Followers

Sunday, June 2, 2013

A Dilemma Of Love: Chapter 18


Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com


--------------------------------------------------------


Previous Chapter: Chapter 17


Nasa huling hakbang na si Fonse bago makarating sa roof deck. He exerted all his efforts para maihakbang ang last step na iyon. Unti-unting sinilaw ng araw ang mga mata niyang habang umaakyat ay nakatuon lang kay Chong.
At nang nasa tabi na siya ni Chong, nakita lang niya itong nakatulala, nakanganga at nanlaki ang mga mata...
...Pero hindi dahil namangha siya...
"...Eto na 'yun?..." sabi niyang pabalang kay Fonse ng hindi humaharap sa kanya. "...Eto na talaga..."
"...Oo, eto na nga..." Nakapamewang si Fonse habang lumilinga-linga, confident na confident na magugustuhan ni Chong ang inihanda niyang surpresa. "Ang ganda ng view diba, breath-taking..."
"Oo, breath-taking talaga. At hindi lang hininga mo any mawawala, pati buhay mo kapag mo kapag hindi mo naipaliwanag kung bakit ko inubos ang isang oras ng buhay ko para tingnan ang isang TANGKE NG TUBIG!!!"
Napalingon si Fonse, at nakitang nananatiling nakakrus ang mga braso at hindi lumilingon, nakatingin sa malaking tangke ng tubig na nasa roof deck.
Biglang lumamlam ang mga mata ni Fonse. "...Kung saan-saan kasi tumitingin..."
Saka siya unti-unting lumapit na kinatatayuan ni Chong at kinalabit ito. "...Chong, sa likod mo..." sabi nitong sarkastiko.
Chong then turned his back and was dumb-founded with the scene his eyes caught.
Napangiti si Fonse.
Isang pabilog na mesa ang nasa gitna ng malawak na roof deck na iyon. Nasasapinan ito ng red silk na sing-haba ng taas ng mesa mismo. Ang mga dulo nito’y malayang nakikisayaw sa banayad na simoy ng hangin na siya ring humahaplos sa buhok nila Chong at Fonse. Dala ng hangin na iyon ang bangong taglay ng magkahalong mga pula at light pink na rosas sa  isang transparent glass vase, na kumikinang sa halik ng sinag ng araw. Nasa magkabilang panig ng mesa ang dalawang upuan na sinasakluban din ng pulang tela, at ng lasong light pink sa likuran nito. Sa harap naman ng mga ito ay mga scented candles na nasa ornate na candle stand, kasama ng complete na formal dining table setting, mga kopita, bread-and-butter plates, maski mga table napkins na nakahugis ng swan. Dinig sa paligid ang instrumental ng Habanera, ang classical music na minsang sinayawan nila Chong at Fonse.
Love is a rebellious bird
that nobody can tame,
and you can call him quite in vain,
because it suits him not to come.

At sa kalangitan, nag-aagawan ang asul at ginintuang mga ulap, kasama ng paglitaw at malamlam na pagkislap ng mga bituin, at ng unti-unting paglubog ng araw at ng pag-angat ng buwan.
Chong just stood there, paralyzed and emotionless.
“...Sabi ko na nga ba eh, magugustuhan mo rin...” ang nangingiti at parang batang sabi ni Fonse, habang ang mga kamay niya ay magkahawak sa kanyang likuran. “...Pasensiya ka na ah, dapat ‘yung Philhamonic Orchestra ‘yung tutugtog ng Habanera eh, kaso kinapos ng oras...”
Pero nanatiling nakatayo lang si Chong. Habang si Fonse, ay halos mapasayaw dahil sa reaksiyon niya, siya ay nanatiling hindi gumagalaw, iniikot ang kanyang paningin at sinusuri ang bawat bagay at tanawin na abot ng kanyang mga mata.
“Oh, halika na, kumain na tayo. Nagugutom na rin ako eh...” saka lumakad si Fonse papunta sa mesa.
Nothing helps, neither threat nor prayer.
One man talks well, the other silent;
But it’s the other that I prefer.
He says nothing, but he pleases me.

Saka natauhan si Chong. Kumurap-kurap siya para gisingan ang sarili. He could just rub his eyes to do that, or even slap himself, pero kapag ginawa niya iyon, mahahalata ni Fonse kung gaano siya nagulat sa lahat ng inihanda niya. Sapat na para sa kanyang nakita siya nitong tulala at halatang namamangha, hindi na niya hahayaan pang makakita na naman si Fonse ng isang palatandaan para sabihin nitong gusto niya ang ginagawa ng lalaki para sa kanya. Forcing himself to wake up from this seemingly impossible dream would be a big shame for him, and an enormous  mistake.
Ngunit kahit ganon, mistula siyang nahypnotize sa lahat ng nakita, and that is a thing he can’t deny to himself.
“Umupo ka na. ‘Wag mo nang hilahin ‘yung upuan ko at umarteng gentleman...” sabad ni Chong na umaktong papalapit si Fonse sa kanyang upuan.
Tumulis ang nguso ni Fonse. “Nabasa na naman niya...”
L’amour! L’amour! L’amour! L’amour!
(Oh, love! Love! Love! Love!)

Saka umupo si Chong. “Patayin mo ‘yung Habanera...”
“Ha?”
“Patayin mo ‘yung tugtog...” kalmanteng sagot ni Chong.
Tumulis ang tingin ni Fonse. Todo effort ang ginawa niya para lang makapag-akyat ang mga tauhan niya ng sound system sa roof deck ng mataas na building na iyon na hindi gumagawa ng masyadong ingay. He even instructed those people na nagset-up ng date na ilagay ang sound system nila sa ilalim ng mesa para hindi ito maging eye sore.
He just didn't realize na hindi pala ito sa mata magiging masakit, kundi sa tenga.
"Ang ganda naman ng tugtog ah, hindi ba paborito mo 'yan," buong giliw na sinabi ni Fonse.
"I don't need any of your tricks, or your romantic ambiance para lang makakain ng dinner..." Sinuri ni Chong ang table setting sa harap niya at inayos ang pagkakalagay ng butter knife. "Tingnan mo, mali 'yung table setting ng nag-ayos nito. Hindi kasama ng ibang knife sa right side 'yung butter knife. Inilalagay 'to across sa bread-and butter plate. Sesantehin mo na 'yung nagset-up nito..."
Ngumiti si Fonse. "Chong, get a clue. Date ang tawag sa ginagawa natin..."
Biglang tumingin ng pailalim si Chong. "The last thing I would want to call this momentous event would be a date..." Saka niya kinuha ang table napkin at inilagay ito sa kanyang lap. "Now, if you'll just excuse me, pwedeng tanggalin mo na 'tong mga bulaklak so that I can start having my dinner..."
"Makakain ka na naman kahit may mga bulaklak sa table ah..." nanghihinang tugon ni Fonse. Sinikap niyang bawat detalye ng mesang iyon ay maging romantic, or at least nagbayad siya para maging ganoon ang labas. At ngayon iniuutos ni Chong na alisin ang bawat bagay doon na kulang na lang ay pagdiskitahan niya pati ang mesang kinakainan nila at sa sementong lapag na lang mismo ng  roof deck na iyon sila kumain.
Tiningnan uli ng pailalim ni Chong si Fonse. “Just so you know, ayoko ng rosas. Tsaka tingnan mo ‘no, ang sikip-sikip na ng table dahil sa sandamakmak na table setting, na duda talaga akong gagamitin natin. Kung talagang gustong mong magpa-impress, you should have atleast consulted me about my favorite flower...”
Biglang nagningning ang mga mata ni Fonse. “Eh, ano ba ang favorite flower mo?” saka siya ngumit ng sobrang ganda.
“Chrysanthemum...” sambit ni Chong habang nakatingin sa baba at inaayos ang table napkin niya.
Nakahanap si Fonse ng pagkakataon para magpa-impress. “Ahhh, alam ko ‘yun. Iyon ba ‘yung malalaking bulaklak na parang sunflowers pero may petals din sa gitna. Tapos kadalasan kulay white ‘yun...” saka niya hinaplos ang kanyang baba na parang nag-iisip. “...tsaka, hindi ba iyon ang National Flower ng Japan...”
He then showed his gleaming smile. Feeling niya naka-ten thousand points siya dahil sa nalalaman niya.
Tiningnan lang siya ni Chong. “Tama ka, at alam mo ba kung saang okasyon madalas na ginagamit ang chrysanthemum?”
Kumunot ang noo ni Fonse. “Saan? Sa mga dates ba? Sa wedding ceremony?”
Tiningnan ni Chong si Fonse. “Sa funeral...” Saka siya nugmiti ng buong giliw, as if showing genuine happiness.
Lalong lumiit ang maliit ng mga mata ni Fonse.
“...sinasadya nito lahat eh. Ginagalit niya ako, para maka-uwi siya ng maaga...”
Tiningnan lang niyang maiigi si Chong, habang parang batang sinusuri lang ng huli ang bawat detalye ng mesang nasa harap niya.
“...Shocks, ang mahal  ng platong ganito. Maski nanay ko mawawalan ng hininga kapag nakakita ng ganito ka-intricate na porcelain, ang ganda-ganda ng golden details sa gilid...”
Bigla niyang naitaas ang tingin niya, only to find out na nakatingin din si Fonse. Imbes na takutin ito katulad ng iba niyang ginagawa, ningitian na lang niya uli ito ng buong giliw.
Unting-unti na ring napalitan ng ngiti ang naniningkit na mga mata ni Fonse dahil sa inis.
“...Oh, pakipatay na ‘yung Habanera, tsaka itong mga bulaklak...” saka uli sinuri ni Chong ang setalye ng porcelain decoration  plate sa harap niya.
Lalong naningkit ang mga singkit ng mata ni Fonse. Nevertheless, sinunod pa rin niya si Chong.
“Tatanggalin ko pati ‘tong kandila ah, amoy pampatay eh. Dapat talaga chrysanthemum ‘yung binili mong bulaklak. Magiging perfect na sana ‘yung ambiance...”
Biglang napalingon si Fonse, napalingon ng nanlalaki ang mga mata. Ihahagis na sana niya mula sa roof deck ang mesa, pero paglingon niya, nakita lang niyang parang batang nakangiti si Chong.
Ngumiti na lang rin siya, ngumiti ng sarkastiko. “Konting tiis lang Fonse, konting tiis lang...”
“Oh, kumain na tayo. Nagugutom na ako eh...” saka hinaplos ni Chong ang tiyan niya.
Lumiwanag ang mukha ni Fonse. He hurriedly went sa isang side na hindi kalayuan sa building, kung nasaan ang tray ng mga pagkain. Halos magskate siya papunta sa table. “...Eto magugustuhan na talaga niya ito...” Pagkadating sa mesa’y dali-dali niyang isinerve ang pagkain.
“...Cordon Bleu?” saka kumurap si Chong ng dahan-dahan.
Cordon Bleu is actually lean meat that has ham and cheese inside. Basically, it’s just like chicken roll, although madalas ay pabilod ang hulma ng Cordon Bleu. And more basically, pinasosyal lang na chicken roll ang Cordon Bleu...
“...Sana diba bumili ka na lang ng chicken roll doon sa campus, nakatulong ka pa sa cooperative nila...”
“Iba ‘to sa chicken roll. Hindi lang basta gravy na tinadtad ng paminta ang sauce nito. Creamcheese ‘yung base ng sauce niya. Tsaka ‘di ba paborito mo ang Chicken roll, edi Cordon Bleu ‘yung pinabili ko?”
“Lahat naman yata ng bagay sa mesa na ito paborito ko, pati yata ‘yung dupioni silk na cover ng mesa gusto kong kainin...”
Tiningnan na lang siya ni Fonse.
“Well, anyways, eh sa ‘yan na ang binili mo eh, gutom na rin talaga ako, kaya i-serve mo na ‘yan. Ano pa bang magagawa natin? ”
Dali-dali at excited na umupo si Fonse pagkatapos niyang iserve ang pagkain. “Ano kayang conversation ang maganda? Paano kaya kung hayaan ko na lang siyang mag-initiate ng kuwentuhan?”  Habang pinag-iisip ni Fonse ang mga bagay na iyon, dahan-dahan at buong pag-iingat namang hiniwa ni Chong ang pagkain sa harap niya, dahan-dahan at buong pag-iingat niya itong isinubo, at dahan-dahan at buong pag-iingat pa rin niya itong nginuya habang nakapikit.
Tiningnan lang siyang nakangiwi ni Fonse na hindi maintindihan. “Tama si Grace, medyo mukha ngang retarded s Chong kapag kumakain...” Bigla siyang napangiti sa naisip niya.
“Ah, Chong...”
Pero nanatiling nakapikit si Chong, habang unti-unting nginunguya at ninanamnam ang bawat hibla ng karneng nasa bibig niya.
“Chong...Ah, ano eh...”
“Kumakain ako...” sabi nitong nakapikit pa rin.
Tumulis ang tingin ni Fonse.
Saka unti-unting idinilat ni Chong ang kanyang mga mata. “I must say, masarap siya ah...”
Napangiti si Fonse.
“Nakatikim na rin naman ako ng Cordon Bleu, pero parang ito ng ‘yung pinakamasarap as of the date. Ang moist nung meat, tapos parang dalawang uri ng cheese ‘yung ginamit. Mozzarella yata ‘yung isa, if I’m not wrong, habang ‘yung isa naman eh cheddar...”
Unti-unting napapanganga si Fonse. “Ang weird talaga ng taong ito...”
“...Tapos may lasa ng thyme ‘yung meat, tsaka tama ka ngang creamcheese ang base ng sauce. Interesting lang na nagblend ‘yung paggamit ng cumin tsaka ng cinnamon sa sauce. Ang sarap niya ah...”
This time nakatanga na lang si Fonse kay Chong. “Paano niya nalasahan lahat ng iyon...”
“At tama ka, maniwala ka man o sa hindi, nalasahan ko lahat ng ‘iyon....”
Biglang nagising si Fonse. “Ha?”
Pinagpatuloy lang ni Chong ang pagkain niya. “’Yun ang pagkaka-iba ng pagkain ng maingay sa pagkain ng tahimik. Kadalasan sa sobrang ingay natin, hindi natin nalalasahan ng mabuti ‘yung pagkaing nakahain sa’tin, hindi natin narerealize na malaking effort ‘yung ginawa ng chef na nagluto nito para isiping mas masarap na gumamit ng olive oil kesa sa corn oil. At hindi lang ‘yun sa pagkain, maski sa maraming bagay sa buhay. Maraming bagay ang natatake for granted natin. Napakadami kasi nating iniisip na hindi naman kasi talaga dapat isipin. Lagi tayong naghahanap ng kaligayahan sa maiilap na lugar, hindi natin alam, sa simpleng pagiging tahimik, kaya nating maging masaya...”
Hanggang ngayon nakatanga pa rin Si Fonse.
Biglang na napatingin si Chong kay Fonse. “Ang haba ng sinabi ko ‘no. Sige, kumain ka na, natorture ko yata ‘yung utak mo...” saka niya ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Maski na sumusubo ng pagkain, nanatiling nakatingin si Fonse kay Chong. Sinusuri niya bawat pagsubo niya, maski ang simpleng pag-inom nito ng pineapple juice. At habang ginagawa niya ito’y nangingiti-ngiti siya sa mabagal at buong pag-iingat na pagkain ni Chong. Parang bawat pagsubo niya ay kalkulado, lahat ng pag-inom niya ay bilang.
Unti-unti, nalalaman na niya ang kaligayahang tinutukoy ni Chong...
Unti-unting nagbago ang kahulugan ng ginto at asul na kalangitan sa buhay niya...
At unti-unting kumunot ang noo niya ng makita niya ang kinukuha ni Chong mula sa kanyang bag matapos niyang kumain...
“Ano ‘yan...BALOT?”
Saka niya marahang ipinukpok sa mesa ang itlog. “Syempre balot ‘to. Ano bang tawag ng mga mayayaman dito, UNHATCHED DUCK EGGS?” Akma na sa niyang babalatan ang dulo ng itlog ng biglang siyang matigil. Dahan-dahan niyang itunuon kay Fonse ang kanyang mga mata. “...Sandali, hindi ka pa nakakain ng balot ano?”
Napalunok ng laway si Fonse.
“Oha, oha. Oh kung nakakain ka na, malamang hindi mo nagustuhan...”
“Hindi!!! Nakakain na ako ng balot. Hindi ko lang alam bakit ka kakain ng balot pagkatapos mong kumain ng Cordon Bleu. Parang hindi magandang combination...” Nag-aalangang tugon ni Fonse. Nanlalaki pa ang mga mata niya kapag inihihiwalay ni Chong ang bawat parte ng balot.
Napailing si Chong. “Tsk...tsk...Alam mo bang ganyan din ang pag-iisip ko noon. Noong nalaman kong may nagpapartner pala ng puto sa dinuguan, hindi ko matake. Tsaka maski ‘yung tuyo sa champorado, parang hindi rin bagay. Pero naisip ko, eh sa gusto nila ‘yun eh, anong magagawa mo. Porke’t ba hindi mo gusto, dapat hindi na gagawin ng ibang tao kahit na may karapatan naman silang kainin ang kahit anong gusto nilang kainin? Oh, tapos, kapag napigilan mo silang huwag kainin ‘yung ayaw mo, anong fulfillment ang makakamtan mo? Magiging masaya ka ba for a hundred years? Applicable rin ‘yan maging sa pangkalahatang issues. Maraming may gustong ipasa ang RH Bill, meron din namang hindi. May mga may gusto ibigay ang Independence ng Sultanate ng Mindanao, meron ding ayaw. On taking a stand, ano ba ang naging basehan mo para panindigan ang isang bagay, iyon bang GUSTO MO, o iyon bang MAS MAKAKABUTI SA KARAMIHAN...” Saka niya hinigop ang sabaw galing sa balut. “Ahhhhhh, ang sarap...”
Napalunok lang uli si Fonse, habang nanlalaki ang mga mata.
Biglang natigil si Chong. “...at ganon din sa homosexual relationships, may mga konting pumapayag, pero mas maraming humihindi. Sa tingin mo bakit? Dahil ba hindi ba magandang combination ang dalawang lalaki, o dalawang babae?” Nakangiti niyang tanong.
Maski si Fonse ay natigil. “Shit, nainsulto ko yata siya...Anong gagawin ko?”
Inilihis ni Chong ang kanyang tingin kasabay ng unti-unti pag-alis ng ngiti sa labi niya. “Ang sarap talaga ng balot...YAAAAMMMMEEE...”
Pagkatapos noon ay agad-agad na kinuha ni Fonse ang isang balot mula sa plastic na may lamang tatlo.
Natigilan si Chong at nanlalaki ang mga matang tinitigan lang niya si Fonse.
“Saan ‘yung dulong may lamang sabaw?” seryosong sabi ni Fonse habang taas-taas ang balot niyang hawak.
Biglang napangiti si Chong. “Sigurado ka bang kakain ka ng balot?”
Pero hindi natinag si Fonse. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Tila determinadong-determinado sa gagawin niya.
Inalis ni Chong ang ngiti sa kanyang labi at saka ipinagpatuloy ang pagkain. “Sa flat na dulo...”
Dali-daling binasag ni Fonse ang itlog at binalatan ang dulo nito. Saka niya sinipsip ang sabaw nito. Pagkatapos ay binalat niya ito ng buo.
Tiningnan lang siya ni Chong ng patigilid, habang nangingiti-ngiti. “...ma-pride na tao...”
Kaagad na sinubo ng buo ni Fonse ang balot. Kahit na nakita niya ang sisiw nito na medyo malaki-laki na, hindi siya nagdalawang isip na kainin ito.
Halos maduwal-duwal nga lang siya ng marealize niya ang karumal-dumal niyang ginawa.
"SHIT!!! BUHOK BA NG SISIW 'YUNG SUMABIT NA IYON? PUTANG-INA!!!" mangiwi-ngiwing usal ni Fonse sa kanyang sarili.
"Ang sarap ng balot, hindi ba?" nakangiting sabi ni Chong, saka niya kinain ang matigas at puting parte ng balot.
Halos maduwal si Fonse. "Oo, ang sarap..." nakangiwing sagot niya. Sinubukan pa niyang gumilid para hindi mahalata ni Chong na hindi na maipinta ang mukha niya. "SHET, HINDI NA AKO ULIT KAKAIN NG BALOT!!!"
Habang halos mamilipit si Fonse sa pandidiri, nangingiti namang itinabi ni Chong ang sisiw sa kanyang plato.
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. "Sandali, hindi mo kakainin 'yung SISIW?" ang sabi niya matapos lunukin ng buo ang balot.
"Hindi, kumakain ako ng balot, pero hindi ko kinakain 'yung sisiw..." Namumungay ang mata ni Chong, kasama ng malaki niyang ngiti.
"FFFFFFFUUUUUUUUUCCCCCKKKKKKKK!!!!!!" Halos mangiyak-ngiyak si Fonse. "Kumain ka ng sisiw, kumain ako, kaya dapat kumain ka rin!!!"
"Tsk...tsk...kasasabi ko lang diba, hindi porket gusto mong gawin dapat gagawin na ng iba. Kapag hindi talaga nanggagaling sa'yo 'yung realization, papasok sa isang tainga, lalabas sa kabila..."
Kumunot ang mukha ni Fonse. Dali-dali niyang kinuha ang kaisa-isang natitirang balot sa plastic at mabilis niya itong binalatan. Inihiwalay niya ang sisiw ng balot, saka niya kinuha ang kanyang upuan at ipinuwesto ito katabi ng upuan ni Chong.
Tiningnan lang siyang kalman te ni Chong.
“Kumain ka ng sisiw...” padabog na sabi ni Fonse. Itinaas niya ang sisiw sa lebel ng bibig ni Chong. “Nganga...”
Unti-unting kumunot ang noo ni Chong, pero unti-unti rin itong nawala at napalitan ng ngiti. “Ikaw munang maunang ngumanga...” ang malambing niyang tugon.
Unti-unti ring nawala ang maasim na mukha ni Fonse, tila nahawa sa kalambingan na ipinakita ni Chong. Unti-unti niyang ininganga ang kanyang bibig. “Ahhhh....”
Ininganga rin ni Chong ang kanyang bibig.
“Nganga pa, nganganga ka na lang ang liit pa...” Sumungit uli ang tono ni Fonse. “Ahhhh....”
“Eto na oh...Ahhhh...” Muling ngumanga si Chong.
“Nganga pa, grabe ka naman...Ganito no...Ahhh” Saka nilakihan ni Fonse ang pagbuka ng bibig.
Saka itinulak ni Chong ang kamay ni Fonse, dahilan para mapunta sa bibig ng binata ang sisiw na hawak niya.
Walang nagawa si Fonse kundi lunukin ang sisiw.
“FFFFUUUUUCCCCCKKKK!!!” Dali-dali siyang uminom ng juice, kesehodang matumba ang mesa’y hindi niya ito iniisip.
“BAKIT MO GINAWA...” Bigla siyang natigil. Nakatingala lang si Chong sa langit. Para itong batang kumukurap-kurap at ngingiti-ngiti dahil sa kanyang surpresa sa kanyang harapan. Sinundan niya ang tingin ni Chong, at tumambad sa kanya ang lalong umigting na nag-aagawang kulay-ginto at asul na kalangitan, kasama ng maliliit na liwanag ng mga bituing unti-unting lumalaganap sa kalangitan.



Isang minutong katahimikan.
Nanatiling nakatingala sa mga bituin si Chong, parang sinusuri ang  bawat bituin na makita niya. Bakas sa mukha niya ang ligaya, parang napaka-among tupang sumusunod sa kanyang pastol. Minminsan ay kukurap siyang marahan, bagay na nagpapaganda sa kanyang mga mata, kasama ng ngiti niyang bihira lang makita.
Dalawang minutong katahimikan.
Sa halos isa’t kalahating metrong layo nila sa isa’t isa, walang ibang ginawa si Fonse kundi titigan lamang si Chong. Maski siya ay nahahawa sa ngiti nitong napakaganda. Kapag kumukurap si Chong ay napapakurap rin siya. Kung kay Chong, ang mga bituin ang sorpresa, para sa kanya, si Chong ang regalo niya. Maski mga mata niya’y tila ngumingiti, Kahit na halos hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan at sinusulyapan lamang niya si Chong...
“Ito pala ang ibig niyang sabihin...Namnamin at pahalagahan ang bawat sandali...”
Tatlong minutong katahimikan.
Dahan-dahang itinabi ni Fonse ang kanyang upuan na walang armrest kay Chong. Maski ng gawin niya ito’y nakatingin siya kay Chong, at si Chong naman ay nanatiling nakatingala sa langit.
Sa limang minuto’y naghari ang katahimikan at mga sulyapang hindi makakalimutan kailanman.
“Walang ka bang napapansin...”
Biglang nagising si Fonse sa kanyang daydreaming. Ngunit kahit na gayo’y hindi niya inalis kay Chong ang kanyang sulyap.
“...hindi mo ba napapansin na nagbabago na ang cellular structure ng mukha ko. Kanina mo pa ako tinitingnan, natutunaw na ako...”
Nabilaukan si Fonse. Inilihis niya ang tingin niya at itinuon sa harapan...
...Ngunit gayon ma’y hindi niya napigilang tingnan ni Chong, kahit na patagilid lamang...
Nanatili pa ring nakatingin sa mga bituin si Chong...
“Alfonse, anong pangarap mo sa buhay?”
Biglang napalingon si Fonse. Nanatiling nakatingin si Chong sa langit, at seryosong-seryoso ang mga mukha.
Huminga ng malalim ng Fonse. “Noong una gusto kong magbusiness, pero noong nagtagal parang gusto kong mag-HRM...”
Si Chong naman ang napalingon kay Fonse, tinitigan niya lang ito ng mabuti. Nakatingin lang sa kawalan si Fonse habang nakangiting tumatango ng marahan.
“Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?”
“Alam mo bang I am thinking na ang sasabihin mo sa akin, eh, Engineering talaga ang pangarap mo...”
Biglang napangisi si Fonse. “...OO nga ano, bakit nga ba hindi ‘yun ang sinabi ko...” sabay kamot sa kanyang ulo.
Napangisi si Chong.
“Pero totoo nga ‘yun. Alam mo bang ako ‘yung nagluto nung Cordon Bleu...” Nagmamalaki nitong sagot.
Tumataas ng 100 feet ang kilay ni Chong. “Nakapagluto ka ng Cordon Bleu ng tatlong oras?”
“OO NAMAN!!! ANG GALING KO KAYA!!! Pagkahiwalay na pagkahiwalay natin umalis ako kaagad para magluto. Hindi na nga ako pumasok ng Statics eh...”
Tinitigan lang siya ni Fonse. “Sige kunwari naniniwala akong nakapagluto ka ng ganoong kasarap na pagkain sa loob ng tatlong oras. At hindi ko na rin tatanungin kung bakit Engineering ang kinuha mo gayong Culinary naman ang gusto mo dahil isa na ‘yang malaking parte ng buhay ng mga mayayamang katulad niyo...”
Napangiti lang si Fonse. At gayon din si Chong.
“Ikaw, Chong, Engineering ba talaga ang gusto mong course?”
Biglang kumunot ang noo ni Chong, bakas sa pagmumukha niya ang pagtatanong. “...Hinde...”
“Kahit na ang taas ng grades mo? Bakit ayaw mo ng Engineering?”
Tumingin uli sa langit si Chong. “ Hindi naman ganoon kataas ‘yung grades ko. ‘Di sana scholar ako kung ganoon nga. Alam mo bang ang una kong pangarap ay maging teacher. Maski noong graduation ko noong Prep, teacher ang sinabi kong pangarap ko. Nung mga panahong iyon, maliit lang ang bahay namin at apat kaming nahihiga sa iisang kama. Papatulog na kaming lahat noon at nag-usap sila Mama at Papa. Akala nila tulog na ako, pero rinig ko ng buo ‘yung usapan nila. Alam mo kung ano?”
Nanatili lang na nakatingin si Fonse Chong, halata sa mukha niya ang pagtatanong.
“...Sabi ng tatay ko, magbabago rin daw ang pangarap ko...”
Lalong natahimik si Fonse.
“...Syempre iba ang opinyon ni Mama. Minsan din kasi niyang pinangarap na maging teacher, kaya okay lang sa kanya kung iyon ang gusto ko. Pero kahit na ganoon, tumatak sa isip ko ang usapan nilang iyon. Pero hindi lang naman talaga ‘yun ang naging basehan ko ng pagpili ng Engineering. Sariling choice ko ‘yun, kaya kailangan kong panindigan. Hence, good grades. Kailangan kong maging praktikal. Factory worker lang ang tatay ko, kaya kailangan kong mangarap ng malaki. Ayun, gustong-gusto naman ng tatay ko ‘yung naging pasya ko. Laging akong may pang-tuition dahil na rin sa tulong ng lola kong binibigyan silang sampung magkakapatid ng 50 thousand, in turns. Pero naisip ko hindi naman magtatapos ang pangarap ko sa paggraduate ng Engineering. Pagkatapos noon bubuo na naman ako ng mga bagong pangarap. Alam mo pagkatapos ng Civil, plano kong magturo muna, tapos habang nagtuturo, mag-aaral ako ng Mechanical tsaka Electrical Engineering, ‘yung mga kursong related sa Civil. Tapos pagkatapos noon, pupunta ako ng ibang bansa. Doon ako mag-iipon para mapatayo ko ‘yung dream house ko. Pagkatapos noon uuwi ako ng Pilipinas para magtrabaho. Kapag nandito na ako, mag-aaral ako ng Education tapos isasabay ko ang Psychology...”
Halos kumunot ang mukha ni Fonse sa mga pinagsasabi ni Chong. “Ang dami niyang plano sa buhay niya, grabe, kaya pala ang sungit ng taong ito...”
“Pero alam mo, sa tatlong taon kong pananahimik sa college na kadalasa’y nauuwi sa pag-iisip, at base na rin sa mga nasabi ko sa’yo kanina, nalaman kong hindi ko rin naman pala talaga gustong maging teacher...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. “Ang gulo talaga ng taong ito...”
“Ang gusto ko lang eh mag-aral. Tandang-tanda ko rin noong 4 years old pa ako, nanonood kami ng TV, pero hindi ko na matandaan ‘yung palabas. Out-of-the-blue, nasabi ko na lang kila Papa, na gusto kong mag-aral.Tuwang-tuwa sila Mama noon. Ganoon na naman kasi kahalaga ang edukasyon para sa mga magulang natin. Akala nila 'yun ang tanging paraang para maka-ahon sa hirap.Bata pa lang ako, mahilig na akong magbasa. Kahit na walang ibang bagay sa harap, basta may libro, okay na ako. Syempre ‘yung interesante namang libro, though para sa akin naman walang boring na libro kung titingnan mong hindi boring. Lahat naman ng bagay may taglay na kagandahan kung bubuksan lang natin ang ating mga mata. Hmmmm, ‘yun, pangarap ko lang mag-aral sa buong buhay ko. Sa tingin ko naman kahit anong trabaho ang pasukin ko, ma-accomplish ko ang pangrap kong iyan.”
Napatawa ng impit si Fonse. “Seryoso ka, natandaan mo ‘yung mga bagay na iyan kahit na 4 years old ka pa lang?”
“Pwede mong pagdudahan ang sinabi kong iyon, tulad ng pagdududa ko sa sinabi mong ikaw ang nagluto ng Cordon Bleu na iyon...” saka niya tiningnan ng pailalim si Fonse.
“Naku, ano ka ba? Joke lang iyon!!! Hahahaha!!!” Pero nanatiling nakatingin sa langit si Chong. Wala siyang nagawa kundi kunwari’y umubo. “Tama na nga, kung saan-saan na napunta ang usapan sa date natin...”
“DINNER” matigas na sabat ni Chong.
“Oh, sige na... Diba dapat magrerelax ka. Kaya ‘wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano...”
“Nagrerelax na nga ako. Kapag nakakapag-isip ako, nakakapagrelax ako. Kung kayo, nakakatakas kayo sa realidad sa pamamagitan ng video games at mga babae, ako, niyayakap ko ng buong-buo ang reyalidad, kahit na gaano kasakit, sa pamamagitan ng logic. Kaya ayokong ma-inlove, kasi ang mga taong naiinlove, nawawalan ng logic...
“Oh sige na, pero pwede ‘wag muna ngayon. Pwede, namnamin muna nating ngayon ‘tong mga bituin tsaka sunset ng tahimik katulad ng sinasabi mo kanina. Bakit nga ba napunta sa mga course at sa mga pangarap ‘yung usapan natin...”
Kasi napakasarap mangarap ng mga imposibleng bagay, kapag nasa ilalim ka ng mga matatayog na mga bituin...” ang nakatingalang sabi ni Chong.
Natigil si Fonse.
“Alam mo, may narealize ako. Hindi ko naman pala talaga kailangang tumakas sa lahat ng ito, kahit na sandali lang. Hindi ko naman talaga kailangang pumunta ng bundok, at magpaka-ermitanyo doon. Hindi ko rin kailangan tingnan ang mga bituing ito, o ‘yung napakagandang sunset na iyan. Alam mo kung ano ang kailangan ko?”
Tiningnan lang siyang nahihiwagaan ni Fonse.
“...Kailangan ko lang ng taong makaka-usap at makakaramay...” saka siya ngumiti at tumingin sa kalangitan.
Napangiti si Fonse. Saka niya naramdaman na may humilig sa kanyang balikat...
...Nakasandal sa kanya si Chong...
Wala siyang magawa kundi tingnan itong nanlalaki ang mga mata at namamangha.
Lalo siyang napangiti, at parang gagong napapa-iling dahil sa kilig. “Sabi ko naman sa’yo eh, tutulungan naman kita, basta sasabihin mo...” Pero wala siyang nakuhang sagot.
“Chong...”
Pagkalipas ng isang minuto’y wala pa ring sagot si Chong. Inaalog na niya ang kanyang balikat para malaman kung anong nangyari dito.
“Chong?”
Saka niya narinig ang paghilik nito.
Inangilan lamang niya si Chong, Ngunit sa loob niya'y may kurot ng kilig.  “Tinulugan ako ng gago...” Saka niya isinandal sa ulo ni Chong ang kanyang ulo.


At sabay nilang tinunghayan ang papalubog na araw kasabay ng paglatag ng mga bituin sa langit.



--------------------------------------------------------------------------

In seven days time, tatapusin ko na ang A Dilemma of Love. I'm afraid na macompromise ang iniingatan kong clarity, development at plot, kung meron man. Until sa matapos ko ito, daily na ang updates ng stiory na ito. Gusto ko na ring matapos ang kwentong ito bago magpasukan. Actually, gusto ko na ring huwag tapysin kaso nakakakonsensiya naman, kahit na walang readers, haha!!!

12 comments:

  1. Ako po ng iisang reader mo boss always po ako ng aabang sa update? Heheh

    ReplyDelete
  2. Ganda kaya ng. Story mo boss.

    ReplyDelete
  3. ako nagaabang din... nakakatuwa yung pagiging smartmouthed ni chong. hahaha

    ReplyDelete
  4. wow! araw araw na update? good news yan, yesssss!

    ReplyDelete
  5. Ako rin kaya. Lagi ko itong inaabangan andsmi kang mapupulot na aral about sa buhay buhay...

    ReplyDelete
  6. Ako rin kaya.. Lagi ko itong inaabangan..

    ReplyDelete
  7. Romantic ang story kahit masungit c chong. Tnx author sa update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  8. Nagkocomment lang talaga kayo kapag nagdradrama ako...Busit (haha)...

    ReplyDelete
  9. Ganda po ng story isa po avid reader nio..harry from dubai

    ReplyDelete
  10. maganda po kaya ung story at may mga nagbabasa ng gawa mo. cguro mga silent readers lang. Nakakalungkot naman na mbilisan itong matatapos pero gayon pa man kailangan mo po eh. At sure namang kht mabilisan cguradong maganda yan :)

    ReplyDelete
  11. maganda po kaya ung story at may mga nagbabasa ng gawa mo. cguro mga silent readers lang. Nakakalungkot naman na mbilisan itong matatapos pero gayon pa man kailangan mo po eh. At sure namang kht mabilisan cguradong maganda yan :)

    ReplyDelete
  12. mysterious and exciting thank u po..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails