Previous Chapters:
A/N: Happy B-day Kuya
Sai :P
Hi ngets ko alam ko
mahirap pero kakayanin natin :)
Sorry po sa matagal na
Update :(
kamusta naman ang cover lakas maka libro eh haha bili kayo 3 sampu XD Joke
Hi Regimar, Eros,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy
Cookies (Super Friend kami), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey :|, Kuya
Erickson aba move on na hahaha :P, Neil :) Randsmesia, baru, Kuya Rome Tama ata
basta lahat ng readers :)
PUSH KO PA RIN YUNG CHATMATE :)
MAY MASAMA AKONG BALAK EH :p ABANGAN
Hi K-Feds :)
Sa
mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
- g!o Yu - :|
You
can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using
bad/harsh words.
Sa
mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu
at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
Ito
po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)
Final
Requirement 22
Disoriented ako paggising
ko kanina ng mga 9 ng umaga ramdam ko na mugto ang aking mga mata dahil sa abis
na pag-iyak. Kamusta na kaya si Babe? Sana ayos lang siya, gusto ko pagpunta ko
gising na siya, biro lang sige lang babe pahinga ka lang I know you’ve been
through hard times this past days and you deserve a long sleep.
Nagmadali ako sa paliligo
yung tipong basta basta na lang naglagay ng shampoo sa ulo habang bukas ang
shower, kasabay nito ay nagsasabon na rin ako ng katawan.
Pagkalabas ng banyo ay
nagbihis na agad ako at dumerecho sa kotse papuntang mall upang bumili ng
prutas para kay Babe.
Naalala ko tuloy nung
unang beses ko siyang kasama sa mall, and I consider it as our first date. That
day hiyang hiya siya nung nakipag kita sa akin pero after several hours being
together we act like best buddies.
Bumili ako ng Flowers, and
this would be the first time that I would give him one. Kasi kung gising yun at
bibigyan ko ng bulaklak? Ihahambalos lang yun sa akin panigurado, tapos may mga follow up comment
pa yun tulad ng "Bakit mo ako bibigyan ng bulaklak patay na ako?"
Dumaan din ako sa
Bookstore upang bumili ng Libro Diary of a wimpy kid sequel babasahin ko ito
mamaya, Ako magbabantay kay Babe maghapon eh, at balak ko doon lang ako
hanggang magising na siya.
Sa paghahanap ko ng iba
pang libro ay hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babae sa loob
ng bookstore.
“Kawawa naman ang pinsan
mo kalian pa siya may amnesia?” < --- G1
“almost 1 year na, alam ko
nahihirapan na siya kasi wala siyang maalala, yung girlfriend niya
nakipag-hiwalay tapos parang naging mailap ba sa mga tao, pagkatapos minsan sa
gabi naririnig ko umiiyak siya kasi parang gusto na niya alalahanin ang lahat
kasi parang wala raw direksyon ang buhay niya kapag walang maaalala" <
--- G2
"Pero bakit tumagal
ng 1 year? Akala ko mga ilang months lang ang amnesia. Anu naman sabi ng
doctor?" < --- G1
"Well sabi nila
depende raw talaga sa patient eh, months, years at ang mahirap daw sa lahat ay yung
hindi na talaga bumalik" < --- G2
“kawawa naman” < --- G1
“Kawawa talaga, kaya
kaming pamilya niya hindi sumusuko hoping that one day babalik lahat ng ala-ala
niya” < --- G2
I feel bad for that guy na
may amnesia, he’s trying to be normal but there are times na hindi na niya
kaya. Please lord wag naman po sana mag-karoon ng amnesia si Andrei, ayoko na
pag-daanan niya ang pinagdaanan ng lalake sa kwento na narinig ko. He’s too
kind to suffer that much, wala naman po siyang ginawang masama para pagkalooban
siya ng ganyang klaseng karamdaman.
“Ah Kuya ok ka lang po ba?” < --- G2
Ay nakakahiya kanina pa
pala natulo ang luha ko habang nakatingin ako sa kanila, nakakahiya talaga.
“S-sorry, may sumagi lang
sa isip ko” ang sabi ko na lang sabay walk out sa kanila.
Pumunta muna ako sa
comfort room para ayusin ang sarili ko.
Umihi na din.
“Kuya Trip mo?” < --- Lalaking katabi ko sa urinal
“Hell no” < --- Ako sabay walkout sa comfort room
Naisip ko na rin na bumili ng makakain namin nila Tita at Kuya Kian for sure wala silang time na bumili, sila kasi ang nagbabantay kay magdamag, nababahala tuloy ako sa kalusugan ni tita baka pati siya magkasakit.
. . .
Pagkarating ko sa Ospital dumerecho na ako sa Room ni Andrei 3rd Floor Room 305.
Masayang nagkukwentuhan si Tita at Kuya Kian pagkapasok ko sa loob.
"Good morning po" < --- Ako
"Chard mabuti naman dumating kana" < --- Kuya Kian
"Ah sorry po kuya kasi nahirapan po ako matulog kagabi hindi ako mapalagay eh, may dala po pala akong lunch kain po tayo" < --- Ako
"Uy salamat mabuti tulog itong si Andrei kung hindi ihahampas sayo yang dala mong bulaklak" < --- Kuya Kian
"Tama ka dyan kuya"
"Oh siya kain na tayo akin na yang bulaklak, ilalagay ko muna sa vase at yang pagkain ng maihain ko na" < --- Tita
"Tulungan na kita nay" < --- Kuya Kian
. . .
Nagkukwentuhan kami nila tita habang kumakain, madami dami din akong nalaman pa tungkol kay Andrei, ito yung mga bagay na kinakahiya niya, kami naman ni kuya Kian ay walang ginawa kung hindi tumawa ng tumawa, kung gising lang si Babe bugbog na aabutin namin panigurado.
“Chard kung kayo man ang magkakatuluyan ng anak ko in the future wag na wag mo yang sasakan ah” < --- Tita
“Pangako po Tita hindi ko sasaktan si Andrei, siguro po may mga tampuhan na magaganap kasi hindi naman po maiiwasan, but I’ll make sure that we will talk things out before going to sleep” < --- Ako
“Chard wag ka mangako, gawin mo kasi mahal na mahal ko yang kapatid kong yan, at kapag sinaktan mo yan magtago kana” < --- Kuya Kian
“Sira-ulo ka talagang bata ka pagbantaan ba si Chard” < --- Tita
“Hahaha pero makakaasa ka po sa akin kuya” < --- Ako
. . .
Matapos ang masayang tanghalian namin nila Tita at kuya ay napagdesisyuna nila na umuwi na lalo na si Tita, medyo nagkaka-edad na kaya hindi pwede masyadong magpagod. Si Kuya Kian naman ay kailangan magtrabaho sa kompanya nila dahil ang alam ko ay abala siya sa expansion ng kompanya nila. Ako naman ay ipinagpaliban muna ang klase ko para mabantayan si Andrei dito sa ospital.
"Chard anak ikaw muna bahala kay Andrei ah, text mo ako kapag may nangyari ok? " < --- mga bilin ni Tita
"Ok po tita makakaasa po kayo sa akin"
"Eh bakit napahamak kapatid ko?" < --- Kuya Kian
"Kuya naman eh" < --- Ako
"Biro lang hahaha, sige alis na kami, alagaan mo yang kapatid ko ah" < --- Kuya Kian
"Sige ingat po kayo Tita, Kuya"
Umalis na sila Tita at kuya, ako na lang ang naiwan dito kay Babe.
Wala akong ginawa kung
hindi pasmasdan ang maamo niyang muka. Yung ilong niya, yung labi ang mga mata
niya na sana ay imulat na niya, miss na mis na kita Babe.
Hinawakan ko ang kamay niya,
"Babe alam mo kagabi hindi ako nakatulog, wala kasing nakadagan sa braso ko eh, tapos walang nakayakap sa akin sa kama ko na parang ang laki laki na ngayon, miss ko na yang boses mo, mga simple mong pag-kiss, paggawa natin ng Baby, sabunan sa banyo, yung pagsusungit mo na talaga namang wagas. Kakain sana ako ng Fries kanina kaso parang iba yung magiging lasa nun kasi ikaw ang mas higit na nagpapasarap doon" < --- Ako
"Naririnig mo ba ako? Hahaha para akong timang dito eh"
nakakabaliw pala kapag hindi nagsasalita kausap mo.
"Babe kung naririnig mo man ako gusto ko mag sorry ulet kasi wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ako, pero ngayon pinapangako ko na hindi na ako aalis sa tabi mo, I love you babe"
"Babe ikaw talaga bakit ka umiiyak? wag ka nga naiiyak rin tuloy ako oh tss"
Pagkatapos ko kasi humingi ng tawad ay bigla na lang lumuha si Andrei, kaya pakiramdam ko kahit tulog man siya ngayon naririnig naman ako ng puso niya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at hinalikan siya sa pisngi, kung narinig man niya ang sinabi ko, that's a good sign.
Tok tok!
"Insan, Alexa, pasok kayo" < --- Ako
"Kamusta na siya?" < --- Jet
"Ayan tulog pa din" < --- Ako
"Hay naku lagot sa akin yan, ang hirap alisin ng dugo sa damit ko ah!" < --- Alexa
"Haha ikaw ba ang naglaba?" < --- Jet
"Hindi, nanay ko pinapagalitan ako! si Papa Andrei kasi eh" < --- Alexa
"Adik eh, hay naku Alexa kasalanan mo yan kasi hindi ka naglalaba" < --- Jet
"Tse!" < --- Alexa
Lakas din ng trip ng dalawang ito eh, nagpunta lang ata dito para magbangayan. Pero pakiramdam ko may chance itong dalawang ito eh.
"Kamusta ka naman Papa Chard? Baka ikaw na ang magkasakit ah pahi-pahinga din pag may time" < --- Alexa
"Hindi ako ang nagbantay kagabi, pinauwi ako nila tita eh kahit anung pagpupumilit ko kagabi"
"Ah ok na din yun
pinsan atleast nakapagpahinga ka din" < --- Jet
Tok Tok Tok!
“Agatha BFF!” < --- Alexa
“BFF! Oh my god it’s been a while” < --- Agatha
“Oo nga bruha ka bakit hindi ka nagpaparamdam” < --- Alexa
“Well busy kasi ako ang dami requirements balak ko kasing mag-aral dito itutuloy ko yung course sayang eh, Pinsan kamusta na si Andrei?” < --- Agatha
“Eto ok naman, umiyak nga kanina eh” < --- Ako
“Bakit?” < --- Jet
“Hindi ko rin alam eh basta kinakausap ko kanina maya maya bigla na lang umiyak”
“So it means
somehow naririnig ka niya cuz” < --- Agatha
“Yeah somehow”
Mabuti naman dumalaw ang mga to kay Babe kahit papaano hindi ako mag-isa sa pagbabantay at may mga makakausap ako, nakakapanis ng laway kapag wala.
"Insan, Cuz Alexa
iwan ko muna kayo ah bibili lang ako ng miryenda natin" < --- Ako
“Ah sige insan kami muna bahali dito” < --- Jet
Nakakagutom talaga kapag wala kang ginagawa kaya naman nagrepresenta na ako bumili ng aming makakain. Kanina nung nakita ko si Jet at Alexa kung paano sila magbangayan parang nainggit ako, ganun na ganun kami magbangayan ni Babe or mas malala pa kami kasi minsan naghahampasan pa kami eh.
Pumunta ako bumili sa kalapit na fastfood para umorder ng Burger at Spaghetti. Habang nakapila ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa dalawang Bi couple sa harap ko ang sweet sweet nila nakakainis, ingget na ingget ako :(
Lumipat nga ako ng pila.
. . .
Pagkatapos ko bumili ng pagkain sa fastfood naglakad ko ulit pabalik sa ospital. Palapit ng palapit may napansin akong pamilyar na kotse pero pinagsawalang bahala ko.
Pagkarating ko sa Ospital may nakita ko muli yung kotse, kinabahan na ako.
Dali dali akong umakyat
patungo sa room ni Andrei at tama nga ang hinala ko.
Hindi na ako nag-elevator
ang daming tao kaya akyat ako sa hagdanan.
"Hayop ka umalis ka dito!" < --- Jet
"Please? I-i know its my fault but please I want to Apologize to him"
“Kung ayaw mong masaktan umalis ka na dahil kapag nakita ka ni Chard alam mo na mangyayari sayo” < --- Jet
Tama nga ang hinala ko, rinig ko ang pagtatalo nila ni Jet kahit paakyat pa lang ako mula 2nd floor Aaaaargh!
“Hindi ako aalis dito”
“Baliw ka ba? hindi ka nga pwede dito eh!” < --- Jet
Pagkarating ko sa 3rd floor nandoon nga siya, pati si Jet na patuloy na nakikipagtalo dito. Dahil sa sigawan nila maraming tao na ang naalarma at nakadungaw sa kanilang mga kwarto pati ang mga nurse ay nababahala na.
"Anung ginagawa mo dito?!" < --- Ako
"Richard, I'm here to say sorry for everything I've done please"
"Makakaalis ka na! hindi pa nagigising si Andrei gawa mo" < --- Ako
"W-what? Kailan daw siya magigising?"
"Wala akong balak sabihin sayo! Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko” < --- Ako
“Please patawarin niyo ako nagsisisi na ako sa mga ginawa ko, I never thought that …” < --- Jake
“UMALIS KANA!!!” sigaw ko at naglakad papunta sa kanya pero pinigilan ako ni Jet
“Tara na Insan pasok na tayo, wag na dagdagan ang ginawa nating eksena” < --- Jet
“Umalis ka na ah, ayoko na makita pagmumuka mo” < --- Ako
Kabadtrip pupunta dito ng akala mo walang nangyari?! Kapal ng muka, pasalamat siya at may natitira pa akong katiting ng respeto sa kanya eh.
"Insan ok ka lang? Oh inumin mo muna to" < --- Jet
"Salamat insan. Nakakainis lang ang kapal ng muka magpakita dito at gusto pa makita si Andrei, manigas siya! Dahil sa ginawa niya mukang tama ang hinala ko" < --- Ako
"Alam ko yang iniisip mo insan at sa tingin ko siya nga ang may gawa" < --- Jet
"Intayin lang muna natin magising si Babe bago tayo gumawa ng aksyon" < --- Ako
"Bakit niyo pinaalis si Sir Papa Jake at sinigaw sigawan nyo pa" < --- Alexa
"Basta Alexa, ipapaliwanag din namin sa inyo kapag gising na si Andrei for now wala kayong pagsasabihan nito ah, pati ikaw Agatha" < --- Ako
"Wow naman papa Chard as if sa ginawa niyong pagsigaw sigaw kemper dyan sa labas ay walang makakapag sabi kila tita ng nangyari" < --- Alexa
"I know I know ako na ang bahala doon" < --- Ako
"oh tama na muna yan kainin na natin to gutom na si Alexa oh kanina pa masama tingin sa pagkain" < --- Jet
"Ako talaga ang ituro?! Eh ikaw naman ang gutom jan" < --- Alexa
"Haha ligalig nyung dalawa" < --- Ako
"I smell something, BFF at Jet may namamagitan ba sa inyo?" < --- Agatha
"What?!" "Ano?!" Magkasabay na reaksyon ni Jet at Alexa, hindi kami magkandamayaw sa kakatawa ni Agatha.
"Excuse me?! Si Jet?! EEEW!" < --- Alexa
"Pinsan naman grabe ayoko ng ganyang kaarte" < --- Jet
.
. .
Kinagabihan umuwi na sila
Jet, Agatha at Alexa ako ulit ang naiwan dito kay Babe.
hawak ko ang isa nyang kamay habang hinahawi ko yung buhok niya, minsan kinikiss ko sa cheek at sa lips, pinupunasan ng malamig na bimpo para mapreskuhan hope you wake up very soon Babe I miss you so much.
“Ayan Babe almost 1 day ka na tulog ah wala kang balak gumising? Nakakataba kaya ang sobrang tulog and yeah kanina pa ako nagnanakaw ng kiss sayo and you can’t do anything about it”
“Paano yan pinapapasok ako bukas kasi madami daw activity eh pero promise ko sayo babalik ako agad ok?”
Dumating na sila Tito, Tita at si Kuya ng
bandang 7 png gabi
"Kamusta naman si Andrei Iho" < --- Tito
"Ayan po mukang ok naman tulog maghapon, kanina nga po umiyak eh" < --- Ako
"That’s a good sign" < --- Tito
“Salamat naman” < --- Tita
"Oo nga maniningil pa ako sa kapatid ko, takot kaya ako sa karayom pero para sa kanya nagpakuha ako ng dugo" < --- Kuya Kian
"Ewan ko ba naman sayo anak ang laki laki mo na takot ka pa sa karayom" < --- Tita
"Hahaha!" < --- Tito
"Waaah ganyan kayo" < --- Kuya Kian
"Hahaha kasi naman anak sa laki mong yan takot sa karayom!" < --- Tita
"Sige pa Nay paulit-ulitin nyo pa" < --- Kuya Kian
“Hahaha takot ka talaga kuya?” < --- Ako
“Bakit? May problema ba Chard?” < --- Kuya Kian
“I didn’t say anything hahah” < --- Ako
"Tamana yan kain na tayo baka saan pa mapunta yan" < --- Tito
“Chard anu pala yung naikwento sa akin ng nurse kanina, may kasigawan daw kayo?” < --- Tita
“Ahhh about that Tita nagpunta po kasi yung taong sa palagay ko na may sala kung bakit nasa ospital si Andrei, I don’t know why he keeps on courting Andrei ngayong alam niyang ako ang boyfriend niya”
“So this guy your saying ay may gusto din sa kapatid ko?” < --- Kuya Kian
“Opo kuya”
“Malaman ko lang kung anong ginawa niya sa anak ko, hindi ko siya mapapatawad, sisiguraduhin ko na sa kulungan ang bagsak niya” < --- Tito
“Kahit ako Tay, hinding hindi ko mapapatawad ang sinumang gumawa ng masama sa kapatid ko” < --- Kuya Kian
“Chard bakit naman hinahayaan mong makalapit kay Andrei ang taong yun?” < --- Tita
“Aaaah . . . kasi po Tita ayun po yung ipapaliwanag ko kapag po nagising siya” < --- Ako
Sorry pero kailangan ko muna malaman ang lahat lahat ng detalye bago ko ikwento sa inyo, ayoko kasi gumawa ng hakbang ang magulang ni Andrei hangga’t hindi ito gising. Knowing Andrei he has lots of things in his mind especially when it comes to judgment.
. . .
“Kain muna tayo, Chard halika dito hindi magigising si Andrei sa kakatitig mo” < --- Tito
Tama nga naman si Tito, kahit anong titig k okay Babe hindi yun magigising, miss ko na kasi siya napakatahimik ng buhay ko kapag wala siya.
"Sarap po talaga ng luto niyo tita" < --- Ako
"Naku Nay nagpapalakas lang yan si Chard sa inyo" < --- Kuya Kian
"Anung gusto mo palabasin Kian? Nagsisinungaling si Richard at hindi masarap ang luto ko?" < --- Tita
"Kayo nagsabi nan Nay" < --- Kuya Kian
"Ok, kung ganon, WAG KANG KAKAIN SA ATIN KAHIT KAILAN!" < --- Tita
"Nay kaw naman di mabiro, ang sarap kaya Mmm! Penge pa nga sarap eh" < --- Kuya Kian
"P-pakawalan niyo a-ako d-dito"
O___O
Balikwas kami sa upuan at pumunta sa kinaroroonan ni Andrei.
"Hala Nay, baliw na yata ang kapatid ko nagsasalita mag-isa" < --- Kuya Kian
"Tawagin mo nga yung Doktor kung anu anu sinasabi mo!" < --- Tita
“Ang sunget naman eto na po” < --- Kuya Kian
Bumalik si Kuya Kian kasama ang Doctor.
"Well that’s a good sign, maybe tommorow magigising na si Mr. de Dios, though hindi natin alam ang magiging epekto ng pagkakauntog niya" < --- Doktor
“Sana hindi mawala ang memorya ng anak ko” < --- Tita
“Let’s hope for the best, ok I’ll leave you guys tawagin niyo na lang ako if nagising siya ok? But the good news is mabilis ang recovery niya” < --- Doctor
“Thank you po Doc” < --- Ako
Well it seems mabilis ang recovery mo Babe ah, that’s good naririnig mo siguro yung mga sinasabi ko sayo, lagot ako nito pag-nagkataon.
“Chard anak alam ko may
pasok ka bukas kaya maya maya pwede ka nang umuwi ah” < --- Tita
“Ah hindi po muna ako papasok Tita, intayin ko po magising si Andrei eh” pagpupumilit ko, hindi naman ako makakapagconcentrate ng wala si Andrei doon eh.
"No, Ayokong pabayaan mo ang pag-aaral mo at alam mong hindi yan magugustuhan ni Andrei" < --- Tita
"Gusto ko po kasi nandito po ako kapag nagising siya" < --- Ako
"Tol, huwag ka magalala nandito naman kami, itetext ka na lang namin kapag nagising ang kapatid ko ok?" < --- Kuya Kian
"Hindi naman ako mananalo sa inyo eh. Last request na lang pwede dito po aq matulog uuwi na lang po ako bukas para pumasok"
"Sure Chard" < --- Tito
“Alam naman naming hindi ka papapigil kaya sige” < --- Kuya
Thank god they agreed on
my last request gusto ko lang naman makasama si Andrei eh, and now that there's
a 'progress' in his condition and could possibly wake up anytime soon hinding
hindi ako aalis sa tabi niya.
"Todo smile ah"
"Excited na po kasi ako sa paggising ni Andrei kuya"
"ako din, let just hope na walang masamang epekto ang pagkakauntog niya sa bato" < --- Kuya Kian
"Sana nga ayos lang ang anak natin at kumpleto ang ala-ala niya" < --- Tita
"Magtiwala tayo sa itaas, alam niyang naging mabuting tao at anak si Andrei kaya hindi siya bibigyan ng pagsubok ng mga ito" < --- Tito
"Tama po kayo Tito, hindi bibigyan ng pagsubok si Andrei magiging ayos siya paggising niya" Masaya kong tugon habang nakatitig kay Babe.
Lahat kami ay nagsipaghandang matulog ako ay mas pinili kong matulog ng nakaupo sa gilid ng kama ni Babe, pinipilit ako nila kuya na doon sa sofa mahiga ngunit ilang beses din akong tumanggi.
Bago matulog ay taimtim akong nagdasal sa panginoon na pagalingin at bigyan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang kinakaharap niyang pagsubok ngayon.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.
"Good night babe"
umulo ako sa gilid ng kama ni Babe at natulog habang hawak ko ang kamay niya at nagpasyang matulog.
. . . . . .
Humigpit ang hawak ni Andrei sa akin.
"Babe?"
Unti unti siyang nagmulat ng mata.
"Babe? Thank god gising ka na"
Tumingin siya sa akin
Pero hindi ko kinaya ang mga sumunod na nanyari.
Bigla siyang nangisay.
"Babe? Babe oh my god babe? Baaabe! Tito tita s-si Andrei p-po nangingisay!"
"Andrei anak? Andrei! Hon tumawag ka ng doktor dalian mo!" < --- Tita
"B-babe please please lumaban ka para sa amin" Pagsusumamo ko sa kanya. . . Kasabay ang pagbagsak ng malulusog na luha.
"Bunso hang in there, shit ang tagal naman ng doctor!" < --- Kuya Kian
"Doc bilisan nyo, bigla na lang po nangisay eh" < --- Tito
. . .
Dumating ang mga doctor at nurse may dalang mga makinang hindi ko alam kung para saan. Hindi na ako makapag-isip ng ayos lahat ng mga doctor at nurse ay nakapalibot kay Andrei.
Si Tita naman ay nakayakap ito kay Tito wala din tigil ang pagiyak na pilit naman itong pinapakalma. Si kuya naman ay nakaupo sa sofa nakayuko at humihikbi.
"Doc do everything you can" < --- Tito
"Ok, your son as you can see nagsuffer siya from seizure ngayon iuundergo natin siya sa CT scan para malaman ang cause" < --- Doc
"Please doc gawin nyo po ang lahat" < --- Tita
"Of course don't worry gagawin namin ang lahat" < --- doc
Nanlalabo ang aking
paningin dahil sa labis na pag-iyak basta nakita ko nilalabas siya.
"Chard"
"K-kuya magiging ok siya di m-magiging si Andrei diba? Sabihin mo kuya"
"Oo naman chard umayos ka nga you, you’re a mess tibayan mo nga yang loob mo"
"S-sorry"
"Halika na sundan natin sila doc kailangang i CT scan ni Andrei" < --- Kuya Kian
"P-paano mo nagagawang magpakatatag ng ganyan kuya?"
"Dahil alam kong kaya nya" ang madiin na sabi ni Kuya Kian.
Tama siya. Kaya yan ni
Andrei ko.
. . .
Walang sinayang na oras ipinasok agad si Andrei sa isang room upang isagawa ang CT scan. Bawat sandali mahalaga, bawat minuto at maging segundo kailangan walang aksayahin.
Walang tigil sa pag-iyak si tita, pilit itong pinapakalma nila Kuya at Tito.
Tama ang sinabi ni Kuya kanina hindi dapat ako pang-hinaan ng loob.
Lumabas ang doctor ni Babe.
"Ok it seems na ang cause ng seizure is the blood clot na namuo dun sa damaged area sa skull so we need to perform another operation" < --- Doc
"So ano pa pong hinintay? Gawin nyo na po agad doc handa po akong magbayad" < --- Tito
"Ok you need to sign this first" < --- Doc
"A-ano yan?" < --- Tita
"Tatapatin ko kayo, your son is in critical condition. Dahil kung itutuloy namin ang operation ang dalawang possible outcome nito is 1 he will be in coma if he survived it and 2 death" < --- Doc
"Hindi . . . Kaya nyo naman diba doc mabubuhay siya diba diba?!" < --- Tita
"Well depende yan sa magiging respond ng katawan niya" < --- Doc
"Sige doc ituloy nyo" < --- Tito
"P-pero. . ." < --- Tita
"Kung hindi tayo magdedesisyon agad mas magiging maliit ang pag-asa ng anak natin, sige doc ituloy nyo na" < --- Tito
"Pero . . ." < --- Tita
"Huwag kasi kayong mag-isip ng ganyan! Kakayanin ng anak natin ok? Kakayanin niya, kasi malakas ang batang iyan" < --- Hindi na din napigilan ni Tito ang maiyak
“T-tama si Tito kakayanin po yan ni Andrei hindi yan susuko dahil alam niyang nandito tayo nagiintay sa paggising niya” < --- Ako
“Sige na po doc gawin niyo na po ang dapat gawin” < --- Tito
“Ok don’t you worry gagawin namin ang lahat” < --- Doc
. . .
Ipinasok na kaagad si Andrei sa operating room nag-sama sama ang 4 na doctor para masigurado ang kaligtasan ni Andrei. Magiging maayos siya.
Ilang oras na din ang
lumipas inip na inip kaming tatlo kakahintay, hindi mapalagay at walang patid
ang pagtangis ayoko silang makita sa ganitong sitwasyon kaya pumunta muna ako
sa mini church para magdasal at humingi ng tulong sa kanya.
Siya lang ang makakatulong sa akin.
Lumuhod ako.
“Lord ayoko po kwestyunin ang mga ginagawa niyo sa amin pero bakit naman po ganun? Bakit parang kinukuha niyo na siya agad, g-gusto ko pa siya makasama sa m-mahabang panahon, gusto ko makasama siya tumanda please po wag niyo po siyang kuhanin sa akin nagmamakaawa po ako p-please po marami po kaming pangarap sa buhay ng magkasama kaya nagmamakaawa po ako sa inyo wag niyo po siya kunin, I beg you please hear me out Lord He’s my life now I can’t afford to lose him. Please please kung kukuhanin niyo siya isama nyo na din ako since he's my other half”
Wala na ako masabi, I feel like I’m breaking down, losing hope and giving up I just can’t afford to lose Babe.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at umupo.
I haven’t notice na may katabi pala ako dito wala naman kasi siya kanina. Hindi ko na sana papansinin but he was wearing a blue hospital gown and that caugh my attention.
“B-babe?” nabigla ako si Babe katabi ko . . pero alam ko nasa operating room siya right at this moment.
“Chard alagaan mo ang sarili mo ah, basta tandaan mo mahal na mahal kita at kapag naman namiss mo ako pumikit ka damhin mo ang hangin ako yun. Paalam Babe pakisabi na din kila Nanay . . . Paalam” < --- Andrei
“B-babe ano ba yang sinasabi mo?”
“Malalaman mo din” Malungkot na tugon ni Andrei, tumayo ito at naglakad palayo
“Babe saan ka pupunta?”
“Babe?”
“Aaaaaaaaanak ko!!!!!!!”
Boses yun ni Tita kaya naman nagmadali ako papunta sa labas ng operating room upang malaman kung bakit. Ramdam ko ang kalungkutan sa paligid parang ayoko na tumuloy sa kinalalagyan nila Tita parang hindi ko kakayanin.
“Nay? Nay! Nurse tulong!” < --- Kuya Kian
“Hon Hon magkapatatag ka!” < --- Tito
“K-kuya a-anung nangyari?”
“W-wala na siya Chard, he did not survive the operation”
he did not survive the operation
he did not survive the operation
he did not survive the operation
HE DID NOT SURVIVE THE OPERATION
“H-hindi yan totoo, h-hindi!”
“Chard wala na tayong magagawa”
“Aaaaaandrei!!! Wag mo akong iwan bumalik ka please!!”
“Baaaaaabe!”
“Chard kailangan nating tanggapin oo mahirap p-pero wala na tayong magagawa eh kinuha na siya”
"Hindi! Ayoko! Baaabe please wag mo kaming iwan h-hindi ko kaya Babe. . ."
“Chard”
“Chard anu bang nangyayari sayo?”
“Gumising ka nga”
“Andrei! Tita si Andrei po ayokong mawala siya”
“ayan siya sa tabi mo ah natutulog anu bang sinasabi mo?”
“H-ha i-big sabihin panaginip lang lahat? Oo nga panaginip lang nandito siya w-wala sa operating room, o-ok lang siya, w-walang seizure na nangyari, t-thank god panaginip lang”
“Ok ka lang Chard? Para kang nasisiraan ng bait” < --- Kuya Kian
“H-hindi po kasi maganda ang panaginip ko” < --- Ako
Salamat isang paniginip
lang ang lahat, isang masamang panaginip like everything was real it almost got
me thank god ginising ako ni Tita.
“Halata naman sigaw ka ba naman ng sigaw kaya kami ay nabulahaw dito ang sarap sarap ng tulog namin” < --- Tita
“S-sorry po”
“Sus wala yun anak” < --- Tita
"Ano ba ang napanaginipan mo?" < --- Tito
"Aaaah! Aaaray"
A n d r e i --- >>>
Aray bakit ang sakit ng ulo ko?
Anu bang nangyari sa akin?
Nasaan ba ako?
"Aaaah! Aaaray"
“A-anak mabuti naman gising ka na sobra kaming nag-alala ng tatay mo”
“Aaaaaray ang sakit ng ulo ko”
“Kian tumawag ka ng doctor dali!“
“Opo saglit lang”
“Anak masakit ba? saglit lang tinatawag na yung doctor mo”
“Aray ang sakit sakit gumawa kayo ng paraan aaaray”
“Saglit lang anak”
“Babe kaunting tiis lang”
. . .
“Ok he’ll be fine now tinurukan ko na siya ng Pain reliever and any minute makakausap niyo na siya ng maayos” < --- Doc
“Nako maraming salamat po kung ganon narinig mo yon Athan ok na ang anak natin”
“Salamat naman”
"Babe ok ka na?"
"Nasaan ako?"
"Anak nasa Ospital ka"
"Bakit? Bakit ako nandito a-anong nangyari?"
"Doc? B-bakit walang maalala ang anak ko?" < --- Nanay
"Well, tulad nga ng sabi ko isa to sa maaring maging epekto ng pagkakauntog ng ulo niya" < --- Doctor
Nakita ko ang pag-iyak
nilang lahat, bakit anu bang nangyayari?
Sinong may amnesia?
"Babe?" < --- Chard
"Babe?" < --- Ako
"Hindi mo ba ako nakikilala?" < --- Lumuluhang tanung sa akin ni Chard
"Huh?" < --- Ako
"Ako si Richard, bestfriend mo" < --- Chard
"Ha?! Gago ka Babe anu bang sinasabi mo?" < --- Ako
Natulala silang lahat anu
bang problema ng mga ito?
Sarap paghahampasin eh.
"Babe naalala mo ako?" < --- Chard
"Oo ikaw si Richard bestfriend ko" < --- Ako
Nakita ko ang Epic face ni
Babe, wala eh bestfriend na lang pala kami ngayon.
"N-no boyfriend mo ako b-babe" < --- Chard
"Eh bakit sabi mo kanina Bestfriend? Ayaw mo na ata ako maging boyfriend?" < --- Ako
"Well 2 boys in love, I don't encounter this every day" < --- Doc
"Anak? Wala kang amnesia?" < --- Nanay
"Wala po nay, tinatanong ko lang naman po kung bakit ako nandito tapos bigla na lang po kayo nag-iiyak lahat" < --- Ako
"Hindi mo ba naalala kung bakit ka nandito anak?" < --- Tatay
"Ang alam ko po kausap ko yung prof ko tapos . . . Wala na ako maalala" < --- Ako
"Nakita ka ni Alexa na pasuray suray sa daan tapos bigla ka na lang nawalan ng malay at umuntog ka sa bato" < --- Kuya Kian
“Aaaah kaya pala masakit ang ulo ko tss” < --- Ako
"Babe may naamoy ka ba nung nasa loob ka ng kotse ni Sir Jake?" < --- Chard
"Paano mo nalaman?" < --- Ako
"Kasi Babe, ang tagal mo nawala nun, tapos ginamit ko yung GPS para mahanap ka, sinundan ka namin hanggang San Pablo nila Jet eh ang nangyari pala ay naiwan mo yung Cellphone sa kotse ni Sir Jake" < --- Chard
"Aah . . ." < --- Ako
"Alam mo bang kinailangan mo pa ng dugo? Ang dami kasi nawalang dugo sayo kaya kumuha sila sa akin, eh alam mo namang takot ako sa karayom diba, pero para sa bunso ko kinaya ko" < --- Kuya Kian
"Salamat kuya, pasensya na kayo pinag-alala ko kayo ah" < --- Ako
"Wala yun anak atleast maayos ka na ngayon pero sino yung Jake na yon? Gusto ko siyang pagbayarin sa ginawa niya sayo anak" < --- Tatay
“Tay, wag po muna kayo gumawa ng hakbang gusto ko po muna pag-isipan ang lahat eh” < --- Ako
“Kung ayan ang gusto mo anak, kasi kung ako lang naman ang masusunod gusto ko talaga magbayad yang Jake na yan”
"Alam mo ba yang boyfriend mo paiyak iyak pa yan noong isang gabi?" < --- Kuya Kian
"Hi-hindi ah" < --- Chard
"Wala, Bestfriend lang daw kami eh" < --- Ako
"Sorry Babe kasi akala ko nawala ang memorya mo eh ayoko din naman makagulo sa isip mo kung magkaganun man. At at hindi ko alam k-kung kakayanin kong halimbawang ipagtabuyan mo ako hindi ko alam kung anung gagawin kung mangyari yun" < --- humihikbing sagot ni Chard
"Shhh. . . Babe wag ka ngang umiyak, pinapaiyak mo ako eh. Kahit magka-amnesia man ako tandaan mo puso ko ang nagmahal sayo, makalimot man ang isip ko, ito, itong puso ko ang magpapaalala ng lahat" < --- Ako naiiyak na din
"Sorry Babe kung wala ako sa tabi mo nung mga oras na nawalan ka ng malay" < --- Chard
"Shh. . . Ok na yun wala kang kasalanan Babe" < --- Ako
"Ang drama nyung dalawa" < --- Kuya Kian
"Gawa siguro ng dugo mo kuya kaya ako nagkaganito" < --- Ako
“Wow ah, hindi ako ganyang kadrama, baka nga maging lalake ka pa gawa ng dugo ko” < --- Kuya Kian
“Wag ganun Kuya” < --- Chard
“Hahahaha!” < --- Tatay
“Makatawa naman tay” < --- Ako
“Nagugutom ka ba anak?” < --- Nanay
“Ah medyo po pero magpapahinga po muna ako nay” < --- Ako
“Ok sige basta sabihin mo lang kung kakain kana huh?” < --- Nanay
“Ok po”
“Masaya ako na ok ka na babe” < --- Chard
“Sorry Babe, pinag-alala kita” < --- Ako
“Wala yun, basta babawi ka sa akin” < --- Chard
“Huh? Paano” < --- Ako
“Tsaka na natin pag-usapan yan” < --- Chard
“Hmmmm ok pero mukang alam ko na ang gusto mo ang halay halay mo talaga” < --- Ako
"I don't have a dirty mind. I have a sexy imagination." < --- Chard
"Kahalayan pa din yun babe pinaganda mo lang"
“hehehe pahinga ka muna ulit Babe medyo malaki yang sugat mo eh” < --- Chard
“Sige Babe” < --- Ako
“Tulog din ulit kami madaling araw na kasi” < --- Nanay
“Oo nga ang ingay kasi nitong si Chard” < --- Kuya Kian
“Sorry naman kuya ang sama kasi ng panaginip ko eh” < --- Chard
“Anu panaginip mo Babe?”
“W-wala bukas ko na ikkwento, ngayon magpahinga ka na muna ok?”
“hmmm sige Babe kiss ko?”
"Nandiyan magulang mo babe eh nakakahiya" < --- Chard
"Ok lang yan ano ka ba"
"Hoy anong ok?" < --- Tatay
"Told you" < --- Chard
"Tay talaga, eto na magpapahinga na po. Tulog na tayo" < --- Ako
“Goodnight anak, glad you’re ok” < --- Tatay
“Tama anak sa susunod mag-iingat ka na ah” < --- Nanay
“Opo Sige tulog na tayo oh Babe sa gilid ka ng kama ko matutulog?”
“Oo Babe”
“Bakit?”
“Kasi mahihirapan ka pa eh”
“Basta para sayo Babe walang problema” Si chard habang nakatitig sa akin ng seryoso
“a-ah sige tulog na tayo Babe salamat kasi hindi ka umalis sa tabi ko”
“Syempre naman, makakaasa ka palagi na nandito lang ako, laging nakaalalay hindi ako lalayo”
Natulog na ulit sila samantalang ako ay nanatiling gising masaya ako at binigyan ako ng pangalawang pagkakataon upang makasama ang mga taong mahal ko, nagkaroon din ng continuation ang love story namin ni Chard na sana maging magabda ang ending, lahat naman gusto happy ending eh, sino ba ang hindi?
Tama pala ang hinala ko may naamoy akong gamt sa upuan ni Sir Jake pero kung may masama siyang balak sa akin dapat ng nawalan ako ng malay ay kinuha na niya ako. Gusto ko muna marinig ang sasabihin niya bago ako gumawa ng karampatang aksyon.
“Babe? bakit gising ka pa?” < --- Chard
“W-wala eto matutulog na din po”
“kung anu-ano pa iniisip eh tulog ka na please hindi ka pa malakas need mo pa magrecover” < --- Chard
“Hindi kasi ako makatulog wala kasing kiss mula sa Babe ko”
“Suuuus bola mo, alam ko yang iniisip mo eh tulog na mwah”
“Sarap naman ayan inaantok na ako effective yung kiss mo”
. . .
Kinabukasan maaga akong
nagising, laking tulong ng pain reliever na binigay sa akin ni doc para hindi
sumakit ang aking sugat sa ulo. Nakita ko si Babe nasa tabi ko at tulog,
nakayuko lang siya, kawawa naman babe ko tss.
Hinaplos ko ang kanyang buhok, hai kahit na naaksidente ako hindi niya pa din ako iniwan, hindi siya nagsawa alagaan ako, kahit ito nahihirapan siya sa pagtulog ay hindi siya umalis sa tabi ko.
Basta ang alam ko wala akong pinagsisihan sa daan na pinili ko. ako at si Chard, sana pang habang buhay na kami.
Nagising pala siya sa paghaplos na ginawa ko sa buhok niya.
“Babe?! Bakit na naiyak? May masakit ba sayo?” < --- Chard
“Wala babe masaya lang ako” < --- Ako
“Teka nagugutom ka ba? Bibili lang ako sa baba” < --- Chard
“Babe lapit ka sa akin” < --- Ako
“Bakit?” < --- Chard
“iih dali na” < --- Ako
Lumapit siya sa akin at hinalikan ko siya sa labi sabay sabi nang
“Thanks for everything, I love you Babe” < --- Ako
“I love you too Babe, mukang maganda ang dulot sayo ng pagkakabagok ah naging sweet ka I like it, tara iuuntog pa kita hahaha!” < --- Chard
“Alam mo? Panira ka ng eksena eh! Bumili ka na nga doon?! Baka anu pang magawa ko sayo!” < --- Ako
“hahaha! Teka bibili na ako Babe” < --- Chard
Kahit kailan yon panira ng
eksena nakakainis, pero na miss ko yang ganyang simpleng bangayan namin, isa
yan sa kumukumpleto ng araw ako. Pero seryoso ako kanina eh kakainis biglang
babanat ng ganun tss.
. . .
“Papa AAAnnndreeeeiiiii!!!!” < --- Alexa
“Ang aga aga kung makasigaw ka naman nasa kabila ba ang kausap mo?” < --- Ako
“Eeeee! Namiss kaya kita Papa Andrei ako ba hindi mo namiss” < --- Si alexa sabay yakap sa akin
“Kanina nung nakita oo na miss kita pero nung sumigaw kana hindi na” < --- ako
“Ang harsh mo talaga sa akin” < --- Alexa
“Par! Pasok ka” < --- Ako
“Kamusta?” < --- Jet sabay yakap sa akin
“Ah ok naman, pero medyo nakirot pa itong sugat ko” < --- Ako
“Pasalamat ka sa akin at nakita kita no! ako ang nagdala sayo dito, kahit nagkaroon ng madaming dugo ang favorite kong damit” < --- Alexa
“Thank you, wag ka mag-alala Alexa babawi ako sayo” < --- Ako
“Aba dapat lang!” < --- Alexa
“Wag ka naman sumigaw masakit kasi sa ulo” < --- Ako
“Aba nandito pala ulit kayo” < --- Chard
“Ahhh ang sweet ni Papa Chard dinalan pa ako ng breakfast” < --- Alexa
“Feeling” < --- bulong ko
“Hooy Andrei de Dios narinig ko ang binubulong mo jan, ingget ka lang at di ikaw ang dinalahan ng breakfast ni Papa Chard” < --- Alexa
Pinanindigan talaga nito
ang pagiging baliw =___=
. . .
“Babe kain pa” < --- Chard
“Ayoko na Babe” < --- Ako
“Kakain oh tutuklapin ko yang sugat mo” < --- Chard
“Ang sama ng ugali mo Babe” < --- ako
“Ginagawa ko lang to para gumaling ka na agad” < --- Chard
“Naganti ka lang sabihin mo kasi ginawa ko yan sayo nung nilalagnat ka” < --- Ako
“Makulit ka din kasi, nagiging spoiled kapag may sakit kaya nga nga” < --- Chard
“Hmp, aaah” < --- Ako
“Papa Chard, ulo ang tinamaan dyan hindi Kamay” < --- Alexa
“Wag ka ngang panira ng eksena” < --- Ako
“Ok, lang Alexa handa akong pagsilbihan ang mahal ko” < --- Chard
Shit! Biglang nag-init ang muka ko doon ah, pakiramdam ko ang pula na ng muka ko.
“Blushing babe?” < --- Chard
“Iiiih ikaw kasi may pabigla kang ganyan kakainis ka” < --- Ako
“Ahaha ang pula ng muka mo oh” < --- Chard
Tok tok tok
“Pasok” < --- Ako
"Jake" < --- Ako
"Anung ginagawa mo dito?! Umalis ka!" < --- Chard
"Please Richard, I just want to apologize to Andrei" < --- Jake
"No! Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sayo!" < --- Chard
"B-babe ok lang papasukin nyo siya, ikukwento ko ang buong nangyari" < --- Ako
"Pero Babe? Tss sige na pumasok ka na! Pasalamat ka mabait si Babe ko"< --- Chard
"Thankyou Andrei, Sorry I didn't mean to do that again but that day my plan was to kidnapped you so I spray that drug again on the chair to make you dizzy and to loose conciousness. But after talking to you I accept the fact that I can't get you even by force" < --- Jake
"Wag ka mag-alala alam ko ang tungkol dyan, nung nakita mo ako na medyo nahihilo na, Binuksan mo ang bintana para makahinga ako, kaya pinapatawad na kita Jake" < --- Ako
"T-thankyou so much" < --- Jake
"Tss, pasalamat ka talaga Jake at mabait si Andrei" < --- Chard
"Oh Babe bati na din kayo ni Jake" < --- Ako
"Sorry Babe hindi ko kaya, maybe not now maybe in the next few years I don't know" < --- Chard
"Naiintindihan ko, I have to go na rin, I just drop by to say sorry, thankyou so much Andrei you're very kind" < --- Jake
"Welcome, sige ingat ka" < --- Ako
Sa kasamaang palad bago maka-alis si Jake ay bigla namang dumating sila Nanay, tatay at kuya umalis kasi sila kanina para kumuha ng pampiyansa ko dito sa ospital.
Nakakaramdam ako ng gulo.
“Ah excuse me young man sino ka?” < --- Tatay
“Ah ako po si Jake sir, Good morning po pala” < --- Jake
“Ikaw? Ikaw ba yung gumawa nito sa anak ko? Ang laks naman ng loob mong pumunta dito” < --- Tatay
“S-sir sorry po h-hindi ko naman po ta…..”
“Tay!” < --- Ako
“Hayop ka ang kapal mo pumunta sito matapos mo gawin sa anak ko yon ah!” < --- Si tatay pinagsusuntok si Jake
“P-pigilan niyo kuya, Chard dali” < --- Ako
“Tay, huminahon kayo” < --- Kuya Kian
“Paano ako hihininaon?! Yang taong yan ang salarin kung bakit nag-kaganyan ang kapatid mo Kian” < --- Tatay
“Umalis ka na Jake” < --- Ako
Dugo ang labi ni Jake dahil sa pagkakasuntok ni tatay. Lumabas din naman ito agad.
“Tay napatawad ko na po siya”
“Ha? Ganoon lang yun anak matapos ka niyang ipakidnap at pagtangkaan ng masama hindi ako makakapayag” < --- Tatay
“P-paano niyo po nalaman” < --- Ako
“Ako Babe sinabi ko sa kanila” < --- Chard
“Kaya anak please let me handle this gusto ko siya managot” < --- Tatay
“Tay huwag na po nagsisi na po siya sa ginawa niya at sapat nap o yun para sa akin”
"Bakit ang bilis mo
magpatawad Babe? Hindi ka manlang ba nagalit sa kanya?" < --- Chard
"Oo, nagalit ako pero ang kasalanan lang naman niya ay mahalin ako eh, yun lang" < --- Ako
"Bakit ba ang dami kong kaagaw sayo Babe?" < --- Chard
"Kasi gwapo ako, napakasimple naman ng sagot dun Babe" < --- Ako
"Kuya Kian, Tito, Tita, kailangan po nating ipa x-ray ang ulo ni Andrei" < --- Seryosong sagot ni Chard
"Ang sama mo Babe" < --- Ako
"Joke lang naman eto tampo tampo agad" < --- Chard
"Bunso, minsan hindi mo kailangan maging ganyan kabait ha, dahil baka yan ang ikapahamak mo" < --- Kuya Kian
"Opo kuya" < --- Ako
“Anak sige palalampasin ko to, but this is the last ah, next time na ma gawin yun sayo ako hindi mo na ako mapipigilan sa mga gagawin ko” < --- Tatay
“Opo tay”
"Sayang yun, bet ko din maging ama ng mga anak ko, pero wala gwapo din ang hanap. Wala na bang gwapong lalaki sa mundo na hindi lalaki ang bet?!" < --- Alexa
"Ayan si Jet oh" < --- Chard
"Utang na loob insan" < --- Jet
"Hoy Jet! Ang yabang mo! Hindi kita type excuses me!" < --- Alexa
"Eh ako Alexa type mo?" < --- Ako
"Ay oo! Bet na bet kita Papa Andrei, ayun lang si Chard ang bet mo, kahit anung pang-aakit ko sayo hindi tumalab" < --- Alexa
Oo nga naman, maganda si Alexa, sexy, pang model ang katawan; pero kahit kailan hindi pa nagkaboyfriend. Siguro naririndi sa bunganga.
"Ay Babe una na kami ah, may klase kasi tayo kailangan humabol" < --- Chard
"Ay oo nga no, dami ko nang absent 2 days na " < --- Ako
"Ok na Babe, alam naman sa school nangyare sayo at ako naman magtuturo sayo eh, papano una na kami ah " < --- Chard
“Sige Babe ingat kayo”
"Buh bye Papa Andrei kami na bahala sa Boyfriend mo, hindi namin ipapakagat to sa lamok, at sa mga mahaharot na babae sa school" < --- Alexa
"Ahaha adik" < --- Chard
"Sige Par una na kami" < --- Jet
"Ingat kayo ah . . ." < --- Ako
Umalis na sila, hindi manlang nag goodbye kiss si Chard nakakainis yun.
"Toot" < --- 1 new message
Chard <3: Babe, hindi ako nag-goodbye kiss kasi po nakakahiya kay tito at tita.
Ako: Geh ok lang, ingat sa byahe ah. WAG man-lalake :P
Chard <3: Ahaha opo, mang bababae na lang ako :D
Ako: Subukan mo lang wag ka na magpapakita sa akin T.T
Chard <3: :) Biro lang po. Hinding hindi na ako maghahanap pa ng iba. I love you Babe ehek!
Ako: Lobe you too tnx 4 everything.
Kinilig naman ako dun, pero what if mainlove si Chard sa iba? Hindi naman malabo yun pero sana hindi na; kung mangyari man yon siguro wala naman akong magagawa kung hindi palayain siya kahit masakit.
R i c h a r
d --- >>>
Nandito ako ngayon sa
school and as usual boring, nakakatamad pa pumasok kasi nasa ospital si Babe.
"Ok class magkakaroon ng Valentines ball this Feb 14, so please humanap kayo ng partner nyo" < --- Maa'm Ning
"Maa'm ilanan po?" < --- Alexa
Napamaang na lang ako sa tanong ni Alexa, hindi ko alam kung nagpapatawa oh mahina umintindi eh.
"Partner, Ms. Alexa. Ibig sabihin dalawa, may nakita ka na ba na Valentines Ball na nagsayaw ang love triangle? Oh kaya naman ay Foursome?" < --- Maa'm Ning
"Relax maa'm, nagbibiro lang ako, eto ang next question, pwede po same gender ang partner? Kasi Valentines naman po diba? Eh what if same gender ang nagmamahalan papayagan nyo ho ba" < --- Alexa
Good question, binabalak ko nang itanong yan kay m'aam Ning eh, because I want Andrei to be my partner.
"Ofcouse wala namang issue dito sa school natin ang ganyan so Mr. Alvarez and Mr. de Dios can be partners" < --- Maa'm Ning
Yes! Pwede kaming magpartner ni Andrei, Excited na tuloy ako sa Valentines Ball. Tumingin sa akin si Alexa at sinabing ok daw, bilang ganti sa ginawa niyang pabor sa akin ay binigyan ko siya ng flying kiss.
"Eeee!" < --- Alexa
"Miss Alexa may problema ka ba?" < --- Maa'm Ning
"Ay wala po maa'm hehe don't mind me kinikilig lang po ako for the upcoming valentines ball" < --- Alexa
"Ok, ngayon ay I need 2 boys and girls who would dance in the opening of the ball and I need 1 boy from this section" < --- Maa'm Ning
"Maa'm si Richard po!"
"B-bakit ako? Maa'm Ayoko po" < --- Ako
"Ok Its Mr. Alvarez then" < --- Maa'm Ning
“N-no Maa’m I don’t want to” < --- Ako
“Well you have no choice but to do it” < --- Maa’m Ning
Wala na akong nagawa, sa dinami dami ba naman ng lalake ako pa tss. Hindi ako magaling sumayaw pareho ngang kaliwa ang paa ko eh. Bakit naman kasi ako ang napili ng mga classmate nito ni Babe eh.
Anu kayang magiging reaction ni Babe dito.
Lunch Break kasama ko si Alexa at Jet
“Congrats Papa Chard!” < --- Alexa
“Nakakainis kaya ayoko naman kasing sumayaw eh” < --- Ako
“Wala kang magagawa insan alam mo banab si Maa’m Ning hindi nagbabawi ng desisyon yun” < --- Jet
“Haist anu kayang magiging reaction ni Babe”
. . .
Matapos lahat ng klase ay
pumunta na agad ako sa ospital para ibalita ang good news at bad news.
"Toot" < --- 1 new SMS from Babe♥
Babe♥: Wag kang pupunta dito!
Ako: Bakit babe? May nagawa ba akong mali?
Babe♥: Wag kang pupunta dito ng walang dalang FRIES!!! :P
Ako: Wew! Akala ko naman kung anu na Babe pinakaba mo ako.
Babe♥: Bili mo ako ah, hihi i ♥ you Babe.
Ako: ♥ you too :) sige.
Babe♥: Yey! ^___^/
Ako: Hahahah :P :D :)
Babe♥: Dalian mo gutom na ako ♥♥♥♥♥
Minsan talaga may pabigla
to si Babe eh, akala ko naman alam na niya yung tungkol sa Valentines ball.
Dumaan muna ako sa drive through bago pumunta sa ospital.
Pagkarating ko sa Ospital ay agad nilantakan ni Andrei ang binili kong fries kahit kailan talaga parang bata.
"Babe? May Valentines Ball pala sa school at si Alexa ang partner mo" < --- Ako
Halos mabilaukan si Babe
sa sinabi ko, hindi ko mapigilang mapatawa.
"Babe! Tu-tubig dali!" < --- Andrei
"Hahaha! Eto eto"
"Seryoso ka ba babe?" < --- Andrei
"Syempre . . . . Hindi!"
"Eh sinong partner ko?"
"Hulaan mo, balita ko mahal na mahal ka daw nun eh" < --- Ako
"Naku Babe mahirap yan ang daming patay na patay sa akin sa school" < --- Andrei
"Babe? May lagnat ka ba? Matindi ba yang pagkakauntog mo? Teka tawagin ko yung nurse naghahallucinate ka yata" < --- Ako
"Yabang mo! Eh sino nga kasi? Pinagiisip mo pa ako mamaya lumabas utak ko dito sa sugat ko sa ulo" < --- Andrei
"Ako babe hehe ok lang daw kung same gender ang nagmamahalan" < --- Ako
"Yehey!" < --- Napayakap sa akin si Andrei sa tuwa
"May isa pa"
"Ha? Oh anu pa?" < --- Andrei
"Isa ako sa napili sa sasayaw sa opening ball" < --- Ako
" Ayos yun Babe! Makikita kitang sumayaw! Ako kasi ang kakanta eh" < --- Andrei
"Ayos lang sayo? May partner din ako dun babae" < --- Ako
"So? Wala namang problema sa akin" < --- Andrei
"Talaga? Thank god naman kung ganun, pinagkaisahan kasi ako ng classmate mo eh tapos kahit umayaw ako, hindi ako pinakinggan ni Maa'm"
Wala naman daw problema kay Andrei kung sumayaw daw ako sa opening at ok lang daw kung may babae akong partner. Ang sarap sa pakiramdam na ang laki ng tiwala sayo ng mahal mo.
“Ok Andrei pwede ka nang lumabas tomorrow BUT bawal kang mapagod ok? Make sure na iinumin mo ang mga gamut para hindi lumabas ang utak mo” < --- Doc
“Doc naman anu ako bata at maniniwala sa paglabas ng utak?” < --- Andrei
“Just kidding ok pagkarating ng magulang mo tell them to settle everything para makalabas ka na”
“Thank you po doc”
“Oh eto nalng boyfriend mo pagbayarin mo” < --- Doc
“doc wag kayong ganyan mahirap yang niloloko tinototoo” < --- Ako
The good news is
makakalabas na si Andrei in the day after tomorrow, pero simula bukas ay
magpapractice na kami para sa sayaw na gagawin sa ball; after two days din ay
magsisimula nang mag-practice si Babe ng kakantahin kasama ang voice coach,
isama mo pa ang pagfifinalized ng manuscript.
Busy day ahead tss.
I hope hindi na makigulo si Jake matakot siya kay Tito Athan dugo ang nguso niya eh baka gusto niyang madagdagan pa yun. Pero at some point natuwa ako sa pagkakasuntok ni Tito kay Jake kasi matagal ko nang gustong gawin yun, ayoko lang magalit sa akin si Babe eh kaya pinigil ko ang galit ko.
Sana maging maayos na ang lahat, makagraduate makapaghanap ng work at makapag-paggawa ng bahay para makapagsama na kami ni Babe.
Somehow I can see my future beside him and I like it that way.
Itutuloy >>>
Lots of monolouges but it's worth reading
ReplyDeleteWorth the wait! Thanks for the update! :)
ReplyDelete-- Rye Evanglista
Ahahaha naiyak ako doon sa panaginip ni chard buti nalang di pala totoo worth it naman ang paghihintay galing mo po Mr. Author
ReplyDeleteGanda ng story eh! MAGAGALET N SANA AKO SYO KUYA KC AKALA KO MAMAMATAY C ANDREI HUHU, pero nde pla ahaha, pag c kuya BEAR ang may gawa ng story ganda palage, aahahahahah bsta sa ending ah dpat andun ako. LOL joke =P support ako syo plge, kya naten to. mwah! I love you!
ReplyDelete--NGETS!
thanks sa update. dami kilig moments ha.
ReplyDeleterandzmesia
:) Good news is baka mapaga ang next update
ReplyDelete- Gio Yu
Good job super friend! Hahahahahha mention pa talaga ako!
ReplyDelete-Cookie Cutter
ganda
ReplyDelete------ ngets