Followers

Saturday, March 15, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 8: When Our Worlds Collide



The Wind, The Leaf and The Tree

Chapter 8

“When Our Worlds Collide”

By: Jace Knight



Author’s Note:

Hello, mga avid readers ng TLW. Rejoice for two things. Una, sa mga nag-aabang kay Alfer, eto na yun. Pangalawa, para sa mga estudyante na kakatapos lang mag Finals, kagaya ko, magsaya tayo. Nyahahaha!

Salamat sa mga nag add na sa akin sa Facebook. Sina Kuya Allen, Kuya Raff, Kuya Cord, at sa mga iba pang hindi ko matandaan. Sa bunso kong si Hao Inoue (lakas maka Shaman King X Bleach) from PUP, na nakaka-email ko, hi bunso. Kway-kaway sa inyo. Salamat po at dahil sa inyo, di nagiging boring ang vacant time ko. At salamat sa mga kakulitan, at pagbabahagi ng mga istorya ng buhay nyo. Hehehehe!

Honestly po, naooverwhelm ako sa mainit nyong pagtanggap sa gawa ko. Feeling ko, hindi ko pa dinedeserve ang mga papuri nyo sa akin, kasi baguhan pa lang ako. Sapat na po sa akin na nakakatulong ako sa inyo na magkaroon ng kwentong mababasa, pag may time (hihihi). Lalo pa’t nalaman ko’ng may mga readers po tayong nasa ibang bansa, o di kaya’y nasa dagat (ALAM na kuya ha?), na nabibigyan natin ng distractions sa kalungkutan at pangungulila sa kani-kanilang pamilya na nandito sa Pinas. Saludo po ako sa inyo mga kuya! :)

Enjoy the eight installment ng TLW mga dude.

Yours truly,
Jace


=============================================


== The Leaf ==

“Y-yui?” Napamaang ako ng nakita ko siya sa harap ng bahay.

“San ka galing Yoh?” tanong nya agad sa akin. Nagulat naman siya ng makita si Alfer na lumabas ng kotse. “Alfer?”

“Teka, magkakilala kayo nitong si Gonzales?” Si Alfer, sabay turo sa akin. “Kaya pala parang ang weird mo nung isang araw.” Dagdag pa ni Alfer na nakapag-paisip sa akin.

“Ah. Yeah. Magkaklase kami sa English.” Tinitigan ko naman si Yui na parang nagtataka. Gusto ko lang malaman kung bakit niya kilala si Alfer.

“Oh, okay. Small world. Siguro baka kasi nasa iisang school lang tayo.” Saad pa ni Alfer kay Yui. Bumaling naman ang tingin nito sa akin. “Well, uuna na ako sa inyong dalawa. Goodnight.” Sabay saludo kay Yui at pumasok ulit sa kotse niya.

Papalayo na ang kotse ni Alfer, at pareho lang naming sinubaybayan ang unti-unting pagkawala ng kotse. Walang imikan. Tumalikod na sana ako kay Alfer at aktong papasok sa bahay ng bigla siyang magsalita.

“Sabi mo kanina ililibre mo ako ng meryenda?” Saad niya.

Napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko lang itong nakasimangot na parang batang nagtatampo. Natawa naman ako.

“Ako na nga ang na-indian dito, ako pa ang pagtatawanan mo.” Simangot nya pa. “Ba’t di mo sinasagot mga tawag ko? At san kayo galing ng Alfer na yun?” Napatigil naman ako sa huling tinanong niya.

“Makatanong ka naman, para kang pulis.” Hahaha. Nagseselos ba sya? Haay. Ano tong mga iniisip ko. “Wag ka ngang feeler Jayden.” Pangaral ko sa sarili.

Binuksan ko ang gate ng bahay. Sumunod naman ito sa akin ng pumasok ako sa bahay.

“Sorry Yoh. Tumawag kasi si Maam Diana kanina, at ipinasundo nya ako kay Alfer. Nag-usap lang kami tungkol sa magiging trabaho ko bilang tutor. Sorry kasi nakalimutan kong magkikita pala kami ni Maam Diana.”

Umupo naman kami pareho sa sofa sa sala. “Eh di sana nagtext ka man lang?” Pagmamaktol nya pa. Napatawa naman ako ng mahina sa inaasal niya.

“Sorry na po Daddy. Nakalimutan ko nga magdala ng phone eh. Sinabihan kita kanina.”

“Daddy ka jan.”

“Daig mo pa kasi ang tatay na kinokompronta ang anak. Tss.” Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng sala. 10pm na pala? Napasarap ata ang kwentuhan namin ng mga Samonte. Pero naninibago pa rin ako. Dati rati kasi, si Nanay lang ang kinakausap ko ng matino.

“Sige Yoh. Una na ako, late na eh.” Sabi ni Yui. Tumango naman ako.

“Teka.” Pagpigil ko sa paglabas nya sa pinto. “Kumain ka na ba?”

Napahinto naman ito at humarap sa akin. “Wala pa po. Hinihintay sana kita para sabay tayong kumain eh. Pero parang nakakain ka na.” Sarkastikong saad niya.

“ ’To naman, nagtampo agad.” Napabuntong-hininga ako. “Sige, gusto mo sa may boulevard tayo? Balut tayo dun, libre ko.” Anyaya ko sa kanya. Natigilan at napakunot naman ang noo niya. “Wait, wag mong sabihin sa akin di ka pa nakakain ng balut?”

Umiling siya, at napahagalpak ako ng tawa. “Sige. Ganyanan tayo ah?” Napasimangot naman siya.

“Ang yaman nyo talaga no? Imagine. First time mong kumain ng kwek kwek nung isang araw, tas ngayon malalaman kong hindi ka pa nakakain ng balut? Ikaw na Yoh!”

“Sus! Dami mong alam. Tara na nga at gutom na gutom na ako. Baka mamaya, ikaw na ang lamunin ko dyan.” Napapatawa pa rin ako. Nagtuloy-tuloy naman sya palabas ng pinto at ako nama’y sumunod lang sa kanya.

==========================

== The Wind ==
Patay dun! Nalaman na ni Jayden na kilala namin ni Alfer ang isa’t isa. Nababasa ko sa mga mata ni Jayden ang malalaking pagtataka sa nangyari kanina. Buti nalang, na-divert ko muna yung usapan namin.

Natatawa ako sa sarili ko, bakit nga ba ako nagtatanong na parang boyfriend nya na selos na selos sa nakita kong kasama niya? Good thing Jayden didn’t notice it that much. Napaparanoid na ako sa kakaisip sa kanya. Haay. I think there’s something in my heart that really cares for him. Haay. Ano na naman tong naiisip ko? Nahahawa na ako sa ka-emo-han ni Jayden.

Narating naman namin ang boulevard na walang imikan sa byahe. Sakay kami nung motor ko, and as usual, nanginginig pa rin ang mga kamay nyang nakahawak sa bewang ko. Di ko na muna iniisip yun. Ang tumatakbo sa isip ko ay kung ano ang magiging kinahinatnan ng pagtatagpo ng mga landas naming tatlo nina Jayden at Alfer.

“Manong, anim na balut po, at sampung tempura. Pakisamahan na rin ng dalawang beer.” Narinig kong sabi ni Jayden sa tindero ng balut. Ako naman ay naupo sa mga mesang nakalinya sa may boulevard.

Ang sarap ng panahon. Masarap ang pagbugso ng hangin, ang paghampas ng dagat sa may dike, at ang makipagtitigan sa repleksyon ng buwan sa dagat. Maya-maya pa’y naramdaman kong tumabi sa akin ng upo si Jayden. “Ang bango niya.” Sabi ko sa sarili. Kinilig na naman ako.

“Pano mo pala nakilala si Alfer Yoh? Ang akala ko kahapon, kamukha nya lang yung lalaki na kasama mo sa picture frame dun sa kwarto mo.” Patay. Nagkaka-ungkatan na ng baho.

Hindi ko sya matignan. Kung maaari lang, ayoko pag-usapan si Alfer. Sayang ang inihanda kong surpresa para sa kanya. Nanatili lang akong walang imik. Kunwari naaaliw sa kagandahan ng dagat na nasisinagan ng buwan.

“Hoy! Anyare sayo Yoh?!”  Untag niya sa akin.

“H-ha? Ano nga yun?” maang na tanong ko.

“Si Alfer. Bakit mo sya kilala? Kaya pala parang ang weird ng ikinikilos mo nung isang araw at kahapon. Yung picture frame sa kwarto mo..”

Inilapag naman ng tindero sa mesang nasa harap namin ang inorder naming balut at tempura. “Oh? Bakit may beer?” pag-iiba ko sa usapan.

“Wag ka ngang ninja. Sagutin mo muna tanong ko.”

“H-ha? Eh kasi..”

“Kasi ano?”

“Ok fine.” Napabuntong-hininga muna ako bago ako tumuloy. “Magkaklase kami ni Alfer dati. Sa High School. Kilala syang basagulero at pasaway.”

“Given naman yun eh. Alam ko na ugali nun. ” Kumuha sya ng balut. Ako nama’y tempura muna ang inupakan.

“Siguro nga kilala mo na sya. Pero dapat mag-ingat ka pa rin dun. Di mo pa ata sya kilala.” Sabi ko sabay kagat sa Tempura. “Whooa. Ang init.”

“Anong ibig mong sabihin?” Matiim siyang nakatingin sa akin.

“Basta. Di mo pa alam ang hangganan ng katigasan ng ulo nya. Ang payo ko lang, mag-ingat ka. Kamuntikan na akong di makagraduate ng High School noon ng dahil sa kabulastugan nya.” Natahimik naman bigla si Jayden. Kinuha ko ang isang balut at pinalamig muna ito bago ko simulang diskartehan.

“Ui, di ganyan yan. Dapat dito sa magaang parte ng itlog simulang balutan. Tsk.” Natawa naman ako sa sarili ko. “Yan kasi, kung di pa kita nadala dito, ewan ko lang kung kelan ka pa makakakain nyan.”

Binalatan na ni Jayden ng bahagya ang balut. Sinabihan nya akong higupin muna ang sabaw ng malagyan nito ng suka’t asin ang balut. “Wow. Ang sarap pala nito?” Maya-maya, napansin kong may itim na parte na nasa loob ng balut. “Ui Yoh, may itim o. Bulok ba to?”

Napahagalpak sya sa tawa. “Hoy. Hindi yan bulok. Hinaan mo nga boses mo, nakakahiya. Napaka-ignorante mo. Sisiw po yan. Kainin mo.” Tumatawa pa rin sya.

“Ha? Kakainin ko to? Ayoko. Ayoko pumatay ng maliit at inosenteng nilalang.” Napailing na sabi ko.

“Tsk! Dami mong alam. Kainin mo nalang kasi. Ang arte, kala mo babae. Tsk!” Nakita ko syang tinungga ng buo ang laman ng balut. Ginaya ko nalang siya.

Pagkatapos kong namnamin ang balut, “Wow. Sarap!”

“Sabi ko sayo eh. Dami mo pang reklamo.”

“Maiba ako Yoh.” Kinuha ko ang bote ng beer at tinungga ito. “Kumusta pala ang pag-uusap nyo ng mga Samonte. Siguro naman, napansin mong iba sila sa anak nila no?”

“Ay oo nga pala Yoh. Ang bait-bait kasi ng parents nya. Pero siya, ewan ko kung san nagmana.” Si Jayden.

“Ganyan talaga yan. Napaka-rebelde nyang si Alfer, kahit si Tito Raphael, sinusuway nya. Basta sinasabi ko sayo, pag may ginawang kalokohan yang si Alfer sayo, sumbong mo sakin.”

“Salamat Yoh.” Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Haaay. Para akong nanalo sa lotto sa mga ngiting yun.

Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang nilalantakan ang balut at tempura. May beer naman eh, kaya napapasarap ang kwentuhan. Ang dalawang bote ng beer ay naging apat.

Iniisip ko din kung ano sasabihin ko pag binigay ko na ang surpresa ko sa kaniya. Malamang, bibiglain ko nalang sya. Sige, yun nalang.

“Yoh, yung ipod mo ba, sino nagbigay nyan?”

“Ah. S-si K-karin. Kilala mo na sya diba?” Alinlangang sagot nito.

Patay! Di ko naisip yun. Pero sige lang, tuloy pa rin ang plano. “Ah. Ganun ba? Siya ba naglagay ng mga kanta jan?” Curious na tanong ko.

“Hindi. Ako lang.” Nakatanaw siya sa malayo habang tinatapos ang natitirang beer na hindi ko namalayang naging anim na bote na pala. Napasarap siguro ang kwentuhan namin. Di ko napansin.

“Ahh.” Nasabi ko nalang sa isip ko. Ayun, umilaw na ang light bulb sa isip ko. “Manong, may tubig ba kayo? Makikihugas lang ng kamay.” Baling ko sa tindero.

Agad naman nitong tinuro ang galon ng tubig at tinungo iyon upang maghugas ng kamay. Pagbalik ko, si Jayden naman ang naghugas ng kamay.

“Eureka!” Sigaw ng utak ko. Habang naghuhugas ng kamay si Jayden, isinagawa ko na ang maitim kong binabalak. Hahahaha. “Maitim talaga? Di naman.” Kinuha ko ang bag niya, at may kinuha sa loob, sabay lagay ng surpresa ko sa loob ng bag. Binalik ko agad ang bag sa silyang kinauupuan niya. “Success!”

“Anong success?” Tanong niya mula sa aking likuran. Patay! Nakita kaya niya?

“W-wala. S-success, dahil busog na ako.” Ngisi ko pa sa kanya. Kamuntikan na. Buti di ako nabisto.

“Ui, parang saya natin ngayon ah? ‘Nung meron?” Kinuha nya ang bag nya at isinukbit sa braso niya. “Tara na. Mag-aalas-dose na po.”

“Wala naman. Nag-enjoy lang ako sa kinain natin. Salamat.” At tiningnan ko sya, mata sa mata. Tumayo na ako, pero nakaramdam ako ng hilo kaya napakapit ang isa kong kamay sa braso niya.

“Ui, Yoh. Okay ka lang?”

“Sorry Yoh. Nahihilo ako.” Which is true. Di po ako AMALAYER. Hihihihi

“Ai sorry Yoh. Kasalanan ko. Nakalimutan kong di ka pala nakakain ng rice, pinainom pa kita ng beer. Sorry talaga.”

“Okay lang Yoh. Magpedicab na lang kaya tayo? Delikado kung magdadrive pa ako.” Suggestion ko sa kanya.

“Wag Yoh. Delikado motor mo dito pag iniwanan natin. Ako na magda-drive.” Sabi nya. Nagulat naman ako. Akala ko kasi di sya sanay sa motor, marunong pa pala sya mag-drive?

“Sigurado ka?” Paniniguro ko sa kanya. Sumakay na sya sa motor at inistart ang makina.

“Oo. Alam ko pano mag-drive. Pero yung lumiko, di ko natutunan.” Tumawa sya. Nanlaki naman ang mata ko. “Hindi. Joke lang. Lika na, sakay ka na.”

Wala na akong choice kundi sumakay sa likuran nya. Wow. Ang bango pa rin nya. Napakapit ako sa bewang nya dala ng kalasingan. Hindi naman sya pumalag kaya inenjoy ko nalang ang pagkakapulupot ng kamay ko sa bewang nya. Ang landi lang eh, no? Hahaha..

“Kapit ka Yoh.” Narinig kong sabi niya. Umaandar na ang motor at napasandal nalang ang mukha ko sa likod niya dahil umiikot na talaga ang paningin ko.


================================
== The Leaf ==

Buti naman at nakaabot kami ng bahay na buhay pa rin. Inalalayan ko si Yui na makapasok sa may sala at ipinaupo sya doon. Naku, di na ata nito kaya umuwing mag-isa. Ang lalim na ng gabi.

Nakita ko ang phone niya sa may bulsa ng pantalon niya at kinuha iyon. Nagdial ng number at eksakto namang gising pa ang dinadial ko.

“Hello hijo? Asan ka na?” Sabi ng babae sa kabilang linya. Si Tita Pearl.

“H-hello tita? G-good evening po. Si Jayden po to.”

“Hello hijo, good evening rin. Nasan si Yui? Magkasama ba kayo?” Tanong ng mama nito.

“Opo. Kasi po nagkatuwaan kami sa may boulevard. At nag-inuman din ng beer. Andito po sya ngayon sa bahay. Kaso po, nahihilo na daw kasi sya.” Sagot ko.

“Ah. Ganun ba hijo? O sige. Pwede bang dyan nalang muna makitulog sa inyo si Yui? Tulog na kasi si Conrad, at wala na akong makakasama sa pagsundo  sa kanya.” Narinig ko pang napahagikgik ito ng tawa. Weird.

“Ah s-sige po. Ako na po bahala kay Yui. Good night po.” Sabi ko at naputol ang linya. Pero bakit napapahagikgik ng tawa si Tita?

“Yoh, uwi na ako.” Sabi ni Yui na nakaupo pa rin sa may sofa at nakapikit ang mata.

“Dito ka na daw matulog Yoh. Tinawagan ko na mama mo.”

Napaupo naman ito ng tuwid at ngumiti ng nakakagago. “Sure ka? Sige Yoh ah? Pramis. Behave ako.”

“Ui, yung ngisi mo. Creepy. Tara na, akyat na tayo. Maliligo pa ako.” Umakyat naman kami. Nakaalalay pa din ako sa kanya, mahirap na, baka mahulog sa hagdanan.

Nakapasok na kami sa kwarto ng bigla syang magsalita. “Yoh, pwede bang makiligo na rin? Lubus-lubusin ko na kabaitan mo.” Ngisi nya pa.

“Sige, pero una muna ako Yoh ha? Ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.” Tumango naman sya at pumasok na ako sa banyo dala-dala ang isang piraso ng boxers at tuwalya. Natapos na ako after 10 minutes. Nag-prepare ako ng isang boxers din na magagamit nya.

“Ang iksi naman nito Yoh.” Reklamo nya ng masuot ang boxers na pinahiram nya.

“Sus. Dami mong arte. Suotin mo nalang kasi.” Pumasok na sya ng banyo at narinig ko nalang ang paglagaslas ng tubig.

Natapos na din sya. Nakahiga na ako sa kama nang makalabas siya ng banyo.

Wow. “Ang hot niya.” Naisip ko. Tanging boxer shorts lang ang tanging suot niya. Nag-iinit ang pisngi ko, siguro, buong katawan na nga. Aarrgh! What is this feeling?!

Tumalikod nalang ako sa kanya nang mahiga na sya sa tabi ko. Gusto kung kunin ang ipod ko at makinig ng music para ma-distract ako sa ka-nerbyosan ko. Panu ba naman? Di ako sanay ng may katabi matulog, at ang hot pa. Wew! Lalagnatin na ata ako nito.

Narinig ko syang tumikhim. Nagpapapansin. Nakatalikod lang ako sa kanya. Pagkuwan ay binasag nya ang aming katahimikan.

“Good night Yoh.” Matamis na sabi nya.

“Good night din Yoh. Tulog ka na.” Nasabi ko nalang na kunwaring antok na antok na.

“Salamat sa pagpayag na dito ako matulog. Oyasumi nasai.” Di ko maintindihan ang huling sinabi nya kaya napabalikwas ako at humarap sa kanya.

“Ano yung huling sinabi mo?” Nakita ko lang syang nakaharap din sa akin na naka tagilid. Nakangiti ito habang tinititigan ako.

“Oyasumi nasai. Japanese for good night.” Natigilan naman ako ng dali-dali niyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Mas nanlaki ang mata ko ng dumampi ang labi niya sa pisngi ko. “good night Yoh.” At ipinikit nya ang mga mata nya.

Di naman ako makapgsalita o makakilos sa ginawa nya. “What just happened?” tanong ko sa sarili. “Did he just.. kissed me?”

======================================
== The Tree ==

“Ang liit pala ng mundo no? Akalain mo, magkakilala pala ang parents natin?” Pagbasag ko ng katahimikan. Hindi kasi ako sanay na nasa isang tahimik na byahe.

Tiningnan ko sya pero wala siyang imik. Ayan na naman ang bwisit na headphones na yan eh. Bigla kong hinablot sa may tenga nya ang headphones at napalingon naman agad siya.

 “Hoy! I’m talking to you.” Sinamaan nya ako ng tingin. Pero bakit ganun ang nakikita ko sa mga mata niya?

“Ano ba problema mo?!” Bulyaw nya sa akin. Natigilan naman ako ng makitang mamasa-masa ang mga mata niya. At walang ibang mababasa sa kanyang mga mata kundi kalungkutan at sakit. “Ihinto mo na ang kotse.”

Sa sobrang pagtataka  ko, inihinto ko na agad ang kotse. At lumabas na agad siya.

Pinakalma ko muna ang sarili ko sa pagkakatitig sa mga matang iyon. At nang makabawi, napansin ko ang isang motor sa tapat ng hinintuan namin. “Wait, I know him!” Saad ng utak ko.

Lumabas na ako ng kotse at nakita ako ng lalaki na nakatayo malapit sa motor. Halatang nagulat ito. “Alfer?”

“Teka, magkakilala kayo nitong si Gonzales?” Baling ko kay Yui, sabay turo kay Gonzales. “Kaya pala parang ang weird mo nung isang araw.”

“Ah. Yeah. Magkaklase kami sa English.” Alanganing sagot ni Yui.

“Oh, okay. Small world. Siguro baka kasi nasa iisang school lang tayo.” Nasabi ko nalang, bagama’t may kumukulit sa isipan ko. Siguro pagod lang ako. I need to rest. “Well, uuna na ako sa inyong dalawa. Goodnight.” Sumaludo pa ako kay Yui, at pumasok na sa kotse.

Kasalukuyang binabagtas ko ang daan pauwi sa amin, pero hindi ako pinatatahimik ng Gonzales na yun eh. Dami kong gusting itanong sa kanya. Unang-una, bakit kaya iba ang pakikitungo nya sa pamilya ko? Pangalawa, bakit ba sya parang umiiyak kanina ng ihatid ko sya pauwi? At pangatlo, may kung ano kay Yui kanina nang makita kaming magkasama ni Gonzales. Ano yun?

Nag-iisip ako ng malalim habang nagda-drive ng biglang.. “Anak ng kwek kwek!” Di ko nakita na paliko na pala ako papasok ng subdivision namin. Haay. Kamuntikan pa ako’ng mabangga sa isang puno ng mangga. “Ang tanga-tanga mo Alfer! Kasalanan mo to Gonzales.” Reklamo ko pa.

Nakauwi na ako ng bahay. Pagdaan ko ng sala, nakita ko si Mom na may kausap na isang detective na kinukuha nya pag meron syang kelangan pa-imbestigahan. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko’t nagbihis. Nakahiga na ako sa kama at nakikipagtitigan muna sa kisame.

Andami pa ring bumabagabag sa isipan ko. Pero maya-maya’y natigilan ako. “Why do I even bother thinking about him anyways? Tss. Makatulog na nga.” Sabi ko sa sarili.

But after an hour of tossing and turning on my bed, di pa rin ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table at chineck ang oras.

“Damn. 11:20pm na pala.” Pero pano to? Di ako makatulog.

Lumabas muna ako sa may veranda ng aming bahay at nagpahangin ng konti.

Nagulat naman ako ng biglang may umakbay sa akin. Pagtingin ko sa gilid, nakita ko si Mom.

“Di ka makatulog anak?” Ngiting tanong ni mama.

“Di pa po Ma. Kayo po?”

“Di rin eh. Iniisip ko si Gary, yung mama ni Jayden na best friend ko sa college. Di ko lang akalain na after all this years na walang balita sa kanya, wala na pala siya.” Naging malungkot ang parehong mukha at tono ni Mama.

Inalo ko naman si Mom ng pagtapik sa balikat nito. Nagpupunas na sya ng luha ng muli ko syang tignan, pero pilit pa rin siyang ngumingiti.

“Alam mo Son, si Gary na ang pinakamabait na kaibigang nakilala ko. Nang dahil sa kanya, naigapang ko ang masalimuot na college life ko, at nang dahil din sa kanya, nakilala ko ang daddy mo.”

Nararamdaman kong sinsero si Mom sa kwento tungkol sa mama ni Gonzales. Siguro, naging mabait nga talaga itong kaibigan kay Mom.

“Gary was the best of my best friends Son. At ngayong alam na naming ng Papa mo na wala na ang dating tulay na nag-ugnay sa amin, hinihiling ko na sana maging mabait ka din kay Jayden. Pakisamahan mo sya ng maayos.”

“W-what?!”

“Please son.  Kasi base sa pagpapa-imbestiga ko sa kanya, he went through a lot simula ng mamatay si Gary. I just found out na iniwan sila ng Papa niya even before na buhay pa si Gary.”

Natigilan naman ako. Kaya pala parang umiiyak si Gonzales nung binuksan ko ang topic kanina tungkol sa mga parents namin. May kung ano namang tumusok sa puso ko na di ko maintidihan. Siguro, guilt sa mga ginawa at sinabi ko sa kanya.

“Son, I’m counting on you.” Humarap sa akin si mom. “Make Jayden feel na may pamilya sya sa atin. Treat him like a brother. That’s the least we can do para masuklianang kabaitan ni Gary.”

Di naman ako naka-imik sa pakiusap ni Mom. She was sincerely staring into my eyes, asking for a help.

“Sige Son, matutulog na ako.” Maya-maya pa’y nasabi ni mo. At pumasok na ulit ito  sa loob ng bahay.

Nanatili lang akong nakatayo sa may dulo ng veranda at dinama ang hangin. “Tsk! Bakit ba ako talaga ang dapat makisama sa hambog na yun? Ano ba’ng pakialam ko sa kwento ng mga parents namin? Haay.” Asik ng isang parte ng utak ko.

Nang makaramdam ako ng pangangalay, umupo ako sa rocking chair. Pero bakit yata inuusig ako ng konsensya ko? Na nagsasabing maging mabait ako at sumunod sa hinihiling ni Mom. Na kaibiganin si Gonzales at maging isang kapatid sa kanya.

At yung naramdaman kong tumusok sa dibdib ko ng marinig ang ni Mom tungkol kay Jayden. Ano yun? Dinagdagan pa ng pagka-bother ko sa pagkakita ni Jayden na parang napaluha kanina sa kotse.

I don’t know what to do and what to feel. Maaawa ba talaga ako sa kanya? O magiging matigas pa rin ako pag naramdaman ko pa rin ang kahambugan ng lokong yun?

“Haay. Ewan ko. Bahala na nga.” Nasabi ko nalang at pumasok na sa loob ng kwarto at pinilit ang sariling makatulog.


=============================

== The Leaf ==

Nagising ako kinaumagahan. At ang unang pumasok sa isip ko ay yung halik na ginawad ni Yui sa akin kagabi. “Wait, hinalikan nya ba talaga ako sa pisngi? O panaginip lang ba yun?” tanong ko sa sarili ko. Kahit ako, di ko masiguro kung ano ba talaga.

Pagtingin ko sa gilid ng kama ko, wala na si Yui.  Nahiga ulit ako sa kama at napalingon sa may bintana. Konting ikot-ikot pa ng mata at may nakita akong note na nasa side table ko. Binasa ko naman ito.

“Good morning Yoh. Check your bag. Sana magustuhan mo. Ingatan mo yan ha? – Yui” ang sabi sa note. Nagtaka naman ako. Kinuha ko agad ang bag ko. Napansin kong may isang box na nakabalot sa isang kulay apple green na wrapper, at may card na may “Yoh :)” na nakasulat. Kinuha ko ito at isinantabi muna.

Hinahanap ko sa loob ng bag ko ang ipod ko, pero hindi ko ito makita. Tanging headphones lang ang nahagilap ko. Usually kasi, pag gising ko tuwing umaga, nagsa-soundtrip agad ako.

Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang box na sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Yui sa note nito. Kinuha ko ito sa tabi ng kama, at niyugyug ko pa habang hinuhulaan kung ano ang maaaring laman nun.

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at namangha sa aking nakita. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa bagay na ibinigay sa akin ni Yui. “Waah?! Ipod Nano, 7th Gen!!!” Sigaw ko sa sobrang kamanghaan. Amazing!

Hinagilap ko ang phone ko at nakitang may text ako galing kay Yui. “May mga songs na dyan. Hope you liked it. Good morning Yoh :)”. Napangiti naman ako pagkabasa ng message.

Dali-dali ko tong binuhay at napansin na may mga music na nga itong nakalagay sa memory. Plinay ko yung pinaka-unang kanta na nakita ko, “Mirrors” by Justin Timberlake. Ang ganda ng intro..

“Aren't you something to admire, 'cause your shine is something like a mirror. I can't help but notice, you reflect in this heart of mine. If you ever feel alone and the glare makes me hard to find, just know that I'm always parallel on the other side.

Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul I can tell you there's no place we couldn't go. Just put your hand on the glass, I'm trying to pull you through. You just gotta be strong.”

“Haaay! Ang ganda ng kanta!” Tili ko sa aking sarili. Bukod sa maganda ang beat, ang lyrics ang unang tumatak sa aking isipan. Nice!

“'Cause I don't wanna lose you now. I'm looking right at the other half of me. The vacancy that sat in my heart, is a space that now you hold. Show me how to fight for now, and I'll tell you, baby, it was easy coming back into you once I figured it out. You were right here all along. It's like you're my mirror, my mirror staring back at me. I couldn't get any bigger, with anyone else beside of me. And now it's clear as this promise, that we're making two reflections into one. 'Cause it's like you're my mirror. My mirror staring back at me, staring back at me”

Nakangiti lang ako habang tinatapos ang kanta. Haay. Ang ganda ng message.

 Pero maya-maya’y natigilan ako. I can’t accept this. Ang mahal kaya nito! We just met. At hindi naman siguro kailangan magbigay ng ganito kamahal na bagay dahil lang magkaibigan kami. “Ibabalik ko to sa kanya.” Nasabi ko sa sarili.

Tinext ko agad sya. “Sorry Yoh, pero hindi ko to matatanggap. Meet me sa may fountain mamayang 5pm.” Desidido na ako. Oo inaamin ko, nagustuhan ko ang gift at effort nya, pero di naman dito dine-define ang salitang “kaibigan” eh.

Nagreply sya. “Sorry ka rin Yoh. No return no exchange policy tayo ngayon. Wag ka na maarte. May gagawin ako mamayang after school. Punta nalang ako dyan mamayang gabi, pero walang bawiang mangyayari. See you :)”

Kahit di pabor sa gusto kong mangyari ang text nya, ewan ko pero napapangiti ako sa kakulitan nya. Napapangiti ako sa mga banat at paraan nya ng pagtanggi. “Loko! Sige, smell you laters Yoh!” reply ko sa text niya.

Kinagabihan, 8pm, dumating si Yui sa bahay. Nagdala na naman ito ng sangkatutak na fries, sundae, at burger. Pagbaba ko sa may kusina, nakita ko lang siyang nakangiti ng ubod ng tamis. “Konbanwa!”

“Ano yun?” Tanong ko.

“Good evening, kako.” Nakita ko syang pine-prepare ang mga dinala niyang pagkain sa may lamesa. “Kumusta araw mo? Nagustuhan mo ba?” Ang bagong ipod ang tinutukoy nya.

Naupo naman ako sa lamesa at kumuha ng fries. “Yoh, di ko yun matatanggap. Ang mahal kaya nun. Tas isa pa, may sentimental value yung lumang ipod ko.”

“Dahil si Karin ang nagbigay nun, ganun ba? Naku Yoh, panu ka makakamove-on nyan, kung sa twing pagmamasdan mo ang ipod na yun ay maaalala mo si Karin?” Sermon nya sa akin.

“Yoh naman eh.” Protesta ko. “Teka, yung lumang ipod ko pala. Di ko makita sa bag ko. Ang alam ko, dun ko lang yun nilagay eh.”

“Kinuha ko po. But don’t worry, tinago ko lang. Pero baka itapon ko na rin yun.” At tumawa sya.

“Ui Yoh, wag mong itapon! Sasapakin kita!”

“At bakit hindi? Eh, tinadtad mo na yun ng mga nakaka-depress na mga kanta. Sino pa mag tsatsaga dun?” Tumatawa pa rin siya.

“Ganyanan tayo ngayon?” Simangot ko sa kanya.

“Yoh. Tanggapin mo nalang kasi. Para naman mabawas-bawasan ang ka-emo-han mo. Nilagyan ko na nga yun ng mga masasayang kanta para sayo eh.”

“So ganun? Susumbatan mo pa ako?” Nakita ko lang siyang lumuhod sa harapan ko para magkaabot ang libel ng mga mukha namin. At tinitigan nya ako ng seryoso.

“Hindi naman. Sinasabi ko lang, move on.” Ngumiti siya. Ang gwapo-gwapo nya talaga pag ngumingiti sya.

“Salamat.” At sinuklian ko ang mga ngiting iyon.

 Kinuha nya ang tray ng mga pagkaing hinanda nya at sabay kaming nagtungo sa may garden upang dun pagsaluhan ang mga dala niya.

Naka-upo lang kami sa bench sa may garden na may lamesa at nagkwentuhan. Tawa lang kami ng tawa sa mga batuhan namin ng jokes. At si Yui, naku. Di nauubusan ng kalokohan.

“Yoh..” Pagkuwan ay nasambit niya. Nagtaka naman ako ng makitang seryoso lang syang nakatingin sa akin.

“Yup?” Sagot ko.

“Naniniwala ka ba kay Peter Pan?” Seryoso pa rin ang mukha niya.

Joke ba to, or what? “Ewan. Baket?”

“Kasi sabi nya, when you think of happy thoughts, you will fly.”

“Oo. Sabi nga nya. So?” Bumuntong-hininga naman ito. Takte! “Ano na naman problema nito?” sa sarili ko.

“Kasi, I’m thinking of you right now, but I’m falling..”


- Itutuloy -

21 comments:

  1. Guys eto na po ang Chapter 8 ng ating istorya. Maraming salamat sa paghihintay. sorry din po kasi natagalan. may ginawa lang po si Jace. tsaka isa pa po pala. sa susunod, may Cover Art na tayo for TLW, thanks to my kapatid Hao Inoue. Salamat bunso! :)

    hope you guys like this chapter :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sa update...more power!!!!!

      bruneiyuki214

      Delete
    2. thank you po.. si kuya allen, sabi nya, lakas mo daw maka POWER RANGERS.. hehehehe :)

      Delete
    3. I love this chapter. I can honestly say na super nag improve ka. Sobrang ganda. I know mahirap mag update ng madalas pero sana dalsan mo :))) -suzaku

      Delete
    4. salamat po mahal na Suzaku! really appreciate your words of encouragement. salamat :)

      Delete
  2. grabe ganda talaga haha tnx author s update ... mwah

    KRVT61

    ReplyDelete
  3. Ganda ng chapter.. :) thanks author

    ReplyDelete
  4. Update na agad please. Haha

    ReplyDelete
  5. Nice good story tlga

    Cord

    ReplyDelete
  6. Saya ng last line wagas!
    Mvg

    ReplyDelete
  7. nice, sana may update kaagad..

    ReplyDelete
  8. Ah kakakilig this chapter :))
    Tas favourite ko pa ung Mirror ni JT...

    ReplyDelete
  9. thanks xa update author :)

    - poch

    ReplyDelete
  10. Naks
    Kung maka punch line wahas. Hehehd

    ReplyDelete
  11. Nice. Ang cool naman naman ng banat. Ikaw yui a. Hehe. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  12. Ayos! Ganda ng update idol! Kayo na, Yui at Jayden! Aabangan ko rin yung kay Alfer! ~Ken

    ReplyDelete
  13. Kilig moments. ♥ More more pa ng info about kay Alfer. Thanks sa update kapatid :)
    -Allen

    ReplyDelete
  14. Ganda naman author. Ganito gusto kong story, yung light lang pero kakakilig. Keep up the good work po. XD

    -Kevin

    ReplyDelete
  15. That was great! Akala ko matatapos na ung chapter na malungkot kase seryoso nnmn ung mga characters. But no, I was wrong. At napacomment nnmn ako ng mejo mahaba haba. Hahaha SH*T! YUNG BANAT TLAGA NI YUI SA HULI YUNG NAGPAGANDA NG BUONG CHAPTER. Galing ng pag cut. ^_^ Magaling.

    -Vin

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi nga, save the best for last bhing :) glad you liked it..

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails