Followers

Saturday, June 8, 2013

The Yuppie Is My Papi 6


Part1 Part2 Part3 Part4 Part5

Labis ang pagtataka ni Eric habang naglalakad siya papuntang San Lazaro Hospital upang dalhin kay Charito ang mga ibinilin sa kaniya nitong mga gamit.
Sa loob ng dalawang linggong pagStay ni Charito sa San Lazaro Hospital ay hindi pumalya itong triCycle driver na si Eric sa pagbisita niya kay Charito Everyday sa nakaraang unang linggo at kahit na masuka-suka siya sa inaagnas na hitsura ng kanyang crush ay lakas loob pa din siyang dumadalaw dito.
Ikinagulat nitong si Eric nang sinabihan siya nitong si Charito na hindi na siya pupuwedeng dumalaw sa hospital dahil ito ang mahigpit na bilin ni Mrs. Chavez.
Labis din ang pagtataka ni Eric nang mabalitaan niyang pati ang pamilya ni Charito'y pinagbawalan na ding bisitahin ang dalaga ngunit ngayon nga'y tuwang-tuwa itong si Eric dahil nakatanggap siya ng Text message mula kay Charito kagabi at nagpapadala ito ng kaniyang mga personal items.
Hindi na din sumama kay Eric ang mga Parent's ni Charito dahil hihintayin na lamang nila ang dalaga kapag nakauwi na ito't kampante naman sila na hindi pinababayaan ni Mrs. Chavez ang kanilang anak.
Miss na miss na talaga ni Eric ang kasungitan nitong si Charito dahil isang linggong hindi siya nakadalaw kaya nama'y bukod sa pinadadala sa kaniyang mga personal na gamit ng dalaga'y binilhan pa niya ito ng Isang Dosenang mga Rosas.
"Sir, Saan po kayo?" Ang bati ng guard on duty nang nakapasok na si Eric sa lobby ng Hospital.
"Sa Room 306 Bossing." Ang masayang reply naman ni Eric.
"Sorry po sir at mahigpit pong pinagbabawal ang mga bisita ngayon doon."
"Ha?" Ang namamanghang tanong ni Eric sa Guard.
"Pasensya na po talaga."
"Bakit naman Manong?"
"Hindi ko din po alam Sir. Kilala nyo po ba ang Pasyente?"
"Oo naman. Mag-Kapitbahay kami."
"Swerte nyo naman at may Artista kayong kapitbahay!" Ang masaya't naiinggit na sambit naman ng guard kay Eric.
"Artista? Hindi kaya yun Artista!" Ang nagtataka't natatawang sagot naman ni Eric.
Nag-iisip-isip itong si Eric dahil kagabi lamang ay nagText sa kaniya itong si Charito at nagsabing lalabas na nga ito ngayong araw kaya nama'y nagpapadala ito ng mga gamit sa kaniya.
"Malayong maging Artista ang kapitbahay ko Bossing. Baka iba naman ang sinasabi ninyo." Ang sunod na sinabi naman ni Eric sa guard kasabay ng pagpunta niya sa information desk ng Hospital Lobby.
"Ahm... Miss... Lumabas na ba yung pasyente sa 306?" Tanong ni Eric sa personnel.
"Ano pong name?"
"Charito Solitas." Ang sambit ni Eric.
"Bakit ka natatawa Miss?"
"Ang baho po kasi ng name." Ang hindi mapigilang sambit ng dalagang empleyado sa biglang napangiting si Eric.
"BAD KA ATE! HA HA HA!!!" Ang bulalas ni Eric na ikinatawa din ng personnel.
"Ngayon po ang labas niya Kuya." Ang sagot ng dalaga sa TriCycle Driver pagkatapos niyang makita ang info sa kaniyang PC about sa room 306 patient.
"Thank You Miss!" Ang paalam ni Eric sa personel sabay lakad niya papuntang staircase ng Hospital. Hindi na makapaghintay talaga itong si Eric na makita si Charito kaya nama'y maghahagdanan na lamang siya instead of using the elevator.
"Sir Bawal po ang bisita doon!" Ang pahabol ng Information Personnel kay Eric na ikinakunot naman ng noo ng isa. Agad na dinukot ni Eric ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa't kaagad na tinawagan iong si Charito.
"Nasan ka na?" Ang bungad ni Charito kay Eric.
"Nandito ako sa lobby Chai! Bakit bawal ang bisita d'yan sa room mo? Isang linggo ka na naming hindi nakikita?"
"Hintayin mo na lang kami diyan sa Lobby! Hi hi hi..." Ang malanding sambit na lamang ni Charito kay Eric na ikinangiti naman ng TriCycle Driver.
Naghintay na lamang si Eric sa lobby at hindi niya mapigilang mag-isip dahil medyo nahihiwagaan siya sa tono nitong si Charito.
Last week lang nang huli niya itong makita't maka-usap ay halos nagbabanta na itong magpapakamatay dahil sa nangyari sa hitsura nito at laking gulat talaga nitong si Eric dahil isang linggo lang niya itong hindi nakita't naka-usap ay ibang-iba na ang mood nito ngayon.

******************************

"Ready ka na ba iha?" Ang masayang tanong ni Mrs. Chavez sa kay Charito. Hanggang ngayo'y hindi pa rin talaga makapaniwala ito sa kinalabasan ng pagkakaAgnas ng kaniyang Sekretarya.
"READY NA MADAM! KAHAPON PA!" Ang outburst ng excited na si Charito dahil gustong-gusto na niyang makita kung ano ang magiging reaction nitong si Eric kapag nakita na siya nito.
"Este iho... Ano nga pala ang name mo?" Ang tanong naman ni Mrs. Chavez sa binatang nakatulala kay Charito.
"HOY!!!" Ang malakas na pagpukaw ulit ni Mrs. Chavez sa binatang nakaluwa ang mata.
"Ah... Eh... Dennis po Tita!" Ang nagulat na sambit naman ng kaibigan ni Sir Benedict sa Mommy nito.
Ang usapan kasi ng mag-inang Mrs. Chavez at Sir Benedict ay sila ang susundo mismo kay Charito paglabas nito ng Hospital. Hindi na din inusisa ni Mrs. Chavez ang kaniyang anak nang isinama nito ang Musician na kaibigan nitong si Dennis ng araw na iyon.
Muling tinignan ni Charito ang kaniyang reflection sa salamin kasabay ng pag-guhit ng isang napakatamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
Impress na impress talaga ang dalaga sa kaniyang suot-suot na skimpy red small red na dress at talaga namang hubog na hubog dito ang kaniyang curve.
Maganda din ang kaniyang pagkakaMake-Up gamit ang kanilang Sariling Brand na Shu Eumura Cosmetics at maayos na maayos ang nakalugay niyang kulot na buhok.
"EXCITED NA AKO MADAM!!! LET'S GO NA!!!" Ang muling outburst ni Charito at talaga namang excited na siyang makita itong si Eric.
Kahit ayaw mang aminin ni Charito sa kaniyang sarili na kahit papaano'y naTouch siya sa pagbisita sa kaniya ni Eric last-last week. Medyo naMiss lang niya ng kaunti ang nagpapaPansin sa kaniyang triCycle driver nang pinagbawalan siyang magkaroon ng bisita during her final week sa kaniyang pagStay sa San Lazaro Hospital.
"Sige na Dennis! Talukbungan mo na yang si Chai!" Ang utos ni Mrs. Chavez sa kaibigan ni Sir Benedict.
"HA???!!!" Ang gulat na naiusal ng dalawa kay Mrs. Chavez.
"Bawal na makita in Public itong si Chai until the day of her launching bilang Endorser ng Whitening Products ng Shu Eumura." Ang malumanay na explain na lamang ni Mrs. Chavez sa dalawa.
"Ganoon po ba." Ang nasambit na lamang ni Dennis habang tinatalukbungan na niya ng kumot ang dalaga.
"Bakit ganyan ang mukha mo iha?" Ang nagtatakang sambit ni Mrs. Chavez sa biglang sumimangot na si Charito.
"Sayang naman po kasi ang pagpapaganda ko eh." Ang nahihiyang explanation ni Charito sa kaniyang amo.
"Baka pupuwede namang magpakita ako sa kapitbahay ko? Nasa lobby siya kasi. May pinakuha po kasi akong gamit Madam." Ang sunod-sunod na sinabi ni Charito upang magRequest kay Mrs. Chavez.
"Iha, Sa unveiling na lang ng Billboard mo sa EDSA. Your family, even your neighbors and the Public will see the new you." Ang nakangiting sambit lamang muli ni Mrs. Chavez sa malungkot na si Charito.
"Hala sige! Takpan mo na siya!" Ang sunod na sambit muli ni Mrs. Chavez kay Dennis at wala nang nagawa pa ang dalawa kungdi'y sundin na lang ito.

******************************

Pagkaparadang-pagkaparada  ni Sir Benedict ng 2013 BMW 7 Series ng kaniyang Mommy sa harapan ng Entrance ng Lobby ng San Lazaro'y agad siyang bumaba sa kotse't pumasok na kaagad sa Lobby.
Napangiti itong si Sir Benedict ng may nakita siyang lalaking naka-upo sa Lobby ng Hospital.
"May naka-upo ba dito Dre?" Ang tanong ni Sir Benedict sa lalaking kaLook-a-like ni Cesar Montano ng lumapit siya dito.
"Wala Dre." Ang maiksing sagot lamang ng lalaki kay Sir Benedict na agad-agad namang naupo sa tabi nito.
Kaagad namang nagsuot itong si Sir Benedict ng kaniyang LiteForce Aviator Tech 4180 From Ray-Ban at pagkatapos ay ininspection niya ang kaniyang katabing hunk from head to Toe.
Ganito ang style ng Bisexual na si Sir Benedict sa tuwing may i-che-Check-out siyang babae o lalaki.
NaImpressed naman siya sa kaniyang nakita dahil kahit na naka Plain White Semi Fit na local shirt at faded sure fit na maong with matching laspag na Fake na black low cut na Converse ang lalaki'y ang lakas-lakas pa din ng sex appeal nito para sa kaniya.
Habang naghihintay itong si Eric sa paglabas ni Charito'y wala itong kamalay-malay na nagpipiyesta na pala sa kakatingin sa kaniyang katawan ang dalawang mata ng kaniyang katabing semi-kalbong Mestizo.
Sabay na tumingin sina Sir Benedict at Eric nang bumukas ang elevator sa Lobby at magkasabay din silang tumayo nang makita nilang lumabas mula dito ang mga nakasakay.
Nakita kasi ni Sir Benedict ang kaniyang Mommy at ang kaniyang Kaibigang si Dennis na may kasamang taong nakatalukbong ng kumot at 100% sure siyang si Charito iyon.
Nakita naman ni Eric ang isang pasaherong lumabas sa Elevator na nakatalukbong ng Blanket at sure na sure din siyang si Charito iyon. Hindi naiwasang labis siyang mag-aalala para sa dalaga at baka inaagnas pa din ito.
Agad na lumapit sabay sina Sir Benedict at Eric sa tatlo.
"Ma... Nandoon na ang Kotse." Ang bati ni Sir Benedict.
"Chai?" Ang sambit naman ni Eric sa nakatalukbong na tao.
"ERIC???!!! IS THAT YOU???!!!" Ang malakas at Conyong naiusal ni Charito under the Blanket.
"Nandito na ang pinadadala mo." Ang sagot naman ng nagtatakang si Eric sa dalaga sabay tingin niya sa matandang babaeng katabi ni Charito.
Nagulat din itong si Sir Benedict at magkakilala pala itong si Charito at ang Guy na nakursunadahan niya.
"Kaya naman pala nagpaganda itong si Chai eh!" Ang nakangiting sambit ni Mrs. Chavez after niyang tignan mula ulo hanggang paa ang kaharap na hunky Morenong si Eric at mapansin ng matandang babae ang Bouquet of Roses na hawak nito.
"Ang gwapo pala ng boyfriend mo Iha!" Ang sunod na sambit ni Mrs. Chavez na ikinapula ng mukha ni Eric pero sa totoo lang ay pumapalakpak ang kaniyang dalawang tainga sa tuwa dahil sa nasambit ng matandang babae.
"EXCUSE ME MADAM! HI HI HI!!! KAPITBAHAY LANG KAMI KAYA!!!' Ang malakas at malanding sambit ni Charito sa kaniyang amo.
"Sige na nga! Payag na akong magpakita ka sa kaniya! Ano pala ang name iho?" Ang sambit ni Mrs. Chavez.
"Eric po Ma'am." Ang magalang na tugon naman ni Eric kay Mrs. Chavez.
"Sa Kotse na!" Ang mabilis na saway ni Mrs. Chavez nang makita niya itong si Charito na inaalis na ang nakatalukbong na kumot nito.

******************************

"Akala ko talaga eh katapusan na ng buhay ko... Blah... blah... blah...."
"Ano kaya ang gagawin ko kung ganoon na lang ang peg ng beauty ko..."
"Buhay pa ako eh inaagnas na ako..."
"Buti na lang at nagbak-bak ang old skin ko..."
"BLAH... BLAH... BLAH..."
Ang sunod-sunod na animated na kuwento nitong si Charito na ikinabingi ng lahat ng kaniyang mga kasama sa loob ng kotse.
Charito can't help it at talaga namang hindi siya makapaniwala na after the nakakatakot na effect sa kaniya ng ininom niyang pinaghalo-halong whitening pills ay magbabak-bak din pala ang kaniyang namaga't natuyong super morenang skin.
"GANDANG HINDI MO INAKALA!" Ang outburst ni Charito sa lahat na ikinatawa ni Mrs. Chavez.
"AND INSTANT P5,000.00 MULA KAY KALBO!!!" Ang sunod na patama ni Charito sa nagDriDrive na si Sir Benedict.
Napailing na lamang itong si Sir Benedict at napatingin siya sa katabi niyang si Dennis. Kinindatan na lamang siya ng kaibigan dahil alam ni Dennis na nagantsohan na naman ang kaniyang kaibigan.
"Ayos lang yun Tol!" Ang masayang sambit ni Dennis sabay tapik niya't pisil sa balikat ni Sir Benedict.
"KAANO-ANO MO BA YANG SI SIR BENEDICT?" Ang hindi pinalagpas na tanong ni Charito kay Dennis nang makita niya ang ginawa nito kay Sir Benedict. Agad namang namula ang mukha ni Sir Benedict sa tanong ng maEpal na si Charito.
"BestFriend lang kami!" Ang defensive na sambit ni Sir Benedict to answer Charito's question in behalf of Dennis.
"Kung magkaibigan kayo eh bakit ang layo ng ugali nyo?" Ang banat naman ni Charito kay Kalbo.
Sumumpa talaga itong dalagang reresbakan niya itong si Sir Benedict dahil noong panahong mukhang inaagnas na siokoy pa siya'y lagi siya nitong inaalaska't inaasar sa harapan ni Dennis. Sa tuwing dumadalaw kasi itong si Sir Benedict kay Charito sa Hospital ay palaging kasama niya si Dennis.
Napansin din ni Charito na mabait itong si Dennis at ipinagtatanggol siya nito kapag inaalaska siya ni Sir Benedict.
"Baka naman Mommy eh pupuwede nating talukbungan ulit ng kumot yang si Chai at nakakaasar na!" Ang bawi naman ni Sir Benedict.
Naging at Ease na sa kanilang pag-aasaran itong sina Sir Benedict at Charito na ikinasanay na rin ni Mrs. Chavez.
"Teka lang! Bakit wala kang imik dyan?" Ang segway naman ni Charito sa katabi niyang si Eric dahil kanina pa ito nananahimik since nang makasakay na sila sa kotse't makita na siya nito.
"Ah... Eh..." Ang walang masabing usal ni Eric dahil Shocked pa din siya dahil mas maputi na kay Anne Curtis itong si Charito't lalong gumanda ito sa kaniyang paningin.
"Ako pala si Benedict Pare! Ben na lang." Ang biglaang sambit ni Sir Benedict kay Eric.
"Eric Pare." Ang pagpapakilala naman ni Eric kay Kalbo.
"Ito si Dennis." Ang banggit naman ni Sir Benedict upang ipakilala nito kay Eric ang kaniyang kaibigan.
"Si Mommy. Boss ng Girlfriend mo." Ang sunod na sinabi ni Sir Benedict kay Eric to acknowledge his Mommy.
"Hello po Ma'am." Ang magalang na sambit muli ni Eric kay Mrs. Chavez.
"Matagal na ba kayo ni Chai?" Ang tanong agad ni Mrs. Chavez kay Eric.
"Naku po. Hindo po Ma'am. Kapitbahay lang po kami." Ang sambit naman ni Eric.
"MADAM NAMAN! NAKAKAINIS EH!" Ang malanding sambit naman ni Charito kay Mrs. Chavez.
Although Amo nitong si Charito si Mrs. Chavez ay naging para na niya itong Second Mother when she was still in the Hospital kaya nama'y nakakaarte na siya dito ng natural at okay na okay naman din ito kay Mrs. Chavez.
"That's Good!" Ang sambit na lamang ni Mrs. Chavez mula sa kaniyang narinig from Eric and Charito.
"Hindi kasi maganda sa magiging image ni Chai kapag may Boyfriend siya." Ang sunod na explain ni Mrs. Chavez na siyang ikinabagsak ng mukha ni Eric. Mabuti na lamang at hindi siya nahalata ng mga ito.
"Ibahin na natin ang name mo kapag humarap ka na sa Media." Ang sambit ni Mrs. Chavez kay Charito.
"Bakit naman po?" Ang tanong kaagad ni Charito.
"Ang baho kasi ng Charito Solitas eh." Ang straight to the point na sinabi ni Mrs. Chavez.
Pinigilang matawa nina Dennis at Eric sa kanilang narinig na siyang kabaligtaran naman sa malakas na paghalakhak ni Sir Benedict. Hindi na lamang iyon pinasin ni Charito.
"Para pala akong artista! AHAHAHAHA!!!" Ang flirty na sambit ni Charito.
"Mag-iisip tayo ng magandang screen name mo Chai and Please huwag ka masyadong loud sa pagsasalita!" Ang pakiusap nitong si Mrs. Chavez sa dalaga at talaga namang hindi bagay ang pagiging palengkera nitong si Charito sa hitsura nito ngayon.
"Mag-e-Enroll ka sa Charm School!" Ang biglang nasabi ni Mrs. Chavez sa Dalaga sabay ngiti nito. Bigla na lamang naisip iyon ni Mrs. Chavez dahil kahit siya'y naaasiwa sa pag-iinarte nitong kaniyang secretary.
"Ano po yung Charm School Madam?" Ang clueless na tanong ni Charito sa Amo.
"Para maging mahinhin ka at pleasant." Ang sagot na lamang ni Mrs. Chavez na lalong nagpangiti pa sa dalaga.
"AY BET KO YAN MADAM!!!" ANg excited na tili ni Charito.
"Partida Ma! Hindi kayang baguhin ng Charm School yan!" Ang epal nitong si Sir Benedict.
"NAGSALITA KA NA NAMANG KALBO KA! PUSTAHAN ANO?!" Ang mabilis na naibulalas ni Charito na ikinatahimik kaagad ni Sir Benedict dahil nadala na ito sa pagkatalo niya sa recent nilang pustahan.
"Para sa akin ba yan?" Ang sunod na sambit naman ni Charito sa tahimik na si Eric sabay turo sa hawak nitong Bouquet of Red Roses.
"Para pala sa iyo..." Ang nahihiyang sambit naman ni Eric sa dalaga sabay bigay nito ng binili niyang mga roses para sa dalaga. Nawala na sa isipan itong si Eric dahil kay Charito.
Hinding-hindi talaga siya makapaniwala sa nangyari sa dalaga na para bang nagbalat ito ng katulad ng sa pagbabalat ng isang ahas kaso nga lang ay hindi na katulad ng dati ang kulay ng balat ni Charito.
"Andito na tayo!" Ang masayang sambit ni Sir Benedict nang ipinasok na niya sa isang napakataas na Condo Building ang kotse ng kaniyang Mommy.
"Hindi ka ba uuwi?" Ang gulat na tanong ni Eric kay Charito.
"Hindi Eric. Hindi ako pupuwedeng makita ng mga tao." Ang sagot lamang ni Charito sa nagulat na si Eric.
"Hintayin mo na lang sina Mama dito at ipapasundo sila ni Madam para makita ako." Ang sunod na explain ni Charito sa natamemeng si Eric.

******************************

"HUWAW NAMAN ATE! BIGATIN KA NA! MAGIGING COMMERCIAL MODEL KA NA ATE CHAI!!!" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Jun-jun sa kaniyang kapatid.
Hindi pa din makapagsalita sina Aling Celia at Mang Kardo at katulad din ni Eric ay nakanganga't nakatulala silang dalawa sa hitsura ng kanilang anak.
"Para kayong nakakita ng multo?!" Ang mayabang na usal ni Charito sa kaniyang Parents.
"Ha... Ah... Eh... Ang ganda mo na kasi Chai." Ang usal na lamang ni Aling Celia sa anak na sinang-ayunan naman ni Mang Kardo.
"BAKET MOMMY???!!!"
"PANGET BA AKO NOON MOMMY???!!!"
"DADDY!!! PANGET BA AKO NOON???!!!" Ang nagimgimbal na tanong ni Charito. Hindi naman nakapagsalita dahil sa kaniyang pagkakadulas itong si Aling Celia.
"Pasensya na misis at talagang kailangan naming itago itong si Charito upang ihanda siya sa paglabas niya sa mga Commercial at Magazine." Ang mabilis na explain kaagad ni Mrs. Chavez kay Aling Celia upang mawala ang nangyaring biglaang akward na moment.
"Maraming-maraming salamat talaga Ma'am at pangarap talaga ng anak naming Pumuti!" Ang naiusal naman ni Mang Kardo kay Mrs. Chavez.
"DADDY NAMAN! HINDI MO PA SINASAGOT ANG TANONG KO???!!!" Ang sambit naman ni Charito dahil hindi niya nagustuhan ang panglalaglag sa kaniya ng kaniyang Tatay Kardo.
"Maganda ka na noon Ate!" Angs segway naman ni Jun-jun.
"Dito ka na titira?" Ang tanong ulit ni Jun-jun sa kaniyang Ate Charito. Nakangiting tinunguhan ni Charito ang kaniyang bunsong kapatid.
"Pupuwede naman kayong tumira din dito." Ang nakangiting sambit ulit ni Mrs. Chavez.
"TALAGA PO MA'AM???!!!" Ang hindi makapaniwalang sambit ni Jun-jun na tinunguhan lamang ni Mrs. Chavez.
"YEHEEEY!!!" Ang tuwang-tuwang outburst ni Jun-jun at talaga namang masaya siya't makakatira na siya sa Condo.
"Naku Jun-jun! Huwag mo munang istorbohin ang Ate mo!"
"Doon tayo sa bahay at malayo ang school mo dito!" Ang saway naman ni Aling Celia na ikinasimangot naman nitong si Jun-jun.
"Kayo naman Misis!" Ang kantiyaw ni Mrs. Chavez kay Aling Celia.
"Pagwala ka nalang pasok eh pumunta't matulog ka dito." Ang bawi ni Mrs. Chavez kay Jun-jun na talaga namang ikinatuwa ng bata.
Maluwag ang paghinga ng lahat habang nagkukuwentuhan sila sa itinalagang pansamantalang tirahan ni Charito at ang buong pamilya nitong si Charito'y walang sawa sa pagpasalamat sa kabutihang loob ni Mrs. Chavez at sa magandang kapalarang ibinigay ng Panginoon para kay Charito.
Kung gaano ang labis na kasiyahan nina Charito'y kabaligtaran naman ang nararamdaman nitong si Eric...
Hindi maiwasan nitong pag-isipan at ikumpara niya ang kaniyang katayuan sa kasalukuyang katayuan ni Charito...
Alam ni Eric na isang hamak na TriCycle Driver lamang siya...
Kahit na matagal na siyang nagpapaPansin sa dalaga'y hindi siya nakakaramdam dati ng hiya dito...
Ngayo'y bigatin na itong si Charito'y nagdadalawang isip itong si Eric kung itutuloy pa ba niya ang pagpapaPorma dito...
Napabugtong hininga na lamang itong si Eric nang maalala niya ang binitawang salita noon nitong si Charito sa kaniya na gusto nitong magkaroon ng Foreigner na BoyFriend...
Naiintindihan at nauunawaan ni Eric na mataas ang pangarap ng dalaga...
At ngayon nga'y nanlulumo itong si Eric dahil bigatin na itong si Charito at alam niya ang ugali nito...
Talunang tinanggap ni Eric sa kaniyang sarili na wala na siyang magiging papel at espasyo sa buhay ng dalaga...

******************************

Halos manginig na ang dalawang tuhod ni Charito habang naghihintay siya sa loob ng Kotse ng kaniyang Among si Mrs. Chavez.
Binilinan kasi siya nito kanina na ipapatawag na lamang siya nito sa kaniyang anak na si Sir Benedict kapag kinakailangan na niyang lumabas at magpakita sa mga tao.
Isang linggong sumailalim sa Charm School Training itong si Charito at sa kabutihang palad nama'y natutunan ng dalagang maging Finesse at bukod dito'y talagang sumailalim pa siya sa modeling training at make-over na courtesy of Shu Eumura Philippines.
Naging All Out and nationwide ang promotion ng Whitening Products ng Shu Eumura at nag-invest talaga sila sa kanilang Model na si Charito.
Naging parang preso ang buhay ni Charito noong nakaraang linggo dahil hindi siya makagala't pinagbawalan siyang makapagFB at kahit na magtext ay hindi rin siya pinayagan. Kinumpiska ni Mrs. Chavez ang kaniyang Fake na iPhone at baka madulas itong si Charito sa kaniyang mga kaibigan about the Plans of their Company.
Naging worth naman ang sakripisyo ni Charito dahil ngayo'y lahat ng kaniyang mga ward robe ay mga original na at bukod dito'y malaki ang kaniyang kikitaain sa Talent Fee niya bilang product Endorser ng Shu Eumura.
Unti-unting naRelax ang kaninang kinakabahang si Charito habang iniisip niya noon ang dati niyang buhay bilang Saleslady at hindi pa din siya talagang makapaniwalang magiging model na siya at higit sa lahat ay makikita na niya sa mga pages ng mga magazine ang kaniyang mga litrato. NakapagPictorial na din kasi itong si Charito.
TOK TOK TOK
Biglang bumalik sa daigdig ang lumilipad na diwa ni Charito nang kumatok itong si Sir Benedict sa salamin ng bintana ng Kotse.
"Are you ready 'Ritz Soler'?" Ang nakaSmile na tanong ni Sir Benedict habang inaalalayan niyang bumaba ng kotse itong si Charito. 'Ritz Soler' ang naging Screen Name ng Dalaga upang ipalit sa kaniyang mabahong pangalan. Si Dennis ang nakaisip ng name na iyon na sinang-ayunan naman ng lahat.
"Matutuwa ka talaga sa billboard mo sa EDSA!" Ang excited na sambit muli ni Sir Benedict na ikinasimangot naman ng dalaga.
"SIGURADO KA KALBO???!!!" Ang nauunsyaming sambit na lamang ni Charito dito.
Wala pa din siyang tiwala sa anak ng kaniyang amo dahil kahit anong pamimilit niya ditong ipakita sa kaniya ang DP ng magging Billboard niya sa EDSA ay palagi na lamang nitong isinasagot na 'surprise' ito sa kaniya.
Pagkaakyat na pagkaakyat sa portable stage ni Charito'y nagpalakpakan kaagad ang lahat ng mga tao't manghang-mangha sila sa kaputian, kakinisan, kaSexy-han at kagandahan niya.
Agad na tumabi siya kay Mrs. Chavez habang kinakawayan at nginingitian niya ang lahat ng mga nandoroon.
NaOverwhelemed talaga si Charito mula sa mga flashes ng mga Camera at laking tuwa niya na may Video Coverage pa ang event.
"Ate! Ate! Ate!" Ang biglang narinig niyang boses ni Jun-jun at nang makita niya ang puwesto ng kaniyang bihis na bihis na family sa crowd ay masaya niyang kinawayan ito't pagkatapos ay kaniyang inilibot ang kaniyang paningin upang hanapin si Eric.
Nadismaya ng bigtime itong si Charito nang hindi niya makita itong si Eric...
Aminado itong si Charito na naMiss niya ng Bigtime ang pumoporma sa kaniyang TriCycle Driver...
Hindi maipaliwanag ni Charito sa kaniyang sarili kung bakit niya hinahanap-hanap sa mga sandaling iyon si Eric...
Talagang naguguluhan itong si Charito kung bakit para bang kinukurot ang kaniyang puso dahil wala si Eric sa Event at talaga namang binilinan niya itong si Jun-jun na isama itong si Eric...
"LADIES AND GENTLEMEN..." Ang bungad ng Emcee sa public.
"OUR MODEL..." Ang pagpapatuloy nito sa pag-iintroduce kay Charito sa madlang bayan.
"MS. RITZ SOLER!!!"
Kasabay ng pagsasambit ng Emcee ng Screen name ni Charito'y inalis ang malaking telang nakaCover sa malaking Billboard ni 'Ritz Soler' na biglang tinapatan ng maliwanag na maliwanag na SpotLight!
"WHOAH!!! AWESOME!!!"
"FANTASTIC! I CAN'T BELIEVE!!!"
"THE POWER OF SCIENCE!!!"
"NICE!!!"
"PERFECT!!!"
Ang sunod-sunod na narinig ni Charito mula sa Public at hindi naiwasang maging proud sa sarili itong si Charito dahil parang musika sa kaniyang tainga ang tunog ng pagpapalakpakan ng mga tao.
"Sana nandito ka Eric..." Ang nasambit na lamang ni Charito for Eric and after that ay tumingala na siya upang makita na niya ang kaniyang Billboard.
10 secs...
20 secs...
30 secs...
40 secs...
50 secs...
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
4 minutes...
5 minutes...
Tumagal ng limang minutong nakatingala si Charitong tinitignan ang kaniyang Billboard...
"Di ba sabi ko sa iyo Surprise!!!" Ang biglang bulong sa kaniya ni Sir Benedict na ikinagulat niya.
Halos hindi maipinta ang pagmumukha nitong si Charito habang tinitignan niya ng masama itong si Sir Benedict...
Kasabay ng lalo pang pagNgisi ni Sir Benedict ay siya namang panlalaki ng dalawang butas ng ilong ni Charito...
Ibibigay ni Charito ang lahat para lang pahintulutan siyang sakalin hanggang mamatay ang kalbong anak ng kaniyang amo...
"Humanda ka sa akin Kalbo!!!" Ang naiusal na lamang ni Charito na lalo pang ikinatawa nitong malokong si Sir Benedict.
Kahit na malakas ang pagpapalakpakan ng mga tao dahil sa labis nilang paghangga sa Billboard ni 'Ritz Soler' ay hindi ito napawi ang naglalagablab na galit ng dalaga sa kalbong Yuppie...
"Kailangan bang 'Before And After' ang Billboard ko???!!!" Ang galit na galit na tanong ni Charito sa parang batang dumidilang si Sir Benedict.





To Be Continued

17 comments:

  1. wow chai ha from ugly duckling turn into beautiful peacock hehehehehe...... oi nag reveal rin si ben peg lang si charice hehehehehe ok na ako ponse kina chai at eric hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman sa Chics and sa Boys si Sir Benedict kaya Kuya PJ :))) NYAHAHAHAHA!!!

      Gwapo din naman si Eric ah :))) Cesar Montano lang :))) HAHAHA!!!

      Delete
    2. pwede nga dual sim lang hahahaha...... oo ang gwapo ni eric lalaking lalake hahahaha

      Delete
    3. Basta Kuya PJ... 'The Yuppie Is My Papi' HAHAHA :)))

      Delete
    4. ikaw bahala ikaw ang author eh... hahahahahhaahaha

      Delete
  2. Hahaha gustong gusto ko ang chapter nato ponse....
    Salamat sa update ....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din Kuya Richie at nagustuhan mo ang Kwento ni Miss Ritz Soler :)))

      GOD BLESS KUYA RICHIE :)))

      Delete
  3. Ang galing talaga ni ponse...nakakadala bawat eksena parang nandun ako sa actual na event. Sabi ko n nga ba bi c kalbo. Bka mkaagaw p ni chai ke eric...

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po magaling si Ponse kuya Randz :))) Adik po si Ponse :)))

      GOD BLESS PO ANG REGARDS SENYONG FAMILY !!!

      Delete
  4. hahhahahaha ben and den... ritz/chai and eric ba yan manong? sorry ngayon lng nakapagcomment.. ang sayang basahin! kakawala ng antok! nice one manong! teka teka ano nga ba ang "yuppie is my papi"? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa sure To :))) Hahaha!!! Malapit na :)))

      Delete
  5. Nice chapter.unpredictable kong sino ang magkakatuluyan sa kanila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch sa pagsama kay Chai Kuyang Anon :))) See you sa Part 7 :)))

      GOD BLESS!!!

      Delete
  6. Laugh trip! Ang galing mo talaga Mr. Ponse. BTW, no offence ah, pero tunog bold star nung 90's yung screen name nyang Ritz Soler. Pero imba pa rin! :)

    --BOOM

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun yun Kuya BOOM!!! :))) PangBoldStar talaga :))) NYAHAHAHA!!!

      Delete
  7. NICE story gling m tlga kuya ponse

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails