Followers

Sunday, June 9, 2013

'Unexpected' Chapter 12

Namiss niyo ba si Gab? Well, he's back! 


And oh, medyo mabigat nga pala ang chapter na ito.



Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa story na ito. Maraming salamat din sa mga patuloy na nagco-comment. Reading your comments make me happy. :)


Lastly, a big thank you to kuya Mike for giving me the chance to publish this story on his site.
--

Gab.
Tuliro, bangag, sabog. Those are the three words people used to describe me within the past few days, oh... weeks na pala. Matagal na din kaming hindi nagpapansinan ni Josh. At sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo akong nananabik sa kanya. Hinahanap-hanap ko ang mga bonding moments namin. Hinahanap ko ‘yung taong tangi kong napagpapakitaan ng ibang side ko. Hinahanap ko ang taong palaging nandiyan para sa akin. Ako ang may kasalanan nito.
--
Flashback
“Josh, sagutin mo na please.” Kanina pa ako tumatawag at nagtetext sa kanya pagkagaling ko sa kanila. At ni isa sa mga iyon ay wala akong nakuhang reply. Masakit, pero mas frustrating dahil ako ang may kasalanan nito. Clearly ay may galit siya sa akin. Kilala ko siya, kapag hindi ka niya kinakausap ng maayos ay may malalim siyang pinanggagalingan. Napaisip ako dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawa sa kanya. At alam ko namang okay na kami pagkatapos kong magsorry sa kanya sa canteen kaya naman nagtataka ako kung bakit ang cold niya sa akin.

Isa lamang ang naisip kong dahilan. Na baka may alam na siya sa lihim naming relasyon ni Therese. Ngunit kung ganoon man ay hindi ko mawari kung paano niya malalaman iyon dahil kahit ang mga pinakamatalik na kaibigan ni Therese ay walang alam. Kahit sa school naman ay hindi kami ganoon kadalas magkasama. Naisip kong kausapin si Janine. Siya lang kasi ang sa tingin kong makakatulong sa problema kong ito. Kaya naman tinawagan ko siya.

“Oh, Gab. Bakit ka natawag?” seryoso niyang bungad. At doon pa lamang ay alam ko ng may mali. Unang-una, wala ang “papa” na kasama ng pangalan ko kapag tinatawag niya ako. Ikalawa ay ang tila detached niyang tono. Bihira kasi siyang magseryoso, para siyang isang babaeng puno ng positivity sa buhay.

“Hoy, ano na? Dalian mo na may gagawin pa ako.” Tila irita niyang sabi. Talagang nakakapagtaka dahil ni minsan ay ‘di ako nagawang tarayan ni Janine. Baka naman meron, pero hindi eh. May mali talaga. “Ahh, kasi gusto lang kitang yayain lumabas bukas.” Nasabi ko.

“Oh? Anong meron? May kailangan ka, no?” sabi niya, patuloy pa ring nagtataray. “Ahh wala, gusto ko lang makabond...” “Cut the crap. Lahat man ng tao pati si Josh maloloko mo, pero ako hindi.” Pagputol niya sa akin. Natigilan ako, pilit inaabsorb ang mga sinabi niya sa akin. “Look, I know Josh and I haven’t been in good terms today, kaya naman please gumagawa na nga ako ng paraan oh. Ayaw niya kasi akong kausapin.” Pagpapaliwanag ko.

“Nako, if I were Josh I would’ve done the same thing. Better yet, may gagawin pa akong mas matindi pa. Pasalamat ka mabait si Josh. Malas niya sa’yo. Swerte mo sa kanya. Seems like wala na tayong dapat pag-usapan. You should ask yourself why. I know you can answer the situation by yourself. Matalino kang tao, pero tanga ka naman ata. Bye Gab.” Ang sabi niya pagkatapos ay binabaan niya ako ng telepono.

Buong gabi ay binagabag ako ng mga salita ni Janine. At doon ko lang napagtanto na alam na nga ni Josh at nagsinungaling pa ako sa kanya. Lagot na. Malaking problema nga ito. At tuluyan na nga akong nilamon ng guilt.

--

Lumipas pa ang ilang araw at marahil hindi ko na natiis ang sitwasyon namin. Kaya naman gumawa na ako ng hakbang para maayos ang gulong ito.

“Janine!” sigaw ko sa kanya nang makita ko siya. Sinadya ko talagang abangan siya pauwi galing school. Marami kasing tanong ang bumabagabag sa akin. Lumingon naman siya at nang makita niya ako ay biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Nagulat siya at sumimangot, at doon ko talagang nakumpirmang may mali talaga.

May mali talaga.

“Oh, Gab? Anong atin?” matter-of-fact niyang tanong. “Ahhh, eh... kakamustahin ko lang sana si Josh.” Kinakabahang tanong ko. Alam ko kasi kung paano magtaray si Janine. Nakakatakot talaga. “Oh, ano naman kinalaman ko diyan?” pagtataray niya. Nakataas na ang kilay niya. “Eh, kasi... ahhh eh...” “AH-EH-IH-OH-UH! Gab, diretsuhin mo na nga ako. Dami pang paligoy-ligoy eh. I haven’t got all the time in the world.” Exasperated niyang tugon. “Ayaw niya kasi akong kausapin nitong mga nakaraang araw eh.” Ang tanging nasabi ko.

Napabuntong-hininga si Janine. “Huwag tayo dito. Baka may makarinig sa atin.” Bigla na lang siyang tumalikod at naglakad siya palayo. Kahit hindi naman niya sabihin ay gusto niyang sundan ko siya. Ilang sandali lamang ay nakarating kami sa park malapit sa school. Umupo kami sa mga bench sa may likod kung saan maraming puno. “Oh, nasaan na ulit tayo?” tanong niya ulit.

“Kasi si Josh parang may galit siya sa akin. Ayaw niya akong kausapin. Mga tawag at text ko hindi niya sinasagot. Eh noong araw naman na iyon nagkabati naman kami. Then noong nagpunta ako sa kanila parang iba na ‘yung treatment niya sa akin. Basta, parang may mali.” Pagsisimula ko.

“Oo nga, Gab. Sa tingin mo bakit may mali?” tanong niya.

Katahimikan. Ayokong sabihin ang hinala kong may alam na siya tungkol sa relasyon namin ni Therese. Baka naman kasi mali lang ang suspetsa ko.

“Hindi ko rin alam.” Pagsisinungaling ko. “Hirap na hirap na ako.”

At tila nawalan na ng pagpipigil ng pasensya si Janine. Tumayo siya at biglang pumamewang na ikinabigla ko naman.

“For God’s sake! Gab, huwag na tayong mag-gaguhan dito! Alam kong alam mo kung bakit siya nagkakaganoon. And don’t come telling me na hirap na hirap ka na, DAHIL WALA KANG ALAM KUNG GAANO NAHIHIRAPAN SI JOSH!” bulyaw niya sa akin.

Natahimik na lamang ako sa sinabi ni Janine. “Tulungan mo naman ako, please. Wala na kasi akong ibang malapitan, eh.” Pagmamakaawa ko. Yes, desperado na ako.

“Tangina! Wala naman talagang dapat problema eh! Ikaw ang gumawa nito! Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Kaya heto, ha, para mabawasan na ‘yung pagpapakatanga mo and to clear all those questions in that little nut of yours, OO ALAM NAMIN NI JOSH NA KAYO NA NI THERESE! Paano ko nalaman? Nakita namin kayo sa mall, Gab! Harap-harapan! At oo, nasaktan siya dahil binasag mo ‘yung tiwala niya! Nilabag mo ang promise niyo sa isa’t-isa na “No lies”. Ngayon, Gab, sa tingin mo after knowing all the crap you’ve been feeding him eh tutulungan kita? The answer is one big, fat NO! Hell, he gave you the chance to tell him the truth noong nasa bahay ka niya! Pero anong ginawa mo?” hingal niyang tigil. Ngayon ay may mga namumuo ng luha sa mga mata niya. Bawat salita niya ay tila pakiramdam kong unti-unti akong lumulubog sa lupa.

“You still lied, Gab! Dapat papatawarin ka na niya at kakalimutan na ang nangyari dahil ganoon ka niya pinagpapahalagahan bilang kaibigan! Because he values your friendship that much! Pero ikaw... ikaw! Ikaw na bestfriend na maituturing ay nagsinungaling pa rin. NOT ONCE, BUT TWICE! Wala naman siyang ginawa sa’yo para ganyanin mo siya ah! At para ano? Dahil diyan sa babaeng ‘yan?! Eh sasandali pa lang kayo ah! Si Josh, kaibigan mong matalik ‘yan! Kung sana nilihim niyo na lang muna eh maiintindihan ko. Pero NAGSINUNGALING KA KASI! Gab, ramdam ko kasi ‘yung sakit niya eh. Kaya ako nagkakganito! Dahil kahit ako hindi ko na rin alam ang advice na ibibigay sa kanya! Kung alam mo lang kung gaano ako naaawa kay Josh sa tuwing mago-open up siya sa amin! Hindi niya deserve na saktan ng isang kagaya mo! Kung tutuusin nga ay dapat hindi kita kinakausap ngayon eh, pero naisip ko na kailangan pa nga palang may magpaintindi diyan sa utak mo ang mga nangyayari!” pagtatapos niya.

Hindi ko napansing umiiyak na pala ako, hanggang sa magsimula akong humikbi. Tiningnan ko ang mukha ni Janine. Umiiyak na rin siya, pero nakikita ko pa rin ang matinding galit niya sa akin. “Janine... I just don’t know what to do. I want my bestfriend back.” Matamlay kong sabi.

“You want advice?” matigas niyang sabi. Tila nabuhayan naman ako ng pag-asa sa sinabi niyang iyon. Na tutulungan niya ako. Tumango na lang ako. Ngunit nawala din lahat ng pag-asang iyon nang marinig ko ang tugon niya.

“Stay away from Josh.” Matigas niyang sabi at naglakad na palayo.

--

Josh.

Nakatulog akong masaya, a first in ages. Nang magising ako ay humarap ako sa salamin at sinuri ang sarili. Napangiti ako. Masaya ako habang binabalikan ang naging lakad namin kahapon ni Matt. I got to know him more kasi sa tuwing nasa school kami ay palaging kasama namin si Janine who does all the talking. Don’t get me wrong, ayos lang sa akin iyon. Ngayon lang naman kasi kami nagkaroon ng quality time at bonding moment ni Matt na kaming dalawa lang. Ang daming magandang nangyari kahapon.

Nang magpunta kami sa Quantum ay tila bigla akong nakainom ng isang litro ng Extra Joss dahil sa Dance Revo. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapaglaro nito. Totoong natanggal ang stress ko. Nagyaya din si Matt magvideoke. Doon ko nalaman na kahit medyo sintunado siya ay game na game naman siya sa pagkanta. Pero sa totoo lang ay may boses din naman siya, kailangan lang sigurong hasain ng kaunti. Puno ng emosyon ang pagkakakanta niya ng Tuliro, which is one of my favourite songs kaya naman natuwa ako nang makita kong iyon ang napili niyang kanta. Sabi niya ay para daw iyon sa taong mahal niya. Ang swerte naman niya kung sino man siya.

Habang kumakanta siya ay tila napapansin kong sa akin lamang siya nakatingin. Hindi ko maikakailang nailang ako sa ginawa niyang iyon. Para kasing pilit niya akong binabasa, tutok na tutok siya sa mukha ko habang kumakanta. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya yumuko na lamang ako. Nang mga oras na iyon ay hindi maiwasang magrigudon na naman ang puso ko just like everytime I’m near him.

Nang ako naman ang pakantahin niya ng kantang gusto kong ihandog sa taong mahal ko ay tila natigilan ako. Naalala ko na naman si Gab. Ang daming kantang kayang magpahiwatig ng tunay kong nararamdaman sa kanya, pero for some reason ay pumili ako ng kanta na magpapakita kung gaano na ako nahihirapan sa paghandle nitong mga damdamin ko. Kinanta ko ang I knew you were trouble dahil perfect ang lyrics nito sa nararamdaman ko ngayon. I knew he was trouble nang una ko siyang makilala. Dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit ba ako nahulog sa kanya. Syempre, dahil tao lang naman ako at dahil matagal ko na ring kinikimkim itong mga saloobin ko ay talagang ibinuhos ko ang lahat ng emosyon ko sa pagkanta. Naluluha na pala ako kaya daglian ko itong pinunasan. Siguro naman ay hindi iyon nahalata ni Matt. I hope.

Pero ang pinaka-highlight ng araw ko kahapon ay iyong tawagin niya akong “Bes”. Noong una ay natahimik ako dahil sa bigla ko na namang naalala ang pagkakaibigan namin ni Gab na hindi ko na alam kung ano ang estado ngayon dahil hindi na rin siya nagpaparamdam. Pero sa tingin ko ay mas maganda iyon para mabigyan na rin ako ng space at para na rin unti-unti ko na siyang makalimutan bilang taong mahal ko. And after all, may kasalanan pa rin siya sa akin at aaminin kong hanggang ngayon ay may galit pa rin akong nararamdaman para sa kanya.

Nang mapagtanto ko naman ang mga napagdaanan namin ni Matt since nagsimula ang klase ay hindi ko napigilang mapangiti sa loob-loob ko. Marami na siyang magagandang bagay na nagawa para sa akin at lingid sa kaalaman niya ay palagi niya akong napapasaya. Ang pagiging corny, kengkoy, at sweet niya sa akin ay isang bagay na hinahanap-hanap ko na araw-araw. Most importantly, ay kapag hindi kami nagkakaunawaan ay agad-agad siyang babawi sa akin unlike ni Gab. Malaki na rin ang naitulong niya sa akin sa pagmomove-on bilang isang kaibigan. At hindi ko ikakailang nagkakaroon na siya ng isang espesyal na puwang sa puso ko.

Kaya naman pumayag na ako dahil truth to be told, he more than deserves the title. Gusto ko rin naman i-acknowledge ang friendship namin at para na rin alam niyang nakikita ko ang efforts niya at para malaman niya kung gaano ako thankful at kung gaano ko siya pinagpapahalagahan. Masaya ako dahil may isang taong tulad niya na dumating sa buhay ko. Kung lalawig man ang nararamdaman ko para sa kanya ay panahon na lang makapagsasabi. Alam kong problema na naman ito, dahil sa lalaki na naman ako nahuhulog at imposibleng may nararamdaman din siya sa akin dahil lalaki iyon. Sadyang sweet lang talaga siya siguro. Pero dahil nga tao lang ako ay tatanggapin ko na rin kung anuman ang mangyayari, pero dapat ihanda ko ang sarili kong muling masaktan.

Basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ko siya.

--

Nang makarating ako ng school ay nakita ko agad sila ni Janine na nagkwekwentuhan. Tila si Janine ay kilig na kilig sa kung anumang kwento ni Matt sa kanya. Napansin naman ni Matt na papunta na ako sa kanya. Agad naman siyang ngumiti ng napakatamis at nagsimulang tumayo at maglakad patungo sa direksyon ko. “Bes! Kamusta na?” masaya niyang bati sa akin. Bigla naman siyang umakbay na labis kong ikinagulat, pero ikinatuwa ko. Haaay, heto na naman ang puso ko. Ayokong umasa, basta bahala na. “Oh, ayos naman, bes! Salamat sa libre kahapon hehehe.” Masaya ko ring bati.

“Huwaaaaw! May pet names na! OMG dapat ako rin!” tili ni Janine. “Beh, wala ka. Amin na lang ‘yun, ‘di ba, bes?” pagbibiro ko kay Matt, iniinis si Janine. “Ahh, oo. Sa amin lang ni Josh KO ‘yun.” Sabi niya. ANO DAW?!!!! “AY GRABE KA KUYA, KALOKA! Josh “ko”! Jusko talaga! Possessive mo naman! Huwag kang mag-alala hindi mo ako karibal!” eksaheradang pahayag ni Janine. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ngunit ngingiti-ngiti lang siya na parang wala man lang nangyari.

“Oh, sige! Bigyan mo na nga ‘yan ng pet name nang matigil na ‘yan.” Medyo uneasy kong sabi, pilit iniiba ang usapan. “Hmmm... sige. Isip ako.” Sabi ni matt, na nagpose na tila nag-iisip. Nilagay pa niya ang dalawang daliri niya sa baba niya at tumingala, pinapakitang talagang nag-iisip siya. Ang cute talaga ng mokong. “Alam ko na!” sabi niya na tila may isang bumbilya ngang umilaw sa may ulanan niya. “Ano?” tanong ni Janine. For sure corny na naman ito. “’Mommy’ na lang ha!” sagot niya. Napahagalpak naman ako sa tawa dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. Si Janine naman ay natawa din. “HAHA! Leche! Ano ‘yun? Sugar Mommy mo siya?!” biro ko. “Hahaha apir!” tugon ni Matt at nag-apir nga kami. “Ay kaloka! Ang pangit naman... pero omg pwede rin! Ako ‘yung mommy tapos anak ko si Josh tapos ikaw ‘yung nanliligaw sa kanya! OMG Ikaw ha!” natatawang sabi ni Janine. Namula naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong babaeng ito. “Haha, oo na lang! Halika, libre ko ulit kayo hehe.” Ang nasabi na lang ni Matt.

Tila may isang parte ng puso ko ang tumibok na naman. Wala kasing ginawa si Matt para ideny ang biro ni Janine, para ngang natuwa pa siya eh. Napapansin ko na rin ito noong mga nakaarang araw pa. Ito na rin siguro ang ilan sa mga rason kung bakit ako umaasa. Kahit na todo mang-asar si Janine sa aming dalawa ay tila hindi man lang naiilang o naiinis si Matt, minsan ay nakikisakay pa siya sa mga pang-aasar ni Janine.

--

Flashback
“Oh, papa Matt. Andiyan na pala syota mo!” ang sabi ni Janine pagkadating na pagkadating ko pa lang ng school.

“Adik. Kung anu-ano na naman mga nahithit mo!” balik ko sa kanya. Kay aga-aga kasi ay nang-aasar na siya.

“Uy, babe. Bakit mo naman ako dinedeny kay Janine?” tila nalulungkot niyang sabi na ikinagulat ko naman. Nanlaki ang mata ko at natahimik na lang. Napahagikgik na lang si Janine habang tahimik lang si Matt na parang walang nangyari.

--

“Ito namang si Matt, lagi na lang nanlilibre! Sagutin mo na kasi Josh. Baka maghirap ‘yan!” pang-aasar na naman ni Janine.

“Magtigil ka nga. Ako na naman nakita mo.” Naiinis kong sabi sa kanya. Wala kasi ako sa mood noong araw na iyon.

“Josh, hindi pa ba natin sasabihin sa kanya?” tanong ni Matt. Nagtaka naman ako.

“Huh? Anong meron?” taka kong tanong.

“Tayo na ‘di ba? Um-oo ka na sa akin kagabi, ‘di ba, babe? Ouch nakalimutan agad.” Sagot niya.

“Yieeeeee!!!!!” ang nasabi na lang ni Janine.

Lalo naman akong naguluhan sa mga trip ni Matt nitong mga nakaraang araw. Alam na niya kayang naiiba ako kaya niya ako pinagtritipan? Hindi naman niya siguro gagawin iyon kahit pa malaman niya... or would he?

--

For the nth time ay nilibre na naman kami ni Matt ng breakfast. Mayaman nga talaga siguro ang loko. Halata naman kasi sa mga gamit pa lang niya. Kaya siguro parang wala lang sa kanya na halos araw-araw niya kaming ilibre ni Janine. Syempre hindi kami maka-hindi hehe. “Oh, guys pag-usapan na natin ‘yung report natin. Malapit na tayo, ‘di ba?” pagsisimula ko ng topic.

Nagtinginan naman ang dalawa. Tila hindi mapakali si Matt habang si Janine ay tila may iniisip. “Sasabihin na ba natin sa kanya?” tanong ni Matt kay Janine. “Ako na. Para makapaghanda na rin siya.” Sabi niya na ikinataka ko naman. “What do you mean?” medyo kinakabahan ko ng tanong. May nase-sense kasi akong matindi sa plano nilang dalawa.

“Tatanungin muna kita, Josh. First, gusto mo bang makakuha ng mataas na grade sa project?” si Janine.

“Oo naman.” Sagot ko.

“Handa ka bang makipagcooperate?”

“Yup. Kilala mo naman ako.”

“Willing ka bang sumunod sa ipapagawa sa’yo as long as para ito sa ikakaganda ng report?”

“Oo naman. Look, I don’t know where this is going.”

“Good. Iyon lang naman ang gusto naming malaman ni Matt. At ngayong alam na namin na payag ka na, sasabihin na naming sa iyo ang plano.”

“Josh, para naman ito sa grupo. Sabihin mo na Janine.” Si Matt.

...
At nang malaman ko na nga ang plano ay tila nabuhusan ako ng isang pitsel ng malamig na tubig.

“NO!” ang lumabas na lang sa bibig ko. Hindi ko talaga kaya ang gusto nilang ipagawa sa akin. 

--

Itutuloy...

8 comments:

  1. Romeo si Matt then Juliet si Josh. OMG!!! Kilig na talaga ako sa inyong dalawa. Sana hindi na matapos 'to.

    -Joey

    ReplyDelete
  2. Mark Xander MendiolaJune 9, 2013 at 5:09 PM

    hahah,,cute tlg ng story na to...kaya sarap subaybayan...

    ReplyDelete
  3. KILIG to d bones hahahaha
    nakangisi tlga ako habang nagbabasa
    on Gab side, naintindiahan ko sya hes nice guy nmn
    abangan nlng susunod n kabanata lol

    AtSea

    ReplyDelete
  4. Galing ng author nito magpakilig.

    ReplyDelete
  5. aw! as usual bitin ulit. hahaha

    yow. Matt, make ur move more aggressive!!!! nakukuha mo na cya oh! konting kembot na lang... hehehe

    ReplyDelete
  6. Go Matt lalo mong pakiligin c .Josh. tnx author sa mganda at kilig n chapter again.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. Wow ganda talaga ni2 pati ako nadala mas nagalala ako kai Gab kai sa k josh xia ang nawalan pero josh mai matt na nagmamahal at s tingin ko mai gusto din c josh kai matt.,but Gab prin ako jeje

    ReplyDelete
  8. Nakakakilig !!! 09064434721

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails