Followers

Saturday, March 1, 2014

The Tree The Leaf And The Wind 4: Lean On Me


The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 4
“Lean on Me”
By: Jace Knight
jaceanime@gmail.com

Author’s Note:

Salamat po sa pagbabasa, pag-aappreciate, at paghihintay sa istoryang ito. Tinagalan lang naming ni Kuya Ponse ang pag-aupdate para naman may Bitin-flavor tayo. At due to the readers’ demands, we will make every chapter longer. Ayos ba?

Maraming salamat kina Alle, kay KRVT61, randzmesia, silent, at sa iba pang mga nagbibigay ng mga suggestions, reactions at praises sa gawa ko. Special mention kay Kuya Jaden Zamora of Bicol na nakachat ko kanina sa Fb at kinampanya ko pa talaga tong gawa ko. Also to Bro Jay-Ar Hashim of Zamboanga City, na naging inspirasyon ko sa isa sa mga characters dito. At kay Jesson Ocariza from Ozamis City na nagrereview for his CPALE.

Hehehehe. Enjoy the next chapter of TLW (The Legal Wife, hahaha. Joke lang).. :)

===================================




== The Tree ==

“If you ever leave me, baby, leave some morphine at my door. Cause it would take a whole lot of medication, to realize what we used to have, we don't have it anymore.

There's no religion that could save me, no matter how long my knees are on the floor, oh. So keep in mind all the sacrifices I'm making, to keep you by my side. And keep you from walking out the door.

Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. Just like the clouds, my eyes will do the same if you walk away, everyday, it will rain, rain, rain..”

“Naka-shuffle naman ang Ipod ko, pero bakit ito ang nagplay?” Tanong ko sa sarili ko nung kinahapunang pag-uwi ko. Naglalakad lang ako pauwi ng bahay, malapit lang naman eh. Lintek naman tong kanta’ng to oh. Ang daming ala-ala ang dala ng kantang to.

“It Will Rain”, ang kantang nagpapa-alala sa akin sa kasawiang natanggap ko mula sa aking first love, si Karin. Ito yung kantang kinakanta ko parati simula nung iwan niya ako dalawang taon na ang nakakalipas.  Simula ng mamatay si Mama, siya yung taong nagtiyaga’ng lumapit at pinilit kaibiganin ako. She had the perfet smile, she had the perfect ways of making me smile. She gave me a reason to forget and accept all the painful events that happened before.

Pero ngayong nawala siya sa akin, bumalik ulit ako sa pagiging melodramatic, at pagiging emo. Haay. “Kumusta na kaya si Karin ngayon? San na kaya siya?” Anang utak ko.

Naghiwalay kami noon kasi istrikto ang parents niya. Nalaman nila ang maagang pagbo-boyfriend ng anak nila, at ipinadala agad ito sa Amerika pagkatapos.

“Don't just say goodbye, don't just say, goodbye. I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding, if that'll make it right.

Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. And just like the clouds, my eyes will do the same if you walk away. Everyday, it will rain,rain, rain, rain.”

Ang saklap lang ng buhay eh no? Kung kelan natuto akong ngumiti ulit, kinuha na naman ng tadhana ang taong nagsalba sa akin mula sa kalungkutan. Hanggang ngayon, di pa rin ako makaalis sa kalungkutang bumabalot sa buong mundo ko. Natutuwa kaya ang langit na makita akong nalulungkot at naghihirap?

Hindi ko namalayan na habang tumutugtog ang kanta, pumapatak na naman ang luha ko. Naaalala ko lang talaga ang mga panahong naging masaya ako kasama si Karin. Mahal ko siya, pero hindi niya ako nakayanang ipaglaban sa parents niya. Still, I undestand her situation.

Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng luha ko hanggang nakarating ako sa bahay. Dali-dali kong pinunasan ang mga mata ko para hindi mahalata ni Nanay Nimfa, at wag ng mag-alala pa. Susubukan ko pa ring maging ok para sa kanya. Haay. Buhay. Pinupunasan ko pa rin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata habang sinasara ko ang gate.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at tumuloy sa kwarto ko. Nahiga agad ako sa kama ko. Gusto ko munang umidlip pero ayaw makisama ng diwa ko. Kinuha ko lang ang violin na binigay sa akin ni Karin at nagsimulang tugtugin sa ang kantang napakinggan ko sa ipod kanina. It Will Rain.

Nagpapaanod lang ako sa tugtug na para bang kay lungkot-lungkot. At habang tumutugtug, hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak at pagbabalik-tanaw sa mga masasayang alaala. Pilit akong nagpapakatatag pero ayaw makisama ng puso ko. Pakiramdam ko, nung iniwan ako ni Karin, iniwan na rin ako ng katinuan na ipagpatuloy pa ang buhay.

Maya-maya, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Agad ko namang pinunasan ang mumunting luha na sumisilay sa aking mga mata at tinungo ang pinto at binuksan. Kita ko lang ang malaking ngiti ni Nanay. Nagtaka naman ako.

“Nay, bakit po?” Nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

“Anak, may naghahanap sa iyo. Kaibigan mo daw.” Lalo naman akong nagtaka. Ano daw? “Anak, akala ko talaga sarado na yang puso mo. Masayang masaya ako kasi sa wakas, may kaibigan ka na na dumalaw sa iyo dito.” Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Nanay.

“Ha? Sino daw po?” Wala naman atang nakakaalam at nagtangkang alamin kung saan ako nakatira. Agad naman akong pumanhik sa ibaba upang tignan kung sinong masamang hangin ang dinala sa bahay namin.

Habang papalapit ako sa hagdanan, parang lumalakas ang pintig ng puso ko. Ano to? Siguro hindi lang ako sanay na may nangungulit sa akin dito sa bahay.

Nanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko si Ramirez na naka-upo sa may sala at tinitignan ang mga photo albums na nandudun. “What is he doing here? Panong nalaman niya ang address ko?” sabi ko sa sarili.

Kita ko lang na napapangiti siya habang tinitignan ang mga pictures ko. Nagtaka naman ako kung bakit. This guy is annoying as hell! Tsk. Hindi ko alam kung haharapin ko siya o bumalik nalang sa kwarto at ignorahin siya. Pero pagkatapos ng ilang sandali..

“Anong ginagawa mo dito?” Napalingon naman siya sa hagdan na kinaroroonan ko.

“Good afternoon dude. Hindi mo kasi sinasagot text ko eh, kaya pumunta ako dito.” Ngiti niya.

“Pano mo nalaman ang address ko? Ninja ka ba?” wala sa isip na tanong ko.

“What? Ah yes. Ninja po ako. Taga Japan nga diba?” Napatawa naman siya ng malakas. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Actually, sinundan kita kanina. Nakita kita sa kabilang kanto, kaya nalaman ko kung san ka nakatira. Oh, may dala ako para sayo dude.” Sabay taas sa dalawang supot ng Jollibee na dala nito.

“Akin na hijo. Ipe-prepare ko para sa inyo.” Sabay kuha ni Nanay sa dalawang supot na dala ni Ramirez. Patungo na ito ng kusina nang humarap ulit ito kay Ramirez. “Ang gwapo mo naman hijo.” Sabi pa ni Nanay

“Salamat po.” Sagot niya lang. Tss. Ang hangin ng taong ito. Nakakaasar.

“So, anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito?” malamig na tanong ko.

“Sabi ko nga, di mo sinasagot text ko tungkol sa ating presentation.” Naupo naman ako sa katapat na sofa. Umupo din sya.

“Lowbat ang phone ko. Pwede ka ng umalis.” pagtataboy ko sa kanya.

“Kakarating ko nga lang, papauwiin mo na ako? Diba nga nag promise kang magiging kaibigan kita? Tsk. “ irap niya. Pero maya-maya’y napapangiti siya.

Lumabas naman mula sa kusina si Nanay Nimfa dala ang meryendang dinala ni Ramirez. “Hijo, dito ka na mag-dinner ha? Treat ko sayo kasi sa wakas, may kaibigan na si Jayden.” Sabi ni nanay sa kanya.  Inilapag naman nito sa may center table ang meryenda. “Tawagin mo nalang akong Nanay Nimfa. Ako na ang nagpalaki sa batang ‘to simula nung---“ Hindi natuloy ang sasabihin sana ni Nanay ng matauhan. “Anyways hijo, please. Dito ka mag dinner ha? Ano nga ulit pangalan mo? Hapon ka ba or Chinese?”

“Nay, uuwi na po sya. Kasi ayaw ng parents niya na ginagabi siya.” Pagsisinungaling ko kay nanay.

“Yukito po Nay. Yui nalang para mas maiksi. Opo, half-japanese po ako. Hindi naman po ako hahanapin sa bahay. Itetext ko nalang po si Mama.” Aba’t sumisipsip pa talaga ang mokong kay Nanay. Tiningnan naman niya ako, at ngumisi ng nakakaloko.

“Good. Sige, prepare lang ako ng dinner natin ha? Celebrate tayo.” Napatingin naman sa akin si Nanay. “Hijo, wag magsuplado. Be nice, ha?” Sabi pa ni Nanay sabay balik sa kusina.

“Ang bait ni Nanay no?” sabi pa niya na kung makangiti sa akin, wagas. Feeling close.

“Komportable ka talaga kay Nanay no? Para kang si Flappy Bird, kapal ng lips mo.” Pagsusungit ko ulit.

“Ui, grabe ka naman dude. Walang ganyanan. Kaibigan mo na ako diba? Hiritero ka pala. Yung mga hirit mo, grabe.” Ngiti pa niya.

“Hindi ako mahilig makipagkaibigan. So, umuwi ka na.” Pagtataboy ko ulit sa kanya.

“Nag promise ka.” Pangungulit nya pa. “Pero totoo bang wala ka talagang kaibigan? Ni isa? Pano ka nabubuhay nyan? Ang lungkot kaya ng walang kaibigan.” Tanong nya pa.

“Hindi ka lang din ninja no? Chismoso pa.” simangot ko sa kanya.

“What is it about this ninja thing? Yan kasi eh, ang hilig hilig mo sa anime. Yan napapala mo. Siguro, may kapatid na si Naruto no?” pang-aasar niya.

“Ha? Wala namang kapatid si Naruto diba?” wala sa isip na tanong ko.

“Meron. At ikaw yun. Tsk!” Napatawa naman siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “u, easy ka lang. wag mo naman akong lamunin sa tingin.”

“Umalis ka na kasi!” Sabi ko pa. Umakyat naman ako sa hagdanan at tumuloy sa aking kwarto.

Nakakainis ang taong yun. Napakadaldal. Ang ingay-ingay. Tas kung makapang-asar, feeling niya close na close kami. Nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto ko, inaantay lang ang pag-alis niya, pero pagkatapos ng labinlimang minuto, wala namang lumabas sa bahay.

Maya-maya, may kumatok sa pinto ko.

Don’t tell me hanggang dito, mangungulit pa ang taong ito?


========================================

== The Wind ==

“Umalis ka na kasi!” Pagsusungit niya pa. Agad siyang tumayo at umakyat sa hagdanan.

Napabuntong-hininga naman ako. “Don’t even think na susuko na ako sayo Jayden. Not now.” Anang isipan ko.

“Anak, pagpasensyahan mo na si Jayden huh? Alam kong masakit sya magsalita paminsan-minsan, pero pagtyagaan mo sana.” Lumabas pala si Nanay Nimfa mula sa kusina.

 Napatango naman ako.

 “8 years old lang siya ng mamatay ang mama niya. Noon, masayahin siyang bata. Pero ngayon, balik na naman siya sa pagiging masungit at malungkutin, at ni ayaw makisama o makipagkaibigan sa iba.” Napabuntong-hininga naman si Nanay Nimfa na naupo sa sofa. Kitang-kita sa kanya ang pag-aalala kay Jayden.

“Ibig sabihin po, may nakapagpasaya sa kanya simula nung namatay mama niya?”

“Oo hijo. Ang una niyang nobya, si Karin.” Napatigil naman siya sa pagsasalita. Nabasa naman niya ang pagtatanong ng aking mukha. “Ewan ko ba kung bakit ko to sinasabi sa iyo, eh ngayon lang kita nakilala. Pero, alam mo hijo? Pagkatapos mawala ni Karin 2 years ago, ikaw nalang ulit ang nagtiyagang mangulit sa kanya.”

Nanatili lang akong nakatitig sa mangiyak-ngiyak na matanda. Mahal talaga niya siguro si Jayden. Naramdaman ko dito ang pagmamahal ng isang magulang sa anak.

“Kung hindi ako dinadalaw ng apo ko dito isang beses dalawang buwan, kami lang ni Jayden ang nagkukwentuhan dito. Malungkot, pati ang bahay malungkot. Sana naman, habaan mo pa pasensya mo at amuhin mo yung batang yun.” Inalo ko naman si Nanay Nimfa ng magsimulang tumulo na talaga ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

“Alam nyo po, kanina ko lang umaga napansin ang presensya ni Jayden eh. At puro nga kalungkutan ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Pero wag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala.” Ang naging pahayag ko sa matanda, kasabay ang ngiti. Ewan ko, parang gusto ko rin kasing makitang nakangiti si Jayden. Si Jayden. Haay. I’m really confused with myself now.

“Talagang malungkutin na yan. Pero please hijo ha? Ikaw na ang inaasahan ko.” Nahimasmasan naman ang matanda at kapagkuwan ay tumayo. “Nagiging emosyonal na din yata tayo dito. O siya, babalik lang ako sa kusina ha? Akyatin mo lang yun dun, suyuin mo.” Sabay tawa ni Nanay.

Namula naman ako sa tinuran niya. “Sige, kakapalan ko na ang mukha ko. Basta ba’t masuyo ko lang siya.” Anang sabi ng isip ko. Umakyat naman ako sa second floor ng bahay. Nakakita naman ako ng kulay asul na pinto, at may nakalagay na poster ni Naruto. “Ha! Naruto fan nga.”

Dahan-dahan akong kumatok. Nakailang katok na ako’t hindi pa rin siya sumasagot. Akala ko kasi natutulog lang, eh pagbukas ko ng pinto, nakita ko lang siyang nanlaki ang mga mata nang makita ako.

“Hi! So this is your room?” Tanong ko. Nginitian ko lang siya. Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng room. Kulay  Sky Blue ang dingding, hindi naman masyadong kalakihan ang kama, may sariling banyo. Sa tingin ko, nakakadepress lalo ang madilim na kwartong ito dahil sa mga malalaking kurtina na tinatakpan ang sinag ng araw. Konting ayos pa, at siguro okay na.

“What the hell are you doing here?!” Agad na bulyaw niya sa akin.

“Sabi ni Nanay suyuin daw kita. May I come in?” Tanong ko pero alam ko na itataboy lang ako nito.

“No!” Pag-iwas niya ng tingin sa akin.

Pero tumuloy pa rin ako. “Sabi ko nga, I don’t deserved such treatment. Kaya nga lalo akong nacha-challenge sa iyo eh.” Sarkastikong sabi ko. Umupo naman ako sa kama niya. Nakatalikod lang ako sa kanya. Katahimikan. Pagkatapos ng ilang segundo, siya ang unang bumasag nito.

“Just leave me alone Ramirez.”

“Ang ganda ng kwarto mo no? Siguro, konting ilaw mula sa labas at magmumukhang hotel na to.” Tumayo naman ako at hinawi ang malalaking kurtina upang makapasok sa loob ang sinag ng papalubog na araw. “Kitams?” Nginitian ko siya

Nakita ko siyang walang imik at nakatingin sa ibang direksyon. Ang lungkot-lungkot pa rin ng mga mata niya.

“Jayden.”

“Umalis ka na kasi Ramirez.”

“Why do you make this all hard for you? Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh.”

“Go away!”

“Hindi ka ba nagsasawa sa pagtaboy sa akin? Why do you keep on pushing people away from you? Lahat ng taong willing kang tulungan, lahat sila tinataboy mo palayo.” Umupo ako ulit sa kama, na nakatalikod sa kanya.

“Wala kang alam. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. So please get out of my room.” Malamig na tugon niya.

“And why do you have to talk to me in that way? Napaka lamig mo makitungo sa mga taong nag-ooffer sa iyo ng pakikipag-kaibigan.”

“Stop it Ramirez! Get out! Wala kang alam sa pinagdaraanan ko. Stop giving such unsolicited comments!” Tumataas na naman ang boses nya.

“Yeah? Like what Jayden? Like how it feels like na iniiwan ka ng mga mahal mo? Trust me. I’ve been there. Alam ko kung gano yun kasakit, at gusto kitang tulungan.” Nakatungo lang ako sa may paanan ng kama niya.

“Ano ba kasi pakialam mo sa akin? Why do you have to invade my privacy?” Tumaas na ang boses niya.

“Wala. Ewan ko sa sarili ko. Kanina nga nung kinausap ako ni Nanay, ang awkward nga eh. Ano nga ba pakialam ko sa iyo? Last month, ng magsimula ang klase, nakikita na kita. Pero kaninang  umaga ko lang napansin ang iyong mga mata. They were so full of…” Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. “Basta, you already promised me. Sinisingil ko lang yun.”

“Just leave me alone Ramirez.” Bumalik sa malamig ang pagkakasabi niya.

“Yui na nga lang. Jayden na nga tawag ko sa iyo eh.” Humarap ako sa kanya at nginitian siya. “Alam mo, nawawala ang cuteness mo pag ganyan ka palagi.” Nakita ko lang siya nakayakap sa mga nakatukod niyang tuhod.

Wala lang siyang imik. Maya-maya, naririnig ko na ang mahihina niyang hikbi. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa gilid niya.

His wept was full of sadness. Ramdam ko ang emosyong naipon ng matagal na panahon, ang mga emosyong nagbabadyang bumuhos, pero pilit na pinipigilan.

“Sige, iiyak mo lang yan. Pero dapat, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman nito ha?” At hinawakan ko ang dibdib niya. “Trust me. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo yan sa akin. And no worries, makikinig ako.” Hindi naman siya nagpumiglas nang isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko at hinayaang doon siya umiyak. “Jayden, I’ll take care of you.”Ang nasabi ng puso ko.



- Itutuloy -

14 comments:

  1. aaaaaaaaaa nabitin nanamn ako ganda talGa ng story mo update kapa ulit oh ;)

    Franz of Davao

    ReplyDelete
  2. may nabubuo na bang feelings ang 2 bida? paganda ng paganda ang takbo ng story...sana masundan agad.tnx sa update.

    randzmesia

    ReplyDelete
  3. Guys, maraming salamat. Eto na po ang fourth chapter ng TLW. Hope you guys like it, kahit di pa masyadong mahaba. Pero promise po, sa 6th chapter, i-aactivate natin ang Rapunzel-mode. Para mas mahaba. hahaha. Enjoy. Salamat kay Sir Vin at Sir Noe for expressing their suggestions. and also to Sir CJ :)

    ReplyDelete
  4. love this pa- hard- to- get episode. thanks author.


    ~ Noe

    ReplyDelete
  5. Aysss..... Love it hands po


    Jeff of pampanga

    ReplyDelete
  6. kakakilig grabe haha ang saya lng kase ang light lng ung hindi mabigat ung bawat eksena haha .... continue author in making us BITIN haha pero wag nman masyado haha ... advance congratulations !!!

    KRVT61

    ReplyDelete
  7. Ahhhhhh! Ganda nito! Love this chapter. Excited na po sa susunod na update! ~Ken

    ReplyDelete
  8. haha kakainis bitin nnman haha anyways another thumbs up. tnx author s update hihi

    KRVT61

    ReplyDelete
  9. Hi again! I'm not here to ask u to make ur chapters longer cos u already promised na magiging rapunzel-like ang next chapter. Well, I'll be waiting 4 that. Ang kaso lng ngayon... may TYPOGRAPHICAL ERROR sa chapter. Nkalagay kase dun sa POV ni Jayden ay "the TREE". I think u wrote it wrong. Cos he's supposedly, "THE LEAF". Right author? Anyway, it's cute. Mahusay! Getting excited for Rapunzel! :) Correct those little errors. Malaki epekto nyan bro. ^_^

    -Vin

    ReplyDelete
  10. Ay! Bitin!

    -allen

    ReplyDelete
  11. Arrrgh! Nakakahiya. Salamat Sir Vin for correcting my flaws. Pasensya na po talaga at nagkamali at na-overlook ko ang kamaliang ito. Yes po, dapat kay THE LEAF yung unang POV. Tanga-tanga ko. Pero hayaan nyo, hindi na to mauulit. At yung RAPUNZEL-mode po natin, sa chapter 6 pa po yun. hehehe. Salamat Sir Vin, idol kita. :)

    - Jace, The Author

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome. It's not a big thing author. Anu nman ang makatulong sa kahit na maliit na paraan n pagbibigay puna lang dba? Wala yun.

      Delete
  12. Nga po pala, let us give our THANKS to the admins, especially Kuya Mike and Kuya Ponse, dahil kahit busy sila, nagagawa pa rin nilang bigyan tayo ng inspirasyon to love and to be inlove. My Salute to you guys.. :)

    ReplyDelete
  13. guys, please do add me on Facebook para naman magkaroon ako ng madaliang paraan para makapagreach-out sa inyo. Sayang naman ang Free FB sa Globe, diba? Hahaha. Kung may suggestions, reactions, at violent opinions kayo jan, send nyo sa akin via PM. add me at www.facebook.com/jace.pajz .. see you on Facebook! :)

    - Jace

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails