The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 16
“Oo”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Wew! Sa
wakas natapos din ang pinakamahabang chapter ng TLW, so far. Sana magustuhan
niyo to. Pasensya na po sa konting bitin sa dulo, pero hayaan nyo, sinisiguro
ko sa inyong mawiwindang kayo dito. Salamat sa patuloy na suporta at pagbabasa
kahit di ako nakapag-update last week. Really appreciate it. Salamat ng marami,
mga one thousand syete mil. Nyahahaha!
Konting
announcement po. Next week na ang simula ng internship namin. At kailangan
naming humabol sa 300 hours ng Internship namin, before mag June. So di ko po
maipapangako na makakadalawang updates ako every week. Pero may bawi naman po
ako kung sakaling mabitin ko kayo sa updates. Hehehe. Hinabaan ko talaga to
para naman makabawi sa inyo last week at para sa mga susunod na linggo. I do
hope na magustuhan nyo to. Pero sigurado naman talaga akong magugustuhan nyo.
Nyahahaha.
And now, i
give you, the 16th Chapter of TLW. Enjoy po. Comments ha? :)
-- Jace
=======================================================
“The TREE was standing on the saddest part
of the forest. He was losing sight of his life. Slowly, his trunk and branches
were slowly dying. He know, he doesn’t have much time. Eventually, the gist of
life will leave him. But one day, he saw this one LEAF, clinging on his
branches. The sight of the LEAF made him realize; there is more to life to give
it up. The LEAF was so special to the TREE. And so, this is their story…”
== The TREE
==
Three
months. From July to October.
Three months
na akong nagpapapansin at nanliligaw kay Jayden.
Oo. Mahal ko
siya at sigurado na ako dun. Ang sabi ko nga, wala na akong pakialam sa
sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay kung ano ang sinasabi ng aking puso.
Sabi kasi
nito, “Lub Dub!”
At ang
translation nyan sa Google Translate ay “Mahal kita Jayden!”
Sa tatlong
buwan na nagdaan, unti-unti nang naglalaho ang mahigit labinwalong taong gulang
na pride at ego sa katawan at pag-iisip ko. Natuto akong magpakumbaba sa mga
tao sa paligid ko. I’ve learned and developed so much over the past three
months.
At ang lahat
ng ito ay dahil sa isang dahon na tumubo sa sanga ng isang papatapon na puno.
Si Jayden.
Siguro, ang
pinaka-unang rason kung bakit ko siya minahal ay ang pagiging espesyal niya.
Biruin mo, sa dinami-dami ng taong nakilala at nakabangga ko aking tanang
buhay, si Jayden lang ang may kakayahang sumuntok ng ganoon kalakas para maalog
ng todo ang utak at maging ang buo kong pagkatao. Amazing, diba?
Nagtataka na
nga ang mga kaibigan ko sa inaasta ko for the last three months eh. Yung
pakiramdam na lutang na lutang ka at palagi nalang pangalan niya ang nasusulat
mo sa mga lectures at quiz? Lakas maka High School lang eh no, pero totoo
talagang nangyayari yan sa akin ngayon.
Kahit sina
Mom at mga kapatid ko ay nakakapansin na sa pagbabago ng aura ko ngayon.
Kinakantyawan nila ako everytime nangingiti nalang ako nang walang dahilan.
Sana naman
tuloy-tuloy na to. Sana naman maging sapat ang mga effort ko para lang
patunayan kay Jayden na handa akong magbago para lang sa kanya.
Alam ko
namang mahirap talaga paniwalaan na ang dating uwak ay nagiging kalapati na
diba? Sa mga palabas kasi sa TV at sa mga istorya sa libro at wattpad , kapag
ang kontrabida ay nagiging mabait na, kinakabahan na ang mga manunuod kasi nga
malaki ang posibilidad na may tinatago itong masamang balak para sa bida.
Pero
seriously, ganun na ba talaga ako kasama?
Oo inamin ko
naman eh. I’ve been a jerk. Naging suplado, basagulero at chickboy ako. Pero
pwede pa naman akong magbago diba? Di pa naman siguro huli ang lahat.
Gagawin ko
ang nararapat para naman kahit papaano ay mapansin naman ako ni Jayden. Alam ko
namang attracted din sya sakin, pero siguro nga yung tinatawag na Denial ang
malaking kalaban ng mga taong nadadaan sa ganitong proseso eh.
Kahit ako
man, hindi ko matanggap at maunawaan nung una na naging ganito na talaga ako.
May naging mga girlfriend naman ako, pero wala eh. Kay Jayden talaga unang
nabihag ang puso ko. Si Jayden. Si Jayden na first love ko.
Kilig lang
pala no? Haaay.
Kanina, nung
lumuhod ako sa harap ni Kira, at sa harap ng maraming tao upang humingi ng
tawad, seryoso ako dun. I was so full of myself already, and I know, it wasn’t
right.
Kahit
nalaman kong half-sister ni Jayden si Kira, at yung ginawa ko ay pandagdag pogi
points din, pero the bottom line is, mahal ko si Jayden at ginagawa ko lahat ng
ito para sa kanya.
“I’ve
noticed the tension between you two. What’s wrong?” Tanong ko kay Kira ng nasa
kotse na kami at papunta sa mall. Napagkasunduan naming gumala muna, total
Friday naman eh. At kahit anong pilit kong sa akin sumakay si Jayden, nakabakod
naman kasi si Yui sa kanya. Haaay.
“Long
story.” Iwas-tingin ni Kira. I knew something was up.
“Try me.”
Ngiti ko kay Kira.
Kahit
nag-aalangan pa ito nung una, naikwento naman ni Kira ang naging dahilan ng
pagiging tensyonado ng dalawa sa isa’t isa. Now I know.
Ang hirap
pala talaga ng pinagdaanan ni Jayden. Iniwan na nga sila ng Papa niya, tas yung
Mama naman niya ang sumunod. Si Kira at ang isa pa niyang kapatid sa ama. Ang
sinapit nito sa kamay ng Mama nila Kira. Haay.
Dahil sa
nalaman ko sa nakaraan ni Jayden, mas lalo akong humanga sa kanya. Mas lalong
lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya.
Siguro yung
mga bagay na hindi ko nagagawa sa tanang buhay ko, nakita ko kay Jayden.
Mahirap mabuhay sa ganoong sitwasyon. Na realize ko tuloy na mas maswerte pa
rin ako sa kay Jayden. Hmmmn.
Pagdating
namin sa mall, dumirecho muna kami sa Jollibee para mag meryenda muna. Pinauna
na namin sina Jayden at Kira para naman makahanap sila ng mauupuan, mahirap na,
madaming tao. Kami ni Yui, nag CR muna kami bago kami mag-order. Naiiihi na
kasi ako. Tss.
“So ano
binigay mo sa kanya?” Tanong ni Yui nang parehong naghuhugas na kami ng kamay
sa may lababo ng CR.
“Huh?”
Napatingin naman ako sa salamin. Nakita ko lang si Yui na napapailing.
“Wag mo
sabihin saking hindi mo alam.”
“Ang ano?”
Napatawa
naman si Yui. “Ang bibilis mo sa babe, pero humihina ka kay Jayden? Tss.” Lalo
lang kumunot ang noo ko na nakatitig sa kanya. “Birthday ni Jayden kahapon.”
“What?!
Bakit hindi ko alam to? Bakit di mo sinabi dude? Tae ka naman o.” Nanlaki lang
ang mata ko. Arrrgh. Nakakaasar. I forgot his birthday. October 13 nga pala
kahapon. “Shit!” Napatungo naman ako.
Inakbayan
naman ako ni Yui at tumitig lang sa repleksyon namin sa salamin. “May time ka
pang bumawi dude. Good luck.”
Nag-angat
ako ng tingin sa salamin at nakita ko si Yui na nakangiti. “Ano ba pwede kong
iregalo kay Jayden dude? Wala akong maisip eh.”
“Tss.” At
tumawa pa siya. Tae ka Yui!
“Dude,
tulungan mo naman ako. Please?” At hinarap ko na siya. “Ano ba mga hilig ni
Jayden?”
Umiling lang
siya sabay ngiti. “Bah. Bakit ako tinatanong mo? Figure it out for yourself.
Kaya mo yan.” Tsaka tumalikod at lumabas na ng CR.
“Hoy! Ang
duga mo. Dude, please?” Habol ko pa sa kanya.
Tinatawanan
lang ako ni Yui hanggang makaabot kami sa may Counter para maka-order ng
makukutkot.
Hindi ko na
nga naalala ang birthday ng aking mahal kahapon, hindi ko pa alam kung ano ang
dapat kong iregalo sa kanya. Haaay. “Mag-isip ka Alfer. Wag maging tamad!” Sabi
ko nalang sa sarili ko.
Habang
kumakain kami, natutuwa naman ako’t kahit papaano ay nagkaayos na naman sila
Jayden at Kira. Pero hanggang ngayon na gumagabi na at malapit na kaming umuwi,
wala pa rin akong maisip na ibibigay kay Jayden.
Kasalukuyan
kaming nandidito sa may bookstore ng mall. Namimili ng mga libro sina Jayden at
Kira, habang kami ni Yui ay patingin-tingin lang. Maya-maya pa’y, “Light bulb!”
Ayun, may naisip na ako.
Nagpaalam
naman ako sa kanila para makatakas muna. Syempre, gusto kong i-surprise si
Jayden mamaya. Sabay ko ring kinuha ang number ni Kira. Tinext ko si Yui at
Kira pagkalabas ko sa bookstore. Nagconfirm naman sila sa hinihingi kong pabor.
Ayos!
Kelangan maging perfect ang gabing ito. Babawi
ako kay Jayden. Nailalabas ko na siya sa nakalipas na tatlong buwan, pero
kelangan maging mas espesyal na rin ang gabing ito.
Mabilis ko
namang nakita at nabili ang ireregalo ko kay Jayden. Bumalik agad ako sa may
bookstore at pangit-ngiting tumititig kay Jayden. Sinusuklian lang naman ako
nito ng mga nagtatakang mata. Haay Jayden, ang gwapo mo!
“Aheem!” Si
Kira. Lumapit lang ito sa amin ni Jayden na nakakunot ang noo. “Anyare Al? May
sapi ka ata ngayon?”
“Wala.
Masaya lang.” At tinitigan na naman si Jayden. Ang gwapo ng future boyfriend
ko.
“Kinikilabutan
ako jan. Sis, may napili ka na?” ngiti ni Jayden at bumaling kay Kira.
“Oo. Tara
na?” Aya ni Kira.
“Tara.” At
binayaran na nga ng dalawa ang mga librong napili ng mga ito. “Uwi na tayo?”
“A-ah eh,
Yui, sayo na ako sasakay ha? Ang bagal kasi magpatakbo nitong si Alfer.
Nagmamadali na kasi akong umuwi eh. Please?” Baling nito kay Yui. Nagtaka naman
si Jayden, pero hindi nalang ito umimik.
“Sige. Yoh,
kay Alfer ka na muna ha? Dude, ingatan mo bespren ko ha?” Ngumiti naman ako at
tumango.
“Ui, Yoh,
ang bag ko nasa kotse mo.” Baling ni Jayden kay Yui.
“S-sige,
idadaan ko nalang pagkahatid ko kay Kira.” At tumalikod na ang dalawa. Si Yui
ay sumaludo pa sa amin.
Susunod na
sana si Jayden ng biglang hawakan ko siya sa balikat. “Bakit Al? Di pa ba tayo
uuwi?”
“Nagugutom
ako eh. Kain muna tayo?” At hawak-hawak ang kanyang balikat, tinulak ko na siya
papunta sa dati naming kinainan, nung gabing sinabi ko sa kanya na gusto ko
siya.
“Ha? Kakain
na naman tayo? Busog pa ko eh.” Reklamo ni Jayden
“Di ka ba
naaawa sa akin?” Sabay pa-cute ng mga mata.
“O siya.
Tara! Chura neto.”
Natuwa naman
ako ng makita siyang na-amazed na naman sa view sa itaas ng hotel. Pangalawang
beses na namin dito, pero nakakatuwang pagmasdan na nagagandahan talaga siya sa
tanawin.
“Dito mo talaga
ako dinala ah?” Sabi ni Jayden ng makaupo na kami sa lamesang pinareserba ko
kanina. “Dito mo sinabi sakin nun na gusto mo ko.”
“Memories.”
At tinitigan ko siya sa mga mata. “Naalala mo pa pala yon?”
“Bakit naman
hindi? Sa unang pagkakataon, may lalaking umamin sa akin na gusto niya ako.” At
ngumiti naman ito. God! Those smiles. Those smiles that kept me thinking every
night. “Klaruhin nga natin Alfer. Seryoso ka ba talaga dun?”
“Oo naman.
For the past three months, nanliligaw na ako sayo, pero di mo pa pala
napapansin. Tsk.” Napatungo naman ako.
“Napapansin
ko naman.” At nag-angat ako ulit ng mukha. “Kaso lang, ayoko mag assume. And honestly,
I’m not used to this kind of set-up Al. Alam mo namang pareho tayong hindi
bakla diba?”
“Andun na
ako. Pero ano ba naman magagawa ko? Sa eto yung nararamdaman ko eh. Mahal kita
Jayden.” At hinawakan ko ang mga kamay niya.
“M-mahal?”
“Oo, Jayden.
Mahal na mahal kita. I’m dying just to be with you. Araw-araw ka nalang
sumasagi sa isip ko. At sa tuwing nakikita kita, lalo na yang mga mata at ngiti
mo, kinukuryente ako sa kilig. Jayden, mahal na mahal kita.”
“P-pero
Alfer..”
“Just give
me a chance, Jay. Pinapangako kong iingatan kita. Nakikita mo naman ang mga
pagbabagong ginagawa ko diba?”
“Oo. And I
appreciate it Al. Kaso, hihingi na muna ako ng konting panahon pa para
pag-isipan na muna ang mga bagay-bagay.” Ngiti sa akin ni Jayden. Nabuhayan
naman ako sa ngiti niyang iyon. It’s as if, may chance ako sa kanya.
“Ui, ngumiti
siya.” Panunukso ko.
Bumuntong-hininga
naman ito. “Sa totoo lang, attracted naman talaga ako sayo Al eh. Kaso lang,
hindi pa ako ready na pumasok sa ganitong klaseng relasyon. Alam mo na, hindi
normal ang maging ganito.”
Yown!
Perfect. Kahit papaano pala may chance na maging akin siya. Kinikilig na naman
ako.
“Nakakatampo
ka naman.” Narinig kong sabi ni Jayden pagkatapos naming kumain. Napatitig lang
ako sa kanya.
“Bakit?”
Pagmamaang-maangan ko. Pero sa totoo lang, alam ko ang tinutukoy nito.
“Wala.”
Simangot nito.
“Teka lang.”
At kinuha ko ang bag ko at may kinuha sa loob. Inabot ko lang kay Jayden ang
isang malaking box na nakagift-wrap. “Belated Happy Birthday.” Ngiti ko sa
kanya.
Nanlaki
naman ang mga mata nito. “Ano to?” Aktong bubuksan na sana niya ang gift ko sa
kanya ng pigilan ko siya.
“Sa bahay mo
na yan buksan.” Bumuntong-hininga ako. “Sa totoo lang, nalimutan ko talaga ang
birthday mo kahapon. Sorry Jay. Kung di pa ako inusisa ni Yui kanina, di ko pa
matatandaan. Sorry ulet.”
Tumawa naman
ito. “Okay lang. Akala ko nalimutan mo.” Napatingin naman ito sa malaking box
na nasa harapan namin. “Di ko pa sigurado kung tatanggapin ko yan ha? Pero
salamat.” At ngumiti ito.
Pagkatapos
naming kumain at magpahinga ng konti habang nanonood sa magandang view ng
hotel, inihatid ko na si Jayden sa kanila.
“Jay, diba
wala naman kayong gagawin sa Sembreak?” Tanong ko kay Jayden nang makarating na
kami sa tapat ng bahay nila.
“Wala.
Bakit?”
“Gusto mo
mag beach? Outing tayo this weekend. Sa Sunday. Kasama sila Paul, Yui at Kira.”
Ngiti ko sa kanya.
“H-ha? E-eh.
Tatanungin ko muna si Yukito. Kung sasama siya, sige, sasama ako.” At ngumiti
pa ito sa akin. Ang cute niya talaga. “Good night Al. Ingat sa pag-uwi.”
Di ko
mapigilan pero ninakawan ko ito ng halik sa pisngi. Nagulat siya, pero
napangiti naman siya agad. “Good night Jay.”
At lumabas
na siya ng kotse. Ako naman ay di makapaniwalang naka-score na din sa wakas.
After 3 months. Humihina na talaga ang alindog ko. Pero sige lang. Mahal ko
naman eh. Jayden is worth the wait.
=============================
== The LEAF
==
Sinabi ko ba
talaga kay Alfer yon? Inamin ko ba talaga sa kanya, mata sa mata, na gusto ko
din siya? Nahihibang ka na Jayden! Pero sige na nga, aaminin ko na. Gusto ko si
Alfer.
Lahat ng
pagbabagong pinapakita niya ay naa-appreciate ko naman talaga. Mahirap kaya
baguhin ang mga bagay na nakagawian mo na. Pero I’m glad that he is changing
for the better.
Habang
naglalakad papasok sa bahay, para alng akong nauulol. Yung kiss na yun. Wew.
Kinilig naman ako.
Dala-dala ang
malaking box na binigay sa akin ni Alfer para sa birthday ko, tinungo ko na ang
kwarto ko. Tulog na siguro si Nanay. Pagkaakyat ko sa kwarto, naligo muna ako.
Yung gift ni
Alfer. For some reasons, I can’t feel the excitement. Di kagaya nung naramdaman
ko ng bibnigyan ako ng gift ni Yui. Well siguro, pagod lang ako. “Just shrug it
off.” Payo ng utak ko.
Pagkatapos
maligo, sumampa na ako sa kama. Kinuha ko lang ang box at sinimulang buksan
ito.
Nakakalahati
pa ako ng bukas pero hindi ko na nagugustuhan ang nakikita ko. Di ko nalang
binuksan ng todo. Kinuha ko ang phone ko at tinext ko si Alfer.
“Thanks for
the dinner Al. But sorry, I can’t accept this. See you tomorrow.” Sabi ko sa
text.
Kinuha ko
lang ang ipod at bagong headphones na bigay ni Yui, at nagpatugtug nalang ng
kanta.
Haay. Mabuti
pa si Yui. Gamay na gamay niya ang mga hilig at gusto ko. Kahit nga ang mga
bagay na kailangan ko, alam nya din.
Ganun talaga
pag best friend mo no?
A best
friend is someone who will tell you the truth when the world is feeding you
lies. A best friend is someone whom you can reveal your naked soul, without
being ashamed.
Si Yui.
Haaay! Bakit
ko ba to naiisip na naman? At bakit kinokompara ko na naman sila? Haaay.
“Pagod ka na
Jayden. Matulog ka na.” Sabi ng utak ko.
Kinaumagahan,
tinawagan ko agad si Yui. Pinapapunta ko nalang dito para dito kami mag-usap
kung sasama ba kami sa outing nila Alfer.
Dumating ito
ng mga bandang 12noon. At dito pa talaga maglalunch tong kumag na to. Hahaha.
Okey lang. Atleast di rin ako mababagot sa buong maghapon. First day pa naman
ng Sembreak.
“Yoh, may
sinabi kasi si Alfer kagabi.” Panimula ko kay Yui. Kakakain pa lang namin at
nakaupo lang kami sa sala.
“Oh, baket
daw?”
“Wala ka
namang gagawin bukas at sa mga susunod na araw diba?” Napatingin naman siya sa
akin. “Kasi nag-aaya siyang mag outing sa beach bukas.”
“S-sige.
Ikaw bahala, Yoh. Kung pupunta ka, pupunta ako. Sino ba kasama?”
“Si Paul
daw. Ta-try ko si Kira.”
Umakbay
naman sa akin si Yui. “About you and Kira, I’m glad na naging okey na kayo Yoh.
Sana magtuloy-tuloy na yan.” At ngumiti pa ito. “I’m proud of you, Yoh.”
“Sana nga Yoh.” Nginitian ko din siya.
“Tao po!”
Narinig kong sigaw sa labas.
“May tao.
Teka, titingnan ko lang Yoh.” Sabay labas ng bahay at pumunta sa may gate.
Pagkabukas ko ng gate, nakita ko lang si Kira na nakangiti.
“Bro!” Bati
nito sa akin at yumakap pa.
“Ui. Naligaw
ka ata sis?” Sarkastikong saad ko sa kanya. “Pasok ka.”
“Tinext ako
ni Yui eh. Close na ata kami nun.” At sabay lang kaming naglakad papasok sa
bahay. “Uy. Yui. Anong balita?”
“Wala naman.
Outing daw bukas eh. Sama ka?” Tanong ni Yui dito ng makaupo na kami sa sofa.
“Ha? Bukas?”
“Oo sis.
Sina Paul at Alfer lang naman makakasama natin.” Sabi ko dito.
“Ha? Panu
yan? Ako lang babae sa grupo? Ayoko nga!”
“Oh, eh,
sino gusto mo maka girl bonding? Sina Sheena at Quimee?” At humagalpak na ng
tawa si Yui.
“Sis.
Please? Sama ka na. Gusto ko din kasing mag beach. Matagal na akong di
nakakaligo sa dagat eh.” Panghihikayat ko pa kay Kira. “Yaan mo. May bodyguard
naman tayo eh.” Sabay tingin kay Yui.
Sinamaan
niya lang kami nito ng tingin, habang si Kira naman ay napahagikgik ng tawa.
“Pagkaisahan ba ako?” Simangot pa ni Yui.
“Basta
sasama tayo ha? Wala nang bawian.” Final decision ko. Buti naman at
napakiusapan ko silang dalawa.
Tinext ko na
agad si Alfer para iconfirm ang pagsama naming tatlo. Maya-maya pa’y nagri-ring
na ang phone ko. Si Alfer, tumatawag.
“Great!
Bukas. 8AM tayo aalis.” Masayang saad ni Alfer. Kow. Gusto lang niya ako
makasama sa bakasyon eh. Hahahaha.
“Itanong mo
kung isang sasakyan lang ba gagamitin natin.” Kalabit sa akin ni Kira, na sya
namang itinanong ko kay Alfer.
“Oo. Para
mas masaya. May van naman dito, so ito nalang gamitin natin. Total, anim lang
naman tayo dun eh. Basta mga 3-4 days tayo maglalagi dun.” Sagot ni Alfer.
“Anim?” Ako,
si Kira, si Yui, si Alfer, at si Paul. “Lima lang naman tayo ah? Sino
pang-anim?” Naguguluhan ako.
“Basta.
Sige. Prepare na tayo ng mga dadalhin ha? Dadaanan ka nalang namin jan bukas.
8am, sharp.”
“Okay Al.
See you then.”
“See you
Babe.” At biglang naputol ang linya.
Babe? Did he
just call me babe? Ang bilis naman. Nyahahaha.
“Hoy!
Makangiti ka naman jan. Mukha kang timang, Yoh.” Untag sa akin ni Yui. Napansin
siguro nito na nakangiti ako sa sinabi ni Alfer. Babe. Wow.
“Oh, eh, ano
ngayon?” At tumawa na rin ako. “Sis, ano ba dadalhin natin bukas? Dadaanan
nalang daw tayo. Van nalang daw nila Alfer ang dadalhin.”
“Hahaha. Di
pa ako nakakapagpaalam kay Dad eh. Pero I’m sure papayag yun, kasi andun ka
din.” Ngiti sa akin ni Kira. Pero parang may iba pa siyang pahiwatig sa mga
ngiting iyon. Tiningnan ko lang siya ng matiim. “What?”
“Nothing.”
Bumuntong-hininga nalang ako.
3PM. Lumakad
muna kami nina Yui at Kira para mamili ng babaunin sa bakasyon. Sabi ni Yui,
kompleto naman daw ang Vacation House nina Alfer na pupuntahan namin, so mga
basic needs lang ang kakailanganin namin.
Napapansin
ko kanina pa si Kira eh. Mukhang may malalim itong iniisip, na minsan ay may
halong ngisi. Kinakabahan tuloy ako dito sa babaeng ito.
“May
problema ba Sis?”
“M-may
iniisip lang Bro.” Pagkikibit nito ng balikat.
“Di pwedeng
i-share sa long-lost brother mo? “ Ngiti ko lang sa kanya.
“Akin na
muna to Bro. Malalaman mo din naman in time.” Ngiti pa niya. “Tara na. Iniintay
na tayo ni Yui.” At sabay lang kaming naglakad sa kinaroroonan ni Yui.
Namili lang
naman kami ng mga chichirya, pang swimming ni Kira, at kung anu-ano pang
mapagtripang bilhin nito.
Grabe naman
tong kapatid kong to. Kawawa naman ang magiging boyfriend nito. Napaka high
maintenance ng babaeng ito. Hahaha! At si Yui pa talaga ang ginawa nitong
tiga-bitbit. Si Yui naman, busangot na busangot na ang itsura nito.
Naku-cute-an lang ako sa kanilang dalawa.
Mag gagabi
na ng makauwi ako sa bahay. Dinaan lang namin si Kira sa bahay nila. Gusto pa
sana nitong imbitahan kami sa loob para makapag-dinner, pero tumanggi muna ako.
Di pa ako handang pakiharapan ang mga tao sa loob ng bahay na yun.
Si Yui
nama’y sumaglit lang ng uwi sa bahay nila para kunin ang mga dadalhin niya.
“Ingat kayo
anak ha?” Bilin sa akin ni Nanay Nimfa pagkatapos nitong tulungan ako sa
pagsisilid sa bag ang mga dadalhin kong gamit.
“Opo nay.
Mga tatlo o apat na araw po kami dun. Nay, total, bakasyon naman, bakit di po
muna kayo umuwi?” Ngiti ko dito.
“Sige anak.
Sasaglit lang din ako sa probinsya namin. Babalik din ako agad ha?”
“Nay, okay
lang po. Magbaksyon naman kayo dun ng matagal. Malaki na po ako.”
“Aysus, bata
ka. Malaki na daw? Kaya mo na ba ako pinapauwi dahil di mo na ako kailangan?”
Kunwaring pagtatampo ni Nanay.
Niyakap ko
naman siya at kumals din pagkatapos ng ialng sandali. “Hindi naman sa ganun
Nay. Syempre, nahihiya na po ako sa inyo kasi ako nalang palagi iniisip nyo.
Anyways naman Nay, anjan naman po si Yui eh. At Nay, nga pala, nagkaayos na
kami kahapon ni Kira.”
Napangiti
naman ito. “Mabuti kung ganun anak. Sana tuloy-tuloy mo na yan ha? Magiging
masaya ako pag nagkabati kayo ng papa mo.”
“Salamat po
Nay.”
Pagkatapos
naming mag-usap ni Nanay, narinig na namin ang boses ni Yui. Kaya bumaba na
kami sa kusina para magdinner na rin.
Nakita ko
lang ito sa may sala na nilalapag ang isang malaking bag at ang gitara niya.
Ang hilig talaga ni Yui sa gitara. Nagpapaturo na nga ako sa kanya eh. Ang
hirap, pero, magaling naman din siyang magturo kaya ayos lang.
“Naku Nay!
The best ka talaga magluto. Grabe. Mananaba talaga ako dito.” Bibong saad ni
Yui pagkatapos nitong kumain.
“Naku
Yukito. Mambola ba? Pag narinig ka ng Mama mo, baka paluin ka sa pwet.” Biro
din ni Nanay.
“Nay. Di po
ako naglalaro ng Volleyball.”
“Ano naman
kinalaman nun sa usapan Yoh?” Ako.
“Di kasi ako
BOLERO. Hahahaha!” Ayun. Bumanat naman si Yui. Napahagikgik naman ng tawa si
Nanay. Ako, simpleng ngiti lang. Kow. Kahit korni tong bespren ko, natutuwa ako
sa mga hirit nya.
“Ewan ko sa
inyo. Yukito ha? Si Jayden. Ikaw na
bahala sa kanya. Pipingutin kita sa singit pag may mangyari dito.”
“Opo Nay.
Ako po bahala sa kanya. Ako pa.” At ngumiti pa si Yui kay Nanay. Napatawa naman
ako sa mga habilin ni Nanay. Kahit kelan talaga oo.
“O sige na.
Magpahinga na kayo. Ako na bahala dito.” Sabi ni Nanay. Wala na kaming nagawa
kundi ang umakyat na sa kwarto ko at ang magpahinga. Naligo muna kami, pero
hindi sabay ha? Mga iniisip nyo. Hahaha!
“Grabe naman
kapatid mo Yoh. Ginawa ba naman akong alalay kanina. Ikaw naman, di mo naman
ako tinulungan. Katampo ka naman.” Simangot ni Yui. Pareho na kaming nun nakaupo
sa kama ko.
“Hahaha! Na
shock nga ako sa inasta nun kanina eh. Dati, noong mga high school pa kami, di
naman ganun yun ka arte.”
“Grabe
talaga. Sumakit ang mga braso ko kakabuhat ng mga pinamili niya. Akala ko ba sa
beach tayo pupunta, pero bakit parang pupunta tayo sa isang beauty pageant?”
Natawa naman ako ng makitang naka-pout na ang lips niya. Ang cute lang.
“Pero may
napansin ako eh.”
“Ano?”
“You two
look cute together Yoh.” Ngiti ko sa kanya. “Ligawan mo kaya si Kira, Yoh.”
“What? Ayos
ka lang Yoh?” At napailing lang si Yui sabay iwas ng tingin. “Di ko naman yun
gusto eh.”
“Malay mo
naman diba? Naniniwala kasi akong Love is a learning process Yoh. Once na
nakita mo ang magagandang katangian ng isang tao, you can start from there.”
“Eh para sayo yun. Naniniwala naman ako dun eh. Pero.. ay basta Yoh. Ayoko sa mga High Maintenance na babae. Hahaha!”
“Eh para sayo yun. Naniniwala naman ako dun eh. Pero.. ay basta Yoh. Ayoko sa mga High Maintenance na babae. Hahaha!”
“Ewan ko
sayo. Malay mo, ‘tong bakasyon na to, mas makilala mo pa si Kira.” Ngisi ko pa
kay Yui.
“Baliw ka
Jayden. Matulog na nga lang tayo.” At humiga na sya sa kama. Nahiga na rin ako
sa tabi niya.
Nakapakit na
ang mga mata ko ng marinig ko siyang napabalikwas ng upo.
“Ano yun?”
At binuksan ang lampshade sa may side table. “DSLR Camera? Ngayon ko lang
napansin yan ah?”
“Bigay sakin
ni Alfer kagabi.” Malamig na tugon ko.
“Ayaw mo?”
“Gusto
naman. Pero alam mo naman ako diba? Di ako ganun ka materyalosong tao Yoh.
Ibabalik ko yan sa kanya bukas.” Nakahiga pa rin ako at nakapikit na.
“Di pa rin
talaga nagbabago si Al. Haaay.” At nahiga na rin ito ulet.
Kinabukasan
ginising ako ni Yui ng maaga. Nagbreakfast lang kami tas dinouble-check ang
lahat ng dadalhin namin.
7:30AM.
Handa na kami ni Yui. Simple lang naman ang sinuot ko. Anyways sa beach naman
ang punta namin eh. Pero si Yui? Goodness!
Nagmukha
siyang model ng bumaba siya mula sa kwarto ko. Naka plain white tshirt lang
ito, at sky blue na shorts, at puting panama hat na nakapatong sa ulo niya. Ang
gwapo!
“Kow!
Siguradong magugustuhan ka na ni Kira.” Panunukso ko sa kanya. May narinig
naman kaming busina na nasa labas. Sila Alfer na siguro to.
“Ewan ko
sayo Yoh. Tara na. Mukhang anjan na sila oh.”
Sabay naman
kaming lumabas ng bahay. Nakasukbit lang sa mga balikat namin ang kanya-kanyang
bag. Si Yui, dala pa rin ang gitara, at ako na ang nagbitbit ng mga pinamili
naming kutkutin kahapon.
“Good
morning!” Masiglang bati ni Alfer sa amin. Nakababa ang bintana ng driver’s
seat. Pagkalapit namin sa van, bumukas naman ang pinto nito at nakita ko lang
si Paul sa loob nito. Tumango naman ito at ngumiti sa amin ni Yui.
“Yoh. Akin
na bag mo. Ilalagay ko sa likod.” At inabot ko nalang kay Yui ang bag ko.
Sumakay naman ako sa loob ng van. Tiningnan ko naman si Yui na nagsisilid ng
mga gamit sa likod. Sa likurang parte ng van nakita ko naman si Kira na naka
shades lang at walang imik na naupo sa likurang upuan ng van.
“Ui Sis. Ang
lalim ata ng iniisip natin? Di ka ata nakatulog kagabi?” Masiglang bati ko kay
Kira na napatingin lang sa akin.
“Ano nga
ulit yun bro?” Narinig ko ang boses ni Kira pero di naman nagbuka ng bibig tong
babae na nasa likuran ng van. Kinabahan ako bigla. Nilingon ko lang yung
pinanggalingan ng boses ni Kira, at nakita ko lang siyang nakangisi na nakaupo
sa may front seat, katabi si Alfer.
“W-what?” So
hindi si Kira yung nasa likod? Nanlaki lang ang mga mata ko na nakatitig kay
Kira.
“J-jayden.”
Anang babae na nasa likod.
Shit! Si
Karin! Bakit nandidito siya? Di ko nalang to nilingong muli.
“Awkward.”
Panunukso ni Paul. Sabay hagikgik ng tawa. Lumipat naman si Paul sa may likuran
ng van para dun paupuin si Yui sa tabi ko.
Noon naman
dumating si Yui, at sumakay na sa van. “Oh. Antahimik nyo naman ata?” Napansin
nitong mukhang tensyonado ang loob ng van.
Shit! Bakit
ba kasi sumama pa si Karin? Haay. Siya pala yung pang-anim na tinutukoy ni
Alfer kahapon. Tss.
“G-guys, anyways,
meet my beautiful sister, Karin Risos Gonzales.” Pagpapakilala ni Kira kay
Karin sa iba.
“So, you are
Karin? Glad to finally meet you.” Paglalahad ng kamay ni Yui kay Karin. Mukhang
tinanggap naman ni Karin ito. “I’m Yui by the way.” Nakangiti pa ito.
“T-thanks.
N-nice to meet you Yui.” Narinig kong sagot ni Karin.
“Ahem! O
siya. Ready na kayo?” Untag sa aming lahat ni Alfer. Nakita ko lang itong
nakatingin at ngumiti sa akin sa may driver’s mirror.
“Tara na ng,
Al. Gusto ko ng lumanghap ng sariwang hangin.” Si Kira.
“Oo nga.
Mukhang ang bigat ng hangin dito eh. Hahahaha!” Shiite naman Paul o. Manukso pa
talaga?
Naging
mahaba ang byahe dahil sa traffic. Alam nyo na, bakasyon. Daming nagbebeach.
Daming umuuwi sa kanilang probinsya. Tumagal din ng mga tatlong oras ang byahe.
At halos lahat kami, hindi naman naging bored sa buong byahe kasi bumangka
naman ng kwento sina Alfer, Kira at si Yui. Si Paul, natlog lang. At kami ni
Karin, wala lang imik. Nakikitawa nalang kami, pero di kami umiimik.
Awkward, pero masaya naman.
Na-amaze lang
ako sa kagandahan ng beach house nila Alfer nung dumating kami dito. Ang lawak
ng lawn. Ang bahay ay malaki lang kaunti sa amin pero napakaganda. Kahoy ang
exterior pero maaamaze ka sa ganda ng interior. Dalawang palapag ang bahay. At
sa likod ng bahay ay may lanay kung saan nakaharap ito sa dagat.
Ang
dalampasigan ay napuna ng puno ng talisay na nagbigay ng lilim sa puting
buhanginan. May mga lamesa at bangko din na inilagay duon, sa ilalim ng mga
puno. At ang dagat? Wow. Kulay bluish green na parang naghihikayat na lumusong
agad dun. Amazing talaga.
“This is
paradise.” Nasambit ko ng makababa na kami sa sasakyan at agad lang tinungo ang
dalampasigan.
“I’m glad
you like it Jay.” Ngiti sa akin ni Alfer.
“Kayo na ang
mayaman! Perfect.” Si Kira.
“Gutom na
ako dude! May pagkain na ba?” Reklamo ni Paul.
“Che!
Natulog ka nga lang buong byahe, tas ngayon, gutom ka na naman?” Irap ni Alfer
dito. At pumasok na nga kami sa loob ng bahay.
Di nga ako
nagkamali. Ang ganda-ganda ng bahay nila Alfer. Beach house pa lang to ha?
“Maligayang
pagdating po, Young Master.” Bati ng isang lalaki na nasa 50’s na siguro.
“Young
Master? Huli kong narinig na may tinatawag na ganun ay sa Meteor Garden pa ah.
Dao Ming Su?” Biro ni Kira kay Alfer. Sinamaan lang ito ng tingin ni Alfer.
Napahagikgik naman kami lahat.
“Manong Joe
naman eh. Alfer na nga lang po.” Napakamot pa ito ng ulo. “Lunch na po tayo?”
“Tara na po.
Mga sir at maam, halina kayo.”
“Yown. Gutom
na nga ako Manong Joe eh.” Hirit pa ni Paul.
Wow. Daming
seafood. Isda, sugpo, alimango, at pusit. Yun lang naman ang inabutan namin sa
may lanay ng bahay. Ang sarap ng kainan namin. Busog na busog kaming lahat. The
best talaga pag seafood!
Tulad pa rin
ng kanina sa byahe. Wala pa ring imik si Karin. Di ko rin naman siya kinakausap
eh. Bahala na nga si Batman. Basta ako, mag-eenjoy ako sa bakasyong ito.
“Kira, dun
kayo sa kwarto sa first floor ni Karin. Si Yui at si Paul sa isang kwarto sa
itaas, at kami ni jayden sa katabing kwarto. Ayos na ba?” Ngisi ni Alfer.
“W-what?”
Nanlaki lang ang mga mata ko.
“No.
Jayden’s with me. Kung ayaw nyo, uuwi nalang kami.” Malamig na sagot ni Yui.
“Boom!” si
Kira.
“Joke lang.
To naman. Tara na Paul, ipasok mo na mga gamit ko sa loob.” Sabay change-topic
ni Alfer.
Well, hindi
naman sa ayoko siyang ka-share ng kwarto, pero alam naman nila na may
nararamdaman siya sa akin, at ayoko namang iwan si ere si Yui. Isa pa, hindi pa
naman kami ni Alfer eh, ba’t kami magtatabi sa iisang kama?
Hinila naman
ako ni Yui papaakyat sa kwartong gagamitin namin.
“Wag ka
munang kumerengkeng ha? Dito ka sa tabi ko matutulog at hindi sa kay Alfer. Sa
akin ka hinabilin ni Nanay.” Litanya ni Yui. Natawa naman ako sa mga
pinagsasabi niya.
“At sino
namang may sabi na gusto ko tumabi dun? Di naman ako pamigay eh.” Natatawa pa
rin ako kay Yui. Napaka-overprotective.
“Ahh basta.
O sige. Tulog muna tayo Yoh.”
“Sige Yoh.
Swimming tayo mamayang hapon ha?”
“Sige.” At
nag-syeste na nga muna kami.
Ang sarap ng
simoy ng hangin. Napakalinis talaga. Di kagaya ng sa syudad. Dito, kahit di na
namin binuksan ang Aircon, ayos na. Haaay.
Nagising na
ako. Hinagilap ko naman ang pinaglagyan ko ng phone, pero ang phone ni Yui ang
nakuha ko. Umagaw ng pansin lang kasi sa akin ang wallpaper ng phone nito.
Nakita ko
yung picture namin nung birthday ko. Eto yung niyayakap nya ako at pilit na
hinihila papunta sa pool. And i gotta admit, we look so cute together. Epic
fail ang itsura ko, pero ang ganda-ganda pa rin ng pagkakakuha nung litrato. SI
Ate Reema ang kumuha nun.
Timecheck.
4:30pm na. Binalik ko lang ang cellphone ni Yui sa may side table at tumalikod
sa direksyon ni Yui. Payapa lang itong natutulog sa tabi ko. Nakanganga pa. Ang
cute lang nitong tingnan.
Kinuha ko
lang ang phone niya at kinuhanan sya ng picture habang nakanganga. At sinet ko
bilang wallpaper niya. Pinalitan ko yung sa amin. Hahaha. Pagkatapos, ipinasa
ko yung picture niya sa phone ko at inaupload ito sa Facebook.
Jayden
Gonzales
-picture ni
Yui-
“meet my
Room Mate. Nganga!” – with Yukito Ramirez at Somewhere Down The Road
“Yun!”
Na-upload ko na. Pagkatapos ng ilang segundo, may 12 na agad na nag-like. At
apat na comment.
Reema
Ramirez. “Wow! Ang sweet. Pasukan na ng bubuyog yan. Ilabas na si Jollibee!”
Kenneth Lim
(friends with Yui Ramirez). “Yukito, pare. Ang sarap ng tulog natin ah?”
Rafael
Mukamo (friends with Yui Ramirez). “Pards. Ingat sa langaw.”
Reema
Ramirez. “Kapatid, punas punas din ng laway pag may time. :D”
Hahaha.
Natatawa ako kay Ate Reema.
Napahagikgik
na ako ng tawa, nang magising si Yui. “Hoy! Ano tinatawa-tawa mo jan?”
nagkukusot pa ito ng mata at pilit tinitingnan ang phone ko. Iniiwas ko naman
to sa kanya. “Patingin na!”
Naagaw nya
naman ang phone ko at habang tinitingnan niya to, tumatawang umibis na ako ng
takbo palabas sa kwarto.
“Bumalik ka
dito! Hoy!” Narinig ko pang sigaw niya.
Nung hapong
yun, sabay sabay lang kaming lahat na naligo sa dagat. Ang saya kasi may mga
games at activities na inihandan sila Kira at Paul para sa amin.
Pagkakain ng
hapunan, bumalik lang kami sa dalmpasigan at kung ano-ano nalang pinag-usapan
namin. Hanggang sa..
“Guys. Truth
or Drink tayo? Boring na eh. Nakanga-nga nalang tayo.” Sabi ni Paul.
“Truth or
Drink?” pag-ulit ko sa pangalan ng laro.
“Oo. Spin
the bottle yan. Kung sino matapatan ng bote, siya ang pipili kung Truth or
Drink ba. Kapag Truth, tatanungin siya ng nagpaikot ng bote. Kapag Drink,
sa-shot. Game?” Paliwanag ni Paul.
“Game!” Sabi
ni Yui at Alfer.
“Exciting.
Gusto ko yan.” Si Kira.
“S-sige.” Si
Karin. Napatingin naman ang lahat sa kanya.
“Finally.
Umimik ka din Sis. Relax lang. Di sila nangangain ng tao.” Umakbay pa si Kira
kay Karin. Nakita ko lang itong ngumiti. Pero yung mga ngiting iyon, wala na
talagang epekto sa akin.
“Ah, eh..”
Sabi ko.
“Wag kang KJ
Jayden ah? Unfair kung ikaw lang ang di sasali. Tayo dapat lahat kasali.”
Pangungumbinsi pa ni Paul. So ayun na nga, wala na akong nagawa kundi ang
pumayag sa gusto nila.
Dun na kami
sa dalampasigan naglaro. Kinuha nina Yui at Paul yung isang malaking bato na
flat ang ibabaw, para dun paikutin ang bote. Si Alfer naman ay kumuha ng isang
case ng beer at sandamakmak na ice at chichirya.
Naupo kami
ng pabilog. Ako, si Yui, si Kira, si Paul, si Karin, at si Alfer. Ewan ko.
Kinakabahan ako sa mga tanong na ibabato, pero mas kinakabahan akong malasing.
Shiite. Tss. Yui, ikaw lang inaasahan ko.
“Basta di
pwede ang Pass, Lie, at Save ha?” Paalala pa ni Paul.
Ayun na nga.
Nagsimula na ang unang round. Si Paul ang unang nagpaikot sa bote. Umiikot na
ang bote at kinakabahan ako sa maaaring ituro nito. Omaygas! Papahinto na ang
bote, at sana nama’y di ako ang matapatan nito.
Nakahinga
naman ako ng maluwag ng si Alfer ang unang natapatan.
“Truth or
Drink?” Tanong ni Paul kay Alfer.
“Drink!” At
tinagayan ito ni Yui! “Wooh! Game on.” At pinaikot lang nito ang bote.
“Ikot-ikot
lang. Ikot-ikot ikot lang. Ikot-ikot lang. Ikot-ikot, ikot.” Kanta pa ni Kira.
Takte! Halatang nag-eenjoy lang sila ah. Ako lang ata tong natetense.
At
nagpatuloy nga ang laro. Sa unang round, lahat kami natapatan. Pero lahat din
kami, pinili ang Drink. Nung nagsisimula na na may pumipili ng Truth, okay lang
naman ang mga tanong kasi nga hindi pa ganun kalango sa beer. Mga tanong na
pa-tweetums lang, at minsan, walang kwenta.
Pagkatapos
ng isang oras, medyo nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madami-dami na din kaming
nainom. Si Paul, naka pitong shots na sya. Si Alfer, anim. Si Yui, tatlo pa
lang. Si Kira, apat. Nakadalawa pa lang si Karin, kasi mas pinipili nito ang
Truth. Kinabahan ako ng marealize na nakawalong shots na ako.
Nahihilo na
ako, perom buti nalang at marami naman akong nakain kanina sa dinner, kaya
medyo ayos lang ako.
“Yoh, okay
ka lang ba? Pahinga ka na kung di mo na kaya.” Pinaikot na nga ni Paul ang
bote. Nakita ko naman si Karin na napapatitig sa aming dalawa ni Yui sa tuwing
magtatawagan kami ng Yoh. Sabagay. Yun ang tawagan naman dati. Pero ngayon? Wala
na siyang epekto sa akin.
“O-okay lang
Yoh. Sige. Paikutin mo na Paul!” Sabi ko pa. Medyo nasasapian na talaga ako ng
espirito ng alcohol. Napapatingala nalang ako sa mga bituin para di na
masyadong mahilo. Pero maya-maya ay kinalabit ako ni Alfer. Tiningnan ko yung
humintong bote.
Shit! Ako na
naman. Game!
“Truth or
Drink?” Nakangising tanong ni Paul sa akin. Takte. Lasing na din ito.
“Taympers sa
pag shots. Truth muna. Nyahahaha!” Sagot ko.
“Oh, sige.”
Nag-isip pa ito ng itatanong. Pero maya-maya’y nakangisi na naman ito. Lahat
kami ay nag-aabang sa magiging tanong ni Paul. “What’s with you and Karin? Para
kasing kanina pa kayo di nagpapansinan eh. Magkapatid ba talaga kayo?”
Sunod-sunod na tanong ni Paul. Lasing na nga eto.
“Paul.
Masyadong personal ang tanong mo. Ibahin
mo nga.” Saway ni Alfer dito.
“What’s
wrong with it? Di ba ito naman talaga ang aim ng game na to?” Depensa ni Paul.
“Yoh, akyat
ka na. Sige na. Pahinga ka na.” Utos sa akin ni Yui.
“No.” This
is it. “Game! Nu nga ulet yun?” At napatawa ako ng hilaw. “Kami ni Karin?”
Nakita ko
naman si Karin na napatungo lang. Si Kira naman, napapailing lang.
“Karin was
my first love. At first, di pa namin alam na magkapatid pala kami sa ama. I
have loved her with all of my heart. Pero nung pinaglayo kami ng parents niya,
nasaktan ako. I was willing to fight for her, pero hindi man lang niya ako
maipaglaban. Lately ko lang nalaman ang lahat-lahat. Ang unang babaeng minahal
ko, ay muling nagbabalik sa buhay ko bilang kapatid.” Mapait na sabi ko habang
tinititigan ang nakatungong si Karin.
“J-jayden.”
Nag-angat lang ito ng tingin at nakipagtitigan sa akin. Hindi ko namamalayang
may mga luha na palang tumutulo sa aking mata kaya pinahid ko lang ang mga ito.
Pero hindi
ko kayang makipagtitigan sa kanya. Nag-iwas na ako ng tingin. “Game!” Kinuha ko
ang bote at pinaikot na ito. Naramdaman ko namang pareho lang akong
hinimas-himas sa likod nina Alfer at Yui.
Napangisi
naman ako ng huminto ang bote. Si Alfer naman ang natapatan nito.
“Truth or
Drink?” Alam kong nahihilo na rin ito.
“Truth!”
Sigaw nito.
“Galit ka?”
At natawa ako. “Okay. Totoo ba yung sinabi mo sa akin nung isang gabi na mahal
mo ako? Bakit?”
Nakita ko
namang lahat sila ay nanlaki lang mga mata sa naging tanong ko, lalo na si
Karin. Kahit si Yui ay di pa alam ang sinabi sa akin ni Yui nung isang gabi.
“Oh? Ba’t di
ka makasagot?” Untag ko kay Alfer. Grabe! Tumatapang na ako. Kumakapal na ang
mukha ko dahil sa alcohol. Wooh!
“Aheem!” Tumayo
naman ito at may kinuha sa bulsa. Isang kulay pula na box. Nakita ko lang itong
lumuhod sa harapan ko. “Alam naman ng lahat dito, pwera kay Karin, na
nililigawan kita.” Panimula nito na nakatitig lang sa aking mata.
Bumuntong-hininga
naman ito at nagpatuloy.
“It’s been
three months since nakilala kita Jay, pero yung pakiramdam na pangalan at mukha
mo lagi ang sumasagi sa isip ko? Yung pakiramdam na bawat araw kitang gustong
makasama at maka-usap. I tried changing my bad characteristics, para sayo. Para
maiba naman ang pagkakakilala mo sa akin. And honestly, i don’t know if that
was enough para mapansin mo ako.”
Wala pa ring
hingahan to. Pakiramdam ko humahaba ang buhok ko.
“Silang
apat. Sila ang magiging saksi sa gabing ito. Mahal na mahal kita Jayden. You’ve
changed me for the better. At sa isang rason palang iyon, minahal na kita.”
Binuksan
lang nito ang pulang kahon at nakita ko ang dalawang pares ng kwintas na may
pendant na ang nakasulat ay “AlDen”. Tumayo siya at pumunta sa likod ko para isuot
ang isang kwintas sa leeg ko. Pagkatapos, bumalik agad ito sa harapan ko at
hinawakan lang nito ang mga kamay ko.
“Alam kong
humihingi ka pa ng konting panahon para pag-isipan ang mga ito Jay. At pangako maghihintay
ako. Pero sana naman wag masyadong matagal ha?” At tumawa pa ito. “Pero
honestly, the bottomline of this speech is that, mahal na mahal kita Jayden. I
love you so much.”
“Wew! Hanep
sa speech pare! Oh, tara na. Tigilan na natin to. Inuman na lang tayo.” Sabi ni
Paul.
“Ang haba ng
hair mo Bro. Hahahaha! Congrats sa inyong dalawa!” Cheer pa ni Kira sa aming
dalawa. “Oh ano Bro? Wala ka man lang reply sa pagkahaba-habang speech ni
Alfer?”
“Salamat
Kira.” Ngiti ni Alfer dito. “Okay lang yun. Kelangan pa daw niya ng time eh.”
Speechless
talaga ako sa mga sinabi ni Alfer. Grabe! Hindi ko inakalang mangyayari ito.
Hindi ko inakalang aamin sa harap namin si Alfer. Nakit ko sa mga mata nito ang
kaseryosohan sa mga sinabi. Kahit papano naman, naging proud ako sa sarili ko
at kay Alfer. Naappreciate ko talaga ang ginagawang effort ni Alfer para sa
akin. Tuluyan na akong nahuhulog sa kanya. Haaay.
Ayun na nga.
Nag-inuman nalang kami. Pero hindi pa man kami nakakapagsimula, nagpaalam muna
si karin, at sumunod din si Yui.
“Excuse me
guys. Check ko lang phone ko sa kwarto. Saglit lang.” Si Karin.
“Guys ako
din, ihi lang ako ha? Sakit na ng pantog ko.” At sabay pumasok ng bahay sina
Karin at Yui.
“Hala? San
yung dalawang yun?” Si Kira. “Di naman siguro manyakis yang si Yui ano?”
“Hindi ah.
Good boy yang si Yoh ko.” Depensa ko sa biro ni Kira. “Oh, cheers ulit.” At
nagpatuloy nalangm kami sa pagkukwentuhan at inuman.
=======================================
== The WIND
==
Ang sakit.
Parang hinihiwa ang puso ko sa lahat ng narinig kong salita mula sa bibig ni
Alfer. Akala ko, nalimutan ko na ang nararamdaman kung iyon kay Jayden. Pero
kanina, nung nag speech si Alfer, ang sakit!
Naiinis ako
kay Alfer. Ang epal talaga niya eh. Ako ang nakauna kay Jayden, pero bakit ba
si dinamidami ng magugustuhan niya, si Jayden pa? Fuck! Naririto na naman kami
sa sitwasyong ito. Yung nagkakagusto sa iisang tao.
Naiinis din
ako sa sarili ko. Kung bakit ba kasi ako naduduwag umamin kay Jayden? Shit.
Nung
nagpaalam si Karin, nagpaalam na rin ako. Ayokong may makakita sa akin na
umiiyak. Baka di ko na mapigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa
mga mata ko.
Papasok na
kami ng bahay ni Karin ng biglang huminto siya sa paglalakad. Nauna kasi siya
sa akin, kaya naman napahinto din ako ng lakad. Ang weird nitong babaeng ito.
Kanina, nung nagspeech si Alfer, nahuhuli ko siyang nakatingin lang sa akin na
parang may gustong sabihin.
“What?”
Tanong ko sa kanya ng humarap siya sa akin at nakipagtitigan ng mata sa mata.
“You love
him, don’t you?” Diretsahang tanong ni Karin sa akin.
“Him? Sino?”
Sabay iwas ng tingin.
“Come on
Yui. Halata naman sa mga mata mo kanina eh. Alam kong tama ako sa sinasabi ko.
Mahal mo si Jayden.”
“Wag ka
ngang mag assume. Best friend ko lang si Jayden.” Nakatungong sagot ko.
“Really? Eh
bakit hindi ka makatingin sa akin ng direcho? Alam mo, hindi kita masisisi jan
eh. Ganun talaga. Sa oras na maramdaman mo yan, nandyan na yan sa puso mo.”
Bumuntong-hininga
naman ako. Wala na akong lusot sa babaeng ito. Matalas siya. “Oo. Mahal ko si
Jayden. Pero naduduwag akong aminin sa kanya. Mahal na mahal ko siya, pero
nauunahan ako ng takot sa dibdib ko.”
“Yui.
Natural naman talaga yan. Pero sana dapat, ipinaglaban mo ang kapatid ko.
Dapat, wag kang gumaya sa akin na hindi man lang siya ipinaglaban noon. Jayden
is a very special guy. At alam kong alam mo yun. Ipaglaban mo siya Yui.”
“Pero paano?
Huli na ang lahat. Masaya na siya kay Alfer. Naunahan na ako. Hindi ko na to
mababago. Natatakot ako. Baka mas lalo lang niya akong layuan pag nagkataon.”
“Alam mo,
mas boto ako sayo. Nakita ko kung gano mo kamahal at pinoprotektahan si Jayden.
Sana lang naging malakas din tayo. Lalo na ikaw, kasi di na kami pwede. Sayang
Yui eh.” Akbay sa akin ni Karin.
“Siguro mas
mabuti na ring maging ganito nalang kami. Sa pagkakaibigan, mas tumatagal ang
isang tao sa buhay mo. Malaki kasi ang posibilidad na mawala lahat ang kung
anumang meron kayo pag ginawa nyo tong komplikado.” Malungkot na sabi ko.
Ganito
nalang talaga. It’s too late to fight for Jayden. Mahal na mahal ko siya, pero
handa akong magparaya kung kay Alfer talaga siya magiging masaya. Haaay.
Jayden. Kung alam mo lang.
Pagkatapos ng
ilang sandali, bumalik na kami pareho ni Karin sa may dalampasigan kung nasaan
ang apat. Dala-dala ang gitara, pinilit ko nalang na wag ipahalata ang
nararamdamang sakit sa puso ko.
Kantahan,
tugtugan, kwentuhan, kulitan, at inuman lang ang inatupag namin buong gabi. At
nang lumalim na ang gabi, kanya-kanya na kaming pumasok sa aming kwarto.
Inalalayan ko pa si Jayden kasi naparami ata ang inom nito. Ako naman ay di
naman tinablan masyado.
Inihiga ko
nalang siya sa kama namin at pinalitan ang tshirt nito ng isang sando na nakuha
ko sa bag niya. Nagbihis naman ako at humiga na sa tabi niya. Naramdaman ko
naman na lumapit ito sa akin at yumakap.
“Thank you
sa.. lahat.. Yoh. I love you.” Lasing talaga to. Kung ano-ano nalang sinasabi.
“Sana lasing
ka nalang parati. Para parati mo akong napapansin, Yoh.” Sabi ko sa isipan ko.
Haaaist.
Ang sarap sa
tenga. Pero alam ko namang bilang kapatid lang yun. Haaay. Kung alam mo lang,
Jayden. Mahal na mahal kita.
=====================================
== The LEAF
==
Kinaumagahan,
nagising ako na masakit ang ulo. Wala na si Yui sa aking tabi. Hinagilap ko lang
ang phone ko. 7am na pala. Naghilamos lang ako sa banyo ng kwarto at bumaba na
rin.
Naabutan ko
lang si Yui na mag-isang nagluluto sa may kusina. Nakangiti lang ito sa akin ng
makita akong nakababa na at umupo sa may breakfast table.
“Good
morning Yoh! Hang-over ka no?” Ngiti nito sa akin.
“Oo Yoh eh.
Andami ko atang nainom kagabi. Di ko na nga maalala kung pano ako nakapasok sa
kwarto.”
“Hahahaha!
Yan. Inom-inom pa kasi. Inalalayan po kita kasi ngarag ka na eh.” At natatawa
pa siya. Anak ng kwek kwek naman o. Mang-asar pa ba? Ansakit na nga ng ulo ko.
“Asan pala
yung apat?” Tanong ko nalang kay Yui para di na ako maasar.
“Andun sa
dalampasigan. Gumagawa ng sand castle.” At hinain na nito ang nilulutong danggit.
“Una ka na dun Yoh. Okey lang ako dito. Matatapos na din ito. Dun na tayo sa
dalampasigan kakain.”
“Sige Yoh.
Galingan mo sa pagluluto ah?” Ngiti ko nalang sa kanya.
“Yes boss!”
At sumaludo pa ito sa akin.
Lumabas na
nga ako ng bahay. Nasa lanay na ako at nakikita ko na ang apat na gumagawa ng
sand castle. Dalawang koponan ang labanan. Si Paul at si Karin. Tsaka si Alfer
at Kira.
“Ang gaganda
ng sand castle natin ah? Sige. Ako magja-judge nyan mamaya.” Bati ko sa kanila.
“Good
morning babe!” Sabay killer smile ni Alfer sa akin.
“Maka babe
ka naman. Wala pa naman akong naririnig na sinagot ka na ng kapatid ko ah?” Si
Kira. Boom! Supalpal si Alfer. Nagtawanan naman kaming lahat pwera si Alfer na nag-pout
ng lips.
Gusto ko
munang maligo. Busy naman ang apat, tas si Yui ay nagluluto pa ng breakfast
namin. So magpapakasawa muna ako sa dagat. Tinanggal ko lang ang sando ko at
patakbong tinungo ang tubig.
Gusto ko dun
sa malalim ng konti. Gusto ko mabasa lahat ng parte ng katawan ko. Namiss ko
kasia ng maligo ng dagat. Matagal-tagal na din akong di nakaligo.
Papalayo na
ako at palalim na ng palalim ang naabutan ko. Nakikita ko parin ang apat na
gumagawa pa rin ng sandcastle. Maya-maya ay namataan ko na si Yui at si Manong
Joe na naghahain na ng breakfast sa lamesa na nasa dalampasigan.
Papunta na
sana ako sa kanila ng maramdamang sumakit yung kanang paa ko. Shit! Pinupulikat
ako. Nawawalan na ako ng kontrol sa katawan ko. Pinilit kong itaas ang dalawang
kamay ko para mapansin nila ako.
Pinapasukan
na ng tubig ang bibig ko. Shit! “Lord, Ikaw na po bahala sa akin. Ayoko pa po
mamatay. Lord.” At unti-unti na akong nawawalan ng malay-tao.
…….
Unti-unting
nagliwanag ang paningin ko. Patay na ba ako? Pero bakit giniginaw ako? Nang
maimulat ko ng buo ang mga mata ko, nakita ko lang ang nag-aalalang mukha ni
Alfer na nakatunghay sa tabi ko.
“B-babe?
Okay ka lang?” Naririnig kong saad ni Alfer.
Ano ba ang
nangyari? Pilit kong inaalala ang nangyari kanina.
Oo. Tama. Muntikan
na akong malunod. Lord, salamat po at buhay pa ako. Naiyak naman ako at niyakap
agad si Alfer. “Babe, a-akala ko mamatay na ako. N-natakot ako babe.” Siya pala
ang nagligtas sa akin. Utang ko kay Alfer ang buhay ko.
“Babe?”
Kunot-noong tanong ni Alfer. Kumalas naman siya sa pagkakayakap ko. “S-sinasagot
mo na ba a-ako?”
“Oo babe!
Tayo na.” Ngiti ko kay Alfer. Utang ko ang buhay ko sa kanya. At handa na akong
harapin ang mapanghusgang lipunan na kasama siya.
“Yes!
Salamat babe! I love you!” At yumakap siya sa akin. “Narinig nyo ba yon? Kami na
ng mahal ko! Yoohoo!”
“I love you
too, babe.”
Nakayakap pa
ako kay Alfer nang mapansin ko si Yui sa tabi namin na nakatulala at may
hawak-hawak na tuwalya. Nung mapansin nitong nakatingin ako sa kanya, pilit
lang itong ngumiti.
- Itutuloy -
Guys. sana magustuhan nyo. as promised. hehehe. comments kayo ha? God Bless us all. :)
ReplyDeleteNyak! Si Yui pala yung nagligtas
ReplyDeletePredictable na unpredictable!! Haysst! Yui pa rin ako Jace! Kawawa siya! Ang torpe kasi. Tsk.tsk.
ReplyDeleteNaawa ako kay yui, alam ko mas mahal ni jayden si yui. Ikaw kasi yui di mu pa sinabi ih...
ReplyDeleteBoholano blogger
shit!! ang sakit sa part ni yui..
ReplyDeletenapaka.gandandang chapter!!! pero ang sakit. haha. naramdaman q c yui sa huling part. lunurin mo uli c jayden tpos c yui naman ang una nyang makikita para matuloy ung tandem nila. hahaha. gawan mo ng paraan mr author. mas gusto q c yui. haha.
ReplyDelete*paumanhin. nadadala lng tlga aq sa kinahinatnan ng chapter na to. haha
-lei andrew
Kilig much! Ganda ng chapter na ito wawa naman si yui:'(
ReplyDeleteNatejohn
Naawa ako sa sitwasyon ni yui grabe ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso
ReplyDeleteMay special appearance pala ako dito..hehe
ReplyDeleteI dedicate these lines to YUI:
What do I do now that you're gone?
No back-up plans, no second chance, and no one else to blame.
Mr. CPA
Also these lines..
ReplyDeleteIt’s hard to deal with the pain of losing you everywhere I go
But I’m doin’ It
It’s hard to force that smile when I see our old friends and I’m alone
Still Harder
Getting up, getting dressed, livin’ with this regret
But I know if I could do it over
I would trade give away all the words that I saved in my heart
That I left unspoken
Mr. CPA
such is the way of life. we can't have everything in life. Si Yui. Gwapo, mabait, mapagmahal, thoughtful. Pero ang kaduwagan ng loob ang magiging pangunahing kalaban niya. Hayaan nyo na. Marami pang mangyayari. Antay-antay din :)
ReplyDeletewaahhh.. jace, sana si yui na lang.. hayzz ang true love nga namn handang magparaya pero sana ipaglaban nia..
ReplyDeleteAwww! Sakit nun para kay yui.. :(( sana mapanindigan ni jayden yung decision nya..
ReplyDelete-jeo
Kakaasar, i like yui for jayden. Mas bagay sila at deserve nila ang isat isa. Mas ok na si jayden ang magparamdam ng nararamdaman kay yui kasi torpe si yui. Please mr. Author gawa ka naman ng paraan, nakakatamad magbasa pag walang laban si yui. Hehe. Bhelat. Biro lang. Pero salamat sa update.
ReplyDelete-tyler
Im really looking forward to this story. I'm in love with Yui's character. Good job Jace! Keep up the good work. :)
ReplyDelete- Malachi
I can't wait for the main premise of the story! Please let this be the best-and-worst love triangle of all time. Nung nag-"Wind" and second part ng "leaf" then thr story hyped. Too plain sa simula. Pero. I love the second half.
ReplyDelete-Dilos
Parang may mai!! Di si alfer ang nagligtas kung di si yui!!
ReplyDeleteAwwwwww nooooo ang sakit! Hindi pwede to! Hindeeeeeeee! :(((( Yuiiiiiii huhuhuhu :((((( --- Ken
ReplyDeleteNOOOOOOOO! plsssssss!
ReplyDeleteOMG! plsss Yukito lumaban ka naman. Jace Bakit naman ganun kawawa na si Yukito. Basra YUI parin ako.
red 08
shittt! Hindi talaga ako maka move on parang ang bigat ng dibdib ko para Kay Yui.
ReplyDeleteshit.. shittttt! naiiyak talaga ako. Jace .
red 08
C leaf, pilit mabubuhay sa bisig ni tree? C tree, di mapapanindigan c leaf, kaya dumating c wind para makawala kay tree?
ReplyDeleteMy anology para sa storya.
Naiinis ako kay Yui! Bwesit! Bat di na lang kasi umamin! Yan tuloy, namislead pa yung utak nung isa!
ReplyDeletemay mga sitwasyon tlga na kelangan eh manatiling magkaibigan nlng para ndi na maging komplikado pa xD nakakarelate aq wahahaha xD
ReplyDeletemore than friends less than lovers.. i guess that's how the equation goes :)
thanks xa update jace.. keep it up..
- poch