Followers

Tuesday, November 20, 2012

Nilimot Na Pag-ibig 09






photo by: truthsofme


Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.

Next, I would like to thank truthsofme  for making the cover photo of my story.

Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.

Thank you.

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome.  

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!




"Tol, tol, tol..." ang paggising sa akin ni Christian.

"Oh bakit? Di ka pa ba natutulog?" ang mejo inis kong sagot dito.

"Tol ang sama kasi ng panaginip ko kaya nagising ako." ang paliwanag nito sa akin.

"Bakit ano ba napanaginipan mo?" ang tanong ko dito.

"Basta tol di ko maipaliwanag." ang di ko maintindihang paliwanag nya.

"Ay nako tol kulang lang yan sa dasal. Matulog na tayo ulit inaantok pa ako." ang wika ko dito.

"Tol pwede bang tumabi na lang ako sa yo?" ang tanong nito sa akin.

Ano bang tumatakbo sa isip nitong ungas na to at ginusto pang tumabi sa akin?

"Bakit? kita mong sakto lang pang isahan ang kama oh." ang pagtutol ko dito. Pero sa totoo lang ok lang naman sa akin na tumabi sya kaya lang baka naman kasi ano pa ang mangyari ayaw kong magtaksil sa Labs ko.

"Sige na tol, please?" ang pangungulit nito sa akin.

Sa totoo lang ako ang tipo ng tao na ayaw nakakarinig ng salitang PLEASE kasi hinding hindi ko mahihindian.

"Sige na nga kahit maliit ang kama." ang inis inisan kong sagot.

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Ipinagdikit nya ang kama.

"Salamat tol, ipinagdikit ko na lang ang kama natin para mejo lumaki naman. Kasi tol sa totoo lang nangyayakap ako pag tulog kaya idinikit ko ang kama para malawak at di kita mayakap. Nakakahiya kasi." ang mahaba nyang paliwanag na sinagot ko lang ng tango.

Nanghinayang ako. ahahahaha... Pagkakataon na sana, lol.

Bumalik na nga kami sa pagtulog.

Pagkagising kinabukasan ay nakita ko si Christian na tulog pa natalikod sa akin habang yakap ang isa nyang unan. Sa totoo lang para lang syang batang walang muwang sa mundo kung titignan.

Maingat akong tumayo upang makapaghilamos at maghanda para sa almusal.

Pagbalik ko ay gising na rin ang ungas.

"Good morning tol!" ang malugod nyang bati.

"Good morning din. Maghilamos ka na at ng makakuha na tayo ng free breakfast." ang wika ko dito.

"Opo pero we're not going to take the free breakfast we're going to eat don sa kinainan natin kagabi. Ayaw kong kumain ng tinapay na matigas. Don't worry it's my treat." ang mahabang wika nito sa akin.

Agad syang tumungo sa banyo upang maghilamos ang makapagsipilyo at ng matapos na sya.

"Ano tara na?" ang pag aya nya sa akin.

Sinagot ko lang ito ng tango.

_____

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng almusal ng makatanggap ako ng text galing kay Lee.

"Mahal mag online ka agad pag nareceive mo tong message ko... Ingat ka jan... I miss you and I love you."

"Sino yan?" ang tanong naman ni Christian.

"Ah eh... FRIEND ko." ang maikli kong sagot.

Nang matapos kaming kumain ni Christian ay nagpaalam ako dito na mag iinternet ako upang makibalita about sa visa ko, agad nman itong pumayag at sumama na rin upang mag check din ng email nya.

Nang makarating kami ng internet shop ay agad kaming pumunta ng counter upang kumuha ng pwesto namin. Magkatabing unit ang kinuha namin. Nang makaupo ako ay agad akong nag online.

BUZZ!

ronald: Labs dito na po ako.
kamikaze: Mahal musta ka na? Miss na kita sobra.
ronald: ok nman po ako dito. ikaw kamusta ka na miss na miss na rin kita. Ano na nga pala ang balita sa visa ko?
kamikaze: ayun na nga Mahal medyo matatagalan yung processing sabi ng agent kasi daw cancellation yan, pero wag kang mag-alala gagawan ko ng paraan na mapabilis ang pag release ng visa mo.
ronald: sana Labs mairelease na kasi miss na kita at isa pa ang gastos dito baka maubusan na ako ng budget.
kamikaze: ah ganon ba? sige magpapadala ako ngayon sa yo ng pera. pano ba magpadala ng pera dyan tulad din ba sa Kish?
ronald: hindi ko pa alam Labs magtatanong ako wait.

Nagtanong nga ako sa mga Pilipino na nakita ko don sa internet shop at agad kong ibinigay kay Lee ang paraan upang mapadalahan nya ako ng pera.

ronald: Labs sa Al Ansari daw sabihin mo lang magpapadala ka sa Qeshm tapos send mo na lang sa akin yung control number at ifax mo na rin yung receipt kung pwede para daw mas sigurado na makukuha ko yung pera.
kamikaze: ok sige Mahal magpapadala na agad ako now para makuha mo na agad. Wait mo yung text ko at yung fax ko na receipt ha.
ronald: sige po Mahal baka kasi kapusin ako pero yung hotel ko advanced ako ng bayad till 10 days para sure na ako dineposit ko na sa reception mahirap na baka kapusin ako.
kamikaze: mas ok na yung ginawa mo na yun Mahal. Sige na Mahal out na ako para makapagpadala na ako. Ingat ka jan ha wag mong pababayaan ang sarili mo wala ako jan para mag-alaga sa yo. i miss you and i love you.
ronald: i love you more Labs.

At nag out na nga ako at agad kong sinabihan si Christian.

"Ui tapos na ako, ikaw ba magtatagal ka pa?" ang tanong ko dito.

"Ah hindi tapos na rin ako. Ano tara na?" ang balik nyang sagot sa akin.

Nang makalabas kami ng internet shop ay agad kaming bumalik ng room namin upang makapagpahinga sandali dahil mainit din naman sa labas.

"So anong plano natin ngayong araw na toh?" ang tanong ni Christian.

"Hmmmm.... Hintayin ko lang yung text ng Labs ko tapos yung fax nya na receipt at magke claim ako ng pera na padala nya." ang sagot ko dito.

"Labs!? ui may gf na pala sya." ang tukso nito sa akin na di ko naman alam kung pano ko lulusutan.

"Ah eh...." ang tanging naisagot ko.

"O kitam di makasagot. Magdedeny pa wala ka ng lusot nahuli na kaya umamin na." ang pambubuska nito sa akin.

"Ewan ko sa yo bahala ka dyan!" ang galit galitan kong tugon dito.

"Ui namumula sya. Sya yung kausap mo sa internet shop kanina noh?" na hindi ko naman sinagot bagkus ay humiga ako sa kama patalikod sa kanya.

"Sige na nga tulog na lang din muna ako. Sorry ha makulit lang talaga ako." ang simpleng wika nito sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising na lang ako sa pagvibrate ng phone ko ng tignan ko ay message galing kay Lee.

"Mahal nakapag padala na po ako ito po yung control number 326-0001-234 at nafax ko na rin yung receipt paki check na lang sa reception. Ingat po. Miss na kita at mahal po kita." ang text message na nakuha ko galing sa kanya.

Kaya naman agad akong bumangon upang tignan kung dumating na nga yung receipt ng money transfer nya upang ma claim ko na rin.

Pagkatayong pagkatayo ko ng kama ay nagising din ang ungas na si Christian.

"Ui tol san ka pupunta? iiwan mo ko dito? di mo man lang ako ginising." ang tila may pagtatampo sa tono nito.

"Ang sarap kasi ng pagkakatulog mo sobrang himbing nakakahiya namang manggising." ang paliwanag ko dito.

"Kahit na diba may usapan tayo?" ang paggiit nito sa akin.

"Excuse me wala kaya tayong napag usapan dahil nambwisit ka kaya natulog na lang ako." ang sagot ko dito na mejo inis.

"Ay oo nga pala. ahahahaha." ang tila batang sagot nito sa akin.

Kaya nman agad akong bumaba upang icheck ang fax message na nareceive ng reception hindi ko namalayan na sumunod pala ang ugok.

"Ui ang bilis mo namang maglakad may hinahabol ka ba?" ang pagtawag nito sa aking atensyon.

Ngunit hindi ko ito pinansin bagkus at dumiretso pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang reception.

"Good Afternoon! I want to ask if you received a fax message attention to Ronald Santos?" ang tanong ko sa receptionist.

Agad nman nitong hinanap at ng makita ay ibinigay na sa akin.

"Yes meron. So pano sasama ka ba sa akin sa city proper para kunin ko to o ako na lang mag-isa ang pupunta don?" ang pag anyaya ko kay Christian.

"Sasama ako noh ano naman ang gagawin ko ditong mag isa alam mo namang ikaw lang ang kaclose ko dito kasi ikaw lang sinamahan ko." ang pagpapaliwanag nito.

Agad naman kaming tumungo ng city proper upang makuha na nga ang pera na ipinadala ni Lee sa akin.

May bente minutos din kaming nagbyahe at ng marating namin ang money exchange ay agad akong pumasok at tinungo ang counter upang ipakita ang transaction receipt. Ilang sandali pa ay nakuha ko na ang pera.

"Tol nakuha ko na, san tayo?" ang wika ko dito.

"Tol punta muna tayo sa mall gala lang tayo." ang tugon ni Christian sa akin.

Agad naman naming tinungo ang mall na kaharap lang mismo ng money exchange.

Naglibot lang kami at tumingin tingin ng mga tinda sa loob ng mall na mga damit at sapatos. Maliit lang ang mall at madali lang malibot kaya naman ng matapos naming malibot ay nag aya na lang akong kumain.

Pumunta lang kami sa isang refreshment stall at doon kumain ng fried chicken, hamburger and shake. At syempre, ako ang may pera now kaya ako ang taya. Nang matapos kaming kumain ay napag desisyunan na naming bumalik ng hotel.

Pagbalik namin ay sinabihan ko si Christian na tatawag lang ako imbes na tumuloy na sya ng room ay sumama pa sya sa akin sa phone booth. Nang makarating kami ng phone booth ay agad akong nagpunta ng counter at tinanong kung may bakanteng phone. Swerte naman at meron, agad akong pumunta sa bakanteng telepono at si Christian naman ay umupo lang upang hintayin na lang akong matapos sa aking pagtawag.

"Hello Labs." ang bungad ko.

"Hello Mahal." ang sagot ni Lee.

"Thank you ha nakuha ko na yung pinadala mo sa akin." ang masaya kong wika dito.

"Wala yun Mahal basta para sa yo." ang masuyo nitong tugon.

Hindi ko namalayan na medyo napahaba na pala ang usapan naming dalawa ni Lee at sa sobrang sarap ng usapan namin ay di ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Christian at nakikinig.

Nang maibaba ko ang tawag ay.





itutuloy....

1 comment:

  1. hehehe... ang sweet naman... at may nagseselos pa.. hehehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails