Followers

Showing posts with label Red Paint. Show all posts
Showing posts with label Red Paint. Show all posts

Saturday, September 17, 2016

Red Paint 4



Chapter 4:"The Demon's Face"

Isang maalinsangang hapon nang kami'y dumating sa bahay. Galing kami ng bayan kasama ko si Wilbert at bumili ng kinakailangan ko sa hindi ko matapos tapos na pagpipinta. Napakalagkit ng katawan ko dahil sa pawis. Medyo kakaiba pa yung panahon dahil mainit pero makulimlim, nung makita ko ang kalangitan kanina ay para bang nagbabadya ito ng isang malakas na ulan. Kaya naman nagmadali na kami ni Wilbert dahil mahihirapan kaming makauwi kapag inabutan kami ng ulan. Madulas kasi ang daan, isa pa, nakamotor lang kami kaya delikado rin.
"Halika pumasok ka muna dito. Miryenda muna tayo." paga-aya ko kay Wilbert nung nasa tapat na kami ng bahay.
"Sige, medyo nagugutom na nga rin ako." sagot nya naman. Sabay na kaming pumasok sa bahay.
"Kung gusto mo dito ka na rin maghapunan. Kaso lang magluluto pa ng pagkain, wala pang sinaing eh." sabi ko at pinaupo ko sya sa mahabang sofa sa sala.
"Miryenda na lang, okey na yun pantawid gutom." sabi nya.
"Sige, ikaw bahala." sabi ko. Tumungo na ako ng kusina para ihanda ang miryenda namen.

Nagtitimpla ako ng juice sa kusina nang maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Agad akong napabalikwas dahil sa gulat at nang lingunin ko kung sino ang yumakap ay napatawa na lamang ako.
"Gago ka, may makakita saten." sabi ko.
"Wala namang tao ah." sabi ni Wilbert.
"Kahit na, eh papano kung bigla silang dumating?" ako.
"Wala yan, mabango mo pa rin kahit pawisan ka na." sabi ni Wilbert habang nakayakap sa likod ko at inaamoy ang leeg ko.
"Hahaha.. Mamaya nyan mainlove ka na saken kakaganyan mo ah. Hindi ako pwede dyan." sabi ko.
"Sus! Edi pipilitin kita kung sakaling ayaw mo." sabi nito.
"Wag ka nga!!! Para 'tong tanga." sabi ko sabay hawi ko ng mukha nyang nakadikit sa kaliwang pisngi ko.
"Arte neto, samantalang sarap na sarap ka nga sa ano ko." biro nya.
"Shhh!!! Tumigil ka nga!!!" natapos ko nang timplahin ang juice at maihanda ang tinapay na kakainin namen. Bumitiw na si Wilbert sa pagkakayakap saken at papunta na kami ulit ng sala. Bitbit ko ang pinggang may lamang tinapay at si wlbert naman ang nagdala ng juice. Napamulagat ako nang papunta na kami sa sala. Nandoon si Winston na nakamasid lang samen at walang anumang reaksyon.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko na medyo naiilang dahil iniisip ko na baka nakita nya ang pinaggagagawa namen ni Wilbert. Lalo akong nailang nung hindi sya nagsalita, pero marahan itong tumango habang pinagmamasdan kaming mabuti ni Wilbert. Si Wilbert naman ay hindi malaman ang gagawin kung ngingiti ba o hihingi ng pasensya.
Pumasok si Winston sa kusina para kumuha ng tubig.
"Tara Winston, miryenda tayo." paga-aya ko.
"Sige lang. Busog pa ako." sabi nya. Hindi ko na sya pinilit pa dahil nahihiya ako sa kanya. Pumunta na kami ni Wilbert sa sala para umpisahan na ang pagkain.
Medyo natahimik kami ni Wilbert habang kumakain. Halata sa kanyang nahiya rin sya sa pinaggagagawa nya. Kaya mas minabuti na lang naming manahimik para hindi na madagdagan pa kung anuman yung iniisip ni Winston tungkol samen. Hanggat maaari sana ay ayaw kong makikitaan nya ako ng mga ganitong bagay. Matino kasi si Winston. Kaya nakakahiya, baka sa nakita nya ay mawalan sya ng respeto saken.
Hindi ko alam kung ano pang ginawa ni Winston sa kusina pero medyo natagalan sya dun. Halos patapos na kami ni Wilbert sa pagkain bago sya lumabas mula doon. At paglabas nya ay agad naman syang umakyat sa itaas. Halata sa ikinikilos nya na naiilang din sya saming dalawa ni Wilbert. Hindi ko na 'yun masyadong pinansin pa dahil sa halos isang buwan naming magkakilala ay napansin ko ang pagiging tahimik nya. Nagsasalita lang talaga sya kapag may sasabihin. Hindi katulad ko na nagsasalita para may masabi. Para may makausap. Sya kasi mukhang pag walang kumausap sa kanya sa loob ng isang araw ay kaya nya. Ako kasi hindi. Ayoko sa lahat eh nabuburyo ako.

"Patingin nga ako ng ginagawa mong painting." sabi ni Wilbert.
"Sige, tara dun sa kwarto, sa ilalim ng hagdan. Dyan ako nagpipinta eh." sabi ko at magkasabay naming tinungo ang silid kung saan ako nagpipinta. Iniiwan ko lang na nakalatag doon yung ginagawa ko dahil wala namang ibang pumapasok doon bukod samen ni kuya.
Nang makapasok na kami sa silid ay agad naman nyang nakita ang ipinipinta ko.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko.
"M..Mmmaganda.. magaling ka talaga magpinta." papuri nya saken. Napangiti ako sa sinabi nya, pero hindi ko alam kung bakit malayo sa reaksyon nya ang mga sinabi nya. Hindi ko man lang sya nakitaan ng ngiti. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo nya.
"Ahm, may problema ba sa gawa ko? Bakit parang hindi ka natutuwa?"
"Wala naman... Maganda sya... sobrang maganda." sabi nya at tsaka nya ako ginawaran ng pilit na ngiti. Gusto ko mang magtanong pa kung bakit, pero hindi talaga ako makulit kaya naman ayaw kong namimilit.
"Oh, pano. Uwi nako ah, salamat sa miryenda." sabi nya sabay ngiti.
"Ganun ba? Akala ko ba gusto mong makitang nagpipinta ako?" parang nakaramdam naman ako ng tampo.
"Sa susunod na lang siguro. Naalala kong marami pa pala akong gagawin. At tsaka kailangan kong pumasok ng maaga ngayon eh." paliwanag nya.
"Ganun ba? Sige hatid na lang kita sa pinto." tsaka kami sabay na naglaka palabas. Nang makarating na kami sa pinto ay tinignan ko na lamang sya hanggang sa makaalis ang motor. Ngiti na lang ang nagsilbing paalamanan namen.
Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa loob ng silid at ipinagpatuloy ko na ang pagpipinta.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagpipinta. Sinasamantala ko ang panahon ko habang hindi pa sumasakit ang likod ko. Dahil sigurado akong mahihinto na naman itong ginagawa ko kapag bigla na namang umatake iyon. Hindi naman kumatok si Winston para manood. Siguro hindi pa rin naaalis sa isip nya ang mga nakita nya kanina. Nakakahiya talaga.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nang bigla akong napahinto. Gagawin ko na kasi ang detalye ng mga mata nya na magbibigay buhay sa larawang ipinipinta ko. Kaya kailangan kong mag-ingat sa paglapat ng brocha. Ayokong magkamali sa bahaging iyon kaya naman inirelax ko muna sandali ang katawan ko. Halos natapos ko na kasi ang buong mukha nya. Siniguro kong kamukhang kamukha nya ang ginagawa ko. Matangos na ilong, makapal na kilay, manipis na labi at ang panghuli ay ang mga mata nyang nagtataglay ng makapangyarihang hipnotismo. Iniisip kong mabuti ang mga mata nya. Pero hindi ako mapalagay dahil para pa rin akong nanghihina habang iniisip iyon.

Habang nag-iisip ako ay napaupo ako sa tabi ng pader. Sumandal ako doon at medyo tumingala. Unti unti akong napapapikit para mas lalo kong makita ang mga matang iyon na walang kaparis. Napangiti ako at muling nagbalik ang mga masasayang ala ala namen.
"Mahal kita." sabi ni Godfrey. Na sya namang umalingaw ngaw sa isipan ko. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng matinding kalungkutan na hindi ko kayang pigilan. Napapaluha na ako. Gusto ko sanang iwasang makaramdam ng ganoong emosyon pero talagang malakas pa rin ang puso ko kesa sa pag-iisip ko.
Ang matahimik na paligid ko ay mas lalo pang naging tahimik. Wala akong naririnig na kahit ano. Nabibingi ako sa katahimikan. Pagmulat ng mga mata ko ay tumambad saken ang madilim na silid na kinalalagyan ko. Tahimik. Sobrang tahimik. Nakapangingilabot na katahimikan. Lumingon ako sa kaliwa at agad din akong lumingon sa kanan. Madilim. Kumakalat ang dilim. Inikot ko ang aking buong paningin sa paligid ko at unti unti nilalamon ng kadiliman ang buong silid na kinalalagyan ko. Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pagsakit ng likuran ko kasabay ng matindi ring sakit ng ulo. "AAAHhhhhhhhh!" napasigaw ako sa biglaang pag sakit. At ang natitirang bahagi ng silid na nakikita ko ay biglang gumalaw. Nakakahilo. Masakit sa ulo. Tinungo ko ang pintuan para makalabas pero bigla na lamang may nabasag na kung ano sa kung saan. Natatakot nako kaya nagmadali akong pumunta sa pinto.
"Nanannn nasaan ang pinto?! Nasaan ang pinto?! NASAAN ANG PINTO?!!! PALABASIN NYO AKO DITO!!!"
"MAMA!!! PALABASIN NYO KO DITO!!!"
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!"
Nakarinig ako ng napakalakas na kulog. Dumadagundong, ramdam ko ang pagyanig ng paligid. Lalong bumilis ang paggalaw nito. Nasaan ba ang pinto?!
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masakit ang ulo ko, masakit ang likod ko. Magulo na ang paligid at ang kaninay tahimik, ngayon ay napakaingay na sa paulit ulit na kulog. Muli na namang may nabasag at nabatid kong sa likuran ko nanggaling ang tunog. Nakita ko na basag na ang salamin ng bitana. Bigla na lamang sumulpot ang isang pares ng mga kamay na binabasag ang salamin. May tao. Pinipilit na makapasok mula sa bintana. Nangangatog na ang mga tuhod ko. Madali kong hinanap muli ang pinto. Gusto kong tumakbo pero unti unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Bumagsak akong paluhod sa labis na takot. Nang muli kong pagmasdan ang bintana ay nanlaki ang aking mga mata at lalo akong nilukuban ng matinding takot. Bukas na ang bintana at nakasampa na ang mga braso doon. At yung ulong nag-uumalpas para makapasok ay bigla na lamang tumingala at tumitig ng matalim saken. Halos sumabog na ang dibdib ko sa labis na pagkabog nito. Pinilit kong mag-ipon ng lakas para makatayo at makatakbo. Pero ayaw talagang gumalaw ng mga paa ko.
"Kuya!!! Mama!!!" buong lakas ko nang pagsigaw. Yung taong nasa bintana naman ay mabilis na kumkilos at maya maya pa ay nakaakyat na sya. Sya yun! Syanga yun! Yung demonyo. Sya yung demonyo. "TULUNGAN NYO 'KO!!!" Garalgal na ang boses ko sa kasisigaw pero walang nakaririnig. Papalapit na yung demonyo saken. Papalapit ng papalapit nang bigla na lamang may humablot saken mula sa likuran ko at sumigaw ito ng nakabibinging sigaw.
"LAYUAN MO ANG KAPATID KO!!!!!!" sambit ni kuya. Napahugot ako ng malalim na hininga at maya maya pa ay lumabo na ang paningin ko. Naramdaman ko ang ilan pang mga tao sa likuran ko pero hindi ko na sila nakita pa. Nagdilim na ang paligid ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Pagmulat ng mga mata ko ay nasilaw ako sa labis na liwanag. Napakaliwanag kaya hindi ko kaagad maibuka ang mata ko ng mabuti. Nang masanay na ang mga mata ko sa liwanag ay doon ko lamang napansin na nasa sala pala ako at nasa paligid ko sila mama, tito, Winston at sa hindi kalayuan ay si kuya. Kapawa sila nagsilapit saken nung napansin nilang nagising na ako.
"Ma, anong nangyari?" agad kong tanong.
"Anak, binangungot ka na naman." sabi ni mama.
"Wag nyo na syang lokohin! Hindi bangungot ang nagyayari sa kanya. Yung demonyo ang may gawa nyan, kaya sya nagkakaganyan!" sigaw naman ni kuya.
"Anak ano ba kasing ginagawa mo dun sa loob ng dirtyroom mo. Bakit pati yung painting mo nasira na?" tanong ni mama. May ilang sandali pa bago naiproseso ng utak ko yung tungkol sa painting. Kaya kahit masakit ang ulo ko ay agad akong bumangon para puntahan ang ginagawa kong larawan.
Nagmadali ako at sumunod naman sila saken. Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong binuksan ang ilaw at pinagmasdan ang bintana. Maayos ang bintana, walang nabasag dito kahit konte. Pero labis ang pagtataka ko kung bakit ang painting ay marumi na. Maraming sugat sang mukha ni Godfrey samantalang maayos ko iyong ipininta. At higit sa lahat, ang ipinagtaka ko ay ang mga mata nyang naipinta na. Iyon ang mga mata ni Godfrey na ayaw kong makita. Ang nanlilisik nyang mga mata. Hindi lang yun, lumuluha ito ng dugo. May sumira nito!!! Napalingon ako kay kuya. Galit na galit ako dahil alam kong sya lang ang maaaring gumawa nun. Magaling sya magpinta kaya naman kayang kaya nyang palabasin ang emosyon ng mga matang iyon. Hindi si Winston, hindi si tito, at lalong lalong hindi si mama. Wala silang alam sa pagpipinta kaya si kuya lang ang gagawa nito. Tinitigan ko sya ng matalim at tsaka ko sya sinigawan.
"ANONG GINAWA MO!!! ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP GAWIN 'TO?" sigaw ko sa kanya at sabay hablot ng lalagyanan ng paint brush sa gilid ko at ibinalibag ko iyon sa kanya. Umiling lamang sya at hindi man lang nagpaliwanag. "SINUNGALING KA!!!" dahil alam kong itinatanggi nya lang ang kasalanan nya. Hanggang ngayo naiinggit pa rin sya saken. Naiinggit sya sa lahat ng meron ako. Naiinggit sya saken dahil ako ang nasa 'Mirage Renata' at hindi sya. Naiinggit sya dahil ako ang pinili ni Godfrey at hindi sya. Matapos kong ibalibag sa kanya ang mga brush ay agad akong humablot pa ng mga gamit na maaari kong ibalibag sa kanya. Hanggang sa bigla na lamang akong pinigilan ni tito at Winston. Pinilit na nila akong ilabas mula sa kwarto.
"Anak naman please. Natatakot si mama sayo." sabi ni mama at bigla akong napatitig sa kanya.
"Bakit ka natatakot saken ma? Dahil nagagalit ako? Hindi mo ba nakita yung ginawa ni kuya? Sya ang sumira ng painting ko. Alam nyo ba kung gaano kahirap gumawa nun?" sabi ko.
"Anak naman please. Nakikiusap ako sayo tumigil ka na." muling sambit ni mama. Naiyak na lamang ako dahil si kuya na naman ang kinampihan nya. Ako na naman ang mali. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang na umagos ang luha sa mga mata ko. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay maiibsan ang sama ng loob ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko mula sa galit. Mahal ko si mama kaya ayokong nakikita syang natatakot saken. May mga pagkakataon ding iniisip ko na sobra na sya dahil hindi nya man lang ako kinampihan kahit minsan. Pero may kung ano sa puso kong nagsasabing mahal na mahal ko sya. Kaya kahit anong galit ko sa kanya ay hinahayaan ko na lamang na lumipas.

Inilipat ko na ang mga gamit ko sa sarili kong kwarto. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko ang napakaayos kong kwarto. Ilang gamit lang naman ang nandirito. Built in cabinet, tv, computer. Ayoko ng maraming gamit dahil magulo ako sa kwarto.
Habang inaayos ko ang gamit ko sa loob ay sumulpot na lamang si kuya sa likuran ko at biglang nagsalita.
"Wag ka nang magalit saken. Hindi naman ako ang may gawa nun eh. Baka gawa yun ng demonyo. Please maniwala ka saken." paliwanag nya.
"Kuya, please naman. Umamin ka na lang. Mas mababawasan ang galit ko kung aamin ka na lang." sabi ko dahil sigurado akong sya talaga ang may gawa nun.
"Lumapit sya saken at niyakap ako mula sa likod. Mahal kita Collin. Alam mo yan, kahit kelan hindi kita ginawan ng masama. Pakiramdaman mong mabuti ang tibok ng puso ko. Ngayon sabihin mo saken kung hindi ka pa rin naniniwala saken." sabi nya. Mainit ang yakap ni kuya. Bumalik na naman ang masasayang alaala saken. Unti unting kumalma ang magulo kong damdamin at maya maya pa ay parang bigla na lamang nabura ang mga nangyari kanina.

"Sorry sa ginawa ko kanina. Kasi naman, ilang beses nang sumakit ang likod ko sa pagpipinta nun. Tapos ganun lang yung mangyayare. Ikaw lang ang marunong magpinta sa bahay na to bukod saken. Kaya wala na akong ibang maisip na sisihin kundi ikaw. Palagi ka kasing naiinggit saken dati eh." diretsong sabi ko sa kanya.
"Hindi ako naiinggit sayo dati. Ang totoo nyan, gusto kong maibigay ang lahat sayo. Gusto kong meron ka ng mga bagay na meron ako. Kahit na ang mga bagay na meron ka ay wala ako, ayos lang. Basta alam kong masaya ka. Ayos nako. Hindi mo ba alam 'yun. Batang isip ka pa kasi dati eh kaya kung ano anong isiisip mong masama tungkol saken. Basta tatandaan mo, wala akong gagawin na kahit ano para masaktan ka. Ako ang kuya mo at puprotektahan kita kahit ano pang maging kapalit." sabi nya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng mga sinasabi nya at muli na namang pumatak ang luha ko. Sising sisi ako sa masasamang naisip ko tungkol sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit ganun si mama. Alam nya kasing hindi magagawa saken ni kuya yun.
"Kuya sorry." sabi ko sa kanya.
"Kahit hindi ka humingi ng tawad saken. Buburahin at buburahin ko sa isip ko ang mga pagkakamali mo. Kaya hindi mo kailangang malungkot at mag-alala." sabi nya sabay gulo nya ng buhok ko. "ahm, pano dito ka na talaga? Ayaw mo na bang kasama ako?" tanong nya pa. Nagbago na naman ang isip ko at muli kong ibinalik ang mga gamit ko sa kabilang kwarto. Naalala ko na naman kasi yung demonyo. Natatakot ako na baka balikan ako nun, wala pa naman akong kasama. Kaya mas minabuti kong bumalik sa kwarto ni kuya kung saan alam kong mas ligtas ako.

Habang ibinabalik ko ang mga gamit ko sa kwarto ay hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ni mama at tito.
"Baka mali ang naging desisyon naten na kunin na sya." Sabi ni mama.
"Hindi, dito sya sa bahay. Bilang pangalawang ama nya. Hindi ko sya hahayaang parang hayop na nandoon. Dito sya nararapat kaya dito lang sya dapat manatili. Kahit hindi ako ang tunay nyang ama ay mamahalin ko sya na parang tunay ko na ring anak. Wag kang mag-alala. Mas mapuprotektahan naten sya dito. Sabay tayong gagabay sa kanya. Silang dalawang anak naten." sabi ni tito. Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Pero hindi ko na iyon masyado pang pinansin. Tumloy nako sa kwarto at muling isinalansan ang mga damit ko sa damitan namen ni kuya.

Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga bangungot na sumasapit saken sa tuwing ako'y dadalawin ng antok. Hindi ako matatakutin dati pero ngayon ay labis labis na takot ang idinudulot saken ng mga bangungot ko. Naalala ko na naman yung demonyo doon sa abandonadong bahay. Sabi ni kuya na baka daw kagagawan ng demonyo yung mga nangyayari saken. Wala akong maisip na paraan kung papaano ko pahihintuin ang demonyong 'yun mula sa pagpapahirap saken. Wala naman akong ginawa dun sa bahay ah. Yun nga lang, gumuho yung natitirang parte ng hagdan nang dahil saken. Pero hindi ko naman yun sinasadya. Pero wala naman akong maidadahilan dahil pumasok ako doon ng walang pahintulot. Hindi ko naman kasi alam kung kanino ako magpapaalam.

Naisip ko na kahit pa matakot ako ay wala na akong magagawa pa kung ayaw talaga akong tantanan nung demonyo o sinumang impakto yun. Katulad naman kasi ng nakagawian ko na, lahat ng bagay na hindi ko kaya ay pinipilit ko na lamang makasanayan. May mga bagay kasing mahirap tanggapin sa sarili, minsan pa nga ay masakit pero pag nakasanayan mo na ay magiging normal na lamang iyon para sayo. Kung ayaw mawala ng sakit. Tiisin mo na lang hanggang sa maging manhid ka. Ganun tumatakbo ang mundo para saken. Lahat ng bagay ay may katumbas na lakas, kaya naman haharapin ko kahit ano hanggang kaya pa ng lakas na tinataglay ko. Alam kong susuko rin ako isang araw. Pero hindi ako basta na lamang tutunganga at magpapatalo.

Tuesday, June 21, 2016

Red Paint 3




Red Paint
Rezso
Fiction

Chapter 3

"Ahm." sabi ko lang at napalunok ako ng laway.
"Ang init." sabi pa nya at maya maya pa ay nakaramdam ako ang matigas na bagay na bumubunggo sa ibabang bahagi ng likuran ko. Hindi ako gumalaw para lalo itong damhin. Sa nararamdaman ko ay parang anlaki ng sukat nito. Nang mapansin nyang hindi ako umiiwas ay lalo nya pa itong idiniin. Hinawakan nya na ang magkabilang braso ko para mas lalong magkaroon ng pwersa ang pagdiin nya.
"Gusto mo ba 'to? Masarap 'to gusto mo bang tikman?" At ipinihit nya ang aking katawan paharap sa kanya. Ginabayan nya ako papunta sa pader at sumandal sya doon. Hanggang sa maramdaman ko ang pwersa ng kamay nya na pinipilit akong paluhurin.
"Baka may makakita saten. Baka may magalit." pag-aalala ko.
"Andami mo pang satsat eh. Luhod!" mahina ngunit otoritadong boses nya.
Sinunod ko ang sinabi nya at lumuhod nga ako. Nakahawak lamang ako noon sa matigas nyang binti habang kinakalas nya ang pagkakabuhol ng tali ng kanyang jersey. Maya maya pa ay dinukot nya ang nasa loob kasabay ng pagbaba nya ng kayang shorts. Hawak hawak nya ang batuta nyang galit na galit. Tama ang hinala ko. Malaki nga. Ibinaling nya ang alaga nya sa tapat ng bibig ko at ibinundol nya ito. Halos manginig ang kamay kong unti unting humawak sa alaga nya. Nang mahawakan ko na iyon ay tsaka nya ito binitawan. Dinilaan ko na ang ulo ng burat nya at tsaka ko ito isinubo.
"Uhm.." mahinang ungol nya. Hinawakan nya ang magkabilang gilid ng ulo ko at tsaka ito umindayog. Labas pasok sa bibig ko. Namumuwalan na ako pero tinitiis ko para hindi sya mabitin. Maya maya pa ay nagiging marahas na ang pagkadyot nya sa bibig ko. Pinipilit nya itong ipasok ng buo sa lalamunan ko. Patuloy lang sya sa pagkantot sa bibig ko hanggang sa matamaan ang ngala ngala ko na sya namang ikinaduwal ko. Pero hindi sya tumugil. Patuloy lang sya sa ginagawa nyang pagpapaligaya sa kaniyang sarili. Nauubo na ako at nasusuka na sa ginagawa nya.
"Ano masarap ba burat ko? Laki noh? Ayan sige magpakasawa ka. Yan... Yan... Yan pa..." Bawat bitaw nya ng salitang 'Yan' ay kasabay noon ang matitinding bayo sa lalamunan ko. Nasasanay na sana ako sa ginagawa nya nang bigla nyang hugutin ang burat nya sa lalamunan ko. Pagkatapos ay bigla nya itong ipinasok ng buong buo sa lalamunan ko. Naramdaman ko ang kabuuan nya. Ansakit. Pero hindi ko magawang pumiglas dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa ulo ko. Pumapasok na sa ilong ko ang ilang hibla ng buhok nya doon. Pinatagal nya iyon ng ilang segundo at bigla nya na namang huhugutin at uulitin ang pagbaon. Makailang beses nya ding ginawa iyon na talaga namang nagpalabas ng napakaraming laway ko.
"Malaki ba? Ha? Sarap noh?" Ang mga sarakastikong tanong nya na ungol na lang ang isinasagot ko dahil hindi nya ako binibigyan ng pagkakataong magsalita. Ilang sandali pa ay bumilis na nang bumilis ang pagbayo nya sa lalamunan ko. "Yan ang magpapasaya sayo diba? Noon pa man sayong sayo nako, pero bakit hindi mo ako ginamit. Edi sana noon pa kita napasaya." sabi pa nito.
"Ayan na!!! Lulunin mo ang tamod ko!!! Pakabusog ka Connor!!!" Umagos ang tamod nya tuloy tuloy sa lalamunan ko. Ilang bayo pa hanggang sa maubos na ang inilalabas nya at tuluyan nang lumambot ang alaga nya.

Nang matapos kami ay agad naming inayos ang aming mga sarili. Kinuha nya ang t-shirt nyang nakasukbit sa kanyang balikat at ipinunas sa alaga nya pati na rin sa shorts nya na nalagyan ng laway ko. Pagkatapos ay inakbayan nya ako.
"Ayos ba? Solve ka ba pre? Wala ka pa ring pagbabago. Ikaw pa rin ang pinakamagaling para saken. Kaya mahal kita eh." Sabi nya sabay akay saken papunta sa pinagi-inuman namen.
"Ginawa na ba sayo yan ni kuya Connor?" tanong ko sa kanya at bigla syang natigilan.
"Ahm, sorry nagkamali na naman ako. Collin, ikaw pa rin ang pinakamagaling para saken. Ginawa na naten 'to dati eh, nakalimutan mo na ba?" wala nang alinlangan sa pag-uusap tungkol sa nangyare dahil si Jeremy na kainuman namen ay nakarating na yata sa ikapitong langit dahil sa lakas ng paghihilik habang nakanganga. Ngumiti na lang ako sa mga sinabi ni Wilbert kahit na wala akong matandaan. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Isa sya sa mga pinakanakakalibog na taong nakilala ko.

Hindi na namen naubos ni Wilbert ang ilan pang natitirang bote ng beer. Tinulungan ko na lamang syang magligpit ng aming mga kinalat at tsaka namen ginising si Jeremy upang pumasok sa loob ng bahay para doon na matulog. Doon na rin ako natulog dahil magu-umaga na rin naman. Sa sala kami natulog na magkakasama. Hindi man ako kumportable sa pwesto ko eh nagtiis na lamang ako. Ayoko namang maistorbo sila sa pagtulog nila pareho. Kaya ginamit ko na lang ang lahat ng oras para makapagpahinga rin kahit papaano. Hihintayin ko na lang sumikat ang araw tsaka ako uuwi. Ipinikit ko ang aking mata nang makaramdam ako ng antok.

"Ang init! Ang init! Napaka-init!!!." sigaw ko na para bang walang nakakarinig saken. Sa sobrang init na nararamdaman ko ay para bang nasusunog ang paligid ko. Bigla na lamang may lumabas na demonyo mula sa kawalan. Tawa ito ng tawa habang pinagmamasdan akong nagsusumigaw sa labis na init. Patuloy lamang ako sa pagsigaw dahil sa init at takot nang bigla na lamang nakita ko ang mga mata ng demonyong bigla na lamang nanlisik. "Hindi ko mapapayagang mabuhay ka. Mamamatay ka!!! Sa mga kamay lang kita maaaring mamatay!" sabi nang demonyo at tsaka ako nag-umalpas mula sa pagkakahiga ko.

Naalimpungatan ako nang bigla na lamang may humahawak ng mahigpit saken. Si mama. Kasama nya si tito Ronald at Winston na nakakapit naman sa binti at braso ko. "Ma! Ma! Ano to?!" pasigaw kong tanong. Nagwawala na ako. Nagpapanic ako sa ginagawa nila saken. Maya maya pa ay bigla na lamang akong nahilo ng husto. Parang bigla na lamang bumagal ang pag-galaw ng paligid ganun din ang tunog ng kanilang mga boses na animo'y alingaw ngaw. Unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na kinaya at tuluyan na nga akong pumikit.

Nang magising ako ay agad kong inikot ang aking mga mata. Napabaling ako sa bintana at doon ko nalamang gabi na pala.
"Kain ka na. Ang sarap ng tulog mo ah." sabi ng boses sa gilid ko. Lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko si kuya na nasa tapat ng pinto at nakamasid lang saken.
"Kuya! Ang sama ng panaginip ko." sabi ko sa kanya.
"Panaginip lang yun bunso. Baka kagagawan lang yun ng demonyo na nasa bahay. Hayaan mo kasama mo naman ako eh. Itataboy ko yung demonyo mamaya kapag matutulog ka na. Hindi ka nya gagambalain ngayong gabi." Sabi nya tsaka sya tumabi saken sa kama at hinaplos ang buhok ko.
"Kuya natatakot ako." at yumakap ako sa kanya.
"Nandito ako. Hindi kita pababayaan." at niyakap nya akong mahigpit. "Kumain ka na muna. Alam kong gutom ka na."
Bumaba ako at pumunta ng kusina. Nakita ko sina mama at tito na nasa sala. Dahan dahan akong kumilos papunta ng kusina habang nakatitig sa kanila. Agad naman akong nakita ni mama.
"Anak, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo? Sandali ipaghahanda kita ng makakain." sabi nya.
"Anong ginawa nyo saken kanina?!" tanong ko na medyo mabigat ang boses.
"Binigyan lang kita ng gamot para makatulog ka. Binabangungot ka na naman kasi eh. Pinuntahan kami ni Wlbert dito para sabihin ang nangyayari sayo. Sabi ko kasi sayo isang bote lang ang kaya mo eh. Mukhang ikaw yata ang umubos ng ininom nyo. Pinayagan kitang makisali sa kanila pero anak, masama ang epekto ng alak sayo. Pasensya ka na kung kailangang ganunin ka namen. Anak sana hindi na mauulit yun ah. Hindi ka naman umiinom dati eh." paliwanag ni mama.
"Kaya pala. Pasensya na rin po ma." sabi ko at sumulyap rin ako kay tito para iparating ang paghingi ko ng pasensya.
"Oh sya, kumain ka na at buong araw kang tulog. Wala pang laman yang sikmura mo."
Sabay na kaming pumunta ni mama sa kusina at agad naman akong umupo sa mesa para hintayin ang ihahanda nyang pagkain.
- - - - -
Nasa silid ako kung saan ako nagpipinta. Itinutuloy ko yung ginagawa kong painting. Halos wala pa ako sa kalahati, samantalang matagal ko na itong naumpisahan. Medyo kinakapos kasi akong ng pintura eh. Hindi ko naman matancha kung gaano karami pa ang kakailanganin ko. Ngayon lang naman kasi ako gumawa ng ganito kalaking painting.

Patuloy ako sa pagpipinta ng mapansin kong lumagitik ang pinto. At nang tumingala ako para alamin kung sino ang pumasok ay nakita ko si Winston na nakalabas ang ulo sa hindi masyadong bukas na pinto. Nginitian ko sya at ngumiti rin sya saken.
"Halika, pasok ka." paga-aya ko sa kanya. Hindi naman na sya nahiya pa at tumuloy na sya sa pagpasok. Tumayo lamang sya at patuloy na tinignan ang ginagawa ko. Inabot din nang ilang sandali bago sya nagsalita.
"Nakakatuwa ka palang panoorin habang nagpipinta." sabi nya sabay yukod para tignan ng malapitan ang ginagawa ko.
"Medyo nakakangalay nga eh. Laki kasi nito eh." sabi ko.
"Marami na akong nakitang gawa mo pero, parang iba 'tong isang 'to. Maliwanag yung mga kulay ng mga painting mo na nasa sala. Bakit ito parang andilim." usisa nya.
"Ah. Wala lang, gusto ko lang maging strong yung image nito sa paningin ko. Napaka strong kasi ng personality nitong pinipinta ko eh." sagot ko.
"Sino sya?" muli nyang tanong. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang. Ayaw kong mapag-usapan namen ang tungkol sa kung sino yung pinipinta ko. Mukha namang nakuha nya ang gusto ko ipahiwatig kaya hindi na sya nangulit pa.

Nag-uumpisa na kaming makapagpalagayan ng loob ni Winston. Sa mga nakalipas na linggo kasing magkasama kami ay hindi ko naman sya nakitaan ng masamang ugali. Ayos rin talaga sya, isa pa. Masarap syang kasama kasi hindi rin sya masyadong masalita. Ayoko kasi ng madaldal. Kung meron mang dadaldal eh, gusto kong ako yun. May ilan na rin kaming napagkwentuhan. Masasaya pero may isa syang kwento na ikinalungkot ko. Nalaman ko na hindi na pala nya nakita ang nanay nya dahil namatay ito noong ipanganak sya. Ang tatay nya na ang nagpalaki sa kanya. May dalawa pa daw na kinasama yung tatay nya bukod kay mama. Yung una daw hiniwalayan ng papa nya kasi nalaman nito na sinasaktan nung babae si Winston. Yung pangalawa naman eh, lalakero at mahilig sa sugal. Si mama lang daw ang naging perpektong nakasama ng papa nya. Kaya naman daw napamahal na rin kami sa kanya.

Nangalay ako sa ginagawa kong pagpipinta. Nakatingin pa rin sa ginagawa ko si Winston. Natuwa ako kasi parang hindi sya nagsasawang panoorin ako habang nagpipinta. Nag-uumpisa nang sumakit ang likuran ko kaya naman agad kong inihinto ang ginagawa ko. Inaya ko si Winston sa labas para makapananghalian na. Paglabas namen ay napansin kong wala sila mama kaya naman agad akong nagtanong sa kanya.
"Nasaan sila mama at tito?" tanong ko.
"Ah may inasikaso lang tungkol sa kasal nila. Baka raw mapostpone kasi nagkaproblema doon sa schedule na napili nila." sagot nito.
"Ah ganun ba. Pano ba yan, magiging magkapatid na tayo hehehe." sabi ko
"Okey lang ba sayo yun?" tanong nya ulit.
"Oo naman, walang problema yun saken." sagot ko sabay ngumiti lang sya tsaka kami pumunta ng kusina. Hindi na ako nag-abala pang hanapin si kuya dahil sabi nya saken ay pupunta sya sa aplaya. Inaya nya ako kanina pero hindi ako sumama dahil gusto ko na nga tapusin yung painting ko.

Hindi na kami masyado pang nag-usap ni Winston habang kumakain kami. Wala rin naman kasi akong maisip na sabihin at ikwento eh at sa tingin ko ganun din sya. Pagkatapos naming kumain ay agad akong naligo. Kagaya ng nakagawian ko nang gawin ay umiiwas ako sa anumang bagay na may repleksyong makikita. Ayoko na maulit yung pang-gagambalang ginawa saken nung demonyo. Nakakatakot. Nakakapagod. Pagkalabas ko ng banyo ay sumunod naman si Winston. Ako naman ay umakayat sa kwarto ko at tumambay doon. Dumungaw ako sa labas ng bintana para makita ang magandang tanawin. Parang ang sarap ipinta nung kubong malapit sa bangin at mula roon at sa likuran noon ay makikita ang malawak na karagatan. Matagal ko nang gusto ipinta yun pero hindi ko magawa dahil hindi ako matapos tapos sa ginagawa ko. Sa susunod na lang siguro. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sandali. Hindi ko namalayan ang pagkakapikit ko. Nakaidlip ako. Ang akala ko naman ay matagal na akong natutulog kaya naman agad akong lumabas. Nagbabakasakaling andyan na sila mama. Pagbaba ko ay nakita ko si Winston na nasa harap ng TV.
"Andyan na ba sila mama?" tanong ko
"Wala pa. Baka gabihin yung mga yun." sagot naman nito.
Tumuloy ako sa pagbaba at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Nang biglang may tumapik sa balikat ko. Si kuya.
"Asan si mama?" tanong nito
"Wala umalis sila may inaasikaso daw para sa kasal." sabi ko na agad namang nyang ikinasimangot.
"Kuya, wag ka na mag-isip ng masama sa kanila. Mababait naman silang mga tao." sabi ko.
"Ah basta. Yan si Winston okey lang yan saken. Pero yung tatay nya, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dun. Sige dyan ka na. Matutulog ako, napagod ako sa pamamangka eh." sabi nya sabay alis.

Pumunta ako ng sala. Sasamahan ko sana si Winston, ang kaso lang ay umakyat ito at mukhang papunta sa kwarto nya. Ewan. Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako. Kasi nung sinundan ko sya ng tingin ay tumingin din sya saken pero parang may kasamang lagkit yung titig nya. Nakaramdam ako ng libog sa mga titig nyang iyon kaya naman ang makaakyat na sya ay hindi ako mapakali. Hindi ko malaman kung susundan ko ba sya o pababayaan na lang. Baka kasi nagkakamali lang ako eh.

Patuloy lang akong nanood. Pero hindi doon nakatuon ang isip ko. Iniisip ko kasi yung ginawang pagtitig saken ni Winston eh. Ikinalibog ko iyon kaya naman hindi mabura sa isip ko. Umiisip ako ng maidadahilan ko kung sakaling pupuntahan ko sya sa kwarto nya. "Ah basta kahit ano na lang." sabi ko nang hindi na ako makatiis. Ang hirap talaga kalabanin ng libog eh. Lalo pa't ang gwapong nerd na si Winston ang nakikita mo. Yung manipis nyang salamin. Matangos na ilong. Maputing balat. Mapulang labi. Halos magkasing taas lang kami. Sakto lang ang katawan nya. Hindi sya matcho pero hindi sya lampayatot. Pero ang nakakalibog na parte ng katawan nya eh yung pwet nya. Bakat na bakat iyon sa suot nyang boxer shorts. Hindi ko masyadong natitigan ang bukol nya sa harap kaya hindi ko masabi kung malaki ba o maliit. Pero para saken hindi na importante yun. Libog na ako eh.

Umakyat na ako sa taas at agad na tumungo sa silid ni Winston. Kakatok pa sana ako pero hindi ko na ginawa nang makita kong nakaawang ang pinto. Agad ko itong binuksan at nakita ko si Winston na nakahiga. Natutulog ata. Nakahubad ang puting t-shirt na kanina lang ay suot nya. Kitang kita ko ang maganda nyang katawan. Wala syang abs pero pero flat ang tyan nya. Hindi sya ganoong mabalahibo kaya hindi ko halos makita ang buhok nya sa pusod. Hindi kagaya ng kay Wilbert na kitang kita kaya lalong nakakalibog. Pero may napansin ako kay Winston. Yung umbok nya sa boxer shorts mukhang may ipagayayabang din. Isa pa. Mas gwapo syang tignan kapag hindi nya suot ang salamin nya. Yung inosenteng mukha nya ay nagkakaroon ng angas. Kadalasan ay nakikita ko syang one sided ang straight nyang buhok. Pero ngayon ay magulo ito. Siguro hindi na sya nagsuklay pagkatapos nyang maligo.

Lumapit ako sa natutulog na si Winston. Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Maputi talaga sya at pantay ang kulay. Ansarap tignan yung hita nya na may kalakihan. Ansarap dilaan. Napakalinis nya at mukhang mabango. Napadako ako sa bukol nya. Halatang patay ito dahil hind gaanong bakat. Ansarap patigasin at isubo. Gusto kong makita kung anong reaksyon meron ang maamo nyang mukha kapag nilabasan na. Sa sobrang libog na nararamdaman ko ay hindi ko na matiis na humawak sa alaga ko. Gusto ko nang magjakol kaso sayang naman kung lalabasan ako ng walang nangyayare samen. Tumingin ako sa medyo mapula nyang utong, may kaliitan yun pero ayos lang. Mukha pa rin naman masarap sipsipin.

Ewan. Hindi ko na talaga matiis ang libog ko kaya naman lumapit na ako sa higaan nya para mas makita ko ng malapitan. Inilapit ko ang ilong ko sa kilikili nya at sininghap ang amoy nito. Ambango, talagang amoy bagong paligo. Unti unti kong inilapit ang aking mga kamay sa katawan nya. Pero hindi ko sya mahipo. Natatakot ako baka magising sya pag hinipo ko sya. Pero nang mapadako na ako sa bukol nya ay hindi ko na nagawa pang magtiis. Gusto ko talagang makita ang itsura nya kapag nilabasan kaya naman marahan kong hinipo iyon at sinubukang patigasin. Hinawakan ko ang malambot nya pang pagkalalake. Pinisil pisil ko ito para mabuhay. Wala na akong pakealam kung magising man sya. Bahala na. Sa ilang ulit na pagpisil ko sa alaga nya ay naramdaman ko ang unti unti nitong pagkabuhay. Lalo ko pang pina-igting ang pagpisil ko dito. Sinubukan kong ibaba ang boxers nya para makita ko na ang itsura ng alaga nya. Sabik na sabi na talaga ako. Parang ang sarap sarap.
"Siguraduhin mo lang na kakayanin mo yan ah." halos huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Winston. Tumingin ako sa mukha nya at nakita kong salubong ang kilay nito at nakabaling ng tingin saken. Ang boxers shorts nya na balak kong ibaba ay sya na mismo ang gumawa at bumulaga saken ang itinatago nyang kaselanan. Maputi iyon at medyo maugat. Ngayon ay sobrang tigas na nito at pumipintig pintig pa. Muli akong tumingin sa kanya. Salubong pa rin ang kilay at hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa. Hinawakan nyang mahigpit ang katawan ng batuta nyasabay hinablot ng kanan nyang kamay ang buhok ko. Marahas at pinipilit nyang ipasok sa bibig ko ang hawak hawak nyang burat.
"Kainin mo na, wag ka na mahiya. Akala ko pa naman ayos lang sayo na magkapatid tayo. Hindi mo pala ako gustong maging kapatid eh. Gusto mo lang ako manatili dito dahil gusto mong kainin 'tong burat ko. Oh ayan! Kainin mo na. Yan ang gusto mo diba? Dahil dito na ako titira. Araw araw kong ibibigay ang gusto mo. Araw araw kitang papalunukin ng tamod ko. Bakla ka! Mahilig ka sa burat diba?! Ayan na, kainin mo na!" Pinipigil kong ibuka ang bibig ko dahil sa bigla akong nahiya sa kanya at dahil ayokong isubo iyon ay isinampal nya sa mukha ko ang kahabaan nya.
"Ibuka mo na yang bibig mo!!!" utos nya at patuloy nyang sinampal ang mukha ko gamit ang alaga nya. Maya maya pa ay bumangon sya at umupo sa gilid ng kama, sa harap ko. Hawak nya apa rin ang buhok ko patuloy na ipinipilit ang kargada nya sa bibig ko.
"NGA NGA!!!" sigaw nya saken. Natakot ako sa kanya kaya ibinuka ko na ang bibig ko. Naalala ko si kuya na natutulog sa kabilang kwarto. Baka magising sya at maabutan kami na nasa ganitong posisyon. Sinunod ko na lamang ang mga sinabi nya para hindi na sya gumawa pa ng ingay. Dinilaan ko ang alaga nya hanggang pinilit ko nang isubo ang kabuuan nito.
"Ahhh! Ahhhh! Sige pa! Anggaling mo! Collin!" sabi ni Winston.

"Collin!"

"Collin!"

"Collin!!! Wui!" At bigla na lamang akong nagising sa pantasya ko nang maramdaman kong may tumatapik saken na medyo malakas. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa sofa pa rin. Dahil sa pagkabigla ay naging atentibo ako at agad na tumayo para alamin kung bakit ako tinatapik ni Winston.
"Oh, Winston! Bakit?" tanong ko sa kanya. Nagtaka naman ako sa inasal nya dahil parang hindi ito makatingin saken. Nakatagilid ang katawan nito saken at ang ulo nya ay nakabaling sa gawing kaliwa. May hawak itong tuwalya at iniaabot saken ng kanang kamay nya.
"Para saan 'to?" Tanong ko at bigla na lamang umihip ang malamig na hangin. Anlamig ng hangin na para bang sumusuot hanggang sa loob ng underwear ko.
"Yung ano mo kasi, nakikita. Bilisan mo baka dumating na sila papa. Baka mamaya kung ano pang isipin ng mga yun na ginagawa mo." Sabi ni Winston at napatungo ako. 'Putek!!! Asan yung salawal ko!!!' sigaw ko sa isip ko. Agad kong hinablot yung tuwalyang iniaabot saken ni Winston at itinapis ko sa aking nagmumurang kaselanan.
"Teka! Kanina mo pa ba ako nakikitang ganito?" tanong ko na may halong pagkapahiya.
"Pagbaba ko kasi nakaganyan ka na eh. Pero hindi ko naman masyadong tinignan. Ano lang... Nakita ko lang sandali tapos itinakip ko 'tong tuwalya bago kita gisingin. Ganun lang." Hindi pa rin makatingin saken si Winston. At nang malaman nya nang nakatapis nako ay agad naman itong tumakbo sa itaas.
"Winston! Salamat ah." sabi ko bago pa sya tuluyang makapasok sa kanyang silid. Lumingon naman ito at tumango. Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa sobrang hiya. 'Tss! Anlibog ko kasi eh.'

Sumapit na ang gabi at nakauwi na sila mama. Malungkot nilang ibinalita samen na hindi pa rin matutuloy ang kasal. Napostpone ito at sa susunod na buwan na naman ang tuloy. Nadoble daw kasi ang reservation. Ililibre na daw sa kanila ang cake bilang pambawi sa aberyang nangyari sa kasal nila at siniguro naman daw ng coordinator na matutuloy na ang kasal nila sa susunod na buwan.
"Ayos lang yun honey, hindi naman tayo nagmamadali eh diba. Ayaw mo na ba akong maging boyfriend?" paglalambing ni tito.
"Sira ka talaga. Nadidiri na yung mga bata saten." sagot naman ni mama sabay nagtawanan kami.

Simula nung mangyari yung hapon na 'yon samen ni Winston ay medyo nagkakailangan na kami sa bahay. Hindi sya makatitig ng diretso saken at ganun din ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay may malaki akong kasalanan sa kanya na hindi ko mawari. Hiyang hiya pa rin ako sa nangyari at isinumpa ko nang titigilan ko na ang kalibugan ko lalong lalo na kay Winston na malapit ko nang maging kapatid.

Sunday, May 8, 2016

Red Paint 2




Red Paint
Rezso
Fiction

Chapter 2: "Old Friend"

Lumalamig na ang hangin. Ang paligid ng bahay ay parang buhay. Parang gumagalaw. Nilalamon na ako ng takot na nararamdaman ko lalo na nung marinig ko ang mga sigaw sa itaas. Naririnig ko na may dumadaing. May humihingi ng tulong at kung anu ano pang klase ng boses. Nanginginig na ang katawan ko sa labis na takot. Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa palabas ng bahay nang bigla ko na lamang narinig ang yabag ng mga paa na tila ba papalapit saken. Bigla na lamang akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. "Jusko po!" sambit ko sa aking sarili dahil tuluyan na nga akong binalot ng takot. Ramdam ko na may papalapit ng papalapit sa likuran ko. Hindi pa rin ako makagalaw. Palakas ng palakas ang tunog ng mga yabag. Pumipintig ang ilang ugat sa ulo ko at bigla na lamang itong parang binibiyak. Napakapit ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Para akong nabibingi sa mga naririnig ko at ang kaninay malamig na hangin ay bigla na lamang uminit. 'Ang ingay! Ang init! Ayoko na dito!' Hanggang sa ang pakiramdam ko sa ulo ko ay parang mababasag anumang oras. Mariin na ang pagkakakapit ko dito. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang isang kamay na kumapit sa balikat ko. "WAAAAAHHHHH! TULUNGAN NYO AKO!!!" buong lakas kong pagsigaw at hindi ko na kinaya ang takot na nararamdaman ko. Natumba ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Sobrang sakit ng ulo ko at naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa sahig. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naaninag kong nandirito pa rin ako sa abandonadong bahay. Bumangon ako at sumilip sa labas. May araw pa rin pero mukhang papalubog na. Papalabas na ako nang marinig kong may nagsalita.
"Bakit ka pumunta dito? Sabi ko sayo magkita tayo sa aplaya eh. Hindi na tuloy tayo nakapamangka. Nandito ka lang pala. Wag ka na ulit pupunta dito ah. Maraming demonyo dito. Tara na, umuwi na lang tayo. Bukas na lang ulit tayo mamangka. Malapit nang dumilim eh." sabi ni kuya. Pagkatapos ay lumapit sya saken at inakbayan ako. Lumabas na kami ng abandonadong bahay at lumakad na patungo samen.

Nang malapit na kami ni kuya sa bahay ay bigla itong nagpaalam saken.
"Ahy sandali lang, may nakalimutan ako doon sa aplaya. Sige na mauna ka nang pumasok. Maligo ka na ah, ang dungis mo na eh." sabi ni kuya at ako naman ay tumango lang.

Pumasok na ako sa bahay at nakita ako ni tito Ronald.
"Oh! Nak bakit ang dungis mo? Pumasok ka na at maligo. Panay uling ka oh." Sabi ni tito. Tinignan ko lamang sya at tumuloy na ako sa itaas para kumuha ng tuwalya. At nang makababa ako ay dumiretso na agad ako sa banyo para tuluyang maligo.

Bago ako maligo ay tinitigan ko muna ang aking sarili sa salamin. Nang humarap ako sa salamin ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko. Napaupo ako sa takot at napakapit sa ulo ko nang mahigpit. "Sino yun?" tanong ko sa sarili ko. "Sino ka? Ikaw ba yung demonyo? Tigilan mo ako! Hindi na ulit ako papasok doon."
Nakararamdam pa rin ako ng takot kaya naman minadali ko na ang paliligo. Halos sampung minuto lang ay tapos na akong maligo. Kaagad akong lumabas dahil iniiwasan kong tumingin sa salamin. Hindi na ako titingin sa salamin. Ayoko na baka makita ko ulit yung demonyo.

Nang makalabas ako ng banyo ay pumanhik ako agad sa itaas para makapagbihis. Iwas na iwas ako sa mga bagay na maaaring makitaan ng repleksyon. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba. Nakita ko sila mama, tito at Winston doon sa kusina at sabay sabay na nagsisikain. Agad naman nila akong niyayang kumain. Umupo na ako at sumandok ng kanin at ulam. Tahimik lamang ako at walang binabanggit sa kanila tungkol sa nangyare saken. Nagpatuloy lang ako sa pagkain na tila bang walang nangyaring kahit ano kanina.

Makikita mula sa pwesto ko ang sala. Habang patuloy ako sa pagsubo ng pagkain ay nakita ko si kuya na nakasenyas na huwag akong maingay. Hindi ako nagpahalata na may nakita ako. Ganyan talaga kami ni kuya noon pa man. Pinagtatakpan ko sya sa lahat ng bagay. Lalong lalo na kapag may nagawa syang kalokohan. Dahan dahan syang naglakad papunta sa hagdan. Tagumpay! Wala namang nakapansin sa kanya. Napangiti ako sa ginawa nya tsaka ako nagtuloy tuloy sa pagkain.
- - - - -
Nakaramdam ako ng pagkainip sa loob ng silid namen ni kuya. Nag-iisip ako nang mga maaari kong magawa kaya lang ay walang pumapasok sa utak ko. Medyo inaalala ko pa rin yung mga nangyare saken kagabi pero ok nako. Naisip kong ituloy na lang sana yung pagpipinta ko na ilang beses na ring naudlot. Pero parang hindi pa rin ako nahihimasmasan sa sakit ng ulo na naramdaman ko kahapon kaya naman ayoko munang pwersahin ang sarili ko ukol sa mga ganoong gawain. Kailangan kong maipahinga ang isip ko. Kaya nag-isip ako ng mga bagay na nakakakalma ng utak. Bigla ko tuloy naalala yung kubong nakatayo malapit sa bangin na makikita mula sa bintana ng kwartong ito. Dating tambayan namen ni kuya doon kasama ng mga kaibigan namen. Pero noong tumama ang isang malakas na bagyo ay pinagbawalan na kami ni papa na pumunta doon. Nabuwal kasi yung malaking puno na nasa tabi nung kubo kaya nag-aalala sila na baka may may nabitak na bahagi ang lugar na iyon. Delikado daw na baka gumuho iyon. Noong sabihin iyon ni papa ay natakot na kaming tumambay doon, kaya simula noon ay kinalimutan na namen ang pagpunta sa kubong iyon.

Sa tagal nang panahon na sumalanta ang malakas na bagyong iyon ay naisip ko na baka naging matibay na ulit ang bahaging iyon kaya pinuntahan ko. Nang nasa tapat na ako ng kubo ay bigla na lamang akong napangiti dahil bumalik sa aking ala ala ang mga kalokohan namen ni kuya sa loob ng kubong iyon. Doon ko kasi unang natutunan na magmariang palad. Doon ko rin unang natutunan na magpinta. Si kuya ang dahilan kung bakit ako pumasok sa fine arts. Lahat kasi ng bagay na meron si kuya ay iniidolo ko. Mas idol ko pa ang kuya ko kesa sa isang artista.

Maraming naging impluwensya saken si kuya. Kaya naman halos lahat ng nalalaman nya ay alam ko rin. Dahil dito ay mas lalo lang kaming nagmukhang kambal. Malaki kasi ang pagkakahawig namen at halos magkasing taas lang din kami. Kaya lahat ng makakakita samen ay iniisip na kambal kame. Ang totoo, hindi mo makikilala ang bawat isa samen kung hindi mo muna makikita ang ugali namen. Medyo pilyo si kuya at ako naman ay may pagka mahinhin. Naalala ko pa nga yung picture namen na pareho kami ng suot na damit habang sabay kaming nagpipinta. Nakatalikod kami sa camera kaya mas lalong mahirap kaming makilala.

Medyo napatagal ang pagtunganga ko sa kubo habang inaalala ko ang mga masayang kabataan namen ni kuya. Nang mapansin ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papasok sa kubo. Pakiramdam ko ay nagbalik muli ako sa aking kabataan. Tuloy tuloy akong naglakad ngunit napahinto ako nang sigawan ako ni kuya, na nasa malayong likuran ko na pala.
"Bunso! Nakalimutan mo na ba yung bilin ni papa tungkol sa lugar na 'yan? Antigas talaga ng ulo mo eh noh! Halika nga rito!" sigaw ni kuya.
"Gusto ko lang makita sandali yung loob kuya. Tara samahan mo ako, baka may mga laruan pa tayong naiwan dito." Paga-aya ko. Mabilis ko namang napilit si kuya. Sa itsura nya eh, mas mukha pa syang sabik kesa saken. Ngiting ngiti eh.

Nauna akong pumasok sa loob. Talagang napabayaan na rin pala ito. Halos lahat ng kahoy na ginamit dito ay nabulok na. Tapos yung poste naman nito na nasa gitna ay sira na rin dahil sa anay. Kaya naman mahina na ang pundasyon nito dahil tatlong kanto na lang ang may poste. Yung isang poste kasi na nasa likuran na nasa gawing kanan ay sira na, dahil yun yung parteng napuruhan nung mabuwal yung malaking puno sa tabi nito. Pero dahil na rin sa mga ugat ng puno na naglabasan doon ay hindi ito tuluyang bumagsak.
"Grabe pala ang nangyare dito noh. Muntikan na talagang mawasak. Nakakapanghinayang naman 'to." sabi ni kuya.
"Oo nga! Bwiset na bagyo na yun!" tugon ko naman.
"Masarap pala yung ganito noh? Yung aalalahanin mo yung mga masasayang araw na nagdaan. Ansarap balikan lalo na yung parteng mga bata pa tayo. Ngayon kasi andami nang nagbago. Nagbago na ang lahat. Ppp..ppati ako.. Kung may pagkakataon lang akong ibalik ang lahat. Sisiguruhin kong hindi mangyayari kung anuman ang mga nangyare." sabi ni kuya habang nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko. Makintab na ang mata nito dahil napupuno na ng luha ang mga mata nya.
"Nandito pa rin naman ako kuya eh. Tsaka para saken ikaw pa rin ang kuya ko. Hindi ka naman nagbago eh. Wala akong makitang pagbabago sayo, ikaw pa rin ang kuya kong nagtatanggol saken sa lahat ng oras." sabi ko. Patuloy pa rin si kuya sa pagtitig saken hanggang sa tuluyan na ngang pumatak ang luhang naipon sa mga mata nya.
"Kung alam mo lang... sana alam mo.." sabi ni kuya.
"Ang alin?.. bakit hindi mo ipaalam saken." tanong ko.
"Ayoko na kasing masaktan ka pa Collin. Hindi na kasi kakayanin ng loob ko. Kaya mas mabuti nang ganito tayo. Ang pangako ko sayo, basta manatili ka lang buhay... asahan mong narito ako't handa kitang ipagtanggol sa sinumang may balak na saktan ka... nandito lang ako... palagi..." sabi ni kuya. Medyo nagtataka ako sa biglaang pagbabago ng mood nya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ayoko nang dagdagan pa ang kalungkutan sa pagitan naming dalawa. Niyakap ko na lamang sya at tsaka ko sya inaya sa labas.

Bago kami makalabas nang kubo ay may nakita akong isang keychain. Isa itong maliit na rubics cube na nagsisilbing palawit ng keychain. Kupas na ang kulay nito at medyo nadeform na rin. Hindi ko alam kung kanino ito pero nang makita ko ito ay para bang ayoko syang iwan na lang basta doon. Kaya naman pinulot ko ito at tsaka ko binitbit palabas.
"Kanino kaya ito kuya? May natatandaan ka ba na meron saten nito? Sa mga kaibigan kaya naten?" tanong ko. Tinignan ni kuya ang keychain na hawak ko at bigla na lamang syang ngumiti.
"Itago mo yan. Sigurado akong isa yan sa mga magpapasaya sayo." sabi ni kuya.
Medyo naaning na ako sa pagiging wirdo ni kuya kaya naman sinunod ko na lang sya at hindi na ako nagtanong pa. Ibinulsa ko yung keychain kahit na medyo marumi tsaka kami tuluyang lumabas ng kubo.
- - - - -
Matagal akong nawala sa lugar na ito kaya naman pakiramdam ko ay para akong bagong salta. Marami akong nakikitang bagong mukha at ang iba naman ay hindi ko matandaan kung naging kababata ko ba o ano, dahil pamilyar naman ang mukha. Hindi ako matandain ng pangalan kaya pag may nakita akong pamilyar na mukha ay hindi ko matawag. Lalong lalo na syempre yung mga hindi ko naging ka-close. Pero may isa akong natandaang kaibigan. Si Wilbert.

Noong mga bata pa kami ay hindi naman sya ganito kagwapo. Madalas kasing gusgusin kaya naman hindi mo mahahalata na gwapo sya. Ngayong natuto na syang mag-ayos ay para bang isa syang model, makikita mo na iyon sa tindig pa lang nya. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata, kayumanggi ang kulay matipuno ang pangangatawan at lalakeng lalake ang tindig.

Nagkita kami nang minsang batiin nya ako. Isinama ako nun ni mama sa palengke, para tagabuhat ng bibilhin nya nag-uumpisa na kasi syang maghanda para sa nalalapit na kasal nila ni tito. Tatlong linggo matapos akong makabalik sa lugar na ito. Medyo nahirapan pa nga akong alalahanin ang pangalan nya eh. Buti na lamang at binanggit ni mama yung pangalan nya kaya naman nabati ko rin sya kaagad. Ngumiti sya saken nun at kinumusta ako. Iniwan naman kami ni mama para daw may makakwentuhan naman daw ako sa lugar namen. Babalikan na lang daw nya kami pag tapos na syang mamili. Kumustahan, kwentuhan  ng kung ano ano, lalo na ng mga kalokohan namen nung bata pa kami. Natutuwa nga ako sa kanya eh. Hindi ko alam kung nalilito ba sya samen ni kuya dahil magkamukha kami o talagang sinasadya nya. Madalas nya kasi akong tawagin sa pangalan ni kuya eh.
"Hindi nga ako si Connor, si Collin ako." pagtatama ko sa kanya.
"Ah oo nga pala, Collin. Sorry." Sabi nya sabay maya maya eh ganun na naman kaya naman pinapabayaan ko na lang.

Malaki na nga ang pinagbago ni Wilbert simula nung mawala ako sa lugar na ito. Isa na syang pulis ngayon, baguhan pa lang sya pero marami na syang naipagmayabang na kung ano ano inkwentro tungkol sa mga kriminal. Nakakatuwa kasi, sino ba naman ang mag-aakalang ang gusgusing batang ito ay magiging pulis.

Matapos ang kwentuhan naming iyon ni Wilbert ay naging madalas na ang pagpunta nya sa bahay. Palagi nya akong niyayaya sa mga naging tambayan namen nung mga bata pa kami. Kahit na malaki ang pagbabagong naganap sa kanya ay makikita mo pa rin na hanggang ngayon ay may pagka-isip bata pa rin sya. Matibay ang kapit nya sa masasayang ala ala namen nung kabataan namen. Lalo na nung high school kami. Medyo nanghinayang nga ako nung mapagtanto ko na sya ay may narating na samantalang ako ay hindi pa rin tapos ng college at sa susunod na taon pa ako magpapatuloy. Nahinto kasi ang pag-aaral ko dahil sa isang dahilang hindi naman ganoong kalinaw sa isip ko. Nakaramdam ako ng inggit sa kanya. Marami akong sinayang na pagkakataon sa buhay ko. Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay bihasa na ako noon pa sa larangang napili kong pasukan. Alam ko na noon pa na magaling ako magpinta. Pero syempre mas magaling pa rin ang kuya ko kesa saken. Sya naman kasi ang idol ko eh.

Minsan ay naitanong ko kay Wilbert kung meron na ba syang girlfriend na maaari nyang ipakilala saken. Syempre bilang isang malapit na kaibigan eh natural lang na hanapin ko iyon. Tumatanda na kami, kaya dapat ay may naghahanda na kami para sa hinaharap. Kaya naman dapat lang na napag-uusapan ang mga makakasama namen sa buhay.
"May girlfriend ka ba? Ipakilala mo naman saken." sabi ko. Tuitig sya nang diretso sa mga mata ko at sinabing.
"Wala akong girlfriend. Ang totoo nyan, baka hindi na rin ako mag-asawa. May hinihintay kasi ako eh, mukhang hindi na sya darating kaya naisip ko na lang na mag-isa ako."
"Sino naman yang maswerteng yan at naging ganyan ang epekto sayo?" tanong ko. Ngumiti lang sya saken at tinapik ang balikat ko.
Gusto ko sanang malaman kung sino yung sinasabi nya. Pero sa nakikita ko sa kanya ay parang ayaw nya namang pag-usapan kaya hindi na ako namilit pa. 'Sayang, gwapo pa naman tapos walang partner?! Sayang talaga.'sabi ko sa isip ko. Matapos kong magtanong sa kanya ay bigla na lang syang nanahimik. Nag-iisip ako ng mga bagay na maaari naming mapag-usapan ang kaso lang parang naubusan na ako ng kwento kaya naman tinanong ko na lang sya ulit ng ibang bagay.
"Bakit mo naisipang magpulis? Tanda ko pa dati, ang sabi mo architecture ang gusto mong kunin. Bakit biglang nagbago ang isip mo?" tanong ko. Napakunot ang noo nya habang nag-iisip ng isasagot saken.
"Hanggang ngayon naman, gusto ko pa ring mag-Architect eh. Pero kailangan ko munang magpulis. May kaso kasi akong gustong lutasin, kaya nagpulis ako para meron akong kapit sa batas. Tayo na uwi na tayo, gumagabi na eh." Paga-aya nito saken at hindi naman na ako tumanggi pa dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

Ilang araw na din ang nagdaan at madalas na ganun ang set-up namen ni Wilbert. Ayos naman saken dahil boring naman kasi dito samen. Hindi ko madalas makausap si Winston dahil busy ito sa paga-aral, matagal din kasi itong nahinto dahil sa kakapusan ng pangtustos. Kaya nung makapag-aral na ulit ay talaga namang tutok na tutok. Bihirang bihira ko syang makitang nanonood ng tv. Madalas ay puro paga-aral talaga. Kaya si Wilbert na lang ang palagi kong nakakausap. Tuwing uuwi ito galing sa presinto o di naman kaya eh kapag wala itong pasok ay dito sya sa bahay tumatabay. Nakakatuwa kasi hindi sya nauubusan ng oras sa pakikipagkwentuhan saken.

Niyaya ako ni Wilbert sa kanila. Birthday nya daw kasi. Ilang malalapit na kaibigan lang naman daw ang ininvite nya at halos lahat daw ay kababata namen kaya naman pumayag ako kaagad. Para naman makita ko na yung iba pa naming kababata at makita ko kung ano nang mga pinagbago nila. Medyo excited ako kasi, nakita ko ang malaking pagbabago ni Wilbert. Paano kaya doon sa iba? Anong klaseng pagbabago kaya ang naganap sa kanila?

Ngayon ang araw ng kaarawan ni Wilbert. Inayos kong mabuti ang itsura ko. Dahil ayaw ko namang magpahuli sa kanila. Niyaya ko si kuya na sumama saken pero tumanggi sya. Hindi naman daw kasi sya mahilig sa mga party party. Mas gusto nya pang matulog kesa sa makipag-inuman sa mga sunog baga. Kaya naman hindi ko na sya pinilit pa. Baka maburyong pa saken. Pagbaba ko ay nakita ko si mama na kausap si Wilbert. Narinig ko ang huling sinabi ni mama na "Baka kung anong mangyare ah."
Hindi na ako nag-usisa pa kung ano bang pinag-uusapan nila. Nung makita ako ni Wilbert ay agad naman ako nitong tinawag at inaya nang umalis.

May dalang motor si Wilbert at doon kami sumakay papunta sa kanila. Kaya mabilis lang kaming nakarating sa kanila. Nakita ko ang ilang pamilyar na mukha. Tama nga ang sinabi nyang konti lang ang ininvite nya. Dahil konti talaga, pero hindi nya naman sinabi saken na apat lang pala kaming magi-inuman.

Agad akong binati ng dalawa pa naming kasama. Pamilyar nga pero katulad ng nangyare kay Wilbert ay hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Kaya naman agad nitong ipinakilala saken ang makakasama namen.

"Ahm, Collin ito nga pala si Jeremy at Marvin. Natatandaan mo pa? Tayo yung magkakasama na naliligo sa aplaya nang nakahubo? Hahahahaha." Sabi nito at kahit papaano naman ay naalala ko yung kalokohan naming iyon.
Si Jeremy ay medyo may katabaan. Maputi ito at singkit, ang cute nya tignan kasi mukha syang oso na super cute. Makikita mo naman kaagad kay Marvin ang makapal nyang kilay bilugan ang mata. Hindi katangusan ang ilong nya pero hindi naman nya iyon ikinapanget. Hindi sya katangkaran pero macho type sya. Mas maputi sya kesa saken.
Sa abot ng natatandaan ko eh lima kami noon. Bakit apat na lang kami ngayon?
"Lima tayo noon diba? Sino na nga yung isa?" tanong ko.
"Huh! Apat lang talaga tayo. Hahaha ulyanin ka na talaga." Sabi ni Wilbert at yung dalawa naman ay napatingin sa kanya. Nginitian nya naman itong pareho tsaka kami nag-umpisa sa inuman.

Marami silang ipinaalala saken noong mga bata pa kami. Hindi ko nga alam kung bakit yung iba ay parang nabura na sa isipan ko. Pero karamihan naman ay natatandaan ko naman. Tawa lang kami ng tawa sa mga ala ala namen nung kabataan namen. Hindi nga namen halos nahalata na ilang bote na rin pala yung nauubos namen. Pero hanggang ngayon ay parang wala pang may tama samen. Hanggang sa bigla na lamang magtanong si Wilbert ng isang seryosong tanong na hindi ko naman alam kung papano ko sasagutin.
"Saan ka ba talaga nanggaling? Bakit antagal mong nawala?" tanong nito saken.
"Nagbakasyon lang." sagot ko naman sa kanya.
"Ano ba talagang nangyare noon? Syempre bilang mga malalapit mong kaibigan eh siguro naman kahit papaano eh, bibigyan mo kami kahit konting impormasyon tungkol sa mga nangyare noon." si Wilbert. Hindi ko makuha kung ano ba yung itinatanong nya saken.
"Ah, eh, wala naman kasi akong masasabi. Katulad nga ng sinabi mo eh ulyanin na ako kaya parang nakalimutan ko na. hahahahaha.." sabi ko sabay tawa. Tumawa din yung dalawa pa naming kasama pero si Wilbert ay nanatiling seryoso. Doon na ako nagkaroon ng kutob na talagang seryoso yung bagay na itinatanong nya saken. Pero wala talaga akong ideya kung ano man yun.

Lumalalim na ang gabi at parang tinatamaan na rin ako ng alak. Yung isa naman sa mga kasama namen na si Marvin ay nagpaalam nang umuwi. Hindi na namen sya inihatid dahil malapit lang naman ang bahay nya. Tatlo na lamang kami at nagpatuloy kami sa kwentuhan. Okey na si Wilbert at nakikisama na ulit sa tawanan. Maya maya pa ay nakita ko ang pagtitig nya saken. Kahit na may tama na ako eh ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkailang sa titig nyang iyon. Nang muli akong sumulyap sa kanya para tignan kung nakatitig pa rin ba sya ay para naman akong namula. Diretso ang nakakaakit na titig nito saken habang nakangiti. Malam lam ang mga mata nya na parang tumutunaw sa lakas ko. Nakakapanghina. Para naman maibaling ko kung saan ang atensyon ko ay bigla ko na lamang dinampot ang isang bote sa harap ko at nilagok ang laman nito hanggang sa maubos.
"Oh, dahan dahan lang baka malasing ka nyan kaagad." sabi ni Jeremy.
Nang muli akong tumingin kay Wilbert ay nakita kong tumutungga rin ito. Buti na lamang at naagapan ko, medyo malakas kasi ang libido ko kapag ganitong tinatamaan ako ng alak. Titig pa lang eh, nalilibugan na ako.

Nagpatuloy lang kami sa inuman at kwentuhan. Ganun din si Wilbert, patuloy lang din sa mga malalagkit na tingin saken. Maya maya pa'y nakaramdam ito ng init at bigla na lamang naghubad ng suot nyang t-shirt. Nanumbalik ang pagkailang ko sa kanya. Uminit ang pakiramdam ko nang makita ko ang matipuno nyang dibdib, ang brown nyang utong, ang tiyan nyang may abs. Nangingintab ang katawan nya sa pawis. Kita ko rin ang maninipis na buhok nito na dumadaloy pababa sa pusod hanggang sa loob ng suot nyang kulay pulang basketball shorts. Halos nakayuko na lang ako para maiwasang makita ang katawan nya. Napasulyap ako kay Jeremy, mukha syang walang pakealam sa nangyayare sa paligid at patuloy lang ang pagpapak nito sa pulutan sabay kalikot sa kanyang cellphone.

Dinampot ko ulit ang boteng nasa harap ko. Ngunit ng lagukin ko ito ay wala na palang laman. Humanap pa ako ng boteng may laman. Maya maya pa ay nakita kong binubuksan ni Wilbert ang isa pang bote. Nang mabuksan nya ito ay agad nya itong iniabot saken. Nang abutin ko iyon ay para bang sinadya nyang haplusin ang kamay ko. Ewan, hindi ko alam baka naman malisyoso lang ako. Pero anlaki ng naging epekto nun sa pang-iinit ko. Mas lalong tumaas ang libido ko sa katawan. Para maiwaksi sa isipan ko ang tawag ng laman ay agad kong nilagok ang bote. Dahil bagong bukas lang ito ay hindi ko ito kinayang ubusin. Kalahati lang ang nainom ko tsaka ko ito inilapag sa lamesita. Pagkatapos ay humawak ako sa tuhod ko na nag-uumpisa nang gawin ang mannerism nito. Ang mag-untugan sa tuwing ako'y makakaramdam ng libog. Tumingin ako kay Jeremy at Wilbert at nginitian ko silang pareho. Tumango lang si Jeremy at nagthumbs up ito. Si Wilbert naman ay lalong lumalala ang pagtitig saken. Kinindatan ako nito sabay ngumiti. Parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung wala lang si Jeremy sa harap namen ay baka kanina ko pa ito sinunggaban.

Halos nauubos na namen ang isang kahon ng beer. Wala na halos nag-uusap samen. Si Jeremy ay pumipwesto na ng maganda sa bangko nyang may sandalan at mukhang handa na itong matulog. Hanggang sa tuluyan na nga itong pumikit. Si Wilbert, ganoon pa din. Pakindat kindat at maya maya pa ay bigla na lamang itong tumayo. Pagkatayo nya ay lumiyad sya at naginat, nasulyapan ko ang bukol na nasa kanyang basketball shorts. Mukhang malaki ang nasa loob nun na lalo ko namang ikinalibog. Tumingin ako sa mukha nya at kinindatan ako nito. Hanggang sa makita kong hinawakan nyang mahigpit ang bukol nya sa shorts na para bang sandali nya itong jinakol. Sinundan ko ang pag angat ng kanyang kamay na papunta sa bibig nya. Nakahugis bilog ang kamay nito at itinutok sa kanyang bibig. Naghugis bilog din ang kanyang bibig at umakto ito na may isinusubo. Naghanap ako ng yosi at nang makakita ako ay agad kong sinindihan ito. Pampabawas ng libog. Kanina pa ako nagpipigil at dahil sa ginawa nya ay mukhang hindi ko na kaya pang magpigil. Umalis saglit si Wilbert sinundan ko naman ito ng tingin.

Nag-umpisa nang maghilik si Jeremy. Si Wilbert naman ay ilang minuto nang hindi bumabalik kaya naman sinundan ko na ito. Nakita ko syang pumunta sa likod bahay kaya doon ako tumungo. Pero nang makarating ako doon ay wala akong nakita.
"Bwisit. Tinulugan na rin yata ako. Kakainis." sabi ko sa sarili ko. Maya maya pa ay may naramdaman akong mainit na hangin sa batok ko.
"Hinahanap mo ba ako?" sabi ng mahinang boses sa likod ko. Mula sa batok ko ay parang may kuryenteng dumaloy hanggang sa alaga ko na sya namang ikinabuhay nito. Naramdaman ko ang matigas na bagay na dumidiin sa aking pwetan.

   


Wednesday, April 27, 2016

Red Paint




Red Paint
Rezso
Fiction

Chapter 1: "Flipped"

Kasalukuyan akong naghahanda para sa aking pag-alis mula dito sa aking dating tahanan. Inaayos ko ang ilang gamit na aking dadalhin. Hindi ko naman balak na bitbitin lahat pero, yung mga mahahalaga lang saken ang kukunin ko kagaya nang ilang gamit na nauukol sa sining katulad ng mga paint tube, ilang set ng paint brush at mga blankong canvas. Dadalhin ko rin yung ilan sa mga damit ko at kaunting memorabilia. Kailangan ko nang maisaayos lahat ng ito bago pa man dumating si mama. Ilang sandali na lang ay darating na iyon upang sunduin ako. Medyo nalulungkot ako pero ito naman kasi ang dapat kong gawin. Wala na akong kailangan pa sa lugar na 'to kaya kailangan ko nang bumalik sa poder ni mama. Ang nakakalungkot lang naman ay yung ideyang iiwan ko na ang tahanang ito na naging kanlungan sa loob ng mahabang panahon.

Sa matagal kong pamamalagi sa lugar na ito ay marami na akong nakalimutan. Napawi na nito ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan. Muli akong magbabalik sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Pero hindi katulad ng dati na hindi ko kaya, ngayon ay babalik ako upang harapin na ang katotohanan. Wala na akong magagawa pa sa mga nangyare. Ang dapat ko na lamang gawin ay tanggapin na natapos na ang lahat. Magpapatuloy na lamang ako sa buhay na dala ang bagong pag-asa. Salamat sa lugar na ito na itinuring kong tahanan sa loob ng limang taon.

Kaunti na lamang at matatapos na ako sa pagsasaayos ng mga gamit na dadalhin ko. Maging ang sarili ko ay inihanda ko na rin. Matagal kaming hindi nagkita ni mama, kaya naman sa muli naming pagkikita ay gusto kong abutan nya ako na maayos at masaya. Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga nasayang na panahon. Sya at si kuya na lang rin kasi ang natitira saken. Si papa kasi ay matagal na ring namayapa, gayun din ang nag-iisang taong minahal ko. Si Godfrey.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng aking silid.
"Nandyan na ang mama mo." nakangiting banggit ni Anne, isang magandang babae na matagal ko ding naging kaibigan.
"Sige susunod na ako. Konti na lang 'tong aayusin ko." Napatingin ako kay Anne na may halong kalungkutan. Para bang gusto ko maiyak dahil sa tagal ng pinagsamahan namen ay iiwan ko na sya. Pero ito talaga ang nararapat kong gawin kaya naman tumayo na lamang ako at yumakap sa kanya. "Salamat sa lahat." bulong ko sa kanya.
"Kalimutan mo na ang lahat ah. Hayaan mo kahit anong mangyare, magkaibigan pa rin tayo. Basta ang mabuti mong gawin eh pilitin mong harapin ang buhay ng normal. Iwasan mong maging malungkot, dapat palagi kang masaya. Hangad ko lahat ng mabuti para sayo Collin." Ngumiti sya saken sabay yakap ulit ng mahigpit.
"Oh pano, tatapusin ko na 'to. Paki-asikaso mo muna si mama sa labas, tapos susunod na ako pagkatapos nito." Agad syang lumabas ng aking silid at pinuntahan si mama. Malaki ang naitulong ng pamamaalam namen sa isa't isa dahil kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Tama. Haharapin ko ang buhay ng normal kagaya ng dati. Hindi na ako magpapatalo sa puso ko para hindi na maulit ang mga nagdaang pangyayari.

Nang matapos akong mag-ayos ng mga gamit ay agad akong lumabas bitbit ang ilang bag na pinaglagyan ko ng aking mga dadalhin.
"Ma!" sigaw ko nang makababa ako sa hagdan at nakita ko si mama na nakangiti. Sa tagal naming hindi nagkita ay nanibago ako sa kanyang mukha. Tumanda na si mama at makikita na rin na nag-uumpisa nang mamuti ang kanyang buhok. Pero maganda pa rin ang mama ko katulad ng dati. Magaling pa rin syang mag-ayos at magdala ng damit.

Grabe ang pananabik ko sa kanya kaya naman agad akong napatakbo sa kanya para yakapin sya. Para akong bata na halos maiyak na dahil miss na miss ko na sya.
"Naku ang baby boy ko mukha nang mama'." sabi nya at yumakap din sya ng mahigpit saken.
"Tayo na, umuwi na tayo." paga-aya nito. "Maraming salamat sayo ah." sabi ni mama sabay baling ng tingin kay Anne.
"Walang anuman po. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi." sagot naman ni Anne kay mama.

Lumabas na kami ni mama matapos nyang magpasalamat kay Anne. Nagpaalam na rin ako sa kanya maging sa ilang taong naroroon.

Nauna akong pumasok ng kotse. Nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahang may kasama pala si mama. Napatitig ako doon sa lalake. Bakas sa aking mukha ang pagkagulat. Napatingin din saken yung lalake sa pamamagitan ng salaming nasa harapan nya. Maya maya pa ay pumasok na din si mama. Nandoon sya sa tabi ng driver's seat. Nakita nya ang pagkagulat ko kaya naman agad itong nagsalita saken.
"Sya si tito Ronald mo. Siguro mas maganda kung pag-aaralan mo nang tawagin syang papa kasi ikakasal na kami sa susunod na buwan. Matagal ka na nyang kilala, dahil madalas naman kitang maikwento sa kanya." sabi ni mama. Ngumiti na lamang ako at narinig ko ang malalim na boses ni tito Ronald.
"Masaya akong makita ka Collin. Sana mula sa araw na ito ay ituring mo na rin ako, bilang iyong ama. At sana magkasundo rin tayo." Nakangiting banggit nito.

Sa tancha ko ay nasa edad 50 pataas na itong si tito Ronald. Makikita na ang ilang kulubot sa mukha nya. Bagay naman ito sa edad ng aking ina na nasa ganoong gulang na din. Kulay abo na rin ang buhok nito, isa sa mga indikasyon na may edad na sya. Pero makikita mong gwapo sya noong kabataan nya dahil matangos ang ilong at maganda ang mga mata nya na may makapal na kilay

Ngumiti ako kay tito Ronald. Wala namang problema saken kung magkakaroon man ako ng bagong ama. Ang mahalaga, nakahanap ulit si mama ng lalakeng makakapagpasaya sa kanya. Ang kaso lang bigla akong nalungkot nung maalala ko na hindi ako nakarating sa libing ni papa. Parang nagi-guilty ako dahil hindi ko man lang sya nasamahan sa paghahatid sa huling hantungan nya.

"Wala naman pong problema saken. Sa tingin ko naman po magkakasundo tayo dahil, medyo matagal na din po akong naghahanap ng tatay. Medyo nalulungkot lang po ako kasi hindi po ako nakapunta nung ilibing yung tatay ko." sabi ko
"Oh, anak wag ka nang malungkot dyan. Heto't may bago ka nang papa, hayaan mo at sigurado namang hindi nagtatampo yung tunay mong papa kahit hindi ka nakarating. Ang mahalaga ay magpatuloy na lang at maging masaya na tayong mga naiwan nya dito. Isa pa, nandito na rin si tito Ronald mo kaya kumpleto na tayo bilang isang pamilya." Sabi ni mama at ako naman ay ngumiti upang magpakita ng pagsang-ayon sa sinabi nya.

Pinaandar na ni tito Ronald ang sasakyan at minaneobra nya na ito upang maitutok sa daan namen palabas. Si Anne na rin ang nagbukas ng gate para samen. At nang tumapat na kami sa kanya ay kumaway ito at ganoon din kami ni mama sa kaniya. Nang makalayo kami ng ilang metro ay muli akong sumulyap sa likuran. Unti unti kong nakikita ang paglayo namen. Paliit ng paliit ang imahe ng aking lumang tahanan.
"Maraming salamat. Paalam na." huli kong banggit hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa paningin ko ang buong lugar na iyon.

Medyo naging matag-tag ang aming byahe pauwi. Malubak kasi ang ilang mga nadaanan naming kalye. Medyo nakakatakot pa dahil matatarik na bangin ang nasa paligid namen. Kung magkamali ng pagmamaneho itong si tito Ronald eh siguradong katapusan na ng maliligayang araw namen. Salamat na lang at magaling palang magmaneho ang lalakeng ito. Pinagmasdan ko ang magagandang tanawin na aming nadaraanan. Nakakagaan ng kalooban ang aking mga nakikita. Pero maya maya pa ay parang napapagod na ang aking mata sa kakatitig sa mga iyon. Ibinaling ko ang aking paningin kay mama at nakita kong tulog ito. Sumulyap naman saken si tito Ronald at ngumiti ito. Gumanti ako ng ngiti at maya maya pa ay hindi ko na namalayan ang pagpikit ng aking mga mata.

"Collin anak. Nandito na tayo." sabi ni mama. Hindi ko alam kung ilang oras kami bumyahe dahil nakatulog pala ako. Parang ambilis lang pero napansin ko na napakahaba ng aming naging byahe dahil halos maga-gabi na kami dumating samantalang maagang maaga pa kami umalis mula doon.

Nakaparada na ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Ang pakiramdam ko dito at maging ang paligid ay hindi nagbago. Hindi ko na halos makita ang kabuuan ng lugar dahil dumidilim na. Pero tandang tanda ko pa ang bawat detalye ng paligid.

Nakatayo ang simentado naming bahay sa isang lugar dito sa El Nido, Palawan. Malalayo ang agwat ng bawat kabahayan dito. Halos may isang minuto rin bago mo marating ang susunod na bahay. Sa harap nito ay makikita mo ang isang malawak na kakahuyan. Maraming puno dahil ipinagbabawal ang pagputol ng anumang uri ng puno dito. Sa paligid ng bakuran namen ay makakakita ka ng maraming uri ng halaman. "yan ang libangan dati ni mama at papa. Negosyo din kasi namen dati ang magbenta ng mga landscape supplies. Ewan ko lang kung ganun pa rin ngayon. Limang taon din kasi akong walang balita sa kanila eh. Sa likod bahay namen ay makikita mo ang isang kubo na may ilang metro ang agwat mula sa isang bangin at pagkatapos nun ay makikita mo ang isang malawak na asul na karagatan. Probinsyang probinsya ang dating. Ito ang lugar na humubog ng pagkatao ko.

Si tito Ronald na ang nagbaba ng ilan kong gamit. Ngunit nang makita ko ang isang blangkong canvas na bit bit nya ay agad ko itong hinablot mula sa kanya. Ikinagulat naman ni tito ang ang biglaan kong pagkuha noon. Kaya naman agad akong humingi ng pasensya.

"Pasensya na po papa, mahalaga lang talaga saken 'to. Pasensya na po talaga kayo." para akong batang humingi ng pasensya sa kanya. Ngunit nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang mukha.
"Ayos lang iyon anak. Pasensya na rin dahil hindi ko alam, hayaan mo at hindi na mauulit. Tayo na't pumasok." nakita ko rin ang pag-ngiti ni mama. Bigla ko na lang naalala na natawag ko nga pala syang papa. 'Yun marahil ang pinanggalingan ng galak nila. Inakbayan ako ni tito Ronald at inakay na papasok. Matinding pagka-ilang ang naramdaman ko pero hindi na ako umalma dahil ayaw ko namang masira ang mood nila. Pinabayaan ko na lang, sabagay umpisa na siguro ito ng pagkakasundo namen. Mabuti kung ganun, at least hindi ako mahihirapang makapalagayan sya ng loob dahil mukha naman syang mabait.

Sa totoo lang ay inaasahan kong sasalubungin ako ni kuya. Sabik na sabik pa naman akong makita sya ang kaso lang wala sya. Para tuloy akong nagtatampo. Nang makapasok na kami ng bahay ay agad akong luminga linga para hanapin sya. At nang hindi ko sya makita ay magtatanong sana ako kay mama kung nasaan sya pero hindi ko na nagawa. Isang lalake ang nakita kong nakatayo sa harapan namen at tila ba naghihintay sa aming pagdating. Maganda ang tindig nito na may sakto lang ang pangangatawan. Hindi malaki at hindi rin naman sya payat. Maputi ang kaniyang balat. May kakapalan ang kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Pero ang pumukaw ng pansin ko ay ang kulay brown nyang mata na may mahaba at maiitim na pilikmata. Nakakadala ang titig nya, parang isang uri ng hipnotismo na hindi ko maiwasan. Maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang diretso at one sided na buhok. Sa kabuuan ay mukha syang matalino na mukha ring pilyo.

Gusto kong magtanong kung sino sya pero nahihiya ako kaya naman mas minabuti ko na lamang na manahimik at hinayaan ko na lamang na ang mga kilos ko ang syang magpahiwatig ng mga bagay na nais kong malaman.
"Anak, sya nga pala si Winston. Nag-iisang anak sya ni tito Ronald mo. Sana magkasundo kayo, mabait din naman yan katulad ng tito mo eh." sabi ni mama. Ngumiti itong si Winston saken at binati ako.
"Hello, kumusta ka Collin." sabi nito saken sabay nginitian ko rin ito.
"Bakit hindi kayo umupo para makapagkwentuhan kayo, maghahanda lang ako ng makakain." sabi ni mama.
"Halika Collin umupo tayo." aya ni Winston. Pinagbigyan ko sya kaagad ngunit ng makaupo na kami ay halos wala namang nagsasalita samen. Siguro ay pareho lang kaming nahihiya sa isa't isa dahil bago pa lang naman din kaming magkakilala.

Pumunta si mama sa kusina para makapaghanda ng makakain. Si tito naman ay lumabas upang iayos ang pagkaparada ng sasakyan. Nakaupo pa rin kaming dalawa ni Winston, nakaharap sya sa kanyang mga mga libro at ako naman ay pabaling baling pa rin ng tingin sa buong kabahayan. Hinahanap ko pa rin si kuya.

May narinig akong paglagitik ng pintuan sa taas. Nang tignan ko ito ay nakita kong nakaawang na ang pintuan ng silid ni kuya. Napangiti ako nung nakita ko si kuya na nakasilip mula roon. Hindi ako nagpahalatang nakita ko sya. Siguro balak nya akong sorpresahin kaya nagtatago sya. Hindi pa rin sya nagbabago. Kagaya pa rin sya ng dati na mahilig manggulat. Pero sa pagkakataong ito ay hindi sya magtatagumpay. Naisip ko na ako naman ang manggugulat ngayon kaya humanda sya.
"Ahm, Winston maiwan muna kita dyan ah. Aakyat lang ako." sabi ko kay Winston at ngumiti naman ito bilang pagsang-ayon.

Naglakad ako ng palihim. Maingat akong umakyat para hindi nya ako marinig. At nang makaakyat na ako ay bigla kong binuksan ang pinto.
"Bulaga!!!" sigaw ko sabay sinenyasan nya ako na tumahimik daw ako. Agad naman akong napatahimik at nagtaka. Tinanong ko sya kung bakit.
"Basta, tahimik ka lang." sabi nya saken. Tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong pa ulit kung bakit.
Patuloy lamang syang sumilip sa pinto. Nang makita ko si titong pumasok sa loob ng bahay ay marahan nya nang isinara ang pinto at inaya akong umupo sa kama. Nang makaupo na kami sa kama ay bigla na lamang ako nitong niyakap. Mahigpit na mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang pagkamiss nya saken. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya at hinigpitan ko din. Maya maya pa ay, pareho na kaming nagrereklamo na hindi na makahinga. Nang lumuwag na ang pagkakayakap namen sa isa't isa ay tsaka naman kami tumawa.
"Namiss kita bunso ah. Kumusta ka na?" tanong nya.
"Hays. Eto ayos naman, medyo nagi-guilty kasi hindi ako nakapunta nung libing ni papa. Kaw kumusta ka na?" balik tanong ko sa kanya.
"Ayos rin naman. Nakapagmove-on na rin. Hayaan na siguro naten yun, ang mahalaga magkasama pa rin tayong magkapatid." Ngumiti sya at muli akong niyakap.
"Oo nga.. At tsaka nandyan na rin si tito Ronald at Winston. Ang mga bagong miyembro ng pamilya naten." Sabi ko sabay bigla syang kumalas sa pagkakayakap saken at nawala ang ngiti sa mukha nya.
"Oh bakit bigla kang sumimangot dyan? May problema ka ba kila tito?" Tanong ko kay kuya.
"Ayaw ko sa kanya. Pakiramdam ko masama syang tao. Pakiramdam ko pineperahan nya lang si mama. Kinukuha nya yung mga naiwan saten ni papa. Kaya wag kang magtaka kung isang araw eh pulutin na lang tayo sa kalye. Si mama naman kasi ayaw makinig saken. Parang hindi nya ako naririnig, kaya simula nun. Pinabayaan ko na sila, lagi na lang ako nagtatago. Pero sa oras na may gawing masama yan kay mama, papatayin ko yan. Wag ka magtitiwala sa kanya." sabi ni kuya.
Medyo naga-alala ako kay kuya. Hindi naman sya ganito dati. Napakabait nya para maisip ang ganitong bagay. Pero ano nga ba naman ang alam ko. Baka nga mamaya pakitang tao lang yung ginagawang kabutihan saken ni tito. Pwes, hindi ako tanga para magpauto.

"Kakain na tayo!" Narinig kong sigaw ni mama sa baba.
"Tara na kain na tayo." Paga-aya ko kay kuya.
"Ayoko kumain. Sige na bumaba ka na dun baka nagugutom ka na." sagot nya saken.
"Eh ikaw pano ka?" tanong ko ulit.
"Ayos lang ako. Kakain din ako mamaya. Ayoko lang kasabay sa pagkain yang halimaw na yan." Si tito ang tinutukoy nya.
"Okey, sabay na lang tayo mamaya." Sabi ko.
"Hindi na, bumaba ka na at baka nagugutom ka na. Sundin mo na lang ako, wag kang pasaway. Malayo ang pinanggalingan nyo kaya alam kong gutom ka na." sabi nya.
Medyo nalungkot ako, pero naririnig ko na nga ang pagkalam ng sikmura ko kaya naman sinunod ko na lang sya.
"Akyat ka kaagad pagkatapos mo ah. Marami tayong pagkukwentuhan." sabi nya saken. At tuluyan na nga akong bumaba para kumain.

Nang matapos kami kumain ay pumunta ako ng sala. Doon ko lang napansin na naroroon pa rin ang mga gamit ko at hindi pa naiaakyat. Binuhat ko ang mga bag at umakyat. Nakita ako ni mama.
"Oh, anak ako na ang maga-ayos nyan. Magpahinga ka na dyan sa kwarto mo. Naayos ko na yan bago ka pa namen sunduin. Pinalitan ko ang ilang gamit dyan kasi luma na. Binilhan na din kita ng bagong TV." Sabi ni mama saken.
"Okey lang ma. Ako na lang ang maga-ayos. Dito na lang ako sa kwarto ni kuya." sabi ko sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mukha nya.
"Sayang naman yung paga-ayos ko ng kwarto mo anak. Doon ka na lang sa kwarto mo." Sabi nya.
"Ma naman eh. Mas gusto ko nga sa kwarto ni kuya! Gusto ko magkasama kami kagaya ng dati." sagot ko na may halong pagmamaktol.
"Anak naman. Sige ikaw ang bahala. Baka lang kasi malungkot ka dyan eh." sabi nya.
"Papano naman ako malulungkot kung kasama ko si kuya." Pagkatapos noon ay tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ni kuya.

Ipinasok ko na ang mga gamit ko sa kwarto ni kuya. Hindi na kami nakapagkwentuhan pa dahil nakita kong tulog na tulog na sya. Matutulog na rin sana ako kaso hindi pa ako inaantok. Bumaba ako at pumunta sa isang silid na dati kong ginagamit para magpinta. Ngunit nang pasukin ko ito ay malinis na. Nakasalansan ng maayos ang mga pintura at iba pang kagamitan sa pagpipinta. Nakita ko yung isang malaking canvas na nakarolyo sa gilid ng pinto. Inorder ko 'yon dati dahil binabalak ko noong ipinta ang mukha nya. Dahil gusto kong lagi syang nakikita. Naisip ko na ngayon ko na lang itutuloy ang balak kong iyon para naman may pagkaabalahan ako.

Inilatag ko ang malaking canvas. At inihanda ang mga pintura. Medyo nag-inat ako bilang paghahanda sa gagawin ko. Alam kong mahihirapan ako dito. Pero handa akong magtiis. Maipinta ko lamang ang mukha ng taong naging dahilan ng mga ngiti ko. At hanggang ngayon ay itinitibok pa rin ng puso ko.

Medyo madilim dahil isang ilaw lang ang naka-switch. Pumunta ako sa gilid ng pinto upang iswitch lahat ng ilaw na nandito para lumiwanag ng husto. Ayokong nagkakamali sa gawa ko kaya kailangang makita ko ng malinaw ang lahat. Hindi kailanman nawaglit ang kaniyang mukha sa isipan ko. Kayang kaya ko syang ipinta kahit na walang larawan nya sa harap ko. Nag-umpisa na akong iguhit ang draft ng mukha nya.
- - - - -
Halos magu-umaga na nang magising ako. Nangangaligkig sa labis na lamig dahil sa sobrang lakas ng hangin. Antok na antok pa rin ako nang umikot ako pakanan upang ayusin ang aking pagkakahiga, ngunit 'BLAG!'. Nalaglag ako sa sahig. Hindi ko namalayan na nasa terasa pa rin ako. Nakatulog pala ako sa isang mahabang bangko na gawa sa kahoy na nakadikit sa pader. Bigla ko na lang naalala na kanina lang ay ipinipinta ko ang kaniyang mukha sa isang malaking canvas. Nakakangalay sa braso ang magdamag na pagpipinta ng ganoong kalaking likha. Halos draft pa lang ng imahe nya ang nagagawa ko nang bigla ko na namang maramdaman ang pagsakit ng likod ko. Halos napapaluha ako sa tuwing mararamdaman ko ito dahil parang may sumusulpot na kung ano sa isip ko na hindi ko maintindihan. Nagiging emosyonal na lang ako bigla. Iniiwasan ko ang makaramdam ng mga negatibong emosyon kaya naman nagpasya akong ihinto pansamantala ang ginagawa ko at nagpunta dito sa terasa upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa labis na sakit ng aking likuran ay nahiga ako sa bangko' upang pansumandaling makaramdam ng kaginhawaan at hindi ko na nga namalayan ang pagkakahimbing ko.

Bumangon ako at medyo ininda ang sakit, tumama kasi ang kanang braso ko nang malaglag ako sa sahig. Umupo ako sandali at muling sumulyap sa paborito kong tanawin, ang kakahuyan na makikita mula dito sa terasang kinalalagyan ko. Naalala ko na naman sya at nasabi ko na naman ang bagay na inuulit ulit kong sabihin sa loob ng ilang taon.

"Sayo lang ako, walang hanggan." ang huling sinambit ko sa aking isipan bago ako pumasok sa loob ng silid namen ni kuya upang ituloy na ang naudlot kong pagkakatulog. Tumabi ako kay kuya at agad na pumikit.
- - - - -
Napalalim ang tulog ko. Matagal ko nang hindi nararanasan ang ganito. Ang matulog ng mahimbing. Kaya naman nang mapamulat ako at napabaling sa orasan ay nakita kong maga-ala una na pala. Agad na akong nagbangon upang makakain dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

Nang makababa na ako ng kama ay nakita ko si kuya na nakadungaw sa bintana. Marahil ay naramdaman nya ang paggising ko kaya agad syang napalingon sa gawi ko.
"Sarap ng tulog ng bunso ko ah." sabi nya habang nakangiti. Ngiti lang ang iginanti ko sa kanya. "Bumaba ka na para makakain. Hindi na tayo nakapagkwentuhan kagabi, inantok na kasi ako eh."
"Ayos lang. Sige kuya. Medyo nagugutom na nga ako eh." Sabi ko sa kanya at muli ko syang nginitian.
"Pagkatapos mong kumain, labas ka ah. Hihintayin kita doon sa aplaya. Magbabangka tayo." Sabi nya na ikinatuwa ko naman. Mabilis akong bumaba para makapaghilamos at makakain na.

Binilisan ko lang ang pagkain dahil sobrang excited ako sa gagawin namen ni kuya na pamamangka. Kahit medyo mainit eh, okey lang. Miss na miss ko na mamangka eh. Pagkatapos ko ay nakita ko si mama na nasa sala at nakaupo habang nanonood ng TV.
"Ma! Kanina ka pa ba dyan? Ba't parang hindi kita napansin nung bumaba ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo, hindi mo man lang nga ako kiniss eh. Dire diretso ka lang dyan sa kusina. Ipaghahanda pa naman sana kita ng pagkain kaso nagtampo nako." sabi nya na may pagtatampo.
"Sorry na ma. Hehehe, si Winston nga pala nasan? Isasama ko sya sa labas eh." tanong ko ulit.
"Nasa school yun. Mamaya pang gabi ang uwi nun." Sabi ni mama.
"Ah ganun ba? Sige na ma, maliligo lang ako sandali." sabi ko sabay akyat para kumuha ng tuwalya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumanhik sa taas para magbihis. Nang matapos ako ay dire direcho akong lumabas at hindi na ako nagpaalam pa kay mama. Alam naman na kasi nyang lalabas ako eh.

Malayo ang aplaya mula samen. Kinakailangan mo pang maglakad ng mga isa't kalahating oras bago makarating doon. Dadaan pa sa isang masukal na kakahuyan at bababa sa isang matarik at mabatong daan. Hindi ko lang alam ngayon kung napatag na ang daan papunta doon. Basta ang natatandaan ko lang eh ilang beses din akong nadisgrasya noong bata pa ako dahil nga sa hirap ng daan. Pupwede namang magbisikleta papunta doon at iwanan na lang sa iwanan na lang sa tabing daan kapag kinakailangan nang bumaba sa batuhan. Wala namang nagnanakaw ng bisekleta samen eh. Ang problema nga lang eh hindi ako marunong magbisikleta. Kaya naman pinagtiyagaan ko nang maglakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Tutal, marami namang puno kaya marami ring masisilungan.

Sa aking paglalakad papunta sa aplaya ay may isang bahay na pumukaw ng pansin ko. Nagtataka ako kung bakit parang hindi ko alam na merong bahay dito noon. Kabisado ko naman kasi halos lahat ng kabahayan dito sa lugar namen eh kaya nakapagtataka kung bakit hindi ko matandaan ang bahay na ito. Naisip ko na lang na limang taon din akong nawala kaya baka nung wala ako tsaka lang naitayo ito. Pero nakakapanghinayang naman kasi sa nakikita kong itsura ng bahay ay mukha itong abandonado. Mababakas din dito ang mga palatandaan na ito ay nasunog. Anlaki pa man din ng bahay. Naglakad ako patungo dito para makita ng malapitan ang itsura nito. Basag na mga salamin na itim na ang kulay. Wasak na pinto na mukhang natupok ng husto sa apoy noong masunog ito. Pero kahit papaano ay makikikita mo pa kung anong kulay nung bahay dahil may parte itong tila hindi nadaanan ng apoy. Kita pa ang kulay puting pintura na naninilaw na rin. Mukhang pinabayaan na lang basta ang bahay matapos itong masunog. Wala man lang nagmalasakit na ito ay linisin man lang. Talagang nakakapanghinayang dahil sa nakikita ko ay mukha itong dating maganda. Bakas pa dito ang metikolosong arkitektura ng bahay. Mukhang pangmayaman. Alam ko dahil isa akong pintor at may nalalaman din ako kahit papaano sa arkitektura.

Pumasok ako sa bakuran ng bahay. Hindi ko alintanang baka may magalit saken, dahil nakasisiguro naman akong walang nakatira dito. Nang makalapit ako ay agad akong sumampa sa tatlong baitang na hagdan at tuluyan na nga akong nakapasok. Madilim sa loob nito pero makikita mo ang paligid dahil sa liwanag na pumapasok mula sa mga butas. Maraming gamit pero halos lahat ay natupok na sa apoy. Mauling ang paligid. Nagkalat ang mga basag na salamin. Ang hagdan na gawa sa kahoy ay natupok na din at wasak na. Wala nang paraan para makaakyat sa itaas. Kailangan nang kumuha ng ladder para makapanik. Lumapit ako sa hagdan para masilip kahit papaano, kung anong meron doon sa itaas. Humawak ako sa ilang natirang kahoy para makabalanse, ngunit nang makahawak ako dito ay bigla na lamang itong gumuho ng tuluyan na muntik ko pang ikalag lag. Lumitaw ang makapal at maitim na alikabok sa paligid. Napatakbo ako sa isang gilid para hindi ako maabot ng maitim na alikabok. Hindi ako matatakutin kaya naman malakas ang loob kong pumasok dito. Pero ngayon ay parang unti unti na akong nakakaramdam ng kakaiba sa bahay na ito. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero nakaririnig ako ng mga kaluskos mula sa itaas. Mahihinang boses na tila ba nag-uusap at mga alingaw ngaw na para bang umiikot sa paligid ng bahay.

...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails