By: MC Jalapan
Author's Note:
Maraming salamat kay ROVI YUNO sa kanyang pag-edit sa post kong ito; maraming salamat din kay JUSTYN SHAWN sa imahe na ginawa niya para sa kuwentong ito.
-MCJ-.
----------------------------------------------------
Wakas.
Paunawa:
Ang
kuwentong ito ay hango sa totoong pangyayari sa buhay. Upang maprotektahan ang
pagkakakilanlan ng mga taong sangkot, sadyang ikinubli ko ang tunay nilang mga
pangalan.
Prologo:
Sabi
nila na ang internet daw ay ang nakapagpabago sa mukha ng mundo.
Sang-ayon
ako. Sa pamamagitan ng internet, social sites, at networks, naging tila isang
maliit na lugar na lamang ang mundo. Ang mga tao ay may kakayahan nang kumontak
sa mga nasa malalayong lugar. Puwede na silang makipag-transact,
makipag-interact o makipagkaibigan kahit sa mga taong hindi pa nila nakikita sa
personal. At dahil dito, maraming buhay ang nabago. May mga nabuong relasyon,
bagamat may mga nawasak din. At may mga nagkalayong mahal sa buhay ngunit
nagkatagpong muli.
Sa
kagaya kong isang OFW, hindi matatawaran ang malaking tulong na naiaambag ng social
media lalo na sa paglalapit sa amin ng aming mga mahal sa buhay. Sa
pamamagitan ng internet, nagkaroon kami ng avenue upang maka-“chat” na parang
nasa harap lamang namin sila. Nagkaroon din kami ng “instant news” tungkol sa
mga pangyayari sa naiwang pamilya o kahit tungkol sa mga kaganapan sa ibang panig ng mundo. At
dahil dito, naiibsan ang lungkot na dinadala naming mga OFW.
Sariwa
pa sa aking isipan ang unang taon kong pag-aabroad.
Taong
1994 noong na-hire ako bilang isang staff ng isang malaking kumpanya sa Saudi.
Hindi pa nauso noon ang cellphone, lalo na ang internet. Ang natatanging paraan
upang makontak ko ang aking mga mahal sa buhay ay sa pamamagitan lamang ng
sulat o, kung talagang emergency, sa long distance na tawag kung saan ang
halaga kada minuto ay nasa 14 Riyals na sa
exchange rate sa panahong iyon, ay aabot sa 120 pesos ang kada minuto.
Mahal. Kaya hindi ka maaaring magbabad sa telepono kung ayaw mong sa tawag
lamang mapunta ang iyong pinaghirapang suweldo.
Kaya
sulat ang gamit kong pangkontact sa aking mga mahal sa buhay. Mas mura, ngunit
ang downside ay dalawang linggo mong hihintayin bago makakaabot ito sa
Pilipinas. Ibig sabihin, kung hihintayin mo pa ang sagot sa iyong pinapadalhan,
aabot lahat ito sa isang buwan. Ganyan katagal. Habang isinusulat mo ang iyong
hinaing o kaligayahan tungkol sa isang bagay, malalaman nila ito sa paglipas pa
ng dalawang linggo.
Ganyan
kahirap ang komunikasyon noong mga panahong iyon. Kapag nalungkot ako,
mistulang nag-iisa lang sa mundo; walang karamay, walang mahal sa buhay na
mabahagihan ng hinaing, walang kapamilyang magbibigay ng payo.
Ngunit
noong sa wakas ay naimbento na ang internet, nabago rin ang takbo ng aking mundo.
Kapag ako’y nalulungkot, bubuksan ko lamang ang aking Facebook account,
maglagay ng shoutout tungkol sa aking naramdaman, at presto! Wala pang limang
segundo, may magrereact na at magbigay payo o pagpapatawa. Parang hindi na ako
nag-iisa. Parang ang mga taong mahal ko sa buhay ay nariyan lang sa aking paligid.
Ngunit
bukod dito, may napakalaking tulong at napakadramatic na bagay din ang naidulot
ng social media sa buhay ko at sa buhay ng aming pamilya. At ito ang laman ng aking
kuwento...
----------------------------------
“ANGELO!
ANGELOOOOOOOOOO!!!” ang dumadagundong na sigaw ng aking nakakatandang kapatid
na si Kuya Antonio. Normal na naririnig namin ang nanggagalaiting sigaw niyang
iyon kapag may iniuutos siya kay Angelo, ang panganay niyang anak.
At kapag narinig
na namin ang tawag na iyon, normal na rin na makikita namin ang eksenang hindi
magkamayaw na pagtatakbo ni Angelo patungo sa kuwarto ng kanyang itay, bakas sa
mukha ang matinding takot.
Nasa
elementarya lang noon si Angelo nang ang aking kapatid ay dinapuan ng isang
nakakatakot, nakakahawa, at nakakadiring karamdaman.
Masasabi
kong isang black sheep sa pamilya ang aking nag-iisang kuya. Pangalawa siya sa
panganay at bago ako ay may isa pang babaeng nakatatanda sa akin. Ako ang
bunso; sampung taon ang agwat sa sinundan kong kapatid.
Dahil
sa hirap ay napilitang magpunta sa ibang lugar si Kuya Antonio. Nakarating siya
sa Luzon, Maynila, at iba’t-ibang parte ng Mindanao. Sa panahong iyon kasi, ang
aking itay ay medyo pasaway din; may mga bisyong alak at... babae. Ang sabi nga
ng mga kapatid ko, sa babae niya raw umuuwi ang itay. At dagdagan pa na sa
panahong iyon, ang aking inay ay lumuwas ng Maynila upang mamasukan bilang
kasambahay kung kaya ay nagkanya-kanya na lang ng diskarte ang mga kapatid ko.
At ang resulta, silang lahat ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang aming
panganay na babae ay hanggang grade six lang, ang pangalawa, si Kuya Antonio,
ay hanggang grade four, at ang sinundan kong babae na sampung taon ang agwat sa
akin, ay hanggang high school. Matatalino sana ang aking mga kapatid na babae.
Noong nagtapos ang aming panganay na kapatid sa elementarya, salutatorian ito.
Ang sinundan ko namang kapatid na babae ay palaging nasa top 3 simula
elementarya hanggang high school. Sabi nga ng mga kapatid kong babae, maswerte
raw ako dahil nang ako’y nagsimulang mag-aral, tumino na ang itay. Paano ba
naman, nagsusuka na siya ng dugo dahil sa Acute Ulcer. Ang sabi pa nga ng
doktor ay kapag hindi niya iiwan ang pag-inom, ito ang kikitil sa kanyang
buhay. Kaya hindi lang siya tumino; sobrang naging masipag, mabait at
responsableng ama pa.
Lumaki
akong hindi nakasama o lubos na nakilala si Kuya Antonio. Bagamat may ilang
pagkakataon na umuwi siya sa aming probinsya, wala akong matandaang parang
memorable moment sa kanya. Siguro ito ay dahil napakabata ko pa noong nasa
kasagsagan siya ng kanyang kabataan o baka dahil sadyang hindi lang talaga siya
nakikipagbonding sa akin. Pero sa kuwento ng inay at mga kapatid ko, basagulero
raw ito, lasenggero, at kung kaya ay hindi siya nakatatagal sa isang lugar. Kung
hindi man pulis ang naghahanap sa kanya, mga taong kanyang inaagrabyado.
Oo,
naging pabigat ang kuya ko sa aming pamilya; malaking sakit sa ulo ng aking mga
magulang. Kung kaya kapag sinabi na niya na gusto na niyang umalis, kahit wala
kaming pera, maghahanap ng paraan ang aking mga magulang upang makaalis lamang
siya.
Kaya
hindi ko rin maiwasan ang hindi magtanim ng kaunting sama ng loob kay Kuya
Antonio. Kasi, bilang panganay na lalaki, siya sana ang dapat na tumulong sa
aming mga magulang upang itaguyod ang aming pamilya at ang aming mga
pangangailangan. Ngunit kabaligtaran ang nangyari; siya itong dagdag-pasanin,
dagdag-sakit ng ulo, at dahilan upang mabaon sa utang ang aking mga magulang.
Nalaman
na lang namin na nagpunta siya sa Dadiangas (na ngayon ay tinatawag na General
Santos City), nakapag-asawa roon at pagkatapos ay nagtungo sa Maynila. Tumira
sila sa isang Squatter's Area na nagmistulang latian dahil ang lugar ay isang
catch basin ng mga kanal sa siyudad. Nagkaroon siya ng tatlong anak na puro
lalaki ngunit namatay ang bunso dahil nalaglag sa ilalim ng kanilang papag at
nalunod sa mabaho at maruming tubig ng imburnal.
Taong
1978. Nasa high school ako noong umuwi ang kuya; “for good” na raw. Kasama niya
ang kanyang asawa na taga-Dadiangas at dalawang anak at sa bahay namin sila
tumira. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking tunay na naramdaman sa pag-uwi
niyang iyon. May saya ngunit may pangamba rin na baka mabago na naman ang takbo
ng normal na sana naming buhay. At ang mas pinangangambahan ko ay baka masira pa
ang aking pag-aaral.
Sa
unang mga araw nang dumating sila ay masaya pa kaming lahat. May dala silang
malaking stereo component na ang tawag namin noon ay radyophono. Ang lakas pa
nilang magpatugtog na para bang ipinagsigawan sa buong lugar na kami lang ang
may ganoong gamit. Ngunit tuwang-tuwa rin naman ako. Nasa tuktok kaya ako ng
aking kabataan.
Lumipas
ang ilang araw, linggo at buwan, doon ko na nakita ang unti-unting pagbabago ng
aming buhay. Palaging lasing ang aking kuya, gabing-gabi na kapag umuwi,
nanghihingi ng pang-inom, at palaging kasama ang kanyang mga barkada. At kapag
umuuwi siyang lasing, madalas niyang binubugbog ang kanyang asawa at mga anak.
Minsan din ay tinatakot ang pamilya niya; tatagain daw ang mga ito. At kapag
sinisita naman ng inay, babalaan niya ito na huwag makialam kung ayaw niyang
madamay.
Sobrang
hirap ang aming naranasan sa panahong iyon, hindi lamang sa aspetong dagdag na
budget sa pagkain at pangangailangan kundi sa perswisyong dulot niya sa amin. At
pinag-initan din niya ang aking pag-aaral. Mas mabuti pa raw sana na tumulong
ako sa paghahanap-buhay imbes na sayangin ang oras sa pag-aaral na wala rin
naman daw magandang idudulot sa pamilya namin.
Nakakadismaya.
Ngunit
hindi iyon ang pinakamahirap na pasakit na ibinigay niya sa amin. Unti-unting
napansin namin, pati na ng ibang mga tao, na namumula ang kanyang dalawang
tainga. At may pulang mga marka rin ang ibang bahagi ng kanyang katawan.
Noong
una, hindi namin pinansin ito dahil wala naman siyang naramdaman na kakaiba at
normal naman ang lahat na nakikita namin sa mga kilos niya. Ngunit sa paglipas
pa ng ilang linggo at buwan, lalong lumala ang pamumula ng kanyang mga tainga
na sinasamahan pa ng pangingintab at pamamaga.
Doon
na siya hinikayat ng aking inay na magpatingin sa doktor. At sa pagsusuri,
nadiskubre na may malalang karamdaman siya sa balat: Leprosy o Ketong.
Mistulang
gumuho ang aming mundo sa nalamang iyon. Umiiyak ang aking inay at mga kapatid.
At ako, nakadama ng matinding takot. Nag-aaral pa naman ako noon kung kaya ay nabahala
ako na baka mahawaan; masira ang aking buhay at ang aking mga pangarap.
Dahil
walang sapat na pera ang inay upang maipadala siya sa mga dalubhasa, mga
libreng medisina lamang na galing sa municipal center ang iniinom ni Kuya
Antonio.
At
hindi ito sapat. Kung kaya ay patuloy ang paglala ng kanyang kalagayan.
Hanggang sa dumating na sa puntong may mga natutuklap nang balat sa kanyang
paa, sa binti, sa katawan, nakikita ang namumula-mula at basa na kalamnan sa
ilalim noon na mistulang naglalaway.
Nakakadiri.
At wala pang epektibong lunas sa ketong sa panahong iyon. Kung kaya ay labis na
kinatatakutan ito. At syempre sa aming pamilya, labis namin itong
ikinalulungkot, ikinababahala... ikinahihiya.
Kaya
kapag may magtanong sa akin kung ano ang sakit ng aking kapatid, sasagutin ko
na lang sila ng, “Sakit sa balat”, o kaya ay “Hindi ko alam eh”. Minsan naman,
sasabihin kong “Hansen’s Disease.” Para magtunog sosyal at upang hindi nila
maintindihan. At kapag nagtanong sila uli kung ano ang Hansen’s Disease, saka
ko rin sila sasagutin ng, “Hindi ko rin alam kung ano iyan eh.”
At
ang isa pang bagay na nakakalungkot ay kapag may mga kaklaseng gustong dumalaw
o dumaan sa bahay. Kapag ganyan, mag-aalibi na lang ako na may gagawin o kaya
ay bawal. Ayoko kasing makita nila ang aking kuya at pangilagan nila ako,
isipin na baka may sakit na rin ako at mahawaan ko sila.
Hindi
maipagkaila na kaming lahat sa aming pamilya ay may takot. Sa araw-araw kong
paggising, tinitingnan ko ang aking katawan kung may namumula ba sa aking
balat, mukha o tainga. Bagamat may matinding awa kaming naramdaman para kay
Kuya Antonio, may takot din kaming baka mahawan niya at pangingilagan ng mga
tao. Hindi naman namin siya maaaring itaboy. Kahit ganyan siya, bahagi pa rin
siya ng aming pamilya.
Ngunit
kung iyan ang problema namin. Mas matindi ang problemang kinakaharap ni Angelo.
Nang
umabot na sa puntong halos mabalot na ng sugat ang buong katawan ni Kuya
Antonio at hindi na makalakad nang maayos, dagdagan pa sa mabahong amoy ng
kanyang mga sugat, tuluyan siyang iniwan ng kanyang asawa, dala-dala ang
kanilang limang-taong gulang na bunsong anak, si Allen.
Nasa
sampung-taong gulang lang si Angelo noon; kasagsagan ng kanyang kamusmusan at kung
saan ay dapat ini-enjoy ang kanyang kainosentehan, ang paglalaro, at ang
pagmamahal ng mga magulang. Ngunit iniwan siyang nag-iisa, kasama ang may sakit
na ama. At sa murang edad, natuto siyang magsakripisyo.
Pinagawan
ng annex na kuwarto si Kuya Antonio. Doon siya hinahatiran ng pagkain, tubig,
pinapaliguan, pinapaypayan, dinadalhan ng mga babasahing magasin, minamasahe
ang katawan, at binibigyan ng kung anu-ano pang serbisyo. At si Angelo ang
nag-iisang gumawa nito. Tapat niyang inaalagaan ang kanyang itay sa kabila nang
maaring mahawaan siya sa sakit nito.
At
ang pinakamasaklap na sakripisyo ni Angelo ay sa paglala ng kundisyon ng
kanyang ama, tumindi rin ang mala-hayop na ugali ni Kuya Antonio. Palaging
mainit ang ulo, palaging nagdadabog, palaging nagmumura, palaging naninigaw. At
ang sumalo sa lahat ng ito ay si Angelo. Kapag naroon si Angelo sa kuwarto ng
tatay niya, sinisigawan siya nito, sinasambunutan, iminumudmod ang mukha sa
sahig na kawayan, pinapalo ng sinturon o kahoy, at halos ay hindi na siya
palalabasin ng kuwarto.
“Tama
na po itay! Tama no po! Hindi ko na po uulitin!” Ang kadalasang maririnig namim
kapag ganyang pinag-titripan na si Angelo ng kanyang itay.
“Pu****
ina mo! Kanina pa kita inutusang bumili niyang sigarilyo! Saan ka ba
nagpunta?!! Bakit ang tagal-tagal mo! Naglalaro ka na naman siguro ano?!!
Sagotttttt!!!”
At
kapag ganoong hindi nakakasagot agad si Angelo, maririnig na lang namin ang
malakas na kalabog na parang itinutulak ang bata at bumagsak o di kaya ay
sadyang inumpog ang ulo sa kawayang dingding o sa poste ng kuwarto.
“H-hindi
p-po a-ako n-naglalaro tay! H-hindi p-po!!!” ang minsan ay isasagot ni Angelo
na nanginginig ang boses, pinipigilan ang paghikbi. Alam ko, nanginginig talaga
sa takot ang bata. Simula kasing naging ganoon ang kanyang itay, napapansin
kong matakutin na ito, madaling magulat. At kapag ganyang nakakalabas siya ng
bahay ay parang gutom sa panonood ng kapwang mga batang naglalaro kahit hindi
siya kasali. Kahit ganoong inuutusan lang siya ng kanyang tatay, hihinto ito sa
gilid ng kalsada, nakatutok ang paniningin sa mga bata o sa kung ano mang bagay
na makakakuha sa kanyang interes. Ito ang dahilan kung kaya siya ay kadalasang
natatagalan kapag nasa labas. Marahil ay isa itong klase ng defense mechanism
sa kanyang sub-conscious na pag-iisip upang ma-compensate ang hirap at torture
na kanyang dinaranas kapag nasa loob siya ng kuwarto ng kanyang itay.
“Nangangatwiran
ka pa! Pu**** ina mo! Naghihintay ako sa iyo, samantalang ikaw ay naglalaro!
Nag-eenjoy! Hala! Tanggalin mo iyang damit mo!!! Dapaaaaaaa!!!”
At
pagkatapos ng ilang saglit ay maririnig na lang namin ang ingay ng malakas na
paghataw ng sinturon sa balat kasabay ng pagsisigaw ni Angelo ng pagmamakaawa.
“Tama na po itay! Tama na po! Maawa po kayo sa akin ‘tay! Hindi na po mauulit
po!!! Itayyyyy!!!”
Ito
ang dahilan kung kaya ay minsan, nababalot ng pasa ang katawan ni Angelo.
Minsan din ay may black eye siya, o kaya ay may putok ang mga labi.
Wala
kaming magawa. Sobrang tapang ng aking kuya na kahit ang aking inay ay kanyang
sinagot-sagot o kaya ay pinagbabantaan kapag ganyang pinagsasabihan siyang
huwag saktan si Angelo. “Nay! Huwag kang makialam dito! Anak ko si Angelo at
ako ang may karapatan sa kanya. Kahit patayin ko pa ang batang iyan ay puwede
kong gawin. Kung ayaw ninyong magalit din ako sa inyo, huwag na huwag ninyo
akong pakikialaman! Dahil kung ako ang magagalit, pag-iitakin ko kayong lahat
dito o di kaya ay susunugin ko ang buwisit na bahay na ito para magsama-sama na
tayo sa impyerno! Kaya, pabayaan mo ako sa aking ginagawa!”
Syempre,
takot kaming baka totohanin niya ang kanyang banta. Maraming beses na kayang
may sinaktan siyang ibang tao, binugbog o pinapahirapan. Hindi nga namin alam
kung sa ibang lugar na kanyang tinatakasan ay nakapatay siya roon. Sa tingin ko
kasi sa kanya ay kaya niyang pumatay. At hindi malayong mangyari ito dahil nakatatak
na sa isip niya na nasa dead end na ang buhay niya, kung kaya ay may tendency
siyang mandamay ng ibang tao.
At
ako, mas lalo pang sumama ang loob sa kanya. At lalo na noong nag-aargumento
sila ng inay tungkol sa ulam na gulay.
“Pasensya
ka na at iyan lang ang ulam natin ngayon. Wala talaga akong pambili ng ulam...”
ang paliwanag ni inay.
“At
bakit iyang is Matt? Pinapag-aral ninyo ng college wala rin namang mangyayari
d’yan! Dagdag-gastos lang iyan sa pamilya natin! Kung ang pera na ipangtustos
ninyo sa kanyang pag-aaral ay ibibili na lang ng ulam at mga kailangan natin
dito sa bahay, nakakatulong pa siya! Tulungan niya ang itay na mag-araro,
magbungkal ng lupa! Magtanim ng kung anu-ano! Ano bang magagawa sa pag-aaral???
Mapapakain ba tayo ng paaralan niya??? Aahon ba tayo sa kahirapan??? Puro
pasikat lang siya! Puro barkada! Puro lakwatsa! Akala mo kung sinong
anak-mayaman siya! Pu**** ina niya!”
At
marami pa siyang sinabi tungkol sa aking pag-aaral.
Syempre,
masakit. Imbes na i-encourage pa niya akong makatapos, baligtad pa ang dating
nito sa kanya. Ako na nga lang sana ang pag-asa ng aking mga magulang na
magkaroon sila ng anak na nakatapos ng pag-aaral, ganyan pa siya kung mag-isip.
Para sa mga magulang na may anak na nagtapos, isang malaking tagumpay at
karangalan ito. At pangarap kong ibigay ang karangalang ito sa kanila.
Kinimkim
ko na lang ang aking sama ng loob, iginiit sa isip na nasabi lang niya iyon
dahil sa kanyang matinding karamdaman.
Isang
araw napansin naming umiiyak si Angelo habang nakaupo sa lilim ng punong
kaimito sa gilid ng aming bahay, pinapahid nang pinapahid niya ang kanyang
mukha at bibig. Nilapitan namin siya ng inay.
“Bakit
ka umiiyak, Angelo?”
“W-wala
po lola...” ang may pag-aalangang sagot ni Angelo, pilit na ikinubli ang tunay
na dahilan ng kanyang pag-iyak.
Ngunit
pinilit siya ng inay. “Hindi maaaring umiiyak ang isang bata nang walang
dahilan. Ano iyan apo? Sabihin mo sa akin.”
At
doon lalo pang umiyak ang bata. Pilit niyang pinigilan ang paghikbi upang
makapagsalita. “K-kasi po, pinilit ng itay na isubo sa aking bibig ang...”
“Ang
alin?”
“I-iyong
n-natanggal po na balat sa kanyang s-sugat. G-gusto po niyang kainin ko iyon.
K-kasi po... sabi niya, d-dapat daw ay mahawa rin ako upang kaming dalawa na
ang naroon sa kuwarto. P-para raw po... hindi na ako makakalabas. P-para raw po
hindi na ako makapaglaro, hindi na m-makapag-aral...” ang pautal-utal niyang
pagsasalita.
Kitang-kita
ko sa mukha ng inay ang pagkabigla. “Diyos ko! Anong klaseng tao ba iyang ama
mo!” Sambit ng inay. “At... nakain mo ba?” dugtong niyang nabahala.
Nag-aatubiling
tumango si Angelo. At kasabay nito ay ang pagpakawala niya sa tinimping
hagulgol habang ang malalaking butil ng luha ay patuloy sa pagpatak mula sa
kanyang mga mata. “P-papaluin daw po niya ako kapag hindi ko kinain, bugbugin,
iumpog ang ulo sa poste... At huwag ko raw pong sabihin kahit kanino k-kasi...
papatayin daw po niya ako.”
Niyakap
na lang ng inay si Angelo. At noong tingnan ko ang mukha ng inay, nakita ko ang
mga luhang dumaloy rin sa kanyang mga mata. Ramdam kong piniga sa tindi ng
sakit ang puso ng aking inay para kay Angelo. Ngunit wala rin siyang magagawa.
Kapag pinagalitan pa niya ang kuya, lalong makakatikim ng mabagsik na parusa si
Angelo.
Naramdaman
ko na lang din ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata habang pinagmasdan
ang maglola na tila mga basang sisiw na walang magawa kundi ang umiyak.
Ganoon
katindi ang pagkasalbahe ng Kuya Antonio.
Akala
namin ay manatiling ganoon na lang talaga ang buhay namin; ang pagmasdan si
Angelo na pinahihirapan ng kanyang sariling ama habang patuloy siyang
nagsisilbi rito.
Taong
1980, noong may dumalaw sa aming bahay na isang babaeng European na myembro raw
ng isang Non-Govenrment Organization (NGO) na nakabase sa Cebu. At ang pakay
niya ay si Kuya Antonio. Nagtanong daw sila sa record ng municipal center kung
sino ang may mga ganoong karamdaman sa munisipyo at natunton nila ang aming
bahay. Ang misyon daw ng NGO na kinabibilangan niya ay ang paghahanap ng mga
taong may katulad na karamdaman ng kapatid at gagamutin nila nang libre.
Nadiskubre na raw kasi ang gamot nito. At ang kanilang target ay ang lubusang
mabura ang sakit na ketong sa Asya at eventually, sa buong mundo. At dahil
malala na ang kalagayan ng aking kapatid, iminungkahe ng NGO na dalhin nila ang
kuya ko sa kanilang center upang doon i-rehabilitate, at kapag nagamot na ay
bibigyan ng physical therapy upang ang mga nasirang ugat ay manumbalik sa dati.
Wala
pang isang linggo, dinala na nila si Kuya Antonio sa Cebu. Hinatid siya sa pier
ng aking itay... at ni Angelo.
Alam
ko na bagamat may tuwang nadarama si Angelo na sa wakas ay makapagpahinga na
siya sa brutal na pang-aabuso ng kanyang ama at magiging normal na ang kanyang
buhay, may naramdaman ding kirot ang kanyang puso: ang kuya ko na lang kasi ang
nag-iisa niyang pamilya.
Sa
paglayo ni Kuya Antonio. nagbalik-normal ang takbo ng aming buhay. Naging
normal din ang takbo ng buhay ni Angelo. Nagtapos siya sa elementarya at
nakapag-enroll ng high school.
Dahil
sa panahong iyon ay nakapagtrabaho na ako bilang guro sa mismong paaralan kung
saan nag-high school si Angelo, tumulong ako sa kanyang mga pangangailangan sa
eskuwela kagaya ng gastusin sa projects, uniporme, baon at iba pa. Ako na rin
ang nagsilbing guardian niya.
Taong
1983, noong masayang ipinaabot sa amin ng itay ang balitang magaling na raw si
Kuya Antonio. Maliban sa mga peklat sa katawan at deformed na mga daliri sa
paa, normal na ang lahat sa kanya. Masaya naming tinanggap ang balitang iyon,
umasang kasabay sa bago niyang buhay ay ang kanyang pagbabago; maging
responsableng ama para sa kanyang anak.
At
hindi naman kami nabigo. May nakita kaming bagamat kaunting pagbabago ngunit
sapat na ito upang magkaroon kami ng pag-asa. Naisip namin na baka sa kalaunan
ay tuluyan din siyang magbago.
Ginawan
siya ng itay ng sarili nilang matitirhan ni Angelo at sinusuportahan sa mga
araw-araw nilang pangangailangan. At napansin namin ang pagbabago ng kanyang
pakikitungo sa bata. Bagamat paminsan-minsan ay pinapagalitan pa rin niya si
Angelo isiniksik na lang namin sa aming isip na ganoon lang talaga ang ugali ng
aking kapatid. Ang mahalaga para sa amin ay normal na ang lahat, kampante ang
isip ng aking mga magulang.
Taong
1984 noong may dumating na kakilala ang Kuya Antonio na naggaling sa Dadiangas
at sadyang siya ang pakay. Ibinalita ng kakilala niya na naroon daw ang asawa
ni Kuya Antonio sa Dadiangas at nakapag-asawa ito ng isang Amerikano. Pinalitan
na raw ang pangalan niya at apelyido, pati ang edad ay pinabata upang hindi
ma-trace up na may asawa.
Parang
wala lang ito kay Kuya Antonio. Marahil ay naisip niyang wala naman talaga
siyang magagawa kung kaya ay pilit niya itong tinanggap. Ngunit ang masakit ay
ang pakay ng nasabing tao: ipinasundo raw ng asawa niya si Angelo upang magsama
ang magkapatid na dadalhin daw niya sa Amerika, kasama ang adoptive nilang ama
na Amerikano. At nakisuyo pa ang asawa niya na huwag silang gambalain dahil
ginawa niya ito para sa ikabubuti ng buhay at kinabukasan ng mga bata.
Nalungkot
kami sa desisyon na iyon ng ina ni Angelo. Naging malapit na ang bata sa amin.
Ang turing ko nga kay Angelo ay bunsong kapatid ko na.
Ang
inay naman ay napaiyak. Sa ipinamalas na tibay ng loob ni Angelo at sa mga
sakripisyong kanyang pinagdaanan, sobrang napamahal na ang bata sa kanya.
Ngunit
hindi namin ipinahalata kay Angelo ang aming naramdaman. Gusto naming siya mismo
ang magdesisyon. Buhay at kinabukasan niya kasi ang nakataya. At kung ano man
ang ikaliligaya niya, hindi kami hahadlang. Nasa kanya ang aming buong suporta.
Hindi
namin alam kung ano ang pinag-uusapan ng mag-ama sa loob ng kanilang kubo.
Hinayaan namin silang mapag-isa. At noong lumabas, napansin kong nagpapahid ng
luha si Angelo.
“’Nay,
‘tay... sasama si Angelo sa Dadiangas upang doon na siya mamalagi sa kanyang
ina.” sambit ni Kuya Antonio.
Kitang-kita
ko ang lungkot sa mga mata ni Agelo habang nagsalita ang kanyang ama. Hindi ko
lang alam kung ano ang tunay na laman ng kanyang isip.
“Ikaw
gusto mo ba?” ang tanong ng inay kay Angelo.
Hindi
kumibo si Angelo. Tiningnan ang kanyang itay na parang hinahanap sa mukha ng
kanyang ama ang kasagutan.
“Ako
na ang nagdesisyon. Aalis siya. Wala naman akong maipakain sa kanya. Dagdag
palamunin lang ang batang iyan dito...” ang pagsingit ni Kuya Antonio.
Sobra
ang pagkadismaya ko sa aking narinig. Para bang, “Ano ba ito? Siya ang ama
pagkatapos ay ipamigay lamang niya ang anak nang basta ganoon na lang kadali?
Di ba dapat ay panindigan niya ang pagiging ama niya sa bata? Ang laki ng
tulong nung bata sa kanya...” sa isip ko lang.
Ngunit ano ba ang magagawa ko. Siya ang ama at ang gusto niya ay ang
siyang masusunod.
Sa
kabilang banda, naisip kong maganda na rin sigurong naroon si Angelo sa kanyang
ina. Alam ko, kahit hindi aaminin ni Angelo, may naramdaman siyang kasabikan na
makita, mayakap, at makapiling ang
kanyang ina at nag-iisang kapatid. Karapatan niya iyon. At karapatan niyang
matamasa ang kaginhawahan.
Malungkot
kami sa araw ng pag-alis ni Angelo. Sa terminal habang inihatid namin siya,
bakas sa kanyang mga mata ang ibayong lungkot. Sa panig ko, sinamsam na lang ng
aking isip ang mga sulyap ko sa kanya, iniisip na baka iyon na ang huli naming
pagkikita.
Ang
tanging konsuwelo na lang namin ay ang magandang kapakanan at kinabukasan ng
bata sa piling ng kanyang ina at kapatid. Makakatungtong siya ng Amerika,
makarating sa lugar na kahit kami ay hindi pa nakapunta, makakain ng masasarap
na mga pagkain, makapag-aral sa magandang eskuwelahan, at higit sa lahat, wala
nang magpapahirap sa kanya. Siguradong masaya siya roon.
Naghalo
ang aming naramdaman sa sandaling iyon; masakit na malayo si Angelo ngunit
masaya rin sa magiging buhay niya sa piling ng kanyang bagong pamilya.
Bago
umalis ang bus, isa-isa kaming niyakap ni Angelo. At noong ang kanyang ama na
ang kanyang niyakap, kitang-kita ko ang mahigpit niyang pagyapos rito na parang
ayaw na niya itong bitiwan. Niyakap din siya nang mahigpit ng aking kapatid.
Doon ko nakita ang luhang dumaloy sa mga mata ni Kuya Antonio. At mas lalo pa
akong nagulat noong hinalikan pa niya ang magkabilang pisngi ng bata at tila
may ibinubulong.
Hindi
ko lubos maisip na iiyakan niya rin pala ang pag-alis ng batang labis na
nagdusa sa kanyang kalupitan. Hindi ko tuloy naiwasang hindi magtanong sa aking
isip kung para saan ang pagluha niyang iyon. Ngunit ako na lang din ang sumagot
sa aking katanungan, “Kahit gaano katigas ang puso ng isang tao, puso pa rin
ito; nakakaramdam, naaapektuhan, nagmamahal... lalo na kapag ang isang tao ay bahagi
ng kanyang sariling laman.”
Nang
tiningnan ko si Angelo, hindi pa rin maalis-alis ang mga kamay niyang mahigpit
na nakayakap sa kanyang ama habang patuloy siyang umiiyak; larawan ng isang
batang puno ng kainosentehan, na sa kabila ng labis na pagdurusa at
pagsakripisyo sa piling ng kanyang ama, ay ipinamalas pa rin niya rito ang
kanyang tapat na pagmamahal.
Sobrang
naantig ang aking damdamin sa aking nakita. Isang batang sa kabila ng mura
niyang edad ay ipinakita sa amin ang tunay na kahulugan ng pagpapakumbaba; ng
tapat na pagmamahal, at ng taos-pusong pagpapatawad.
Iyon
ang huling alaalang tumatak sa aking isip kay Angelo.
Sa
paglipas ng panahon, ang nakaukit na imahe sa aming mga isip ay ang masaya at
masagana niyang buhay sa Amerika. “Ah mayaman na iyon. Baka English Speaking na
nga rin iyon eh, silang dalawa ng kapatid niyang si Allen. Siguro ay nakapagtapos
na iyon ng magandang kurso, nag-asawa ng Amerikana...” ang mga linyang
kadalasan ay binibitiwan namin at ng mga pinsan niya kapag ganyang
nagkasama-sama kaming mag-uumpukan.
Ngunit
hanggang sa ganoong usapan na lang kami at pag-iimagine. Hindi naman kasi namin
alam ang tunay nilang kalagayan nila sa Amerika. Ni address nga ay wala kami.
Taong
1994 noong ako ay makapag-abroad. Sa awa ng Diyos, maganda naman ang aking
napasukang trabaho. Dahil dito, natulungan ko hindi lamang ang aking mga
magulang kundi pati na rin ang aking mga pamangkin sa side ng aking mga kapatid
na babae. Kahit papaano, nabiyayaan din ng tulong ang aking mga kapatid na
babae.
At
si Kuya Antonio siya ang aking naging foreman sa pagpapatayo ko ng bahay. May
mga kaunting problema sa resulta ng paggawa niya, lalo na sa usapin ng pera at
pagbabudget. Ngunit dahil kapatid ko naman siya kung kaya ay inintindi ko na
lang. Ganyan lang talaga siguro ang ugali niya. Lalo na kapag may pera,
lumalabas ang kayabangan.
Taong
April 19, 2010. Namatay si Kuya Antonio. Sakit sa baga. Siningil na siya sa ginawa
niyang pag-abuso sa sariling katawan noong kabataan niya.
Sa
huling sandali ng kanyang buhay ay hindi na sila nagkita pa ng kanyang mga
anak. Hindi rin kami nagkausap dahil nasa malayo ako. Nagtangka raw itong
kausapin ako sa telepono noong huli niyang araw upang, sabi ng kapatid ko, ay
manghingi ng patawad. Ngunit hindi ko siya nakausap gawa nang busy ako sa
trabaho noong panahon na iyon. Hindi ko akalain na iyon na pala ang huli niya.
Pero... kahit may sama ng loob ako sa kanya, napatawad ko na siya. Ganyan naman
talaga kapag kapatid. Sabi nga nila, ang asawa ay mapapalitan ngunit ang
kapatid ay mananatiling kapatid hanggang kamatayan.
Noong
araw na namatay siya, hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. Sa labas ng aking
kuwarto, nagtirik ako ng kandila at nag-alay ng panalangin.
Sa
pagkamatay ng aking kuya ay mas lalo pang tumindi ang hangarin ko na hanapin si
Angelo at ang kanyang kapatid. Sa panahong iyon, hindi ko alam kung papaano.
Hindi
ko na maalala kung kailan eksaktong nagsimula ang internet. Ang natandaan ko
lang ay noong taong 2006 o 2007 ay hinikayat ako ng aking binatilyong anak na
gumawa ng Friendster Account upang doon kami magpalitan ng mensahe at makikita
ko raw ang ina-upload niyang mga litrato. Doon ako natuto. At noong nawala na
ang Friendster, sinabihan niya akong sa Facebook naman kami mag-friends. Doon
ko na naisipang i-search ang mga pangalan nina ni Angelo at Allen. Sa isip ko,
kung sa Amerika nga sila nanirahan, may Facebook sigurado ang mga iyon.
Subalit
laking pagkadismaya ko noong sa aking pag-search ay wala akong nakitang mga
pangalan nila. Kahit sa google ay wala rin akong nakita. Kaunti lang kasi ang
mga “Jalano”. Hindi komon ang aming apelyido. At naisip ko na baka pinalitan na
rin ang mga apelyido nila sa apleyido ng kanilang adoptive father na Amerikano.
Nalungkot
ako. Ngunit hindi pa rin ako sumuko.
Ang
isang magandang naging resulta sa paghahanap kong iyon sa mga pamangkin ko sa
Facebook ay marami akong nakitang “Jalano”. Sa aming lugar kasi, kami lang ang
natatanging Jalano. At dahil mga lalaki ang nagdadala ng apelyido, ako lang at ang
aking kapatid na lalaki ang Jalano na natitira sa lahi namin. Noong nakita kong
marami palang mga Jalano sa Facebook, tuwang-tuwa ako.
At
in-add ko silang lahat. Ma-babae, ma-lalaki, ma-bata... Lahat sila ay dinagdag
ko sa aking friends’ list.
Naka
ilang buwan din ang paghahanap ko sa mga pamangkin ko sa Facebook simula noong
namatay ang aking kapatid. Hanggang sa tila nawalan na ako ng pag-asa at
nakuntento na lamang sa pag-aadd ng mga “Jalano” sa aking Friends' List
Isang
araw, binuksan ko ang aking Facebook. May isang Dominic Jalano sa aking Friends'
List na nagpost sa status niya ng, “Wow! Ang dami pala nating mga Jalano!!!”
Natawa
ako noong nabasa ko ang post niyang iyon. Nakarelate kasi ako. Ganoon na ganoon
din ang aking naramdaman noong nalamang marami palang “Jalano” sa Pilipinas. At
lalo na sa Mindanao, mas marami sila roon.
Ngunit
ang labis ko pang ikinagulat ay ang nabasa kong isang “Jalano” na nagcomment
ng, “Pare, Jalano rin ako! Ang tatay ko ay si Antonio Jalano na Taga-Leyte!”
Doon
na ako nanginig sa sobrang excitement. Halos hindi ako makapaniwala sa aking
nakita. Syempre, pangalan ng aking kuya ang kanyang binanggit at lugar namin
ang kanyang tinukoy.
Agad
kong tiningnan ang profile ng taong nagcomment. At doon na ako nagtatalon sa
sobrang tuwa. Para akong nanalo sa lotto sa oras na iyon. Ang nakita kong
pangalan ng profile ay, “Allen Jalano!”
Hindi
ako magkamayaw sa sobrang saya na aking naramdaman. Alam ko, siya ang kapatid
ni Angelo. Sa wakas, may sagot na rin ang aking hiling na sana ay magkaroon
kami ng komunikasyon.
Dahil
naka-offline siya sa oras na iyon, dali-dali ko siyang pinadalhan ng private
message. “Allen, ako ang kapatid ng tatay Antonio mo. Kumusta ka na? Kumusta na
ang kuya mong si Angelo? Kapag may time ka, paki-regards mo ako sa Kuya
Angelo mo at paki text na rin ako dito
sa roaming number ko. Nasa Saudi ako ngayon. Miss na miss ko na kayo ng Kuya
Angelo mo!” At inilagay ko ang aking numero sa dulo ng aking message.
At
naghintay ako, sobrang excited na baka may magtext sa akin ano mang oras.
Ngunit nagbilang pa ako ng ilang araw. Matapos ang isang linggo, nakatanggap
din ako ng text. “Tiyo... si Allen ito. kumusta ka na!” Nasa opisina ako noong
natanggap ko ang text niyang iyon.
Agad
ko siyang tinawagan. “Kumusta ka na Allen! Grabe, anim na taon ka lang noong
huli kitang nakita? Kumusta ka na ngayon?”
“Ok
lang naman po tiyo. Nasasabik na rin akong makita kayo...”
“Ako
rin... Ang Kuya Angelo mo pala kumusta na siya?”
“Nasa
Palomoloc Tiyo! Nasa liblib ang lugar niya! Halos gubat ang lugar nila!”
“Ganoon
ba? Akala ko ba ay nasa Amerika kayo, kasama ng inyong inay?”
Nahinto
siya nang sandali. Parang may bahid na lungkot sa kanyang boses. “M-mahabang
kuwento tiyo. Si kuya na lang po ang magkuwento sa iyo. Bukas po, pupuntahan ko
siya upang magkausap din kayo.”
Sa
pag-uusap naming iyon ni Allen ay nalaman kong aksidente lamang ang pagkrus ng
landas namin sa internet. Hindi raw talaga siya nag-iinternet. Nahikayat lamang
siya noong pilitin ng kanyang ka-live in na magbukas ng Facebook at tsamba
namang nakita niya ang post na iyon ni Dominic kung kaya ay nagpatulong siya sa
kanyang misis na magcomment.
Para
akong napa-“Wow!” Para kasing sinadya ng tadhana na magbukas siya ng Facebook
upang doon ay magtagpo ang aming landas. “Hindi kaya ang Kuya Antonio ko ang
gumabay sa amin upang magsalubong ang aming landas?” sa isip ko lang.
Kinabukasan,
may text uli sa akin. “Tiyo si Angelo ito...”
Pakiwari
ko ay naglulundag ang aking puso sa sobrang galak noong nabasa ang text ni
Angelo na iyon. Biglang nanumbalik ang mga alaala ko sa kanya noong bata pa
siya. Ibayong pananabik ang aking naramdaman. Maluha-luhang tinawagan ko siya.
“Angelo... kumusta ka na?”
“Heto
tiyo... ok naman. May pamilya na ako tiyo, may mga anak na rin.”
“Wow!
Talaga? Ambilis naman! Parang kailan lang?”
“Opo.
Parang kahapon lang. Kumusta na pala kayo tiyo. Si itay? Kumusta na po siya?”
Nahinto
ako sa pagkarinig sa kanyang tanong. Parang nabilaukan. Pakiwari ko ay ang
simpleng tanong na iyon ay isang napakahirap na tanong na naibato sa akin. Ngunit
wala akong magawa kundi ang isiwalat sa kanya ang totoo. “P-patay na ang itay
mo Angelo, noong April 19 lang, pitong buwan na ang nakalipas...” ang may bahid
na pag-aalangan kong sagot.
Biglang
natahimik si Angelo sa kabilang linya, hindi nakasagot. At ang narinig ko na
lang ay ang tinig ng isang pigil na pag-iyak.
Mistulang
dinurog ang aking puso sa narinig. Para akong nag-freeze at ang aking cell
phone ay nanatiling nakadikit lamang sa aking tainga, hindi alam kung ano ang sunod
kong sasabihin. At habang patuloy na pinakinggan ko ang kanyang paghikbi,
naalimpungatan ko na lang ang pagtulo na rin ng aking luha. Mistulang ang bawat
hikbi na narinig ko sa kabilang linya ng telepono ay mga sibat na tumama sa
aking puso. Doon ko napagtanto na mahal na mahal pa rin ni Angelo ang kanyang
ama.
“H-hindi
man lang kami nagkitang muli tiyo. H-hindi ko man lang siya nakausap bago siya
lumisan. Nangarap pa naman ako na sana ay makabalik ako sa Leyte upang makita
siya...” ang pilit na pagsasalita ni Angelo.
Binitiwan
ko ang isang malalim na buntong-hininga. “W-wala tayong magagawa, Angelo.
Hanggang doon na lang talaga ang buhay niya.”
“Kaya
pala siguro umiyak siya at niyakap ako nang mahigpit noong hinatid niya ako sa
terminal tiyo. Iyon na pala ang huli naming pagkikita... Hindi ko nga akalain
na halikan niya ako. At umiyak pa siya habang niyayakap ako at bumulong sa akin
ng, ‘Mag-ingat ka roon, magpakabait ka palagi. Huwag magpasaway. At kahit
masama ang itay mo, huwag mo siyang kalimutan ha?’ Sobra akong naantig sa
sinabing iyon ni itay tiyo. Doon ko napatunayan na mahal ako ng aking itay.” at
napahagulgol na naman siya.
“Oo...
mahal ka ng itay mo. Kahit ganoon iyon, mahal kayo ni Allen noon. Nagkataon
lang sigurong nagkamali siya ng landas at huli na upang siya ay bumawi. Lahat
naman kasi ng tao ay nagkakamali, di ba? Tingnan mo ang lolo mo. Kung noon ay
pasaway siya, noong nagbago naman ay sobrang sipag at bait na niya. Kung kaya ay
nabuong muli ang aming pamilya. Ang kaibahan lang ng lolo mo sa tatay mo ay
pumanaw siya bago makabawi sa inyo. Pero hayaan mo na... alam kong masaya na
siya ngayong nagtagpo na muli ang ating landas.”
“Tama
po kayo, tiyo. At alam ko na ngayon kung bakit niya ako pinaalis ng Leyte; kung
bakit niya ako ibinigay sa inay. Kasi akala niya ay magiging maganda ang buhay
namin sa piling ng aking ina...”
“Tama
ka Angelo... tama ka. Tiniis ng iyong itay ang sakit na malayo ka sa kanya
dahil mas inisip niya ang iyong kapakanan, ang iyong kaligayahan.”
“N-ngayon
ko lang nakita ang ginawa niyang sakripisyo para sa akin tiyo...”
“Oo...
dahil naging mabait at masunuring anak ka. At alam niya iyon.”
“S-sina
lolo at lola pala tiyo, kumusta na po sila?” paglihis niya sa usapan.
“P-patay
na rin ang lolo at lola mo. 1999 namatay ang itay, at 2007 naman namatay ang
inay.”
“W-wala
na rin pala sila... Sila ang mga taong nagmamahal sa akin...”
“G-ganyan
talaga ang buhay. Sa gusto man natin at sa hindi, lahat tayo ay hahantong sa
kamatayan.”
“K-kaya
nga po tiyo. Medyo masakit lang na hindi ko sila nakita o nayakap bago sila
lumisan...”
“G-gusto
ba ninyong bumisita sa Leyte upang madalaw ang puntod ng inyong ama at upang
makita niyo rin ang inyong tita, mga pinsan, at mga pamangkin sa pinsan?”
“P-puwede
po tiyo?!!” ang excited na sagot ni Angelo. “K-kapos po kami sa pera tiyo.
Sapat lamang ang kinikita ko at ng aking asawa sa pang-araw-araw naming
gastusin sa bahay.”
“Huwag
kang mag-alala, magpadala ako ng pera. Ikaw, si Allen, at mga asawa ninyo...
sagot ko ang pamasahe ninyo pati na ang kaunting baon.”
Sa
pag-uusap naming iyon ni Angelo, nalaman kong pinabayaan din pala sila ng
kanyang kapatid, ng kanyang ina. Iniwan lamang sila sa isang kamag-anak. Hindi
naman daw pala totoong gusto ng Amerikano na ampunin sila. Ang totoo ay hindi alam
ng Amerikano na may anak ang kanyang ina. At kung naghirap si Angelo sa piling
ng kanyang ama, naghirap din daw ang kalooban nilang magkapatid sa piling ng
kanyang ina. Paano, hindi raw nila ito nakakausap, hindi sila pinapansin, hindi
binibigyan ng pera. Natuto siyang maghanap-buhay upang makakain, halos
magpalimos na lang dahil inaapi rin daw sila sa mga taong pinag-iwanan sa
kanila. Mas gusto pa nga raw sana niyang bumalik dahil naramdaman niya na kahit
papaano, nagbago na ang kanyang itay.
Sobrang
awa ang aking naramdaman para sa magkakapatid. Ang buong akala ko, matiwasay,
masaya, kumportable ang buhay nila sa Amerika. Iyon pala ay kabaligtaran.
Napag-alaman
ko ring nakapag-asawa si Angelo ng isang guro ng kindergarten habang siya naman
ay nakapagtrabaho bilang isang warehouseman sa isang kumpanya ng pang-export na
saging sa kanilang lugar. Nakapagtapos siya ng isang vocational na kurso ngunit
masaya naman sa kanyang trabaho at estado. Paano, kahit sapat lamang ang
kinikita nilang mag-asawa para sa araw-araw na pangangailangan, nakapagpundar
siya ng sariling lupa at bahay. At biniyayaan pa ng apat na matatalinong
supling; dalawang babae at dalawa rin ang lalaki. At proud na proud siyang
ibinalita na palaging nagta-top ang mga anak niya sa kanilang mga klase kung
saan, ang panganay na lalaki ay isang scholar na nasa third year college na
ngayon sa kursong edukasyon. “Manang-mana po sa iyo ang mga apo ninyo tiyo,
matatalino!” ang pagmamalaki pa niya.
Napangiti
naman ako sa narinig. Oo nga naman, apo ko na rin ang mga anak niya. “Bakit ka
pala hindi na nakabalik ng Leyte? High school ka na noong lumisan ka ah,
marunong ka na...”
“Paano
ako makabalik tiyo... kahit high school na po ako noon, wala naman akong perang
pamasahe. At sa paglipas pa ng panahon, hindi ko na rin po natandaan ang lugar,
ang address natin... at natakot po akong baka lumipat na rin kayo ng tirahan.
Noong panahaon na nakapagtrabaho naman ako at nakapag-asawa, lalo pa akong
nawalan ng oras, ang pera ko ay sapat lamang din para sa amin... nagkahiwalay
pa kami ni Allen. Nagkanya-kanya na nga lang kami rito sa Dadiangas tiyo para
makaraos lang, kanya-kanyang hanap ng diskarte.”
Sa
panig ni Allen, napagalaman kong may katuwang na rin siya sa buhay bagamat
hindi kasal. May mga anak na rin siya at sa nakita kong estado ng kanyang
buhay, masaya siya sa piling ng kanyang live-in partner.
January
8, 2011 noong sa wakas, nakadalaw rin sina Angelo at Allen sa lupang sinilangan
ng kanyang ama, sa Leyte. Ibayong saya ang naramdaman ng lahat; ng aking mga
pamangkin na pinsan nila, at ng aking ate. May instant reunion. Sa tagal ba
naman nilang nalayo at nawala...
Ngunit
kung gaano sila kasaya sa unang araw nila sa Leyte, ay kabaligtaran naman ang
tagpo noong dinalaw na nila ang puntod ng kanilang ama. Masakit ang eksenang
nasaksihan ng aking ate at mga pamangkin na sumama sa kanila. Si Allen na
simula noong anim taon pa lamang ay hindi na nasilayan pa ang ama ay lihim na
umiyak sa harap ng puntod samantalang si Angelo na siyang nag-alaga nang tapat
at lihim na nagdusa sa kamay ng kanyang ama ay sa isang gilid naman umiiyak,
kinakausap ang ama na para bang naririnig pa siya nito, “Tay... pasensya na po
kayo, hindi na ako nakabalik. Hindi man lang tayo nagkita muna... Patawarin mo
po ako itay na iniwan kitang nag-iisa...”
Isang
linggong nanatili sa Leyte sina Angelo at Allen. At sa isang linggong naroon
sila sampo ng kanilang mga asawa ay sinulit naman nila ang kanilang bakasyon,
lalo nang nagkataong pyesta rin sa ito aming sitio. Kung kaya ay lalo pa silang
nag-enjoy; nabigyan din ng pagkakataong makahalubilo muli ni Angelo ang mga
taong dating naging kaibigan niya sa aming lugar.
July,
2011 noong ako naman ang nagbakasyon sa Pilipinas. Pinaghandaan ko talaga ang
bakasyong iyon. Iyon kasi ang pinakasukdulan sa aking paghahanap sa aking mga
pamangkin. At ang pinaka-exciting kong itinerary ay ang pagpunta sa Dadiangas o
mas kilala na ngayon sa pangalang General Santos City o Gensan. At kasama ko sa
aking entourage ang panganay naming si Ate Nita, isang anak niyang lalaki na si
Norman, at isa pang anak na lalaki ng aking isang ate na nasa Maynila, si
Loloy. Apat kaming lahat na nagpunta roon. At isa itong dream vacation para sa
akin.
Noong
lumapag na ang aming sinakyang eroplano sa airport ng Gensan, sina Angelo at
Allen ang mismong sumundo sa amin. Sobrang saya ko sa tagpong iyon. Hindi ko
maipaliwanag ang matinding kasiyahang naramdaman ko noong nakita ko na at
nayakap kong muli ang dalawa kong pamangkin, pagkatapos ng may halos tatlumpung
taon ng aming pagkakahiwalay.
Dumeretso
kami sa bahay ni Allen at doon ko na-meet ang kanyang asawa at anak.
Kinabukasan naman, nag-rent kami ng van upang puntahan ang bahay ni Angelo na
nasa liblib na lugar ng Palomolok. Doon ko rin na-meet ang kanyang asawa, ang
kanyang mga anak, at ang mga kamag-anak ng kanyang asawa.
At
hindi lang doon nagtapos ang aking excitement. Bago ang bakasyon ko, nahanap ko
rin sa Facebook ang matagal ko nang hindi nakikitang mga pinsan sa side ng mga
Jalano na taga Koronadal na mga OFW na rin sa Canada. Nag-inform ako sa kanila
na dadalaw ako sa mga relatives sa side nila kapag nakapunta ako ng Gensan.
Malapit lang kasi ang Koronadal sa Gensan. At tuwang-tuwa naman sila sa aking
desisyon. Sabi nila sa akin, matagal na rin daw nila kaming inasam-asam na
makita, dahil ang tanging nakita lamang nila ay ang aking itay at si Kuya
Antonio. Kaya ipina-alam nila ito sa kanilang mga kamag-anak sa Koronadal na
naghintay rin sa aming pagdalaw.
Kasama
ang aking kapatid, dalawang pamangkin sampo ng buong pamilya nina Allen at
Angelo, naganap ang kauna-unahang reunion ng mga Jalano sa Koronadal. Gulat na
gulat ako dahil marami pala sila roon. Para kaming mga artistang dinumog ng
halos isang baranggay na mga dugong Jalano sa lugar nina Ate Trining at Ate
Vicenta. Kanya-kanya rin silang ambag sa instant na pagtitipong iyon. May
nagbigay ng kambing, may nagbigay ng litson baboy, may nagbigay ng pabo, may
nagbigay ng pera panggastos. At sa bahay ng mga pinsan kong OFW sa Canada kami
at ang pamilya nina Angelo at Allen inaccommodate.
At
ang isang highlight ng reunion ay ang tour naming sa 7 falls, sa zipline, at sa
Lake Sebu. Iyon ay inesponsoran ng aming mga kamag-anak na nagtatrabaho at nanirahan
na sa Canada. Sakay sa dalawang malalaking van, masayang inikot namin ang
magagandang lugar sa parteng iyon ng Mindanao.
Iyon
na ang pinakamamasaya at pinakamemorable kong bakasyon. Sa bakasyong iyon ko
unang natungtong ang Mindanao; sa
bakasyong iyon ko nakitang muli at nayakap ang hinahanap-hanap kong
dalawang pamangkin sampo ng kanilang pamilya; sa bakasyon ring iyon ko nakita
sa kauna-unahang pagkakataon ang marami sa aking hinahanap-hanap na mga
kamag-anak.
“Tiyo...
hindi ko akalain na marami palang Jalano dito sa Gensan. Ang buong akala namin
ni Allen ay kami lang dalawa ang nandito!” sambit ni Angelo habang nag tour
kami sa Lake Sebu. Iyon din kasi ang kauna-unahang pagkakita niya sa aming mga
kamag-anak doon.
“Oo
nga eh. Hindi ko rin akalain.”
“Iba
na talaga ang nagagawa ng Facebook tiyo, ano?”
“Oo...
nang dahil sa internet, ang nawawala ay nahahanap; ang nagkahiwalay ay
pinagtagpo muli. At sa kaso natin, ang napatid na tali na siyang nagdugtong sa
ating nakaraan at ngayon ay naidugtong nating muli...”
“At
dahil dito tiyo... mas lalo pa akong nagkaroon ng tiwala at tapang na harapin
ang bukas. Kasi, ngayon ko lang napagtanto, marami rin pala ang nagmamahal sa
akin. Nand’yan ka, nand’yan ang tita, nand’yan ang mga pinsan at kamag-anak
natin...”
“Matapang
ka naman talaga ah. Bilib ako sa iyo. Sa dami ba naman ng hirap at pagsubok na
dinaanan mo, heto, buong-buo ka pa rin, at lalo pang naging matatag. Isa ka sa
mga taong nakapagbigay sa akin ng inspirasyon.”
“Ikaw rin tiyo... kung hindi
dahil sa iyo, hindi na siguro tayo magkikita pa, at hindi rin namin makikita pa
ang mga kamag-anak nating Jalano. Bilib din ako sa iyo dahil hindi ka bumitiw
sa paghahanap mo sa amin. Maraming-maraming salamat sa iyo Tiyo...”
Binitiwan ko ang isang ngiti.
“Salamat sa internet. Salamat sa Facebook.”
At sinuklian ni Angelo ang aking ngiti sabay yakap sa akin.
Nakabalik ako ng Saudi na
dala-dala ang tagumpay at masasayang alaala sa reunion naming iyon. At simula
noon, nanatili na ang aming kumunikasyon ni Angelo at Allen.
At dahil sa nakilala kong mga
Jalano sa internet, gumawa ako ng isang facebook group na pinamagatan kong
“Jalano Clan.” Sa ngayon ay mayroon na kaming 140 ka myembro sa iba’t-ibang
bahagi ng Pilipinas; ang iba ay nakatira at nagtatrabaho bilang mga OFW sa
iba’t-ibang panig ng mundo.
At ang isang issue na kasalukuyang
pinag-planuhan namin ay ang grand reunion ng mga “Jalano.”
Sa panig naman nina Angelo at Allen, ang papuntahin ko naman sa Leyte ngayong darating na bakasyon ko sa Enero 12, ay ang mga binatang anak nila; sina Christian at Lesther. "First time naming maka-bakasyon sa malayong lugar lolo... grabe, excited na kami, sobra!" Ang text sa akin ni Christian, ang panganay na anak ni Angelo.
Sa panig naman nina Angelo at Allen, ang papuntahin ko naman sa Leyte ngayong darating na bakasyon ko sa Enero 12, ay ang mga binatang anak nila; sina Christian at Lesther. "First time naming maka-bakasyon sa malayong lugar lolo... grabe, excited na kami, sobra!" Ang text sa akin ni Christian, ang panganay na anak ni Angelo.
Balik kay Angelo, alam kong
marami pang daraang pagsubok sa kanyang buhay. Hindi naman kasi nawawala ang
problema habang ang tao ay nabubuhay pa. Ngunit kung nagtagumpay siyang harapin
ang mga ito noong siya ay isang paslit pa lamang, walang dahilan upang hindi
niya rin malampasan ang ano mang dagok na maaari pang darating.
At lalo na ngayon. Hindi na
hadlang ang kahit gaanong layo man namin sa isa’t-isa. Nasa magkabilang sulok
man kami ng mundo, ilang pindot lang ito sa keyboard, parang nasa harap na lang
namin ang bawat isa. Kapag may problema, malaya nila akong nakakatext sa cell
phone, nakakachat sa internet, o nakaka-usap sa Facebook. Kahit papaano ay may
matatakbuhan na sila sa panahon ng kanilang kagipitan, may masasandalan sa
panahon ng kanilang kahirapan, at may mahingian ng tulong, gabay, o karamay sa
panahon ng kanilang pangangailangan.
Salamat sa internet; siya ang
dahilan ng lahat. Salamat sa Facebook dahil pinagdugtong niyang muli ang
napatid na tali ng aming mga buhay...
Awang awa nman ako ke Angelo dito....... Totoo ba talaga to.........
ReplyDeletenakakaiyak..sobrang naantig puso ko sa istorya ni angelo..hanga ako sa katatagan ng loob ni angelo kahit pinagmalupitan sya ng sarili nyang ama,nandun pa rin yung pagmamahal nya dito..
ReplyDeleteano pa ba masasabi ko kuya mike??the best story ever!saludo po ako sa inyo..
npkagandang kwento! sobrang bait at mapagmahal na anak ni angelo, cguro namana nya yun sa tito nya. . . sobrang sacrifice ang dinanas ni angelo pero nkakabilib ang pagmamahal nya sa knyang aman. bibihira na ang ganun anak sa ngayon. npakasaya aman ang naging turn out ng kwento, buti nlang ang nkapagtyaga ka para mahanap mo ang inyung ankan. goodluck kay angelo at sa kapated nya lalu na sau na handa palageng tumulong at umagapay sa kanila.
ReplyDeleteWhaa. Swerte ng facebook, libre advertisement. :D
ReplyDeleteNice entry. :D Mkabagbag damdamin. :D
Sa part na binubogbog si Angelo at ang pinaka nakakkdiring eksena na pinakain yung balat ng sugat at walang nagawa yung pamilya, parang hindi totoo yun, dahil ako gagawa ako ng paraan. Pero sabi nga lahat ng bagay ay may dahilan at sa huli naunawaan ko. Pagmamahal pa rin talaga ang gagamot sa sugat ng buhay. Kuya Mike talaga..lagi akong pinaiiyak sa mga kuwento. The best.
ReplyDeletenkakaantig ang mga tagpo... tunay nga namang kapag pamilya m, mgsasakripisyo tau para sa knla... very inspiring
ReplyDeleteHanep Kuya Mike.. you really! Ang ganda ng kwentong ito.. Thumbs up.. Goodluck po!
ReplyDeleteSobrang ganda ng kwento mo sir Mike...naiyak ako dun ahh...thumbs up wala ka paring kupas...
ReplyDeleteGood Luck sir Mike...napakaganda ng kwentong ito...nakakaantig damdamin...isang kahanga hangang anak si angelou...
ReplyDeleteAng ganda po ng story ni angelo sa kabila ng pagmamalupit ng kanyang ama sa na halos umabot na sa sukdulan, di pa din nya iniwan ang ama nya at minahal nya ito di nya alam kung mahal nga ba sya ng ama nya.. ngunit siguro, tama ang kasabihan na walang magulang ang gustong mapahamak ang anak at walang magulang ang di nagmahal sa kanilang anak despite of their personality na ipinapakita nila dito. sana maging maganda ang takbo ng buhay ni angelo at ng kapatid nya ngayon na may mga kamag-anak na syang malalapitan sa gensan :)
ReplyDeletethumbs up po kuya mike!!!
-Merioku-
thumbs up again for kuya mike.grabe kung ako mismo yung tatay ni angelo ganun din ang gagawin ko. iisipin ko rin ang magandang future para sa anak ko kahit na ang kapalit ay ang mapalayo sya sa akin.pero hindi ko naman gagawin yung pasakit na ginawa nya pero sa kabilang banda naman hindi ko naman masisisi yung tatay kasi wala syang trabaho. gustuhin man nyang ibigay ang mga naisin ng kanyang anak hindi nya maibigay kasi wala syang pera kaya tuloy sa isip nya wala syang kwentang ama. higit sa lahat bilib pa rin naman ako kay angelo kasi sa kabila ng mga pinagdaanan nya sa kalupitan ng kanyang tatay ay hindi sya nagtanim ng galit dito kahit na katiting.
ReplyDeleteGrabe wala ka paring kupas kuya mike.da best ka pa rin. take care always....kuya mike.
good job!
ReplyDeleteAs the editor of this story, napailing nalang ako sa isang part ng story to the point na parang ayaw ko ng ituloy ang pagbabasa. Medyo naiyak ako at tumulo ang aking luha ng mga 2 drops lang. Chos. The story is really well and it actually shows the power of internet.
ReplyDeleteRovi Yuno
Astig! Isang magandang obra! May kurot sa puso ang kwento... maayos din ang pagkakalahad.... Goodluck sa entry mo ^_^
ReplyDeleteGaling mo talaga!
isa na namang obra mula kay sir mike. Tlagang nakakaantig ng damdamin. Dun nga lang sa mga nangyari kay angelo, kaawa-awa tlaga. Thumbs-up po sa story na to sir mike.
ReplyDeleteserious and tono ng kwento yet it is heartwarming and maraming kapupulutan ng aral. This is one good story that tells us that technology is good for some reason and also maganda rin ang pagkakadepict ng isang uri ng "family life" na mayroong hindi magandang simula though still nagkaroon ng pagbabago. This makes me think about my relationship with my father din :)) hay... I know mahal nya ako but the way he puts himself before me makes me doubt it. Hay.... anyways... all in all maganda yung story as it values family relations and yung usefulness ng technology :D so good luck Sir Mike with your entry, God Speed :3
ReplyDeleteThumbs up ako sa kwento nyong ito sir mike, ganda ng storya, family values ang tema kayo na sir mike!
ReplyDeletegrabe nakakantig na kwento..thumbs po sir mike..ang ganda po ng kwento..good luck po
ReplyDeletetulo-luha ko d2, hehe, relate much sa OFW life.. hehe
ReplyDeletewinner 'to, patok na patok!!! ka-vogue!
sobrang ganda..........two thumbs up sir mike
ReplyDeletenakakaiyak po ang storya, pero sa bandang huli ok na din kc nagkita-kita na ulit sila, nakakalungkot lng na di nagkita ang mag-ama bago man lng sana sya namatay.. naaalala ko tuloy family ko lalo na ang tatay ko kc di rin sya ganun kaclose sken, pero alam ko na mahal nya ko.. salamat po kuya mike sa magandang kwento, this reminds me na tlgang dapat hanggang kasama mo ang mga mahal mo sa buhay ipakita mo na mahal mo sila kc di mo alam kung kelan sila mawawala.
ReplyDeletesobrang galit ang nararamdaman ko sa Tatay...lalo sa scene about sugat... sino bang mationg ama ang gagawin yon... tama ka FB ang 'link' ng makabagong panahon.
ReplyDeleteang ganda!
ReplyDeleteAnother great masterpiece.. Ngayon ko lang sya nabasa. Pero ang ganda lang.. Salamat dito. Speechless.
ReplyDeleteDami talagang natulungan ng FB........ weeehhhhh
ReplyDeletei was moved by this masterpiece of yours sir mike.. mixed emotion, but one thing is for sure this one is so inspiring, inspite of whats going on just live life.. kudos sir mike!!!
ReplyDeleteAng galing mo talaga Kuya mike!!
ReplyDeleteIkaw na talaga!!
Luv the story.....sarap basahin kahit paulit ulit...
ReplyDeletewala ka pa din pagbabago kua mike nakakiyak tlga tong story na toh... dame nakakarelate... sana magtuloi tuloi pa din pag gawa muh ng story...
ReplyDelete---alfredo
Awtsss grabe ndi q knaya ang ginawa ng tatay ni angelo na ipakain ang balat ng sugat niya sa bata .... Kawalang puso cnung mgulang ang keang gawin un sa anak..msyado n aqng naapektuhan pareho lng kz kame ng pinagdaanan^°^
ReplyDeleteNice one kuya mike ..
Godbless more power po
-bittersweet cola
Npaka-inspirng po ng kwento nyo kuya Mike..dami na nga nagagawa ng social media ngaun sa buhay ng tao...
ReplyDeletesuper galing nyo sir mike.... da best ang story nyo sana manalo ka..... god bless sayo!
ReplyDeleteANG GALING NYO TALAGA SIR MIKE.. GRABEH KAKAIYAK NAMAN UNG STORY NI ANGELO SANA MANALO KA PO.. GODBLESS!
ReplyDeleteMaluha luha ako nung nabasa ko ang kwentong ito.. I feel the sorrow and I almost sympathized the author. Alam mo yung parang magkaharap kayo tapos kinukwentuhan ka niya at gusto mo na siyang yakapin sa hirap ng sinapit nung tao..
ReplyDeleteI read the story first before I see that there is a theme as an Entry for PEBA and I could say that the message/theme was subliminally inserted well.. :)
All in all mapapaiyak ang taong magbabasa nito pag siya ay family oriented.. All the best Sir Mike.. Wish you the best of luck.. As always :)
-Ako si Blue
Well, just read a very inspirational masterpiece of Sir Mike Juha! The story from the start till the end didn't failed to pinch the sensitive side of me... The attitude of Angelo towards his father made me love my father so much. The narrator of the story really made the details specific and realistic(though it is a true-to-life story) that made us feel that we are also part of the story. Your family's bond and compassion, kuya Mike, is really an inspiration to each of us readers and supporters of your craft. Kudos to every good deeds you make! :D
ReplyDeleteYOU NEVER FAIL TO INSPIRE and "MAPALUHA" me sir!! Hehe
ReplyDeletethrough reading your stories, the verb here was not actually "READ" but actually "GET" - experiences :))
-Detectivé Joseph Jayme
Wow this is an enticing realistis story..... kudos sa author and as well sa BOL...
ReplyDeleteFonite
eto pala yong kuwento mo na nagkita tayo sa davao na kasama mo na yong isang apo mo....touch ako friend....-roljamie
ReplyDeleteang galing ng story ni angelo, napakagaling ng witer panalo ito!!!!!
DeleteAy friend.. oo ito yung time na dumaan kami ng Davao para tingnan sana ang prospective na project natin. :-)
Deletehmmmmm wla pa din kupas sir mic
ReplyDelete2 thumbs up
i hope manalo ang entry mo
GODLEss po
Ang galing galing po ng pagkakwento Sir Mike. Nakakatouch po talaga. And dami ko narealize lalo na pagdating sa mga mahal natin sa buhay. Tama, kahit anong mangyari, kahit gaano pa kasama ang isang tao, meron parin soft spot sa puso nito, at may chance pa itong magbago. Maraming salamat po Sir Mike! Sana po, manalo kayo.
ReplyDeletehi kuya mike its me of ireneo viers of facebook!
ReplyDeletesensya ngayun lang po ako na internet busy po sa school and i just saw ur announcement so i read it basta gawa mo kahit isang pahina lang yan randam mo and komplesidad at emosyon ng kewnto good job kuya mike and hope tuloy mo lagi ang pag likha ng magandang kwento!!i will pray for every competition na sana manalo ko coz u really deserve it :)gud luck
nakakalungkot naman., ndi man lang sila nagkita bago matsuk ung tatay nya.., ndi man lang niya nakita yung pagbabago ng tatay nya bago ito nabawian ng buhay...,
ReplyDeleteat isa pang malungkot dito inakala ng tatay nya na naging maganda ang buhay ni angelo ng sumama ito sa kanyang ina hayyy!!
pero isa s mga maganDang nangyari dito ay ang teknolohiya tulad ng FACEBOOK.., na naging daan para magbubuklod sila magkakamag-anak... =)
PAWS UP sir MIKE JUHA..,
another superb story n namn po ang ni share nyo sa min =)
gudluck and more power sa susunond nyo pong isusulat =)
thanks sir mike,
ReplyDeletehanggang ngayon very intertaining parin talaga ang mga akda nyo,sulit ang pagbabad sa internet basta blog nyo (michaelsshadeofblue)ang kasama tiyak ok ang araw ko.
GOODLUCK & GODBLESS YOU PO.
nakakatouch naman tong story na toh.. :////.... haisst!
ReplyDeleteAng ganda po idol!! :]]]]
nkaka antig ng puso, maganda at puno ng aral, lalo n s pagsasamahan n dpat ay nkpaloob s bwat miyembro ng pamilya. Nang dahil s internet/fb nahanap ang mga pamangkin niyang sina Angelo at napasaya nya ang mga ito khit s munting paraan na get together pero puno ng pagmamahalan, galing, Sir Michael Juha po sure Victory n ito. Tnx s mga inspiring stories nyo.
ReplyDeleteganda po nito, parang habang may buhay may pag-asa. Khit p lumipas ang mhabang panahon ay mahahanap mo ang iyong kaligayahang hinahangad para s mga pamangkin ni Matt, n si ANGELO. Puno ng inspirasyon para s mga magkakalayong miyembro ng pamilya. Salamat s internet at salamat Sir Michael Juha. Sa mga akda ninyo n aking ginagawang inspirasyon s buhay.
ReplyDeleteKurasakichad@
I hope my comment is not yet late.. Kakabasa ko lang sir mike and this is really a good read :) Angelo's story is really heart warming :)
ReplyDeleteWell The story is really good. Mixed EMOTIONS.. Andun yung pagkainis ko sa tatay nya at andun dn yung pagkaawa ko.. Hays sana hnd nalang nya bngay yung anak nya.. :'(
ReplyDeleteMichael Ha te
All the elements are in. No wonder sir Mike, this will be another heartwarming story. I would love to read more of it. Thank you sir Mike!
ReplyDeleteAll the elements are in. No wonder, sir Mike, this will be another great story. With a heavy drama in the opening chapter. Hope to read more of it.
ReplyDeleteThank you sir Mike!
ang galing talga ng pagkakagawa...pinakita lng nito ang kung gaano ka laki ang tulong ng social media..kudos sir mike...pwede to gawing story line ng isang pelikula!
ReplyDeleteNbsa q n ito ilang linggo n nkalipas at napaiyak ako nitong kwento n ito. ngyn binasa q uli at s pangalawang pgka2taon umiyak ulit ako. iba tlga kpg c sir mike ang sumulat. hanga ako ky angelo s sobrang pgma2hal nya s ama nya at tiyaga s buhay. prang ang ang tiyo nya mpgmahal s pamilya. dun xa cguqo ngmana. kht ilang taon n ang nklipas ay hinanap nya p rin mga pamangkin nya at ndi lng pamangkin ang nhanap nya pti ang iba p nyang kmag anakan. na inspire 2loy ako hanapin father q s fb kht inabandona nya ako :( tnx sir mike 4 dis story :)
ReplyDeleteNakakaantig po ng damdamin ang PEBA entry na ito. Nawa'y manalo kayo sa timpalak na ito!
ReplyDeleteMore Power Kuya Mike!
Ang ganda ng pinapahatid ng kwento ng buhay ni angelo. sa kabila ng kalupitan ng kanyang ama sa kanya,hindi pa din nya ito iniwan to the point na kahit sya ay pwede nang mahawa,bagkus,minahal nya ang kanyang tatay ng wagas.pero hanga din ako sa tatay nya, sa kabila ng kalupitan nito, naipakita pa din nya ang pagmamalasakit at pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang kinabukasan sa anak sa piling ng ina nito. Too bad nga lang at hindi ito natuloy at naiwan clang magkapatid sa gensan ng matagal na panahon. buti nalang at kahit nawalan cla ng komunikasyon sa mga kamag anak nila, napagdugtong naman sila ng teknolohiya ng makabagong panahon, at naramdaman nila na hindi na sila nag iisa sa mundo..
ReplyDeleteAng galing po ng story kuya mike andami kong natututunan sa bawat akdang sinusulat mo more power po sa inyo and hope na manalo po itong story nyo!!!
Napakauliran naman ni Angelo, good luck sa iyong entry sir!
ReplyDeleteGood luck sa entry mo Mike, napakagandang istorya, sana lahat ng mga anak ay tulad nila sa pagmamahalan at pagtutulungan!
ReplyDeleteKawawa nman pala si angelo... pero ika nga lahat nang bagay nagbabago paglipas nang panahon... Good thing na nagbago ang tatay niya.
ReplyDelete-I really agree sa kwento ni Kuya mike. Technology Helps a lot especially as means of communication and dissemination of information lalong napapadali It connects almost everybody around the globe.. Kung dati hadlang ang distansya sa bawat isa ngayon di na "ilang pindot lang yan sa keyboard at ayan parang magkaharap lang kayo"
-Good job po sire mike at goodluck sau ikaw talaga ang tunay na panalo :)
Very inspring. Nakakalungkot na nangyayari pala sa totoong buhay ang mga pinagdaanan ni Angelo. Buti na lang may happy ending, kundi, baka naiyak na talaga ko kung tragic na natapos yung story. Kudos to the writer. Da best to! ;)
ReplyDeleteAng pinakamasakit dun, kapag dumampi ang sinturon sa likod mo at umiyak ka, sasabihin sayo, Huwag kang iiyak. Ang hirap kayang pigilin ng iyak kapag nasaktan ka. Medyo naramdaman ko ang lahat ng sakit ni Angelo kaya gustong tumulo ng luha ko. But the saving grace of the story was his humility to forgive his father. The writer really feels the pain, the longing and the helplessness of a young child subjected to indignities and abuses. Good Luck. ..
ReplyDeletekuya wla k paring kupas stil. My no.1 isang nakakaantig puso n nmn ang nagawa mo. Kun totoo tun kwento mo na sulat mo. Di ko lubos maisip ang nararamdaman ng taong to. Kahit nahihirapan kinakaya parin.
ReplyDeleteito ay isang nakakatuwang kwento.. ika nga all is well that ends well.. kahit sa simula pagkabata ay di nakaramdam ng pagmamahal si angelo mula sa kanyang ama na nasundan pa ng mga paghihirap mula nang mapunta siya sa poder ng kanyang ina, sa huli, nakahanap siya ng katuwang sa buhay at bumuo ng sariling pamilya at dito ipinaramdam ang pagmamahal na hindi nya naramdaman noong panahon ng kanyang kamusmusan... marahil ay biyaya na rin ng Diyos kay Angelo ang matatalino supling na sa aking nakikita ang siyang mag-aahon sa kanila sa hirap..
ReplyDeleteNawa'y ang mga ofw's ay di mawalan ng loob upang labanan ang mga pagsubok.. Nandito ang pamilya niyo.. sumusuporta at nagmamahal..
Sa ating mga "BAGONG BAYANI" saludo ako sa inyo.. Hangad ko ang inyong pagtatagumpay..
hay nice po kuya ang kuwento!ang sakit ang nangyari!!!
ReplyDeletewow tyo... nakakaantig ng puso..very touching talaga..sakit aku dughan aip..youre the best tyo..congrats.
ReplyDeleteganda naman ng kwentung ito tiyo ..
ReplyDeletetlagang nakaka touch ..
congrats tiyo ..
:*
nice sobrang ganda ..kau na po tlaga idol..
ReplyDeletegrabe..
two thumbs up!!! =)
ReplyDeletenka relate aq mr. author sobrang gnda!
ReplyDeletei was so proud for angelo for being humble..
ReplyDeletebihira mga katulad nya..nice story ever
napakatouching ng kwento na to.....ilang taon na ang lumipas hindi prin nwalan pag asa ung isang tyuhin para lang sa isang pamangkin......
ReplyDeleteSir Mike, Grabe naman ito, nakakatouch talaga. Happy ako sa ending. Ipagpatuluy nyo po ang mga nakaka-inspire na stories and I'm sure na maraming magbabasa nito.:-)
ReplyDeletewew hanep ang galing sir mike.. hands up na talaga ako sayo... nakaka touch....ingatz po and godbless
ReplyDeleteMoving. technology really helps a lot.another inspirational masterpiece kuya mike. all wounds heal in its own time.
ReplyDeletethnx sir mike sa lahat ng story! this indeed another story of reality. kaka-inspire! i've encountered a lot of people having same story as that in the community im workin at.. this how important technology nowadays. keep writing Sir MIke! God bless! :)
ReplyDeleteNice story
ReplyDeletevoted already. 36% of 307. I hope makatanggap ako ng copy ng new chapter...
ReplyDeletequeckenstedt
kahanga hanga ang pagmamahal ng anak sa ama..kahit na pinagmalupitan na xa di pa din nya iniwan ang tatay nya.. good job!! keep it up...
ReplyDeletekrisluv
Great story..filipino values are truly enforced :)
ReplyDelete.wow what a great story...you can feel the emotion na parang kang nasa scene sa bawat part nito...job well done to the author
ReplyDelete2 thumbs up for you Kuya Mike!!
ReplyDeleteang galing galing mo talaga gumawa ng mga stories... keep it up!! :))
napaka sakit nman un pangyayari sa buhay niya, bgamat nandun parin un pagmamahal ng kanyang ama nd man niya naparamdam eh tiyak na mhal niya anak niya... so hard isipin pero mhal nia parin un tatay niya,buti nlan merun internet he,he,he pra magkatagpo-tagpo dba..sbi nga sa bandang huli ang pagsisis...nice kuya aral nman po napulot d2.good luck po, i hope next story ay maganda uli..
ReplyDeleteGreat story...
ReplyDeleteGreat story...
ReplyDeletea very good and heart warming story about social networking site.....
ReplyDeletea very inspiring true to life story.. tsk tsk! very heart warming..
ReplyDeleteTwo thumbs up for u dear Michael, wala na akong masab, speechless akich!!..thanks
ReplyDeletejepoy_ledesma2002@yahoo.com
isang kwentong kapupulotan nang maraming aral...
ReplyDeletekeep up the good kuya!
good job po sir mike :)))) i'll always be your fan. galing-galing :))
ReplyDeletethanks for sharing your stories. it tackles the close family ties of filipinos as to how we love each kin.
ReplyDeletecontinue writing and post every stories. good luck sir!
---januard
Nice story, kaiyak. :)
ReplyDeletethis story touches my heart the first time i read this:))
ReplyDeletenice one sir mic ........
ReplyDeleteisang kakaantig na story na naman ang nalikha mo
u deserveto win tlaga
I really pity Angelo.. how could a father do those things to a kid like him... The story is really well-written and without a doubt pinag isipan ng mabuti... Keep it up Mike...
ReplyDeleteDi ko kinaya ung scene na sinabi ni angelo na pilit ipinakain ng tatay nya ung langib ng sugat nito hindi ko mapigilang magalit sa tatay nya.
ReplyDeleteA Great Story "an entry with a big chance to win".
Keep us inspired with your stories Kuya Mike
Thanks
Garabe kuya mike ang galing mo talaga gomawa nang storas na iyak ako....
ReplyDeleteisang napakagandang kwento. isa sa mga obra ni kuya mike. :)
ReplyDeletenice one
ReplyDelete-jawen/ jerwin
Thumbs up!!!!! Bilib aq syo angelo larawan k ng katatagan ng loob!
ReplyDeletesuper ganda ng kwento... daming aral... bravo kuya Mike.. from Paul Allan
ReplyDeletekuya mike astig talaga mga story mo..
ReplyDeleteYou have a good penmanship kuya mike and i salute you for that
sana manalo kuya mike..
kuya mike...
ReplyDeleteang galing...another good story..
sana marami pa susunod...
nice, sobrang intense ng story. nangilid ang luha ko. hindi ako nagkamali sa pagvote sa'yo sir. good luck :-)
ReplyDeleteI already voted kuya idol..
ReplyDeleteRuben Logronio
..i cried.
ReplyDelete..ahrael
This truly a tear jerker true to life story.Sau Angelo saludo ako.Isa kng mabuti at ulirang anak na maipagmamalaki.At ganon din nman sa iyong Tiyo.Ang mapagmahal na puso ng bawat tao ang magtutro at gagabay upang matagpuan ang mga nawawalang kamag anak.God is Great.
ReplyDeleteI was surfing the internet para sa ibang "stories" that'd help me ease my boredom. Pampalipas oras since nasa work ako and wala sa mood na magtrabaho.
ReplyDeleteTill I come across this blog and read few stories. Few were just merely erotically made to stimulate my "other" senses.
With all the stories posted in this blog, hindi ko rin alam why the title of this post wedged my attention .
Reading the story made me feel like, ako si Angelo, though my life story is totally different from that of his. It blew me away completely and seems suddenly I travelled back in time when I was of Angelo’s age and can’t do anything but cry! I was moved by the veracity of Angelo’s plight. I peeved reading the story.
Felt that old flaming anger I was having, parang binuhay yung galit kong matagal ko ng pinatay at inalis sa sistema ko!
But at the end of the story and just like any other fire, flame and fury…..it subsided and I get back to reality, it has long been gone and forgotten.
This one really is a MASTERPIECE….!!
Whoever is the author, I salute you Sir and kudos!!!
And with that, may I ask the permission of the author to allow me to have this story posted in my blog.
Looking forward for your approval.
Thanks & best personal regards
Sam Alegre
http://www.rainbowconnection218.wordpress.com
hi rainbow connection. You may post this pero please write my name as the author (pen name): Michael Juha
Deleteand mg email: getmybox@hotmail.com
thanks.
Mike
Nakaka antig ng damdamin ang kwentong ito. Gusto kong isalin at ipadala sa MMK..nakaka inspire,sobra kung hinangaan si angelo,kahit anong pagsubok,kinaya nya.kahit anong hirap at dagok,nilampasan nya.hanga rin ako kay tiyo na hindi nawalan ng pag asa.. ang sarap ng buhay.lalo na kung puro pagmamahal ang nasa bawat isa..sir mike ang galing mo talaga,hindi kataka takang nanalo ito ng award giving body..mahusay ka sir,lagi akong naaantig sa mga kwento mo..sana marami ka pang maisulat na kwento para mas marami pang tao ang mabigyan mo ng inspirasyon...
ReplyDeletemaraming maraming salamat sir mike...
Kaawaan ka ng Diyos..
-emorej ffilc eubank