Followers

Saturday, June 1, 2013

Ang Lalaki Sa Burol [21: Last Part]


By: Mikejuha

Author’s Note:

Gusto kolamang pong ipost muli ang aming kailangang leading roles sa gagawin naming indie:

MSOB will produce a low-budget M2M “Indie Film” and we arelooking for lead actors (we will need two) who are willing to be a part of theteam.

We plan to have them screened by June, 2013. Maytalent fee po ang dalawang mapipiling talents na ito. But we want them to be100% committed sa project.

Heto po ang mga qualifications:

1) Age: 18 – 28 years old
2) Height: 5’8 and above
3) Body: Well-built, though not necessarily muscular
4) With strong appeal
5) Experience: Not necessary basta committed, may potential, and willing to learn and give his best
6) Willing to go as far as torrid M2M kissing (no frontal nudity)
7) Straight acting. Lalaking-lalaki sa kilos.
8) Available kahit for one week shooting sa probinsya.

Para po sa mga interesado, please send me your pic and bio-data by -

1) PM in my fb, "Michael Juha" or
2) Email me at getmybox@hotmail.com (lagyan ng title na "Volunteer" ang message kasi baka sa junk mapasok)

We need din po ng mga interesadong mag invest. Ang aking napagdisisyonan po ay gagawin na lang talaga itong full indi/digital movie. At ang usapan naming mga volunteers (at sponsors) ay kapag nagclick ang pelikula, we will share the profit based on our contribution.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

----------------------------------------

“Hah??? P-paanong nangyari???”  ang gulat na sagot ni James.

“M-may nasilip sila sa mga papeles ng tunay na tagapagmana ni Sophia.”

“S-sino???”

“I-ikaw kuya…”

“B-bakit ako?”

“Di ba nang ikinasal kami, nagkunyari akong ikaw. At pangalan mo ang nakalagay sa marriage certificate. Kaya ikaw ang legal na tagapagmana ng lahat na mga ari-arian ni Sophia.”

Mistulang natulala si James sa kanyang narinig.

“Ikaw ang mayaman kuya, hindi ako…”

Tinitigan ni James ang kambal. “Dala-dala mo ba ang mga papeles na nagpapatunay na ako nga ang tagapagmana?” ang tanong niya.

“Opo…” sagot ni John sabay bukas sa kanyang bag at noong nabuksan na, hinugot ang mga envelopes at inabot kay James.

Tinanggap naman ni James ang mga dokumento. “So… ano ngayon ang plano mo ngayon?”

“Wala… mag apply sa iyo ng trabaho.” Sabay bitiw ng hilaw na ngiti.

“O e di kung ganoon, patuloy ka lang sa pagtatrabaho mo sa restaurant. Bibigyan kita ng appointment letter.”

“Talaga kuya?” ang sambit ni John.

“Oo. At ikaw na rin ang prisidente at CEO ng kumpanya.”

Habang nag-uusap ang kambal, si Ricky naman ay panay ang biro sa akin. Kinilig ba sa kalagayan namin ni James na kahit papaano ay talagang pinanindigan ako ni James. Marami-rami rin kaming napag-usapan ni Ricky. Inapppoint kasi siya ni John na isa sa mga managers sa restaurant. At masayang-masaya na rin si Ricky sa kalagayan niya. Imagine, tumaas ang ranggo niya. “Pero mas maswerte ka pa rin igan. Kasi may mabait at guwapo ka ng jowa, magiging first lady ka pa ng MCJ restaurant!” sabay tawa.

“Woi… sobra ka naman. Walang interest si James d’yan! Ayaw nga niyang may responsibility pa siya sa mga bagay-bagay na pag-aari ni Sophia. Mas masaya siya sa pagiging security guard. Gusto niya ay ang simpleng buhay lamang sa bukid.”

“Oo nga. Sobrang bait talaga ng jowa mo. Sobrang mapagkumbaba. Pinagpala ka talaga igan!”

“Ikaw rin naman eh. Maswerte ka rin. Tingnan mo, manager ka na!”

Napangiti naman si Ricky. “Oo nga! Hindi ko akalalin. Marami na akong pandatung sa mga boys ngayon! Sila na ang maghahabol sa byuti ko!” sabay tawa. “Dahil ito sa iyo itong lahat, igan…” ang seryoso rin niyang dugtong.

“Dahil magaling ka at mabait na kaibigan!”

“Syempre naman! Ambait mo kaya…”

“Sige na nagbobolahan na tayo eh!” ang pag cut ko sa usapan.

“Tol… pupunta tayo sa bayan, magpagawa ako ng letter of appointment para sa kambal ko upang magiging legal ang lahat nang pagtatrabaho niya sa mga restaurant chains ko.” Ang sambit sa akin ni James na ngumiti at kinindatan pa ako. Parang nakakaloko ang ngiti at kindat niyang iyon. Hindi ko lang alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

Nagpunta kami sa bayan. At nang nakahanap kami ng isang notary public, pumasok kami. Si James lang ang pumasok, dala-dala ang mga dokumento. Ngunit maya-maya lang ay pinatawag na kaming lahat sa loob.

“Pirmahan ninyo ito, ito at ito as witnesses” ang sabi ng abugado sa amin ni Ricky. At baling kay John, “Ikaw ba si John?” ang tanong niya.

“Opo…”

“Dito ka naman dapat pumirma.”

Dali-dali kaming pumirma ni Ricky. At nang matapos na kaming pumirmang lahat, nagtanong si John. “D-di ba dapat appointment lang? Hindi naman kailangan ang mga witness at notary sa letter of appointment?”

“Hindi appointment ito, John. Ito ay certificate of transfer. Nagpapatunay ito na ikaw na ang may ari ng lahat ng mga properties na na-inherit ng iyong kambal.” Turo niya kay James.

Napatitig si John sa kuya niya. Iyong titig na nabigla at hindi makapaniwala.

“Ano???” ang tanogn ni James.

“Hindi mo naman kailangang gawin ito kuya eh…” sagot ni John.

“Hayaan mo na. Gusto kong ang lahat ng mga pangarap mo sa buahy ay makamit mo at matupad.”

At niyakap ni John ang kanyang kambal. Napaiyak siya. “Ngayon ko napatunayang napakabait mo talaga kuya…”

“O huwag nang magdrama. Ang sagwa! Kapag nakita ka ng itay na umiiyak sasambunutan ka noon kagaya ng ginawa niya sa akin.” sabay tawa.

Tawanan na rin kami. Pati ako ay na-antig din ang damdamin. Ni wala man lang pag-aalangan si James na ibigay ang ganoon kalaking kayamanan sa kanyang kapatid. Kung ibang tao pa iyon, siguradong hinid na niya pakawalan pa ito. Doon ko na rin napagtanto kung bakit ganoon ang ngiti at pagkindat ni James sa akin bago kami nagpunta ng baying. Iyon pala ang gagawin niya.

“P-paano na lang ikaw? Magsi-security guard ka na lang ba talaga habambuhay?” ang tanong ni John nang nasa loob na kami sa kotse ni John at hinatid na niya pauwi sa aking inuupahang kuwarto.

“Tol… hindi porket security guard lang ay trabaho ay hindi na siya maligaya. Hindi lahat ng kaligayahan sa buhay ay nakatali sa ganda ng trabaho, o sa dami ng pera. Minsan nga, ang pera o karangyaan pa ang nagiging dahilan upang mas lumaki pa ang problema ng tao. Tingan mo ang mga simpleng tao, masaya na sila sa mga simpleng bagay. Tingnan mo ang mga problema nila, simple lang din. Iyan ang gusto kong buhay. Gusto ko para sa amin ni Jassim. Sa burol… masaya na ako. Malamig ang simoy ng hangin, maraming kahoy, may maliit na ilog. Ito ang gusto kong balik-balikan, ang lugar na ito – kung saan kami nagsimula ni Jassim.”

“Sabagay… suwerte ka rin ay Jassim dahil mabait na matalino pa.”

“Mas maswerte ako kay James. Hindi na ako makakahanap pa ng taong kasing bait niya.” Ang pagsingit ko.

“Oo… mabait ang kuya. At pareho kayong mababait.”

“At bubuhayin ako niyan tol.” Sagot ni James.

Tawanan.

“Para na talaga kayong mag-asawa kuya.” ang biglang pagsingit ni John sa issue.

Napatingin sa akin si James. “Actually, mag-asawa naman kami eh. Wala pa lang kasal.” Sagot ni James sabay tawa.

“Oo nga pala no? wala palang same-sex na kasal sa Pinas.”

“Magkaroon din iyan…” ang pagsingit naman ni Ricky.

Bumalik sina John at Ricky sa siyudad na masayang-masaya. At ako, sobrang humanga sa ipinakitang kabaitan ni James. Parang hindi na siya nauubusan ng kabaitan. Parang wala siyang kapaguran sa pagbibigay para sa iba.

“Alam mo Yak… sobrang proud ako sa iyo. Grabeh. Ganyan ka ba talaga kabait?”

“Hindi, salbahe ako!” sagot niya sabay lock ng kanyang braso sa aking leeg at hinila ako patungo sa aking kama.”

“Arrgggg! Salbahe!”

“Salbahe pala. Sige i-rape na kita!”

At nagsambuno na lang kami. At nang mapagod, nakahiga kaming magkatabi sa kama, parehong nakatihaya, tawanan, habol-habol ang paghinga.

Tahimik.

“I love you…” bulong niya

“I love you too” bulong ko rin.

At iyon, nagyakapan kami, naglapat ang mga labi at natahimik ang buong kuwarto. Hanggang sa nabalot na ito ng aming mga ungol…

Lumipas muli ang isang linggo. Bumisita na naman sina John at Ricky. At dahil linggo iyon, araw ng bisita ni James sa akin, naroon din si James.

“Kuya… may magandang balita ako sa iyo.”

“Ano?”

“Nadalaw ko na ang mga magulang natin at ang saya-saya namin!”

“Talaga tol? Anong sabi nila tungkol sa plano mo?”

“Masaya sila kuya. Hindi nila akalain na nagbago na ako. At nagpasalamat din sila sa iyo kuya.”

“Para saan?”

“Sinabi ko kasi sa kanila na ikaw ang tunay na may-ari ng mga negosyo, at ibininigay mo sa akin ang lahat. Tuwang-tuwa sila sa iyo. Di ko tuloy maiwasan na magselos muli. Palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw.” Ang birogn sabi ni John.

“E kasalanan mo. Sinabi mo pa kasi!” ang biro ring sagot ni James.

Tawanan.

“Pero tingnan mo naman, nang dahil sa mga plano mo, maging maganda na ang kanilang buhay…” dugtong ni James.

“At may isang plano kaming nabuo kuya.”

“Ano?”

“Dadalhin ko sila sa Baguio upang i-tour. At doon tayo mag-bonding. Isama mo raw si Jassim.”

“Talaga? Good idea!”

“Kaya nga kuya, di ba? Sa buong buhay nila ay puro kahirapan na lang ang kanilang natatamasa. Habang buhay pa sila, malakas pa, gusto kong ipalasap sa kanila ang kahit papaano, ang buhay na kumportable, ang makarating sa ibang lugar, ang maging masaya.”

Mistulang may tumusok naman sa aking puso. Parang inggit ba. Naisip ko rin kasi ang aking mga magulang na sa tanang buhay ay puro mabibigat na trabaho na lang ang inaasikaso at ni hindi man lang naranasan ang magpunta sa ibang lugar upang magpahinga, mag-enjoy sa buhay, namnamin ang ganda ng pagkakataon na wala silang iniisip ng mga problema. Pero isiniksik ko na lang sa aking isip na isang araw ay matupad ko rin ang mga pangarap kong iyan para sa kanila.

“I love it! Kailan tol?” ang sagot ni James.

“Sa sunod na linggo kuya. Kaya maghanda ka na, kayo ni Jassim at pupunta tayo.”

“Ay ambilis naman. Wala pa akong karilyebo sa duty ko… Nasa bakasyon pa ang isa naming guwardya. Baka hindi ako papayagan.” Sambit ni James.

“A-ako rin, bago pa lang ako sa work ko. B-baka hindi rin ako papayagan.” Ang pagsingint ko.

“Ako ang bahala kuya at Jassim. Papayag ang mga amo ninyo kapag ako na ang kumausap sa kanila. Malakas yata ito!” ang biro ni John

“Weee? Di nga?” ang biro rin na sagot ni James.

“Manalig ka lang kuya. Manalig ka…” sagot uli ni John sabay tawa.

“Ok… pilitin kong magpaalam. Tignan natin…”

“Ngayong naniwala ka na, payag na iyon. Natupad na ang lahat.”

Tawanan.

Kinabukasan nga, nagpaalam agad ako sa aking amo kung puwede ba akong mag-absent nang 5 araw. Nagdalawang isip man, nilakasan ko na lang ang aking loob. Ang naririnig ko kasing experience sa mga dating baguhan ay mahigpit daw ang kumpanya namin sa mga absences, lalo na kapag bago. Ngunit dahil gusto ko talagang makasama si James, nagpaalam pa rin ako. At laking tuwa ko nang pinayagan ako ng aking amo! At parang masaya pa siya, ang laki kaya ng ngiti. Biniro tuloy ako ng mga kasamahan sa trabaho na ang lakas ko raw. “Siguro, jowa ka ng may-ari…” biro naman ng isa. Ang may-ari kasi ng koprahan ay isang biyuda.

Nang tinext ko si James, napag-alaman kong pinayagan din daw siya. Nagtaka nga rin daw si James kasi sobrang higpit daw ng kanyang supervisor pagdating sa mga leave, lalo na wala siyang reliever. Pero hindi na siya nagtanong pa. Ang mahalaga raw sa kanya ay pinayagan siya. Tuwang-tuwa kami. Para bang sindya ng pagkakataon na payagan kami.

At natuloy ang balak naming magpunta ng Baguio. Hindi kami nagsabay sa pagpunta. Nauna sina John at mga magulang ni James.

Nakarating naman kami sa Baguio. At sinalubong kami ni John at mga magulang ni James. Sobrang naappreciate ko talaga ang ganda ng lugar. Malamig ang simoy ng hangin, maganda ang kapaligiran. At ang aming hotel, five star.

“Bukas ay magsimba tayo sa pang-alas 9 na misa.” Ang sambit ni John.

Tila gusto kong matawa sa narinig. Kasi naman, ang dating barumabdong si John ay siya pa ang nagyaya sa amin na magsimba.

Ngunit doon na talaga ako natawa nang nagbiro na si James. “Magsimba tayo tol? Baka malusaw ka sa loob ng simbahan!”

“Kuya naman… dati, demonyo ako pero ngayon, anghel na ito ha?”

Tawanan.

At sa araw na iyon sobrang saya namin. Kung saan-saan kami namasyal at pagkatapos ay kumain sa isang sikat din na kainan sa lugar.

Mag-aalas otso na ng umaga nang gisingin kami ni John. “Kuya… gising na kayo at magbihis na upang magsimba!”

“Oo na! Gigising na kami. OA naman nito, an gaga-aga pa eh. Ang layo pa kaya ng alas 9.” Ang pagmamaktol ni James.

“Papasok ako kuya.”

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si John na nakapostura na, suot ang putting long sleeves at slacks at dala-dala naman niya ang dalawang pares na ternong tuxedo at itim na mga sapatos. “Good morning Jassim!” ang pagbati niya sa akin.

“Good morning John!”

Pinapasok ko na lang siya. Hindi na ako nagtanong kung para kanino ang mga dala niynag iyon. Inisip ko na lang na baka sa kanilang dalawa ni James iyon. Terno kasi, at kambal pa sila.

“Huwahhh! Kanino iyan?” ang tanong ni James.

“Para sa inyo ni Jassim!”

Napa “Huh!” naman ako. “Bakit kailangan pa namin iyan?”

“Sa hotel na ito, may promotion sila at pipili sa kanilang mga guests na gay couple upang bibigyan nila ng tinatawag nilang special couple award. At nang nakita kayo sa kanilang camera na nag-check in, nag-holding hands pa, kung kaya ay kayo ang napili. Advocate kasi sa LGBT awareness ang German na may-ari ng hotel kung kaya ay may ganitong promo sila sa lahat ng kanilang hotels worldwide.”

“G-ganoon ba? Pero bakit kailangang magbihis ng ganito?”

“Darating kasi ang German na may ari nitong hotel at may mga dignitaries pa na mag-aattend.”

“As in ngayon na talaga kami magbihis? Magsisimba pa tayo, di ba?”

“9:30 ang awarding. Wala nang time. Nakakahiya kung kayo na lang ang hihintayin. Kaya pagkagaling natin sa simbahan ay diretso na tayo sa function room.” Ang sabi ni John na siningitan pa ng tig-iisang puting rosas ang aming mga kanang bulsa sa dibdib.

So wala kaming nagawa kundi ang maligo nang mabilisan at agad isinuot ko ang para sa akin.

Nanibago ako sa aking postura. Ngunit nang tiningnan ko si James sa kanyang ayos, lalo akong nabighani sa kanyang porma. Napakaguwapo niya sa kanyang suot.

At nang nagharap na kami, hindi na rin niya napigilan ang sariling kargahin ako sa kanyang mga bisig at ipinaikot-ikot. Ang guwapo-guwapo ng manyak ng buhay kooooo!!!” halatang nanggigigil.

Tawa nang tawa lang si John. “Tara na late na tayo!” ang sambit niyang nagmamadaling tinumbok ang pintuan ng kuwarto namin.

Dali-dali kaming nagtatakbo palabas ng hotel. May service palang inarkila si John para sa amin. Isang mamahaling puting van. Sumakay kaming tatlo. Nauna na raw pala ang mga magulang ni James.

Dali-daling pinaandar ng driver ang van. Wala pang 15 minutos ay nakarating kami sa mismong simbahan, at ang oras sa aking relo ay 9:05 na.

Kaming dalawa ni James ang naunang bumaba ng van. Inaninag ko muna ang tanawin ng simbahan at ang paligid nito. Hindi siya kalakihan, ngunit maganda ang pagkagawa at ang architecture na makikita sa labas.

Nang nasa bungad na kami ng entrance, nasisilip ko ang maraming nagsigandahang bulaklak, mga ribbons at palamuti sa loob. May mga taong nakaupo na at sa harap ng altar ay naroon na ang pastor at handa nang magsimula sa kanyang misa.

Nang nagsimula na kaming maglakad sac enter-aisle papasok patungo sa loob, nagtinginan ang mga tao sa amin ni James. At laking gulat ko nang tumugtog naman ang himig ng tugtog na martsa.

Bigla akong napalingon sa aming likuran. Ngunit kaming dalawa lang ni James ang nasa gitna ng aisle na iyon habang tinitingnan ng mga tao sa loob. Nasa gilid na daanan pala dumaan si John.

Lilihis n asana kami ni James ng daan upang bigyang daan ang kung sino man ang ikakasal. Dahil sa martsa. Doon lang sumagi sa isip ko na may ikakasal pala siguro kung kaya maraming dekorasyon ang loob ng simbahan at doon pa kami dumaan sa dadaanan niya.

Ngunit minuwestrahan kami ni John na mag stay put at itinuro pa ang may kisame sa harap ng altar kung saan naman lumantad ang isang streamer na may nakasulat: James and “Jassim Nuptial”

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni James sa nabasa. Ako man ay gulat na gulat at nanlaki ang mga mata, ang isip ay nagtanong, “Kasal ba talaga namin???”

Nang tiningnan naming muli si John, minuwestrahan niya uli kami na ituloy lang ang pagmartsa at turo sa pari na naghintay.

Tawa na lang nang tawa si James sa kanyang sarili, idinampi pa ang kanyang palas sa kanyang ulo at pagkatapos, game na game na inangat ang kanyang braso upang ako ay mag-abresyete sa kanya.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ako man ay nalito rin na natawa na na-excite.

At nang inikot ko ang aking paningin sa mga taong nasa loob ng simbahan, doon ko nakita ang maraming taga MCJ Restobar ang naroon at may iilan ding kaibigan namin ni Ricky. At si Ricky, nasa harap ng altar nakaupo at kumaway-kaway pa sa akin.

Wala na kaming nagawa kundi ang ituloy ang pagmartsa. Nang nasa harap na kami ng altar, umupo kami sa dalawang upuang nasa harap ng pastor.

At maya-maya lang, tumayo si Ricky at kinanta ang –


I thought sometime alone, was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn’t see that
I thought it was the end of a beautiful story
And so I left the one I love at home, to be alone, alone...
And I tried and found out this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now
And I’ve had a change of heart.

Refrain:
I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.

And then I met someone and thought she could replace you
We got along just fine but wasted time because she was not you
We had a lot of fun, though we knew we were faking
Love was not impressed with our connection built on lies, on lies
So I’m here ‘cause I found this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now.
And I’ve had a change of heart.

I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart, who holds my heart.

I can’t blame you if you turned away from me like I’ve done you
I can only prove the things I say with time
Please be mine, please be mine

I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.

Refrain...

Hindi ko namalayang tumulo na ang aking luha sa pagkarinig ko sa mga kataga ng kanta. Sobrang galing kasi ang pagkanta ni Ricky. Iyon bang ang bawat kataga ng liriko ng kanta ay tatagos talaga sa iyong puso. At naalala ko ang unang pagkanta sa akin ni James noon at nang sinabi niya na kahit sa hirap, mas gusto niyang kasama ako kaysa nasa kumportable siyang pamumuhay ngunit sa piling naman ng ibang tao. Naisip ko rin ang lahat nang mga pinagdaanan naming hirap, at ang hirap na aking dinanas upang masagip lamang siya sa mga kamay ni Sophia at upang hindi mawasak ang aming pagmamahalan. At ang pagkakataong iyon ay ang tila rurok na ng tagumpay; ang kumpirmasyon na aking-akin na si James; na kaming dalawa ay isang-dibdib na lamang at hindi na maaaring maghihiwalay pa.

Sobrang saya ang aking naramdaman. Nilingon ko si Ricky habang kumakanta siya. At mas lalo pang nadagdagan ang aking saya nang habang kumakanta siya, tinuro niya ang pintuan ng simbahan. Nilingon ko ito. At nakita ko ang aking itay at inay na pumasok.

At sa puntong iyon, hindi ako nakatiis at tumayo ako at sumigaw, “Tay!!! Nay!!!” habang sinalubong ko sila na kasalukuyang nasa center-aisle na. Humagulgol ako habang mahigpit kong niyayakap ang aking itay. Mistula akong isang maliit na bata na walang pakialam sa aking paligid kung may mga taong nakakita. Naghihikbi ako at nagpapasalamat sa kanya. “Huwag ka nang umiyak. Naghihintay ang pari o... Basta mahal kita anak at kung ito man ang iyong kagustuhan, wala akong magagawa kundi an gsuportahan ka.” Ang sambit ng itay.

Hanggang sa tumayo na rin si James at lumapit sa amin. Nagmano siya kay itay at pagkatapos, niyakap naman siya ng itay. “Alagaan mo si Jassim, James...” ang bulong niya kay James na sinagot naman ni James ng, “Opo tay...” Nagmano rin siya kay inay.

Pinunasan naman ni James ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanyang panyo. “Tara na Yak... magsimula na tayo...” ang bulong niya sa akin.

Bumalik kami sa altar at nagsimula ang seremonya. Hanggang sa dumating ang bahagi kung saan namin sinambit ang salitang “I do” sa isa’t isa atsaka isinukbit sa aming mga kamay ang singsing na nagpapatunay na nariyan kami para sa isa’t-isa – for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, ‘til death do us part.

At sa puntong iyon, kinanta naman ni Ricky ang kantang paboritong kantahin ni James sa akin –


You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

The world will turn, and the seasons will change,
And all the lesson we will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.

And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.

When there are lines upon my face from a lifetime of smiles,
When the time comes to embrace for one long last while,
We can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll Walways be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.

And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.
The passing years will show that
You will always grow ever more beautiful in my eyes

Tila walang humpay naman ang pagpatak ng aking mga luha sa sobrang kasiyahan.

Natapos ang kasal at dumeretso kami sa hotel. Pumunta rin ang mga dating kasamahan naming sa MCJ restobar at mga kaibigan namin sa school na sadya palang inimbita nina John at Ricky libre pamasahe. Doon ko nalaman na ang lahat ay plano plano pala nina John at Ricky. At pati ang pagkumbinsi sa mga magulang ko ay bahagi rin pala ng kanilang plano.

Sa kainan, ang iingay at ang kukulit ng mga kaibigan namin. Syempre, kahit papaano, may pinagsamahan kami, lalo na sa pakikipaglaban namin sa pagka-tyrant ni Sophia. Kaya sobrang close din namin ang mga bisitang iyon.

“Ba’t pala kayo na-late sa pagdating sa simbahan tay, nay?” ang tanong ni John sa aking mga magulang. Itay at inay na rin kasi ang tawag niya sa mga magulang ko, dahil kambal naman daw sila ni John.

“Eh... iyong ibinigay sa amin na guide, hindi rin pala kabisado ang lugar. Nakikipag-away pa sa taxi driver!”

Tawanan.

“Kuya... heto ang regalo ko sa iyo” ang sambit ni John nang nagbukasan na ng mga regalo.

“Ok.. ano kaya ito, mukhang malaman” ang sarcastic na biro ni James sa kambal. Paano, malaking envelope lang ang kanyang regalo.

“Malaman talaga iyan kuya...”

Pero ako naman ay naghinala. Naalala ko kasi ang pagbigay niya sa mga ari-arian niya kay John. Di ko tuloy maiwasan nab aka ibinalik ito ni John sa kanya.

“Ok, tingnan natin.” Sagot ni James sabay bukas sa envelope.

Kitang-kita ko sa aking mga mata ang pagkagulat ni James na napatingin sa kanyang kapatid, nakangiti. “Niresbakan mo ako ha?”

Tiningnan ko ang laman ng mga dokumento. At ang nabasa ko ay isang ownership certificate ng isang kumpanya “Michael’s International Trading”.

Napatingin na rin ako kay John. “I-ito iyong kumpanya naming ni James di ba?”


“Oo...  binili ko para sa inyo.”

“K-kailan mo pa ito nabili?”

“Noong nagpunta ako sa inyo at inimbita kayo...”

“Ampota! Kaya pala walang kahirap-hirap ang pagpapaalam namin! Alam na ba nila roon?”

Nakangiting tumango lang si John.

“Tado ka! Naisahan mo kami ah!”

Tawanan.

Nagsama na kami ngayon ni James sa aming lugar, kasama ang aking mga magulang. An gaming bahay na dati ay isang kubo lamang ay ipinakongkreto na ni James, dalawang palapag. Kumpleto na sa gamit. Ang itay ko naman ay ang siyang namamahala ngayon sa mga tauhan naming sa bodega habang ang inay ay nanatiling housewife. Ako na rin ang general manager at president ng aming negosyo.

At si James, bagamat siya ang may-ari ng pinakamalaking exporter ng kopra at abaka sa aming rehiyon, ay nanatili pa ring isang security guard... sa bodega sa may burol. Ang sabi niya palagi sa akin. “Masaya na ako sa ganitong trabaho. Gusto kong sa araw-araw ay naaalala mo ako; bumabalik-balik sa isip mo na dahil sa trabaho kong ito ay nag-krus ang ating mga landas. Ayaw kong sa ating pagsasama, ni kahit katiting na sandali ay mawaglit sa isip mo – ang lalaki sa burol...”


Wakas

48 comments:

  1. Very nice ending! I love it! Philip Zamora

    ReplyDelete
  2. Wahhh love it so mcuh naiyak tuloi aq s mga songs n d2..huhuhuhu..

    Aqua_17

    ReplyDelete
  3. Thanks mike...ganda at happy ending!

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. ot really pays to wait...... sulif ang pagsubaybay ko sa Lalaki sa Burol....

    ReplyDelete
  5. hoooong ganda kuya mike haha. mamimiss ko si yak :( haha

    ReplyDelete
  6. graveh naiyak ako 2 millions thumbr up for you kuya mike the best ka talaga


    --arthur--

    ReplyDelete
  7. Thank you Sir Mike :) Mamiss ko sila yak :'( Ang ganda ng ending :) More power sir :)

    ReplyDelete
  8. wow nice nman ang gawa mo sir idol kuya mike from mhar

    ReplyDelete
  9. THE BEST LOVE STORY I'VE READ SO FAR.WALANG HALONG KAIPORITAHAN.

    ReplyDelete
  10. thank you sir mike, napakaganda ng ending , tatlong beses na binalikbalikan ang Chapter 21, lumuluha, tatawa at ang ganda rin ng choice of songs,Id rather and Beautiful in your eyes, IKAW NA MICHAEL JUHA, THE gODFATHER OF ALL AUTHORS!!!I think this is your indie film kuya , C O N G R A T U L A T I O N S........sANA ITO ang unang indie film mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa naman lolo si Tito Mike :) Bagets na bagets pa siya :)

      Delete
  11. isa kanang ICON KUYA MIKE ANG GALING MO TALAGA, Sana matupad ang iyong mga pangarap yong unang INDIE FILM MO!!!!!!!!!!GOD BLESS YOU ALWAYS BECAUSE YOU SHARE YOUR TALENTS IN SOME BUDDING or nagsisimula palang magsulat

    ReplyDelete
  12. hai kakakiliG ung kasalan nla. tnx sir
    mike s napakagandang hapPy ending
    ng buhay pagibig nina jassim at
    james. 4 thumbs up! kasama ung
    sa paa ko.haha

    ReplyDelete
  13. hai kakakiliG ung kasalan nla. tnx sir
    mike s napakagandang hapPy ending
    ng buhay pagibig nina jassim at
    james. 4 thumbs up! kasama ung
    sa paa ko.haha

    ReplyDelete
  14. CONGRATZ! ANOTHER EXCELLENT STORY IS DONE MIKE!

    ReplyDelete
  15. ay saya saya sana ganito din ang love story ko...sana matagpuan ko ang tunay na magmamahal.....salamat kuya ponse at kuya mike nice story talaga.....

    ReplyDelete
  16. it's worth the wait.........galing....

    ReplyDelete
  17. very NICE story with a good ending. However the last chapter looks like it was RUSHED, everything was settled in just less than a week (correct me from wrong). hayssss, that what money can do. i will read it again. KUDOS TO YOU KUYA MIKE!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  18. what an exellent emotion filled with love ending, eto, tulo luha ko, especially dun sa altar scene, nung ituro ni ricky ang itay at inay ni jassim! grabeh, ang saya sa pakiramdam, sir mike! congrats, may your tribe increase! Wilson

    ReplyDelete
  19. thanks for the wonderful story author...
    teary eye wyl reading the wedding scene!
    sana my mga gnyang pngyayari sa true life



    RYAN :-)

    ReplyDelete
  20. yun na!.. huhuhu nag end na xia... so much love the story... kudos kuya Mike! ngayon lang ako nag Comment ever!!!! hahahaha

    ReplyDelete
  21. Natapos ko rin... Ang ganda po ng ending kuya mike
    Sana po my update na rin ang munting lihim :-)

    ReplyDelete
  22. ang ganda ng story, ang ganda ng lesson sa buhay

    josepd of tondo

    ReplyDelete
  23. wow very heart warming ending sir mike. have agreat day and keep it up

    ReplyDelete
  24. Super ganda ng ending .

    Sana maisalibro ulit ito kahit nabasa na kukuha pa rin ako ng copy

    Two thumbs up.

    Hi sir mike

    - arvin s. a. -

    ReplyDelete
  25. Grabe after 3 days nabasa ko din ito from the start till the end.. at super nakakatuwa at nakaka Good Vibes.. :] Happy ang galing tlga ni Mr. Author God Bless po.. :]

    -denmark

    ReplyDelete
  26. NAMPOTA NMN EW!...SPEECHLESS,AKO SA GANDA NG ISTORYA....NAANTIG NG HUSTO ANG DAMDAMIN JO AT NAPAHANGA AKO NG MAY AKDA GRABEH!!!!;;!.
    SALAMAT AT SA TINAGAL TAGAL KO NG PAGHAHANAP NITO PARA MATAPOS BASAHIN...NATAPOS DIN AT SOBRA PA SA SATISFIED AKO NG MABASA...

    ReplyDelete
  27. woooooow.... grbe to ang saya ng ending... sana merong taong gumanito rin sakin woooooooooooow charrrrrrrrrrrrrot........jejjeejeejej ......nakakilig,,,,




    -jhomzcute

    ReplyDelete
  28. Congrats!! 2 THUMBS UP!!

    Degz-

    ReplyDelete
  29. super ganda po ng istorya. kaso po may ilang eksena n diko mapaniwalaan hehe. tulad s korte. itinuro lang na mastermind e poposasan na agad ng pulis. e dinidinig p nmn ang kaso.

    dong

    ReplyDelete
  30. Nice Story... Galing mo tlga author ^_^

    ReplyDelete
  31. After a long time nabasa at natapos ko din ang Lalaki Sa Burol and again after reading your work kuya mike i do feel sad not because i feel bad or anything but sad that another story ends.
    It is true that EVERY STORY MUST COME TO AN END...
    But still the memories of each story will stay with our hearts and mind ^_^
    First AKKCNB next SUAACK then palitan ng puso and now this story...
    Each story are wonderful and your greatest ability is to teach about love that doesn't label anything...just LOVE that knows no boundaries...

    This bitter-sweet story will always stay in my heart kuya mike salamat and again patuloy akong magbabasa ng mga likha mo at sana di ka magsawa dahil madami kang natutulungan. :-)
    Salamat kuya Mike
    Paalam na James at Jassim.

    ReplyDelete
  32. Wow i love this story especially the ending part,although the love of jassim and james were so devastated by differrent events,still the love they felt each other that come to a happy ending..this story touch me,no matter what gender you if you love the person you will do anything to be with him forever,,superb story sir mike..congrats..godbless

    ReplyDelete
  33. The Best so far...Mike (hope i'm not to forward to call you)....the best ka...to say the least...

    ReplyDelete
  34. ang ganda ng story. Ang talino ng writer. Ang dami ko ding tawa sa kwento. Haha :)

    dukeclerk.

    ReplyDelete
  35. Ang ganda ng kwento. Ang dami kong kilig ang tawa moments sa kwento. heheh. Hope to read more of your work Mike.

    -dukeclerk

    ReplyDelete
  36. You never failed me to inspire Kuya Micheal . Ang ganda sobraaa :D . Kahit ngaun ko lang natapos to . Hindi nawala sa Utak ko ung story .

    ReplyDelete
  37. Parang teleserye lang may mga barilan at bawian ng yaman. Pero overall nagustuhan ko sya. Nag-aasam tulog ako ng James sa buhay ko. Cheesy. haha. I'm playing the songs featured on this story now.

    ReplyDelete
  38. Pinaiyak naman ako ng kuwentong ito

    ReplyDelete
  39. Buti pala at nagtry along hanapin ang msob at natapos kong basahin and the best na kwento....

    ReplyDelete
  40. DALAWANG BESES KO NA TONG BINASA.....SUPER LIKE KO KO PA RIN...SA LAHAT NG BINASA KO NA STORY FROM DIFFRENT AUTHOR ITO TALAGA ANG PINAKA D BEST.. SANA MAGKAROON NG BOOK2 KUNG SAAN MY DARATIBG NA IIBIG KY JASSIM AT SYEMPRE SELOS SI jAMES..KILIG KAYA...

    ReplyDelete
  41. i love it! ang galing galing kuya Mike. One of your best creations. imagine 1 day ko lang binasa mula Part 1 hanggang wakas. Nakakaiyak, nakakainis at nakakakilig halo halong emosyon na haha.. keep up the good work po.. :)

    -LEMON

    ReplyDelete
  42. Ito na yata ang isa sa pinaka ideal kong love story, haha. Napaka ideal partner ni James <3. Sana makilala ko na ang James ng Buhay ko. Ang galing mo talaga sir Mike, isa na namang inspirational BL story ang nabasa ko..

    Thanks Sir Mike, Godbless

    ReplyDelete
  43. love reading stories like this... it brings your imagination on a whole new level, parang andun ka sa eksena nila... you feel their hardships, you feel their love, their compassion... minsan di mo na lang mamamalayan na tumutulo na luha mo because of the story...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails