Followers

Showing posts with label One More Chance. Show all posts
Showing posts with label One More Chance. Show all posts

Wednesday, August 10, 2011

One More Chance - 11

Photobucket



Sorry sa paghihintay... welcome to my newest writer sa blog ko, Dark_Ken. Basahin niyo ang "Minahal ni Bestfriend" it's good.


Chapter 11

"Samahan mo ako mamaya sa party, Gabe..." ang naglalambing na sabi ni Popoy sa kausap over the phone. It was part of the plan, actually. He needed to attend Sonia's birthday na alam niyang pupuntahan din ni Basty. Kahit naman kasi nagkasira silang dalawa ay nanatiling kaibigan nila ang circle of friends nila noong sila pa. At kailangan niya si Gabe kung sakaling darating and ex niya kasama ang bagong boyfriend nito.

"Kaninong party naman iyan?" Popoy sensed the reluctance over Gabe's voice.

"A friend of mine. She's sweet, honey. So please come with me." pang-uuto niya.

Napabuga ito. "Ayan ka na naman sa mga banat mo para di kita matanggihan, eh."

"Anong banat, dear?"

"Ayan."

"Anong ayan, sweetie?"

"Hay!" frustrated na sabi ni Gabe.

"May problema ba, hon?" pangungulit niya pa. Alam niyang mahina si Gabe pagdating sa mga endearments na sinasabi niya para dito. 

"Okay. What time? And is Basty going to be there too?" sumusukong sabi nito bagama't naantala ng huling sentence na iyon ang sana'y pagbubunyi niya.

"W-what did you s-say?"

"Popoy, I have a crush on you but I'm not stupid. Nahihinuha kong kaibigan niyo ni Basty ang Sonia na ito. Imposibleng hindi."

Hindi siya agad naka-imik. Matalino talaga si Gabe. Kaya kung gusto niya talagang sumama ito, dapat ay sabihin niya ang buong katotohanan dito.

"Y-yes. You're right. Pero hindi dahil naroroon din si Basty kaya ako magpupunta. Kaibigan ko rin si Sonia, so tama lang na batiin ko siya ng personal sa kaarawan niya."

He knew he sounded defensive but what can he do? Hindi naman niya pwedeng sabihin ang ganito; "Pwede ka bang sumama para maipakita ko sa lahat ng mga kaibigan namin na naka-move on na ako at ikaw ang ipinalit ko kay Basty?"

Muli, napabuga lang si Gabe sa kabilang linya. "Okay. Sunduin na kita diyan sa apartment mo."

"S-sure! Pick me up at seven."

"See you." ani Gabe

Hindi na nakasagot si Popoy dahil busy tone na ang kanyang narinig. Habang binababa ang awditibo ay saka lang niya na-realize na pinipigilan pala niya ang paghinga. Dahan-dahan niya iyong pinakawalan sabay lingon sa orasan.

Three o'clock in the afternoon.

May oras pa siya para bumili ng bagong suit na gagamitin since formal ang magiging gathering. Ite-text na lang niya si Gabe about the attire habang namimili siya ng isusuout. For the meantime, maglilibang muna siya sa mall.


"HAPPY BIRTHDAY, Sonia."

Magiliw ang pagbating isinalubong niya sa birthday celebrant. Napakaganda ng kaibigan niya sa suot nitong revealing red gown. Tinotoo talaga nito ang formal event na concept ng birthday nito. Napailing na lang siya. Buti at sanay siya sa mga ganoong pagtitipon.

"Salamat 'Poy," ani Soniang sumalik pa sa kanyang pisngi. "Hey, sino itong gwapong kasama mo?" baling nito kay Gabe.

"Oh, I would like you to meet Gabe Kirby. Gabe, this is Sonia, the birthday celebrant." pagpapakilala niya.

"Happy birthday, Sonia." ani Gabe na humalik pa sa pisngi ng kaibigan.

"Thanks, Gabe. Enjoy the party. Si Popoy na ang bahala sa iyo," sabi ng kaibigan saka bumaling sa kanya. "Parehas pa kayong may bitbit. I'm glad okay na kayong pareho."

Bahagyang nawala ang ngiti ni Popoy sa sinabi ni Sonia. Of course, alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Alam niyang pupunta rin sa restaurant na iyon si Basty pero nagpatay-malisya lang siya.

"I didn't know," aniya kay Sonia ng makabawi.

"Oh, I'm sorry. Sige na nga, enjoy na muna kayo diyan at may dumarating pang mga bisita." disimuladong pagpapaalam ng may birthday.

Napangiwi siya ng tingnan niya si Gabe. Seryoso ang mukha nito. Sa isang linggong pagkikita nila ay talaga namang na-enjoy niya ang bawat minuto at oras na amgkasama silang dalawa. But that's just it. Nag-eenjoy lang siya. Wala siyang maramdamang sparks tuwing magdidikit sila tulad ngayon. Inakbayan siya nito at iginiya sa isang lamesa.

"Hey, are you okay?" tanong ni Gabe.

"Yes. Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit-balikat ito. "Wala naman. Para lang kasing nagbago ang mood mo ng malaman mong naririto na rin si Basty kasama ang boyfriend nito."

Napayuko siya. Wala talga siyang maitatago dito. But he'd rather die than to admit na tama ito. Muli siyang nag-angat ng mukha.

"Walang dahilan para maapektuhan ako. Past is past. Although hindi nga ako kumportableng makita siya rito but what can I do?" matatag niyang sabi.

"You can at least pretend you're enjoying my company." ani Gabe na tinitigan siya. 

Napatitig siya rito ng wala sa oras. "Of course I do!" he said indignantly.

"I know Popoy, but sometimes, napapaisip ako. Is it really possible not to care anymore with someone you used to love with all your life? With all your soul? Makakaya mo bang balewalain na lang sila ng ganun-ganun na lang?"

The question rendered him immobile. In fact, he was also speechless. Because every word from that question hit home.

"I-i g-guess we all have r-relapses... y-yes, that's it! We all have relapses." aniya ng makabawi ng tinig. "All of us find it so hard to stop caring for someone you've cared about for years. I-in m-my case, it's ten years... P-parang force of habit... You just continue to care and care and care and care... But one day I decided not t-to... although it doesn't meant I'd b-be able to all the t-time..." anas niyang halos pabulong na lang.

"Oh, I'm sorry Popoy. I didn't mean to make you cry." ani Gabe sabay yakap sa kanya.

Cry? 

Was he crying?

Sinalat niya ang pisngi at ganun na lang ang pagkagulat niya ng maramdamang basa iyon. Natatawang kumalas siya kay Gabe.

"Alam mo, hindi ko na alam ang itatawag ko sa sarili ko. Although, I'm sure i'm not crazy, but I think I'm close to being one dahil sa pabago-bago ng mood ko. And you don't have to be sorry, Gabe. Ako lang itong masyadong emotional."

Pinunasan nito ang pisngi niya ng palad nito. Na-touch and puso niya sa gesture na iyon. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha. Gabe's hot breath was fanning his face. It felt good. Like a warm blanket to hold on to the night.

"You're so fragile, Popoy it makes me want to take care of you and yet you're so hot you're burning me literally..." Gave whispered.

May ilang sandaling napigil ni Popoy ang paghinga. He was a lonely man and Gabe was a very attractive guy. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa pagkakatitig dito.

"P-please, Gabe, don't say anything," usal niya.

Dinala ni Gabe sa mga labi nito ang isang pisngi niya at dinampian iyon ng halik. He felt a little shivery and quivery from the act. But there's nothing more to it than what he imagined it would be.

Magsasalita sana siya ng mapigil ng malakas na halakhakan ng isang grupong pabalik yata sa kanilang mga lamesa ang pumukaw sa moment nilang iyon ni Gabe. And Popoy's whole being froze when he saw a pair of eyes staring blankly at him. Guiltily, umisod siyang palayo kay Gabe ng bahagya.

"Is that Basty?" anang tinig ng kasama.

He felt a lump on his throat. Hindi siya makasagot ng ayos. "O-oo..."

"Lucky bastard."

Narinig niya ang pagtatagis ng bagang ng kasama. Hindi niya pinansin iyon. Ang buong atensiyon niya ay nakatutok sa lalaking inaakbayan ni Basty. He was cute. In a very stylish way. Hindi niya inaasahang may sangkaterbang karisma pala ang Nikkos na tinutukoy ng mga kaibigan. Hindi na siya nagtaka ng makitang mga kaibigan nilang sila Coney, Melvin at ang mag-jowang sina Mark at Jayson. Kasama rina ng may birthday na si Sonia.

"Puntahan natin sila. Show that bastard na naka-move on ka na." bulong ni Gabe. Napalingon siya rito.

"Remember? I told you, willing akong maging panakit-butas. Just make sure na maganda ang acting mo." nakangiting sabi pa nito sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya sa naninimbang na tono.

"Damn sure. Halika na." tumaas-baba pa ang kilay na sabi nito sabay tayo pagkuwan.

Tumalima na rin siya at iginiya ito sa lamesa ng mga kaibigan. Magkahawak-kamay pa sila to complete the act.

"Hey guys!" masayang bati niya.

"Uy! Popoy! Miss ka namin bro!" si Melvin. Kapatid ito ng assistant ni Basty na si Charity.

"Oo nga, di ka na namin napagkikita ah..." sabat naman ni Mark. Niyakap niya ang mga ito at nginitian isa-isa.

"Maupo kayo ng kasama mo, 'Poy." si Coney.

Umupo naman sila kaagad. Nang mabati niya at maipakilala si Popoy sa lahat maliban kina Basty at Nikkos na sadya niya inihuli ay muli siyang tumayo at lumigid sa tabi ni Basty sa pagkagulat ng lahat.

"Basty, my dear," aniyang dinukwang ito at hinagkan sa pisngi, malapit na malapit sa labi.

Kung ang ibig sabihin niyon sa bagong nobyo nito ay giyera, pwes, he will give them war. It was an indirect declaration. It was a war for Nikkos, himself and Basty. Isama na rin si Gabe. His bastard ex-boyfriend could be very mean but he can be meaner. Wala ring karapatan ang Nikkos na ito na panghimasukan ang mga bagay na walang kinalaman dito. Kaibigan niya ang mga kasama nito. This Nikkos guy needed to respect authority and seniority.

Blangko ang tingin ni Basty sa kanya pagkatapos ng halik. Patay-malisya siyang bumalik sa lamesa kahit damang-dama na niya ang tensiyon sa paligid. Walang masabi ang mga kaibigan niya hanggang sa makabalik siya sa sariling silya.

"Basty, my dear, aren't you going to introduce me to your nephew here?"

Biglang natawa si Jayson sa sinabi niya. Isang kinakabahang tawa na ang intensiyon ay pawii ang tensiyon na nasa paligid.

"Ano ka ba, 'Poy, siya si Nikkos. Ang boyfriend ni Basty," napangiwi ito ng sikuhin ito ng boyfriend na si Mark.

Tumikhim si Basty.

"Popoy, this is Nikkos, my boyfriend. Nikkos, this is Popoy, a friend."

A friend? Sure, friend na kung friend. He could handle that. Nginitian niya ng matamis ang lalaking ipinakilala sa kanya bilang boyfriend ni Basty. Ngumiti rin ito sa kanya bagama't halatang pilit na pilit. Mukhang hindi ito marunong magtago ng nararamdaman. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ginawa niya?

Gusto niyang mag-away sila ng lalaking ito. Para maipamukha niya ang lahat ng hindi dapat nito panghimasukan, but on second thought, ayaw niya ng eskandalo ngayong gabi. Kaya mang-iinis lang siya.

Sa duration ng dinner nila ay ang mga barkada lang nila ang bumabangka. Kapag sumasabad ni Nikkos ay inaagaw niya kaagad ang atensiyon ng kausap nito o di kaya ay magpapaka-sweet siya ng sobra kay Gabe para lang mapansin sila ng lahat. 

In a way, effective naman dahil ilang ulit na niyang nahuling nakabusangot at tinititigan siya ng matalim ni Nikkos. Wala siyang paki-alam kung may makahalata man sa kanya. He knew he was being obvious anyway. 

Ipinagkibit balikat rin niya kung ang sa tingin ng lahat ay nanggugulo na siya at nagmumukhang pathetic, just as long as nasisira niya ang araw ng target niya. Minsan lang naman iyon. Pikon-talo.

Nang maramdaman niyang okay na siya sa pang-aasar ay niyaya niya uminom sa bar counter si Gabe at nag-excuse sa mga kaibigan. Huli niyang tinapunan ng nang-uuring tingin si Nikkos bago sumama kay Gabe.

"That was a good show," tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.

Umorder ito ng wine para sa kanila.

"Yeah, that felt really good. Thank you Gabe," mahinang usal niya.

Nahihiya siya rito. Kahit kasi alam niyang pumayag itong magpagamit sa kanya ay napaka-selfish pa rin ng reason niya para idamay ito.

"Nahihiya ako sa'yo." sabi niya

"Don't be," ani Gabe na hinila siya para magkalapit silang dalawa.

"Bakit naman?"

"Kasi nakaktsansing naman ako sa'yo, eh." he said huskily to his ear.

Nakiliti siya at natawa ng tuluyan. Tumanaw siya sa lamesa na iniwanan nila. Bumabangka na si Nikkos habang napapansin niyang mukhang inip na inip na ang ilan sa mga kaibigan niya. 

Napangiti siya.

That was a good sign for him.

"Punta muna ako sa cr." paalam ni Gabe sa kanya.

Tumango siya at humarap ulit sa bar. Nang maubos niya ang wine ay nag-order naman siya ng mojito. Parang gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Tutal nandiyan naman si Gabe.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may tumabi sa kanya. Surprise-surprise, it was the little stud amed Nikkos.

"Hello."

"Hi!" confident na sabi niya, considering the idea that not all of his friends are fond of this new guy. "Tired of the attention you're getting? That soon?"

Ngumiti ito.

"Gusto lang kitang kamustahin. Mukha kasing hindi ka na sanay sa puyatan. Alam ko naman na kapag tumatanda na ay hindi na masyadong nakakasabay sa pagpupuyat naming mga bata."

The bastard waged war.

"If you're trying to insult me, you're doing a very lame job. I eat stupid studs like you for breakfast, sugar. But what do you really know about men of my caliber when your world revolves around nothing."

Marahil nga ay tama ka. Pero ang gusto lang talagang sabihin ay kahit na anong gawin mo, hindi mo maaagaw sa akin si Basty. Akin na siya. Kasalanan mo, hindi mo kasi inalagaan, lolo."

Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Ngali-ngaling bigwasan niya ito sa harap ng maraming tao. Pero nagpakahinahon siya. Alam niyang siya ang makikitaan ng mali dahil mukhang magaling na aktor ang isang ito.

Nabitin ang pagsagot niya sa ere ng marinig ang boses ni Gabe sa likod niya.

"Bumalik ka na sa lamesa ninyo, bata. Masama ang makipag-away sa mga nakakatanda."

Pinagtaasan ito ng kilay ni Nikkos. Mukhang sanay ito na makihalubilo sa mayayamang tulad niya. Nakangiti pa ito sa kabila ng pagbabanta ni Gabe.

"At sino ka para utusan ako? Nag-uusap lang kami ni Tito Popoy at hindi nag-aaway."

Naramdaman niya ang pag-akbay ni Gabe. Waring sinasabing, okay lang ang lahat.

"Don't push your luck, Nikkos," kalmadong sabi ni Gabe. "Hindi ko gustong magkaroon ng eskandalo sa party na ito ng kaibigan ni Popoy. Iyon lang ang dahilan kung bakit nakatayo ka pa rin hanggang ngayon."

Napasinghap siya sa napakalamig at napakadelikadong paraan ng pagsasalita ni Gabe. Namutla naman si Nikkos na biglang tumalikod at dahan-dahang lumayo sa kanila.

Naramdaman niya ang mahinang pagtawa ni Gabe sa gilid ng tainga niya. He shivered when he discovered Gabe's wet lips on his earlobes.

"Have dinner with me tomorrow, Popoy." he said huskily. Napapikit siya sa sensasyon. "Kahit saan mo gusto."

"H-how about we go to somewhere private after this?" anas niya in between controlling his urge to drag his nape and give Gabe a hard kiss. He was really turned on by his advances. Nakakalimutan niyang nasa publiko sila.

"How about now?" said Gabe in ragged breathing. Bahagya itong lumayo sa kanya.

"N-now...?" disoriented niyang sabi.

"Yes. Now."

Wala sa loob na napatango siya. Namlayan na alng niyang inakay na siya nito palabas ng restaurant. Mukhang tinamaan siya sa kaunting nainom. Hindi naman kasi siya sanay.

Pagpasok nila ng sasakyan ni Gabe ay lalo siayng naliyo ng kabigin siya nito at halikan sa labi ng buong diin. Ramdam niya ang paghahangad nito. And boy, he feel the same way too.

Gabe is a good kisser as far as he was concerned. Naramdaman niyang tila siya inililipad at hinehele. Mainit ang labi nito. Na tinutugon niya ng mas maiinit na tugon. Ngunit ang sarap na dulot ng halik nito ay may epekto sa kanya. Unti-unti, dumausdos siya pababa dito. Napakapit siya sa beywang ni Gabe.

He heard him chuckled. "In a hurry, aren't we?"

Itinaas siya ni Gabe para sana ay halikan ulit ngunit laking gulat nito ng makitang nakapikit na ang kahalikan. Napapailing na inayos niya si Popoy sa pagkakaupo saka nito pinaandar ang sasakyan.


Itutuloy...

Wednesday, August 3, 2011

One More Chance - 10

Photobucket


Hello there, pasensiya na sa mga naghintay ng update nito. Ang pasaway ko kasing henyong utak ay may tatlong on-going stories. Salamat sa suport. Salamat lang talaga. Love you all...


Chapter 10

SABADO. Nakatakda ang pagkikita nilang dalawa ni Gabe. Hindi niya inasahan na sobrang ganda ng boses nito sa phone. Nawala tuloy ang mga ipinagdaramdam niya ng mga panahong iyon. Kung alam lang niya na ang makakatulong sa kanyang makalimot kahit saglit sa mga ala-ala ni Basty ay ang boses nito, sana ay noon pa niya kinuha ang numero nito.

Nasa kahabaan na siya ng Edsa. Magkikita silang dalawa sa Dencio's sa Megamall. Bahagyang umuulan ng gabing iyon kaya hindi nakapagtatakang sinasalubong niya ngayon ang traffic. Tiningnan niya ang oras sa relo. Eksakto alas-sais empunto. Rush hour pa. Mabuti na lang at malapit na siya sa patutunguhan.

Liliko na sana siya sa intersection kung saan maaari siyang mag-U-turn ng may bumangga sa likuran ng sasakyan niya na pampasaherong jeep. Agad ang ginawa niyang pag-apak sa preno para hindi bumangga sa sinusundang sasakyan ngunit nahagip pa rin iyon ng bahagya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang tatak ng sasakyang nadisgrasya. It was an Audi.

Napapalatak na lang siya at ini-imagine sa isip ang damage ng kotse habang bumababa. Bukod sa nakadale siya ng mamahaling kotse ay may nakadale rin sa kanya. Problema nito kung paano iso-shoulder ng nakabangga sa kanya ang damage ng sasakyan niya.

"Holy shit!" napapamurang anas niya.

Nagmamadali siyang bumaba at tiningnan ang damage ng Audi. Hindi naman malaki ang dent sa rear bumper nun pero alam niyang malaki pa rin ang babayaran niya dahil hindi sa ordinaryong casa ito ipapagawa. Naiiling na sinulyapan lang niya ng bahagya ang likuran ng saakyan niya.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Bumukas ang pinto ng Audi at bumaba naman ang driver ng jeep. Napapikit na lang siya sa desperasyon. Nagpasya siyang tingnan ang nasaling sa bahagi niya. Maliit na dent lang iyon at hindi halata kung di mo iinspeksiyunin. Nilapitan siya ng driver.

"Pasensiya na Sir. Palyado po ang preno ko eh. Hindi po agad kumagat ng umusad ako," nagpapakumbabang sabi nito.

"Paano yan Manong?" ang tanging nasabi niya.

"Eh paano nga po ba ito Sir? Wala pa po akong kita at may sakit pa si Misis," bakas ang pag-aalala sa mukha ng driver. "Baka po gusto ninyong hulugan ko na lang ang magagastos ninyo?" anito sabay hugot sa wallet at iniabot sa kanya ang sedula.

"Nariyan po ang address ko Sir. Kung may calling card po kayo ay pahingi po ako para matawagan ko kayo." pagpapatuloy pa nito.

Napahilot sa batok niya si Popoy. "Sige na po, Manong. Okay na po iyan. Ako nang bahala dito."

"Naku! Salamat Sir. Pasensiya na po talaga at maraming salamat ulit.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Samantala, nang paalis na ang driver ng jeep ay narinig naman niya ang boses ng isang lalaki sa likuran niya.

"Pare, itabi natin ang mga kotse natin," tumalima naman kaagad siya.

Mukhang suplado ang lalaki. Matangkad ito at medyo may kaputian. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil nakabaseball cap ito at nakasalamin. Pero naaninag niyang guwapo ito base sa bone structure ng panga. Natural din na mapula ang labi nito. Bagay rin sa katawan ng nakabanggaan niya ang boses nito. Deep. Masculine. Rugged. Parang porma nito.

He mentally shook his head. That was very weird of him to think that way. Nasa isang aberya na nga siya nagawa pa niyang mag-assess ng katawan ng tao? 

Nang maitabi ang kani-kanilang sasakyan ay bumaba itong muli at mabilis na sinilip ang dent ng kotse nito. Napapangiwing nilapitan niya ito. 

"Ahm... gaano ba kalaki ang damage, pare?" tanong niya rito. 

Sinipat niya ang relo at nakitang magsi-six thirty na. Malapit na siyang ma-late sa usapan nila ni Gabe. Mahirap ng magkaroon ng impresiyon na late comer siya palagi.

"Hindi naman ganoon kalaki. Pero sa tingin ko mahaba-habang usapan ito." anito sabay tayo ng tuwid sa harap niya saka nito inalis ang suot na cap.

Halos napatulala si Popoy sa dalawang bagay na iprinisinta sa kanya ng estranghero. First, the man was literally towering above him. Sa height niyang five eleven ay tinitingala niya ito. He must be six feet five or something. Second, he was a very attractive man. He was oozing with sex appeal and a very commanding presence. Napaka-suplado ng dating nito but he's the type of snob you would die for.

"I'm sorry," aniya sa lalaki. 

Humalukipkip lang ito at tiningnan siya ng mataman. Nakdama siya ng panliliit sa inaakto niya. Why in the world is he acting like a scolded child. He's the Medical City's Director for crying out loud! With that in mind ay naibalik niya ng unti-unti ang composure na kanina pa nawawala sa katauhan.

"Look, my car is insured and you'll get paid. In case na hindi ma-cover ng insurance ko ang damage ng sasakyan mo, I'm more than willing to pay the excess amount. I'm leaving you one of my ID's. Ito rin ang calling card ko." may pagka-snob niyang sabi sabay akmang babalik ng sasakyan ng magsalita ito pagkakuha ng ID at tarheta niya.

"Isn't it rude to leave your date here?"

Napatda siya sa narinig.

"What?" di makapaniwalang sabi niya.

"You heard it right, Doctor Richard Mondragon, Director, Medical City," natatawang sambit pa ng lalaki.

"No way." gilalas pa rin niyang wika.

"Yes way, Doc Popoy. I'm your date. I'm Gabe." anito sabay ngiti.

"I'll be damned!" natatawang sabi ni Popoy sabay lapit dito. Hindi malaman ang gagawin kung makikipagkamay o yayakap sa nagpakilalang ka-date daw niya.

Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Kung nag-aalangan ka sa gagawin mo, a handshake will do." tukso nito.

Agad ang pamumula ng mukha niya sa sinabi nito. Mukhang maloko ang isang ito base a laugh lines sa gilid ng mata nito. At hindi nga nagbibiro si Half ng sabihin nitong kahawig nito si James Yap. Hindi iyon eksaherasyon. Magkasing-tangkad din yata ang mga ito. Iyon nga lang, mas softer ang features ni Gabe but that doesn't made him lesser attractive and masculine.

Mas lalo siyang namula ng ito na ang kumuha sa kamay niya para isakatuparan ang handshake. Napaka-firm ng hawak nito. Nakapag-imagine na tuloy siya ng ilang maseselang eksena dahil doon.

God! Get a hold of yourself Popoy!

Napailing siya sa epekto ni Gabe sa kanya. Marahil ay nadadala lang siya sa obvious an admiration ng isang ito sa kanya. Grabe kasi ang kislap ng mga mata nito tuwing tinitingnan siya. Kagaya ngayon.

"Gabe, ah... you know it's impolite to stare."

Natawa lang ito. "Sorry Poy, but you have to know na ang hirap paniwalaan para sa akin na naririto ka ngayon at kaharap ko. Sa mga business pages lang kita nakikita eh."

Nag-blush na naman siya sa compliment nito.

"Ah... hindi ako sanay Gabe nang pinupuri."

Nagtaas lang ito ng isang kilay habang may pinipigil na ngiti sa labi. Tinapatan niya lang iyon ng reprimanding look na ibinibigay niya sa mga tauhan niya.

Pinagmasdan niya ulit ito mula ulo hanggang paa. Naaaliw talaga siya sa taas nito. Sabagay, binagayan naman iyon ng malaking pangangatawan nito kaya hindi alangan sa tangkad nito. Alon-alon din ang buhok nito na may kaunting patilya. Bagay sa genius look nito.

Gwapo talaga ang loko.

Malago ang kilay nitong bagay na bagay sa deep set nitong matang matiim kung makatingin. Maliit ng bahagya ang ilong na bumagay din sa manipis nitong labi. He looked yummy and delectable. Naka-walking shorts lang ito at tinernuhan ng maluwag na T-shirt na nagmukhang fitted dahil sa built nito. Naka-sneakers ito na walang medyas. Very comfy and yet quite rugged. An unconventional combination.

"I know I'm quite good looking." pukaw nito sa observation niya.

Natawa siya bagama't bahagyang napahiya.

"Yabang mo. Kumain na nga lang tayo." pag-iiba niya ng usapan.

"Sure. Sino bang mag-aakalang dito tayo unang magkikita? Akala ko nga male-late ako dahil nabangga pa ang sasakyan ko. Buti na lang ikaw ang nakabangga."

"I'm sorry talaga Gabe. Kung okay lang sa'yo ako na ang sasagot sa gastos."

"Okay lang 'Poy. Kaunting gasgas lang iyan at insured din ang sasakyan ko."

"Oo nga pala. Convoy na lang tayo ha."

"Okay," ani Gabe.

Maya-maya lang ay nasa pinag-usapang restaurant na sila. He was having fun with Gabe that Popoy forgot to take notice of the time for the very first time. Hindi kagaya noong sila pa ni Basty. Kapag may date kasi sila noon ay parang gusto na niyang umalis agad kahit kakaupo pa lang nila.

But with Gabe, it was different.

Tawa siya ng tawa sa mga jokes nito kahit corny. Pero may iba rin itong jokes na talgang mapapa-isp ka. Hindi nonsense kaya naman dedma siya sa mga nakakarinig sa halakhak niya. Oblivious din siya sa mga questioning stares ng nasa paligid. Bakit nga naman hindi eh dalawang magagandang lalaki ang magkasama na animo nasa isang date. Buti na lang at hindi romantic ang ambiance sa Dencio's.

"Okay, I have a friend. His name is Pluto and he's a cockroach," panimula nito ng panibagong joke.

"I'm beginning to think that you love insects," biro niya kay Gabe.

"On the contrary, ipis ako nung past life ko," sabi nitong ikinatawa niya.

Natawa rin ito sa ginawi niya. Natigil nga lang iyon ng hawakan nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.

"Gabe... m-may na-nakatingin..."

"I don't care 'Poy," determinadong sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya.

Gabe smiled. "I'm glad na napapatawa kita. Mukha kasing ang lungkot-lungkot mo kanina. Kaya tuloy hindi ko magawang magalit kanina kahit nabangga mo ang sasakyan ko. And I'm only thankful na yung crush ko at yung nakabangga sa akin ay iisa. Imagine my surprise ng lumabas ka ng kotse mo. Sabi ko, I have to make sure na ikaw nga iyon kaya hindi ako nagsasalita hanggang sa mag-abot ka ng ID mo."

Speechless siya sa madamdaming declaration of love ni Gabe sa kanya.

"G-gabe..."

"I know you're still hurting. At ang pakikipagkita mo sa akin ay way mo ng pagko-cope up but let me help you Popoy. Willing akong maging panakip-butas para sa'yo."

Hindi pa rin siya makaapuha ng sasabihin. Damang-dama niya ang sincerity sa boses nito. Iyon nga lang, hindi niya alam kung kaya na ba niyang makipag-compromise dito. Unfair naman yata kung gagawin niya iyon.

"T-that's unfair, Gabe..."

"Wala naman akong choice di ba? Dumating ako sa panahong naghihilom ka pa. So, let me help you instead. Di naman ako nagmamadali eh."

Nilinga niya ang paligid. Napailing siya ng makita ang mataktikang pag-iiba ng tingin ng ilang customer. Napabuga siya.

"Let's talk about this sa ibang lugar."

Nagtatakang tiningnan lang siya ni Gabe pero tumalima rin ito. Tinawag nito ang waiter para sa bill nila at hanggang makalabas na sila ng establisyimento ay hindi sila nag-iimikan.

Nang makarating sa parking lot ay binasag na niya ang katahimikan.

"Kaya mo bang sakyan lang ang topak ko hanggang sa maging full-blown na ang pagiging sira-ulo ko?"

Nagtatakang tiningnan siya nito.

"What do you mean?"

"Kung willing ka ba kakong magkaroon ng boyfriend na baliw?" natatawang sabi ni Popoy.

"Don't say that, hindi ka baliw."

"Yes I am. At kung di mo kayang sabayan ang topak ko, hindi ka pwedeng maging boyfriend ni Popoy Mondragon."

Napangiti si Gabe. Ganoon din siya. Mukhang na-gets na nito ang ibig niyang ipahiwatig. This time will be different. Hindi siya maglalagay ng restrictions. Wala ng inhibitions. Come what may. Ibibigay niya ang lahat sa bagong relasyon na papasukin niya. Doon din naman sila patungo ni Gabe, bakit pa niya patatagalin?

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago nagsi-sakay sa kani-kanilang sasakyan.


Itutuloy...

Thursday, July 28, 2011

One More Chance - 09

Photobucket

To my Sons: Unbroken, Alexander/Wingless, Dhenxo, Honeybun, Kearse, Jerick, Cody, Ayhian, Gboi, Gabbie and Eric Canicosa.

To my kapatid, kaibigan at attorney: Migs, Jai-jai and bx_35.

To my readers, critics and blog follower: Russ, adik_ngarag, Half, Earl of Dubai, James Wood, Fences, Eban Lopez, Mr. Brickwall, norimaru, Lemuel, Renz A., jsecretlover, emray08, ibanez, Ford, Dj, shanejosh, Razhly, Slazzer, arljamesdhine, carlorenz22, kokey, Jim, Ramm, ralph, arch_mon_char, jet javier, Steffano, ancel james, Roan, Norms, akie, keno, sk8rkid, shadow, Edge!, kogure, josh, wastedpup, aR, emray, Allen Cayetano, UnbreakableJ, Keme, rui-yi-yue, Jhay Ehm, Fayeng, JayThrow, Lonely402, kenblue08, joshX, joseph, harold, Bryan, Rham Jairus, ar.jhay, marQymarc, Anthony, raymond, Joshia_Von, Jasper Paul, Rupert, jayEm, earl22, Roj, VeryLucky, jake, RodgieLlarinTan, juicyp3n, Mcfrancis, Zoiana, silhouette, arch, nino, uno, jeffy, Nikkos, marclestermanila, chiichoi, keng barnes, coffee prince, archimides, chack chua, vincesaavedra, chinitoako, hardhat, lupin35, tweetybird, an avid fan, agentorange, bernardo carpio, ipe48, Dhigz, Kuya glen, Mormons27, mark_roxas45 at sa mga hindi ko nabanggit. sa susunod na lang mga hijo. :-) Makakalimutin na talaga ako. :-)


Chapter 9

"So, where did you meet this man-whore?"

Kahit ayaw ni Popoy na magtunog bitter ay ganoon ang kinalabasan niya ng humupa ang init ng kanilang mga katawan. He knew he sort of ruined the moment but he can't help it. And there it was, that question. Naroon sila sa sala, sumunod siya rito ng magtungo ito roon pagkatapos ng kanilang pagniniig. He was sure that they were having a good time dahil ganoon lagi ang gawi ni Basty after their steamy love making.

Marami siyang gustong itanong dito. Marami siyang gustong malaman. Para siyang masokista na hindi matatahimik hangga't hindi niya nahihimay ang bawat detalye kung paano nagkakilala ang dalawa. Kinakain ng selos ang buong pagkatao niya. Pagkatapos kasi ng maraming taon ay ngayon lang niya narinig kung ano ang mga reklamo nito sa pagsasama nila. Kahit pa sabihing may nangyari sa kanila ngayon ni Basty -na isang magandang pangyayari dahil indikasyon iyon na hindi maganda ang pagsasama ng dalawa- ay gusto pa rin niyang malaman ang lahat.

"Please. Stop saying that Popoy"

Napairap siya. "Huwag mong sabihing nasasaktan ka?"

"Hindi ko lang gustong naririnig kang nagsasalita ng ganoon."

"Nagsasabi lang ako ng totoo Basty."

"Paanong nangyaring ang pagiging man-whore niya ay ang totoo? Kung magtatanong ka lang ng maayos ay sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman."

Nasaktan siya sa narinig. Ganoon na lang ngayon kung magsalita si Basty sa kanya. Tinungo niya ang kusina at kinuha sa ref ang natirang pizza. Ininit niya iyon sa oven.

"So, where did you meet this stud? Sorry, that's the nicest it can get, sweetie." aniya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

"I met him in an art gallery."

Natigilan siya. "He's an artist?"

"Yes. He's a painter," tila walang-ganang sagot nito.

"How come you look bored?"

"Maybe because this conversation is starting to be a bore."

Napabuga siya. He should have see that coming. Sa gandang lalaki ni Basty, hindi malayong may magkagusto rito. Lalo pa ngayong hiwalay na sila, hindi na nito mapipigilan ang mga taong nagpapakita ng motibo dito. Magiliw pa naman ito sa lahat kaya hindi imposibleng may mahumaling dito. But from what he heard, Nikkos was a very submissive guy. His total opposite. At iyon siguro ang dahilan kaya ito nagkagusto kay Nikkos.

"He's a retard, isn't he?" nang-iinis niyang sabi.

"No. But you're acting like one."

Nanggilalas siayng bigla sa direktang pagbalik nito sa kanyang insulto.

"Tama na Popoy. Kunin mo na at ilabas ang mga gamit ko. Para na rin maisoli ko na sa iyo ang susi mo. In the first place, bakit mo pa ba ako pinadalhan ng kopya? Pwede mo namang itapon na lang ang lahat ng mga iyan. Hindi ko na siguro kakailanganin ang mga iyan sa bagong bahay namin ni Nikkos."

Hindi agad siya nakahuma sa sinabi nito. Parang gusto nitong palabasin na kaya niya ito pinadalhan ng kopya ng susi ng bago niyang bahay ay dahil gusto niya pa itong makita. As if!

Bakit, hindi nga ba?

Tumayo siya ng tuwid at itinaas ang baba. Hindi siya magpapatalo sa kung anong gustong sabihin nito sa kanya. Anything this man would throw at him, ibabalik niya. May interes pa.

"Didn't it occur to you that I may not want to see your face again? How confident can you get Basty when you were nothing ten years ago? Had It not been for me, siguradong ulilang lubos ka na ngayon. Mabuti na lang, marunong tumanaw ng utang na loob ang kapatid mo. Hindi katulad mo..."

"Damn you!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumama ang kamao ni Basty sa pisngi niya. Napasadsad siya sa sahig. Sapo ang kaliwang pisngi.

"Kung gusto mong pabayaran sa akin ang professional fee mo ng inoperahan mo ang ate ay sabihin mo! Hindi iyong isusumbat mo pa sa akin ang ginawa! Hindi ko hiniling sa'yo na gawin mo iyon Popoy at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na naroroon ka ng kailanganin ko ang tulong but I never expected na isusumbat mo ang bagay na ito." ani Basty na galit na galit.

Napayuko siya. Hindi dahil sa sakit ng suntok nito kundi dahil sa sakit na dulot ng mga sinabi nito. He didn't mean what he just said but his anger took over his reasons. At nagi-guilty siya. Nagtagumpay siya na galitin ito tulad ng nauna niyang plano pero mas siya ang nasaktan sa ginawa niya.

Mahal niya ang ate nito. Mahal niya ang lahat ng tungkol dito. Kaya hindi rin niya alam kung paano niya nagawa ang bagay na iyon.

"Leave..." aniya sa mahinang boses.

"Popoy..." ani Basty sa mahina ring tinig. Halos di makapaniwala na hindi siya tumatayo sa kinalulugmukan para gumanti rito.

"I said leave Basty!" galit na niyang turan. Hangga't maaari, hindi niya ipapakita rito na nasasaktan siya.

"I-i'm sorry..." akmang lalapit pa ito sa kanya.

"Leave! Get out! Get out of my damn life!" hiyaw niya sabay abot ng kung anong mahahawakan sa kusina para ibato rito. Mabilis naman itong nakaiwas sa mga inihagis niya at umalis agad sa kanyang bahay.

Naiwan siyang napupuyos sa galit. Hindi para dito kundi para sa sarili. Kailan pa niya hinayaan na maging mukhang kawawa sa harap ninoman? At kailan pa siya naging matapobre?

Since Basty left you.

Napakagat siya sa labi at hinayaang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan. Akala niya ay may maganda na silang patutunguhan. Mali pala ang akala niya. Tumayo siya. Kailangan niyang pag-isipan ang susunod na hakbang.

Nakakalitong isipin na ang kanina'y umaagos niyang luha ay mabilis na nawala. Siguro ay dahil sa pagod na siyang lumuha. Ayaw na niyang maging malungkot. Kung si Basty ay nagsasabing masaya na kay Nikkos, bakit hindi rin siya tumulad dito.

Ting!

Napatingin siya sa oven. Ininit niya nga pala ang pizza. Kinuha niya iyon at inihain. Habang ngumunguya ay may naisip siya. Kung mayroon na itong Nikkos, may Gabe naman na naghihintay sa kanya. Susubukan niya ang kapalaran niya rito. Siguro naman oras na para mag-move on. Patunay lang ang pananakit ni Basty sa kanya bilang tanda na wala na siyang halaga rito. He was only sorry he was the one that triggered Basty's violent side.

Napailing na lang siya at napangiwi ng maramdaman ang sakit ng pisngi habang ngumunguya.



BUZZ. BUZZ.

Napabalikwas si Popoy ng bangon ng maramdaman ang malakas na vibration. Mula iyon sa kanyang cellphone na nadaganan pala niya. Pagkatapos kasi niyang kumain ng pizza ay nagpahinga siya habang may nakatapal na cold compress sa mukha niya. Dagli niyang hinanap ang aparato.

"Hello." aniyang di na tiningnan kung sino ang caller.

"Oh bakit parang agitated ka pare?" natatawang bati ng nasa kabilang linya. It was Half.

Napangiti siya. "Napatawag ka?"

"I have good news." excited na sabi nito.

"Talaga lang ha?"

"Oo. Remember Gabe Kerby? Nakontak ko na siya."

"And?"

"He said he's willing to meet you."

Napangiti na siya ng husto. At least, there's someone who's still willing to know him. "Kailan daw?"

"Kung gusto mo, ibibigay ko na lang ang number niya sa'yo. Tapos ikaw na tumawag. Okay lang ba?"

"Oo naman." natatawang sabi niya sa kaibigan.

"Okay. I'll forward it to you." saka nito tinapos ang tawag.

Ilang saglit lang ay tumunog ulit ang cellphone niya. Isang business card number.

With a great hope inside his heart, he took a deep breath and dialed the number.

Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails