CHAPTER
THREE
EKSAKTONG
ALAS OTSO NG GABI nang dumating si Vin sa kanyang destinasyon. Pagkababa niya
sa jeep ay agad niyang nakita si Diega at Joanna. Ang mga kaibigan niyang
bakla. Litaw na litaw ang dalawa dahil sa suot ng mga ito na matingkad ang
kulay. Nang makita siya ng mga ito ay lumapit ang mga ito sa kanya,
"Kadarating mo pa lang?"
parang tanga na tanong ni Joanna. Joanna sa gabi, John sa umaga.
"Tanga lang `te? Kakarating pa
nga lang, nakita mo na tapos ganoon ang itatanong mo. Bopols ka rin na bakla ka
noh?"
"Nakita ko `te,"
nakasimangot na sabi ni Joanna. "Naninigurado lang ako. Gusto ko ng
confirmation. Porke't nagtatanong ng ganoon na ka-obvious na bagay, tanga na
agad. Hindi ba pwedeng naninigurado muna?"
"Ay ewan! Talagang di-ni-fend
mo pa ang katangahan mo."
Maya-maya ay nagbabangayan na ang
dalawang bakla. Kahit pabiro iyon ay matalas ang bibig ng mga ito. Napapailing
na lang siya habang natatawa sa mga ito. Ito ang magandang bagay sa pagkakaroon
ng mga kaibigan na parte ng third sex. Walang dull moment.
"Tama na nga ang away na
`yan," saway niya sa mga ito. "Kahit kailan talaga kayong dalawa wala
nang pinagbago. Mabuti at wala pang namamatay sa inyong dalawa."
Natigil naman ang mga ito. Humarap
sa kanya.
"Sabihin mo Vin. Sino ang mas
maganda sa amin ni Diega? Sino ang mas maganda? Ang baklang `yan--"
itinuro nito si Joanna. "O ako?" sunod ang sarili.
Hindi siya sumagot. Pinandilatan
siya ng dalawa na ginantihan niya ng tawa.
"Sumagot ka Vin. Para
magkaalaman na! Sino ang mas maganda sa `min ng baklang octopus na `yan?"
ani Diega.
Lumiyad-liyad ang mga ito at
naglakad na parang mga beauty queen sa harap niya. Mukhang mga desperado talaga
na malaman kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa. Desperado na makakuha
ng boto mula sa kanya.
Natawa na lamang siya nang madulas
si Diega at mahawakan ang tank tube na suot ni Joanna. Nahila nito iyon kaya
ang ending ay nagsisigaw ang bakla. Hiyang-hiya ang mukha ng mahantad ang
dibdib nito.
"Ano ba `yan gaga? Gusto mo pa
`kong pagburlesin dito. Ginawa mo pa akong bold star," sigaw nito kay
Diega.
"Hindi ko `yon sinadya, Joanna.
Nakita mong nadulas ako."
"Careless mo kasi, Diega. Dahil
sa nangyari, wala na akong pipiliin kung sino ang mas maganda sa inyong dalawa.
Nawala ang grace under pressure eh."
"Hindi `yon pwede Vin!"
Halos sabay na sabi ng dalawa.
"Pwede `yon!" giit niya.
"Hindi pwede `yon." muling
giit ni Joanna. "Ikaw kasing bakla ka," paninisi nito kay Diega.
"Kung hindi ka sana careless sana may napili na si Vin. Dapat ang titulo
na ibigay sa `yo, Miss Gay Lampa."
"Gaga! Miss Gay Lampa ang mukha
mo! Dapat sa `yo Miss Gay Inilublob ang Mukha sa Harina sa Kapal ng Make-up
mo."
Sumasakit na ang tiyan niya sa
kakatawa sa mga ito. Naluluha na siya dala ng sobrang tawa.
Natigil siya sa pagtawa. Ganundin
ang dalawang kaibigan sa pagbabangayan nang marinig nila ang galit na sigaw ng
kung sino.
"Hoy mga baklang mang-aagaw ng
lakas! Gabi na ang iingay n'yo pa! Ang iingay ng bunganga n'yo!
Nakakabulahaw!"
Sabay-sabay nilang tiningnan ang
pinanggalingan ng boses. Nasa hindi kalayuan iyon. Sa tapat ng tindahan ni Mang
Andeng. Tatlong lalaki ang magkakasama. Mukhang sa lalaking nasa gitna ang
nanigaw sa kanila. Hindi niya ito kilala. Bagong mukha. Nakakunot ang noo na
nakatingin sa kanila. Kahit na sa malayo ay litaw na litaw ang kagwapuhan ng
lalaki. Kapansin-pansin din ito dahil sa maputi ito.
Hindi nagsalita si Diega at Joanna.
Yumuko ang mga ito. Napahiya. Bagay na pinagtakhan niya dahil hindi ganoon ang
eksena kapag may naninigaw sa mga ito. Hinarap niya ang mga ito. May tanong sa
mata kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito.
"Bakit hindi kayo sumasagot?
`Wag n'yong sabihin sa `kin na nabahag na ang buntot n'yo?"
"Hindi nabahag ang buntot
namin, Vin," sabi ni Joanna. "Ayaw lang naming magsalita. Saka gusto
namin `to, napansin na kami ni Joen."
"Matagal na naming pangarap na
mapansin kami ng kagwapuhan niya kahit na sa anong paraan at kami ay
nagwagi," nagbibirong sabi ni Diega. Sinang-ayunan ang sinabi ni Joanna.
"Tingnan mo siya. Kahit na
nakakunot ang noo at matalim ang titig sa `tin, gwapo pa rin. Ang gwapo niya,
Vin," kinikilig na sabi ni Diega.
Tiningnan niya nang matalim ang mga
ito.
"Pwede ba? Umayos nga kayong
dalawa. Hinahamak na ang pagkatao natin, hahayaan n'yo na lang. Eh, ano naman
kung gwapo siya wala naman siyang respeto. Hinahamak niya ang pagkatao
natin!"
"`Yan tumahimik na rin ang mga
bakla!" Patutsada ng lalaki.
"Papatulan ko ang lalaking
`yan." Nanggigigil na sabi niya. Susugod na sana siya nang pigilan siya ng
dalawa.
"`Wag Vin. Alam namin na matapang
ka pero `wag mo na siyang patulan. Pakunswelo na lang namin na napansin niya
kami kahit na pang-iinsulto iyon."
"Bwisit kayo! Itatakwil ko
kayong kaibigan dahil sa ginagawa n'yo," pinandilatan niya ang mga ito.
"Bakla na nga tayo magpapa-api pa kayo. Okay lang na mapansin tayo pero
hindi sa ganoong paraan. HIndi negatibo. Ano bang nakita n'yo sa lalaking
bwisit na `yon!" Nilakasan niya ang huling mga salita. Sapat para marinig
ng gwapo pero bwisit at walang galang na lalaki.
"Anong sabi mo? Lalaking
sumasama sa mga bakla. Palibhasa bakla rin pala." Malakas na sabi ng
lalaki. Nagtawanan pa ang mga ito.
Hindi siya papasindak. "Bitiwan
n'yo akong dalawa," nanlilisik ang mata na sabi niya sa dalawang kaibigan.
"Bitiwan n'yo `ko kung ayaw n'yo na pati kayo masaktan," pananakot
niya. Kilala siya ng mga ito. Kung ano ang gusto niya ay dapat masunod lalo na
at galit pa siya. Agad naman siyang binitawan ng mga ito. Napansin siguro na
sagad na siya. Oo. Bakla sila pero dapat ay tratuhin sila ng tama.
Haharapin niya ang lalaki. Lumapit
siya sa kinaroroonan ng grupo nito. "Kailangan ko pa bang ulitin kung ano
ang sinabi ko? Sige. Bwisit ka! Akala mo kung sino kang gwapo, maputi ka lang
naman! Wala ka pang respeto sa mga katulad namin!"
Tiningnan siya nito ng masama.
"Gago kang bakla ka!'
"Gago ka rin!" HIndi
papatalong sigaw niya. Ayos na, eh. Ang ganda na ng mood niya kanina ngunit
nasira iyon dahil sa walang respeto na lalaking ito.
"Ano bang ipinagmamalaki mong
bakla ka? Ang paghigop ng lakas ng mga lalaki? Ang tapang rin ng apog mo na
sagot-sagutin ako, ah! Kilala mo ba kung sino ako, ah?"
"Hindi kita kilala. Wala akong
balak na kilalanin ka! Pero isa lang ang alam ko sa pinapakita mong ugali
ngayon. Wala kang respeto! Wala akong pakialam kung artista, pulitiko o
milyonaryo ka pa! Isa lang ang alam ko. Ang pangit ng ugali mo."
Tinulak siya ng lalaki. "Ayos
ka rin, no! Ano ba ang ipinagmamalaki mo?!"
"Marami! Kung iisa-isahin `ko
ang mga `yon baka abutin tayo ng umaga dito. Excuse me lang! Kahit bakla ako
hindi ako basta-basta pumapatol kung kani-kanino. Para sabihin ko sa `yo,
virgin pa ako. Hindi ko gagawin ang ganoon. Hindi ako papatol kung kani-kanino
at lalong-lalo hindi ako papatalo sa kalibugan! Kahit na bakla ako may dangal
ako! Inaalagaan ko ang pangalan ko. Lalaki ka lang at lalaki rin ako. Kung ano
ang kaya mong gawin magagawa ko. Ang kaibahan lang ay kilos babae ako! Kung
ikokompara ako sa `yo tiyak ko na malayo ang agwat natin sa isa't-isa. Sa taas
ako sa baba ka lang."
"Puro ka satsat na bakla ka.
Hindi daw pumapatol kung kani-kanino. Lokohin mo ang lelang mo! Bakla kayo!
Nabubuhay kayo dahil sa lakas na kinukuha n'yo sa katulad namin na
lalaking-lalaki. Mga desperado nga kayong makahanap ng dyo-dyowain n'yo.
Mga--"
Hindi na nito natapos ang sasabihin
pa sana nito. Sinampal niya ito ng ubod ng lakas.
"Wala kang alam sa `min. Wala
kang karapatan na pagsabihan kami ng kung anu-ano. Hindi mo kami kilala para
husgahan mo kami ng ganon-ganon na lang. Oo! Inaamin ko na may mga ganoon na
bakla pero huwag mong lahatin. Hindi ako katulad nila. Hindi ako gagapang para
lang mapansin at magkaroon ng lalaki. Hinding-hindi ko gagawin `yon!"
"Walanghiya ka! Anong karapatan
mong sampalin ako. Tang*** mo! Wala pang sumasampal sa `kin!"
Sinugod siya nito. Sinuntok siya
nito pero naiwasan niya iyon. Isa pang suntok at naiwasan niya ulit. Mabuti na
lang at mabilis ang reflexes niya. Hindi niya papipingasan ang mukha niya dito.
Iiwas siya at iiwas huwag lamang masuntok. Gaganti rin siya. Isa pang suntok
ang pinakawalan nito. Muli, naiwasan niya iyon. Nang makahanap siya ng
pagkakataon ay sinabunutan niya ito. Sinampal at kinurot. Sinuntok niya rin
ito. Nagpumiglas ang lalaki. Sumuntok ito ng sumuntok. Napa-aray siya nang
matamaan siya sa tiyan. Kahit na masakit ay hindi niya binitawan ang buhok
nito. Bagkus ay lalo pa iyong humigpit. Hindi siya papagapi. Hindi siya
papatalo dito.
Narinig niya ang pagpito ng
paparating na tanod. HIndi niya iyon pinansin. Gusto niyang ilabas ang buong
galit niya. Gusto niyang iparanas sa lalaking ito kung paano siya lumaban.
Hindi siya susuko. Mahuli na kung mahuli. Wala siyang pakialam!
Nagtakbuhan ang mga miron. Lumapit
sa kanya si Diega at Joanna para isama siya pero hindi siya sumunod. Walang nagawa
ang dalawa kundi ang tumakbo nang makita na malapit na ang mga tanod.
Mas lalo niyang diniinan ang
pagkakasabunot sa lalaki. Walang tigil rin ito sa pagsuntok sa hita niya.
Nakakaramdam na siya ng pagkamanhid sa hita dahil sa suntok nito. Pakiramdam niya
ay mas lalong lumalakas iyon.
Hanggang sa makalapit ang mga tanod
at paglayuin silang dalawa.
"Bwisit kang lalaki ka! Bwisit
ka!" sigaw niya. Nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang tanod sa kanya.
"Mas bwisit kang bakla ka! Ang
sakit ng pagkakasabunot mo sa `kin! Bwisit ka! Shit!"
"Shit ka rin! Gago!"
Nagpupumiglas siya. Ganundin ang
lalaki. Wala talagang magpapatalo sa kanila.
"Kailangang ipaglayo ang mga
ito," sabi ng isang tanod. "Sumakay kayo sa patrol car kasama `yan.
Sasakay na lang kami ng tricycle kasama `to. Magkita na lang tayo sa presinto.
Doon na natin i-diretso ang mga ito."
Pagkarinig ng presinto ay para
siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Kumalma siya. Biglang nawala ang galit at
napalitan ng pag-aalala. Makukulong siya! Bakit hindi muna siya nag-isip? Ano
na ang mangyayari sa kanya?
NAKAUPO
LAMANG SA ISANG SULOK ng kulungan si Vin. Tahimik at nagmamasid sa kanyang
paligid. Wala siyang kasama sa loob ng selda. Tila siya ang unang naging laman
niyon. Bago ang pintura at nangangamoy pa iyon.
Kung kanina ay hindi siya nakadama
ng takot habang nakikipag-basagan ng mukha sa lalaking nakaaway, ngayon ay
damang-dama na niya ang takot. Natatakot siya sa posibleng reaksyon ng lola
niya kapag nalaman nito ang sitwasyon na kinasusuungan niya. Bibigyan na naman
niya ito ng panibagong sakit ng ulo. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi
muna siya nag-isip bago gumawa ng aksyon. Sana ay hindi puntahan ng mga
kaibigan niya ang lola niya. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. Talagang tama
ang kasabihan na laging nasa huli ang pagsisisi.
Bumuntung hininga siya. Gusto niyang
sabunutan ang sarili sa pagpatol sa panlalait ng lalaking bwisit. Speaking of
lalaking bwisit. Nasa kabilang selda ito. Nakasandal sa pader, nakatingala at
tila kay lalim ng iniisip. Sayang, gwapo sana ito kaso lang ang sama ng ugali.
Hindi ito marunong rumespeto.
Siguro ay napansin nitong may
nakatingin dito. Tumingin ito sa kanya. Inirapan niya ito. Kahit sinisisi niya
ang sarili sa sitwasyon niya ngayon ay mas malamang ang paninisi niya dito.
Kung hindi sana ito nag-umpisa, sana ay walang gulo. Sana ay wala sila sa loob
ng selda. Mabuti at pinaghiwalay sila nito dahil kung hindi ay baka
nagrarambulan pa rin sila.
Tumayo ito at umupo sa tabi ng jail
bars na nagpagitan sa kanila.
"Anong pangalan mo?"
tanong nito.
"Wala akong pangalan!"
asik niya sa lalaki. Ang kapal naman ng mukha nito na kausapin siya. Kung
madaling nalimutan nito ang nangyari, siya ay hindi. Damang-dama pa rin niya
ang sakit at pang-iinsulto nito sa pagkatao niya. Matagal bago iyon mawala sa
sistema niya.
Bumuntung-hininga ito. "I'm
sorry."
Nabigla siya sa sinabi nito.
Nakakabigla ang pagpapakumbabang pinapakita nito. Ibang-iba sa lalaking
nakaaway niya kanina ang ipinapakita nito ngayon.
"I'm Joen," pagpapakilala
nito sa sarili.
Hindi siya umimik.
"Alam kong ako ang mali kaya
ako na ang humihingi ng sorry sa `yo. Pasensya ka na sa mga ginawa ko. Pasensya
na sa panghahamak na sinabi ko sa mga katulad mo, sa `yo."
"Sana naisip mo `yan kanina."
Narinig niya ang malalim nitong
paghinga. "I'm really sorry, I'm really am. May problema lang kasi ako.
Dahil sa mga katulad n'yo ang problema ko ay sa inyo ko `yon naibaling. Nairita
kasi ako sa kaingayan n'yo. Umalis ako sa bahay dahil ayaw kong makakita ng mga
katulad n'yo pero nandoon kayo. Bumangon ang inis ko at sa inyo ko `yon
naibuhos. May masama kasi akong experience sa mg katulad ng kasama mo. Muntikan
na akong ma-harass ng mga kasama mo kanina."
Bahagya siyang nagulat sa sinabi
nito. Hindi naman nakakapagtaka na matipuhan ito ng mga bakla dahil sa hitsura
nito. May pinaghuhugutan ang lalaki. At dahil sila ang nandoon at parang
nakikita nito kina Diega at Joanna ang baklang muntikan na itong
pagsamantalahan ay sa kanila nabaling ang galit nito. Pero kahit na ganoon,
sana ay naisip muna nito na hindi lahat ng katulad niya ay mapagsamantala.
"`Wag mong lahatin ang mga
katulad ko. Para sabihin ko sa `yo wala akong katulad. Magkakamukha ba ang mga
katulad namin at sa amin mo ibinunton ang galit mo? Duh! Kahit na ganito kami,
magkakaiba ang personality namin. Sana naisip mo muna `yon. Wala kang karapatan
na husgahan kami at pagsabihan ng masama dahil sa nagkaroon ka ng masamang
karanasan sa mga kauri ko. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kung ikakasama ko.
Hindi nakadepende ang buhay ko sa mga lalaking katulad mo. May sarili akong
buhay at never kong ibababa ang sarili ko para mapansin lang ng mga katulad
mo."
Yumuko ito ngunit hindi rin
nagtagal. Sinalubong nito ang tingin niya at nginitian siya.
"I know. Sa mga ipinakita mo at
sa sinasabi mo, nakikita ko na hindi ka katulad nila. You're not the typical
gay that people often see. You're different, inside and out."
"I accept that as a compliment.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay nabura na ang ginawa mong panununtok sa
`kin."
"Amanos na tayo. Ikaw pa lang
ang nakakasampal sa `kin, kung hindi mo naitatanong. Anong pangalan mo?"
tanong nito ulit.
"Vin," sabi niya.
"Can we be friends?"
Nag-aalangan na tanong nito.
Tumaas ang kanang kilay niya.
"Friends? Anong naisip mo at inalok mo ako na maging kaibigan mo
pagkatapos ng nangyari."
Bumagsak ang balikat nito. Nawala
ang ngiti sa labi. Tila natalo sa laban.
"Hindi ba pwedeng kalimutan na
natin ang nangyari? Sa mga nakita at narinig ko mula sa `yo, there's a feeling
that I should befriend you. `Pag naging kaibigan kita parang dadaan ako sa
matuwid na daan."
"Huh? Okay ka lang? Joker ka
pala, infairness hindi halata."
"Okay lang ako. I'm serious
about befriending you."
Magsasalita sana siya nang dumating
ang isang pulis. "Castillo, pwede ka nang lumabas," anunsyo nito.
In-unlock nito ang kandado at binuksan ang pintuan. Lumabas si Joen. Pagkalabas
nito ay tiningnan siya nito.
"Seryoso ako na maging kaibigan
ka," anito saka sumama sa pulis.
Nang makaalis ang mga ito ay
isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad. Ayaw niyang umiyak pero hindi niya
mapigilan ang sarili. Naaawa siya sa sarili. Tiyak niya na aabutin siya ng
umaga sa loob ng selda. Isang araw siyang ma-de-detain dahil sa gulo na ginawa
niya. Mabuti pa si Joen, nakalabas na.
Pinunasan niya ang luhang naglandas
sa pisngi niya nang marinig na may paparating. Inangat niya ang paningin.
"Ilagan, pwede ka nang
lumabas."
Nabuhay ang kanyang dugo. Biglang
nawala ang lumbay sa nasa dibdib niya. Sino ang magpapalabas sa kanya? Excited
siyang tumayo at hinintay ang pagbukas ng pintuan. Nang mabuksan niya iyon ay
agad siyang lumabas.
"Salamat po," nagagalak na
pasasalamat niya sa police. Kung sino man ang nagpalabas sa kanya ay mayayakap
niya ito nang mahigpit. Malawak siyang napangiti.
"Sino po ang nagpalabas sa
`kin?"
"Ako."
Sabay silang napatingin ng pulis sa
nagsalita. Nawala ang kanyang ngiti nang makita kung sino ang taong iyon. Si
Joen!
HINDI
MAKAPANIWALA SI Vin na ang lalaking nakaaway niya ang siyang magliligtas sa
kanya. Sa kamiserablehan na nadarama niya kanina. Kaaway niya ito ngunit nagawa
nitong tulungan siya. Bumabawi ba ito sa nagawa nito? O seryoso talaga ito na
maging kaibigan niya kaya siya pinalabas? O parehas? Napatingin siya kay Joen.
Kaagapay niya ito sa paglalakad palabas ng police station. Nauuna sa kanila ang
driver nito na siyang sumundo dito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa
lalaki. Nahihiya siya dito. Nahihiya siya sa kagaspangan ng ugali na pinakita
niya dito. Nahihiya siya sa pagpapakumbabang ipinakita nito. At huli ay
nahihiya siya sa sarili.
Aaminin niyang may konti pang galit
ang namumuo sa dibdib niya ngunit natatakpan na iyon ng hiya at pasasalamat kay
Joen. Ano ba ang mayroon sa araw na ito? Tatlong estrangherong lalaki ang
nakilala niya sa loob lamang ng isang araw. At pakiramdam niya ay magiging
bahagi ng kanyang buhay. Tatlong lalaki na iba't-iba ang personalidad. Tatlong
lalaki na lahat ay gwapo.
Una, si Mack. Ang gwapong tsinito na
si Mack.
Pangalawa, si Nick, gwapo rin ang
lalaki at pinoy na pinoy ang kulay. Moreno.
Pangatlo, si Joen. Ang barumbado at
mestisong si Joen. Maganda ang pares ng mata ni Joen. Hazel brown ang kulay.
Maputi ito at parang may lahing kastila.
At isa ang naging silbi ng mga ito
sa kanya. They served as his saviour. Sa iba't ibang paraan ay naging
tagapagligtas niya ang mga ito. Si Mack na nanlibre at nautangan niya. Si Nick
na isinauli ang pitaka at picture niya kahit wala ng laman. Si Joen na nakaaway
niya pero sa huli ay naging tagapagligtas niya dahil sa pagpapalabas nito sa
kanya.
Nang makarating sila sa nakaparada
nitong kotse ay natigilan si Vin.
"Sumabay ka na sa `kin.
Ihahatid na kita sa inyo," anito. It's not a request but a command. Tila
hindi tatanggap ng hindi na sagot.
Hindi siya sumagot. Pinagbuksan siya
nito ng pintuan ng kotse. Hindi siya kumilos.
"Sumabay ka na sa `kin. Don't
worry, Vin, hindi ako nangangagat. Sumabay ka na sa `kin."
"A-ayoko," nauutal na
tanggi niya. At last he found his voice.
Narinig niya ang pagbuntung-hininga
nito. Hinawakan nito ang braso niya at pilit siyang pinasakay sa kotse.
Magpupumiglas sana siya nang magsalita ito.
"Ano ang gusto mo? Sasabay ka
sa `kin o ibabalik kita sa loob?
Mas gusto niya ang sumabay dito
kaysa ang bumalik sa loob pero hindi siya sasabay sa lalaki. Wala siyang
pipiliin sa choices na binigay nito.
"Ano ba `yan? Bakit ang tagal
mong sumagot, Vin? Nawala ba ang dila mo?" nayayamot na sabi nito.
"Wala. Wala akong pipiliin sa
choices mo. Kaya kong umuwi nang mag-isa. Salamat sa pagpapalabas mo sa `kin.
Sa-salamat na lang sa generosity mo."
"Ayts. Bakit ba ang tigas ng
ulo mo? Sinabi ko `di bang gusto kitang maging kaibigan. Kaya nga ako gumagawa
ng effort na tulungan ka. You can't make your own option, Vin, choose between
the two choices I gave."
"`Wag ka nang makulit. Oo na
pwede na tayong maging kaibigan pero kaya kong umuwi ng mag-isa. Salamat na
lang."
"I don't accept 'no' as an
answer. Sa ayaw at sa gusto mo ay ihahatid na kita. Sasabay ka sa `kin,"
asar na sabi nito
"Bitiwan mo nga ang kamay
ko," asar na sabi niya.
"Ang arte mo. Hindi ka naman
babae."
Tiningnan niya ito ng masama.
"Alam ko. Hindi ako babae, bakla ako. Bakit babae lang ba ang may
karapatan na mag-inarte?"
"Eh.. hi-hindi naman," nauutal na
sagot nito.
"Hindi naman pala. So, hayaan
mo na akong umuwi na mag-isa. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa malapit lang ang
bahay ko dito. Tama na ang isang tulong na galing sa `yo."
"Masyado ka namang
matigas," sabi nito.
"Ano ang ibig mong sabihin
d'un?"
"`Di ba ang mga kagaya mo dapat
ay malambot? Bakit ikaw hindi?"
"Eh, sa iba ako eh. Iba ako sa
kanila."
"Bakit `yung ibang katulad mo
sila pa ang lumalapit sa `kin. Don't you know that it is a privilige having me
as a friend."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Sa
kanila ka makipagkaibigan, `wag sa `kin. Ang yabang mo."
"Hindi ako nagyayabang. I'm
stating a fact here, Vin."
"Whatever. Tunog mayabang pa
rin."
"Sumabay ka na sa `kin,"
pamimilit ulit nito.
"Sir Joen, tumawag na po ang
daddy n'yo. umuwi na daw tayo," singit ng driver nito. Pareho silang
napatingin dito saka tiningnan ang isa't-isa.
"Umuwi ka na, Joen. `Wag ka
nang mapilit. Hindi ako sasabay sa inyo."
"Let's see, Vin,"
nakangising sabi nito saka bumaling ulit sa driver. Tinawag nito iyon. Lumapit
kay Joen at may ibinulong dito ang lalaki.
Lumapit sa kanya ang driver.
"Sir, sabi ni Sir Joen kapag hindi daw kayo sumakay, buhatin ko daw po
kayo."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi
nito. Hinarap niya si Joen. "Umayos ka nga!" sigaw niya rito.
"Porke't hindi mo madaan sa maayos na paraan. Dadaanin mo sa paspasan.
Ayos ka rin na lalaki ka, noh?"
"You made me do that. Ang arte
mo kasi. Ano na ang gusto mo? Ang buhatin ka ni Jojo o ang sumakay ka ng kusa
sa kotse?"
"Paano kapag sinabi kong hindi
pa rin ako sasabay?"
"Then you leave me no
choice," anito saka lumapit sa kanya at binuhat siya na parang ang
gaan-gaan niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod at manahimik sa tabi sa
loob ng kotse.
"Saan ka pala nakatira?"
usisa ni Joen sa kanya. Katabi niya itong nakaupo sa likurang upuan ng kotse.
Ang buong akala niya ay uupo ito sa tabi ng driver ngunit nagkamali siya. Kung
ito ay kampanteng nakaupo kabaliktaran siya. Wala naman siyang karapatan na magreklamo
dahil ito ang may-ari ng kotse. Kahit hindi siya mapakali at nangingitngit pa
rin siya sa pamimilit ng lalaki sa kanya ay pilit niyang pinapakalma ang
sarili. Isa pa ay nahihiya at kinakabahan rin siya sa presensiya nito. Mas
matimbang ang huling dalawang emosyon sa kanya. Hindi lang niya iyon sinasabi
at ipinapakita dito.
Sinabi niya rito ang lugar kung saan
siya nakatira. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamahabang biyahe niya kahit
na kaunting minuto lang iyon. Nang nasa street na sila kung saan siya nakatira
ay itinuro niya kay Jojo ang bahay nila. Nang huminto ang kotse sa tapat ng
bahay nila ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwang. At last! Matatapos na
rin ang kaba at hiya na kanina pa niya nararamdaman.
Bubuksan na sana niya ang pintuan ng
kotse nang pigilan siya ni Joen. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa
wrist niya, sunod sa mukha nito. Nagtama ang paningin nila. Nag-iwas siya ng
tingin. Hindi niya kayang salubungin ang titig ng kulay hazel brown nitong mata
na nangungusap kung tumingin.
"Bababa na `ko," imporma
niya rito para bitiwan siya.
"Mamaya na. I have something to
tell."
"A-ano `yon?"
"Unang-una, humihingi ulit ako
ng paumanhin sa nangyari sa `tin kanina. Sa maniwala ka man o hindi talagang
nagsisisi ako. Ako ang may kasalanan kung bakit tayo nakulong pansamantala. I'm
sorry sa maling perception ko sa `yo, sa mga katulad mo. Sa mga sinabi mo at
ipinakita mo sa `kin, tama ka, iba ka sa kanila, ibang-iba ka. That's why I'm
making an effort to help you. Kaya ako nagkusa na palabasin ka sa presinto. Sa
iyon gusto kong ipakita sa `yo na nagsisisi talaga ako sa nangyari. Sana
mapatawad mo ako. Sana kahit huli maging magkaibigan tayo."
"Naiintindihan ko," sabi
niya. Hindi niya inaasahan na hihingi ito ng paumanhin sa kanya sa huling
pagkakataon. Ang saya lang na sa kabila ng marahas na pag-uugali nito ay
marunong itong magpakumbaba. Siya tuloy ang nahiya sa sarili niya. "I'm
sorry. Sorry rin sa mga nasabi ko. Pwedeng pakibitawan na ang pulsuhan ko.
Lalabas na ako."
"I'm sorry," paumanhin
nito na parang hindi alam na hawak ang pulsuhan niya. Binitawan nito iyon.
Akmang bubuksan na niya ang pintuan
nang muli siya nitong pigilan.
"Wait."
"Bakit na naman?"
"Can I have your number?"
Nahihiyang sabi nito. Hindi makatingin nang diretso sa kanya. Lihim siyang
napangiti. Ang gwapo ng lalaking ito. Kung hindi lang ito straight iisipin niya
na may gusto ito sa kanya. Lihim niyang pinagtawanan ang sarili sa naisip.
Kailan pa ba siyang naging assuming at feelingero.
Ngayon lang.
"Pwede, Vin."
He started dictating his number.
Agad naman nitong i-si-nave iyon sa cellphone nito. "Okay na.
Salamat."
"Walang anuman," aniya.
"Tatawagan kita," anito.
Narinig niya ang pag-ring ng cellphone niya. Isang satisfied na ngiti ang
pinakawalan nito. "I'm really serious of having you as a friend, Vin.
Expect me to call you later."
"`Di ba homophobic ka?"
Kumunot ang noo nito.
"Homophobic? Kung homophobic ako sana hindi kita kinakausap. Sana hindi ko
hiningi ang numero mo."
"Pero ang mga action mo
nagsasabi ng ganoon."
"Make sense, Vin. Kung ganoon
ako sana hindi kita kinakausap. I'm not homophobic. Aaminin ko may galit ako sa
mga katulad mo pero hindi sa `yo. You're different, Vin. Don't judge me this
soon. Kung hindi mo naitatanong may dalawa akong pinsan na bisexual."
Na-curious
siya sa huling sinabi nito pero hindi siya nag-usisa."Whatever."
Tanging nasabi niya.
yey...first.. hahaaha
ReplyDeletebabasahin ko muna author..
jihi ng pampanga
ahhhhh.. taklo na sila author..haahahaa..
ReplyDeletewahhh late nako sa duty pero satisfied ako... hahahaa
goood morning pla.. update update update..ahhaaaa
jihi
Good aftie.. pagabi na pala.. tatlo na nga sila at `yong pangatlo ang alam mo na niya. ^^
Deletekelan po update? haahaa.. ang kulits ko lungs po..hahaaa
Deletesarrrehh author
jihi
nai-pass ko na `yong limang chapters ng story na `to. Basta next week po meron ulit update. ^^
DeleteMr. Author, bakit ini-spoil mo agad yun. Haha. Anyways, may hula na rin naman ako ron dahil sa chapter na to. Enemies to lovers pala ang plot huh? Haha! Thanks for the update! Til next time po!
Delete-- Rye Evangelista
Rye Evangelista. Ayos na `yon. May big scret behind pa naman kung bakit eh..
Deletenice story naman author ... continue to make the story wonderful haha KUDOS for u !!!
ReplyDeleteKRVT61
KRVT61.. :) hahaha.. salamat dahil para sa`yo wonderful ang story. .
DeleteMaganda ang stlry pero bawas bawas naman ang kaarrehan ni bakla, maartd na nga wala pang utang na loob. Makikipagkaibigan lang kala mo naman hihingin kamay nya sa kasal kung makapaginarte.
ReplyDeleteNatapos ko na ang hanggang chapter 5 nito nang mapansin ko na nasobrahan nga sa kaartehan ang protagonist ng story.
DeleteHayaan mo na. Pahihirapan ko naman siya (evil laugh)^^
Hanggang sa last ata maarte siya. Alamin na lang natin kung bakit.
^^
Kuya Anon.. sa susunod na comment mo po, pakilala ka po, ah. Babatiin kita. ^^
Deletewow ang ganda nang story hindi ko namalayan tapos na pala hehehehe pls update agad
ReplyDeletePush na ang next update nito please,,,,kakatuwa
ReplyDeleteBruneiyuki214
Nice chapter po mr. author.. nalilito lito lng aq minsan sa pagbabasa kc sa POV pero carry lng.. hahaha.. waiting for your next update.. :)) tnx po.. aus nga ung bida ang tapang tapang.. hehehe .
ReplyDelete-joma
ay pasensy na po..Third person po kasi ang ginamit ko dito. Pang pocketbook lang ang peg. ^^
Deletesinadya ko na maging matapang ang bida natin pero sa kabila ng katapangan niya may sekreto siya na malalaman natin sa mga paparating na chapters. At sana ay mapanindigan ko `yong sekreto na `yon. hahaaha..
pasensya na kung confusing ang POV. Third person po kasi ang ginamit ko dito.
DeleteMay liker at hater pala ang attitude ng bida ..
oo nga po, pero ok lng po kc nacmulan mo na po tapos maganda namn ung takbo ng story.. and tnx rin po kc nagrereach-out ka po sa iyong mga readers.. more power sau mr. author :))
Delete-joma
Salamat po kuya.. bago ako mag-submit dito nagtanong muna ako sa kinauukulan kung pwede ang third person POV. Pwede naman at doon kasi ako komportable. Nakasanayan lang..
DeleteAbout reaching out to the readers? Ganoon ata talaga kapag wala kang ibang ginagawa kundi ang tumunganga. Bummer kasi ako. And I'm not proud of it.. hahaha
ganda ng bida
ReplyDeletehaba ng hair sa kanya na ang korona
haha.. hindi siya maganda. Malalaman natin sa susunod na chapter kung ano ang hitsura niya. Malalaman rin natin sa susunod na chapters kung bakit connected sa isa't-isa ang dalawang bida.
DeleteSpeaking of 'haba ng hair sa `yo na ang korona' may kakanta niyan.. hahaha.. pahingi ng lyrics. ^^
DeleteMag pi2nsan cguro yung tatlo :))
ReplyDeletesorry kay vin medyo hindi maganda ang ugali nya kung ito man ay nasa totoong nangyayari realidad na situation. mapang mataas. sowri talga
ReplyDelete