318 (Ang textmate ko)
By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors note:
Yepee! Update na ako hehe =) Thank you po sa mga patuloy na
tumatangkilik ng gawa ko, hmmm, last 2 or 3 chapters na lang po ang “318 (Ang
textmate ko)” Sana po ay patuloy nyo pa
ring tangkilikin ang mga nalalabing kabanata ng akda kong ito at sa mga gagawin
ko pa pong mga akda =) God bless us po.
PS: Pa-add naman po sa facebook. :D (nielisyours@yahoo.com.ph)
Maraming salamat po! :D
Warning: Some words used in
the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not
appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any
parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and
comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About
the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of
its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be
immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 10
Xander ‘s Point of
View :
Hay nako! Umagang umaga busangot ni bes agad ang nakikita
ko. Ewan ko kung ano bumabagabag sa isip niya? Hawak hawak niya ang cp niya at
tila nakatulala sa kawalan, samantalang ako naman ay nagtutulug-tulugan lang.
Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mga mata habang ang mga mata ko ay
nakabukas lang ng bahagya. Napansin ko na parang malungkot ang kanyang mga
mata, iyon bang parang natalo sa isang laro na matagal niya na nang
pinaghandaan? Nakakaantig, nakakaawa, hindi ko naman mawari kung ano ang
dahilan ng lalim ng iniisip niya.
“Hayyyss! Sarap magswimming sa lalim ng iniisip ni bes..”
Pagbibiro ko sa sarili lamang.
Hanggang sa tinawag na kami ni Grace upang mag-almusal.
Ginising ako ni bes at syempre, ano pa bang ipapaalmusal ko sa kanya kung hindi
pangaasar upang ngumiti siya at mawala ang mga agam agam niya sa kanyang isip.
Ewan ko, pero sa tuwing nakikita kong malungkot ang bestfriend ko ay ibayong
awa at kalungkutan din ang nararamdaman ko.
Niyaya ko siyang gumala at pumunta sa mall. Gusto kong
kalimutan ni bes kung ano nasa isip niya. Nakakatiyak naman ako na si Tristan
ang nasa isip ni bes e, kung away mag-jowa lang iyon labas ako dun, ayoko naman
na makielam sa kanila dahil kung ano man ang napagusapan nila ay privacy na
lang siguro nila yun, kaya naman nilabas ko na lang ang bestfriend ko upang
pansamantalang makalimot sa mga dinadala ng kanyang isipan. Ngunit, sinasabi ko lang, huwag ko lang malaman laman
na niloloko siya ni Tristan kung hindi ay hahalikan ng Tristan na yun ang mga
kamao ko! Swear!
At pumunta nga kami ni Colby sa mall upang mag-gala gala.
Sinulit namin ang oras sa panonood ng sine at paglalaro sa arcade. Nakakatuwa
dahil effective ang plano ko, ang pasayahin si bes at alisin ang mga bagay na
bumabagabag sa kanyang isip.
Alas-3 na ng hapon ngunit hindi pa kami nananghalian ni bes.
Sobra kasi kaming nag-enjoy kanina sa arcade at sa sinehan, grabe! Tomjones na
ako mga dre! Kaya naman niyaya ko siya sa isang restaurant kung saan
nakaugalian na rin naming kumain ni bes noong high school kami. Ang sarap kaya
ng pizza doon! Kaya sa tuwing nakakakuha ako ng allowance sa mga scholarship na
inaplyan ko ay nililibre ko din talaga si bes, pero madalas siya ang
nanlilibre.
Habang naglalakad kami papunta sa pintuan ng restaurant na
kinakainan namin ay napansin kong may nililingon si Colby sa may glass window
ng restaurant na pupuntahan namin.
Hanggang sa mapako ang tingin niya sa loob ng restaurant at
tila may tinuturo ito, at nauutal na nagsalita.
“Be-bes,si-siya
yu-yung…” Nauutal niyang sabi. Hindi ko mawari yung emosyon niya pero parang
gulat na gulat ito at parang hindi makapaniwala sa nakita. What’s wrong?!
“Ano
bes?”Alala kong tanong sabay hawak sa mga kamay niya.
“Tara
na!” Pasigaw niyang sagot sa akin parang nairita ito.
“Anyare?
Anong siya yung? Sino yung nakita mo?” Pagaalala ko.
“Wala
bes, tara doon na lang tayo sa isang branch ng restau sa may katabing mall, wag
na dito okay?” Sabi niya ng nakangiti at parang walang iniisip na bagay, hmmm?
Fake smile!
“Lakas
mo mamlastik! Nalulungkot ka e! Huwag ka
nga magpangap na masaya! Sino yun? Kaaway mo ba yun? Binu-bully ka ba nun?
Gusto mo bang puntahan na’tin? Wag kang matakot! Reresbak tayo bes!” May
pagtataas ng boses kong sabi sa kanya. WTF! Sino kaya yun?!
“Wala
yun bes okay? Hmmm? Namalikmata lang siguro ako.. Tara na..” Pagyayaya niya
sabay hila sa akin palayo sa restaurant na iyon. Alam ko! May mali sa kaibigan
ko, parang kapatid ko na kasi siya kaya kahit galaw niya lang ay alam kong may
kahulugan ito.
Dinala
ako ni bes sa restaurant na katulad ng restaurant na kinakainan namin, iba nga
lang ang branch.
Nagtaka naman ako dahil parang wala siyang iniinda sa kanyang
sarili pero alam ko sa sarili ko, may dinadamdam siya, kahit anong galing niya
sa pagtatago, sa aking bestfriend niya ay hindi niya maikukubli!
Kumain
kami ni bes ng walang imikan, tila hindi namin ma-enjoy ang kinakain namin.
Napansin kong parang may kung anong bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi ko
naman alam kung ano yun. Pilit ko siyang pinapangiti sa mga jokes ko ngunit
pilit na ngiti lang ang sinusukli nito sa akin. Kaya naman hinayaan ko na lang
siya sa mga iniisip niya at sinabi ko na lang na..
“Bes!
Kung ano man yang mga iniisip mo, nandito lang ako ah? Kung kinakailangan mo ng
kaibigan para mag-unload nandito lang ako, kausapin mo lang ako..” Nasabi ko na
lang upang papanatagin ang loob niya.
Siguro
ay nahalata niya na rin na napansin ko ang pagkabalisa niya kaya binigyan niya
na lang ako ng isang ngiti at sinabing..”Okay lang ako.. Salamat bes at
nandyaan ka lagi para sa akin..”
Kung may
oras lang sana ako ay babalikan ko sana kung sino ang taong nakita ni Colby sa
loob ng restaurant, kaso niyaya agad ako ni bes na pumasok ng taxi dahil may
pupuntahan daw kami saglit, sumunod na lang ako..
Napagisip
isip ko, kung ayaw niya sabihin ang problema niya, kailangan niya ako.
Kailangan niya ng isang kaibigan upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam
niya. Kailangan niya ako.. Kailangan ako ng bestfriend ko!
Colby’s Point of View:
Anong
ginagawa niya dun? Bakit? Bakit? Bakit kasama niya ang boyfriend ko at may
kasama silang isang babae at tila nagtatawanan sila at parang masayang masaya?
Ang
lalaking naka-engkwentro ko noong first day of school! Ang lalaking bumungo sa
akin dahilan upang matapon ang iniinom kong chocolate shake noon at sinamahan
niya pa ng panlalait sa akin. Ang lalaking nakasapakan ni Tristan. Anong ginawa
niya sa isang table kasama ang boyfriend ko at ang isang babaeng hindi ko
kilala. At ang nakakapagtaka ay nagtatawanan sila?
Kaya
pala! Ang paliwanag sa akin ni Tristan noon ay magkakilala sila ng lalaking
iyon at parehas sila ng department noon. Kaya pala! Siguro ay dating
magkaibigan sila? Ngunit, bakit naman kaya sila nagaway ng parang hindi
magkakilala noong oras na nabastos ako. Bakit? Nakakapagtaka. At ngayon, masaya
silang nagtatawanan? Grabe! Parang bibiyakin ang utak ko sa hirap
pagtugma-tugmain ng mga nakita kong pangayayari mula noong unang araw ng
pasukan hanggang sa ngayon.
Marahil
ay napuna ni Xander ang pagkabalisa ko kanina sa restaurant habang kumakain
kami. Hindi kasi mawaglit sa isip ko kung bakit ganun e, kung bakit nakita ko
dun ang lalaking nakabunguan ko at nanglait sa akin noong first day of class.
Naglalaro
ng paulit ulit sa isipan ko ang suntukan ng lalaking iyon at ni Tristan noong
unang araw ng pasukan at ang nakita ko kanina sa restaurant na masaya silang
nagtatawanan at parang nagbibiruan. Ewan ko lang ha? Ayoko naman paghinalaan ng
di maganda ang boyfriend ko pero bakit naman kaya mas pipiliin niya pang
makasama ang dalawang iyon kaysa sa akin? Di ba boyfriend niya ako? At ang
malaking bagay na ipinagtataka ko ay kung paano sila nagkaayos ng lalaking iyon
e samantalang dati ay grabe kung makatingin ng masama ang lalaking iyon sa
boyfriend ko. Urrrgggg!! One more thing, boyfriend niya ako, dapat alam ko ang
mga nangyayari sa buhay niya, may karapatan ako..
Kaya
naman sinubukan ko na lang kalimutan ang mga nakita ko kanina. Marahil ay
magkaibigan lang talaga siguro sila ng boyfriend ko at masyado lang ako
napaparanoid sa mga nakikita. Wala naman akong dapat pagselosan di ba? Saka
mukha naman silang nagkakasiyahan lang doon e. Kung titignan mo kasi ay para
silang magkakaibigang tatlo at tila matagal na hindi nagkita-kita. Wala akong
dapat ika-selos dahil mga kaibigan lang iyon ng boyfriend ko. Arrrrggghhh!
Dahil sa pagmamahal ko sayo Tristan masyado akong napaparanoid!
Kaya
naman imbis na umuwi ay naisipan kong dumaan muna kami ni bes sa Manila Bay ni
bes upang makapagmuni-muni muna ako. Ang gulo kasi ng isip ko kanina pa, gusto
ko munang kalimutan kung ano man yung nakita ko, gusto ko sumaya at ma-relax
ang utak ko sa mga bagay na nagpapagulo dito.
“Bes?
Are you sure na ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik e..” Pagaalala sa akin ni
Xander. Hay nako, kaya mahal na mahal ko tong bestfriend kong to e, siya lang
ang nagaalala sa akin ng ganito.
“Oo
naman bes! Ano ka ba? Sorry pala sa inasal ko kanina ah?”
“Anong
inasal bes? Tsaka anong kanina? Ano bang ginawa mo kanina?” Pag-uusisa niya.
“Kasi di
ba dapat kakain tayo sa paborito na’ting restaurant, yung mismong branch na
kinakainan na’tin dati ah? Sorry kung hindi tayo dun kumain, mas masarap pa
naman ang pizza nila dun kumpara dun sa isang branch..” Sabi ko kay Xander.
“Wala
yun bes ano ka ba? Teka, matanong ko lang bes, ano ba yung nakita mo dun?”
Mistula naman akong natigilan sa tanong niya. Kailangan ko pa ba sagutin? Kailangan
pa bang malaman ni Bes?
“Hmmm?
Pwede ko bang i-share sayo bes? Hindi ko na kasi alam kung bakit ko yun nakita
e, at kung tama nga ba yung nakita ko, kaya siguro napansin mo kanina na balisa
ako dahil sa sobrang kakaisip..” Ani ko.
Oo, kailangan ko sabihin kay bes!
Bestfriend ko siya at kailanman ay hindi ako binigo ni Xander na tulungan sa
mga problema at sa mga iniisip ko.
“Oo
naman! Adik ka ba? Bestfriend mo ko tapos sasarilihin mo lang yan? Share share
din pag may time..” Pagbibiro niya.
“Di
naman joke time bes e! Adik ka talaga..”
Sambit ko sabay hampas sa braso niya.
“Haha!
Joke lang naman bes, ayaw lang kita na sumisimangot. Oh siya, ano ba yung
nakita mo bes?”
“Kasi..Kasi
bes.. si Tristan..” Nahihiya kong sabi at napatungo na lang ako.
“Anong
tungkol sa boyfriend mo?”
“Ahh
kasi bes.. nakita ko kasi siyang may kasama iba kanina.. ibang.. I mean.. ibang
kasama pero sa aking palagay ay kaibigan niya lang naman?” Nagaalangan kong
sagot, at hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Xander sa sinabi ko.
“Whhhhaaaattt?!!
Nakita mo siyang may ibang kasama pero hindi mo sinabi kanina? E di sana
sinugod ko na yun? Dyan ka lang bes at babalik ako sa mall, makikita ng Tristan
na yan ang hinahanap niya..” Si Xander na tumaas ang ang boses at akmang lalayo
mula sa akin upang bumalik sa mall na pinuntahan namin ngunit agad ko naman
itong pinigilan.
“Teka
lang bes..” Pagpigil ko sa kanya sabay hawak sa mga kamay niya at hinila ko
siya pabalik sa kinauupuan namin kanina. Naupo muli kami at pinagmasdan ko si
Xander, parang nanggagaliiti ito sa sobrang galit. “Ganito kasi bes, nakita ko
si Tristan na may kasamang dalawang tao, isang lalaki isang babae.. Masayang
masaya sila.. Iniisip ko lang naman kasi bes, kung sino yung dalawang yun.. At
ang malaking tanong sa akin bes ay yung lalaking kasama niya at minsan ko nang
naka-banggaan sa school..” Pagpapaliwanag ko.
“Nakabanggaan?
Bakit? Anong ginawa sayo nung lalaking iyon dati?” Alala niyang tanong.
“Kasi
bes, first day of class nun, umiinom ako ng chocolate shake sa canteen tapos
nakabanggaan ko siya.. pero, imbis na humingi siya ng tawad ay pinagtawanan
niya ako at sinabihan niya ako ng ‘ang tanga’ ko daw..” Kwento ko pa kay Bes..
“Edi
sana tinawag mo sa akin yan bes.. Ayoko pa naman ng naapi ka.. Ayoko ng
hinihiya ka ng ibang tao..” Pakiramdam ko naman ay hiyang hiya ako sa sinabi
niyang iyon. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya sa sinabi niya. Noong first sem
kasi ay bihira ako mag-text kay bes e, at hindi kami nagkakatawagan, alam nyo
naman siguro kung bakit. Hindi ko tuloy namalayan na may tao akong nakakalimutan
dahil masaya ako sa piling ng iba.
“Sorry
na bes..” Paghingi ko ng tawad sa kanyang at sumandal ako sa balikat niya.
“Okay
lang, dati pa alam ko na baka may lovelife ka na kaya nakalimot ka na sa
akin..”
“Uy,
hindi ah? Oo, sige aaminin ko na naging busy din ako kay Tristan pero hindi
kita nakalimutan bes, sorry kung minsan ay hindi ko magawang tumawag man lang
upang kamustahin ka.. Sorry..” Paglalambing ko sa bestfriend ko.
“Okay na
yun. Oh siya, nakakalimot ka! Ikwento mo na yung nangyari..”
“Ayun
nga bes, pinagtangol ako ni Tristan noon bes. Yung mga oras na iyon, hindi niya
pa alam na ako yung textmate niya.. Jinombagan niya yung lalaking iyon at
parang magka-away na sila dati pa dahil ang sama ng tingin nila sa isa’t isa..”
Kwento ko pa kay Xander.
“Oh? E
bakit naman sila magkasama kanina kung magkaaway pala sila dati?” Usisa ni
Xander.
“Yun nga
yung pinagtataka ko bes e.. Pero dati may nabangit si Tristan na mabait din yun
kaso baka may pinagdadaanan lang daw. Same department lang daw sila ng lalaki
dati e, pero wala siyang nabangit na magkaibigan sila tulad ng nakita ko kanina
na parang close na close sila at natatawanan. Parang tayong tatlo nila Jeena
dati noong high school.. Ganung bonding, kaya naman nagtataka ko kasi
magka-away talaga sila dati, at wala siyang nababangit sa akin bes na nagkaayos
na sila.” Kwento ko kay Xander.
“Ganun
ba? Baka nga magkaibigan na sila dati pa. Pero bes, alam ko hindi lang yan,
kasi bukod sa may iniisip ka nararamdaman ko na nalulungkot ka, sa totoo lang
kanina pang umaga kita tinitignan. Bakit ba? Anyare?” Paguusisa niya, isa lang
naman ang nagiging dahilan ng kalungkutan ko ngayon e, si Tristan. Ayoko ng
sabihin pa kay bes na naunsyami ang lakad namin dapat kanina, baka kasi magalit
na naman ito. Sa palagay ko ay ang duming-dumi na ng pangalan ng boyfriend ko
sa bestfriend ko. Ayaw ko nang dagdagan pa dahil ayaw kong magkaroon sila ng
alitan dahil sa akin. Kaya naman isinantabi ko na lang ang mga iniisip ko.
Nag-gala gala na lang kami bes at inenjoy ang buong araw ng magkasama, buti na
lang may isang bestfriend sa buhay ko na kahit ako ay nakalimot sa mga oras na
masaya ako ngunit siya at kapakanan at kaligayahan ko pa rin ang iniisip.
Salamat talaga dahil nandyaan si Xander lagi para sa akin.
Kinagabihan
ay tinanong ko kay Tristan kung saan siya nangaling at kung bakit hindi natuloy
ang lakad namin. Tinext ko siya ngunit napansin ko na di tulad ng dati ay ang
tagal tagal niyang magreply.
Tristan: Love? Sorry kung late
reply! May ginagawa kasi sa bahay e, uhmmm.. kc po inutusan po ako ng mama ko
na ihatid muna si Cindy kila tita.. Sorry po love, babawi po ako, pramis!
Bigla
naman akong natigilan sa reply niyang iyon. Hindi ko na nakuhang mag-reply pa
bagkus ay bigla na lang dumaloy ang luha ko sa aking pisngi. Bakit Tristan?
Bakit ka nagsinungaling?! Sino ba yung mga taong yun para pagtakpan mo sa akin?
Boyfriend mo ako di ba? Pero bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?!
Bakit kailangan mong ilihim na may kasama kang mga kaibigan kanina? Sino ba
sila? Maiintindihan ko naman kung gusto mo sila makasama o maka-bonding e,
ngunit bakit mo kailangan ilihim at magsinungaling sa akin? Bakit?
Habang
nasa ganun akong pagiyak habang nakayakap ako sa aking tuhod ay bigla namang
pumasok si Xander sa kwarto ko..
“Bes?” Malumanay
niyang pagtawag sa akin. “Kakain na raw tayo sabi.. Oh bes? Anong nangyari?
Bakit kay umiiyak?” Usisa niya at medyo tumaas ang boses nito. Kinuha ko naman
ang panyo ko at agad pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ayoko
ng sabihin pa kay Xander, ayoko ng madamay siya sa mga iniisip ko. Labas naman
siya dati at naapreciate ko naman ang bagay na ginagawa niya para lang tulungan
ako at mapasaya ako e, sapat na yun Xander.
“Wala
bes.. Napuwing lang ako.” Pagdadahilan ko habang nagpupunas ng luha.
“Alam mo
bes, pambansang dahilan na yan ng mga umiiyak e, yang napuwing. Isa..
susundutin ko yang ilong mo kapag hindi mo sinabi kung bakit..” Pangungulit ni
Xander. “Si Tristan ba?”
“Sa akin
na lang muna bes.. Sasabihin ko na lang sayo kapag handa na ako sabihin.”
Nasabi ko na lang sabay hila sa mga kamay niya upang bumaba na sa aming
hapagkainan.
Nag-dinner
kaming pamilya ngunit parang wala ako sa sariling kumakain. Nagke-kwentuhan
sila mommy at ang mga kapatid ko kasama si Xander tulad ng nakaugalian ngunit
kapag may nagbibiro ay nakikitawa na lang ako at tumatango kapag tinatanong ni
mommy. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Tristan, kung bakit siya
nagsinungaling. Ewan, nakakapanlumo pala kapag nalaman mong nagsisinungaling
sayo ang boyfriend mo ngunit hindi mo siya magawang awayin, dahil ayaw mo ng
argumento, dahil natatakot kang mawala siya sayo tulad ng dati kong
kinakatakutan nga, at dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Marahil
ay napansin iyon ni bes kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng dinner ay niyaya
niya akong maglakad lakad sa labas ng bahay.
“Bes?
Ano ba talagang problema?” Pamimilit niya sa akin.
“Wala
yun bes, away mag-syota lang yun..” Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit
ngunit bigla na lang itong bumalik sa bahay at parang napahiya sa sinabi ko.
“Hala,
baka na-upset ko si bes sa sinabi ko..” Bulong ko sa sarili. Kasi naman e,
dapat pala ay sinabi ko na lang sa kanya ang problema ko. E di sana kahit
papaano ay nabawasan ang dinadala kong sakit.
Napagdesisyunan
kong bumalik sa kwarto upang tignan kung ano ang ginagawa ni bes doon, ngunit
laking gulat ko noong wala siya doon. Na’san kaya yun?
Nang
dumaan si Ate Grace sa kwarto ko ay tinanong ko kung nakita niya ba si bes
dahil wala nga ito sa kwarto ko.
“Ah! Si
Xander ba? Nasa kwarto sa baba, doon daw muna siya matutulog. Parang nayayamot
nga yung mukha e, anyare sa inyo?” tanong ni Ate Grace, kilala kasi yan ni Ate
Grace dahil nga dati nang nag-sstay paminsan si Xander sa bahay namin. Alam ng
family ko kung paano kami nagkakaroon ng tampuhan magbestfriend.
“Ah,
wala the. Sige tulog na ako.” Nasabi ko na lang kay Ate sabay sinara ng marahan
ang pintuan ng kwarto ko.
Hindi
ako makatulog! Napakaraming bagay ang bumabagabag sa isip ko, una: yung nakita
kong eksena sa mall, kung paano nangyari iyon, pangalawa; ang pagsisinungaling
sa akin ng boyfriend ko, kung bakit niya naman magagawa sa iyon? Pangatlo; si
bes, na-upset ko siya. Sa aking palagay kaya siya na-upset ay dahil parang
ipinamukha ko sa kanya na wala siyang karapatan mangielam sa aming dalawa ni
Tristan. Sa totoo lang, wala naman talaga pero karapatan niya ang ipagtangol
ako lalo na sa mga oras na ito. Hayyysss!
Nunukan ka ng shunga Colby! Dapat
pala ay sinabi ko na kay bes ang lahat.
Kaya
naman bumaba na lang ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay upang pumunta
sa guest room at kausapin si bes..
Hindi
naka-lock ang kwarto kaya nabuksan ko ito agad. Naabutan ko si bes na nagbabasa
ng paborito niyang libro na binili ko pa sa kanya noong high school bilang
birthday gift sa kanya.
Umupo
ako sa tabi ng kama ngunit laking gulat ko noong tumalikod siya sa akin at
humarap sa kabilang gilid ng kama. Kaya naman ang ginawa ko ay humiga ako sa
natitirang espasyo ng kama at niyakap ko siya.
“Sorry na bes. Sorry kung
na-upset kita.” Paghingi ko ng tawad. Nagulat naman ako nang bigla siyang
humarap at niyakap din ako.
“Wag
kang ganun bes ah? Oo sabihin na nating I must know my boundaries especially sa
lovelife mo pero bes, maiiwasan mo bang maging concern ako? Ayaw kitang
nakikitang masaktan..” Na-touch naman ako sa sinabi ni Xander na iyon, buti pa
siya ayaw niya akong nasasaktan pero itong boyfriend ko, hindi ko na alam kung
ano ang nangyayari kung bakit kailangan niya magsinungaling sa akin.
“Okay
bes, pero pass muna ako doon sa problemang iyon ah? Ayoko munang isipin bes.. “
Nasabi ko na lang sa kanya. Ayoko na kasi isipin, napapagod na ako kakaisip sa
mga bagay bagay at ng mga tanong na hindi masagot ng isip ko.
“Okay
sige.” Simpleng tugon niya, marahil ay naiintindihan niya na ang punto ko.
“Bes, birthday mo na pala sa susunod na araw.. Anong plano mo?” Tanong ni bes.
Shit! I almost forgot na birthday ko na pala sa susunod na araw, buti pa tong
si Xander natatandaan niya.
“Oo nga
noh? Buti ka pa bes tanda mo, ako muntik ko nang makalimutan.”
“Syempre
naman bestfriend mo ko e.” Ani ni Xander. “Oh ano na ngang plano mo?”
“Wala
naman bes, basta nandyaan kayo, kayong mga kaibigan ko, pamilya ko at si
Tristan.” Sabi ko kay Xander habang nakayakap sa kanya.
“Ganun
ba? Sayang nga bes e, enrollement namin sa susunod na araw e, baka hindi kita
maharap.”
“Ano ka
ba? Okay lang yun bes, mas mahalaga ang enrollment mo. Marami pa naman akong
birthdays e kaya ayos lang yun.”
“Don’t
worry bes, nandito naman ako sa hapon e, mag-eenjoy ka. Okay?” Paninigurado
niya.
At sa
gabing iyon ay sabay kaming natulog ni bes sa guest room. Nakakapanibago lang
dahil walang aircon di tulad ng nakasanayan ko sa kwarto ko pero masaya ako
dahil bati na ulit kami ng bestfriend ko at kahit papaano ay naibsan ang mga
iniisip ko.
Dumating
ang araw ng birthday ko. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako
makaramdam ng saya o kahit anong excitement sa araw na ito. 18 years old na
pala ako, napakabilis talaga ng panahon. Feeling ko tuloy ay debutante na ako
(Charot lang XD) Parang kailan lang ay kasama ko ang mga high school friends ko
na nag-celebrate ng 17th birthday ko tapos ngayon mag-bibirthday na
ulit ako. Espesyal na araw ngunit para sa akin ngayon ay ordinaryong araw lang.
Alam kong alam nila mommy ang birthday ko ngunit kinausap ko na sila na ayoko
muna maghanda dahil sa malaki na nga ako at wala rin namang pupunta.
Nakalimutan ko nga kasi! I forgot to invite some friends!
Sa
umagang iyon ay walang Xander na bumungad sa akin pagkagising ko. Oo nga pala
at enrollment nila ngayon, pero nakaramdam ako ng kaunting paninibago dahil si
Xander? Aalis ng walang paalam. Dati
kasi noong high school kami at kapag sa bahay siya natutulog hindi pwedeng
hindi siya magpapaalam sa akin, minsan kas iay nauuna siya sa school dahil may
mga dapat pa siyang asikasuhin, kaya naman nakaramdam ako paninibago sa kanya
sa umagang iyon.
Nag-soundtrippings
lang ako sa kwarto ko at sinurf ang phone ko. Nakakatuwa dahil may mga ilang
kaibigang bumati sa akin.
“Happy Birthday Teh! God bless
sayo. Salamat for being a nice bestfriend to me. We love you, mahal ka namin =)
stay humble.. Maligayang kaarawan” –Nerrisse.
“Happy Birthday tol. Ayan tol
ang tawag ko sayo haha! Happy Birthday sayo tol, hmmm? God Bless lagi, wag kang
magaalala, aalagaan ko ang bestfriend mo.. We love you Colby..” –Lemuel
“Hoy kupalugs! Happy Birthday!
Sorry nga pala kung napagtritripan kita lagi ah? Okay lang, bawing bawi ka
naman, lagi naman akong barado e hahaha! Happy Birthday Kupalugs! God bless =)”
–Rex na mahangin.
“Hello bes! Sorry kung di na
kita ginising kanina ah? Sleeping beauty ka e! Humihilik ka pa nga e! wahhaha!
=) May gift ako sayo paguwi ko mamaya. Happy Birthday bes, I love you :* God
bless..
PS: Ni-record ko yung paghilik
mo para masaya..” –Si Xander.
“Hi dear, Happy Birthday =)”
–Rizza
“Happy Birthday beks! Thanks
for being so buang! Sorry kung lagi kang binabara ng bf ko ah? Tadyakan mo lang
yun! Wahaha :3 God bless Colboy! Wahahah.” Si Sam na buang na syota ni Rex.
“Happy Birthday tol!” –John
At may
mga ilan pang messages mula sa mga classmates ko ngayong college at sa mga
classmate namin dati ni Xander noong high school. Grabe! Sa mga simpleng
messages na ito ay napangiti ako ng sobra.
Maya
maya ay dumating na ang isa sa mga inaasahan kong message.
“Happy Birhtday love. Salamat
sa lahat love, mahal na mahal kita. Punta ako mayang gabi diyan sa inyo ah? Pie
Birthday! :* I love you..” Text ni Tristan.
Ako :
Anong oras ka pupunta love?
Tristan:
Mga 5 or 6pm po love.
Ako: Bakit
antagal? Punta ka na agad love.
Tristan:
E walang bantay kasi dito sa bahay love e, sorry, basta makakapunta ako..
Ewan ko
ba, ngunit nagkaroon na ata ako ng takot sa mga rason niyang may inaasikaso o
busy. Nakakadala na kasi e, noong nakaraang araw lang ay sinabi niya na may
pinapaasikaso sa kanya si Tita Claire pero napagalaman kong kasama pala niya sa
mall ang isang babae at ang lalaking nanlait sa akin noong first dayof class.
Alas-9
ng umaga nang bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay. Grabe naman!
Ang aga aga nag-disperse na agad ang mga tao ditey! Wala si mama at si Karen,
palagay ko ay sinama na naman ni mommy si Karen sa work, at si Ate Grace,
panigurado nagagala na naman yun.
Dumeretso
agad ako sa kitchen upang kumuha ng kape sa coffee maker namin. Akmang
pipindutin ko na ang coffee maker namin ng biglang may bumagsak na bagay mula
sa pintuan namin.
Natakot
naman ako kung ano yung bagay na bumagsak na yun. Ang pagkakaalam ko kasi ay
ako lang ang tao ngayong araw dito sa bahay. Day off kasi ni manang ngayon kaya
kahit siya ay hindi ko kasama.
Bagaman
kinakabahan na baka may magnanakaw dahil sa ingay ng bumagsak na bagay malapit
sa pintuan namin ay buong tapang akong lumapit sa may pintuan. Natatakot ako
mga ateng! Magisa pa naman ako! Baka pag nakapasok ng bahay yun ay limasin ang
mga gamit namin at.. at,.. baka pagsamantalahan niya ako. Basta’t siguraduhin
niya na gwapo at yummy siya bago niya ako pagsamantalahan. Charot! Inaatake na
naman ako! May Tristan na ako e hahaha!
Nakahawak
na ako sa doorknob ng pinto namin ng makita ko ang malaking tinidor na yari sa
kahoy na display ni mommy. Mahilig kasi si mommy sa mga antique items kaya
naman nagkalat ang mga bagay na bagaman luma ay maganda pa naman.
Kinuha
ang malaking tinidor na yari sa kahoy at unti unting binuksan an gaming
pintuan. Humanda ka ngayong magna cumlaude ka!
Laking
gulat ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang isang
banner na may nakalagay na HappyBirhtday
Colby!! At may nakalagay pang litrato ko sa gilid ng banner. Nang inangat
ko ang ulo ko ay bumungad sa akin si Mommy, si Karen, si Ate Grace, si Xander,
Si Nerrisse, si Lemuel, Si Sam, Si Rex, Si Rizza, at si John.
Sabay
sabay nilang binigkas ang mga katagang.. “Happy Birthday Colby!!” At lahat sila
ay naglapitan sa akin.
Syempre,
na-shocked at sobrang touched ako sa nakita ko. Ako nga ay ayaw ko
mag-celebrate para sa sarili ko pero sila ay talagang pinilit nilang magkaroon
ng celebration ang birthday ko. At talagang surprise pa ang tema ah? Isa isa
silang naglapitan.
“Happy
Birthday son..” Sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko.
“Salamat
ma.. Di ba sabi ko naman po okay lang po na walang celebration? Pero thank you
po ma, naapreaciate ko po sobra..”
“Eto
kasing bestfriend mo e, makulit, siya nagplano ang lahat ng to son, ayan, pati
yang banner na yan siya ang nag-design niyan. Siya na rin ang kumontak sa mga
kaibigan mo at siya ang nagpumulit na magkaroon ng mini celebration, kahit na
hindi ganong kagarbo daw basta maging masaya ka lang..” Pagbuking ni mommy,
grabity! Touch ako sa ginawa ng bestfriend ko. Kaya pala! Kaya pala sabi niya
last time ay magiging masaya ako sa birthday ko. Eto pala yun, nako buti na
lang talaga ay nandyaan si Xander.. Pero, pero, paano yung enrollment niya.
“Salamat
ng marami bes..” Pagpapasalamat ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
“Ayyyiiiiieeeee!!
Paktay ka kay Tristan..” Pagbibiro ng mga echusera kong ka-tropa.
“Uy teh!
Happy Birthday sayo!” Pagbati ni Nerrisse.
“Happy
Birthday Colby!”Pagbati sa akin ng tropa.
“Salamat
sa inyo, salamat teh! Salamat bes..” Pagpapasalamat ko sa kanila. “Bes paano
pala yung enrollment mo?”Tanong ko sa kanya na pabulong.
“Inasikaso ni mama bes.. okay na yun, ang mahalaga ay
kasama ko ngayon at masaya ka!” Hayss. Sobra talaga akong na-touched sa
ginagawa ng kaibigan ko sa akin, buti na lang at nandyaan si Xander.
Nagpa-deliver
si mama ng pagkain sa malapit na restaurant upang magkaroon kami ng munting
salo salo kasama ang mga kaibigan ko. Ngunit, may kulang, si Tristan. Dapat ay
sa espesyal na araw ko ay nandito siya.
Maghapon
kaming nagsaya ng mga kaibigan ko. Masaya naman ako dahil madaling naka-close
ni Xander ang mga ka-tropa ko. Nag-videoke kami sa bahay ng parang wala ng
bukas. Grabe! Si Rex pala na aangas angas ay mamaw pala kung kumanta, ang ganda
ng boses pramis! Si Rizza na tatahitahimik ay lumalabas din pala ang pagkakalog
pagdating sa kantahan, aba’t sumasayaw sayaw pa. Si Xander naman na idol ko din
sa kantahan ay kumanta ng mga paborito naming kanta noong high school kami.
Grabe! Napakasaya ng birthday ko! Isa na lang ang kulang si Tristan- ang
boyfriend ko.
Alas-6
na ng gabi ngunit wala pa rin sa bahay si Tristan. Nagtaka naman ako? Ang sabi
nya kasi ay nasa 5pm to 6pm ay nasa bahay na siya?
Kaya
naman noong hinatid namin sila Nerrisse papuntang sakayan ay pinauna ko na si
Xander sa bahay at napagdesisyunan kong puntahan na lang si Tristan sa bahay
nila. Sumangayon naman si Xander at sinabing magtext lang ako kung may
mangyari. Sinabi ko na rin kay Xander na siya na ang bahala magsabi kay mommy
na pumunta ako sa isang kaibigan.
Binagtas
ko ang daan patungo kila Tristan. Habang nasa bus ako bumalik naman sa isip ko
ang mga nangyari kanina sa birthday ko. Grabity! Ang saya saya, at ang lahat ng
iyon ay dahil sa bestfriend ko- si Xander. Ang swerte swerte ko talaga kay bes
at nandyaan siya upang pasayahin ako lagi. Sa mga oras na nagkakaroon kami ng
problema ng boyfriend ko ay nandyaan siya upang damayan ako at pangitiin ako
upang makalimutan ko ang problema namin ng boyfriend ko.
Nasa
malayo pa lang ako ay nakaramdam ako ng kabang hindi ko maintindihan. Bakit
naman kaya ako kakabahan? Ewan, tinuloy tuloy ko na lang paglalakad ko.
Nasa
pinto na ako ng bahay nila Tristan ngunit parang walang tao sa loob. Oo nga
pala, ang sabi sa akin ni Tristan ay wala daw tao sa bahay nila ngayon kaya
siya pinagbabantay. Siguro ay nasa kwarto siya.
Kaya
naman pumasok na lang ako sa loob ng bahay nila at nagmamadaling umakyat sa
hagdanan nila papunta sa kanyang kwarto.
Nakangiti
kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Tristan...
Tila
nagulat naman ako sa nakita pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto niya.
Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko sa nakita ko. Hanggang sa bumalik na
lang ako sa diwa ko na tumatakbo palayo sa kanilang bahay na walang suot suot
na tsinelas at tumutulo ang napakaraming patak ng luha mula sa mga mata ko. Sa
sobrang bigat ng nararamdaman ko ay pakiramdam ko ay pinipiga at tinatadtad ng
isang matulis na bagay ang puso ko. P*UTANG INA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hindi ko
namalayan na tumatakbo na pala ako sa gitna ng kalsada, hanggang sa marinig ko
ang isang napakalas na busina ng sasakyan at isang nakakasilaw na liwanag na
papalapit ng papalapit sa akin….
“BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPP!!!!!!!!!!
BOOOOOOOOMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!”
-
I T U T U L O Y.
Inantay ko tlga update mo :)
ReplyDeleteMalakas tlga kutob ko eh..somethings fishy.. haha
Peo nice chapter.. nxt UD pls :D
patay....
ReplyDeletepatay....
ReplyDeletewaaahh..PATAYIN na si TRISTAn..manloloko pla yn eh..kakabitin nmn..hayyy..nxt chapter please..
ReplyDeleteAqua_17
Ganda po tlaga ng story na to. Pls, pki update agad yung next chapter Asap!
ReplyDeleteNAMAN! ganda nitong story na ito! hehehe..
ReplyDeletenext chapter please :]
hala
ReplyDeletelagot ka kay xander tristan.
★kinikilig★
Arte na lang ni colby, kung sana tinanung niya si tristan sana hindi hahantong sa ganyan.... Paranoid lang ang PEG... Tanung tanung Colby pag may time ...
ReplyDeleteAyan nnman si colby... Ito ang bagong PEG ni colby ang maging paranoid... Paano siya lang gumagawa ng problema niya sana I ask niya si tristan... Tanung tanung pag may time colby, walang masama kung I confront mo then if will not work, let go...
ReplyDeletenakakakaba ang chapter na to,,grabe.
ReplyDeleteParang 'yung sa isang nabasa kong story dito.
ReplyDeleteNahuli ng bida ang boyfriend niya na may kaniig na ibang lalaki.
Malamang si Raffy 'yun, 'yung ex-lover ni Tristan.
Hindi naman porke nangsinungaing si Colby, dahilan na 'yun para magsinungaling din si Tristan. Tsaka, magkaiba ng motibo, although parehas masakit pero 'yung kay Colby, kasi mahal niya si Tristan. Eh 'yung Tristan, purong pananakit lang.
Kinakabahan na ako. Jitters.
Lagot ka kay Xander Tristan.
You will taste his fist. Bestfriend's revenge.
Again, HAPPY BIRTHDAY COLBY! (sarcastic)
Ang ganda po ng kwento. Continue po agad.
-Joey
Sana si Tristan pa rin ang makatuluyan niya. Although, wala akong maisip na dahilan para gawin 'yun ni Tristan, ang magtaksil at magsinungaling.
ReplyDeleteSaklap talaga ng ganyan. Feeling of betrayed.
Nagkutob pa kasi si Colby, ayun, tinotoo tuloy ni Tristan.
Pero sana talaga si Tristan ang makatuluyan niya.
-JOey
Sana maging sla ni xander!
ReplyDeletetagal naman ng next chapter atat nkon nhaha
ReplyDeletetagal naman ng next chapter atat nko hahaha
ReplyDelete