Chapter 3
Kinabukasan maaga akong nagising.. Feeling ko napakagaan ng pakiramdam ko.. Hanggang sa panaginip nagkikiss kami ni daryll at hindi lang kiss huh. Alam niyo na yun.. Haha.. Kumakanta pa ko nun habang nagluluto.. Hanggang narinig ko yung pagbubukas ng gate ni joseph.. Haixt ito na ang sisira ng araw ko pero hindi ko sya hahayaan..haha.. Evil laugh
" four eyes... Pakain." rinig kong saad niya pagpasok sa front door.
" tara dito.." tawag ko sa kanya saka hinain yung ham at hotdog na niluto ko.. Haixt Im so inspired.. As in super inspired..!
" ano namang ngiti yan." simangot niya saka umupo.. Binigyan ko lang sya ng matamis na ngiti.
" cute ko ba pag nakasmile.? Asset ko yan."
" susuntukin kita bakit ka nga nakangiti.!"
" manununtok ka agad.. Wag mo nga sirain umaga ko.. Ang ganda ganda ng umaga eh akala mo nakalimutan ko na yung pagsuntok mo sakin kagabi.. Haixt.."
" eh bakit kasi ganyan ngiti mo.. Mukha kang bungal na aso .." sinimangutan ko naman sya.
" bungal na gago ka naman.. Bwisit ka talaga noh may aso bang nakasalamin.?"
" oo ikaw." ngiti.
" ewan ko sayo."
" ayaw mo ng bungal na aso.. edi nakakakatol na pusa na lang... Nakakairita yung ngiti mo.. Ang sarap paghiwalyin yung panga mo." simangot niya..humugot naman ako ng malalim na hininga saka binigay yung pinaka the best kong smile plus my shimmering and splendid eyes. " franz paki ayos nga yang itsura mo baka mabanatan na talaga kita." banta niya pero hindi ako nagpaapekto.
" don't you see.. Napakaganda ng umaga.. Naririnig ko pa yung mga nagaawitang mga ibon sa labas.." napalingon naman sya sa bintana saka kunot ang noong tumingin sakin. " di mo ba naririnig yung malamyos na himig ng hangin na dumadampi sa ating mga balat.. Napakasarap damhin.." nilanghap ko lang yung hangin. " ang bango ng hangin.. Parang nagsasabi na napakaganda ng umaga..napakaganda ng araw..at hindi hahayaan ng anghel na katulad ko na masira yun ng demonyong katulad mo." ngiti ko nagulat nalang ako ng batuhin niya ko ng tinidor.
" mukha mo..!! May sapi ka nanaman ba.?"
" sinapian ako goddess of beauty.." saad ko saka winagayway yung kamay ko.." napakamot naman sya ng ulo.. Kaya natawa ko. " joke lang."
" ano nanaman ba kasi nangyayare sayo.. Gustong gusto kita sapakin ngayon kaya pwede ba umayos ka na.!"
" joseph kasi ano.." ngiting ngiting saad ko sa kanya.
" kasi ano..? Ibabato ko sayo tong pinggan.. Mukha ka ng tanga sa itsura mo."
" joseph.. My god hindi na ko virgin!!!!" excited na saad ko kita ko naman yung pag ngiwi niya habang nakatitig sakin. " joseph narinig mo ba ko hindi na ko virgin..!"
" sino namang shrek ang kumuha ng putek na virginity mo.."
" anong shrek.?"
" si shrek.. Yung ogre. Eh yun lang ang papatol sayo eh.. Baliw ka na talaga.!" inirapan ko naman sya.
" joseph navirgin mo ko sa panaginip ko..!!" kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin.
" gago ka ah.. Kaaga aga gusto mo ng sapak.?"
" seryoso ako tange.. Napanaginipan kasi kita kagabi tapos alam mo yun magkapatong tayo.. Tapos boooomm hindi na ko virgin.!" saad ko ngumiti naman sya sakin saka tumayo at dahan dahang lumapit sa kinatatayuan ko.
" gusto mo ng sapak.!"
" seryoso nga ako.." ngiti ko saka nilapit yung mukha ko sa kanya hindi naman sya umiwas nilabanan niya lang yung tingin ko.
" gusto mo talaga ng sapak franz..?" sarkastikong ngiti niya..
"Uhm.. " napansin ko naman yung pagkuyom niya ng kamao niya kaya mejo napaatras ako.. Aixtt sasapakin niya nanaman talaga ko haha.
" ano aayos ka o sasapakin kita..?"
" uhmm oo na nga joke lang.." ngiwi ko..
" haixt franz pasalamat ka talaga maaga pa.. Kung nagkataon paduduguin ko nanaman yang nguso mo.." gigil na saad niya saka bumalik sa upuan niya inirapan ko lang sya.. Haixt kahit sa panaginip bawal sya pagnasaan.. Bwisit talaga to eh.
" pero joseph Im serious.. Hindi na ko virgin.."
" ewan sayo.." saad niya saka sumubo ng hotdog..
" hindi mo ba narinig yung nagkakagulo kagabi sa labas.?"
" don't tell me.. Humila ka ng kung sino sa mga adik na yun.. Punyemas ka talaga.. Ganun ka ba kadesperado sa ano huh..!"
" sira..! Hindi ako papatol sa adik.. Titikman muna kita bago ako pumatol sa ganun." ngiti ko gigil niya lang akong tiningnan saka binato ng kutsara natamaan naman ako sa ulo. " ouch naman ah.!"
" bwiset ka kasi.. Papavirgin ka lang sa adik pa.!"
" hindi nga ako nanghila ng adik.. Sapakin kita eh. Alam mo bang si daryll yung hinahabol nung mga lalaki kagabi..joseph dito sya nagtago..!!" kinikilig na saad ko.. Kita ko naman na sinuri niya yung mesa ng makitang wala na syang pwedeng ibato ay kumuha sya sa bag niya ng notebook saka malakas na binato sakin.. Agad naman ako umilag dito. " kainis ka naman eh magkukwento muna ako..!" simangot ko kita ko naman yung pagiwas niya ng tingin. " kasi ganito.. Dito sya nagtago.. Tapos joseph naghubad sya sa harap ko.. My god..!"
" so sya nakavirgin sayo.? Wag mo na ikwento yung details. Nakakadiri.."
" walang nangyare samin., kasad noh."
" eh pano ka navirgin.? Ano yun naghubad lang sya tapos boom hindi ka na virgin..?" simangot niya.. Ngumuso naman ako.
"kita mo tong napakanganda kong lips..? yung lips ko ang hindi na virgin.!! Nagkiss kami kagabi..!" sigaw ko.
" yung boses mo..! Sasapakin kita."
" nagkiss kami.. At ang lambot lambot ng lips niya.. Hello as in hello.. Ang sarap!! Yum yum.!"
" torrid ba.?"
" uhmmm 2 seconds ata.?"
"pero torrid.?"
" hello joseph.. 2 seconds makakapagtorid ba kami ng ganun..!" saad ko.
" eh hindi naman pala torrid kung magover acting ka jan.. So kiniss ka niya o ikaw ang nanghalik.. Hindi ka man lang nahiya.?"
" aksidente lang naman eh.. Pero ramdam na ramdam ko yung kiss niya.. Haixt I hope maulit uli yun.. Yung torrid na talaga. Kaya hindi mo masisira ang araw ko joseph..!"
" haixt ewan ko sayo tara na nga.. Mukha ka lang ewan.."
" ang kj mo talaga.. Pero hindi ka ba masaya for me..hindi na virgin yung lips ko.?"
" nakakadiri ka..kumain ka na para makapasok na tayo.. Ang lakas mo manira ng araw.. Antayin nalang kita sa labas." simangot niya saka tumayo.. Hanggang marinig ko yung pagsara ng front door..ang kj.. First kiss ko kaya yun.. So napakabig deal nun for me.!
Excited lang ako pumasok sa room ng araw na yun.. Haixt siguro naman maalala na ko ni daryll ngayon.. First kiss niya ko.. So kahit ayaw niya part na ko ng buhay niya.. Haha evil laugh.. Si joseph naman hanggang pagdating namin sa school nakasimangot parin pero syempre ayoko masira ang araw ko kaya hinayaan ko nalang sya.. Hanggang dumating yung professor namin kasunod si daryll as expected late sya.. Pagupo niya sa tabi ko binigyan ko lang sya ng super smile.
" ano nga uli pangalan mo.?" kunot ang noong tanong niya.
" franz.. My TA ka ba.?"
" TA.?"
" temporary amnesia.. " ngiti ko..
" wala.. So franz di ba sabi ko ayusin mo yung mga tingin mo.. Mapapahamak ka dahil jan sa mata mo."
" ah bakit."
" mukha kang manyakis.. Wag mo nga ako tingnan." simangot ni daryll saka tinuon sa ibang dereksyon yung tingin niya.. Nakagat ko naman yung labi ko saka lumingon kay joseph pero dinilaan niya lang ako. Haixt badtrip.. Bakit ba pabago bago ang mood nito.. Ang sungit tapos minsan ok naman haixtt pasalamat sya crush na crush ko sya.
Tumambay lang kami ni joseph sa library habang vacant.. Haixt sinira ni daryll yung araw ko.. Ang sungit sungit eh..
" ranz tama na nga yung pagsimangot mo." saad ni joseph sakin habang may hawak syang libro.. Guess what kung ano binabasa niya.. Kapitan sino ni bob ong.. Edi sya na ang fan ni bob ong.. Haixt kumpleto niya ata lahat ng libro nun.
" bakit ikaw lang ba may karapatang sumimangot.?"
" haixt ewan sayo.. Alam mo dapat maging masaya ka nalang kasi katabi mo sya.. Wag ka ng maghangad ng higit pa dun kasi napakaimposible."
" gusto ko sya maging close eh.?"
" asa ka.. Sigurado kaya lang sya pumunta sa bahay niyo kagabi dahil lang yun sa wala syang mataguan.. Kaw naman masyado kang umasa.. Feeling mo dahil nagtago sya sa inyo close na kayo.. Saka yang mata mo. Tama naman sya manyakis ka tumingin."
" hindi man lang marunong magthank you.. Nakakainis."
" haixt ewan ko sayo.. Bahala ka sa buhay mo.. Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo eh.." napabuntong hininga naman ako.. Nakakalungkot hindi ko ba talaga sya pwedeng maging close.. Naman oh..
" anong oras na joseph.?"
" maaga pa.. Isang oras pa.." saad niya habang nagbabasa ng libro. " bakit hindi ka nalang magbasa para hindi mawala sa isip mo yung daryll na yun."
" wala akong gana.. Saka bob ong..? Dahil sayo natapos ko na basahin lahat yan.. Ikaw lang naman paulit ulit jan eh."
"eh sa maganda bakit ba.. enervon gusto mo.? Bibili kita.?"
" weeehh.. Wag na.. Gusto ko ng chocolate.. Bili lang ako huh." saad ko saka tumayo at lumabas ng library.. Haixt kapag depressed have a kitkat..ang bestfriend ng mga broken hearted..haixt..haha oh di ba broken hearted agad ako haha.. Nakakainis yung author nitong kwento na to.. Hindi ba pwedeng maging close agad kami ni daryll.. Tapos boombooman agad.. Haha ang bad ko.. Naglalakad na ko palabas ng school ng may umakbay sakin.. Laking gulat ko ng makita si daryll..
" weeehh.. Wag na.. Gusto ko ng chocolate.. Bili lang ako huh." saad ko saka tumayo at lumabas ng library.. Haixt kapag depressed have a kitkat..ang bestfriend ng mga broken hearted..haixt..haha oh di ba broken hearted agad ako haha.. Nakakainis yung author nitong kwento na to.. Hindi ba pwedeng maging close agad kami ni daryll.. Tapos boombooman agad.. Haha ang bad ko.. Naglalakad na ko palabas ng school ng may umakbay sakin.. Laking gulat ko ng makita si daryll..
" just keep on walking wag mo na ko tingnan."
" uhmm saan tayo pupunta.?"
" basta.." saad niya.. Hinayaan ko naman sya kung saan niya ko dadalhin hanggang makarating kami sa parking lot.. Sumakay lang sya sa motor.. " you can go na. Salamat."
" wait eh bakit mo ko dinala dito.?"
" uhmm may sumusunod kasi sakin.. So para hindi ako mahalata inakbayan kita.."
" sino sumusunod sayo.?"
" alalay ni daddy..I mean mga alalay ko na." saad pa niya saka sinuot yung helmet niya. " thanks sa tulong.."
" pero saan ka pupunta.. May next subject pa tayo ah..?"
" nakakatamad eh.."
" susumbong kita.." saad ko nakita ko naman na tinaggal niya yung helmet saka tumitig sakin." isusumbong kita kay ma'am."
" we own this school so pwede akong pumasok kung kailan ko gus-" hindi niya lang natapos yung sasabihin niya ng may makita sa likod ko napalingon naman ako nakita ko lang yung mga nakabarong na tumatakbong papunta sa dereksyon namin.. " shit.." saad niya saka inistart yung motor..dahil sa nataranta ay sumakay din ako sa motor niya. " bakit ka sumakay.? Baba.!"
" ayoko.. Tara na bilisan mo malapit na sila.!"
" damn..!" gigil na saad niya saka mabilis na pinaandar yung motor nang lumingon ako sa likod nakita ko lang yung mga lalake ay sumakay sa isang itim na kotse. " daryll maabutan tayo.."
" bakit ka ba sumakay.. Bwisit naman oh!"
" bilisan mo nalang pwede.." sigaw ko sa kanya.. Natigilan lang ako ng marealize ko kung saan ako nakahawak.. Sa bewang niya.. As in parang yung nasa movie.. Haha bakit nga ba ko sumakay sa kanya. Uhm ambisyoso ako baka chance ko na to sayang haha.. Kung saan saan lumusot yung motor niya hanggang tumigil kami sa plaza.. Parehas lang kaming bumaba.
" muntikan ako dun huh.. Bakit ka ba sumakay.?"
" uhm feeling ko kasi parang yung mga nasa movie.. Hinahabol tayo ng mga goons." ngiti ko.
" bakla ka siguro noh."
" hindi nga di ba.. ang kulit mo din eh.."
" kung yayain kita ng sex.. Hindi ka parin ba bakla.? Motel tayo noh." saad niyang nakatitig sa mata ko.. Napalunok naman ako.. Niyaya ba niya ko. " see bakla ka nga.. Hindi ka agad nakasagot eh."
" shit ka.. Porket hindi agad nakasagot bakla na agad.. Hello.. Natigilan lang ako kasi.. Uhmm uhmm"
" uhm uhm kasi ano.?" simangot niya.
" kais ngayon lang may nagyaya sakin magmotel eh.. Tapos lalake pa.. Nakakashock kaya yun."
" ows di nga.. Bakla ka lang kamo."
" hindi sabi eh."
" bakla bakla bakla.!" ngiti niya gigil ko lang syang tiningnan saka ubod lakas na sinuntok sa mukha kita ko naman na natigilan sya saka masamang tumingin sakin.. My god sinuntok ko sya.. Pano kung magkapasa sya.. Ako pa sisira ng mukha ng crush ko.. Nooo..
" suntukan ano.. Tingnan natin kung sino satin ang bakla.!" gigil na saad ko..pero kunware lang yun haha.. Napaatras lang ako ng dahan dahan syang humakbang papunta sakin. " teka teka lang.." awat ko sa kanya..
" sinuntok mo ko..? Gusto mo makatikim.?!" gigil na saad niya.
" makatikim ng alin.?"
" suntok..?" aktong susuntukin niya na ko nang makita ko yung kotse ng mga alalay nung daddy niya kaya tumakbo ako papunta sa motor niya.
" daryll yung mga humahabol sayo.!" napalingon naman sya sa tinitingnan ko."
" shit talaga oh.." bulong niya saka sumakay sa motor sumakay lang uli ako sa likod niya hindi ko alam pero hindi na sya nagreklamo sa pagsakay ko.. Katulad kanina kung saan saan kami lumusot na kalsada.. Hindi ko lang mapigilang pagmasdan yung likod niya.. Haixt gusto ko isandal yung ulo ko pero baka mapansin niya haixt..palihim ko naman inamoy yung damit niya.. Super bango. Lalakeng lalake.. hanggang tumigil kami sa tapat ng bahay namin. "bumaba ka na" saad niya.
" eh pano ka.?"
" sumabit ka lang naman ah.. Baba na sabi eh.!"
" oo na baba na.. Kailangan naninigaw.?" saad ko saka bumaba sa motor niya.
" badtrip ka kasi.." simangot niya. Haixt nageenjoy pa ko sa likod niya eh nakakainis talaga.
" bakit ba kasi tinatakbuhan mo yung mga yun.?"
" wala ka na dun.. Alis na ko." simangot niya.
" fine. Eh saan ka ba pupunta.?" ilang sandali naman syang natigilan.. " ano san ka ba pupunta.?"
" wala.. Kahit saan lang.."
" kahit saan lang.. Ano kaya yun.."
" haixt ewan ko sayo.. Alis na ko.." saad niya saka pinaandar yung motor niya.. Napabuntong hininga lang ako habang tinitingan yung dereksyon na tinahak ng motor niya hanggang mawala na to sa paningin ko. Muli lang akong napabuntong hininga saka binuksan yung gate.. Haixt matutulog nalang ako tinatamad na ko bumalik sa school eh.. Bad ko noh.. Bubuksan ko na sana yung front door ng may marinig akong motor na pumarada sa harap ng gate ng lingunin ko nakita ko lang si daryll..
" pwede ko bang ipasok yung motor ko.?" sigaw niya.
" bakit.?"
" haixt magtatanong pa." simangot niya saka binuksan yung gate at pinasok yung motor niya.. Haixt anong problema niya.. Ang kapal huh hindi pa nga ako pumapayag eh.. Pero dahil gwapo sya.. Fine.. Haha landi. " ano hindi mo bubuksan yung pinto papasok naman.?" saad niya paglapit sakin
" ah eh ito na nga.." saad ko pagbukas ng pinto ay nauna pa syang pumasok sakin.. Teka ano to bahay niya.. Pagpasok ko nakita ko lang syang nakahiga sa sofa.
" pahiga lang."
" wow marunong ka pala magpaalam huh." simangot ko.. Pasalamat sya crush ko sya haixt.. " wait teka bakit ka ba nandito.?"
" wala naman akong pupuntahan eh so naisip ko na baka pwede akong tumambay dito.. Sa pagkakaalala ko kasi sabi mo kagabi magisa ka lang dito."
" oo nga.."
" so patambay muna.. Inaantok ako eh.. Alam mo itong bahay mo pwede kong gawing hide out.. For sure hindi nila iisipin na sa isang bahay ako pumupunta.."
" itong bahay ko gagawin mong hideout..ano ka criminal.?"
" what I mean.. Pag gusto ko mapagisa.. Pwede akong pumunta dito.. Don't worry babayaran kita."
" hindi ko kailangan ng pera mo." saad ko saka pumunta sa kusina.. Dahil katawan niya lang ang kailangan ko haha..pagbalik ko sa sala nakita ko lang na nakaupo na sya habang hawak yung remote ng tv saka to binuksan.
" magbabayad ako sa ayaw at sa gusto mo.. So bigyan mo ko ng susi ng bahay mo para pwede akong pumunta anytime."
" teka hindi pa naman ako pumapayag ah."
" wala akong paki.. Saka di ba bestfriend kita." ngiti niya.. Wow nginitian ba niya ko..ang labo talaga nito.. Saka bestfriend daw..
" anong bestfriend.?"
" remember last sem.. Sa cr..?" naalala niya pala yun.
" ah eh..naalala mo yun.?"
" oo naman.. Yun yung unang beses na may tinawag akong bestfriend eh."
" eh bakit parang hindi mo na ko kilala after nun.?"
" mukha ka kasing manyakis.." sinimaan ko naman sya ng tingin.. Kita ko lang na natawa sya. " seriously mukha talaga.. Pero baka dahil nga lang yun sa malabo yung eyes mo..so kailangan mong tumitig talaga."
" sa malabo ang mata ko eh.. Bakit ba.. Saka hindi ako manyakis noh." simangot ko.. Sa panaginip pwede pa.. Super super kayo akong magnasa sa kanya haha.
" oo na.. So pumayag ka na maging hide out ko tong bahay mo.. Please bestfriend.?"
" bestfriend tayo.?.. Sure ka ba talaga.?"
" oo nga.. Mukha ka namang mabait eh.. Saka I like you."
" you like me.?"
" oo.. Ang lakas kasi ng loob mong sapakin ako eh.. Actually pwede kitang patalsikin sa school pero hindi ka natakot na suntukin ako kaya i like you." ngiti niya.. Natitigan ko naman yung mukha niya.. Haixt bakit ba ang gwapo niya pwede bang matunaw nalang ako sa mga tingin niya haixt I'm melting my goodness. Kalma lang franz.. Ito na yung pinakamatagal mo ng pinakahihintay.. Bestfriend na daw..ang tanga mo kung tatanggi ka pa.. " papayag ka ba o papasunog ko tong bahay mo.?" ngiti pa niya.
" oo na.. Papasunog.? Eh kung sapakin kita.." simangot ko tumawa lang sya. "Bakit ka ba kasi tumatakbo dun sa mga alalay ng daddy mo.?"
" uhm haixt nakakairita yung may sunod ng sunod sakin."
" eh bakit nga sinusundan ka nila.?"
" may death threat kasi si daddy yun pati ako damay.."
" eh dapat talaga magkaroon ka ng alalay noh concern lang pala sayo daddy mo eh.."
" ayoko.. Eh ikaw nasaan parents mo.. Magisa ka lang dito.?"
" eh patay na parents ko.. Pero meron pa kong ate .. Nasa ibang bansa sya."
" oh I see.. So sya yung nagsusupport ng study mo.? Eh di ba ang mahal ng tuition sa school namin.. Naafford ng ate mo."
" oo naman.. Kahit nagugutom na yun dun makapagaral lang ako sa school niyo gagawin niya.. So subukan mong patalsikin ako sa school niya.. Papatayin talaga kita.." sarkastikong ngiti ko sa kanya.
" fine fine.. Don't worry dahil bestfriend na kita..resbak mo ko.. Sabihin mo lang sakin kung may mang aapi sayo sa school sisipain ko sila palabas ng campus." ngiti niya.. Wow ok yun ah. Haha.. Imagine resbak ko sya.. Ang astig.. Parehas lang kaming napalingon ng bumukas yung pinto..
" four eyes kaninong motor y" saad ni joseph pero natigilan to ng makita si daryll sa sofa.
Hahaha.. nakakatuwa namn itong story.. very light lng.. an saya.. sana may update ulit agad.. tnx author..
ReplyDeleteFYI matagal mu na aq silent reader.. ngyaong lng aq nagcocomment eh.. bagong buhay ba.. hehehe tnx ulit..
Joma of Bicol
Ako rin! Hehe! Simula Nicko nga lang.
Delete-- Rye Evangelista
nice one next chapt.. na po :)
ReplyDeleteAuthor next chapter pleaseeeeeeeeeee. Haist ka tense ah. Lolz
ReplyDeleteUpdate kana po agad author
ReplyDeletehaha. nice bro
ReplyDelete. nakakatuwa yung mga pasimpleng banat ng kamanyakan xDD loool
. rooting for the next chapteerr ;))
elocihn23..
haha. nice bro
ReplyDelete. nakakatuwa yung mga pasimpleng banat ng kamanyakan xDD loool
. rooting for the next chapteerr ;))
elocihn23..
Nakakatuwa basahin talaga...
ReplyDeleteBoholano blogger
good read! happy, happy lang! I can just imagine hearing the song "All I see is you" on the background. It goes this way; I tried so hard all summer through, not to think too much of you. But the more I tried, the more I cried...I just can't leave the past behind....
ReplyDeletenice , parang asot pusa nag mag bestfrend! he he he
ReplyDeleteang ganda ng flow ng story and for that another 10x thumbs up for u author haha thx uli s update
ReplyDeleteAyan.nahh suntukan nah hehehe
ReplyDeleteIts nice!!.,, nakakatuwa at nakakakilig!!,,, hehehe.,,,thumbs up!!!
ReplyDeleteUpdate na author!!!!!!!!!!
ReplyDeleteWhaaaaaa eto na ang simula *.*
ReplyDeleteTy sa pag update author mwuahhh hahaha
Ran.
to be honest medyo di ko na nagugustuhan yung character ni Franz, kasi ang description sa kanya ay di halatang bakla, pero bakit parang ang landi landi nya? di siguro halata yung pagka bakla nya kung puro manhid yung mga nasa paligid nila! Opinion ko lang po!
ReplyDeleteBen