NICKO
A Promise of Forever
16 ♥
Author"s note: Sensya na sa late update.. one day lang naman hehe every monday and friday yung update ko pero this month mejo bumibusy talaga kaya super sorry.. uhm babawi nalang ako .. salamat sa suporta sa nicko.. comments and suggestions lang if gusto niyo love you all Ingatz alwiez chapter 16 here..:)
SI NICKO
Kinabukasan nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko agad ko naman tong pinatay saka nag-inat.. Haixt new day. Napalingon lang ako kay jonas na mahimbing parin na natutulog.. Napangiti lang ako ng mapagmasdan yung mukha niya.. Hindi ako mapapagod pagmasdan ang ganito kagwapong mukha.. Nilapit ko lang yung mukha ko saka sya masuyong hinalikan sa mapupula niyang labi..hanggang maramdaman ko yung pagyakap niya sakin. Humiwalay naman ako saka ngumiti sa kanya.
" kiss mo pa ko nicko." saad niya habang nakapikit.
" bangon na tayo.. May pasok po ngayon.?" kita ko naman na dumilat sya saka hinawakan yung mata ko.
" may muta ka." ngiti niya.
" grabe ka tara na bangon na tayo para hindi tayo malate."
" aixt gusto pa kita kayakap eh.. Ang aga mo kaya natulog kagabi.. Wala tuloy nangyare."
" nangyareng alin.?"
" uhm alam mo na yun.."
" sex.?" ngiti ko napakamot naman sya ng ulo saka tumango. " bakit hindi mo kayang banggitin yun.?"
" kasi po mas bagay yung term na making love.. Para kasing ang laswa nung term mo eh."
" wusshhuu.. Parehas lang kaya yun.. Gusto mo tagalog term pa eh.?" ngiti ko natawa naman si jonas.
" wag na.. To talaga oh."
" ang conservative mo jonas grabe.."
" ang bastos kasi sa tenga.. May mga word naman na mas pleasing pakinggan eh.."
" eh pano kung banggitin ko yung tagalog term magagalit ka ba.?" ngiti ko.
" wehh nicko umayos ka huh.. Hindi naman tinuro satin yan ah.. Lagot ka kay mommy kala mo mumultuhin ka nun."
" pano kung gusto ko.?"
" uhm hindi tayo magmamake love the whole day pag lumabas sa bibig mo yung word na yun."
" kaya mong wala yun.?" saad ko kita ko naman na umiwas sya ng tingin kaya napangiti ako nilapit ko lang yung bibig ko sa tenga niya. " kantu-" bulong ko sana pero tinakpan niya yung bibig ko.
" umayos ka huh." saad niya habang hawak yung bibig ko tinanggal ko lang yung kamay niya saka sya binigyan ng matamis na ngiti. " nicko naman eh."
" wusshhuu ang arte."
" hindi kaya bagay sayo... Ang gwapo gwapo mo tapos bumabanggit ka ng mga ganung word. Hindi talaga bagay nicko kaya tigilan mo huh.. Grabe talaga natutunan mo kay sofhie."
" jonas.. Words lang yun no.."
" yeah words lang yun pero sapat na para ijudge ka ng iba.. If you want to be respercted always choose the right words.."
" daming alam.. Tara na nga bangon na tayo.." saad ko saka umupo sa kama kumunot lang yung noo ko ng hawakan niya yung kamay ko saka pinasok sa kumot napalingon naman ako sa kanya. " ano.?"
" uhm sex tayo.?" hindi ko naman mapigilang matawa. " sige na nga nicko pag tayong dalawa lang kahit anong word ok lang."
" ok sabihin mo yun in tagalog.?" ngiti ko.
" alin.?"
" yung sex tayo.?" ngiti ko umiling naman sya kaya hinugot ko yung kamay ko.
" nicko naman eh. Ayoko nga ok na ko sa english..yun nalang."
" gusto ko sabihin mo yun sa tagalog.?"
" ok fine.. Nicko magniig tayo." saad niya habang natatawa.. " so game na.?"
" naman super lalim gusto ko yung mas mababaw na tagalog."
" grabe naman nicko.. Tinagalog ko na nga eh.?"
" mas mababaw na word nga.?" ilang sandali naman syang nagisip habang nakatingin sakin.
" uhm nicko pwede ba tayong magpulot gata?"
" aixt ayoko na nga. Bahala ka jan.. Maliligo na ko." simangot ko saka tumayo pero nahabol niya yung kamay ko saka muling hinila pahiga.
" oh eto na nga po.. Nicko kantu- aixt naman ayoko talaga nicko ang bastos eh."
" ewan ko sayo..!"
" grabe to.. Oo na eto na po.. nicko kay susan tayo?"
" kay susan.?"
" read my lips." ngiti niya saka binigkas yung salitang yun.. Natawa naman ako. " oh happy ka na.?"
" ewan ko pa nga sayo jonas.. Bahala ka nga jan."
" weehh game na.. Malelate lalo tayo kapag nagpakipot ka pa.. Saka kaya mo bang tangihan yung ganitong mukha.?"
" oo na sige na." simangot ko sa kanya agad naman niya kong niyakap saka hiniga sa kama..
" ang sarap mo talaga yakapin nicko."
" wait anong oras ka nga pala natulog kagabi.?"
" hindi pa nga ako natutulog eh." saad niya saka ako hinalikan sa leeg kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
" anong hindi ka pa natutulog.?" tanong ko.
" kapipikit ko palang nung nagalarm yung cellphone mo.. Grabe mo ko titigan.. Ginagawa mo ba lagi yun habang natutulog ako.?"
" wait nga lang.." marahan kong tulak sa kanya. " bakit hindi ka natulog.?"
" uhm.. Insomia."
" wehh wala ka naman nun antukin ka nga eh."
" basta." ngiti niya saka ako mapusok na hinalikan sa labi.. Hinayaan ko naman sya sa ginagawa niya hanggang unti unti ng nahubad lahat ng saplot namin sa katawan.. Ako naman yung pumatong sa kanya.
" pano ka papasok niyan eh puyat ka.?"
" basta.. Game na."
" puro ka basta.. Kagatin kita jan eh."
" oh nicko wala ng kagatan.. Masakit pa yung kagat mo sakin nung nakaraan eh." pilit ang ngiting saad niya hinalikan ko naman sya sa labi pero marahan niya lang akong tinulak. " wag sa lips.. Wala na kasing kagatan.. Kailangan gwapo ako bukas eh."
" bakit.? Eh ako kaya ang sasali sa contest."
" basta nga.. Game na kasi kapag talaga nalate tayo huh."
" ewan basta basta nanaman.." simangot ko pero mapusok niya lang ako hinalikan sa labi saka diniin yung mukha ko sa mukha niya sinagot ko naman yung halik niya. Haixt sana araw araw ganito.. Para akong nasa heaven.
Pagkatapos naming maligo ni jonas nagtaka lang ako ng makitang hindi uniform yung sinuot niya.. Agad naman akong lumapit dito.
" bakit hindi ka nakauniform.. Hindi ka kaya papasukin ng guard."
" uhm hindi ako papasok eh." ngiti niya.
" what.?"
" nasarapan ka ba masyado sa ginawa natin kaya nabingi ka na.?" saad niya binato ko naman sya ng suklay. " oh bakit ka namamato.? Pakiss nga uli.." saad niya saka ako hinalikan sa labi sinimangutan ko naman sya pagkatapos ng halik na yun. " oh wag ka sumimangot lalo kang nagiging hot sa paningin ko eh."
" bakit hindi ka papasok.. Friday ngayon."
" basta."
" yan ka nanaman sa basta huh.."
" aixt ang daming tanong may okasyon sa bahay nila tita pinapupunta ako."
" ng ganito kaaga.?"
" uhm tutulong ako sa pagluluto.?"
" hoy jonas wag mo ko pinagloloko huh.. Wag mo sabihin na tinola ang lulutuin mo dun..yun lang naman alam mong luto ah.?"
" haixt nixko daming tanong.. Maghihiwa lang ako ng ingredients."
" hindi ka nga humahawak ng knife.?" kita ko naman na napakamot sya sa ulo. " san ka nga pupunta.?"
" kala tita nga.."
" mamatay man.?" kita ko naman na umiwas sya ng tingin.
" uhm gusto mo ikiss kita.. Grabe nicko.. One more round pa tayo.. Nangigigil ako sayo eh.." ngiti niya sinimangutan ko naman sya.
" saan ka nga pupunta.?"
" kasi naman eh..panira ka pa nga nicko.."
" ah ganun.. San ka nga sabi pupunta eh.?" kita ko naman na nagkamot sya saka nakangiwing tumingin sakin. " ano? San ka nga pupunta.? Pwede ba sagutin mo nalang.."
" kala dr. Patrick.." simangot niya.
" at bakit ka pupunta sa kanya.. Tapos hindi pa ko kasama.?"
" basta nicko.. Trust me.." saad niya saka kinuha yung bag ko at sinukbit sa balikat ko, tinitigan ko naman sya. " trust me nicko.. Please."
" ano bang gagawin mo dun.?"
" may hiningi lang akong favor sa kanya..saka 7am usapan namin ihahatid lang muna kita sa school.. So lets go."
" bakit ayaw mo sabihin sakin.?"
" naniniwala ka ba sa fairytale nicko..?"
" fairytale..? Parang snow white and cinderela.?"
" uhm fairytale na tayo ang bida.. Ikaw at ako.."
" ano nanaman yan jonas.. Umayos ka nga sama nalang ako sayo.."
" wag na nga hahatid na kita.."
" fairytale.? Ang weird mo pa nga."
" oo nga.. Bibigyan kita nun.. So kalma ka lang..hatid na kita." tulak niya sakin palabas ng kwarto wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.. Haixt ano kaya pinapalano ng lokong to..
SI JONAS
Tanghali na nun tumuloy ako sa bahay nila sofhie pagkagaling sa bahay nila dr. Patrick.. Haixt ang bait talaga ng bago naming daddy.. Pagtapat ko sa gate nila sofhie agad lang akong nagdoorbell maya maya ay lumabas na yung katulong.
" sir kanina pa po kayo inaantay ni mam sofhie." saad ng katulong habang binubuksan yung gate ngumiti naman ako dito saka pumasok. Naabutan ko lang si sofhie sa sala na halatang inaantok pa.
" haixt finally.. 7am ka tumawag sana sinabi mo na 12 noon ka pa pupunta para alam ko naman.?"
" uhm pasensya naman." ngiti ko.
" so jonas anong kailangan mo.. Hindi ko pa natatawagan si nicko.. Kamusta sya."
"ok lang sya... tungkol sa kanya kaya ako nandito."
" what about him..?"
" uhm sofhie wag kang mabibigla huh.. Kami na kasi ni nicko." pilit na ngiti ko kita ko naman yung gulat sa mukha niya saka napatayo kita ko lang yung titig niya sakin. " sofhie let me explain.."
" uhm sofhie wag kang mabibigla huh.. Kami na kasi ni nicko." pilit na ngiti ko kita ko naman yung gulat sa mukha niya saka napatayo kita ko lang yung titig niya sakin. " sofhie let me explain.."
" are you serious..?"
" seryoso sofhie.. Inamin ko na kasi sa kanya yung nararamdaman ko eh.."
" and ikaw ang pinili niya.?" kita ko lang yung sama ng tingin niya sakin.. Napaatras lang ako ng humakbang sya sa dereksyon ko. " may usapan tayo di ba.?"
" sofhie kaya nga ako nandito para magsorry.. Alam ko kasi na mahihirapan si nicko sa pagsasabi sayo eh." napalunok lang ako tumigil sya sa paghakbang sa tapat ko.
" may usapan tayo jonas.." kita ko lang na may tumulong luha sa mata niya. "may usapan tayo eh.!" sigaw niya saka ako malakas na sinampal.. Para naman akong narindi sa sampal na yun. " hindi ko pa naman sya pinapaiyak di ba.. At wala akong balak gawin yun sa kapatid mo.. Mahal ko sya.. Damn jonas..! Bakit hindi ka marunong tumupad sa usapan huh.!"
" sofhie.. Sorry na ako nalang yung saktan mo wag na si nicko."
" bullshit..!" muli isang sampal lang yung ginawa niya.. " jonas mahal ko si nicko.. Mangaagaw ka.!"
" mangaagaw..? Ako kaya yung mahal niya.?" pilit na ngiti ko habang hawak yung pisngi ko pero napanganga lang ako ng isa pang sampal yung ginawa niya. " wait sofhie masakit na.. Pwede ba sa ibang part naman.?"
" ang gago mo..! Hindi ako nakikipagbiruan jonas..! Ang sakit dito oh.." turo niya sa dibdib niya. " Oo sige alam ko na ikaw ang mahal ni nicko.. Pero may usapan kasi tayo eh at umasa ako dun!"
" kaya nga nagsosorry na ko eh.. Nanjan ba parents mo baka marinig tayo.?"
" wala sila kakaalis lang.. Jonas naman eh nakakainis ka akin na si nicko eh! Akin na sya eh.." umiiyak na saad niya.
" sofhie alam mong ako ang mahal niya.."
" mahal na ko ni nicko.. Putcha talaga oh kaya ayoko sumama sa out of town na yun eh nasalisahan tuloy ako.."
" Mahal ka ni nicko..bilang kaibigan lang."
" fuck you ka.. Kaibigan.. At yang tangang nicko na yan ilang beses mo ng sinaktan tapos ikaw pa din ang pinili.. Haixt.! Nandito naman ako eh.."
" kasi nga sofhie mahal niya ko.. Please patawarin mo na kami ni nicko." tumitig lang sya sakin habang umiiyak wala naman akong nagawa kundi ang umiwas ng tingin.
" jonas anong sabi ni nicko.. Ikaw na ba talaga ang pinipili niya.?" naluluhang saad ni sofhie marahan naman akong tumango.. Nasapo naman niya ng dalawang palad yung mukha niya saka humagulgol.. Lumapit naman ako sa kanya saka hinimas yung likod nito. " wag mo ko hawakan mangaagaw ka.. Kapatid mo yun eh..!"
" hindi ko sya kapatid di ba.?"
" nagsex na ba kayo ng boyfriend ko huh.?!" gigil na saad niya tumango naman ako.
" ang hayop mo..!" sigaw niya sakin aktong sasampalin niya ko ng hawakan ko yung kamay niya.
" wait sa ibang part naman.. Masakit na yung pisnge ko eh..baka mamaga na sofhie.?"
" tangina ka jonas..! Papatayin kita..!"
" oh wag iiyak si nicko pag ginawa mo yun.. Saka magagawa mo ba yun sa bestfriend mo.?"
" jonas ginagawa mong biro... Sobrang sakit kala mo ba.."
" I know.. I know walang magagawa yung sorry ko."
" alam mo pala bakit ka pa nagsosorry.?"
" sofhie naman ehh.. Alam ko kung may tao mang makakaintindi samin ni nicko.. Ikaw yun.. Sofhie mahal ko sya at mahal niya ko.. Kakampi ka naman namin di ba.. Sofhie haharapin na namin yung mundo hindi bilang magkapatid kundi bilang isa.. Please sofhie.."
" pano ako.. Ganun nalang yun.?"
" alam mo naman sa umpisa palang na ako talaga yung mahal niya di ba.. Sofhie maganda ka.. Alam ko naman na makakahanap ka talaga ng taong para talaga sayo.. Si nicko ginawa sya para sakin.. Kaya wag ka ng umeksena."
" bwisit ka jonas..!" nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung kurot niya sa hita ko. " may reklamo ka.? Sabi mo sa ibang part naman.?"
" oo na kahit saan basta wag mo na sasaktan si nicko huh.."
" tangina naman oh.. Ano to ikaw ang dadamay sakin.. Ikaw kaya yung umagaw sa boyfriend ko." tulak niya sakin natawa naman ako.
" bestfriend ka parin namin ni nicko.. Kaya ginagawa ko lang tungkulin ko bilang bestfriend mo." punas ko sa luhang dumaloy sa pisnge niya.
" umalis ka na lang pwede.."
" ayoko nga.. Ang kaibigan ay kaibigan di ba.?"
" inagaw mo nga yung boyfriend ko na kapatid mo eh.. Kaibagan ka pa ba nun.?"
" sus.. Sofhie.."
" gustong gusto kita patayin jonas.. Akin nalang si nicko please.?"
" sofhie mahal niya ko at sobrang mahal ko sya.. Alam mo kung gaano kabigat yung pinagdaanan namin parehas ni nicko.. Deserve naman namin sumaya di ba.. Ayoko na magpretend kasi sobrang sakit eh ok lang sana kung hindi ako mahal ni nicko..magpaparaya ako pero sofhie he loves me.. Kaya kahit anong mangyare ipaglalaban ko sya..gagawin ko lahat."
" sana kasi nagpakatotoo ka nung simula palang."
" hindi ganun kadali yun.. Please sofhie patawarin mo na kami ni nicko.. Mahal ka namin parehas.. Bestfriend nga di ba.. Intindihin mo naman kami.. Ikaw lang yung nagiisang tao na nasasabihan namin ng problema kaya kung mawawala ka pano na kami.? I know nasaktan ka namin pero sana patawarin mo kami."
" jonas i hate you.!"
" ok hate mo na kung hate pero bukas love na uli huh.. Please sofhie.?" tumitig lang sya sakin saka ginulo yung buhok niya. "Please sofhie."
" fine.! Pero sa oras na saktan mo si nicko.. Ill make sure na mabubuntis niya ko para sakin na talaga sya.."
" bibig mo naman. Ang bastos."
" ewan ko sayo.. Alam mo kung hindi lang kita kilala.. Ipapasalvage kita."
" ang brutal mo.. Saka sofhie Kailangan kita tomorrow.."
" bukas.. Eh pageant ni nicko yun ah.?"
" yeah.. Di mo pa nga pala alam.. Si anthony.. You know him di ba.. Kapatid sya ni nicko sa ama.."
" what.. Sila yung other family.? Na sumira ng pamilya ni nicko.?"
" yeah tumpak.. Well nakapagusap na sila kahapon.. Pero nalaman ko may plano yung antony na yun kay nicko bukas.."
" so galit sya kay nicko.. Bang kapal naman ng mukha niya.. Anong plano niya bukas..?"
" basta sofhie.. Kailangan kita huh.. Support mo naman kami nicko di ba.." ngiti ko umirap naman sya sakin pero niyakap ko lang sya. " sofhie kahit kakaiba ugali mo alam ko naiintindihan mo kami ni nicko.. Kaya thank you."
" tulungan mo ko magmove on bwisit ka huh.."
" oo naman ikaw pa ba.." ngiti ko napasiga wlang ako ng muling maramdaman yungkurot sakin ni sofhie sa hita. " masakit naman sofhie." naluluhang saad ko.
" mas masakit yung puso ko.. Reregaluhan ko ng mouthwash si nicko."
" bakit.?"
" ang baboy mo kasi.. Pinilit mo siguro sya noh.. Porket mahal ka niya pinilit mo syang may mangyare sa inyo."
" baliw mo sofhie.. Walang pilitin na nangyare.. Kahit tanong mo pa kay nicko.. Gustong gusto niya nga eh."
" aixt ayoko pakinggan." saad niya nagulat lang ako ng biglang dakutin ni sofhie yung harapan ko. " putulin ko yan eh.!"
" hoy wag..!" tanggal ko sa kamay niya..
SI NICKO
Halos magaalasnueve na nun ng makauwi ako sa bahay dahil sa rehersal sa gagawing competition bukas..pagpasok ko palang nakita ko na yung gamit ni jonas sa sofa.. Hindi man lang nagtetext kakainis.. Sinilip ko lang sya sa kwarto nakita ko lang na mahimbing na tong natutulog..kainis talaga..
Pagtingin ko sa mesa may mga pagkain dun na nakatakip binasa ko lang yung note na nakalagay duon.. " nicko super antok na talaga ko.. Eat whale huh I love you." basa ko sa nakalagay na note.. Napangiti naman ako.. Sweet parin naman pala.. Pagkabihis ay tumuloy na ko sa mesa hanggang maalala ko si sofhie.. Sa sobrang busy ko nitong araw nakalimutan ko sya.. Agad ko naman dinial yung number niya.
" hello." saad nito kumunot lang yung noo ko ng marinig yung iritable niyang boses.
" uhm sofhie nakauwi ka na ba.. Hindi ka kasi tumawag eh.? Gusto sana kitang kausapin eh."
" Im busy nicko.. Kitakits nalang tomorrow." saad nito hanggang maputol yung linya.. Kumunot naman yung noo ko.. Weird.!. Haixt naman bakit wala man lang moral support para bukas.. Haixt naman oh lalo tuloy akong kinakabahan.
Kinabukasan pagkagising ko nagtaka lang ako ng makita na wala na si jonas sa tabi ko..pagtingin ko sa cellphone ko nakita ko magaalas otso na.. Haixt late na pala.. Nainat lang ako saka lumabas ng kwarto pero hindi ko parin nakita si jonas duon.. Muli isang note lang ang naabutan ko sa mesa. " nicko breakfast ka na.. Kitakits nalang mamayang gabi. I love you.." basa ko sa note.. Agad ko naman kinuha yug cellphone ko saka dinial yung number ni jonas. Haixt kala ko ba tutulungan niya ko sa backstage.. Naman oh.. Ilang minuto ko na hawak yung cellphone ko pero puro ring lang yung narinig ko..napabuntong hininga nalang ako.. Haixt naman.
Alasais palang ng hapon nasa school na ko nagaayos ng mga susuotin ko.. Buset naman talaga si jonas oh..asan ba sya..simangot ko lang..samantalang yung mga kalaban ko may mga kasama ako lang ata ang mag-isa eh.. Wala man lang support.
" bakit ka naman nakasimangot.?" automatiko naman akong napalingon nakita ko lang si mark na nakangiti sakin.
" wala si jonas eh."
" ah ganun ba.. Gusto mo ako nalang ang tumulong sayo."
" no wag na kaya ko na to.."
" jonas asked me to help you." ngiti niya kumunot naman yung noo ko. " ayaw mo maniwala.. Gusto mo tawagan mo pa sya.?"
" ayaw nga sagutin eh nakakainis na."
" hayaan mo ng tulungan kita." ngiti niya habang inaayos yung mga damit ko.." wag ka ng sumimangot..smile dapat.. Baka matalo ka mabulyaso pa yung plano." bulong niya.
" plano.?"
" uhm wala sabi ko paano suotin to.. Hindi ka kaya mahirapan sa polo na to.?" saad niya saka kinuha yung isang polo.
" hindi yan..bagay naman sakin tong suite di ba.?"
" ang perfect nga eh.. Bagay yan sayo.. Yung talent mo talaga kanta lang..wala bang production number.?"
" uhm sus hindi ako magaling kumanta.. Dadaanin ko nalang sa Q&A.. Isa lang naman talent ko eh at si jonas lang nakakaalam nun." pilit na ngiti ko.
" uhm sus hindi ako magaling kumanta.. Dadaanin ko nalang sa Q&A.. Isa lang naman talent ko eh at si jonas lang nakakaalam nun." pilit na ngiti ko.
" huh anong talent.?"
" ah wala.." ngiti ko.
" ayusin mo nicko huh."
" oo naman.. Para sa pangupa ng bahay." ngiti ko. " mark ok naman tayo di ba.. Hindi ka galit sakin.?"
" bakit naman ako magagalit sayo.?"
" yung tungkol samin ni jonas.. Tapos yung nangyare sa bahay nila anthony.."
" yung kala anthony naiintindihan naman kita eh. Normal lang naman yung reactions mo.. And tungkol sayo inyo ni jonas.. Naghihintay lang ako ng pagkakataon.. Sasaluhin kita pag binitawan ka niya eh." ngiti niya.
" baliw hindi na ko bibitawan nun.. Mahal ako nun eh."
" basta aasa nalang ako. Are you ready mukha magsisimula na.. Nasa audience pala yung buo mong pamilya.. Sila tita michelle."
" sila tita michelle.?"
" yeah.. Support daw sayo eh."
" sus.."
" kala ko ba hindi ka galit sa kanila.. Ok na di ba.?"
" oo nga pala.. Pwede ba pagbabangitin mo yung pamilya ko. Yung name muna ni annalyn para goodvibes muna bago yung nakakabadvibes."
" wehh.. Ok sige dito lang ako gagawin ko lahat ng pwede kong itulong." ngiti ni mark.. Hanggang magumpisa yung kumpetisyon umaasa parin ako na darating si jonas nun pero nabigo lang ako.. Nasaan kaya sya.. Naging maayos yung performance ko alam ko hindi ganun kaganda yung boses ko pero nadaan sa attitude.. Rinig na rinig ko rin yung malakas na sigawan ng mga tao kapag lumalabas ako sa stage. Wala naman akong ginawa kundi ang ngumiti at magpacute alam ko isa ako sa pinakagwapo sa mga contestant ng gabing yun.
Tulad ng inaasahan ay nakapasok ako sa top five.. Kinilabutan lang ako sa sigaw ng mga tao ng banggitin yung pangalan ko.. Halos tibok nalang ng dibdib ko yung naririnig ko.. Si mark naman kita ko na nasa gilid lang ng stage habang nakangiti sakin.. Isa isa na ngang tinanong yung mga contestant ako yung pinakahuli na lalong nagpakaba sakin..
" let me call on contestant number 6.. Mr John Nicko Alcantara.." saad ng host ng contest ngumiti naman ako saka tumayo sa mark na inilaan sa mga contestant. " you look great nicko." saad pa nito rinig na rinig ko naman yung tiliin ng mga tao. " if you don't mind my asking.. Do you have a girlfriend.?" ngiti nito napalunok naman ako.. Haixt sa dami dami ng itatanong yun pa talaga.
" uhm none." saad ko rinig na rinig ko naman yung lakas ng tilian ng mga babae... I'm really sorry sofhie.. Break nanaman tayo eh.. Haixt.. Sorry talaga boyfriend na kasi ang meron ako eh.
" wow..ok nicko pick your question." saad nito habang hawak yung fishbowl kumuha naman ako dito ng kapirasong papel. " so nicko.. Heres your question.. Are you ready.?" ngiti nito.. Tumango naman ako pumaibabaw naman yung nakakakabang tunog.. " Do you believe in gay marriage.?why and why not.?" ngiti nito napalunok naman ako..
" first goodevening everyone." bati ko nagtilian naman yung mga tao pinilit ko naman ngumiti.. Jonas pag natalo ako kasalanan mo talaga..haixt sana man lang nagpakita ka humugot lang ako ng malalim na hininga saka binigay yung pinaka the best kong ngiti.. " yes." ngiti ko muli lang dumagundong yung gymnasium na yun dahil sa sigawan..halos pagpawisan naman yung kamay ko. "Absolutely marriage is about two people who love each other, who care about each other.. You can’t choose who you love, it just happens so It doesn't matter what gender you are or whatever your preference is.. Love is love. " sagot ko sa tanong.. Rinig na rinig ko naman yung malakas na palakpakan ng mga tao.
" wow nice answer Nicko.. Tama nga naman love is love..thank you." saad ng host.. Bumalik naman ako sa pwesto ko.
" naniniwala ka talaga dun.?" bulong sakin nung katabi kong kapwa contestant ngumiti lang ako saka tumango.
" oo naman.. Nakakakaba.. Parang kulang yung sagot ko.."
" well parang nga.. Pero tama naman yung sinabi mo.. Ako nga walang kweta yung sagot ko eh."
" oo nga kinabahan ka eh."
" kaya nga eh.. So if ikaw manalo congratzz.. Pakasalan mo nalang ako in the future."
" huh?" kumunot lang yung noo ko sa sinabi nito pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.
" look tingnan mo yung sarili mo sa white screen.. Oh di ba ikaw kaya yung pinakagwapo.. Pakasalan mo ko huh." ngiti nito napagmasdan ko naman yung sarili ko sa white screen sa gilid ng stage.bakit sakin nakatutok yung camera.. Putek naman. Haixt " type ka siguro nung nagvivideo." saad nito natawa naman ako.. hanggang dumating na yung annoucement ng nanalo mula sa 4th runner up.. Hanggang dalawa nalang kaming natira..napatingala lang ako sa kaba.. Haixt thisi is it..
" Our Mr campus this is year is none other than.. Contestant number 6 Mr John Nicko Alcantara..!!!" sigaw ng host halos kilabutan naman ako ng marinig yung pangalan ko.. Para wala ako sa sarili ng ilagay yung sash sa balikat.. Ako talaga nanalo..? Puro sigawan lang yung narinig ko ng mga oras na yun kasabay ng pagbagsak ng napakaraming competi.. Pero natahimik lahat ng mamatay ang ilaw tanging spotlight lang sa kinatatayuan ko yung liwanag at yung white screen... Hanggang magplay yung isang video.. Halos manlaki lang yung mata ko.. Ako yun habang nakikipaghalikan.. Nakablurred yung mukha ng kahalikan ko pero alam ko si mark yun..napalingon naman ako kay mark pero wala na ito sa kaninang pwesto nito.
nakagat ko naman yung labi ko.. Fuck gusto na tumulo ng luha ko nun lalo na nung marinig yung bulungan ng mga tao.. Yung iba sumisigaw ng boo.. Hanggang natapos yung video.. Nagsimula naman tumulo yung luha ko aktong tatakbo na ko ng biglang may nagplay pa na isang Video.. Nakita ko lang si jonas na nakangiti..
" the guy in video is me.. Yes tama kayo si nicko yung nasa video na yun at ako.." ngiti ni jonas ano ibig sabihin nito?. "kung ako lang hindi namin kailangan magexplain.. Kasi it really doesnt matter Kung ano sasabihin ng ibang tao pero dahil sa videong napanuod niyo kanina igagrab ko na tong apportunity na to.. Yes may relasyon kami ni nicko.." nagsimula naman tumulo yung luha ko.. Ano bang nangyayare hanggang marinig ko yung saliw ng isang kanta. "Pero sana bago niya kami ijudge.. Sabihan ng kung ano ano.. Please listen to me.. this is our story.. Ng kapatid ko.. Bestfriend, sanggang dikit at karamay sa lahat ng bagay.." halos wala kang maririnig kundi yung boses lang ni jonas sa video kahit yung host halata yung gulat sa nangyayare pero nanatili tong nakatingin sa white screen.
" I was 5 years old ng makilala ko si nicko.. Serious kid.. Hindi nagsasalita.. Laging nakatulala.. Sa edad niyang yun kita sa mukha niya yung pinagdadaanan niya and that is the time that I promise to myself na hindi ko na uli makikita yung itsura niyang ganun. Ginawa ko lahat para makita yung ngiti sa labi niya.. We grew up together.. Ng mamatay ang parents niya hindi ko nalang sya naging bestfriend kundi naging kapatid.. I didnt know it back then.. Hindi ko alam na its love na pala.. Hindi ko alam na nahuhulog na ko sa kanya. Sa taong naging kapatid ko."
" nung nareallize ko na hindi lang to pagtingin bilang kapatid.. Sinubukan kong ibaling sa babae yung nararamdaman ko at pinilit ko din si nicko na gawin yun.." Napalingon lang ako ng may isa pang ilaw na bumukas.. Nakita ko lang si sofhie na nakagown na paakyat ng stage..tuloy naman yung malamyos na kanta na bumabalot sa paligid..lumapit lang to saka hinawakan yung kamay ko. " para akong dinurog nun ng makita yung paghalik ng isang babae kay nicko.. Dun ko narealize na para sya sa babae.. Di ba nga sabi nila ang babae ay para sa lalake at ang lalake ay para sa babae.. I decided that time na isusuko ko na si nicko..tatanggapin ko na hindi talaga kami pwede." saad pa ni jonas sa video.. Nagsimula lang kaming magsayaw ni sofhie sa gitna ng stage.
" sofhie whats happening..?"
" fuck you ka.. Sumakay ka nalang pwede.?" ngiti niya sakin. " kung hindi lang kita mahal hindi ko gagawin to." pinunasan naman niya yung luha sa pisnge ko. " nicko goodluck.. Yung video niyo ng mark na yun..gawa ng kapatid mo." saad ni sofhie napalingon naman ako sa pwesto ni anthony kita ko lang yung galit sa mata saka naglakad palayo sumunod naman dito si annalyn at michelle.
" akala ko nun magiging ok na lahat.. Hanggang may isang taong pumasok sa buhay namin..si mark." napalingon lang ako sa likod ko nakita ko lang duon si mark na nakasuit na din habang nakalahad yung kamay sakin.
" can I have this dance nicko.. For the last time." ngiti ni mark umirap naman dito si sofhie saka tumango sakin.. Tinanggap ko naman yung kamay ni mark. Muli maririnig mo yung bulong bulungan sa paligid.. Pinilit ko naman tanggalin yung hiya ko. " nicko sorry about dun sa video."
" si anthony talaga may gawa nun.?"
" yeah.. Pero look tatabunan ni jonas yun.. This is your night nicko.. Congatz sa pagkapanalo."
" baka after nito bawiin sakin yung title." pilit na ngiti ko natawa naman si mark.
" actually nagpapasalamat ako kay mark.. Kasi sya yung nagparealize sakin na akin lang si nicko.. Na dapat ako lang yung mahalin niya.. Na ipaglaban ko yung nararamdaman ko.. Kung naamin ni mark na mahal niya si nicko bakit ako hindi..sabi nga nila hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.." saad pa nijonas sa video.. Ngumiti naman sakin si mark saka ko iniwan sa gitna ng stage. "So this is me.. Johny Celerez at ang nagiisang taong mahal ko.. John Nicko Alcantara.. Nasa harap niyong lahat at ipapakita namin ang bagong mukha ng pag-ibig and If this going to be a battle.. Ill fight for it, We will fight for it... Nicko I know we're not in a fairytle but Ill be your prince..I know that you are not a princes but Ill be your night in shining armour.. I love you.. And this night ill give you the promise of my forever.." bigla naman naglliwanag yung gitna duon ko lang nakita yung red carpet patungo sa isang puting sasakyan.
" ang corni ni jonas." rinig kong saad ni sofhie sa gilid.
" napuyat kami sa pagiisip nito." simangot lang ni mark.
" sofhie alam mo na.? Mark alam mo din to."
" oo alam ko na.. Pwede ba sumakay ka na dun...?" turo nito sa kotse.. Nagpalakpakan naman lahat ng tao.. Dahan dahan naman akong naglakad pababa sa stage.. Napangiti lang ako ng makita si dr patrick na nakatayo sa pinto ng sasakyan.
" nicko gagawa tayo sa sarili natin fairytale..kung saan ako at ikaw ang may happy ending.." ngiti ni jonas si video.. Naglakad naman ako hanggang makarating sa tapat ni Dr. patrick.
" Iho anak.. I'll be your fairy god father.. So sakay ka na.. Dadalhin kita sa magical place ng iyong fairytale."
" dr. Patrick naman eh." ngiti ko hindi ko naman mapigilan yung pagpatak ng luha ko.
" oh don't cry fairytale yung gagawin niyo hindi drama." ngiti nito. " sakay ka na.." saad pa nito tumango naman ako saka sumakay sa magarang kotse.. SI dr. Patrick naman yung nagdrive.. " are you nervous..?"
" mejo po. Saan po ba si jonas.?"
" uhmm papunta na tayo sa kanya don't worry." saad ni Dr. Patrick natigilan lang ako ng makitang paakyat ng bundok yung kotse...
" wait po sa duhat tree.?"
" yeah.. Yung mark ata nagsuggest nung place na yun."
" wow.. Anong nakain ni jonas.. Ginagawa niya to."
" I don't know.. Dinamay pa ko.. Nanahimik ako sa bahay eh" ngiti ni pa nito hanggang makarating kami sa taas malayo palang tanaw na tanaw ko na yun straktura na yun na pinuno ng napakaraming ilaw.. Namangha lang ako sa ganda nito.. Tumigil naman yung kotse. " goodluck Iho kitakits nalang bukas.. Sabi ni jonas maglalakad nalang daw kayo pauwi eh."
" what maglalakad po.?" gulat na tanong ko.
" joke lang.. Babalik ako dito after 3 to 4 hours.. Enjoy the momment anak.. Mahal kita."
" salamat po Dr. patrick."
" Daddy na nga di ba.? Si jonas nga yun na tawag sakin eh."
" Ok po Daddy Patrick." ngiti ko.
" baba ka na.." ngiti niya bumaba naman ako sa kotse humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagsimulang humakbang papunta sa hagdan.. Natigilan lang ako ng makita si jonas sa dulo ng hagdan na yun habang nakangiting nakatingin sakin.. Unang hakbang ko sa hagdan ay may tumugtug na kanta.. Fireflies.? Kunot ang noong saad ko sa sarili..
dahan dahan lang ako humakbang paakyat.. Parang prinsipe si jonas sa paningin ko ng mga oras na yun napakagwapo niya sa suot niyang puting suit.. Napagmasdan ko lang yung mga ilaw na nakapalibot sa struktura na yun. haixt nasa fairytale ba talaga ko.?
" wellcome my love.. My everything." ngiti ni jonas
" bakit fireflies yung tunog.?"
" uhm.. Kasi gusto ko bumagal yung pagikot ng mundo ngayon..nasa lyrics kaya yun.. Maganda naman ah.." natawa naman ako.
" you look so perfect jonas.. Parang prinsipe talaga sa isang fairytale."
" prinsipe naman talaga ko ah.. Sa sarili nating fairytale." tumingala naman sya sa langit. " look.. Full moon ngayon... And ang gaganda ng mga stars di ba..? Para silang mga alitaptap.."
" dream to ni mark alam mo ba.?"
" nasabi niya nga.. Pero sabi niya sakin na pangarap niya daw yun para sayo.. Yung kiss natin dito.. Tayong dalawa.. Tayong dalawa na totoong nagmamahalan.. Let this moment be magical for us nicko.. "
" thank you jonas.."
" no ako dapat magthank you.. Nicko gusto ko sanggang dikit na tayo forever.. Walang iwanan forever." saad niya saka hinawakan yung kamay ko at dinala sa gitna.. Dahan dahan lang kaming sumayaw sa ilalim ng napakagandang langit.. " nicko sorry sa lahat ng pain na naidulot ko sayo before.. Promise hindi na uli mangyayare yun.. Kasi ikaw lang yung mamahalin ko habang buhay.. Ikaw nalang at wala ng iba.. Magiging sayo ako at magiging akin ka forever.. This time I surrender my everything to you.. And I want to spend my lifetime with you." saad niya hinawakan ko naman yung pisnge niya.
" Promise is promise jonas huh."
" oo naman.." ngiti niya saka dahan dahang nilapit yung mukha niya sa mukha ko hanggang maglapat yung labi naming dalawa.. Parang biglang hindi ko na ramdam yung paligid ko ng mga oras na yun tanging mga yakap at labi lang ni jonas yung nararamdaman ko.. Parang kami lang yung tao sa mundo.. Sinagot ko naman yung halik na yun.. Ganito ba yung naramdaman ni mark nuon.. Haixt ang sarap pala.. Jonas pangako.. Habang buhay.. ilang sandali din tumagal yung halik na yun hanggang humiwalay ako sa kanya saka sya mariing pinagmasdan. " I love you nicko.."
" I love you too jonas.." ngiti ko napatingala lang kami ng magliwanag yung kalangitan napanganga lang ako sa ganda nito.. " wow jonas.."
" hindi ko afford yan.. Si Dr patrick ay may gusto ng fireworks.. Mas magical daw kasi.. Biruin mo yun si doc hopeless romantic din. "
" super ganda naman jonas..akala ko kanina sira na yung gabi ko.. Kasi wala ka.. Tapos hindi mo sinasagot yung mga tawag ko.."
" hello busy kaya ako.. Ang hirap ikabit ng mga ilaw na yan.." ngiti niya sabay turo sa ibat ibang kulay na ilaw na nakalagay sa railing ng hagdan at sa palibot..
" kaw talaga nagkabit.?"
" oo.. Si sofhie kasama ko dito kanina kaso iniwan ako dito.. Naggown pa ba talaga sya.?"
" oo super ganda nga niya eh.. Parang prinsesa.. Sinabi mo na sa kanya yung relasyon natin.. Nagalit ba sya.?"
" kinausap ko sya kahapon.. Nakadaming sampal sakin yun.. Tapos may pasa pa ko sa hita... Grabe manakit.. Pero ok na sa kanya.. Nagsorry na ko. Magsorry ka nalang uli sa kanya.. Alam mo bang si mark yung tumulong sakin para sa gabing to.?"
" halata nga eh.. Dito kasi ako dinala ni mark before.."
" sabi nga niya.. Binantaan pa ko nun bwiset na yun kapag sinaktan daw kita aagawin ka daw niya sakin.. Alam ko naman na hindi niya kaya yun eh ako lang kaya yung mahal mo."
" sure na sure ka huh.. Jonas walang foods..?" pilit na ngiti ko. " nagugutom ako.?"
" uhmm m meron syempre." saad niya saka may kinuhang basket sa gilid.. Mga tupperware lang syang nilabas duon. " si sofhie nagluto lahat.. Wait kunin ko yung mesa." saad nito natawa naman ako ng makitang aligaga sya sa pagaasikaso.
" bakit ka tumatawa.?"
"Ang ganda ng suot mo jonas tapos natataranta ka... tulungan kita gusto mo.?"
" no wag na.. Kinulang kasi ako sa oras eh.. Nagulat nalang ako ng marinig yung kotse ni Dr. Patrick.. Hindi ko tuloy naayos yung mesa." ngiti niya. Habang inaayos yung pagkain sa mesa.
" fairytale huh.?" natatawang saad ko napakamot naman sya ng ulo.
" teka lang naman.. Ito na oh.. Saad niya saka sinindihan yung kandila sa gitna ng mesa. perfect. "
" upo ka na mahal kong prinsipe." saad ni jonas umupo naman ako si jonas ay umupo lang sa harap ko lalo ko lang napagmasdan yung mukha niya.. Haixt forever na ba talaga kitang titigan..
" jonas may fairytale bang parehas na prinsipe yung nagkatuluyan.?" saad ko lang nagkibit naman ng balikat si jonas habang nilalagyan ng pagkain yung pinggan ko.
" hindi ko alam eh.. Baka tayo palang."
" wehh."
" nicko ang gwapo mo pa nga ngayon.. Kaya walang duda yung pagkapanalo mo."
" sana lang wag bawiin yung title dahil sa nangyare."
" sus deserve mo yun." nagsimula naman kaming kumain ni jonas napaksaya ko ng mga oras na yun napuno lang kami ng tawanan. Kung pwede lang na wag ng matapos yung gabing to gagawin ko..I know walang perfect.. Pero minsan yung happiness na mararamdaman mo is beyond perfection.. At yun ang nararamdaman ko ngayon... pagkatapos kumain ay tumanaw lang kami sa ganda ng tanawin na nasa harap namin. " ang ganda dito nicko noh..yung bango ng hangin ang sarap lang langhapin.."
" yung video namin ni mark hindi ka man lang nagalit sakin dahil duon.?"
" uhm kay mark ako nagalit.. Akin ka lang dapat eh.. Simula ngayon nicko ako nalang ang hahalik sayo huh.. Bawal na si sofhie.. At yung ginagawa niya sayo. Ako nalang ang gagawa.. Dapat wala ng hahawak sayo huh."
" si sofhie yung first kiss ko.." ngiti ko lang.
"Si sofhie.. Bakit ako ikaw ang first kiss ko.?"
" huh ako.. Eh di ba si jenny.?"
" uhm nicko isang beses kasi hinalikan kita habang natutulog ka." iwas niya ng tingin tumitig naman ako sa kanya. " remember nung nagkabukol ako..?"
" hinalikan mo ko nun.?"
" oo eh.." ngiti niya.
" so ikaw yung first kiss ko.?" ngiti ko tumango naman sya..
"Pero dahil sa kiss na yun nagkabukol ako.. Ang hirap naman kasi iresist ng lips mo.. Ang sarap sarap.." ngiti niya hinila niya naman yung kamay ko sa harap ng puno. " kita mo yun. Sinulat ko yung name nating dalawa.. Yang puno na yan ang saksi sa habang buhay nating pagsasama."
" wow.. Hoy jonas huh promise is a promise.. Walang iwanan.. Siguraduhin mo yan.. Humanda ka talaga sakin."
" opo mahal ko.."
" so ano pang gagawin natin dito.. Sabi ni Daddy Patrick 3 to 4 hours pa raw sya babalik dito." kunot ang noong tanong ko.
" syempre prepared din ako jan." ngiti niya saka may kinuha sa gilid at nilatag sa sahig.. Kumunot naman yung noo ko. " game ? Sa ilalim ng buwan at mga stars.?"
" huh.. Wait anong gagawin natin.?"
" kay susan tayo.?" natatawang saad niya lumapit naman ako sa kanya saka sya binatukan. " aray naman.?"
" ang baliw mo.. Pano kung may umakyat dito.. Para kang tange jonas huh."
" walang aakyat dito.. Sinabihan ko na yung mga gwuardia.. Game na."
" aixt ayoko.. Ang ganda ganda ng damit ko tapos huhubarin lang.. Sa bahay nalang kasi jonas." sumimangot naman sya saka hinawkan yung kamay ko. " sa bahay nalang kasi."
" uhm oo na sige na pero higa nalang muna tayo gawin natin kisame ang langit.." saad niya umupo naman ako sa tabi niya saka tumingala sa langit naramdaman ko naman na inakbayan niya ko. " nakikita mo yung mga stars nicko..?" lingon niya sakin tumango naman ako sa kanya. " tuwing makikita mong kumikislap sila.. Ibig sabihin nun It's me.. Telling you I love you.."
" wushu pano kung umuulan..?"
" hindi naman porket umuulan wala ng mga stars eh.. Nanjan lang sila kahit hindi mo nakikita.. Patuloy na nagsasabing mahal ka.. Titigil lang akong mahalin ka kapag nawala na yung kislap ng pinakahuling star sa kalawakan.."
" huh..?"
" malabo namang mangyare yun nicko.." natatawang saad niya . " kaya wag kang umasa na titigil akong mahalin ka.. Kasi ang imposible."
" can you sing for me jonas.?"
" kakanta ako.?"
" oo.. Gusto kita marinig kumanta.. Ayoko nung bearbrand song huh.?"
" how about monami saong.. Yung.. Monami monami loving you is so easy.?" tawa niya lang sinimangutan ko naman sya.
" ayoko nun gusto ko yung serious."
" walang guitar eh.. Pero sige para sayo." ngiti ni jonas saka tumitig sakin.
I see your soul In tune with mine
I Want you close I'm more than willing to devote my life
I Promise you Forever It' All I have to give
I Promise you together Is the Only way we'll live
Pumikit lang ako habang pinakikinggan yung boses nijonas saka sumandal sa balikat niya.. Umaasa ako na totoo ang forever.. At papatunayan namin ni jonas yun..
I Promise you myself with no limitations
Baby everything you need I'll provide
I'm laying it on the line
I Promise you forever
" tapos na nicko." saad niya habang hinihimas yung pisnge ko.
" alam mo jonas di ba sabi ko sayo dati hindi ka pwedeng maging angel kasi di ba yung mga angels magaganda yung boses..?"
" panget parin ba yung boses ko hanggang ngayon.?"
" super ganda na nga eh.. Yun yung pinakamagandang boses na narinig ko sa buong buhay ko.. At yung boses mo nirecord ko na dito sa puso ko para hindi ko makalimutan."
" wehh bola.."
" promise nga.. Hindi naman ako sinungaling no."
" sabi mo eh.. Pwede na ko maging singer.?"
" uhm mejo mejo.." ngiti ko.
" i love you nicko.. Forever."
" I love you too jonas.. Forever."
SI ANTHONY
Gigil lang akong bumaba ng kotse pagpasok sa garahe.. Haixt bwisit talagang jonas yun.. Pati si kuya mark.. Mamatay na kayong lahat.
" kuya anthony sino may gawa nung video ni nicko."
" anthony ano ibig sabihin nun."
" mom gusto ko lang gumanti kay nicko.. Hindi ba pwede yun huh..!!" nagulat lang ako ng bigla akong sampalin ni annalyn. " annalyn.?"
" kapatid mo yun.. Kapatid natin.. Bakit ginawa mo yun kuya.!"
" kasi ayoko sa kanya.. Ikaw lang naman may gusto sa nicko na yun di ba.. Kahit si mommy ayaw sa kanya kung hindi lang dahil sa sakit mo dapat wala tayo dito ngayon..!"
" ang sama mo kuya..!"
" tumigil na kayong dalawa.!"
" mom mali yung ginawa ni kuya.. Kahit ba kayo ayaw niyo kay kuya nicko.?"
" annalyn hinding hindi ko sya matatanggap.. Anak sya ni alice.. Yung sumira ng pamilya natin.!"
" pero mom tapos na yun..! Kapatid ko sya.!" kita ko naman yung pagtulo ng luha nito.
" I'm sorry annalyn."
" kuya subukan mo pang gawin uli yun kay kuya nicko.. Ako mismo gagawa ng paraan para iganti sya sayo..!"
" mamatay ka na annalyn.. Pano mo pa magagawa yun,?" sarkastikong ngiti ko sa kanya.. Tinitigan lang ako nito kasabay ng mga patak ng luha. " mamatay ka na tandaan mo yan at hindi ka maililigtas ng nicko na yun!!"
" anthony!!" sigaw ni mommy pero tinitigan ko lang to ng masama.
" ganyan ka ba kasama kuya huh."
" oo bakit..sana nga mamatay ka na eh para hindi na kami napipilitan ipasok si nicko sa buhay namin.. Mamatay ka na sana!!" sigaw ko pero isang sampal lang mula kay mommy yung natanggap ko hindi ko naman mapigilan tumulo yung luha ko si annalyn naman tumakbo paakyat sa hagdan.
" pumayag ka naman na gawin ko yun mommy ah.!"
" hindi mamatay ang kapatid mo naiintindihan mo.. Hindi!"
" mom magkaaminan nga tayo.. Sino ang totoo kong tatay.?" gigil na saad ko nakita ko naman na huminto sa gitna ng hagdan si annalyn saka lumingon samin. " mommy sabihin mo kung sino ang daddy ko.!!"
" ano ba sinasabi mo anthony.?"
" nagpaDNA ako at hindi kami magkadugo ni nicko..! Pero si annalyn kadugo niya.. Mom sabihin niyo kung sino ang daddy ko!" sigaw ko kita ko naman na umiwas ng tingin si mommy. " momy hindi ko daddy si daddy fred di ba.??!"
" shut up anthony.. Shut up!" sigaw ni mommy saka ako nilampasan pero hinawakan ko yung kamay niya nagulat lang ako ng isang sampal yung dumapo sa pisnge ko. " sa oras na itanong mo pa uli yan ako ang papatay sayo anthony!" sigaw ni mommy kasabay ng mga luha.
" mom.."
" naiintindihan mo ba huh..!! Naiintindihan mo.!" sigaw sakin ni mommy parehas lang kaming napalingon ng makita yung pagbagsak ni annalyn mula sa taas ng hagdan..halos kilabutan naman ako ng may makitang dugo sa sahig.. " annalyn!!" sigaw ni mommy saka agad lumapit dito.
Si patrick tatay ni anthony. Good job mr. Author
ReplyDeletepanu cla ndi mgkadugo? Iba rn b ang kanilang mommy? Mgpmamatch pa rn yata cla khit paano
ReplyDeleteKapatid sila ng nanay nya kasi anak si anthony ng tatay ni michelle..
ReplyDeleteTama. Magkapatid sila ng nanay nya sa ama.
DeleteI believe totoo nga na magkapatid sila ng mama niya. Kasi di ba wala namang nangyari kina Patrick at Michelle noon? Ama ni Michelle ang gumagamit sa kanya at sa kanyang kapatid. Kaya baka anak ng kanyang ama si Anthony o di kaya anak si Anthony ng kanyang kapatid.
DeleteHindi kaya mamatay sa story si jonas kasi about dun sa mga stars parang sign na yun. Tsk. Wag naman sana. Tapos ang title nicko a promise forever. Di ba? Parang ang sad nanan.
ReplyDeleteUu nga. Kapatid ni Michelle si Anthony...
ReplyDelete-Allen
Anak c anthony nung nagampon kila michelle dati. Yung laging gumagamit kay michelle. Kaya hindi tatay ni anthony si fred, at kaya masama ugali ni anthony kc nagmana sa ama.
ReplyDeleteDarkwizard
mystery kung cno papa ni anthony? galing blue pinagiisip mo kami. tnx sa update.
ReplyDeleterandzmesia
wala na namn sanang mamatay sa kanila nicko at jonas..
ReplyDeletenice story!`
ReplyDeletenice one!
ReplyDeleteUng umampon kina michelle ung tatay ni anthony...
ReplyDeleteNabuntis c michelle nung umampon sa kanila dati. Yung nangrarape sa kanilang magkapatid. Tama c darkwizard. ^_^
ReplyDeleteYup yung umampon kina Michelle ang tatay ni Anthony kasi lagi syang ginagamit nun. Kaya nga pati nanay ni Nicko pina-rape nya sa ama-amahan nya kaso nakatakas nanay ni Nicko. Si Mark naman ang anak ng kapatid ni Michelle sa foreigner.
ReplyDeleteSana mailabas na ang mga krimeng ginawa ni Michelle na pagpatay sa mga magulang ni Jonas at Nicko.
Mr. author, no tragic ending please :-)
Brian Xander (Brix)
Congrats author...ang galing sa bitin ng kwento mo...keep it up!!!
ReplyDelete*** Jan Ariez ***