NICKO
A Promise of Forever
18 </3
Authors note: maraming thank you sa lahat.. Matching malaking smile..:) nung sinulat ko yung nicko hindi talaga sya yung kilig kilig type na kwento.. Super heavy po talaga.. Dinagdagan ko lang sya ng mga kilig moments nila ni jonas.. Dapat talaga ang balak ko lang sa nicko is up to 15 chapters lang kasi masyadong madrama.. Masyadong tragic..since hindi ko alam kung magugustuhan ng mga readers.. Ang gusto ko lang iexpress yung kwento na to na nabuo sa malikot kong imahinasyon..may mga part na pinili kong tanggalin nalang.. So brutal kasi..( hilig ko kasi manuod ng mga nakakatakot na movie.) haha.. Sa mga nagustuhan yung kwento thank you.. Mwuah mwuah chups chups.. After ng nicko tutuloy ko na yung bliss 2 and bagong story na super gaan lang... Abangan niyo nalang yung teaser love you all.. Don't forget to comment..
SI ANNALYN
After a few weeks ay lumipad na kami ni mommy pabalik ng states kahit ayaw ko umalis gagawin ko para kay kuya nicko.. Pipilitin kong mabuhay para sa kanya. Sana tigilan na sya ni kuya anthony..sana.
" magpahinga ka na annalyn." saad sakin ni mommy pagdating namin sa malaking bahay.. Pinilit ko naman ngumiti saka tumango. " bukas yung schedule natin sa doctor mo kaya magpahinga ka na.."
" mom gagaling ako di ba.?"
" oo naman anak.. Lumaban ka.. Mas malakas ka sa sakit mo naiintindihan mo.. Gagawin lahat ni mommy para sayo."
" thank you mom."
" akyat ka na." ngiti nito umakyat naman ako sa hagdan saka pumasok sa kwarto.. Kamusta na kaya sya.. Kinagabihan ay nanatili lang dilat yung mga mata ko.. Nakikiramdam sa paligid.. Malalim na yung gabi nun nang magpasya akong tumayo nang matapat ako sa kwarto ni mommy dahan dahan ko lang tong binuksan para masiguradong tulag na to.. Nang makita ko na naghihilik na sya ay dahan dahan na kong bumaba. Sana ok pa sya.. Buntong hininga ko lang saka nagmamadaling bumaba sa basement ng bahay namin.
" lola..?" tawag ko lang pero walang sumagot kaya lumapit ako sa isang pinto narinig ko naman yung galaw ng isang kadena..haixt ok pa sya.. Maya maya bumakas yung pinto..ngumiti lang ako sa matandang babae na lumabas dito.
" you're back iha.!" ngiti nito saka ako mahigpit na yumakap.. Pakiramdam ko parang lalo syang pumayat.
" lola pumayat po kayo.?" pilit na ngiti ko.
" hindi naman.. Dinadalahan naman ako pagkain nung katulong niyo..pasok ka.."
" parang hindi naman po eh.." pumasok lang ako sa kwarto na yun saka nilibot yung paningin ko.. Napadumi nito at may kakaibang amoy.. Pano ka niya natatagalan to.. " baka mahuli ka ng mommy mo..?"
" tulog na po sya lola.." isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " lola wala po ba kayong planong tumakas dito or kay mommy.?" nakita ko naman na nawalan to ng kibo saka umupo malapit sakin.
" papatayin niya si nicko iha.?" nagsimula namang tumulo yung luha nito.
" pero di ba po sa oras na makaalis kayo dito mapagtatanggol niyo na po sya.. Lola please.?"
" ilang beses ko ng sinubukan iha.. Pero anong ginawa ng mommy mo ng malaman niyang nagtangka akong tumakas..Annalyn Pinatay niya yung mga taong kumupkop kay nicko." nanlaki lang matang napatitig sa kanya... pinatay.. "nagtangka akong tumakas nung wala kayo dito.. pero nabigo ako at nakarating yun sa mommy mo.." inabot naman sya sakin yung isang folder nakita ko lang dun yung isang picture habang nasa sementeryo sila jonas.. Hindi ko naman mapigilan yung mga luha ko. " iha sa oras na tumakas pa ko.. Si nicko na yung isusunod niya,"
" lola bakit ganun si mommy.? Napakasama niya.. Bakit po ba sya galit na galit sa inyo." iyak ko lang. " lola alam kong alam niyo kung bakit ginagawa to ni mommy please tell me.? Kung kaya niyang pumatay bakit kayo hindi niya magawang patayin bakit kailangan niya pa kayong ikulong dito ng napakatagal na panahon.. Gusto ko po malaman ang totoo lola."
katahimikan...
" lola bakit ayaw niyo po ba sabihin sakin.?"
" panahon narin siguro para malaman mo iha.."
" matagal ko na pong gusto malaman.. Bago man lang po ako mamatay magawan ko ng paraan para mailigtas si kuya nicko."
" don't say that... Gagaling ka."
" no wala na po lola.. Kalat na kalat na po yung cancer sa katawan ko.."
" annalyn please don't say that.. Pano kapag nawala ka pano na si nicko.?"
" annalyn please don't say that.. Pano kapag nawala ka pano na si nicko.?"
" kaya nga po gusto ko kayong tulungan para makaalis dito.. Lola gagawin ko lahat para makaalis kayo para matulungan si kuya nicko.. Lola sabihin niyo sakin lahat..lahat ng totoo.?" tuloy lang yung pagtulo ng mga luha ko ng mga oras na yun habang nakatitig sa lola ni kuya nicko.. Ilang sandali syang hindi nagsalita saka umiba ng tingin. "lola please.?"
" yung mommy mo.. Nanay niya ang tingin niya sakin."
" bakit po.?"
" nung bata si alice yung totoong anak ko..youknow her right.. Naaksidente sya.. Nacomatose sya for about a year.. Nawalan na ko nun ng pagasa na mabubuhay pa si alice..until a little girl approached me.. Batang kalye.. Madumi.. Nung makita ko sya naalala ko si alice kaya inuwi ko sya bahay... Binihisan.. Nung una ayaw niya sumama sakin pero napilit ko sya minahal ko sya na parang totoong anak at alam ko tinuring niya din akong tunay na ina.. Hanggang one day nakatanggap ako ng call from my husband sa america.."
" yung little girl si mommy po.?"
" yeah.. Tinawagan ako ng asawa ko para sabihin na nagising na si alice.. Nung oras na yun nawala na sa isip ko yung mommy mo.. I was so happy that time agad akong lumipad papuntang america.."
' how about mommy.?"
" I left her.. I don't know that time ang nasa isip ko lang si alice.. Sya lang...inihabilin ko si michelle sa mga katulong.. Pero pagbalik namin from states wala na sya sa bahay sabi ng mga katulong tumakas daw.. Umiiyak daw kasi iniwan nanaman daw sya ng mama niya." kita ko lang yung pagtulo ng luha nito.. " minahal ko yung mommy matagal ko syang hinanap.."
" hanggang sumuko po kayo.?" saad ko tumungo naman to kita ko lang yung galaw ng balikat nito dahil sa pagiyak.
" nung gumaling si alice binuhos naming mag-asawa yung lahat atensyon naming dalawa hanggang unti unti ng nawala sa isip namin si michelle..yung batang masungit na napakabibo na nagpangiti sakin nung panahon akala ko mwawala na anak ko. Sabi ng mommy mo sakin bumalik daw sya bahay nung panahon na yun pero nakita niya si alice.. Akala niya inagaw na niya ko from her.. Sinisi niya lahat kay alice lahat ng nangyare sa kanya"
" kaya po ba sya galit na galit kay tita alice.?"
" oo iha.. Ilang beses akong pinagtangkaang patayin ng mommy mo.. Pero hindi niya magawa.. Siguro naaalala niya parin ako as her mom.. Naalala niya yung mga yakap ko sa kanya.."
" pero bakit po si kuya nicko hindi niya matanggap.?"
" dahil anak to ni alice.. Uhm iha yung promise mo.?" pilit naman akong ngumiti saka kinuha yung cellphone ko sa bulsa at pinakita sa kanya yung picture kita ko naman na nagpunas to ng luha.
" ang gwapo po ni kuya nicko noh..?"
" sana makita ko sya ng personal.."
" may bonus pa po lola.. I have his number.." ngiti ko.
" matatawagan mo sya.. Makakausap ko yung apo ko..?" nakangiti naman akong tumango pero natigilan lang sya.
" bakit po lola.?"
"pano pag nalaman ng mommy mo na kinausap ko si nicko.. Annalyn..baka may mangyare sa apo ko.." natigilan naman ako. " siguro kapag nakausap ako ni nicko gagawa sya ng paraan para makita ako.. Ayoko pa mamatay.. Gusto ko pa syang makita.?"
" pero po lola.. Kung hanapin po kayo ni nicko.. Di ba po mas ok.."
" makukulong ang mommy mo.. Pano ka..? At pano kung patayin niya na ko.."
" ipapakulong niyo po si mommy.?"
" iha pumatay ng mommy mo.. Tong pagkukulong niya sakin dito palalampasin ko.. Pero yung pumatay sya.. Iha hindi." napatungo naman ako.
" tama po kayo lola.. Pero lola gusto ko po katabi ko po si mommy katabi ko sya pag nalagutan na ko ng hininga.. Kahit ganun sya.. Lola mahal ko po si mommy
" I know.. "
" lola sa oras po na maitakas ko po kayo.. Pwede po bang ipakulong niyo po si mommy pag nailibing na po ako.?"
" iha alam mo kaya pa naman labanan niyang sakit mo eh."
" lola..wala na po.. Please lola yun lang po yung wish ko.. Yung katabi ko si mommy sa huling hininga ko."
" pano mo ko maitatakas dito..?"
" i have a plan lola.. Pero for now.. Ipaparinig ko po muna sa inyo yung boses ni kuya nicko.." pilit na ngiti ko habang nagpupunas ng luha saka nagdial sa cellphone ko. " baka po nasa school po yun ngayon." saad ko pa hanggang marinig ko yung pagring ng cellphone nito. " hello kuya nicko.!"
" annalyn..?"
" yes sino pa ba kuya.. Actually kanina pa kami dumating dito.. Sorry ngayon lang kita natawagan." nilagay ko naman sa loudspeaker yung phone ko.
" oks lang yun annalyn.. Pagaling ka huh.."
" oo naman kuya para sayo.." kita ko naman yung pagtulo ng luha ni lola.
" annalyn.. Pwede ba humingi ng favor..?"
" ano yun kuya..?"
" I'm not sure kasi.. Pero someone told me na baka buhay pa yung lola ko.." saad ni kuya nicko napatingin naman ako sa lola nito pero pilit lang tong umiling. " Nakabase sya sa states pero hindi ko naman sure yung exact place.. Annalyn if ever na magkaroon ka ng chance magtanong tanong.. I know ang imposible pero baka lang.. Adelina Hernadez yung name niya.. Early 60's siguro."
" lola mo kuya nicko..?"
" yeah.." ilang sandali naman tong hindi nagsalita. " please annalyn.. Gusto ko man lang syang makita.. Bago man lang sya kainin ng lupa.. Alam mo yun bago madedo?" hindi ko naman mapigilang matawa.
" kuya nicko ang bad mo.."
" I'm just kidding kaw talaga..I'm still hoping na someday makikillaa ko sya.. Basta annalyn huh.. "
" sure kuya..."
" ok bye na annalyn.. Nasa school kasi ako eh.. Ingat ka jan and pagaling ka.. I love you." saad nito saka naputol yung linya.. Pili lang akong tumingin kay lola lina.
" lola bakit ayaw niyo po sya kausapin.?"
" saka na iha.. Pag nakaalis na ko dito.. Baliw na bata yun ah bago man lang daw makain ng lupa.. Ganun na ba ko kaold.?"
" saka na iha.. Pag nakaalis na ko dito.. Baliw na bata yun ah bago man lang daw makain ng lupa.. Ganun na ba ko kaold.?"
" mejo po lola.. Pero dapat lola ako muna ang mawawala. Bago kayo..deal."
" deal."
SI NICKO
Lumipas ang maraming buwan.. Malapit na din kaming matapos ni jonas sa high school alam ko pagkatapos nun ay lilipad na kami ni jonas papuntang states. Naayos na rin ni dr. Patrick lahat ng mga papeles na kakailanganin namin.
"nicko tumawag na sayo si daddy patrick.?" akbay sakin ni jonas habang naglalakad na ko pauwi.
" hindi pa eh.. Pero baka mamaya.?"
" ganun eh si annalyn.."
" jonas nagaalala ako dun almost one week na syang hindi tumatawag eh.. Tapos sinubukan ko syang tawagan pero wala eh.. Ayoko namang lumapit kay anthony.. Napapagod na ko sa bwiset na yun... Sumasakit lang ulo ko sa kanya."
" kamusta na ba sya nung huling nakausap mo.?"
" sabi niya she's ok naman daw pero parang hindi naman halata sa boses niya eh.."
" don't worry tatawag din yun.. Kalma ka lang.." ngiti ni jonas.. " malapit na tayo grumaduate..!" excite na saad niya..napangiti naman ako.. Haixt finally
" excited na nga ako eh.."
" mas excited ako noh.. Kasi hindi ko na makikita nung nakakabwiset mong kapatid."
" oh nagaway nanaman kayo..?"
" alam mo naman kapag nagkakasalubong kami ng bipolar na yun.. Haixt tara na nga bilisan natin gusto na kita ikiss eh."
" wushhuu.." hinawakan niya lang yung kamay ko saka patakbong tinahak yung daan pauwi sa apartment namin.. Ganito na kami ni jonas ngayon.. Sobrang saya parin wala atang nagbago.. Parang nagsisimula parin kami laging sabik na sabik sa isat isa kahit minsan super epal talaga si anthony..
Madaming beses syang gumawa ng paraan para maghiwalay kami ni jonas tulad ng kumuha sya ng babae para lang akitin si jonas.. Pero walang nangyare.. Isang beses pa muntik pa niyang ipabugbog si jonas mga mukhang ewan na adik buti nalang nandun si mark para tulungan ito..
Speaking of mark..yung bwisit na yun hanggang ngayon hindi parin talaga sumusuko.. Everyday ata syang nagpapadala ng sweet msgs sa umaga buti nalang hindi nababasa ni jonas kundi patay kami parehas.. Ilang beses ko na syang tinulak kay sofhie pero wa effect pa din at ito namang si sofhie busy sa paghahanap ng bagong syota na hanggang ngayon wala parin makita.. Haiixt mamimiss ko sila kapag umalis na kami. Si sofhie na mataray na sobrang kulit at si mark na sobrang gwapo at bait..
Isang linggo bago ang graduation ay nagliligpit na kami ni jonas ng mga gamit sa bahay namin.. 2 days after graduation kasi ang alis namin ni jonas papuntang states..nakakakaba pero I know kakayanin namin ni jonas.. Saka wala naman kaming sinukuan na problema di ba? Kami pa.. Lahat kakayanin namin as long as magkasama kami.. End of the world nalang ata makakapaghiwalay samin eh..Na Wag lang sana mangyare.. ( or patayin niyo nalang yung author kapag pinaghiwalay kami..joke lang.. Seriously papasalvage ko sya..! Just kidding..)
" nicko sana umabot si daddy patrick sa graduation natin noh." saad ni jonas naglalagay ng gamit sa carton.
" sabi niya kasi gabi daw yung flight niya eh.. Baka malabo."
" sayang.." malungkot na saad nijonas. " wala man lang magsasabit sayo ng medal..?"
" hoy jonas don't tell me ayaw mong ikaw magsabit sakin nun.. Gulpihin kaya kita.?"
" huh ako magsasabit sayo..? Mukha ba kong parents.?"
" ewan ko sayo.. Nakakainis ka.." nguso ko.. " eh ikaw lang naman pinakamalapit sakin di ba kaya ikaw na magsabit..?"
" eh yung kapatid mong bipolar.?"
" gusto mo patayin ako sa stage nun.. Isakal pa nun sakin yung medal.." natatawa kong saad..
" ok fine sige na.. Saka baka awayin mo pa ko eh.. So magchachange outfit ako kapag sasabitan ka na ng medal.. Yung pang magulang.?"
" sira wag na..!"
" kailangan naninigaw..? Edi wag.." ngiti niya.
" nilapitan ko nga pala kanina si anthony."
" huh bakit..?"
" eh kasi nagaalala na talaga ko kay annalyn eh.. Ilang weeks na jonas.. Ano yun nagenjoy na sya sa pagchechemo sa kanya..?"
" eh ano sabi ni anthony.?"
" mamatay na daw ako.? May kasunod pang burn in hell..!" pilit na ngiti ko.
" gago talaga eh noh.. "
" ahxit alam ko naman na wala akong maasahan dun.. Sinubukan ko lang naman.. Nakakainis."
" si Dr. Patrick.?"
" malayo kaya sya kala annalyn.. Yung kapatid ko naman kasing yun.. Pwede naman magtext.?"
" sinubukan mo na bang tawagan yung evil stepmother mo.?"
" wala akong number nun.." isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.. " eh pano kung patay na yung kapatid ko hindi man lang nila ipapaalam sakin.?"
" tingin mo patay na si annalyn.?"
" I think so.. Para kasing nakikita ko sya sa likod mo eh.?" seryosong saad ko dahan dahan namang napalingon si jonas sa likod niya hindi ko naman mapigilang matawa. " joke lang."
" ah ganun.. Ang sama mo nicko ginagawa mong biro kapatid mo."
" eh anong gusto mong gawin ko.. Magmumok. Umiyak.. Haixt babatukan daw niya ko pag nakita akong umiiyak pag namatay sya.. Ayoko namang mabutakan ng multo noh.?" natawa naman si jonas..
" pero what if nicko..?"
" what if alin.?"
" patay na si annalyn.? Iiyak ka.?" kumunot naman yung noo ko saka inabot yung remote ng tv at binato kay jonas agad naman syang nakaiwas. " bakit ka namamato.?"
" para naman kasing nagtanong ka ng one plus one eh.. Malamang iiyak ako.. Buti kung si anthony pa eh edi nagpaparty pa ko sa buong pilipinas."
" buong pilipinas.. Afford mo.?" natatawang saad niya.
" papakape nalang ako mas mura pa."
" wait nicko look.." saad ni jonas habang hawak yung folder ng mga papers namin.. " look ngayon ko lang napansin ang panget mo sa passport mo.?" saad niya saka umupo sa tabi ko at pinakita yung passport ko. " see ang panget mo dito nicko mukha kang adik."
" ang kapal mo jonas.. Gwapo naman ah.?"
" see bakit may eyebags ka dito.?"
" ehh sa hindi ako nakakatulog dahil kay annalyn .. Tapos si sofhie pa tawag ng tawag sa gabi.."
" pati kamo si mark.?"
" ok fine pati nga si anthony tumatawag na eh.. Lahat na sige tumatawag na sakin.."
" pati si anthony.?"
" joke lang noh.. Asa ka naman.."
" buti pa ko ang gwapo ko dito sa passport ko.." ngiti ni jonas sinumangutan ko naman sya.. Eh sya na photogenic.. " ang gwapo ng boyfriend mo nicko."
" buti pa ko ang gwapo ko dito sa passport ko.." ngiti ni jonas sinumangutan ko naman sya.. Eh sya na photogenic.. " ang gwapo ng boyfriend mo nicko."
" ang hangin."
" alam mo bang may kumukuha sakin vocalist ng isang banda.. Remember last time nung pinakanta mo ko sa mall.. May lumapit sakin nung pumunta ka ng cr."
" vocalist ikaw..?"
" aba malay ko... Sabi maganda daw boses ko eh.."
" uhm mejo lang naman.."
" talaga.?" ngiti ni jonas.. " kaso sabi ko magcacaptain america na ko eh kaya hindi pwede."
" ewan sayo.." natawa lang ako sa sinabi niya sska hinarap yung mukha niya sa mukha ko.
" why.?"
" uhm wala lang gusto lang kita titigan.. Para kasing mas gumawapo ka lalo eh"
" matagal na kong gwapo nicko.."
" weehh.."
" kay susan tayo.?" ngiti niya binigyan ko naman sya ng mahinang sampal. " ayaw mo.?"
" dami pa nating liligpitin oh.. Talaga to oh."
" mabilis lang dali.. Wag mo kasi akong tinitigan alam mo namang kahinaan ko yan.. Feeling ko nagkakaroon ng wildfire sa katawan ko eh.."
" weehh dali tayo.. Madami pa tayong liligpitin.." tulak ko sa kanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit wala naman akong nagawa kundi bumuntong hininga.. Bakit ba ang hirap tanggahin nitong kapatid ko.. I mean boyfriend pala..:)" of fine..game sa kwarto." tumayo lang ako saka sya hinila papasok ng kwarto kita ko naman na natawa sya.
" kailangang talaga nicko hinihila ako..?"
" ang bagal mo kasi.." ngiti ko sa kanya. " hubad na dali." ngiti ko sa kanya napakamot naman sya sa ulo. " ano.?"
" para kasing nakalimutan ko na kung pano hubaran yung sarili ko eh.. Ikaw nalang pwede.?"
" ang baliw mo jonas grabe." simangot ko sa kanya.
Nasa canteen ako nun ng habang bumibili ng sandwich ng mapansin ko si mark sa tabi ko na may pagkatamis tami na ngiti sa labi. " ano namang ngiti yan.?" saad ko saka naghanap ng mesa na pwede kong upuan sumunod naman sya sakin.
" bakit bawal na ba ngumiti ngayon.?"
" hindi naman.. Sabagay keep on smiling nga di ba para madaming magkagusto sayo.?"
" nicko minsan ba naisip mong magtaksil kay jonas.?" ngiti niya sakin kumuha naman ako ng kapirasong tinapay sa sandwich ko saka binato sa kanya.
" parang kang ewan."
" nagtatanong lang.. Nicko di ba aalis na kayo.?"
" ano naman.?"
" can we have atleast one tonight togother.?"
" one night.?"
" oo.. Yung alam mo yun yung tayong dalawa lang..? Sa loob ng malamig na kwarto tapos magkayakap habang dinadama yung init ng bawat isa." nginitian ko naman sya. " ano ok lang sayo.?"
" gusto mo masipa mark.. Parang ewan ka talaga noh.?" napabuntong hininga naman sya saka seryesong tumingin sakin.
" nicko pano na ko pag umalis kayo.?" saad niya saka tumungo.. " i know na hindi na si jonas lang yung nasa puso mo.. Matagal ko ng tinanggap yun.. Pero kasi yung makita lang kita araw araw heaven na sakin yun eh.. Pero ngayon aalis na talaga kayo."
" eh bakit kasi ako parin.bakit kasi si sofhie ayaw mo.?"
" alam mong sinubukan ko si sofhie di ba.. Pero wala ang taray naman kasi nung kaibigan niyong yun.. Nicko mahal kita."
" ayan nanaman tayo huh.."
" ayan nanaman tayo huh.."
" gusto ko lang sabihin tutal aalis ka na eh.. Mahal na mahal kita nicko.. Iinisip ko kasi what if lokohin ka ni jonas pag dating niyo dun.. Wala ako dun para saluhin ka.?"
" lolokohin ako ni jonas.. Asa ka pa.."
" what if lang naman.?"
" mark sabi ko kasi sayo. Magmove on ka na.. Para mabuksan mo na yug mga mata mo para sa iba.."
" ilang beses ko sinubukan.. Pero wala eh."
" haixt basta ganito mark. Kaibigan parin kita.. Saka may facebook po or skype.. Madali na yan mark."
" pero iba parin yung personal.."
" bakit mark may problema ba.?" saad ng tao sa likod ko paglingon ko nakita ko lang si jonas.. Umupo lang sya sa tabi ko..
" wala naguusap lang kami ni nicko."
" about what..?"
" sa pagalis niyo. Jonas pwede for the last time pahiram kay nicko.. Kahit one night lang.?" ngiti ni mark kita ko naman na biglang nagbago yung expression ng mukha ni jonas.
" mukha kang ewan talaga mark.."
" aalis na lang kami mangbabadtrip ka pa talaga eh no ano tingin mo kay nicko laruan na pwede hiramin.. Eh kung sapakin kaya kita.?" simangot ni jonas.
" I'm serious kahit one night lang.."
" one night mo mukha mo.. Pwede ko sya sapakin nicko.?" lingon sakin ni jonas pilit naman akong ngumiti. " isa lang nicko.?"
" hindi ka papayagan niyan.. I know kahit paano mahal ako niyan." ngiti ni mark.. Tumayo naman ako saka sya binatukan. " aray naman nicko.?"
" ang baliw mo kasi mark.. Dagukan kita one million times eh."
" oh pasalamat ka batok lang.. Sakin sapak."
" haixt kailan ba darating yung time na ako na yung mahal mo nicko.?" natawa naman si jonas.
" harap harapan huh.. Wag ka ng umasa pwede ba.." sinimangutan naman sya ni mark. " buti nga aalis na kami hindi ko mababasa yung sweet msgs thingy mo kay nicko." napalingon naman ako kay jonas. " nakakadiri na nga minsan.. Akala mo ang sweet eh hindi naman."
" huh.?"
" nababasa ko. Pagogoodmorning my love ka pa huh.. Ano ka boyfriend naku kung hindi lang sa pakiusap ni nicko malamang 100 feet underground ka na."
" ang lalim naman nun pwede ba 10 feet lang para in case pwedenng mahila ko si nicko.." ngiti ni mark natawa naman ako.
" sasapakin talaga kita." banta dito ni jonas.
" joke lang ho.. Haixt ingatan mo si nicko huh.."
"kahit hindi mo sabihin.. Wait si anthony type ka niya di ba.. Bakit hindi nalang sya para mawala naman yung bitterness nun sa buhay.?"
" parang kapatid ko lang yun.. Saka yung ganun ugali mamahalin ko..? Magpapabaon nalang ako sa lupa kahit 200 feet pa.."
" ang lalim nun mark baka mareach mo na yung impyerno.." ngiti ko.
Isang araw bago ang graduation ng makasalubong ko si anthony habang pauwi ako sa bahay.. Binigyan ko naman siya ng simpleng ngiti .. Kapatid ko parin sya after all..
" anthony tinawagan ka na ni annlyn..?" harang ko sa daan niya.. Tinitgan naman niya ko sa mata.
" gusto malaman yung totoo nicko.?"
" malamang kaya nga ako nag tatanong di ba.?" umirap lang sya sakin saka umiba ng tingin.
" she's dying.. Gusto ka niya makita.." maikling saad nito. " ayoko sana sabihin sayo eh pero since naguusap na tayo.. Fine."
" what..?"
" bingi ka ba.. Mamamatay na si annalyn.. At gusto ka niya makita.." inis lang akong tumingin sa kanya.
" mamatay na si annalyn tapos bakit parang wala lang sayo.?" gigil naman niya kong tiningnan sa mata. " kapatid mo rin sya anthony at isa pa halos sabay kayong lumaki."
" mahal ko yun.. Kaso pati sya inagaw mo sakin.. Kung wala na syang pake sakin edi wala na rin akong pake sa kanya.. Ikaw nalang naman ang importante sa bwisit na yun."
" seryosong tanong.. Bipolar ka ba talaga huh.?" sarkastikong saad ko sa kanya..kita ko naman yung pagngangalit ng ngipin niya. " bakit hindi mo masagot. Try mo magpacheck para malaman mo.?"
" hindi ako bipolar..!"
" are you sure..?" umirap lang sya sakin.
" nagpabook ng flight si mommy para sating dalawa bukas after graduation.."
" huh..?"
" sabi ni mommy si annalyn daw mamamatay na.. Kaya kung hindi ka sasama skain bukas bahala ka sa buhay kunsensya mo yan kung hindi mo maabutang buhay yung kapatid mo."
" lilipad din kami ni jonas 2 days after graduation."
" the hell I care..!"
" baka naman pwedeng after 2 days pa.?"
" mamamatay na nga sabi si annalyn.. Bingi ka ba huh.. Pano kung hindi mo maabutan yun huh.!" natigilan naman ako. " since pupunta din naman pala si jonas dun bakit hindi ka nalang mauna.?"
" ayoko.. Gusto ko kasama ko si jonas pagalis.."
" hello 2 days lang kayong hindi magkakasama.. Para sa kapatid mo naman yun.. Para kay annalyn mahal na mahal ka..!"
" pero.."
" basta bukas aalis ako kahit hindi ka kasama naiintindihan mo..? At hindi ko na kunsensya kung pagdating mo dun wala ng buhay yung kapatid mo.. I have to go..!" saad nito saka nakapamulsang naglakad..
" wait anthony.?"
" what.?" nakasimangot na lingon niya sakin.
" pagiisipan ko.."
" dapat lang." saad niya saka mabilis na naglakad. Bagsak ang balikat naman akong umuwi sa bahay naabutan ko lang dito si jonas na busyng busy sa panunuod ng tv.
" bakit ganyan itsura mo.. Graduation po bukas.? Di ba dapat masaya.?" ngiti niya skain.
" she's dying.?" bulong ko.
" daeng..? Kelan ka pa nahilig sa maalat.?"
" jonas naman eh.. Si annalyn.. She's dying.. Sabi ni anthony mamamatay na raw si annalyn.?" ilang sandali namang natigilan si jonas saka tumayo at yumakap sakin.
" ang bait kasi nun.. Makakapunta na sya sa heaven."
" pero jonas gusto niya daw akong makita.?"
" but how.?"
" nagpabook si tita evil michelle ng flight para bukas samin ni anthony.?"
" whuuuaatt.?" gulat na saad niya.
" oa mo.."
" hoy dapat ikaw nga magOA jan eh.. Life and death kaya to ng kapatid mo.. Pano yung flight natin..?"
" kaya nga eh ayoko umalis na hindi ka kasama.?"
" pano si annalyn.?"
" gusto ko din maabutan sya.. Gusto ko makapagpaalam man lang ako sa kanya ng maayos."
" wait if ever.. Kasabay mo si anthony.?"
" sabi niya.?"
" eh pano kung bigla ka nalang saksakin noh huh.?"
" sira ka.." bumuntong hininga naman sya saka hinawakan yung magkabilang pisnge ko at dinapian ng mabilis na halik yung labi ko.
" ano desisyon mo.. Uhm syempre gusto kita kasabay pero pano si annalyn naawa naman ako dun sa kapatid mo.."
" jonas ok lang ba sayo kung muana ako sayo..?"
" uhm actually hindi ok sakin lalo na kung kasabay mo si anthony.. Pero kasi kahit paano naman mahal ko na din yun si annalyn.. Lalo nung nasa ospital pa sya.. Ang sama naman kasi nung michelle na yun papabook ng flight hindi pa ko sinama.?"
" uhm actually hindi ok sakin lalo na kung kasabay mo si anthony.. Pero kasi kahit paano naman mahal ko na din yun si annalyn.. Lalo nung nasa ospital pa sya.. Ang sama naman kasi nung michelle na yun papabook ng flight hindi pa ko sinama.?"
" haixt.. Iintayin kita jonas dun huh.."
" so mauuna ka talaga.?"
" para kay annalyn." bumuntong hininga naman sya kaya agad ko syang niyakap. " jonas sorry.?"
" for what.?"
" kasi hindi kita makakasama ng 2 days.?"
"ang OA ewan ko sayo.. 2 days lang ang inaalala ko kasi yung kapatid mong bipolar.. Baka iligaw ka nun sa eroplano tapos hindi tayo magkita sa new york."
" sus ka naman,.. Para naman ang tanga ko."
" uhm.. Haixt nicko mamimiss kita.. Baka mamatay ako pag hindi kita kasama."
" mas OA ka.. Kasabay mo naman si daddy patrick eh.. Pag dating ko dun tatawagan ko nalang kayo.."
" I love you nicko."
" I love you too jonas."
Halos madilim na nun ng matapos yung graduation... Agad lang kaming umuwi ni jonas para pagsaluhan yung konting niluto namin.. Si aling mercy naman ay pinagluto din kami..
" jonas.. " ngiti ko sa kanya habang naglalagay sya ng pagkain sa pinggan niya..
" oh..?" lingon niya sakin.
" uhm baka papunta na si anthony dito.. Jonas mamimiss kita..?"
" wag mo ko simulan nicko huh ayoko umiyak." simangot niya sakin kaya natawa ko..
" iiyak.? Grabe 2 days lang naman... Pero di ba ngayon lang tayo magkakahiwalay ng ganito.." saad ko umupo naman sya sa tabi ko habang hawak yung pinggan niya.. Tumungo naman ako feeling ko kasi may mga luha ng namumuo sa mata ko.. Bakit ba parang sobrang kaba yung nararamdaman ko.
" ang sarap magluto ni aling mercy ng spagueti noh mamimiss ko to." rinig kong saad ni jonas. "tapos itong bahay natin matagal din tayong tumira dito.. Napakadami ng memories nito.. Tawanan, iyakan , kulitan, tampuhan.. Lahat lahat na.." nagsimula namang tumulo yung luha ko. " this house makes me realize how much I love you.. Kung hindi siguro tayo tumira dito baka hanggang ngayon natatakot parin ako sa nararamdaman ko sayo.."
" jonas naman ayoko umiyak eh.?" natawa naman sya paglingon ko sa kanya nakita ko lang na nagpupunas sya ng mata kaya natawa din ako. "nakakaiyak ba yung luto ni aling mercy.?"
" nakakainis kasi kahit 2 days lang tayong hindi magkakasama pero parang million years yun para sakin.."
" ako din eh.." ngiti ko binaba naman ni jonas yung pinggan sa maliit na mesa saka hinarap niya yung mukha ko sa kanya saka ako masuyong hinalikan.. Damang dama ko lang yung pagtulo ng luha niya sa pisnge.. Hinawakan ko naman yung ulo niya saka diniin sa mukha ko dinama ko lang yung oras na yun na para bang hindi na uli yun mangyayare.. Na para bang ito na yung huling beses na mahahalikan ko sya ng ganito.. Pakiramdam ko nun tanging puso ko lang ang nagfufunction sa katawan ko na para bang nagsara na lahat ng senses ko..
" lagi mong tandaan nicko na I will always love you.. No matter what happen.. Yung love ko sayo hindi mawawala yun.. Hinding hindi.. Kahit gaano kahirap.. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano kalakas na bagyo yung dumating pa satin..yung love ko sayo forever.. Forever ng nakatatak dito sa puso ko.. At kahit kailan hindi na magbabago yun.." ( ang drama ni jonas walanjo yan..chos panira ako ng moment.)
" promise is promise jonas huh.."
" oo naman.. Sanggang dikit di ba.." ngiti niya ilang sandalli ko lang pinagmasdan yung ngiti na yun ni jonas.. Hanggang marinig namin yung busina sa labas.. " jan na yata yung bipolar mong kapatid." napabuntong hininga naman ako.
" jonas parang ayaw kong umalis.."
" sure ka ba..? Pano si annalyn.?"
" aixtt naman kasi." simangot ko pero niyakap lang ako ni jonas saka hinalikan sa noo.
" sige na.. Magkikita tayo dun after 2 days.."
" i love you jonas huh.."
" i love you too.." saad niya saka humiwalay sakin at tumayo para kunin yung maleta ko.. " tara na baka topakin pa yung kapatid mo eh." tumayo naman ako saka lumabas ng apartment.. Nakita ko naman si aling mercy sa labas yumakap lang din sakin to saka humalik sa pisnge.
" mamimiss kita nicko." saad pa nito.
" ako din po.. Alis na po ako ingat po kayo huh." ngumiti naman to saka tumango.. Paglabas ko ng gate nakita ko lang yung tinted na sasakyan nila anthony.. Binuksan lang niya yung bintana.
" sakay na nicko malelate tayo." simangot ni anthony.. Nabigla naman ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni jonas mula sa likod kaya natawa ko.
" ang higpit naman jonas papatayin mo ba ko.."
" uhm I love you nicko.."
" I love you I love you I love you." ngiti ko sa kanya saka humiwalay dito at hinalikan sya sa labi. " aantayin kita dun.."
" ingat ka huh.. Mahal na mahal kita.?"
" ano ba!! Putek nicko malelate tayo pwede ba pakibilisan mo.! Dalawang araw lang landian pa ng landian." sigaw ni anthony sa kotse.. Lumingon lang ako dito saka to sinimangutan.
" oh sige na nicko baka mapatay ko pa yang kapatid mo. I love you." saad ni jonas saka nilagay sa likod ng kotse yung maleta ko.. Yumakap lang uli ako sa kanya saka sumakay ng kotse.. Agad naman tong pinaandar ng driver ng lingunin ko yung apartment namin nakita ko pa si aling mercy habang nakaakbay kay jonas.. Si jonas naman nagwewave ng kamay sa kotse. Haixtt mamimiss ko talaga sya.. Halos umabot din ng kalahating oras bago kami nakarating sa airport nagtaka lang ako bakit sa arrival dumeretso yung kotse imbis na sa departure magtatanong sana ako ng tignan ako ng masama ni anthony.
" anthony.. Baki-"
" shut up ok.." simangot niya.. Maya maya nasa harap na kami ng airport lalo lang akong naguluhan ng makita si tita michelle na sumakay sa kotse si anthony naman nilagay yung gamit nito sa likod.
" tita si annalyn po.. I thought-"
" mamaya ko na iexplain sayo nicko." ngiti ni tita michelle.. Sumakay naman sa tabi ko si anthony.. Gusto ko pa sana magtanong pero mukha namang wala silang balak sumagot.. Tumingin nalang ako sa labas ng kotse baka babalik na kami sa bahay.. Nagtaka lang ako ng ibang way yung dinaanan namin hanggang tumigil yung kotse sa isang grocery store. " manong ingat po kayo.." saad ni tita michelle saka may inabot na pera dun sa driver.. Haixt parang ngayon ko lang nga nakita yung driver na yun..
" tita pwede po ba explain niyo na sakin.?" saad ko ng makitang lumipat si tita michelle sa driver seat ng bumaba yung driver kanina.
" patay na si annalyn.." ngiti ni tita michelle. Saka mabilis na pinaandar yung kotse. Natigilan naman ako ng lingunin ko si anthony sa labas lang sya ng bintana nakatingin para naman akong kinalibutan sa sinabi nito.
" what do you mean tita..?"
" bingi ka talaga eh noh.. Patay na sya.. Almost a month na.." gigil na saad ni anthony.
" eh wait eh saan po yung katawan niya.?"
" dun ko na sya nilibing.." lingon sakin ni tita michelle.
" eh saan po tayo pupunta hindi naman to yung pauwi sa bahay ah.. Saan niyo po ako dadalhin." tarantang saad ko.. Pero binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti ni anthony.
" sa impyerno nicko..!" natatawang saad ni tita michelle.`
" tita michelle.! Ibaba niyo po ako..!" sigaw ko pero tumawa lang si anthony kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa pero agad tong inagaw ni anthony. " hayop akin na yan.!"
" eh pano kung ayoko.?"
" ano ba ginawa ko sa inyo huh..!"
" anthony pwede ba patahimikan mo sya..!"
" you look so scared nicko..? Nakakatawa yung intsura mo."
" mga baliw ba kayo huh.. Tita michelle ibaba niyo na sabi ako eh uuwi na ko!!"
" dadalhin ka nga namin sa impyerno kung san ka nababagay.. Kaya relax ka lang my dear stepson." matamis na ngiti pa ni michelle.
" ibaba nyo na ko sabi eh!" sigaw ko lang napansin ko naman na sobrang dilim na yung dinadaanan namin..kinikilabutan na talaga ko.. Haixt ano ba tong nangyayare..sinubukan ko naman tandaan lahat ng pwede kong makita hanggang may panyong tinakip si anthony sa bibig ko pilit ko naman tong tinanggal pero parang unti unti akong nanghina hanggang nawalan na ko ng malay...
SI JONAS
Nakatingala ako sa langit nun habang kumakain ng ice cream.. Haixt two days lang naman eh..malamang nasa airport na sila nicko nagaabang ng flight nila. Tiningnan ko naman yung cellphone ko.. Kainis talaga yun sabing magtext kapag nasa airport na eh..ilang sandali pa kong nanduon ng makita yung kotse ni Dr. Patrick nagtaka lang ako ng makitang nagmamadali tong bumaba ng sasakyan niya.
" wheres nicko.?!" saad nito.
" daddy patrick hindi niyo po ba narecieve yung text namin kahapon.. Sinusubukan ko po kayong tawagan pero hindi ko po kayo macontact eh.? Umalis po si nicko papuntang newyork kasama po yung step brother niya.."
" damn!!"
" bakit po.?"
" si michelle.. You know her right..?"
" yah sya po yung kabit nung daddy ni nicko.."
" damn!! Kakaalis lang ba nila.?"
" an hour narin po.."
" anong oras yung flight nila..?" saad nito saka tiningnan yung orasan sa kamay nito.
" 11 pm po.."
" lets go jonas may isang oras pa tayo i hope maabutan pa natin sila." nagmamadali naman tong sumakay ng kotse nagtataka man ay sumakay nalang din ako.. " patay na si annalyn.. Magiisang buwan na.." saad nito sakin para naman tumigil yung mundo ko.. Pero sabi ni anthony..
" daddy patrick... Ano pong ibig niyong sabihin.?"
" jonas yung kapatid mo.. Kukunin nila..! Jonas kukunin nila si nicko naririnig mo ba ko huh!! Si michelle nagkita kami sa new york then I found out na patay na si annalyn. Nagkaroon kami ng pagtatalo.. Unfortunately naagaw niya yung phone ko kaya hindi niyo ko macontact."
" wala naman po silang gagawin kay nicko di ba..si anthony kapatid sya ni nicko.. Wala po silang gagawin masama kay nicko.."
" hindi mo sila kilala jonas.. Lalo na si michelle.! Damn!! Kung mas maaga lang ako umuwi.. Damn!! Si nicko." nagsimula namang tumulo yung luha ko..
" daddy patrick bilisan na po natin..please.. Ayoko po mawala si nicko sakin.. Ayoko po.. Haixxt dapat hindi na ko pumayag eh.. Damn damn!!! Shit!!" naluluhan gsaad ko..
" maabutan natin sya don't worry.." halos tibok nalang ng puso ko yung naririnig ko ng mga oras na yun.. Haixt papatayin kita anthony..sobrang bilis ng patakbo ng Daddy patrick sa sasakyan ng mga oras na yun.. " magseatbelt ka jonas.."saad pa nito pinunasan ko naman yung luha sa pisnge ko saka inayos yung seatbelt ko nakita ko naman na sinusuot ni dr ptrick yung sa kanya ng marinig namin yung isang pagsabog.
" shit!! " sigaw ni Dr patrick habang inaayos yung seatbelt niya pero hindi niya to makabit nagulat nalang ako bumangga kami sa isang poste natakpan ko naman yung mukha ko.. Halos tumigil yung oras nun tanging maririnig mo lang yung pagkabasag ng mga salamin.. Ng lingunin ko si dr patrick nakita ko lang na nakabit nito yung seatbelt pero wala na tong malay.. Kita ko lang yung pagusok ng kotse..agad ko naman tinaggal yung seatbelt ko saka bumaba ng kotse.. Binuksan ko lang yung driver seat naramdaman ko naman yung hapdi ng mga tumamang bubog sa kamay ko.
" Daddy patrick wake up please.." tapik ko sa pisnge niya habang umiiyak.. Dahan dahan naman nitong minulat yung mata nito. " daddy tara na po si nicko.." hikbi ko lang pinilit ko naman tanggalin yung seatbelt nito saka sya hinila pababa ng kotse..
" jonas habulin mo si nicko please.. Hayaan mo na ko dito.." saad pa nito napansin ko naman yung nakatusok na malaking bubog sa braso nito. " tumawag ka nalang ng ambulansya ang importante si nicko.. Ok ka lang naman di ba.?" agad naman akong tumango.. " go.. Umalis ka na..please gawin mo lahat..wag kang magalala sakin malayo to sa bituka."
" sige po.." umiiyak na saad ko. Agad naman akong tumalikod saka nagdial sa cellphone ko para tumawag sa ospital pagkatapos ay binalik ko lang sa bulsa ko yung cellphone saka agad na tumakbo.. Malayo pa yung pwede kong sakyan.. Haixt damn..! Malayo malayo na yung natatakbo ko ng marinig ko yung malakas na pagsabog lumingon lang ako kung saan ako galing.. Naiyak lang ako ng matanaw yung nasusunog na kotse ni Dr. Patrick.. Mulli pinilit kong tumakbo kahit ramdam ko yung hapdi ng mga sugat ko sa braso gawa ng mga bubog na tumama sakin ng mabangga yung kotse..
Wala akong nagawa nun kundi ang umiyak.. Bakit ba ganito parang napakalayo ng ng tinatakbo ko pero parang wala akong nararating.. Hanggang makarating ako sa highway.. tatawid na sana ako ng isang mabilis na kotse yung nakita kong papunta sa pwesto ko sinubukan kong itaas yung kamay ko para tumigil to.. Pero dahil sa dilim parang hindi ako napansin nito. " please stop.." bulong ko lang..pero nilampasan lang ako nito napaupo lang ako sa kalsada saka sinuntok yung semento..damn..!
ilang sandali pa kong nasa ganun pwesto ng may makita pa kong kotse mabilis yung takbo nito pinilit ko naman tumayo saka humarang sa gitna ng kalsada.. Kailangan puntahan ko si nicko hindi pwedeng wala akong gawin.. Alam ko malapit na to pero hindi parin nagbago yung bilis nito sinubukan kong ikaway yung kamay ko.. Hanggang ilang metro nalang yung layo nito pumikit lang ako saka nagdasal.. " please stop.. Please.." saad ko kasabay ng mga luha hanggang maramdaman ko yung lakas ng pagtama nito sa katawan ko.. Tumigil yung oras.. Ramdam na ramdam ko lang yung paglutang ko ng mga oras na yun hanggang unti unti akong bumagsak sa matigas na semento..nicko..pangako habang buhay
SI ERIKA
"SHUT UP ERIKA.! Pupunta ka ng london wether you like it or not.!" sigaw sakin ni daddy.. Habang nagdadrive sya ng kotse.. "Tingin mo matatakasan mo ko no.!"
" dad kahit anong gawin mo hindi na ko aabot sa flight ko.. Ano ba.. Anong oras na oh.?" simangot ko lang.
" kung kailangan patigilin ko yung eroplano gagawin ko maisabit lang kita sa pakpak.!"
" dad naman..?" saad ko. " bahala ka nga dad.. Ang kulit mo.. 10 pm ang flight ko lagpas 10 pm na po oh."
" yung susunod na flight basta madala lang kita sa airport!" napabuntong hininga lang ako. " slow down dad baka imbis na sa london mo ko madala maging sa kabilang buhay pa."
" shut up ok..!"
" haixt nakakainis ka talaga dad! Sabing ayoko eh.." inis na saad ko aktong bubuksan ko yung pinto ng pigilan nito yung kamay ko. " mas mabuting mamatay nalang ako kesa pumunta ng london..!" sigaw ko saka pilit na binubuksan yung pinto ng kotse.
" nababaliw ka na ba talaga erika.?!
" matagal na dad bakit kasi pinagtatyagaan mo pa ko eh pwede mo naman na hayaan nalang ako sa boyfriend ko eh!"
" in your dreams.. Alam kong hindi mo boyfriend yun!:" sumimangot lang ako saka kinuha yung pabango ko sa bag.
" ssprayan kita dad pag hindi mo binalik tong kotse.!"
" baliw ka talagang bata ka! Wait may tao sa kalsada.." ngumiti lang ako kay daddy saka inispray sa mata nito yung pabango ko.. " damn.!!" punas nito sa mata napatingin naman ako sa kalsada nanlaki lang yung mata ko ng makita yung tao na nasa gitna ng kalsada.. " fuck anong ginagawa ng taong yun dun.. Dad stop the car!!" sigaw ko pero hindi parin nito maidilat yung mata. "Dad!!" napapikit nalang ako ng halos konti nalang yung pagitan nung lalake hanggang marinig ko yung malakas na pagbangga nito.. " damn!! Stop mo yung car!" pinilit naman ni daddy dumilat saka itinigil yung sasakyan.. Agad naman akong bumaba ng sasakyan.. Damn kita ko lang yung dugaan na lalake agad akong lumapit dito saka sya pinulsuhan.. Buhay pa sya god.
" buhay pa ba anak.?"
" dad buhay pa sya.. Call an ambulance..!" sigaw ko.
Ilang linggo ang lumipas pagkatapos ng aksidenteng yun.. Hindi ko alam bakit nandito ako sa tabi ng lalakeng to.. Sabi ng doctor nacoma daw sya.. Napabuntong hininga lang ako habang nakatitig sa mukha nito.. " ano ba kasi ginagawa mo sa gitna ng kalsada..?" tanong ko lang kahit alam ko naman na hindi to sasagot dinala ko lang yung palad ko sa mukha niya. " ang gwapo mo naman.. Ano kaya name mo." napangiti lang ako maya maya narinig ko lag na bumukas yung pinto.
" erika.. Nakabook na yung flight mo this coming saturday.." sumimangot naman ako.. Kakagraduate ko lang ng high school at itong bwiset kong tatay ay pinipilit akong sa london magaral.. Haixt parehas lang naman ang matutunan ko dun kainis talaga.
" dad ilang beses ko bang sasabihin na ayoko.?"
" ilang beses ko din ba sasabihin sayo na hindi pwede..? Kamusta pala sya.?" sumimangot lang ako skaa sya tiningnan ng masama.
" wala pa din dad eh kasalanan mo to eh.!"
" sino ba nagspray sa mata ko.. Yang ugali mong bata ka napakasama.!" sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya..
:" dad gusto mo ba talaga akong pumunta ng london.?" ngiti ko.
" kaya nga pinipilit kita eh..!"
" wag mo kong sigawan dad pwede.. Mamaya magising tong si pogi eh."
" edi ok.."
" weehh dad pupunta ako ng london in one condition.. Promise magaaral ako ng mabuti dun." napangiti naman si daddy.
" kahit ano.. Basta mawala ka lang sa paningin ko.!"
" ewan ko talaga sayo dad! Aalis lang ako papuntang london.. Kung kasama sya." ngiti ko habang nakaturo sa lalakeng nakahiga sa hospital bed.
" whaaaaatt!?" nanlalaki ang matang saad nito.
Next Chapter.. Kilalanin si ERIKA DE GUZMAN at anong magiging papel niya sa buhay ni jonas.. Promise is promise.. Pero pano mo hahanapin ang isang tao kung kahit sarili mo ay hindi mo alam kung nasaan..
Abangan
Damn it! Sana buhay pa si Dr. patrick at si Jonas ay hindi naman nawalan ng memory~
ReplyDelete-Allen
Hala. Anu ba yan. Nagkahiwalay pa cla at malamang c jonas may amnesia. Anu kaya mangyayri kay nicko?! Start na ng heavy drama. Haist. Author wag nmn masyadong heavy. Mahirap dalhin..
ReplyDeleteI dont like it anymore...
ReplyDeleteWrong turn! Biglang pumangit yung story. Masyado ng pinapahaba...
ReplyDeleteSince nung last chapter nasimula ng mawal ang excitement ko sa pagbasa ng story na to. Supposed to pag malapit ng matapos ay nagiging mas exciting, pero kabaligtaran itong story na to, Parang pilit na pilit yung mga twist ng story para mapahaba lang. At sa lahan ng ayaw ko ay ong mga karacter na supposed to be mga matatalino naman pero Katangahan yung pinaggagagawa. Sorry Mr author nawala yung interest ko sa kwento mo, in fact yung last few paragraph di ko na mapilit pang basahin pa, yung dating romantic love story, naging fairy tale, ngayon naging action naman Haaaayyyyyyyy, I lost it!
ReplyDeleteben
Aus
Nababaliw na ba ang author? Hindi na yata kapanipaniwala na sa dami nang napatay ni Michelle, ni isang imbestigasyon ay wala. Kahit gaano pa katragic o kabrutal ng istorya kailangan pa rin making believable. Parang na kakainsulto na kasi. Pero maganda sana yung daloy ng kwento, nakaka-engross ngang basahin. Kailangan nga Lang ng konting critical evaluation. :-)
ReplyDeleteThanks sa update mr. Author. Masyadong magulo na ngayon. Hehe. Good luck nicko. Ok na din na maging straight si jonas. Baka maging asawa na nya si erika. Lol.
ReplyDelete-tyler
Kung dati looking forward ako sa next chapters, ngayon di na! Namatay na yung interest ko sa kwento. Too bad!!!
ReplyDeletei've been hooked to this story lately, lalo na sa kilig moments nila nicko.. pero parang ang sad naman ng story.. at parang ang tanga nila... wala bang pwede pumatay kay michelle? or may justice man lang kahit ang type ng ending is magkita c jonas at nicko.. hahay... pero like ko yung first 17 chapters... lalo na tong nagkabukingan na sa nararamdaman...
ReplyDeleteNo offense to the author, I just want to express my opinion, amnesia na naman?
ReplyDeleteKatulad ng nangyari sa buhay ni Blue na masyadong naging komplikado at isang teenager ang kontrabida, eto na naman sa buhay naman nina Nicko na may sobrang samang tao (si satanas ba to?) at 2 pa.
Tulad ng Blue mukhang mawawalan na naman ako ng gana na subaybayan at tapusin ito.
Sorry :-((
Brix
Nakakawalang gana na nga :(
ReplyDelete