Followers

Wednesday, November 14, 2012

Start Again




Photo by: Justyn Shawn



Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang istoryang ito.  Isang parte ng buhay pag-ibig ko na muntikan ng ikawala ng taong minamahal ko.  Hindi ko inaasahan na ang pagigigng malapit ko sa isang taong nangangailangan ng atensyon ay magdudulot ng lamat sa tiwalang ibinigay sa akin.  Aaminin kong napalapit ako sa isang taong itinuring akong BEST FRIEND. Ang pagiging malapit pala namin sa isa't isa at ang mga malalambing na pag-uusap ay syang magiging mitsa ng muntikang makatakas na pagmamahal na ngayon ko lang muli naramdaman. 


Nangyari ang lahat ng ito simula ng may nakakulitan ako sa isang group sa isang social network.  Agad na napalapit ang taong ito sa akin sa kadahilanang binigyan ko sya ng atensyon.  This person is so disturbed as I may say.  May mga pagkakataon na sa akin lang sya nakikinig o kung hindi man ay ako ang nakakapagpahupa ng topak nya sa ulo.  Naging madalas ang pag-uusap namin hanggang dumating sa punto na pinagselosan na sya ng taong mahal ko pero pilit ko pa ring ipinaintindi na wala syang dapat ipagselos dahil sya lang ang mahal ko.  

At first, naayos pa ang misunderstanding sa pagitan nilang dalawa.  Pero hindi naglaon ay naulit muli ang mga malalambing pag-uusap namin ng espren ko hanggang dumating pa ang punto na gumawa pa ako ng ibang account para lang makausap sya.  Alam kong mali at hindi tama pero ginawa ko.  Alam kong may masasaktan ako at maaaring may umasa pero ipinagpatuloy ko.  Bahala na si Batman.  Nagkasubuan na.  Pero kahit na ginawa ko ang account na yun bihira ko itong ginagamit dahil na rin sa napagkasunduan namin ng espren ko na kakausapin ko lang sya kung may makikita akong status nya na nagsasabing gusto nya akong makausap. O kaya naman ay kinakausap ko lang sya everytime na may nagsusumbong or may pinopost sya sa group na hindi kaaya-aya.  

Hindi rin nagtagal at naging matumal na rin ang pag-uusap namin ng espren ko.  Dahil na rin alam kong may nakakapagpasaya na sa kanya kaya naman hindi ko na sya pa ginambala.  Alam kong may ibang tao na sya pinapakinggan kung may mga maling bagay syang nagagawa.  Maraming mga bagay akong sinabi sa kanya.  Mga bagay na kung sa tutuusin ay hindi ko naman dapat na sinasabi sa isang BEST FRIEND.  Mga bagay na kung kayo ang makakabasa ay sasabihin nyong may namamagitan sa aming dalawa.  Hindi sa nililinis ko ang sarili ko pero wala naman talagang namagitan sa amin.  Purely friendship lang ang ibinigay ko sa kanya.  Hindi ko alam kung ano ba talaga ang feelings nya towards me.  Kaya naman out of nowhere naitanong ko sa kanya na kung wala ba akong karelasyon may pag-asa ba ako sa yo?  At sumagot naman sya ng oo.  Isang pagkakamali na pinahintulutan kong mangyari.  Kung bakit hindi ko alam ang sagot.  Dahil sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko malaman bakit ko nga ba nagawa yun.  At sa taong naramdaman ko ang tunay na pagmamahal.  Marahil marami sa inyo ang magsasabi na napakatanga ko.  Ito lang ang masasabi ko OO TANGA AKO! Dahil nagawa kong saktan ang taong mahal ko.  Ang taong nagmamahal sa akin ng totoo.  

Hindi ko inaasahan ng minsang nagsusulat kami ng mahal ko, katulad na ng nakasanayan namin ang sabay na magsulat ay nagmessage ang espren ko.  Hindi ko ito napansin dahil kausap ko rin ang mahal ko sa isang voice chat.  Kung hindi ko pa tinanong kung ano ang ginagawa nya hindi ko pa malalaman na nakikipag usap na pala sya sa espren ko.  Nung una ay ok pa ang pag-uusap hanggang sa nagmessage ang espren ko ng ikiss ko daw sya.  Dito na nag-umpisang magalit ang mahal ko.  Oo seloso ang mahal ko isang katangian nya na minsan ikinaiinis ko at kung minsan pa ay nagiging dahilan ng topak ko pero in a way masaya ako.  Sa tinagal tagal na panahon ngayon ko na lang ulit naranasan ng may nagseselos.  Right there and then he blocked my espren at hindi na ako tumutol don dahil hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap nito kung hindi pa sya mag message hindi ako sasagot sa kanya or should I say hindi ako magbibigay ng message sa kanya.  Akala ko ay doon lang natapos ang lahat.  Nagpost pa pala ang espren ko sa group ng message   

"iblock ba naman ako..kung may tiwala ka sa syota mo wag mo kaming pag isipan, para makipag usap lang sa cam ayaw.. bakit may gagawin ba kaming karumaldumal. peste naman.. kilala mo kung sino kang pinapatamaan ko sabi lang na kiss selos agad?bakit personalan ba> nandito ba sya para maagaw yun"   

Hindi ko inakala na ang pagtatalo nilang iyon ang magiging sanhi upang mailabas ang isa ko pang acount. Many of you would ask how did my love found it out.  The answer is this.  He found out that I used another account and he saw the url that I am using is kalugurandakaespren which means I love you espren.  At iyan nga ang ginamit kong account upang kausapin ang espren ko.  And from there he asked me if he can have that account at first I was hesitant to give it to him pero ayaw kong lumala pa ang sitwasyon.  In short, I gave it to him kahit pa medyo natagalan ang pagbibigay ko ng password.  At doon nabasa nya ang usapan namin ng espren ko.  Ang matagal na naming usapan.  Hindi ko masisisi ang mahal ko kung magagalit sya sa akin ngunit maniwala man kayo o hindi.  I cannot afford to loose him.  He is the only person I have now.  Masaya ako kapag kausap ko sya.  Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko sya makakausap.  Maraming bagay na sa buhay ko ang naging parte na rin sya.  Katulad na lang ng morning greetings ang good night kisses.  Kaya naman ng sabihin nya na burahin ko ang number ng espren ko agad agad ko ng binura ito.  Ang simpleng pagsisinungaling ko ay syang nagdulot ng lamat sa aming relasyon.  Pero ako ang may gawa kaya dapat lang na pagdusahan ko.  Pinahintulutan kong mangyari sa akin, sa relasyon namin.

Madaling magpatawad sa kasalanang nagawa mo pero hindi madaling makalimot.  Oo nga at napatawad ako ng taong mahal ko pero hindi nya nakakalimutan ang sakit na dinulot ko sa kanya dahil sa tuwing mag-uusap kami ng mahal ko ay paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nagawa kong pagsisinungaling sa kanya.  Tanggap ko yun dahil kasalanan ko.  Sinira ko ang tiwala nya.  

Isang hapon ng pag-uusap namin dahil aalis ako at pupunta ako sa bahay ng barkada ko nagpaalam ako sa kanya.  Nag-usap kami.  Nagkaroon kami ng konting pagtatalo hanggang sa sinabi ko na sa kanyang "Sana hindi mo na lang ako binigyan ng second chance kung paulit ulit mo lang din namang ipapamukha sa akin ang kasalanang nagawa ko."  On that very moment, pumatak ang luha ko.  Luha ng pagsisisi, kung bakit ko sya nagawang saktan.  I felt like I am loosing him.  Then he told me to stop from crying.  But, I couldn't help my feelings, kusa na syang bumuhos.  Nakakahiya man dahil nakikita ng mga kasama ko dito sa bahay na umiiyak ko pero wala akong pakialam dahil ito ang nararamdaman ko ngayon at kailangan kong mailabas ito.  Nang medyo humupa na ang pag-iyak ko sinabi nya sa akin. "I Love You."  Simpleng salita ngunit puno ng damdamin.  I replied "I Love You More."  At muling dumaloy ang luha sa aking mga mata.  At sa tuwing sasabihin kong mahal ko sya ng mag oras na iyon ay parang may sariling buhay ang aking mga luha na kusang pumapatak.  

"Hindi ko alam kung bakit pinagkakatiwalaan pa rin kita hanggang ngayon. Siguro dahil mahal na mahal kita. Kaya pagkaingatan mo sana ang tiwalang iyan. Dahil alam mong ikaw din ang lumamat sa tiwalang binigay ko sayo. Mabilis nang masira yan, kaya alagaan mo." ~Justyn Shawn

Hindi madali ang pinagdaraanan naming dalawa ngayon.  Dahil nasa stage pa rin kami ng coping and patching things up.  Napaka fragile ng relationship namin ngayon, isang maling salita or gawa ay maaaring mabasag pero katulad nga ng sinasabi ko sa kanya.  "Hindi ko kakayaning mag-isa ang patunayan sa yong mahal kita. Tulungan mo ako. Magtulungan tayo." 

"Asawa ko, let's forget what had happened before..  Hayaan na natin kung ano man ang nakaraan what's important now is the LOVE we still have for each other.  I know marami ang magsasabi ngayon na bakit mo pa ako binigyan ng second chance after the things I have done to you.  Hindi ko kayo masisisi but let me have this second chance to START AGAIN..."


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails