Can't We Try? 3
Maraming salamat po sa mga nagbasa ng Chapter 2 ko. Maraming salamat po talaga dahil ayos naman po pala yung story ko, though it was really my first time writing a story, ay nagandahan pa rin po kayo :)) Opo first time ko, and thank you sa tulong ng mga daydream ko everyday :]]
Thank you din po sa mga comments niyo :)) Guys malapit na po tayo sa mga OA part katulad ng,.. parang tanga si Justin kung maka-react o kiligin dahil sa crush niya na si Kyle, diba po lagi namang ganun si Justin kay Kyle? Haha.
By the way, naku-curious po pala ako dun sa nagcomment na si Ken :)) Sino po kaya kayo? Iba po dating eh haha.
And dun po sa mga nagcomment na nagtanong kung kapampangan ako? Yes I am :)) saan sa pampanga? sa city ng mga gwapo at magaganda :]] alam niyo na po yan kung saan hihi :))
Marami pa po akong gustong sabihin dito, kaso masyado nang mahaba ang Author's Note ko at baka magalit na po yung mabait na tumutulong sa akin maka-share ng story dito, natatakot po kasi talaga ako eh haha.
Guys wag kayong papalito sa takbo ng story okay? Salamat muahh :)) Enjoy Reading !!
Again, thanks MSOB
----
Chapter 3
Tumayo na ako nang tuwid saka naglakad, nasa kawalan ang aking isip habang naglalakad hanggang sa natisod na pala ako, ewan ko kung bakit pero parang nahihilo ako kaya pumikit na lang ako dahil akala ko ay babagsak ako pero nagtaka ako dahil parang walang nangyayari at pagbukas ko na lang ng aking mga mata ay may taong sumalo pala sa akin.
Ngayo'y nakasubsob ako sa dibdib nito, nakakapit din ako sa mga braso nito at naka-akap naman ito sa akin, alam kong lalaki ito at napaka-bango pa nito, narinig ko ang mas malakas na mga tilian saka ako natauhan.
Iniangat ko ang ulo ko upang makita kung sino itong sumalo sa akin, agaran naman akong namula at nanlaki ang aking mga mata sa nakita nang mawari ko kung sino itong sumalo sa akin, parang nawala naman ang hilong nararamdaman ko kanina.
Sa sobrang gulat ay napatitig ako rito, nakipagtitigan rin naman ito. Nang mag-sink sa utak ko ang mga nangyayari ay natauhan ako bigla.
Kumawala ako sa pagkaka-kapit ko dito, tumayo ako agad nang tuwid, naka-ngiti lang ito sa akin. Sobrang bango nito.
"Salamat Kyle." ang nasabi ko na lamang, dumeretso na ako sa harapan nang hiyang-hiya dahil sa dami nang pwedeng sumalo sa akin ay si Kyle pa talaga.
"Lord, sabi ko sapat na yung nakikita ko yung mga crush ko, at wag na yung ganito pa." nasabi ko na lamang sa aking isipan.
"Okay! Eto na pala siya." nang makalapit ako rito, rinig ko naman ang mabilisang sigawan nang mga babae at pusong babaeng mga istudyante pagkaharap ko sa kanila.
"Is there anything you want to say Mr. Dizon?" pag-aabot nang mike nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hanggang ngayon ay ang nangyari sa amin ni Kyle parin ang aking naiisip, hiyang-hiya talaga ako.
"Ahm,. Good morning everyone. I am Prince Justin Dizon,... a scholar student of this university." maikli kong saad sa mga ito para makababa na.
"Okay Prince Justin, mukhang napakarami mong taga-hanga rito ah?" sa dami ba naman kasi nang mga sumisigaw ay talagang hindi pwedeng hindi mapansin nang head ang mga ingay ng nagsisitilian.
Ngumiti lang ako rito.
---
Ngayon ay nasa room na kami, at hanggang ngayon ay hindi padin mawala sa aking isipan itong asungot na katabi ko, si Kyle.
Tama!,.... kailangan kong magpasalamat ulit dito, tutal katabi ko lang naman. Humarap ako rito.
"Ahm, Kyle?"'pagpansin ko rito habang may binabasa ito sa kanyang phone.
Tumingin naman ito sa akin nang may nagtatanong na mukha. Oh my god, ang gwapo talaga nito.
"Why?" tipid nitong tugon.
"Maraming sala..." hindi ko na agad natapos ang aking sasabihin dahil sa agarang pagsabat nito.
"No problem." pagngiti nito sa akin, mas lalo naman akong nagkagusto sakanya dahil sa mga ngiti niya, pero hindi pwede dahil asungot ito. Haha. By the way, everytime kasi na nasusulyapan o tinititigan ko ang mga taong nagugustuhan ko ay mas lalo akong nahuhulog sa mga ito, lalo na sa mga ngiti nito.
Ngumiti din ako sakanya saka na ulit umayos nang pagkaka-upo.
"Valedictorian ka pala." nagulat ako at nagsalita ulit ito, natuwa naman ako dahil kinausap ako nito.
"Oo eh." nahihiya kong sabi rito.
"Kaya pala ang galing mo magsalita, parang professional ah." pagpupuri nito, hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin, gusto ko kasi na tumagal yung pag-uusap namin.
"Hindi naman, masyadong OA naman yan. Lahat naman kayang gawin yun eh." tugon ko rito.
"Syempre pa-humble pa." natatawa nitong sabi.
"Hindi naman, osige wait lang ah, mag-cr lang ako." saka na ako agad tumayo, ayaw ko kasing magkaroon ng awkward silence sa pagitan namin eh, yung bang gustong-gusto kong mag-usap kami kaso wala akong maisip sabihin kaya naman 'walk out' na lang ang dating ko, haha.
Pagbalik ko naman nang room ay may teacher na, pusong babae ito at mukhang mabait at magiliw.
"Ahm sir excuse me po?" pagkuha ko ng atensyon nito.
"Yes? How can I help you?" sa malanding way nang pagtatanong nito na sinamahan pa ng postura mala FHM-cover, lihim akong natawa,.. hayy mukhang masaya maging teacher 'to.
Nagsitawanan naman mga kaklase ko, mukhang kilala na nila ito at naging teacher na nila dati.
"Pwede na po bang pumasok?"
"Ayy dito ka pala? Ayyy oh my god, dami talaga gwapo sa section na ito. Oh sige pasok na mahal ko." pagpapacute pa nito, mas lalo namang nagsitawanan ang aking mga kaklase, gayundin ako na nagpipigil ng pagtawa.
Habang papasok naman ako ay nakatingin ako kay Kyle. Nakikipag-harutan 'to sa mga kaibigan niya. Ang cute niya talagang tignan, parang ang sarap sarap yakapin nitong asungot na ito.
Busy itong nakikipagharutan sakanyang mga kaibigan kaya naman hindi niya ako napansing nakabalik na. Ang prof naman namin ay abala sa pagche-check nang list nang section namin.
Pagkatapos nang ilang sandali ay naramdaman kong may humawak sa kamay kong nakapatong sa arm chair, alam kong si Kyle ito dahil siya lang naman ang aking katabi dahil sa dulo nga kami, kaya naman napatingin ako sa gawi nito.
Saktong pagtingin ko ay siya namang,....
"Aachiingg!!" literal akong napatagil, parang tumigil ang mundo ko, hindi ako nakagalaw at nakatulala lang ako sa taong inatsingan ako. Ngayo'y nararamdaman ko ang iilang laway nito sa aking mukha na talagang hindi ko alam ang gagawin.
Literal din itong napatigil at natulala sa akin, naririnig kong isa-isa nang nagrereact ang aming mga kaklase, nasakto pa atang nasa amin ang atensyon ng aming prof kung kaya pati mga kaklase namin ay sa amin nakatingin.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa, mata sa mata. Hanggang sa agaran itong gumalaw at kinuha ang panyo nito sa bulsa niya saka niya ito ipinunas sa aking mukha.
"Sorry Justin, sorry talaga hindi ko kasi alam na nandiyan kana eh." natataranta nitong sabi, siguro ay nahihiya ito sa akin kaya naman agad akong sumagot.
Natatawa ako sa itsura nito ngayon, talagang natataranta ito at pinupunasan ang aking mukha ng paulit-ulit.
"Wala yun, kasalanan ko din napatingin ako sayo eh." umiwas ako at saka ko kinuha ang aking panyo para punasan ang aking mukha nguni't mabilisan nitong hinawakan ang aking mukha saka ito hinarap ulit sakanya at ipinagpatuloy ang pagpunas sa aking mukha. Nabigla naman ako sa ginawa nito kung kaya hindi ko alam ang aking gagawin at napatitig lang ako sa mukha nito, ang gwapo talaga.
"Nandiyan kana pala kasi eh, hindi ko alam. Ahh nakakahiya tuloy sayo." habang pinapaka-punas nito ang aking mukha.
"Okay nga lang yun, kasalanan ko din naman." saka ko ulit inilayo ang aking mukha.
"Wuy kayong dalawa diyan, anong ginagawa niyo?" pagpansin sa amin nang aming prof.
"Sir si Kyle po kasi inatsingan si Prince kaya ayan."
"Pero sir ang sweet oh nagpupunasan."
mga natatawang sabi nang aming mga kaklase.
"Woy Kyle? Talaga? Ginawa mo yun? Omg talaga." natatawang sabi nang aming prof.
"Sir hindi ko po sinasadya yun noh." pagdedepensa naman ni Kyle dito, mukhang naging teacher na niya din.
"Sorry talaga Justin ah?" pagharap naman nito sa akin.
"Ang kulit mo." nakangiti kong sabi rito. Ang cute pala niya kapag parang nababalisa, siguro talagang nahihiya ito sa kanyang nagawa, may naisip naman akong bagay para mapalitan ang nararamdamang hiya at pagkataranta niya.
"Oh tignan mo oh sa sobrang lakas ng atsing mo pati mukha mo nalagyan ng laway mo." nakangiti kong sabi, agaran ko namang pinunasan ito sa mukha, ang isang kamay ko ay nakahawak lang sa magkabilaang panga nito, nakita kong nagulat naman ito, napatitig lang siya sa akin, pinunasan ko ang noo nito, sunod ang ilong nito at grabe ang tangos nito, sunod ang magkabilaang pisngi niya tapos sa may baba nito at huli ay sa may upper lip nito, sa totoo lang ay natatawa ako sa aking ginagawa pero hindi ko pinahahalata, alam kong walang laway ang mukha nito at naisipan ko lang gawin para naman hindi na ito mag-sorry pa.
Habang pinupunasan ko ito ay napakasarap sa paningin ng makinis nitong mukha, at nakatitig lang ito sa akin, grabe talaga ang gwapo ni Kyle, hindi ako magsasawang ulit-ulitin ito dahil sa talagang totoo naman ito.
Good thing is, malinis itong si Kyle kaya naman hindi mabaho ang mga laway nito. Natatawa na lang ako sa aking mga naiisip.
"Oh ayan Kyle, malinis na." at tumalikod na ako mula rito, lihim akong kinilig sa aking ginawa, hindi ito bumulad, marahil ay nabigla ito sa aking ginawa, maging ako ay hindi makapaniwala sa aking ginawa.
--
Ngayon ay nakahiga na ako sa aking higaan, iniisip ang mga nangyari kanina. Ginisa pa kami nang aming prof, lalo na kaming dalawa ni Kyle, puro tungkol sa pag-atsing kasi ni Kyle sa akin ang sinasabi nito kaya nakaramdam na ako nang hiya lalo na kay Kyle.
Kinagabihan..
"Kuya Jaja kakain na daw." pagkatok naman ni Charl sa aking kwarto.
"Oo sige bababa na." saka na ako dali-daling bumaba, ngayon ay kinalimutan ko na muna ang nangyari sa school.
Nang maka-upo na ay tinitignan ko ang dalawa kong kapitid, sweet nanaman ang mga hampaslupa ah.
"Oh Jaja kamusta na school?" pagtatanong ni mama.
"Okay lang naman po ma. Madaming happenings." natatawa kong sabi.
"Siguro lumalandi kana noh? Sabagay gwapo ka naman Jaja eh, kaya may karapatan ka." nakangiting sabi nang aking ate.
"Kuya sino na ang maswerte mong napupusuan sa school?" pagsabat naman ni Arvin.
"Tsismoso ka talaga." agad kong sabi rito.
"Sino nga ba?" pamumusit pa ni mama.
"Oo meron pero alam niyo na yun." seryoso kong sabi sakanila, dito sa bahay ay matagal na nilang alam na bisexual ako kaya naman wala na akong problema at masaya ako kasama ang mga ito.
"Sabi ko na nga ba eh. Gwapo ba?" natatawang sabi ni ate.
"Aba, mabubuntis niyan anak ko." pagtukoy sa akin ni inay.
"Ayan nanaman kayo ma, ate." inis kong sabi sa mga ito, pinagtutulungan nanaman ako.
"Kuya sino mas gwapo sa inyo?" pagsingit naman ni Charl.
"Oo nga. Sino mas gwapings?" pag-sang ayon naman ni Arvin.
"Tumigil nga kayo,... pero syempre mas gwapo yun, at tsaka magugustuhan ko ba yun kung panget?" pagsagot ko sa mga ito.
"Ayyyy ang landi."
"Lumalandi na ang anak ko ah."
"Ma! Ate!,... kumain na nga lang kayo diyan." nakasimangot kong sabi sa mga ito.
"Basta Jaja ah, kung saan ka masaya dun kami, pero huwag mong hahayaang masaktan ka diyan sa pinili mo ah? Matalino kang bata at huwag kang magpapakatanga sa pag-ibig." seryosong saad nang aking ina.
"Pektus ka sakin kapag pinabayaan mo ang sarili mo." saad naman ng ate ko.
"Hay nako mama ate, minsan hindi tama ang sisihin natin ang mga taong nagpaka-tanga o nagpapaka-tanga dahil sa pag-ibig kasi nagmamahal sila eh at napakasarap sa pakiramdam ng may minamahal kahit na nasasaktan kana." sinsero kong sabi sa mga ito.
"Tama!" sabat ni Charl.
"Tama talaga." dagdag naman ni Arvin.
"Ayy letse. And drama, tara kain na." natatawang sabi ni mama ko.
Ngayon ay nasa kwarto na ako ulit, ready na para matulog. Siya nga pala, ganyan kami sa pamilya, kung saan masaya doon kami basta't hinding-hindi namin pababayaan ang aming sarili.
Nasa pagmumuni-muni ako nang biglang nagvibrate ang aking phone.
"Helloooooooo! :)) Goooood Evening Justin !!" nagulat naman ako sa aking nabasa, hah? taas ng awra ah, sino 'to? familiar ung number niya,... ah tama siya nga yung kagabi.
"Helloooo din Ikaw nanaman ah? Sino ka nga kase?"
"Ah bastat hahaha. Osige matutulog nako at matulog kna din Justin :)) Good night." aba talagang? magtetext 'to tapos magpapa-alam din kaagad?
"Yan tayo eh. Okay sige bahala ka kung ayaw mong magpakilala sakin, hindi na ako magrereply. Matulog kana. Goodnight. Bye." pagtatapos ko rito, akala niya lang ah.
"Hala. Uy? Hindi muna nga ako papakilala eh, next time na lang. Huwag kanang mainis sakin oh." agaran namang reply nito.
Pero hindi ko na ito nireplayan pa at natulog na lang ako.
Kinabukasan habang naglalakad ako papunta sa room namin ay naiisip ko talaga si Kyle lalo na nung na-atsingan pa ako nito kahapon at yung ginawa kong pagpunas sa mukha nito, natawa na lamang ako sa mga naisip.
"Ahh Kyle. Ba't kasi ang gwapo mo?" natatawa kong sabi sa aking sarili.
Pagpasok ko nang room ay si Kyle kaagad ang hinanap nang mga mata ko, as expected ay nandiyan na nga ito, lihim akong natuwa at kinilig nang makita ko siya.
Nakatingin ako rito nang mapatingin sa akin ito, nagulat naman ako nang nginitian ako nito. Oh sabi ko po lord huwag ganito eh, sapat na yung nakikita ko lang ang crush ko, natatawa kong sabi sa aking sarili.
Nginitian ko din ito, at nang maka-upo na ako ay inusog ko ng konti ang aking upuan palayo nang konti rito. Nakita ko naman kumuno't noo nito tanda na nagtataka ito.
"Why Justin? Mabaho ba ako?" saka nito inamoy ang kanyang sarili. "Hindi naman eh. Ang bango ko kaya." parang bata nitong sabi na nakangiti, nakaka-inis ang cute cute niya talaga kapag ngumingiti.
"Sinabi ko bang mabaho ka?" natatawa kong tugon rito.
"Eh lumayo ka eh." talagang may pagka-isip bata ito ah, posturang naninisi pa talaga eh.
"Pwera lumayo lang? Oh eto babalik na at baka kung ano pa masabi mo." natatawa kong sabi rito. "Baka kasi atsingin mo ako ulit eh." pagbulong ko, para hindi nito marinig.
"Huh ano yun?" hala, narinig ata ng mokong.
"Sabi ko bingi ka." natatawa kong sabi rito, parang komportable na agad ako dito.
"Sobra ka naman, mayabang ka pala talaga ah." patango-tango pa ito.
"Hindi ako katulad niyo. Pero Kyle, may tatanong ako." seryoso kong sabi rito.
"Tatanong? Nakaka-nerbyos yan ah." saka ito lumapit pa nang kaunti saakin, sa totoo lang parang bata lang kaming nag-uusap, marahil ay komportable kami sa isa't-isa kaya ganun.
"Bakit ang lakas ng atsing mo sakin kahapon? Parang hindi ata normal?" natatawa kong sabi rito, ibinulong ko ito dahil baka may makarinig at mahiya pa ito.
Alam kong nahiya ito sa sinabi ko dahil sa hindi agad ito nakapagsalita.
"Ba yan Kyle. Nagtatanong lang ako eh, wala na sa akin yun, curious lang ako." natatawa kong sabi rito.
"It's just that,.... pagkapasok ko pa lang kasi ay nangangati na ilong ko, then gustong-gusto kong ma-atsing kaso biglang nawawala. Kaya nung alam kong ma-aatsing na talaga ako, ibinigay ko na ang lahat, hindi ko naman alam na nandiyan ka eh." mahabang paliwanag nito, alam kong nahihiya parin ito, hahaha bahala siya wala na sa akin yun eh.
"Ah ganun pala yun." pagtugon ko rito na sinasabayan ko pa nang naniniwalang postura at patango-tango pa ako kunwari.
"Bakit wari? Mabaho ba?" seryoso namang sabi nito.
"Hah? H-hindi ah. Mabango nga eh, buti nga malinis ka, kung hindi ay nako." saad ko naman rito, nagulat naman ako sa nasabi ko, hayyy tanga tanga talaga.
At talagang ngumiti pa ito nang nakakaloko, hindi ko alam kung bakit, inilapit pa nito ang kanyang sarili sa akin dahilan para maamoy ko ito at napakabango niya talaga.
"Mabango? Malinis?" nakangiti nitong sabi, napatulala naman ako rito, naisip ko naman na baka mahalata niyang may gusto ako sakanya, kaya naman,....
"Ang baho mo naman Kyle." medyo malakas kong sabi dahilan para magsitinginan ang aming mga kaklase sa gawi namin, nagulat naman ito sa ginawa ko kaya lihim akong natawa sa reaksyon nito.
Halos magkadikit na kami pati na ang aming mukha, nasa ganun kaming posisyon nang pagsitinginan kami ng aming mga kaklase. Narinig kong may mga bumubulong at may mga tumatawa dahil sa sinabi ko.
Inilayo na sa akin ni Kyle ang kanyang sarili saka binigyan nang pilit na ngiti ang aming mga kaklase. Nakangiti lang ako sa mga ito.
"Wow pareng Kyle ah, okay lang sayo kahit napahiya kana." si Ivan, pasimple akong nakikinig sa mga ito.
"Hindi pa tapos ang one week, remember?" nakangiti nitong saad sa kanyang mga kaibigan.
"Oo nga pala, nagtext ka samin na dapat mabait muna tayo, kaya ayan ang tahimik natin at hindi ako sanay." parang patay na sabi ni Bryle.
"Good." maikling saad naman ni Kyle sa mga ito, parang mga sira ulo lang ang mga ito, hindi ako makarelate sakanila.
"By the way, what about your birthday? Aren't we going to have a party?" si Matthew na tila excited.
"Ofcourse we are! Be ready, sa saturday na yun ah? Ayokong dudumihin niyo yung birthday ko okay?" seryoso namang sabi ni Kyle sa mga ito, wow ha parang leader lang, sabagay mukhang siya naman ang nasusunod sakanilang magkakaibigan.
"Syempre naman, dudumihin ba namin iyon?"
"But Kyle, diba sa sunday pa birthday mo?"
"Yah. Gusto ko kasi na sa saturday ay makapagcelebrate na ako at kayo ang mga kasama ko, alam niyo naman na sa sunday ay susyalan niyan at maraming bisita dahil alam niyo naman si mommy diba? Uuwi yun sa friday at mga 1 week sila kasama papa ko." tugon naman ni Kyle sa mga ito.
Napa-isip naman ako sa mga narinig ko, talaga ngang mayayaman ang mga ito, double celebration pa talaga, eh ako nga once lang eh, tapos ang handa sakto lang samin ng mama at mga kapatid ko.
"Guys don't forget to bring your partner okay? Kapag hindi ko nakita yung boyfriend niyo sa saturday tignan niyo lang at ipapabugbog ko sila." bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Kyle, medyo napasama at napalakas kaya napatingin sila sa akin.
"What happened Justin?" saad naman kaagad ni Kyle.
"Ah wala wala." saka ko na ulit inayos ang aking sarili, tumalikod ako mula sa mga ito.
Ha? Boyfriend? By any chance,.. Bisexual din kaya ang mga ito?? Ahhh hindi na talaga ako makapaniwala sa mundo.... mababaliw na talaga ako.
Mga ilang minuto na ang lumipas nang,...
Naramdaman kong may kumakalbit sa akin. Napatingin naman ako at si Kyle pala ito. Ang gwapo talaga..
"What?" tanong ko rito.
"Sama ka ah?" nakangiti nitong sabi.
"Sama? Saan naman?" maang ko rito.
"Basta usap na lang tayo mamaya bago uwian okay?" pagngiti nito, ang hirap tanggihan nang ngiti nito.
"Ah? Ahhh, s-sige." pagpayag ko rito, no choice eh.
Patay, alam ko na tinutukoy nito, malamang sa birthday niya or sa saturday celebration nila ako gusto nitong sumama, tapos baka makita ko pa mga boyfriend nang mga gwapo nitong kaibigan, maiinggit lang ako, my gaddd, natatawa na lang ako sa mga naiisip ko.
Pagka-dismiss ng klase ay agad ako nitong kinausap, kinalbit-kalbit pa ako nito.
"Wuy Justin? Ano game?" pagpansin nito sa akin.
"Ano wari yun Kyle?" kuno't-noo ko rito.
"May gagawin kaba sa saturday night?" tanong naman nito habang nakangiti.
"Wala naman, bakit nga?" kunwari kong irita rito, nagulat naman ito sa akin.
"Wag na nga, nagagalit ka naman eh." simangot nito saka pagtalikod nito sa akin, lihim akong natawa rito.
"Tignan mo 'to parang isip bata, bakit nga?" natatawa kong sabi rito, humarap ulit ito sa akin.
"Birthday ko nun eh, sama ka okay lang?" alam kong 'oo' ang hinihintay nitong sagot kaya pagbigyan ko na tutal wala naman din akong gagawin sa sabado.
"Hah? Ahh, hindi ako sure kung papayagan ako eh, subukan ko ha?" teka lang, is it really okay kung sasama ako sa mga ito agad-agad? hindi ko pa sila kilala eh, sabagay crush ko naman itong si Kyle, sayang naman at birthday pa nito, hayy bahala na.
"Sure yan papayagan ka, basta aasahan kita ah, tayu-tayo lang naman pati ang mga kaibigan kong ito ang kasama eh." pagtatapik naman nito sa akin.
"Baka mamaya pagtripan lang ako nang mga yan, wag na lang salamat na lang." tsk, sa yabang ba naman ng mga kasama nito paano pa ako nun.
"Hindi yan, kinausap ko na sila, ako mismo bubugbog sakanila kapag inano ka nila pramis." nakangiti nitong sabi.
"Ah, pag-iisipan ko muna."
"Yan tayo eh, kanina hindi mo alam kung papayagan ka tapos ngayon naman pag-iisipan mo. Halatang...." hindi na nito natuloy ang kanyang sinasabi.
"Wait, look. Bakit mo muna pala ako inaagkat? Baka pagtripan niyo lang ako ah?" pagputol ko naman sa sinasabi nito.
"Ewan ko nga rin eh, basta mukhang masaya ka naman kasama eh. Bakit ayaw mo wari talagang sumama?" seryosong saad nito.
"Well, magpapa-alam muna ako okay?" saad ko rito nang seryoso, dahil hindi pa ako sigurado kung papayagan ako ni mama.
"Aasahan kita Justin ah? Birthday gift mo na din yun sa akin. Osige una na kami ng mga tropa ko at may lakad pa kami. Bye." sunod-sunod nitong sabi habang nakangiti pa, ang gwapo talaga at naaamoy ko palagi ang pabango nito na talagang napaka-bango.
Naiwan naman akong nakatulala sa room, nagtataka ako kung bakit ang bait nito samantalang napakayabang DAW nila sa campus, also, bakit ako inaagkat nito sa celebration nila nang barkada niya? Eh hindi pa naman nila ako kaibigan.
"Ahh! Uuwi na lang ako!" wala namang tao sa room at ako na lang ang naiwan mag-isa kaya pinakasigaw ko na talaga.
Tumayo na ako at isinuot ang aking bag saka na tinungo ang daan palabas, pagkalabas ko ay may mga nakatambay pala sa labas, malamang katabing section namin ang mga ito. Nahiya naman ako dahil nakatingin lang sila sa akin na nagtataka, patay narinig ata nila ang pagsigaw ko.
Sa sobrang hiya ko ay isinuot ko na kaagad ang aking shades saka nginitian ang mga ito at tuluyan nang umalis. Narinig kong may mga nagsitilian pa.
Matapos ang ilang minuto ay naka-uwi na ako nang bahay, as usual ay sila Arvin at Charl nanaman ang bumungad sa aking mga mata.
Naghaharutan nanaman ang mga ito. At nang mapansin ako ng mga ito....
"Kuya aalis pala tayo sa sabado sabi ni mama." napangiti naman ako sa sinabi ni Arvin, tiyak na gagala nanaman kami.
"Nice, san daw tayo?" interesado kong tanong rito.
"Sa may perya kuya, yung malaki tapos madaming rides." pagsingit naman ni Charl na tila excited na excited, parang bata ang dalawa sa sobrang kagalakan nila.
"Ay sa wakas, osige magpapahinga muna ako." tugon ko sa mga ito.
"Kuya kumain kana muna kaya."
"Later na. Kakapagod eh." pagngiti ko sa mga ito saka ko na tinungo ang aking kwarto para mahiga at magpahinga, pumikit lang ako, makakatulog na sana ako nang biglang nagvibrate ang aking phone.
"Good afternoon :)) nka-uwi kna ba? Ingat lagi Justin." eto nanaman yung unknown number na nagtetext sa akin, ise-save ko na nga ang number nito.
"Poop" ang nasabi ko na lamang nang mabasa ko kung ano ang ipinangalanan ko rito ng i-save ko ang number nito.
"Good afternoon din, yah kanina lang. Sino kaba kasi? Ang kulit mo pramis." pagreply ko dito.
Nagvibrate kaagad ang phone ko at alam kong siya na ito. Nguni't iba ang rumehistro sa screen, binasa ko ito at agad-agad akong napabalikwas at lumabas ng kwarto upang hanapin ang aking inay.
"Ma! Ma!" pagsigaw ko, napatingin naman sa akin ang dalawang naghaharutan na sila Arvin at Charl.
"Oh bakit Jaja? Kauuwi ko lang anak." tugon naman ni mama nang lumitaw ito mula sa kusina.
"Nagtext na si pinsan, pasok daw ako dun sa work na pinag-applayan ko. Then start na daw ako sa sunday." masayang pagbabalita ko rito.
"Oh talaga? Edi maganda kasi yan naman gusto mo anak diba, pero sunday daw ang start mo?"
"Oo daw, weird dapat monday nga eh, pero okay lang atlis pasok na ako." pagngiti ko rito.
"Buti na lang anak maganda yang katawan mo at hindi ka lampa, basta ayusin mo pagiging Janitor mo ah?"
-
Makalipas ang ilang araw ay sabado na, hindi ko alam kung paano ako makakapunta kila Kyle, pero ang sinabi lang nito sa akin kahapon ay susunduin niya daw ako sa lugar na napagkasunduan namin.
Hindi ko alam kung makakasama ako sakanya dahil ngayon ay nagkakasiyahan na kami sa perya kasama ang pamilya ko, at ngayon ang oras ng pagkikita namin, 8pm.
Ewan ko ba pero parang ayaw kong pumunta o sumama sakanya, nahihiya kasi talaga ako sa mga barkada nito lalo na sakanya.
Hanggang sa nagkasiyahan pa kami at nag-bingo pa kami, tinignan ko ang oras at malapit nang mag-9pm.
(Sa kabilang dako naman ay 7:30pm pa lang ay naghihintay na si Kyle sa napagkasunduan nilang lugar ni Justin, umabot na ng 8pm nguni't wala pa ding Justin ang nagpapakita sakanya, ang mga kaibigan niya naman na sina Bryle, Matthew at Ivan ay nasa bahay na niya at nagre-ready na ng makakain at mga alak nila.
Hanggang sa umabot na ng 9:00pm nguni't wala pa din si Justin, ayaw niya mang aminin sa sarili pero nalulungkot siya dahil sa naiisip niyang hindi ito pupunta.)
Nako baka hinihintay ako ni Kyle ngayon? Hindi naman sana.
(flashback
"Justin bukas na ah?" magiliw nitong sabi sa akin, mababakasan ito ng excitement.
"Sure, diba nga sabi ko pwede na ako. Saan naman tayo magkikita?" nakangiting tanong ko rito.
"Basta dun sa lugar na sinabi ko kahapon, mga 8pm tayo magkita." tugon naman nito.
"Oh sige ikaw bahala, basta hintayin mo ako ah?" pagngiti ko rito.
"Sure, mga 7:30 pa lang nandun na ako."
"Ang aga mo naman maghihintay Kyle."
"Okay lang yun, basta Justin hihintayin kita ah? Promise magiging masaya tayo bukas." paninigurado nito sa akin.
"Sige sige." sagot ko naman rito nang nakangiti.
flashback ends)
Naabala naman ako sa naalalang usapan namin kahapon, paano kung maghintay nga iyon? Ahhhhh.....
Bigla namang umulan, una ay mahina, at medyo lumakas hanggang sa palakas ng palakas, masyadong biglaan ang bagsak.
"Jaja anak tara doon muna daw tayo sabi ng ate mo at makasilong tayo, dali ang lakas ng ulan oh." pagsigaw ng aking inay.
"Kuya dali." sigaw naman ni Arvin.
"Bilis kuya tara." dagdag naman ni Charl.
Nakasilong naman kami, nguni't sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay nababasa padin kami kaya kailangan naming lumipat sa may kainan.
Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa nawari at biglang nag-init ang aking dibdib tanda na ninenerbyos ako, paano kung naghihintay nga si Kyle sa akin? Sabi niya pamo sa akin kahapon na magmo-motor lang siya, kaya tiyak na mababasa iyon dahil sa sobrang lakas ng ulan ngayon.
"Ah ma, sige mauna na kayo doon, may pupuntahan lang ako." pagsigaw ko rito dahil sa ang lakas na ng ulan at dali-dali na akong tumakbo.
Ewan ko pero ninenerbyos ako habang tumatakbo sa kalagitnaan ng napakalakas na ulan, basang-basa na ako. Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo, halos gusto ko nang lumipad.
Itutuloy
Hello po Author, ako po yung Ken! Sorry po baka ma-misinterpret niyo yung sinabi ko pero nagagandahan po talaga ako sa story niyo. Di ko lang po alam i-express sarili ko. Awesome job and I am waiting for the next update! ~Ken
ReplyDeleteWasn't referring about that, but anyway, thanks sa feedback mo. It is just that, na-curious lang ako sayo Ken :)) Keep waiting !!
Delete- Angelo (author)
Dear Readers,
ReplyDeletePasensya po kung medyo napa-hard si Justin dun sa part na kumakain sila ng family niya. (was referring about dun sa "magugustuhan ko ba yun kung panget?")
It is just that, ayaw niya pong magpatalo sa dalawang hampaslupa niyang kapatid. Kasi po ayaw niya po kasing isipin ng mga kapatid niya na pangit si Kyle which is gustong-gusto niya.
Sinusubukan ko po kasing i-realidad yung mga pangyayari, yung bang kahit hindi mo gustong sabihin ay nasasabi mo unexpectedly dahil sa gusto mo itong ipagtanggol. Sana po nakuha niyo, thanks. :))
- Angelo (author)
Kuha naman otor. Merung mga words ma di ako pamilyar tulad ng bumulad, wari, pamo, inagkat. xD
DeleteHi anonymous,
DeletePasensya na po, purong kapampangan ata ang mga yan, sorry po talaga.
- Angelo.
Author, nice job! Ang ganda! Loving it so far!
ReplyDelete-neon
masanting ya ing story mu ipagpatuloy suporta kaming todo. dakal a salamat king update.
ReplyDeleterandz
Dakal a salamat keka. Panenayan mo la reng chapters ku neh? Thanks :))
Delete- Angelo (author)
Dear Author,
ReplyDeleteAng ganda talaga ng story mo. Inaabangan ko mga kasunod nito. Tanong ko lang. Gusto mo ba ng editor? Para mas mapaganda yung delivery ng story sa readers? Sabi nga kasi nung isang reader di nya maintindihan yung ibang words kasi nga nasa kapampangan yun. Kaya ayun. ;))
Pero over-all, the story is getting exciting. Keep it up. I'm expecting alot to the next chapters. :)
Your kapampangan buddy,
Dee :)
I'm becoming a fan of your story. Super like ko yung part about palitan nila ng txt msgs. Hehe. - John of vancouver
ReplyDeleteSana lng mapadalas ang update. Angganda eh. ^_^
ReplyDelete..ang ganda. Salamat
ReplyDelete-paul jhon.
yung ibang words kapampangan baka di maintindihan ng ibang readers...
ReplyDeletepero habang tumatagaI gumaganda yung story!! job weII done!