Followers

Saturday, August 29, 2026

NAPADPAD NA MGA LIHIM

 By Michael Juha

  

Chap 1: Si “Adrian”

 

“MV Adrian”. Iyan ang pangalan ng ferry boat na aking sinakyan.

 

Maaliwalas naman ang panahon noong hapong umalis ng pier ang barko patungo sa lugar na aking pakay. Subalit noong 5:30 na ng hapon, doon na kami nagkagulo. Nasa gitna kami ng laot at hinahampas ng malalakas na alon at hangin ang barko. Malakas ang kabog ng aking dibdib, matinding takot ang naramdaman na ano mang oras ay baka lumubog ang barkong sanasakyan namin.

 

At hindi nga nagtagal ay unti-unti itong tumagilid. Sigawan ang mga tao. Ang iba ay nag-iyakan, nagdasal habang ang iba ay hindi mapigilang magsi-sukahan sa tindi ng pagkahilo.

 

Maya-maya pa, narinig namin mula sa speaker ang isang boses na halatang kabado. “I-ito po ang inyong kapitan! Ikinalulungkot kong sabihin na nagkaroon ng butas ang ating barko at nakapasok mula dito ang maraming tubig. Maari po lamang na manatili tayong kalmante at magsuot ng life vests.”

 

Dinukot ko kaagad ang life jacket sa ilalim ng aking tihiras at at dali-daling isinuot.

 

Tuluyan nang nagdeklara ang kapitan ng “abandon-ship”. Dali-dali kong tinumbok ang labasan. Nasa loob ng aircon cabin kasi ako. Dahil nakatagilid na ang barko, dagdagan pa sa walang humpay na paghampas ng malalakas na alon dito, mistulang isang obstacle game ang aking pagpunyaging makalabas.

 

Nakakapanghilakbot at mistulang piniga ang aking puso sa mga eksenang aking nasaksihan.

 

May isang matandang lalaking pasaherong nadaanan ko. Hinikayat siya ng kanyang apo na tumalon na upang mailigtas ang kanyang buhay. Ngunit gustong magpaiwan ng matanda gawa nang pagod na raw siya at hindi marunong lumangoy, kaya wala na raw silbe kung tatalaon pa siya at mamamatay din.

 

May nadaanan din akong isang ama na bagamat hindi marunong lumangoy, ibinigay sa kanya ang nag-iisang life jacket ng kanyang anak. Bakas ang pagmamahal, hawak-kamay silang tumalon sa dagat.

 

Marami ring sumisigaw na pasahero, naghahanap sa kanilang mga nahiwalay na pamilya. Sa kanilang mga sgaw ay ramdam na ramdam ko ang kanilang matinding takot takot, na animoy iyon na ang kanilang huling araw..

 

Tinumbok ko ang isang gilid ng barko upang tumalon na. Ngunit noong nilingon ko ang isang parte ng barko, nakita ko ang isang matandang babaeng naipit sa dumausdos at dumulas na mga bagahe. Nasa ilalim siya ng tihiras, nakausli ang ulo at sumisigaw ng saklolo. Nagmamakaawa.

 

Dali-dali kong tinumbok ang kinaroroonan niya at tinulungan siyang makalabas. “Salamat hijo… Maraming salamat,” ang sambit niya noong natanggal ko na ang mga harang at nailabas ko na siya..

 

“May kasama po ba kayo?” tanong ko.

 

“Ang anak ko, hindi ko alam kung nasaan siya…”

 

“Huwag na lang po muna natin siyang hanapin. Baka nakasakay na siya sa isa sa mga life boats. Kailangan pong mabilis tayong makalikas sa barko na ito upang hindi tayo mahila patungo sa ilalaim ng tubig kapag tuluyan na itong lumubog.” ang paliwanang ko upang hindi na niyang hanapin pa ang kanyang anak at makalabas na kami. “Marunong po ba kayong lumangoy?” tanong ko.

 

“H-hindi…”

 

“Okay, gamitin mo itong aking life jacket…” Hinubad ko ang life jacket at isinukbit sa katawan niya.

 

“Paano ka hijo… wala ka nang life jacket!” ang sambit niyang bakas sa kanyang mukha ang matinding pangamba at pag-alala sa akin.

 

“Huwag po kayong mag-alala. Isa po akong swimmer!” ang sagot ko naman.

 

Inalalayan ko pa siya upang sabay na sana kaming tumalon noong nakita ko naman na may mga nagbaba ng isang life boat na puno ng mga tao. “Pasakayin ninyo ang mommy ko please!!! Kahit siya na lang po!” ang pagmamakaawa ko. Punong-puno na rin kasi ang life boat.

 

Nakasakay ang matandang babae. “Mag-ingat po kayo!” ang sabi ko sa kanya bago ibinaba ang life boat.

 

Sinuklian lang niya ako ng isang pilit na ngiti, bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-alala.

 

Iyon ang una at huli kong natandaan sa kanya.

 

Dali-dali akong tumungo sa kabilang bahagi ng barko, nagbakasakaling may iba pang taong naipit o na-trap na puwede ko ring matulungan.

 

Wala. At dahil malapit na malapit nang lumubog ang kabuuan ng barko, deretso na akong tumalon sa dagat.

 

Sobrang lamig ng tubig; sobrang lakas ng hampas ng hangin at napakalaki ng mga alon na halos lalamunin ang lahat ng dinadaanan nila. Ngunit ang nasa isip ko sa sandaling iyon ay ang mailigtas ang sariling buhay.

 

Noong nakakita ako ng isang nakalutang na kasing-lapad ng pinto na kahoy, sinunggaban ko ito at ginawang balsa.

 

May nadinig akong mga nakakaawang sigaw ng saklolo; sigaw na hindi ko matukoy kung saan nanggaling at kung saan ay unti-unti ding natahimik, nilamon ng nanggagalaiting unos at ga-higanteng alon.

 

Kumapit ako sa balsa at isinagwan ang aking mga paa palayo sa papalubog na barko noong biglang may bumagsak sa sa aking tagiliran. Nanggaling siya sa itaas ng barko: isang lalaking nakasuot ng life jacket. Nagtaka ako dahil bagamat nakalutang hindi siya gumalaw at ang mukha ay nakasubsob sa tubig. Hinablot ko ang buhok niya upang iangat ang kanyang mukha. Nakita ko ang preskong dugo na kasalukuyang dumadaloy mula sa sugat sa kanyang noo.

 

Agad ko siyang hinila at pinilit na isinakay sa balsa. Nahirapan ako ngunit sa sobrang pagnanais na matulungan siya, nagawa kong ipapatong ng katawan niya sa ibabaw nito. Noong naipuwesto ko na ang katawan niya, saka ko itinulak ang balsa nang mabilisan papalayo sa barkong tanging ang nguso na lamang ang nakausli sa tubig.

 

Tamang-tamang nasa isang safe distance na ako atsaka nawala na sa paningnin ko ang barko. Tuluyan na itong lumubog at nilulon ng dagat.

 

Hindi ako halos makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Wala pang isang oras at parang bula na naglaho ang lahat. Matinding awa ang naramdaman ko sa mga taong kasamang lumubog sa barko at sa mga taong hindi pinalad na mabuhay.

 

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking aking nasagip. Wala pa rin siyang malay at patuloy pa ang pag-agos ng dugo sa kanyang noo. Agad kong tinanggal ang aking t-shirt at pinilas ko ito. Nilagyan ko ng bendahe ang parte ng kanyang noong nasugatan. Ang naiwang pilas naman ay itinali ko sa aking katawan at sa balsa upang hindi ako mahiwalay dito.

 

Ilang oras kaming nagpalutang-lutang, nanatili akong nakahawak sa balsa,nakababad ang buong katawan sa tubig habang nakahiga naman sa ibabaw nito ang lalaking aking nasagip.

 

Hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid at naramdaman kong unti-unting humina ang unos, kasabay din ng pagliit at paghina ng hampas ng mga alon sa aming balsa.

 

Tila walang katapusan ang aking paghihintay na sana ay may makakakita at makapagligtas sa amin. Naghalo ang aking naramdaman sa sandaling iyon. Matinding takot at pangamba, kalungkutan at walang kasiguraduhan. Halos lahat na ng santo ang aking tinawag upang magiyahan kami, Walang humpay ang aking panalangin na sana ay may barkong dadaan sa aming kinaroroonan at madampot kami. Ang isang oras na paghihintay ay mistulang ilang taon at ang aking katawan ay tila gigive-up na sa sobrang pagod. Ni hindi ko alintana ang init na nagdulot ng sunburn sa aking balat. At ang isa ko ring kinatatakutan ay ang mga ng pating. Di ko maiwasang mag-isip kung gaano kasakit kung ako sakaling ako ay kanilang malalapa.

 

Hindi ko alam kung gaano katagal akong naidlip dahil sa sobrang pagod. Nagising na lang ako noong tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Disoriented, mahapdi ang katawan dahil sa mga pasa at sugat..

 

“N-nasaan ako…?” ang mahinang tanong na narinig ko. Itinukod ang kanyang mga kamay sa hinigaang balsa at akmang tatayo.

 

“Huwag kang tumayo!” ang sigaw ko. “Malaglag ka!”

 

At bumalik siya sa pagkahiga, inikot ang mga mata sa paligid. “Anong nangyari? Bakit nandito ako?”

 

“N-nalunod ang barkong sinakyan natin.” Sagot ko.

 

“N-nalunod???” ang tanogn niya, bakas sa mukha ang matinding pagkalito. “B-bakit?”

 

“May unos at hindi nakayanan ng ferry boat ang lakas ng hangin at laki ng mga alon.”

 

“G-ganoon ba???”

 

Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang pangalan niya noong, “May isla tol! May isla!” ang sigaw ko sabay sagwan ng aking mga paa patungo sa kinaroroonan ng isla.

 

May isang oras din ang tinagal bago namin narating ang isla. Halos mawalan ako ng ulirat noong nasa buhanginang dalampasigan na kami. Akay-akay ang lalaking nasagip. Ibinagsak namin pareho ang aming mga katawan sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno ng talisay. “Sa wakas, ligtas na tayo!” ang Masaya kong sambit. “Sana ay may maka-rescue sa atin dito!”

 

Tahimik lang ang lalaking nasagip ko.

 

“Ok ka lang?” Ang tanong ko sabay tingin sa bendahe niya. Wala nang dugong dumaloy pa mula sa sugat niya.

 

“O-ok lang naman. S-salamat sa pagsagip sa akin…”

 

“Walang anuman tol. Magpahinga ka lang muna. Maghahanap ako ng makain. Nagutom ka ba?”

 

“Hindi. Nanghina lang ako.” sagot niya.

 

“Sa sugat mo siguro iyan at sa maraming dugong nawala sa iyo. Magpahinga ka lang muna at maghanap ako ng makakain.” sambit ko. Aalis na sana ako noong bigla kong naalala, “Ano pala ang pangalan mo?”

 

Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkalito. Natigilan na parang nahirapan sa simpleng tanong ko. “Eh…” ang nasambit lang niya.

 

“Pangalan mo tol… tinantanong ko.”

 

“W-wala akong matandaan eh. H-hindi ko alam!” Sagot niya, bakas pa rin sa mukha ang matinding pagkalito.

 

“Wala kang matandaan? Taga-saan ka? Sino ang mga magulang mo? Saan ka nag-aaral? Bakit ka sumakay ng barko? Sino ang kasama mo?” ang sunod-sunod kong tanong. “Wala kang matandaan?”

 

“Hindi ko alam. Wala talaga akong matatandaan eh…”

 

At doon ko napagtantong marahil ay nagkaroon siya ng amnesia gawa marahil ng pagkabagok ng ulo niya. “G-ganoon ba?” ang sagot ko na lang. Ar naramdaman ko ang namuong awa para sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano siya matutulungan. Narinig ko lang ang mga ganyang kalagayan sa kuwento at pelikula. At hindi ko rin alam kung may first aid ba na puwedeng mailalapat sa kanaya o kung ano ang gagawin upang manumbalik ang nawalang alaala.

 

“A-ano kaya ang pangalan ko?” ang tanong niya uli.

 

“E… malay ko. Ikaw nga hindi alam, ako pa?” ang sagot ko.

 

Tahimik.

 

“Sige, maghanap pmuna ako ng makakaiin natin. At habang wala ako, pilitin mong balikan sa isip mo ang mga detalyo mo sa buhay,” sambit ko. At tumungo na ako sa looban ng isla.

 

Nakahanap ako ng mga ligaw na prutas. May papaya, saging, at bayabas. Dinala ko ang mga ito sa lalaking nasagip ko.

 

“Kain muna tayo. Mabuti at presko pa ang mga prutas,” sambit ko nang nakabalik na ako. Pumilas ako ng dalawang saging at iniabot iyon sa kanya. Binalatan niya iyon at kinain.

 

"Noong nasa dagat pa tayo, wala akong naramdamang gutom. Ngayon lang!” grabe ang karanasan natin!" sambit ko.

 

“Maraming-salamat pala sa pagsagip mo sa akin. Noong nawalan ako ng malay-tao at nalaglag pa sa dagat, siguradong patay na sana ako. Imagine, sabi mo ay bagamat nakalutang ang aking katawan, ang mukha ko na man ay nakalublob sa dagat? Patay na ako noon kung di mo ako nakita…” sambit niya.

 

“Masuwerte ka. Talagang sinadya siguro na magsama tayo rito upang hindi naman ako mag-iisa. Imagine, kung ako lang mag-isa, wala akong makakausap…” sagot ko naman.

 

“Sabagay…” ang sagot lang niya.

 

“O, naalala mo na ba ang mga detalye tungkol sa iyo?”

 

“H-hindi pa nga eh. Wala talaga akong maalaala…”

 

“Eh, a-ano kaya kung bigyan na lang kita ng temporary na pangalan tol? Para may maitawag akong pangalan sa iyo?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

 

“Okay,” ang sagot nya. “A-ano naman?”

 

“Adrian! Iyan kasi ang pangalan ng ferry boat na sinakyan natin. At… cute din naman na pangalan iyan ‘di ba? Lahat ng taong nakilala kong may ganyang pangalan ay cute,” ang pagbibiro ko pa.

 

Napangiti siya ng hilaw. “B-binibiro mo naman ako eh.”

 

“Totoo tol. Lahat ng Adrian na kilala ko ay mga cute.”

 

“S-sige na nga. Iyan na lang. Cute din nga naman siyang pangalan…” sagot niya.

 

“At cute ka rin naman! Kaya, dapat lang na angkinin mo ang pangalan na iyan,” dugtong ko uling biro.

 

Lalo naman siyang napangiti. At tumawa pa. Doon ko napagmasdang maigi ang hitsura niya. Sa tantiya ko ay magkasing-edad lang kami o kung hindi man ay mas matanda siya sa akin ng isa o dalawang taon. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong, may dimples, medyo singkit ang mga matang tila nangungusap at ang mga kilay na makakapal ay mistulang isang obra na ipininta ng isang magaling na pintor sa kanyang mukha. At ang kanyang ngiti… pamatay, dagdagan pa sa mapuputi at pantay na mga ngipin. At hindi ko maipagkailang humanga ako sa ganda ng kanyang hitsura.

 

Hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya, kinapa niya ang kanyang mukha. Hinaplos niya ang kanyang mukha at ulo. Nakapa niya ang bendahe rito. “M-may sugat pala ako…” sambit niya. “Kaya pala tinitigan mo ang mukha ko…”

 

“Ahh… O-oo. Pero okay na iyan. Huwag mo lang munang galawin,” sambit ko. “Sandali, patuyuin pala muna natin ang mga damit natin tol,” sabay tanggal ko sa aking jeans. Brief ko na lang ang aking itinira. Ginawa ko kasing bendahe sa ulo ni “Adrian” ang aking t-shirt at ang ibang pilas ay ginawa kong pantali sa aking braso sa balsa. “Ikaw? Ayaw mo bang tanggalin din ang damit mo?” ang tanong ko.

 

Agad din siyang tumayo, bagamat dahan-dahan. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at pagkatapos, ang jeans. At noong tumambad sa aking panigngin ang kanyang katawan ay napahanga rin ako sa ganda nito. Kagaya ng kanyang mukha, makinis ito at “flawless”. Matipuno ang kanyang dibdib, may abs sa kanyang tiyan, at may pinong mga balahibong guhit galing sa kanyang pusod patungo sa ilalim ng umbok ng kanyang puting brief.

 

Inabot niya sa akin ang kanyang jeans at t-shirt. Dali-dali ko itong isinampay sa ibabaw ng malalaking bato.

 

---------------------------------------

 

Chap 2: Batas Ng Mommy

 

Ako nga pala si Joel; 19 years old at graduating sa kursong Liberal Arts. Athletic, black belter ng Aikido, at national champion sa freestyle category ng swimming. Simple lang ang gusto ko sa buhay – ang tubig. At ang dagat ay para ko na ring pangalawang tahanan. Kung may bahay lang ako na ang bulwagan ay dagat, wala na siguro akong mahihiling pa.

 

Kung pisikal na aspeto ang pagbabasehan, masasabi ng marami na perpekto na ang buhay ko. Matangkad, sabi nila ay may hitusra, may maipagmamalaking porma at pangangatawan, at may kaya sa buhay… Ngunit may issue ako sa pamilya: iniwan kami ng aking ama noong maliit pa lamang ako. Ang masaklap, iniwanan kami para lamang sa isang lalaki.

 

Oo, bakla ang aking ama. Kung kaya ganoon na lamang ang galit ng aking ina sa mga bakla. Lalo na noong sumanib siya sa isang relihiyosong organisasyon, tumindi ang pagka-conservative at narrow-minded niya laban sa kabaklaan. Ang paniwala niya ay sa impyerno talaga ang bagsak ng mga kaluluwa ng mga bakla. Bigot? Homophobic? Radical? Sa palagay ko. Iyan ang mommy ko.

 

Ngunit mahal na mahal ko ang mommy. At hindi ko rin siya masisisi kung ganyan na lang ang galit niya sa mga bakla. Mahirap ang kanyang pinagdaanan niya – umibig at umasa sa pag-ibig ng isang lalaking… lalaki rin ang hanap.

 

Ang siste, pinaglaruan din yata siya ng tadhana. Noong mag 14 years old na ako, lumantad naman ang aking nag-iisang 21 years old na kapatid, si Kuya Jomar. Marahil ay napuno na ang kuya ko gawa nang pangungulit ng aking ina sa katatanong kung kailan siya mag-aasawa, kung sinong babae ang napupusuan niya, kung may girlfriend na ba siya, dahil gusto na raw niyang magkaroon ng apo. Halos araw-araw ay tinantanong niya ang kuya kung kailan niya ipakilala sa amin ang babaeng napupusuan niya. Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado kung ang tunay bang motibo ng mommy ng mommy sa kuya ko. Kung gusto ba talaga niyang magkaroon na ng apo? O gusto lang niyang makasigurong babae nga ang gusto ng kuya ko at hindi lalaki, katulad ng sa aming ama. Hindi ko rin masisisi ang aking ina. Nagkaroon na siya ng matinding

Trust issue sa mga lalaki. Nagkaroon siya ng trauma. Kaya pati sa kuya ko, gusto niyang makasiguro.

 

Ngunit matagal ko nang alam na bakla si Kuya Jomar. At matagal ko na ring alam ang paghihirap ng kalooban niya sa bawat pagpi-pressure ng mommy sa kanya. At dahil may boyfriend na siya at may trabaho, kung kaya ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na aminin kay mommy ang lahat.

 

“Punyeta! Wala kang pinagkaiba sa iyong ama! Mabubulok ang kaluluwa mo sa impyerno! Wala akong anak na bakla! Buwesit ang mga bakla sa buhay ko! Lumayas ka sa pamamahay ko Lumays kaaaaaaa!!!”

 

“Mom… huwag naman pong ganoon. Anak po ninyo ako.”

 

“Wala akong anak na bakla! At simula ngayon, patay na ang anak kong si Jomar!!!”

 

Walang nagawa si kuya kundi ang lumisan. Hindi ko malimutan ang huling sandali kung saan ay pinagmasdan ko siya habang nagpapag-pack up ng mga gamit. Walang humpay ang kanyang pag-iyak, habang ang kanyang mga luha ay pumapatak sa mga damit niyang iniimpake.

 

“Tol… pasensya ka na ha? Ayokong iwanan kayo ng mommy kasi, kahit ganyan siya, mahal ko pa rin naman siya… Ngunit wala eh. Sadyang sarado ang isip niya para sa akin. Hindi ko naman ito ginusto. Kung kaya ko nga lang sanang baguhin ang aking pagkatao, bakit hindi ko gagawin? Ngunit ito ang buhay ko, tol. At ito ang ipinagkaloob sa akin. Sino ba ang nagbigay sa akin nito? Baka ang akala niya ay isang bisyo ang pagiging bakla kagaya ng paninigarilyo na kayang ihinto o baguhin.”

 

Hindi na lang ako kumibo. Kasi, ramdam kong totoo ang naramdamang sakit ng kuya ko. Napaiyak na rin ako. Hindi lang ako naawa sa kalagayan niya, siguradong mamimiss ko rin siya. Napakabait kasi ng kuya ko sa akin. Protective, thoughtful, caring… Pero wala akong magawa. Batas ng mommy ang nasusunod sa bahay.

 

“At ikaw tol… magpakabait ka rito ha? Kahit ganyan iyang si mommy, sundin mo ang lahat ng gusto niya. Alam mo naman, nag-iisa na lang iyan. Malungkot din ang buhay niya. Kaya, magpakabait ka rito tol.”

 

Tumango lang ako habang patuloy ko siyang pinagmasdan sa pag-iimpake. Patuloy din ang pagpatak ng aking mga luha dahil alam ko, Malaki ang posibilidad na maaaring tatahakin ko rin ang landas na tinatahak ng aking kuya Jomar.

 

Iyon ang natandaan kong eksena sa paglisan ng aking kuya. Masakit. At dahil sa nangyaring iyon, nagkakaroon din ako ng phobia sa pagiging bakla. At ipinangako kong huwag tumulad sa aking ama at kuya at pilit na susundin ko ang gusto ng aking ina.

 

At syempre, dahil ako na lang ang nag-iisang “lalaki” sa pamilya, sa akin na nakatuon ang pressure na patunayang tunay akong lalaki.

 

“19 years old ka na anak. Dapat ay magkagirlfriend ka na. Gusto kong ikaw ang magbigay sa akin ng apo. Matanda na ako kaya dalian mo na… Kahit mag-asawa ka bukas na agad, wala akong tutol,” ang palaging pagpaparinig ng mommy.

 

Halos araw-araw, hindi nawawala ang ganyang tanong niya sa akin. Paiba-iba nga lang. May diretsahan, may pahapyaw, may idadaan sa biro, at kadalasan, seryosohan.

 

At hindi lang iyan, kapag may kaibigan akong lalaking nakikita niya, tinatanong kaagad ako kung sino iyon, kung may girlfriend ba iyon, kung gaano ka close sa akin iyon, kung bakit sumasama ako doon. Sobrang kulit, grabe.

 

Isang araw, dinala ko sa bahay ang isa kong kaibigan, si Jonathan dahil may group assignment kami at naisipan kong sa bahay namin gawin iyon. Naabutan kami ng lunch time kaya inaya ko na rin siyang sa amin mag-lunch. Habang kumakain, sumingit ba naman ang mommy ko ng tanong, “Jonathan, may girlfriend ka na ba, hijo?”

 

Pakiwari ko ay biglang nasamid si Jonathan sa tanong na iyon. At ako naman, parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. Napailing na lang ako ng palihim.

 

“P-po?” ang naisagot ni Jonathan.

 

“Ang sabi ko, kung may girlfriend ka na ba?”

 

“Eh… wala pa po eh.”

 

“Kailan ka magkaroon ng girlfriend? Alam mo, huwag kang pumatol sa kabaklaan ha? Napakarami nang bakla na sa mundo! Kapag hindi naagapan ng panalangin ang masasamang Gawain ng katulad nila, lahat tayo ay mapaparusahan ng panginoon! Tingnan mo ang Sodom at Gomorrha. Nagbabasa ka ba ng bibliya? Alam mo ba ang nangyari sa dalawang lugar na iyon? Puro kabaklaan ang mga pinaggagawa ng mga lalaki roon kung kaya ay ginunaw ng Diyos ang lugar nila. Papayag ka bang madamay tayong lahat sa parusa ng Diyos dahil sa kabaklaang pinaggagawa ng iba?”

 

“Mom!” ang nasambit ko na lang upang matigil ang kanyang mga sinasabi.

 

Ngunit hindi nagpaawat ang mommy ko at ako pa tuloy ang nabuntunan ng lahat. “At ikaw, Joel… dapat magpakabait ka. Wala akong problema kung magpakasal ka na kaagad. Ayokong hahaba ang pagkabinata mo dahil kung mangyari iyan, magdududa na talaga akong isa kang bakla, katulad din ng iyong ama at kapatid. Kapag hindi ka pa nag-aasawa hanggang sa edad na 21, makakatikim ka na sa akin…”

 

Pakiwari ko ay gusto kong mag-walkout sa eksenang iyon. Kung hindi nga lang nakakahiya kay Jonathan, ginawa ko na talaga ang pag-walk out. Naging paranoid na kasi ang aking ina. Ngumiti na lang ako ng hilaw. At idinaan sa biro ang binitiwang salita ng aking ina, “Mommy naman! Kapag nagkagirlfriend na ba ako ay bibilhan mo na ako ng bgong kotse?” Na sinagot din niya ng, “Oo ba! Kahit ngayon na, okay lang!”

 

Kaya pinilit ko talagang magkaroon ng girlfriend. At hindi naman ako nahirapan. Classmate ko siya, muse ng college basketball team, at chairman ng Liberal Arts Department. Si Mae.

 

Agad ko siyang ipinakilala kay mommy na tuwang-tuwa sa pagkakita sa kanya. Binibiro niya si Mae na pumayag nang magpakasal kami at sagot niya ang honeymoon kahit saang sulok pa daw ng mundo.

 

Tawa lang ang isinukli ni Mae. At kinabukasan nga, binilhan ako ng mommy ko ng bagong kotse. “Biro lang iyong sa akin, mom…” ang sambit ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa luho. Talagang biro ko lang ang paghingi ng kotse para lang mabaling sa ibang topic ang kanyang pinagsasabi sa aking bisitang si Jonathan. Isa pa, alam ko sa kaloob-looban ko na may kulang sa naramdaman ko para kay Mae. Hindi ako deserving na makatanggap ng pabuya.

 

“Puwes, seryoso ako sa ating usapan,” ang sagot naman niya.

 

Kaya, tinanggap ko na lang bagamat may takot din akong madisappoint ang aking mommy.

 

Wala naman akong nakitang problema sa aming relasyon ni Mae maliban lang sa pakiramdam ba na parang superficial lang ang lahat. At hindi ko naramdaman iyong sinasabi nilang hindi ka makakain sa kakaisip sa kanya, hindi makakatulog, nabubuwang kapag hindi siya nakikita, o magwawala sa galit kapag nalamang may ibang lalaki siyang kasama. Iyong sinabi nilang kahit puyat ka sa kaiisip sa kanya, hindi ka dalawin ng antok; hindi ka kumakain ng ilang kainan ngunit hindi ka nagugutom… Iyong pinapantasya mo siyang halikan, yakapin, bembangin. Walang ganoon. Normal na magkaibigan lang, magbest friends. Parang ganoon lang talaga.

 

Ngunit ganoon pa man, pinagpatuloy pa rin namin ang aming relasyon. Masayang-masaya ang aking mommy.

 

Isang araw, nasearch ko sa internet ang isang patimpalak sa paglangoy na gaganapin sa isang isla sa Mindanao. Dahil ito ang hilig ko, nagpaalam ako sa mommy na sumali. Pinayagan naman ako.

 

Pagdating na pagdating sa isang airport ng Minadano, sasakay pa ng bus ang mga kalahok patungo sa pier. Galing ng pier ay sasakay uli sila ng isang ferry boat upang marating ang nasabing lugar.

 

At dito naganap ang trahedya kung saan nagtagpo ang aming landas ni “Adrian”.

 

---------------------------------------------------

 

Chap 3: Isla

 

Maituturing kong maswerte pa rin kami na doon napadpad sa islang iyon. Maraming ligaw na prutas. May saging, may papaya., may bayabas. Kahit papaano, pantawid-gutom din ang mga iyon. Nagdala ako ng marami para sa aming hapunan at makakain kinabukasan.

 

Dahil gutom na gutom, nakarami ako ng kain. “O ba’t isang saging lang ang kinain mo? Hindi mo pa naubos?” ang tanong ko.

 

“W-wala akong gana tol…”

 

“Dapat kumain ka ng marami kasi, kailangan ng katawan natin ang enerhiya, lalo na ikaw, maraming dugo ang nawala sa iyo.”

 

“M-maya-maya na tol, kakain din ako. Magpahinga lang ako ng kaunti,” sambit niya.

 

Habang nakahiga siya, napansin ko ang kanyang panginginig. “Ok ka lang ba?”

 

“G-giniginaw ako… Ang lamig!”

 

Kinapa ko ang kanyang leeg. Mainit. “May lagnat ka tol!” ang sambit ko. Agad akong naghanap ng mga tuyong dahon. Itinakip ko ang mga ito sa kanyang katawan.

 

Ngunit patuloy pa rin ang kanyang panginginig. Hindi ako magkamayaw kung ano ang aking gagawin sa sobrang takot. Sumagi sa isip na baka mamatay siya. At naalimpungatan ko na lang ang sariling tinabihan siya sa paghiga at niyakap. Dahil parehong brief lang ang nasa katawan namin, mistula kaming dalawang Adan na nagyayakapan. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. “Giniginaw ka pa tol?”

 

“H-hindi na masyado” sagot niyang nanginginig pa rin.

 

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa napansin kong nakaidlip na siya.

 

Ewan. Ngunit sa ganoong ayos namin ay pakiramdam ko, may kakaibang init na gumapang sa aking katawan. Lapat na lapat ang aming mga balat, ramdam ko ang pintig ng kanyang puso, at sa bawat paghinga niya, dumadampi sa aking pisngi at nalalanghap ko ang amoy-baby na hiningang hanging lumalabas sa kanyang ilong at bibig. At ang amoy na iyon ay lalo pang nagpatindi sa kakaibang init na gumagapang sa aking katawan.

 

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Hinaplos nang hinaplos at idinikit ko pa ang aking mga labi sa kanyang pisngi sa sobrang panggigigil.

 

Sa ayos naming iyon biglang nagflashback sa aking isip ang kauna-unahan kong karanasan sa kapwa lalaki.

 

Kasamahan ko sa swimming team si Bryan. Naisipan kong imbitahan siya sa bahay at hinikayat na sa pool namin kami mag praktis ng swimming. Bilang swimmer ay kailangan namin ng practice at least dalawang oras sa isang araw.

 

Nagkataon ding wala ang mommy ko dahil may tatlong araw na retreat siyang dinaluhan sa Bohol. Kaya libre ako sa bahay sa mga araw na iyon. At naisipan kong gumawa ng kaunting adventure. Mag-inuman kami ni Bryan.

 

Isang bote ng gin ang aming tinira. Syempre, itinago koi yon sa ming mga katulong. Ipinaalam ko lang sa kanila na may assignment kaming gagawin ni Bryan sa kuwarto ko kaya kailangang doon siya matutulog gawa nang nasa probinsiya ang kanyang bahay. Sigurado kasing tatanungin sila ng mommy kung anu-ano ang pinaggagawa ko habang wala siya.

 

Nakailang tagay na kami at nag-init na ang aking katawan noong, “Tol… nood tayo ng bold,” sambit ni Bryan sabay bukas ng laptop niya.

 

Hindi ko na nagawang sumagot pa sa bilis ng kanyang pagbukas ng video. Isa pa, sabik din akong makapanood noon na kasama siya. Ang nagawa ko na lamang ay ang silipin ang pinapanood niya.

 

Inilagay niya ang laptop sa ibabaw ng kama habang kaming dalawa ay nagtabing naupo sa isang sulok, ang mga likod namin ay nakasandal sa sementong dingding ng aking kuwarto.

 

Tila nakakabingi ang matinding kabog ng aking dibdib. Habang nakaupo lang kaming pareho sa sahig ang mga paa ay nakaunat, ramdam ko ang pag-init ng aking katawan. Parang natuyuan ako ng laway, hindi lang dahil sa napanood na pagtatalik ng isang babae at lalaki kundi dahil sa napansing malaking bukol sa harapan ni Bryan. Naglalaro ang aking isip sa porma ng nasa loob ng kanyang puting short na pilit kumakawala, naghuhumindig at galit na galit.

 

Ngunit matindi ang pagpigil ko sa aking sarili, nagkunyaring hindi naapektuhan. Patuloy lang akong nagtagay, uminum, at normal lang na nanonood.

 

Ewan kung ano ang nasa isip ni Ryan sa sandaling iyon habang seryoso ang mukha niya habang nanonood at paminsan-minsang tumutungga ng kanyang baso.

 

Maya-maya, nagulat na lang ako noong binuksan niya ang kanyang zipper at ipinalabas ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. At sa aking nasaksihan, mas lalo pa akong nag-init at biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib.

 

Lumingon siya sa akin, “Magparaos ako tol… Ikaw rin, sabay tayo!” sambit niya.

 

“Ah… Eh…” ang nasabi ko lang.

 

“Sige na!” giit niya sabay abot sa butones ng aking jeans at siya na mismo ang nagbukas ng aking zipper, hinayaang nakaladlad ang tirik na tirik iyang ari. Doon ako mas llo pang nag-init.

 

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang dakmain ang aking zipper at ibaba ito. At noong tuluyan nang nakalabas ang aking tirik na tirik na ring ari, nagulat siya sabay sabing, “Tangina, ang laki pala ng burat mo tol!” ang sambit niyang lumaki ang mga mata.

 

Binitiwan ko lang ang isang ngiti.

 

Hindi na siya kumibo. At nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang ari ko, hinimas-himas iyon. Napaungol ako sa sarap.

 

Muli niya akong nilingon. At ang sunod na gumulat sa akin ay ang paghawak niya sa aking aking kamay at iginiya ito patungo sa kanyang pagkalalaki sabay bulong ng, “Himasin mo rin ang sa akin, ‘tol…”

 

Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib sa sobrang pagkalampag nito. May takot din akong nadarama dahil sa senaryong tumatak sa aking isip kapag nalaman ng mommy ang aming ginagawa.

 

Tinitigan ko lang si Bryan. Para akong nasa suspended animation at hindi makagalaw.

 

“Sige na ‘tol please… libog na libog na ako eh,” bulong niya na ang mukha ay nagmamakaawa. “Laruin ko rin ang sa iyo…” ang dugtong niya habang patuloy ang paghimas niya sa aking pagkalalaki.

 

At naalimpungatan ko na lang ang sarling tumalima sa kagustuhan niya. Sobrang takot man ang aking nadarama, tinalo ito sa kakaibang sarap at kiliti na umalipin sa aking katauhan.

 

Kaya hinimas ko ang kanyang pagkalalaki habang hinihimas din niya ang sa akin. Para akong nagdideliryo sa sarap. Mistulang ako ay nasa ikapitong alapaap.

 

Mayamaya, tinitigan niya ako at binulungan. “Lapit ka pa ng kaunti sa akin tol…”

 

Kaht nagkadikit na ang aming mga katawan, umusog pa rin ako habang nanatiling nakatutok ang kanyang mapupungay na mga mata sa aking mukha. Tinitigan ko rin siya. At naalimpungatan ko na lang ang unti-unting paglapat ng aming mga labi.

 

Naghalikan kami. Sanay siya sa pakikipaghalikan. At dahil sa sarap ng kanyang paghalik, lalo pang tumindi ang aking naramdamang sarap habang ang mga kamay namin ay abala sa paghihimas sa aming sarili.

 

“Ibuka mong maigi ang iyong bibig tol,” utos niya. At tinuruan pa niya talaga ako kung paano ang humalik. Iyong pagsisipsip ng dila at pagksukos nito sa kaloblooban ng aking bibig, iyong pagpapalitan ng laway, iyong paghagod ng kanyang dila sa aking leeg at dibdib hanggang sa tyan at sa aking pagkalalaki. Lahat nang iyon ay kanyang itinuro sa akin.  

 

Hanggang sa humantong sa, “Joel, papasuing kita,” ang tila pagmamakaawa niya.

 

Ako naman, porke’t hindi pa nakaranas ay biglang kinabahan sa sinabi niya. “B-baka masakit, ‘tol,” sagot ko.

 

“Lagyan natin ng padulas. Mayroon ka ba? Oil o lotion,” sagot niya.

 

Dahil may lotion ako, hinugot ko ang drawer. Kinuha ko iyon at iniabot sa kanya. Dali-dali niyang binuksan at ipinatak sa kanyang naghuhumindig na ari. Pagkatapos ay muling ipinatak niya sa kanyang palad at kinapa ang aking likuran, at ipinahid ang lotion sa kanyang kamay sa aking tumbong.

 

Napaigtad ako nang ginawa niya iyon. Ipinasok kasi niya ang isang daliri. “D-dahandahan, ‘tol…”

 

Ngunit hindi ko talaga kaya ang sakit sa pagkakataong iyon. Kaya ipinahnto ko ang pagfifinger niya sa akin.

 

Napahiga ako sa sahig dahil sa hapdi habang siya ay nakatingin sa akin, hawak-hawak pa rin ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Nabitin siya, alam ko. At ako rin naman.

 

“Tumihaya ka na lang, ‘Tol,” utos niya.

 

Kaya hayun, tumihaya ako at ang ginawa niya ay isiningit nya ang kanyang ari sa gitna nag aking dalawang hita. “Ipitin mo, ‘tol..”

 

Inipit ko iyon nang mahigpit. At nang umulos siya ay hindi ko maisalarawan ang sobrang kilit at sarap na aking naramdaman habang ang tigas na tigas kong ari ay dumadampi sa kanyang tiyan.

 

Hindi ko mapigilan ang hindi mapaungol, ang aking mga kamay ay nakayakap sa kanyang puwet at paminsan-minsang pinipisil ito. Siya naman ay tila nagdedeliryo sa kanyang pag-ulos.

 

Hanggang sa hinalikan niya ako. Naghalikan kami na tila uhaw na uhaw kami sa isa’t isa. Hanggang sa napansin kong tla umunat ang kanyang katawan at napaungol siya, “Lalabasan na ako ‘tolllll, sabay tayo…” sambit niya.

 

“S-sige ‘tol, malapit na rin ako, sabay tayo ‘tollll”

 

At iyon na… hinugot nya ang kanyang ari mula sa pagkaipit sa aking hita at itinutok iyon sa aking tiyan. Ako naman ay mabilis na sinalsal ang aking ari upang masabayan siya. At wala pang 20 segundo ay sabay na pumulandit an gaming mga katas. Ang kanya ay sa aking tiyan at mukha, samantalang ang akin naman ay sa kanyang likuran.

 

Nang mahimasmasan ay humiga siya sa aking tabi. Muli kaming naghahalikan hanggang sa tuluyang humupa ang init sa aming mga katawan.

 

Iyon ang pinakauna kong karanasan: sa halik, at sa paggawa ng “kabaklaan.”

 

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay mistulang wala lang ito kay Bryan. Ni kaunting pagbabago sa mga kilos niya ay wala akong napapansin. Wala rin kaming pinag-usapan tungkol sa nangyari. Marahil ay sanay lang siya sa ganoong gawain. O marahil din ay magaling lang siyang magtago sa kanyang nararamdaman.

 

Ngunit kung gaano ka-normal iyon para sa kanya, mistula naman akong mababaliw sa kaiisip sa nangyari. Walang oras na hindi ito pumapasok sa utak ko… Minsan ay iniimagine kong natuloy ang pagpasok ng ari nya sa aking butas.

 

Naudlot ang aking pagbabalik-tanaw noong gumalaw at umungol si Adrian na nanatiling niyayakap ko. Dahil dito, mistulang nagising din ako mula sa isang malalim na pagkahimbing.

 

Dali-dali akong tumayo, pilit na nilabanan ang matinding tukso na umalipin sa aking katawang-lupa. Tinumbok ko ang looban ng isla at upang tuluyang mapawi ang init sa aking katawan, naghanap ako ng mga tuyong dahon at panggatong upang mapanatili ko ang apoy.

 

Naalala ko ang aking swiss knife na palagi kong dinadala. Hinugot ko ito mula sa aking nakasampay na pantalon. Ginamit ko ito sa paggawa ng isang matulis na kasing-laki ng tuhugan ng barbecue stick na siyang ginawa kong pangkiskis sa isang tuyong malapad na kahoy. Kiniskis ko ito nang kiniskis. Ginaya ko ang isang eksena sa TV na napanood ko tungkul sa survival training. Hanggang sa ang mga tuyong hibla ng balat ng niyog na nakapatong dito ay umusok at umapoy.

 

Noong lumaki na ang apoy, tinambakan ko pa ito ng mga tuyong panggatong upang tuloy-tuloy lang ang apoy. Pagkatapos, inakyat ko ang isang mababang puno ng niyog at inilaglag ng ilang buko. Gamit ang aking swiss knife, binutasan ko ang isa sa mga ito at nong nagising na si Adrian, pinainum ko.

 

Hindi ko alam kung paano siya gamutin. Noong natuyo na ang kanyang damit, ipinasuot ko ang mga ito sa kanya. Sumapit ang gabi, yakap-yakap ko pa rin siya.

 

Sobrang awa ang naramdaamn ko para kay “Adrian”. At sa ganoong ayos namin sa buong magdamag kung saan ay yakap-yakap ko siya, tila unti-unti ring nahulog ang loob ko sa kanya. Parang kasabay ng awa ay may mas malalim pa akong naramdaman. Iyong pakiramdam na ayaw mo siyang pakawalan sa habang nagdikit ang inyong mga katawan, na kahit napapagod ka na sa posisyon ninyo; na kahit naiinitan ka na at hindi makatulog, ay napapawi ito dahil sa saya na iyong naramdaman na yakap-yakap mo siya.

 

Kinabukasan, bumuti na ang pakiramdam niya. Nakakatayo na siya at kumain na rin. Ako na rin ang gumawa ng paraan upang makahanap ng pagkain maliban sa mga prutas. Nanghuli ako ng mga lamang-dagat. Dahil may parte ng dagat na bulubatuhin, nakahanap ako ng mga kabibi, susung-dagat, talaba, at iba pa. Inihaw namin ang mga ito, kasama ng mga saging na saba. At ang aming pantulak ay sabaw ng buko.

 

“Joel… salamat ha? Kung hindi sa iyo, patay na sana ako”

 

“Wala iyon… Kahit naman siguro kung nagkapalit tayo ng kalagayan, sasagipin mo rin ako, di ba? At Malaki rin ang pasalamat ko kasi heto, may kasama ako.”

 

“Oo nga no?”

 

Tahimik.

 

“Sana may maka-rescue na sa atin…” ang pagbasag ko sa katahimikan.

 

Kitang-kita ko naman ang paglungkot ng kanyang mukha. “H-hindi ko alam kung saan ako uuwi… kung sino ang pamilya ko.”

 

“Malalaman din natin iyan ‘tol kapag na-rescue na tayo dahil siguradong pinaghahanap na tayo ng ating mga mahal sa buhay. Ang importante, manatili tayong buhay hanggang may makasagip sa atin dito.”

 

Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. May nararamdaman akong lungkot sa sinabi niya. Ngunit may parte rin ng isip ko ang nasasabik na makita ang aking ina, ang aking mga kaibigan, at ang pag-aaral.

 

Sa araw na iyon ay tuluyan nang bumuti ang kanyang kalagayan. Sumama na siya sa akin sa panghuhuli ng lamang-dagat. Gumawa kami ng sibat at dahil dito, nakahuli na kami ng isada, at pugita pa.

 

Kahit papaano, naging masaya na kami sa araw na iyon. At kumpyansa na akong mananatili kaming buhay kahit matagalan pa ang pagre-rescue sa amin dahil sagana kami sa pagkain.

 

Sa ilang araw na lumipas, tuluyan nang naghilom ang kanyang sugat sa noo. At naging mas malapit din kami sa isa’t-isa. Bagamat nasa isang isla lang kami na walang katao-tao, pakiramdam ko ay masaya pa rin kami. Parang naging mga bata uli kami -. Naglalaro sa dalampasigan, nagtatakbuhan, nagtatawanan, kung hindi man ay maghahanap ng mga prutas o manghuli ng mga lamang-dagat. Tila pag-aari namin ang mundo at kami lang ang taong nakatira rito. At tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.

 

Para siyang isang bunsong kapatid na bagamat maaaring mas matanda siya sa akin ako ang humahawak bilang kuya. Sinusubuan ko siya, sinasamahan kahit sa kanyang pagdumi dahil takot daw siya baka may ahas o, may kung anong hayop.

 

Isang beses habang kumakain kami, ewan ko rin ba kung bakit ko ginawa iyon. Isusubo ko na lang sa aking bibig ang inihaw na isda noong bigla akong napatingin sa kanyang mukha. Sobrang na-mesmerized ako na hindi ko namalayang nakatutok lang pala ang mga mata ko sa kanyang mukha. Noong napansin niya at tinonong niya ako kung bakit ko siya tinitigan, mistula din akong binuhusan ng malamig na tubig at sa pagkabigla ko, ang nasambit ko ay, “G-gusto mo bang subuan kita?” sabay abot sa isda sa kamay ko sa kanyang bibig.

 

Pakiramdam ko ay namumula ang aking mukha sa aking ginawa. Nasabi ko lang naman iyon dahil med’yo nahiya ako na napansin niyang tinitigan ko siya at wala na akong ibang naisip na sasabihin.

 

Ngunit laking tuwa ko rin noong sa paglapit ng aking kamay sa mukha niya ay ibinuka niya ang kanyang bibig. At mas natuwa pa ako noong siya naman ang kumuha ng piraso ng inihaw na isda at isinubo din iyon sa akin.

 

Syempre, ibinuka ko ang aking bibig at tinanggap ang kanyang isinubo. At noong nginuya ko na ang isda, para akong lumutang sa ere sa sobrang kilig noong tiningnan pa talaga niya ang pagnguya ko atsaka pinahid ng kanyang daliri ang kapirasong isada na dumikit sa aking pisngi.

 

“Alam mo tol… masaya ako na kasama ka,” ang sabi niya noong isang beses na nasa baybayin kaming nag-usap habang hinintay na maluto ang inihaw na isda. “P-parang gusto ko na lang na dito na manirahan… kasama ka” dugtong niya.

 

Binitiwan ko ang isang ngiti at isang malalim na buntong-hininga, ibinaling ang tingin sa dagat. Hindi ko kasi lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa narinig. Iyon bang feeling na masaya dahil sa sinabi niya ngunit sa kaibuturan ng aking puso ay may takot dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob ko at ayaw kong mangyari iyon dahil ayokong lumabag sa kagustuhan ng aking ina na huwag matulad sa aking ama at kuya na kinamumuhian niya.

 

“S-sorry tol…” ang dugtong niya noong hindi kaagad ako nakasagot.

 

“B-bakit Sorry?”

 

“Alam ko naman… na-miss mo na ang pamilya mo e. Alam kong gusto mo nang makauwi sa inyo at makita sila,” ang malungkot niyang sabi.

 

Hindi ako nakaimik. Gusto ko sanang sabihin na gusto ko ring huwag nang ma-rescue at mamuhay na lamang kaming magkasama sa islang iyon. Ngunit may tanong din sa aking isip kung “Para saan?” at “Bakit?” dahil para sa akin, hindi makatarungang sa kabila ng paghahanap at pag-alala ng aming mga pamilya ay hayaan naming maghahanap sila at magtanong habambuhay kung buhay pa ba kami o kailangang bang tuldukan na lang nila ang kanilang paghahanap. Kaya ng naisagot ko na lang sa kanya ay, “Alam mo, gusto kong dumito na rin lang… kasama ka. Ngunit paano naman ang mga taong nagmamahal sa atin? Naghahanap sila, nag-alala, nalulungkot. Kaya mo bang magdusa sila?”

 

“H-hindi ko alam Tol… Hindi ko naman din kasi alam kung sino ang pamilya ko. O may pamilya pa ba akong uuwian. Ang alam ko lang ay ang ngayon…”

 

Iyon ang linya ng kanyang pananalita. Pakiramdam ko ay nawalan na siya ng ganang hanapin ang tunay na niyang pinagmulan; ang mga taong nagmahal; ang mga pangarap na nasimulan. Matinding awa ang naramdaman ko para sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin. Ngunit may parte din ng utak kong natakot na baka tuluyan akong maalipin sa pagmamahal sa kapwa lalaki na ayaw kong mangyari.

 

Ngunit noong sumapit ang gabi, habang nagtabi kami sa paghiga sa aming lungga, hindi ako dalawin ng antok. Pabaling-baling ako sa pagkahiga, paiba-iba ang posisyon. Ang laman ng aking utak ay siya at ang pagpumilit ng isip ko na harangin ang naramdaman ko.

 

At habang patindi nang patindi ang hatak ng tukso, pakiramdam ko naman ay sasabog ang aking utak. Lalo na noong tumagilid siya sa paharap sa akin at idinantay ang kanyang paa sa ibabaw mismo ng aking harapan, ang kanyang kamay ay ipinatong sa ibabaw ng aking dibdib at ang kanyang mukha ay nakadikit sa aking pisngi na halos hahalikan na lang niya ako, hindi ko napigilan ang pag-aalpas ng aking pagkalalaki.

 

Tumayo ako at tinumbok ang dalampasigan. Umupo ako sa buhanginang bahagi, paharap sa dagat kung saan ang mga maliliit na alon ay paisa-isang humampas sa dalampasigang may apat na metro lang ang layo mula sa aking kinauupuan. Malamig ang simoy ng hangin na nanggaling sa mismong dagat. Maaliwalas ang panahon at walang kahit ni kaunting ulap ang langit na nagpaigting sa sinag na naggaling sa buwan.

 

Habang ang naririnig kong ingay ang ihip ng pabugso-bugsong hangin at paghampas ng alon sa dalampasigan, naglalakbay naman ang aking isip tungkol sa aking nakaraan; ang aking ama na iniwan kami ng mommy kung saan nagsimula ang galit niya sa tinatawag niyang kabaklaan; ang pagpalayas ng mommy ko sa aking kuya kung saan tumatak sa aking isip ang pagkaawa ko sa kanya. At ang sunod na pumasok sa aking isip ay ang una kong karanasan sa pakikipagtaktalik sa kapwa lalaki, kay Bryan.

 

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tila isang napakalaking pagsubok ang pagpasok ni Adrian sa buhay ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi sumagi sa isip ang “kabaklaan” na sinasabi ng mommy ko at ang matinding galit niya sa mga bakla. Hindi ko talaga alam kung tuluyan na ba akong bibigay kay Adrian o magmatigas pa rin sa aking naramdaman para sa kanya. “Sabagay, hindi ko rin naman alam kung mahal ako ni Adrian… kaya dapat lang na ako na mismo ang pumigil sa aking naramdaman,” bulong ko sa sarili.

 

Naudlot ang aking pagmuni-muni noong naramdaman ko ang isang marahang pagtapik sa aking balikat. “B-bakit nandito ka?” ang tanong ni Adrian. Nagising pala siya at sinundan ako sa aplaya. Umupo sa tabi ko.

 

“Nagpapahangin lang tol…” ang malungkot kong sabi.

 

“Naalala mo ba ang… pamilya mo? Ang mga mahal sa buhay? Na-miss mo ba sila?”

 

“Oo… na miss ko sila. Pati na ang mga dating nakagawina, ang eskuwelahan, ang mg kaklase, ang mga laro… lahat.”

 

Natahimik siya sandali. “M-mabuti ka pa, may na-miss... Kaya pala ang lungkot-lungkot mo,” sagot niyang may bahid na lungkot din ang boses.

 

“Oo… pero hindi dahil d’yan kung kaya ako nalungkot, tol.”

 

“E… Ano ba ang dahilan?”

 

 

Chap 4: Kambal Na Perlas

 

Bigla akong natameme sa tanong niyang iyon, hindi nakaimik. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ako nalungkot; dahil may naramdaman ako sa kanya ngunit ayaw itong tanggapin ng isip ko.

 

“Woi, sagutin mo naman ako, tol…”

 

“E…” ang nasambit ko na mistulang nabuhusan ng malamig na tubig. “A-alam mo bang ang mommy ko ay galit sa mga bakla?” ang nasabi ko.

 

“T-tapos…? Anong kinalaman nito sa pagiging malungkot mo?” ang sagot niyang tila naguluhan sa aking paunang salita.

 

“K-kasi, ang daddy ko ay bakla, at iniwanan kami para sa isang lalaki at ang kaisa-isa kong kuya ay bakla din, pinalayas ng mommy ko sa bahay namin.”

 

“T-tapos…?”

 

“A-ayokong maging bakla tol…”

 

“S-so…? Anong problema?” ang tanong niyang naguguluhan sa huli kong sinabi.

 

Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang paglakas ng kabog sa aking dibdib. May malakas na pwersang nag-udyok sa akin na ibunyag ang aking naramdaman, bagamat pilit din itong nilabanan ng aking isip.

 

“Tol… anong problema?” pag-ulit niya sa tanong.

 

“W-wala tol. Wala...” ang sagot ko na lang. “Ikaw na lang kaya ang tatanungnin ko?” ang paglihis ko sa usapan.

 

“S-sige. Ano?”

 

“N-naranasan mo na ba ang umibig?”

 

“Hahahaha!” ang malakas niyang tawa.

 

“B-bakit?”

 

“Hindi ko na nga matandaan pa ang pangalan ko eh… HIndi ko alam kung may taong nagmahal sa akin o minahal ko.”

 

“Ay… oo nga pala.” Ang sagot ko sabay tawa. “Sige, ganito na lang. Kung sakaling timibok ang iyong puso para sa isang tao, paano mo ito iparamdam sa kanya?”

 

“Hmmmm…” nag-isip siya. “Siguro tititigan ko siya ng matagal. Lulusawin ko siya sa aking mga titig. Pagkatapos… hahaplusin ko ang pisngi niya. At kapag hahayanan niya lang ako sa paghaplos sa kanyang pisngi, hahalikan ko na siya, hanggang sa angkinin ko ang katawan niya.”

 

Lalo pa akong napatawa. “Hahahahaha! Adikkk!!!” sigaw ko.

 

Maya-maya, inilihis niya ang topic. “Ang liwa-liwanag ng buwan! Napakapayapa ng dagat! Malamig ang simoy ng hangin! Angkinin natin tol! I-enjoy natin!” sabay tayo, tinanggal sa kanyany t-hirt at pagkatapos, pumulot ng buhangin at biglang ibinato iyon sa akin sabay kumaripas ng takbo.

 

“Arekop!” sigaw ko noong natamaan ang dibdib ko, nabigla sa hindi inaasahang pagbato niya sa akin. Tumayo na rin ako. “Makakatikim ka sa akin kapag naabutan kita! Dila mo lang ang walang latay!” sigaw ko habang hinabol siya.

 

“Hahahahahaha! Kung maabutan mo ako! Yeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!” Pakiramdam ko ay sobrang saya niya sa pagkakataong iyon.

 

Katakot-takot na habulan ang nangyari. At noong napagod na siya, ibinagsak na lang niya ang katawan niya sa buhangin, nakatihaya. Dinaganan ko ang katawan niya. Ang dalawa kong kamay ay ini-lock sa dalawang kamay niya habang ang mga hita ko ay ini-lock din sa dalawang hita niya. Dinig na dinig ko pa ang aming habol-habol na paghinga. “Ano? Give up ka ba o bugbugin na kita?”

 

Tumawa pa rin siya. “Paano mo ako bugbugin? Ang dalawang kamay mo ay nakatukod sa dalawa kong kamay?”

 

“A ganoon! Di ganito ang gagawin natin…” at pinilit kong ipaglapit ang dalawang kamay niya na nasa itaas ng kanyang ulo upang isang kamay ko lang ang gamitin kong pantukod doon.

 

Ngunit bigla siyang pumalag. Niyakap niya ang katawan ko. Nagpambuno kami habang nagpagiling-giling ang mga katawan namin sa buhangin.

 

Noong napagod na, nanatili pa rin siyang nakayakap sa aking katawan at siya naman ang nakapatong sa akin. Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya. Nagtitigan kami. Matagal. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig niya. At sa ayos naming iyon, gumapang sa aking katawan ang kakaibang init. Ramdam ko ang paglakas ng kalampag ng aking dibdib. Pakiwari ko ay sasabog ito.

 

Maya-maya, habang nanatiling nakatitig siya sa aking mukha, hinaplos niya ang aking pisngi. Para akong isang taong naalipin sa kanyang kapangyarihan at hindi magawang kumilos. Hinayaan ko siya sa paghaplos sa aking pisngi. Hanggang sa naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng kanyang bibig sa mga labi ko.

 

At wala na akong nagawa kundi ang ipaubaya sa kanya ang lahat. Inangkin namin ang ganda ng obra ng kalikasan. Inangkin niya ang aking bulnerableng katawang lupa…

(Isert…)

 

-----

 

Umabot kami ng anim na buwan sa isla na walang nakakitang mga rescuers. At sa panig namin, hindi na rin kami nagtangka pa na umalis sa islang iyon. Para sa akin, okay na ang kalagayan namin, masaya kami sa piling ng isa’t-isa, at bagamat nasasabik ako sa mommy ko at sa mga nakasanayan, mas matimbang sa puso ko ang pagsasama namin ni Adrian sa islang iyon.

 

Sa anim na buwang iyon, naging mas malapit pa ang aming mga kalooban sa isa’t-isa. Bagamat wala kaming lantarang sinasabing “I love you” sa isa’t-isa ngunit sa panig ko, dama ko ang pagmamahal niya. Parang gusto ko nang kalimutan ang buhay ko sa labas ng isla. Masaya na ako sa lugar na iyon, sa mundo namin ni Adrian. Doon ay walang batas, walang mga taong kikilatis sa aming pagmamahalan, walang mga moralista, wala ang mommy ko na siyang numero unong siguradong tututol sa naramdaman ko para kay Adrian. At hindi na rin kami gumawa ng paraan pa upang mapansin ang lugar kung may rescuers man na mapadayo. Wala kaming pakialam kung irerescue kami o hindi.

 

Isang araw, habang napadayo ako sa isa sa pinakamalaking puno ng talisay sa may aplaya, napansin ko ang nakaukit dito - dalawang puso. At sa loob niyon ay ang pangalang “Adrian” at “Joel”.

 

Sobrang touched naman ako. Tinawag ko siya. “Ikaw ba ang nag-ukit nito?”

 

“Ano sa palagay mo?” sabay bitiw ng isang pilyong ngiti na ang mga mata ay nagttanong na “Talagang ikaw ang gumawa?”

 

Ano ka ba? Syempre, tayong dalawa lang naman ang narito. Alangan namang multo,” ang sagot niya. “O ano, ok ba?” dugtong niya.

 

Mistulang naglulundag ang aking puso sa snabi niyang iyon. “Syempre… maganda,” ang sagot ko na lang bagamat sa kaloob-looban ko ay halos ‘di ako magkamayaw sa matinding kilig.

 

“Nagustuhan mo?”

 

Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay. “Super”

 

Tinitiagn niya ako. “M-mahal kita. At gusto kong kahit ano man ang mangyari… kahit manumbalik man ang aking ala-ala… ang puno na ito ang siyang magsilbing buhay na saksi sa pagmamahal ko sa iyo. At kung sakaling darating ang panahon na mailigtas tayo mula rito, babalik-balikan ko pa rin ang islang ito at hahanap-hanapin ang punong ito na tanda ng aking pagmamahal sa iyo, sariwain ang mga alaalala sa isang bahagi ng buhay ko kung saan ay lihim tayong nagmamahalan tayo, dito sa islang tanging tayo ang nagmamay-ari, at minsan tayong dalawa ay masayang namumuhay.”

 

Para akong nasamid sa narinig na iyon sa kanya. At naramdaman ko na lang na pumatak na pala ang aking mga luha. Iyon bang pakiramdam na perpekto na sana ang lahat ngunit may takot ka na baka isang araw, magising ka na lang na nagbago na pala ang lahat; pagdating ng araw na manumbalik ang kanyang ala-ala, at hindi na ako kasali pa sa tunay na mundo niya.

 

“P-paano kung sa pagbalik ng iyong ala-ala ay hindi mo na nanaisin pang bumalik rito?”

 

“K-kaya nga ayaw ko nang umalis pa tayo rito tol… Ayokong magkahiwalay pa tayo. Gusto ko na rito tol, kapiling ka.”

 

“Paano nga kung mailigtas tayo at ilalayo ka ng pamilya mo sa akin?” ang pag-giit ko.

 

“Bakit? Hahayaan mo bang malayo ako sa iyo?”

 

Hindi ako nakaimik. Sumiksik kasi sa utak ko ang mommy ko. 

 

“Gusto mo na ba talagang makaalis na tayo rito?”

 

“Hindi naman sa ganoon ‘tol. Gusto ko lang marinig sa iyo kung gaano mo pinapahalagahan ang pagsasama natin dito, ang islang ito, at kung gaano ako kahalaga sa iyo….”

 

“Pwes, mahalaga ka. Hindi lang dahil ikaw ang sumagip sa buhay ko kundi dahil mahal kita. At babalik ako rito tol… kasama ka. At ipangako mo sa akin na hindi ka bibitaw tol, ano man ang mangyari.”

 

At tumango na lamang ako sa sinabi niya palihim na pinahid ang mga luhang patuloy na dumaloy sa aking mga mata.

 

“Maipangako mo ba tol?” giit niya.

 

“Oo…” ang sagot ko na lang.

 

“Ibang topic na lang tol… Hayan umiiyak ka na. Huwag ka kasing mag-isip ng masama. Basta, mahal kita at ayokong malayo ka sa akin,” at pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi. “Hug na lang kita…” Niyakap niya ako.

 

Napangiti na lang ako ng pilit. Gusto ko mang kiligin ngunit hindi pa rin napawi sa isip ko ang matinding takot.

 

Tahimik.

 

“Bakit ikaw? Gusto mo bang umuwi na? Gusto mo na bang makalayo na tayo rito?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

 

Hindi ako nakasagot kaagad. Mahirap kasing sagutin ang tanong niyang iyon. Syempre, mahal ko siya at gusto kong manatili pa kami doon. Ngunit sa kabilang banda, naawa ako sa kalagayan niya. Para kasing lumabas na nag take advantage ako porke’t wala siyang alaala sa kanyang nakaraan.

 

Ngunit iba pala ang interpretasyon niya sa hindi ko pagsagot sa tanong niya. “Hindi nga kita masisisi tol. Alam kong na-miss mo ang pamilya mo…” ang may halong lungkot na wika niya.

 

“Hindi naman sa ganoon ‘tol… Nag-alala lang ako sa iyo kasi, may mga taong nagmamahal sa iyo. Naghahanap.”

 

“So gusto mo nang gawin ang sinabi mo sa akin dati kung paano tayo mahanap?” ang sambit niya. Nasabi ko kasi sa kanya isang beses na upang mahanap kami ng mga rescuers, gumawa kami ng apoy at magpausok. O di kaya ay sa isang patag na lugar sa isla, puwede naming iukit ang mga letrang “S-O-S”, iyong sobrang laki na kapag may eroplano o helicopter na aali-aligid sa itaas, makikita ang mga letrang ito. At sinabi ko rin na maaaring takpan namin ng mga tuyong dahon ang isang malapad na isla at iukit dito ang mga letrang “S-O-S” gamit ang puting buhangin o pinulbos na mga patay na corals ng dagat. 

 

Isang araw, habang nanghuli kami ng mga lamang-dagat, napadayo ako sa malalim na bahagi ng dagat. Dahil likas na swimmer, walang problema sa akin. Sinisid ko ang kailaliman. Habang nasa ilalil ako ng dagat, may nakita akong isang napakalaking kabibi na may kambal na perlas sa loob nito. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa nahugot ko ang buong kabibi at ang laman nito. Dinala ko ito sa dalampasigan.

 

Tuwang-tuwa si Adrian noong makita niya ang nakuha kong iyon. “Alam mo ba kung ano ang gawin ko sa mga perlas?” tanong ko

 

“Ano?”

 

“Tig-iisa tayo tol…” sabay abot ng isa nito sa kanya.

 

Tuwang-tuwa siya. “Tol, ibaon din natin ang kabibi…” at ibinaon niya ang dalawang hati ng kabibi sa paanan ng puno ng talisay. At noong natakpan na niya, “Hayan… ang isang hati ay para sa iyo at ang isa ay para sa akin. Kapag nakabalik tayo rito, ito ang una nating huhukayin at ilagay ito sa ibabaw ng sanga upang makita natin na buo pa rin siya,” sambit niya.

 

Naghanap kami ng baging at matitibay na dahon. Ibinalot namin ang perlas at ginawang kwintas. “Kapag nasa syudad na tayo tol… dapat ay ipagawa natin itong pendant upang maging isang magandang kwintas ito,” ang pagmungkahi ko naman.

 

“Oo, sang-ayon ako,” sagot niya.

 

“At kapag nagkita tayo, halimbawa nanumbalik na ang iyong alaala at ako naman ang malilimutan mo, hawakan natin ang ating pendant na perlas, pahiwatig na naalala pa natin ang isa’t-isa, at na walang nagbabago sa ating nararamdaman para sa isa’t-isa,”

 

Napangiti siya. “Magandang ideya! S-sige, iyan ang gagawin natin!” sagot niya.

 

Nasa ganoon kami kasaya at kabala sa aming ginagawa noong biglang may narinig kaming ingay mula sa itaas.

 

“A-ano iyan tol?” tanong ni Adrian. “P-parang kilala ko ang tunog na iyan,” dugtong niya.

 

Napahinto ako, pinakinggang maigi ang tunog na tila papalapit. At noong malapit na nga at nakita ko kung ano ito, “I-isang helicopter tol!” Sigaw ko.

 

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Parang may saya akong nadarama na nakakita ng helicopter ngunit may matinding lungkot din ang aking puso.

 

Dahil nasa ilalim kami ng malaking puno ng talisay, iniisip ko sanang lumantad sa dalampasigan upang makita kami. Ngunit noong tiningnan ko si Adrian, mistula itong namimilipit sa sakit hawak-hawak ang kanyang ulo. “Anong nangyari sa iyo Adrian! Toll!” ang taranta kong sigaw.

 

“Masakit ang ulo ko tollll! Arrggghhh! Ang sakit sakiiiittttt!” At bumagsak ito sa buhanginan, tila nawalan ng malay.

 

Sa matinding takot na kung napaano na si Adrian, tinakbo ko ang aplaya at iwinagayway ko ang aking palad sabay sigaw ng “SAKLOLO!!! SAKLOLOOOO!!!!” upang makita ako ng mga nakasakay sa helicopter at maagapan si Adrian kung ano ang nangyayari sa kanya.

 

Ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nakita ng mga sakay ng helicopter. Tuluyan na itong nakalayo.

 

 

Chap 5: “S-O-S”

 

Binalikan ko si Adrian na wala pa ring malay. Kinarga ko siya patungo sa aming lungga. “Tollll, gumising ka tollll. Please naman o. Huwag mo akong iwanan dito tol,” ang nasambit kong nag-iiyak habang karga-karga ko siya patungo sa aming lungga.

 

Noong nailatg ko na siya, tila nabunutan ako ng tinik nang unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

 

“Ano bang nangyari sa iyo tol?” ang tanong ko.

 

“M-may bigla akong naalala tol… Iyong tunog. Helicopter iyon di ba? ” tanong niya.

 

“O-oo. Ano ba ang naalala mo?”

 

“E-ewan! Sumakit bigla ang ulo ko. Tapos, may biglang sumingit na mga imahe ng helicopter sa isip ko. Parang nagpa-flash lang ang mga imahe… putol-putol, ngunit mabilisan. Kaya siguro nahilo ako.”

 

“Unti-unti nang nanumbalik ang ala-ala mo tol…” ang sabi ko.

 

Bahagyang natahimik siya. Maya-maya, “Tol… kung sakaling magkalayo tayo o manumbalik ang aking ala-ala, huwag nating hayaang mawala ang kambal na perlas. Kapag na-miss mo ako, haplusin mo ito. Sa ganitong paraan ay maiparating mo sa akin ang iyong kasabikan sa akin. At kapag nagkita muli tayo, huhugutin ko ito sa dibdib ko upang itabi sa perlas mo pahiwatig na naalala pa rin kita at hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo...”

 

Kinabukasan ay bumalik uli ang helicopter. Hindi ko alam kung lalantad pa o hayaan na lamang ito na muling lumayo.

 

Ngunit sa hindi inaasahaan ay biglang lumapag ang helicopter sa isang mataas na med’yo patag na lugar ng isla. Iyon iyong lugar na minsan ay napuntahan namin ni Adrian at sinabi ko sa kanyang puwede doon kami maglagay ng “S-O-S” dahil purong maliliit na bato lamang ang lugar at ang mga damo ay maliliit na damo lamang ang tumutubo.

 

Sa pagkakataong iyon, hindi na nawalan ng malay si Adrian bagamat nagpa-flash back na naman daw ang isang ala-ala niya tungkol sa helicopter.

 

“Ano tol… lalabas ba tayo dito sa ating lungga?” tanong ko.

 

“S-sige tol. Sige…” ang pag-aalangan niyang sagot.

 

Dali-dali naming inakyat ang gulod patungo sa bahagi ng isla kung saan ay naroong ang talampas. Noong nakarating na kami, magkahalong gulat at tuwa ang nakita ko sa mukha ng tatlong rescuers.

 

Agad din kami nilang sinalubong atsaka ipinasok sa loob ng helicopter. Napansin kong may camera pala ang isa sa kanila at pinagkukunan kami ng litrato, pati na ang mga lugar sa isla.

 

Sa loob ng helecopter ay binigyan kami ng damit at pagkain. Ipinaalam ko rin sa kanilang nagkaroon ng amnesia ang kasama ko na pinangalanan kong “Adrian”.

 

“O ano… lisanin na natin ang islang ito?” ang masayang tanong ng isa sa mga rescuers. “Sigurado akong tuwang-tuwa ang mga pamilya ninyo kapag nalamang buhay kayo!”

 

Ngunit hindi tuwa ang dulot ng tanong na iyon sa puso ko. Nilingon ko si Adrian na nakatingin din sa akin, ang kanyang mga mata ay tila nagtatanong.

 

“P-puwede po bang d-doon na kami magbihis sa aming lungga?” ang sambit ko sabay taas sa ibinigay nilang mga damit sa amin.

 

Nagkatinginan din silang tatlo. “O… sige! Sige! Dalian nyo lang.” sagot naman ng leader nila.

 

At dali-dali kaming nagtatakbo pabalik sa aming lungga.

 

“P-paano na iyan? Di maghiwalay na tayo nito?” tanong ko.

 

Hindi niya ako sinagot. Bagkus, niyakap na lang niya ako. At naramdaman ko na lang na umiyak na pala siya.

 

Hinyaan ko na lang ding yumakap siya sa akin. Umiiyak na rin ako. “Tol… sana hindi mo malimutan ang pagmamahal ko sa iyo…” bulong ko.

 

“Hindi tol. Pangako... At huwag nating alisin sa katawan natin ang perlas,” ang pabulong din niyang sagot.

 

Hinalikan ko siya sa bibig. Naghalikan kami. Matagal. Mapusok. Pakiwari ko ay iyon ang pinakamasaklap na halik na natikman ko sa buong buhay ko.

 

Noong nakapagbihis na kami, pinulot ko ang mga lumang damit namin, binalot iyon sa dahon.

 

“Anong gagawin mo d’yan?” Sambit niya

 

“Ibinaon ko ito sa paanan ng talisay tol, sa tabi ng ibinaon nating kabibi. Kapag nakabalik ako dito, hahanaipn ko ang mga ito, mga ala-ala ko sa iyo…” ang sabi ko, pinilit ang sariling huwag umiyak.

 

Halos nasa himpapawid na kami noong mula sa bintana ng helicopter ay nilingon ko ang isla. At doon ko nalaman ang dahilan kung bakit kami nahanap ng mga rescuers. Sa talampas kung saan lumapag ang helicopter ay kitang kita ko malalaking binuong letra gamit ang puting buhangin ng isla, “S-O-S”.

 

Muli akong napaiyak. Hindi ko akalain na sa kabila ng aming mga napagkasunduan, inilihim pala sa akin ni Adrian ang paggawa niya noon. At tuloy sumagi sa isip ko na gusto talaga niyang makauwi at mahanap ang kanyang pamilya. Pinilit ko ang sariling huwag masaktan. Pinilit ko ang sariling intindihin ang kalagayan niya, inilagay sa isisp na ginawa lang niya ang paglihim sa akin noon dahil ayaw niya akong masaktan. Ngunit ang hindi niya alam ay matinding sakit ang dulot sa akin noon dahil iyon ay isang pagtatraydor sa taong itinuring niyang “mahal.”

 

Marahil ay napansin niya ang matagal kong pagsilip sa nakasulat na “S-O-S” at ang paglungkot ng aking mukha. Inakbayan niya ako. “S-sorry tol… hindi ko sinabi sa iyo.”

 

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Ok lang…” ang maiksi kong sagot. “H-hindi ka na nahilo?” ang paglihis ko sa usapan.

 

“Hindi na tol… pakiramdam ko ay natural na lang sa akin”

 

Hindi na ako sumagot. Itatanong ko pa sana kung anong ibig niyang sabihin sa natural na lang sa kanya ngunit nawalan na akong ganang makipag-usap. Alam ko, mula sa puntong iyon ay magsimula na ang tuluyang paghiwalay ng aming landas. Tila biglang nawalan ng saysay ang mga pangako namin sa isa’t-isa. Nawalan ng halaga ang ming pagsasama at ang sinabi niyang pagmamahal. At ang mas masakit ay sa paghihiwalay naming iyon ay tila sinaksak din niya ang aking puso sa kanyang pagtatraydor. Dahil dito ay napagdesisyonan kong simulan ko na siyang kalimutan. Ituturing kong isang panaginip lang ang paglubog ng M/V Adrian, isang panaginip lang ang pagtagpo ng aming landas ni Adrian sa isla.

 

Lumapag ang helicopter sa helipad ng isang pinakamalaking ospital sa syudad. Pagkalabas namin, sinalubong kaagad kami ng mga camera at TV crews. Excited ang lahat. Masaya ang mga tao. Ngunit hindi ako nakakarelate sa kanilang kaligayahan. Tila may hiwalay na mundo ako sa mundo nila. Sa loob-loob ko ay ramdam kong tinadtad ang aking puso. At dahil sa sama ng loob ko, hindi ko na siya kinausap, hindi nilingon at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na para bang hindi kami magkakakilala.

 

Katakot-takot naman na check up ang ginawa sa amin. X-ray, CT Scan, blood tests at pagkatapos, ipinasok kami sa magkahiwalay na mga kwarto. Kinabukasan, dumating ang mommy ko. Walang mapagsidlan ang saya na kanyang nadarama. Binisita rin ako ng aking daddy at kuya at masaya ako na nakita sila. Bagamat hindi sila kinikibo ng mommy, may saya pa rin akong nadarama. Kahit papaano, nagkaisa an gaming pamilya sa tagpong iyon.

 

Inilabas ako kaagad ng mommy sa araw din na iyon. May mga reporters daw kasi na nagtangkang mag-interview sa akin ngunit hindi pumayag ang mommy dahil nag-alala siya na baka mahalungkat ang paghihiwalay nila ng daddy at ang pagsama nito sa isang lalaki, ganoon din sa kaso ng aking kuya. Ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang mahanapan ng dumi ang imahe niyang isang relihiyosa. At para sa akin, nakabubuti rin ang pag-iwas niya sa mga reporters dahil maaaring makalkal din ang nangyari sa amin ni Adrian. Baka madulas ang aking dila at may masabi akong ikagagalit ng aking ina.

 

Samantala, maiiwan pa si Adrian ng ilang araw gawa nang sinusur pa nila ang kanyang kalagayan dahil sa natamong pinsala ng kanyang ulo at ang kuneksyon nito sa pagkaroon niya ng amnesia.

 

Bago ako makaalis ay sumisigaw ang aking isip na daanan si Adrian sa kanyang kuwarto upang magpaalam. Ngunit nanaig sa isip kong hayaan na lang siyang lisanin nang walang paalam at simulan ko nang limutin siya.

 

Sa gabing iyon ay napanood ko sa TV na nasa ospital pa rin si Adrain gawa nang patuloy na paggamot nila sa kanyang nawalang ala-ala. Ipinakita din doon ang rescue na ginawa ng team sa amin. Ipinakita nila ang isla, ang kabuuan nito, ang ginawang malalaking “S-O-S” na letra ni Adrian sa ibabaw ng talampas, ang lungga kung saan kami natutulog, at syempre, ang mga kuhang litrato nila noong lumapag ang helicopter sa helipad ng ospital.

 

Sa feature din na iyon ko nalaman ang pagkatao ni “Adrian” na ang tunay na pangalan ay Christopher. Anak siya ng isang napakayamang byudong negosyante sa aming syudad. Namatay ang inay niya limapung taon pagkatapos siyang isilang. Nasa 22 taong gulang siya, nagtapos ng kursong aviation at nakapagpalipad na rin ng mga light planes at helicopters. Iyon pala ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo niya noong unang narinig naming ang ingay ng lumilipad na helicopter. May kinalaman pala ito sa kanyang tunay na pagkatao.

 

Ngunit doon ko na naman naramdaman ang matinding sakit noong ipinakita ang artistahing girlfriend niya na kahawak-kamay pa niya habang ini-interview siya. Si Kristina… at halatang may dinadala ito sa kanyang tiyan.

 

 

Chapter 6: “Best Man”

 

Sa sobrang bigat ng aking naramdaman ay papatayin ko na sana ang TV noong isiningit naman sa interview ni Adrian ang maraming tanong ng reportert sa kanya tungkol sa kalagayan namin sa isla. Kung ano ang ginawa namin upang maka-survive, kung hindi ba kami naghirap sa pagkain at pagtulog... Pansin ko namang tila tulala si Adrian habang tinatanong at hindi kaagad nakakasagot. At kapag nakakasagot man ay hindi ito masyadong malinaw. “Nanumbalik na ang kanyang ala-ala?” ang bulong ko na lang sa aking sarili.

 

At doon ako nabigla noong nanawagan siya. “…sa taong nakasagip sa akin sa isla, Joel Del Fierro… kung nanood ka man ngayon, gusto kong sabihin sa iyong hinding-hindi ko malilimutan ang pagsagip mo sa buhay ko. Manumbalik man ang aking alaala, ikaw ay mananatiling hero ng buhay ko. Utang ko sa iyo ang lahat. Kung wala ka, wala sana ang isang “Adrian” ngayon. Na-miss kita tol, sobra,” bahagya siyang nahinto. “I-ipakilala ko pala sa iyo si Kristina, girlfriend ko tol… B-balak naming magpakasal sa sunod na buwan. Ikaw ang gagawin kong best man. Kaya sana ay dalawin mo ako. Hindi namin ituloy ang petsa ng pagpapakasal hanggang hindi ka sumipot at sumang-ayon na maging best man ko.”

 

Para akong na-shock sa narinig. Para bang, “Ano ba to? Insulto ba ito o masakit na biro? Ganito na ba kaliit ang aking pagkatao na hindi man lang niya naisip na masasaktan ako? Atsaka bakit ambilis yata nilang magpakasal? Ni hindi man lang hinintay na tuluyang manumbalik ang ala-ala niya?” Ngunit ako na lang din ang sumagot sa sarili kong tanong, “Ah di bale… Kasi, bago pa man nangyari ito, tanggap ko nang hindi siya para sa akin. Atsaka, buntis na ang babae kung kaya siguro ganoon kabilis ang kasalan.”

 

Dahil dito, lalo akong nahirapang mag move on. Walang oras o minuto na hindi pumasok sa isip ko si Adrian. Pakiramdam ko ay mas maigi pa na kitilin ko ang sariling buhay. At ang kalungkutan ko ay hindi lingid sa kaalaman ng aking ina.

 

“Joel… i-klaro mo nga sa akin? May naramdaman ka ba kay Adrian?” ang diretsahang tanong ni mommy.

 

“Mommy naman!” Ang pagmamaktol ko “Bakit ba iyan ang tanong mo?”

 

“Alam ko Joel… sabihin mo ang totoo.”

 

At dahil sa sobrang depressed ko nan ga at heto, may pasaring pa ang mommy, napuno na talaga ako. Feeling ay wala nang nagmamahal sa akin, ako ang may kasalanan ng lahat at wala nang halaga ang buhay ko. Kaya nsagot ko ang mommy ng, “E di kung sabihin ko, magagalit ka naman!”

 

At doon tumaas ang boses ng mommy. “Ang ibig mong sabihin ay may naramdaman ka nga sa kanya? Na bakla ka ring katulad ng daddy at kuya mo!!!”

 

At pinatulan ko talaga siya, “Ke bakla ke hindi… bakit po ba napakalaking issue nito sa buhay mo mommy?” Tumaas na rin ang boses ko.

 

“Hindi mo ba naintindihan? Naghirap ang kalooban ko dahil sa kanila! Tingnan mo ang daddy mo? Nilayasan tayo! Ang kuya mo? Nandoon sa lalaki niya!”

 

“Hindi po sila ang nagpahirap sa iyo, mommy. Kayo po ang nagpahirap sa sarili Ninyo! Patawarin na po ninyo sila. Pakawalan niyo na po ang galit ninyo sa kanila. Mahal ko po sila. Mahal ko po kayo! Buksan po ninyo po ang isip at puso ninyo!”

 

“Anong buksan? Buksan ko ang isip ko sa mga taong sa impyerno ang bagsak ng mga kaluluwa? Ganoon ba?”

 

“Mommy… hindi porket bakla ang tao ay sa impyerno na ang bagsak ng kanyang kaluluwa. Nakausap niyo ba ang Diyos? Sinabi ba niya talaga na ang mga bakla ay sa impyerno ang bagsak? Bakit niya pa binuhay ang mga bakla? Bakit niya binigyan pa niya ng talento, ng isip, ng pagkakataon ang mga bakla? Bakit mommy? Bakiiiittt!“

 

“Dahil iyan ay nasa bible!”

 

“Di ba nasa bible din ang isang scripture kung saan nakisalo sa pagkain si Jesus sa mga tax collectors at sinners at noong tinanong siya kung bakit nakihalubilo siya sa mga taong ganoon, ang sagot niya ay, ‘I came not to call the righteous, but sinners’. Bakit ikaw? Hinuhusgahan mo sila? Itinaboy. Itinuturing na wala nang pag-asa sa buhay? Bakit mommy???"

 

“Bakit mo ba ako sinasagot-sagot ng ganyan? Anak lamang kita!”

 

“Tama po! Anak niyo po ako! Ngunit hindi niyo po ako pag-aari! Binigyan ako ng Diyos ng sariling utak at sariling puso. Iba ang katawan ko kaysa inyo, iba ang nararamdaman ko kaysa inyo. Kung nanggaling man ako sa dugo at laman ninyo hindi ko ito itinuturing na utang na loob ko sa inyo dahil kailan man ay hindi ko hiniling o ninais na buhayin ninyo ako, na maging anak ninyo ako, o na kayo ang magiging ina ko! Hindi naging masaya ang buhay ko sa piling ninyo!”

 

“Bakla ka na rin ba???!!!” ang bulyaw niya.

 

“Opppppoooooo! Bakla ako at lalayas na rin ako sa pamamahay ninyo!” ang naisagot ko sabay takbo patungo sa aking kuwarto at doon, hindi na nag-isip na kunin ang aking bag at ipasok dito ang aking mga gamit.

 

Ako man ay hindi makapaniwalang nasagot ko ang mommy ng ganoon-ganoon na lamang. Marahil ay sadyang umabot na talaga ako sa puntong hindi ko na kaya ang lahat ng sakit at hirap ng aking kalooban. Pakiramdam ko kasi ay sarili lamang niya ang kanyang iniisip, hindi alintana ang damdamin ng iba. Iyon bang pakiramdam na walang nakakaintindi, iyong imbes na ang taong nagmamahal sa iyo ay siyang numero unong susuporta sa iyo at sa mga desisyon mo ay siya pa itong nagpadagdag ng sakit sa iyong kalooban. HIndi ko alam kung tama ang aking ginawa. Nasaktan man siya, nasaktan din ako… matagal na at kinikimkim ko lamang ito.

 

Habang naglalakad ako palayo sa bahay, sumagi sa isip ko ang kuya. At napagdesisyonan kong sa kanya na tumuloy.

 

Sinabi ko kay kuya Jomar ang lahat ng mga nangyari; na sinagot ko ang mommy at lumayas, at na umibig ako kay Adrian na ikakasal na.

 

Nag-iyakan kami ng kuya Jomar. Naawa siya sa akin. “Alam ko kung gaano kasakit ang nadarama mo ngayon bunso dahil naranasan ko rin iyan, di ba?” Pahiwatig niya sa kanyang karanasan noong pinalayas din siya. “Pero mas bonnga ka kasi, sinagot mo ang mommy! Ikaw lang ang nakagawa noon! World record, Sis!” dugtong niyang biro.

 

Napangiti ako ng hilaw.

 

“Pwes dito ka tumira sa akin bunso. Dahil naputol na ang pag-aaral mo sa taong ito, ako ang magpapaaral sa iyo sa darating na pasukan. At tungkol naman d’yan sa pag-ibig mo, maganda sigurong dalawin mo siya at kausapin. Maganda kung may klarong closure ang pag-ibig ninyo at manatili pa rin ang inyong pagiging magkaibigan. Huwag kang mag-alala dahil kapag tuluyan mo na siyang malimutan, mahahanap mo rin ang taong sadyang nakatalaga para sa iyo.”

 

Sa pangalawang araw ko kina kuya Jomar napagdesisyonan kong dalawin si Adrian, sa bahay nila, sa isang lugar ng mga mayayaman. At habang nasa bungad pa lang ng gate, may CCTV camera nang nagmamasid sa iyong galaw.

 

Nandoon ang daddy ni Adrian. Sadyang hinintay pala ako noong nalamang darating ako. Mabait ang kanyang daddy, tuwang-tuwa ito noong nakita ako at sobra ang pasasalamat niya sa akin sa pagligtas ko sa buhay ni Adrian. Sabi niya, kahit ano man daw ang hilingin ko, kung kaya niya, ibigay niya sa akin dahil sa laki ng pasasalamat niyang nailigtas ko ang buhay ni Adrian. “Kahit kalahati ng kayamanan ko, kaya kong ibigay sa iyo”

 

“Talaga po? Pwede po bang iyong isla la na lang ang bilhin niyo para sa akin po?” ang sambit kong biro sabay dugtong din ng, “Joke lang po…”

 

Tawa nang tawa naman ang daddy ni Adrian. “Baka akala mo hindi ko kayang ibigay sa iyo iyon!” ang sagot din niyang biro.

 

“Hindi po. Talagang biro ko lang po iyong sa akin. Ang ginawa ko pong pagsagip kay Adrian, er… Christopher… ay kaya pong gawin nino man na nasa ganoong kalagayan din. At hindi po ako tumatanggap ng bayad sa isang gawain na dapat ginagawa ng taong may pagmamalasakit.”

 

“Swimmer kasi siya, Dad. At mahal niya ang tubig, ang dagat. Kaya mahilig siya sa mga isla,” ang sagot naman ni Adrian.

 

“Tama po si Adrian, Sir. Pero honestly po, biro lang po iyong sa akin. Hindi po ako tumatanggap ng kapalit sa pagsagip ko sa anak ninyo.”

 

Doon napansin ng daddy niya ang pangalan na binigay ko. “Adrian!!!” ang gulat na sambit ng daddy niya. “What a nice name!” at lingon kay Adrian, “Don’t you think so, Christopher?”

 

Nakita kong tumawa din si Adrian. ”Yes dad… I like the name. How I wish my name was Adrian.”

 

Pakiramdam ko naman ay namula ang aking pisngi. Hindi ko alam kung sarcasm iyon o puri. “I-iyan po kasi ang pangalan ng barkonng lumubog.” Ang sagot ko na lang.

 

Noong nakaalis na ang daddy niya, mistula namang nakakabingi ang katahimikang namagitan sa amin. Hindi ko kasi alam kung paano magsimula, nag-alalang baka nag-iba na siya; ba baka nabura na ang lahat ng al-ala niya sa akin…

 

Napako na lang ang paningin ko sa kanyang mukha. May pagbabago akong napansin. Pumuti, kuminis, mas lalo siyang gumuwapo. Sa isip ko ay naglalaro ang mga alaala namin sa isla. At ang anyo niya, tila isang artista. At hindi ko mapigilan ang sariling hindi makaramdam ng matinding pananabik sa kanya. Sa isip ko ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko siyang halikan sa bibig. Ngunit sinasarili ko na lang ang lahat. Hindi ako sigurado kung siya pa rin ba ang Adrian na nakilala ko. Kung siya pa rin ang Adrian na may naramdamang pagmamahal sa akin.

 

Hindi ko namalayang nakatitig din pala siya sa akin.

 

Sinubukan kong hawakan ko at haplusin ang bandang dibdib ko kung saan natakpan ang perlas na pendant ng aking kwintas, nagbakasakaling maalala niya ang ibig kong ipahiwatig. Sinubukan ko pang hugutin ang pendant na perlas at nilaro-laro ko sa aking mga labi na parang inosenteng pagguguri-guri lang.

 

Ngunit wala siyang reaksyon. Bagkus, “Alam mo, hindi basta-basta mapapatawa yang si daddy… ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon… sa iyo ilang,” ang pagbasag niya sa katahimikan. “Malaki ang respeto niya sa iyo,” dugtong niya.

 

“N-nanumbalik na ang alaala mo? Naalala mo na ang daddy mo?” ang naitanong ko.

 

Tumango siya at tiningnan pa rin ako.

 

“L-ahat ng alaala mo ay nanumbalik na?”

 

“90% na raw sabi ng doktor…”

 

At tuluyan nang nawalan ako ng pag-asa. Nais ko pa sanang itanong kung naalala pa ba niya ang mga nangyari sa amin sa isla. Ngunit dinaig ako ng hiya at pagkaawa sa sarili. Natakot ako na baka kung igiit ko pa ang mga alaalang iyon sa kanya, malaking problema ang maaaring idudulot nito lalo na sa pagpapakasal niya sa kanyang girlfriend. At kapag nangyari ito, ako rin ang talo. At lalo lamang akong masaktan. “M-mabuti naman…” ang sagot ko na lang.

 

“S-slamat sa pagsagip mo sa akin.” Dugtong niya.

 

“Wala iyon…”

 

Tahimik uli.

 

“Ikakasal ka na pala…” ang pagbasag ko naman sa katahimikan.

 

“Oo… mahabang kwento. G-gusto kong ikuwento sa iyo ngunit hindi ko alam kung paano sasabihin.”

 

Binitiwan ko ang isang ngiting hilaw. “Huwag na. Naintindihan ko ang lahat. Nararapat kayo sa isa’t-isa,” ang sagot ko pinigilan ang sariling huwag pumatak sa harap niya ang luhang nangingilid sa aking mga mata.

 

Natahimik na naman siya. Malakas ang udyok ng aking isip na umalis na lang. Pakiramdam ko ay hindi na ako kailangan pa sa buhay niya. Hindi ko na nahanap pa sa kanya ang “Adrian” na nakilala at nakasama ko sa isla. “A… e… Uuwi na lang ako C-chris” and nasambit ko.

 

“Ay sandali. Ambilis naman,” ang bigla din niyang pagsalita. Hindi mo pa sinagot kung puwede kang mag best man sa kasal ko.”

 

“Hindi na lang siguro…” ang matamlay kong sagot. “E… a-aalis ako eh. P-pupuntang e… Amerika! Oo, pupunta ako ng Amerika!” ang palusot ko.

 

“A-Amerika? Ang layo naman noon?”

 

“Eh, iyon ang gusto ng aking inay… mahirap suwayin ang gusto niya,” ang palusot ko na lang.

 

Tinitigan niya ako. “Please…? K-kung aalis ka, mas lalong gusto kong maging best man kita,” ang pagmamakaawa niya.

 

“H-hindi nga puwede eh…”

 

“K-kung ayaw mong maging best man ko, hindi na rin ako magpapakasal.”

 

“A-ano? Sira ka ba?”

 

“Oo… gagawinko iyon. Ayaw mo eh.”

 

Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

 

“S-sige. B-best man ako”

 

Ngumiti siya. At bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nabigla naman ako sa yakap niyang iyon. Nadiin ang pendant kong perlas sa aming mga dibdib at naramdaman ko ang sakit.

 

“Ouch!” ang sabay naming sambit, kanya-kanyang hipo ang dibdib naming nasaktan.

 

Maya-maya, sanhi ng kyuryosidad, kinapa niya ang bumukol sa ilalim ng t-shirt sa aking dibdib at noong nakapa niya ang pendant na perlas, hinugot niya ito at pinagmasdan ng maigi.

 

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ngunit hindi ko na ito inalam pa. “A-alis na ako…” ang nasabi ko na lang.

 

“S-sige tol… Naka-black coat ka ha? Pareho tayo. At may pulang rosas na naka-pin sa iyong kaliwang dibdib…” sabay abot sa isang sulat sa akin.

 

“Ano ito?”

 

“Sinulat ko iyan para sa iyo noong unang araw na nasa ospital ako at hindi mo dinalaw.”

 

Tinanggap ko ang sulat at dumiretso nang pauwi. Noong nasa bahay na ako, binasa ko ang sulat, “Dear Tol… alam kong nagdamdam ka sa hindi ko pagtupad sa napagkasunduan nating huwag mag-ukit ng ‘S-O-S’ sa gulod. Ginawa ko iyon tol dahil naawa ako sa iyo; dahil alam kong sabik ka nang makita ang mga taong nagmahal sa iyo. Hindi ko ginawa iyon tol para sa sarili kong kagustuhan. Kasi, sa pagkakataong iyon ay hindi ko naman Talaga alam kung sino ako, at anong klaseng pamilya at buhay mayroon ako. Ginawa ko iyon dahil naawa ako sa iyo dahil nararamdaman kong sabik na sabik ka nang makita ang mommy mo, at mga taong nagmamahal sa iyo. Patawarin mo ako, Tol.”

 

Hindi ko alam kung matuwa o lalong magdamdam sa paliwanag niyang iyon. Wala rin naman kasing kahulugan iyon. Ano pa man ang dahilan, ako pa rin ang talo kasi, hindi na siya magiging akin pa… “Kaya pala Adrian ang naipangalan ko sa kanya dahil kagaya ng barkong aming sinasakyan, lulubog at maglaho din pala siyang katulad nito,” bulong ko sa sarili.

 

Isang linggo bago ang kanilang kasal, napagdesisyonan kong hindi na lang talaga tutuloy sa pagiging best man. Pinag-isipan ko itong maigi. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kayang tingnan siyang magmartsa patungo sa altar at lalo na kapag bibigkasin na niya ang salitang “I do” at maghahalikan sa harap naming lahat.

 

“Kuya… gusto ko sanang bumalik sa isla kung saan kami napadpad,” ang sabi ko sa aking kapatid.

 

“Sigurado ka? Ano naman ang gagawin mo doon?”

 

“Wala lang. Na-miss ko kasi ang lugar. Kung makita mo lang iyon kuya, sobrang ganda. Gusto ko roon. Doon ko kasi unang naranasan ang sobrang saya sa buhay, ang maging malaya. At nandoon din ang dagat. Alam mo naman, buhay ko na ang tubig… ang dagat.”

 

“O sya… ikaw na ang may gusto sa dagat,” ang sarcastic na sagot niya. Alam ko, sumagi sa isip nniya na ang tunay na dahilan talaga ng lahat ay si Adrian. “At paano naman ang pagbi-best man mo sa taong iyon?” dugtong niya.

 

“Eh… p-pwede ba kuyang ikaw na ang magproxy sa akin? O kung hindi, hanapan mo ako ng proxy. Marami ka namang kaibigan at anak mayamang customer ng parlor mo. Tulungan mo naman ako o…”

 

“Hay naku… Napakalaking problema. Kung di lang kita love… O sya, ako na ang bahala. Nahinto siya nang sandali. “Parang gusto ko ring bisitahin ang islang iyan, ah. Gusto mo, samahan kita at magstay kami ng jowa kong si ni Raymar ng kahit dalawa o tatlong araw doon?”

 

“Pwede kuya!” ang sagot ko sa ‘di inaasahang mungkahi niya.

 

At natuloy nga ang pagpunta namin sa isla. Kasama ang live-in boyfriend niyang si Raymar, nagtanong kami sa mga rescuers kung paano puntahan ang isla. Binigyan kami ng instructions, at dahil may kalayuan, nag-arkila kami ng isang malaking pumpboat sa pinakamalapit na lungsod sa isla.

 

“Grabe! Ang ganda pala dito tol!” sambit ni kuya Jomar noong narating na namin ang mismong isla. “No wonder na na-in love sa iyo si Adrian!”

 

Ngiting-pilit lang ang isinukli ko.

 

Pansamantalang nalimutan ko ang lungkot na kasama sina kuya at Raymar sa isla. Napakasaya namin. Dahil may baon kaming mga pagkain at canned goods, pati na rin bigas, hindi kami nahirapan sa paghanap ng makakain bagamat tinuruan ko pa rin sila kung paano kami nanghuli ng mg lamang-dagat na nagutuhan nilang kainin.

 

Itinuro ko rin sa kanila kung paano kami namuhay, ang lungga kung saan kami natutulog, ang paggawa ng apoy, ang paghahanap ng mga pagkaing ligaw, at ang mga lugar sa isla na pinupuntahan namin ni Adrian.

 

Habang pinagmasdan ko silang enjoy na enjoy hindi naman maiwaglit sa aking isip si Adrian at ang aming karanasan. May tila sibat na tumama sa aking puso habang nakikita ang kanilang lambingan, harutan at pagka-sweet sa isa’t-isa.

 

At lalo na noong nagpaalam na ang aking kapatid at boyfriend niya at ako na lang ang naiwang mag-isa. Para akong sira na kinolekta ang mga bagay-bagay na may masasayang ala-ala. Ang kanyang iniwang jeans at damit na punit-punit na, ang kanyang brief, ang kabibi sa ilalim ng malaking puno ng talisay. Para akong isang baliw na hinaplos-haplos ang inukit niya doon na hugis ng dalawang puso na may mga pangalan namin.

 

Kinaumagahan, isang araw bago ang kasal niya, umakyat ako sa gulod kung saan nakaukit ang “S-O-S” na binuo niya. Binura ko ang mga iyon at pinatungan ng drawing na kagaya sa inukit niya sa puno ng talisay: dalawang magkasudlung-sudlong na puso at sa loob nito ay ang aming pangalan. Dinagdagan ko na lang ito ng pag-ukit ng sibat at patak ng dugo sa puso kung saan nandoon ang pangalan ko, na ang ibig sabihin ay ang pagdurugo ng aking puso. Mga puting buhangin galing sa dalampasigan ang pinaghirapan kong kargahin at iakyat sa gulod. Kinapalan ko pa sya, upang kitang-kita ito sa himpapawid. Pagkatapos kong gawin iyon, tumingala ako sa itaas atsaka bumulong, “Ito na lang ang ipaabot kong mensahe sa iyo Panginoong Diyos. Kung tunay ngang isang malaking kasalanan ang pagmamahal ko kay Adrian, taos-puso akong nanghingi ng patawad. Ngunit sana ay maintindihan mo po na ang pagmamahal ko sa kany ay hindi ko ginusto, kusa ko itong naramdaman at hindi ko kayang pigilan ang sarili. At kung ang parusang ibibigay mo sa akin ay ang ilayo siya sa akin, tatanggapin ko ito nang maluwag sa aking dibdib. Idadaan ko na lang sap ag-iyak ang lahat. Maaaring ikamamatay ko ang sakit at pagdurugo ng puso ko, ngunit sana ay bigyan mo po ako ng lakas na makayanan ko ang lahat...”

 

Kinabukasan, araw ng kasal ni Adrian, pumunta ako sa talampas kung saan ko pinorma ang malalaking hugis ng puso at may mga pangalan namin. Dala-dala ko ang isang scare crow na sinuotan ko pa talaga ng damit na iniwan ni Adrian.

 

Noong nasa gulod na ako, naupo ako sa lilim ng mahahabang damo sa gilid na nakatanaw sa lawak ng dagat. Habang palapit na palapit ang takdang oras, hindi ko naman maiwasang hindi papasok sa aking isipan ang senaryo ng kasalan. “Siguro, excited na excited na sila ngyon, hindi magkandaugaga sa pagbihis, sa pag-aruga sa mga bisita.

 

Noong dumating na ang takdang oras, ang eksena naman ng kasalan sa loob ng simbahan ang sumagi sa aking isip – ang pagmamartsa nila, ang pagharap sa altar, at ang pagsasabi nila ng “I do…”

 

Walang humpay ng pagpatak ng aking mga luha habang yakap-yakap ang scarecrow ni Adrian at paminsan-minsang hinahalikan iyon. Mistulang wala akong baliw sa mga sandaling iyon.

 

Nasa ganoon akong kalagayan noong biglang may narinig akong ingay mula sa himpapawid. Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang ingay na iyon noong dumating ang helicopter na nagrescue sa amin. Tumingala ako upang siguraduhin kung iyon nga. Hindi nga ako nagkamali. Isang helicopter na may nakalambiting malaking streamer!

 

At lalo pa akong kinabahan noong palapit nang palapit ito sa akkng direksyon at klaro ko nang nababasa ang nakasulat sa nakalambitin na streamer, “JUST MARRIED!”

 

Biglang sumagi sa isip ko na baka si Adrian iyon, kasama ang kanyang asawa at doon nila naisipang mag honeymoon.

 

Dali-dali akong bumalikwas sa pagkaupo at hindi magkandaugaga sa paghahanap ng mga dahon upang takpan ang aking ginawang dalawang puso. “Baka makita nila ito sa taas!” sigaw ng utak ko.

 

Ngunit hindi pa ako nakakalahati sa pagtakip niyon, pakiwari ko ay nasa uluhan ko na ang helicopter sa sobrang lakas ng ingay ng makina at tila handa na itong lumapag.

 

Para akong inaaligiran ni kamatayan at hindi magkandaugaga sa gagawin pagsalba sa aking sarili. At sa sobrang kaba na baka lalapag na ang helicopter at makita ako, doon ko na naisipang tumakbo ng matulin at hinayaan na lamang na nakalatag ang ginawa kong higanteng drawing sa talampas.

 

“May nalimutan ka!!!” ang narinig kong na sigaw sa aking likuran na halos hindi ko marinig gawa ng patuloy pa rin na ingay na nanggaling sa rotor ng helicopter.

 

Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa pagkarinig sa boses niya. Nilingon ko siya, kagat-kagat ang sariling labi sa matinding hiya. Naka black coat and tie pa siya, may pulang rosas na naka-pin sa kanyang kaliwang dibdib, hawak-hawak ang scarecrow na may damit niya. Hindi na ako nakapagsalita pa sa matinding hiya, ibinaling ang paningin sa loob ng helicopter.

 

“Ako lang mag-isa ang naparito. Ako mismo ang nagpiloto sa helicopter,” sambit niya noong napansing napako ang tingin ko sa loob ng helicopter at naghintay kung may lalabas pa.

 

 “B-bakit???” tanong ko.

 

“Hindi sumipot ang best man ko kung kaya hindi ko na itinuloy ang kasal,” Ang sambit niya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

 

“Weh??? Hindi nga?” ang sagot ko namang hindi malaman kung magalit o maexcite. “At bakit mo naman iniwanan ang babaeng mahal mo at nagdadala sa iyong anak?”

 

Hindi na siya sumagot. May hinugot siya sa ilalim ng kanyang damit at lumantad ang kakambal ng perlas na nasa akin. Nilapitan niya ako at noong nakalapit na, walang pasabing hinipo ang pendant ng aking kwintas na nasa aking dibdib. Inilabas niya ito at idinikit dito ang pendant ng kanyang kuwintas. Pinagmasdan niya ang mga ito. “Simula ngayon, hindi na sila maghihiwalay pa…” sambit niya.

 

“N-naalala mo pa rin ako?”

 

Tumango siya. “Ang mga alaala pa rin natin ang palaging gumagambala sa aking isip… Ikaw ang mahal ko.”

 

“P-paano si Kristina? Ang magiging anak ninyo?”

 

“Hindi ako ang ama ng kanyang dinadala. Napag-alaman kong limang buwan pa lang pala ang batang nasa sinapupunan niya. Anim na buwan tayo sa isla tol… Pakana lang pala ng pamilya niya ang makasal kami upang masagip ng aking pamilya ang nalulugi nilang negosyo.”

 

At naalimpungatan ko na lang na nagyakapan kami at naglapat ang aming mga labi.

 

Kinabukasan naman, nagulat na lang din ako noong biglang sumulpot ang aking kuya, sakay-sakay sa lantsa. “Tol… may sorpresa ako sa iyo. Jarannnn!”

 

Si mommy! At nagtatakbong palapit siya sa akin. At doon na pumatak ang aking mga luha noong niyakap niya ako. “Anak… patawad. Tama ka anak, ako ang nagsara ng isip ko sa mga bagay-bagay sa mundo. At ikaw ang nagbukas nito. At… pinakawalan ko na rin ang galit ko dito sa aking puso anak. Sobrang saya ang naramdaman ko dito sa puso anak. Kaya simula ngayon, hindi ko na papayagang magkahiwa-hiwalay pa tayo.”

 

“N-nagkabalikan kayo ng daddy?” ang tanong ko. Hindi… may ibang nanliligaw sa akin, ang sambit ng mommny na halatang kinilig.

 

“S-sino???” ang tanong ko.

 

“Sikret muna, baka mapurnada naman. Pero nariyan ang daddy mo o, magkaibigan na rin kami,” ang sambit niya, sabay turo sa is pang lantsa na padaong pa lamang. At nakita ko ang daddy na kumakaway na may kasamang isa pang lalaki, ang kanyang lover-partner.

 

Sobrang saya ko sa sandaling iyon. Doon ko naramdaman ang sarap na buo ang pamilya at nagmamahalan. Umikot kami sa isla sandal at maya-maya lang ang inilatag naman nila ang dalang carpet, atsaka ang mga baon nilang mga pagkain, ang iba ay marinated na isda at karne. Masaya kaming kumain at nagsalo habang nagkukuwentuhan. At kitang-kita ko ang saya ng aking mommy na nakipagkuwentuhan kay Daddy at sa kalaguyo nito, pati na kay Adrian.

 

Maya-maya lang ay may narinig na naman akong ingay ng helicopter.

 

At kagaya ng kay Adrian, lumapag din ito sa talampas, hindi kalayuan sa lugar kung saan kami kumakain. At doon ko napansin ang mommy na tila naiihi sa sobrang kilig. “Anong nangyari sa iyo, Mom?” ang tanong ko.

 

“Ayiiii!!!” ang sagot lang niya.

 

“Mom! Anong nangyari sa iyo???”

 

Hindi pa rin siya sumagot. Bagkus napako ang kanyang tingin sa taong lumabas mula sa loob ng helicopter.

 

“Dad???” ang sigaw ni Adrian. “Why are you here?”

 

Ngunit hindi siya sinagot ng kanyang daddy. Bagkus dumediretso siya sa aking mommy na nakatayo at nagyakap silang dalawa.

 

“What!!!” ang sigaw ni Adrian sa tindi ng kanyang pagkagulat.

 

Ngunit wala na kaming nagawa pa Kundi ang magtawanan at magpalakpakan.

 

Ngayon, nagsama kami na kami ni “Adrian” hindi sa syudad kundi sa isla kung saan kami napadpad. Binili na ito ng daddy ni Adrian para sa aming dalawa.

 

Wala na siguro akong mahihiling pa sa buhay. Nandyan ang dagat na bahagi ng buhay ko, nabago ko ang pananaw ng aking mommy tungkol sa sinabi niyang “kabaklaan” at higit sa lahat, kasama ko ang taong siyang nagmamay-ari ng puso ko. Si Adrian…

 

 

WAKAS

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails