By: Jenesis Aposaga
http://aposaga.blogspot.com/
Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juha and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me sa comment box sa ibaba.
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Chapter 1
Maaga akong pumasok sa school hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong lumagi sa school kaysa sa bahay namin siguro nga dahil ako ang laging nakikita ng aking mama't papa lagi akong kontrabida sa bahay namin kahit na wala akong halos imik pag nadoon ako mas gusto kung magkulong nalang sa kwarto ko kaysa sumali sa halakhakan nila naiirita ako sa tuwing pinagkukumpara ako kay kuya Niko ang kapatid kong napakahambog ni ayaw kung makipagusap sa kanya kasi alam ko namang aasarin lang ako nun. dalawa na nga lang kaming magkakapatid pero napakalayo ng loob ko sa kanya dala na rin siguro na lagi akong pinagkukumpara sa kanya nila mama at papa dapat ko daw siyang tularan kasi napaka athletic at matinik sa mga babae at palakaibigan halos siya ang bida sa usapan sa tuwing may salo salo sa bahay. nasa huling taon na si kuya sa college at ako naman ay nasa ikatlong taon pa lamang sa highschool ni hindi ko narinig na proud sila sa akin sa mga matataas na marka ko sa school at laging class achiever lagi akong nakakatop sa boung klase sabi nga daw ni papa hindi naman daw kasi importante ang karangalan para sa kanya kahit hindi ka gaanong katalino basta marunong kang makisama sa tao ay mas mabuti pa.
Dahil sa maaga nga ako sa school sarado pa ang classroom namin pagdating ko tinungo ko ang canteen para doon tumambay at tapusin ang mga assignments ko sa ibang subject ko. marami naring estudyanting nakatambay doon ang iba ay masayang naguusap at ang iba naman ay tahimik na nagaalmusal tahimik akong gumagawa ng aking assignment ng may tumabi sa akin nakita ko si kevin ang kaibigan ko mula first year na napakabait sa akin nakatingin sa aking ginagawa at nakangiti.
"Ang aga mo naman yata tol.." tanong nya sa akin sabay kuha ng kanyang notebook at ballpen sa kanyang bag.