By: Jenesis Aposaga
http://aposaga.blogspot.com/
Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juha and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me sa comment box sa ibaba.
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Chapter 1
Maaga akong pumasok sa school hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong lumagi sa school kaysa sa bahay namin siguro nga dahil ako ang laging nakikita ng aking mama't papa lagi akong kontrabida sa bahay namin kahit na wala akong halos imik pag nadoon ako mas gusto kung magkulong nalang sa kwarto ko kaysa sumali sa halakhakan nila naiirita ako sa tuwing pinagkukumpara ako kay kuya Niko ang kapatid kong napakahambog ni ayaw kung makipagusap sa kanya kasi alam ko namang aasarin lang ako nun. dalawa na nga lang kaming magkakapatid pero napakalayo ng loob ko sa kanya dala na rin siguro na lagi akong pinagkukumpara sa kanya nila mama at papa dapat ko daw siyang tularan kasi napaka athletic at matinik sa mga babae at palakaibigan halos siya ang bida sa usapan sa tuwing may salo salo sa bahay. nasa huling taon na si kuya sa college at ako naman ay nasa ikatlong taon pa lamang sa highschool ni hindi ko narinig na proud sila sa akin sa mga matataas na marka ko sa school at laging class achiever lagi akong nakakatop sa boung klase sabi nga daw ni papa hindi naman daw kasi importante ang karangalan para sa kanya kahit hindi ka gaanong katalino basta marunong kang makisama sa tao ay mas mabuti pa.
Dahil sa maaga nga ako sa school sarado pa ang classroom namin pagdating ko tinungo ko ang canteen para doon tumambay at tapusin ang mga assignments ko sa ibang subject ko. marami naring estudyanting nakatambay doon ang iba ay masayang naguusap at ang iba naman ay tahimik na nagaalmusal tahimik akong gumagawa ng aking assignment ng may tumabi sa akin nakita ko si kevin ang kaibigan ko mula first year na napakabait sa akin nakatingin sa aking ginagawa at nakangiti.
"Ang aga mo naman yata tol.." tanong nya sa akin sabay kuha ng kanyang notebook at ballpen sa kanyang bag.
"Maaga naman talaga ako palagi ah...ikaw lang naman ang laging nahuhuli..." sagot ko sa kanya hindi ko manlang siya binaling ng aking tingin.
"kasi nga...kasi nga" nahihiya niyang sabi naparang may hinihinging pabor.
"Hay nalang..alam ko nayan wala ka nanaman assignment noh?..o heto kopyahin mo na." pagpatuloy ko sa kanyang sasabihin sana. inabot ko sa kanya ang note book kung saan nakasulat ang mga sagot sa aming assignment.
"Salamat talaga Francis ah..kahit talaga kailan maaasahan ka ang swerte ko naman at nagkaroon ako ng bestfriend na walang kasing ubod ng bait...hayaan mo babawi ako sayo mamaya ililibre kita"
"Uh tol..tama na yan lumilitaw na naman ang pagkakorne mo eh. komopya ka na nga lang diyan at maibalik mo na sa akin ang notebook ko."pagputol ko sa kanyang mga walang kasing korne na mga hirit.
Sa mahigit tatlong taon namin bilang matalik na magkaibigan ay kabisado na namin ang isa't isa at sa lahat ng panahong iyon ay wala siyang ginawang bagay na makakasira sa aming magkaibigan at ni hindi niya ako binigyan ng rason para magalit sa kanya ni hindi ko na nga mabilang ang mga bagay na nagawa ko na lagi niyang ikinagagalit pero madali niya itong nalilimot sa tuwing humihingi ako ng sorry sa kanya, ganun kami kaclose. May katangkaran si Kevin sa taas niyang 6'1 ay halos lagi akong nakatango sa tuwing nag uusap kami, may mapupula't maninipis na mga labi, matangos ang ilong na perpekto sa hugis ng kanyang mukha at
mapupungay na mata na kung iyong titigang mabuti ay parang nangaakit, maputi din at makinis ang kanyang kutis natural lang iyon sa kanya kasi half american ang kanyang ama napakaganda din ng katawan ni kyle dahil sa angking tangkad niya ay kasama siya sa varsity ng basketball sa school namin kaya napaka athletic ng katawan niya.
Ako naman ay may taas lang na 5'7 maputi singkit ang aking mga mata at nasa medium built lang na pangangatawan sabi nga ng aking mga kaklase ay mala korean pop icon daw ang dating ko matangos din ang aking ilong na katulad ng kay ke ay bumagay din sa maliit kong mukha lagi akong pinagdidiskitahan ng iba naming mga kaklase kasi daw sa aking itsura ay gwapong gwapo sila pag iniisip daw nila akong babae maganda din daw ako kahit saan daw mapababae o mapalalaki daw ako eh swak na swak ang aking
mukha.
Sa aking pagkatao ewan ko hindi ko pa alam kung ano ba talaga ako ni hindi pa ako nailab sa mga girls sa aming school kahit na sandamakmak ang mga nagpapapansin sa amin ni kevin sa tuwing nasa campus kami at kung bakla naman ako eh bakit hindi manlang ako nahulog sa aking artistahing kaibigan na si kevin sa kabila ng mga magagandang ginagawa nito sa akin.
Nagkaroon ng ingay ang loob ng canteen ng may isang grupo ng magbabarkada ang pumasok nilingon ko ito, mga varsity scholar sila sa school namin at alam kong isa dito ang lider-lideran nila si Evo nagtatawanan silang lahat na para bang sila lang ang tao sa loob ng canteen palibhasa ay sikat sila sa school. nakaakbay si Evo sa kanyang girlfriend si alyson sikat din dahil sa aktibo ito sa mga extra curricular activities sa school at bukod doon napakaganda pa nito bagay na bagay sila ni Evo mga artistahin ang mga mukha't kutis.
Nakita nila si kevin na kasama ko sa table syempre dahil sa varsity din si kevin ay malapit din ito sa kanila pero hindi ko nga lang alam kung bakit mas pinili nitong ako ang pagtiisang samahan samantalang sikat sa school ang mga kasama niya sa varsity na halos pinagtitilian ng mga girls sa boung campus sa tuwing may laro lalo na sa championship games.
"uy tol andito ka na pala tara sama ka sa amin?" pansin ni Evo kay kevin.
"sige tol teka lang tatapusin ko lang tong assignment natin susunod nalang ako" sagot ni kevin kay Evo ni hindi man lamang ito tumingin sa kausap niya abala kasi sa pangungupya sa answers ko. tiningnan ko ang notebook niya nakita kong tapos na siya sa pagkopya tiniklop niya ang notebook ko at binalik sa akin at binalik niya sa bag niya ang kanyang gamit.
"So it seems you'll have something to do with your friends out there? I'll go ahead nalang, see you sa classroom" paalam ko sa kanya sabay tayo.
"hep,hep. and who told you I'm going?." tanong niya sa akin sabay bitiw ng isang ngiti.
"Sabi mo susunod ka?" naguguluhan kong sagot sa kanya.
"praning na ata tong bestfriend ko ah?"bulong ko sa sarili.
"ayaw ko, masyado silang maingay. tara una na tayo sa classroom" tumayo siya at hinila ako parang bata tuloy ako na hinihila ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Ano bang pinaggagawa nito sa akin?. kunti nalang talaga kevin mahuhulog na ako sayo" bulong ko ulit sa sarili ko.
Nasa harap kami pumwesto ni kevin na sa mga oras na iyon ay nagsisidatingan narin ang aming mga kaklase narinig kong medyo may ingay sa labas ng classroom alam kong ang grupo nanaman nila Evo ang sanhi ng ingay kasi papasok narin sila kaklase ko rin kasi sila kaso lang ayaw kong makipagkaibigan sa kanila napipriskohan kasi ako sa mga pinapakita nila kaya nga siguro ayaw talaga ni Kevin sumama sa kanila ng madalas. natahimik na lamang kami ng pumasok na ang aming guro.
"guys announcement! by the way we have our out of town trip next week for our outreach program. we will be going to bohol and help some locals there to build and renovate thier school destroyed recently by a storm. so everybody get this form and let this sign by your parents this serves as your parental consent"
Nag ingay ang boung klase halatang excited sa out of town na mangyayari pero ako?. hindi, alam ko kasing hindi talaga ako mag eenjoy wala kasi talaga akong hilig sa mga adventure sadyang ipinanganak akong sanay mabuhay sa loob ng aking kwarto tanging si kevin lang naman kasi ang kaibigan ko noon pa kung hindi lang siguro siya lumapit at nag tiyagang kaibiganin ako siguro hanggang ngayon nag iisa ako.
"paano yan tol mukhang mag eenjoy na naman tayo niyan" tawag pansin sa akin ni kevin.
"Hindi ako sasama, babawiin ko nalang sa klase ang points na mawawala paghindi ako makasama ayaw ko kasi talaga sa mga ganyang bagay eh."
"huh!?, ano ka ba tol sayang naman ang experience sige na minsan lang naman mangyari to eh." pangungumbinsi sa akin ni kevin
"Ayaw ko nga eh, wala naman siguro ang paa mo sa akin para hinid ka makasama kung wala ako." pamimilosopo ko sa kanya.
Tumahimik na lamang si kevin hindi ko alam pero parang nainsulto ko yata siya hindi na siya muling nagsalita pa hanggang natapos ang klase. sa kabila ng kanyang inis sa akin ay hinintay niya parin ako para sabay kaming umuwi yun nga lang hindi parin ako iniimikan nito at parang napakalaki ng kasalan ko.
"Hoy?. ano ba para kang namatayan diyan?" kaswal kong tanong na para bang walang nangyari, hindi parin siya sumagot sa akin kaya sa ayaw ko at sa hindi kailangan kong magbitiw ng pangako para bumalik ang sigla niya.
"ok na talo na ako! sige sasama na ako kahit alam kong magtitiis na naman ako doon" walang kagatol gatol kong sinabi iyon nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at gumuhit ang hanggang tenga niyang ngiti.
"talaga tol?, yes.alam mo naman kasing hindi ako sanay kung wala ka" bumalik na naman ang sigla ni kevin alam ko nakasi ang kahinaan niya kaya walang hirap siyang pakalmahin.
"o siya sige, ano pa ba ang magagawa ko?. uwi na nga tayo" pag iiba ko sa usapan kasi medyo kinilig ako ng bahagya sa sinabi niya.
hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya naipakilala sa akin ang babaeng gusto niya pero wala daw siyang lakas para sabihin samantalang gwapo naman siya. nasabi ko nalang sa sarili ko na kung totoong bakla ako siguro mamamatay na ako sa in love sa kanya. nang papalabas na kami sa gate ng school ay nakita namin sina Evo kasama niya ang jowa niyang si Alyson parang lalanggamin na nga ang boung school sa ka-sweetan nila.
"Oy pare, tamang tama narito ka may lakad ang grupo eh sama ka?," nakangiting sabi ni Evo kay Kevin.
"Ano at saang lakad ba iyan tol?" tanong ni kevin kay Evo.
"Sa bahay nila marko birthday kasi ng mama niya imbitado tayo"
Tiningnan ako ni kyle na para bang nangungusap na sumama din ako sa lakad nila. alam kasi niyang alergy talaga ako sa mga barkada niya lalo na kay Evo kaya parang humihingi ito ng pabor para sumama ako.
"Sige lang, sumama ka na sa kanila mauuna nalang akong uuwi" inunahan ko siya sa kanyang planong pasamahin ako.
"Sumama ka nalang rin kaya Francis?" yaya ni Alyson sa akin at nakangiti pa.
"ay sige salamat nalang sa paanyaya pero marami pa kasi akong gagawin eh" alibi ko sa kanya.
"Wag mo nang pilitin ang mga taong ayaw babe, hirap kayang pasayahin ang mga weird person" bulong ni Evo sa girlfriend niya pero kahit ano paman dinig na dinig ko iyon buti nga lang hindi narinig ni Kevin kasi baka mag upakan pa sila super defensive kaya niya sa akin.
"Sorry Evo ha?. hindi kasi ako sanay sa mahangin na lugar baka ma tangay ako. sige mauna na ako sa inyo, kita nalang tayo bukas tol" tinapik ko sa balikat si Kevin saka umalis alam kong naguguluhan siya sa mga makahulugan kong sinabi kay Evo.
"Sige tol ingat. kita nalang tayo bukas" si kevin, hindi ko na siya nilingon ayaw kong makita ang mukha ni Evo nayayabangan talaga ako.
Itutuloy..............
Please feel free to comment po. either good or bad. thanks po...
Interesting. :-)
ReplyDeletehaha another story to wait .... hehe author update na bitin me eh haha sorry medyo demanding po
ReplyDelete-KRVT61
May bago na nman magaling na writer dto ah...congrats !!!
ReplyDeleteNext tym mejo habaan mu ng konti nakakabitin eh hehehehe :)))
Maganda naman sya author kaya lang sana gumamit ka ng period pag ibang sentence na yung kasunod. Para mas madaling basahin at intindihin. Anyways, keep it up!
ReplyDeletehehehe..salamat po sa mga nag comment..asahan po ninyong pahaba ng pahaba bawat chapter po...
ReplyDeletenice ang umpisa :)
ReplyDeletenice story po aabangan ko nalang to..first time ko lang mag comment ahaha,...
ReplyDeleteMaganda <3
ReplyDeleteWait wait na lang sa nxt update <3
Ran.
Mr Author, pls pakeseguro lang na hindi magkapalit ang mga pangalan dahil nakakalito. Yung ibang typo ok lang. Pero maganda ang umpisa ng story. Thanks...
ReplyDeleteMr Author constructive comment sana......Pls huwag ipagpalit ang mga names. Nakakalito...Yung iba ok lang. Thanks...Maganda ang umpisa ng story...Keep It Up...
ReplyDeletenice story, mr. author sana malaman ni Francis na isa siyang Gwapong-Bisexual, huwag sana bakla ang tingin niya sa sarili niya, keep it up Jenysis Aposaga :))
ReplyDeletePapalit palit ng pangalan XD
ReplyDeletenice start pero pansin ko lang ano b tlaga name nya Kevin o kyle? pakiclear lang author.
ReplyDeleterandzmesia
Nice story.
ReplyDeletePa update naman po ng chapter 19 nito
Yehey! Aabangan ko ito :)
ReplyDeleteGuwapo ni author ♥ -Allen
Alfred of T.O. masyado kang critic! Bakit hinde ka magsulat! :(
ReplyDeleteAng ganda!! Author.. I am really excited sa mga susunod na chapters. Update soon please? :)
ReplyDeleteMr. Author di na ako maka access sa blog mo. Hmmmn.
ReplyDeletemay inaayos lang po ako....by next week ko pa po i-oopen...
Deletenaiiyak na ko sa tagal ng update mo sir huhu, kasi sobrang nahook na talaga ako hahaha. BTW kudos author and congrats. chap 22 please he he
ReplyDeleteAlfred of T. O. Bakit hinde ka mag produce ng sarili mong storya! Masyado kang madaldal, magsalsal ka na lang.
ReplyDelete