Followers

Friday, November 23, 2012

Nilimot Na Pag-ibig 12







Photo by: Justyn Shawn

Kamusta naman po kayong lahat? 

Maraming salamat nga po pala sa mga patuloy na nagbabasa ng aking kwento na Nilimot Na Pag-ibig.

Marahil ay nagtaka kayo kasi bago na ang cover photo ng story ko ito po ay gawa ng taong nagmamahal sa akin at minamahal ko. Hindi ko po hiningi sa kanya ngunit ginawa nya. Nagulat na lang ako ng isend nya ang file sa akin. Kinilig naman ako... ^__^v

Now naman gusto kong magpasalamat sa mga nag comment sa past chapter. Dahil po sa inyo ay lalo akong ginaganahang magsulat. 

At hindi ko na patatagalin pa. Ito na po ang Chapter 12.

_____


Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.

Next, I would like to thank truthsofme  for making the previous cover photo of my story.

Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.

Thank you.

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome.  

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!



“Hello sino to?” ang ulit kong tanong ngunit ibinaba lamang nito ang tawag.

Nang matapos si Lee.

“Labs may tumawag sa yo.” Ang pagbabalita ko dito.

“Huh?!” ang tila nagulat nyang tugon.

“Sabi ko may tumawag kaya lang binaba lang bigla. Check mo na lang ang phone mo at magsashower na ako.” Ang wika ko dito.

Agad kong tinungo ang banyo upang makapag shower na.

Nang makabalik ako ay nakita kong nakahiga na si Lee tila may iniisip.

“Labs baka malunod ako ha. Ang lalim ng iniisip mo.” Ang pagbibiro ko dito.

Ngumiti lang ito na tila di alintana ang pagbibiro ko.

Agad naman akong tumabi dito. Sa totoo lang sobrang namiss ko si Lee.

“Labs alam mo sobrang namiss kita. Namiss ko yung pagbisita mo sa akin once a week. At isa pa labs tandaan mo ha apat na ang utang mong stuffed toys sa akin.” Ang pagpapaalala ko dito, dahil pumapalya na sya sa pagbibigay nito sa akin. Ok lang naman na hindi na nya ibigay iyon pero gusto ko lang maglambing sa kanya ng mga sandaling iyon.

Patulog na kami ng mga sandaling iyon kung bakit ba naman naisipan kong hingin ang kanang kamay nya.

“Labs I want to hold your right hand.” Ang paglalambing ko dito.

Agad naman nitong ibinigay ang kanyang kamay.

“Labs bakit iba ang suot mong bond ring? Parang wedding ring yata yan ha.” Ang pagpansin ko sa suot na singsing.

Kinabahan ako ng mga sandaling iyon.

“Mahal kasi ipinasuot muna ni ate ang singsing nya kasi may allergy sya sa daliri ngayon.” Ang pagpapaliwanag nito.

“Bakit kaylangan ikaw ang magsuot bakit hindi na lang itabi. Nasan na ang bond ring natin?” ang tinig ko ng may pagdududa.

“Nasa bahay Mahal nakatabi.” Ang simple nitong tugon.

Hindi ako mapakali kung bakit kaylangan nyang itago ang bond ring naming at isuot ang sinasabi nyang wedding ring ng ate nya. 

Maraming tumatakbo sa isipan ko ng mga sandaling iyon. Nandiyan na ang may iba na ba si Lee?  Papalitan na ba ako ni Lee?  Kanino ba talaga ang wedding ring na suot ni Lee?  Mga katanungan na pilit kong hihiningan ng kasagutan ng mga sandaling iyon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.  Nagising na lang ako ng halikan ako ni Lee.  Isang halik na matagal kong ng inaasam na matikmang muli.

Nang mga sandaling iyon nawala ang lahat ng agam agam sa aking isipan.  Napalitan ito ng pananabik.  Pananabik sa taong labis kong minamahal.  Ang taong unang pinagkatiwalaan ko ng aking kabuuan.  Masarap, maalab, at mapagkalinga ang mga naging hakbang ni Lee ng mga sandaling iyon.  Isang tagpo na lagi kong inaasam.  Isang tagpo na kahit kaylan ay di ko malilimutan.  Namalayan ko na lamang na kapwa na kami walang saplot sa katawan at sabay umiindayog sa isang musika na kami lang ang nakaririnig.  Sabay naming nilalasap ang mga sandaling iyon.  Sobra ko syang na miss.  Kaya naman kahit anong hilingin nya ng mga sandaling iyon ay wala akong tutol. 

Kapwa kami humihingal ng matapos marating ang kasukdulan.

“I love you Labs and I can’t afford to lose you .” ang magiliw kong sambit.

Isang ngiti lamang ang aking natanggap mula sa kanya.  Tinanggap ko lamang ito bilang pagsang-ayon niya.

_____

Ilang araw pa ang lumipas at kaylangan ko ulit lumabas ng UAE upang irenew ang visa ko.  Sa sandaling ito ay ipinaalam ko kay Lee ang aking balak.  Tinawagan ko rin si Christian upang ipaalam na mag eexit ulit ako.

Naging madali lang ang aking paghihintay ng visa.  Sa loob ng 3 araw ay lumabas agad ito.  Hindi ko na rin hinayaan ang sarili ko na may makita muling isang Christian.  Naging mailap ako sa mga nakasabay ko.  Lagi lang akong mag-isa tila ba isa akong loner ng mga sandaling iyon.  Sinadya ko iyon dahil ayaw kong magkasalang muli sa taong lubos kong minamahal. Ayaw ko ng maulit ang magsisi sa mga bagay na hindi ko napigilan.

_____

Nang makabalik akong muli sa UAE ay inasikaso  kong mabuti ang paghahanap ng trabaho.  Ngunit hindi ko pa rin kinakalimutan na si Lee.  Lagi pa rin kaming nag uusap.  May mga tampuhan pero katulad ng dati kaylangan maayos ito bago pa matapos ang araw o bago kami matulog.  At si Christian naman katulad ng dati ay nakukuntento na lang na makausap ako at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na magkaroon pa rin ng puwang sa puso ko.

Isang Biyernes ng hapon matapos kong makapag pasa ng aking Curriculum Vitae sa mall ay naisipan kong mag online upang kamustahin ang pamilya ko sa Pilipinas.  Bago pa mana ako mag online ay tumawag si Lee sa akin.

“Mahal kamusta ang araw mo?” ang masuyong tanong nito.

“Ok naman po medyo pagod nga lang sa paghahanap ng trabaho.” Ang tugon ko dito.

“Ganon po ba? Sige po pahinga ka na.” ang wika nito sa akin.

“I love you Labs.” Ang masuyo kong wika.

“I love you too.” Ang kanyang tugon.

Nang maibaba ang tawag ay agad akong nag online.  Kausap ko ng mga sandaling iyon ang bunso kong kapatid.  Nagkukulitan at nagkakamustahan kami ng mga sandaling iyon nang biglang mag ring ang aking phone.

“Hello…” ang pagsagot ko.

“Ano mo si Lyndon?” ang bungad ng tao sa kabilang linya na hindi man lang nagpakilala.

Hindi ko alam ang isasagot ko ng mga sandaling iyon kaya naman medyo natagalan ako sa pagtugon sa kadahilanang natatakot ako baka kamag-anak ni Lee ang tumatawag.

“Ah.. eh… Kaibigan po.” Ang utal kong tugon.

“Ok, Mabuti na ang malinaw.” Ang sarkastikong wika nito sabay baba ng telepono.

Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong kinabahan at parang may galit akong naramdaman ng mga sandaling iyon kaya naman naisipan kong tawagan ang number ng tao na katatapos lang makipag usap sa akin.

“Hello, bakit mo tinatanong kung ano ko si Lyndon?” ang dirediretso kong wika dito.

“Ilang bese lang naman naming kasing pinag aawayan ang number mo.” Ang galit nitong tugon sa akin.

“Pinag-aawayan bakit ano mo ba sya?” ang muli kong tanong.

“Boyfriend ko lang naman sya dito sa Dubai.” Ang wika nito na tila nagyayabang.

Hindi ko malaman ng mga sandaling iyon ngunit parang may malaking gong na pinukpok malapit sa tenga ko.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon.  Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas.

“Ah, ikaw pala ang boyfriend nya jan.  Pasensya na ha pero ako kasi ang boyfriend nya dito sa Abu Dhabi.  Nagsinungaling ako kasi akala ko isa ka sa mga pinsan nya.  Kahit itanong mo pa sa kanya.” Ang wala kong patid na wika.

“P***ng i** mo!  Tigilan mo na ang pagtawag sa kanya dahil nakakasira ka ng relasyon!” ang galit nitong sigaw sa akin.

“Huh ako nakakasira ng relasyon? Bakit kaylan ba naging kayo?” ang sarkastiko kong tanong dito.

“At tinanong mo pa talaga kung kaylan naging kami ha.  Gusto mong malaman? October 23, 2008. Ngayong alam mo na pwede tantanan mo na si Lyndon.” Ang dirediretso at tila nag-uutos na wika nito sa akin.

“Ah, nasa exit ako nyan.” Ang simple kong tugon.

“Oo, at humiram si Lyndon sa akin ng 800 dahil may utang daw sya sa kaibigan nya sa Abu Dhabi at kaylangan nyang bayaran.” Ang may pagmamalaki nito sa akin.

“Ah, so ikaw pala ang hiniraman ni Lee ng pera para mabilihan ng visa ang BOYFRIEND nyang taga Abu Dhabi. At pasensya ka na ha kasi last January lang kami ni Lee.” Ang may diin kong wika dito na tila nang-aasar ng bigla sya sumabat.

“January lang pala kayo kaya tantanan mo na sya dahil nasisira mo ang relasyon namin.” Ang tila sigurado nyang wika sa akin at bigla akong sumagot kahit nagsasalita pa sya.

“Oo January lang kami. January 1, 2007. Pasensya na ha kasi we just had our anniversary nung January 1. Ngayon sino ang nakasira ng relasyon ako ba o ikaw?” ang kalmante ngunit may paninindigan kong wika.

Hindi ko na narinig ang nasa kabilang linya.

“Hello… are you still there?” ang may panunuya sa boses ko.

Narinig ko na lang ito na sumigaw.

“Lyndon ayusin mo yan! Kausapin mo yan!” ang galit na sigaw nito.

Alam kong iniabot kay Lee ang telepono.  Wala akong narinig na nagsasalita bagkus puro malalim na buntong hininga lamang ang aking naririnig mula sa kabilang linya kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.






Itutuloy…

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails