Rainbow's End
By: Elocihn23
Author's Note,
Hello po sa lahat ng ka MSOB! First of all, I would like to thank this blog for giving me the opportunity to post my story. Newbie writer lang po ako and this is the first time that I'm going to write a story xD Expect it to be faulty but please bear with me :-) I am very eager to learn po so your comments and critique would be highly appreciated. Thank you very much po and more power!
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Chapter 1 : Ray of Hope
Kasabay sa pagbuhos ng ulan ay ang ang pag-agos ng aking luha mula sa aking namumugtong mga mata. Hindi ko alintana ang lakas ng pagbagsak at ang malamig na hanging kaagapay nito. Wala na atang natitirang espasyo sa aking dibdib kundi ang namamayaning kalungkutan at hinagpis na aking nararamdaman.
"What have I done?" "Ang tanga tanga mo talaga!" Ito lamang ang paulit ulit kong nasambit sa aking sarili habang binabagtas ko ang kalsada. Patay malisya na lamang ako sa mga nagtatanong na mga matang nakatutok sa akin.
Basang basa ang aking katawan. Nararamdaman ko ang kakaibang lamig na tila boltaheng gumagapang sa aking kabuuhan. Pumara at sumakay ako ng jeep ngunit walang tiyak na paroroonan.
Baliktanaw...
Bukas ay aalis na ang aking matalik na kaibigang si Trev. Magmimigrate na kasi sila sa States kasama ang buo niyang pamilya. Matagal na namin itong napaguusapan kaya't hindi na bago sakin ang balita. Gayunpaman kakaibang kirot sa puso ang hatid ng katotohanang ito sa akin. Oo, tama kayo mga ka becks xD, in love nga ako sa aking pare. Matagal ko na itong tinatago sa kaniya. Base kasi sa pagkakakilala ko sa kaniya ay may pagkahomophobe siya. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa kaya't pinili ko na lamang na manahimik.
Ako si Clyde. Isang incoming college student. Isang discreet bisexual. Oo mga atii, isa po akong durog na paminta sa loob ng kitchen cabinet :-) .
Inaya akong mag sleepover ni Trev. Para na rin daw itong farewell get together naming dalawa. Naglaro kami ng xbox, nagmovie marathon, at kumain ng parang wala nang bukas. We tried our best na hindi ma brought up pa ang topic ng kanilang pag-alis, nang sa ganun ay hindi din maging malungkot ang atmosphere kahit ngayong gabi man lamang. Maya maya ay inaya na akog matulog ni Trev. Marahil ay napagod na ito sa lahat ng aming mga pinag gagagawa. Nagpaalam muna ako sa kaniya para maligo. Medyo maalinsangan kasi at pakiramdam ko'y nagbabadya ang pagbuhos ng ulan.
Hiniram ko ang tuwalya ni Trev at kinuha sa aking bag ang baon kong t-shirt, undies at shorts. Habang nag shoshower hindi ko napigilan ang maluha. Bukas kasi ay mawawala na sa pilng ko ang aking pinakamamahal na kaibigan. Hindi ko alam kung babalik pa ba ito o ito na ang huli naming pagkakasama. Hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang aking tunay na saloobin. Haaay, napakahirap talagang mabuhay ng nagkukubli.
Tinapos ko na ang aking pagsesentimyento sa banyo at nagbihis na. Nadatnan ko sa sala si tita Michat Tito Rob, ang parents ni Trev, na nagaayos ng mga gamit na dadalhin nila para bukas.
"Oh Clyde kumain ka na ba ng dinner?" Taning sa akin ni tita Mitch.
"Ah, opo tita, dun na kami kumain sa room ni Trev."
"Naku, pasensya na at hindi ko na kayo naasikaso pa, busy lang kasi talaga." Pag eexplain nito.
"Ah, wala po yun, okay lang po ako." "Sige po tito, tita, magpapahinga na po ako."
"Sige iho, rest well, I know this is hard for you pero thank you for understanding." Tugon sa akin ni tito Rob.
"Walang ano man po, I want what is best naman po para sa bestfriend ko." Ang wala sa loob kong sagot."
"Thanks Clyde." Si tita Mitch.
Bumalik na ako sa kuwarto ni Trev at nadatnan ko siyang nakahiga sa kaniyang kama, nakatingin sa kisame at tila may malalim na iniisip. Kinuha ko na ang comforter sa kaniyang cabinet dahil nakasanyan ko nang sa sahig matulog kapag nandito ako. Maluwang naman ang kama ni Trev at kasiyang kasiya kaming dalawa. Sadyang hindi lang talaga siya at ease na may katabing lalaki. Aktong maglalatag ako ng tawagin ako ni Trev.
"Clyde, gusto mo bang tabi na tayo matulog?"
Medyo natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hindi agad ako nakasagot.
"Sige na best, last day na naman natin tong magkasama, okay lang sakin promise." Ang nakapout pa niyang request at pinigilan ko na lang ang sariling matawa dahil talaga namang napakacute niya.
"Hmmmm, okay." Ang tugon ko.
Lihim akong natuwa sa sinabi niya sakin. Kahit papaano'y medyo nabawasan ang lungkot ko. Tumabi ako sa kaniya at nagpaalam na para matulog. Bumaling ako patalikod sa kaniya. Hindi pa din nagsisink in sakin ang katotohanang bukas ay aalis na si Trev. Pakiramdam ko'y sasabog ang dibdib ko.
Tuluyang kumawala ang kinikimkikm kong emosyon. Umagos ang luhang dulot ng aking kalungkutang nadarama. Guilt, pagsisisi, panghihinayang, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang aking nararamdaman. Pinakiramdaman ko si Trev. Pakiramdam ko ay tulog na ito kaya naman pinilit ko na ding ipikit ang aking mga mata.
isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas pero gising na gising pa din ang diwa ko. Mag aalas dos na pala ng umaga. Natuyo na ang luha sa kaninang basa kong unan. Pumihit ako paharap kay Trev. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng kaniyang maamong mukha. Hinawi ko ang kaniyang semi long hair na nakaharang sa kaniyang mga mata.
Napatingin ako sa kaniyang maoupulang labi. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. I can not explain pero I had the urge to kiss his lips. (Libog hormones activated xD) Tila may sariling isip na kumilos ang aking katawan. I slowly inched my self closer towards him. Ilang sentimetro na lang ang layo ko sa kaniya hanggang sa tuluyan ko nang nailapat ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko ang kakaibang lambot nun at ang init na naidulot nun sa akin. I closed my eyes as I savor the moment. (Siyempre chance ko na to mga atii xD)
Pagkamulat ko ay nanlamig ang aking buong pagkatao. Ang inaakala ko noon na natutulog nang si Trev ay gising pa pala at kasalukuyan kaming magkatinginan sa mata. (Shit! I'm dead for sure >_>)
Agad akong kumalas ngunit hindi sapat ang distansiya kong nagawa sa lagitan namung dalawa. Isang malaks na suntok ang tumama sa aking mukha. Agad kong naramdaman ang pamamanhid ng aking panga at nalasahan ang dugo mula sa aking labi.
Tiningnan ko si Trev. Bakas sa kaniyang mukha galit, pagtataka at pagkabigla.
"GET OUT OF HERE! I TRUSTED YOU! FAGGOT!" Ang galit na bulalas niya sakin.
"Trev...Let me ex..plain."
"Hindi mo ba ako narinig?! I said get out of my fucking room!"
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Mixed emotions ang aking naramdaman. Ang sakit. Talaga namang tagos sa puso't laman ko ang bawat salitang binitiwan niya.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak...Dahan dahan akomg umatras...Kinuha ko ang aking bag then i stormed out of his house. Hindi ko lubos maisip ang naging bunga ng aking kapangahasan.
Trev's point of view...
Nagulat ako, nabigla. Hindi ko sukat akalaing ang napakatagal ko nang bestfriend na si Clyde ay may pagtinginsa akin.
Ang aking pagkahomophobe ay dulot ng isang traumatic experience noong bata pa ako. Minolestsa kasi ako ng aking lalaking teacher noong elementary pa lamang ako at talaga namang natrauma ako sa experience na iyon.
Natauhan lamang ako ng buong buo ng nakalabas na si Clyde sa bahay namin. I think what I did was too much. I shouldn't have said those harsh words...sa bestfriend ko pa...
I was more of shocked than mad. Hindi ko intensyong saktan siya at ako mismo ay nasasaktan dahil alam kong he is in pain right now. Clyde has a special place in my heart. I myself is confused pero alam kong mali ito.
Kinuha ko ang aking phone and I called him. Lalo akong nagalala dahil ayaw niya itong sagutin. Kaunting oras na lamang at aalis na ang aking family papuntang States at ayaw kong maghiwalay kaming dalawa ng ganito.
"Clyde..." I tried to call out for his name but i knew that he would not hear me anymore.
Nahiga akong muli sa aking kama habang pinagninilayan ang lahat ng mga nangyari. My mind was so full of thoughts at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Clyde's point of view...
Pumara na lang ako nang marating ko na ang aming subdivision. Nang nasa bahay na ako, I ooened my bag and get my spare key. Dahil paminsan minsan ay walang tao sa aming bahay, pinagawan ako ng mama ko ng duplicate key para makaalis ako at makauwi whenever I want to.
It was 5 in the morning at alam kong maya maya lamang ay aalis na si Trev. I rushed to my room and locked the door. Hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hinipo ko ang aking duguang labi at muli na namang dumaloy ang aking luha.
I picked my bag and searched for my phone. Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang missed call mula kay Trev. I hesitated to call him. Tinext ko na lamang siya.
"Trev, I'm so sorry kung naglihim ako sayo. I did not mean to hurt you. Matagal ko nang na realize na you're extra ordinarily special here in my heart. I just wanted to say that my feelings for you are real. Mahal kita Trev nang higit pa sa isang kaibigan. Sana ay mapatawad mo ako bago ka man lang umalis dito sa Pilpinas. I love you Trev, please forgive me..."
I pressed send at naghope na basahin niya man lang sana ito..
I felt so heavy that time. If only i could turn back time..Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa mga nangyari. Nahimbing ako nang may baon baong bigat sa aking dibdib, nakatulog akong iniisip na bukas ay wala na ang matalik kong kaibigan. (Super emotero hormones activated xD teardrops on my pillow lang ang peg.)
Kinaumagahan...
Nagising ako sa kaunting kirot na nararamdaman ko aking ulo at panga. Pagtingin ko sa bintana'y ganun na lamang ang aking pagka dismaya. Mataas na ang araw at batid kong nakaalis na sila Trev. Ibayong kirot na naman sa aking puso ang dulot ng katotohanang hindi kami nagkaroon ng maayos na closure bago man lamang sana sila umalis. Pakiramdam ko'y may nagawa akong isang napakabigat na kasalanan at wala nang pagkakataon pa na ito ay magkaroon pa ng kapatawaran.
Bumangon ako at pumunta sa c.r. para magfreshen up. I checked my phone for any messages pero wala akong nakita. Alas nuebe imedya na samantalang alas siyete naman ang flight nila Trev. Nagbihis ako at nagpasiyang puntahan ang bahay nila. Alam kong wala na sila doon pero gusto ko pa ding pumunta. Gusto kong ikintal muli sa aking isipan ang lugar kung saan ko siya unang nakita, unang nakilala, unang naging kaibigan.
Kinuha ko ang susi ng motor ko at pinaharurot ko na ito. At around 15 minutes ay nasa tapat na akonng bahay nila Trev. Bakas sa hitsura at ayos nito na wala nang nakatira. Naka padlock ang maindoor nito. Nakasara ang lahat ng bintana at nakatabon ang lahat ng kurtina. Wala na din ang kotse nila dito.
Hindi ko na napigilan ang aking kinikimkim na emosyon at tuluyan na ngang kumawala ang mapait kong luha. Nasa kalagitnaan ako ng pagsesenti nang lapitan ako ng isang matanda. Mayroon siyang sinabi.
"Iho, huwag ka nang lumuha pa. Maging matatag ka sapagkat ang gantimpalay napapasakamay lamang nang mga taong marunong mag antay. Parang pot of gold lang yan sa dulo ng rainbow, makikita mo lamang ito kapag humupa na ang ulan. Magpakalakas ka, tibayan mo yang dibdib mo. Oh sige apo mauna na ako. Mag iingat ka sana."
"Teka lang la..." nagulat na lamang ako ng maglaho siya sa akingnpaningin at di ko na nasundan pa. Hindi ko naman mapagkakailang napagaan ng kaniyang mga salita ang aking hapis na kalooban. "Parang pot of gold lang yan sa dulo ng rainbow, makikita mo lamang ito kapag humupa na ang ulan." Tumatak sakin ang mga salitang iyon ni lola.
(Siguroy siya ang fairy god mother in disguise ko, choooosss xD okay balik na sa story haha.)
So lumapit ako sa pinto nila then I saw something familliar. Stones arranged in a distinct pattern.
"Trev!" Ang naisigaw na lamang ng aking isipan.
Ganito kasi yung style niya kapag may pinapahanap siya sakin para isurprise ako. Naalala kong last niya iting ginawa noong last birthday ko. Medyo kakaiba din kasi ang taste nun may pagkasentimental na tao. Sinundan ko ang guiding rocks. Unting liko pa at hinatid ako nito sa isang glass bottle na may nakaroll na paper sa loob. I lifted the bottle and opened it. I carefully unrolled it at binasa ko. Hindi ko mapigilang ngumiti...
Eto ang laman ng sulat...
Clyde,
I know that by the time na mabasa mo itong sulat na ito'y nakaalis na ko papuntang States. Gusto ko sanang humingi ng sorry sayo. Im sorry kasi hindi kita binigyan ng chance to explain yourself and for pushing you away. Alam kong medyo naging unfair ako pero ikaw naman kasi eh, bakit mo itinago sakin yan. Tapos ngayong magkakahiwalay na tayo saka ko lang malalaman, haaay. Gusto ko lang sabihin sayo na I was just shocked at hindi naman talaga ako ganun kagalit. Alam mo naman siguro kung anong napagdaanan ko noon diba? Gusto ko lang sabihin na tanggap kita kahit ano ka pa dahil ikaw ang bestfriend ko :-) Pag iisipan ko pa itong mga nangyari sa atin, ayaw kong magsalita ng tapos dahil alam kong special ka din sa puso ko. But ang masasabi ko lang ngayon is I am not reafy for any commitment...Pero ewan ko lang kung maantay mo pa ako, I'll be back best. Sorry talaga. Take care and keep in touch !
Trev...
Parang tanga lang akong nagtatatalon sa tuwa. Di ko ma explain yung sayang nararamdaman ko. Sayang dulot sa akin ng pinakamamahal kong bestfriend, sayang hindi ko alam na babawiin din pala ng kapalaran.
Umuwi ako sa bahay at agad na naglog in sa facebook account ko. Agad kong minessage si Trev hoping na mabasa niya ito when he get there.
"I will wait fot you Trev." Bulong ko sa sarili.
Natapos ang araw na iyon na puro pagpapantasya lamang ang ginawa ko. Dinasal kong sa pagtulog ko ay mapanaginipan ko si Trev at para kahit doon lamang ay makasama ko siya...
itutuloy...
nice story po.. keep up the good work...
ReplyDeletejm
Bitin ang ikli naman
ReplyDeleteIsa na yata ako sa walang sawang magbasa dto sa MSOB..araw2 may bagong stories at writer na sumisibol :))
ReplyDeleteTLW
START OVER
CAN'T WE TRY
A LOVE IS AN ISLAND
RAINBOW'S END
Lhat kyo promising. ...continue to give us good stories :))
Congrats !!
Uy.. magaling rin to!
ReplyDeleteInteresting ang story .
-vin :-)
pa sensya na po kung medyo maikli. Kinakapa ko pa po kasi kung gano talaga dapat kahaba xD thank you po :))
ReplyDeleteElocihn23
Maganda ang umpisa ng story...Keep it up...
ReplyDeleteMagaling. Medyo predictable lng ung magiging takbo ng story. Aasa nlng ako sa mga twists na magpapaiba ng takbo ng story mo. But don't worry, it is far from being boring. More than just good, bro. -bing
ReplyDeletethank you po . i'll try my hardest para mabgyan ng magandang twist ang story :))
ReplyDeleteelocihn23
Maayos naman po ang Flow ng story kaso wag mong pagdikit-dikitin i mean damihan mo ang pagawa ng mga at isa pa kung gusto mong gumanda ang iyong story wag kang maglagay ng SIDE COMMENT sa iyong storya Please lang.. Yun lang Thanks!
ReplyDelete~Yeorim