Thank you MSOB
for posting my story! Critiques and suggestions are HIGHLY appreciated! Enjoy
reading :D
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
CHAPTER
3: Flourishing Feelings
Tuluyan na
ngang gumaan ang loob ko kay Venus. Talagang ineensure niya na hindi ako
maiilang or macoconscious sa paligid ko. Hindi ko na namalayan na unti unti
nang napuno ang room ng mga estudyante, hanggang sa pumasok ang isang pamilyar
na tao...Ang lalaking nakabanggaan ko sa mall. I was quite shocked by the sight
of him.
Nilibot niya
ang kaniyang paningin around the classroom. Marahil ay naghahanap siya ng
puwestong mauupuan.
"Shoooot!
Not here!" ang naibulong ko na lamang sa sarili nang makita kong bakante
pa pala ang upuang nasa kaliwa ko. Sa kanan ko ay nakaupo na si Venus at nakita
kong nakatitig din siya sa beautiful stranger na nasa pintuan. The face, the
body, the aura. Talaga namang perfect na perfect siya. Idinukdok ko na lamang
sa isipan kong mahal ko si Trev para ma suppress ang aking pakiramdam.
Tiningnan ko
ulit ang lalaki. Pakiramdam ko ay bigla akong kinuryente ng high voltage live
wire nang magtama ang paningin naming dalawa. Napansin kong kumunot nang kaunti
ang kaniyang noo at pagkatapos ay ngumiti na talaga namang nagpaningning sa
kaniyang kaguwapuhan. Marahil ay naalala niya ang aking pagmumukha mula sa
insedente sa mall.
Nagsimula na
siyang maglakad at talaga namang lahat ng sangkatauhan sa room ay napukaw niya
ang pansin. Ibayong kaba naman ang naramdaman ko nang ma realize ko ang
direksyon ng kaniyang paglakad. He is inching towards me at talaga namang
nakasmile pa ha. Hindi ko maipaliwanag ang feeling of uneasiness na bumabalot
sa akin. Aalis ba ko sa upuan ko? No, that would be obvious.
"Hi! Can I
sit here?" sabay bitiw na naman sa kaniyang pamatay na smile na alam kong
pati si Venus ay nawindang din dahil sa biglang pagtigil nito sa kaniyang
kadaldalan.
"Aw, ang
hot." ang bulong sakin ni Venus na muntikan ko naman na ikatawa.
Pagkatapos ay arteng tila naghahyperventilate.
"Ah-h, eh,
no proble-m pre." ang naiilang ko na lamang na sagot sa kaniya. Pilit kong
hindi pinapahalata ang pagkailang na nararamdaman ko para sa kaniya and I hope
that it's effective.
"Hmm...thanks!
Brent nga pala tol." sabay lahad ng kamay na agad ko namang pinaunlakan.
"Ang lamig
naman ng kamay mo. haha." ang puna niya na medyo ikinahiya ko.
"Hindi
ah!" ang may pagkadefensive kong tugon.
"I know
that you're the guy from yesterday dun sa mall. Yung natapunan ng juice? naku
I'm so sorry talaga. What's your name nga pala tol?"
"Ah, It's
Clyde at tulad nga ng sinabi ko, kasalanan ko naman yun kaya nothing to say
sorry about."
"Hmm...okay,
if you say so." sabay ngiti na muli na namang nagpalabas sa magkabilaang
dimples nito.
Parang
hipnotismo ang kaniyang bawat ngiti at titig. Unti unti nitong binubuhay ang
isang marubdob na pagnanasa sa aking kalooban.
Pero hindi,
kailangang hindi ako magpadala. Marahil ay friendly lamang talaga ito kaya
hindi dapat ako magconclude ng kung anu-ano pa.
Pinilit ko na
lamang na idivert ang atensyon ko sa iba pang mga bagay sa loob ng room upang
hindi na maoccupy pa ng lalaking ito ang aking pansin. Nang mapatingin ako kay
Venus ay pinandilatan ko na lamang ito dahil nakangiti ito ng nakakaloko. Baka
mamaya ay kung anu-ano na lamang ang biglang sabihin nito.
Isang sigh of
relief naman ang aking pinakawalan dahil hindi na ako kinausap pa ni Brent.
Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin ang aming professor
para sa subject na iyon. Isang babaeng sa tantiya ko ay nasa kaniyang early
thirties na. May katangkaran at kapansin pansin ang magandang hubog ng
pangangatawan dahil sa fitted black blazer na suot niya. Maamo ang mukha nito.
Bilugan at may pagkakulay abo ang mga mata na kapag tinitigan mo ay talaga
namang nakabibighani. Morena ang kaniyang kutis at nakasimpleng ponytail lamang
ang napakagandang midlength na buhok. Head turner talaga siya.
Pumuwesto siya
sa harapan, ngumiti saka nagpakilala.
"Good
morning to everyone! My name is Mrs. Sandra Arturo, and I will be your
instructor for Introduction to General Psychology."
Diniscuss niya
ang kaniyang grading system at ang mga kakailanganin for her subject. Hindi na
mawawala sa first day ang self introduction. Pero kakaiba ang gimik ng aming
instructor para daw magkaroon ng kulay ang pagpapakilala.
"So here's
the deal. You are required to choose a partner, inside the class of course. You
will be starting a conversation with that person using the sentence fragments
that I've listed on the board. Do not worry if whoever you have chosen is a
stranger to you because that is the main essence of our short and simple
activity for today which is meeting new people." ang pagpapaliwanag ni
Mrs. Arturo
Binasa ko ang
mga pariralang nakasulat sa board.
"I
am..."
"I
like..."
"I am
special because..."
"I believe
that..."
"Nice to
meet you."
Agad naman
akong nagisip kung sino ang aking pipiliing partner just in case na ako na ang
kailangang magpakilala. Unang una namang pumasok sa isipan ko si Venus at tila
parehas naman kami ng iniisip kaya naman sumangayon na din ito sa aming plano.
"Okay guys
so we'll start of at the back para maiba naman." Si Mrs Arturo.
At isa isa na
ngang nagpakilala ang mga classmtes ko together with their chosen partner.
Nagsimula ito from my left kaya pagkatapos ni Brent ay ako na.
It was Brent's
turn at ang sumunod na scenario ay hindi ko inaasahan at talaga namang I was
caught off guard.
Ako ang pinili
niya bilang kapareha sa pagpapakilala. Well, hindi naman sa ayaw ko kaso kasi
kakaibang pagkailang ang nararamdaman ko kapag kinakausap, tinititigan, o kung
kaya naman ay nginingitian niya ako.
Biglang
rumatsada ang pagtibok ng aking puso. Inaalipin na ng kabang ito ang aking
buong katawan at pakiramdam ko ay nahihirapan na akong kumilos at magsalita
dahil dito.
So we
started...
"Hi, I am
Clyden Joseph Buenaventura and I'm 17 years old."
"Hi there
too. I am Brent Christian Crisologo, 18 years old."
Hindi ko pa rin
maiwaksi ang uneasiness na nararamdaman ko. Feeling ko ay nasa ilalim ako ng
extreme tension nang mga sandaling iyon.
"I li-ke
reading novels, especially romance and sci-fi and I also like being alone. How
about you?" wala talaga akong maisip nang mga sandaling iyon kaya naman
ito na lang ang aking nasabi. Para na din ito sa pagpapanatili ng low profile
ko dito sa school.
"I like
swimming, basketball, and I also love to play my guitar. And..."
"And?"
ang tanong ko sa kaniya.
"hmm...and
I like...you."
Tila nalaglag
naman ang aking panga sa mga narinig ko. Noong mga sandaling iyon ay naramdaman
ko na naman ang pakiramdam ng paglutang, ito ba'y kaligayahan? Hindi ko alam at
ayaw ko na ring malaman. Isang nakabibinging katahimikan ang pumuno sa silid.
Alam kong kami
ngayon ang sentro ng atensyon ng lahat ng tao sa paligid. Maging si Venus ay
napanganga sa rebelasyong narinig niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin at
kung alam ko man pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses.
"Anong
sabi mo?!" ang tanong kong muli sabay kunot ng aking noo.
"You heard
me right Mr. Buenaventura, I like you, baka nga hindi lang like eh, baka love
na."
"Don't
joke around with me mister!" Ang sagot ko na medyo may pagtataas na ng
boses.
"Ah, so
hindi ka naniniwala?"isang ngiting malaman naman ang kaniyang binitiwan.
He slowly
inched towards me hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansiya ng aming
mukha. I can feel his breath as it touched my skin, giving me an unexplainable
sensation. His scent was a witchcraft enslaving my very being, immobilizing me.
I look through his eyes and it felt like I was staring in the eyes of an angel.
The sight of his perfect face brings me uneasiness but at the same time a taste
of satisfaction. I stare at his lips as it makes its way to mine and I was a
second late from dodging. Our lips met and for the first time I was kissed by a
man.
Pakiramdam ko'y
huminto ang pagtakbo ng oras nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko'y nasa
gitna kami ng isang paraiso kung saan kami lamang ang tao at naliligiran ng
maraming paru-paro. Iba't-ibang emosyon ang sabay sabay kong naramdaman. Hiya,
takot, kaba, at saya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang dulot nito sa aking
buong pagkatao. Marahil ito naman kasi talaga ang tunay na ninanais ng aking
puso, isipa't katawan.
The kiss was
warm and passionate. Nawala sa isip ko ang maraming matang nakatutok sa
amin...sa akin. I was in the middle of enjoying the kiss nang...
"Clyde...Clyde...Clyde!
Hey Clyyyyydddeeee! ateng, huy, anyare? Tayo ka na, partner daw kayo ni kuya
pogi oh." ang pagpukaw sa akin ni Venus mula sa aking daydreaming session.
"God damn
it." ang sigaw ng aking isipan.
"Ha?, ah
okay-okay." magkahalong panliliit at hiya ang aking naramdaman. Pero sa
loob loob ko'y nakaramdam ako ng ibayong panghihinayang at pagkadismaya.
Panghihinayang na panaginip lamang pala ang lahat dulot ng aking mapaglarong
imahinasyon. Pagkadismaya sa sarili dahil sa kabila ng pagmamahal ko kay Trev
ay nagagawa ko pa ding tumingin sa iba.
Binaling ko ang
aking paningin kay Brent at nakita ko ang kaniyang matang puno ng pagtataka.
I've spaced out for like 20 seconds pero pakiramdam ko'y ilang minuto na ang
nagdaan. Ibayong pagkapahiya ang aking naramdaman at napangiti na lamang ako as
I shook my head off. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at inistablize ang
aking sarili.
"So shall
we start?"
"Hmm, okay
ready when you are." at nginitian ko na lamang si Brent.
Natapos ang
aming pagpapakilala at ilang babae ang nag iritan dulot ng paghanga kay Brent.
Magiliw naman niyang sinuklian ng ngiti ang mga ito. Talagang wala akong
kalaban laban pagdating sa paguwapuhan sa kaniya. Idagdag mo pa ang karismang
taglay nito. Hindi ko nga namalayan na siya na pala ang laman ng pagpapantasiya
ko.
First day of
class was kind of short. Wala pa ang ibang instructors and professors at that
day kaya maaga rin ang dismissal. I was about to leave nang may humawak sa
aking kamay.
"Hey Clyde,
wanna hang out together? Maaga pa naman kaya punta na lang tayo sa mall."
"Ah, eh,
wala kasi akong pera pare eh. Sakto lang tong allowance ko."
"Oh don't
worry, ako naman ang nag aya sayo kaya it's my treat."
"Ah, ano
kasi eh..." wala akong maisip na magandang idadahilan sa kaniya dahil ang
totoo'y ayaw kong masiyadong mapalapit sa kaniya. Ayaw kong mahulog at
lumagapak na naman sa isang taong alam kong wala ring pag-asang mahalin ako.
"Hmmm...sige
na nga. Basta huwag mong kalimutang it's your treat pre." sabay ngiti ko
sa kaniya.
"Haha, oo
naman and thank you dahil hindi mo ko tinanggihan." sabay kindat nito sa
akin. Hay talaga namang napaka irresistable ni Brent.
"Hay, sino
ba naman ang makakatanggi sa isang napakaguwapong tulad mo?" ang wala sa
loob kong tugon.
"What did
you say?"
"Ha?! Naku
wala...tara na nga."
"Haha,
akala ko me sinasabi ka eh. Ok let's go."
Nagpunta kami
sa parking lot para kunin yung kotse niya. Ang gara talaga at sa unang tingin
pa lamang ay alam mo nang mamahalin. I hesitated at first kung sasakay ba ako
dahil ngayon lamang kami nagkakilala. Pero sa tingin ko at nararamdaman ko na
magiging ayos lang naman ang lahat. Mayroon kasi silang pagkakapareho ni Trev.
Si Trev na minamahal ko. They both make sure that I'm not being left out giving
me the feeling of security and affection.
"Hey, what
are you waiting for? Hop in na." Hindi ko napansing kanina pa pala siya
nakatayo at binuksan na rin ang pintuan.
"So-rry."
Agad naman akong sumakay at kinalma na lamang ang aking sarili.
On our way ay
itinuon ko na lamang ang aking paningin sa kalsada...mga tao...mga
sasakyan...Alam ko kasing maiilang lang ako kapag siya ang kaharap ko. At isa
pa ay ngayon ko lamang naman siya nakilala, pademure effect ba kumbaga.
So he drove sa
aming destination. Mag-aalas dos na ng hapon nang nakarating kami.
"Kain muna
tayo. Saan mo gusto?"
"Hmmm...Mcdo
na lang tayo. Kumakain ka ba nun?" natawa naman ako sa tanong ko habang
inaantay ang tugon niya.
"Haha, oo
naman, ano bang tingin mo sakin? Ganoon kapihikan?"
"Honestly?
Oo. Feeling ko kasi ang sosyal sosyal mo tol eh."
"Diyan ka
nagkamali. Simple lang ako pare. Ang pamilya ko ang mayaman at hindi ako.
Nakikisukob lang ako sa biyaya." Hindi ko namang mapigilang mangiti sa mga
sinasabi niya. Malalim din pala siyang tao.
"Hehe,
okay, okay." tara na nga at ilibre mo na ko, I'm starving."
"Yes
sir!" ang tugon niya habang nag anyong nakasaludong sundalo.
So we went na
nga sa McDonalds at siya na ang nag order ng pagkain para sa amin. While eating
ay kung anu-ano ang itinanong niya sa akin na tila nasailalim ako sa isang
interrogation session.
"So
kuwento ka naman sa buhay mo, sa parents mo? Tell me 'bout yourself."
"Hmm...Saan
ba ako magsisimula? Simple lang ang family ko. Medyo nakakaginhawa kami sa
buhay dati kung hindi lang sana namatay si papa. He was a victim of hit and
run. Ako sana ang masasagasaan but he did not let that happen and I thank him
for that but the consequence was too much to bear. Nawala siya." hindi ko
namalayang umagos na pala ang ilang butil ng luha mula sa aking mga mata.
Ganito talaga ako. Medyo mah pagkasentimiyento kapag pinag-uusapan ang tatay
ko.
"Sorry
tol, Hindi ko kasi alam."
"No it's
fine. Matagal na naman din yun at nakamoveon na kami ni mama. She's an office
employee."
"Ah, siya
lang ba nagsusupport sa studies mo?"
"Oo, pero
academic scholar ako kaya naman miscelaneous expenses na lamang ang inaalala
niya."
"Oh, cool,
so you're really something."
"Haha,
hindi naman pare. It's not that much."
"Sus,
pahumble ka din masiyado eh noh?" Sabay gulo nito sa aking buhok.
Napasimangot naman ako ng parang isang bata at tinitigan ko siya nang may
halong pagbabanta.
"Haha,
so-rry." sabay ngiti nito at peace sign na parang musmos. Ang sarap talaga
niyang tingnan habang nakangiti. Naalala ko lalo tuloy si Trev. Madalas din
kami sa lugar na ito. Dito rin kasi kami sa mall tumatambay whenever wala
kaming ginagawa at bored sa kani-kaniya naming bahay. Natawa na lamang ako
habang sinasariwa ang mga moments namin habang magkasama.
"What's
funny?" tanong niya habang nakangiti pa rin.
"Ah, eh,
wala. May naalala lang ako.Tara kain na tayo."
Hindi ko
mapigilang ma consious habag kumakain dahil alam kong tinititigan niya ako.
Nararamdaman kong nag iinit ang mukha ko tanda ng pamumula nito kaya naman
tumungo na lamang ako. Narinig ko naman ang pigil niyang tawa kaya't lalo akong
nahiya.
Marami kaming
ginawa. Nanood pa nga kami ng sine at isang action/sci-fi movie ang aming
pinanood. Sa kalagitnaan ng pelikula ay magkadikit ang aming mga braso at hita.
Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o nagkataon lamang. Pero isa lang ang
alam ko noong mga sandaling iyon. I feel safe and secure whenever I'm with him
and I can not deny the mere fact that I am attracted to Brent. Pero ang
atraksyong yun ay merely paghanga at para sa akin ay walang halong pagkagusto.
Maya maya pa ay
naramdaman ko na lamang na nakatulog pala ito sa kalagitnaan ng panonood at
kasalukuyang nakahimlay ang ulo niya sa aking balikat. Naiilang man, hinayaan
ko na lamang siyang makatulog. Pinagmasdan ko ng malapitan ang kaniyang mukha.
Talaga namang lalo kong narealize na napakaguwapo niya talaga. Ang tanawing
iyon ay nagpabilis ng tibok ng aking puso. Iniling iling ko na lamang ang aking
ulo to shook off the thought. Para siyang isang sanggol na natutulog sa
kanlungan ng kaniyang ina.
I woke him up
after the movie. Halos wala akong naintindihan dahil sa kaniya nakatutok ang
aking buong atensyon. Tila napabalikwas naman siya nang mapagtantong
nakatulugan niya ang pelikuka at sa balikat ko pa.
"Sorry bro,
nakatulog ako. Medyo pagod kasi ako eh."
"Ok lang.
Pagod ka pala bakit nag-aya ka pang gumala? Sana eh nagpahinga ka na lang sa
bahay niyo." nginitian ko na lamang siya at tinugunan niya rin ito ng
matipid na ngiti."
"Hmmm...wala
lang. Gusto pa kasi kitang makilala ng lubusan."
"Ha? ang
OA mo naman. Marami pa namang ibang araw para diyan eh at isa pa, matagal pa
tayong magkakasama sa ayaw mo at sa gusto." nakita ko naman na natawa siya
sa sinabi ko.
"Oo nga
naman, haha. Pasensiya ka na medyo makulit ako. Ganito lang talaga kasi ako sa
mga taong gusto ko."
"Ha?
Ansabe mo tol?"
"Ah-h I
mea-n...taong gusto ko...ng makilala, hehe."
"Ah, basta
next time don't push yourself too hard. Maraming time para mag enjoy pero
mahalaga rin ang pahinga."
"Thank you
for caring." ang tugon niya sabay titig sa aking mga mata.
pakiramdam ko'y
tumagos sa aking buong pagkatao ang titig niyang iyon. Tila nakikita't nababasa
ng kaniyang mga mata ang saloobin ng aking puso't diwa. Ibayong pagkailang ang
aking naramdaman kaya naman ako na ang nag-aya upang kami ay umuwi.
Brent's
POV
So I've once
again met this cute stranger. Unang encounter pa lang namin ay mayroon na akong
naramdamang kakaiba. It feels like we're somehow connected and compatible in
some way. In fact, I already forgot the reality tna he is indeed a stranger to
me. Ewan ko ba, pero I'll just go with this flow and follow my instincts at the
moment and see where this will lead me.
Out if the
blue, inaya ko siya to hangout together. Gusto ko kasing mas makilala pa ang
taong ito. Something's about him that simply caught my attention. Hindi ko alam
kung yung taglay niya bang kaguwapuhan or yung taste of innocence na tangan
tangan niya.
We've hangout
sa mall and pretty much did everything. We ate, played, windowshopped and watched
a movie na hindi ko naman naappreciate sapagkat nakatulugan ko at take note sa
balikat niya pa ako nahimbing. The feeling of our skin as it touched sends
shiver down my spine, I was electrified by his mere presence. At habang
nakahimlay ako sa shoulders niya I felt a sense if security. For the first time
I felt that someone could actually accept me as I am and take care of me.
My dad was a
very busy man and my mom was a tyrant. Para sa akin home was hell at ito ang
isa sa mga lugar na aking tinatakasan. Ito ang pinakarason kung bakit nag move
out na ako mula sa bahay at an early age and lucky for me, hindi naman nila tinutulan ang aking
desisyon.
Feeling ko ay
iba si Clyde. I can feel that he is a very senimental and loving person basin
from his stories tungkol sa kaniyang pamilya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Isang kaibigan na hindi ako
nagkaroon sa loob ng napakahabang panahon.
Nagising ako
nang matatapos na ang pelikula. Naalimpungatan ako nang matauhang sa balikat
niya pala ako nahimbing for like an hour and he did no even tried to wake me
up. I bet he liked it as well as I did.
Inaya niya na
akong umuwi at pumayag naman ako. Medyo gabi na rin kasi at medyo pagod na din
ako. I offered him a ride to his house at natuwa naman ako dahil hindi siya
tumanggi.
"Saan ba
ang bahay mo tol."ang tanong ko sa kaniya.
"Diretso
ka lang and I'll tell you the directions on our way."
I stepped on
the gas at ganoon na nga ang nangyari.
Huminto kami sa
tapat ng isang subdivision.
"Ah,
Brent, dito na lang ako bababa. Medyo masikip kasi ang kalye sa loob at tsaka
madilim na rin kasi."
"Sigurado
ka?"
"Oo,
salamat paghatid mo sakin Brent."
"Walang
ano man pre. Magiingat ka sa daan at baka magahasa ka." ang pangungutya ko
sabay bitaw ng isang pigil na halakhak.
"Haha.
loko loko. Ikaw din ingat ka sa pagmamaneho." sabay bitiw niya sa isang
maamong ngiti na bahagyang nagbigay sakin ng feeling of happiness and
contetntment.
Ang taong ito
na ngayon ay nasa aking harapan ang muling bumuhay sa isang pakiramdam na
matagal ko nang binaon sa limot. Siguro nga'y sadyang mapagbiro ang tadhana
sapagkat hinyaan niyang matagpuan ko si Clyde. Gusto ko siyang makilala ng
lubusan...makasama pa nang mas matagal.
Pinagmasdan ko
lamang siya habang palayong naglalakad. Ilang sandali lang at tuluyan na siyang
nawala sa aking paningin. Akin nang pinaandar ang sasakyan at nakangiting
binagtas ang daan patungo sa aking bahay.
Clyde's
POV
First day ng
college life ko, wala ang bestfriend ko, ang taong mahal ko. Pero the gate of
destiny openned up and brought out this beautiful stranger, Brent. Hindi konpa
siya kilala pero pakiramdam ko ay magkakasundo kaming dalawa. Kakaibang
kabaitan ang kaniyang pinapakita sa akin at wala naman akong nakikitang dahilan
upang siya ay hindi ko kaibiganin.
Dumiretso ba
ako sa bahay at nadatnan ko si mama na gumagawa ng mga paperworks mula sa
kaniyang trabaho.
"Oh,
ginabi ka na ah. Kumain ka na ba?"
"Ah, oo
ma, magpapahinga na po ako." binigyan ko na lamng siya ng isang halik sa
pisngi at isang matipid na ngiti.
Pagkatapos
maligo at magbihis ay tumungo na ako sa aking kuwarto. Binuksan ang aking
laptop at agad na naglogin sa aking fb account. Kinamusta ko si Trev at
ikinuwento ang tungkol sa aking first day in college. Hindi ko na binanngit pa
sa kaniya ang tungkol kay Brent sapagkat sa tingin ko'y hindi naman ito
kailangan. Matipid ang mga naging tugon niya. Mabilis ang itinakbo ng aming
usapan at natapos din ito kaagad.
Pangungulila.
Ito ang nararamdaman ko nang mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay unti unti nang
lumalayo sa akin si Trev. Ang friendship namin ay maituturing nang isang
relasyon kaya't naitanong ko na lamang sa aking sarili kung lahat ba ng long
distance relationships ay sa ganito humahantong.
Siguro nga ay I
prioritize him more than he values me kaya naman ganito na lamang ang lungkot
na nararamdaman ko. Bakit ba kasi walang equal sa love. Bakit palagi na lang
may less than at madalas ding may greater than? Equal na lang sana para happy
na lamang ang lahat.
Muling sumagi
sa aking gunita si Brent. Agad kong tinype ang kaniyang pangalan sa search bar.
"Brent Crisologo" at hindi naman ako nabigo sapagkat agad ko itong
nakita. Talaga namang hunk na hunk siya sa kaniyang profile picture. Agad akong
nagsend ng friend request at nag message sa kaniya.
"Hey pare,
this is Clyde, thank you for the time. :>"
Hindi ko
makalimutan ang sinabi niya noong self introduction namin kanina.
"I'm
special because I do believe that I am special. For me everyone is and it all
starts in one's way of thinking. As long as you have that self confidence and
believe that you are, you can be special."
"I do
believe that genuine love knows no boundaries. It does not judge, it does not
exclude, and it does not label. It knows no ethnicity, beliefs, and even
gender. Love in its purest form can conquer anything."
Tama siya.
Hindi masama ang magmahal at napakapowerful nito. Sana lang ay makamtan ko
nadin ang true love ko. How i wish...how i wish...
Isinara ko ang
aking laptop at ipinikit ang aking mga mata. Di nagtagal ay nahimlay na ang
aking kamalayan. Nakatulog akong pinagninilayan ang mga bagong pangyayari sa
bagong kabanata ng aking buhay...
itutuloy...
Son, sa iyo ba tong novel na to? Maganda...
ReplyDeletesalamat po :)
ReplyDelete-elocihn
opo, salamat po :))
ReplyDelete-elocihn
Nice story. Will wait for the next chapters. :)
ReplyDelete--- Rye Evangelista
ung gantong storya ung nagbibigay ngiti't kilig sakin..
ReplyDeleteupdate na po sana agad author... excited much lungs po.. hahaa
jihi ng pampanga