Followers

Thursday, March 27, 2014

Final Requirement 20





Previous Chapters:
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 
11 12 13 14  15 16 17 18
19

A/N: Sorry sa medyo matagal na update :P Tao lang din po kami nakakaranas ng kalungkutan at nasasaktan. Syempre hindi ako magsusulat kapag nandoon ako sa part na yun kasi for sure malaki ang magiging epekto nun sa storya baka mapatay ko pa si Andrei oh si Chard.

Sino ba gusto ng sad ending? Wala naman hindi ba? kahit ako.

Masakit pala magmahal no? sobrang sakit pero dahil mahal mo yung taong yun mas pinipili mong magpakatanga.

Ang distansya numero lang yan sabi ng isa kong kaibigan.

Pero ayun ang naging dahilan . . . at sa tingin ko hindi ako mahal ng taong yun . . . pero he keeps on saying na mas mahal niya ako . . . bakit ganun? Dahil sa distanya mas pinili niya yung isa. OK ang ganda ng mind set. But I don’t blame him hindi niya lang ako mahal siguro.

Pero sobrang sakit. Minahal ko siya ng higit sa sarili ko. Pero on the end eto nga nga. Ngayon po ay iniisip ko kung magagawa ko pa ang CH@TMATE kasi po parang napaka-sakit para sa akin balikan ang tatlong buwan na yon since doon ko siya ibabatay.

At dahil alam kong hindi madali ang pinagdadaanan ko sinikap kong hindi mabago ang roadmap ng Final Requirement.

Hais ang hirap :( siya? ayun masaya. . . masayang masaya siya.

Goodbye #SG hindi ko alam kung maibabalik ko pa yung dati nating samahan. Time will tell. Sakit po kasi ng ginawa mo.
Hindi ako galit sayo I just need time for myself masyado kasi ako umikot sayo.





Kamusta Readers? Next time ako babawi sa pagmemention ah maraming salamat po.



Hi K-Feds :)

Sa mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
  

-  g!o Yu - :(


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.

Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)



Final Requirement 20


A n d r e i --- >>> 


BEEEEEEEEP!!!!


Bad trip yung dumaan na truck ng basura kung makabusina akala mo naman hindi ibibigay yung basura eh, teka 5:30 pa lang naman ah, bakit parang ang aga naman ng pagkuha ng mga yun. 
 
Sira tuloy ang tulog ko.

Mabuti pa itong katabi ko hindi madaling magising. Eto ang sarap sarap ng tulog, nakayakap pa sa akin, at hindi lang basta yakap ah may kasama pang pag-kalang ng paa niya sa hita ko. Ramdam ko tuloy yung alaga niya tss.

Kawawa naman ang Babe ko ang daming pasa sa katawan maging sa muka may bangas. Ang kapal tuloy ng labi niya ka level ni Flappy bird nyahahaha ang sama lang ng ugali ko pero gwapo pa rin oh . . . sarap kurutin!

Hindi din ako makatayo kasi naman kapag sinusubukan kong bumangon pinipigilan niya.

“Wag ka nang pumalag Babe, hinding hindi kita pakakawalan, ang aga pa kaya oh” < --- Chard

*Kiss

“Ang baho” < --- Ako

“Ahaha loko ka ah mmmmp sarap talaga yakapin ng Babe ko” < --- Chard        

“Babe, naiihi ako kaya pwede umihi muna?” < --- Ako

“Ah ok hindi mo naman kasi sinabi hehehe oh ayan na” < --- Chard

“Ewan ko sayo hahaha” 

“I love you too” < --- Chard

Pasok sa banyo.

Ihi. 

Kung bad mood man ang gising ko kanina, nawala agad yun dahil kay Chard, pero ang baho talaga nung panis na laway niya hahaha pero ok lang mahal ko naman yun. Sabi nga nila walang perpektong tao kaya kung anuman ang kapintasan ng taong mahal mo kasama yun sa dapat mong mahalin.
Mahal mo ang isang tao dahil siya ay siya. 

Labas ng banyo.

“Ok higa na ulit tayo” < --- si Chard niyakap ako pagkalabas sa banyo at dinala sa kama.

“Aaaaargh, bakit ayaw pa kasing bumangon nito eh teka may kukuhanin lang ako” 

“Anu yan?” < --- Chard

“Humiga ka na Babe, gagamutin natin yang bangas mo sa muka tingnan mo kamuka mo na si Flappy Bird” < --- Ako

“Wag na Babe, ayos lang ako higa na lang tayo gusto pa kitang yakapin eh” < --- Chard

“Oo sige, pagkatapos kitang gamutin” < --- Ako

“Ayoko” < --- Chard

“Ayaw mo?” < --- Ako

“Ayaw” < --- Chard

“Ok bahala ka diyan” < --- Ako

“Haist sige na nga, wala naman akong magagawa eh magtatampo ka nanaman kapag hindi mo nagawa yang gusto mo ” < --- Chard

“Hehehe alam din” < --- Ako

“Aaaaray!” < --- Chard

“Utot mo hindi pa nadampi yung bulak arte mo” < --- Ako

“Ah eh masakit kaya” < --- Chard

“Naarte ka lang eh, oh eto na po” < --- Ako

“Aaaaaaray ko, Babe dahan dahan naman” < --- Chard

“Alisin mo yang kamay mo paano yan gagaling?” < --- Ako

“Masakit kaya, itigil mo na yan pleeaaassse” < --- Chard

“Ayoko” < --- Ako

“Aaaaray! Itigil mo na Baaaabe Aaaaaray!” < --- Chard

“Hindi, dahil sa akin kaya ka nabangasan kaya please naman kahit dito lang makabawi ako sayo, kaya wag ka nang pasaway” < --- Ako

“Hmmmm Babe hindi kita sinisisi sa nangyari sa akin kaya please wag mong isisi sa sarili mo kasi alam ko may kasalanan din ako dito” < --- Chard

“Eh kahit na ako yung dahilan kung bakit may lumabas na copy eh” < --- Ako

“Hindi mo kasalanan yun, sadyang may malikot lang ang kamay at masyadong curious kaya hindi napigilang makialam” < --- Chard

“Salamat Babe, teka tapusin na natin ang paglalagay ng gamot, tiisin mo lang ang sakit ah” < --- Ako

“Opo” < --- Chard 

. . .

“Ayan ayos na” < --- Ako

“Salamat Babe, tara higa na ulit tayo” < --- Chard

“6 na oh, madami pa tayong gagawin, revisions at yung babawiin pa natin yung video natin” < --- Ako

“Mamaya pa naman yan eh, ikaw pasaway ka din eh, halika dito” < --- Chard sabay hila sa akin sa kamay at ginapos ako sa kanyang mga bisig at ikinalang ang hita niya sa hita ko.

“Bakit ba ang sweet mo ngayon? Natatakot ako” < --- Ako
“huh? Bakit naman?” 

“Kasi kahapon nanaginip ako, kumalat daw yung video natin, tinakwil tayo ng sarili nating pamilya tapos ikaw naman nakipaghiwalay ka daw sa akin, ayokong mangyari yun h-hindi ko kaya sanay na ako na lagi kang na diyan sa tabi ko para palakasin ang loob ko, ikaw lang kasi yung nagpapasaya sa akin, oo masaya ako kasi may kaibigan ako pero ibang saya ang dala ng taong mahal mo” < --- Ako

“Hehehe” < --- Chard

“Ayan lang sasabihin mo?” < --- Ako, nakakainis ah ang dami ko sinabi tapos yun lang ang sagot.

“Sus eh kung itatakwil tayo ng pamilya natin bakit naman kita hihiwalayan? Kung mangyari man yun gagawa na tayo ng sarili nating pamilya. Ikaw ang maghahanda ng mga damit ko kapag papasok na ako sa trabaho then I’ll cook our breakfast then ikaw yung magtatali ng tie ko, tapos pag-uwi ko imamassage mo ang pagod kong katawan” < --- Chard

“Ah yaya pala ang gusto mo” < --- Ako

“Eto naman that’s what couples do” < --- Chard

“Gagew, dami mong alam pero Babe hindi natin papayagan lumabas yung video, babawiin natin yun kay Jake sa abot ng ating makakaya” < --- Ako

“Oo naman Babe, basta kung hindi man natin mabawi yan sa paraang gusto mo, gagawin ko sa paraang alam ko” < --- Chard

“Huh? Anu naman ang plano mo Babe?” < --- Ako

“Kukuhanin ko yun by force” < --- Chard

“Adik ka? Eh kung mapahamak ka dahil sa binabalak mo?” < --- Ako

“Uuuuuy concern ang sarap naman pa kiss nga sa Babe ko” < --- Chard

“Concern naman talaga ako eh kaya nga wag mong ituloy yang binabalak mo kasi hindi maganda ang kahihinatnan kung kukuhanin din ang isang bagay sa maling paraan” < --- Ako

“Tell me Babe if network hacking is a GOOD way” < --- Chard

“Atleast sa akin walang masasaktan na tao eh sayo?” < --- Ako

“Ok Babe, basta kapag hindi nagwork yang plano mo ako na ang gagawa ng hakbang ok?” < --- Chard

. . .

Bumangon na din kami at naligo, kumain ng agahan at pumunta sa school kasama sila Jet, Nik at Ronie.  Kabado ako sa maaring mangyayari makukuha kaya namin? Sana naman, ayoko kumalat ang video na yun.

Ayaw man sabihin sa akin ni Chard ay ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito, kung hindi ko nilagay sa USB ang file na yon hindi namin dadanasin ang paghihirap na to.

Hindi sana ako mapupunta sa resthouse ni Jake at hindi sana mabubugbog si Babe at ang mga kaibigan niya. 

“Ang lalim naman ng iniisip oh” < --- Chard

“Huh? W-wala” < --- Ako

“Tumingin ka sa mga mata ko” < --- Chard

Ay grabe natutunaw ako sa mga tingin niya, ang gwapo talaga ni Babe. Napapangiti ako eh para akong ewan, pero siya seryosong nakatingin sa akin.

“Hmmm Babe, kung anu man yang iniisip mo hindi mo kasalanan ok? I’m not blaming you” < --- Chard

“Pero ako yung dahilan para magkaroon ng copy si Sir Jake” < --- Ako

“Pinag-usapan na natin to Babe ah, hindi kita sinisisi at never po kitang sisisihin ok? Smile kana gusto ko makita yung mga matang puno ng buhay, yung mga matang naging dahilan kung bakit kita minahal” < --- Chard

“Thank you Babe” < --- Ako

*Kiss

“Sweet naman” < --- Jet

. . .

Pagdating sa School.

Ako at Jet: The virus maker
 
Chard, Nik at Ronie: The Hackers
 
Dala ang mga Laptop at ang aming kaalaman sa larangan ng teknolohiya laban sa mga taong nagbigay sa amin ng ideya tungkol sa teknolohiya. Kaya ba namin? 

Magtagumpay kaya kami na hamak na estudyante lang kumpara sa makakabangga naming mga Professors na may masters degree?

Sabi nga nila no pain no gain kaya kung hindi kami magtagumpay mukang ay gagawin ni Babe ang plano niya.   

Nabalitaan ko na may general meeting ang mga professors ngayon, medyo nakahinga kami ng maayos. Isa lang ang natira sa office, ang taong taga secure ng network.
Ibag sabihin nasa amin ang advantage dahil walang tutulong sa Net admin sa pagprotekta ng network, hindi niya pwedeng pakialaman ang mga laptop ng mga professors. 

Magandang senyales sa amin ito, pakiramdam ko ay kakampi namin ang langit. 

"Start na tayo Guys" < --- Chard 

“Ah maraming salamat Ronie, Nik, Jet. Alam ko wala naman kayong kinalaman dito eh pero ngayon nandito kayo kasama namin ni Babe sa pagbawi ng video namin ni Chard, tatanawin ko itong malaking utang na loob” < --- Ako

“Wala yun Par, kaibigan kita at pinsan ko si Chard kaya maluwag sa loob ko ang pagtulong” < --- Jet

“Pards no problem hindi na kayo iba ni Chard sa akin” < --- Nik

“Salamat talaga” < --- Ako

“Basta guys kung anung mangyari after nito walang sisihan” < --- Chard
"Tara par gawa na tayo ng Virus" < --- Jet 

Sinimulan na nga nila ang pagpasok sa network kung nasaan naka-connect ang laptop ng mga Professors na binabantayan ng isang network admin.

Kami ni Jet ang gumagawa ng Virus na papasabugin namin sa Laptop ni Sir Jake once na ma-trace na ang location ng laptop niya.  

Naghanap kami sa isang bakanteng classroom malapit sa faculty upang doon isagawa ang aming plano.

"Par anung code yan?" < --- Ako 

"Malalaman mo mamaya par" < --- Jet

“Siguraduhin mo na nagana yan lagot ka sa akin” < --- Ako

“Sus Par, ngayon ka pa talaga nagduda sa akin ah” < --- Jet

. . .


"Shit! Ang galing talaga! Hindi kami makalagpas buset!" < --- Nik 

"Oo nga eh tss" < --- Ronie 

"Guys wag tayo susuko" < --- Chard 

"Par kaw na bahala dyan may gagawin ako" < --- Ako 

“huh? Sige Par” < --- Jet

Sa pagkakaalam ko kung software ang gagamitin nila para maka-access sa network ay wala silang pag-asa kaya may naisip akong plano na maaring makatulong sa kanila para makapasok. 

"Babe, Nik at Ronie kapag sinabi kong pasok kayo sa network pasok agad kayo ah" < --- Ako 

"Bakit babe anung balak mo" < --- Chard 

"Gagawa ako ng code na pansamantalang mawawala ang firewall ng network pero saglit lang yun kaya standby kayo" < --- Ako 

Sinimulan ko gumawa ng code gamit ang Assembly language, ito ang pinakakumplikadong code sa computer, mahirap itong gawin pero ito ang pinakamagandang code na gamitin sa pang hahack ng kahit anung system. 

“Assembly?” < --- Chard

“Yep” < --- Ako

“Mahirap yan ah” < --- Ronie

“Wala kailangan nating sabukan, mas madali kayong makakadaan kapag ito ang ginamit natin eh” < --- Ako

“Talino ng Babe ko bagay talaga tayo” < --- Chard

“naman, hindi lang ikaw ang matalano” < --- Ako

“Sige Andrei hintay kami ng signal mo” < --- Ronie

"Ngayon na!" < --- Ako 

.

.

.

"Yeees!" < --- Chard, Nik at Ronie 

"Galing mo babe!" < --- Chard 

"Naman!" < --- Ako 

"Ipplant vs Zombies kita mamaya" < --- Chard 

"Gagew! Dami mong alam" < --- Ako 

"Laswa nyung dalawa" < --- Ronie 

"Hindi pa tapos problema natin, hanapin niyo ang location ng Laptop ni sir para malagyan ng Virus" < --- Ako 

"Kami gagawa ng daan para makapasok si Jet, hahanapin muna namin location ng Laptop ni Jake" < --- Chard 

"Par anu yung eksaktong pangalan nung video niyo may binabalak ako" < --- Jet 

"RA.Mp4 teka naman Par may oras ka pang manood ng Barney?!" < --- Ako 

"Malalaman mo mamaya par" < --- Jet 

30 minutos na ang nakakalipas nang simulan namin ang plano ko at eto mukang nasa amin ang tagumpay. 

Sana walang maging balakid.

"Insan itransfer muna" < --- Chard 


Process . . . 


Transferring . . . 


Importing . . .


Progress 0%


“Waaah ang bagal” < --- Chard

“Ay nalintikan na nadetect na tayo” < --- Nik

“Ako na bahala” 


Progress 20%

“Yan Babe nagpro-progress na ulit” < --- Chard

“Guguluhin namin yung network admin tara Ronie” < --- Nik 

“Aaargh! Ang galing niya, teka teka” < --- Ako

 “Kaya mo yan Babe” < --- Chard

. . .

Progress 79%

“Konti na lang guys” < --- Ronie

“Nakakangalay mag-type aargh” < --- Ako

Progress: 98%





Complete!

"Yes!" < --- Kaming lahat 

"Sana gumana yung virus" < --- Chard 

"Naman Insan" < --- Jet 

"Nadisable ko na yung antivirus niya for good" < --- Ronie 

“Good job! Sana umayon lahat sa atin” < --- Ako

“Oo Babe magtiwala tayo sa itaas, hindi nagtatagumpay ang taong may masamang balak” < --- Chard 

“Sana nga” < --- Ako

“Guys pack up dali kailangan itago yung mga ginamit nating laptop para hindi tayo paghinalaan” < --- Jet

"Tara tumambay tayo sa Lobby" < --- Ako 

Paglabas namin ng room ay tumambay kami sa Lobby upang hindi kami paghinalaan na kami yung gumawa ng loop hole sa network nila. Mahirap na baka madamay pa sila Ronie, Nik at Jet sa problema na nagmula sa amin.

"Ano yung ipplant vs Zombies?" < --- Nik 

Tawa kami ng tawa lahat, napaka inosente nitong si Nik haha. Sa mga magkakatropa talaga hindi maiiwasan na may isang may pagka-slow.

“Wala yun Pards wag mo nang isipin yun” < --- Chard

“Ganyan kayo” < --- Nik

“Nik ayun yung nilalaro sa cellphone na tinitira nung plants yung zombies” < --- Ronie
“Alam ko naman yun! Eh nagtaka lang naman ako kung bakit sinabi ni Chard kay 
Andrei yun” < --- Nik

“Wahahaha!”

 . . .

Natapos ang meeting ng mga professors, isa isang lumabas sa conference room kasama si Sir Jake. Mukang good vibes siya ngayon at halata sa mga kilos niya na may kakaiba siyang binabalak.

Lumapit siya sa amin. 

"Aah Mr de Dios halika saglit may ipapakita ako sayo and I want you to review that" < --- Sir Jake

“Ah eh sige po sir susunod po ako”

“Babe mag-iingat ka ah, nandito lang ako sa labas” < --- Chard

“Par wag kang pasisindak magtiwala ka sa ginawa natin, maayos din ang lahat” < --- Jet

“Pards ok na, mapapahiya siya sayo” < --- Nik

“Salamat sa inyo pangako babawi ako”


J a k e --- >>> 


Katatapos lang ng General meeting namin, at kanina pa ako hindi mapakali kasi gusto ko nang lumabas sa conference room. Gusto ko na isasagawa ang plano ko para kay Andrei. Desperado na ako and I want him for myself.

Habang kausap ko si Andrei ay masama ang tingin sa akin ng Boyfriend niya.
Nauna na ako sa office para makapag-isip kung anu-ano ang mga sasabihin ko mamaya kay Andrei.

That’s strange bakit ang bagal ng laptop ko ngayon?

“Sir?” < --- Andrei

"Maupo ka muna" < --- Ako 

"Thank you sir, ano po ba yung ipapakita niyo for reviewing?" < --- Andrei
“Ah I want you to write a review to this movie teka saglit saan ko ba nailagay yun” < --- Ako

“Ah s-sige po sir kalian ko po ipapasa yung review?” < --- Andrei

“Actually you can pass it by tomorrow” < --- Ako

“Ok po sir so nasaan na po yung video?” < --- Andrei

"Eto" < --- Ako sabay talikod ng Laptop ko para makita niya 

Kumunot ang noo ni Andrei basang basa ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. Siguro iniisip niya kung paano ko nakuha ang pribado nilang video ni Mr. Alvarez. 

"Sir? Anung meron kay Barney?" < --- Andrei 

“Barney?” 

Barney?! Anung Barney? 

Hinarap ko ang Laptop ko sa akin at bumulaga nga sa akin si Barney. 

"Kaw sir ha nanunuod pala kayo ng Barney, Favorite nyo?" < --- Andrei 

"W-wait hi-hindi ito yun saglet tingnan ko sa Flash drive ko" < --- Ako

Shit! Bakit naging Barney yun?! Ang alam ko ay Video yun ni Andrei at Richard.
Isinalpak ko ang USB ko at binuksan ang back up ko ng video nila Andrei. 

"Eto na yon teka" < --- Ako 

"Anu po ba yon sir? Hindi po ba si Barney yung ipapakita niyo?" < --- Andrei 

“Hindi wala naman akong mapapala kay Barney” < --- Ako

“Ok po sir” < --- Andrei

"Eto" < --- Ako at muli kong hinarap sa kanya ang laptop ko.
Kitang kita ko ang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang ulo. Halata na nabigla siya sa nakita. 

I was about to tell my plan para sa aming dalawa pero . . . 

"Wow astig to Sir Barney in Jurassic Park!" < --- Andrei 

WTF?! Barney?! Kinakantahan yung mga Dinosaur sa Jurassic Park. 

Shit! I tama ang kutob ko someone just uploaded a virus in my Laptop. 

"Shit bakit nagshutdown" < --- Ako 

"Baka lowbat po sir? Kakadownload ng Barney Videos hehehe" < --- Andrei 

"Hell no Kahit kailan hindi ko pag-aaksayahan ng panahon o-download yun" < --- Ako 

"Ah sir! Download kayo ng The Avengers baka si Barney na kalaban astig nun!" < --- Andrei 

“Very funny” < --- Ako

“Ah sige po sir labas na po ako, bawal po kasi magtagal ang student sa loob ng faculty eh at ipapaso ko bukas yung review ko” < --- Andrei

Hindi ko mapapatawad ang naglagay ng virus sa laptop ko I swear I’ll make them pay. My plan was ruined and the video that I was going to show to Andrei all turned into Barneys at ngayon ayaw bumakas ng laptop ko. 

AAAARRRRGH! My plan was such a failure!

“Ah sir may gumawa po ng loop hole sa network and it seems tinarget ang laptop niyo” < --- Net Admin

“Well, oo eto sira na siya, need to buy a new hard drive para gumana ulit” < --- Ako
“Do you have any idea sir kung sino ang gagawa nito sa inyo para po mapasusahan sa ginawa nila, I believe na students ang mga to” < --- Net Admin

“May hinala ako pero sa akin na lang muna yun, ako na din ang bahalang mag-imbestiga” < --- Ako

“Sige po” < --- Net Admin


R i c h a r d --- >>> 


Bakit ang tagal ni babe sa loob hindi ako mapalagay dito sa labas.
“Anu ba pards umupo ka nga!” < --- Nik

"Hindi ako mapanatag eh. Bakit ba ang tagal ni Andrei sa loob?  Ayos ba yung ginawa mo insan?" < --- Ako 

"Oo naman insan kalma ka lang sinigurado ko na gagana yun" < --- Jet
“Eh bakit ang tagal tagal niya doon?” < --- Ako

“Kalma pards 5 minutes pa lang sa loob eh” < --- Nik 

“Oh ayan na pala si Andrei” < --- Ronie

“Babe?” < --- Ako

Palapit sa amin si Andrei, nakayuko nakatakip ang kanyang panyo sa bibig.
I don’t like what I’m seeing right now. 

Is there something wrong sa ginawa namin?

“Babe?” < --- Ako

Niyakap niya ako.

Isang nakapa-higpit na yakap.

Unti-unting nanginig ang katawan niya.

"Hahaha! Hahaha! Hahaha!" < --- Andrei

“God Babe! Pinakaba mo naman ako eh” < --- Ako

“Hahaha kaw kasi masyadong seryoso” < --- Andrei 

“Adik ka talaga eh” < --- Ako

“Oo adik sayo Babe” < --- Andrei

“Hahaha I know” < --- Ako

“Hahaha!” < --- Andrei

I feel such relief, ang lakas lang talaga ng trip nitong si Babe kahit kalian, and he always win convincing kasi lagi ang acting eh. Kinuwento nga sa amin ni Andrei ang nangyari, na naging Barney ang video namin ni babe, na maging yung back up nito ay naging Barney, ang baklang dinosaur.

“Hahaha kung Makita nyo lang kung paano siya mairita nung makita niya na naging barney yung palabas na gusto niya ipakita sa akin, ang epic epic” < --- Andrei

“Sayang wala kami doon, gusto ko pa naman makita yung reaction nun” < --- Ronie

"Hahaha! Sabi ko nga download siya ng Avengers baka si Barney na ang kalaban hahaha!" < --- Andrei 

"Nice Insan! The best yung Barney Virus na ginawa mo" < --- Ako 

"Syempre pinsan hindi ko kayo hahayaan mapahamak ni Par" < --- Jet

“Hahaha!” < --- Andrei 

"Babe tumigil ka kakatawa palabas si sir" < ---Ako 

Kitang kita ko ang pagkadismaya sa muka ni sir Jake, nakatingin siya sa amin ni Babe pero bigla din itong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy lumabas ng building at sumakay sa kotse niya. 

“Bad vibes ah” < --- Ako

“Well kasi hindi gumana yung plano niya laban sa akin, sana wag niyang ipagpilitan ang bagay na malabong mangyari” < --- Andrei

“Pero professional na siya at hindi dapat siya gumagawa ng ikakasira ng pangalan niya” < --- Ronie 

"Teka bibili lang ako ng inumin sakit ng tyan ko kakatawa saglit dyan lang kayo" < --- Andrei 

“Bumalik ka agad Babe ah” < --- Ako

“Oo naman, bibili lang eh eto naman masyadong protective” < --- Andrei

“Prone ka kasi sa disgrasya these days Babe” < --- Ako

“Gagew” < --- Andrei

“I love you too” < --- Ako

“Lakas niyong dalawa eh” < --- Ronie

"Ayan solve na ang problema niyo pards" < --- Nik 

"Haha oo nga eh, sana tumigil na si sir Jake" < --- Ako 

"Paano kung hindi?" < --- Jet 

"Hindi ko alam insan, ipapaglaban ko ng patayan si Andrei" < --- Ako 

“Ngayon na wala na siyang panakot sa inyo, for sure gagawa yan ng ibang paraan para mapasa kanya si Andrei” < --- Ronie

“At hindi ko papayagan yun” < --- Ako 

. . .

"Bakit parang ang tagal ni Andrei? Nasaan na yon?" < --- Nik 

Halos 15 minuto na ang nakalipas nang nagpaalam si Andrei sa amin. Bakit bigla akong kinabahan? Parang may hindi magandang mangyayari. Sana hindi tama itong nararamdaman ko.

At bakit nga ba hindi ko na lang siya sinamahan bumili ng inumin.

“Tara sundan na nga natin” < --- Ako

Pumunta kami sa likod ng school upang tingnan kung nandoon pa si Andrei, dito kasi lagi yun nabili ng inumin.

“Bumili po ba sito si Andrei?”  < --- Ako

“Ah oo pero kanina pagkatapos niyang bumili ng inumin may biglang bumusina sa kanya tapos hindi ko na alam kung anung nangyari kasi pumasok muna ako at may inayos sa loob” < --- Tindera

"I track mo ulet si Andrei insan" < --- Jet 

Muli gamit ang aking cellphone ay sinubukan kong i-track si Babe. 

Finding . . . 

Locating . . . 

"Shit! B-bakit siya papunta ng Los Baños?!" < --- Ako 

"Tawagan mo" < --- Jet 

"Hindi sumasagot eh" < --- Ako 

"Tara! Sundan na lang natin" < --- Ronie

“Pards hindi kaya si Sir Jake nanaman ang may pakana nito?” < --- Nik 

Badtrip! Mukang si sir Jake nanaman ang tumangay kay Andrei tss. Nawawala na talaga respeto ko dyan sa Professor na yan hindi ko na  alam kung anung magagawa ko sa gagong yun.

Pinaharurot ko ang sasakyan papuntang Los Baños kahit medyo mabilis ang aking pagmamaneho ay nanatili akong kalmado upang hindi kami mapahamak.


J a k e --- >>> 

Nakakainis hindi ko napaghandaan ang panghahack nila, upang masira ang hawak kong alas laban kay Andrei. Aaaargh! Kailangan ko na umalis dito baka kung kanino ko pa maibuntong ang galit ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Andrei na yumakap kay Chard, nakakainggit, gusto ako ang yinayakap ni Andrei ako lang at wala nang iba. Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko, desperado na ako kailangan ko makuha si Andrei sa kahit anung paraan.

Nakita ko na lumabas si Andrei mukang bibili ng maiinom, sinundan ko siya ito na ang aking pagkakataon ang huli kong pagkakataon.

Inisprayan ko ng pampatulog ang kabilang upuan. 

Papaupuin ko siya dito at kapag nakatulog na siya ay dadalin ko siya sa amin.

Binusinahan ko siya. 

BEEP!
"Sir Jake? Bakit po?" < --- Andrei 

"Pwede ba tayo mag-usap?" < --- Ako 

"Ah sige ho sir walang problema" < --- Andrei 

"Pasok ka dito" < --- Ako 

Pumasok si Andrei at umupo sa tabi ng driver’s seat. 

Huli ka. 

"Andrei ako nalang ang mahalin mo please, I-i'll give you anything, anything you want please? Ako nalang" < --- Ako 

"Sir Jake, ang pagmamahal hindi yan naipapamigay, hindi din yan naipapasa, ang puso natin ang nagpapasya kung sino ang mamahalin natin maswerte kung ayun din ang tinitibok ng puso ng taong mahal mo" < --- Andrei 

"Alam ko Andrei may nararamdaman ka sa akin I-i can feel it nung nasa Mall tayo" < --- Ako 

"Mali ka Jake, ganun ako sa lahat ng tao, kahit itanung mo pa sa mga kaibigan ko, sorry if namiss interpret mo ang mga actions ko ganun ako eh" < --- Andrei 

"Please Andrei ako na lang" < --- Ako 

"Makinig ka, Jake may 8 bilyon na tao dito sa mundo bakit mo ipipilit ang sarili mo sa akin? Eh nahanap na ng puso ko ang taong gusto ko makasama? Jake matauhan ka nga alam ko na ikaw ang nag-utos kay Dexter na ikulong ako sa Batangas at kanina yung video na gusto mo ipakita sa akin ay ang video namin ni Chard" < --- Andrei 

"H-hindi ka galit?" < --- Ako 

"Hindi Jake, alam kong nagagawa mo lang yan dahil sa pagmamahal mo sa akin pero sana kung may gusto kang makuha wag mo daanin sa dahas, at sana wag mo ipilit yang feelings mo para sa akin kasi masasaktan ka lang at ayoko makasakit ng tao kaya please itigil mo na to" < --- Andrei

“H-hindi ko alam kung paano kita kakalimutan, ever since that day na umupo akong panel sa defense mo I feel something, a strong desire na mapasa akin ka but now it will all come to this”

“It takes time para makalimutan mo ako, oo alam ko masakit yan pero hindi talaga kita kayang mahalin kasi nandiyan na si Chard sa akin eh at mahal na mahal ko siya” < --- Andrei 

“Aray ang sakit naman” 

“Kailangan mo tanggapin yun Jake” < --- Andrei

Naliwanagan ako sa mga sinabi niya, yeah I forgot there are 8 billion people bakit ko ipipilit ang sarili ko sa kanya na may ibang mahal. Alam ko magiging mahirap para sa akin na kalimutan siya but I guess I have to start right now. 

"I guess tama ka Andrei" < --- Ako

“Mahahanap mo rin ang para sayo” < --- Andrei

“I hope and I pray” < --- Ako 

"Oh wag mo na ako ipapadukot ha, lagot ka na sa akin" < --- Andrei 

"Hehe hindi na, salamat kasi after all the things I’ve done heto wala ka manlang ginagawa that’s why I feel so guilty" < --- Ako 

“Kasi nagmahal ka lang Jake” < --- Andrei

“Ayan bakit kasi ang bait bait mo I feel bad myself” < --- Ako

Napansin ko na mapungay na ang mga mata ni Andrei mukang umeepekto na ang gamot ng inispray ko sa kinauupuan niya. 

"friends?" < --- Andrei 

“After all what I’ve done you want to be friends with me?” < --- Ako

“Ayaw mo?” < --- Andrei

"Friends" < --- Ako

“Ayun naman pala eh” < --- Andrei 

Matapos ang tagpong iyon ay umuwi na ako sa bahay ko sa San Pablo.

. . .


R i c h a r d --- >>>

Shit! Bakit ba hindi sinasagot ni Andrei ang cellphone niya? Lalo akong kinakabahan. Naku Jake Alcarde nauubos na ang pasensya ko sayo kaunti na lang makakalimutan ko na ang lahat ng pinag-aralan ko sayo. 

"Insan mas mabuting wag mo na muna tawagan, baka malowbat ang phone ni Andrei hindi natin sila masundan" < --- Jet 

"Nag-aalala na kasi ako, hindi ako mapalagay baka kung anu ang gawin niya kay Andrei" < --- Ako 

"Pards matalinong tao si Andrei at hindi naman lalambot lambot yun no" < --- Nik

"Tama si Nik Chard, kaya lumaban ni Andrei" < --- Ronie 

"Alam ko naman yun, nasuntok kaya ako nun sa muka nung napagkamalang kabit ko si Agatha pero hindi ko pa din maiwasang mag-alala" < --- Ako 

"Alam namin yun pero kalma lang sa pagmamaneho Pards kasi baka tayo ang mapahamak at walang magliligtas kay Andrei" < --- Nik 

Pero hindi ko pa din maalis ang pag-aalala ko, naikwento kasi ni Babe yung gamot na nakakamanhid ng katawan. Baka pagsamantalahan siya nung jake na yun, malakas lang ang pakiramdam ko na so Jake pa rin ang may pakana nito eh. Wag lang niyang subukan baka tuluyang masaid ang kaunting pasensya ko at kung ano pa ang magawa ko sa kanya. 

"Shit! Bakit ba trapik dito!" < --- Ako 

"kaunting hinahon Chard labasan ng mga estudyante sa UPLB oh" < --- Ronie 

"Gabi na kasi oh! Kinakabahan na ako para kay Babe" < --- Ako 

"Kami din naman nag-aalala, pero hindi naman natin mapipigilan ang mga estudyante hindi ba?" < --- Jet 

“Bakit ba kasi sa amin pa nangyayari to eh” < --- Ako

“Pards lahat ng bagay may dahilan, hindi mo pa lang alam ngayon pero panigurado isang araw malalaman mo din yun kung bakit” < --- Nik

Sa wakas! Nakalagpas din kami sa matrapik na lugar na yon at papunta na kaming San Pablo. Madilim ang daan halos wala ka pang makitang tao sa paligid, nakakakilabot.
"Ayan Insan Tumigil na sila at medyo malapit na tayo sa kanila" < --- Jet 

"Ang dilim ng daan dito mga dre! Parang daan pa probinsya ah" < --- Ronie
Intay lang Andrei malapit na kami. 

. . .

Nakarating na kami sa San Pablo pero grabe nakakaligaw dito, ang daming pasikot sikot madilim pa ang ibang daan, may mga parte pa dito na parang gubat.
“Bakit ba naliligaw tayo?!” < --- Ako

“madami kasing pasikot sikot dito sabi nila sundan na lang natin kung saan nanggagaling yung signal ng phone ni Andrei” < --- Ronie

“Sana nasa mabuti siyang lagay” < --- Ako

“magtiwala tayo na nasa mabuti siyang lagay” < --- Jet

“Oo Chard napakalakas na tao ni Adrei, imagine hindi biro ang mga pinagdanan niyo pero eto nanatili kayong matibay” < --- Ronie

Nagpatuloy kami sa pagbiyahe, nagtanung na din kami kung kilala nila si Jake pero walang nakakakilala sa kanya.

. . .

Matapos ng matagal naming paghahanap ng daan papunta sa location ni Babe ay sa wakas eto nasa harapan na namin, isa lang itong simpleng bahay na may mataas na gate. 

Napansin ko ang Apelyido na  nakasulat sa gate nito: ALCARDE

"Insan ayan ang ata ang Bahay ni Sir Jake dyan tumigil ang Signal ng GPS ni Andrei sa Tracker" < --- Jet 

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, bumaba agad ako ng kotse at kumatok sa gate ng bahay. 

"Tao po!" < --- Ako 

tok tok tok 

"TAO PO!" 

"Pards kalma" < --- Nik 

Bumukas ang gate, Sinalubong kami ni Sir Jake pawisan, nakaboxer lang. Bakas sa muka niya ang labis na pagkabigla. 

"Mr. Alvarez?! Anung ginagawa niyo dito" < --- Jake 

"Nasaan si Andrei?" < --- Ako 

"Ha?! Wala dito si Andrei" < --- Jake 

Naubos na ang pasensya ko, magsisinungaling pa siya eh dito namin natrack ang location ni Andrei, susuntukin ko na sana nang pigilan ako nila Nik. 

"Pards! Wag mo daanin sa dahas" < --- Nik 

"Eh gago yan eh! ayan oh tingnan mo! Kaya namin itrack si Andrei oh!" < --- Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko 

"Papaanong . . . Wala talaga si Andrei dito Mr. Alvarez kung gusto mo halubugin mo pa tong bahay ko" < --- Jake 

"Tara" < --- Ako 

Halos baliktarin nanamin nila Jet ang bahay ni Jake kusina, mga cabinet, likod bahay basement at maging sa atic pero wala, wala si Andrei. 

"Nag-usap kami ni Andrei kanina bago ako umuwi, pero ang pinagtataka ko kung bakit kayo dito dinala ng tracker niyo" < --- Jake 

"Insan tawagan mo yung Cellphone ni Andrei" < --- Jet

. . .

"Wala eh hindi nasagot" < --- Ako 

"Sir Jake pakibuksan ng kotse nyo" < --- Jet 

"Ha? Bakit?" < --- Jake 

"Basta buksan nyu na lang" < --- Jet 

Wala na ngang nagawa si Jake kung hindi buksan ang kotse niya, tinanung din ni Jet kung saan umupo si Andrei kanina, kinapa ni Jet ang upuan ng kotse at doon nga namin nakita ang Cellphone ni Andrei.

Lahat kami ay nagulat. Ibig sabihin nandito talaga si Andrei. Bakas din sa muka ni Jake ang labis na pagkagulat. 

Susuntukin ko na ulit sana pero pilit akong pinigilan ng tatlo. 

"Walang hiya ka! Ibalik mo sa akin si Andrei! Kapag may hindi magandang nangyari sa kanya magtago kana Jake!" < --- Ako 

"I told you, wala dito si Andrei Mr. Alvarez nag-usap kami kanina oo pero pagkatapos nun ay lumabas na din siya" < --- Jake 

Lumuhod na ako sa harap niya. 

"Please Jake ilabas mo na si Andrei please" < --- Ako at nagsimula na ding umiyak 

"Mr. Alvarez wala nga dito si Andrei maniwala ka sa akin" < --- Jake 

"Pards tumayo ka na dyan mukang wala talaga si Andrei dito, mukang naiwan lang niya ang Cellphone niya sa kotse ni Sir Jake" < --- Nik 

“toot toot toot toot toot” < --- 21 message received

“Shit! Bakit ngayon lang dumadating ang mga message” < --- Ako

“Ang dami naman nan basahin mo insan” < --- Jet

“Puro message ni Alexa” < --- Ako

"Toot toot" < --- Calling Kuya Kian 

"He-hello kuya kian" < --- Ako 

“P-po?! S-saan?! Sige po papunta na kami” < --- Ako

“Bakit insan anung nangyari ka Andrei?” < --- Jet

"S-si Babe nasa ospital" < --- Ako

"Huh?!" < --- Nik, Ronie, Jet

"W-what happened?" < --- Jake

"Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman kung bakit nasa ospital si Andrei ngayon dahil kung meron hindi ko na alam ang magagawa ko sayo" < --- Ako
 

Itutuloy >>>


(Comments)








 






4 comments:

  1. Anung nangyari kay Andrei????

    Update na

    - S

    ReplyDelete
  2. OMG anyare kay Andrei ko?!

    ReplyDelete
  3. what happened to andrei? kakabitin nman. tnx gio sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
  4. My god ano nangyare sa andrei baby my loves ko lagot ka kay richard,magtago ka na jake hala ka matatakot ka sa laki nh alaga nyan hahahhahahaha sorry po mahilig rin kase ako sa patatas lol marami narin akong natutunan dito like collage nako grade 9 palang ako sa pasukan pero grabe na pag aalala ko sa love life ko sa collage,sa mga mangyayare,kung mag bobording house ba ako pano nalang ako kung wala sa tabi ko family ko at lalo pa akong namulat sa real world ng nadamay dito ang thesis ow my goodness hahhahahhahah oa pero galing mo talaga Mr. Author-Mr. Gio

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails