Followers

Showing posts with label The Martyr The Stupid and The Flirt. Show all posts
Showing posts with label The Martyr The Stupid and The Flirt. Show all posts

Wednesday, January 19, 2011

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT (Final Chapter)

SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA.

follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
add me on facebook: angelpaulhilary28@yahoo.com


CHAPTER 13 (HOME)

Photobucket


CHAPTER 13 (HOME)




It was a soft yet very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit man lang sa huling pagkakataon.


"Pet..."


Napangiti siya sa endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.


"Pet... are you okay?"


Monty hummed his answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang magdialt ng mata.


Ayaw niyang magbukas ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito kamahal.


"Pet..." marahang yugyog nito sa kanya.


"I'm okay Orly." he whispered softly.


He could feel his ragged breathing. The intensity of their nearness was almost intolerable. Ngali-ngaling tawirin niya ang pagitan ng kanilang mga mukha para pagbigyan ulit ang sarili sa isa pang halik. One last kiss and he would face his demons. Para makawala na rin sila ng tuluyan sa larong pinasok nila. Yes, it was all but games. The games that they played really well.


"Kiss me Orly, and then we will talk." he commanded to man above him. Hindi naman siya nagdalawang-salita dahil sumunod agad ito. Kung may makakakita sa kanila ngayon, siguradong ma-i-eskandalo. Pero wala siyang pakialam. It was what he wanted at the moment and he was definitely getting it.


Orly's kisses somehow felt different than before. He could feel passion. Pain. Need. Para bang nanghihingi ng mas marubdob pang pagtugon. Gustong magwala ng kalooban niya at haklitin ito sa batok pero mas dumiin ang paghalik nito pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi, baka hindi na siya bumitaw at ganoon na lang ang gawin nila maghapon. Subalit, ang hindi niya nakayang gawin ay siyang ginawa ni Orly. Itinigil nito ang paghalik sa kanya na nagpadilat sa mga mata niya.


"W-why?" nalilitong tanong niya. Tila nananakit ang batok nitong lumigid para magkaharap sila. 


Now that Orly was in front of him. He could see clearly why he loved him so much. His heart only belonged to him. And not even a thousand of Ronnies can make him have a change of heart. Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Pagdating sa taong mahal mo, hindi ka marunong kumilala ng rason. Kahit pa nagdesisyon na siya na lumayo dito, isang halik lang nito, wala na naman ang sama ng kanyang loob.


"Hep! Hep! Umaarte ka na naman ng di tama!" Ayan na naman si Rubi, ang kontrabidang parte ng isip niya.


Unti-unti, nagiging entity na ito. Natatakot siyang bigla na lang itong sumulpot isang araw at i-claim ang buong pagkatao niya.


Enough of Rubi. Let's go back to Orly. Please? (Aba, sumasagot sa author? Shutah ka ah!)


"Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko." His eyes were so dark with desire.


Napalunok siya. Desire? He couldn't possibly desire him. After-all he told him that.


"C-cut the bullshit Orly. You can't mean those words. Remember what you told me the day I begged to you? Na babae ang talagang gusto mo. Paanong kailangan mong magpigil ng sarili kung hindi naman ako babae." bitter niyang sabi.


Napabugha ito ng hangin. "Yeah. I remember saying that. But times have changed Pet. People change. Thing change. Wala ba akong karapatang magbago ng isip?" frustrated na sabi nito.


Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito? Was he professing something? Anong ini-insinuate nito? 


"Lalaki ka Orly. Straight for that matter. Babae lang ang may karapatang gamitin ang salitang pabago-bago ng isip. Ako, bakla ako. Entitled din ako doon kasi... kasi... well, bakla ako." muntikan na siyang pumiyok sa mga salita niya. Kinailangan niyang tumingala para pigilan pansamantala ang luha sa pagbagsak. 


"Ssshh... Don't cry Pet." masuyong sabi ni Orly na akmang lalapit sa kanya.


"Huwag kang lalapit!" Aniyang tinitingnan ito pailalim. 


And he stopped. His eyes showed pain. "Anong pwede kong gawin para maniwala kang gusto na rin kita?"


"What?" napatingin siya dito.


"Hindi naman siguro nakakabingi iyon Pet di ba? Gusto kita." he admitted with that maddeningly sexy grin.


Napapikit siya ng mariin saka muling dumilat. It was real. Orly was telling him he liked him. Monty almost melted and controlled his urge to cross their meter of a distance and put his arms around Orly's neck and kiss him until he ran out of breath. He wanted to kick his own ass at the thought.


"Do you think I can forgive you just like that by saying you like me? Ganoon ba ka-gullible ang tingin mo sa akin Orly? How dare you!" mas pinanaig niya ang galit sa sarili. Mas okay iyon. Para di naman siya magmukhang sobrang nakaka-awa.


Orly sighed then smiled again. Napaparalisa na ang katawan niya kakapukol nito ng mga ngiting kinabaliwan niya noon. At ogag siya kung di pa siya madadala doon.


"You have forgiven me already Pet. Sigurado ako dun."


"Huh! You're so full of yourself Mr. Diamond. Paano ka naman nakasiguro aber?" Monty's eyes wide and his arms akimbo. He can't believe Orly's cockiness. Parang siguradong-sigurado na napatawad na niya ito.


"Hindi pa nga ba?" epal ni Rubi.


"I kissed you a while ago." Orly said grinning mischievously.


"So?"


"You kissed me back. Really kissed me back." 


Natameme siya. Oo nga pala. Iyon nga pala ang eksena nila kanina. At sa pagkaalalang iyon ay biglang nag-init ang pakiramdam niya.


"Inalala mo no?" tudyo pa nito as if nababasa ang nasa isip niya.


"Eh ano ngayon?" pilit na pagtataray niya.


"It was just a kiss Orly. A simple meeting of our lips and tongues. Nothing more. Nothing less. Besides hindi na kita gusto."


"Sure ka? Kasi ako, matigas pa rin ako mula sa kiss na iyon." sabi nito sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan. Napadako rin ang tingin niya doon at laking-gulat niya ng makitang may malaking bukol nga sa crotch area nito. Napalunok na naman siya.


"You want to have a glimpse of it Pet?" malanding sabi ni Orly na nagpabalik sa katinuan niya.


Umingos siya. "Nah. I'd rather have Ronnie's."


Nagulat siya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila at mariin siyang hawakan sa braso na nagpatayo sa kanya. The brown of his eyes were a shade darker because of the sudden fury.


"N-nasasaktan ako Orly."


Tila natauhan naman ito saka siya binitiwan. "I'm sorry." saka ito tumalikod.


"Sorry?" nahimas niya ang medyo nasaktang braso. "What are you saying sorry for Orly? Ang tangka mong pananakit sa akin ngayon lang? Ang panloloko niyo sa aking magpinsan? Ang paggamit mo sa akin laban sa kanya? O ang pagpapaniwala mo sa aking mahal mo ako kahit hindi totoo? Ano... doon?" tuluyan ng naiyak na sabi niya. 


"Pet..."


"What can your sorry do Orly?" mapait na sabi niya. 


Ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay tila dam na nabuksan at walang patid sa pag-agos. All at once. Lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin na hindi niya nasabi ng makipaghiwalay siya rito ay tila newsfeed na tuloy-tuloy at walang humpay na pumapasok sa isip niya.


"I loved you Orly. To destruction. Ano pa bang pakay mo at bumabalik ka pa?"


Nilingon siya nito. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Parang may nagpapahirap din sa kalooban nito na hindi niya mapaniwalaan. Paano nito nakkuhang umarte na nasasaktan gayong siya ang ayaw patahimikin nito?


"I only want to be with you Pet. Iyon lang." malungkot na sabi nito.


"Tell that to the marines. You asshole!"


"I guess I'll let that slip."


"What? Ikaw pa may ganang magalit na minumura ka?"


"If only you would listen, malalaman mo kung bakit ayaw kitang patahimikin ngayon. Please Pet. Just let me explain. Kung pagkatapos nun at hindi mo matanggap ang sasabihin ko, only then I will leave you i peace."


Nabagabag naman siya sa pagsusumamo nito. Ang sinseridad ay damang-dama niya sa pakiusap na iyon.


He-sighed. "Okay, explain."


"Thanks." Lumapit ito at umupo sa bench. Biglang naging nostalgic siya at naalala ang mga pagkakataon na magkasama sila at nakaupo rin sa bench na naging saksi ng masasayang araw nila. AY hindi pala ng mga inakala niyang masasayang araw nila ni Orly.


Pinagpag nito ang katabing espasyo. "Sit down Pet. Promise, I won't touch you." nagtaas pa ng kamay ito. "But not if I can't help it." he jokingly added. Inirapan niya ito.


"Ronnie and I are cousins. Sa mother side na kaya magkaiba kami ng apelyido. Our Lolo used to spoil us kaya naman ng lumaki kami, nagkaroon kami ni Ronnie ng silent war. At iyon ay ang makuha ang undivided attention ni Lolo." panimula ni Orly.


"How childish!" hindi mapigilang komento ni Monty sa narinig.


Orly chuckled from his sarcasm. "You bet."


"So what happened?"


"Nung high school kami. I had a girlfriend. Dahil payat pa ako nun at si Ronnie ay medyo on the bulky side, na-attract sa kanya ang girlfriend ko. Nahuli kong hinahalikan siya nito na nauwi sa suntukan naming magpinsan. Nagpaliwanag siya, yung girlfriend ko raw ang humahalik at hindi siya tumutugon. He was only too gentleman para itulak ito palayo. Though he admitted that he enjoyed the thought of having my girlfriend in his arms. Since then, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para sirain siya. But I always fail. Until you came in the picture."


"But Ronnie said he's Bisexual. Totoo ba yun?" curious niyang tanong.


"Yes. I caught him with a man too. Don't you think its too ironic that I always end up catching him instead of getting even with him? Ilang beses ko ng hinamon yang si Ronnie, pero hindi pumapatol. Sabagay. I could only give him a decent fight considering he's a black-belt."


Natawa siyang kaunti. "Paano akong napasok sa eksena Orly?"


"I caught him again. Watching you from afar. His eyes were shining habang tinititigan ka sa play ninyo. Iyong "The Taming of the Shrew."


"From there you assumed that Ronnie's got the hots for me? Parang ganoon ba?" napangiwi siya sa sariling kayabangan.


"Conceited aren't we?" 


"Kumpara sa kayabangan mo Orlando. Magkwento ka na nga lang." he said blushing.


"Well, nalaman ko na may gusto siya sa'yo ng marinig ko siyang ipinagtatanong kung ano ang pangalan mo at kung anong kurso mo. You know, the stuff that you do kapag interesado ka sa isang tao."


"Then?"


"That's when I decided na kukunin ko ang atensiyon mo. Swerte pa na crush mo ako kaya naging madali ang lahat."


Naalala niyang bigla ang sirkumstansiya ng pagkakalapit nila. It really was too good to be true.


"But what about the frat master's order? Nakapa-conincidental naman nun sa pakay mo."


"Tama ka. I used that as a tool, para kung sakaling ibi-break na kita ay iyon ang dahilan na magagamit ko."


Para siyang sinapak uli sa tuwirang pag-amin nito.


"You're cruel Mr. Diamond." tanging nasabi niya.


"Yeah."


"What now? Do you think by admitting all of that ay mapapacify mo ang kalooban ko? And by saying na gusto mo rin ako? Ganun ba ako ka-estupido sa paningin mo?" nagiinit na naman ang matang sabi niya.


"No."


"Then why?"


"I was hoping you'll reconsider Pet. Kahit ako naman ang pahirapan mo." 


Natigilan siya. 


Ang ganda mo teh. Ikaw na nga. 


"I don't know what to believe anymore Orly. Aaminin ko. A part of me wants to take your offer. Pero para saan? Para ma-redeem ko ang sarili ko? No effin' way Orly."


"I knew you'd say that." malungkot na sabi nito saka tumayo.


"But for the record. Ayokong-ayoko na makitang umiiyak ka Monty. Lalo pa at ako ang dahilan ng pag-iyak mo. I guess ito na ang karma ko sa pangloloko at pangbabalewala ng pagmamahal mo."


Lumakad na si Orly palayo sa kanya. Para namang ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginawa nito.


O ngayon may ganyan kang emote. Kaloka!


Napangiti siya sa reyalisasyon. Bakit nga ba pinahihirapan pa niya si Orly eh sinabi na nga nitong gusto na rin siya nito? 


With Orly walking away from him, he felt a strong stab on his chest. Pero wala na siyang maramdamang sakit. Kasi hawak pa nito ang puso niya. Orly is walking away with his heart.


"Orlando Diamond."


He stopped on his tracks. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.


"Kung gusto mo rin ako, bakit ka lumalayo?"


Slowly, Orly turned to him with anticipation in his brown eyes. Hesitant ang hitsura pero mukhang punong-puno ng pag-asa. He decided to played with it a little. Aba! Hindi birong luha ang iniyak niya sa tinamaan ng magaling na ito.


"Does it mean, gusto mo pa rin ako Pet?"


Monty smiled from the endearment. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Teka? Paano niya naramdaman iyon kung na kay Orly pa ang puso niya? Weird.


"I don't like you Orly. I loved you. Pero noon iyon."


Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito sa narinig. Napabugha ito ng malakas. "Oo nga mahal mo ako noon."


"At hindi ba tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto kong gawin mo para maniwala ako na gusto mo rin ako?"


Tumango ito.


"What are you willing to do Orly?"


"Anything. Just ask me to."


"Then why are you walking away?"


"Pet..." Orly sighed helplessly. "I'm walking away kasi hindi ko kayang makita na parang ayaw mo ng hawakan kita. I'm walking away kasi ayokong marinig na hindi mo na ako gusto. Na hindi mo na ako mahal. Aaminin ko, nagkamali ako. Pero ng lumayo ka sa akin, ilang araw pa lang parang mabaliw-baliw na ako. It was only then na na-realize ko na gusto na pala kita. Itinatanggi ko lang sa sarili ko kasi, imposible naman na magustuhan din kita kasi parehas tayong lalaki."


Naantig ang puso niya sa sinabi nito. Pero konti pa. Papakilig muna siya ng husto. Babawi siya. 


"Nakalimutan ko bang sabihin sa'yo? Na kapag ako ang nagustuhan mo, mahirap akong kalimutan."


Napangiti ito ng mapakla. "Maybe you're right. Kasi the moment na nakipaghiwalay ka, it was like you took my heart with you."


Napapikit siya sa narinig. So, nasa kanya ang puso nito. Habang ang kanya ay naririto. Funny how fate weave its magical thread para paglapitin ulit silang dalawa.


"So Monty, what do you want me to do?"


"Stay. And never leave my side again Orly."


"What?"


"You heard it."


Nagmamadali itong lumapit sa kanya then took him to his arms and kissed him. A wild and wet kiss. It was like coming home. He was home, finally.


"Don't ever hurt me again Orly. Baka hindi ko na kayanin ang kasunod." saka siya humilig sa dibdib nito.


"I won't. I'll try my best not to hurt you again. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak ka. Huwag mo na ring sasabihin na ayaw mo na sa akin, kasi gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para ibalik ang damdamin mo sa akin."


Napangiti siya sa sobrang saya. Yumakap na siya dito ng tuluyan para lang biglang bumitiw ng may maalala.


"Huwag ka ng magtangkang lumayo ulit Orlando. Malilintikan ka sa akin."


Orly chuckled. "Takot ko lang na iwan mo ako. Ako nga ang natatakot kasi hindi ba madali kayong magsawa?" medyo insecure na sabi nito.


A shadow of smile crossed his eyes. "Never." "Kung iiwan mo ako ulit Orly ay aalis na ako ng tuluyan dito sa San Bartolome."


Inilayo siya nito ng bahagya at tinitigan. "Bakit?"


"Because if I can't have you I can't be reminded of you all the time dahil mababaliw ako kakaisip sa'yo. Kailangan kong lumayo para masigurong intact pa ang katinuan ko." 


Bumakas ang kaligayahan sa mukha nito. Para namang inilipad siya sa alapaap ng makita iyon. He finally have Orly's heart. Only his for the taking. And for his heart-warming confession, Monty was rewarded by an equally heart-warming kiss.


isang tikhim ang nagpatigil sa kanilang halikan at ka-echosan. Nabungaran nila ang nakangiting si Jordan at ang madilim ang mukhang si Ronnie at isang mukhang anime na lalaking may hawak na camera at hawak ni Ronnie sa kwelyo.


"Guys!" masayang sabi niya sa  mga ito.


"This is not a lovers lane!" his friend reflected his own happiness.


"Ngayon lang naman." natatawang sabi niya.


"I'm happy for you friend." 


"Thanks."


Tumalikod si Ronnie. Hila-hila pa rina ng lalaking mukhang anime na hawak nito.


"Hey! Stop it already. Nagkaayos na sila o!" reklamo ng pobre kay Ronnie.


"Magdusa ka! Kinuhanan mo sila ng litrato ng walang paalam pati ako tapos nilagay mo sa school paper. That's invasion of privacy." kalmado ang boses ng pinsan ni Orly.


"Hey! That's my job. Saka ano bang ginagawa sa camera? Hindi ba at ginagamit para makakuha ng picture?" pamimilosopo nito.


"Yeah right." "Hey Orly." tawag nito sa pinsan kahit nakatalikod at huminto pansamantala sa paglalakad.


"Bakit?" sagot ng nobyo niya.


"Ingatan mo si Monty."


"Hindi mo na kailangang sabihin iyan."


"Ipinapaalala ko lang." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.


"Ronnie..." tawag niya rito.


"Yep?" 


"Thanks. For whatever it's worth."


"Yeah."


"And can you take your hands off me now?" epal ng atribidang lalaking dahilan ng publicity ng break-up nila ni Orly.


"Hindi pa." saka ito kinaladkad ulit ni Ronnie.


"Who's that guy?" tanong niya kay Jordan.


"Si Jay. School photographer natin. Friend siya ni Friea."


"Ah..." ang tanging nasabi niya.


"At ngayong ayos na kayong dalawa, pwede ko bang hiramin muna itong friend ko at may scenes pa kaming tatapusin para sa Dyosabog?"


"Ay oo nga pala. Sorry friend. Pati ikaw naabala ng pagkabaliw-baliw ko."


"Okay lang. Kahit naman ako maaaning kung may dalawang hombreng hunkylicious at papalicious ang mag-aagawan sa akin. Lumevel-up na ang ganda mo friend."


Natawa silang dalawa ni Orly sa sinabi nito. Indeed it was a roller-coaster ride. Nakakahilo ang naging adventure nila. But it's worth it. Lahat ng sakit. Lahat ng pait. Lahat ng iyon wala na. At ngayon, totoo na silang dalawa ni Orly sa isa't-isa.


"Pwede bang bukas na lang Jordan?" tanong ni Orly sa kaibigan?


"At bakit Dyamante?"


"Babawian ko muna itong isang ito. Siyempre, isang linggo rin kaming hindi nagkita. Marami-rami itong naipon ko." makahulugan nitong sabi.


"Tse! Kinu-corrupt mo ang kadalisayan ng isip at pagkatao ko. Humayo na kayo at magpakahalay!"


"Mismo!" natatawang sagot ni Orly.


"Siyang tunay friend." dagdag pa niya.


"Mga imoral!"


Napuno ng tawanan ang bahaging iyon ng parke. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Orly at tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga ito. Marami pa silang dadaanang pagsubok pero kapit-kamay nila iyong susuungin. Sa ngayon, gusto na rin siya ni Orly, okay na siya doon. gagawan na lang niya ng paraan ang fairytale niya na maging totoong happy-ending. 


A girl can dream so can he. Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung piping hiling din ng ilan ay magkatotoo. 


He sighed dreamily. He was the martyr, the stupid and the flirt after all. :)




FIN

Monday, January 10, 2011

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 12

Photobucket


Here's how you can reach this beautiful one.
Blog:
http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com

CHAPTER 12 (Rendezvous)

Walang ganang nag-inat si Monty ng umagang iyon. Another boring and restless day for him. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa eskwela. Noong araw na sumuko na siya sa pagmamahal kay Orly ay umiiyak siyang umuwi ng bahay. Malas at naroon ang kanyang Mommy kaya tuloy nalaman nito ang kanyang problema na balak sana niyang itago sa mga magulang.

"Pumpkin... Are you awake?" ang tinig ng kanyang ina sa labas kasabay ng mabining katok.

Patamad na tumayo siya. Akmang aalis na siya ng kama ng bumukas iyon at iluwa ang kanyang inang si Jean. Patipid siyang ngumiti dito.

"Good Morning Mom."

Ginulo nito ang buhok niya. "Good Morning pumpkin."

Sumandig siya dibdib nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. "How about we do shopping today?" sabi nito sa kanya.

"Mom? Aren't you going to ask me to go to school instead?" amused niyang tanong.

"I've already talked to your Dean and Professors. Alam nilang may pinagdadaanan ka ngayon. Why, your break-up with Orly is quite a news. May nakaalam mula sa school publication about it at naisama nila sa blind item section. But we have done something about it already." nakangiting sabi nito.

"You did what?" he said vehemently. Bigla siyang napalayo dito.

"Oh some damage control lang pumpkin." his mother only smiled to his sudden outburst.

Nahahapong sumandal siya sa headboard ng kama. Now he's an instant star na naman sa buong SBU. Damn those whoe belong to the publication. Siguradong kapag pumasok siya ay magiging tampulan na naman siya ng usapan.

"Why did you do that Mommy? Hindi naman na po kailangan iyon."

"Pumpkin, I'm a mother. It's my job to protect you at all cost. Don't you ever doubt that." sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.

Napabugha siya ng hangin at eksaheradong nag-rolyo ng mata. "Whatever Mom."

"Tumayo ka na diyan. Your father's waiting for you. Nakahanda na ang breakfast."

"Susunod na ako Mommy."

"Bilisan mo pumpkin. We'll go shopping afterwards."

Nang maiwan siya ay binuksan niya ang stereo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng marinig ang awitin na biglang pumalit sa naunang tugtog.

The first time ever I saw your face
I thought the sun rose in your eyes
And the moon and stars were the gifts you gave
To the dark and the empty skies, my love,
To the dark and the empty skies.


He shivered. Katulad ng sa kanta, he thought that the sun sets and shines in Orly's eyes. And that he was the empty sky slowly being showered by his light.

The first time ever I kissed your mouth
And felt your heart beat close to mine
Like the trembling heart of a captive bird
That was there at my command, my love
That was there at my command.


Their first kiss felt like heaven. He thought he already died and was sent to a blissful eternity. He felt his tears stung his eyes. Ang realization na talagang wala na sila ni Orly ay unti-unti ng pumapasok. Siya ang nagdesisyon nun pero bakit feeling niya hindi siya masaya?

Gaga! Sabi ni Rubi. Ang bahagi ng isip niya na kontra sa pagmamahalan nila ni Orly.

Tama. Gaga siya. For the first time, sumang-ayon siya sa talipandas na isip niya. Tama lang ang ginawa niya kasi mas masasaktan lang siya kung nagpatuloy pa siya sa pakikiharap dito. Ilang araw ng walang charge ang cellphone niya dahil hindi iyon tinantanan ng tawag ni Orly. Maging si Ronnie nakikigulo pa. Kung ang ibang bakla ay matutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang gwapong lalaki ay hindi siya. In fact, he's willing to bargain everything just so he could turn back time.

And the first time ever I lay with you
I felt your heart so close to mine
And I knew our joy would fill the earth
And last till the end of time my love
It would last till the end of time my love


He thought wrong. Walang happy-ending sa kanila ni Orly. Dahil hindi totoo ang sinasabi ng tibok ng puso nito sa kanya. Katulad ng mga sinasabi nito dati. Kaya nga ngayon ay naroroon siya sa estadong iyon.

Pumasok siya ng banyo at dumiretso na ng ligo. Sa daloy ng tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan ay parang tubig din na rumagasa sa ala-ala niya ang narinig na kumprontasyon na noong una ay inakala niya lang na isang panaginip.

Maybe he was lucid dreaming by that time. Epekto siguro ng suntok na sadya namang napakalakas. At ang lahat ng naririnig niya isang totoong kaganapan and somehow his dreams collaborated with reality to probably end his fantasy with Orly. Ang hayop naman na si Orly ay umamin agad.

Sinubukan niya lang kung totoo. Sinunod niya lang ang gut feeling niya. And he's glad that he did. Kahit masakit, dapat niyang tanggapin na naging kasangkapan lang siya para sa isang maling paghihiganti.

Nang makapagbihis ay bumaba siya at sumabay sa mga magulang na kanina pa naghihintay. Masuyo siyang binati ng ama na sa anumang kadahilanan ay mas nagalit pa kaysa sa Mommy niya ng malaman ang nangyari. Binalak pa nitong sugurin si Orly sa bahay. Napigilan lang ito ng ina. Hindi niya maiwasang mangiti sa naalala.

Feeling floor-length naman ang buhok ng bruha! Si Rubi na naman. Ipinilig na lang niya ang ulo para mawala ito.

"Mukhang masaya ang gising ng baby ko?" ang kanyang ama.

"Daddy. Let's just say I woke up at the right side of the bed." pakwela niya.

"I'm glad you're quite okay na baby. Kasi kung hindi pa ay susugurin ko talaga ang bahay ng mga Diamond." nakangiti ito pero ang mata ay nagbabanta ng katotohanan sa sinabi.

Napailing na lang siya. "Dad, I agreed to go shopping with Mommy kaya huwag mo ng ituloy yang plano mo. Beside's he's not so worth it."

"Of course baby. Of course. So where are you planning to go shopping?"

"Anywhere Dad. As long as it can help me to stop thinking too much."

"How about we go to Manila? Matagal na rin tayong di nakakalayo dito sa San Bartolome." anang Mommy niya.

"Good idea sweetie." ang kanyang ama sabay kindat sa ina.

Lihim naman nainggit sa nakita. Naalala niya na naman ang ka-sweetan ni Orly. "Mom, Dad? Stop it please?"

Kaswal namang pumormal ang mga magulang. Naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagkain.



Naglalakad siya sa park ng subdivision nila ng hapong iyon ng biglang may humagip sa kanyang baywang at isakay siya sa motorsiklo. Hindi agad siya makakilos dahil nagalalang baka mahulog siya kahit pa kilala na niya ang dumagit sa kanya.

Huminto naman sila sa isang ssecluded na area ng parke. Saka lang siya maayos na binitiwan nito.

"What's your problem Ronnie?" galit na galit na sabi niya.

"I'm sorry. I just want us to talk."

Napipilan naman siya ng makita ang may pasa nitong mukha. Naninilaw na ang bahaging iyon tanda ng papagaling na. Buti sa kanya ay hindi naging ganoon ang hitsura.

"What happened to your face?"

"I slipped."

"Habit mo na bang magsinungaling?" inis na tanong niya.

"Are you okay? Kamusta na ang pisngi mo?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang aksidenteng nasuntok nito.

Bigla siyang nailang sa ginawa nito. Ang sweetness ni Ronnie ay hindi nagmaliw. Kahit pa noong una, anuman ang gawin niya rito ay hindi ito naging masama sa kanya. Pero kapag naaalala niya na inilihim nito ang katotohanang magpinsan ito at si Orly ay nagagalit siya talaga.

Tinabig niya ang kamay nito at bahagyang na-guilty ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay lokohin na naman siya ng mga nasa paligid niya.

"Don't play sweet with me Ronnie. Anong kailangan mo sa akin?" mataray niyang sabi.

"I know I've already said I love you Monty, pero gusto kong ulitin iyon. I love you at sana, ako na lang ang mahalin mo. Promise I won't make you cry."

Monty was stunned with Ronnie's declaration. Akala niya noong una ay niloloko lang siya nito. Pinaglalaruan. But with those pleading eyes at sa karakas nito, nunca na uulit-ulitin nito ang mga salitang iyon sa kanya kung hindi totoo iyon.

"Mahal na mahal kita Monty. Hindi ko alam kung bakit? I mean, maraming iba diyan. Mas okay kaysa sa'yo. Mas nakahihigit sa'yo. Pero sa'yo lang ako nagkakaganito." desperado na nitong sabi.

"Ha? So anong ibig mong sabihin? Dapat pa akong magpasalamat na nagkagusto ka sa akin? Kung ganon naman pala na marami diyan na mas higit sa akin at mas okay bakit hindi ka sa kanila mangulit? Nang sa ganun din hindi ako nadadamay sa away niyong magpinsan!" humihingal pa siya pagkatapos ng dire-diretso niyang talak.

"That's just the point. Hindi sila ikaw!" sigaw rin nito na ikinatigil niya.

"Don't you get it? Kung sa tingin mo ay pwede kong ibaling sa iba ang pagtingin ko ay bakit ko pahihirapan ang sarili ko sa kakahabol sa'yo. At isa pa. Sorry kung nadamay ka sa galit sa akin ni Orlando. Kasalanan ko lahat ng iyon. Alam niya kasing may gusto ako sa'yo."

Lalo siyang natigilan. Alam ni Orly na may gusto sa kanya si Ronnie kaya nito ginawa iyon? Kaya siya idinamay. Ano ba si Ronnie? Bading rin? Naguguluhan ang bangs niya sa pangyayari.

"A-are you gay?"

"I don't know." sagot nito sa kanya.

"What do you mean you don't know Ronnie?"

"I don't know means I don't know. Maybe I'm gay kasi nagkakagusto ako sa kapwa lalaki kahit pa marami na rin akong nakarelasyon na babae. Some call me bisexual but I'm not really into labels Monty. Ang mahalaga, kung mahal ko, mahal ko. That simple."

Nalulula pa rin siya sa mga natutuklasan. May ganoon pala talaga. Mga AC-DC ang tawag nila ni Jordan doon. Never niyang na-imagine si Ronnie as bisexual kasi napaka-manly nito. Nalilitong tumingin siya dito.

"I don't know what to say Ronnie. The fact still remain that you deceived me. I trusted you like a friend. Even if I didn't know you at all." confused niyang sabi.

"Ang mga taong nagkakaroon ng ugnayan ay nagsisimula sa pagiging estranghero. But since you asked, I'm Ronnie Alfonso, and for starter, I am attracted to you. Can you be mine?" sabay lahad nito ng kamay.

Napamaang na naman siya dito. "Are you for real? Kakabreak ko lang sa pinsan mo!"

"Eh ano naman ngayon? Mas matagal naman na kitang minamahal at totoo kitang mahal Monty. Please say yes!"

"Ewan ko! Nililito mo ako! Tell me this is all just a joke! A big joke!" halos hysterical niyang sabi.

"I wish I was joking too. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ayoko ng nakikiusap Monty pero tinuruan mo ako nun. Hindi mo lang alam. Ang dami mong naituro sa akin ng wala kang kaalam-alam." madamdaming pahayag na naman nito.

"Bakit ba kasi pa ako ang minahal mo?" naloloka na niyang tanong.

Okray ka na teh. Maarte? Si Rubi.

"Shut up!" Hindi niya sinasadyang nasabi.

Nangunot ang noo ni Ronnie pero di nagtanong. "O bakit ka nakatahimik diyan?" puna niya.

"You told me to shut up."

"No, not you."

"Ah okay. I already told you Monty. Hindi ko kailangan ng rason para mahalin ang isang tao."

Naalala niyang iyon ng ang sagot nito sa kanya noon sa floating restaurant. Magsasalita pa sana siya ng biglang may lumabas na lalaki mula sa likuran ng motor. Naka-bike ito. At dahil nakatalikod si Ronnie ay hindi nito napansin agad iyon. May kinuhang kung ano ang lalaki at nalaman niyang camera iyon.

"Oh shit!" anang nabiglang si Ronnie.

"Diyan ka lang Monty. Babalikan kita. Kukunin ko lang iyong camera ng hayup na yun." mabilis nitong sabi saka pinaandar agad ang motor.

"Hey Ronnie wait!" usok at ugong na lang ang naiwan sa kanya.

Nayayamot na nagkamot siya ng ulo at naupo sa isang bench. Mabuti at malilim doon. Napatingala siya at pumikit ng bahagyang masilaw. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang may sumakop sa kanyang labi.

Hindi niya kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino iyon. Kilala na iyon ng puso niya. Kilalang-kilala.


Itutuloy...

Wednesday, January 5, 2011

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 10 & 11

Photobucket


Here's how you can reach this beautiful one.
Blog:
http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com


CHAPTER 10 (Heartaches of the Goddess)


Malungkot na tinatanaw ni Monty si Orly habang nagpapraktis ito sa field. Tatlong araw na ang lumipas ng magmakaawa siya rito para huwag siyang hiwalayan. After that fateful day, Orly was never the same. Although hindi siya nito tinataboy ay naroon ang manaka-nakang parunggit nito para sa kanya. Na kesyo ipinipilit bakit daw may ibang tao na ipinipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanila at iba pang masasakit na salita.

In short, napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi naman siya makaangal kasi mahal niya ito. Isa lang naman ang punto niya, gusto niyang ipadama rito ang pag-ibig na para dito. Na tanging siya lang ang kayang magmahal dito against all odds. Kahit ito pa mismo ang may ayaw sa kanya.

Kulang dalawang buwan na lang at matatapos na ang semester na iyon. Kaya naman todo-effort siya para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Kahit minsan lang, gusto niyang ipadama kay Orly kung paano ang mahalin ng tulad niya. He was sure, it's just a matter of time. Magbabago rin ang isip at pakikitungo ni Orly sa kanya.

Sumenyas ito ng time-out at tinungo ang kinauupuan niya. Oh how his heart leaped to the very sight of him. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit kahit sa isandaan Ronnie pa.

Weh? Banat ng atribidang bahagi ng isip niya.

"Why are you here?" bungad nito sa kanya.

Napalunok siya. Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit siya naroroon gayong hindi naman siya dapat naroon. Alam kasi nitong may practice din sila sa teatro.

"I..." wala siyang maapuhap na sasabihin.

"You skipped your practice. Bakit?" putol nito sa kanya.

Napatango na lang siya. Hinubad ni Orly ang football uniform nito na agad niyang kinuha para isampay pansamantala sa bangko. Maagap niyang kinuha ang towel na pamunas nito.

"T-tumalikod ka." mahina niyang sabi.

Tumiim ang mata nito pero tumalima rin naman. He held his breath as he gently brushed the sweat off of Orly's' back. Napakaganda talaga ng katawan nito. Ang klase ng built na papangarapin ng kahit na sinong babae at bading na haplusin at pagpalain. Namuo ang luha niya sa mata ng maalala ang mga sandaling nakasandig ang kanyang pisngi sa likuran nito habang nagbabasa ito ng libro sa mismong bench na saksi ng pagiibigan nila.

"T-tapos na. Sa harap naman." aniya.

Bumugha ng hangin si Orly bago napipilitang humarap sa kanya. Napayuko siya para ikubli ang namuong luha. Marahan niyang pinunasan ang matipuno nitong dibdib. From his hard pecs down to his chiseled abdomen. Flashbacks of how he played with those perfect muscles gave him a stab on the chest. His heart constricted and his throat ached. Nanginginig na rin ang kamay niya na hindi rin naman nawala sa pansin ni Orly na mataman siyang tinititigan.

"What? Hindi mo na kaya?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

He sobbed. Ang kanina pa pinipigilang luha ay naglandas na sa kanyang pisngi. itinaas niya ang mukha at buong sakit na tinitigan ito.

"Sinabi ko na iyo. W-wala akong hindi kakayanin Orly." he said almost whispering.

Marahang umiling si Orly. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero may iglap na sakit din ang bahagya niyang nakitang dumaan sa mga mata nito. Napakurap siya para kumpirmahan iyon ngunit naging blangko na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Monty..." wika ni Orly. Tunog frustrated pero walang maaninag na ganoong emosyon sa gwapong mukha.

"What? Itataboy mo na naman ba ako? Sinabi ko na sa'yo..."

"Kaya ko na. Bumalik ka na sa practice niyo nila Dalisay. Naghihintay na iyon sa iyo." masuyong sabi nito.

Biglang nanubig na naman ang mata niya at sumakit ang panga sa pagpigil ng iyak. Ilang gabi niyang pinangarap na maging masuyo man lang ito ulit sa kanya kahit sandali lang at mukhang nangyayari na nga. Parang lokang ngumiti siya sa kabila ng pag-iyak.

"I-i will." he choked on his words. Sa sobrang saya niya dahil sa biglang pagbabago ng mood ni Orly eh halos di na siya makahinga at nagkakandasamid-samid na siya.

Pinunasan ni Orly ang luhang naglandas sa pisngi niya and looked straight in his eyes. The stare held him captive and immobile for a while. Na-miss niya rin iyon. Iyong buong suyo siyang tinitingnan ni Orly.

Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Now he's anticipating if Orly would kiss him. Bahagya niyang inangat ang mukha at sinalubong ang tingin nito at ginaya ang pagtaas baba ng tingin sa mata at labi nito.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ng mukha ni Orly sa kanya. Anong galak niya at parang narinig niyang bumukas ang pintuan ng langit at bumaba ang mga anghel at nagsi-awitan.

He didn't want to close his eyes but the emotions he's feeling right now made sure that he would savor the moment as if it was his last kiss from Orly. Anong saya niya ng dumampi ang labi nito sa kanya na iglap ding napawi ng matantong it was just a quick kiss. A smack actually.

Naguguluhan siyang nagdilat ng mata at naiwang nakaawang pang bahagya ang labi. Nakita na lang niyang tumatakbo na si Orly palayo sa kanya at pabalik na sa field para magpractice. Hindi makapaniwalang ganoon lang ang mangyayari. Hinayang na hinayang ang pakiramdam niya pero may bahagya ring kaligayahan.

Maybe hindi pa ready si Orly ulit. Sabi niya sa isip.

Hoping? Asaness teh! Sabi naman ni Rubi, este ng isip niya.

Itinaboy niya ang masamang naisip. Tama na ang mga pangyayaring iyon. At least, kahit paano ay medyo nagkakasundo na sila ulit ni Orly. Iyon na lang ang itinanim niya sa isip niya.

Sinipat niya ang relos. May oras pa para makapunta sa practice ng play. Bagaman nag-away sila ni Jordan ay hindi naman nito pinersonal ang pagiging miyembro ng teatro niya. May pagkakataon na kakausapin siya nito ng pormal pero hanggang doon lang yun. Walang parinigan. Walang away.

Lumapit siya ng bahagya sa field at sinigawan si Orly. Tumigil naman ito saglit ng senyasan niyang lumapit.

"What?" humihingal pa nitong sabi.

"I'll be at the auditorium. Pwede mo ba akong sunduin mamaya?" sabi niyang sobra ang pag-asa.

Saglit itong nag-isip.

"I can't promise. But I'll try." sagot nito.

Nalaglag man ang balikat niya sa sagot nito ay kinalma niya ang sarili. Tama na ang sinabi nitong susubukan nito.

"O-okay?" pinilit niyang ngumiti.

"Sige na." sabi nito. Dismissing him gently.

Nagpasya siyang puntahan ang practice nila. Nang makarating doon ay agad siyang humilera sa mga nagpapahinga pang kasamahan nila.

"Uy! Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Freia. Ang baklang nambara sa inggiterang babae sa canteen.

"Hey! Nawala sa isip ko." tipid siyang ngumiti.

Sasagot pa sana si Freia ng putulin iyon ng talak mula kay Jordan.

"Lagi ka namang wala sa sarili. Kaya tuloy yung ibang bagay nababalewala mo."

Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Napayuko na lang siya at nagsalita.

"Sorry."

"You should be. Dahil wala ka, napilitan kaming gumawa ng ilang eksena. Tapos na lahat ng mga kasama mo, ikaw na lang ang kulang. Kung anu-ano kasi ang naiisip mong unahin. Hindi naman importante." dire-diretsong talak nito.

Pinili niyang pigilan ang sariling sumagot at nginitian ito. "Kung pwede pa, gawin na natin ang mga eksena ko. Para naman makahabol ako."

Naningkit ang mata nito pero di na nagsalita. Naramdaman siguro na ayaw niyang makipagtalo. Nahihirapan din siya sa sitwasyon at tama naman ito para tumalak. Late siya. Kahit pa anong anggulo tingnan, mali siya.

"Okay! Guys! Yung eksena sa gubat ang gagawin natin. Kabisado mo pa ba yung linya mo? Baka di ka na nakakapag-kabisado kakaisip mo ibang "bagay"?" maanghang na tanong nito sa kanya.

Napalinga siya sa paligid. Nakita niya ang nakikisimpatyang tingin ng mga kasama. Muli, pinilit niyang ngumiti at huwag sumagot sa patutsada nito. Alam naman niyang ang ibang "bagay" na tinutukoy nito ay si Orly.

"Let's do this D. Kapag di ko nagawa ng maayos, saka mo ako pagalitan." kimi niyang sagot.

Umingos na lang ito at di na nagsalita pa. Sumenyas ito sa control room at inihanda na ang set para sa eksena niya sa gubat.

Sa eksena, siya si Althea, ang trans-gender na Dyosa na kapatid ng trans-gender ding Dyosa na si Yasilad. Spoof nila iyon ng Encantadia. Dangan nga lamang ay pang-beki talaga ang mga characters.

Ang kapangyarihan niya ay ang control niya sa mga halaman. Parang kay Kurama ng YuYu Hakusho. Ang kapatid niyang si Yasilad ay si Jordan ang gumaganap. Yelo at Niyebe ang kapangyarihan nito.

Kunwari ay mag-eemote siya sa batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang ang tema.

Iniwan kasi siya ng mortal niyang dyowa na si Coco Marvin at ipinagpalit sa isang mukhang kabayong bading. Ipinagluluksa niya ang pag-ibig niya para dito. Tamang-tama naman na nasa kondisyon siya para mag-emote. Inilagay niya si Orly at ang sitwasyon nila sa isip para mag-internalize.

Nang sumigaw si Jordan para sa take ay nagsimulang tumugtog ang background music na Saan Ka Na Kaya Ngayon at naging si Althea na siya.

Limang taong na simula ng hiwalayan siya ni Coco Marvin pero ang pakiramdam niya ay parang noong isang buwan lang iyon.

Nagsimulang umawit si Ana Fegi na feeling straight ang buhok.

Hanngang ngayon sariwa pa
Sugat na sa'kiy dinala
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap mahal mo'y iba.

Masaya ka na ba sa piling niya?
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka?
Isa 'tong na medyo presko,
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako?


Bago mag-chorus ay nagsimula na siyang mag-monologue.

"Mahal kong Coco Marvin. Nasaan ka na kaya ngayon? Hinahanap mo kaya ako? Naaalala mo pa ba kaya ang pagmamahalan nating dalawa? Miss na miss na kita. Sana naririto ka..."

Malungkot na hinaplos ni Althea ang gawa-gawang batis habang nakaupo sa gawa-gawa ring bato. Unti-unting pumatak na ang luha niya.

Nasa isip ang sakit na pinagdadaanan. Kahit kasi nandiyan si Orly, parang ang layo pa rin nito sa kanya. Hindi na niya ito maabot ngayon. Kaya naman sisiw lang ang pag-iyak sa kanya ngayon.

"Masaya ka ba sa tinamaan ng magaling na adik na baklang yan? Ako, babae na ako. Tinanggihan mo pa. Mas gusto mo yung may libre kang singhot sa nakakasulasok na usok ng shabu kaysa ang makipaghabulan sa akin sa paraisong ito." nananangis niyang sambit.

"Paano na ako ngayong wala ka na? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka mahal kong Coco Marvin." saka siya nagtakip ng palad at humagulgol.

Nagtuloy ang chorus ni Ana Fegi na kanina pa nilalamok kakahintay na ituloy ang kanta.

Sino na kayang kasama mo?
Mas magaling ba siyang maglambing sa'yo?
Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko.

Hindi na ba magbabago ito?
Nagtatanong lang naman ako.

Saan ka na kaya ngayon?
Mahal pa rin kita.
Saan ka na kaya ngayon?


At muling binusalan si Ana Fegi ng mga kawal.

Nakaloop ang instrumental ng edited na kanta. Sakto sa oras para sa panibagong pag-e-emote niya. Muli siyang humikbi.

"Mahal kong Coco..."

"Ang OA ha." anang isang tinig.

"Huh? Sino ang nariyan?"

"Wala! Wala! Wala kang narinig." ang tinig ulit.

"Weh?" sabi niya.

"Kung maka-emote ka, akala mo bagong break lang kayo ng Coco Marvin na yan! Shutah ka! Limang taon na yon!"

"Sino ka ba? At nasaan ka? Magpakita ka kung hindi ay ipapakain kita sa mababangis na halamang alaga ko." galit niyang sabi.

"Echozera! I-try mo. Atashi pa ang piangbantaan nitong beking ito." anang tinig kasabay ng isang liwanag mula sa gitna ng batis.

Ang liwanag ay naging pigura ng isang tao hanggang sa maging ganap ang hitsura noon at lumitaw sa paningin niya ang Diwata ng Batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong too lamang. (Kapagod i-type ha!)Siyempre pa, effects lang iyon. Wala talagang ganoon.

"Diwatang Ivor!" gulantang niyang sabi. Ginanapan ni Freia.

"Walang iba!" nakangiti nitong sabi. Ang umiikot na tubig sa katawan nito ay talaga namang nakakamangha. At ang mga brilyante sa noo na kumikinang ng parang estrella ay tunay na kagila-gilalas.

"Ikaw ba ang nagsasalita kanina?" tanong niya.

"Oo Dyosang Althea. Paulit-ulit?" mataray na wika nito.

"Malay ko bang nandiyan ka?" umiismid niyang wika.

"Ah ganoon. Bet mong lunurin kita dito?"

"Huwag naman."

"Ano na namang drama ito Althea? Ang tagal mo ng wala sa piling ng hinayupak na Coco Marvin na iyon eh kung makapag-emote ka eh parang kahapon lang kayo naghiwalay. Di bale sana kung ang tagal niyo ring nagsama. Hello two-weeks lang ang relationship niyo no? On and off pa! Kaloka!" mahaba at detalyadong patutsada nito sa kanya.

Nagitla siya at napahawak sa pekeng dibdib. "Paano mong nalaman ang lahat ng iyan?"

"Hello again! For five years, iyon lang ang iniyak mo dito sa batis ko. Hindi na nagsilakihan ang mga karpa dito ng dahil sa patak ng luha mong may halong MSG."

"Paki-alamera ka Diwatang Ivor." nakalabi niyang sabi.

"Text MOVE (space) ON sa 2366. Umayos ka nga. Shutah ka!" iyon lang at nawala na ito.

Iniwan siyang hindi man lang nakaganti ng salita. Pero nagsalita pa rin siya dahil alam niyang nakikinig lang ito.

"Text INGGITERA (space) ON sa 8888. Para unlimited! Baliw!" galit niyang sabi.

Pagkatapos niyang sumigaw ay umihip ang hangin at nagsimula na uling kumanta si Ana Fegi na pumuti na dahil sa kakahintay ng turn niya.

Ooohh Oooohhh... Sino na nga ba?

Nais kong malaman, wala na bang pag-asa! Ooohh...

Saan ka na kaya ngayon? Mahal pa rin kita ah... Saan ka na kaya ngayon?...



Nang matapos ang take ay umani iyon ng palakpakan sa nanonood na estudyante at kasamahan. Kahit si Jordan ay may satisfied na ngiti sa labi. Pero ang mas ikinaloka niya ay ang malakas na tinig at palakpak na nanggaling sa isang tao.

Walang iba kung hindi si Ronnie na sumisipol pa at talagang tuwang-tuwa sa rehearsal nila. Pumapalakpak pa itong lumapit sa kaniya.

"Ang galing mo Monty. Ang galing!" niyakap pa siya nito sa gulat niya.

"Ah eh..." sabi niya habang nakaipit sa braso nito.

"Ronnie... di ako makahinga." ang totoo ay naguguluhan at kinikilig siya. Ewan ba niya. Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya di ba?

"Sorry." hinging paumanhin nito pero nakangiti pa rin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Nanonood sa rehearsal niyo."

"Bawal kaya iyon."

"Well, may backer ako."

"Sino?"

"Si Dalisay."

Hindi siya nakaimik. Nakita niya ang nakataas-kilay na kaibigan na nakatingin sa kanila ni Ronnie.

"Ganoon ba?" sambit niya.

"Oo. Listen Monty. Date tayo mamaya. Third date na natin." sabi pa nito at sabay kindat.

Napasinghap siya ng gagapin nito ang kamay niyang biglang nilamig. May sasabihin sana siya ng marinig niya ang isang tinig.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan na hawakan ang kamay ni Monty?"

Si Orly! Mapanganib ang hitsura at talaga namang galit.

Si Ronnie naman ay tila nakakalokong ngumiti pa at itinaas ang kamay nilang magkahugpong pa. Natatarantang binawi niya iyon pero hindi ito binibitawan ng una.

"Ronnie..." nanghihinang sabi niya.

"Relax Monty. Wala namang masama sa paghahawak natin ng kamay di ba?" balewalang sabi nito.

Napapailing siyang tumingin kay Orly na palapit na.

"Nananadya ka talaga no? Bitiwan mo si Monty." mahina pero mapanganib na sabi nito.

"Kung ayoko?" si Ronnie na nagiinis pang ngumisi.

"Oh you're so getting this!" sambit ni Orly sabay bigwas kay Ronnie.

Dahil sa nakahawak sa kanya si Ronnie ay nahila siya ng wala sa oras at talagang nawalan siya ng panimbang dahil hindi nakaiwas agad si Ronnie. Parehas silang natumba at napadagan siya sa ibabaw nito.

Dagli siyang tumayo at hinarang ang sarili kay Orly.

"Tama na!"

Pero hindi ito nagpapigil. Nakatayo na rin si Ronnie at dahil sa siya ang nasa gitna, nang isalya siya ni Orly ay tumama siya sa kamao ni Ronnie na pabigwas kay Orly.

Next thing he knew, there were stars circling his head and then he passed out.


Itutuloy...


CHAPTER 11 (The Break-up)

"This is all your fault!"

"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."

"Ikaw ang sumuntok kay Monty."

"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."

"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."

"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"

"Matagal ko ng ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go. Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."

"At ikaw ang makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap ng para sa'yo."

"Si Monty ang para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"

"So inaamin mo ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"

"Again, hindi sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."

"Never."


Nananakit ang ulong dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya. Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.

"A-aray!"

Naalala niyang nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.

Hinanap niya ang gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.

"Gising ka na pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.

"Opo."

Tumingin siya sa dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya. Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong sang-ayunan ng kanyang isip.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang nasaktang pisngi.

Tumango siya. Nanakit na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan niya.

"I'm okay friend."

"Good. Kung bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Natawa siya sa ginawi ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap. What you see is what you get.

"Hay naku friend. Wala ka talagang kupas."

Napatigil naman ito sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss kita friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.

"Sorry rin friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.

"Keri lang teh. Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni Dyamante." sabay turo kay Orly.

Parang nanikip ang dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya. Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.

"H-hi... Kamusta ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.

"Hindi okay." tapat niyang sabi.

"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.

"I'll live Orly. Pasa lang ito. But I think we have to talk."

Biglang nalito ang ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.


Hindi mapakali si Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo sa kanya ni Monty sa kanya. Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.

Kanina, ng makita niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.

Anong kaba niya ng makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin ang mga nakahrang na estudyante sa daan.

Tama naman si Ronnie. Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa isang sinehan.

Isinumbong niya ang pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay masaya ito sa pagiging bisexual.

Kaya naman ng makita niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.

Sumakto naman, ang naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.

Minalas lang na nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito sa awayang iyon.

Besides, hirap man siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito.

Hindi man nagtatanong ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.

Ang hindi lang niya inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya. Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.

Nakarating na sila sa bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Orly..."

"Monty..."

Katahimikan. Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito. Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.

"Orly. Totoo ba ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"

"Pet..."

"Stop calling me Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.

Napabugha siya ng hangin. "Alin doon?"

"All of it. Are you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa bawat salita.

"Yes. Pinsan ko siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."

"Spare me the explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako nagmahal sayo diba?"

"Pet..."

"Orly stop. Stop calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.

Natataranta na naman siya pagkakita ng mga luha nito.

"Pet don't cry."

"A-akala ko. Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi, kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.

"Pet.." sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.

"Tama na Orly. Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."

"Monty..."

"Isang tanong na lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"

Napayuko siya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin siya paniniwalaan nito.

"I'll take that as a yes."

Marahas na napaangat siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong magpaliwanag." apela niya.

"No Orly. Tama na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang patid sa pagtulo.

"Monty..."

"You know what Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."

Suminga ito sa panyong dala.

"Maybe I should thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong manloloko."

"Pet..."

"Drop the endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.

Itinulos siya sa kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.

"Suko na ako Orly. Isinusuko na kita..."

Itutuloy

Sunday, January 2, 2011

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 8 and 9

Photobucket


Here's how you can reach this beautiful one.
Blog:
http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com


Chapter 8 (Painful One)


“KAYA MO ‘YAN MONTY !”

Paulit-ulit na sabi ni Monty sa sarili. Actually, kagabi pa siya nagiisip ng maaari niyang gawin para makaganti sa ginawa sa kanyang panloloko ni Orly. Hindi pa rin matanggap ng damdamin niyang nagmamahal dito na nagawa nitong paikutin ang ulo niya at gawing katawa-tawa sa mga ka-frat member nito. Duda niya kung ang mga ito lang ang nakaka-alam ng totoong dahilan sa likod ng pakikipaglapit sa kanya ni Orly. Baka nga pati mga ka-team nito sa football eh lihim rin siyang pinagtatawanan dahil sa pagkahaling niya rito. Pwes ! Gaganti siya. Kung paano ? Hindi pa niya alam.

Ipakain kaya niya ito sa shark ?

Masyadong di makatotohanan.

Pabanatan kaya niya ito sa mga pinsan niyang pulis ?

Naku, baka magalit pa ang mga taga-crame sa kanya.

Yayain kaya niya ito ng sex tapos pipiringan niya at igagapos sa kama saka niya ipapagamit sa mga barkadang bakla ?

Not a very good idea. Saka baka mapatay siya ni Orly pagkatapos.

Paano kaya ?

Isumpa niya kaya ito ?

Weh ? Ano ka ? Sanggre ?

Bakit hindi? There’s nothing worst than the wrath of a woman scorned.

WOMAN nga teh ! Nabobo ka na ? epal na naman ng isip niya. Bakit ba lagi na lang itong epal sa kanya kahit noon pa ? Parte ba talaga ito ng katawan niya o isang malaking excuse lang ito sa buong pagkatao niya at ibang entity talaga ito.

Hay ! Tama na nga ang joke Monty. Isa lang ang naguumukilkil na dahilan sa isip niya kung bakit wala siya o hindi siya makabuo ng kongkretong plano para gumanti sa kawalanghiyaan ni Orly.

Sa kaibuturan kasi ng puso niya ay hindi niya magagawang saktan o gantihan ng kasamaan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon. Duda siya sa sarili niya. Duda siya sa tapang niya. Kaya nga kahit panay ang tawag ni Orly sa kanya kagabi ay hindi niya ito masagot. Natatakot siyang traydurin siya ng kanyang pusong umiibig at nagtatangi pa rin dito sa kabila ng lahat.

Isang malaking shades ang suot niya kahit makulimlim. Ilang kaeskwela na nila ang bumati sa kanya na iniignora lang niya. Wala siya sa mood makipaghuntahan at baka makapaninghal pa siya ng wala sa oras. Masyadong down ang sistema niya. Kumbaga sa internet connection, limited or no connectivity ang signal niya.

Patuloy lang siyang parang zombieng naglalakad. Hinahayaan niyang dalhin siya ng paa sa kung saan siya pwdeng dalhin nito. Automatic naman na ang tinatahak ng paa niya ay sa kanilang department.

“Monty !” anang isang tinig na pinagsusumikapan niyang iwasan mula pa kagabi.

Dedma lang siya kahit pa biglang nanginig ang kalamnan niya. Halu-halo ang emosyong biglang umusbong sa kanyang dibdib. Takot, galit, kaba, pangungulila at marami pang iba. Palapit ng palapit ang tinig habang siya naman ay diretso lang sa tila sundalong paglalakad. Malalaki ang hakbang at tuwid na tuwid ang katawan niya sa paglakad.

“Monty ! Pet ! Wait up !” nagmamadaling sabi ng tinig. Ikinabigla niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang balikat. Napahinto siya. O mas tamang talagang huminto siya sa paggalaw. Pati ang kanyang paghinga ay nahigit niya. Nakatingin lang siya rito. At ang mga mata niyang akala niya’y wala ng iiiyak pa ay muling pinagbukalan ng luha.

“God ! Monty. Bakit di mo ako… teka, umiiyak ka ba ?” nag-aalalang tanong ni Orly sa kanya sa halip na magalit sa pangdededma niya. Pilit nitong tinanggal ang shades na suot niya kaya tumambad dito ang namumugto niyang mata.

“Pet ? What’s wrong ? Why are you crying ?” sincere na tanong nito. Ikinulong pa nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Dahilan para lalo nitong mabistahan ang kanyang hapis na hitsura.

Dahil sa’yo ! sasabihin sana niya pero di niya kaya.

Tinangka niyang bumaling ng tingin sa ibang direksiyon but Orly wouldn’t let him. Nag-isang linya ang kilay nito. Seryoso ang gwapong mukha.

“Why are you crying Pet ?” matigas na ang tinig nito. Nagbabadya ng panganib.

“I’m okay, Orly.” Aniya sa pilit na pinatatag na tinig.

“You’re not okay. Dam it, Pet, tell me what’s wrong ?” naiinis na sabi nito.

“It’s personal. Besides, there’s nothing you can do to help me.” Because you’re my goddamn problem, you good-for-nothing-son-of-a-bitch ! Idudugtong niya sana sa sinabi.

“Too personal you can’t tell even you’re boyfriend ? sarcastic na sabi nito.

“I don’t have to tell you everything Orly. Kahit pa boyfriend kita.” Malamig niyang tugon saka inagaw ang shades niya dito at muling isinuot.

Napatda ito sa itinugon niya at agad na bumalatay ang sakit sa maamong mukha. Kulang pa iyan hunghang ! Ngali-ngaling isigaw niya rito.

Nagpasya siyang magpatuloy sa paglalakad.

Nakaka-dalawang hakbang na siya ng pigilan siya nito sa braso at muling iniharap dito. Nalilito ang tumambad sa kanyang hitsura nito. Bakas din ang pag-aalala sa mga mata nito at ang bahagyang iritasyon.

“Tama ba ang narinig ko ?” tanong nito.

“Alin doon ?” ang patamad naman niyang tugon.

“You know damn well kung anong tinutukoy ko Monty.” Naiirita ng sabi ni Orly.

“Hindi ko ugaling manghula Orly kaya sana diretsahin mo ako. Ano bang tinutukoy mo ?” naiinip niyang tugon dito.

Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya ang layasan ito ng mga oras na iyon. Pero dahil alam niyang madali itong mainis kapag hindi nagugustuhan ang naririnig ay hinayaan niyang tumagal ang paguusap na iyon. Kahit man lang sa pangiinis dito ay makaganti na muna siya ng kaunti.

“Geez ! What’s with you Pet ? You’re not making… ?

“Making what ? I’m not making what ? Any sense ?” sansala niya sa dapat na sasabihin nito. “Ikaw ang hindi makaintindi o maka-gets sa sitwasyon ko. Anong parte ng hindi ka makakatulong sa akin ang hindi malinaw sa iyo ? O gusto mong inglesin ko pa ? YOU CAN NOT HELP ME ! There ! I hope you got the message Orly.” Gigil na gigil na sabi niya. Bahagyang lumabo ang paningin niya sa loob ng shades. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya at napupuno na ang loob ng kanyang salamin. Naiinis na hinubad niya iyon at pinunasan saka nagmamadaling tumalikod para lumayo kay Orly.

Sa awa ng diyos ay hindi na siya sinundan ng nobyo. Paglingon niya ay tulala itong nakatingin sa espasyong kinatatayuan niya kanina. Tigagal at pagkamangha sa katatapos lang na eksena ang malinaw na nakarehistro sa magagandang mata nito. Mas dumoble ang sakit na naramdaman niya. Parang dinakot ng kung sino ang puso niya at piniga iyon saka inapakan. Nararamdaman niya ang pagbabago ng isip at ang piping bulong ng damdamin na la^pitan ito at sabihing okay lang ang lahat. Pero bago pa siya makahakbang palapit dito ay may isang pares na kamay ang humila sa kanya.

“Hayaan mo na muna siya. Serves him right.”

“J-jordan ?”

“Huwag kang lalapit sa kanya. Kapag lumapit ka babalian kita ng tadyang.” Naiinis na banta nito sa kanya. Marahil ay naramdaman rin nito ang pagbabago ng isip niya.

“But…”

“Tara na. May mas maganda pang bagay na dapat ayusin kaysa ang kaawaan ang taong nanakit sa’yo.” Sabi nito sabay hila sa kamay niya paakyat sa room nila.

Nilingon niya ulit si Orly na tulala pa ring nakatayo sa pinag-iwanan niya rito. Walang pakialam sa curious na tingin ng mga nagdadaang estudyante.

“Bilisan mo.” Jordan commanded. Walang magawang sumunod siya dito.



“I CAN’T BELIEVE I’M HEARING THIS !”

Galit na galit na sabi ni Jordan sa kanya pagkatapos niyang aminin na binalak niyang balikan at makipag-ayos kay Orly. Nagtatatalak itong hinila siya papunta sa CR ng department nila. Maaga pa para sa first class nila kaya may oras pa ito para sabunin siya ng husto.

“Hindi ko kayang magalit sa kanya, friend.”

“Ay ! At talaga namang inulit mo pa.” Jordan friend rolled his eyes in frustration.

“Anong magagawa ko ? Eh love ko siya.” Sabi pa niya.

“Ay tanga !” panglilibak pa nito sa kanya.

“Nakakarami ka na ha.” Naiinis na sita niya rito.

Tinapunan siya nito ng matalim na tingin. “Uulitin ko pa. Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! T-A-N-G-A ! Tanga !” sigaw nito sa kanya.

PAK !

Nagitla ang hitsura nito pagkatapos ng matunog na sampal na iyon. Naikuyom niya rin ang palad sa pagkabigla. Hindi niya sinasadyang masampal si Jordan pero nakakarami na ito ng pangiinsulto sa kanya.

“S-sorry.”

Sinapo nito ang nasaktang pisngi saka blangkong tumingin sa kanya. Isang napakalamig na titig na nagpanginig sa kanyang kalamnan. Hindi siya kailanman tiningnan ng ganoon ng kaibigan.

“Sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi…”

“You should be. And I hope you have other friends aside from me. Because from now on, you’re going to need one.” Malamig na tugon nito sa kanya.

“J-jordan.” Naiiyak na sabi ni Monty.

Kinuha nito ang inilapag na gamit kanina saka siya nilagpasan. Sinubukan niya itong pigilan ng hawakan niya ito sa braso pero isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya. Nasapo niya ang nasaktang pisngi.

“Hindi libre ang sampal sa akin.”

Umiiyak na napadausdos siya paupo. Hindi alintana kung basa man ang sahig ng CR. Napakamalas naman ng araw niyang iyon. Pati ba naman ang kaibigan niya mawawala pa sa kanya? Hindi naman niya sinasadya na masaktan ito. Ramdam naman niya ang concern nito para sa kanya. Ayaw lang iyon tanggapin ng kanyang puso.

Sa mga nangyayari, napaisip siya ng husto. Kakayanin niya bang mawala ang lahat sa kanya kapalit ng pagmamahal ni Orly? Kaya ba niyang sugalan ang kaunting pag-asang totoo ang nararamdaman sa kanya ng nobyo kahit pa planado ang pagtatagpo ng landas nila? Anong katiyakan ang mapanghahawakan niya? Pinahid niya ang luha at tumayo saka mabilis na inayos ang sarili.

Hindi na muna siya papasok ulit. Hahanapin niya si Orly at magso-sorry dito. Susubukan niya. At least, kung sakali mang hindi nito tanggapin ay sumubok siya. Hindi na rin niya sasabihin ditong alam na niya ang naganap na ‘pagsubok’ dito ng fraternity. Makakagulo lang iyon. Lahat naman dumadaan sa ganoon kapag sumasali sa mga ganoong grupo. Nagkataon lang na siya ang napadaan sa field. Dapat niyang ituring na blessing in disguise iyon. Nang dahil kasi sa ‘pagsubok’ na iyon ay naging sila ng tanging lalaking pinangarap niya.

Nagmamadali ang kilos niya. Kailangan niyang mahanap si Orly. Kailangan niyang ipaglaban ang kung anong meron sa kanila. Kahit pa nagsimula iyon sa pagpapanggap. Naniniwala siyang maaayos din nila ang lahat. Martir na kung martir. Nagmamahal lang siya. At hindi iyon pagpapakatanga. Ipinaglalaban lang niya ang pag-ibig niya. Nang maayos na ang hitsura niya ay mabilis niyang tinungo ang Architecture department.



“NASAAN SIYA?”

Pang-apat na iyon na kaklase ni Orly na napagtanungan niya pero hindi pa rin maituro sa kanya kung nasaan ito.

“I-try mo sa field. Baka nandoon siya.” Sagot nito sa kanya.

“Sige. Salamat.” At nagmamadaling tinungo niya ang field. Nakarating na siya doon kanina pero hindi niya nilibot ang buong lugar. Nakahiyaan din niyang tunguhin ang locker room ng mga ito.

Inikot niya ang paningin sa napakalawak na lupain ng matanaw niya ang isang lugar doon na naging parte din ng kanilang tagpuan ni Orly. Oo nga! Bakit hindi ko naisip iyon? Naiinis na sabi niya sa sarili.

Kailangan niyang tawirin ang field dahil nasa kabilang dulo iyon. Binilisan niya ang pagtakbo dahil nararamdaman na niya ang mabining pagpatak ng ulan sa kanyang pisngi. Habang palapit sa lugar na iyon ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Umaasang madaratnan doon ang hinahanap.

And there he was.

Sitting on that very bench na naging saksi ng ilang lambingan at kulitan nila. He seemed oblivious to the rain that was slowly pouring. Nakatitig lamang ito sa damuhan.

“O-orly…”

Napatingin ito sa kanya. Namamasa ang mata. Puno ng sakit. Puno ng kalituhan. Walang ipinagkaiba sa batang iniwan ng magulang.

“I’m sorry…” Monty threw himself to Orly’s waiting arms.

And he felt home. He reached for his nape and gave him a longing kiss. Nang dahil sa paglalapat na iyon ng kanilang labi, lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya nitong nakalipas na araw ay naitapon ng lahat sa hangin. For he was now with the man he dearly loved.


Itutuloy…


Chapter 9 (The Lowest of Low)


"Orly?"

Ang nalilitong tanong ni Monty sa nobyo ng maramdaman niya ang hindi nito pagtugon. Akala niya guni-guni niya lang ang kawalan nito ng reaksiyon pero totoo pala. Hindi nga ito tumutugon sa paghalik niya. Sa halip isang nakakunot-noong Orly ang nakatingin sa kanya. Napapahiyang kumalas siya rito.

"Orly? What's wrong?"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkakakunot sa pagiging blangko. Hindi niya maiwasang mangamba sa nakita. Lumapit siya rito.

"Orly? I said I'm sorry. Please, huwag ka ng magalit."

Parang piniga ang puso niya ng tinalikuran lang siya nito at hindi pinansin. Nag-aalalang sinundan niya si Orly ng maupo ito sa bench na naging piping saksi rin ng kanilang pagmamahalan.

"Why did you come here Monty?" kapgakuwan ay tugon nito.

Di siya makaapuhap ng sasabihin. Parang may mali. Bakit parang ayaw siya nitong makita? Hindi ba kanina lang eh gustong-gusto nito na makausap siya?

Asaness teh? Ipinagtabuyan mo lang naman siya kanina. Need I remind you that? Sabi ng malditang bahagi ng isip niya.

"I wanted to talk to you Orly. And to say sorry as well. I guess I got up at the wrong side of my bed." aniya ng mabawi ang boses.

"And you expect me to believe that? Kailangan talaga ipahiya ako when you could've just tell me what's wrong? Sinabi mo pa na hindi kita kayang tulungan sa problema mo. What the hell is the matter with you?!" tuluyan ng humulagpos ang galit na pinipigilan nito.

"I-i'm sorry. I didn't mean to embarrass you Orly. Its just that..."

"Its just that ano? You were a little bit out of sorts? That you woke up at the wrong side of your bed? That's bullshit Monty! That is bullshit!" gali na putol nito sa kanya.

Maang na tinitigan niya si Orly. He was almost sure his boyfriend was palpitating. Nag-iigtingan ang ugat nito sa sentido at leeg. Pulang-pula rina ng mukha nito sa galit.

Bakit siya nagagalit? Eh siya nga ang dahilan kaya rin siya napahiya kanina. Tanong iyon mula sa bahagi ng isip niya na kamag-anak yata ni Rubi.

Tell him the real reason of your outburst Orly. Hindi iyong siya pa ang nagagalit sa iyo ngayon. Sabi pa ni Rubi, este ng isip niya.

It's now or never. Dagdag pa nito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Taking all the time in the world before he explain to Orly his side.

Pagdilat niya ay alanganin niya itong nginitian. Nagtataka namang tumitig ito sa kanya.

"Alam ko na Orly." sabi niya.

"What?"

"Alam ko na ang totoong dahilan sa pagkakakilala natin Orly. Yuna ng dahilan kung bakit ako ganoon sa'yo kanina." ngumiti siya ng mapakla.

Bigla ang pagbabago ng reaksiyon nito. From a bit confused but raging cow, ay nagkulay suka ang mukha nito. Parang natuklaw ng ahas sa pagkakatayo.

Inabot niya ang mukha nito at marahan iyong hinaplos. Waring sa pamamagitan nun ay makakabisado niya ang features nito. From his har jaw, to the contour of his cheekbones and his luscious lips. Pinagala niya ang kamay at mata sa gwapong mukha nito. Natigilan lang siya ng abutin nito ang kamay niya at tabigin iyon.

"Paano mong nalaman?" naniningkit ang matang sabi nito.

"Hindi na mahalaga iyon Orly. Kung utos man iyon ng master ninyo sa frat o ng kung sino mang herodes sa campus na ito, ang mahalaga eh yung nararamdaman natin. Hindi ba?"

"How can you be so sure na totoo lahat ng ipinakita ko at sinabi sa iyo?" Orly retaliated mockingly.

Itinago niya sa ngiti ang sakit na naramdaman sa sinabing iyon ng katipan. "I can feel it. Alam kong totoo ang lahat ng iyon. Nadarama ko." sambit niyang puno ng pag-asa.

"Hindi totoo ang lahat ng iyon Monty. Huwag mo ng paasahin pa ang sarili mo."

Hindi pa rin siya nawalan ng loob. "Please don't say that. Alam kong galit ka lang kaya mo nasasabi ang lahat ng iyan."

"Makulit ka rin eh no? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko, ha Monty?"

"I want to give us a chance. Alam kong mali ang naging pundasyon ng pagkakakilala natin but we can work this out." pagsusumamo pa niya.

"There is no "us" Monty." Orly quoted.

"Meron. Kahit anong gawing tanggi mo, alam kong natutunan mo na rin akong gustuhin Orly. Feel it, ikaw lang ang itinitibok niyan." kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa dibdib niya.

Bahgyang nagbago ang ekspresyon nito. Nakasilip siya ng bahagyang pag-asa.

"At ano ang gusto mong mangyari? Maging tayo for real? Hindi pwede iyon Monty. That was just a task para makapasok ako sa frat. And besides you are really not my type." Orly taunted.

Napapikit siya sa masasakit na salita. Kaya ko pa! "Kung ang intention mo ay pasakitan ako Orly at gantihan sa nagawa ko kanina sa'yo. But please, let's work things out. Alam ko, may nararamdaman ka rin sa akin kahit paano." aniyang pinipigilan ang pagbagsak ng luha na kanina pa namimintana sa kanyang mata.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Monty."

"Sigurado ako sa mga sinasabi ko Orly. Please, tell me that you'll stick with me. Okay lang kahit magsimula ulit tayo." sabi niya ng tuluyan ng bumagsak ang kanyang luha.

"Don't cry Pet." masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang dinaanan ng luha.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi pa niya. "I don't mind crying kung ikaw rin lang naman ang rason Orly. I love you so much."

"Lalo mo lang pinahihirap ang sitwasyon Pet. I can't love you back. Babae ang gusto ko talaga. All that there was to our so-called relationship was lie. Nothing but lies."

"Hindi totoo yan Orly." umiiyak na yumakap siya dito. "Sabihin mong nagsisinungaling ka lang at ako pa rin ang mahal mo. Please!"

Bumuntong-hininga ito. Saka pilit na inaalis ang kamay niyang nakapalupot sa katawan nito.

"Listen Monty. Please stop this. Huwag mo ng saktan ang sarili mo ng husto. Lalo lang nagiging mahirap para sa atin ito." sabi ni Orly ng matagumpay na nailayo siya nito.

"It won't be hard if only you'll take me back. I need you Orly. I love you. Huwag mong gawin sa akin ito." umiiyak pa rin niyang sabi.

"Maawa ka nga sa sarili mo Monty. Hindi na tama ang ginagawa mo. Huwag kang magpakatanga. Hindi bagay sa'yo. Dapat nga nagagalit ka pa sa akin ngayon" napipikon na namang sabi nito.

Monty stood still. Basa ang mukha ng luha na tinitigan ng taimtim si Orly. Pilit niyang ipinararating ang kanyang damdamin para dito sa pamamagitan ng tingin.

"I-i can't l-let you go that easy Orly." he said in between sobs.

"Monty..." frustrated na sabi nito.

"I can't be mad at you too. Pero... do you want to hear the truth Orly?" aniya na pumiyok pa ang boses. Akala niya kumalma na siya ng kaunti. Hindi pa pala. Nagbabadya ang pagbuhos ng mas marami pang luha.

Tumingin lang si Orly sa kanya.

"Totoo. Nagalit ako. Pero mas mahal kita kaya balewala lang sa akin ang mga nalaman ko Orly. Sobrang mahal kita. At hindi ko kayang bumitaw sa'yo ng ganun-ganun lang. Hindi kita mabibitawan basta Orly. Dapat alam mo iyan." Umaagos ang luha niyang sabi.

"Let go Monty. Walang idudulot na maganda atin ito."

Umiling siya. "Mas madaling maging tanga kaysa mabuhay ng wala ka Orly. Mas madaling mabuhay sa kasinungalingan kaysa harapin ang katotohanan na wala ka na. Please. Kahit di mo ako mahalin. Just let me love you. Please, let me love you Orly." madamdamin niyang sabi. Nauupos na napaluhod siya sa lupa.

"Anong ginagawa mo Monty? Tumayo ka diyan." galit na sabi nito sa kanya.

"No! Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ako tinatanggap ulit." that was his last resort. Pagkatapos nun, kung di pa rin siya tatangapin nito ay aalis na siya.

pilit siya nitong itinayo at niyugyog ang kanyang balikat pagkatapos nun. "What is wrong with you? Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito Monty? Ganito ba ang klase ng pagmamahal na meron ka?"

Hinaplos niya ang mukha nito. "Kaya kong gawin ang lahat para sa'yo Orly. Sukdulang maging tanga ako, Gagawin ko."

"Fine! But don't expect me to be the same Monty. And I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" saka siya binitiwan nito at tumalikod.

Natigilan siya. "I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" Umaalingawngaw sa isip niya ang huling sinabi nito.

Natutuwang hinabol niya ito at niyakap mula sa likuran. "Oh God! Thank you Orly!" lumuluha sa kasiyahan na sabi niya.

"Whatever." sabi nito at kinalas ang braso niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Napaupo siya sa damuhan. Tinangap siya ulit ni Orly. Hay!!!

Matuwa ba kahit may time limit ang pagbabalikan niyo? atake na naman ni Rubi.

Okay lang yun. For now. At least, sila pa rin ni Orly. Gagawin niya ang lahat para lang tuluyan nitong ibaling ang pagmamahal sa kanya. Hindi siya mawawalan ng pag-asa kahit anong mangyari.


"Can I claim my second date?"

Napaigtad sa pagkagulat si Monty ng marinig ang tinig na iyon ni Ronnie. Pero kaagad siyang nag-iwas ng mata dahil na rin sa pngingitim ng paligid nito.

Napasinghap siya ng hawakan ni Ronnie ang mukha niya at pilit na iniharap iyon dito. Muntikan na siyang makapag-ingay ng wala sa oras. Nasa library pa naman sila.

"Bakit namumugto at nangingitim iyang paligid ng mata mo? Have you been crying?" Ronnie asked.

Iniwas niya ang mukha at isinuot ang shades na kanina pa niya kinakapa sa bag. "No. Nagka-allergy lang ako." paiwas rin niyang tugon.

"Hindi iyan ang hitsura ng nagka-allergy sa mata. Sigurado akong dahil iyan sa pag-iyak mo." he said knowingly.

Ibinuhos niya ang atensiyon sa librong hawak at hindi na ito pinansin. Kahit pa naupo ito sa katabi niyang silya ay dedma siya.

"I heard na nag-away kayo ni Orly. Totoo ba?" tanong nito.

Di pa rin siya sumagot kahit pa nainis siya sa kaalamang may nakapag-tsismis na agad dito ng mga pangyayari.

"Monty..."

Inilapit pa niya ng husto ang libro sa mukha. Hoping that with that gesture, Ronnie will leave him at peace. At least for a while.

"Look. I'm just trying to start a conversation Monty. Please?" nangungusap pa ang matang tumingin ito sa kanya. As if kaya nitong makita ang mata niya sa likod ng makapal niyang shades.

Nagpakawala siya ng hininga. "I don't want to talk Ronnie. Please, not now." mahina niyang sabi.

"Okay. But let me know kung gusto mong pag-usapan ang problema mo. Hindi lang ako ka-date mo, pwede ka ring mag-confide sa akin." nakangiti nitong sabi.

Monty's heart almost leaped out of his ribcage when Ronnie flashed his killer smile. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito samantalang di naman niya mahal ito.

"Kinikilig ka no?" nanunuksong sabi nito.

Namumulang umingos siya dito. Inilagay niya ulit ang libro sa harap niya at nagkunwaring nagbabasa.

"Okay. Maganda pala makipag-date sa loob ng library no?" nangilabot siya ng maramdaman ang hininga nito sa gilid ng kanyang tainga. Sa sobrang concentration niya sa pag-iwas dito ay di niya namalayan ang ginawa nito.

"R-ronnie... Anong ginagawa mo?" tarantang tugon niya.

"Nakikipagdate sa'yo." He said grinning.

Susme! Nakakaloka ang hudyong ito. Please! Ilayo niyo po ako sa tukso. Natatarantang sigaw din niya sa isip.

"Anong date ang sinasabi mo?" pambabalewala niya sa kilig na nararamdaman. Hindi tama iyon. Pagtataksil ng maituturing kay Orly yun.

"Mukha kasing ayaw mo akong kausapin. So, I took the liberty of having our second date here kaysa naman hindi pa matuloy yun. Mawalan pa ako ng chance na maagaw ka sa boyfriend mong kumag." nang-iinis pa nitong turan.

"Hindi kumag si Orly. Baka masyado kang natutuwa sa paglapit-lapit mo sa akin." nakasimangot na sabi niya.

"Tuwang-tuwa talaga ako kapag kasama kita. Wala kang idea kung gaano ako kasaya Monty." Seryosong saad nito saka mabilis na kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likuran nito.

He went still. Ano daw? Kumain na ba ito? Ano bang pinagsasabi nito?

Binawi niya ang kamay at hinubad ang shades para tingnan ito ng masama. Sinalubong naman siya ng malamlam na mata nito. Puno ng... pagmamahal? At bakit?

"I h-have to go." Inimis na niya ang mga gamit.

Hinawakan siya nito sa braso. Nilingon niya ito.

"Don't cry Monty. Sana maintindihan mo na hindi lang si Orly ang kayang magmahal sa'yo. Marami diyan. Lumingon ka lang sa tabi mo." malungkot na sabi nito.

"Ronnie..."

Tumayo na ito. "Thanks for the date. See you tomorrow." Sambit nito saka siya mabilis na kinabig and gave him a smack.

Nanlalaki ang matang sinundan niya ito ng tingin at wala sa loob na hinaplos ang labing kinintalan nito ng halik.


Itutuloy....

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails