Followers

Sunday, June 30, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 23,24,25,26

Written by Tzekai


NOTE:  Pasensya natagalan ngayon lang nagkapera pang net eh hahah! enjoy reading po 


CHAPTER 23

Kreyd's Pov
Tatlong linggo na akong pabalik balik kina Prue,tatlong linggong walang tulog,tatlong linggong nagbabakasakali na pagbigyan ako nina Tito at Tita na makausap si Prue pero hindi nila ako pinagbibigyan.
Natatakot ako,lalo na pag naiisip ko na si Popoy ang nasa tabi nya at nag aalaga sa kanya imbis na ako. Natatakot akong mawala na sa akin ng tuluyan si Prue. Pero ayokong pang hinaan ng loob.
Ilang beses din ako nagpabalik balik sa doctor nila para magtanong kung posible pang makakita si Prue,nabuhayan ako ng loob ng sabihin nito na malaki pa ang tsansa ni Prue makakita kung ma o-operahan sya. Nakapag desisyon na ako,kung wala silang mahahanap na donor ay ako ang magpepresinta,dibale ng hindi ako makakita,bastat makita lang ulit ni Prue ang ganda ng daigdig,basta kung sakaling magiging kanya na ang mga mata ko pag nagkataon ay magiging masaya na ako.
Pagod ang katawang sumalampak ako sa sofa,kakagaling ko lang kina Prue at muli hindi nila ako pinagbigyang makita sya. Nagbanta pa sa akin si Popoy, how can he be so selfish?
Pumikit ako,wala na ako pakialam kahit dito ako sa sofa makatulog,sobrang pagod na din kasi ako.
"Matutulog ka ba dyan o kakausapin mo kami?" agad akong napadilat dahil sa pamilyar na boses.
"Kuya Page! Kuya Ian!" sabi ko at agad tumayo at niyakap silang dalawa. Matagal tagal ko na din sila hindi nakikita.
Naupo uli kami.
"Nakwento ni Khyron samin ang mga nangyayari sayo at kay Prue" sabi ni kuya Ian,kaya nilingon ko si kuya Khyron at pinanlakihan ng mata,close talaga sya kay kuya Page,syempre magpinsan,kahit hindi naman sa dugo eh magpinsan pa din ang turingan.
"Wala na ako ibang maisip na paraan eh,kundi ang tawagan sila" pag depensa ni kuya Khyron.
"Nababahala na sina Tito at Tita sayo,alam na namin ang buong detalye" sabi ni kuya Page.
"Ewan kuya,nahihirapan na ako,pero ayokong sumuko. Kaya lang hindi ko matanggap sa sarili ko na ako ang dahilan ng pagka bulag ni Prue" sabi ko naman,bakas sa aking pananalita ang paghihirap.
"Palamigin muna natin ang sitwasyon,alam nating lahat na mababaet ang mga magulang ni Prue,masama lang talaga ang loob nila Kreyd" puno ng pag unawang sabi ni Kuya Page at hinawakan ang mga kamay ko.
"Pagsubok lang yan,mapapatawad ka din ng mga iyon,ipakita mo na hindi ka susuko,at saka tandaan mo,aksidente ang nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo, dumaan na kami sa iba't ibang klase ng hirap bago kami humantong sa ganito Kreyd,ang tangi mong susi ay ang hindi pagsuko" dagdag naman ni kuya Ian. Tama sya,sila ng mga pinsan naming kuya Dex at kuya Kurt dumaan sa mga matinding pagsubok pero hindi sila sumuko.
Lalo lumakas ang loob ko na hindi talaga ako susuko,ipapakita ko sa lahat kung gaano ko kamahal si Prue.
"Salamat mga kuya" sincere kong sabi sa kanilang tatlo.
-----
Papasok na ako sa school ng makatanggap ako ng text galing kay Popoy.
'Meet me at the Park - Popoy'
Agad akong umalis ng bahay,nagcommute lang ako since hindi pa ako ulit pwedeng magdrive dahil nga sa injury sakin. Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman to kay Prue,bahala ng mag ditch ako ng klase,basta para kay Prue ay ayos lang. Hindi ako mapakali sa byahe. Palinga linga ako,until finally nakita ko din ang Park, ang Park na pinaka sikat dito sa lugar namin.
Agad na akong pumara at tinungo ang park,wala pa masyadong tao dahil alas otso pa lang ng umaga. Agad na hinanap ng aking mga mata si Popoy.
At nakita ko sya sa lilim ng isang puno..Kasama ang buhay ko,kasama ang taong dahilan ng bawat pag pintig ng puso ko,.
Si Prue.
Hindi ko napigilan ang sarili ko,mabilis na tumulo ang mga luha ko at sa isang iglap ay yakap yakap ko na sya.
"M-mamaw??" anito,hindi ako sumagot,bagkus hinigpitan ko ang yakap sa kanya at bumulong.
"Mahal na mahal kita Prue,patawarin mo ako dahil sa akin nabulag ka" lumuluha kong bulong.
"May 30minutes kayo para makapag usap tol,baka kasi hanapin sya eh,iwanan ko muna kayo" ani Popoy, kaya kumalas ako sa pagkaka yakap kay Prue at hinarap si Popoy.
"Salamat tol,salamat sa lahat lahat,patawad na din" sabi ko. Kita kong namumula na din ang mga mata nito,nagbabadya din ng matinding emosyon.
"Wala yon,para kay Prue gagawin ko lahat para sumaya sya,mahal ko sya pero ikaw ang mahal nya at tanggap ko iyon" sagot nito at pumatak na din ang luha nya. Bilang kaibigan ay niyakap ko din sya. "Salamat tol" sabi ko at kumalas na.
Ngumiti lang ito at umalis na,muli kong nilapitan si Prue na naka wheelchair at niyakap ulit.
"mahal na mahal kita Prue,handa akong ibigay sayo ang mga mata ko para makakita ka ulit"
"Totoo ba xung sinabi mo?" anito na yumakap na din,ramdam kong umiiyak na din sya.
"Oo,kahit hindi na ako makakita basta makakita ka,ganun kita kamahal,sobra sobra" sagot ko naman. Bigla nya ako kinurugan.
"Aray! Bakit?" reklamo ko sabay kamot sa ulo.
"Hindi yon ang ibig kong sabihin,ang tinatanong ko kung totoo eh yung,kung m-mahal--"
"Oo mahal kita! Mahal na mahal!" agad kong putol sa sinabi nya at hinalikan sya ng mabilisan.
"Kreyd,mahal din kita,mahal na mahal noon pa" sagot nya sa akin,sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko ulit sya. Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo.
"Pero sana,huwag mong sukuan ang panunuyo kina Mama at Papa,at magtiis din muna tayo na hindi nakakapag usap" malungkot nyang sabi,maging ako nalungkot. Pero diba nga hindi talaga ako susuko?
"Oo Prue,hindi ako titigil at susuko"
-----
Tatlong araw pagkatapos ng pag uusap namin ni Prue ay para akong nabuhay ulit,napansin yon ng lahat,lalo pa ngayon na nagmamadali akong umuwi para makausap ulit ang mga magulang ni Prue.
"Tol nagmamadali ka ata?" puna ni Art ng naglalakad kami palabas ng campus.
"Nandun daw ngayon kina Prue sina Coop,nandun mga parents ni Prue at gusto ko ulit sila makausap" nakangiti kong sagot.
"Ganun ba? Tara sama ako,gusto ko din makita si Prudencio,ayon oh may jeep! Tara na!"
Agad kaming sumakay,panay ang dasal ko na sana ngayon kausapin na ako nina Tito at Tita.
Ng makarating dun ay agad nag doorbell si Art,pinagbuksan kami ng katulong,namukhaan ako nito kaya nag alangan ito.
"Sir hindi po kayo pwedeng pumasok" nahihiyang sabi nito.
"Ganun ba? Sige si Artemis na lang ang papasok,pero pakisabi kina Tito at Tita na nandito ako sa labas" sagot ko at tinanguan si Art para pumasok na.
"Sige po" anito at magkasunod silang pumasok ni Art sa loob,habang ako ay naiwan dito sa loob. Magdadalawampung minuto na akong naghihintay ng bumukas ang maliit na gate,lumabas sina Tito at Tita.
"Ilang beses ba namin sasabihin sayo na huwag ka ng pupunta dito? Matigas din ang ulo mong bata ka" seryosong sabi ni Tito,samantalang si Tita ay nakatingin lang sa akin.
Agad akong lumuhod sa harapan nila,wala na akong pakialam kung may ibang makakita. Para kay Prue ito,para sa pagmamahal ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan!" ani Tito.
"Patawarin nyo po ako,alam kong hanggang ngayon ay galit pa din kayo sa akin dahil ako ang dahilan ng pagka bulag ni Prue,pero handa po akong magsakripisyo,mahal na mahal ko po si Prue at handa akong ibigay sa kanya ang aking mga mata" sabi ko habang nakayuko at nakaluhod,tumulo na ang luha ko at hindi ko ito pinigilan "Hindi ko po kayang mawalay kay Prue,at nasasaktan din po ako sa nakikita kong kalagayan nya,alam ko pong hindi sapat ang pagbibigay ko sana ng aking mga mata para mabayaran ang kasalanan ko,pero kahit paulit ulit ko pong sabihin sa inyo at sa lahat ng tao, gagawin ko iyon dahil mahal na mahal ko si Prue" pagpapatuloy ko at hinayaan ko ng lumabas ang pinipigilan kong paghikbi. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin,sapat na siguro iyon.
"Kreyd tumayo ka dyan" boses iyon ni Tita,agad nga akong tumayo ngunit hindi ko pinahiran ang aking mga luha.
"You really love our son that much?" ani tito.Mabilis akong tumango.
"Matagal ka na naming napatawad,at dahil napatunayan mong mahal mo ang aming anak,pwede mo na ulit sya makita at maka usap" ani tito. "Patawarin mo din kami ijo at nagmatigas kami" dagdag nito.
"Wala po yon,naiintindihan ko po kayo" agad ko namang sagot,pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.
"Hindi mo kailangan ibigay ang mga mata mo sa kanya ijo" ani tita.
"Po? Bakit po?" taka kong tanong.
"You'll know one of these day,pwede mo sya makita at makausap,but not now,alam naming pagod ka rin sa ilang linggong pagpupuyat at pagbalik dito,magpahinga ka na at umuwi" sabi ni Tito. Wala akong nagawa kundi ang tumango kahit gustong gusto ko na makita ulit si Prue. Siguro tama sila,kailangan ko muna magpahinga,babalik na lang ako bukas.
Ang mahalaga,ayos na ang lahat.


CHAPTER 24

Kreyd's Pov
Today is the last day of class,sembreak na kasi. Excited na akong makauwi at puntahan si Prue,diba nga sabi nina Tito at Tita bumalik na lang ako? At ngayon yon!
"Excited?" ani Artemis habang inaayos nya ang sariling gamit at ganun din naman ako.
"Oo naman tol,sobra!" naka ngiti kong sabi. Totoo naman,hindi ko maipaliwanag yung pagka excite ko.
"Sa bagay,sa dami ng pinagdaanan nyo eh,naiintindihan ko pagiging excited mo, nga pala balita ko dumating daw kapatid ni Venus at gusto ka makausap" ani Art. "tara na" dagdag pa nito at lumabas na kami.
"Kapatid? Hindi ko alam na may kapatid sya,kausapin ko sya pag sobrang ayos na ang lahat,sa totoo lang kahit pinatawad ako ng mga magulang ni Venus hindi pa din mawala sa akin yung guilt tol" sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Alam nating lahat na aksidente yon, mabuti pa sigurong huwag na nating pag usapan yon,pati ako bumibigat pakiramdam eh,ang gago ko inopen up ko pa" sabi naman nya. Nginitian ko lang si Art at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng bldg namin.
"Nasan sila? Hindi ko sila nakikita mula kanina" tanong ko kay Art patungkol sa tropa.
"Mga absent,hindi naman nagbigay ng reason,pati si Coop hindi din daw sinabi sa kanya ni Phoebe ang dahilan ng pag absent nung tatlo" sagot ni Art.
"Eh nasan si Coop?" tanong ko ulit,malapit na kami sa parking lot ng school.
"maaga ata umuwi"
Sakin ko na pinasabay si Art,hinatid ko muna sya sa kanila bago ako umuwi at nagbihis. Pagkatapos magbihis ay umalis din agad ako papunta kina Prue.
Nakaka ilang doorbell na ako ng may lumabas mula sa maliit na gate, si Manang! Ang nanay ni Popoy..
"Oh Kreyd! Kamusta? Naku nahuli ka ng dating" anito ng tuluyang makalabas. Napakurap pa ako ng ilang beses kasi hindi ko na gets yung sinabi.
"Po? Anong ibig mong sabihin Manang?" taka kong tanong,bigla naman lumabas din mula sa maliit na gate si Popoy. "Poy" pagbati ko dito.
"Naka alis na sila tol papuntang america,5days from now o-operahan na si Prue, may nahanap kasi silang donor" si Popoy na ang sumagot ng tanong ko.
Nanlambot ako bigla. Bakit ganun? Wala man lang nagsabi sa akin?
"Kung ako sayo,kesa tumunganga ka dyan eh sundan mo na,alam kong kailangan ka ni Prue doon" sabi ni Popoy ng manahimik ako.
Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yon?
"Ano bang address nila dun? Anong hospital?" sabi ko naman. Ibinigay ito sa akin ni Popoy. Agad akong umuwi at nag internet,nagpabook ng flight,swerte kinabukasan meron agad flight kaya naghanda na ako ng mga gamit ko.
Ng matapos makapag impake ay bumaba ako,nasa dining sina Inay at Itay mukhang nagmemeryenda kaya lumapit ako.
"Nay,Tay" pagtawag pansin ko sa kanila.
"Oh Kreyd? Hinahanap mo ba kuya Khyron mo? Nasa trabaho pa" sabi ni Itay.
"Tara anak,saluhan mo kami" paanyaya naman ni Inay.
"Gusto ko lang po magpaalam na aalis ako Nay at Tay" panimula ko at umupo na din.
"San ka pupunta anak?"
"Sa america po, 5days from now o-operahan na sa mata si Prue at susunod ako dun,bukas po ang alis ko Nay at Tay" magalang kong sagot sa kanila.
"Sinusuportahan ka namin anak,alam naman namin kung gaano mo kamahal si Prue" nakangiting sabi ni Inay.
"Ang totoo nyan anak,proud kami sayo, tingnan mo ang sarili mo,mula sa pagiging makulit at pasaway nag mature ka na,kaya mo ng hawakan ang mga sitwasyon at indahin ang sakit at mga pagsubok" sabi pa ni Itay,pakiramdam ko hinaplos ang puso ko dahil dun.
"Lumaki kang isang mabuting tao anak,panigurado kung nasaan man ang mga magulang mo,masaya at proud din sila sa iyo" sabi naman ni Inay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo para yakapin silang dalawa.
"Salamat po Nay,Tay" sabi ko habang nakayakap sa kanila.
"Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay naming lahat anak,noong wala ka pa,napaka salbahe ng kuya Khyron mo sa mga kapwa nya bata,pero yung araw na dumating ka kasama ni Page,nagbago na ang lahat" sabi pa ni Itay. Wala ako masabi. Kung gano sila ka proud sa akin ganun din ako ka proud para sa kanila.
Kinabukasan ready na ako sa pag alis, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko, kaba dahil ito ang unang pagkakataon na aalis ako papuntang malayo at sa America pa! Excitement,dahil finally,makikita at masasamahan ko na si Prue.

Ng nag take off na ang eroplano hindi ko mapigilan mapangiti,ganito pala ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano. Pumikit na muna ako para maka idlip.

Prue,hintayin mo lang ako,malapit na ako,hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Ng makarating na,pagkalabas ng airport ay kumuha agad ako ng cab at sinabi ang address ng ospital. Sinabi ng Driver na 2hours drive daw,at tinanong ko sya magkano ang aabutin ng bayad then binayaran ko na agad sya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumigil kami sa isang ospital. Bitbit ang bag at isang maleta ay pumasok na ako sa ospital.

"Excuse me Miss,where is the room of Prudencio Villacruz?" sabi ko sa isang nurse dito sa nurse station. Sinabi naman nito kung anong floor at anong room. Nagtataka siguro ang mga Amerikanong ito bakit may mga bitbit akong bag at maleta,siguro iniisip nila dapat sa hotel ako nagpunta hindi sa ospital.

Narating ko na yung floor at room. Lumakas na naman kabog ng dibdib ko,huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ito.

Bumungad agad sa akin si Prue na nakahiga at mukhang natutulog. Nilingon ako nina Tito at Tita na para bang inaasahan na ako kasi naka ngiti na ang mga ito agad.

Gusto ko sana lumapit na kay Prue para mayakap at mahalikan sya kahit natutulog sya. Pero lumapit agad sina Tito at Tita gesturing na mag usap daw kami sa labas,kinuha ni Tita ang bag at maleta ko at iniligay sa isang tabi,bago kami lumabas,tiningnan ko muna ang natutulog na si Prue


CHAPTER 25

Prue's POV
The whole time na nakahiga ako mararamdaman ko na lang na may hahawak ng kamay ko o hihimas ng buhok ko. Alam kong hindi yon sina Mama at Papa dahil kilala ko ang bawat hawak nila sa akin.
Minsan pa may naaamoy akong pamilyar na amoy pero ayaw ko mag assume, pag gising ako at tinatanong ko sina Mama hindi daw nila alam ang sinasabi ko,pero may kakaiba talaga akong nararamdaman.
At ngayon nga,dumating na ang araw ng operasyon ko,lahat sila kinausap ako,even the doctor and nurses, then may tinurok sila sa akin,and again nakatulog ulet ako ng hindi ko alam kung gaano katagal.
Sa tantya ko eh tatlong araw din akong nanatili pa din sa ospital pagkatapos ng operasyon base na din sa naririnig kong usapan nila.
Nagising ako na parang nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan.
"Ma? Pa? Nauuhaw po ako" walang sumagot sa akin pero ilang saglit lang naramdaman kong may umalalay sa akin para uminom ng tubig. Magtatanong na sana ako kung sino sya pero narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at kasunod nun ay ang boses nina Mama at Papa pati ng doctor.
"Ma? Pa?"
"Mr.And.Ms Villacruz,I think he is ready,its time" dinig kong sabi ng doctor. Kinabahan ako.
"Anak,ngayon ang araw na tatanggalin na ang takip sa mata mo,kaya relax" sabi ni Papa naramdaman ko pang hinimas nya ang likuran ko.
Dahan dahan,naramdaman kong tinatanggal na nga ang benda sa mga mata ko,at ng maramdaman kong wala na ito nagsalita ang doctor.
"Open your eyes slowly,dont force it" and so I did. Dahan dahan at buong pag iingat kong idinilat ang aking mga mata.
Medyo malabo pa nung una at hindi ko pa sila maaninag ng maayos pero masaya na ako dun,ilang saglit pa,kumurap ako,pag dilat ko ay malinaw na ang lahat.
At ang unang tumambad sa akin ay ang mukha ng pinakamamahal ko,ang lalaking nais ko makasama habang buhay. Nakangiti sya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi ko napigilan ang sarili ko at humahagulhol akong yumakap sa kanya.
"Mamaw..."
"Congratulations Prue" sabi ng doctor. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kreyd at hinarap ang iba.
"Thank you doctor" sabi ko then nakipag shake hands ito sa akin,bumaling ako kina Mama at Papa,Inispread ko ang mga kamay ko,at nakuha nila ang gusto ko iparating,niyakap nila ako. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko.
"Ma,Pa,nakakakita na ako,maraming maraming salamat po" sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanila. I love them so much!
Lumabas sina Mama at Papa,kakausapin ata sila ng doctor,muli bumaling ako kay Kreyd.
"At ikaw,anong ginagawa mo dito?" nakangiti kong sabi sa kanya at pinisil ang ilong nya. Ang sarap sa pakiramdam na muli ko syang nakita.
"Syempre,gusto kong sa pagmulat mo ako agad ang una mong makita,ayaw mo ba na nandito ang future husband mo?" naka ngiti nyang sabi sabay taas baba ng dalawang kilay.
"Ganon? Ang hangin! Future husband ka dyan! Ni hindi pa nga kita sinasagot!" sabi ko sabay hampas sa kanya,doon ko lang napansin na may nakasuot na singsing sakin.
"Isinuot ko yan sayo bago ang operasyon mo,binili ko yan nung naglilibot ako nung nakaraan,engagement ring natin" sagot nya sabay taas ng sariling kamay na may nakasuot na singsing tulad sakin sa daliri nya.
Nanlaki naman ang mata ko dun,ibig sabihin,matagal na sya dito?
"Ang daya mo! Bakit mo sinuot ng wala akong alam? Hmp! Siguro ikaw yung lagi humihimas sa buhok ko at humahalik sakin? Sabi ko na nga ba eh! Ikaw yung naaamoy ko eh!" sabi kong ganyan na ikinatawa ng Mamaw.
"Hahaha! Pasensya na,yun kasi gusto ng parents mo,mas maganda daw kung ako agad makikita mo,effective naman diba? Saka ayaw mo nun? Engaged na tayo?" tumatawa nyang sabi.
"Mamaw ka talaga!" singhal ko sa kanya sabay yakap. God! Mahal ko talaga ang mamaw na to! "Mahal na mahal kita Kreyd" bulong ko sa kanya habang mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
"Mahal na mahal din kita Prue,ikaw ang buhay ko,ikaw ang bukas ko,ikaw ang hinaharap ko,ikaw ang pangarap ko" sagot nya. Right there and then,tumulo ang mga luha ko,I was so overwhelmed sa mga sinabi nya,hinaplos nito ang puso ko. Ganito pala kasarap pag mahal ka ng taong mahal mo, no words can express it.
"Hush,dont cry,nandito lang ako palagi,hindi kita iiwanan" aniya ng kumalas sa yakap namin at pinunasan nya ang luha ko then he kissed me.
Sandali lang sana ang halik na iyon ngunit pinigilan ko ang ulo ni Kreyd,naging maalab ang aming halikan,hinahaplos nya ang aking katawan at ganon din ako sa kanya. Napahiga na ako at pumatong sya. I can already feel his hard manhood and his burning desire.
Nagprotesta pa ako ng kumalas sya sa aming halikan.
"Prue.." parang nagpipigil na sabi nya. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Pumunta sya sa pinto at sumilip sa labas,saka muli itong isinara at inilock,lalo ako napangiti.
"Isa ka talagang tukso,at gusto ko yon" he grin devilishly,muli pumatong sya sa akin at siniil ang aking labi,this time mas mapusok,at ginagantihan ko iyon,nagliliyab na din ang aking pakiramdam.
Naramdaman kong itinaas ni Kreyd ang hospital dress ko at ibinaba ang aking underwear. Napasinghap ako, ito na to,wala ng atrasan pa,ikinalawit ko ang aking mga kamay sa kanyang batok,iniangat nya ang aking mga paa. Naramdaman ko na lang na parang may dumudunggol dunggol sa aking butas. Hanggang sa dahan dahan itong pumasok. Napakagat ako ng labi,sobrang sakit.
"Mahal na mahal kita Prue,akin ka lang" and one final thrust,naramdaman ko ang kabuuan nya sa loob ko. Ang dating nakikita kong malaking bagay na yon ay ngayo'y nakapasok sa akin.
"Dahan dahan Kreyd" naiiyak kong sabi,pero eto na to,wala ng atrasan pa.
"I will,my love" once again,inangkin nya ang labi ko habang marahang gumagalaw,ang kaninang sakit ay napalitan ng kakaibang kiliti at sarap. Sumasabay na ako sa ritmo ng katawan ni Kreyd.
One final thrust,sumabog na si Kreyd sa loob ko,pareho kaming hinihingal.
"That was intense! Ang sarap!" nakangisi nyang sabi at bumangon,nahugot na ang pagkalalaki nya sa akin,tumungo sya sa banyo para siguro maglinis,ng bumalik sya may dala na syang tissue.
"Linisin ko" sabi nya,pinabayaan ko lang syang linisin ang butas ko, then isinuot ko ulit ang underwear ko,nararamdaman ko pa din ang hapdi. Grabe!
"Pano yung bedsheet? May dugo" tanong ko. Saglit syang natigilan at nag isip.
"Wait" aniya at lumabas. Napangiti na lang ako. Grabe,I cant believe na ginawa namin yon dito! At sa unang araw pa ng pagkakaroon ko ulit ng paningin! Damn! Parang lahat ng problema nawala ng dumating si Kreyd.
Ilang saglit pa bumalik syang may bitbit na bedsheet,binuhat nya ako at iniupo muna sa couch,napa aray ako dahil masakit talaga,ngisi lang ang ginanti ng mamaw!
Tinanggal nya yung bedsheet na naduguan at ipinalit yung bago,ng maiayos nya ito muli nya akong inihiga sa kama. Pinagmamasdan ko lang sya.
"Mukhang mas matatagalan ako makalakad nito" sabi ko.
"Alam ko yon,dont worry aalagaan kita" aniya sabay kindat. Papunta na sana sya sa CR para dalhin dun yung bedsheet ng bumukas ang pinto at pumasok sina Mama at Papa.
"Kreyd san mo dadalhin yan?" tanong ni Mama,kinabahan ako.
"Naihi po kasi sa sobrang tuwa si Prue kaya kukusutin ko lang po yung parteng naihian nya" naka ngising sagot ng Mamaw at agad pumasok sa banyo. Ngalingaling batuhin ko sya ng unan. Tiningnan tuloy ako nina Mama at Papa saka humalakhak ng todo bigay.
Hay naku Kreyd! I love you!

CHAPTER 26
Kreyd's Pov
After more 5 days nadischarged na sa ospital si Prue at iniuwi na namin sya sa bahay nila,pansamantala din kasing dito ako pinatuloy nina Mama at Papa mula ng dumating ako dito,yup! Mama at Papa na daw ang itawag ko sa kanila.
"Kreyd bakit hindi kayo mamasyal ni Prue? Sulitin nyo ang bakasyon,next week babalik na tayo sa Pilipinas para maituloy ni Prue ang pag aaral" ani Papa ng nanananghalian kami.
"Oo nga naman,madaming magandang lugar dito" segunda ni Mama.
"Sige po mamaya mamasyal kami" nakangiti kong tugon.
"Kayo Ma,Pa? Ayaw nyo sumama?" pagsingit ni Prue sa usapan namin.
"Hindi na anak,alam mo naman na dinala na din namin dito ang mga paper works" sagot ni Papa.
"Nga pala Kreyd at Prue,I suggest na dapat nasa iisang course kayo,kung maari sana maging block mate kayo,para mas mabantayan ka ni Kreyd anak" ani Mama.
"Yun nga po iniisip ko Ma,mag shift ng course sa second sem saka sakto pag uwi natin enrollment" pag sang-ayon ni Prue. Lalo tuloy ako humanga sa kanya,after ng lahat ng nangyari eh uunahin pa din nya ang pag-aaral. And that is what I loved about him.
"And oh by the way,Las Vegas is just an 6hour drive from here" naka ngiting sabi ni Mama na parang may ibig sabihin pa.
"What do you mean by that Ma?" taka ding tanong ni Prue.
"Naisip lang namin ng Papa nyo na,since naproclaimed nyong engage na kayo eh bakit hindi pa kayo magpakasal? Alam nyo naman na nasa inyo ang suporta namin" sagot ni Mama at ngumiti.
"Saglit lang naman ata ang proseso nun mga anak,at saka alam nyo naman na legal yun dito" dagdag ni Papa. Napangiti na lang ako sa pagka amazed sa mga ito,ang swerte namin ni Prue.
"Gusto mo ba?" nakangiti kong tanong kay Prue na namumula na. Kahit kailan talaga ang lakas ng karisma nya,lalo na pag nagba-blush.
"Ofcourse! Sino bang may ayaw? Kelan ba?" sagot nya na ikinatawa naming lahat.
"Yun naman pala eh,so pakasal na tayo bukas?" nakangiti kong sabi kay Prue,hindi na ako makapaghintay para tuluyan syang maging akin.
"Its settled then,pupunta tayo sa Vegas bukas" sabi ni Papa.
-----
Ang dami namin pinasyalan ni Prue,halata sa aming dalawa ang kasiyahan,parehas kasi naming first time to,para kaming bumalik sa pagkabata lalo na nung nagpunta kami sa Universal Studio haha!
Pagod ang mga katawang umuwi kami,pagpasok namin sa kwarto namin nakahanda na ang mga damit namin para bukas.
"Excited naman masyado si Mama" natatawang sabi ni Prue then nagpunta na sa banyo para magshower,sumabay na ako since nanlalagkit na din ako,at syempre,for the second time,naangkin ko ulit ang pinakamamahal ko,hinding hindi talaga ako magsasawa sa kanya.

Maaga kaming ginising nina Mama at Papa para daw maaga din kami makarating. At ng nasa byahe na ay ginawa namin lahat wag lang mabored,totoo ngang ang haba ng byahe.
Kinapa ko yung bagong singsing na binili ko kahapon kasama si Prue,nakakatuwa nga dahil sya talaga ang pumili nun.
Ng makarating kami sa Vegas ay hindi naman halatang excited sina Mama at Papa dahil deretso mismo kami dun sa magkakasal. Napa schedule pala agad kami.
Simple lang at madalian ang kasal pero sobrang masaya ako at masaya din si Prue,finally I can call him my very own,legal ko na syang asawa.
"Hoy pakasalan mo din ako sa Pilipinas ah? Pag hindi ibabaon kita sa lupang Mamaw ka" sabi ni Prue sa akin ng bumibyahe na kami pauwi,natawa kami sa kanya.
"Oo naman kahit ilang ulit pa,gusto ko din kasing sa susunod na ikasal tayo ay kumpleto ang mga mahal natin sa buhay para masaksihan iyon" malambing ko namang sagot at hinalikan sya ng mabilisan sa labi.
"Naiinggit ako Hon,lets have our honeymoon also" ani Papa na ikinatawa namin,agad naman nagblush si Mama,parang si Prue lang pag namumula.
-----
Natapos na ang pananatili namin sa America,nandito na ulit kami sa Pilipinas,though wala pang nakaka alam sa mga tropa namin ni Prue maliban kay Popoy,on which kinausap ko ulit ng lalaki sa lalaki. Bumilib ako sa ginawa nyang pagapaparaya at habang buhay ko iyong hahangaan,napakatapang nya,masaya ako at nanatili ang pagiging magkaibigan namin.
Nahihirapan lang ako sa set up namin ni Prue,hindi pa daw kami pwedeng magsama sabi ng pareho naming mga magulang,dapat daw after na namin maka graduate ng college,Like seriously? Mabubuntis ko ba si Prue? Haha sana lang diba?
Nakapag enroll na kami,tulad ng napag usapan nag shift kami ng course ni Prue into HRM para hindi sya masyado napapagod,and tulad ng inaasahan,magblock mate kami.
-----
Prue's Pov
Mag isang linggo na mula ng ikasal kami ni Mamaw,and till now parang high pa din ako,feeling ko babae na talaga ako at nareincarnate sa akin si Rapunzel hihi! Uhm excuse me? Pwedeng umusog ka ng konti? Naaapakan mo buhok ko eh hahaha!
And today is the first day of second sem,hindi ako masusundo ni Mamaw at sa room na lang daw kami magkita,well! May demirit sya sa akin dahil dyan! Hindi sya makaka score for two weeks!
I was walking through the covered walk para makaiwas sa medyo mainit na sinag ng haring araw,pakanta kanta pa ako. I wonder,nasan kaya ang mga hunghang naming tropa? Wala pa silang balita sa amin ni Kreyd eh.
So,naglalakad na ako nyan,biglang may tumama sa akin kaya tumumba talaga ako,pagtingin ko bola ng basketball!
"Aray! Masakit yon ah?!" sabi kong ganyan,sapo ko ang ulo ko,parang may after shock pa nga eh kaya hindi pa ako makatayo. "Sinong bumato?" dagdag ko pa habang tumitingin sa paligid,may mangilan ngilan na ding napatingin sa akin.
Maya maya may lumapit na lalaki. Tiningnan ko pa muna kasi parang ngayon ko lang sya nakita dito sa school or sadyang hindi ko nabibigyan ng pansin ang ibang tao?
"Miss sorry,napalakas ang bato ng kaklase ko,okay ka lang?" nag aalala nyang sabi tapos inalalayan akong tumayo.
Dun ko sya pinagmasdan,gwapo,mukhang may lahing hapon o korean,malakas ang dating,parang kasing tangkad ni Mamaw,at mukhang EE student.
"Ayos lang yon,okay na ako,next time sa ring nyo ibato ang bola huwag sa tao" sabi ko at inipit sa tenga ang aking mahaba ng buhok,no wonder Miss ang tawag nya sakin.
"Aw! I thought youre... Nevermind,by the way Im Seiji Tsukihiro, pasensya na ulit" anito at ngumiti saka umalis.
What the?!

"FRIIIEEENNDDD!!" sabay sabay na sigaw na narinig ko. Kilala ko mga impaktang yan!
- Mustasa everyone? Sana you have a good day! Comments are highly appreciated ^o^

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails