Followers

Wednesday, April 16, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 15: Diversion



The Tree, The Leaf, and The Wind

Chapter 15

“Diversion of Feelings”

By: Jace Knight

https://www.facebook.com/jace.pajz

 

 


Author’s Note:

Guys. I owe you a big apology dahil hindi ako nakapag-update last week. I’m really sorry. Di na ako rarason pa, dahil kong kasalanan ko din, basta sorry talaga. Anyways, as promised, this chapter at ang 16 ay ating papahabain para naman makabawi ako sa inyo for last week. Salamat sa mga nag-aabang pa rin sa storyang ito. Sana di ko kayo ma disappoint sa chapter na to. Konting intro pa alng ito sa malaking pasabog na magaganap sa 16. Hehehe.

Salamat sa mga bago at dating minions ni Jace na naglalaan ng konting panahon upang maipahayag ang kani-kanilang reaksyon through comments sa ibaba, sa fb, o kahit sa text. Kahit pressured na ako sa mga kakulitan niyo, ayos lang. Dagdag inspirasyon din kasi. Hehehe. Kaway-kaway pala sa dalawang napakakulit kong bunso, sina Hao Inoue at Kenken. At sa kuya kong si Mr.CPA. Hehehehe..

Anyways, after a long week of waiting. Eto na ang inaabangang kasunod ng ating storya. I present to you, the 15th chapter of TLW. Enjoy po mga kuya! :D


Jace


=======================================


== The WIND ==

“Yoh.” This is it Yukito Ramirez. This is it. Wag kang mahihiya.

“Yoh?” Rinig kong tawag ni Jayden.

“Yoh..” Eto na. Eto na.

“Yoh. Alfer said he likes me.” Mahina pero narinig ko pa ring sabi ni Jayden.

What?! Alfer?

Para akong nabingi sa sinabi ni Jayden. Parang may sumabog na granada sa harap ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit sa pakiramdam.

Kung kelan handa na akong ipagtapat ang totoo kong nararamdaman kay Jayden, eto na naman ang isang malaking dagok sa akin.

Oo, alam kong napakabilis lang ng halos tatlong linggo na pagkakaibigan namin para tawagin itong pag-ibig. Maskin ako naguguluhan sa sarili ko, bakit nga ba ako nahulog sa kanya? Bakit ang bilis?

Kung gano kabilis nyang nabihag ang puso ko, ganun din kabilis akong nasasaktan sa sinabi niya. Pero sana. Sana, ganun ko kabilis kalimutan si Jayden.

From the looks of it, I knew that he’s happy with what Alfer told him. Siguro, gusto din ni Jayden si Alfer. Pero paano na ako nito?

“Jayden, mahal kita eh. Gusto ka pa lang naman ni Alfer diba?” Ang mga katagang nais kumawala sa aking isipan.

Jayden, mahal kita. Ayokong nakikita kang nahihirapan.

Kaya magpapadaya nalang ako. Ihahabalin nalang kita kay Alfer. Masakit, pero iyon ang mas mabuti kong gawin. Masaya ka naman sa kanya diba?

“Yoh!” Untag sa akin ni Jayden. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at pagdadamdam sa mga rebelasyong kani-kanina lang ay binitawan ng taong mahal ko. “Yoh, okay ka lang?”

Nakatitig pa rin ako sa kisame, pero siya nakatagilid na paharap sa akin. “Ah, oo Yoh. Ano nga ulit sabi mo? Ay, o-oo nga pala. Sorry, m-may iniisip lang ako.” Ngumiti nalang ako ng pilit. Nakita ko syang tumititig sa akin na ang mga mata’y nag-aalala. “Why?”

“W-wala.” Bumuntong-hininga naman sya. At bumalik sa pagtitig sa kisame. Nakahiga pa rin kami pareho sa kama ko.

“O, para san yung buntong-hininga mo?”

“Eh kasi, kasi. Naguguluhan ako Yoh. Tungkol kay Alfer.”

Ayun. Yun na naming taong yun. Haay. As much as possible, I don’t wanna talk about him and Jayden. Ang sakit pakinggan , ang sakit sa dibidib. Kaya di nalang muna ako umimik.

“Yoh, bakla ba ako?” Kapagkuwa’y tanong niya.  Tinitigan ko naman sya sa mga mata. “Naiinis na kasi ako sa sarili ko eh.”

Pumihit na ako patagilid sa kanya upang mapagmasdan sya. “Yoh, ikaw lang naman nakakaalam nyan eh. Pero eto sasabihin ko sayo. Kung ano at sino ka man, kung saan ka sasaya, andito lang ako lagi para sayo.”

“Baka pag nalaman kong bakla ako Yoh, pandirihan mo ako. Baka husgahan agad ako ng mga tao sa paligid ko.” Malungkot nyang sabi.

Napangiti naman ako. “Yoh, kaibigan at kapatid na ang turing ko sayo. At kung meron mang unang iintindi sa pagkatao mo, dapat ikaw yun. Kung hindi mo tatanggapin ang sarili mo, sino pa ang tatanggap sayo, diba? At ako ang pangalawa. Bespren tayo diba?”

Haay. Jayden. Sana lang nalalaman mo tong nararamdam ko para sayo. Mahal kita, di lang bilang isang kapatid at kaibigan, kundi bilang isang tao na naghahanap ng isang katuwang sa buhay.

Natutuwa ako at medyo open ka naman pala sa pagiging iba mula sa karamihan. Pero may dala din palang itong sakit.

Sakit mula sa katotohanang si Alfer ang nagpamulat sa iyo sa pagbukas mo sa iyong isipan. Haaaay.

Pero alam kong masaya ka na kay Alfer. Sana lang alagaan ka ni Alfer. Sana lang, may patutunguhan itong pagpaparaya ko. Oo, kakalimutan ko na ang nararamdaman kong ito, kahit mahirap. Best friend kita, at ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan at mahihirapan kung sakali mang umamin ako sa totoo kong nararamdaman.

“Yoh, salamat.” At nabigla nalang ako ng maramdamang lumapit sya sa akin at niyakap ako. Isinubsob nya ang mukha niya sa dibdib ko. “Salamat at nagkaron ako ng kapatid at kaibigan sayo.”

Gusto ko syang yakapin pabalik, pero nasasaktan ako. For I know that I can never have him. Tumutulo na yung luha ko, pero pinipigilan ko paring umiyak.

 Ang sarap ng pagkakayakap nya sa akin. Pero gusto ko ng umiwas muna sa mga ganitong sitwasyon. Ayokong maguluhan si Jayden sa amin ni Alfer. Gusto ko syang maging masaya at magkaroon ng peace of mind. If it’s worth sacrificing on my part, it’s definitely worth it.

Pinahid ko naman ang mga luhang naghahabulan sa pisngi ko at inisip na magiging okey ang lahat, kahit imposible pa ang okey na naiisip ko kanina. “Yoh, ang drama natin. Friday pa ngayon. Bukas pa ang MMK.” At nagtawanan nalang kami. Hindi ko na pinahalata sa kanya na umiyak ako. “Sige Yoh, baba na muna tayo. Baka maubusan tayo nung cake mo.”

Yun na nga ginawa namin. Bumaba ulit kami sa may sala upang kumain ng cake. Natulog na si Papa at si James kaya sina Mama at Ate Reema nalang ang nakipagkwentuhan kay Jayden, habang ako naman ay nagpapanggap na nanunuod lang ng TV. Pero ang totoo, nasasaktan pa rin ako sa mga nalaman ko. Pinilit ko nalang na wag ipahalata kay Jayden ang lahat.

Pagkatapos naming kumain ng cake at choco roll, pinauna ko na sa kwarto si Jayden para makaligo na at makapagpahinga na rin. Habang ako naman ay tinutulungan si Mama na iligpit ang mga pinagkainan namin. Si Ate Reema, ayun, direcho na sa kwarto.

“Anak, di ka kumain ng Carrot Cake. Ang sarap pa naman.” Sabi ni Mama habang naghuhugas ako ng plato sa kusina. Bumuntong-hininga nalang ako. Lumapit ito sa akin. “Anak, ano ba problema? Bakit ang lungkot ng mukha mo?”

“Ma, wala ho. Pagod lang siguro.” Malamig na tugon ko.

“Naku sinasabi ko sayo Yukito. Pagod? Eh maghapon ka lang nakahilata sa kama mo, tas gagamitin mo yang palusot?” Kinurot naman ako ni Mama sa tagiliran. “Umamin ka na kasi. Kilala kita anak. Kaya bawat uto’t hininga mo, alam ko.”

“Ate Vi?” At tumawa na ako. Kinurot pa ako nito ulit sa tagiliran. “Aray, ma!”

“So ano nga? Bakit ganyan itsura mo? Si Jayden ba?”

Bumuntong-hinga ako at napatango nalang.

“O, ano nangyari? Sinabi mo na ba sa kanya?”

“Sasabihin na sana Ma, kaso…”

“Kaso ano?”

“Si Alfer.” At napatungo ako. Ayoko na sana pang pag-usapan ang tungkol dito.

“Oh, bakit?”

“Ma, sasabihin ko na sana kay Jayden yung nararamdaman ko, pero sinabi nya na nagtapat na si Alfer sa kanya. Gusto daw ni Alfer si Jayden.” Di ko naman mapigilang mapaluha habang niyakap ako ni Mama. “Ma, bakit ganun? Kung kelan ako naging handa na magpakatotoo sa nararamdaman ko, tsaka pa ako susubukin ng ganito?”

“Anak, wag mo agad syang sukuan. Kung mahal mo talaga si Jayden, ipaglalaban mo sya. Wag kang maging duwag, or else, matatalo ka.”

“Ma kasi, maraming beses ko na napapansin si Jayden na parang masaya sa tuwing nagkikita sila ni Alfer. Ma, ang hirap eh. Ang hirap-hirap ma.”

Tinapik-tapik lang ako ni Mama habang patuloy pa rin akong umiiyak sa balikat nito.

“Pero kakalimutan ko na tong pesteng nararamdaman ko. Nahihirapan na ako Ma. At mas lalong mahihirapan si Jayden nito. Ayoko namang masaktan sya ng dahil sa akin Ma.”

Pagkatapos ang usapan namin ni Mama, kinalma ko ang sarili para di naman mahalata ni Jayden na napakalungkot ng aura ko. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko ng nakabihis pantulog na si Jayden. Dumirecho nalang ako sa banyo para makaligo din.

We can always freshen up our bodies after taking a shower, but not our minds. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko lang si Jayden na nakahiga na. “Haaay. Face it Yui. He can never be yours.” Pagpapakalma ko sa sarili.

“Yoh, tulog ka na. Di na ba masakit ang ulo mo?” Tanong niya.

Umiling naman ako. “Di na Yoh. Gusto ko na nga matulog eh. Salamat pala sa cake ah? Ang sarap.” Pilit na ngiti ko.

“Anong masarap? Eh hindi ka nga kumain nun.” Simangot nya sa akin.

“Ah- eh, busog na ko eh. Pero nagustuhan nila Mama.” Ngumiti nalang ako at nahiga na sa tabi niya. “Goodnight Yoh.”

“Goodnight din.”

Pagkatapos ng isang oras, hindi pa rin ako makatulog. Ang hirap pala pag itong katabi mo, na gustong-gusto mo yakapin at halikan, ay hinding-hindi na magiging iyo. Siguro I’m just jumping to conclusions, pero yun ang nararamdaman ko eh.

Oo, duwag ako. Takot harapin ang katotohanan. Takot harapin ang nararamdaman. Ganito ako lagi eh. Ewan ko ba. Kahit ako nagagalit na ako sa sarili ko.

Oo nga. Napatunayan kong mali ako sa inaakala kong homophobic si Jayden, pero mas malaki pa pala ang problema kesa dun. Iba ang natitipuhan ng taong mahal ko.

At ako naman, naduduwag naman na aminin ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Ang saklap lang. Kung gano ako kaswerte sa pamilya, ay sya namang ikinasawi ko sa buhay pag-ibig ko.

Pero sige na nga. Siguro naman, mababaling ko naman sa iba ang nararamdaman kong ito para kay Jayden eh. Maaga pa naman, at wala pa namang gaanong attachment na namumuo sa pagitan namin. Siguro, yun na nga lang ang gagawin ko. Bahala na si Batman!

Pagkatapos ng ilang minutong paghiga sa kama. Di talaga ako makatulog eh. Lumabas nalang ako sa terrace ng aking kwarto, bitbit ang gitara at nagsimulang tipahin ito at kumanta..


===============================================


== The Leaf ==

“Yoh, kaibigan at kapatid na ang turing ko sayo. At kung meron mang unang iintindi sa pagkatao mo, dapat ikaw yun. Ako ang pangalawa. Bespren tayo diba?”

That confirms it. Purong kaibigan at kapatid lang ang tingin sa akin ni Yui. Haaist.

Pero mas okey na rin yung ganito. Yun bang nabawas-bawasan na ang dinadala ng dibdib ko? Paking tape na Alfer kasi eh. Seryoso ba talaga sya dun?

Balik tayo kay Yui. Siguro tama nga ako. I was in deep sadness, and Yui was the one who helped me get back on track. Naligaw lang ng iniisip ang utak ko sa pinapakitang kabutihan ni Yui sa akin.

Siguro natagalan lang bago ako nagkaroon ng kaibigan kaya nami-mislead ako sa companionship ni Yui. Ewan ko ba. Napaka-assuming ko minsan.

Nakahiga na kami ni Yui sa kama nito. Nasiyahan naman ako sa naging pakikitungo nila Tita Pearl sa akin. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa mga ito. Pakiramdam ko, nakatagpo na ulit ako ng pamilya sa kanila. Siguro, matutuwa si Mama nito pag nakikita niyang nagiging masayahin na ulit ako.

Kanina, nung niyakap ko si Yui, sinabi ko sa sarili kong maswerte ako. Kahit papaano, nandidito ang isang Yukito Ramirez na nagpapagaan ng loob ko, kahit anong bigat nito. Si Yui. Si Yui na bespren ko.

Kanina, nung sinabi ko sa kanya na gusto ako ni Alfer, mukhang nag-alangan ito. Siguro, nag-aalala lang ito. Dati nya pang sinasabi na mag-ingat ako kay Alfer eh. Over protective din pala tong Yoh ko. Ahahaha!

Si Alfer nga pala. Haay. Isa pa yun. Bakit nasabi niya yun? Gumaganti ba ito sa ginawa kong pamamahiya sa kanya sa buong campus? O baka naman talagang seryoso sya?

Ano ba tong naiisip ko? Hindi naman ako bakla. At mas lalong hindi bakla si Alfer.

Sabi nga nila, hindi mo naman madidiktahan ang puso eh. Kung kanino man ito tumibok, kabahan ka na. Kasi wala ka talagang kontrol dito. Pero sa kaso namin ni Alfer, ewan ko sa kanya. Pero yung sakin?

Ano nga ba nararamdaman ko para sa kanya?

Oo. Di na ako magpapaka-plastic. I admit that I’m attracted to him. Ewan ko ba. Pero siguro dahil may mga similarities din kami. At siguro, gusto ko lang din syang tulungan sa problema nila ng Dad niya.

Kahit papaano kasi, mas swerte pa rin sya at nakakasama pa rin nya ang mga magulang niya.

He has this charm na parang nagmamagnet sa aking kamalayan para mapansin siya.

Siguro, ang isa ko ring naramdaman kay Alfer ay ang pagiging honest niya sa akin. Hindi sya kagaya ng iba na nagtatago sa likod ng mga ngiti at tawa. His expressiveness caught me. Yung pagiging prangka niya.

At kahit nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako, nagdadalawang-isip man ako, pero yung mga mata niya. They were so sincere. It’s like telling me to believe in him.

Pero di naman siguro ganun kadali yun. Alfer is a ruthless player. At alam ko yun. Dati pa akong nakakarinig ng di magagandang balita sa kanya. It’s just too hard to believe him. Ang bibilis ng mga pangyayari. Baka naman nadaan lang siya sa state of confusion. Kagaya ng nararamdaman ko kay Yui.

Pero, ano nga ba talaga ako? Bakla ba talaga ako?

Ewan. Di ko alam. Malalaman nalang natin sa mga susunod na kabanata.

For now, I would like to observe things. Both for me and for Alfer.

Consistency. Yun ang susubukan ko kay Alfer. Bahala na si Batman!

Naalimpungtan ako maya-maya. Nakatulog na pala ako. Napansin ko namang wala na si Yui sa tabi ko.

“Asan kaya siya?” tanong ko sa sarili ko.

Narinig ko namang may nagigitara sa may terrace ng kwarto ni Yui. Ang lungkot lang ng tugtog. Tumayo naman ako at lumapit sa sliding door papunta ng terrace.

Nakita ko lang sya don na nakaupo sa may duyan.  Yakap-yakap niya ang gitara habang kumakanta. Nakatalikod sya sa akin. Di na muna ako lumapit. Papakinggan ko muna siya.

My shattered dreams and broken heart are mending on the shelf. I saw you holding hands, standing close to someone else. Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone. I gave my best to you, nothing for me to do, but have one last cry. One last cry, before I leave it all behind. I've gotta put you outta my mind this time. Stop living a lie. I guess I'm down to my last cry, cry”

Is he crying? Naririnig ko ang pagka-crack ng boses nito. Ang ganda-ganda ng boses niya. And the way he sings, wow!

“I was here, you were there, guess we never could agree. While the sun shines on you, I need some love to rain on me. Still I sit all alone, wishing all my feeling was gone. Gotta get over you, nothing for me to do but have one last cry..”

Yoh. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Napalingon naman sya sa akin na halatang nagulat at nagpupunas ng luha sa mata.

“K-kanina ka pa ba?” Tanong niya. Umupo naman ako sa tabi niya.

“Ngayon lang. Ang lungkot naman nun? Akala ko ba ako lang mahilig mag emo?” Ngiti ko sa kanya. May nakita lang akong luha na sumilay mula sa mga mata nito at pinahid ko agad ito. “Bakit ka ba umiiyak Yoh? May problema ka ba? Lika. Pag-usapan natin.” Ngumiti lang ako sa kanya.

“W-wala Yoh. M-may n-naalala lang ako.” Sabay iwas ng tingin.

“Itsura mo. Sige na. Dali. Makikinig ako.”

“Wala nga sabi eh. Kulit.” Iling lang niya at pilit na ngumiti.

“Yoh? Ang duga mo! Nakita mo na akong umiyak, tas ngayong babawi na ako, nagsusungit ka.” Nginitian ko ito at isinandal sa balikat ko ang ulo nito.

Wala naman syang imik. Nakasandal lang sya sa akin habang yakap-yakap pa rin ang gitara.

“Sige, iiyak mo lang yan. Pero dapat, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman nito ha?” At hinawakan ko ang dibdib niya. “Trust me. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo yan sa akin. And no worries, makikinig ako.” Ginaya ko lang ang ginawa at sinabi nya nung unang beses na kinulit nya ako sa kwarto at nakita akong nag-iiyak.

“W-wala Yoh.” Napabuntong-hininga lang ito. “N-naalala ko lang si Papa.”

“Yoh. Hindi ko alam ang sasabihin sa iyo, pero hayaan mong damayan kita.” At tinapik ko ang balikat nito. “Ganun talaga ang buhay Yoh.”

“N-namimiss ko lang si Papa. Pero wag na muna nating pag-usapan yan Yoh.”

“O sige. Basta Yoh ha? Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Wag ka ng malungkot, please?” Hinarap ko sya at nginitian ng ubod-tamis. “Ayokong nagkakaganyan ka Yoh. Di ako sanay na nalulungkot ka.”

“Salamat Yoh.” At nabigla lang ako ng niyakap nya ako.

“A-aysus. Nagdrama ka pa jan. Shemps. Bespren tayo diba?” At kumalas siya sa akin.

“Oo, bespren slash kapatid.” At ngumiti na ito, kahit pilit, okey na rin. Atleast nakangiti na ito.

Inakbayan ko lang ito at sabay na kaming bumalik sa kwarto ni Yui para matulog na.

Hindi ko na sya kinulit sa mga bagay na hindi pa nya kayang ibahagi sa akin. Mag bespren kami, pero nirerespeto ko pa rin ang private space niya.

Noong ako ang nalugmok sa kalungkutan, siya ang nandyan para tulungan ako makabangon. At ngayong siya naman ang may pinagdadaanan, sasamahan ko siya.

…………

Mabilis namang lumipad ang mga araw. Days turned to weeks, and weeks turned to months. Tatlong buwan na rin ang lumipas simula nung mag-krus ang landas namin nila Alfer at Yui.

Sa amin ni Yui, well, ganun pa rin. Magbespren at magkaramay sa lahat ng bagay. Sa tatlong buwan na dumaan, mas nakilala ko pang lalo si Yui.

Tama. Hindi ako nagkamali na papasukin ito sa buhay ko. Si Yui ang taong nakahandang tumulong at umalalay sa lahat ng dinadaanan mong problema.

He shows when you least expected it, and makes me smile for the most random reasons. Na-nenegate lahat ng ka-emo-han ko sa katawan ng dahil sa kanya. Si Yui ang naging katapat ng negativities ko. Ang pagiging bibo nya ay ang naging ilaw sa madilim kong buhay.

At tama nga. Tama nga na maging kaibigan nalang kami. Tama nga na naidivert ko ang naramdaman ko sana sa kanya. Kasi sa pagkakaibigan, mas tumatagal ang isang tao sa mga buhay natin.

Sabi nga nila, “Friendship often turns to Love, but Love is rarely turned to Friendship.”

Tama na yang pagbabalik-tanaw na yan. Basta sa ngayon, masaya ako sa pagkakaibigan namin ni Yui. Masaya syang kasama. Hinding-hindi ako nauubusan ng tawa sa mga korni niyang joke. Kahit korni, may sense naman, most of the times.

Pagkatapos ng tatlong buwan, ganun pa rin ang set-up ng aming mga buhay. Minsan, tatambay kami sa bahay namin. Minsan naman, sa kanila din. At sa tuwing nalalagi ako sa kanila, walang panahon na hindi ko nakakausap at nakakakulitan ang pamilya nito.

Pakiramdam ko, nakatagpo na ako ng pamilya sa bahay na iyon. Sina Tita Pearl at Tito Conrad, sina Ate Reema at James. Napakainit ng pagtanggap nila sa akin. Sa kanila ko naramdaman ang pakiramdam na magkaron ng isang pamilya.

Ang saya lang kasi nila kasama. Lalo pa’t sina Tita Pearl at Tito Conrad ay sobrang kwela at jam lang sa kanilang mga anak. Para lang silang magbabarkada eh. Minsan, naiinggit ako kay Yui. Buo sila, at kahit papano’y nakakaangat sa buhay.

Haay. Pero alam kong walang patutunguhan tong inggit nato. Welcome naman ako sa kanila eh. Nararamdaman ko namang di na rin ako iba sa kanila. Namiss ko lang talaga ang magkaron ng pamilya.

Minsan, sumasagi sa isipan ko ang mga tanong. Ako kaya? Siguro hindi na nga mabubuo ang pamilyang pinapangarap ko. Wala na si Mama. Wala na ang babaeng nagluwal, at mag-isang bumuhay sa akin ng ilang taon. Haaay. Namimiss ko na naman si Mama.

“Mama..” Nasambit ko.

Nabigla naman ako ng may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko. Napaharap ako bigla dito, at nagpunas ng mga luhang kanina pa pala tumutulo ng di ko namamalayan. Kasalukuyan kaming nandidito sa terrace ng bahay nina Yui at nakatingin lang ako sa mga taong nandudun sa may pool area.

“A-ah. Tita Pearl. P-pasensya na po. N-naalala ko lang si Mama.” At pilit na ngumiti dito.

“Halika nga.” At ibinuka nito ang mga kamay at yumakap sa akin. “Alam ko. At namimiss ka rin nun. Hayaan mo anak. Ang isipin nalang natin na nasa mabuting kalagayan na ang Mama mo ngayon.” At hinagod-hagod pa nito ang likod ko.

“Oo nga po. S-salamat po pala sa pagtanggap sa akin dito sa pamamahay nyo po.”

“Naku! Ikaw talagang bata ka!” Kumalas siya mula sa pagkakayap sa akin. “Oo naman. Parte ka na ng pamilya namin anak. Ako nga, anak na turing ko sayo eh. Kaya simula ngayon, ako na Mama mo ha?” Ngumiti ito.

Wow. Grabe! Mama? “Opo M-mama.” Ang saya. May mama na ulit ako. Napapaluha na naman ako sa tuwa. Pero pinahid lang to ni Mama Pearl sa aking pisngi.

“Sus! Tama nga si Yukito. Ang drama mo ngang bata ka.” At nagtawanan na kami. “Wag ka ng umiyak anak. Ang gwapo mo pa naman. This is your big day! Kaya wag ka ng malungkot ha? Tara na sa baba. Naghihintay na sila.”

Pababa na kami. At habang malapit na kami sa may pool area ng bahay nila Yui, napalingon naman ang lahat sa amin. Si Papa Conrad, Ate Reema, James at Yui. Agad lang silang tumayo at nilingon kami at nagsimula ng kumanta ng “Happy Birthday” song.

Nakita ko si Yui na kinuha ang birthday cake na binake pa ni Ate Reema. Si James nama’y sinindihan ang mga kandila na nasa cake.

Todo-ngiti naman ako habang kinakantahan nila ako. Ang saya saya ng araw na to. Wala na siguro akong mahihiling pa.

“Make a wish Yoh.” Ngiti ni Yui sa akin na lumapit sa akin dala-dala ang cake, matapos ang kanta. Pumikit naman ako. Nag-wish. At hinipan na ang mga kandila.

“Happy birthday Anak!” Bati ni Papa Conrad at Mama Pearl.

“Salamat po. Maraming salamat po Mama, Papa.” Nginitian ko lang silang lahat. “Salamat.”

“Welcome to the family kapatid!” At niyakap pa ako ni Ate Reema.

“The more the merrier. Yoohoo!” Si James.

Nilapitan ko si Mama at binati niya muli ako. “Happy 19th Birthday anak. Enjoy the night ha? Pasensya na sa konting handa. Si Yukito kasi eh. Kagabi lang nagsabi na birthday mo pala ngayon.”

“Salamat po Tita. Ay este M-mama. Sus. Konti pa ba to? Eh mukhang fiesta na po ito eh.” Tawa pa ako ng tawa. “Salamat po talaga.”

“Naku anak. Ilang salamat na nabanggit mo sa nakalipas na limang minuto?” Akbay pa ni Papa Conrad sa akin. “Kasapi ka na ng pamilya ngayon, so hindi mo kailangan magpasalamat. Pero si Yui----“

At hinila na ako ni Yui papunta sa may pool. Hindi na namin narinig ang sinabi ni Papa. Panira to ng moment si Yui kung minsan eh. Hahahaha!

Naupo naman kami sa may pool na magkatabi at ang mga paa’y nakababa sa tubig.

“Happy?” At tumingin sa akin sa Yui. Tiningnan ko lang ito ng saglit at ngumiti ng ubod-tamis.

“Happy is not enough Yoh. Super Ultimate Mega Happy. Salamat talaga Yoh.”

Lumusong na sya sa tubig pagkatapos maghubad ng sando. “Happy Birthday, birthday boy!” At sinabuyan pa ako nito ng tubig. “Habol lang!”

Lumusong na din ako at naghabulan kami sa may pool. Ang bilis lumangoy nitong si Yui. Di ko maabutan. Kakainis. Umahon nalang ako sa tubig at umupo nalang sa may gilid.

“Oh ano? Pagod na Yoh? Di ka pa nakakaganti sakin.” At tinawanan pa ako ni Yui. Sinuklian ko lang ito ng simangot.

“Chura mo Yoh! Ang dugyot mo pag nasa tubig ka. Muka kang shokoy!” Simangot ko pa.

“So bastusan na tayo ngayon? Porke di ka makaganti, ganyanan na tayo?” At lumapit ito sa akin. Nung nasa malapit na sya, ubod-lakas kong sinabuyan sya ng tubig. “Aaacckk!”

Tumawa naman ako ng malakas. “Oh, ano ka ngayon?!”

“Asar! Daya daya mo.” At umahon na din sya sa tubig. Naghabulan na naman kami sa gilid ng pool. “Wag ka magpahuli sa kin. Sinasabi ko sayo!”

Naghahabulan lang kami hanggang di ko na kayang tumakbo at naabutan niya ako. Niyakap nya ako at pilit na kinaladkad papunta sa pool. “Bitawan mo ko Yoh! Mama oh, si Yui?” Pagsusumbong ko sa kay Mama.

“Ang sweet naman!” Si Ate Reema na pini-picture-an pa kami.

“Che!” Irap ni Yui kay Ate Reema.

“Yoh. Suko na ako. Bitiwan mo na ko.” Nagpupumiglas pa rin ako sa higpit ng pagkakayakap ni Yui sa akin.

Ewan ko pero naaasiwa ako sa pagkakadikit ng likod ko sa dibdib ni Yui. Pareho lang kaming naka swimming trunks. At kanina ko pa nararamdam ang bukol ni Yui. Awkward.

Nagising nalang ako sa pag-iisip nang maramdamang nahuhulog na kami sa tubig. Nakayakap pa rin sakin si Yui.

Arrrggh! Eto na naman tong pakiramdam na to. Bumabalik na naman!

“Kung bakit ba kasi may payakap-yakap pa tong si Yui!” Sabi ko sa sarili ko.

“Hahaha! Happy birthday Yoh!” At nginitian nya lang ako ng ubod-tamis. Haaay. Kung ganito kaganda ang ngiti ng nang-aasar sayo, magpapaasar nalang ako sa buong buhay ko. Hahahaha!

“Hoy! Baka nakakalimutan mo. Asan na gift mo sakin?” Biro ko sa kanya.

“Hindi mo ba naramdaman yun?” Sabay iwas-tingin ni Yui, at tumatawa pa ang mokong.

“Ang alin?”

“Yung kanina.”

“Ano nga?!”

At kibit-balikat nalang siya na lumapit sa may lamesa kung nasaan ang mga pagkain at sila Mama, Papa, Ate at James na nagkukwentuhan. Lumapit nalang din ako sa kanila.

“Oh, hindi pa nga kayo kinakasal, pero dinaig nyo pa ang nagha-honey moon.” At napahagikgik pa ng tawa si Ate Reema. Pati sina Mama at Papa, tumatawa na rin.

“Ate! Grabe. Ang daldal mo. Kumain ka nalang. Gutom na ako.” Pag-iiba ng usapan ni Yui dito sabay  upo at kumain ng cake at barbeque.

Napuno naman ang gabing iyon ng kulitan, tawanan at samo’t saring kwentuhan. Ang saya ko sa araw na to. Nagpapasalamat ako kay Lord at kahit papano, pagkatapos ng mala bagyong Yolandang paghihirap ko nun, tumigil na rin ang ulan ng buhay ko at nasilayan ko na ang liwanag ng kalangitan.

Kinagabihan, habang papatulog na kami ni Yui. Bigla lang sya tumikhim. Napaharap naman ako sa kanya ng higa at nakita ko lang itong nakangiti na ubod ng tamis.

“Bakit?” Kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Happy Birthday Yoh!” At inabot niya sa akin ang isang paper bag na may ribbon at card na may Happy Birthday. “Alam kong magugustuhan mo yan.”

Napabalikwas naman ako ng upo at ganun din sya. Napangiti naman ako sa pagiging thoughtful ni Yui. Sobra-sobra na nga ang ginawang preparasyon ng pamilya nya sa kaarawan ko, at eto pa’t may regalo pa pala siya sa akin.

“Buksan mo na!” Untag ni Yui sa akin. Nakatitig pa rin kasi ako sa kanya habang nangingiti.

Agad ko namang binuksan ang regalo niya sa akin. At nanlaki lang ang mga mata ko ng makita na ang nilalaman ng paper bag. Isang wireless na headphones para sa ipod ko! God! Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa excitement.

“I knew you’d like it!” Grabe talaga si Yui. Alam na alam niya ang mga bagay na gusto ko. Ang swerte ko sa bespren ko.

“Salamat Yoh! Ang mahal kaya neto?”

“Anything basta para sayo Yoh.” At ngumiti pa sya ng todo. “Yaan mo, utang yan. Hulog-hulugan mo nalang buwan-buwan. Hahahaha!” At tumawa pa sya.

“Daya mo!” At nakitawa na rin ako. “Salamat Yoh ha?”

“Kow. Ayan na naman tayo sa mga drama mo eh. Lika na, tulog na tayo. Bukas mo na i-try yan.” At ginulo pa nito ang buhok ko, at muling humiga.

Si Yui. Haaay. He’s too good to be true. Minsan di pa rin ako makapaniwala na magkaibigan kami ng ugok na to eh. Kala mo talaga di sya totoo, dahil napaka perfect niya sa lahat ng bagay. Both physically at sa ugali nito. Kung ano kinabait ni Yui, ay sya namang kinasama ng pagtingin ko kay Alfer.

And speaking of Alfer. Yung sa aming dalawa ang nagbago. Naging masigasig siya sa tinatawag niyang panliligaw sa akin. Though kami lang tatlo ni Yui ang nakakaalam sa pagpapa-cute niya sa akin. Pero sa tatlong buwan na pagpapapansin ni Alfer sa akin, hindi nito alam na alam din ni Yui ang ginagawa niya.

Palagi siyang gumagawa ng paraan halos araw-araw para makita ako at mapansin ko siya. Kung anu-ano na ang naiisip nito para lang sagutin ko sya.

Attracted ako sa kanya. Siguro kelangan ko pa ng panahon para matanggap na sadyang ganito talaga ako.

Si Alfer. Sa tatlong buwan na naging malapit kami sa isa’t isa, alam ko, nagbabago na siya. Hindi na sya ang dating Alfer Samonte na kilalang mayabang sa campus. Siguro, pinapatunayan nya lang sa akin na seryoso talaga sya. At sa didikasyon nyang iyon, mas nagugustuhan ko na siya.

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Yui sa school. Friday noon at huling araw na ng Sem. October 14, at bukas ay Sembreak na. Pareho lang kaming excited ni Yui sa paparating na bakasyon.

Lunchbreak na. Sabay kami ni Yui kumain sa may cafeteria, nang mamataan namin ang paglapit ni Alfer.

“Ui. Manliligaw mo oh.” Sabi ni Yui. Napalingon naman ako sa direksyong ininguso ni Yui. Nakita ko lang si Alfer at si Paul na papalapit na sa lamesang kinauupuan namin ni Yui.

“Hi. Pwede maki-share ng table?” Nakangiting bati ni Alfer sa amin.

Tumango naman si Yui. “Sige ba.” Ang sagot ko nalang dito.

“Ui dude, Yukito. Na miss ka na namin. Kumusta? Ang snob na natin nayon ah?” Sarkastikong saad ni Paul kay Yui.

“Busy lang dude. Maraming pinagkakaabalahan.” Matabang na ngiti ni Yui kay Paul.

Bakit ba parang may tensyon sa dalawang ito? Akala ko ba magkaibigan sila dati? Haay.

“So, Jayden. San ka ngayong Sembreak?” Tanong ni Alfer sa akin.

“Sa bahay lang siguro. Wala naman akong alam na pwedeng galaan eh.”

Kumunot naman ang noo ko ng makita kong kinawayan ni Yui ang isang babae at nakita ko lang na lumapit sa amin ang babae. Si Kira. Ang kapatid ko sa ama.

“Hi J-jayden, Yui.” Alanganing bati ni Kira sa amin. Hindi nalang ako umimik.

“Join us, Miss?” Si Alfer.

“K-Kira. Kira Gonzales.”

“Diba ikaw yung babaeng nagbigay sana ng cake kay Alfer?” Tanong ni Paul kay Kira.

“A-ako nga.”

“She’s Jayden’s half-sister.” Narinig kong sinabi ni Yui. Nag-iwas naman ako ng tingin.

“What? Totoo ba yan?” Si Paul. “Kaya pala may pagkakahawig sila ni Jayden. Ang cute mo pala miss no? Nasa lahi eh.”

Umupo naman si Kira sa tabi ni Yui. Di ko pa rin ito tinitingnan at kinakausap, kahit alam kong nag-eeffort syang mag-approach sa akin most of the times.

“Anyways dudes, Jayde, at Miss Kira. Uuna na ako ha? May lakad lang.” Ang nasabi ni Paul at tsaka umalis.

“Kira, I’m really sorry for what I did the last time. Alam kong di ko na mababalik yung ginawa ko sayo last time pero willing akong tumanggap ng anumang parusa na ibibigay mo sa akin.” Seryosong paghingi ng tawad ni Alfer.

“N-no. O-okay lang. You don’t have to. M-matagal na yon.”

“No. It’s not okey. I’ve been a jerk.” Tumayo naman si Alfer sa lamesa mismo. “Hey everyone. Listen up! I’ve been a jerk for the past years. I know maraming galit sa akin, at marami na rin akong naapakang tao. Lalo na si Kira Gonzales.” At lumingon ito kay Kira. Si Kira nama’y natataranta sa ginagawa ni Alfer.

“Alfer. Bumaba ka nga dyan.” Nagsilingunan naman ang lahat ng tao na nasa cafeteria sa amin.

Bumaba naman si Alfer. Pero sa halip na umupo muli, lumuhod ito sa harap ni Kira. “Kira, I’m really sorry. Tatanggapin ko kahit bugbugin mo man ako. Or kahit isang sampal lang. Tatanggapin ko.” Nabibigla naman ako sa kaseryosohan ni Alfer.

Ang dating ma-pride at egoistic na leon, ay nagiging maamong tupa na ngayon. Ganito ba talaga sya ka seryoso na magbago? Ganito ba yung sinasabi niyang gagawin niya lahat para sa akin?

“Kira, sorry.” At nakatungo na ito habang nakaluhod pa rin. Nanlaki naman ang mga mata ng mga estudyanteng nakakakita kay Alfer. Siguro maskin sila, na amaze sa pinapakita nitong kababaang-loob.

“O-oo. Sige na. Okey na tayo!” Natatarantang sagot ni Kira kay Alfer. “Di mo naman kelangang lumuhod pa eh. Wala na sa akin yun.” At inalalayan pa nitong makatayo si Alfer.

Nung kinahapunan, nagkasundo kaming apat nila Alfer, Yui at Kira na sabay gumala sa may mall. Ayoko sana eh, kasi nga kasama si Kira. Hindi ko pa talaga siya kayang pakisamahan sa ngayon. Pero si ALfer kasi, napakakulit eh. Pasalamat naman ako’t sasama na rin si Yui.

Dalawang sasakyan ang ginamit namin. Sa sasakyan ni Alfer nakasakay si Kira. At ako nama’y sa kay Yui. Habang nagbabyahe papunta sa mall, nag-usap lang kami ni Yui tungkol sa nangyari kanina sa may Cafeteria.

“Yoh, ano sa tingin mo?” Pagbubukas ko ng usapan.

“Tss. Well display of sincerity. Am glad that he changed. Bilib na talaga ako sayo Yoh. Ikaw lang ang nagpabago kay Alfer. Sa tatlong buwan na panliligaw niya sayo, kinaya na nyang lumunok ng pride.”

“Di naman siguro tama na ako ang maging dahilan nun Yoh. Dapat kasi ginagawa nya yun para sa sarili niya.” Ang nasagot ko nalang.

Pero aaminin ko. Mas nagustuhan ko ang ginawa ni Alfer kanina. Dagdag pogi points din yun. At nakita ko naman ang sinsiridad sa ginawa niya eh, kaya masaya ako.

Nakangiti na pala ako ng di ko namamalayan. Kung hindi pa lumingon sa akin si Yui, hindi ko pa mapapansin kung bakit tila nagtataka ito sa akin.

“Mukhang inlove ka na sa kanya ah?”

“Ha? Hindi no.”

“Sus. Denial ka pa.” Bumuntong-hininga sya. “Teka nga pala, anong plano mo kay Kira?”

“Ewan ko Yoh. Gusto ko naman talaga siyang pansinin eh. Pero ewan ko. Nakakagat ko yung dila ko sa tuwing andyan siya.”

“Oh, kung hindi ngayon, kelan pa? Diba nga sabi mo naman, okay ka na?”

“Oo. Pero ewan ko. Bahala na si Batman.”

“Anjan na naman tayo sa tag-line nating yan eh.” At natawa na sya.

“O? Anong problema dun?”

“Wala naman. Naisip ko lang. Kung si Batman ang bahala sa atin, eh sinong bahala sa kanya?” At natawa na din ako sa logic na hinihingi nya.

“Hirit pa Yoh.”

Narating naman namin ang mall. Pagkarating don ay kumain muna kaming apat sa Jobee. Ang peyborit namin ni Yoh.

Pinauna na kami nina Yui at Alfer sa loob para makahanap na kami ng mauupuan habang sila ay nag-oorder lang sa may counter. Nakakita naman agad kami ni Kira, kaya umupo nalang kaming magkaharap.

Ilang minuto na kaming nag-aantay kina Alfer at Yui, pero katahimikan pa rin ang bumabalot sa aming dalawa. Napaka-awkward. Alam kong parehas lang kami ng nararamdaman. Gusto ng isa’t isa na kausapin ang isa. Haaay.

Awkward.

Awkward.

Awkward talaga! I give up.

“K-kumusta?” Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan namin.

Pilit naming ngumiti si Kira. “A-ah, o-okey lang. Ikaw?”

“A-ayos naman.” Ano ba to? Bakit ba ako kinakabahan magsalita?

“K-kinakamusta ka nila Papa.” Mahinang saad nito.

“K-kira. Pwede bang wag muna natin silang isama sa u-usapan?” Pag-iwas ko ng tingin ditto. “Gusto ko ng ayusin yung sa ating dalawa. Total naman, hindi naman ganun ka grabe ang nangyari sa ating dalawa, d-diba?”

Hinawakan ni Kira ang mga kamay ko. “S-salamat Jayden.”

Noon naman dumating sina Alfer at Yui dala-dala ang mga inorder nialng pagkain. Napansin naman nila ang pagkakahawak ng kamay ni Kira sa kamay ko.

“Yehey! Okay na sila.” Si Alfer. Wait, alam niya? Napakunot naman ang noo ko.

“Sorry Jayden. Sinabi ko kasi sa kanya kanina sa sasakyan. Ang kulit eh.”

“Naku, masanay ka na sa akin future bayaw.” Nakangiting saad ni Alfer.

“What do you mean? Bayaw?” Nagtatakang tanong ni Kira. Nagsimula na kaming kumain.

“Nililigawan niya kapatid mo.” Sabi ni Yui. Nanlaki naman ang mga mata ni Kira.

“Ano?!” At bumaling ito sa akin. Napatango nalang ako senyales na totoo ang sinasabi ni Yui.

“Wait. Alam mo Yui?” Mas nabigla pa si Alfer. “Pero paanong..?”

“Best friend kami ni Jayden, naalala mo?” Sarkastikong saad lang ni Yui.

“Wait wait, so ibig sabihin, bisexuals kayong dalawa?!” OA naman sa reaksyon tong si Kira.

Nagiging defensive na rin ang tono ko.  “Hoy! Anong kaming dalawa?! Eh sya naman tong nanliligaw sa akin ah? Di ko naman yan sinasagot eh!”

“Boom!” At napahagalpak naman sa tawa si Yui. “Ang sakit naman nun Yoh. Supalpal sa mukha si Al.”

“Sige lang. Magiging akin ka rin Jayden. Tandaan mo yan.”

“Wew. Kira. Itali mo ako. Ang hangin eh.”

“Ewan ko nga sa inyo. Ang lalandi nyo. Sayang ka Alfer, alam mo yun?”

“Oh, eh, ano ngayon? Eh sa mahal ko na ang kapatid mo eh? Hindi naman natuturuan ang puso, kasi di naman ito nag-aaral!” At napahagalpak kami sa banat ni Alfer.

“Mahal huh?” Sarkastikong saad ko. Nakangiting tumitig lang sa akin si Alfer.

Maghapon lang kaming gumala sa mall nun. Masaya kami lahat. For the first time after 2 long years, naka-bonding ko rin si Kira. Si Kira na dating kaibigan ko, ngayon pala’y kapatid ko. Naging magaan naman ang atmospera sa pagitan nina Yui at Alfer. Kung dati parang may hindi ako namamalayang tensyon sa dalawa, ngayon, mukhang okay naman sila.

“Sis, wag mo na muna sanang sabihin sa kanila tong nangyari ngayon. Ako na bahala dito. Hindi ko pa kayang harapin si Papa at si Karin. Please?” Sabi ko kay Kira habang pinagmamasdang maglaro ng arcade sina Alfer at Yui.

“Oo naman bro. Ikaw pa. Masaya lang ako at sa wakas ay okay na tayo.” Ngiti pa nito sa akin sabay akbay.

“S-si M-mama mo ba? Kumusta na siya? G-galit pa rin ba sya sa akin?” Alanganing tanong ko.

“W-wala na si Mom Jayden. Dalawang buwan pagkatapos nating grumaduate ng High School, kinuha na siya ng sakit niya.” Malungkot na saad ni Kira. “On behalf of my Mom, humihingi ako ng patawad sayo Jayden.”

“Okay nay un. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nangyari ang mga yun.” Pilit akong ngumiti sa kanya. “Condolence, sis.”

“Okay lang yun. Let’s move forward na bro.” Ngiti pa ni Kira sa akin.

Salamat naman at unti-unti nang nababawasan ang mga tinik sa aking dibdib. Nagkaayos na kami ni Kira, at alam kong, di na rin nalalayo ang pagkakaayos namin nina Karin at Papa.

Sana naman tuloy-tuloy na to. Para naman tuluyan na talaga akong maging masaya.

Si Alfer? Natutuwa ako sa pagbabagong ipinapamalas niya. Alam ko ang sinsiredad sa mga mata nito kanina nung humingi sya ng tawad kay Kira sa harap ng mga estudyante sa cafeteria kanina.

Hindi ko inaakalang ganito magiging kadesidido si Alfer na patunayan ang sarili sa akin. Pakiramdam ko humahaba na tuloy ang buhok ko.

Kanina, habang kumakain at gumagala kami, napapansin ko ang mga tingin at ngiti ni Alfer sa akin. At sat wing nakikita ko ang mga ngiting iyon, ewan ko, pero napapangiti rin ako.

Nahuhulog na ata ako sa kanya?

19 comments:

  1. Abangan ang malaking pasabog sa susunod na kabanata ng TLW. Enjoy po! :)

    ReplyDelete
  2. I-push na ang next chapter? Excited na e! ~Ken

    ReplyDelete
  3. Due to insistent public demand paki post na yung CHAPTER 16 author!!!!

    ReplyDelete
  4. Nice may update n din.. tnx po author.. isa rin ito sa mga inaabangan qng story eh..

    Joma of Bicol pala.. :))

    ReplyDelete
  5. Hi mr. Author.

    Ganda ng story. Kawawa nman si Yui.

    Boto pa din ako kay Yui para kay Jayden. Sana sila na lang...

    JM

    ReplyDelete
  6. Walang mintis kahit matagal naka pg update


    franz

    ReplyDelete
  7. Buti naman at nkpag update kna. Namis tuloy kita hehehe....
    Thank you po

    Khelton

    ReplyDelete
  8. yeay cant wait s saturday woohoo ... welcome back author I MISS U haha honesto promise! !

    KRVT61

    ReplyDelete
  9. Team Yui ako.. hahaha.. can't wait for the coming chapters..

    -vin

    ReplyDelete
  10. ano kayang pasabog baka hindu totoo n nagpapakabait na c alfer? cannot wait for the next chapter. tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  11. Kay yui parin ako.....

    ReplyDelete
  12. It's okay.

    Pero by the look of it. It appears to be the typical goodie-broken guy na maiinlove sa douche-slash-jerk guy na merong third wheel best friend na magpapacomplicate ng story kasi mukhang gagawan ng Book 2 after yung best friend. Plus the family thingy. Halos ganyan kasi yung storylines na common e. Haha.

    I know I'm stereotyping pero sana Hindi Siya magmukhang predictable sa mga susunod na chapters. Siguro masyado Lang akong madaming nabasa na same line-up ng story flow na ganito kaya nagmukhang OKAY Lang Siya sakin. :)

    Pero not bad for a first time author. Maybe if you focus sa kanilang tatlo Lang it'll be better. :) Kaya mo yan! Surprise us! :)

    -KERNELS

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for the eye-opener Sir. will try the best i can not to disappoint you. i've realized how PREDICTABLE i am, thanks to your reaction. really appreciate it.. :)

      Delete
  13. Haaaay. Sana si yui na lang. Yui, ilaban mo nanan si jayden o, alam naman natin na may nararamdaman si jayden kay yui. Mr. Author, bigyan mo naman ng chance si yui. Thanks sa update.

    -tyler

    ReplyDelete
  14. Everything is falling into places not until Chapter 16? Ok. We'll wait for that 'pasabog' :)

    ReplyDelete
  15. SUPERRRRR!!!! Super tanga yung character ni Yui, dapat wala na cya sa story. Ayaw ko ng ganoon katanga!Super negative yung pag iisip nya tungkol sa feeling nya. Maicompare ko cya sa isang tao na nilagnat lang, sa halip na uminom ng gamot o tumawag ng doctor eh sa punenarya agad cya nagpapunta!

    exway

    ReplyDelete
  16. More power Jace

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails