Followers

Saturday, June 29, 2013

Tough Love Chapter 8









Tough Love Chapter 8

by: Yoseph D. 

emai/fb: mistakenyoyo@gmail.com


Warning: This story is rated PG for some foul language and some scenes

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Habang umaalis sa quadrangle si Wallace palayo kay Nelson, tinawag ni Adriel ito at lumapit naman siya kaagad sa kanya.

Adriel: Wallace, parang umiiyak ka ah.

Wallace: Wala ito.

Adriel: Sus, ano ba kasi yung dahilan?

Wallace: Wag mo na lang alamin muna.

Adriel: Nag-aalala kaya ako sayo. Ano ka ba? Di bagay sa iyo yang malungkot Wallace.

Wallace: Tara nga, pwede bang samahan mo muna ako dito hanggang 8PM.

Adriel: Sige ba basta susunduin mo ko ah.

Wallace: Ay malamang. Nakapangako ako kay Tita remember?

Adriel: Oo nga eh.

Wallace: Pwede bang dun tayo sa mini garden tumambay?

Adriel: Sige ba.

Pumunta nga sila dun sa mini garden at dun sila tumambay. Umupo sila doon sa isang tabi at dun sila nagusap.

Wallace: Adriel, gusto ko sana ito sabihin sayo eh.

Adriel: Ano yun?

Wallace: Gusto talaga kita maging friend kaso nahihiya ako sayong lumapit eh. Ngayon lang ako naglakas loob na maging kaibigan ka dahil nung araw na nagaway kayo ni Nelson eh dun na sana kita lalapitan kaso pinigilan niya ako eh dahil masama ka daw na tao at mangaagaw.

Adriel: Okay lang. Ako din naman eh. Gusto kitang maging kaibigan sobra kaso syempre nahihiya lang talaga ako sa iyo and dahil na din sa nangyaring away sa amin ni Nelson.

Wallace: Di ko na kaya.

Adriel: Anong di mo na kaya?

Wallace: Di ko na kaya sa bahay namin. Laging kontrolado ang buhay ko sa bahay ni Dad at ni Nelson. Gusto nila sila ang masunod hindi ako.

Adriel: Hayy… Nakakainis yun ah.

Wallace: Sobra, sino kayang di maiinis na pati sa paguusap natin ay pakikiealaman pa ni Nelson?

Adriel: Pakikialaman niya kasi yun dahil sa reputasyon mo at sa reputasyon niya. Ever since naman yan si Nelson napaka attention seeker.

Wallace: Tama.

Adriel: Alam mo Wallace, di bagay sa iyo umiiyak eh. Sa tapang mong yan iiyak ka? Hahah

Wallace: Tao naman ako umiiyak noh.

Adriel: Salamat pala sa paglitas sa akin nung isang araw ah.

Wallace: Wala yun Adriel.

Adriel: Gusto mo dun tayo sa ice cream parlor dun sa tabi ng school tayo tumambay? My treat.

Wallace: Hala! Di naman ako mahilig masyado sa ice cream eh.

Adriel: Sus, maniwala ako sayo. Nung elem tayo maka ice cream wagas.

Wallace: Hahaha. Sige na nga, palusot ko lang naman yun dahil ayoko lumabas pa.

Adriel: Tara na kasi.

Wallace: Ayoko.

Adriel: Ayaw mo pa ah. Try mo muna kasi!

Wallace: Ayaw pa din.

Adriel: Gusto mo pa ata hilahin na lang kita. Leggo na.

Wallace: Uyyyyy….

Hinila na nga nito si Wallace papunta doon sa ice cream parlor. Hindi naman pumalag si Wallace sa paghila sa kanya at nung pagkarating nila sa ice cream parlor ay kinumusta naman niya si Wallace kung okay pa siya.

Adriel: Okay ka pa ba?

Wallace: Okay pa naman. Grabe ka Adriel! Sobra naman yung paghila mo sa akin dito.

Adriel: Syempre. Para naman ngumiti ka naman diba?

Wallace: Sige na nga.

Napansin ni Adriel na di na umiiyak si Wallace.

Adriel: Ayun, oh! Di na siya umiiyak.

Wallace: Oo nga eh..

Adriel: Hanap ka na lang muna ng place natin tapos order na ako.

Wallace: SIge.

Nagorder na nga si Adriel ng ice cream. Nagorder siya ng dalawang chocolate sundae at naging mabilis lang naman ang daloy ng pila kaya natapos kaagad ang pagoorder. Nahanap niya kaagad si Wallace at umupo na si Adriel doon.

Wallace: Thanks pala ah.

Inaabot na Adriel ang Ice cream kay Wallace.

Adriel: Wala iyon.

Wallace: Mukhang lagi ka dito nagsestay right?

Adriel: Yep. If I have problems

Wallace:Ahh..

Napansin ni Adriel na di pa kinakain ni Wallace ang kanyang ice cream.

Adriel: Kainin mo na kaya yan. Try mo promise di ka magsisisi
Wallace: Sige na nga.

Kinain na nga ni Wallace ang kanyang ice cream. Nasarapan naman siya at tuloy tuloy niya lang itong kinain ng walang hinto hanggang sa naubos at bigla na lang ito na brain freeze.

Adriel: Anyare?

Wallace: Ang sakit ng ulo ko eh.

Adriel: Napasobra ka kasi. Ayan nabrain freeze ka tuloy.

Wallace: Oo nga eh. Totoo nga masarap nga yung ice cream nila sobra!

Adriel: Yeah. Wallace, alam mo sana lagi na lang kitang kasama.

Wallace: Bakit naman?

Adriel: I just want to know you more pa kasi.

Wallace: Sige ba, hahatid naman kita pauwi eh. Wala akong pakialam kay Nelson kung ano man sabihin niya.

Adriel: Pero kapatid mo pa din yun eh.

Wallace: Di naman kami close nun ever since.

Adriel: Weh?

Wallace: Oo. Mas gusto siya ni Daddy kahit ganyan siya dahil sa talino niya at masunurin unlike me na puro daw kamalasan lang daw ako. Buti pa nga si Mommy gusto ako eh! She’s motivating me always lalo na pag papasok ako sa school at kung may problema ako.

Napansin ni Adriel na parang napapangiti si Wallace.

Adriel: Nice naman. Alam mo, ang cute mo palang tignan pag nakasmile noh?

Wallace: Di noh. Di kaya ako nakasmile

Adriel: Sus, anong di naka-smile? Kukuritin ko nga ang cheeks mo haha.

Kinurot nga ni Adriel ang cheeks ni Wallace.

Wallace:Aaaaawwww!
Adriel: Kahit hindi masyadong chubby yan nako ang sarap kurutin ang cheeks mo.

Wallace: Bitawaaan mo naaa!

Binitawan na ni Adriel ito.

Wallace: Sakit ah.

Adriel: Weh?

Wallace: Oo nga.

Adriel: Okay sorry na Wallace.

Wallace: Okay lang yun. Ikaw lang nakagawa niyan sa akin ah.

Adriel: Hahaha. So special na ako sa iyo niyan?

Wallace: Pwede.

Adriel: Ang sweet oh! Hahaha,

Wallace: Yung ice cream mo kaya natutunaw na! Kainin mo na.

Adriel: Sigeee…..

Kinain na nga ni Adriel ang kanyang ice cream na natutunaw at naubos naman niya agad ito. Napansin ni Wallace na may ice cream siya sa kanyang labi.

Wallace:Uyy! May ice cream ka pa oh.

Adriel: Saan?

Wallace: Sa labi.

Adriel: Ayy! Shemay sorry. I will wipe it na lang.

Wallace: No. Ako na. Nakakahiya naman eh para makabawi ako sa panlilibre mo,

Adriel: Okay sabi mo eh  pero nakakahiya. Baka pagkamalan tayong mag-on.

Wallace: I don’t care.

Kinuha ni Wallace ang tissue at pinunasan niya ang ice cream sa labi ni Adriel.

Adriel: Thanks Wallace. Tara labas tayo! Tingin tayo ng stars.

Wallace: Sige sige.
Lumabas nga silang dalawa sa ice cream parlor at tumingin sila doon sa kalangitan. Napansin ni Adriel na napakaganda ng kalangitan dahil sa mga nagnininging na mga bituin sa langit.

Adriel: Ganda naman ng mga bituin.

Wallace: What’s bituin?

Adriel: Stars.
Wallace: Sorry, di ako masyado magaling sa ibang Filipino words ah.

Adriel: It’s fine.
Wallace: Alam mo, 1st time ko lang ito na lumabas with someone except syempre sa M.J.

Adriel: Nice.

Wallace: Kapag magisa kasi ako, sa mini garden lang naman ako nagsestay eh. Di naman kasi ako ganoon ka friendly sa mga tao.

Adriel: Ganoon ba? Wallace, tawagin mo lang naman ako kapag gusto mo ng kasama o kaya ang M.J.

Wallace: Yeah. Sa bagay. Minsan nga naiisip ko na sana sila na lang ang brothers ko.

Adriel: I guess masaya ka kapag kasama sila.

Wallace: Oo naman. Dun kasi ako nagigig malaya kahit papaano.
May napansin si Adriel na shooting stars.

Adriel: Ahh.. Uyyy! May shooting stars oh. Tara let’s wish.

Wallace: Ang childish mo naman.

Adriel: Kanya-kanyang trip lang yan noh. Sige na,wag ka nang kill joy diyan.

Wallace: Sige na nga.

Napatahimik na lang ang dalawa para sa pagwish sa shooting star. Pagkatapos noon ay nagusap sila tungkol sa mga wishes nila.


Adriel: Nagwish k aba?

Wallace: Uhhmm.. secret.

Adriel: Weh?

Wallace: Oo pero secret.

Adriel: Sa bagay, baka di matupad eh.

Wallace: Adriel.

Adriel: What?

Wallace: Pwedeng umakbay sa iyo saglit?

Adriel: Sige ba! Akbay lang naman eh.

Umakbay na nga si Wallace kay Adriel. Nung inakbay siya ni Wallace ay biglang namula ito ng di niya napapansin pero napansin ito ni Wallace.

Wallace: Parang namumula ka Adriel..

Adriel: Di ah?

Wallace: Geh yayakapin na kita baka nalalamigan ka lang.
Niyakap ni Wallace si Adriel para mawala ang pagpupula ni Adriel. Parang di napapansin ni Adriel na nagbublush siya.

Wallace: Okay ka na ba?

Adriel: SIge, okay na ako. Umuwi na kaya tayo.

Wallace: Sige sige, tara.

Sinundo na ni Wallace si Adriel ng naglalakad sila. Nung nakarating na sila sa bahay ni Adriel ay nagpaalam na ito na hindi na papasok sa loob si Wallace.

Adriel: Wallace, salamat pala kanina ah.

Wallace: No problem. Next time uli?

Adriel: Sure thing. Ingat ka sa paguwi ah.
Wallace: Sure. Mag-iingat ako. Di pwedeng hindi kasi gusto pa kita makilala.

Adriel: Wow ah! Hahah

Wallace: Ayaw mo?

Adriel: Di noh!

Wallace: Good. Sige, Got to go home na.

Adriel: Ingat.


Adriel’s POV

Masaya akong nakasama ko si Wallace kanina ulit. Dream came true na ito! Dati, hanggang titig factor lang kami eh ngayon naguusap na kami. Take note: Nilibre ko pa siya sa lagay na ito ah. I don’t want to see him cry because ayoko naman na nalulungkot siya eh. I want to make him happy if he’s sad. I’m in state of shock nung tinanong niya ako na pwedeng paakbay pero sumagot na lang ako ng oo tapos nung umakbay siya sa akin, parang bumilis ang kabog ng puso ko dahil siguro noon pa man ay may gusto na ako kay Wallace. Mas kinilig ako nung niyakap niya ako!  Grabe, sa isang long time crush mo pa marereceive ang hug na iyon para daw mainitan ako! Ang swerte ko na ata ngayon dahil niyakap ako ng isang Wallace Chen.Kung magiging kami, iingatan ko ang puso niya at I will love him for the rest of my life. Actually, ang wish ko lang naman sa shooting star ay maging maayos ang lahat at maging kami sana ni Adriel. At kanina, siya pa nag-insist na punasan niya ang aking labi na may ice cream at pinunasan nga niya. Nakakakilig lang sobra. Sana, maamin ko yung feelings ko sa kanya pero kinakabahan ako eh. Baka magbago ang turingan namin sa isa’t-isa.




Wallace’s POV

Naiinis na ako  kay Nelson! Masyado talagang kontrabida sa buhay ko. IT’S FOR YOUR OWN GOOD. Well, f*** him. Kung kaya ko lang, I will punch him 20 times pero magsusumbong yun kay daddy and siya yung kakampihan hindi ako. Ganun naman ang setting dito sa bahay! Laging kakapihan ni daddy si Nelson hindi ako and lagi lang akong nasa kwarto pag wala naman akong balak gawin dahil ayoko lang makita yung pagmumukha ni daddy at ni Nelson. Oo nga pala, masaya ako na nakasama ko uli si Adriel. Napansin ko sa kanya nung inakbay ko siya na namumula siya ng dahil sa kilig kaya niyakap ko siya. Ayoko man mag-assume na may gusto siya sa akin dahil ayoko naman lumabas na assuming noh. Gusto ko na si Adriel ever since, sa tuwing tumititig yan sa akin ay uwiiwas yan pero nahahalata ko siya. As time goes by, lagi kaming magkaklase niyan hanggang ngayon. Nahihiya lang talaga ako kay Adriel kaya di ko siya pinapansin kaya nung muntikan na siyang madulas ay niligtas ko na siya at yung sa naholdap siya ay dun na ako nag-atubili na kausapin siya because I just want to be close to him. Di ko na kaya yung staring each other lang. Gusto ko na siya makausap at makasama lagi. Ang winish ko lang naman sa shooting star ay yung sana ay makasama ko lagi si Adriel at sana lumakas ang loob ko na aminin ang feelings ko sa kanya. Hindi ko ata makakaya na aminin ang feelings ko para sa kanya eh dahil baka pigilan lang din ako ni Nelson at I’m shy to tell my feelings to Adriel. Actually, ako pa ang nagpilit na punasan ang kanyang ice cream sa kanyang lips. Sana maamin ko din ang feelings ko sa kanya kaso natatakot din ako na magbago ang turingan namin sa isa’t-isa.


Habang nagbabasa si Anthon sa kanyang kwarto, tinawag ito ng kanyang nanay dahil dumating na ang dalawang kaibigan niya na kaklase niya dati sa dati niyang school.

Mrs. Safrece: Thoooon! Nandito sila Kyle at Shawna

Anthon: Sige bababa na po ako.

Bumaba na nga si Anthon para makita sila Kyle at Shawna na never niya pang nakita. Nung pagkababa niya ay biglang niyakap nila si Anthon.

Anthon: OYYYY! NAMISS KO KAYO.

Navid and Shawna: Kami din noh!

Shawna: Uy Be! Miss ka na namin. Kumusta naman buhay mo sa bagong school ah? Nako pag inapi ka nila nako sasampalin ko sila ng wagas.

Anthon: Okay lang naman kahit yung iba ay napakasungit at yung iba matapobre.

Shawna: May mga kaibigan ka na ba doon?

Anthon: Oo naman syempre.

Biglang sumabat si Navid.

Kyle: Espren! Namiss kita. Langhiya ka di ka masyado nagpaparamdam sa amin ah lalo na sa akin.

Anthon: Sorry naman Kyle! Busy lang talaga eh at marami ding ginagawa kaya ganun.

Kyle: Sus, iniwan mo na ata kami eh. Tampo na ako sa iyo.

Anthon: Sorry naman espren. Sadyang busy lang talaga.

Kyle: Yakap muna para mapatawad kita.

Shawna: Loko to! Yakap talaga ang trip mo noh?

Kyle: Aba’y syempre. Tagal ko ding di nakita si Espren ah.

Shawna: Ako di mo namiss?

Kyle: Araw-araw naman tayo nagkikita ah!

Shawna: Loko ka ah!

Anthon: Dun kaya tayo sa kwarto ko!

Kyle and Shawna: Sige sige.

Anthon: Nay! Sa kwarto lang kami ah.
Mrs. Safrence: Sige anak. Okay lang naman eh sanay na ako sa inyo eh.

Anthon: Thank you nay!

Dumeretso na nga sila sa kwarto ni Anthon. Nung pagkapasok nila sa kwarto ay doon na nila tinuloy ang kwentuhan nila.

Shawna: Be, kwento mo naman ang buhay mo sa bago mong school.

Kyle: Oo nga! Kwento na yan! Kwento na ya!

Anthon: Kalma Kyle!

Kyle: Hahhaa. Sige sige.

Anthon: Ayan! Magsisimula na ako.

Shawna: Ang dami mo pang chechebureche diyan friend! Simulan mo na.

Anthon: Eto na nga! Okay. Ayun, may mga bagong friends naman at syempre boys yun.

Shawna: Ayyy taray mo be!

Anthon: Malamang all boys ang Olsen.

Shawna: Oo nga pala.

Anthon: Mababait naman yung iba dun at may mga sadyang atribida lang talaga sa akin.

Shawna: Sino yun ah?! Susugurin ko.

Kyle: Oo nga! Baka masapak ko sila.

Anthon: Kaya mo Kyle?

Kyle: Susko espren! Alam mo namang ayaw kitang nakikitang nasasaktan eh.

Anthon: Ang cheesy mo espren ah!

Shawa: Oo nga!

Kyle: Namiss ko espren ko eh! It won’t last a day without you Anthon.

Anthon: Wow ah! Kanta yan.

Kyle: Hahah biro lang pero I miss you espren.

Anthon: Miss you din espren.

Biglang sumabat si Shawna.

Shawna: Kayo ah! Ang sweet niyo talaga ever since hahah.

Kyle: Sweet lang talaga ako sa lahat.

Shawna: Weh?

Kyle: Oo nga. Eh Elementary pa lang eh bestfriend ko na yan si Anthon kaya namiss ko siya.

Anthon: Sweet mo talaga ah!

Kyle: Syempre.

Shawna: Oh! Ituloy mo na yung kwento be.

Anthon: Ayun nga, nakakainis lang yung anak ng director at ang may-ari ng school.

Shawna: Sino?

Anthon: Si Michael Ogawa.

Shawna: Yung anak ni Hiroyoshi Ogawa? Yung pogi?

Anthon: Oo.

Shawna: ANG POGI NUN FRIEND! NAKO IPAKILALA MO KO SA KANYA PARA MAY BAGO AKONG JOWA.

Anthon: Kalma friend. Nakakainis lang siya sobra! Ang yabang niya. Sinisipa ko nga lang yun eh.

Shawna: Talaga?

Anthon: Hinarangan niya kaya ako sa daanan and lagi siyang nangaasar.

Biglang nagalit si Kyle sa nalaman niya.

Kyle: Gago yun ah! Nako humanda sa akin yang Michael Ogawa na iyon.

Anthon and Shawna: KAYA MO?!

Kyle: Oo kaya ko!

Shawna: Kyle! Di mo kaya yun noh. Mayaman yun.

Kyle: Eh inaano niya bestfriend ko eh.

Anthon: Guys talaga! I miss you na.

Shawna and Kyle: Miss you din.

Anthon: At ang bait naman yung nagsama sa akin at ang pogi pa.

Shawna: Sino naman?

Anthon: Si Neilsen Gotongco.

Kyle: Yung anak ng may-ari sa Neilsen’s Playworld!

Anthon: Yah.

Shawna: Oh my God! Pogi si Neilsen Gotongco ah. Reto mo din ako dun be para naman magkajowa naman ako ng mayaman noh. Hahah

Anthon: Yoko nga haha.

Shawna: Damot mo ah.

Kyle: Sus, mas gwapo kaya ako dun

Shawna: Yan ka nanaman Kyle! Oo pogi ka na.

Kyle: Love you guys

Shawna: Okay, kicking that aside. Grabe be! Puro siguro gwapo sa Olsen. Makabisita nga para makapag boylaloo hunting naman ako dun. Wala pa kasi akong boyfriend hanggang ngayon.

Anthon: Jusko Shawna, purket wala na kayo ni Joseph lalandi ka na!

Shawna: Of course, di lang si Joseph ang may karapatan na mangbabae noh! Kapal ng mukha niya. Pinalit ako sa mukhang white lady na walking stick noh! Kapal um-aura nung gf niyang white lady na sobrang kapal mag make up na. Ay ewan. Nakakaniis lang yung malanding hitad na iyon.

Kyle and Anthon: KALMA SHAWNA!

Shawna: Nakakainis kasi eh!  Totoo naman na mas maganda ako dun sa baklitang yun. Chakamae siya masyado sa totoo lang.

Anthon: Marami pa diyan Shawna noh!

Kyle: Oo nga.

Shawna: Kicking that aside uli. May umaaway ba sa iyo?

Anthon: Oo pero di ko na lang pinapansin.

Shawna: Sino?

Anthon: Si Nelson Chen.

Shawna: Kapal ng mukha nun ah! Baklita bay un?

Anthon: Yes. Gay siya. Yung Gay na effeminate ah.

Shawna: Jusko. Ano ginagawa niya sa iyo?

Kyle: Oo nga! Ayoko din inaaway yung minamahal kong bestfriend ah.

Anthon: Ayun, tinatarayan lang naman ako.
Shawna: Nako ah. Sarap buhusan ng mainit na tubig yan ah.

Kyle: Gusto kong sapakin yang baklang yan arrgghhh..

Anthon: KALMA! Pero syempre, sinagot ko siya.

Shawna: Ano naman sabi mo?

Anthon: Na di ako gold digger and user kahit mahirap lang ako nakikipagkaibigan kay Neilsen. Kapal ng mukha eh. Gold digger daw ako

Shawna: Kapal ng peys ni Ateng ah! Sarap hampasin ng hollowblocks

Kyle: Pero at least palaban si espren noh

Shawna: Agree Kyle.

Nagrequest si Kyle na maguusap lang sila ni Anthon sa labas

Kyle: Pwede usap lang kami ni Anthon sa labas Shawna?

Shawna: Geh iwanan niyo ko dito.

Kyle: Saglit lang naman eh.

Shawna: Sige sige.

Lumabas lang saglit si Kyle at Anthon para magusap. Pagkalabas nila ay nagusap na sila.

Kyle: Espren, namiss talaga kita eh.

Anthon: Namiss naman din kita eh.

Kyle: Yuun! Alam mo ba, parang di kami sanay na wala ka na sa school eh.

Anthon: Gusto ko lang naman din tanggapin yung opportunity eh.

Kyle: Sa bagay, espren! May tanong ako sa iyo.

Anthon: Ano yun?

Kyle: Uhhmm.. nakakahiya kasi eh.

Anthon: Wag kang mahiya.

Kyle: Ehh..

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Anthon at nangulat bigla si Shawna sa kanila.

Shawna: Bulaga!

Anthon at Kyle: SHEMAY!

Kyle: Nakakagulat ka Shawna ah!

Shawna: Hindi obvious Kyle!

Anthon: Baliw ka talaga Shawna! Bakit lumabas ka na?

Shawna: Be! 9:30 na kaya. Kailangan na namin umuwi noh.

Anthon: Ahh ganun ba? Miss ko na talaga kayo guys eh. Ihahatid ko na kayo sa baba ah.

Kyle: Sure.

Bumaba na sila at nagpaalam lang na ihahatid lang nito sa labas sila Shawna at Kyle at pumayag naman ang nanay niya. Inihatid na nga ni Anthon sila Shawna at Kyle sa labas at nagpaalam na sila sa isa’t-isa.

Shawna: Be! Bibisita kami sa Olsen ah.

Kyle: Oo nga.

Anthon: SIge lang! Text me ah.

Shawna: Sure. Group hug nga guys.

Kyle, Anthon and Shawna: GROUP HUG!

At nag-group hug na nga sila. Pagkatapos ng masayang group hug na iyon ay umalis na sila Shawna at Kyle. Biglang nagvibrate ang kayang phone at tinignan niya ito. May nakita siyang isang message na galing sa unknown number at agad niya itong binasa.

1 text message from 09*********:

Hey Anthon! Mic Ogawa here. Meet me at the main gate sa school! Wag ka nang magtanong pa basta pumunta ka na lang. Don’t ditch me or else your life will be endanger.


To be continued…..

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi Guys! 

Ayun, nakapagpost uli! Salamat pala sa mga pumayag maging model sa story ko and sana po guys suportahan niyo pa po yung TL. Thanks po talaga sa mga sumusuporta. Good morning :).

-Sephyyyyyy :3

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails