumantad ang isang streamer na may nakasulat: James and “Jassim Nuptial”

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni James sa nabasa. Ako man ay gulat na gulat at nanlaki ang mga mata, ang isip ay nagtanong, “Kasal ba talaga namin???”

Nang tiningnan naming muli si John, minuwestrahan niya uli kami na ituloy lang ang pagmartsa at turo sa pari na naghintay.

Tawa na lang nang tawa si James sa kanyang sarili, idinampi pa ang kanyang palas sa kanyang ulo at pagkatapos, game na game na inangat ang kanyang braso upang ako ay mag-abresyete sa kanya.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ako man ay nalito rin na natawa na na-excite.

At nang inikot ko ang aking paningin sa mga taong nasa loob ng simbahan, doon ko nakita ang maraming taga MCJ Restobar ang naroon at may iilan ding kaibigan namin ni Ricky. At si Ricky, nasa harap ng altar nakaupo at kumaway-kaway pa sa akin.

Wala na kaming nagawa kundi ang ituloy ang pagmartsa. Nang nasa harap na kami ng altar, umupo kami sa dalawang upuang nasa harap ng pastor.

At maya-maya lang, tumayo si Ricky at kinanta ang –


I thought sometime alone, was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn’t see that
I thought it was the end of a beautiful story
And so I left the one I love at home, to be alone, alone...
And I tried and found out this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now
And I’ve had a change of heart.

Refrain:
I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.

And then I met someone and thought she could replace you
We got along just fine but wasted time because she was not you
We had a lot of fun, though we knew we were faking
Love was not impressed with our connection built on lies, on lies
So I’m here ‘cause I found this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now.
And I’ve had a change of heart.

I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart, who holds my heart.

I can’t blame you if you turned away from me like I’ve done you
I can only prove the things I say with time
Please be mine, please be mine

I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.

Refrain...

Hindi ko namalayang tumulo na ang aking luha sa pagkarinig ko sa mga kataga ng kanta. Sobrang galing kasi ang pagkanta ni Ricky. Iyon bang ang bawat kataga ng liriko ng kanta ay tatagos talaga sa iyong puso. At naalala ko ang unang pagkanta sa akin ni James noon at nang sinabi niya na kahit sa hirap, mas gusto niyang kasama ako kaysa nasa kumportable siyang pamumuhay ngunit sa piling naman ng ibang tao. Naisip ko rin ang lahat nang mga pinagdaanan naming hirap, at ang hirap na aking dinanas upang masagip lamang siya sa mga kamay ni Sophia at upang hindi mawasak ang aming pagmamahalan. At ang pagkakataong iyon ay ang tila rurok na ng tagumpay; ang kumpirmasyon na aking-akin na si James; na kaming dalawa ay isang-dibdib na lamang at hindi na maaaring maghihiwalay pa.

Sobrang saya ang aking naramdaman. Nilingon ko si Ricky habang kumakanta siya. At mas lalo pang nadagdagan ang aking saya nang habang kumakanta siya, tinuro niya ang pintuan ng simbahan. Nilingon ko ito. At nakita ko ang aking itay at inay na pumasok.

At sa puntong iyon, hindi ako nakatiis at tumayo ako at sumigaw, “Tay!!! Nay!!!” habang sinalubong ko sila na kasalukuyang nasa center-aisle na. Humagulgol ako habang mahigpit kong niyayakap ang aking itay. Mistula akong isang maliit na bata na walang pakialam sa aking paligid kung may mga taong nakakita. Naghihikbi ako at nagpapasalamat sa kanya. “Huwag ka nang umiyak. Naghihintay ang pari o... Basta mahal kita anak at kung ito man ang iyong kagustuhan, wala akong magagawa kundi an gsuportahan ka.” Ang sambit ng itay.

Hanggang sa tumayo na rin si James at lumapit sa amin. Nagmano siya kay itay at pagkatapos, niyakap naman siya ng itay. “Alagaan mo si Jassim, James...” ang bulong niya kay James na sinagot naman ni James ng, “Opo tay...” Nagmano rin siya kay inay.

Pinunasan naman ni James ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanyang panyo. “Tara na Yak... magsimula na tayo...” ang bulong niya sa akin.

Bumalik kami sa altar at nagsimula ang seremonya. Hanggang sa dumating ang bahagi kung saan namin sinambit ang salitang “I do” sa isa’t isa atsaka isinukbit sa aming mga kamay ang singsing na nagpapatunay na nariyan kami para sa isa’t-isa – for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, ‘til death do us part.

At sa puntong iyon, kinanta naman ni Ricky ang kantang paboritong kantahin ni James sa akin –


You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

The world will turn, and the seasons will change,
And all the lesson we will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.

And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.

When there are lines upon my face from a lifetime of smiles,
When the time comes to embrace for one long last while,
We can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll Walways be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.

And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.
The passing years will show that
You will always grow ever more beautiful in my eyes

Tila walang humpay naman ang pagpatak ng aking mga luha sa sobrang kasiyahan.

Natapos ang kasal at dumeretso kami sa hotel. Pumunta rin ang mga dating kasamahan naming sa MCJ restobar at mga kaibigan namin sa school na sadya palang inimbita nina John at Ricky libre pamasahe. Doon ko nalaman na ang lahat ay plano plano pala nina John at Ricky. At pati ang pagkumbinsi sa mga magulang ko ay bahagi rin pala ng kanilang plano.

Sa kainan, ang iingay at ang kukulit ng mga kaibigan namin. Syempre, kahit papaano, may pinagsamahan kami, lalo na sa pakikipaglaban namin sa pagka-tyrant ni Sophia. Kaya sobrang close din namin ang mga bisitang iyon.

“Ba’t pala kayo na-late sa pagdating sa simbahan tay, nay?” ang tanong ni John sa aking mga magulang. Itay at inay na rin kasi ang tawag niya sa mga magulang ko, dahil kambal naman daw sila ni John.

“Eh... iyong ibinigay sa amin na guide, hindi rin pala kabisado ang lugar. Nakikipag-away pa sa taxi driver!”

Tawanan.

“Kuya... heto ang regalo ko sa iyo” ang sambit ni John nang nagbukasan na ng mga regalo.

“Ok.. ano kaya ito, mukhang malaman” ang sarcastic na biro ni James sa kambal. Paano, malaking envelope lang ang kanyang regalo.

“Malaman talaga iyan kuya...”

Pero ako naman ay naghinala. Naalala ko kasi ang pagbigay niya sa mga ari-arian niya kay John. Di ko tuloy maiwasan nab aka ibinalik ito ni John sa kanya.

“Ok, tingnan natin.” Sagot ni James sabay bukas sa envelope.

Kitang-kita ko sa aking mga mata ang pagkagulat ni James na napatingin sa kanyang kapatid, nakangiti. “Niresbakan mo ako ha?”

Tiningnan ko ang laman ng mga dokumento. At ang nabasa ko ay isang ownership certificate ng isang kumpanya “Michael’s International Trading”.

Napatingin na rin ako kay John. “I-ito iyong kumpanya naming ni James di ba?”


“Oo...  binili ko para sa inyo.”

“K-kailan mo pa ito nabili?”

“Noong nagpunta ako sa inyo at inimbita kayo...”

“Ampota! Kaya pala walang kahirap-hirap ang pagpapaalam namin! Alam na ba nila roon?”

Nakangiting tumango lang si John.

“Tado ka! Naisahan mo kami ah!”

Tawanan.

Nagsama na kami ngayon ni James sa aming lugar, kasama ang aking mga magulang. An gaming bahay na dati ay isang kubo lamang ay ipinakongkreto na ni James, dalawang palapag. Kumpleto na sa gamit. Ang itay ko naman ay ang siyang namamahala ngayon sa mga tauhan naming sa bodega habang ang inay ay nanatiling housewife. Ako na rin ang general manager at president ng aming negosyo.

At si James, bagamat siya ang may-ari ng pinakamalaking exporter ng kopra at abaka sa aming rehiyon, ay nanatili pa ring isang security guard... sa bodega sa may burol. Ang sabi niya palagi sa akin. “Masaya na ako sa ganitong trabaho. Gusto kong sa araw-araw ay naaalala mo ako; bumabalik-balik sa isip mo na dahil sa trabaho kong ito ay nag-krus ang ating mga landas. Ayaw kong sa ating pagsasama, ni kahit katiting na sandali ay mawaglit sa isip mo – ang lalaki sa burol...”


Wakas

Friday, May 31, 2013

Ang Lalaki Sa Burol [20]


By: Mikejuha

Author’s Note:

Guys pasensya na po. Na-underestimate ko ang length ng kuwento. Akala ko ay matatapos na ito, hindi pa pala. Pero sure na pong sa 21 ay tapos na ito. Sayang, perfect number pa naman ang 20, hehehe.

****

Gusto ko rin pong ipost muli ang aming kailangang leading roles sa gagawin naming indie:

MSOB will produce a low-budget M2M “Indie Film” and we arelooking for lead actors (we will need two) who are willing to be a part of theteam.

We plan to have them screened by June, 2013. Maytalent fee po ang dalawang mapipiling talents na ito. But we want them to be100% committed sa project.

Heto po ang mga qualifications:

1) Age: 18 – 28 years old
2) Height: 5’8 and above
3) Body: Well-built, though not necessarily muscular
4) With strong appeal
5) Experience: Not necessary basta committed, may potential, and willing to learn and give his best
6) Willing to go as far as torrid M2M kissing (no frontal nudity)
7) Straight acting. Lalaking-lalaki sa kilos.
8) Available kahit for one week shooting sa probinsya.

Para po sa mga interesado, please send me your pic and bio-data by -

1) PM in my fb, "Michael Juha" or
2) Email me at getmybox@hotmail.com (lagyan ng title na "Volunteer" ang message kasi baka sa junk mapasok)

We need din po ng mga interesadong mag invest. Ang aking napagdisisyonan po ay gagawin na lang talaga itong full indi/digital movie. At ang usapan naming mga volunteers (at sponsors) ay kapag nagclick ang pelikula, we will share the profit based on our contribution.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

-------------------------------------------

Awang-awa ako sa pagkakita kay James. Iyon bang kitang-kita ko sa aking mga mata na nadapa iyong tao ngunit hindi lumalaban o ni hindi man lang nagsalita. Nakakaawa.

Tahimik lang na tumayo si James, pinagpag ang puwetan ng kanyang pantalon na nadumihan sa dumikit na lupang kaaararo pa lamang. Nang nakatayo na, tinumbok ang kinaroroonan ko.

“Ikaw kasi… sabi ko nang huwag na lang siyang lapitan, nagpumilit ka pa.” ang paninisi ko pa.

“Hayaan mo na Yak. Ang importante, alam na ng itay mo ang tungkol sa atin. At least, ang bigat na dinadala ng ating kalooban ay nabawas-bawasan. Ngayon, kung hindi man tayo natanggap ng itay mo, hindi rin natin siya masisisi. Ngunit umaasa pa rin naman ako na balang araw ay matatanggap din niya tayo.”

“Sabagay…” ang sagot ko na lang. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lalo lamang akong humanga sa kanyang paninindigan a tpagpakumbaba para sa aming relasyon. Sa loob-loob ko lang, nasabi kong napakasuwerte ko pa rin sa kanya.

At iniwan namin ang itay. Tila mga basang sisiw kami sa aming postura.

Sa hapunan, sabay kaming kumain. Ramdam ko ang pagkatensiyonado sa aming sitwasyong buo nga kami ngunit hindi naman nag-uusap. Gusto ko mang magbukas ng usapan, parang napaka-awkward na nand’yan ang itay na masama ang loob sa amin. Walang kibo rin ang inay. Alam kong naramdaman niya ang mahirap naming kalagayan.

“B-bukas pala nay, tay… dadalhin ko si Jassim sa Mindanao. Isang linggo lang po kami doon at pagkatapos ay babalik na.”

Napatingin ang inay kay itay na patuloy lang sa kanyang pagsubo ng pagkain, nakayuko, tila walang narinig. At dahil hindi kumibo ang itay, ang inay na ang sumagot, “S-sige. Isang linggo lang naman... at parang regalo mo na rin iyan sa iyong sarili na pagkatapos ng pagsisikap mo sa iyong pag-aaral at makakuha pa ng ganyang mga awards...”

Ngunit sumingit ang itay. “Hindi ako papayag! Kapag umalis ka dito Jassim, huwag ka nang bumalik dahil hindi na kita tatanggapin!” sabay tayo at walk out palabas ng bahay.

Mistula kaming nasabugan ng bomba sa aming narining. Walang nakapagsalita sa amin at nagtitigan na lang kami ng inay.

Ngunit hindi ko rin nakayanan ang pagtitigan namin. Yumuko na lang ako nang naramdaman ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. May takot na kasi akong nadarama, nagka-phobia na baka kapag umalis na naman si James, may mangyayari na namang hindi maganda at magkahiwalay na naman kami. O baka… hindi na siya babalik. O baka, may ibang tao na namang sisingit sa buhay niya.

Maya-maya, tumayo ang inay at sinundan ang itay.

Tiningnan ako ni James. Bakas sa kanyang mga tingin ang ibayong pagkaawa sa aking kalagayan.

“S-sasama ka pa ba?” ang tanong niya habang pinahid sa kanyang palad ang mga luhang patuloy na dumaloy sa aking pisngi.

“H-hindi ko alam eh. Natatakot ako Yak… ayokong magkahiwalay tayo eh.”

Nang nasa kuwarto na kami, nag-ayos si James sa kanyang mga dalahin. Nakatingin lang ako sa kanya, tulala, nag-iiyak, hindi alam kung magpack up rin ba o hayaan na lang na umalis siyang mag-isa.

Maya-maya, kumatok ang inay.

Binuksan ko. “O… akala ko ba ay kasama ka? Ba’t hindi ka pa nag-ayos?” sambit niya.

“N-natatakot ako sa itay nay, eh…”

“Pwes ako na ang bahala sa kanya. Sige, magpack up ka na.”

“Talaga po nay?”

“Oo anak. Ako ang bahala. Habang hindi ka pa nagtatrabaho, magpahinga ka muna. Mag-enjoy…”

“Paano kung magagalit ang itay?”

“Hayaan mo nang magalit siya. Iyan ang kanyang reaksyon sa nalaman niya sa inyo. Alam mo naman ang itay mo. OA. Ako na ang bahala sa kanya.”

“P-paano kung magagalit din siya sa inyo?”

“E di, sabay tayong lalayas sa bahay niya. Sasama ako sa inyo” ang sambit ng inay sabay bitiw ng ngiti. “Biro lang… syempre, mahal ko ang itay mo. Mahal mo rin naman siya, di ba? Hayaan na lang muna natin siya.”

At doon na ako napayakap sa inay. “Mahal na mahal ko po kayo inay…”

Niyakap din niya ako. “At mahal na mahal din kita anak” sagot niya. At baling niya kay James. “Huwag mong pabayaan itong anak ko James. Ngayon lang makapunta iyan ng malayong lugar.”

“Opo nay… Hindi ko po pababayaan iyan. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo.” Ang sagot naman ni James.

“O siya… babalik na ako sa kuwarto namin ng itay ninyo. Tulog na iyon kung kaya ay nakaalis ako. Basta maaga lang kayong umalis, bago mag alas 5 ng madaling araw para paggising ng itay ninyo, wala na kayo.”

At kinabukasan nga maaga kaming umalis.

Dinaanan muna namin si John sa ospital. Nag-usap ang kambal at napag-alaman naming pagkatapos ng isang linggo ang libing ni Sophia.

“Uuwi na muna kami sa atin tol... tamang-tama pagbalik namin, makikilibing kami.”

“S-sige kuya.”

“Wala ka bang mensahe para sa ating mga magulang?”

“Sabihin mo kuya na may sorpresa ako sa kanila.”

“Hmmm. May pa sorpre-sorpresa ka na ngayon ha? Ano ba yan? Share naman!”

“Ipapagawa ko ang bahay natin, magpatayo ako ng branch ng MCJ resto bar sa atin upang sila na ang magsupervise, patingin-tingin na lang, hindi na mabigat ang trabaho ng itay.”

Napatitig na lang si James sa kanya. siguro, sa kanyang isip hindi siya makapaniwalang hahantong ang kambal niya sa ganoon.

“B-bakit kuya?” ang tanong ni John nang napansign tinitigan na lang siya ng kamabal.

“Wala... natuwa lang ako na heto ngayon, nagbago ka na.”

“Oo nga kuya. Naalala ko pa rin ang mga ginagawa ko sa iyo at sa pamilya natin. Noong nagsama pa tayo sa Mindanao, palagi na lang akong pasaway. Paano kasi, naiinggit ako sa iyo kasi palagi na lang ikaw ang pinupuri. Kasi ba naman sobrang napakasipag mo sa bahay, ikaw ang nagluluto, ikaw ang naglilinis, at minsan kapag sobrang abala ang inay, ikaw na rin ang naglalaba ng mga damit nating lahat. Ako naman, sasadyain kong dumihan ang bahay, sisirain ang gripo kapag alam kong maglalaba ka. At iyong piggy bank mo, habang naghuhulog ka ng barya, ako naman lihim na bubutasan ko iyon para makuha ko ang pera mo. Tapos noong mahigit isang buwan na, nagtaka ka kung bakit piso pa rin ang laman. Alam kong ako ang pinaghihinalaan mo. Pero imbes na awayin mo ako, napakamot ka na lang sa ulo mo. Tapos ako naman, tawa nang tawa sa sarili.”

Nakita kong napangiti si James. “Salbahe ka talaga.” biro niya.

“At may isa pang insidenteng nagluto ka ng sinigang. Noong lumabas ka ng kusina, lihim akong pumasok doon at ibinuhos ko sa kaldero ang halos buong laman ng asin sa lagayan nito. At noong kumain na tayo, sabi ng inay, “Pwe! anong klaseng sinigang ito! Ang Alat!” tapos ako naman nagreklamo rin. Sabi ko pa, “Kasi naman nagboboluntaryong magluto, di naman pala marunong!”

“Tapos tumayo ka at bago umalis, nanghingi kina inay ng pera dahil sa labas ka na lang kakain.” dugtong pa ni James.

“Oo. Tapos, nang nakalabas na ako ng bahay, doon na ako nagtatawa. Sabi ko, naisahan ko kayo. Kasi nga nasisi ka na nga, nakakain pa ako sa labas ng masarap na pagkain.”

“Sabi ko na nga ba eh... pinakialaman mo ang niluto ko eh! Hindi naman ganoon ang luto ko eh!”

Tawanan.

“Anong ginawa ninyo kuya nang nakaalis na ako?”

“Wala. Itinapon namin ang sabaw, tapos nilagyan uli ng kaunting tubig ang kaldero... walang ulam eh.”

Tawanan uli.

Tapos naging seryoso uli ang mukha ni John. “Pero kahit naiinis ako sa iyo kuya, bilib pa rin ako sa iyo. Kasi naman, kapag may nang-aaway sa akin sa school, kinakampihan mo pa rin ako. Kahit alam mong ako ang may kasalanan... at noong isang beses na naaksidente ako sa motor at muntik nang mamatay, ikaw ang tumawag na sasakyan, kinarga mo ako sa bisig mo. At sa ospital pa nang muntik akong maubusan ng dugo, ikaw pa an gnagboluntaryong dugo mo ang isalin sa akin. Ang bait mo pa rin sa akin.”

Hilaw na ngiti ang iginanti ni James sa mga sinabi ni John. “Syempre naman. Kambal kita.”

“Kaya noong umalis ka, hindi mo lang alam. Na-miss din kita ng sobra. Kaya... Sinundan kita, hinanap kung saan-saan. At noong natunton ko na ang lugar mo, nag-imbento akong na stroke ang inay upang umuwi ka...”

At doon niyakap na ni James ang kambal niya. “Na-miss din kita tol... sobra. Kaso, kailangan kong umalis upang hindi ka na magselos sa akin, upang magkaroon ka ng pagkakataong ma-prove sa mga magulang natin na deserving ka rin nilang mahalin.”

Nagyakapan ang dalawa. Nakakatuwa. Nakakantig ng damdamin. Kung hindi lang sila kambal, maiisip kong para silang magsyota sa kanilang ayos.

“Kaso palpak pa rin ako kuya kasi nga... ikaw rin ang hinahanap-hanap ko eh. Hindi ko talaga maiintindihan ang sarili ko. Nainis ako sa iyo na umalis ka at iniwan kami, ako. Namiss ko iyong kahit pasaway ako, ipinadama mo pa rin sa akin na mahal mo ako.” ang sambit ni John.

“Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga ako sa iyo eh. Kasi parang ako na lang ang sinisisi mo sa lahat. Kaya sabi ko, baka magbago ka na kapag malayo na ako sa pamilya natin.”

Tahimik.

“Totoo bang ikaw raw ang nagpakidnap sa amin ni Ricky, sabi ni Sophia?” ang pagsingit ko naman.

Nagulat si John na tumingin sa akin. “Hindi ah! Hindi pa nga kami magkakilala ni Sophia noon. Hindi nga niya kilala na ang ikinasal pala sa kanya ay ako. Ang buong akala niya ay si kuya James pa rin...”

Nagkatinginan kami ni James. Napailing-iling na lang siya. “Paano pala ang mga kaso mo ngayon? Hayan nga may mga pulis na nagbabantay sa iyo.”

“Nagpunta na sa akin ang mga abugado ni Sophia kuya... at tutulungan daw nila akong makapagpiyansa at pansamantalang makalaya habang dinidinig pa ang kaso.”

“Ah ok... mabuti naman.”

“O sige tol... tutuloy na kami...” ang pagpapaalam ni James kay John.

“Kuya… gamitin mo ang kotse mo. Sa iyo rin iyon.”

“Huwag na tol…  gusto kong maranasan muli ang dating nakagawian kong hirap. At adventure na rin namin ni Jassim ito. Ok lang maghirap sa pagsakay at pagbiyahe basta kasama ko siya.”

“Kayo na talaga kuya!” ang sambit naman ni John na napangiti na rin.

Mahaba ang oras ng aming paglalakbay. Sumakay kami ng bus at pagkatapos ay ferryboat naman. Halos 24 oras ang tagal ng aming paglalakbay. Nakakapagod. Ngunit kapag ganyang kasama mo ang iyong mahal, kumbaga every second counts. Na-aappreciate mo ang kahit init, pagod, sakit sa katawan dahil nakasandal ka naman sa mga bisig niya. At kahit minsan ay hindi mo na naramdamn ang lamig ng aircon dahil sa sobrang init o kaya ay hindi na gumagana, panay pa rin ang yakap mo sa kanya. Siya naman, panay ang pagpapaypay sa iyo.

Nakarating kami sa bahay nina James. Halos walang ipinagkaiba ito sa aming bahay. Maliit, yari sa kawayan, at halos dumapa na ito sa lupa sobrang pagkaluma.

“Nay! Narito na po ako!” ang sigaw ni James nang nasa bungad na kami ng bahay nila.

Lumabas ang isang babaeng siguro ay mas matanda ng sampong taon kaysa aking inay. “Anakkkkkkkkkkk!” ang sigaw kaagad niya sa pagkakita niya kay James at nagmamadaling bumaba sa hagdanan atsaka niyakap niya si James.

Nagkayakapan ang mag-ina. Nakita kong nagpahid ng kanyang luha ang kanyang inay.

“Sabik na sabik na po ako sa inyo inay!”

“Sabik na rin kami ng itay mo sa iyo! Ang tagal mong nawala? Bakit hindi Kaman lang nagparamdam sa amin anak?”

“Mahabang kuwento nay… ngunit mamaya, sasabihin ko sa inyo ng Itay.” Sagot ni James. At baling sa akin, “Nay… ipakilala ko pala si Jassim.”

“Kumusta Jassim!” ang sagot ng inay ni James.

Sasagot na sana ako ng “Mabuti naman po” nang sumingit ba naman si James ng, “Kasintahan kop o siya nay.”

Mistulang hinataw ang aking ulo sa aking narinig, hindi makapaniwalang babanggitin talaga ni James ang salitang “kasintahan”.

Ngunit mas natulala ang kanyang inay. Pansin kong nanlaki ang kanyang mga mata, tila wala sa tamang pag-iisio na tiningnan ako. “A-ano uli anak???”

“Si Jassim po, kasintahan ko.”

“Ah… hehe” ang paunang nasambit ng kanyang inay, tila hindi nito alam kung ano ang sunod na sasabihin. “S-sige, Jassim, mmabuti at napadalaw ka sa aming mahirap na kalagayan.” An gtuluyang nasabi niya.

“Magmano ka muna kay inay Yak… Mabait iyang inay ko.”

“Mano po nay…”

“Kaawaan ka ng Diyos, anak.” Ang sagot naman ng kanyang inay matapos akong magmano.

“Summa cum laude iyan nay…”

“Talaga? Kagaya mo rin pala, matalino.” Sagot naman ng inay niya.

“S-summa cum laude po rin ba si James?”

“Oo… palaging nangunguna iyan sa klase.”

Napatingin ako kay James. “Waahh! Di mo sinabi!”

“Maliit lang naman na eskuwelahan, hindi nga unibersidad. Hindi kagaya nang sa iyo na state university pa talaga. Halos lahat nga kaming graduate ay summa cum laude eh. May magna cum laude sana kami kaso nang graduation na, doon lang nalaman ng eskuwelahan na hindi na pala ito pumapasok ng tatlong buwan.” Biro niya sabay tawa.

“Wee! Di nga???”

“Huwag kang maniwala d’yan Jassim. Ganyan talaga ang batang iyan, mapagkumbaba…”

“Totoo po…”

“Tara na sa taas…” ang pagsingit ng ina ni Jassim.

Umakyat kami sa hagdanan at pumasok na sa bahay.

“Ay pagpasensyahan mo na Jassim ha? Mahirap lang kami...”

“Ok lang po. Kasi, kami… mahirap lang din po.”

“Nasaan pala ang itay ‘nay?”

“Hayun sa trabaho. Alam mo namang walang permanenteng trabaho iyon. Ngunit ngayon, hayun sa kabilang barangay, may ipinatayong building kasi doon, nakapagtrabaho bilang isang labor. Kahit papaano...”

“G-ganoon ba?”

“Oo… naaawa na nga ako d’yan sa itay mo dahil may edad na, may rayuma ngunit sige pa rin. Wala kaming kakainin kapag hindi siya nagtatrabaho.”

“Hayaan po ninyo inay. Malapit nang matapos ang kahirapan ninyo.”

“Hay naku James, sana nga… kailan pa kaya.”

“Basta nay… malapit na. At, hindi ninyo akalain. May sorpersa si kambal sa inyo.”

“Si John? Nasaan ang kambal mo? Nagkita ba kayo?” ang gulat na tanong ng kanyang inay.

“Opo nay… at magugulat ka sa kanyang pagbabago…”

“Huh! Pagbabago ba anak? Magbabago pa kaya iyon?”

“Opo nay. Maniwala po kayo. May milagrong nangyari... “ sambit ni James sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
“Sana nga anak…”

Nasa loob na kami ng kuwarto ni James nang narinig kong dumating ang kanyang itay. Nasa bungad na kami ng pinto ng kuwarto niya nang narinig namin ang pag-uusap nila ng inay niya. Una na pala itong sinalubong ng inay ni James sa may pintuan mismo ng bahay.

Damian! Dumating na ang anak nating si James!!!”

“Talaga! Nasaan?”

“Nasa kuwarto niya! Kasama niya ang kanyang katipan!”

Bigla ko namang naramdaman ang malakas na kalampag ng aking dibdib sa narinig. Syempre, nagka-phobia na ako sa nangyari – sa aking itay.

“Ganoon ba? E… magandang babae naman ang napili ng anak natin? Mag-aasawa na ba raw siya?” ang tila excited din na sagot ng itay ni James.

“Eh…” ang narinig ko namang sagot ng inay ni James. Parang nabusalan sa narinig na tanong, tila nagsisisi kung bakit pa niya binanggit ang salitang kasama ni James ang kanyang “katipan”.

“Saan na ba ang dyaskeng iyan at sabik na sabik na akong makita ang anak nating iyan at nang makaliskisan ang  ipinagmamalaking katipan?!” at narinig ko ang mga yapak papalapit sa kuwarto ni James.

Agad ring sinalubong ni James ang kanyang itay. Nakadamit pangtrabaho ito, lumang-luma ang suot na t-shirt na promotional lamang ng isang brand ng inumin at marumi pa, pati na ang suot na pantalong pekeng maong. At pati ang katawan niya ay halos nababalot pa sa alikabok.

“Tayyyyy! Na-miss ko po kayo!” ang sambit kaagad ni James nang nagyakapan na ang mag-ama.

“Mabaho ako ngunit ok lang iyan anak. Sanay ka naman sa amoy ko.” Sambit ng kanyang itay.

Natawa si James. “Syempre naman. Pareho naman tayong ganyan dati rito kapag nagtatrabaho tayo.”

Excited na excited ang dalawa sa tagpong iyon. Halatang sabik na sabik sila sa isa’t-isa.

“May pasalubong pala ako sa iyo tay…”

“Ano?”

“Marami. May damit, pagkain, relo, wala ka yatang relo eh.”

“Talaga! Ay salamat naman. Hindi ko na nga nagamit ang relo ko dahil nasira na, di na puwedeng ayusin.”

Nasa ganoon sila kasayang pagyayakapan nang mabaling ang tingin ng kayang ama sa akin. Kumalas siya sa pagkayakap kay James at nagtanong. “Nasaan pala ang iyong katipan???” na tila naguluhan sa naalalang sinabi ng inay ni James na kasama ni James ang kanyang katipan ngunit wala naman siyang nakitang babae kundi ako lang ang naroon.

“I-ipakilala ko pala sa iyo ‘tay si Jassim. Siya ang aking katipan.”

Kitang-kita sa mukha ng kanyang itay ang ibayong pagkagulat. “huh!”

“Opo tay…”

“L-lalaki???”

Tumango si James.

Tiningnan muli ako ng itay ni James, tila hindi makapaniwala.

“M-mano po i-itay…” ang sambit ko sabay hawak sa kamy ng kanyang itay upang ako ay magmano.

Hinayaan lang naman niya ako. At nagmano na ako. Ngunit ramdam kong mabigat ang kanyang kalooban sa aking pagmano.

Agad na bumalik na sa kanilang kuwarto ang kanyang itay. Ni hindi man lang nagtanogn kay James kung ano ang nangyari kung bakit hindi nagparamdam si James ng ilang taon. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang pumasok sa kuwarto ni James.

Ramdam kong mabigat pa rin ang kalooban ng kanyang itay sa pagtanggap sa akin. “Yak… p-parang nahiya naman ako rito. P-parang gusto ko nang umuwi.” Ang nasabi k okay James.

“Bakit?”

“P-parang hindi naman kasi ako tanggap ng itay mo.”

“Ganoon? Give up ka na agad? Kay Sophia, hindi mo ako binitiwan kahit ipinapatay ka ngunit ngayon, agad agad kang gi-give up?”

“H-hindi naman sa ganoon. Mas masakit kasi ang kapamilya kapag sila na ang aayaw sa iyo. Kung ibang tao puwede. Ngunit kapag sila… masakit.”

“Kung ganoon i-give up na rin kita dahil ayaw ng iyong itay sa akin?”

Natahimik ako. Tama naman siya. Hindi niya ako binitiwan kahit itinulak pa siya ng itay sakahan at natumba, kahit ipinagtabuyan pa niya kami. Mabuti nga ang sa akin, kahit papaano, may diplomasya pa rin ang itay niya.

“Kakausapin ko pa ang itay Yak. Maintindihan din niya tayo. Hindi lang niya akalain na hindi pala babae ang mahal ko. Intindihin din natin ang side niya. Kagaya ng itay mo?”

Bago maghapunan, ipinasyal ako ni James sa kanilang lungsod. Bumili na rin kami ng mga pagkain, ulam na lulutuin. At nang makarating kami sa bahay, kami ang naghanda sa aming hapunan.

Nasa harap na kami ng hapag-kainan nang tila dahil sa sobrang tahimik ay hindi sila magkakilalang nagkasabay na kumain. Walang imik, walang nagsasalita. Lalo pa akong nakunsyensya. Imagine ang tagal na nawala sa kanila si James ngunit nang naroon na sana, nasira ang kasabikan nila nang dahil sa pagsama ko sa kanya.

Maya-maya, “E… ano ba ang nangyari sa iyo James? Bakit bigla kang nawala?” ang pagbasag ng inay ni James sa katahimikang namagitan.

“Mahaba pong kuwento inay…”

“E, di simulan mo na para matapos.” Ang pagbibiro ng kanyang inay sabay tingin sa akin.

Binitiwan ko ang isang tipid na ngiti. Ngunit nang tingnan ko ang mukha ng itay ni James, nanatiling seryoso ito.

Ikinuwento pa rin ni James ang mga nangyari, maliban sa pagpakasal ng kambal niya kay Sophia.

“P-paano kayo nagkita ni John?”

“Eh…” and nasambit lang ni James. “S-sa lugar din pala na iyon n-nagtatrabaho si John eh.” Ang palusot ni James. Alam kong sinadya niyang huwag sabihin ang totoo – na si John ang nakasal kay Sophia, upang huwag masira ang napag-usapan nila ni John na sorpresa sa kanyang mga magulang.

“Si John? Nagtatrabaho na?” ang tanong ng inay ni James.

“O-opo…”

“Hmmm. Talagang nagbabago na ang kambal mo? Pero bakit wala man lang paramdam sa amin? Mabuti pa ang na-amnesia, narito na. Samantalang siya, tila nagka-amnesia pa rin ata.”

“Huwag na po kayong magtampo inay… baka sa sunod na linggo, darating siya at… siguradong magugulat kayo sa malaking sorpesa niya para sa inyo.”

Natapos ang aming hapunan na hindi nagsalita ang itay ni James hanggang sa iniwan nila kami sa kusina. Sobra akong nalungkot. Habang nagligpit kami sa aming kainan, hindi na rin ako nagsalita. Parang gusto kong umiyak. Alam ko, nalungkot din si James para sa akin.

Nasa loob na kami sa kuwarto ni James nang masilip namin ang kanyang ama na nakaupo sa harap ng kanilang bahay. Sa gilid niya ay may isang maliit na lagayan ng inumin. Nag-inum siyang mag-isa. “Puntahan ko ang itay Yak… kausapin ko.” Ang sambit ni James.

At maya-maya lang ay nasilip ko sa binatana na nagtabi na ang mag-ama na naupo sa kawayang bangko. Nakaharap sila pareho sa bukid.

“Tay… nag-iinum na naman po kayo. Palagi po ba kayong nag-iinum? Baka m-makakasama po iyan sa inyo.” Ang narinig kong sambit ni James.

Hindi ko narinig na sumagot ang itay ni James. Tinungga lang niya ang inumin sa baso na nasa kamay niya.

Pagkatapos, kinuha ni James ang walang lamang baso na nasa kamay pa ng kanyang itay.

Ibinigay naman ng kanyang itay ang baso. Nilagyan ito ng inumin ni James mula sa lagayan. “O sige… sabayan na lang kita.” Sambit ni James sabay tungga rin sa baso at pagkatapos ay nilagyan uli ito ng laman at iniabot naman sa kanyang itay.

Tahimik silang nagtatagay. Nanatili lang akong nakatayo sa may bintana at pinagmasdan sila.

Malapit na nilang maubos ang laman ng kalahating galon na inumin nang nagsalita si James. “P-pasensya na po kayo tay kung… nabigla ko kayo sa pagpakilala ko kay Jassim sa inyo.”

Hindi pa rin umimik ang kanyang itay.

“M-malaki po ang utang na loob ko kay Jassim, ‘tay. Kung hindi dahil sa kanya, baka tuluyan na akong nawala sa inyo. Noong nagka-amnesia ako, wala nang balak pa si Sophia na tulungan ako na manumablik pa ang aking ala-ala. Ang totoo, ayaw niyang magamot ako. Inangkin niya ang aking pagkatao. At dahil mayaman, pati ang aking mga legal na mga papeles ay pinalitan din niya. Ngunit ipinaglaban ako ni Jassim. Lumaban siya kahit napakayaman ni Sophia. Hindi niya ako pinabayaan. Hindi siya bumitiw kahit gaano katindi ang mga pahirap sa kanya ni Sophia. Kahit alam niyang nanganganib ang buhay niya, kahit alam niyang ipinapapaslang siya nang dahil sa akin, pilit pa rin niya akong binawi kay Sophia. Dinala niya ako sa aking dating pinagtatrabahuan at dooon nagsimulang manumbalik ang aking alaala. Hanggang sa tuluyan niya akong nabawi. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang na nasa kamay pa rin ako ni Sophia at hindi pa rin nanumbalik ang aking alaala.”

Nilingon siya ng kanyang ama. “Mahal mo ba talaga siya? Hindi ka kaya nabigla lang?”

“Hindi po tay… dati nang nagmahalan kami ni Jassim. Kahit noong hindi pa ako nagkaamnesia ay mahal ko na po siya”

“Gaano mo ba siya kamahal?”

“Mahal na mahal po. Hindi ko po siya ipagpalit kahit kaningong babae o tao sa mundo. At alam kong mahal din ako ni Jassim tay. Hindi niya gagawin ang ganoon katinding sakripisyo para sa akin kung hinid niya ako mahal.” At nakita ko na lang na ipinahid ni James ang kanyang pamay sa kanyang pisngi. Alam ko, umiiyak siya.

Napaiyak na rin ako. Sobrang touched ako sa sinabi niya. Naalala ko rin kasi ang lahat na hirap na dinanas ko sa kamay ni Sophia. May mga panahon na gusto ko nang gumive up ngunit dahil sa pagmamahal ko kay James kung kaya ay pilit ko pa rin siyang ipinaglaban.

“S-sana tay ay matanggap po ninyo siya. Mahal na mahal ko po si Jassim tay…”

At nakita ko na lang na hinablot ng kanyang itay ang buhok ni James at, “Ang sagwa! Ang laki-laki mo na, nag-iiyak ka pa!” Hindi ko alam kung biro iyon o talagang galit.

Tiningnan ni James ang kanyang ama. Kahit nakatagilid lang siya, pansin ko sa kanyang mukha ang pagkagulat.

“O sya… tanggap ko na. Huwag kang magdrama, ang sagwang tingnan.” Dugtong ng kanyang itay sabay bitiw ng ngiti para kay James.

At doon na niyakap ni James ang ama. “S-salamat tay!!!”

Nagyakapan ang mag-ama.

Nasa ganoon sila kasayang pagyayakapan nang nilingon ni James ang bintana kung saan ako nakatingin sa kanila. Nginitian ako ni James.

Lumingon na rin ang itay ni James sa akin at nang nakita niya akong nakatingin sa kanila, ngumiti siya at kumaway. “Halika rito Jassim. Sabayan mo kami.”

Kaya dali-dali akong bumaba, tuwang-tuwa sa aking nasaksihan. At nang nasa baba na ako. Tumabi ako kay James. Niyakap ako ni James sa harap ng kanyang itay at hinalikan sa pisngi.

Sobrang saya ko sa pagkakataong iyon. Imagine, sa harap ng itay ng aking katipan ay niyayakap niya ako, hinahalik-halikan.

“O… sandali at kukuha lang ako ng maiinum pa natin.” Sambit ng itay niya.

At pumasok uli siya ng bahay. At nang lumabas ay dala-dala na ang isang galon na inumin. At hindi lang iyon ang dala niya, hawak-hawak din niya sa bisig ang inay ni James.

“Ano ba, matutulog na ako!” ang narinig kong pagmamaktol ng inay ni James. At nang nakita niya kami ni James na naroon, bigla siyang natahimik.

“Mag-celebrate tayo…” ang sambit ng itay ni James.

“Nang alin?”

“Hetong dalawa!” sabay turo sa amin.

Tila nalito ang ina ni James, “Akala ko ba ay hindi mo sila tanggap?”

“Eh… ano bang magagawa ko? Nag-iiyak itong anak natin eh. Ang sagwang tingnan ng pota!”

Tumawa lang si James.

“Hindi iiyak iyan kung hindi malalim ang naramdaman. Hindi basta-bastang umiiyak iyang si James. Kahit noon pa, hindi ko nakitang umiyak iyang anak natin.”

“Kaya nga… hindi ko matiis tingnan itong tarantadong ito na ganyang nang-iiyak. Ambigat sa kalooban ko. Hindi ko kaya. Ang sagwa!” sabay tawa nang malakas.

Tawanan kaming lahat.

“Salamat po tay, nay…”

Inakbayan ng itay niya si James. “Basta… ituloy mo lang ang kabaitan mo anak. Kahit ano man ang gagawin mong disisyon sa buhay, hindi malayong magtagumpay ka kapag nasa panig mo ang kabutihan.”

“Salamat po ‘tay…”

“At ikaw naman Jassim, mahalin mo itong si James… mahal na mahal namin ito.”

Napangiti naman si James at nilingon ako.

“Opo itay. Mas lalo ko po siyang mamahalin ngayon na tanggap po ninyo an gaming relasyon.”

At iyon, nag-inuman kami, kuwentuhan. Iyon na siguro ang isa sa pinakamasayang pagkakataon sa aking buhay.

Kinabukasan, nagbukas ng bank account si James para sa kanyang mga magulang. Dahil marami-rami rin ang pera niyang dala galing sa inipon niya sa lihim na kuwarto ng kanyang bahay, idiniposito niya ang malaki-laki ring halaga. Masayang-masaya ang mga magulang ni James.

Lumipas ang isang linggo at natapos rin ang aming dalaw. Bago kami lumisan, pinaalalahanan pa kami ng mga magulang ni James na palaging magpakabait, huwag makalimot sa taas.

Dumaan muna kami kay John. Naki-libing kami kay Sophia.

Pagkatapos ng libing, nag-usap ang kambal sa mga plano nila para sa kanilang mga magulang. Napag-alaman din namin na nakapagpiyansa si John.

Bumalik kami ni John sa bukid. Si James, sa bodega sa burol. Napagdisisyonan niyang bumalik sa pagka-security guard. Natanggap naman siya ng may-ari ng bodega. Nagkataon din kasing nagresign ang guwardiyang naka-assign doon dahil malayo raw sa kanyang pamilya.

Nag-apply rin ako ng trabaho sa mismong mother company na nagmamay-ari sa mismong bodegang binabantayan ni James. At natanggap naman ako bilang isang staff. Bagamat nasa lungsod ang puwesto ko, nadadalaw ko si James kapag nasa field ako at nagsasagawa ng inspection sa mga bodega ng kumpanya. At kapag may time si James, dinadalaw niya ako sa aking inuupahang kuwarto sa lungsod. Mas mabuti na rin ang ganon dahil sa bahay, pinalayas na ako ng aking itay. Hindi ko na lang din siya pinatulan. Ang sabi ng inay, intindihin ko na lang daw muna ang itay. Iyan din ang payo sa akin ni James. Hayaan ko lang daw muna ang itay. Intindihin sa kanyang naramdaman.

Ganoon ang aming setup ni James. Sa inuupahang kuwarto sa lungsod ako umuuwi samantalang siya, sa burol.

Isang araw, biglang napadayo si John, kasama si Ricky. Malungkot ang mukha ni John. Halatang may dinadalang sama ng loob. “Kuya... m-may problema ako.”

“H-ha??? Ano???”

“Sabi ng mga abugado ni Sophia, hindi raw pala ako ang legal na tagapagmana sa mga ari-arian...”

(Itutuloy)



FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails