Photo by: Justyn Shawn
Una po sa lahat ay nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbasa, sumubaybay at mga nagcomment sa kwentong Nilimot Na Pag-ibig at katulad ng naipangako ko ay ito na po book two ng buhay ni Ron. Sana po ay subaybayan ninyo at sana po kung gaano po ninyo tinangkilik ang unang aklat ay ganon din po ang maging reaksyon ninyo dito sa Anino Ng Kahapon.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment sa NILIMOT NA PAG-IBIG sina demure, Lexin, iamronald, brayan, Louie Arcelon, riley delima, raymond, ericka, knight-in-a-shining-armor, online via ginno, hajji alivio, robert_mendoza94@yahoo.com, MARK13, Arl Iver, Curious19, ryval winston, queckenstedt, kiero143, at syempre sa mga anonymous silent readers. At salamat din sa nagmessage sa akin sa FB si Raymond Rosales.
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
“Love me like the first time again
Let’s pretend that it never gonna end
For one last time
Just hold me in the way
We used to do, you know
Love me like the first time and go…”
(an excerpt from the song Love me like the first time)
Ito ang linya ng kanta na biglang pumasok sa aking isipan habang ako ay nasa taxi pauwi ng bahay. At sa pagkakataong ito hindi ko namalayan na malaya palang umaagos ang luha sa aking mga mata. Ito ang matagal ko ng hinihintay ang lumabas ang aking sama ng loob. Alam kong sa paglabas ng mga luha ko ay kaakibat na nito ang magiging bigat ng aking kalooban sa mga susunod pang mga araw. At kung kalian ito matatapos iyon ang hindi ko alam.
Pagkadating na pagkadating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto tila walang pakialam kung may tao sa sala o wala, basta ang nasa isip ko noon ay gusto ko lang umiyak at magmukmok. Hindi ko na rin nakuha pang magpalit muna ng damit.
Ibinagsak ko ang bigat na bigat kong katawan padapa sa aking kama habang umiiyak.
Ngayon lang lahat sumiksik sa aking isipan ang mga nangyari noong lumipas na araw. Ang inaakala kong matatag na ako ay biglang gumuho. Ngayon ko tunay naramdaman ang sakit at pait ng paghihiwalay namin ni Lee. Ngayon ko naramdaman na nadurog ang puso ko. Gusto kong tawagan si Lee upang magmakaawa na bumalik sa akin ngunit wala akong lakas ng loob.
Ngayon ko rin napatunayan sa aking sarili na mahal ko pa rin pala ang taong naging sanhi ng aking pighati ngayon.
Nakatulog ako sa ganoong posisyon. Nakadapa habang umiiyak.
Ginising lamang ako ng isang tawag sa aking telepono.
“Hello Ron musta ka na?” ang masiglang tinig sa kabilang linya.
“Ok lang ako. Bat ka napatawag?”
“Wala lang miss lang kita. Bakit parang paos ka yata?” ang may pag-aalalang tanong sa akin.
“Ah… eh… kagigising ko lang kasi kaya mejo mababa ang boses ko.” Pilit kong pagpapaliwanag dito.
Nang mga oras na iyon gusto ko ng sabihin kay Christian ang tunay na nangyari kung bakit medyo paos ang boses ko. Oo si Christian ang tumawag sa akin. Ang taong nakasama ko ng two weeks sa exit ko sa Qeshm. Ang taong nakahulugan ko ng loob. Ang taong laging nakikinig sa mga problema ko about kay Lee. Ang taong laging naglalahad ng kanyang damdamin para sa akin kahit hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nya para sa akin. May panghihinayang ako ng sagutin ko ang tawag dahil sa aking kalooblooban ay dinadasal ko na sana si Lee ang nagdial ng number ko upang kausapin ako at sabihin sa aking gusto nan yang makipagbalikan. Ngunit ako’y bigo. Bagkus si Christian ang kausap ko ngayon sa kabilang linya at sa pagkakataong ito gusto kong sabihin sa kanya na kaya parang paos ang boses ko ay gawa ito ng matinding pag-iyak dahil wala na kami ni Lee. Ngunit tila may nakabara sa aking lalamunan hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya. Marahil ay dala na rin ng hiya dahil iniwan ako ng taong mahal ko samantalang sya nariyan lang naghihintay na mabigyan ng pagkakataon upang mahalin ko. Kaya hinayaan ko na lamang ang aming usapan sa simpleng kamustahan.
“Basta tol kung kailangan mo ng makakausap at masasandalan nandito lang ako lagi para sayo alam mo naman na mahal kita diba.”
Katulad ng dati wala pa ring sawa si Christian sa paglalahad nya ng damdamin para sa akin ngunit hindi ko talaga magawang suklian ang kanyang pagmamahal. Marahil siguro sa kadahilanang ng nakilala ko sya ay may karelasyon ako at ngayon naman ay basag pa ang pagkatao ko. Nabasag ng taong lubos kong minahal. At sa panahong ito hindi ko kayang ibigay ang puso kong basag kahit kanino.
Nang matapos ang usapan namin ni Christian ay agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa kwarto nila Jane.
“Oh gising ka na pala. Kumain ka na yung ulam nasa loob ng microwave.” Ang bungad ni Jane sa akin.
Agad akong kumuha ng makakain. Pero kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko hindi ako makakain ng maayos. Sa kadahilanang paulit ulit ng pumapasok sa isipan ko na wala na kami ni Lee na kahit kaylan ay hindi na sya magiging akin. Bagay na lalong nagpapabigat ng aking nararamdaman. Matapos akong kumain at makapag hugas ng pinagkainan ay bumalik ulit ako sa kwarto ni Jane at naupo sa sofa at nanood ng tv. Oo nga at nanonood ako ng tv pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa palabas. Lutang ang aking isipan ng mga sandaling iyon. Nag-iisip ulit ng pangyayaring naganap sa akin tatlong araw na ang nakalipas.
“Hoy! Tinatanong kita!” ang sigaw ni Jane sa akin na syang nakapagpabalik ng katinuan ko.
“Huh? Ano nga yung sabi mo?” ang naguguluhan kong tugon.
“Ang sabi ko kamusta naman ang paghahanap mo ng bagong work?”
“Ah… Ok naman pagod sa pagpapasa ng CV.”
“Ok ka na ba?” ang biglaang tanong ni Roger.
Hindi ako makasagot ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam paano ko sasagutin ang isang katanungang biglaang ipinukol sa akin ng hindi ako handa. Isang katanungan na hindi ko rin naman alam kung may kasagutan. Sa pagkakataong ito, mahirap sagutin ang napakasimpleng katanungang ibinigay ni Roger.
Habang nag-uusap kami ay tumawag si Richard kay Roger at nag-aaya ng inuman. Sakto! Gusto ko pa namang uminom ngayon. Ang bulong ko sa sarili.
Hinihintay nila Roger ang pagdating ni Richard at ako naman ay ibinalik ang tuon sa panonood ng tv na kahit wala akong maintindihan sa palabas. Ang sa akin lang maiiwas ko lang ang sarili ko sa posibilidad na maitanong ulit sa akin ni Roger kung ok lang ako.
Ilang sandal pa ay dumating si Richard may dalang dalawang bote ng alak. Wow! Mukhang malalasing ako ngayon. Ang tila uhaw sa alak kong wika sa sarili.
Agad akong tumayo at naghanda ng mga kakailanganin para sa inuman. Kumuha ako ng basong tagayan, baso para sa chaser, at syempre pa inihanda ko rin ang pupulutanin.
Nang makabalik ako ay handa na ang lahat. Si Richard ang naging tanggero namin.
Nagkukwentuhan sila habang nag-iinuman sila samantalang ako nilalasap ang pait at ang mainit na hagod ng alak sa aking lalamunan. Lutang ang isipan. Ganito ba talaga ang magmahal hindi pwedeng hindi masaktan? Ang biglang sulpot ng tanong sa aking isipan. Isang katanungan na hirap akong intindihin at hanapan ng kasagutan. Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng biglang magtanong si Richard.
“Ron kamusta ka na pala?”
“Ito ok lang ako pagod lagi sa paghahanap ng work. Ang hirap ng maghanap ng work ngayon daming kakumpitensya.”
“Eh si Lee hindi na ba talaga tumawag sa yo?” ito na naman ang tanong na ayaw kong marinig.
“Ah.. eh… ah…” ang hindi ko madugtungan na sagot.
Hindi ko malaman bakit kailangan pa bang paulit ulitin ang pesteng tanong na yan. Alam naman na nila na wala na kami ni Lee. At hindi pa ba obvious sa itsura ko na hindi pa ako ok.
Pilit kong nilalabanan ang sakit na aking nararamdaman sa harap ng aking mga kaibigan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko dahil ayaw kong may masabi sila sa akin na mahina ako. Kaya naman nung medyo tinatamaan na ako ay nakipagkulitan na lang din ako sa kanila upang ipakita na wala lang sa akin ang nangyari pero sa totoo lang nagdurugo pa rin ang puso ko.
Hindi ko na namalayan na mauubos na pala namin ang pangalawang bote na dala ni Richard dala na rin siguro ng may tama na ako. At idagdag mo pa ang pakikipagkulitan ko. Kaya naman ng matapos kaming uminom ay niligpit ko na ang aming pinag-inuman at naglinis na ako ng katawan upang maghanda sa pagtulog. Pagtulog nga ba o pag-iisip?
Pagkabalik ko ng kwarto ay agad kong pinatay ang ilaw at humiga. Maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan habang ako ay nakahiga. Nariyang iniisip ko na dapat makakita na ako ng trabaho dahil ayaw ko ng mag exit ulit tapos biglang sisingit ang alaala naming ni Lee yung mga times na palagi ko syang kasama at yung mga times na nagkakatampuhan kami but at the end of the day inaayos pa rin namin. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga problemang aking kinakaharap. Kung dati may nakakatulong ako sa aking problema iba na ang sitwasyon ngayon. Ngayon kailangang harapin ko ito ng mag-isa.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip at sa pag iyak. Nang biglang mag ring ang telepono ko. Agad kong kinuha ito upang tignan kung sino ang tumatawag at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kong si Charlie ang tumatawag sa akin. Sa dinami rami nga naman talaga ng taong pwedeng tumawag sa akin bakit sya pa? Bakit si Charlie pa? Bakit ang taong ipinalit sa akin ni Lee ang tumatawag sa aking ng dis oras ng gabi. At ng sagutin ko ang kanyang tawag.
“Kamusta naman ang pagkikita nyo ni Lyndon? Masaya ba? Katabi mo ba sya ngayon?”
Itutuloy....
Itutuloy....
No comments:
Post a Comment