By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Author’s
Note:
Gusto ko pong
magpasalamat sa mga bomoto sa entry ng MSOB sa PEBA. Nang dahil sa inyo ay
nangunguna tayo sa botohan.
Gusto ko rin
pong i-announce ang MSOB Book Anthology: 13 Stories of Love, Hunger and
Paranaoia na out na po sa aming publisher at Central Bookstores. Heto po ang
mga outlets nila: http://central.com.ph/centralbooks/outlets/
Puede rin po kayong umorder kay Rovi Yuno, paki pm na lang po siya sa fb. Pwede
siyang magpadala through LBC or, kung nasa Manila area lang kayo, puwede ninyo
siyang i-meet.
Gusto ko rin
pong magpasalamat sa mga bumuo ng MSOB Anthology Team na pinangunahan ni Rovi
Yuno (Editor and writer), Patrice Valmer (Editor and Writer), Jon Dmur (Editor
and Writer) at sa lahat ng mga writers at artists ng nasabing libro.
Syempre pa, sa
mga sponsors namin na kung hindi dahil sa kanila ay hindi mabubuo ang
pagsasalibro ng aming kuwentong ito.
Mr. Mister
Mr. Gazeebo
Mr. Dadi J
Mr. Arvin S. Antolin
Mr. Blue
Mr. Oliver Allorent
Mr. Ric
Mr. Patryck
Mr. Neil Christian Oleriana
Mr. Ian
Mr. Anonymous B.
Mr. Christian Benitez
Sa mga hindi pa nakapagvote sa entry ko po sa PEBA, maaari po lamang na bomoto na heto po ang link niya - http://www.pinoyblogawards.com/2012/09/criteria-guidelines-2012.html
Nasa right hand side po ang mga entries, OFW Division po, may 7 na entries lahat, click the box beside entry #2 (Michael Shades Of Blue) then click "Submit Vote"
Puwede rin pong magcomment dito sa blog entry mismo -
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/09/si-angelo-ang-kanyang-itay-at-ang.html
O mag like at mag comment sa screenshot ng entry ko sa PEBA FB page nila -
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151211582097974&set=pb.134794097973.-2207520000.1353007444&type=3&theater
Maraming-maraming salamat po!
-Mikejuha-
Nasa right hand side po ang mga entries, OFW Division po, may 7 na entries lahat, click the box beside entry #2 (Michael Shades Of Blue) then click "Submit Vote"
Puwede rin pong magcomment dito sa blog entry mismo -
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/09/si-angelo-ang-kanyang-itay-at-ang.html
O mag like at mag comment sa screenshot ng entry ko sa PEBA FB page nila -
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151211582097974&set=pb.134794097973.-2207520000.1353007444&type=3&theater
Maraming-maraming salamat po!
-Mikejuha-
----------------------------------------
(Thanks to Jojie for the image)
Ako si JASSIM
At heto ang kuwento ngbuhay ko...
***
Dali-dali
akong tumakbo sa hagdanan upang tingnan kung ano ang nangyari kay Ricky at kung
sino ang nabaril niya. At sa bilis ng aking pagtakbo ay tila hindi lumalapat sa
hagdanan ang aking mga paa.
Noong narating
ko na ang ground floor, tinumbok ko ang main door na nakabukas at noong nasa
bungad na, doon ko nakita si Ricky na nakatayo sa harap ng gate, nakatutok pa
rin ang baril sa kanilang dalawa ni James at kambal niya na patuloy na
nagsambuno sa harapan ng lawn ng bahay.
“Sino ang
binaril mo!” ang sigaw ko kay Ricky.
“Warning shots
lang iyon igan! Lalapit pa sana kasi sa akin iyang isa. Mabuti na lang at
hinaharang din ng isa.”
Nahimasmasan
naman ako. Ang akala ko kasi ay may nabaril na sa kanila. “Si James iyang
humarang sa isa! Ayaw niyang maagaw ng kambal niya ang baril na nasa iyo!”
sigaw ko uli. At baling sa dalawang kambal na patuloy pa ring nagsambuno,
“James! Mag-ingat ka!”
Nahinto
sandali si James sa pagharang niya kay John. “Huwag kang lumapit Yak... d’yan
ka lang!” sagot naman ni James sa akin.
Ngunit iyon na
pala ang hinintay na pagkakataon ni John. Agad siyang nakatakbo palapit kay
Ricky na nabigla rin, inagaw ang baril, inilignkis niya ang isa niyang kamay sa
katawan ni Ricky atsaka itinutok ang baril sa ulo nito.
“Igannnnnn!!!”
ang malakas na tili ni Ricky.
“Huwag kayong magkamaling
sundan kami kung ayaw ninyo na may mangyaring masama sa kanya!”
“Huwag mo
siyang saktan tol! Huwag mo nang dagdagan pa ang masamang record mo.
Matutulungan pa kita. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng magaling na abugado
upang hindi ka makulong.”
“Hindi na
kailangan! At kung ikaw lang din ang magsasabi niya, hindi ako maniniwala!
Ayoko nang maniwala pa! Simula’t sapul, hindi ko maramdaman na itinuring o
akong kapatid! Alam ko, lokohan lang iyang sinabi mo. Kaya hayaan mo ako! Huwag
mo akong sundan! Nagkaintindihan ba tayo?!” ang matapang na sigaw ni John
habang yakap-yakap pa rin si Ricky.
“Tama!”
Dugtong din ni Ricky. “Hayaan ninyo kaming magsama at bumuo ng pamilya. Hayaan
ninyong abutin namin ang aming mga pangrap na hindi kami hihingi ng tulong sa
inyo! Kaya huwag na ninyo kaming guluhin at gambalain!”
“Pakkkk!” ang
narinig kong ingay nang tumama ang dulo ng baril na hawak-hawak ni John sa
batok ni Ricky.
“Arekop!” ang
sigaw naman ni Ricky sabay lingon niya kay John. “Bakit mo ba ako binatukan
niyang baril? Sumusobra ka na ah!”
“Ang
ingay-ingay mo!”
“Paanong hindi
ako mag-iingay, yakap-yakap mo ako at ang sabi mo pa ay magsama na tayo!”
“Magsama pala
ha? Pwes... Um!!!” Itinulak niya si Ricky dahilan upang matumba ito sa damuhan.
“Arekop! Bakit
ba?! Pagkatapos mong makatsansing???”
“Daming
satsat! Hubad!” utos pa ni John. At “Huwag kayong magtangkang lumapit kung ayaw
ninyong mabarail!” lingon niya sa amin habang itinutok ang baril sa aming
dalawa ni James. At baling uli kay Ricky, “Hubaadddd!”
“Wow!
Deretsahan!” sambit ni Ricky.
“Sabi nang
wala nang dada! Hubaaddd na!!!”
“T-talaga?
Dito?”
“Oo!”
“Now na???”
“Dalian mo,
tangina! Pasasabugin ko na iyang bungo mo eh!”
“Atat na atat
ka na talaga ha? H-hindi ako masyadong handa eh...”
“Tangina
maghubad ka ba o hindi!!!” sabay paputok ng baril, pinuntirya ang halaman sa
gilid ni Ricky.
“Opo! Opo! Maghubad
na po!” ang takot din na sigaw ni Ricky. “Grabeh naman to! Atat na atat!”
“Oo atat na
atat na akong barilin ka. Dalian moooo!!!”
Noong nahubad
na ni Ricky ang lahat ng kanyang damit, pati na rin ang brief, “D-dito ba
talaga tayo mag-sex? Kahit sa harap nila?” turo niya sa amin ni James. “Ibaba
mo na ang baril mo. Di na kailangang takutin mo pa ako dahil gusto ko rin ng sex!”
“Pakkk!” “Umm!
Gago! Damit mo lang ang kailangan ko, hindi sex! Paano ako iiskapo nitong
postura kong nakahubad? At sa iyo na iyang brief mo. Bakit mo ba hinubad iyan,
hindi naman ako interesado d’yan!”
Pakiwari ko ay
gusto kong humalakhak sa sobrang pagka assuming ni Ricky. At dali-daling
isinuot ni John ang mga damit ni Ricky. At habang abala siya sa pagsuot ng
t-shirt, doon na siya sinugod ni James upang agawin ang baril.
Nagpambuno
muli sila. Sa pagkakataong iyon, naagaw rin ni James ang baril.
Ngunit mabilis
ding naka eskapo si John. At bago pa ito nakalayo, nagbitiw ito ng pagbabanta.
“Tandaan mo, hindi ako titigil hanggang hindi ko nasisira ang buhay mo!” at naglaho
siya sa dilim.
At pati kami
ni James ay nabigla sa bilis ng pangyayari. Napatingin na lang kami kay Ricky.
“Ba’t kayo
nakatingin sa akin?”
“Sex talaga
ha?” ang sagot ko na natawa pa.
“E, ano naman
ang iisipin ko? Nakahubad siya, pinahubad niya ako. di ba sex ang maiisip mo?”
“Oo na... tama
ka, kaya isuot mo na iyan brief mo na hindi isinuot ni John.” ang pagsingit naman
ni James.
“Tsura niya!
Pero ayoko ngang magdamit. Gusto ko maghubad ka na rin para pareho tayong
tatlong nakahubad. Hayan si James o, nakahubad din. Ayyyiiiii! sarap tingnan.”
Hindi naming maiwasang
hindi matawa sa kabulastugan ni Ricky.
Bumalik kaming
tatlo sa loob ng bahay ni James. Nagsuot na ng damit si James at si Ricky, ang
damit naman na iniwan ni John ang kanyang isinuot. “In fairness... may
remembrance ako sa haliparot.” sambit ni Ricky noong naisuot na niya ang damit
ni John. “Ay sorry... kambal mo pala iyon.” sabay takip sa bibig niya noong
napansin ang sinabi niyang haliparot at nakatingin si James.
Ngingiti-ngiti
lang si James.
Sa loobng
bahay ay napag-usapan namin ang tunay na nangyari sa simbahan sa kasal nina
Sophia at Marlon, na si John pala sa tunay na katauhan. Noon lang din nalaman
iyon ni James. “Tsk! Tsk!” napailing-iling na lang si James. “Ang kambal ko
talaga, kung anu-ano na lang na kabulastugan ang kayang gawin, masira lang ang
buhay ko.” sambit ni James.
“Kung ikaw
iyon, pakakasalan mo ba si Sophia?” ang tanong ko.
“Bakit ko siya
pakakasalan? Nakatali na ang puso ko sa isang tao d’yan...” sabay kurot sa
aking pisngi.
Syempre, kilig
to the max ang lola ninyo. At kinilig din syempre si Ricky.
Sa pag-uusap
naming iyon ay napag-alaman namin na noong nakaalis na ako ng simbahan, may
taong bumaril pala kay Sophia. “Biglaan igan! Bigla na lang sumulpot sa harap
pintuan ng simbahan at nakita ko pang naglakad siya patungo sa center isle na
parang wala lang nangyari. At doon na binanatan si Sophia!” ang pagkuwento ni
Ricky.
“Mabuti at si
Sophia lang ang natamaan!”
“Palagay ko ay
si Sophia lang talaga ang target eh.”
“Kaya pala may
narinig akong mga putok noong nagtatakbo akong umalis sa simbahan!” sambit ko.
“Oo... at
tatlong bala ang tumama sa katawan niya. Pero buhay pa rin igan! Iba talaga
kapag masamang damo! At ang masaklap pa niyan ay iyong impostor na Marlon, ikaw
ang pinagbintangan na nagpabaril kay Sophia. Isinisigaw pa niya na ikaw raw ang
may pakana ng lahat dahil nagbitiw ka raw ng salitang papatayin mo siya!”
“Totoo bang
pinagbantaan mo si Sophia?” tanong ni James sa akin.
“Diyos ko
naman, Yak. Kaya ko bang pumatay o mag-utos na pumatay ng tao? Manok nga na
kinakatay ni ayaw kong makita dahil naaawa ako, tao pa kaya? Dahil lang iyon sa
matindi kong galit sa kanya. At wala akong balak na gawin iyon sa kanya!”
“Di ba may tinawagan
kang Preso?” ang tanong naman ni Ricky sa akin.
“Wala iyon! Nakisuyo
lang ako sa kanya na takutin lang si Sophia upang tumino na sana ang babaeng
iyon. Pero never kong iniutos na ipapatay siya! Hindi ko magagawa ang
pagpapatay ng tao yak...”
“Naniwala ako
sa iyo...” sagot ni James.
“S-salamat.”
“Eh paano kung
tinuluyan niya?” ang dugtong ni Ricky.
Bigla naman akong
natigilan. May posibilidad naman din kasing mangyari ang sinabi ni Ricky. “Ah
basta wala akong sinabing patayin niya si Sophia. At hindi iyon kayang pumatay
ng tao dahil nasa loob pa ng bilangguan iyon!” ang pangangatuwiran ko na lang.
“Dalawin natin
si Sophia Yak... i-explain natin sa kanya ang lahat.” Mungkahi ni James.
Hindi ako
sumagot. Galit na galit pa kasi ako sa kanya dahil sa pagpapakulong niya sa
akin at sa mga ginawa niyang pagpapasakit sa akin.
“Bakit?” ang
tanong ni James noong hindi ako sumagot.
“P-pwede bang
kayo na lang?” sambit ko.
“Dapat ay
sumama ka Yak... para wala siyang masabi sa iyo, na wala kang itinatago.”
“Tama. At baka
isipin pa nagtatago ka dahil guilty ka. O di kaya ay dahil nabuntis ka!” ang
pagsingit ni Ricky.
“Gusto mong
mabatukan uli ng baril?”
Agad naming
ini-report ang lahat sa pulis. Kahit madaling araw iyon, pinunthan pa rin namin
ang pinakamalapit na presinto. Nagpa-blotter kami at nanghingi ako ng report
upang maipakita ko sa aming school. Test kasi namin at ang report na iyon ang
aking ginawang rason upang mabigyan ako ng special exam. Ganoon din ang ginawa
ni Ricky.
Noong mag alas
otso na ng umaga, sa school naman kami nagpunta upang magpaalam ng special test.
Sinamahan kami ni James.
Pinagbigyan
naman kami ng school.
Pagakatapos sa
school dumeretso na kami ng ospital. Naabutan namin si Sophia na nakahiga sa
kama ng kanyang private room; may dextrose na nakakabit sa kanyang kamay,
naka-damit pasyente. Napag-alaman naming hindi natamaan ang mga vital organs
niya sa katawan kung kaya ay malayo siya sa kapahamakan.
“Sinuwerte pa
talaga ang demonya!” bulong ni Ricky.
“Ligtas ka na
raw sabi ng duktor.” ang sambit naman ni James kay Sophia.
Bakas sa mukha
ni Sophia ang tuwa sa pagkakita niya kay James. “Saan ka ba nanggaling honey?
Pagkatapos mo raw akong maihatid dito sa ospital ay umalis ka raw kaagad. At
bakit kasama mo na ang mga hunghang na iyan?”
Nagkatinginan
kami ni Ricky. “Hunghang ka raw!” ang palihim na pagbulong ni Ricky sa akin.
“Eh...” ang
naisagot lang ni James na lumingon sa akin. Alam ko, nahirapan siya kung paano
simulan ang pagpapaliwanag.
At hindi pa nasimulan
ni James ang pagsasalita ay nakita na ako ni Sophia, “Bakit nandito ka? Di ba
ikaw ang nagpabaril sa akin? Di ba siya honey? Di ba sabi mong siya ang may
pakana ng lahat? Siya ang sabi mong nag-utos na barilin ako?” ang pilit na
pagsigaw ni Sophia sa kabila ng kanyang mga tama.
“H-hindi siya
honey.”
“Eh... Sino?
Bakit ang sabi mo ay siya?”
“Nagkamali
ako.”
“Sino nga?”
“Ang kambal
ko.”
Na siya namang
ikinagulat ni Sophia. “May kambal ka?”
“May kambal
ka???” ang mahina at lihim naman na paggagad ni Ricky kay Sophia. Iyon bang
naartehan at gigil na gigil.
“Oo... at
sobrang galit nun sa akin.”
“No-no-no-no-no!
Hindi ako naniniwala. Kung may kambal ka nga, hindi ang kambal mo ang
nagpabaril sa akin. Iyan! Iyang sampid at mang-aagaw mong kasama ang nagpabaril
sa akin upang ma-solo ka niya at maagaw ka niya sa akin!” ang pilit na pagsisigaw
na ni Sophia.
“Hindi,
Sophia. Nagkamali ka.” Ang mahinahong sabi ni James sabay lapit sa gilid ng
kama ni Sophia at hinawakan ang kamay ng huli.
“At Sophia na
lang ngayon ang tawag mo sa akin? Na-brainwash ka na talaga sa kanya!!!” turo
sa akin at humagulgol na bagamat hinawakang mahigpit ang kamay ni James at
niyakap ang braso nito. “Hindi mo na ako mahal. Sabi mo pa nga sa akin ay mag
honeymoon pa tayo at bigyan kita ng maraming anak.”
“Ang sarap
takpan ng unan ang bunganga nito! Ansarapsakalin!” bulong ni Ricky. “Sarap talagang
patayin igan, pigilan mo ako!”
“Yakapin mo
ako please...” dugtong pa ni Sophia kay James.
“Lukaret!
Talipandas! Haliparot!” bulong uli ni Ricky.
Tumingin sa
amin si James at nag-aalangang tumalima sa pagyakap kay Sophia.
Tahimik.
“Hindi nga si
Jassim ang nagpapatay sa iyo Sophia.”
“Ayoko ngang
maniwala! Siya ang salarin! Gusto niyang ipapatay ako!”
“At ikaw... di
ba ikaw ang nagpapakidnap sa amin! Masama ka! At ikaw din ang nagpabilango kay Jassim
at naglagay ng lason sa pagkain at pagbintangan siya upang makulong!” ang
pagsingit naman ni Ricky.
“Sinungaling!
Hindi totoo yan!”
“Bakit nasa
iyo ang bracelet ni Jassim na nawala noong kinidnap kami!”
“Bracelet? anong
bracelet ang pinagsasabi mo?”
“Iyong gold
bracelet na nasa loob ng isang envelope sa drawer ng iyong opisina!”
Tiningnan niya
si James. “Di ba ikaw ang nagbigay niyon sa akin honey?”
Nahinto si
James. “W-wala akong natandaang ibinigay sa iyong bracelet...”
“Sinungaling
ka talaga Sophia! Sinungaling ka!”
“Shut up! Bat
ba kumakampi ka na ngayon sa mang-aagaw na iyan bakla! Sa akin ka nagsiserbisyo
ah! Ako ang nagpapasuweldo sa iyo!” ang sigaw ni Sophia kay Ricky.
“Bakit?
Amalayer? Amalayer???”
“Amalayer? Ano
yan? Gusto mo sampalin kita? Di kita maintindihan!”
“Oh my God
kuya! Shesalayer!” sabay baling kay James. At baling uli kay Sophia, “Yer a
freakinlayer Miss! Amalayer! Amalayer? Answer me! Amalayer!” At talagang
nag-emote si Ricky, ginaya ang isang insidente sa LRT na inapload sa internet.
“Ano bang
pinagsasabi mo d’yan! Bakla. Nababaliw ka na ba?”
At bigla ring
huminto si Ricky na parang wala lang nangyari. “Ay sorry, akala ko ikaw iyong
guwardiya sa may Santolan LRT Station. Kasing hugis kasi ang katawan mo sa
kanya.”
“Niloloko mo
ba ako?”
“Hindi.” ang
casual na sagot ni Ricky. “Ang ibig kong sabihin, matagal na akong pro J-J.
Never akong naging pro J-S. Ewwwww!”
“Anong pro
J-J? Anong pro J-S?”
“James-Jassim,
James-Sophia. At Jassim-James ako.”
“Bukas na
bukas, huwag ka nang pumasok sa restaurant dahil tanggal ka na!”
“Owww? Tingnan
ko lang kung papayag ang union! Baka mawalan ka ng trabahante at mapasara pa
ang restaurant mo. May kasunduan yata tayo.”
“Lumayas nga
kayong dalawa dito! Dalhin mo iyang kaibigan mong mang-aagaw!”
“At itong
kaibigan ko pa ngayon ang mang-aagaw? Baligtad talaga ang utak mo! Amalayer
ka!”
“Wala akong
paki! Alis na!”
“So ikaw ang
nagpakidnap sa amin ano? At ikaw rin ang nagpalagay ng lason sa kusina dahilan
upang mabilanggo ni Jassim ano? Anooooo?!!!”
“Tama na! tama
na!” ang sigaw ni James.
“Lumayas kayo
ditooo!!!” ang sigaw din ni Sophia. Kahit nasa ganoon siyang kalagayan,
matapang pa rin ito. Palaban pa rin. Ayaw patatalo. “Ayaw ninyong umalis ha...”
at may pinindot na siya.
Biglang
pumasok ang nurse. “A-ano po iyon ma’am?” ang tanong ng nurse.
“Nasaan ba ang
ang mga pulis na nagbabantay sa akin?”
“N-nag break
lang po sila Ma’am...”
“Nagbreak?!!!
Nandito ang killer ko, hayan...” turo sa akin, “Iyan ang mastermind sa
pagpapabaril sa akin! Tapos nagbreak sila? Paano kung barilin ako uli niyan? Di
namatay ako dahil sa pagbi-break nila! Ang tatanga naman!!!”
Nanlaki ang
mga mata namin sa sinabi ni Sophia. Syempre, natakot ako. Hinid ko kasi
akalaing may guwardiya pa talaga siyang pulis.
Tatalikod na
sana ako at aalis upang hindi maabutan ng mga pulis na sinabi ngunit hinablot
ni Ricky ang aking braso. “Hindi tayo puwedeng umalis. Baka isipin ni Sophia na
tayo talaga ang may pakana ng lahat.”
Nalito ako sa
pagkakataong iyon. Ngunit dahil naroon naman si James at Ricky kung kaya ay nagdesisyon
na lang akong huwag umalis.
At hindi nga
nagtagal ay pumasok ang dalawang pulis. “Ayan! Hulihin ninyo!” Ang sambit ni
Sophia.
Walang
pasabing hinarap ako ng dalawang pulis; pinosasan agad.
“Hindi po ako
Sir! Wala po akong kasalanan!” ang pagmamakaawa ko.
“Huwag kayong
maniwala sa kanya! Siya ang nag-utos sa gunman na nahuli ninyo na barilin ako.
Siya ang utak sa pagpapatay sa akin!”
Tumayo si
James at nilapitan ang dalawang pulis. “Hindi po siya ang nagpabaril kay
Sophia, chief. Alam ko po kung sino.” Ang paliwanag ni James.
“Sa prisinteo
na lang po kayo magpaliwanag bossing.” ang sagot naman ng mga pulis sabay
kaladkad sa akin palabas ng kuwarto.
“Yak... paano
na ito???” lingon ko kay James at halos nasa labas na ng pinto.
“Huwag kang
mag-alala. Sasamahan kita.” sagot ni James na sumunod sa amin.
“Sasama na rin
ako.” dugtong ni Ricky.
“Honey! Saan ka
pupunta???!” sigaw ni Sophia.
Ngunit hindi
siya pinansin ni James. Si Ricky ang lumingon sa kanya sabay sigaw ng pangungutya.
“Amalayer!”
Nang dumating
kami sa prisinto, kinunan na naman ako ng finger prints atsaka isinulat sa
kanilang logbook ang pangalan ko. “May record ka na pala dito. Food poisoning
ang dati mong kasalanan?” ang sambit ng pulis na in-charge sa record. “Paano ka
nakalabas dito?” dugtong niya.
Nagulat naman
ako sa tanong niyang iyon. Syempre, alangan namang sabihin kong may butas sa
loob ng bilangguan nila. Kaya, “E... m-may nagpalabas sa akin eh. Wala naman
daw akong kaso.” ang palusot ko na lang.
Tumango-tango
ang pulis.
“Chief...
p-puwede magpapyansa na lang para sa kanya?”
Tiningnan siya
ng pulis na parang nabigla, sabay sabing, “O... kayo pala iyan bossing! Bata mo
ba ito?”
“Yes Chief.
Bata ko to... Pwede bang magpiyansa rito?”
“Puwedeng-puwede!
Kayo pa!” ang sagot naman ng pulis. “Pero bukas naman ang korte ngayon, sa
korte kayo magpiyansa para legal ang lahat.”
At iyon... pinuntahan
naming ang korte at nakapagpiyansa kami. At nakauwi ako.
At dahil sa
nangyari, sa bahay ni James na kami tumira pansamantala. Natakot kasi si James
na balikan kami ni John at baka mapaano pa kami. Kaya dapat ay palagi siyang
kasama naming ni Ricky. At pinaplano rin naming kung paano lusutan ang kaso ko.
Sa linggo na
iyon doon kami ni Ricky umuuwi sa bahay ni James.
Masaya kung sa
masaya kasi, parang isang tunay na pamilya talaga kami. Salitan kaming gumagawa
sa gawaing bahay ni Ricky ngunit dahil hindi na ako nagtarabaho sa restaurant
ni Sophia, kadalasan ako ang naghahanda ng pagkain namin, naglalaba, naglilinis
ng bahay. Mistulang isang tunay na mag-asawang maituturing ang aming set-up ni
James. Sa gabi nagsisiping kami, naghaharutan, naglalambingan at bago matulog,
syempre, hindi nawawala ang sex.
At masayang-masaya
ako. Doon ko napagtantong mahal na mahal ko siya, at ganoon din siya sa akin.
Feeling ko ay wala na akong mahihiling pa sa buhay. Parang kami ni James ang
nagpakasal at nagha-honeymoon. Parang gusto ko na lang tuloy na huwag nang
maresolba pa ang kaso ko kung iyon pala ang dahilan upang magsama kami ni
James.
Normal ang
routine namin, pumapasok si James sa restaurant samantalang ako at si Ricky ay nag-aaral.
May work nga lang din si Ricky sa restaurant at habang naroon sila ni James,
ako naman ang taong-bahay.
Sa buong
linggong iyon ay hindi ko na alam pa ang pangyayari sa restaurant.
“Igan! igan!
May balita ako sa iyo!” ang sambit sa akin ni Ricky na kagagaling pa sa
restaurant.
“Ano?”
“May World War
3 sa restaurant kanina!”
“B-bakit?”
“Nakalabas na
kasi si Sophia at bumisita siya sa restaurant. At nag-away sila ni James!”
“Bakit sila
nag-away?”
“Ito kasing si
Sophia, nagalit. Kasi, hindi man lang daw siya binisita ni James sa ospital. At
iginiit din niyang mag-asawa nga sila ni James dahil kasal na sila. Ngunit
itinaggi naman ito ni James dahil nga ang kambal niya ang pinakasalan ni Sophia
at hindi siya. Ayaw namang maniwala nitong si Sophia. Galit na galit. Bakit pa
raw siya pinakasalan kung ganoon lang ang ipakita niya sa kanya. Hayun... sigaw
nang sigaw ang demonya!”
“G-ganoon ba?”
“Oo! Ang tindi
talaga ng babaeng iyon. Kalalabas lang ng ospital at parang wala lang nangyari!
Parang may sumanib talagang masamang espiritu sa katauhan!”
“Paano na
ngayon iyan? Nagsasama sila sa work tapos ganyang nang-aaway sila?”
“Aalis na raw
si James igan...”
“H-ha? P-paano
na si James?”
“Iyan nga ang
mahirap eh. Pinangbantaan si Sir James na kapag aalis siya at iiwanan si
Sophia, tatanggalin sa kanya ang lahat – trabaho, itong bahay, kotse. Kawawa
ang prince charming mo.”
Mistula akong
binagsakan ng langit. Kapag nagkataon kasi, kawawa naman si James. Saan siya
titira, saan siya maghahanap ng trabaho, saan siya kukuha ng gastusin para sa
pang-araw-araw na pangangailangan. Syempre, ano ba ang maitutulong ko...
Maya-maya ay
dumating si James, malungkot na malungkot ang mukha. Ni hindi magawa ang
pagpalit ng damit at maghubad ng sapatos. Deretso agad sa sofa at umupo na tila
napakalim ng iniisp.
“A-anong nangyari
Yak? N-nagkasagutan daw kayo ni Sophia?”
“Oo... at baka
aalis na lang ako sa restaurant, Yak. Hindi ko na masikmura pa si Sophia...”
“A-ano ang
gagawin mo kung wala ka nang trabaho?”
“Magsimula
muli. Tamang-tama, uuwi muna ako sa Mindanao upang bisitahin ko ang aking mga
magulang. At pagkatapos, hahanapin ko na ang aking kapalaran.”
Bigla akong
nalungkot sa kanyang sinabi. Kasi... sigurado kapag nangyari iyon, magkalayo na
naman kami. At baka may mangyari uli sa kanya o di kaya ay may ibang ititibok
ang kanyang puso, tuluyang malimutan ako at hindi na makakabalik pa. “W-wala ka
bang planong magkita pa tayong muli k-kung sakalign aalis ka? M-magsama?”
Tiningnan niya
ako. Hinawakan niya ang aking kamay. “Syempre may plano ako para sa atin.
Bahagi ka ng buhay ko. Ikaw ang tinitibok ng puso ko. Nagka-amnesia man ako,
bumaligtad man ang aking alaala, naging bahagi ka sa dalawang mundo kong iyon. Ikaw
ang hinahanap-hanap ng aking puso. Kahit magka-amnesia man akong muli, kahit
saang ala-ala man bumaligtad ang aking utak, naroon ka pa rin. Ikaw ang
hinahanap-hanap ng aking puso. Paano pa kita malilimutan niyan? Kaya, hindi kita
hahayaang malayo sa akin.”
“Paano kung
hindi ka na babalik?”
“Hindi
mangyayari iyan yak. At kapag nangyari man iyan, ipangako mo sa akin na
hahanapin mo pa rin ako.”
At doon na
tuluyang pumatak ang aking mga luha. Ang hirap kaya ng mga pinagdaanan ko sa pagka
amnesia niya.
“Maipangako mo
ba yak?
At wala na
akong nagawa kundi ang tumango. Ganyan naman talaga siguro kapag umibig ka.
Masakit, mahirap, mabigat sa kalooban, ngunit dahil mahal mo ang isang tao,
ipaglaban mo kahit sa harap pa ng kamatayan.
Niyakap niya
ako. Mahigpit. Lihim kong pinahid ang aking mga luha.
“Hindi ko kasi
alam sa ngayon yak kung ano ang gagawin ko. Kapag nanatili ako kay Sophia,
hindi naman papaya iyon na hindi ako titira sa kanya. Kaya mo bang makitang
nagsisiping kami?”
“I-ikaw? Kaya
mo ba?”
“Kung comfort
ang pag-uusapan, maaari. Ngunit hindi ko kayang tingnan kang nasasaktan. Alam
ko ang tindi ng pinagdaanan mo sa kamay ni Sophia. Ayokong magdusa ka pa.”
“M-maghihiwalay
na naman tayo?”
“B-babalik ako
sa Burol. Mag-aaply akong muli bilang isang security guard. Tamang-tama,
gagraduate ka na rin... Pero hintayin ko munang matapos ang kaso mo, at ang
graduation mo. Pilitin ko muna ang sariling pakisamahan si Sophia.”
Bigla ko ring
naalala ang graduation. Parang mas lalo pa akong nalungkot. Kasi, magsimula na
naman ako sa isang bagong yugto ng aking buhay at... hindi ko alam kung ano ang
magiging kinabukasan ko at kung saan ako ilipad ng panahon. “Nalulungkot ako
yak...” ang nasmbit ko na lang sabay sa paghigpit ko ng yakap sa kanya.
Hinigpitan din
niya ang yakap niya sa akin. “Hayaan mo yak... malampasan din natin ang lahat
ng ito.”
“N-natatakot
kasi akong baka bukas, makalawa, mawala ka na naman sa piling ko. At ako...
magsimula na naman ng panibagong yugto pagkatapos ng aking graduation. Sana
kung saan man ako mapadpad, naroon ka rin. Ayokong mahilwalay pa sa iyo eh.”
“Huwag kang
mag-alala. Dahil kahit saan ka man mapadpad, siguradong ipagtagpo pa rin tayo ng
ating mga puso.”
“Atsaka ang
kaso ko yak... habambuhay raw na pagkabilanggo ang maaaring ipataw kapag
napatunayang ako ang nag-utos sa pagpatay. Natatakot din ako. Kapag nangyari
iyan, paano na lang tayo?”
“Huwag kang
matakot. Magaling ang nakuha kong abugado. Atsaka wala kang kasalanan, hindi ka
dapat na matakot.”
“Makapangyarihan
si Sophia...”
“Nasa panig
tayo ng katotohanan. Tandaan mo iyan. Mahirap talunin ang katotohanan.”
Dumating ang araw
ng takdang paglilitis sa kaso ko. Naroon sa korte ang lahat na involved. Si
Sophia, ang mga abugado namin, si James na sa tabi ko umupo, si Ricky, mga
supporters namin, at ang mga testigo.
Tinawag ang
unang testigo nina Sophia, ang mismong taong bumaril sa kanya. Hindi ko pa
nakita ang taong nasabi gawa ng nakakulong na raw ito. Ang pagkakalam ko, ang
abugado namin ang nakikipag-usap sa kanya.
Ngunit laking gulat
ko noong umupo na ito sa witness stand. Siya ang presong tumulong sa akin na
siya ko ring tinawagan upang takutin si Sophia!
Bigla akong
nakaramdam ng takot. Ramdam ko ang malakas ng kabog ng aking dibdib.
“Dito sa
korteng ito, masasabi mo bang nandito ang taong siyang nag-utos sa iyo upang
barilin si Sophia Soriano?”
At lalo pang
lumakas ang kabog ng aking dibdib nang sumagot siya ng, “Opo, your honor...”
At noong
tinanong pa siya ng huwes ng “Puwede mo bang ituro sa amin kung sino sa narito
ang nag-utos sa iyong barilin si Sophia Soriano?”
Pakiramdam ko
ay nagdilim ang aking paningin noong itinuro na niya ang nasabing tao. “Siya po
your honor...”
Ako ang
kanyang itinuro.
“Hindiiiiiiiiiiii!!!”
------------------------------------------------
DISCLAIMER:
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please contact getmybox@hotmail.com and the item/s in question will be promptly removed.
Salamat naman po kuya mike at meron na update.. Good luck po sa career.. God bless!
ReplyDeleteAstig 2,
ReplyDeletewow kuya ayus ah kasama c amalayer he,he..
ReplyDeleteexciting, pti ung Amalayer s Lrt2 pasok parang ung s ML lng pasok din haha. Gnun pla gumawa ng topic s sirMIKE true to lyf kya naman pla mkatotohanan plagi. Haha
ReplyDeleteChad Kurasaki
wahaha... hanggang dito... benta si amalayer!
ReplyDeletenkakatawa c ricky peo, parang oa na x.x
ReplyDeleteabout dun sa lalaking 2mulong ky jass, dming katanungan sa icp q 2ngkol sknia...mxado misteryoso... aabangan q nlang mga ksagutan
c sophia naman, anglantod lng ah? dpat tnultyan na nla un eh x.x lol sama q xD
hahaha! kakatawa nman tong si Ricky oh!
ReplyDeleteahaist, sayang di ko nabasa yung Chapter 15. :(
di kasi ako nkapgvote. :(
AMALAYER?? AMALAYER?? :D
hehehe....amalayer..ang latest kuya mike..galing
ReplyDeletebakit di ko mabasa ang chapter 15??? pa repost po pwede??? salamat
ReplyDeleteang wafu ni jassim.. ehe... i love ricky, nakakatuwa xa.. ehe
ReplyDeletehi MIKE. gustong gusto ko ang story. kelan ba ang susunod na chapter neto at ang ending. ang ganda kasi ng story. ang galing. excited nako. ang dame ko pang babasahin pa page mo..pls advise. thanks
ReplyDeletesir mike.../musta po? nabasa ko na po yun story ni romwell, anrei, alvin, enzo, etc...at ang dalawang story na kasalukuyan kong hinihintay ang updates itong ang lalake sa buro at munting lihim, dito kasi ako sa middle east kaya medyo nakakainip, heto lang pagbabasa ng mga magaganda mong stories libangan ko sana sir may update na po...salamat and keep it up
ReplyDeleteallen
sir mike.. galing nyo pong gumawa ng storya para totoo. Update na sana po nakaka bitin po kasi..
ReplyDelete- JP
been following the story, just curious wala pa pong part 17
ReplyDelete-Jedan Paul :)
Part 18 po pala -Jedan Paul
ReplyDelete