By: Alex Chua
Start Over (3)
Jerome "jek-jek" San Antonio
Mag aalas Otso na nang ako'y magising. Dahil wala naman akong pasok, hindi muna ako bumangon, yakap yakap ang unan, tulala at nakakatitig sa kawalan. Naalala ko na naman ang aming usapan ni JM kagabi. Naalala ko na naman ang lahat ng nangyari, kung gaano kami kasaya dati, that we almost had it all, that we were almost close to perfect, then how it went down, how it vanished to nothing. Lagi nalang ganito, matutulog na mabigat ang loob, gigising na balisa at malungkot. I wish everything turns back like the way it was. I wish everything's simple and not this painful. I wish I'm not feeling this hurt inside. I wish I find my way to smile again.
I wish him back. NO, I wish my LIFE back. Sigh.
It was past 9 when I got out of bed, dumiretso ako ng banyo para maligo. Nag almusal with Nanay Cleng. I can't think of anything to do this day. Gusto ko lumabas at maggala-gala, yet a part of me wants to just stay and magpahinga. I spent half of the day in front of the TV, habang si nanay cleng naglilinis, nag aayos, nag luluto at paminsan minsan, tumatabi sakin manuod ng paborito niyang palabas.
"Nak, wag mo naman ikulong sarili mo sa nakaraan. Tignan mo nga, ni hindi ka na tumatawa, lagi kang nakasimangot, laging mainit ang ulo, laging tulala. Hindi na gaya ng dati na masayahin. Minsan halos buong araw kang nasa kwarto lang, di kumakain ng maayos. Mahal kitang bata ka kaya nasasaktan ako sa nangyayari sayo. Kahit di mo sabihin ang nararamdaman mo, alam ko na nahihirapan ka. Pero di ba nga kaya tayo nakiusap sa Mom mo na dito nalang tayo para magsimula ulit? Abay, mag limang araw na tayo dito, ganyan ka padin." mahabang litanya ni Nay cleng, habang katabi ko siyang nanunuod ng TV. Di ko siya pinansin at kunwari nakatutok pa rin ako sa TV. Alam ko sa mga oras na iyon, anytime sasabog na naman ako, napapaiyak na ako, pero pilit kong pinipigilan, at wag ipahalata, unti onting namumuo mga luha ko pero nilalabanan ko at patuloy parin ang panunuod. Huminga ako ng malalim para di lumabas, pero nang naramdaman ko ang kamay ni Nay Cleng sa aking balikat, di ko na napigilan at napahagulgol. Humarap ako kay Nanay at niyakap siya ng mahigpit.
"Sinusubukan ko naman po eh. Sinusubukan ko. Pero ang sakit sakit parin Nay eh. Naaalala ko siya. Namimiss ko siya lagi. Naiisip ko parin siya." At lalong napahigpit ang aking yakap.
"Hindi ko naman sinabing madali anak eh. Mahirap OO, pero habang buhay nalang bang ganyan? Walang mangyayari kung di mo simulang tanggapin ang bagay na wala na at doon, matutunan mong pakawalan ang sarili mo at palayain. Mahirap at masakit, pero ito ang kailangan mong gawin para sa sarili mo. Andito ako anak, gagabayan kita hanggang maging okay ka na. At saka, ang bata bata mo pa, marami riyan, marami ka pang makikilala, ikaw talagang bata ka." dagdag niya.
"Salamat Nay. " tanging kong nasambit at niyakap ko ulit ito.
Mag aalas kwatro na ng hapon noong naisipan kong lumabas at magikot ikot. Hindi ko lubos akalain na ganito na kaasensado ang aming probinsiya. Bata pa lang kasi ako noong lumipat kami sa Manila. Pumasok ako sa isang kilalang Mall. Naglibot libot. Naglakad lakad. Pumasok ako sa isang sikat na coffee cafe nang maaninag ko ang isang grupo. Sina Tyler. Dali dali akong tumayo at tinungo ang pintuan palabas. Bago pa man ako makaapak palabas, narinig ko ang aking pangalan.
"Alex!!!" Sigaw ng isang babae.
Lumingon ako at nakita ko si Joy Ann, kumakaway. Napabaling ang aking tingin sa isang nakasandong lalake na kasama nila, si Tyler, nakangiti rin at di ko mawari kung tinatawag din ako or hindi. ASA! Tinaas ko rin ang aking kamay at sumenyas na aalis na ko. Dali dali akong lumabas. Napangiti ako habang naglalakad palayo. Sandali lang , at bakit ka naman nakangiti? Ewan!
Di ko alam kung bakit, pero naiilang ako pag malapit kay Tyler. Di ako mapakali, di ako matahimik. Di ko maintindihan ang aking sarili. Siguro nga dahil sa pangbu-bully niya sakin. Siguro Galit ako sa kanya. Siguro nga. Weh?.. OO nga!..Sabi mo eh.
At tuluyan na akong lumabas ng Mall at umuwi.
Nasa tapat ako ng bahay nang nakita ko si jek-jek, nakaputing sando at short , nakaupo sa tapat ng kanilang tindahan, mukhang ang lalim ng iniisip. Ang guwapo tignan ng aking kababata. Di maikakailang kabigha bighani ang kanyang postura, maganda ang hubog ng kanyang katawan. Hayst! Toxic! Binaba ko ang window at tinawag si Jek, na agad namang narinig nito at lumapit sakin.
"Musta Dylan Mikagami? haha wala ka palang pasok pag TTh, no?" bigla kong naalala, nung bata pala kami, mahilig kaming manuod ng FLAME OF RECCA. Ako kunwari si Dylan, at siya naman si Recca. Napangiti ako. Namiss ko yung kulitan namin. Namiss ko yung pagkukulong namin ng kwarto para manuod ng paborito naming anime.
"yup, MWF lang ako, 3 subjects, nakuha ko na kasi yung ibang courses sa Adam." At bago pa man siya makasagot.
"RECCA HANABISHI". dagdag ko.
Tawanan. Napakaganda niyang tignan habang tumatawa. Kitang kita ko ang mga pantay niyang ipin, mga matang sumasabay sa paghalakhak. Parang tumigil ang aking mundo at literal na bumagal ang oras para mapag masdan ko ng buong buo ang kanyang mala adonis na mukha. Napakakisig pala talaga nitong kababata ko.
"Sarap."
Di ko napigilang lumabas sa mga labi. Wait..... f*ck! Nasabi ko nga ba talaga yun ?Narinig ba niya? Putang Ina. Nakakahiya ka Alex! Di ka nag iingat. Nasabi ko nga ba? Fck! Fck! Fck! Sana lamunin nalang ako ng lupa. Aaarggh!
"Sige pasok na ako." tangi kong nasambit sa sobrang hiya. Wala pa rin siyang kibo, nakatitig lang siya. Hiyang hiya ako at ramdam kong pulang pula na ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Di ko na muna ipinasok sa loob yung kotse at dali dali akong lumabas sa kabilang pinto at nagtatakbo sa gate. Bago pa man masara ang gate
"Mas LALO ka na. See you bukas Mikagami." Sigaw ni jek-jek. Lumingon ako sa kanya, kitang kita kong tumatawa ito habang naglalakad pauwi. Napasigaw ako at nagtatatakbong pumasok ng bahay,
"Waaaaaah! Waaaaah! Waaaaaaaaaah! Waaaaaahhh!" sabay talon talon sa sala. Halos talunin ni nay cleng ang hagdaanan pababa at niyakap niya ako.
"Anong nagyari hijo? bakit ka nagsisigaw? Diyos ko po, ano bang ginawa mo?" nerbiyos nitong tanong. Ako naman'y di matigil sa kakatalon at sabay tawa ng malakas sabay yakap kay nay cleng.
"Wala nay, masaya lang ako. "
"Mabuti naman kung ganoon anak, wag lang sobrahan at nagmumukha kang baliw." sabay hikbi.
Hanggang pag akyat ng aking kwarto'y di parin mawala sakin ang pamumula at pagkangiti. Humiga ako ng kama at niyakap ang unan. Kinikilig na ewan. Ah ewan ko sayo! Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Mag-aalas 8 na ng gabi ng nagising ako sa katok mula aking pintuan ng kwarto. Dali dali akong bumangon at binuksan ang pinto. Si nanay cleng. Sabi may bisita daw ako. Tinanong ko kung sino nganit ang sagot lang niya ay bumaba nalang daw ako para makita ko. Nag ayos muna ako ng sarili, naghilamos at habang pababa ng hagdan, kitang kita kong masayang nakikipag kwentuhan si jekjek kay nay cleng sa sala. Nakita ni jek na pababa ako at binitiwan nito ang isang napakatamis na ngiti. Nalusaw ako. Bigla akong kinabahan. Naalala ko na naman ang kalandiang nasabi ko kaninang hapon. Pinilit kong ngumiti sa kabili ng kahihiyang nararamdaman ko sa loob. Kinawayan naman niya ako .
"Naistorbo kita sa pagtulog señorito?" una niyang sambit
"Señorito ka diyan, baliw. Buti napadalaw ka? Anong atin?" Di ako makatingin ng diretso.
"Wala kasing magawa sa bahay, saka may bibigay ako sayo.."sabay abot sakin ng isang Complete Series DVD ng aming paboritong Flame of Recca. Napangiti ako at habang binabasa ko ang sypnosis sa likod ng DVD
"Alam ko kasi di mo pa yan natapos, kaya sayo muna, hiram lang ha. haha" dagdag niya.
"Natapos mo na?" Di parin ako makatingin.
"OO naman. Kaso hindi ko lang mahanap yung Movie niya, sabi nila namatay daw si Recca tapos naging isang flame dragon siya." parang batang nagkukwento.
"Talaga?" tangi kong nasagot. Nahihiya parin ako.
"OO daw eh. Hinahanap ko nga sa utorrent, wala."
"May alam akong site kung saan pwede magdownload ng mga anime movies, complete list." aking pagmamayabang.
"Talaga? Ano yun?" Excited niyang sagot.
"Secret."
"Ang daya naman oh.Sige na." Pakiusap niya.
"Tapusin ko muna 'to, tas sabihin ko sayo. haha "
"hmpft! Sige na nga, para sabay natin panuorin. Sa kwarto mo. Gaya ng dati." Sabay ngiting nakakabaliw. Ngumiti lang ako at nilakasan ng loob tignan siya sa mata. Amppp! Takte. Ang guwapo talaga ni jekjek. Di na naman ako mapakali.
"uhmm, jek, uhmmm, ku- kumain ka na ba?" nauutal kong tanong.
"Oo eh. Pero kung aayain mo ako, sasabay ako sayo, sabi kasi ni manang, di ka pa nagdi-dinner, natulog ka daw agad kanina nung after mo magtatalon na parang baliw pagkadating mo." Sabay kindat at tawa.
Namula... Nanlamig... Naubo... Natulala... Napatigil... Nawalan ng kaluluwa... Died...
Halos gusto kung isumpa si nay cleng sa mga oras na yun at bakit kailangan pa niyang sabihin pati yung pagkawindang ko. Hindi ko nalang pinansin at inaya isyang kumain. Sabay sabay kaming kumain nila nanay cleng. Kwentuhan. Tawanan. Balitaan. Mag hahating gabi na ng magpaalam umuwi si jek. Hinatid ko siya sa gate ng bahay. Tahimik kami naglalakad. Nasa labas na siya ng gate ng humarap siya sakin. Nagpasalamat at nag enjoy daw siya. Namiss daw niya 'to. Gaya ng dati. Hinawakan niya ang kamay ko, at pinisil pisil. Sa mga oras na iyon, wala na ako sa aking sarili. Ngumiti ako sa kanya, tinitigan ko siya.
"Ako pa rin naman si Dylan eh. Ikaw padin si Recca." Sana naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig na gustong gusto kong ibalik yung dati naming pagkakaibigan.
Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Hinawakan ang pisngi ko. Nakatitig kami sa isa't isa. Isang minuto. Dalawa. Tatlo..
"Uwi na ako Dylan ko.." pabulong niyang sabi.
"Sige, recca." sagot ko.
Naiwan ako sa gate na nakatayo at pinagmamasdan siya hanggang makapasok sa bahay nila. Di maalis ang ngiti sa aking labi. "Dylan ko." Wait? Ano?????? Dylan KO?????? KO daw??????? Waaaaaaaaahhhhhh! Nagtatakbo na naman ako papasok ng bahay. Pagkasara ng pintuan, sinalubong ako ni nay cleng.
"Doon ka sa kwarto mo magtatalon, manunuod ako." biglang sabi nito. Natawa ako lalo at dali dali kong inakyat ang taas. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan para walang makarinig ng aking mga sigaw. Sinigaw ko ang kilig at tuwang aking nararamdaman. Kilig? Mali ata. Hayaan mo na.
Nang mahimasmasan ako. Tumayo ako at tinungo ang banyo para maligo. Di ko na binuksan ang laptop ko at dumiretso na akong natulog.
Kinabukasan.
8:30 na nang umaga ng ako'y umalis ng bahay para pumasok sa school. Nang ma-tapat ako sa bahay nina jekjek, napansin kong palabas narin siya. Tumigil ako at tinawag siya, dali dali naman siyang kumaway. Habang naglalakad siya palapit, eto na naman po tayo, parang tumigil ang mundo. Napakakisig niyang tignan sa puting polo shirt, navy blue jeans and black sneakers. Nakadagdag pa ang kanyang basam basang buhok na parang kagagaling lang sa banyo. Nakakaaya tignan. Sa harap ko siya pinaupo para naman makapag kwentuhan pa kami. Napangiti ako pag kaupo niya, amoy baby cologne. hehe.
"May taong maganda ata ang gising at pasmile smile pa?" tanong niya.
"It's a beautiful Morning, sayang lang kung sisimangot ako at itatago ang sarili sa kahapon." sagot ko.
"Tama. Oh tara na baka masira ang BEAUTIFUL MORNING mo pag na-late tayo." haha
Habang nasa daan, inabutan niya ako ng sandwich.
"Uy Salamat pero nag-almusal na kasi..."
"Sige na, pinadagdagan ko talaga 'tong baon ko kay Mama para sa'yo." singit niya.
Blushed.
"Oh natahimik ka, sige na oh." pilit niya sabay kagat sa kanyang sariling sandwich. Ang sarap niya pagmasdang kumakain, parang bata.
"uhmmm, wow chicken sandwich." sambit ko.
"alala mo?"
"oo naman, lagi 'tong pinapamerienda ni tita Lorna dati noong naglalaro tayo sa bahay niyo."
"haha Oo, sabi pala ni Mama daan ka daw minsan sa bahay, miss ka daw niya."
"Sige sige, dalawin ko siya."
"Sige."
At narating na namin ang School. Sa parking lot, nakalikod ako at nilolock ang pinto nang di ko namalayang nasa likod pala si Tyler. Ginulo niya ang aking buhok sabay bati ng "Good Morning Sunshine." Kahit na ito'y nang-aasar, napakagandadng pagmasdan ang kanyang mukhang tumatawa. Dali dali naman siyang tumakbo at naunang pumasok sa school. Napalingon ako kay jekjek at pansin ko na tila galit ang itsura nito, na parang anytime susugurin niya si Tyler.
Habang naglalakad kami papunta sa room, pansin ko ang pananahimik ni jek.
"Huwag mo na pansinin yun, ako nga di na nagpapa apekto." pambasag ko ng katahimikan.
"parang sumusobra na kasi." pandadabog niya
"magsasawa din yun, at saka ano ka ba, sabi ko sayo kanina, It's a beautiful Morning, di ba?" sabay kiliti sa tagiliran niya na siya naman ikinangiti nito.
Pagpasok namin sa room, himalang andoon na si Eng'r. Guengco at busi-busihan sa kanyang cellphone. Umupo ako sa tabi ni jek. Tahimik ang lahat. Eksaktong alas 9 na nang simulan ni Sir ang kanyang discussion. Naging smooth ang daloy ng klase. Iba sa mga topics ni Sir ay natutunan ko na sa Adams kaya halos mamangha ang lahat sa pasingit singit kong opinyon. Di ko naman maiwasang mapansin si Tyler na animo'y kakainin niya ako ng buhay sa kanyang mga titig. Di rin mabilang kung ilang beses kami nag palitan ng haka haka ni Tyler na siya namang lalong ikina-excite nang karamihan. Natapos ang klase.
Mayroon pang next class si jek, ako nama'y mamayang 2pm pa. Nagpaalam ako sa kanyang maglilibot lang ako at kita nalang kami mamayang hapon, na siya namang sinang ayunan nito. Bago pa man ako makalabas ng room, hinarang ako ni Tyler.
"And where do you think yo goin'?"
"Somewhere away from you.."
Ngiting Pilyo.
Blank Stare.
He Winked.
raised an eyebrow.
He bit his lips.
Blushed..
He smiled and.. laughed..
"what?" tanong ko
"Nothing" he replied yet still laughing. Nakaka-offend. I felt like there's something wrong with me.
"Move" I asked.
"NO"
"I said, MOVE!"
"Your number first." sabay tawa. Narinig kong tinawag ako ni jekjek, lumingon ako at tinignan siya, sana nabasa niya sa mga mata ko na okay lang ako.
"Get the hell out of my way." I demanded and pushed him. I was really angry that time na parang gustong gusto ko na siyang sapakin. Alam ko medyo napa-sobra nang pag tulak ko, pero he fcking deserves it. Arrrrggh! As5hole!
Dali dali kong tinungo ang parking lot at pinaharurot ang sasakyan. Nakakainis siya. Nakakapikon. Ang kapal kapal ng mukha! Pero yummy! Ano ba?!Galit ka nga di ba? Totoo naman! Ewan ko sayo.
Nag punta ako sa Mall, at inubos ko ang aking oras sa isang coffee shop. Napadaan ako sa isang Comic Alley at natuwa ako sa Flame of Recca figures. Bumili ako ng isang recca at dylan. Habang binibili ko ito, naalala ko si jek. Napangiti ako.
Quarter to 1pm na ako nakabalik sa school. Nakita ko si jek sa may upuan malapit sa pantry. Nilapitan ko siya. Mukhang malalim ang iniisip.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Gutom na ako eh." sagot niya.
"Oh ba't di ka pa kumain?"
"Inaantay kasi kita, gusto ko sabay tayo maglunch."
Halos gusto kong umiyak at yakapin itong kaibigan ko. Napakalambing naman, OO. Juskopo! Kinuha ko ang kamay niya at hinila patakbo.
"Oh san tayo pupunta?" gulat niyang tanong
"sa pantry, gugutom na din ako, tara kain tayo."
"wag na, nalipasan na ako."
"kasasabi mo lang na gutom ka, sige ka, di ko ibibigay pasalubong ko sa'yo"
"waaaah! ano yun?"
"secret"
"oh tara, madami narin akong gutom." parang batang umiiyak iyak pa kunwari.
At tumakbo kami papuntang pantry. We still have an hour left before our next class kaya aabot pa kami. Nilibre ko siya ng food at di naman siya nagpatalong nilibre ako ng halo halo. Ang kulit kulit namin at ang ingay ingay, halos napapalingon lahat ng napapadaan. After namin kumain at nagpapahinga, inabot ko sa kanya yung Dylan at Recca Figures.
"Waaah! Ang ganda!" parang batang nanalo ng candy.
"Napansin ko mga yan sa Mall, galing kasi ako doon kanina, tapos naalala kita." sabi ko.Napatigil siya. Nakatitig siya at bakas na bakas sa mukha niya ang tuwa. Tila nabasa ko naman ang nasa isip niya at tangi ko nasabi
"Oo na, walang anuman." dagdag ko.
"Hawakan mo si Recca, Akin si Dylan, para.. uhmm.. para lagi natin kasama isa't isa." sabay kurot naman niya sa pisngi ko. Sobra akong namula sa mga kataga niyang yun, kinuha ko nalang si recca at nilagay sa bag.
After namin kumain. Dumiretso na kami sa susunod na class. Lahat tahimik. Napalingon ako kay Tyler, na tamang tama namang kumindat siya. Di ko na pinansin at umakto akong parang may hinahanap sa bag. Natapos ang klase. Halos tawagin ko lahat ng Santo upang tulungan akong huwag makatulog sa sobrang boring ng klase. Dinig na dinig ko naman ang mga malilit na hikbi ni jek, tinatawanan niya ako habang nakikipagdigmaan ako sa antok. Ganoon din ang nangyari sa susunod na klase, paminsan minsan, pag sumasagot si tyler sa tanong ng aming guro, bigla bigla niyang tatawagin ang pangalan ko, para mapahiya akong natutulog. Buti nalang may idea na ako sa topic at nakakasagot ako. Minsan may mga sinasabi siyang patama sa akin, pero sa sobrang antok, di ko nalang pinansin. Hanggang matapos ang klase. Nagpaalam na ako kay jek na mauna na ako umuwi , since may pasok pa siya. Habang naglalakad ako patungong parking lot, narinig ko si Tyler. Hinahabol niya ko. Di ko ito pinansin at tuloy parin ako sa paglakad. He grabbed my shoulder and pulled me to turn around. His eyes were staring at mine, his lips almost touched mine. I can smell his breath. I can see how perfect those lips are and all I was thinking is to feel them with mine. Then he closed his eyes, I closed mine. I could hear my heartbeat. I could hear myself wanting to kiss him. I could feel my feet moving towards him. Then I opened my eyes and saw him laughing. I moved back, turned around and ran away. I heard him calling out my name but Jesus Christ, I just lost my control and he just laughed at me like a bitch. Aaarrgh!
I fcking hate you!
Ang kapal kapal mo!
AAArrgggh!
Di ko maiwasang maiyak sa kahihiyan. Umuwi ako ng bahay at binagsak ang katawan sa kama. Mag aalas siete na nang ako'y magising. Naligo muna ako bago lumabas ng room para makapagdinner kasama si Nay Cleng. Naikuwento nito ang balak niyang kunin dito sa Pampanga ang kanyang mga anak para makasama na rin niya. Sumang ayon naman ako para may kasa kasama kami dito sa bahay. Sabi ni Nay, baka next semester daw ililipat niya sila dito. Naikwento din niyang tumawag si Kuya at kinakamusta ako. After namin kumain, kinuha ko na yung pinaluto kong pasta kay nay cleng upang bisitahin si tita lorna, mama ni jekjek.
Sinalubong naman ako ni tita Lorna. Masayang masaya akong inalalayan ni tita papasok sa bahay nila. Una palang pagpasok ko, nakita ko agad si jekjek na nanunuod ng TV. Umupo naman ako sa tabi nito. Di mapigil si tita lorna sa kakatanong kung kamusta na ako, si Mom, si kuya. Kung ano na balita. Inikot ko ang mata ko sa bahay nila jek, ang laki narin ng pinagbago, mas gumanda. Tumayo ako para tignan ang mga photos sa naka display malapit sa TV nila at nakita ko ang picture namin ni jekjek, magka akbay . Napalingon ako sa may malaking picture na nakasabit sa dingding. Halos bagsakan ako ng lupa't langit sa aking nakita. Napatigil ako. Natulala. Maya-maya, naramdaman ko ang kamay ni jek sa aking braso.
"Tara sa labas, kwento ko." paanyaya niya. Tila nasemento naman ang aking mga paa at ayaw gumalaw. Nanlalamig ako. Ewan ko ba pero ang bigat bigat ng aking pakiramdam. Pinilit niya akong lumabas muna para magpahangin, na siya namang sinang ayunan ni tita Lorna habang prepare daw niya muna ang merienda namin.
Umupo kami sa may tapat ng sari sari store nila.
"Sorry, di ko nasabing kasal na pala ako."
Wow! Cute nung nasa picture. Ano name nya? Pde malaman contact number nya? Hehe
ReplyDelete-Adrian Angeles #09328449477
Hi Adrian. Siya si Jek.. hmmm sorry di ko pwede ibgay eh. magalit yun sakin hehe
DeleteBravo! Galing naman po Mr. Author.
ReplyDeleteKakabitin, sana update agad.
-Ben
salamat sa pagsubaybay Ben
Deleteang cute ni JekjEk. hehe
ReplyDeletehahahaha :D
DeleteNatatagalan ako sa update, kuya. Oh, how I wish every 2days nlng ang update. Antagal ng 3days na gap bawat chapter kuya Alex. Haaaayy.... pero anggaling mo tlga kuya. Ilang beses ko ng nabasa to pero d man lng nbawasan ung excitement ko. ^_^ Sana... sana... sana kuya alex bumilis. Sanasanasanasana :D Hahaha
ReplyDelete-bing
hehehehe pasensya ka na ha.. after naman ng chapter 5, pwede ko na ipost dito mga new chapters. salamat sa pagsubaybay sa aking kwento Bing. hug.
DeleteOkay cge. Wait ko nlng. Wag n po mag hug kuya lex. Ang cheesy eh. ^_^ Haha -bing
Deletehaha ikaw bahala bing :) wink
Deletearay kasal na huhu :( inlove nko kay jekjek hihi :) ang pogi sobra mwa. nice story, author mwa, idol <3 salmat po s story
ReplyDeletehehe ako din naman nung una nagulat.. pero abangan mo ang mga mangyayari. salamat sa pagsubaybay :)
DeleteKasal???ang daming twist sa story...
ReplyDeletehehe salamat for reading my story.. :)
DeleteWTF? bakit kasal na si jekjek ? inlove na ako sa kanya pa mo. aray ko po..
ReplyDeletenice kuya Alex.
hahahaha :) sige sabihin ko kay jek
Deleteang ganda ng story at ang galing galing nang pagkakagawa. sana update agad plssssssss author. love you na po
ReplyDeletesalamat cutiepie :)
DeleteOMG totoong kasal na si jek? ouch ouch ouch kakaiyak naman
ReplyDeletehahaha :) salamat sa pagbasa
Deleteang sarap ni jekjek! hekhekhek
ReplyDeletehahaha apir!
Deleteang galing mo Mr Alex Chua. idol na kita. thanks po sa story.
ReplyDeleteblushed. haha thanks
Deletehay matatagalan na naman update nito, kabitin. ang ganda kasi . sana naman update agad
ReplyDelete-mario
makakarating din tayo diyan mario, salamat po
Deletemr author, ur d bezt po!
ReplyDeletegusto gusto ko pagsusulat niyo..
-ariel
salamat naapreciate mo ariel :)
Deletenabasa ko na ibang chapter sa blog mo kuya alex, mas gwapo kaya si tyler, sana magkabalikan po kayo, ang sweet nya kaya po kuya..
ReplyDelete-mike
hmm tyler? haha mali ka po ata ehe baka JM kamo ehe
DeleteuPdAtE po AgAd pLeaSe...
ReplyDeletesoon rico :)
Deletethumbsup!
ReplyDeletethis story is one of a kind. impressive ALEX. i love you
thank you sir :)
Deleteupdate po agad pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
ReplyDeletesoon :)
Delete"nice story... thanks sa update.. keep up the good work!"
ReplyDelete-arejay kerisawa - new fan of yours
salamat arejay :)
Deletegusto ko yung takbo ng story. gusto ko yung mga lines nila. ang galing! sana lang matapos to at sana maupdate agad. so far ito na ang pinaka favorite ko. pagpatuloy po niyo.
ReplyDeletemark
why so ganda? update please im alreay hooked up to this
ReplyDeleteyour fan,
jake
tawa ako ng tawa dito, ang galing naman po at saka nakakakilig
ReplyDeletesana update agad
kyle
mahal na kita jek hihi
ReplyDeletejohn
pla update na mr author
ReplyDeletekaenjoy namna eto
~henry
haysssst! sana ipost na dito ubg iba para maupdate mo na alex
ReplyDeletegaling eh
kiss kiss kiss
~ben
My FB Account ba si Jek-Jek?? :)
ReplyDeleteARCHITECTURE101
ReplyDeletekuya iba po ung PANTRY sa CANTEEN.. ung pantry ay isang maliit na room kung saan nilalagay lahat ng pagkain at linens..
nkaka bother lg kase e.. pru maganda story :-)
-Arki22
Bakit hindi naman makita yung picture? :(
ReplyDelete