Ayun, sana'y patuloy niyo pa rin suportahan ang series na ito. Nawa'y matapos ko na siya. Fingers crossed!
Maraming salamat sa lahat ng sumusubaybay. Sobrang naaappreciate ko iyon. Comment if may gusto kayong i-suggest/tanong/criticism. :)
Lastly, ay isang malaking Thank you kay Kuya Mike for this opportunity.
--
Chapter 15
Here comes the worst part.
I’ve dreaded this for as long as I can remember.
“Ang gulo-gulo mo! Nitong mga
nakaraang araw ay hindi mo na ako pinapansin! Wala naman akong ginagawa sa’yo!
Sabihin mo nga sa akin. Kasi pati ako gulong-gulo na sa’yo, Matthew!” bulyaw ko
kay Matt. Nadala na ako ng emosyon ko.
“Hindi ko alam, pero masaya
ako kapag kasama ka. Hindi ko na kaya, Joshua. Nasasaktan ako kapag puro na
lang siya ang bukambibig mo! Na dahil alam ko na siya pa rin ang laman niyan!
At hindi ako! OO INAAMIN KO! MAHAL NA ATA KITA! Joshua, kailan mo ba ako makikita?
Pagod na pagod na ako!” sabi ni Matt na sa mga sandaling iyon ay sumisigaw na
sa akin habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.
Natigilan ako.
“Joshua, sagutin mo naman ako!
Please! Hindi ko na alam ang gagawin ko!” at humahagulgol na nga si Matt ng mga
oras na iyon.
“Matthew... hindi ko alam.
Alam ko may nagsasabi sa puso kong may nararamdaman na ako para sa’yo, pero
hindi ko alam. Hindi ko alam, Matthew.” At nagsimula na rin akong umiyak.
Ramdam na ramdam ko kasi ang mga sinabi ko sa kanya. Tila nahimasmasan naman
siya at bigla akong inalo. “Tutulungan kita. At least ngayon ay alam kong may
panghahawakan na ako. Mahal na mahal kita, Joshua at kahit kailan ay hindi ko
sasabihing mali itong nararamdaman ko para sa’yo. Magsimula tayo.” Masuyo
niyang sabi sa akin. Tumango naman ako, dahil may malaking parte ng sarili ko
ang gusto siyang pagbigyan.
At niyakap niya ako, na siyang
ibinalik ko sa kanya. “I love you.” ang sabi niya. “I’m getting there.” Tugon
ko.
...
“CUT!” sigaw ni Janine. At
natapos na nga ang huling scene. At laking tuwa ko dahil tapos na ang
presentation namin. Tahimik ang buong klase, ng ilang sandali. Si Nikki ay
nagsimulang ipalakpak ang mga kamay niya at nagsunuran ang buong klase. Si
Ma’am naman ay nasa likod, tila mugto ang mata. Ilan din sa mga kaklase ko,
kasama si Nikki at Janine ay tila mga galing sa pag-iyak. Hindi ko rin
ineexpect ang magiging performance namin ni Matt. Halos gilitan na ako ng leeg
ni Janine tuwing practice dahil sa hindi ko daw makuha ang emosyon ng scene, na
hindi daw ako nagleletgo. Hindi ko rin alam kung anong espiritu ang sumapi sa
akin nang mga oras na nagpeperform kami ni Matt. Si Matt din naman ay di rin
maikakailang nadala din sa istorya. Wala naman kaming balak umiyak, dahil sabi
nga ni Janine ay pahikbi-hikbi lang daw ay pwede na. Kaya ganoon na lang ang
laki kong paghanga sa ginawa namin kanina. Ni isa sa mga classmates ko ay wala
akong nakitaan ng pagkailang o pagkadisgusto sa concept ng story namin. Siguro
ay dahil nadala na rin sila sa mga ginawa namin ni Matt.
At nagbow na nga kaming tatlo
sa harap nila. Pumalakpak lamang silang muli.
“Grabe, every meeting pagaling
ng pagaling ang mga presenters! Kudos to the group of Ms. Go, Mr. Gutierrez,
and Mr. Lopez! Very, very moving performance! Ms. Go presented the facts well,
and ‘yung interpretation nila... the acting! My God! Congratulations, perfect
score kayo sa reporting!” pagcongratulate sa amin ni Ms. De Vera. Tuwang-tuwa
naman kami dahil nagbunga din ng maganda ang mga pagod at hirap namin sa
rehearsals at dahil mukha naman walang naging problema sa concept namin kay
ma’am. Aaminin kong mami-miss kong magrehearse dahil bonding na rin naming
tatlo iyon, ngunit mas nakakaoverhelm pa rin dahil tapos na kami magpresent, at
with flying colors pa! Break na nang mabigyan kaming tatlo ng pagkakataong
makapag-usap ng maayos.
--
“Congrats sa ating tatlo!”
Tuwang-tuwang bati ni Janine sa amin nang makalabas kami ng classroom. If
anyone deserves the credit more than anyone else, it would be her. Siya kasi
ang brain ng lahat ng ito. “Congrats. Thanks din Janine sa lahat hehe and
pasensya na kung naiirita ka sa akin tuwing rehearsals.” Sabi ko sa kanya.
“Nako! Huwag mo ng isipin ‘yan! Bawing-bawi mo naman kanina! Di ko kayo kinaya!
Grabe, ang galing niyo!” bati niya sa amin.
“At
dahil diyan... hindi tayo papasok bukas! Overnight kayo sa amin. Inuman tayo!”
sabi ni Matt na ikinagulat ko, pero nagustuhan ko naman ang ideya niya. “OMG,
bet ko ‘yan! Friday na naman bukas eh tapos half day lang naman dahil sa
faculty meeting! Perfect timing! Gora ako!” si Janine. “Ikaw, Josh?” tanong ni
Matt sa akin. “Ahh, sige paalam ako. Sige, we have the right to celebrate naman
eh.” Ang sabi ko na lang. Napagkasunduan naming susunduin na lang kami ni Matt
sa mga bahay namin bukas bago magtanghalian para daw mahaba ang bonding namin.
--
Gab.
“Since tapos na naman akong
magdiscuss, can I just share something? Kanina nasa section III-A ako for my
World History class...” sabi ni ma’am nang matapos niyang idiscuss ang concept
ng market equlibirium sa Economics class namin. Napukaw naman ng pansin ko ang
sinabi ni ma’am na “section III-A” daw. Bigla ko na namang naalala si Josh.
Naging interesado ako sa kwento ni ma’am dahil baka nandoon si Josh sa kwento
niya.
“Ngayon lang ako napaiyak ng
mga estudyante ko. Ang galing ng report ng grupo nila Ms. Go. Medyo unexpected
ang concept pero very moving. ‘Yung dalawang actors talagang umiyak sila sa
harap ng klase for the sake of performance. Ang weird nga eh dahil love story
between two men ‘yung concept...” casual na pagkkwento ni ma’am. Ms. Go? Ibig
sabihin si Janine? And if my memory serves me right ay magkagrupo silang tatlo
ni Josh, at nung Mark ba ‘yun?
At lalo kong ikinagulat ay
‘yung sinabi ni ma’am na love story between two men. Ibig sabihin umarte si
Josh? Napapayag nila si Josh? Kung ayos pa sana kami ni Josh ay malamang
inaasar ko siya tungkol dito at malamang nagcut pa ako ng klase para sumilip sa
room nila at panoorin siya. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Ang dami na
sigurong nagbabago kay Josh. Mukhang masaya naman siya eh dahil wala naman
akong nababalitaang hindi maganda tungkol sa kanya. Ni hindi man lang kami
nagkakasalubong dito sa campus. Sa loob-loob ko ay alam kong iniiwasan lamang
niya ako kaya ni minsan ay hindi nagkrus ang mga landas namin. Haaaay.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin alam ang gagawin ko. Kahit ang relasyon ko kay Therese ay napabayaan ko na
rin nitong mga nakaraang linggo. Kaya inasahan ko na rin na makikipagbreak siya
sa akin. She did it in the most subtle manner as possible. Ayaw na daw niyang
masaktan pa akong lalo. Clearly ay may gumugulo sa isipan kong ayaw kong
sabihin sa kanya. Kaya kahit masakit ay wala akong nagawa. Ngunit kahit ang
sarili ko ay hindi pa rin mapagtanto kung ano ba talaga ang gumugulo sa akin
bukod sa ‘di namin pagkakaintindihan ni Josh.
Pakiramdam ko ay napagkaisahan
ako ng mundo. Na wala ng nagmamahal sa akin. Kahit si mama ay bihira ko ng
madatnan sa bahay dahil busy na siya sa umuusbong naming business. Wala akong
girlfriend, wala akong bestfriend. Fuck my life! Napansin na din nila na tila
napapabayaan ko na ang sarili ko. Bakit daw hindi ako nagkakakain ng maayos,
etc. My self is the least of my concerns right now.
Break.
Sa ‘di malamang dahilan ay
bigla akong nahilo at di kalaunan ay nagdilim ang paningin ko habang palabas ng
room. At ang huli ko na lang narinig ay ang boses ng kaklase kong sinisigaw ang
pangalan ko.
--
Josh.
Lunch break na at lumabas na
nga kaming tatlo ni Janine at Matt. Habang naglalakad ay naalala kong naiwan ko
nga pala ang wallet ko sa room. “Bes, Jans, sunod na lang ako. Naiwan ko wallet
ko, eh. Balikan ko lang.” Sabi ko. “Samahan na kita.” Ngiting alok ni Matt.
“Hindi na. Sunod na lang ako.” Pagtanggi ko. Tumango lamang sila. Habang
paakyat pabalik ng room ay parang may nasense ako na kakaiba. May mali. May
nakita akong kumpol ng estudyanteng nagkukumpulan sa mga hilera ng room ng mga
Seniors. Nagtaka naman ako kaya sumilip ako.
Nabitawan ko ang librong hawak
ko sa nakita ko. “Gab!” sigaw ko.
--
Matt.
“Ang tagal naman ni Josh.”
Pagpansin ko dahil mahigit sampung minuto na ay hindi pa rin siya bumabalik.
“Oo nga no, speaking off. Anyway, hindi naman siya mawawala. Heto, kamusta ka
na?” tanong sa akin ni Janine. “Okay naman. Pogi pa rin.” Biro ko. “Gago, given
na ‘yun haha. No, seriously, how are you dealing with Josh?” seryosong tanong
niya. “Ganoon pa rin naman. Gaya ng sabi mo, I should make him feel special
everyday. May mali ba akong ginagawa?” inosente kong tanong.
Ngumiti si Janine.
“Wala. Everything’s perfect. I
guess tama na ‘yang nagawa mo.” Sabi ni Janine na ikinataka ko naman. “Huh?
Titigil na ba ako?” taka kong tanong. “What I meant was, you’re done with stage
1! Yay! Graduate na siya! Pwede na siguro tayong magpunta ng stage 2!” masaya
niyang sabi. “Ano naman ang stage 2?” tanong ko. “Medyo crucial ito dahil
malaki ang probability na hindi ito magwork-out.” Seryoso niyang tugon. “Handa
ako.”determined kong sabi.
“Good. Dahil ayokong masaktan
ka in the process.” Sabi niya na lalo kong ikinataka. “What do you mean?”
“Ito na kasi ang part na
gagamutin mo na ang puso ni Josh. Now that he’s all prepped up, dapat ang gawin
mo ay mag-open siya sa’yo. To the point na ikkwento niya everything including
‘yung thing kay Gab, and about his sexuality.” Sabi niya. “Mahirap nga.” Sabi
ko na lang. “Oh, anong nangyari sa determination? It gets harder, I’m telling
you. Dahil along the process, once na mag-open na siya sa’yo, it doesn’t end
there. I need you to be ready, kasi once na mag-open up siya sa’yo ay
bittersweet moment na ‘yan. Masaya dahil nagtiwala na siya sa’yo, at masakit
dahil malalaman mo kung gaano niya kamahal si Gab. See the point?” makahulugang
sabi ni Janine. Natigilan ako.
“So are you up for it?” tanong
niya.
I let go all of my
inhibitions. Ang alam ko lang ay ang desire kong mapasaya siya, kaya kahit
masaktan ako in the process ay gagawin ko. Tumango ako. Ngumiti lang ulit si
Janine at nagpatuloy lang kaming dalawa sa pagkain ng lunch namin.
Biglang nagvibrate ang
cellphone ko. Nang i-check ko ito ay tumibok ang puso ko nang makita kong si
Josh ang nagtext. Excited kong binuksan ang message, ngunit lahat ng tuwa ay
naglaho nang mabasa ko ang text niya.
“Dinala namin sa ospital si Gab. Hinimatay kasing bigla. Sorry if I
missed out on luch. I’m even more sorry dahil I don’t think I can join
tomorrow’s overnight. Wala kc magbabantay dito. Sorry. Enjoy na lang kau ni
Jans.”
This is probably the kind of pain
Janine told me a while ago. And it hurts like hell.
--
Chapter 16
Josh.
“Doc, kamusta na po ang lagay
niya?” ‘di ko mapakaling kong tanong sa doctor. Aaminin kong lubos akong
nanghina at nanlumo nang makita kong nakabulagta ang katawan niya sa semento
kanina. Lalo kong kinainis ay ang mga taong tiningnan lamang siya at hindi man
lang tinulungan. Walang sabi-sabing binuhat ko siya at dinala sa clinic. Sa
pagpilit ko naman ay nakumbinsi ko silang dalhin siya sa pinakamalapit na
ospital gamit ang isa sa mga sasakyan ng eskwelahan.
Masakit. Napakasakit makita
ang taong mahal mo sa ganoong kalagayan. Akala ko noong una ay kaya ko na
siyang kalimutan, ngunit gaya ng inaasahan ay mali na naman ako. The moment I
saw him in that condition, everything went back in a snap. Mukhang mas
mahihirapan pa akong kalimutan siya sa kalagayan niya ngayon.
“Wala naman kayong dapat
ipag-alala. Overfatigue lang naman ang assessment ko. Kasi based on my
observations ay hindi siya nagkakakain nitong mga nakaraang araw. Konting
pahinga lang ay okay na siya. Pero I suggest na iconfine muna natin siya dito
for 2 days at most para maobserbahan muna namin siya. Kailangan rin niya kasing
makarecover.” Pahayag ng doktor. Medyo nahimasmasan naman ako dahil wala naman
palang malalang nangyari kay Gab.
“Kaanu-ano po kayo ng
pasyente?” tanong ni doc. Natigilan ako. Ano na nga ba kami ni Gab? Bestfriend
ko pa rin ba siyang maituturing? Ano nga ba? Hindi ko alam. At dahil dito ay
nanamlay akong lalo. This is reality being shoved onto my face. I just opted
for the safest answer. “Ahm, schoolmate ko po siya.” Ang malungkot kong sabi.
“Pwede ko na po ba siyang makita?” tanong ko. “He’s still unconscious, but in
the next hour or two ay magigising na iyon. Pwede ka na pumasok.” Sabi niya.
“Sige po. Salamat, doc!”
At pumasok na nga ako sa
private room na kinalalagyan niya. Tinawagan ko muna si Tita Cynthia para
ipaalam sa kanya ang nangyari sa anak niya. Halatang alalang-alala siya para
kay Gab, nakisimpatya naman ako at sinabi kong ayos na naman si Gab, ngunit
kailangan muna niyang iconfine ng ilang araw para maobserbahan pa ng doktor.
“Josh, maraming salamat dahil
lagi kang nandiyan para kay Gabriel. Pero, Josh may problema kasi. Pwede bang
pakibantayan mo muna si Gab kahit hanggang bukas ng gabi lang? Nasa Cebu kasi
ako. I’ll take the next flight as soon as I can. Pasensya ka na, ha.” Sabi ni
tita na ikinagulat ko dahil wala naman talaga ito sa plano. Wala naman talaga
akong balak na magpakita sa kanya pag nagising na siya. Ngunit ngayon ay hindi
ko na ito pwedeng bitawan kaya pumayag na ako. Nagpasalamat si tita at binaba
na ang telepono.
Pinagmasdan ko siya. Halata
ang malaking pagbabago sa mukha at katawan niya. Namayat siya at mahahalata mo
ang mga eyebags sa ilalim ng mga mata niya. I was devasdated with the sight of
him. Lalo ng nakaratay siya ngayon sa hospital bed. Alam kong hindi ito ang Gab
na nakilala ko. To be honest, ay sobra ko na siyang nami-miss. Araw-araw ay
hinahanap-hanap ko pa rin ang mga oras naming magkasama, ang mga kulitan namin,
at ang pagkakaibigan namin. Umaasa pa rin ako na isang araw ay magkakaayos
kami. Ngunit alam kong this time ay siya na dapat ang gumawa ng paraan dahil
nasaktan niya ako. Ang kailangan kong gawin ay ihanda ang sarili ko.
“Gab, ano bang nangyari
sa’yo?” ang mga salitang lumabas sa mga labi ko habang patuloy ko siyang
pinagmamasdan.
--
Matt.
“Janine.” Ang tanging sinabi
ko na lang matapos ay iniabot ko sa kanya ang cellphone ko para mabasa niya ang
text ni Josh sa akin. “Oh-em.” Singhap niya. “Huwag na nating ituloy ‘yung
plano bukas.” Malungkot kong sabi. “Matt...” tila natahimik niyang sabi. Alam
ko naman ang ibig niyang ipahiwatig, na alam niyang nasasaktan ako.
“Matt, I’m sure Josh would’ve
done the same thing if you were in Gab’s shoes.” Seryosong sabi niya, pilit na
pinapagaan ang loob ko. “Yeah, pero... si Gab kasi ‘yun.” Tila pagsuko kong
sabi. Masasalamin sa boses ko ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong maling
mag-inarte dahil may masamang nangyari doon sa tao at concerned lang talaga si
Josh. Pero kasi... pagbalig-baligtarin man natin ang sitwasyon ay si Gab pa rin
iyon. Siya kasi ang laman ng puso ni Josh kaya hindi ko maiwasang magselos,
magtampo, maghinanakit, mainsecure, mainggit, and every other selfish
adjectives you can think off. He’s still Gab.
At wala akong laban sa kanya.
“Janine, mauuna na muna ako. I
need some time alone.” Tahimik kong sabi kay Janine. “Sure. I understand.”
Pag-intindi niya. Nilisan ko ang canteen at nagsimulang maglakad kung saan man
ako dalhin ng mga paa ko sa loob ng campus. Pilit kong iniintindi ang
sitwasyon. Kailangan kong intindihin. Ayokong sumuko. Hindi ako pwedeng sumuko.
“Matt.” Dinig kong tawag sa
pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Nikki na ikinataka ko dahil
bihira naman kaming mag-usap dalawa. “Oh, Niks! Anong atin?” kaswal kong bati
sa kanya, pilit na pinapasaya ang aura ko. “Ahh, wala lang. Pwede ba kitang
makausap?” tanong niya sa akin. Ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan?
Tumango na lang ako at naupo kami sa may stage.
“Anong meron?” inosente kong
tanong. Nagtataka talaga ako dahil ngayon lang talaga niya ako kinausap ng
ganito. Puro ngitian at tanguan lang kasi kami sa classroom. “Nakakahiya kasi
eh...” namumula niyang pagsisimula. “Sus, sa akin ka pa nahiya. Ano ba ‘yun?”
sabi ko sa kanya, pilit pinapalakas ang loob niya. “It’s about Josh.” At nang
marinig ko ang pangalan niya ay todo focus na ako sa mga susunod niyang
sasabihin.
“May nililigawan ba siya
ngayon?” hiyang tanong niya. Uh-oh, I
don’t like where this is going. “Not that I know of. Bakit?” Seryoso kong
sabi. Hindi ko na kasi gusto ang takbo ng usapan. “Crush ko kasi talaga siya
eh... pwede bang patulong?” si Nikki. Nanlaki ang mata ko sa narinig, tila
nahulog ang puso ko sa kinalalagyan nito at bumagsak sa semento. “HINDI PWEDE!”
nagulat na lang ako nang lumabas ito sa bibig ko.
Tila napahiya naman si Nikki
kaya hinabulan ko agad ang sinabi ko. “Ahh, what I meant was...” at naputol na
nga ang sasabihin ko because I don’t have one. “Ahhh, Matt... Ayokong
mag-assume pero may gusto ka ba sa akin?” tila naninigurado niyang tanong.
“Wala ah!” diretso kong sabi. Napa-isip siyang sandali, at bigla na lang
nanlaki ang mata niya na tila may narealize siya. “Kung hindi ako... alangan
namang si Josh...” bulalas niya at nanlaki ang mata ko. Nanlaki rin ang mata
niya.
Bistado na ako.
“Whoa! May gusto ka kay Josh?!
That’s ridiculous! Kadiri ka!” tila irita niyang sabi. Hanga din naman ako sa
lakas ng loob ng babaeng ito. Akala ko pa naman noon ay mabait siya. That
explains kung bakit hindi kami close, dahil may nasense na akong pangit sa
ugali niya noon pa man. “What’s ridiculous?!” irita ko ring balik sa kanya.
Nang mga oras na iyon ay wala na akong pakialam kahit hindi ko ideny ang
damdamin ko para kay Josh. Lalo na sa kanya na may nararamdaman na rin pala
para kay Josh. Kailangan ko na siyang bakuran.
“That!
I mean you’re both guys... You mean you’re... you’re...” pinutol ko na ang
dapat sasabihin niya. “That I’m gay? What if I’m gay? What are you going to do
about it?” paghamon ko sa kanya. Tila natahimik siya, pero dahil nga
sobra-sobrang emosyon na ang naglalaban sa loob ko ay hindi ko iyon pinansin.
Hindi niya siguro inaasahan ang natuklasan. Nagulat din naman ako sa sarili ko
kung bakit nasabi ko iyon. Siguro ay hindi na rin naging issue sa akin ang
pagtanggap sa sarili ko. Nagmahal lang naman ako, eh. Walang mali doon.
“Oh,
natahimik ka?! Bakit? Ano ang masama doon? Wala akong pakialam kung ang tingin
mo mali itong nararamdaman ko para sa kanya! Ikaw nga eh naatract ka sa kanya,
magtataka ka pa ba na ako rin? Alam kong nakikita mo rin kung ano ang meron si
Josh, and I am not blinded with that. Secondly, wala kang karapatang husgahan
ako. Sabihin mo ng mali, pero ako ay kahit kailan ay hinding-hindi ko
sasabihing mali ang nararamdaman ko para sa kanya! Never in a million years!
Dahil kahit kailan ay hindi naging mali ang magmahal ng ibang tao! Hindi ka
Diyos para katakutan ko! Now, before you go on judging other people with their
preference, why don’t you look at yourself and judge it first? Now when you
think you deem yourself worthy to belittle others, then judge me! Until then,
just shut the hell up!” litanya ko sa kanya at walang paalam na umalis.
--
Josh.
“Uhhhhmmm...” narinig ko ang
isang impit na ungol. Agad kong chineck kung gising na nga si Gab. Dalawang
oras na rin kasi nang lisanin kami ng doktor. Nakita ko siyang gising at tila
may masakit sa kanya. “A-asan ako?” matamlay niyang sabi sa sarili. “Nandito ka
sa ospital.” Diretso kong sabi. Napalingon naman siya sa direksyon ko. Tila
naguluhan siya kung bakit ako nandito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ayos
niyang iyon. May pananabik sa kanyang mata, kalungkutan at, paghingi ng tawad.
Natunaw ang puso ko dahil doon. “Hinimatay ka kasi kanina kaya pinilit kong
ipadala na kita sa ospital. Bakit ka kasi hindi nagkakakain? Nanamlay ka
tuloy.” Sabi ko habang nagkukunwaring inaayos ang gamit niya. Ayoko rin kasing
magkaroon kami ng eye contact. Hindi pa ako handa.
“Josh,” rinig kong tawag niya
sa akin. Tiningnan ko siya at nang magtama ang tingin naming ay bigla na lang
siyang humagulgol. Nadurog ang puso ko sa nakita ko. Nasasaktan akong nakikita
ko siyang ganyan. Masakit makita ang taong mahal mo na umiiyak. Agad naman
akong lumapit sa kanya at walang sabi-sabi ay binigyan ko siya ng isang yakap.
Pati ako ay napahagulgol na rin. Marahil lahat ng kinimkim ko nitong mga nagdaang
linggo ay tila sumabog na. “Sorry, bes... sorry, sorry, sorry. Ang tanga tanga
ko! Patawarin mo ako....” si Gab habang patuloy pa ring humahagulgol. “Shhh,
shhh.” Pang-aalo ko sa kanya habang hinahagod ang braso niya. Kumalas ako sa
yakapan namin at ngayon ay natingnan ko na siya ng mata sa mata. Patuloy pa rin
ang pag-iyak niya.
“Josh, hindi ko alam kung saan
ako magsisimula... oo, nagsinungaling na ako sa’yo, at pagkakamali ko iyon kaya
nagsisisi na ako... Josh, gagawin kong lahat mapatawad mo lang ako.”
Pagmamakaawa niya. Siguro ay panahon na. Naisip ko rin naman na handa na akong
magpatawad dahil... kahit papaano ay dumistansya na rin ang puso ko sa kanya
kahit mahal ko pa siya hanggang ngayon. Para mabawasan na rin ang mga dinadala
ko. Sobrang nahihirapan na din kasi ako. Why would I deny myself of happiness?
“Wala na ‘yun. Dapat inintindi
na lang kita. Dapat—“ “No, no, no, Josh! Palagi na lang ako ang iniintindi mo!
Lagi na lang Gab, Gab, Gab! Paano ka naman? Nitong mga nakaraang araw ay
narealize kong napakaselfish ko. Kaya galit na galit ako sa sarili ko dahil
naitaboy at nasaktan ko ang kaisa-isang taong umiintindi sa akin! Kaya kung dahil
lang ito sa nangyari sa akin...“ pagputol niya sa akin at napabuntong-hininga
siya. “Kung hindi ka pa handa, Josh... maghihintay ako. Kasalanan ko ‘to eh.
Dapat ikaw naman ang intindihin ko.” Pagtatapos niya.
“Gab... basta wala na ‘yun,
okay? Kasi may mali rin naman ako. Hindi ko dapat pinairal ‘yung isang maling
ginawa mo. Hindi ko dapat tinimbang ‘yung isang maling ginawa against sa
napakaraming magandang bagay na ginawa. I should’ve
minded our friendship more than anything else. Narealize ko na mas tanga ako
kung hahayaan kong mawala ang samahan natin dahil sa isang kagagawan lang...
Sorry.” Sabi ko. Lalo namang napahagulgol si Gab sa narinig niya.
“Salamat. Ang dami ko ng utang
sa’yo.” Ang sabi na lang niya. “Oh, pwede mo ng bayaran ngayon.” Seryosong biro
ko. Medyo napaisip naman siya, at natigil sa pag-iyak. “Oh, sige. Ano bang
dapat kong gawin? Kahit ano, Josh. Handa ako. Pagsisilbihan kita, paliliguan,
alipinin mo ako, kahit ano kung anumang mapagpapasaya sa’yo.” inosente niyang pahayag.
Hindi ko na lang pinansin iyon dahil isa lang naman ang gusto kong bagay na
gawin niya. “Magpagaling ka na. ‘Yun lang.” Nakangiti kong sabi. Nangiti din
naman siya sa naging tugon ko. “Bati na talaga tayo?” tila excited na batang
tanong niya. “Pag-isipan ko pa. Naiinis kasi talaga ako sa’yo eh. Ang sakit
kaya ng ginawa mo.” Pagbibiro ko. “Babawi ako.” Seryoso niyang sabi. Medyo
kinabahan naman ako sa hindi malamang dahilan sa sinabi niya. “Wag na! Ok na
hehe.” Sagot ko. “Basta. Hayaan mo na lang ako. Marami akong mga pagkakamaling
dapat itama.” Pahayag niya. “Sabi mo eh haha!” sabi ko, tila iniinda ang seryoso
niyang pahayag.
“Josh.” Seryosong tawag niya.
“Hmm?” tanong ko. “Salamat, ha. For everything.” Sinserong sabi niya. Napangiti
naman ako. “Mahal na ata kita...” sabi ni Gab.
Ano daw?
Mahal na ata kita...
Mahal daw niya... ako?
Mahal na ata kita...
Totoo ba ‘tong narinig ko?
Mahal na ata kita...
Baka naman thankful lang siya?
Dahil pinatawad ko na siya? Baka naman overwhelmed lang?
Mahal na ata kita...
Kung may bagay na mali ang
timing ay ito na siguro ang isa sa mga bagay na iyon. Kahit ano pa man ang ibig
sabihin niya sa katagang iyon ay... ewan ko, parang hindi ko matanggap.
Nasasaktan ako lalo dahil kung kailan ramdam kong kaya ko na siyang pakawalan
sa ‘di malamang dahilan ay ngayon ko pa ito maririnig mula sa kanya. Matagal ko
ng gustong marinig sa kanya ito, eh. Akala ko once that happens eh sobrang saya
ang mararamdaman ko. Eh bakit nalilito ako? Bakit tila parang may kulang?
Parang may mali? Parang... ewan.
“Oh, bakit natahimik ka?”
inosente niyang tanong, na parang wala siyang sinabi kanina. Baka naman OA lang ulit ako. “Ah...
eh... wala! Oh, ano gusto mong kainin? Hahanap kita sa labas. Baka bukas ka pa
ng gabi i-discharge eh. Ako muna bantay mo wala kasi mama mo.” Sabi ko sa kanya.
“Pwede bang ikaw na lang?” tanong niya. “Huh? Oo ako magbabantay, bakit?” taka
ko ring tanong. Hindi ko kasi nagets. “I mean... ikaw na lang kainin ko?” pilyo
niyang tanong. Namutla naman ako sa tanong niya. Aaminin ko kasing nakalimutan
ko na ang ugali niyang ganito kaya medyo hindi ko naihanda ang sarili ko. Gayunpaman
ay maganda rin na sign ito dahil unti-unti ng bumabalik ang dating Gab. “Sira!
Sige gumanyan ka pa at talagang hindi na kita kakausapin!” banta ko sa kanya
para na rin itigil na niya ang mga kalandian niyang ito. “Joke lang po. Huwag
kang magalit ha... ikamamatay ko.” Seryosong pahayag niya. Nanlaki naman ang
mata ko sa narinig.
Katahimikan.
Ano bang meron kay Gab ngayon?
“Ahh, sige cup noodles na
lang, bes. Gusto ko kasi ng mainit eh. Pasensya na, nautusan kita hehe.” Sabi
niya matapos ang nakakailang na katahimikan. “May sakit ka, eh. Oh, sige.
Intayin mo na lang ako.” Lutang kong tugon. Lumabas na ako ng pinto para ibili
siya ng makakain. Napabuntong-hininga ako.
Ngayong may Gab na ulit sa
buhay ko, ano na kayang mangyayari? At ano ang ibig sabihin ng sinabi niya
kanina?
--
Itutuloy...
Kiliiiiig
ReplyDeletegrabe naman ung first part... u got me there author! hahaha. astig ka!
ReplyDeleteikaw na! da best ka...
woooot. d na ako makahintay sa update :]
thank u
Thanks sa update!!! kahit dito sa office Im reading your story.. hahah
ReplyDelete- mike
bongga! update agad pls.
ReplyDeleteJOsh...pagupit k ng buhok pag may time sobrang haba na LOL
ReplyDeleteAtSea
wagas ang story na toh......love ko talaga kpag mag best friend
ReplyDeletewagas talaga.....loved ko talaga ang mga best friend ang peg hahaha
ReplyDeletevery nice nman..prang na iihi lng sa kilig!!
ReplyDeletetnx author sa nice story
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete