Followers

Thursday, June 27, 2013

'Unexpected' Chapter 20

Dito sa chapter na ito, we get to know more about Matt's past love. ;)

Comment for insights/criticisms. :)

--


Chapter 20

Josh.

“Hmmm, napatawag ka?” tanong ko kay Gab. “Wala lang. Nakakamiss ka kasi.” Natatawa niyang pahayag. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. “Weh. Gagu, ano nga?” balik ko sa kanya. Alam ko kasing nagbibiro lang ang mokong. “Oo nga, namiss lang kita. Ano ba ‘yang inaayos mo? Sabi ni tita hindi ka daw sa inyo matutulog.” Pagtatanong niya. “Ahhh, dito ko kila Matt. Nagyaya kasi.” Kaswal kong sabi. Natampal ko na lang bigla ang noo ko.

Gago ka pala, Josh eh! Eh ‘di iisipin niyan pinagpalit mo ‘yung pagpunta niya sa inyo sa pagpunta mo kay Matt!

Katahimikan.

“Ahhh, ok.” Tangi niyang nasabi. “Bukas na lang tayo magkita sa school, ha.” Sabi ko. “Sige, bye. Good night! Ingat kayo diyan.” Matamlay niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Me and my big mouth.

Nabalik lang ako sa realidad nang may magdoorbell. Tinungo ko ang gate nila Matt, expecting si Tito Richard na iyon. Ngunit nagulat na lang ako nang iba ang madatnan ko.

“JANINE!” gulat kong sabi.

Nagpose siya. “Siyempre, papahuli ba naman ako? No way! Gora ako sa overnight ng gang!” pahayag niya at dire-diretsong pumasok ng bahay nila Matt. “Bakit ka nandito?” taka kong tanong. “Ay possessive? Bakit ikaw lang ba pwede dito? Jowa? Pamilya?” bara niya sa akin. Natigilan naman ako sa tanong niya. I didn’t mean it that way. “Ito naman, friend! Joke lang. Tinawagan kasi ako ni papa Matt, para daw mas masaya haha. Sa wakas! Natuloy din tayo kahit may pasok tomorrow!” masaya niyang pahayag. Ngumiti na lang ako. Masaya ako dahil nandito si Janine dahil hindi rin kami gaanong nakapag-usap buong araw.

And once again, everything was falling into place.

Dapat ayusin ko na lang is ‘yung kay Gab, at ito nga... itong lintik kong puso. At least I’m done with Matt, and I can say after that misunderstanding ay naging mas matatag ang friendship namin. At... ewan, tila ba nahuhulog na ako sa kanya, pero not to the point na ihahalintulad ko sa nararamdaman ko kay Gab. Iba pa rin kasi si Gab. Mas malalim, mas may pundasyon. Ang gulo. Kay Matt naman, I feel safe and secure sa kanya, something na hindi naibibigay ni Gab sa akin. I know, how weird for a guy to say this, but kanina kasi ay naramdaman ko ang sincerity niya sa mga sinabi niya.

But again, mali itong nararamdaman ko. At heto na naman ako, trying to pick a choice when in fact there’s not even one to begin with.

“Janine!” nakangiting bati ni Matt. “Hi, Matt!” balik ni Janine at nagyakap ang dalawa na labis kong ikinatuwa. Nakakatawa na sa maikling panahon ay ganito na katibay ang samahan naming tatlo. Kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Ngunit may isang bagay pa akong hindi nasasabi kay Matt... itong pagkatao ko. Natatakot kasi ako na baka mag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Syempre, lalaki pa rin siya. Alam kong wala siyang alam sa side ng buhay kong ito. Si Janine at si mama lamang ang tanging mga nakakaalam.

“Oh-em! Josh, nagluto ka ng carbonara mo? Amoy eh.” tanong niya. Tumango na lang ako. “Nako, Matt! Pag natikman mo ang carbonara niyan, maiinlab ka lalo diyan!” pagbibida ni Janine. Namula naman ako sa sinabi niya. Tugma kasi ng biro ko kanina iyon. Ngunit lalo ko namang ikinataka ang sinabi niyang “lalo” daw maiinlove si Matt sa akin? Ano ‘yun? Mahal niya ako? Nagbibiro ba siya?

Tahimik lamang si Matt at tila hindi alam ang gagawin. Nailang siguro. Hay, siguro tama nga ang desisyon kong huwag sabihin sa kanya. Siguro, sa kalaunan, pero hindi pa siguro ngayon ang panahon. Seeing how he reacted on Janine’s silly joke already says a lot of things. Malaki ang possibility na hindi niya ako matanggap, which saddens me a lot. Napabuntong-hininga ako for the nth time ngayong araw.

“Bes, malapit na daw si dad. Papainit ko na ba kay Manang ‘yung sauce?” tanong sa akin ni Matt. “Ahh, ako na.” Wala sa sarili kong sabi at dire-diretso sa kusina. Narinig ko na tila may binulong si Janine kay Matt, ngunit hindi ko na lang pinansin iyon.

Habang iniinit ko ang sauce ay ‘di ko maiwasang hindi mapaisip sa kahihinatnan ng pagkakaibigan namin ni Matt once na malaman niya. Hell, I should worry even more once malaman lahat ni Gab, again, unless seryoso siya sa mga sinasabi niya noong nasa ospital kami, which is so unlikely. Kaya nga hirap na hirap akong tanggapin itong sarili ko, eh. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin itong lintik na puso ko kung bakit sa katulad ko pang lalaki ito tumibok! Kung sabihin natin, ay kay Janine *shudders* ay mas walang problema dahil babae naman siya, eh.

Ngunit gaya nga ng sabi ni mama sa akin dati na kahit kailan daw ay hindi naging mali ang nararamdaman ng puso.

“Bes, nandiyan na si papa.” Pagtawag ng atensyon ni Matt sa akin. “Hayaan mo na lang si Manang maghain niyan. Isabay na rin natin siya sa pagkain.” Sabi ni Matt. Tumango na lang ako at binigyan ng isang huling tikim ang sauce ko bago tahakin ang daan patungong dining area.

“Hi, Tito. Mano po.” Magalang na bati ko kay tito at nagmano sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa ni Janine. “Oh, Josh, Janine. I’m glad nakabisita ulit kayo dito.” Sabi niya. “Eh, busy po kasi sa school.” Pagdadahilan ko. “Dad, si Josh nagluto ng dinner natin!” pagmamalaki ni Matt. “Talaga? Galing! Sige, magbibihis na ako tapos bababa na ako agad.” Nakangiting sabi ni Tito. Sa eksenang iyon ay hindi ko maiwasang mangulila sa sarili kong tatay. Namimiss ko na siya. Close kasi kami at parang magkapatid lang din ang turingan namin. Ngunit, sabi nga niya ay kailangan niyang mag-aral muli kaya napilitan siyang umalis. Masaya ako para kay Matt na kahit wala na ang mama niya ay sobrang close nila ng napakabait niyang tatay. Sabi niya rin sa akin noon na napupunan na daw lahat ng papa niya lahat ng alagang hinahanap niya sa nanay niya.

“Manang, sabay na po kayo sa amin.” Pag-anyaya ni Matt. “Ay sige susunod na lang ako. May inaayos pa kasi ako sa kwarto ko.” Tugon ni Manang. “Ay, sige po. Titiran na lang po namin kayo.” Magalang na sabi ni Matt. Napangiti naman ako. Makikita mo kasing maganda talaga ang pagpapalaki sa kanya. “Bakit ka nakangiti diyan?” pang-aasar ni Janine na nakalimutan kong kasama nga pala namin. Nakaisip naman ako ng kalokohan. “Iniisip kasi kita. Mahal na ata kita, Janine.” Seryosong sabi ko sa kanya bilang ganti sa pang-aasar niya. Nanlaki naman ang mata niya, tila hindi makapaniwala. Bihira lang kasi ako magkaroon ng mood para mang-asar. Kadalasan ay hindi ko sinasagot ang mga bara ni Janine kaya siguro nagulat ito.

Bigla namang humagalpak ng tawa si Matt sa narinig. Napatawa na rin ako at bigla kaming nag-apir. “Nice one, bes!” bati niya. Natawa na lang ako lalo. “Eww! Kinikilabutan ako! Magtigil ka nga! Parang incest ka na rin! Yikes!” iritang tugon ni Janine na lalong nakapagpatawa sa amin ni Matt. “Bakit? Wala na ba talaga akong pag-asa sa’yo?” pagpapatuloy ko. “Magtigil ka!” pagmamaktol niya. At tumigil na nga ako. Baka kasi maisipan na naman niyang i-blackmail ako. Mahirap na.

“Papa, kain na po tayo.” Pag-anyaya ni Matt kay Tito Richard na ‘di namin namalayang nakapasok na pala sa dining area. “Si Josh ba kamo ang nagluto nito?” pag-inquire ni Tito. “Opo, papa. Masarap daw po ‘yang magluto, eh.” Bida ni Matt sa akin. “Ay hindi naman po hehe. Sana magustuhan niyo.” Pagsabat ko. “Sintensyahan na natin ‘to.” Sabi ng papa ni Matt. Si Matt ay kumuha ng serving para sa papa niya, pagkatapos ay nilagyan din niya ang sarili niyang plato. Nagulat naman ako nang akmang kukuha na ako ng para sa akin ay siya pa mismo ang naglagay ng pasta sa plato ko. “Kain ka na, bes.” Nakangiting sabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya.

“Josh,” pagtawag sa akin ni tito. “Po?” tanong ko. “This is really good.” Sabi niya. Nakasubo na pala siya ng pasta ko. Nangiti naman ako sa complement niya. “Thank you po.” Pagpapasalamat ko. “Weh? Tingnan ko nga!” paghahamon ni Matt at sumubo na ng pasta. Nakita kong tila natulala siya. “Oh, ano? Speechless ka, noh? Walang nakakaligtas sa carbonara ni Josh.” sabat ni Janine na sa ngayon ay kumukuha pa lang ng serving niya. Natawa na lang ako at nagsimulang kumain.

“Ang sarap, bes.” Medyo di niya makapaniwalang sabi. “OA. Simple lang naman ‘yan.” Bara ko sa kanya. Nagpatuloy lang siya kumain habang nangingiti, halatang sarap na sarap. Natuwa naman ako dahil tuluyan na akong nakabawi sa kanya. “Kain ka pa, ha. Niluto ko talaga ‘yan para sa’yo.” Sabi ko. “Ahh, eh... kasi alam kong mahilig ka sa pasta.” Pagbawi ko. Medyo may laman kasi ‘yung huling sinabi ko at baka maging iba ang dating noon sa kanya.

“Josh, nag-aral ka ba sa cooking school?” tanong ni tito. “Hindi po. Kasi po only child lang po ako at si mama lang ang kasama ko palagi sa bahay kaya medyo naturuan na rin niya po ako sa kusina. Nasa ibang bansa po kasi lagi si papa.” Pagpapaliwanag ko. “It’s good. Dapat kung bibisita ka dito magluluto ka haha.” Biro ni tito. “Sige po. ‘Yun lang po pala.” Pagsakay ko. “Sige po, bibisita po kami dito lagi.” Pagsingit ni Janine sa usapan. “Ako ‘yung kausap ni tito, hindi ikaw.” Natatawa kong basag sa kanya. Nagtawanan na lang kaming apat sa lamesa.

“I’m glad na kayong dalawa ang naging kaibigan ni Matthew. Nakikita ko na mabubuti kayong tao, at ngayon nakikita ko ng ngumingiti si Matthew. Hindi tulad dati noong iniwan siya ni...” tila natigilan si tito sa sinasabi niya. Napukaw naman ng pansin ko ang sinabi ni tito. Mukhang may hindi ako nalalaman tungkol sa nakaraan ni Matt kaya siguro iba ang mga mata niya noong mga unang araw namin sa school. Tiningnan ko ang reaksyon niya at nakita kong napayuko na lang siya habang nilalaro-laro ang pagkain niya habang napapailing. Clearly ay malalim ang pinaghuhugutan niya.

Naawa ako sa ayos niyang iyon. Ang naiisip ko na lang ay kailangan ko siyang tulungan. Kailangan kong malaman kung anuman ang mga hinanakit niya dati. Gusto ko siyang pasayahin. Ayoko siyang nakikitang nalulungkot, dahil truth to be told... ay nasasaktan din ako. Dapat ay bumawi ako sa kanya at burahin ang mga kalungkutan niya mula sa nakaraan.
“Ahh, ehh... whoo ang sarap talaga Josh.” Pagbasag ni Janine sa katahimikan. Nagpatuloy kami sa pagkain na parang walang nangyari.

--

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Sinabi ni Matt na mauna na kami ni Janine sa kwarto niya na siyang sinunod naman namin. Umakyat na kami ni Janine sa hagdan at nang makapasok na kami sa kwarto niya ay agad kong tinanong sa kanya ang bagay na kanina pa bumabagabag sa akin. “Jans, napansin mo ba ‘yung sinabi nung tatay niya kanina?” tanong ko. “Ay, na-notice mo rin pala. Gulat nga ako eh. May past pala siyang hindi sinasabi sa atin.” Pagsang-ayon niya. “Kawawa naman siya. Ang lungkot kaya niya tingnan kanina.” Sabi ko. “Oo nga, eh. Dapat malaman natin siguro iyon para matulungan natin siya. That is, if he’s willing to tell.” Sabi niya. “Oo nga, pangit naman kung manghihimasok tayo.” Pagsegunda ko.

“Oh, heto. Para naman masaya ang gabi hehe.” Pumasok na si Matt dala-dala ang isang bote ng alak, at isang supot ng groceries. I assume na chaser at pulutan ang laman ng plastic na iyon. “Ay, bongga! Akala ko wholesome ang peg natin ngayon. Bet ko ‘yan!” excited na sabi ni Janine. “Hindi kasi natuloy ‘yung dapat overnight natin noong weekend.” Sabi ni Matt. Natulala naman ako. Alam ko kasing ako ang dahilan kung bakit hindi kami natuloy noong weekend.

“Oh, start na tayo.” Pag-anyaya niya.
--

Nang medyo may tama na kami ay may naisip na ideya si Janine. “Guys, truth or dare tayo!” suhestyon niya. “Sige!” pagsang-ayon ni Matt. Tumango na lang ako bilang tugon. “Guys, form tayo ng triangle.” Utos ni Janine na siya naming ginawa. “Ganito, ha. Kung sino tamaan ng ulo ng bote, siya ang magtruth or dare, ang tamaan naman ng pwet ng bote, siya ang magdedecide kung ano ipapagawa or itatanong. K? Start na tayo. Sandali lang kasi may pasok tayo bukas.” At inikot na nga ni Janine ang bote.

Kay Matt tumigil ang ulo ng bote at sa akin naman ang pwet nito. “Oh, Josh do the honors.” Sabi ni Janine. “Truth or dare?” tanong ko sa kanya. “Truth.” Diretso niyang sabi. Napaisip naman ako. Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kanya, ngunit pinili ko siyempre ang tanong na pinakabumabagabag sa akin. “Bes, you have the option not to answer. Ano ‘yung sinasabi ng dad mo kanina? Na iniwan ka daw dati?” tanong ko. Medyo nagitla naman siya sa tanong ko, at tila napaisip. “Pwedeng hindi mo sagutin. Sabihin mo lang.” Pagpapaalala ko sa kanya. Ayaw ko rin naman siyang pilitin. Gusto ko lang namang mailabas niya lahat ng hinanakit niya, pero hindi ko naman siya pwepwersahin kung ayaw niya. Napabuntong-hininga siya.

“It’s okay...” pagpayag niya. Kami ni Janine ay tininingnan siya ngayon ng masinsinan, interesado sa kaninyang magiging sagot. “Nagmahal ka na ba ng sobra? Pagmamahal na pinaikot mo na ang mundo mo sa isang tao? Pagmamahal na selfless, na walang pretentions, walang doubts, because you really love that person?” pagsisimula niya.

--
Matt.

Flashback
“Oh, shit! Late na ako.” Pagtakbo ko sa hallway ng school namin. Leche naman, eh! Terror pa naman si ma’am! Patay ako nito. Nagmamadali na ako at hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko. Nang marating ko ang kanto papuntang classroom ko ay di sinasadyang may nabangga akong babae. Pareho kaming napaupo sa lakas ng impact. “Sorry, miss!” paghingi ko ng tawad at agad-agad na pinulot ang mga nalaglag niyang mga gamit. Pagkatapos noon ay tinulungan ko siyang tumayo.

“Okay lang. Nagmamadali ka yata eh.” Mahinahon niyang sabi na siyang ikinagulat ko. Akala ko kasi ay magagalit siya sa akin. Pinagmasdan ko siya. Napahanga naman ako dahil sa kanyang simpleng kagandahan. Siya na siguro ang tamang imahe ng salitang ‘charming’. Simple lang ang ayos niya, ngunit lutang na lutang ang kagandahan niya. “Matt nga pala.” Pagpapakilala ko. “Meg.” Tugon niya. “Sige, mauna na ako, ha.” Nakangiti niyang sabi. Nang mga oras na iyon ay nakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ako nagmamadali. Lahat ng atensyon ko ay nakatuon sa paglayo niya. Napangiti ako. Unang beses ko kasing makaramdam ng ganito.

Iyon na pala ang simula ng lahat.

Ginawa ko lahat ng makakaya ko para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Kahit mukha mang stalking ang ginagawa ko ay wala na akong pakialam, basta alam ko ay malinis ang intensyon ko sa kanya. Nalaman kong isa siyang second year student sa star section. Pati mga clubs na kasali siya ay sinalihan ko rin sa pag-asang magkakalapit kami.
At hindi nga ako nabigo.

Talagang kinaibigan ko siya. At sa pagdaan ng panahon ay tuluyan na nga akong nahulog sa kanya. Hindi ko maikakailang pagmamahal na nga ang nararamdaman kong ito. Siya kasi ang tanging laman ng aking isipan, at ang pangalan niya ang sinisigaw ng puso ko. Masaya ako at higit sa lahat ay ramdam kong kumpleto ang pagkatao ko kapag kasama ko siya.

Kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

Hindi ako nabigo. Naging kami ng November 14 ng taong ding iyon. Kung sasabihin kong masaya ako dahil doon ay hindi iyon sapat para ilarawan kung gaano talaga ako kasaya. Kung may salitang pwedeng ilarawan ang pinakamasayang pakiramdam na posibleng maramdaman ng tao ay siguro iyon dapat ang salitang gamitin ko.

Ngayon, ang taong pinakainaasam-asam ko ay akin na. At plano kong maging kanya hanggang kamatayan.

Naging masaya ang relasyon namin sa kabuuan. Ni minsan ay hindi kami nag-away, dahil lahat ng ‘di namin pagkakaintindihan ay nadadaan namin sa usapan. At malaking bahagi ng pagtagal ng relasyon namin ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil kahit anong pagsubok ang dumating sa amin ay handa akong lumaban para sa kanya. It was perfect. I could never ask for more.

Until the storm came.

Nalaman kong umalis patungong Amerika si Meg. Ang mas masakit pa doon ay ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin. I had no clue. I was left hanging by myself. I felt my world began to crash. Wala na ang taong pinaghuhugutan ko ng lakas. Wala na ang taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon para harapin lahat ng pagsubok sa buhay. Higit sa lahat...

Parang wala na rin ang buhay ko.
--

Josh.

Katahimikan. Napainom na lang si Matt ng alak matapos ang kanyang kwento.

Hindi ako makapaniwalang may ganito palang kabigat na dalahin si Matt. Siya kasi ang taong laging masiyahin. Ang mga corny niyang jokes ang nakakapagpabuhay ng araw ko. Ang mga ngiti niya ang lagi kong hinahanap-hanap, kaya tila isang malakas na suntok ang nadama ko sa mga nalaman ko. Kita sa mga mata niya ngayon ang mga nangingilid niyang luha. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Alam kong kailangan niya ng kaibigang masasandalan ngayon.

Tahimik lamang siya habang hinahayaan niyang nakayakap ako sa kanya. Naramdaman ko na lang na tila basa ang mga balikat ko. Kakaiba ang pag-iyak niya. Tahimik. Walang hagulgol, ni hikbi. Tumutulo lang ang luha galing sa mga mata niya. Kung tutuusin ay parang wala lamang ito, ngunit alam ko, alam ko na kapag ganito ang iyak ng isang tao ay masyado ng masakit ang nararamdaman niya na napatutulala na lamang ito at tahimik na umiiyak.

Alam ko ito dahil napagdaanan ko na rin ito.

Naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni Matt, na tila nagsasabing itigil ko na ang pagyakap ko sa kanya. Nakangiti na siya ng hilaw ngayon. Alam ko kahit papaano ay nahimasmasan na siya at medyo gumaan na rin ang pakiramdam niya. “Sabi ko sa’yo, eh. Okay lang na hindi mo sagutin. Sorry sa tanong ko.” Paghingi ko ng paumanhin. Nakunsensya din naman kasi ako at medyo naguilty dahil hindi naman talaga siya magkakaganiyan kung hindi ko tinanong iyon sa kanya.

“Okay lang, okay lang. Matagal ko na namang tanggap ‘yun eh. At isa pa, may iba ng laman ang puso ko.” Nakangiti niyang sabi. “Sino ba talaga ‘yon?” hindi ko napigilang tanungin. Tumingin lamang siya sa akin ng matagal. Naghintay ako ng isasagot niya. Matagal ko na rin gustong malaman kung sino ang taong iyon at baka nga yon ay masagot na ang tanong na iyon.


“Si...”

Itutuloy...

2 comments:

  1. Sana mas sipagin ka mag update regularly Mr. Author. Ang cute kasi ng takbo ng story mo, nakakakilig hehe. Keep up the good work. I'm a big fan. :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails