Written by: Tzekai
CHAPTER 19
Prue's Point of view
Monday,excited akong pumasok,ewan,siguro dahil tanggap ko na nga na nagmamahal na ako at excited akong makita si Kreyd,nung after ng acquantance hindi ako nakatulog sa kakaisip nun,ganun pala kasarap ang pakiramdam pag inamin mo na sa sarili mo na nagmamahal ka na nga,at si Popoy? Sa palagay ko ay infatuation lang yung nararamdaman ko sa kanya,kasi kung mahal ko din sya,mahihirapan akong umamin sa sarili ko diba?
"Prue!" tawag sa akin habang naglalakad ako kaya huminto muna ako at nilingon ito,si Coop.
"Oy Coop! Musta?" sabi ko ng makalapit sya.
"Ito,ayos naman,tara sabay na tayo,para makapag review ng konti pagdating sa room" sagot nito ng magsimula na ulit kaming maglakad.
"Review? Bakit?" taka ko pang tanong.
"Hahaha! Nakalimutan mo bang next week na ang prelim? Ikaw talaga" anito.
Luh? Oo nga pala! Buti na lang pinaalala nya!Masyado kasi ako masyadong maraming iniisip eh.
"Oh.. May bagong boylet pala ang bakla" hindi ko na kailangang manghula kung sino iyon. Si Venus,kaya nilingon namin sya ni Coop only to find out na kasama nya si Kreyd at naka abrisyete pa ang bruha kay mamaw!
"Kreyd?" biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko,yung kaninang excitement ko na gusto ko syang makita ay parang unti unting naglalaho,parang alam ko na kung anong meron.
"Huwag ka na magtaka bakla,kami na ni Kreyd,and there's nothing you can do about it,talo ka na,akin na sya"
"Venus!" suway ni Kreyd dito kaya tiningnan ko sya,wala akong makita at mabasa sa kanya,blangko ang ekspresyon nya. Muli ko na naman naramdaman yung pagkirot sa puso ko.
"Totoo ba?" tanong ko kay Kreyd,nanginginig ako at nangingilid na ang luha ko,ganito pala yon,ganito pala yon kasakit,kung kailan handa na ako ay bigla naman magkakaganito.
Tango lang ang isinagot ni Kreyd. Para akong hinampas ng latigo ng isang libong beses sa kumpirmasyon nya.
"See? So lumayo layo ka sa amin." ani Venus.
Huminga ako ng malalim at saka tumalikod,pagkahakbang na pagkahakbang ng aking paa ay tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nagmadali na akong pumunta sa bldg namin,pagkarating sa room ay agad akong naupo sa upuan ko at isinubsob ang ulo sa desk at dun lumuha ng lumuha. Wala akong pakialam kung naririnig nila ako,gusto ko lang umiyak at iiyak ang unang kabiguan ko sa pag ibig.
This is the worse day I ever had,ni hindi ako nag break at lunch,dahil ayokong makita sina Kreyd at Venus,ni hindi ako mapilit ng tropa kung anong nangyari,pero alam kong si Coop ang magkekwento sa kanila.
Nagagalit ako kay Kreyd,hindi sya nanindigan sa salita nya,akala ko ba mahal nya ako? Bakit ganun? Kung kailan okay na sa akin saka naman nag iba ang pangyayari?
Galit ako kay Venus for being such a bitch! That monster! Hindi nya talaga ako tatantanan hanggat hindi nya ako nakikitang nagdudusa?! Pwes,she got it all wrong,nakuha man nya si Kreyd ay hindi pa din ako papatalo sa kanya.
I decided to text Popoy na sya na ang sumundo sa akin,gusto kong may mapagsabihan ng hinanakit ko at si Popoy yon,hindi pa ako handang magsabi sa tropa,baka dahil sa akin mapahamak na naman sila.
Napa buntong hininga ako ng mag reply si Popoy,pumayag sya. Kaya nung dissmissal nagmamadali na akong umalis,diretso ang tingin ko,ayokong magpalinga linga sa paligid baka makita ko lang si Kreyd at Venus.
Pagkalabas sa campus ay napatigil ako,nastatwa ako sa kinatatayuan ko,umusbong ang matinding galit ko sa aking nakita.
Si Venus parang nilalandi si Popoy,at si Popoy hindi alam ang gagawin habang nakasandal sa family car namin. Kita ko kung pano gumapang ang kamay ni Venus mula sa dibdib ni Popoy pababa.
"VENUS!!!" sigaw ko na punompuno ng galit,nakuha na nya si Kreyd,pati si Popoy gusto nya din? Sobra na sya!
Gulat na napatingin sa akin ang mga tao lalo na si Venus,ng makalapit ako ay marahas ko syang hinablot at tinulak,sumalampak sya sa semento.
"Prue!!" napatingin ako,si Kreyd. Pwes,kakampihan nya yan? Magsama sila!
"Poy,tara na,uwi na tayo" aya ko kay Popoy at nauna ng sumakay sa kotse na nagngingitngit hanggang sa napaiyak na lang ako.
CHAPTER 20
Prue's POV
"Anong nangyari Prue?" Tanong ni Popoy habang nagdadrive,huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Kailan ko din naman ng outlet,ng mapaglalabasan ng bigat na nararamdaman ko.
"Si Kreyd at yung babaeng lumalandi sayo,sila na" tumulo na ang luha ko at pinabayaan ko lang ito. Itinigil ni Popoy ang kotse,ipinark sa isang tabi saka sya humarap sa akin.
"Pano nangyari yon? At saka,mahal mo na nga siguro si Kreyd kaya ka nagtatanong sakin nung nakaraan"
"Hindi ko din namalayan Poy,matagal ko na pala syang mahal" pag amin ko. Nakita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa mukha ni Popoy pero wala akong lakas pa para alamin kung para saan yon. "Matagal na nyang sinabi na gusto nya ako,liligawan nya daw ako,ipinaalam pa nya kina Mama at Papa,tas kung kelan tanggap ko na sa sarili ko na mahal ko sya at kung kelan handa na din ako,saka sya tatalikod at malalaman kong sila na ni Venus!" dagdag ko pa at tuluyan ng napahagulhol. Shet naman eh,kung alam ko lang na ganito kasakit ang magmahal sana ay napigilan ko.
Naramdaman kong niyakap ako ni Popoy at humagod ang palad nya sa aking likuran. "Ang sakit pala Poy" sabi ko habang nakasubsob sa dibdib nya.
"Sshh. I know,naramdaman ko na din yan,but you should be strong,ipakita mo na hindi ikaw ang taong dapat sinasaktan,nandito lang ako palagi" pag aalo sakin ni Popoy. Somehow,I felt relieved na nailabas ko kahit papa ano yung burden na dinadala ko,kahit papano ay nabawasan.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap sya,na nakatingin lang sa akin,parang nung nasa pool kami,I felt strange.
"Salamat Poy at lagi kang nandyan kahit noon pa,bakit ba ang bait mo sa akin?" I asked. He smiled and wiped my tears.
"Dahil mahal kita Prue,noon pa mang mga bata pa tayo mahal na kita,ikaw ang pinangarap ko,kaya nasasaktan akong makita na nasasaktan ka,you dont deserve that" nakatitig si Popoy sa aking mga mata ng sinabi nya ang mga salitang yon,I was dumbfounded,I dont know what to say and how to react.
-----
Kreyd's POV
"Sabihin nyo nga ulit sa akin ang dahilan bakit nakiki jam sa atin yang Higad na yan kasama ang dalawa nyang chimay?" dinig kong sabi ni Phoebe kay Paige,nandito kami sa Pool,gusto daw mag swimming ni Venus eh.
"Kasi nga,girlfriend na sya ni Mamaw" walang ganang sagot ni Paige. Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ang atensyon kay Venus na masayang nakikipag kulitan kina Eudial at Lulu sa pool.
Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila ang totoong rason,na nacorner ako,napikot,nablackmail,sa madaling salita hawak sa leeg. Alam kong masama loob sa akin ng mga ito at pinagbigyan lang nila ako dahil nga sina Inay at Itay ang nag anyaya,gusto daw silang makilala na mga kaibigan ko. Si Artemis at Coop ay nanatiling tahimik,though alam kong hindi makakatiis si Art at mangungulit ito. Si Coop siguro iniisip nito na napaka wala kong kwenta,dahil sa harap nya mismo napaiyak ko si Prue. Haay! Ang bigat sa dibdib.
Mamaya dadating na sina Inay at Itay,sinundo sila ni Kuya Khyron at panigurado pag nalaman nilang hindi si Prue ang naging kasintahan ko ay magtataka ng labis ang mga ito.
"Akala ko may paninindigan ang mga Montenegro tulad nina kuya Dex,kuya Kurt at kuya Ian? Bakit may isang nalihis?" napalingon kami sa nagsalita,si Philip kakadating lang.
Hindi na lang ako sumagot. Wala din namang saysay diba? Panigurado pagkatapos nito hindi na ako papansinin ng mga ito.
"What made you change your mind?" tanong ni Philip ng tumabi sa akin.
"Tol not now" pakiusap ko.
"Pag handa ka na magpaliwanag tol nandito lang kami,but for now sunduin ko na mga kakambal ko,may gathering sa bahay at nasa kotse pa si Krista,paki sabi na lang kina Tito't tita pati kuya Khyron pasensya at next time na lang" mahabang sabi ni Philip,nagbeso sa akin si Piper at Phoebe.
"Wait! May date pala kami ni Janssen! Uwi na din ako" habol ni Paige at bumaling sakin "Kreyd pasensya na,next time na lang"
"Ako din pala bro pasensya na ha? Paige wait for me" segunda ni Coop.
"Hatid ko lang sila sa gate" ani Art. Wala akong magawa kundi ang sundan lang sila ng tingin.
"Oh honey nasan na mga kaibigan mo?" ani Venus ng makalapit sa akin at nag suot ng robe,kasunod nya sina Lulu at Eudial.
"Umuwi na,may mga importante daw na gagawin" sagot kong walang ka emo-emosyon,pano ko ba masosulusyunan ang problemang ito? Ugh! Damn it!
"Kayo what time kayo uuwi?" walang gana kong sabi,gusto ko na magpahinga para makapag isip ng matino.
"Pinapauwi mo na ba kami? Diba dadating pa parents mo pati mga cousins mo? We want to meet the Montenegro's" sabi ni Venus at nakipag apir pa sa dalawa.
This girl is really a bitch,hindi pa din ako makapaniwala na napaikot nya ako,but that wont be long,gagawa ako ng paraan. I wont just sit here at hayaang masira ang buhay ko without Prue. I'll find a way,I know there is.
Dito na rin sa bahay nagdinner sina Venus,Eudial at Lulu,taka ko lang bakit wala pa sina Kuya? Baka may dinaanan pa siguro. At ng makauwi na ang tatlo. Nakatanggap ako ng text mula kay Popoy na talagang lubos kong ikinatakot at ikinabahala.
CHAPTER 21
Kreyd's POV
"This is the last time na masasaktan mo pa si Prue,hindi ko na hahayaang makalapit ka pa sa kanya,akin na sya ngayon"
Yan ang sabi sa text ni Popoy.
Shit! Pano ko hinayaang mangyari to? Damn! Pero ano nga bang magagawa ko? Ipipilit ko pa ba ang sarili ko? Alam naman naming lahat na gusto ni Prue si Popoy,ni hindi ko nga alam kung anong nararamdaman ni Prue para sa akin,pero may pakiramdam naman akong mahal nya ako,yon ang pinanghahawakan ko dati.
Dati.
Ngayon hindi na,bakit ko ba nararanasan ang lahat ng ito? Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko,ang mahal ko ay mapupunta na sa kamay ng iba,at ako? Ito,hindi makawala sa kulungang ginawa ni Venus para sa akin.
May pwede akong magawa sa tutuusin,pero may kaukulang kapalit. Ang kaligayahan ko o ang kahihiyan ng pamilya ko?
"Napapadalas ang pag iisip mo ng malalim ah?"
"Kuya! Inay at Itay!" agad akong lumapit at nagmano sa mga magulang ko.
"Kamusta ho ang bakasyon?" tanong ko habang kinukuha ang mga maleta nila,si kuya dumeretso sa dining hall.
"Nako anak! Para kaming bumalik sa pagkabata!" masayang sagot ni Inay at nagsimula na kaming umakyat papunta sa kwarto nila.
"Masaya kami at pinagbakasyon kami ng mga pinsan mo" sabi naman ni Itay.
"Mabuti naman ho kung ganon,bakit nga po pala kayo natagalan?" pagkuway sabi ko ng nasa tapat na kami ng silid nila.
"Dumaan na kasi kami sa isang kainan at dun kumain" sagot ni Itay. "May problema ba anak?" pagkuway dugtong nito.
"Po? Wala po,magpahinga na po kayo Nay,Tay" sabi ko na lang at niyakap silang dalawa,muli akong bumaba at tinungo ang living room,pasalampak na nahiga sa sofa,kinuha ang phone sa bulsa at binasa ng paulit ulit ang text ni Popoy.
Bakit tayo nagkaganito Prue? Hindi pa nga tayo nagsisimula?
Pumatak ang luha ko at hindi ko na inabalang pahirin ito.
----
Prue's POV
One week na ang nakalipas,naka survive naman ako,lagi nandyan si Popoy at ang tropa eh. Mula ng aminin ni Popoy ang nararamdaman nya para sa akin lalo kami naging malapit sa isa't isa,lalo sya naging sweet na nagpapatuwa at nagpapakilig sa akin,pero hanggang don lang yon,kasi ang puso ko,si Kreyd pa din ang hinahanap hanap.
Pag nasa school ay ako na umiiwas pag nakikita ko na sila sa malayo,minsan pa nagtangka si Kreyd na kausapin ako pero hindi ko sya binibigyan ng pagkakataon.
May pagkakataon din na si Venus lang ang nakikita ko,at titingnan nya ako mula ulo hanggang paa,as if she was saying na sya ang nanalo.
Monster! Alam kong may ginawang kakaiba ang bruhilda na yan eh. Malalaman ko din yan sooner. Kung haharapin ko sya dapat handa ako. Napakalandi nya,nung isang araw sinabi sa akin ni Popoy na pinuntahan daw sya ni Venus sa school nya at niyayaya sya mag date.
Duh? Pano nya nagagawa yon? May Kreyd na sya ah? Pati si Popoy kukunin nya sa akin? Nananadya talaga sya. Pero hintayin lang nya akong mapuno sa kanya.
Ito nga,nasa school na ako at katatapos lang ng Prelim namin,pakiramdam ko lalo ako na drained. Nauna ng lumabas ang tropa,sabi ko hintayin na lang ako sa parking.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako sa college nina Kreyd,ewan,gusto ko siguro sya makita? Kahit sulyap lang.
I was about to turn right ng may madinig akong nag uusap,nakilala ko agad kung sino ang mga ito. Nasa CR sila ng girls.
"Girl ano ba plano mo talaga? You have Kreyd,tas pati yung kababata ni Prue gusto mo din?" boses ni Eudial.
"Oh girls simple lang,I dont really like Kreyd, pera ng mga Montenegro gusto ko,pag nakasal kami,magiging akin yon" sagot ni Venus.
"Oh youre so bad,how about yung kababata ni Prue?" boses ni Lulu.
"Oh that? Damn he is so hot! I want him,Hindi ko na mahintay na pasukin nya ako" sagot ulit ni Venus. Sa mga naririnig ko parang lumolobo ang ulo ko,ang lakas ng pintig ng puso ko.
"Pano mo ba na corner si Kreyd? I must admit,talagang sobrang yaman nga ng mga Montenegro" sabi pa ni Lulu.
"Akala nya sya naka divirginize sa akin,when infact wala talaga nangyari sa amin,yung blood stain sa kama nilagay ko lang yon,and I blackmail him na sasabihin kong pinilit nya ako at isusumbong kay Dad at sa pamilya nya,syempre kahihiyan yon ng Montenegro clan" sagot ulit ni Venus at humagikgik pa. Hindi na ako nakatiis. Binuksan ko ang pinto ng CR,nagulat sila,at wala pang isang minuto ay nahablot ko ang buhok ni Venus at kinaladkad sya palabas,nakita ito ng mga estudyante pati ni Kreyd.
"Napakasama mo! Napaka mukhang pera mo!" at itinulak ko sya pabalibag,lalapit sana yung mga alipores nya pero inambahan ko agad kaya si Venus na lang ang nilapitan nila.
"Prue?" tawag ni Art sakin.
"Bakit mo yon ginawa?" tanong ni Kreyd.
"Inggitera ang baklang yan! Hindi nya matanggap na akin ka na!" kunyaring umiiyak na sabi ni Venus. Magpapa awa pa?
"Please bitch! You cant play your dirty games with us anymore! Narinig ko ang mga pinag usapan nyo at naka record iyon dito" nilabas ko ang phone ko,pero ang totoo hindi ko talaga narecord,pwede namang magsinungaling diba?
Kita ko kung pano namutla ang tatlong impakta.
"At ayon sa mga sinabi mo sa record na ito,pwedeng pwede ka na makasuhan Venus,pati yang dalawa mong muchacha" pananakot ko pa. Punumpuno na kasi ako eh.
"Fag! Give me that!" ani Venus pero umiwas agad ako. Ganun na lang ang gulat ko ng sabay kaming hawakan nh Kreyd at kaladkadin.
"Teka Kreyd! San tayo pupunta?" ani Venus.
"Sa mga magulang mo at aaminin mo ang kabulastugang ginawa mo" sagot ni Kreyd na patuloy pa din kaming hinihila,nagtitinginan na ang ibang mga estudyante.
"No way! Ayoko! Ipapatapon nila ako sa probinsya!" pagpalag ni Venus pero malakas talaga si Kreyd.
"At bakit pati ako kasama?" sabi ko na nagpapatianod lang.
"Dahil I need you there" sagot nito at natahimik ako.
"Sakay!" ani Kreyd ng nasa tapat na kami ng kotse nya,biglang kumulog ng malakas at bumuhos ang ulan. No choice kundi ang sumakay na.
Ilang saglit pa at umalis na kami sa school,lahat kami tahimik. Natatakot ako sa paraan ng pagmamaneho ni Kreyd.
"Hoy mamaw! Ayusin mo ang pagdadrive" sabi ko. Umayos naman sya. At naging payapa na ulit ang takbo namin.
Sa pagliko namin sa isang intersection ay hindi inaasahan ang nangyari,maliwanag na ilaw at tunog ng makina na papalapit sa amin ang natatandaan ko,pati ang pagsigaw ni Venus. Pagkatapos nun nagdilim na ang lahat.
Ng magising ako madilim parin,pero nadidinig kong tinatawag ako ni Kreyd,ngunit hindi ko maimulat ang mga mata ko,mahapdi,parang may mga tumutusok at nararamdaman ko ang mainit na likidong lumalabas sa mga mata ko,alam kong hindi luha iyon.
"Prue?! Prue?! Oh my God! Prue?!" dinig ko ang tarantang boses ni Kreyd at ang pagbuhat sa akin,nanghihina na ako,kasunod nun ay ang pagtahimik ng buong paligid.
CHAPTER 22
Kreyd's POV
Mabilis kong kinabig ang manibela ng sabihin ni Venus na may sasakyan papunta sa amin ngunit huli na ang lahat,maingay na tunog ng makina at bakal ang tangi kong narinig at parang namanhid na ang katawan ko at nagdilim ang paligid.
Ng magising ako ay sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko,nandito pa din kami sa kotse,nakita kong duguan si Prue at Venus,agad akong lumabas ng kotse kahit hirap na hirap na ako,mabuti at marami pa namang mababaet na tao,tinulungan nila ako,dahan dahan nilang nailabas si Venus. Tiningnan ko si Prue. Ang daming dugo sa mga mata nya.
Shit! Kasalanan ko ito.
"Prue?! Prue?! Oh my God! Prue?!" ngunit walang tugon mula sa kanya,nakaramdam ako ng matinding takot at kilabot,dahan dahan ko syang binuhat palayo sa kotse pero mahina pa din ako kaya bumagsak kami sa kalsada.
Naglapitan ang mga tao sa amin,may nakita din akong mga nurse,ang huling natatandaan ko ay nakita kong pinasok sa ambulansya sina Prue at Venus bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Ng muli akong magising ay alam kong nasa ospital na ako,may nakatusok na sa aking dextrose,puro sugat ang mga braso ko at masakit ang ulo ko,ng hawakan ko eh may benda na.
"Nay,tay" pagtawag pansin ko habang pinipilit na makaupo.
"Wala sila,nasa bahay,kumukuha ng damit" sagot ni kuya Khyron at agad akong inalalayan.
"Kuya,nasan sina Prue at Venus?" tanong ko ng makaupo at makasandal na,parang ngayon ko lang nararamdaman ang sakit ng buo kong katawan.
"Si Venus,dead on arrival na ng dalhin dito,malakas naging impact sa kanya ng mabunggo kayo,huwag kang mag alala nakausap ko na mga magulang nila at tanggap nilang aksidente yon since marami namang nakakita na kayo mismo ang binunggo" mahabang sagot ni Kuya Khyron
Nanghina ako sa nalaman ko,ako ang dahilan bakit namatay si Venus at habang buhay akong uusigin ng konsensya ko.
"Kasalanan ko ito eh" naiiyak ko ng sabi. Ang bigat kasi sa dibdib na may nawalang buhay dahil sayo.
"Wala kang kasalanan tol,aksidente ang nangyari at aminado ang driver ng truck na nakainum sya,sinampahan sya ng kaso at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nya ng mga mggulang ni Venus" pagpapakalma sa akin ni Kuya.
"S-si P-prue?" humihikbi ko ng sabi,ang bigat kasi talaga sa dibdib,ngayon pa lang talaga ata ako umiyak simula ng mag binata ako.
Matagal na tumahimik si Kuya,nakatingin sa akin,na parang tinatanya kung sasabihin ba nya o hindi,kinabahan ako sa ekspresyon ng mukha ni kuya.
"Ayos naman sya,kaya lang.."
"Kaya lang ano kuya?! Pwede ko ba sya makita? Dalhin mo ako sa kanya" sabi ko at akmang tatayo sa hospital bed pero agad akong napigilan ni kuya.
"No! Hindi mo na sya pwedeng makita"
Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan ng sabihin iyon ni kuya Khyron.
"Ha? P-pero b-bakit?" taka kong tanong.
"Nagalit sayo sina Tito at Tita,and they want you out of Prue's life,wala kaming magawa nina Inay at Itay.. Nabulag si Prue,madaming bubog ang tumusok sa kanyang mga mata,ikaw ang sinisisi nila tol" paliwanag ni Kuya.
Sa mga sinabi ni kuya ay natulala ako,nablangko ang isipan ko,parang tumigil pa nga sa pag function..
Napayuko ako,tama nga sila,kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana ako na lang ang nabulag at namatay.
-----
Prue's POV
"ma? Pa?" pagtawag pansin ko. Nadidinig ko ang boses nila pero wala akong makita,madilim ang lahat. Ang huling natatandaan ko ng mabangga kami ay tinatawag ako ni Kreyd,pinipilit ko nun dumilat ngunit mahapdi at masakit ang mga mata ko nun na parang may mga maliliit na tumutusok sa loob hanggang sa tuluyan na nga akong walang narinig.
Pero bakit ngayon gising na ako? Hindi na masakit ang mata ko,bakit madilim pa din ang lahat?
"Ma? Pa? Nasan po kayo? Bakit ang dilim? Bakit wala ako makita?" naramdaman kong may yumakap sa akin,naamoy ko ito,si Mama,at may humawak naman sa isang kamay ko.
"Bakit hindi kayo sumasagot Ma? Pa? Nasan si Kreyd? Pati si Venus?"
"Anak,wala na si Venus,hindi na sya umabot sa ospital,at si Kreyd.. Ligtas na sya,pero hindi na kayo pwedeng magkita o magsama" boses iyon ni Papa. Kinilabutan ako. Namatay si Venus?
"P-pero Ma,Pa" pag protesta ko pa sana.
"No Buts anak,its the best for you" mahinahong sabi ni mama,nanlambot ako. Bakit kailangan may mamatay? At bakit kailangan hindi na kami magkita o mag usap ni Kreyd? Diba pumayag na silang ligawan ako ni Kreyd? Bakit ganun?
"Pero Ma,Pa mahal ko po si Kreyd" sabi ko pa,kahit hindi ako sigurado kung anong reaksyon nila.
"Paano mong mamahalin ang taong dahilan ng pagkabulag mo?" sabi ni Papa. Para itong nagpaulit ulit sa aking pandinig. Hindi ako nakakibo.
"B-bulag a-ko?" pano na ako makakapag aral? Pano ko na makikita ang mga magulang at kaibigan ko? Pano na? Hindi ko na makikita ang gwapo at maamong mukha ni Kreyd at ni Popoy? Pano na ang kinabukasan ko? Paano na?
"Tito,tita" kilala ko ang boses kaya agad kong tinawag ito.
"Poy!" umiiyak ko ng sabi,ilang saglit pa naramdaman ko na ang isang mabining yakap.
"Everything will be alright,nandito lang ako, ako ang magiging mata mo Prue" bulong sa akin ni Popoy,ang salitang iyon ay gumapang papunta sa aking puso.
"Nasan si Pinsan?" bumitaw sa yakap si Popoy,kilala ko yung boses na yon,si Janssen. Nadidinig ko ding kinakausap nina Papa at Mama si kuya Pao,na parang nagbibilin na bantayan muna ako habang nasa trabaho sila.
"Pinsan,nandito lang ako" sabi ni Janssen at hinawakan ang kamay ko,kahit naman makulit to eh mahal namin ang bawat isa.
"Salamat Poy,kuya Pao at Janssen" sabi ko at muling natahimik. Ano na ngayon ang susunod na mangyayari? Ano na mangyayari sa buhay ko?
Ilang araw din ako nananatili sa ospital bago idischarged,lagi din ako dinadalaw ng tropa,pero ewan,mula ng malaman kong hindi na kami pwede mag usap ni Kreyd at malaman ko ding bulag ako,nawalan na ako ng gana,nawala ang jive ko para magpatuloy mabuhay.
Ang sabi ni Coop at Art dito din sa ospital na to naka confine si Kreyd,ang mga paa daw nya ang may pinsala kaya nga daw himalang nabuhat daw nya ako at nailayo sa kotse. Ngayon napatunayan ko sa sarili ko kung gaano ako kamahal ni Kreyd,sadyang naging mahina lang ako,hindi nyo naman ako masisisi,ngayon lang ako nagmahal. At ipinapangako ko,pag ako'y nakakita na ulit,hindi ko sasayangin ang pagkakataon at papatunayan ko kay Kreyd at sa lahat kung gaano ko sya kamahal.
Ng madischarge na ako sa ospital ay pinanindigan ni Popoy ang lahat ng sinabi nya,hindi nya ako iniwan at pinabayaan,sya ang nagsilbing mga mata ko. Ayaw ko mang aminin pero mukhang nasasanay na ako sa kadiliman.
"Poy hindi ka ba napapagod?" tanong ko kay Popoy habang tinutulak nya ang wheelchair ko,naaamoy ko ang mga bulaklak,nandito siguro kami sa garden.
"Napapagod saan?" balik tanong nya sa akin.
"Sa pag aalaga sa akin,baka hindi ka na nakakapag aral dahil sa akin" sagot ko naman.. Inihinto nya ang pagtulak,naramdaman kong lumuhod sya sa harapan ko at hinaplos ng palad nya ang pisngi ko.
"Hinding hindi ako mapapagod alagaan ka Prue,tulad ng hindi ko pagkapagod sa pagmamahal ko sa iyo,alam kong si Kreyd ang mahal mo pero sana hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko,sa paraang ito nagiging masaya ako Prue,ikaw ang kasiyahan ko,kung sana pwedeng ang mga mata ko na lang ang nabulag at hindi ang sa iyo edi sana nakikita mo pa ang kagandahan ng mundo" mahaba at madamdaming sabi ni Popoy. Hindi ko tuloy alam kung sasagot ako o huwag na lang.
Sa pagbanggit nya kay Kreyd naalala ko na naman si Mamaw. Haaay! Kelan kaya kami makakapag usap ng isang iyon,hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
"Poy,pwedeng humingi ng favor"
"Kung tungkol kay Kreyd yan,Pasensya,hindi kita matutulungan" matigas na ang boses na sabi ni Popoy. Parang lalo tuloy ako nawalan ng pag asa. Parang nakakasakal na yung ginagawa nila sakin,pano nila nasabing ito ang best para sa akin?
Nagulat na lang ako ng maramdaman ang palad ni Popoy sa mukha ko.
"Huwag ka ng umiyak Prue,sige gagawa tayo ng paraan" malambing nyang sabi at niyakap ako,hindi ko man lang namalayan na naiyak na pala ako nun.
"Salamat Poy"
- COMMENTS ARE HiGHLY APPRECiATED ;)
Sadddddddd. Sana makakita pa c prue.
ReplyDelete-mckimac
everything is possible :3
Deletebilis ng phasing ng story ah...anu n kya ang mangyayari s love story nila preu at kreyd
ReplyDeletethank you po sa comment,abang abang na lang hehe xD
DeleteCONGRATS TZEKAI! Wow! am so proud of you!
ReplyDeleteOMGOSH?! Is this really is it? Haha! Thank you sir Joem,you know na isa ka sa mga inspirasyon at mentor ko,mwa :*
DeleteThat was epic.
ReplyDeleteAng husay! =)
Two thumbs up Ms. TZekai. ^_^
Kakalungkot siguro pag naranasan mong mabulag. </3
maraming maraming salamat po, I tried to post my reply 2days ago kaso nagloko browser ko after mareplyan ang ibang comment,again maraming salamat po :))
DeleteKawawa nman c prue kung kelan ntutunan n .nyang mhalin c mamaw ganyan p nanyari. Fight prue. Tnx tzekai sa update
ReplyDeleteRandzmesia
salamat po sa comment :)
Deleteshete!!!! kakaiyak ung last chapter kakabad3p k author amp ! galing! 5 thumbs up for yah!
ReplyDeleteupdate na po
ReplyDeletegusto ko na mapost ung chapter23 to 28 kaso wala pa ako pera pang rent ng PC sa comp.shop,pasensya na po,but I'll update soon once na magkapera nko :) salamat po sa pag intindi :D
ReplyDeleteIhate the author, he made me lonely and bring tears to my when all things are running smoothly happy..... i love the story though...
ReplyDelete