Followers

Friday, November 2, 2012

Strange Love 06



Author's Note:

Thank you po sa mga nagbasa at nag-iwan ng kwento!!

-Chris Li





Strange Love 06

---Jaime

            Kanina pa ako hindi mapakali at gustong-gusto ko na umuwi sa bahay nila Mikael. Baka nag-aalala na sila ni Tita Jean dahil wala pa rin ako at dis oras na ng gabi. But, I could not resist the person who called my name kanina sa school. When I saw him, all of my worries were all gone. Siya ang sagot sa lahat ng aking iniisip kanina at alam ko he will not let me down.

            I can't help myself but to continuosly fidget inside the car. Kung may feature lang sana ang mga kotse na tumatagos sa kahit anong bagay ay hindi ko na kailangan pang maghintay sa gitna ng kumpulan ng mga kotse. There has been a pile up dahil sa nagbanggaang truck at van at there's no other way para makaalis dahil wala nang ibang ruta. Naaawa man ako sa mga biktima ng aksidente ay hindi ko pa rin mapigilang mainis.

"Apo, I can't help but notice na hindi ka mapakali kanina pa. Ano bang problema?" It was my lolo who broke the silence.

            Lolo Anthony found me while he was about to leave the school pagkatapos ng meeting nila ng board. Malapit na kasi ang anniversary ng school kaya daw nagpunta siya rito para asikasuhin na ang mga activities. He is the reason kung bakit hindi ako napapahamak sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. As the owner of the school hindi rin naman niya tino-tolerate ang maling behavior ko pero matigas talaga ang ulo ko. I am a dirt in his name but he never showed me that he detests me, instead hindi siya nagsasawa na payuhan ako.

"Nag-aalala kasi ako Lolo, doon sa pamilyang kumupkop sa akin. Malamang po hinahanap na ko ng kaibigan kong yun", malungkot kong tugon kay Lolo.

"Ah… Kaya ba ayaw mo rin sa akin muna tumuloy habang hindi pa naaayos ang tampuhan niyong mag-anak ay dahil dito sa pamilyang nagpatuloy sayo?"

"Lo, hindi lang naman tampuhan ang meron samin ng magulang ko eh. Tama po kayo na sila ang dahilan kung bakit hindi ko magawang pumayag na tumira sa inyo. Lalong-lalo na hindi nila alam kung nasaan ako ngayon. Malamang galit na yun si Mikael sa akin, Lolo. I should have left a note bago ako umalis pero hindi ko naman kasi inaasahan ito eh.", mahabang paliwanag ko at nagbuntong hininga.

"Mukhang mahalaga sa iyo itong kaibigan mong si Mikael ha. Napansin ko kasi hijo, na palagi mo siyang bukang-bibig kanina pa. ‘’Bagay ito kay Mikael' … ‘’Paborito ito ni Mikael' … ‘’Sana nandito…."

" Si lolo talaga, syempre kaibigan ko yun eh at isa siya sa mga taong nagpabago sa akin. Alam niyo naman po diba na I'm always seeking for affection kasi nakukulangan ako sa binibigay ng parents ko sa akin. My friends showed that to me, especially Mikael."

"Kaibigan lang ba talaga apo? Hahahaha!! Biro lang, ayan sa wakas makakadaan na tayo. Don't worry Jaime, I'll explain everything to your friend."

            Sa hindi malamang dahilan, wala akong naisagot kay Lolo. Namula pa nga ata ako nung nag-simula siyang tumawa. Matapos naming malagpasan ang bottleneck ay tuloy-tuloy na rin ang naging byahe. Puno ng kaba ang aking dibdib dahil na rin sa pag-aalala kung ano bang sasabihin sa akin ni Mikael. Isa pa ay sabik na sabik na rin akong makita siya. Marahil kasi inisip ko na pagkatapos ng klase niya ay marami kaming oras na makakapag-kulitan pero naiba ang sitwasyon.

            It was already past midnight noong nakarating kami ni Lolo sa tapat ng bahay nang aking kaibigan. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko mula sa pagbaba ko sa kotse. Kasunod ko sa aking likuran si Lolo dahil tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili namin.

Tok!Tok!Tok!

            Nagulat ako sa ginawa ni Lolo, dapat ay bubuksan ko na ang pinto gamit ang spare key nila Mikael sa bahay.

"It's proper this way, kesa bigla na lang tayo papasok at manggigising ng tao.", pagpapaliwanag niya sa akin.

"Sino yan??", pagtawag ni Tita Jean sa kabilang pinto.

"Tita… Si Jaime po ito…", mahinang tugon ko sa kanya.

"Naku, ikaw na bata ka! Saan ka ba nagsusuot??", mabilis niyang tanong habang binubuksan ang pinto.

"Magandang umaga ho, pasensya na kayo at nahuli nang uwi itong aking apo. May konting aberya kanina noong pauwi na kami." Si lolo ang unang sumagot sa ina ni Mikael.

            Kitang-kita sa mukha ni Tita Jean ang konting pagka-gulat. Siguro dahil hindi niya expected na may kasama ako.

"Tita Jean, si Lolo Anthony po. Sorry po at hindi ako nakapag-paalam. Dapat po talaga ay sasabayan kong umuwi si Mikael kanina dahil nabagot ako at mag-isa lang po ako. Nakita po ako ni Lolo sa labas kaya naman…"

"Tsaka na natin pag-usapan yan Jaime. Papasukin mo ang Lolo Anthony mo at nang makapag-kape muna. Pagpasensyahan niyo na ho itong bahay namin Ginoo.", pagputol sa akin ni Tita Jean.

"Maraming salamat nalang ho, sa susunod na lang tayo mag-kape at kailangan ko na rin umuwi. Kayo na po sana ang bahala dito sa apo ko. Ako na po ang bahala sa lahat ng gastusin niya. Maraming salamat sa pagpapa-tuloy niyo sa aking apo. Ayaw naman kasi niya sa akin na tumira at mukhang mas gusto sa inyo. Kayo na lang din ho muna magpasensya sa kapilyuhan ng batang ito.", buong giliw at ngiting tugon ni Lolo kay Tita Jean.

"Wala ho yun, sa totoo lang natutuwa ako at narito ang anak niyo dahil dadalawa lang kami ng anak ko dito. Parang anak na rin ang turing ko sa mga kaibigan ni Mikael kaya wag po kayo mag-alala.", magalang na pagsisiguro ni Tita Jean sa aking lolo.

"Mabuti naman kung gayon. Sige ho mauuna na ako. Apo, pakabait ka, ok?"

"Sure thing Lo! Ingat po sa pag-mamaneho."

            Hinatid ko nang tingin ang kotseng minamaneho ng lolo ko bago ako pumasok ulit. Ramdam ko pa rin ang hiya kay Tita Jean nung pumasok ako.

"Sorry po talaga…", nakayuko kong sambit.

"Jaime… ok na yun sa akin. Ang mahalaga eh narito ka na. Huwag ka na mag-alala ha? Mag-pahinga ka na…"

"Opo, si Mikael po??", alangang tanong ko sa kanya.

"Nasa kusina, doon na naka-tulog dahil hinihintay ka kanina pa. Matutulog na ko ha. Ikaw na bahalang mag-palipat kay JM sa kwarto niyo.", sabay haplos sa pisngi ko at bahagyang pinisil.

            Sobrang guilt ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, lalong lalo na malaman kong sa kusina na naka-tulog si Mikael. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa lamesa at tinignan ang aking kaibigan. Marahan ko itong ginising, medyo takot din sa sasabihin nito at kung galit ba ito sa akin.

"Bunso… gising na. Nandito na ako oh, doon na tayo mag-pahinga sa kwarto mo…", malumanay kong isinatinig sa natutulog na si Mikael. Ilang yugyog pa sa balikat nito at nagsimula na itong magising.

            Tinignan niya ako, halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata nung tinignan niya ako. Wala akong mahanap na salita para sabihin sa kanya, para akong nawalan ng kakayahang magsalita sa mga tingin niyang iyon. Mga tingin na nagtatanong, na may galit at lungkot, na tumatagos sa kaluluwa ko. Hiyang-hiya ako kay Mikael at alam ko ang pagkakamali ko, gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil sa nagawa kong ikina-dismaya niya.

            Siya na ang kumalas sa pagkaka-titig at tumayo.

"Kumain ka na Kuya? Ipinagtabi ka namin ni Inay nang niluto ni Jun kanina.", matabang nitong salita.

"B-busog na ako Bunso… T-tara na sa kwarto para makapag-pahinga ka na.", utal-utal at mahina kong naisagot sa kanya.

"Ikaw bahala. Sige mauna nako sayo."

            Hindi katulad kanina, ni hindi na niya ako tinignan o nilingon man lang. Naiwan ako sa kusina na nakatulala at walang magawa. Ang tagal kong nakatayo kung saan ako iniwan ni Mikael. The blame is on me… kahit pa sabihin kong wala akong cellphone para makapag-text man lang. Sa mga tingin na yun sa akin ni Mikael, naramdaman kong lame lahat ng explanation ko sa nangyari.

            Sa hiya hindi ko na nagawang pang sumunod sa kwarto niya. Itinabi ko sa isang sulok ang mga pinamili namin ni Lolo Anthony at nagbihis. Humiga ako sa sofa nila pero hindi kaagad nakatulog.

" You've messed up, Jaime…", bulong ko sa aking sarili.

            Pilit kong iniisip ang paraan para makabawi kay Mikael. Kung paano ako magpapaliwanag… kung hahayaan niya sana akong gawin iyon. Paulit-ulit na sumisiksik sa isipan ko ang mga tingin niya sa akin. Ang laki ba ng kasalanan ko at ganoon na lang epekto sa kanya?

            Isip nang isip pero wala naman nabuong plano.Sumuko na lang din ako sa paghahanap ng pwedeng gawin at pumikit na lang.

Bahala na lang…



            Lumipas ang ilang linggo ngunit wala pa rin kaming imikan ni Mikael.Kapag nasa bahay bihira itong lumabas ng kwarto at kadalasan kapag pareho kaming walang pasok ay lalabas ito at gabi na babalik. Nagpatuloy ang pagtulog ko sa sofa nila at kahit si Tita Jean ay nagaalala na pero piniling wag na lang makialam. Siguro alam niyang lilipas din ang tampuhang ito pero para sa akin the more na tumatagal mas lalo akong nalulungkot. Hindi ko akalain na ganito siya katindi magtampo.

            Kahit sa school ay walang pinagkaiba. Tanging si Jun lang at ang iba naming mga kaklase ang kinakausap niya. Hindi naman masasabing ini-ignore niya ako dahil wala din naman akong ginagawang way para makapag-usap kami. Minsan nga naiirita na din ako sa nangyayari. Hindi ako marunong manuyo ng tao. 

            Isang linggo bago mag-semestral break ay kinausap ako ni Tita Jean. Nagpaalam itong uuwi sa kanilang probinsya. Baka raw abutin siya ng ilang araw doon kaya ibinilin na niya sa akin ang bahay at ang pagtingin sa kanyang anak.

            "Jaime, ikaw na bahala dito ha? Nasabihan ko na din naman si JM tungkol sa pag-alis ko. Kailangan ko kasi talagang tulungan yung kapatid ko sa pag-aasikaso ng kanyang kasal."

            "Opo, ingat po kayo Tita", matipid kong sagot.

            "At… ayusin niyo na sana ng anak ko yung tampuhan niyo. Masyadong matagal na yan. Malalaki na kayo, kaya walang dahilan para pairalin niyo pagiging immature ninyo. Kung Pride ang paiiralin niyo malamang matapos na nga ang pagka-kaibigan niyo. Gusto mo ba yun?"

            "Hindi po.Pero kasi Tita…"

            "Wala ng pero-pero,Jaime. Siya aalis na ako, sabihin mo na lang kay JM pagkauwi. Mag-iingat kayo dito. Mga bilin ko ha? Wag kalimutan!", seryosong pagpapa-alaala sa akin.


            Naiwan na nga ako sa bahay na naka-tanga sa pintuan at maghihintay sa taong ni hindi man lang ako kinakausap na para bang napakalaking kasalanang nagawa ko. Alam ko naman may mali ako pero nakakainis na ang nangyayari para nga patagalin pa ng ganito.

            Sa inis at init ng ulo ko ay itinulog ko na lang ang lahat habang hinihintay ko siya. Mamaya na lang ako mag-luluto pagdating niya para malaman ko kung ano gusto niyang kainin. Pumunta ako sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama. Sa totoo lang kaya naman talaga ako naiinis dahil sa miss na miss ko na siya. Sa ilang linggo na hindi niya ako kinakausap pero sa ibang tao ay malaya siyang nakikipag biruan at tawanan ay talaga namang nakakapagpa-selos sa akin. Naiinggit ako sa kanila kasi nakakakuha sila ng ngiti mula kay Mikael pero sa akin ni sulyap man lang o kahit ano, WALA.

            Noong una ayoko pa aminin sa sarili ko na naiinggit ako at nagseselos lalo na kay Jun. Alam ko walang ginagawang masama si Jun kay Mikael pero since mas close sila ngayon kesa sa akin para bang kinurot ang puso ko na hindi ako kabilang sa nakakapagpasaya kay Mikael. Na akong "Kuya" niya mismo ay hindi makuhang kausapin siya ng malaya tulad dati.
            "Ano ba kasing problema bunso? Ganun ba kalaki yung ginawa ko at ganito na tayo ngayon?", parang tanga lang na kinausap ang unan ni Mikael. Pathetic

            Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at niyapos ang unan ni Mikael at pina-anod na lang ang diwa ko kung saan para maka-tulog.


---Mikael

            Ngayon na nga pala ang alis ni Inay, hindi na ko sumama kasi meron pa akong pasok at ang sem break ay sa susunod na linggo pa. This also means that I'd be spending the break with Jaime at home. Wala naman maganda doon dahil para kaming estranghero sa isa't isa ngayon. Naghintay ako na magsalita siya at kausapin ako but it didn't came. Kaya naman hindi rin ako nag aksaya ng panahon at gumawa ng paraan para maayos itong tampuhan na ito.

Alam ko naman na kaibigan lang ako ngunit kargo namin siya kaya ganun na lang ang pag-aalala ko sa kanya.

Malapit nang matapos ang klase ko para sa araw na ito pero ayoko pqng umuwi dahil na din sa kanya. Uuwi ka nga sa bahay na parang ikaw lang ang tao, mas lalo lang ako maiinis. Ngayon nakikita ko na kung gaano siya ka-selfish at hindi ko hahayaan at ibibigay sa kanya ang satisfaction nang pagiging brat.

" Junjun! May lakad ka ngayon? Sama naman ako, wala naman ako gagawin sa bahay eh.", pag-aaya ko kay Jun habang nagliligpit ito ng mga libro nya. Tinignan niya ako ng may pagtataka at akmang may sasabihin pero tumigil ito bago tuluyan nagsabi.

"Wala akong lakad pre pero sige saan ba tayo pupunta?",pagsasalita nito habang nakatingin sa mga gamit niya kanina pa niya pilit inaayos pero hindi niya maipag kasya sa kanyang bag.

Tumayo ako at nilapitan ang kaibigan kong napapakamot na ng ulo sa magulo niyang gamit.

"Ako na nga mag-aayos nyan! Tabi nga! Ang laki ng problema mo eh no?"

"Hehehe! Ang yabang mo ah! Tignan nga natin ang galing mo."

Kinuha ko lahat ng gamit nya sa armchair at saka ito ipinasok sa bag niya. Napatanga si Jun sa ginawa ko at hindi ko na hinintay pang mag-react ito at patakbong lumabas sa room. Ang bagal kasi niya eh. Naiinip na ako at gusto kong mag-enjoy bago umuwi.

"HOY KUMAAAG! Saan ka ba pupunta, langya ka ang mga gamit ko kawawa naman!", pahangos na paghabol sa akin ni Jun.

"Hahahaha!! Doon ko na ito aayusin kapag na kay Buknoy na tayo. Let's have a joyride, Jun!"

"ADIK! Sagot mo ang gas ni Buknoy!"

"Ayaw ko nga. Wala ako pera, aayusin ko na nga gamit mo eh. Mahirap kaya gawin yun!"

Sa puntong ito ay pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante dahil para kaming bata na nagtatakbuhan sa corridor. Naguunahan pa kaming bumaba ng hagdan na parang mga tanga. May ibang nakikitawa sa kalokohan namin meron din ibang maarte kung tumili pag nabangga namin ni Jun.

Ngayon lang ulit ako nakapag-kulit ng ganito. Hanggang sa school ground ay naghihilahan kami sa gamit nya kaya yung iba niyang papers ay nagsisiliparan na. Syempre ako, nagpaka-pilyo at hinayaan ko sya ang magpulot ng mga nahulog niyang gamit. HAHAHA! evil!

Napatigil na lang ako sa kakatawa at pagtakbo noong matisod ako sa ugat ng isang puno. Buti na lang wala pa si Jun kundi malamang eh ang lakas ng tawa ng mokong na iyon. Tinignan ko ang puno na dahilan ng aking pagka-tisod. Dito pala ako dinala ng pagkakataon habang ako ay tumatakbo.


Sa Tree House.




……Itutuloy



5 comments:

  1. i swear, kung tapos na sana ang buong kwento nito, i can read it till the end.. ang galing.. i cant wait for the next installment

    ReplyDelete
  2. wow ! Very impressive
    ang ganda ng flow ng story .
    At tlga nmn kaabang abang ang
    mga susunod na mangyayare .
    Xoxo excited for the next chapter
    keep up the good work :)

    ReplyDelete
  3. hay naku kakabitin poh nxt chapter poh please i like the story .........sana mag kabati na silang dalawa


    :)good job poh

    ReplyDelete
  4. ang tatanda na pero nagtitiisan pa rin....hahahaha. Next na!!!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails