Para sa ibang tao normal lang kapag dumarating ang ika-16 na araw ng bawat buwan. Pero para sa akin iba ang araw na ito. Espesyal ang araw na ito. Hindi dahil katatapos lang makakuha ng sweldo but simply because this is the day when I finally got into a relationship with my Labs. Nag-umpisa sa simpleng kulitan. Paminsan-minsan di ako pinapansin. Pero hindi ko alam on that particular day iba ang dating ng kulitan namin.
It was 14th day of August nakikipag kulitan ako sa MNB Group sa FB ng makakulitan kong muli si Justyn. Mga simpleng banat lang simpleng pukulan ng kuru-kuro, simpleng balitaktakan na nauwi sa seryosong usapan. Sinabi ko sa kanya na gusto ko sya sa hindi malamang dahilan tumugon din naman sya na gusto rin daw nya ako. Alam kong parang ang bilis naman ng pangyayari para sa aming dalawa. Para mahulog agad ang loob namin sa isa't-isa.
Masayang kausap si Justyn, ito siguro ang isa sa mga katangian nya na nagustuhan ko. But if you will ask me kung bakit ko sya minahal. I can’t find the answer to that question. Dahil sa totoo lang hindi ko talaga alam bakit mahal ko sya hinahanapan ko ng sagot pero wala akong makitang tamang sagot. Basta ang pumasok sa isip ko ng mga panahong iyon ay gusto kong kilalanin ng mabuti ang taong ito.
Nagkwento ako sa kanya about my past relationships. Magaan talaga ang loob ko para sa kanya. May kung anong bagay sa kanya ang labis na nakapukaw ng aking damdamin.
Natapos ang aming usapan ng araw na iyon sa kasuduang kilalanin muna namin ang isa’t-isa bago pasukin ang isang mas malalim na relasyon.
Dumating ang kinabukasan, ika-15 ng Agosto at nakapag-usap muli kami ni Justyn lalong mas naging seryoso ang usapan namin at sa puntong ito gusto ko ng maging bahagi na sya ng buhay ko. Alam kong maraming magsasabi na ang bilis ko namang mainlove or ang bilis ko namang gumawa ng desisyon na gawin na syang parte ng buhay ko pero I want to take that risk dahil hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan at isa pa naniniwala ako ang dapat na pinapatagal ay ang relasyon hindi ang kung ano pa mang bagay.
Sumapit ang 8:20 ng gabi dito sa UAE at 12:20AM naman sa Pilipinas ng mapagkasunduan naming bigyan ng pagkakataon ang isa-t-isa at iayon ang araw na formally naging kami sa date sa Pinas since naisip ko na uuwi na rin naman ako at nagbabalak ng hindi na muling lumabas ng bansa.
Ito na yata ang isa sa mga masasayang bahagi ng buhay ko. Ayaw kong mangako but I will do my best to keep this relationship work.
Naging mas madalas na ang pag-uusap namin ni Justyn naging parte na sya ng daily routine ko. Hindi mabubuo ang araw ko ng hindi ko sya nakakausap. Marami pa akong bagay na hindi alam tungkol sa kanya kahit pa naging kami na, pero para sa akin relationship is an everyday learning. Araw-araw ay may malalaman at matutununan ka sa karelasyon mo. Mga bagay na kusa mong matutuklasan.
Hindi madali ang pinasok naming relasyon lalo pa’t magkalayo kami ng lugar, nasa Pilipinas sya samantalang ako nandito sa ibang bansa. Constant communication and trust lang ang nagbibigkis sa aming dalawa at syempre yung LOVE na nabuo sa pagitan namin. Halos araw-araw kaming nagkakausap sa skype dahil ito lang naman ang way ng communication namin aside sa minsanang pagtawag ko sa kanya.
How I wish I am with him. I want to hug and kiss him. I want him to feel how much love I have for him. That is why I am eager to go back to the Philippines dahil isa sya sya mga dahilan.
Lumipas ang isang buwan at first monthsarry na namin. Sobrang saya ko at excited. Halos hilahin ko na ang oras ng mga sandaling yon dahil gustong-gusto ko ng batiin ang mahal ko ng happy first monthsarry.
Magkausap kami nun sa skype. Nagpapalitan ng mga ibang lengwahe at ibang dialekto ng salitang MAHAL KITA. And to my surprise he made a doodle out of our conversation. Sobrang saya ko ng mabasa ko ang mga pinag-usapan namin. This made me realize how very important he is to me. And how much love I have for him. Masaya ako dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. I feel so blessed having him in my life.
Mas lalo ko syang minahal habang lumilipas ang mga araw. Nagkakaroon ng mga munting tampuhan pero hindi lumilipas ang araw na hindi namin ito naaayos.
Hindi ko ugaling ibigay ang password ko sa kahit anong account ko pero hindi ko alam kung anong meron sa taong mahal na mahal ko at naibigay ko ito sa kanya. Dahil para sa akin kahit mag asawa dapat ay may private life pero hindi ko alam bakit binigay ko sa kanya. Siguro ganon lang talaga pag mahal mo ang isang tao at para na rin siguro mas tumatag pang lalo ang tiwala namin sa isa't-isa.
Dumating ang isang araw sa relasyon namin na parang feeling ko nasasakal ako. So I made a decision of deactivating my FB account and not opening my skype account. Dahil I need some fresh air. Feeling ko kasi that time pag hindi ako humingi ng space baka maiwan ko sya which I don’t want to happen dahil mahal ko sya, sobrang mahal. Nagpaalam ako sa ilang malalapit kong kaibigan sa FB na idedeactivate ko muna ang account ko for some personal reasons. But then, ilang araw ko pa lang na deactivate hindi ko maiwasang hindi sya mamiss. Sobrang naging malaking parte na sya ng pang araw-araw kong buhay kahit pa sabihin nating magdadalawang buwan pa lang ang relasyon namin. And this made me come up to a realization na hindi ko sya kayang mawala. So what I did was I opened again my account and looked for him. Sobrang namiss ko sya. Hindi ako makatulog sa gabi ng maayos dahil iniisip ko sya. Namiss kong tugtugan sya ng gitara at kantahan kahit hindi ako ganong kagaling. Miss ko ang kakulitan nya, yung smile nya, yung mga mata nya. I miss him a lot. Kaya nung araw na hindi ko na kinaya I dedcided na ihinto ko na yung kabaliwan kong hindi muna sya kausapin dahil sa totoo lang sobrang hirap.
Nasa unang bahagi pa lang kami ng relasyon namin ni hindi pa nakakatapos ng isang hakbang at alam kong mahaba pa ang daan na aming tatahakin. May mga ilang bagay pa kaming dapat lampasan at patunayan. May mga lubak pang maaaring madaanan. Alam kong hindi ko kakayanin ito ng mag-isa lang kaya pinagtutulungan naming dalawa na pagtibayin pa ang aming samahan. At para sa iyo mahal ko:
JOJIMAR, I know our relationship isn’t perfect, but I will do my very best to make it close to perfection and I am hoping for a stronger relationship even we are far apart. Distance may separate us but not our hearts that binds us! Happy 2nd monthsarry! I love you!
Sa Isang Sulyap Mo – 1:43 Song Lyrics
No comments:
Post a Comment