FATED ENCOUNTER
By: Vienne
CHAPTER
ONE
It
was an ordinary day for the twenty one year old, Vinnezer Ilagan. Or it's just
his thought. Narinig niya ang pagtunog ng kumakalam na sikmura. Sinipat niya
ang relong pambisig. Alas dose na ng tanghali. Katanghaliang tapat ngunit
hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakain. Wala pang laman ang sikmura niya
bukod sa mainit na kape na ininom niya kanina bago siya umalis sa bahay ng lola
niya kung saan siya nakatira.
Maaga siyang umalis ng bahay. Hindi
pa umaabot ang alas singko ng umaga.Maaga siyang umalis mula sa bahay nila sa
Caloocan papunta sa job interview niya na nasa Makati pa ang opisina. Gumising
siya ng maaga para mauna sa interview. Sabi nga sa kasabihan, 'daig ng maagap
ang masipag', pero sa huli ay nahuli pa rin siya dahil mas may maagap sa kanya.
Kaya ang kinalabasan ay pangatlo siya sa panghuli na nakarating doon. Idagdag
pa na medyo nawala siya dahil hindi siya sanay sa lugar na pinuntahan.
Aminado si Vin na hindi siya
masipag. Masasabi niya na may katamaran siya. Well? Paano niya iyon nasabi?
Marami ang dahilan. He graduated in year 2011 with the course of Associate in
Computer Science. Mula noon hanggang ngayon ay tatlong trabaho pa lang ang
napapasukan niya. His first job was a service crew in a convenience store. Anim
na araw lang ang itinagal niya doon. At marami ang dahilan kung bakit siya
umalis doon. Una, masyado iyong malayo sa bahay nila. Pangalawa, hindi sa kanya
sapat ang sweldo na wala man lang kalahati sa minimum. Ang masaklap pa ay kapag
nag-short siya sa kaha ay aabonohan niya iyon ng sweldo niya at ang kalalabasan
ay mababawasan ang sweldo niya. Tanga pa naman siya pagdating sa Math.
Napabuntung-hininga siya. Muling nag-paramdam
ang walang laman niyang tiyan. Mahapdi na rin iyon dala ng sobrang gutom.
His second job was a baggage counter
in a famous mall in his province. Dahil sa wala siyang mahanap na trabaho na
mag-fi-fit sa kanya sa Maynila ay nagdesisyon siya na umuwi sa kanila at iyon
nga ang naging trabaho niya. She was nineteen when he got that job. Umabot siya
ng isang buwan at dalawampu't siyam na araw sa trabaho niyang iyon. One month
as a baggage counter and the twenty nine days was a reliever for the promodiser
who left without consent. Pagkatapos ng kontrata niya doon ay hindi na siya
umulit.
At ang panghuli niyang trabaho ay sa
isang government agency. Field work ang trabaho na tumagal rin ng tatlong
buwan. Pagkatapos ng trabaho niya doon ay heto siya ngayon, jobless and
useless. Ang huling salita ay hindi pala nababagay na sabihin sa kanya dahil hindi
naman talaga siya useless. Siya lang naman kasi ang dakilang mutsasa sa
kanilang bahay. Pambabae o panlalaki na gawin ay ginagawa niya maliban sa
pagluluto. Marunong siyang magluto ngunit hanggang prito lang at laga.
Muling kumalam ang sikmura niya.
Tumingin-tingin siya sa paligid. Nagbabakasakali na makakakita ng malapit na
kainan ngunit wala siyang nakita. Naglakad-lakad siya para maghanap ng
karinderya. Binigyan siya ng budget ng lola niya para pangkain sa Jollibee o
kaya sa Mcdo pero mas pipiliin niya ang kumain sa karinderya. Kailangan niyang
magtipid. Nakakahiya naman kasi kung sa bawat lakad niya ay hihingi siya ng
pera sa lola niya.
Gamit ang kanang kamay, ipinantakip
niya iyon nang bahagya sa kanyang mata para maging pananggalang sa sikat ng
mainit na araw. Grabe na ang pawis niya. Idagdag pa sa paghihirap ang pagkalam
ng sikmura niya. He is really starving!
Dahil sa pagtingin-tingin sa
paligid. Hindi niya napansin ang kasalubong niyang lalaki. Nagmamadali ito.
Huli na para makaiwas siya na mabangga nito. Sa taas niyang limang talampakan
at limang pulgada alam niyang talo siya sa tangkad nito na sa tantiya niya ay
five feet at eleven inches.
Dahil nga sa nagmamadali ito ay
napalakas ang pagbangga nila sa isa't-isa. Dahil sa panghihina na dala ng
sobrang gutom ay nawalan siya ng balanse. Bumagsak siya paupo sa kokretong
daan. Napangiwi siya sa sakit.
"Aray ko!" Daing niya.
Kapag minamalas ka nga naman. Gutom ka na mukhang magkaka-injury pa siya sa
lakas ng impact ng pagbunggo niya dito. Mabuti na lang at hindi nagkalat ang
gamit niya sa daan. Safe and secured ang pagkakaselyo noon sa plastic envelope
na nabitawan niya.
Napatingin siya sa lalaking
nakabangga niya. Katulad niya ay bumagsak rin itong paupo sa daan. Ngunit tila
wala itong ininda na sakit. Masama ang pagkakatingin sa kanya ng lalaki. Bigla
siyang kinabahan. Kaba na hindi dahil sa matalim nitong titig kundi sa hindi
pamilyar na pakiramdam na umahon sa loob niya.
Simula elementray hanggang ngayon ay
aminado si Vin sa gender preference niya. He's a part of third sex. Isa
siyang... Actually, hindi niya alam kung ano ang tawag sa kanya pero acceptable
na rin ang bakla or so whatever they calling gay people. Ang kaibahan nga lang
niya ay hindi siya paminta at hindi rin siya crossdresser. Siya ay siya.
Simple, plain and bland. Malamya siya kung kumilos at kumibo dili. Hindi siya
nag-e-effort na magpalaki ng katawan katulad ng ibang bisexual at hindi siya
naglalagay ng kolorete sa mukha tulad ng ibang bakla. Hindi rin siya nagpupunta
sa kung saan-saan na lugar para makakuha ng papa na magtototoot sa kanya at
tototootin niya.
He is plain as an ordinary rice. As
bland as an untasteful meal.
Eksakto lang ang katawan niya. Hindi
payat, hindi rin masasabing mataba. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, iisipin
ng mga ito na tunay siyang lalaki ngunit kapag nakilala siya ng mga ito ay
masasabi ng mga ito na confirm siya at kasapi ng federasyon.
Natigil siya sa pag-iisip ng kung
ano ba talaga siya nang makita niya ang nakalahad na kamay sa harapan niya.
Tila nagsasabing 'tumayo ka na dyan, tutulungan kita'. Mula sa nakalahad na
kamay ay lumipad ang tingin niya sa
may-ari
niyon. Ang lalaking nabunggo niya!
Wala ng talim sa titig nito. Kalmado
ang hitsura. Napansin niya ang kagandahang lalaki nito. The guy possesses thick
eyebrows just like him. Long eyelashes na parang sa isang babae. Maganda ang
itim na pares ng mata nito, tsinito, matangos na ilong na bumagay sa mapula at
manipis nitong labi. The guy standing infront of him was perfect. Idagdag pa
ang may kaputian at makinis na balat nito. Maganda rin ang pagkakabagsak ng
buhok nito na ang style ay katulad ng sa mga K-pop artist.
Tinubuan siya ng paghanga dito.
Kasunod niyon ang hiya sa lantarang ginawa niyang assessment sa features nito.
"Can you please stand up.
Nangangalay na ang kamay ko," sabi nito. Even the guy's voice was good to
his ears. "Ano na?" untag nito sa kanya na nagpagising sa natutulog
niyang kamalayan.
Bumalik ang tingin niya sa nakalahad
nitong kamay. Hindi niya inabot iyon. Tumayo siya ng mag-isa. Bakit hindi niya inabot? Simple lang.
Hindi niya trip. Bumagsak siya ng mag-isa kaya tatayo siya ng mag-isa. Hindi
obligasyon ng lalaki na tulungan siya lalo na at isa siya sa may kasalanan kung
bakit sila bumagsak. Okay lang sa kanya kung isipin ng lalaki na suplado siya.
Wala siyang pakialam doon.
Pagkatayo ay pinagpag niya ang
nadumihan na likuran ng suot niyang
pantalon. Habang ginagawa iyon ay nakamasid lamang sa kanya ang lalaki
na nagbigay sa kanya ng uneasiness. Hindi siya sanay na sinusundan ng tingin
ang kilos niya. Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ang lalaki. Baka
naghihintay ang lalaki na humingi siya ng paumanhin sa pagkakabunggo nilang
dalawa. He wasn't really good in a conversation like this. Simpleng paghingi ng
paumanhin ay hindi niya magawa. He wasn't used to this kind of situation.
Kinalma niya muna ang sarili. Nang masiguradong okay na siya ay saka siya
nagsalita.
"Pasensya ka na, mister.
Pasensya ka na sa carelessness ko. Hindi kita napansin. Sana `wag kang magalit
sa `kin. Hindi ko talaga sinasadya." Sunod-sunod na sabi niya. Dinagdagan
pa niya iyon ng pagyuko-yuko katulad ng nakikita niya sa asianovelas na
pinapanood ng lola niya.
Sa panggigilalas ni Vin ay tumawa
ang lalaki. Isang malutong na tawa na nagpakunot ng noo niya. Pinagtatawanan
siya nito? Bakit? Kailan pa naging katawa-tawa ang paghingi ng paumanhin sa
isang tao na nasaktan mo? May sayad ba ito sa ulo? May topak? Naka-drugs?
Nakadama siya ng inis sa lalaki. Ang
kapal ng mukha nito na pagtawanan siya kung kailan ay seryoso siya. Natigil ito
nang mapansin ang matalim niyang titig. Sumeryoso ito ngunit halata pa rin sa
mukha ang tuwa. May namuong luha sa gilid ng mata nito dahil sa sobrang
pagtawa.
"Anong nakakatawa?"
Naiinis na tanong niya. Kinuha niya ang plastic envelope na na nasa tabi.
"You. Nakakatawa ka,"
sagot nito. "By the way, I'm Mack."
Speechless si Vin. Pagkatapos siya
nitong pagtawanan ay nagpakilala ito. Mukhang may sayad nga talaga ang gwapong
nilalang sa harap niya. Sayang ang kagwapuhan nito.
Hindi na niya ito sinagot. Agad niya
itong iniwanan at naglakad siya ng mabilis para makalayo dito. Akala niya ay
hindi na ito susunod ngunit nagkamali siya. Sumabay sa mabilis niyang paglakad
ang lalaki.
"Hey! You're not yet answering
me. Hindi mo tinanggap ang pagpapakilala ko. Did I offended you in
someway?" Clueless na tanong nito. Inglesero pa ang kumag. Saglit itong
nag-isip. "I get it," anito na parang bata. Tila may nalaman na
kamangha-mangha. "I'm sorry. Maybe you were thinking that I'm laughing at
your sorry. Well, it's kinda true, though. Talaga namang nakakatawa ka. You
look trying hard earlier when you did that. But don't worry, even you look
trying hard you're still look cute to me."
Muli siyang natameme. Napahinto siya
sa sinabi nito. Ganoon din ito.
Cute.. Sinabihan siya nitong cute.
"Let me introduce myself again.
Ako si Mack Dwayne Concovar. I'm twenty two years old. Ikaw? Ano ang pangalan
mo?"
"I'm sorry. I'm not talking to
stranger," wala sa huwisyo na sagot niya. Still, he was thinking on what
he just said. Cute.
"Wala ka sa sarili mo.
Nagugutom ka na ba? Gusto mo ilibre kita."
Bigla siyang natauhan. Oo. Gutom na siya. Gutom na gutom.
"Look mister na nabangga
ko." Ngumiti ito na nagpa-distract sa gagawin niya sanang pagtataray.
Kinalma niya ang sarili. "Alam mo ba na hindi normal sa isang tao ang
makipag-usap sa taong hindi niya kilala?"
"Yeah I know that."
"So, bakit mo ako kinakausap
ngayon?"
"Because I already introduced
myself to you. So it means that I'm not a stranger to you anymore."
Hindi siya nakapagsalita. May punto
ang lalaki.
"Hindi pa ako nakikipagkilala
sa`yo," tanging nasabi niya.
Lumuwang ang pagkakangiti nito.
"It's okay. Alam ko naman na ang pangalan mo. You are Vinnezer
Ilagan."
Napanganga na lamang siya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Itinuro nito ang hawak niya na
envelope. "Diyan,"
"Okay. Given na alam ko ang
pangalan mo at nakuha mo ang pangalan ko. Still, you're a stranger. Kung
makikipag-kaibigan ka. Pasensya na hindi kita ma-e-entertain. Marami na akong
kaibigan," aniya, sabay bira ng alis.
Already
lots of friend my ass! It wasn't true that he have lots of friend. Wala
siyang masyadong kaibigan. Sa probinsya ay ilan lamang ang kaibigan niya.
Samantalang dito ay apat lamang. Dalawang babae at dalawang bakla iyon. May
ilan rin siyang kasa-kasama palagi sa school nila ngunit ang trato niya sa mga
ito ay barkada. They were just there during good times. Sa mga panahon na
kailangan niya ng makakausap ay sina Mikki at Nilda ang lagi niyang kasama kaya
ito ang tunay na kaibigan niya. Si Diega at Joanna naman ang kasama niya kapag
tumatambay siya.
Nakahinga siya nang maluwang nang
mapansin na hindi na siya sinusundan ni Mack. Success! Sa wakas nakalayo siya
sa weirdong lalaki. Saglit siyang natigilan nang maalala ang buong pangalan ng
lalaki.
"Mack Dwayne Concovar,"
sambit niya. Nagkataon pa na ka-apelyido ito ni Mikki.
Ang buong akala ni Vin ay hindi na siya
susundan ng lalaki. Malaking 'buong akala' lang pala iyon dahil sumusunod sa
kanya ang lalaki. Nasa likuran niya ito at hindi nagsasalita. Nang mapansin
nito na nakatingin siya dito ay umagapay ito sa kanya. Hinayaan na lamang niya
ito. Pagod na siya makipagsagutan. Wala naman siguro itong gagawin na masama sa
kanya. Saka malayo ata iyon sa imposible dahil sa mukha nito. Well, looks can
be deceiving though.
Nang may makita siya na karinderya
ay agad siyang pumunta doon. Sumunod sa kanya ang lalaki. Pagkapasok nila ay
marami ang tao. May mga nakapila sa order-an ng pagkain. May mga nakatayo na
tila naghihintay ng matatapos na kumain. Hindi na niya iyon pinansin.
Matatagalan naman siya sa pag-order at siguro ay may matatapos na ring kumain.
"Ikaw na ang maghanap ng pwesto
natin. Ako na lang ang mag-o-order para sa `tin," sabi ng lalaki. Pabulong
iyon kaya dama niya sa kanyang tainga ang mainit na hininga nito. Nagbigay iyon
sa kanya ng kiliti. Lumayo siya dito.
Hindi niya ito pinakinggan.
"Hindi na. Sabay na tayong mag-order. At `wag mo nga akong utusan na
parang close tayo. Remember, stranger tayo."
Ngumiti ito. Umiling-iling pero
hindi tumanggi. Nasa unahan siya nito nakapwesto. Binilang niya kung ilan ang
nasa unahan niya. Tatlo na lang. At last makaka-order na siya at makakakain na.
May dumaan sa likuran ni Mack. Dahil masikip, hindi sinasadyang nadikit ang
katawan nito sa kanya. Napalunok siya nang maramdaman ang solidong katawan nito
sa likuran niya. May naramdaman rin siya sa parteng gitna nito. At malaki iyon.
Lumayo siya dito. Nadedemonyo ang utak niya sa gwapong estranghero na ito.
Malapit na sila sa babaeng
nagbibigay ng order. Kukunin na sana niya ang pitaka niya sa kanyang bulsa nang
makapa niya na wala doon ang pitaka niya. Bigla siyang kinabahan. Tiningnan
niya ang dalang envelope. Wala doon. Kinapa niya ang dalawang bulsa sa likurang
bahagi ng suot niyang pantalon. Wala rin. Sunod sa magkabilang bulsa. Mas
lalong wala doon.
Mahina siyang napamura. Nakadama
siya ng panghihina. Kung minamalas ka nga naman! Bakit sunod-sunod pa. Wala
siyang ibang pera. Lahat ng pera niya ay sa pitaka nakalagay. Hindi siya
naglagay ng pera sa kanyang bulsa.
Napansin ni Mack ang pagkaligalig
niya.
"Okay ka lang?" May
pag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Hindi. Nawawala ang pitaka
ko," halos mangiyak-ngiyak na sabi niya. He
felt so hopeless.
"What? Saan? Kailan pa?"
"Hindi ko alam kung saan."
"Paano na ngayon `yan?"
Napayuko siya. Paano na ngayon ito?
Nagugutom na siya. Paano siya nito makakauwi sa kanila? Pinigilan niya ang
maiyak sa kamiserablehan niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko. Wala akong pera. Paano ako nito ngayon? Nagugutom na
ako. Hindi ako nito makakauwi."
Hindi niya kilala si Mack nang
lubusan ngunit minabuti niyang sabihin dito ang problema niya. Gumaan lamang
ang bigat na nararamdaman niya. Inakbayan siya ni Mack. Nagulat man hindi siya
pumiksi. Pakiramdam niya nga ay safe at secure siya sa akbay nito.
"Don't worry. Ako ang bahala sa
`yo. Ililibre kita ng pagkain. Pwede rin kitang ihatid sa inyo. May sarili
akong kotse."
"Sa-salamat," nahihiyang
sabi niya.
Nakokonsensiya siya tuloy sa
kagaspangan na ipinakita niya dito kanina. Mack saved him. Mack served as his
knight in shining armor. At siya ay isang gay-in-distress.
Tumingin siya kay Mack. "Sorry
sa inasal ko kanina."
Ngumiti si Mack at humarap sa kanya.
Nanlaki ang mata niya. Kaunting espasyo na lang at maaari ng dumikit ang labi
nito sa labi niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Taken. You're already
forgiven. Wala na sa `kin `yon. So, now, can we be friends?"
Inilahad nito ang kanang kamay.
Inabot niya iyon. hIndi pa rin siya nakatingin dito.
"Yeah, friends. Tatanggi paba
ako? Tagapagligtas kita, eh.”
Thanks for the story...Its very ice...
ReplyDeleteNice pala...sorry...typo error
DeleteGanda ang simula sana masundan na
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteNice one :)
ReplyDeleteUhm! The english! Sana iproof read man lang maganda ang kwento nasisira nga lang ng mali maling grammar.
ReplyDeletePasensya na sa grammar. Hayaan mo po pag-iigihan ko 'yon kahit hindi ko alam masyado pagdating doon.
DeleteSa ngayon po just bear with it. Pasensya na ulit
-Vienne :-)
I'm very impressed with your humility. Ngayon pa lang, I will assure you that you will do well, kasi grammar is something we can learn very easily, specially among those who wish to learn. Mahirap kasi matuto, those who will not, rather than cannot, accept their mistakes. I just finished reading your other story, entitled Beat of My Heart, and I was impressed. In time, when you already possess enough experience, I am certain you will write more enthralling masterpieces. Your Beat of My Heart is an augury of greater things to come from your fascinating literary mind.
Deletemaganda 2....
ReplyDeleteAko po 'yung nagsulat nito. Again pasensya na po sa mga wrong grammar. Pag-iigihan ko po yun. Sana (cross finger) hahaha
ReplyDeletePagpasensiyahan niyo na ulit. Baguhan pa lang po ako. :-)
-Vienne
Nice story.. bagong aabangan n nmn ito.. cant w8 for the next chapters.. :))
ReplyDeleteMaganda :)) susubaybayan ko to sana maganda din yung nxt chapter :*>
ReplyDeleteRan.
Salamat Ran. Ayokong magsalita tungkol sa chapter 2..
Delete-Vienne :-)