Can't We Try? 7
Hello guys :)) Eto na ang katapusan ng storya ni Justin and Kyle, sorry. Pero may surprise ako, at sana ma-surprise naman kayo please? Haha
Guys, maraming salamat sa mga nagbasa at kinilig sa story ni Justin and Kyle, at pasensya na sa mga naboring. Salamat din po sa mga dumating na suggestions.
Nga pala, dun po sa nagcomment about sa bucket of chicken sa Mcdo, wala po ba talaga? Ayy nakakahiya tuloy, wala eh, hindi po kasi ako nakakakain diyan kaya ayun, sensya na, haha, sana Jollibee na lang pala, tsk. Hehe
Lastly, yung mga nagcomment simula una hanggang sa 6 at dito, thank you very much.
Thanks MSOB, enjoy reading guys :))
-
Hello guys :)) Eto na ang katapusan ng storya ni Justin and Kyle, sorry. Pero may surprise ako, at sana ma-surprise naman kayo please? Haha
Guys, maraming salamat sa mga nagbasa at kinilig sa story ni Justin and Kyle, at pasensya na sa mga naboring. Salamat din po sa mga dumating na suggestions.
Nga pala, dun po sa nagcomment about sa bucket of chicken sa Mcdo, wala po ba talaga? Ayy nakakahiya tuloy, wala eh, hindi po kasi ako nakakakain diyan kaya ayun, sensya na, haha, sana Jollibee na lang pala, tsk. Hehe
Lastly, yung mga nagcomment simula una hanggang sa 6 at dito, thank you very much.
Thanks MSOB, enjoy reading guys :))
-
Nakita ko namang tumayo si Kyle at inilapit ang mukha sa babaeng kaharap niya, hinalikan niya ito sa noo, at hindi ko na kinaya kaya dali-dali na akong umalis, sumunod lang si Marvs.
Ngayon ay nasa may parking lot na kami, sumandal lang ako sa kotse ni Marvs saka ko na binuhos lahat dun, binuksan naman ni Marvs ang isang pintuan at umupo siya dito, nasa tabi ko lang siya, bale siya naka-upo at ako naman nakatayo at nakasandal lang, umiiyak ng umiiyak, pinag-laruan lang pala ako ni Kyle.
"Halika nga,.." saad ni Marvs saka niya ako hinila papunta sa kanya at niyakap niya ako, sa dibdib naman niya ako umiyak.
Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak, sobrang sakit talaga, eto at pinaglaruan lang pala ako.
Basa na ang suot ni Marvs na polo shirt sa may bandang dibdib nito dahil sa mga luha ko, sinasabi lang nito na iiyak ko lang ang lahat at nandyan lang daw siya at hindi ako iiwan.
Makalipas ang ilang minuto ay napagod na ako sa kaka-iyak, nahiya nadin ako kay Marvs dahil sa basa na ang bandang dibdib nito.
Inagkat na akong umuwi nito, gusto niya daw kasi akong makapagpahinga kaya naman sumunod lang ako sa mga sinabi niya.
Inihatid na ako nito sa amin, nagpumilit pa ito na sa amin matulog para masamahan niya daw ako pero sinabi ko na okay lang ako at umuwi na siya para makapagpahinga, nakakahiya din naman kay Marvs diba.
Pagkapasok ko ng bahay ay nandun sila Arvin at Charl, napansin siguro nila ang mukha kong galing sa pag-iyak.
"Kuya what happened?" mahinang pagpansin sa akin ni Charl.
"Umiyak ka?" dagdag naman ni Arvin.
"Okay lang ako, sige magpapahinga na ako." mahinang tugon ko sa mga ito, saka sila binigyan ng pilit na ngiti.
Alam kong hindi sila kumbinsido sa sinabi ko, pero wala akong oras para magpaliwanag dahil sa naiiyak talaga ako, pinipigilan ko lang kanina pa sa kotse ni Marvs habang nasa byahe kame.
Pagkapasok ko ng kwarto ay napa-iyak na lang ako bigla nang makita ko ang isang malaking Teddy Bear na bigay ni Kyle sa akin, pagkahiga ko ay napayakap na lang ako rito habang umiiyak.
"Bakit Kyle?" naisaboses ko na lang habang patuloy padin sa pag-iyak.
Hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iyak, nagising na lang ako dahil sa ingay sa labas, may mga nagkekwentuhan at kilala ko ang mga boses na ito.
Nagulat na lang ako na umaga na pala, grabe sobrang tagal ko palang natutulog, pagtingin ko ng orasan ay 8am na pala, bigla nalang akong nalungkot ng maalala ko ang mga pangyayari kahapon, ang paglalaro ni Kyle sa akin.
Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas, parang na-iiyak nanaman ako pero pilit kong pinipigilan ito, wala eh, talagang mahal ko na kasi si Kyle.
Sumilip ako sa pinto at yun nga, sila Bryle, Matthew, Ivan at Marvs ito, kakulitan sila Arvin at Charl.
"Good morning." pagpansin ko sa mga ito, nakita ko namang nagsitigilan sila at ramdam ko ang pagtahimik ng bahay, hindi ko dapat sila idamay sa sitwasyon namin ni Kyle, mas magandang makisali ako sa kulitan nila.
"Justin." mahinang sabi naman ni Marvs, nilapitan ko naman sila ng nakangiti.
"Hi guys.?" pagbati ko sa mga ito ng maka-upo na ako sa tabi nila.
"We heard what happened yesterday." mahinang sabi naman ni Bryle saka niya ako nilapitan at niyakap, tuluyan na akong napaluha, hindi ko talaga lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Kyle.
Napatingin naman ako kila Arvin at Charl at mababakasan ko sila ng kalungkutan, apektado din pala ang mga kapatid ko.
"Shh tama na." bulong naman ni Bryle, mas lalo naman akong napa-iyak, buti na lang at wala si mama at ate.
Nakayakap lang ako kay Bryle habang umiiyak, mga ilang minuto pa bago ako napagod kakaiyak.
"Sira ulo yang si Kyle, akala nating lahat ay seryoso siya sayo, ginago ka lang pala." inis na sabi ni Matthew.
Tahimik lang ang dalawa kong kapatid, pinakikinggan lang nila kami.
"Grabe siya, sinayang ka niya Justin." seryoso namang sabi ni Ivan.
"Everything will be fine. Don't worry." dagdag naman ni Bryle, bale ang pwesto ko ay nasa harap nila.
"Pero gusto ko parin maka-usap si Kyle, oo masakit pero pag-ibig talaga eh, hindi pedeng hindi tayo masasaktan." ngiti ko sakanila.
"Oh god, sa huli ikaw parin talaga si Justin, kaya nga bestfriend kita eh." ngiti naman ni Marvs saka ako niyakap nito. "Bes baka pede na tayo?" dagdag pa nito.
"Sira." pagbatok ko rito saka kami nagsitawanan. "Guys huwag na muna natin pag-usapan yan, magsaya na lang tayo nang hindi masayang pagpunta niyo rito." dagdag ko pa.
Hanggang sa pinakain na muna nila ako ng pizza na dala nila bago kami lumabas at maglibot sa isang tyanggihan, simula daw naging kaibigan nila ako ay natuto silang mamili doon at enjoy na enjoy naman daw sila.
Kasama nadin namin ang dalawa kong kapatid, sinabi ko sakanilang dalawa na huwag na nila isipin ang nangyari sa akin.
Pumunta na nga kami ng tyanggihan, namili-mili lang ng kung anu-ano habang kumakain nadin, puro kulitan pa, si Ivan laging nagpapatawa, habang nasa daan kami puro sila pagpapatawa, alam kong pilit nilang inaalis sa aking isipan ang ginawa ni Kyle, si Marvs naman naka-akbay lang sa akin, sabi niya na hayaan ko lang daw siyang gawin iyon.
Hanggang sa inabot na kami ng tanghali kakalibot at pagod narin kami kaya naman pumunta kami sa Mcdo.
"Thanks guys." biglang sabi ko na lamang sakanila habang kumakain kami, iba talaga kapag sila ang kasama ko, puro tawanan nanaman kami eh.
"Ano kaba, we're all bestfriends here." sagot naman ni Matthew.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong kumain at patingin-tingin lang ako sa may labasan.
Tila isa atang sumpa ang nangyayari ngayon sa akin, hindi ko nagugustuhan ang aking nakikita, may dalawang papasok ng Mcdo at magka-holding hands pa ang mga ito.
Napabaling naman ang aking mga kasama kung saan ako nakatingin. Bakit tila papalapit pa sa amin ang mga ito.
"Hi guys, nandito pala kayo." ngiting matamis naman ni Kyle sa amin, napatingin naman sa akin ito at nakangiti lang, umiwas naman ako ng tingin.
"Again." sarcastic naman na sabi ni Marvs.
"You do really dare na magpakita pa ah?" dagdag naman ni Bryle.
"Go have your seat, join us." ngiti ko naman kay Kyle, nagulat naman ang aking mga kasama sa sinabi ko, napatingin naman ako sa babaeng kaholding hands nito, napaka-ganda at napaka-puti din, ramdam kong isang mabait na tao ito.
"Sure." sagot naman ng babae saka sila naupo ni Kyle.
"Can't stand this." inis naman ni Ivan, nagtataka naman ako kay Kyle kung bakit parang wala lang sakanya ang lahat, ang pagpaparinig sakanya ng mga kaibigan niya ay hindi niya pinapansin, parang hindi niya din ako kilala kaya't lalo akong naiinis sakanya.
Nag-order naman ang dalawa, binulungan ko ang mga kasama ko na huwag ipasok ang topic about sa amin ni Kyle, hayaan na lang nila si Kyle at hindi din magandang bastusin ang kasamang babae nito lalo pa't ramdam kong napaka-bait nito, ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko rito.
Kita ko naman na pasulyap-sulyap lang ang dalawa kong kapatid kay Kyle, siguro naguguluhan sila kay sakanya.
"So may new friends ka pala mahal." biglang sabi ng babae kay Kyle habang kumakain na sila, at kami namang magkakasama ay nagtitinginan lang.
"Yah, by the way, this is Bryle, Matthew, Ivan and Marvs, also this is Arvin and Charl at kuya nila ay ito si Justin." huling pagtukoy naman sa akin ni Kyle, ang mga kasama ko naman ay hindi nagsasalita.
"And guys this is, Carlota my girlfriend." pagpapakilala naman ni Justin sakanyang kasamang babae, mag-girlfriend na nga sila, halos nanlambot naman ako sa aking mga narinig, naiiyak nanaman ako pero pilit ko itong pinipigilan.
"So you are Justin?" pagpansin naman sa akin ni Carlota, bakit naman ako pa ang napansin niya?
"Yah, nice to meet you." pormal kong balik rito.
"Nasabi kasi nitong si Kyle na mahilig siya sa libangan." makahulugang sabi pa nito, medyo nasaktan naman ako sa narinig dahil parang ako ang tinutukoy ni Kyle sa nasabi niya.
"Kapal talaga." bulong naman ni Marvs sapat na para kami lang magkakasama ang makarinig, nasa may bandang duluhan kasi ang mga ito.
"Well, masarap talagang maglibang eh, lalo na kapag tatanga-tanga yung nililibang mo." pasimpleng banat ko rito, medyo hindi ko kasi nagugustuhan ang takbo ng usapan.
Nakita kong nagulat naman sila sa aking sinabi, napangiti lang ang babae at si Kyle naman ay napatingin lang sa akin at alam kong nagulat din ito sa aking sinabi.
"So how are you Kyle? It's been a long time na hindi tayo nakapaglibang kasama 'tong mga kaibigan natin." sarcastic ko namang pagpansin kay Kyle, mas lalo naman itong nagulat, maski ako ay hindi ko nagugustuhan ang aking pakikitungo, eto at bumabalik nanaman ang ugali kong sumasagot sa maling paraan.
Naaalala ko kasi ang sinabi ni ate ko sa amin nila Arvin at Charl, wag na wag daw naming hahayaang tapakan kami ng ibang tao lalo na kapag wala kaming ginagawang masama, iba rin kasi itong si ate ko eh, mana kay mama, kung sa mabait ay sobrang bait nila talaga pero kapag nagalit, tsk tsk nako iba din sila.
"So matagal na pala kayong magkakaibigan, nabanggit din ni Kyle na may nagustuhan siya dito bago ako, alam niyo ba yun guys?" pagsingit naman ni Carlota.
"Mahal huwag mo nang sabihin yan, kinalimutan ko na yun." agad namang sabi ni Kyle.
"Stop." biglang sabi naman ni Ivan, kaya tumigil nga ang dalawa.
Halos mapaiyak na ako dahil sa sinabi ni Kyle, kinalimutan na daw niya ako, hindi ko lubos maisip na talagang ginago lang pala ako ni Kyle. Aaminin ko na kaninang nasa labas pa lang siya ay gustong-gusto ko na siyang yakapin.
Napatingin lang ako kay Kyle, napatitig lang ako sakanya, pansin ko naman na hindi ako matignan nito.
"Miss ko na mga yakap mo, Kyle. I miss you." naisaboses ko na lamang sa aking isipan hanggang sa hindi ko na napigilian umiyak, agad ko namang pinunasan ang aking mga luha, alam kong may mga nakapansin sa akin, hindi ko na talaga mapigilang umiyak kaya naman napatayo na ako at agarang lumabas.
Pagkalabas ko at medyo nakalayo na sakanila ay doon na ako napaiyak ng tuluyan, nakita ko namang sumunod si Arvin at hinawakan niya ang kamay ko, napayakap naman ako rito at sakanya ako umiyak, si Charl naman ay hinihimas-himas ang aking likuran. Buti na lang at medyo kasingtangkad ko na ito pati si Charl, magaganda nadin ang katawan ng dalawa lalo na si Charl.
Sumunod pala ang aking mga kasama, good thing wala si Kyle at ang girlfriend niya.
"Grabe si Kyle." biglang sabi na lang ni Bryle.
"Let's go." saad ko pagka-kawala ko sa kapatid ko, pilit kong pinigilan ang pag-iyak, tama na't ayoko na.
"Guys, ayoko na. Huwag niyo nang ipaaalala sa akin si Kyle okay? huwag niyo nadin siya sabihan ng kung anu-ano." dagdag ko pa saka naman nagsitanguan ang mga ito.
Pauwi na kami ngayon, lakad lakad lang, medyo iba na ang atmosphere, parang awkward na awkward ang dating namin, nang biglang may tumawag sa akin, tumigil ako sa paglalakad at sinagot ito, napatigil din naman sila.
"Hello sino po sila?" malumanay kong pagsagot sa tawag.
"Ahh tita kayo po pala,..... ah talaga po?,.... k-kailan naman po?.... talaga po bukas?... ah sige po sige po sabihin ko po kay mama pagka-uwi sa bahay,.. opo sige po, salamat tita bye." pagbaba ko sa tawag, sobrang saya ko naman sa sinabi nito.
"What was that kuya?" tanong naman ni Arvin.
"Tumawag si tita sandra, pinapa-uwi tayong tatlo sa probinsya kahit 1 month lang daw at bakasyon naman." ngiti ko sa mga ito.
"Really? ahh nakakamiss nadin si kuya Errick, grabe let's go na." excited namang sabi ni Charl, nga pala si kuya Errick ay pinsan namin, not actually pinsan, nang magkakilala kasi si tita sandra at tito nicko ay may anak na si tito nicko sa iba at isang lalake na si kuya Errick.
Namatay na ang nanay ni kuya Errick at sila na lang ni tito nicko ang magkasama, mga 7years old pa lang si kuya Errick noon, at nakilala ni tita si tito sa isang mall hanggang sa yun na nga naging sila at tinuring din ni tita na parang tunay na anak si kuya Errick.
Agaran naman kaming umuwi, medyo nawala yung sakit na nararamdaman ko dahil sa balita ni tita, hanggang sa nagkulitan nanaman kami pero parang may iba kila Bryle, Matthew, Ivan at Marvs, pero hindi ko na lang pinansin.
"Oh tara magmiryenda na muna kayo at sumabay na kayo sa amin." pagpansin sa amin ni mama at ate na nasa bahay na pala.
"Kakakain lang namin eh, pero sige tara." tugon naman ni Arvin, kaya naman nagsiupo kaming lahat, hanggang sa tinanong ko na si mama.
"Ma magbakasyon daw pala kame kila tita sandra." nakangiti kong sabi kay mama.
"Hay nako, mai-spoiled nanaman kayo dun, sige at bakasyon niyo naman eh." sagot kaagad ni mama.
Sila tita kase medyo angat sa buhay, sila din tumutulong sa amin pagdating sa pera, yun nga lang si mama tanggi ng tanggi dahil sa nahihiya siya sa ate niya dahil sa lagi na nga kaming binibigyan ng pera nito.
"Hoy umayos kayo dun ha? baka guluhin niyo nanaman sila dun." natatawang sabi naman ng aking ate, kapag kasi nandun kame ay lageng libot at libot at libot at libot lang ang trip namin maliban sa pagkain, haha ang bait kasi nila tita at tito lalo na si kuya Errick, may isang anak si tita at si tito at 3years old palang.
"Miss ko na din si kuya Errick eh." biglang sabi ko, nagulat naman ako sa aking nasabi, at alam kong medyo namula ako.
"Asus, syempre crush mo eh." biglang sabi naman ni ate, literal namang napa-ubo si Bryle at Marvs, medyo naguluhan naman ako sa dalawa.
Hanggang sa tapos na kaming lumaklak at ngayon ay nasa may sala na kami, siguro ganun ako kagaling magtago ng nararamdaman, hindi kasi napansin nila mama at ate na nanggaling ako sa pag-iyak, ewan ko ba kung bakit hindi man lang nila napansin yun.
"So aalis kayo bes?" mahinang tanong naman ni Marvs sapat na para marinig naming pito.
"Yah." ngiti ko rito, excited na talaga ako.
"Wuy Justin ba't nasabi ni ate mo na crush mo yung kuya Errick ba yun? pinsan mo ba yun o ano?" naguguluhang tanong naman ni Bryle.
"Hindi namin pinsan yun, anak ni tito sa dati niyang asawa yun." sagot ko naman.
"Edi pinsan mo nga." inis naman ni Marvs.
"Si tita sandra yung kapatid ni mama namin, tapos asawa ni tita yung si tito." inis ko namang balik rito.
Nakita ko namang nagulat siya pati sila Bryle, natawa lang yung dalawa kong kapatid.
"Edi crush mo talaga yun?" singit naman ni Ivan.
"Paano si Kyle?" dagdag naman ni Matthew.
"Paano si Kyle? eh may girlfriend na pala siya eh, okay na din na magbakasyon na muna ako para makalimutan ko si Kyle though alam kong mahihirapan ako ng sobra, mahal ko na kasi kaibigan niyo eh." mahina kong sagot sa mga ito at ako'y nalungkot dahil sa huli kong nasabi, medyo namiss ko tuloy si Kyle, natanong nila mama kung bakit hindi namin kasama si Kyle at sabi ko naman na busy siya.
"Kuya ako na nahihirapan sayo." mahinang sabi naman ni Charl saka ako niyakap nito.
"Hindi ko alam na ganun pala si Kyle, naiinis na talaga ako sakanya." dagdag pa ni Arvin.
--
Kinabukasan, naka-ready na kami lahat-lahat, nagtaka naman ako at hindi nagparamdam ang mga kaibigan ni Kyle maging ang bestfriend kong si Marvs.
Hinatid kami ni mama at ate sa sakayan ng bus saka sila agad nagpaalam na aalis na sila, pagkapasok naman namin ng mga kapatid ko ewan ko ba kung bakit parang weird sa pakiramdam tapos wala pa palang mga pasahero at kami lang ng mga kapatid ko, air-conditioned ang bus kaya't napaka-lamig, pero parang sobra-sobrang lamig naman.
"What happened? Hindi ata mahirap ang pagsakay ngayon?" saad naman ni Arvin ng maka-upo na kami.
"Tanga kaba? Eh ang dami ngang nagsisiksikan sa labas oh, means pahirapan." sabat naman ni Charl sakanya, pinanunuod ko lang ang dalawa, naka-upo ako sa huling helera ng upuan bago ang dulo at pinagmamasdan ko lang ang dalawa, ang cute nila tignan parang mga bata lang na nag-aaway.
"Paka-tanga mo muna? Ewan ko sayo dun ka nga sa kabila umupo, huwag mo akong tabihan." inis ni Arvin, biglang napatawa naman ng malakas si Charl.
"Uyy nagtatampo yung baby ko." saka naman niyakap ni Charl si Arvin kahit na pilit umiiwas itong si Arvin, nagulat naman ako sa narinig.
"Baby?" sabat ko sa dalawa. "Hoy may dapat ba kayong ipaalam sa akin?" dagdag ko pa at pinanlalakihan ko pa sila ng mata, napatigil naman ang dalawa at halatang nagulat.
"K-kuya, secret muna natin please?" balik naman ni Arvin sa akin.
"Oyyy kayo ha! Oh sige dahil madame akong problema ngayon, saka na yung sa inyo." ngiti ko dito saka na lang ako nagheadset saka nakinig ng musics sa binigay ni Marvs na iPod shuffle, tinanggap ko ito dahil mapilit ito at magbestfriend naman daw kami, pero kapag si Kyle ang nagbibigay ay hindi ko tinatanggap dahil sa nahihiya na ako sakanya, hirap sakanila eh, puro bigay haha eh sa wala naman kasi akong maibalik kundi ang kabaitan lang.
Pagdilat ko ng mata ay nagulat naman ako sa mga nangyayari, unang pumasok si Bryle na nakapang-summer, sunod si Matthew, sunod si Ivan at Marvs, puro nakapang-summer sila ah, nginingitian lang nila ako habang papasok sila.
Nagulat naman ako sa isa pang pumasok, si Kyle, halos gusto kong tumayo at yakapin ito pero hindi na pede dahil sa may kinakasama na ito.
"Manong, let's go na po sa beach na napag-usapan kagabi." sigaw ni Ivan sa driver, saka naman ito bumaling sa akin. "Oh guys, take your time okay?" saad nito sa akin, naguguluhan ako sa mga nangyayari kaya naman,..
"Teka, pauwi kami sa probinsya eh." angal ko sa mga ito na ngayo'y naka-upo na at talagang may kanya-kanyang headset na talagang ang aastig, hindi talaga nila ako pinansin.
"Uuwi ka pa rin ba dun sa tita mo kung pipigilan kita?" malungkot na sabi ni Kyle sa akin pagkatabi niya, nagulat naman ako sa sinabi niya saka na lang din ako nagheadset, tanda na ayaw kong makipag-usap sakanya.
"Tignan mo 'to, hindi mo ba ako namiss?" sabi ni Kyle saka kinuha ang aking headset.
"Namiss? ano kamo? hindi kita namiss? halos oras-oras na nga akong umiiyak dahil sa hindi ko matanggap na pinaglaruan mo lang ako eh, tapos ngayon itatanong mo yan? hindi na nga ako makatulog sa gabi dahil ikaw lagi nasa isip ko." hindi ko na napigilan saka na ako napaiyak, umiwas ako ng tingin mula sakanya, nakita ko namang ngumiti lang ito, ngiting pangtagumpay pa ata, talagang pinaglalaruan ako nito.
"Sana naman naisip mo din kung gaano na kita kamiss diba? alam mo bang gabi-gabi ay ikaw din naiisip ko, ikaw kasi eh ba't ang sarap mong mahalin." saad nito saka naman niya ako niyakap, bale ako nakagilid nang yakapin niya ako, naguguluhan naman ako sakanya.
"Ano bang pinagsasabi mo ha? hindi kaba nakokonsensya dahil may girlfriend kana tapos gumaganito kapa?" saka naman ako pilit na kumakawala sa yakap nito, ewan ko ba pero hindi ko makuhang magalit o mainis sakanya, parang may kung ano na hindi ko maintindihan.
"Let me explain okay,.. first, that was not my girlfriend, second, she's my older sister and lastly, pagpapanggap lang ang lahat at mahal na mahal kita kaya hindi ko magagawang ipagpalit ka kahit kanino, maski ako nga nainis sa naisip ng tropa natin eh, sila nagsabi nun na magpanggap kami, nung una ayaw ko kasi sabi ko hindi ko kayang hindi ka makasama araw-araw dahil hindi mabubuo ang araw ko ng hindi kita nakakasama noh, ang hirap kaya!! pero pinagbigyan ko na sila, gusto daw nila malaman kung gaano mo ako kamahal at nalaman daw nila nung nakita ka nilang umiyak dahil nga akala mo eh pinaglaruan kita, kaya eto ako ngayon, nagsosorry kung napa-iyak kita." mahabang pagpapaliwanag nito, parang gumaan naman ng sobra ang aking pakiramdam sa narinig.
Alam kong ngayon ay ayos na kami, ganito ako eh, mahal na mahal ko siya at ayaw ko nang pag-awayin namin ang pagpapanggap na ginawa niya, at take note, kasali pala ang mga hunghang niyang kaibigan sa pagpapanggap ha.
"So ganun na lang yun? sorry lang? hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa pagpapanggap mo, hindi mo din alam kung paano ko nakumbinsi ang sarili kong magbakasyon sa probinsya dahil sa ayaw talaga kitang iwan dahil sa mahal na mahal kita at hindi ko kayang hindi tayo nagkikita, alam mo ba na iyak lang ako ng iyak gabi-gabi tapos,.." hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil sa ginawa niya.
Hinalikan niya ako, napaka-sarap sa pakiramdam, matagal kong hinintay ang mga labi ni Kyle, ang huli naming paghahalikan ay nung hinalikan ko siya sa kwarto, remember?
Kakawala na sana ako dahil sa may mga sasabihin pa sana ako pero pinigilan ako nito, sa pamamagitan ng mahinang pagkagat nito sa lower lip ko, wild na ata si Kyle.
Hanggang sa kumawala na ako, nagtitigan lang kami, alam kong pareho naming alam na ayos na kami ngayon at nginingitian lang namin ang isa't-isa.
"Sasagutin mo na sana pala ako nung minsan eh, so pwede bang malaman kung tayo na?" saad nito saka naman nito hinawakan ang aking kamay.
"Ngayong araw na ito, I declare, na tayo na. I love you Kyle." tugon ko rito saka ko ito hinalikan.
"Matagal kong ipinalangin na matikman ko uli yang labi mo Justin, and I thank God dahil eto na at tayo na. I love you more Justin." nakangiti nitong sabi saka niya ako niyakap.
"Woyyyy! Sobra-sobra yung mga halikan niyo, ang wa-wild niyo ha!" sigaw naman ni Bryle, silang lahat pala nakatingin sa amin pati na ang dalawa kong kapatid.
"Inggit nanaman kayo?" pagmamalaking sabi ni Kyle sa mga ito.
Tumigil naman saglit ang sinasakyan naming bus at may mga pumasok, mga boyfriend pala nila Bryle, Matthew at Ivan, nagulat naman ako ng pumasok si Chinito na crush ni Marvs, mas nagulat ako ng magtabi sila ng bestfriend ko.
"Woy bes!" malakas kong sigaw kay Marvs, sinabi naman niya na friendy date lang.
Mas nagulat naman ako sa mga huling pumasok, talagang nakapang-summer sila at palakihan pa ata sila ng mga shades, etong mga kasama ko parang hindi pansin ang lamig sa loob ng sinasakyan namin, buti na lang at nakayakap si Kyle sa akin.
Si mama, si ate at ang ate ni Kyle, close friend pala si ate at si Carlota na ate ni Kyle, ang pinagtatrabuhan pala ni ate ay sila Kyle din ang may-ari at si ate Carlota pala ang humahawak doon ng hindi pa ito pumupunta ng ibang bansa last year, nabanggit niya na sila daw magka-vibes ni ate dun sa trabaho, nagulat nga daw sila ng malaman nila na ang kapatid pala nila ay future husband and husband na, grabe kalog na kalog silang dalawa ni ate, no wonder dahil close na close sila at walang boss boss sakanila.
"Hoy Kyle ayos na kayo? Nako alam kong nagseselos yan nung minsan at pala-iyak pala siya, mahal ka nga talaga niyan." pagpansin ni ate Carlota kay Kyle na nakayakap lang sa akin, sabi ko na nga ba't mabait itong ate niya.
Lumingon naman ang mga kaibigan nito, at lahat sila nakangisi lang, pati na ang dalawang kapatid ko, grabe sa nakikita ko ngayon ay alam kong lahat sila kasabwat, napabaling naman ako kay Kyle.
"Grabe ka, pinalungkot mo ako ng sobra, lalo na nung hindi ka nag-response sa text ko nung saturday." simangot ko rito.
"Sana alam mo kung gaano ako ka-excited nun dahil sa text mong lalabas tayo at may sasabihin ka, alam mo ba ninerbyos ako nun ng sobra, at sasagutin mo na pala ako nun sana." balik naman nito.
"Ewan ko sayo." simangot ko rito saka ako umiba ng tingin.
"Woy nagtatampo, ay nako yan namiss ko sayo eh." saka nanaman niya ako hinalikan, hindi niya pansin mga kasama namin, basta ako masaya na.
Eto ang namiss ko kay Kyle eh, kulitan namin, sweet moments, lalo na yung suyuan naming dalawa kapag nagtatampo ang isa sa amin.
Alam kong hindi puro kasiyahan ang mangyayari sa relasyon namin ni Kyle, syempre may mga against pero lagi ko lang iniisip na as long as kami ito at wala kaming tinatapakang tao ay walang masama sa aming relasyon.
Hindi ko alam kung panghabambuhay na kami ni Kyle, pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko si Kyle at alam kong mahal na mahal niya din ako, nangako kami sa isa't-isa na hindi namin bibitawan ang isa't-isa kahit ano mang pagsubok ang dumating, basta walang iwanan.
Eto lang ang masasabi namin, kapag alam mong mahal mo ang isang tao, huwag kang magdadalawang isip na ipaalam sakanya ang nararamdaman mo, para saan pa't may kasabihang "It takes one to know one." diba?
Farewell mga ka-Bi.
End.
-----
"It takes one to know one." nasabi na lamang ng isang binata na abala sa pagbabasa sa kanyang gadget, halatang napapa-isip pa ito.
"Ihh gurabii naman yung author, tapos kaagad yung story eh chapter 7 pa nga lang, badtrip." nasabi ko na lamang habang padabog na i-noff ang aking iPod, dito kasi ako mahilig magbasa ng mga stories eh.
"Ano ba yan Kurl hindi mo nanaman ako pinapansin dahil dyan sa badtrip na story na yan eh, basa basa kapa kasing nalalaman, ewan ko sayo."
Inis na sabi sa akin ng aking kaibigan, medyo close sabihin na natin, siya pala si Martin Gonzalez. Isang medyo susyal na teenager, palibhasa may kaya sila eh. Sabihin na nating pilipinong-pilipino ang kulay niya, kayumanggi. 5'8 ang height, athlete body dahil isang varsity player ng volleyball, saktong tangos ng ilong, naka-brace, laging mabango kahit na babad sa praktis, dahil sa varsity player siya ay sikat siya sa campus namin, binansagan din siyang campus heartrob, in short gwapo,... yun nga lang medyo bopols haha.
"No worries Martino, mukhang nakisama ata sayo yung letseng author nung binabasa kong story at talagang ending na pala. Kakabwisit ilang chapters pa lang." inis kong tugon sa aking kaibigan.
"Ewan ko sayo, halos yan inaatupag mo, may pa-update update ka pang nalalaman na halos oras-oras chine-check mo, salamat dun sa author at tinapos na niya yung story." sarcastic nitong balik sa akin, oh diba? bagay sila nung author nakakabadtrip, sige magsama sila.
Hindi alam ni Martin na isang Bisexual love story ang binabasa ko at mas lalong hindi niya din alam na isa akong super duper discreet na bisexual, wala pang nakaka-alam kahit isa maliban sa sarili ko, hehe.
"Bakit ba kasi hindi kana magpraktis dun, tignan mo yung dating napakagandang pagkaka-kayumanggi mo ay nagiging itim na, yak yak kadiri, get lost." inis kong sabi rito, ganyan kami halos mag-6 months pa lang kami magkakilala pero close na kami agad, adik 'to eh masyadong friendly, siguro hindi buo ang araw nito kapag hindi niya nakadaldalan mga istudyante ng campus.
"Ewan ko sayo Kurlo! Ewan ko ba't kung bakit sino pa yung magaspang ang pag-uugali ay siya pa yung maputi, palibhasa ang puti-puti mo kasi kaya ka ganyan, dyan ka na nga." inis nitong balik saka na ito tumayo para bumalik sa praktis nila, natawa naman ako at nainis ko nanaman ito, sa tuwing magkasama kami ay napapadalas ang walk-out nito dahil sa talagang napipikon siya sa akin, medyo isip bata 'to eh.
"Martino gagawa tayo ng assignments mamaya ha!" sigaw ko pa rito, alam kong narinig ako nito dahil sa napalakas ng konti ang pagsigaw ko, saglit naman akong napatigil sa aking nagawa, nasa canteen nga pala ako at ngayon ay may mga tumitingin sa akin, napaduko na lang ako sa hiya.
Itutuloy
"It takes one to know one." nasabi na lamang ng isang binata na abala sa pagbabasa sa kanyang gadget, halatang napapa-isip pa ito.
"Ihh gurabii naman yung author, tapos kaagad yung story eh chapter 7 pa nga lang, badtrip." nasabi ko na lamang habang padabog na i-noff ang aking iPod, dito kasi ako mahilig magbasa ng mga stories eh.
"Ano ba yan Kurl hindi mo nanaman ako pinapansin dahil dyan sa badtrip na story na yan eh, basa basa kapa kasing nalalaman, ewan ko sayo."
Inis na sabi sa akin ng aking kaibigan, medyo close sabihin na natin, siya pala si Martin Gonzalez. Isang medyo susyal na teenager, palibhasa may kaya sila eh. Sabihin na nating pilipinong-pilipino ang kulay niya, kayumanggi. 5'8 ang height, athlete body dahil isang varsity player ng volleyball, saktong tangos ng ilong, naka-brace, laging mabango kahit na babad sa praktis, dahil sa varsity player siya ay sikat siya sa campus namin, binansagan din siyang campus heartrob, in short gwapo,... yun nga lang medyo bopols haha.
"No worries Martino, mukhang nakisama ata sayo yung letseng author nung binabasa kong story at talagang ending na pala. Kakabwisit ilang chapters pa lang." inis kong tugon sa aking kaibigan.
"Ewan ko sayo, halos yan inaatupag mo, may pa-update update ka pang nalalaman na halos oras-oras chine-check mo, salamat dun sa author at tinapos na niya yung story." sarcastic nitong balik sa akin, oh diba? bagay sila nung author nakakabadtrip, sige magsama sila.
Hindi alam ni Martin na isang Bisexual love story ang binabasa ko at mas lalong hindi niya din alam na isa akong super duper discreet na bisexual, wala pang nakaka-alam kahit isa maliban sa sarili ko, hehe.
"Bakit ba kasi hindi kana magpraktis dun, tignan mo yung dating napakagandang pagkaka-kayumanggi mo ay nagiging itim na, yak yak kadiri, get lost." inis kong sabi rito, ganyan kami halos mag-6 months pa lang kami magkakilala pero close na kami agad, adik 'to eh masyadong friendly, siguro hindi buo ang araw nito kapag hindi niya nakadaldalan mga istudyante ng campus.
"Ewan ko sayo Kurlo! Ewan ko ba't kung bakit sino pa yung magaspang ang pag-uugali ay siya pa yung maputi, palibhasa ang puti-puti mo kasi kaya ka ganyan, dyan ka na nga." inis nitong balik saka na ito tumayo para bumalik sa praktis nila, natawa naman ako at nainis ko nanaman ito, sa tuwing magkasama kami ay napapadalas ang walk-out nito dahil sa talagang napipikon siya sa akin, medyo isip bata 'to eh.
"Martino gagawa tayo ng assignments mamaya ha!" sigaw ko pa rito, alam kong narinig ako nito dahil sa napalakas ng konti ang pagsigaw ko, saglit naman akong napatigil sa aking nagawa, nasa canteen nga pala ako at ngayon ay may mga tumitingin sa akin, napaduko na lang ako sa hiya.
Itutuloy
nice story..
ReplyDeletebiten ang story..sana poh my chapter2..
galing ng author
Hahaha! Malupit ka ah ^_^ Siguro lahat ng readers mo nagulat sa ginawa mo. Hahahahaha! Anggaling ng pagpasok mo ng storya ahhh. Bale dto plng tlga ang simula ng lahat. Litsi ka! Joke. Haha nhuli mo ko dunah.. XD -Bing
ReplyDeleteNakakatuwa ang storya, kakasimula palang pala...hahhahhahahhahhahahah galing naman!
ReplyDeleteBoholano blogger
excited much na po sa susunod na update..
ReplyDeleteit's like a dream from a dream?? hahaha ano2 raw..
kya pla medyo bitin pero me kilig pa din ung parang intro ng story.
hahaaha.. pero sana MAS maging maganda ang pinaka story..
and can't we try to wait first sa susu2nod na chapters bago mgcomment?? haaha
ay inaway pati ang sarili.. sensya author mganda lng kc ung story mo
jihi ng pampanga
Honestly hindi q nagustuhan ung pagtatapos nung story kasi parang gunrealistic masyado and ung problem na ipinasok ay parang unbelievable pero nakabawi ka din nmn mr. author sayong prologue para sa next story mu..ang galing, naabangan q yan.. promise.. sana may update ka na po. :) tnx.
ReplyDelete-joma
Ganda ng pagkakagawa ng story. Very smooth. Thanks sa pag update.
ReplyDelete-tyler
Yes finally ang update na hinintay ko hahaha very nice i love it!!
ReplyDeleteexcellent ang transition from one story to another! Two thumbs up!!! :))
ReplyDeleteDoes it mean na this story will continue as Can't We Try 8? Ganun? I can't wait for the next update! Ganda nung story nila Kyle and Justin. Bitin, but justified. Hindi ako nagkamaling test lang yung 'gilfriend kuno' lols.
ReplyDelete-- Rye Evanglista
A story within a story. Brilliant!
ReplyDeleteGuys sensya na ah? Hindi talaga ako marunong gumawa ng tragic or problema eh, pero be ready sa next chap, 'di din po ako makapag-reply sa inyo, walang wifi sa bahay at nasa internet cafe lang ako ngayon kaya nakapagcomment ako, nako ang hirap sa internet cafe, baka mabunyag pagka-discreet ko hehe. Anyway gagawin ko lahat para sa inyo, pupunta ako SM Clark para maki-free wifi haha, sa iPod ako nagsusulat eh, and yun lang paraan para makapagsend ako ng story, guys thanks talaga. Muahh :*
ReplyDelete- Prince Justin (author)
wla pa next chap neto?
ReplyDelete