Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
I know, tumatagal ang posting ko. Pagpasensyahan nyo na lang po.. Hehehehe..
Pangalawa, ay gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :) http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!
Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
“Bat ka umiiyak?”, malungkot na tugon nito.
Bakit nga ba ako umiiyak? Eh sa tinamaan ako sa mga sinabi ko, eh! Para sayo kasi yun! Kung alam mo lang Ced…
“Eh umiiyak ka din eh! Nahawa lang ako!”, depensa ko sabay punas sa natitrang luha sa mukha ko.
“Ang lalim ng sinabi mo, ha.. May pinaghuhugutan! Umamin ka nga! Meron ka na bang napupusuan ng di ko alam?!”, medyo seryoso at pabirong tanong ni Cedric.
Kinabahan ako dahill napansin kong nakatitig ito sakin mata sa mata.
“Meron… Ikaw…”
“Huh..?”, gulat na sagot ni Cedric.
“Hah! Ah, I mean, Syempre meron din akong experience sa pag-ibig noon, noh!” Kaya yun ang naisagot ko.
“Aah.. Teka, talaga? Parang di mo yata naikwento sakin yun!!”
“Hindi naikwento? How can that be? Malamang he wasn’t paying attention nung kinwento ko yun.”, sabi ng utak ko.
“Nako! Sa susunod na! At anong oras na! Inaantok na ko!”, pagpansin ko sa oras. Agad naman din syang tumayo at naglakad na kami pauwi.
Pagdating na pagdating sa bahay ay pumasok ako sa kwarto at agad na binato ang sarili sa higaan. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang eksena ng paguusap naming ni Cedric.
“Muntik na…”, panghihinayang kong sabi sa sarili.
“Dapat kasi sinabi ko na, eh…”, dagdag ko pa.
Beep. Beep.
“Gudnyt po.”, text ni Cedric.
Isa yan sa mga bagay na lalong nakakapagpahulog ng loob ko sakanya. Ang mga pagtetext namin sa isa’t isa ng “Good morning” o ng “Good Night.”
Ang korny noh? Pero sa totoo lang, ito ang mga simpleng bagay na nagbibigay ngiti sa akin sa aking pagtulog, at ang inspirasyon na pinagkukuhanan ko sa aking pag gising.
“Matulog ka na. Good Night din.”, pagreply ko. Sabay ngiti pagtabi ko sa aking cellphone.
Beep. Beep.
Aba! Ang kumag nagreply pa talaga.
“Opo. Salamat kanina, ha! The best ka talaga. ^_^”, pagreply nito.
Mas lalo tuloy ako napangiti.
Nagising ako, tanghali na. Ramdam ko na ang init ng araw at ang lagkit ng hangin na dala nito. Hindi naman well ventilated ang kwarto ko since barong barong lang din naman ito.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita na ang “Good Morning” mula kay Cedric. Natawa ako kasi ang oras ay kinagabihan pa. Halatang tinext nya lang ito ng alam nyang tulog na ako.
Same routine pa rin ako sa araw na yun. Ang paghanda ng pagkain ni Mang Berto at ang pagtitinda ko ng mais sa hapon. Mahirap, nakakapagod, pero it was all worth it. Sa araw araw kasi ay ang pinaka aabangan ko ay ang pagsundo sakin ni Cedric sa bahay.
At dumating nga ang oras na sinundo nanaman ako ni Cedric sa bahay. Naramdaman ko nanaman ang kilig na araw araw kong pinakaaabangan. Iniimagine ko pa rin na si Cedric ay sinusundo ako para makipag date.
Habang nasa daan kami ni Cedric ay kapansin pansin naman ang kasiyahan nito habang nagbabasa ng message mula sa kanyang cellphone. Malamang si Geoff yun, pero nagtanong pa rin ako.
“Ang saya mo yata ngayon?”, ngiting tanong ko.
“Huh? Ako ba? Oo eh…”, ngiting sagot nito.
“Ano nangyari?”, pagtanong ko muli.
“Malapit na kasi monthsary naming ni Geoff.”, buong ngiti at pagmamalaki nito.
“Talaga? Wow! Malamang magdadate nanaman kayo nyan. Ikaw na!”, pagpapanggap kong masaya kahit pa nakakaramdam na ako ng selos.
“Oo. Kaya nga ako masaya, eh. Kasi pinaguusapan naming kung saan kami pupunta.”, masayang sagot nito.
“Samahan mo ko bukas, ah!”
“Oh, eh saan naman? Wag mong sabihin isasama mo nanaman ako sa date nyo! Baka pagdudahan na tayo nyan ni Geoff!! Hahaha!!”, pagpapanggap ko pa rin.
“Hindi! Sira!”
“Eh saan pala?”, takang tanong ko.
“Bibili ako ng regalo para sakanya.”, seryoso nyang sagot.
Napatingin ako sa mukha ni Cedric. Halatang halata sa mga mata nito ang labis na pagmamahal para kay Geoff. Hindi ko naman maiwasan di malungkot. Kasi, pangarap ko yun eh! Ang mapansin niya na minamahal ko sya. Na sana sat wing paguusapan nila ako ng mga kaibigan nya o naikukwento ako sa mga kakilala nya ay magbibigay sya sakanila ng ganitong expresyon.
“Sure…”, simpleng sagot ko.
Hindi naman ako sobrang martyr at suicidal. Kaya naman hindi na ako masyadong nagdididikit kay Cedric lalo na pag bago mag simula ang trabaho. Alam ko naman kasing maiinggit at magseselos lang ako kapag pinanood ko pa kung paano maging sweet sila sa isa’t isa. Kaya naman ang naging tambayan ko na lang ay ang bar.
“Oh, maglalasing ka nanaman?”, entrada nanaman ni Rovi.
“Tubig to, oh! Tubig!”, sarkastiko kong sagot.
“Aba, mukhang natututo ka na. Akala ko kasi sugod ka lang ng sugod sa gera, eh!”, kalmang sagot nito.
“Ano nanaman pinagsasabi mo?!”
“Kasi naman, wag ka na sumugod don. Hindi ka naman din makakabwelo.”, sabay tingin nito kaila Geoff at Cedric.
“Alam mo, wala ka ng ibang ginawa kung di ang bwisitin ako pagpasok palang.”, sagot ko.
“Hahahaha! Nabubwisit ka ba?”, pang iinis nito.
“Talaga!”
“Ok. Edi di na mauulit. Pero wala ka ng masasabihan dyan sa drama mo. Ako na nga lang tong may alam dyan sa kaso mo.”, sabay alis ni Rovi.
Hindi ko alam pero nakonsensya ako sa sagot ni kumag.
“Hoy! Wag naman kasi masyadong brutal. Lumayo na nga, eh.”, inis kong sagot.
Muling bumalik si Rovi at umupo sa bar habang tumatawa at iiling iling.
“Payo lang. Marami dyan. Malay mo nasa tabi tabi lang yun.”, bungad nito.
“Sino, ikaw?! Tigilan mo ko ah!”
“Ako ang tigilan mo! Hindi tayo talo, noh!”, pagdepensa nito.
Muli akong napatingin Kila Cedric at Geoff. As usual, mukha pa rin silang masayang dalawa at ako naman ay walang ibang magawa kungdi ang tumingin lamang at manood.
Nagkataong absent ang barista naming kung kaya naman sinabihan ako ng amo naming na kung pwedeng ako muna ang tumao sa bar. Malugod ko naman itong tinanggap dahil atleast hindi ko muna makikita ang sweetness ng dalawa.
“Cyrus, tatlong bucket nga at limang Screwdriver.”, bungad ng isa naming waiter.
Kapansin pansin ang dami ng tao ngayong gabi dahil hanggang dito sa mga upuan sa bar ay may mga nakaupo na rin. Pero kapansin pansin naman ang isang binatilyo na nagiisa lamang sa dulo. Kung bakit ko sya napansin? Dahil sya lamang ang walang kasama at nagiisang pumunta noong gabing yun. At mukhang mabigat ang dinadala nito dahil pa sa walang humpay nitong pag inom.
Hindi naman bago sa akin ang ganitong eksena. Kaso hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko kung bakit naman sa dami dami ng tao eh magisa lamang sila.
May mga sandali na kahit pa busy at ay sadyang hinahanap ng mga mata ko si Cedric. Minsan ay nagtatagpo ang mga tingin naming at magbibigay ito ng isang ngiti. Gusto ko kiligin, pero alam ko naman na ang mga ngiting yun ay walang ibig sabihin. Ako lang itong nagiimagine.
Kinabukasan ay pinapagpaliban ko muna ang pagtitinda ko sa hapon dahil na rin sa nangako akong sasamahan si Cedric mamili ng regalo nya para kay Geoff. Maaga pa lang ay gising na ito at naka gayak na habang ako naman ay kakagising lang.
“Bilisan mo naman! Anong oras na, oh!”, galit na usal nito.
“Teka lang naman, kakagising ko lang, oh!”
“Sabi ko naman kasi agahan mo, eh! Alam mo namang aalis tayo!”, sagot nito.
Medyo nainis ako. Eh kung sya na lang kaya umalis magisa?! Total, torture lang naman para sa akin ang pagsama!
“Ikaw na lang kaya umalis! Kung ikaw di pagod, ako pagod.”, malamig at inis kong sagot.
Malamang napansin ni Cedric ang lamig sa boses ko. Kaya naman bigla itong nagmenor at binabaan ang tono. Agad itong lumapit.
“Sorry. Samahan mo na ko… Please…?”, pakiusap nya.
Napabuntong hininga ako.
“Oh, sya! Basta wag mo kong madaliin! Ni hindi pa nga ako kumakain, oh!”, pagpayag ko.
“Sige.”
At naka alis nga kami. Matiwasay at madali naming narating ang mall dahil na rin sa halos paghila sakin ni Cedric para mabilis makarating.
“Ano kayang magandang ireregalo? Itong polo kaya na to? Ay! Ito, wallet!! Ay, panget.. Ay ito na yun! Pero… hindi, eh…”, puro angal ni at tanong ni Cedric habang paikot ikot kami sa loob ng mall.
“Wag yan. Panget yan. Ay!! Hindi bagay yan…”, sarkastiko kong sagot naman kay Cedric sat wing may nakikita akong maganda ibigay nya para kay Geoff.
“Ito na talaga!!”, masayang sigaw ni Cedric. Halos kuminang naman ang mga mata nito habang hawak hawak ang bagay na bibilhin nya para kay Geoff.
“Ay, hindi rin. Tsaka tamo, mahal. Wag na yan.”, pangkontra ko.
“Miss, ito na.”, ngiti ni Cedric sa saleslady. Mukha namang bugnot na ang saleslady kakahintay na makapili si Cedric.
“Sir, 1,240 po.”, sabi ng saleslady.
“Huh? Hindi ba naka discount yan?!”, taka at galit na tanong ni Cedric.
“Ay Sir, twing weekends lang po ang sale na yan.”, bugnot na sabi ng saleslady.
“Oh, sabi ko sayo maha…”, pangongontra ko ulit sana kay Cedric.
“Ano to?!”, gulat nyang tanong sakin habang hawak nya ang perang abot ko.
“Sige na.”, sabay bigay ng tipid ng ngiti.
Akala ko, makokontra ko sya. Pero nung gagawin ko na sana ay nakita ko kung paano ito biglang nalungkot habang nakatingin sa pera nyang kulang. Kitang kita sa mata nya ang disappointment at panghihinayang. Yung tipong feeling na, andyan na sa harap mo, pero nawala pa.
“Huh?! Eh…”, hiya at gulat nito.
“Sige na miss.”, sabay kuha ko ng pera sa kamay nya at bigay sa saleslady.
“Ang sweet mo palang boyfriend.”, pagbibiro ni ate.
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa narinig.
“Boyfriend? Utol ko to ate!”, pagsagot ko.
“Ay sorry po sir!”, paghingi ng tawad ni Ate.
“Cyrus…”, pagtingin nito sa akin.
“Pa gift wrap na rin po.”, dagdag ko kay Ate.
“Sir, add pa po ng 50.”
“Miss, hwag na.”, pagtanggi ni Cedric.
“Okay miss.”, sabay abot ng pera.
“Cyrus!”, medyo pagtaas ng boses nito.
“Okay lang. Kaso naman bumili ka pa ng wrapper, magkano din yun! Tapos tape pa! Oh! Edi ganun din!”, pagsagot ko.
“Pero Cyrus…”
“Sige na. Bayaran mo na lang ako sa sahod.”
“Eh diba..”
“Meron pa akong pera naman. Ako pa. Tsaka kung pagkain lang, kayak o yun!”
Ang totoo ay allowance ko yun para sa halos kalahating bwan. Pero ganun eh. Tanga. Gago eh. Kaya ko naman magtiis sa mainit na tubig sa gabi. At pwede naman akong mang uto ng mga customer para makakuha ng pagkain para sa gabi. Sana nga lang, palarin ako.
“Tol. Salamat talaga. Dabest ka talaga! Paano na lang kung wala ka, paano na lang kaya ako?”, sincere na sabi nito.
“Drama mo!”, pagbibiro ko. Pero ang totoo ay halos kiligin ako pero at the same time ay malungkot.
Bakas ang saya sa mga mata ni Cedric habang naglalakad naman kami. Mayat maya ay sinisilip pa nito ang regalong nakabalot na hawak hawak nya para kay Geoff. Isang bracelet.
“Kain tayo.”, aya ko.
“Huh?! Wala na kong pera tol!”, sabi nito.
“Donut lang naman. Magkano lang naman isa nun. Tig isa tayo!”, ngiti kong sagot.
“Grabe ka naman. Pinautang mo na nga ako, ngayon ililibre mo pa ko ng donut. Baka mainlove na ko sayo nyan! Hahahaha!!”, biro ni Cedric.
“Sana nga…”, mahinang sagot ko.
“Huh? Ano yun?!”, gulat na tanong ni Cedric.
“Sana nga hindi ka nagdradrama! Donut lang naman yon!!”, pagkukunwari ko. Bigla naman syang tumawa.
Matapos makabili ng donut ay naupo kami sa food court ng mall. Buti na lang ay libre ang tubig kaya di na naming kailangan bumili. At isa pa ay wala na rin talaga kaming pambili.
“Alam mo, paborito ko talaga tong donut na to.”, bungad ko habang kumakain kaming dalawa.
“Talaga? Yan pala favorite mo?”, takang sagot naman ni Cedric.
“Huh? Diba sabi ko naman sayo noon, ito paborito ko? Ulyanin ha!!”
“Talaga? Sinabi mo ba yun? Hindi ko matandaan eh… Hehehehe.”, tawa tawa nito.
“Anu ba yan! Ulyanin mo naman!”
“Grabe naman to. Porket di lang natandaan, eh.”
“Wirdo mo naman kasi. Asan ba kasi ang utak mo habang nagkukwento ako?”, biro ko.
“Kay Geoff.”, ngiting sagot nito.
Hootang na loob! Sana di na lang ako nagtanong. Hmp.
“Oo, puro Geoff na lang kasi laman ng utak mo! Hahaha!”, pagbibiro ko. Napatawa naman ito. Pilit naman akong tumawa habang nakatingin kay Cedric.
“Oo! Humanap ka na din kasi ng syota mo!”, tawang biro nito. Pinilit ko namang makitawa din.
“Oo na!”
“Para naman maranasan mo na rin magkaroon ng monthsary! At may magbibigay na rin sayo ng regalo. Mag-aalaga sayo.. Mag-aalala pag may sakit o problema ka… At magiging rason ng ngiti nya…”, mula sa sabik ay dahan dahan at ngiting sabi ni Cedric.
“Nahanap ko na naman kasi yun, eh…”, mahina kong naisagot.
“Huh?! Sino?! Bat di ko alam yan?!”, gulat na sabi ni Cedric.
“Wala. Sabi ko naexperience ko na din naman yan dati.”, medyo malungkot ko nang tugon.
“Pero, maiba tayo. Ano nga ba yung sinabi mo noong nasa pier tayo?”, tanong ni Ced.
“Alin don?”
“About sa love life mo.”, curious na tanong ni Cedric sabay kagat sa donut nya.
“Diba, nakwento ko na yun dati?”
“Eh! Ulyanin nga, diba?! Kwento mo na lang ulit!”
Medyo napatahimik ako. Nakatingin ako sa donut na kinakain ko.
“Si Elmo…”, mahinang banggit ko.
“He was the love of my life. Nagkakilala kami not too long ago. He has the sweetest face and the nicest personality. A man of character. Pero…”, malungkot kong kwento.
“Pero?”
“Nagkahiwalay kami…”
“Huh? Eh, diba mahal mo?”
“Oo…”, malungkot kong tugon.
“Bakit?”, gulat na tanong ni Cedric.
“I don’t know. I don’t remember why…”
“Hah?!”
“Alam mo yung feeling na dahil sa sobrang nasaktan ka, gusto mo makalimot? Yun ang ginawa ko. And somehow, nakalimutan ko nga kung bakit.”
Napatingin naman ako kay Cedric. Kitang kita sa mukha nya ang pagkalito. His eyes were full of amazement.
“Ba-aaaago yun, ah!!! Parang sayo ko pa lang naririnig yan. Ikaw palang ata ang successful na TULUYANG nakalimot?”, tawa ni Cedric.
“Hindi mo talaga natatandaan?”, usisa nya pa ulit.
“I do.”
“Huh?”
“Namatay si Elmo.”, malungkot kong tugon.
“Ah.. I’m sorry.”
“Ako din…”
Natahimik kaming dalawa ni Cedric. Para kasi biglang ang awkward ng pangyayari.
“Tara na nga! Anong oras na, oh!!!”, pagtawa ko bigla.
Matapos kumain ay nagyaya na kaming umalis ng mall. Masyado ng malaking oras ang nakain naming at wala na kaming oras para magpahinga. May trabaho pa din kasi mamaya. Buti sana kung katulad ako ni Cedric na sulit na sulit ang pagod dahil pa salubong nanaman ng monthsary nila ni Geoff.
“Cyrus?”, pagtawag sa aking pangalan. Napatigil naman ako agad at nilingon ang tumawag sa akin. Isang binata na hindi ko kakilala.
“Cyrus, right?”, dagdag ng binata.
“O-Oo, sino ka?”, gulat kong tanong.
“Hindi mo ko natatandaan?”, medyo pagtawa nito ng bahagya.
Napaisip naman ako ng mabuti. Hmmm. Sino ba ito?
“Hahahaha. Oh, eto para mas madali mong maalala.”, pagtawa ng binata.
Nagulat naman ako sa sunod nitong ginawa. Animo’y bigla itong parang susuka.
“Huyuyuy! Ok ka lang ba? Teka, tayo ka.”, pag alalay ko sa lalake. Bigla namang tumingin sakin ung lalake na parang inaantok na ewan.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng maalala ko kung sino sya.
“Ah!! Kilala na kita!!”, gulat kong sabi.
“Huh? Sino sya Cyrus?”, tanong ni Cedric.
“Ikaw yung lalakeng naglalasing mag-isa!”, medyo napalakas kong sabi. Bigla tuloy nagtinginan ang mga tao sa paligid namin.
Ngumiti lang ito at natawa. Ako naman ay parang biglang nahiya.
“Sorry.”, awkward kong sabi.
Paano ko nga ba sya nakalimutan?! Eh halos gabi gabi ko syang inaalalayan papunta sa sasakyan nya dahil sa sobrang pagkalasing. Oo, maraming ganitong customer, pero naiiba sya. Dahil mag isa lang syang laging nag iinom.
“Now you remember.”, ngiti nito sa akin.
“Oo. Pero hindi ko alam ang pang..”, dahan dahan at awkward kong sabi.
“Nikko.”, ngiti nito muli at abot ng kamay.
Nikko
Medyo nawirduhan naman ako. Pag nakikita ko kasi sya sa bar, madalas ay naka busangot ito minsan naman ay tulala lang.
“Ah, Cyrus. Ito naman si Cedric.”, pakikipag kamay namin.
“Pasensya na di kita agad nakilala, ha.”, paghingi ko ng paumanhin.
“Ahahah. It’s okay. Nakita mo kasi ako ngayon na hindi lasing kaya siguro nanibago ka.”
“Medyo.”
“Ah, Nikko, pasensya na, ha. Nagmamadali kasi kami.”, pagsingit ni Cedric. Napatingin naman ako sa orasan. Shit!
“Pano, kita na lang tau next time, ha.”, pagpapaalam naming sabay alis agad at nagtatakbo papunta sa sakayan.
Dahil nga sa haba ng oras na kinain ng pamimili naming ay wala na kaming panahon pa para magpahinga. Paguwi naming ay agad agad kaming nag ayos para sa pagpasok namin sa trabaho.
Matapos ko maligo ay inaasahan ko na hihintayin ko pa si Cedric dahil alam kong mag aayos ito ng todo dahil na rin monthsary nila ni Geoff. Pero nagulat na lang ako na paglabas ko ng banyo naming ay nagulat naman ako sa nakita ko.
“Geoff?”
nakakabitin nmn.. nakakkilig nmn ung frendship nila..
ReplyDeletegrabe.. ang hirap mainlove sa Bestfriend...
ReplyDeletePero ang daming lalaki ni Cyrus ha.. Pwedeng si Rovi at ngaun may Nikko pa? hehehe
at ano naman kya ang ginagawa ni Geoff kina Cyrus? aawayin xa or it's another thing around? hehehe can't wait
kakilig nmn ung susunid na mangyayari...hehehege
ReplyDelete